BALITA Bahaghari umalma sa kanselasyon ng ‘Patuchada’
EDITORYAL 03
SG Election Series: Agawan sa proyektong nakulayan
LATHALAIN 06
Pacesetter
T h e O f f i c i al Stud e n t P ubl i cati o n o f B u l a can State Un ive rs i ty
07
I can seize your vote Sino ang kandidatong nasa tono at sintunado
VOLUME NO. XLXIV SG PRIMER 2018 Our Solidarity will set us free bulsupacesetter.com /BulSUPacesetter
Tapatang BulSU One kontra Stand, ikinasa; ‘Di umano’y gayahan sa plataporma, kinondena MIGUEL MAGHINANG, JOHN MARC CRUZ AT JEROME CALAYAG
KARAPAT-DAPAT IBOTO. Sa huling pagkakataon, hinarap nina Nieky Quitain at Paulo Tanjente ang mga Bulsuans hatid ang mga plano nila sa mga pangunahing pangangailangan ng mga estudyante. Larawang kuha ni Mao-len Abad
M
atapos ang ilang linggong panunuyo at pangangampanya, nasaksihan sa unang pagkakataon ang pormal na tapatan ng dalawang magkalabang partido ng Bulacan State University (BulSU) Supreme Student Council sa ginanap na Meeting de Avance na nasaksihan ng masang estudyante sa Heroes’ Park, Abril 13. Sa gitna ng mainit na tunggalian ng hangarin at batuhan ng mga hinaing, inihayag ng bawat kandidato ang kani-kanilang mga layunin sa pagtakbo na siya namang pinuna ng mga estudyanteng nakapakinig nito. “Sa akin lang naman siguro ay hindi sila mulat o hindi nila alam ang mga mas mahahalaga pa na problema na kailangang solusyunan. Sa tingin ko nagiging competition na din ang nangyayari sa mga plataporma, dahil iniisip nalang nila ‘yong pang-tapat na solusyon sa kalaban,” pagbabahagi ni Edmund Tagle, BSAR 3C. Sinang-ayunan naman ni Alex Manalastas
mula sa College of Home Economics ang nauna na nakapansing may pagkakahalintulad nga ang mga ibinabanderang plataporma ng dalawang partido na dahilan upang maging tila hilaw ang mga layunin nila sa pagtakbo. “Platform nila e about competition lang talaga. Sobrang pataasan kasi ng ihi ang nangyayare sa election ngayon sa school e. Walang concrete na platform ang bawat isa. Nag i-imitate lang. Lakas mangako, lakas magsalita pero ang totoo wala naman nangyayari. Puro drawing lang,” ani Manalastas. Bughaw at dilaw na bandera Bagaman kinuwestiyon ang pagkakahawig ng mga plataporma, siniguro naman ng standard bearers ng magkalabang alyansa na magkaiba ang sigaw ng bawat isa. Sa panimula ng meeting de avance na pinangunahan ng Debate Society at ng Pacesetter, mariing nilibak ng asul na partido ang ‘di umano’y huwad na libreng
edukasyon na kasalukuyang ipinatutupad ng administrasyon. Ayon sa Stand BulSU, hindi pa rin naibibigay ng BulSU ang totoong libreng edukasyon na dapat na tinatamasa ng mga estudyante sapagkat may binabayaran pa ring miscellaneous fee ang mga ito kaya’t ang tugon nila rito ay mas malaking budget upang matugunan ang lahat ng mga pangangailangan ng institusyon. “Dahil tunay lamang na matutugunan at tunay lamang masusulusyunan ang kanilang activity-based platform [ng BulSU One] kung mayroon tayong sapat na budget at wasto ang budget allocation at utilization. Matagal na po tayong nagkaka-isa, matagal na pong nasa atin ang pagkaka-isa, matagal na po nating hiniling sa kanila na sumama sa laban ng tunay at libreng eukasyon,” pambungad na pasaring ni Nieky Quitain standard bearer ng STAND BulSU. TAPATANG BULSU ONE KONTRA STAND, IKINASA
02
02
BALITA
VOLUME NO. XLXIV SG PRIMER 2018 Our Solidarity will set us free
IISANG LAYUNIN. Nagtapat sina Paulo Tanjente at Nieky Quitain bitbit ang kanilang mga pangako kung sino sa kanila ang nararapat na maging sg president. Larawang kuha ni Arvin Eguia.
Tapatang BulSU One kontra Stand, ikinasa... 01
Tinanggap naman ng BulSU One ang hamon ni Quitain nang pabulaanan ni yellow party presidential candidate Paulo Tanjente ang naunang pahayag ng kalaban. “Tayo ang pagkakaisa. Tayo ang pag-asa. Ito po ang pangunahing pangangailangan ng Bulacan State University. Aanhin natin ang mga plataporma at programa kung hindi nagkakaisa ang grassroot levels,” saad ni Tanjente na nanindigang nananatiling watak ang masang estudyante at nangangailangang maisaayos muna. Alin ang naiba? Sa pagpapatuloy ng talakayan upang makilala ang bawat kandidato at kandidata, sa harapan ng mga senador na lumabas ang kapansin-pansing pagkakamukha ng mga plataporma. Mula sa BulSU One, tinapatan ni Mara Adriano ang kalabang si Jharell Cruz ng Stand. Pareho nilang isinusulong ang kapakanan ng mga atleta ng unibersidad kasama na rito ang pagtataas ng allowance na
natatanggap ng mga ito. Pinagtuonan naman ng pansin nina Varen Acuna (Stand) at ni Lawrence Angeles (One) na parehong mula sa College of Social Science and Philosophy ang isyu sa dumaraming kaso ng mental health sa unibersidad kung saan parehong nagbabalak na magtayo ng consultation desk ang mga ito para sa mga estudyante. Para naman sa gender sensitivity programs nagkatapat sina Pao Candelaria at Irish Domingo ng BulSU One at Stand na siyang parehong nangako ng pagsulong sa mga karapatan ng LGBTQ+ community. Nangako naman ng transparency sa loob ng Student Government (SG) si Fitz Soliman ng dilaw at si Mark Manangat ng asul. Sa huli, magkatugma pa rin ang pinupunto nina Billy Laigo (ONE) at Nina Salamat (STAND) sa pagkakaroon ng mas epektibong information dissemination sa pagitan ng SG at estudyante. Hatid nito, muling nagbigay ng pahayag si Tagle kung saan pinulaan nito ang mas nalimitahang pamimilian ng mga botante
patungkol sa direksyon na maaaring mapuntahan ng konseho nang dahil lamang sa sinasabing paligsahan sa pagitan ng dalawang partido. “Nakakalimutan na nila ‘yong essence kung bakit nila ginawa ang plataporma na iyon. Kaya hindi na rin nagiging malinaw ang nilalandas ng mga plataporma,” dagdag pa niya. Tampok na isyu at iba pa Maanghang na sagutan ang lalong nagpainit sa balitaktakan ng dalawang partido nang mabanggit ang mga pananaw sa ilang isyu na may kinalaman sa kapakanan ng mga estudyante. Para kay Quiatin, kailangan magkaroon ng ‘gender sensitivity desk’ upang matulungan hindi lamang ang LGBTQ+ community kun’di ang pangkalahatang kasarian sa loob ng BulSU na magpapatibay ng pagkakapantaypantay. TAPATANG BULSU ONE KONTRA STAND, IKINASA
03
BALITA
bulsupacesetter.com /BulSUPacesetter @BulSUPacesetter
Bahaghari umalma sa kanselasyon ng ‘Patuchada’ VHAL MANANSALA
Dismayado ang BulSU Bahaghari sa nangyaring kanselasyon ng ‘PATUCHADA’. Ayon sa opisyal na pahayag ng BulSU Bahaghari, kapwa sumang-ayon ang partidong STAND BulSU at BulSU ONE na dumalo sa kanilang programa na dapat ay gaganapin noong Abril 5 kung kaya’t sinikap ng mga incoming executive committee at organizers ng organisasyon na makapaghanda nang maigi. “Binigay kasi namin ‘yong letter kay Mr. Mac Raymundo, Stand BulSU representative at sinabi niya na s’ya na ang bahala at kakausapin niya si Joselle Sonajo na siyang campaign committee member kaya intindi namin okay na. Last year naman kasi hindi nagkaroon ng aberya sa pagiimbita sa dalawang partido,” pagbabahagi ni Sam Carlos, isa sa execomm ng BulSU Bahaghari. Depensa naman ni Joselle Sonajo, hindi nito
matandaan na pumayag ang STAND BulSU na dadalo ito sa ‘Patuchada’ ng Bahaghari. Tinukoy rin nito ang kakulangan ng Bahaghari sa koordinasyon nito sa Stand BulSU, “Hindi man nila kinausap ang aming campaign manager at basta na lang nila ibinigay ang sulat sa akin.” Upang matugunan ang hinaing ng Bahaghari, sinigurado naman ng BulSU Commission on Student Elections (BulSU CSE) na makapagtatanong ang Bahaghari sa mga kandidato sa miting de avance na inihanda ng komisyon. “Wala namang nilabag ang STAND sa hindi nila pag-attend sa event ng PATUCHADA 2018. Karapatan nila ‘yon na humindi at hindi pumunta at piliin ang mga event na dadaluain nila,” paglilinaw ni David Floyd Roxas, BulSU CSE Chair, sa mga kawani ng Bahaghari na nagtungo sa tanggapan ng CSE.
Pamanang antolohiya ng katutubo ng Pilipinas, inilunsad sa BulSU JEROME CALAYAG AT DANNA LE-AN PUATO
Sa paglalayong palawigin ang kaalaman ng mga bata sa pagbabasa, ipinakilala ng TALIS Research Group kasama ang University of Sevilla ng Spain, Bulacan State University at Little Free Library Philippines ang librong ‘Mucho Mas Que Un Archipelago… Cuentos de Filipinas’ sa Valencia Hall, ika-anim ng Abril. Ang nasabing libro ay naglalaman ng 500 pahina ng mga kuwento mula sa iba’t ibang dako ng Pilipinas na nakasalin sa lengguwaheng Ingles at Kastila na isinalarawan naman ng mga lokal na artists. “[This is] to promote literacy and help children who are struggling reading and achieve such really important and basic skill nowadays. Not just children but also adult can benefit from this initiative,” giit Dr. Ana Sevilla Savon, University of Sevilla Coordinator, Talis Project. Sa pakikipagtulungan ng Department of Education, Bataan Heritage Foundation at Little Free Library Philippines, nailathala sa librong ito ang daan-daang alamat na pamana ng mga katutubo ng bansa kabilang na ang mga Ivatan ng Batanes. Hangad ng proyektong ito na itaas ang kamalayan ng ating bansa sa mga tradisyon at
kultura sa pamamagitan ng pagsasaliksik ng mga kuwento at pag-re-record ng audio-tales sa wikang Espanyol at Ingles.
03
Tapatang BulSU One kontra Stand, ikinasa... “Mahalaga po na may aksyon at may gagawin ang student government dito sa BulSU, considering na diverse po dito ang kultura pati po ang kasarian. Bahagi po sa plataporma ng Stand BulSU ay responsive gender sensitivity program. Tayo po ay makikipagtulungan sa BulSU Bahaghari at sa Gender and Development (GADC) para po makapaglunsad ng educational drives para makapagpataas po ng ating kamalayan sa kasarian,” saad nito. 02
Gayon din naman ang tugon ni Tanjente sa kung paano masisiguro na ang BulSU ay isang lugar na tanggap ang mga miyembro ng LGBTQ. “Unang una po itataas po natin ang awareness ng ating estudyante na nage-exist po ang GADC natin, kung saan tutulong po tayo sa mga kayang gawin ng GADC. Ikalawa ang gender committee, hindi lamang po sapat na nandiyan ang Bahaghari ngunit mas magkakaroon ng pangil ang Bahaghari kung may representative ito SG,” paglalahad pa Tanjente.
Layunin din nito ang pagtaguyod at pagkilala sa iba’t ibang kultural at katutubong grupo ng Pilipinas na may masaganang koleksyon ng tulang akda at kwento na naka-aakit sa mata ng mga dayuhan.
Ilan pa sa mga napag-usapan ay ang mga paksang patungkol sa safety and security sa loob at labas ng unibersidad at ang usapin tungkol sa mga bagong polisiya kaugnay ng paggawad ng latin honors.
Ang makukuhang donasyon naman ng nasabing programa ay mapupunta sa Little Free Library upang mapalawig pa ang kanilang layunin na makapagtayo ng maraming aklatan upang matutunan ng mga bata ang kultura higit sa pagbabasa.
Ngunit bago magwakas ang palatuntunan, may iniwan namang bilin si outgoing SG President Ninna Arambulo para sa bagong mamumuno sa konseho.
“We also think that this is a step toward achieving sustainable development goal put together by UNESCO [o United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization],” dagdag niya. “The richness of Filipino creativity and the depth of the Filipino soul and the complexity of the Filipino identity is reflected in this book.”
“Sana ang maituloy ng susunod na student government ay ‘yong pagkakaroon ng isang council na hahayaang imulat ang mga estudyante at isama sila sa mga issues na kahaharapin natin. Of course, isang SG na prinsipyado, may paninindigan pagdating sa kanilang mga magiging disposisyon sa mga issues na kakaharapin ng mga estudyante. Isang SG na hindi nakapanig sa iilan kun’di nakapanig sa ikabubuti ng nakakarami,” pagtatapos nito.
Bukod sa librong kanilang inimprinta, magagamit rin ang audiobooks ng iba’t ibang istorya na libreng makukuha sa online channel na TALIS iVoox.
04
H
PRIVILEGE SPEECH
indi pa tapos ang ating laban. Sa kasaysayan ng ating pagkilos, marami na tayong napagtagumpayan.
At ang pinakamatining ay ang ating paglahok sa laban para sa libreng edukasyon. Sa iba-ibang porma ay nairehistro natin ang ating pagtutol nitong nakaraan sa profilling ng Free Tuition Policy 2017. Nagsagawa tayo ng dayalogo kasama si President Gascon, at nahikayat siyang pumirma sa manipesto para sa libreng edukasyon, nagpetisyon tayo kasama ang lahat ng BulSUans na sinabayan ng mga protesta, nagdaos ng room-to-room campaign, at lumapit din tayo sa senado at kongreso upang ipaenderso at mas lalong pagtibayin ang ating kampanya para sa mas mataas na badyet sa edukasyon. Dahil sa naidulot nating opinyong pampubliko sa ating makatarungang hiling, tumugon si Pres Gascon at ipinaitigil ang profiling upang malibre ang tuition ng lahat. Binunga ng sama-samang pagkilos ang ating isa pang tagumpay. Ang RA 10931 (Universal Access to Quality Tertiary Education), na sa kabila ng mariing pagtutol ng “Economic Managers” ng gobyerno ay naisabatas dahil sa patuloy na pagkalampag ng kabataan. Sa katunayan kahit piniramahan na ang batas, tila nangagalaiti si Sec. Ben Diokno ng DBM nang atasan nya ang mga SUCs ng “no student expansion” at mismong si Pang.Duterte ang nagsabi na hindi nya alam kung saan kukunin ang pondo. Ngunit nang dahil muli sa militansya ng kabataan ay natigatig ang senado at naglaan kaagad ng 40B para sa Libreng Tertiary Education kahit wala pang IRR o Implementing Rules and Regulations. Ngunit sa kabila ng animo’y tagumpay na, ang budget na inilaan dito at ang mga probisyon ng batas at IRR ang nagdidiktang
hindi pa tapos ang laban. a.) No Student Expansion, kung saan hindi maaring tumanggap ang isang SUC liban sa kasalukuyang bilang ng enrolled students nang pinirmahan ang batas (ngayong taong pangakademiko). Ang 40B na inilaang budget ay sapat lamang sa kasalukuyang estudyanteng enrolled sa 112 SUCs at 79 LUCs sa buong bansa at hindi para sa bilang ng kabataang kailangang mag-aral. Sa 20,000 aplikante ng BulSU Entrance Exam ay 5,000 lamang ang tatanggapin dahil ito lang ang kayang pondohan ng nasabing batas, at ang 15,000 ay maari lamang makapasok kung dadaan sa opt out mechanism; b) Ang Opt Out Mechanism kung saan ibubukas sa mga ‘financially-abled’ na estudyante ang ‘pagkakataon’ na bayaran ang kanyang tuition and other fees, na itatakda ng Board of Regents (BOR) kung magkano. Dapat din nating alalahanin na noong 2017 ay itinaas ng BOR ang tuition laboratory fee mula 200/unit tungong 600/unit, na siguradong magpapasakit sa mga estudyante mapipilitang magbayad. Walang mali kung matuwa tayo sa naging tugon ni Pang. Duterte sa ating panawagan ng libreng edukasyon, pero hindi doon ang hangganan ng ating pagkilos. Hangga’t may Rodolfo Urmanita na nagpakamatay bunsod ng hindi nabayarang matrikula sa kolehiyo, may naknakan na init na klasrum, may sapilitang bayarin kapalit ng grado, at kabataang napagkakaitan ng karapatan, tuloy ang ating laban. Sa panahon na tayo ay hinahati ng kasalukuyang ligalig ng lipunan, halimbawa ay sa ating pagsasawalang-bahala sa mga kabataang hindi makakamit ng libreng edukasyon habang tayo ay bundat na bundat sa ating pribilehiyo, magiging malaking kasalanan ang hindi pakikipagkaisa sa laban para sa libreng edukasyon ng lahat. Ang panahon ng student council election ay dapat panahon ng pagpapatampok ng mga isyu, kampanya at ng halaga ng kabataan sa pagbabagong panlipunan, kabataang hindi hinahangganan ng mga gawain sa pamantasan. Hindi ito mga araw ng pakikipagkamay sa lahat ng makakasalubong, pagsasabayang pagbigka, at walang katapusang pagpapatampok sa sarili.
VOLUME NO. XLXIV SG PRIMER 2018 Our Solidarity will set us free
kilitiin ang tenga at mata sa mala-pinilakangtabing na pag-unawa at pagkilala sa konsepto ng pamumuno, ito dapat ay instituyon ng mga liderestudyanteng tunay, palaban, at makabayan. At bilang partido na tunay na nagsusulong ng karapatan at kapakanan ng mga kabataan, obhetibo at masusi nating pinag-aralan ang kalagayan ng BulSU na gumagalaw sang-ayon sa kalagayan ng sektor ng edukasyon na nakaayon sa lagay ng lipunan. Ang ating pangunahing panawagan sa mas mataas na badyet sa edukasyon ay siyang tutugon sa lahat ng ating mga lokal na panawagan: Karampatang Suporta para sa Gamit, Pasilidad, at Allowance ng mga Atleta at Organisasyong Pangkultura, Isulong! Wastong Budget Allocation at Utilization para sa Facilities, Bantayan! Responsive Gender Sensitivity Program, Ipatupad! Comprehensive Mental Health Program para sa lahat, Isagawa! Mandatory Fees, Waksihan at Tigilan! Magna Carta for Students, Isulong! Panlipunang Pakikisangkot at Kamalayan, Itaas! Dagdag na Plantilla Position para sa Guro at iba pang Kawani, Suportahan at Ipaglaban! BulSUans, panahon na upang itaas ang antas ng ating paglilingkod at pagiging lider-estudyante. Dahil ang kahulugan ng pagiging iskolar ng bayan ay higit pa sa laban para libreng tuition fee at “mababang” bayarin, ito ay paglaban para sa lahat ng kabataang dapat ay makatamasa ng tunay na libreng edukasyon at higit, ay paglaban kasama ng hanay ng mamamayan na napapagkaitan din ng batayang karapatan. Sa pag-inog ng panahon ay dapat ipagpatuloy nating mga iskolar ng bayan ang pagpapaalingawngaw sa mga panawagan ng nagkakaisang hanay ng masang Pilipino. Uboskaya nating isusulong ang karapatan ng bawat mamamayan at wakasan ang ating pananahimik. Masikhay tayong tumugon sa bawat laban patungong tagumpay. Kasaysayan na mismo ang nagtakda na sa dulo, tayo ang laging mananaig.
Institusyon ang konseho hindi upang
MARIANE NIEKY
QUITAIN STAND BulSU
PRIVILEGE SPEECH
bulsupacesetter.com /BulSUPacesetter @BulSUPacesetter
I
sang nagkakaisang pagbati sa mga guro, kawani, at higit sa lahat sa mga kapwa ko BulSUans. Panahon na naman ng pagpili ng mga student leaders na siyang magsisilbi para sa kapakanan ng bawat estudyante ng Bulacan State University. Nais ko lamang magbahagi ng isang kwento tungkol sa isang mag-aaral na may daladalang magandang adhikain na magbubunsod ng positibong pagbabago sa ating Pamantasan. Noong Nobyembre 18, 1998, nagsimula ang paglalakbay ng isang batang lalaki na pinangalanang Mark Paulo Yambao Tanjente. Pinalaki ng kaniyang butihing mga magulang na sina G. Gilbert B. Tanjente at Gng. Yolanda Y. Tanjente na mabait, pinangaralan na maglingkod sa iba ng walang hinihintay na kapalit, at higit sa lahat magkaroon ng takot sa Diyos at lagiang manalangin. Siya ay pumasok sa Gen. Gregorio del Pilar Elementary School upang umpisahan ang lakbayin bilang isang mag-aaral. Bagama’t nagkaroon ng malubhang sakit na kamuntikan ng umagaw sa kaniyang buhay noong siya ay nasa ika-apat na baitang pa lamang. Siya ay nanatiling matatag para sa kaniyang pamilya at kaniyang mga pangarap sa buhay. Sa kabila ng mga nangyari, siya ay naluklok na Presidente ng Supreme Student Government ng kaniyang paaralan at sa buong distrito. Baon-baon ang lahat ng kaniyang karanasan noong elementarya noong siya ay pumasok sa Doña Trinidad Mendoza Institute kung saan mas napagpatibay at tumatag ang kaniyang prinsipyo sa pagsisilbi sa kalakhang estudyante. Maraming hamon ang kaniyang kinaharap ngunit sa pamamagitan ng pagkakaisang tangan-tangan ay napagtagumpayan ang lahat ng ito. Binigyan ng pagkakataong magsilbi sa Supreme Student Council sa loob ng apat na taon. Sa kaniyang huling taon sa sekondarya, muli na naman siyang pinagkatiwalaan bilang SSC President. Komunsulta, nag-isip, at gumawa ng mga proyektong makakapagpaunlad sa bawat indibidwal sa loob ng institusyon. Pagdating sa kolehiyo, bitbit ang pangarap na maging isang guro ng bayan. Kumuha ng kursong Bachelor of Secondary Education Major in English upang magpanday, magpaunlad at mabahagi ng kaalaman sa mga kabataan na siyang PAG-ASA ng bayan. Pinagtibay ng panahon noong siya’y pinili ng kaniyang klase bilang Class Mayor. Noong una pa lamang ay tinatanggihan na niya ang
hamon na tumanggap o tumakbo sa kahit anong posisyon ngayong siya’y nasa kolehiyo, ngunit naroon ang tawag ng responsibilidad kasama ang BulSUOne. Hanggang sa naluklok na nga bilang BSEd Board Member noong A.Y. 2016-2017 na siyang nagbukas sa aking isipan sa mga hamon na kinahaharap ng bawat estudyante at nagmulat sa kalagayan ng pamantasan at isyung panlipunan. Ang pagsisilbi sa kaniyang kolehiyo ng isang taon ang nagsilbing inspirasyon at pundasyon upang harapin ang isa muling hamon para sa kapakanan ng bawat estudyante. Tinanggap ni Paulo ang hamon sa pagtakbo bilang isang gobernador. Hindi siya nabigo sapagkat muli siyang pinagkatiwalaan ng kanyang minamahal na kolehiyo; dala-dala ang prinsipyo’t paninidigan upang pagsilbihan ang mga susunod na guro ng bayan. Kaalinsaba’y ang pagpapaigting ng serbisyong maka-estudyante at busilak na puso na siyang magiging sanggalang sa mga hamon na kahaharapin sa buong termino. Napagkaisa ang bawat organisasyon kasama ang Pulilan Extension para sa mas pinatatag at mas pinatibay na Kolehiyo ng Edukasyon. Pagsasagawa ng mga proyektong nagbukas ng kamalayan hinggil sa mga isyung panlipunan, sa pagpapataas ng kamalayan sa mental health ng bawat estudyante, maging sa mga kapatid natin sa LGBTQ+ community. Pagbibigay ng suporta sa mga atleta at mga sociocultural groups sa kanilang kolehiyo. Higit sa lahat, hindi lamang siya nakulong sa pagiging isang gobernador bagkus tumulong rin sa mga gawaing pamantasan mapa-main man hanggang satellite campuses. Ngayon, sa kanyang huling taon sa kolehiyo, nais niyang ibahagi itong muli para sa mga magaaral ng Bulacan State University bilang inyong susunod na Supreme Student Council President at Student Regent. Dala-dala ang mga karanasan simula noong unang tapak niya sa pamantasan, mga kaalaman na kaniyang natutunan, at serbisyong maka-estudyante na muling mag-uukit ng kasaysayan na magbubunsod ng positibong pagbabago. Angkas ang bawat pangarap at bitbit ang bawat kwentong siyang dadalhin sa Student Government. Hindi pa dito nagtatapos ang kwento ni Mark Paulo Tanjente, ito
MARK PAULO
TANJENTE
BulSUONE
05
pa lamang ang simula. Kumalas na tayo sa tanikala, sa kaisipan na kailan man ay hindi magkakaisa sa kadahilanang tayo ay magkakaiba-iba. Simulan natin bilang isang kabataan, tayo ay dapat MAGKAISA upang tayo ay magkaroon ng sambayanang mapayapa. Magkaisa para sa lipunang ligtas sa diskriminasyon at pangaalipusta. Magkaisa para sa pagbuo ng kasaysayang mayroong positibong maidudulot sa mga susunod na henerasyon. Malaking parte na ng buhay ko ang Student Government, ang pagsisilbi sa mga estudyante, ang ipaglaban ang kanilang karapatan kahit saan pa man makarating. Malugod kong tinatanggap ang hamon mga kapwa ko BulSUans. Muling magaalab ang puso ng isang lider-estudyanteng kayo mismo ang una. Ngayong 2018-2019, sabay-sabay nating harapin ang pagsikat ng araw sa kabila ng takipsilim; sama-sama nating salubungin ang makulay na bahaghari na siyang magsisilbing pag-asa sa bawat BulSUans. Tayo ang Pagkakaisa! Tayo ang Pag-asa.
06
EDITORYAL
VOLUME NO. XLXIV SG PRIMER 2018 Our Solidarity will set us free
SG Election Series:
AGAWAN SA PROYEKTONG NAKULAYAN S
a panahon ngayon, hindi lang sa teritoryo may nagaganap na agawan.
tumatakip sa layuning sumagot sa pangangailangan ng mga estudyante.
nagsasabing sumama silang umaksyon hanggang sa senado?
Bitbit ang kani-kanilang nais na ilatag na plataporma, parehong tumitindig ang partidong STAND BULSU at BULSUONE sa layuning maisulong ang karapatan ng bawat estudyante sa loob at labas ng pamantasan. Tangan ng magkaibang simbolismong kulay ang pagkakaisa at pagtataas ng diskurso na magiging unang hakbang sa pagbabago sa susunod na taong pangakademiko.
Naging matunog ang naging hakbang ng SG sa pagpapairal ng free tuition kung saan pinagaagawan ng dalawang partido kung sino ang mga pangalang itataas sa likod ng nasabing batas upang maisakatuparan ito sa loob ng unibersidad. Sa kabilang banda, nagtutulakan naman sila kung sino ang dapat managot kaugnay ng mga suliranin na nangyayari sa mga lider-estudyante ng mga kolehiyo o Local Student Council (LSC) ukol sa kanilang mga proyekto.
Kung tutuusin, hindi na dapat pang pagagawan kung ano ang mga nagawa na dahil bilang mga lider-estudyanteng mayroong katungkulan, responsibilidad ang magsulong ng mga reporma at resolusyon na tutugon sa mga hinaing ng mga mag-aaral at sa pagkukulang ng administrasyon. Bilang isang kolektibong bahagi ng SG, hindi na dapat pang mabahiran ng kulay ng mga partido ang mga proyekto kung ito ay tunay na para sa masang estudyante.
Pinaingay ang usapin ukol sa matagumpay na pagpapanukala ng free tuition subalit sino nga ba ang dapat na pasalamatan ng mga BulSUan para rito? Iyong partido umanong lumaban at nagpasimula nito o ‘yong kabila na
Ang pagpiling tumakbo para sa isang posisyon ay pagpapasan ng pangangailang ng libu-libong estudyante sa balikat - walang kulay at partido --- at ang tanging maitataas ay ang pagdulog at pagbibigay ng konkretong solusyon sa suliraning sumisikil sa karapatan ng bawat isa.
Subalit sa naganap na kampanya at Miting De Avance ng nagsasalpukang grupo ng mga liderestudyante ay kapuna-puna ang pagtataas ng sarili at ng pangalan ng partido kumpara sa kung ano ang nagawa ng kasalukuyang administrasyon ng Student Government. Dagdag pa rito ay tila nagpapahabaan ng listahan ng mga nagawang proyekto ang mga kandidatong nabigyan ng pagkakataong umupo at mailuklok sa pwesto. Nagmistulang pampbango ng pangalan ang kanilang nagawang proyektong isinulong upang makuha ang pagkilala n a
Dahil sa huli, kahit ikaw pa ang makakuha ng pinakamaraming boto, ang magagawa ng termino mo pa rin ang magdirikta kung ikaw ang tunay na nanalo.
Pacesetter
T h e O f f i c i al Stud e n t P ubl i cati o n o f B u l a can State Un ive rs i ty
SG PRIMER 2018
VOLUME NO. XLXIV
Issue-in-Charge: Enrico Miguel Maghinang, Ierah Keihl Jaochico, Russel Cyra Borlongan, Nicole Beltran, John Moises Cruz, Jerome Calayag, Jonah Micah Cruz, Edmond Rivera Staff Writers: Jewel Rain Fabian, Christian Val Manansala, Danna Le-an Puato, John Marc Cruz Layout artists: Vincent Angelo Pablo, Hazel Facun, Lance Pascua Artists: Allen Khristian Cruz, Zybion Arcega, Rhiegan Sumabat Photojournalists: Marie Dennisis Pascual, Mao-len Abad, Arvin Eguia
LATHALAIN
bulsupacesetter.com /BulSUPacesetter @BulSUPacesetter
S
kanilang gustong ihatid. Susunod na sasalang sina Gio Reyes Jr. ng BulSU One at si Nina Salamat ng STAND BulSU. Aling kayang tinig ang may hatid na pag-ibig?
a araw na ito, nasa kamay mo ang magiging tono ng susunod na termino.
Magsisimula na ang palabas at sa tabing sila ay lalabas. Sila’y nakabihis. Lahat ay itsurang malinis. Sila’y nakaayos. Subalit huwag magpatangay sa agos. Sa likod ng matikas na paghawak ng mikropono, nakatago ang mga platapormang sintunado at mga pangakong nagbabalatkayong nasa tono.
Ani Reyes, makakaasa ang BulSUan dahil narito na ang serbisyong mula puso ang makikining sa ating pulso kung siya man ay mananalo bilang senador. Ipaglalaban ang karapatan at ang kalagayan ng mga mag-aaral ng ating unibersidad.
Pahihirapan ka. Lilituhin. Panukat mo’y social media, ang kanilang kampanya at ang mga posters na nakabalandra. Subalit hindi ito sapat kaya’t huwag munang kakagat.
Para naman kay Salamat, mamamayan ka muna bago maging magaaral. Kung kaya’t kaniyang plataporma ang pataasin ang panlipunang kamalayan ng mga estudyante sa pamamagitan ng pagsusulong ng mga programang mahalaga sa komunidad ng Pilipinas tulad ng community outreach.
Sino and dapat iboto? Sino ang nasa tono at sino ang sintunado? Ating alamin ang isinusulong nilang plataporma ngayong tapatan sa ating halalan.
At ang huling magpapasiklaban subalit hindi huli sa listahan para sa labanan ng mga senador ay sina Beida Santos ng STAND at Billy Laigo ng BulSU One.
‘Ang puso ko’y litong-lito…’ Kailangan mong pumili kahit lituhin ka ng mga boses na kumakalampag sa’yo. Pero mas nalito raw siya kaya lumipat sa kabilang partido. ‘You deserve no less’ daw pag siya ang iyong binoto. Si Lawrence Angeles ng BulSU ONE na tumatakbong senador kaya ang dapat na piliin mo? “Layunin ko po na isulong ang mental health friendly university gayundin ang ating pakikilahok sa mga social-cultural groups.” Ngunit mas malilito ka dahil sa kabilang partido nama’y may nagsusulong ng comprehensive mental health program. Nasa tono ba kaya ang kanpaniya ni Varen Acuna ng STAND BulSU? “Panahon na po para maging bukas ang Bulacan State University sa ganitong uri ng usapin ang bigyan pansin ang kabikabilang kaso na may kinalaman sa psychological wellbeing ng mag-aaral.” Umuugong din ang usapin ng umano’y nasisikil na kapakanan ng mga atletang sa BulSU ay nagbibigay karangalan. Kaya’t sa pula man o sa asul, merong nananawagan upang sila ay higit na mapagtuunan. Subalit sino nga ba sa mga kandidato ang tunay na makapagsusulong nito? Para kay Jharel ‘Mamshie’ Cruz mula STAND BulSU, hindi lang sa tapatan ng mga ‘diyosa’ niya kayang makipagtapatan kundi maging sa pakikibaka para sa mga kapwa niya atleta. Naniniwala siyang hindi s’ya mapapahiya dahil mas kabisado daw n’ya ang liriko ng kanyang isinusulong na plataporma. “Ang akin pong plataporma ay para sa mga atleta at cultural performers dahil naranasan ko na bilang isang atleta ang kakulangan sa higaan, palikuran, at sa maayos at malinis na dormitory at bukod pa rito ang mabagal na pagbibigay ng allowance para sa amin”. Lumipat naman tayo sa kabilang linya. Kailangan mo daw ang marangal na pagkatao dahil para sa kanya, una ka sa karera. Pagkakaisa raw para sa mga atleta ang kaniyang kinakanta. Si Mara Adriano nga ba ang dapat piliin at iboto ng mga BulSUan? “Nais kong isulong ang higit na pagsuporta at atensyon para sa mga atleta ng ating unibersidad na silang nagrerepresenta sa atin sa iba’t ibang patimpalak”. Pagkakapantay-pantay at respeto para sa bawat isang mag-aaral anuman ang kulay na tinataglay. Ito ang parehong platapormang ninanais ipaglaban ng mga tumatakbong senador nina Irish Jane Domingo at Jhune Paolo Candelaria. Sino nga ba ang nasa tamang tono? Sino ang nakikisabay lang sa koro? Para kay Domingo na mula sa STAND, kinakailangan ng isang programa para sa gender equality na magtatrabaho sa loob ng Student Government (SG) para umano maiwasan na ang pagkulay ng interes ng anumang partido. “Bitbit ko ang platapormang responsive gender sensitive program dahil alam naman natin na sa loob ng ating pamantasan ang iba’t ibang uri ng diskriminasyon.”
07
SINO ANG KANDIDATONG NASA TONO AT SINTUNADO NICOLE BELTRAN AT CYRA BORLONGAN Pakinggan naman natin ang himig ng pagkakaisa para sa gender equality na isusulong ni Candelaria mula sa BulSU ONE. Ayon sa kanya, kinakailangang maihatid ang kaalaman at impormasyon upang magkaroon ng higit na awareness sa loob ng paaralan. “Mga seminar upang mas makilala ang SOGIE Bill sa ating unibersidad. Action to research and resolution upang gender expression ay patuloy na maipaglaban.” Karapatang pang-estudyante naman ang bida sa mga susunod na kandidatong narito. Diba’t nakalilito? Pero sino nga ba ang dapat iboto? Si Yves Martines ba ng STAND o ang mula sa BulSU One na si Jersey Fajardo? Isinusulong niya ang karapatang pang-akademiko. Ipagtatanggol daw niya tayo sa mga pasaway na propesor. Makikinig, mag-iisip, at kikilos. Iyan ang pangako ni Fajardo. “Makikinig sa mga hinaing at hindi magbibingi-bingihan. Mag-iisip ng mga paraan upang problema niyo’y mabigyang kasagutan. Kikilos ng walang pag-aalinlangan at ipaglalaban ang inyong karapatan.” Plataporma’y pagtatatag ng Magna Carta for students. Bibigyang kaalaman ang mga BulSUan sa kanilang mga kaparatan. Iyan naman ang nais ni Martinez. “This [Magna Carta] will inform the students on how to enforce their rights para mawala na ‘yong palakasan system, ‘yong estudyante hindi nasisita ng guwardiya, o ‘yong mga students na malakas sa professors o sa admin.” ‘Sino ang pipiliin ko?...’ Bago sumakit ang ulo sa pagpili ng nasa tono, narito ang ilan pang senador na manghaharana sa’yo upang makuha ang matamis mong boto. Parehong usapin ukol sa pera ang kanilang plataporma subalit sigurado kayang hindi sila magiging sirang plaka? Si Fitz Soliman ba mula BulSUOne na transparency sa budget para walang mangungupit o si Mark Manangat ng STAND BulSU na nagsusulong ng proper budget allocation para wala nang sirang upuan, mainit na rooms, at maruming palikuran? Parehong pagmamalasakit at pag-aalaga ang
Kay Santos, ikakasa niya ang pag-alis ng mgamandatory fees na lubhang nagpapahirap sa mga mag-aaral ng BulSU sa pagbili ng karagdagang libro at tickets na binunsod ng kawalan ng sapat na budget. Kukumpleto sa listahan ng mga kandidato para senador ng BulSU One si Laigo na lumalaban para sa tamang information dissemination sa loob ng ating pamantasan para raw “information is always ready.” Sino ang nasa tono? Sino ang sintunado? Ito na ang inaabangan ng lahat... ang huling sulyap at tapatan. Ito ang desisyon kung sino nga ba ang nasa tono ng serbisyo. Ipakilala natin ang partidong nagsusulong ng pangunahing plataporma na ‘GGSS’ o ‘Go for Greater State Subsidy’ at plantilla positions para sa mga guro. Pakinggan ang kinakantang plataporma ng tambalang Nieky Quitain para presidente at Marco Fidel para bisepresidente. Hindi raw sila nagpapaganda dahil GGSS ang kanilang hangad. Ito’y paglaban daw para sa mas mataas na budget mula sa gobyerno para sa masang estudyante upang makamit ang tamang alokasyon nito upang magamit ng husto ng unibersidad. Pakinggan naman natin ang laban ng partidong BulSU ONE kasama ang tambalang Mark Paulo Tanjente para presidente at Cathy De Guzman para bise presidente. Sigaw nila ay pagkakaisa. Pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba. Ito raw ang pangunahing pangangailangan ng mga BulSUan para magawa ang mga ninanais na plataporma. Pagkakaisa na nawala noong nakaraang administrasyon ang kanilang isusulong. Dahil para sa kanila, tayo ang una. Hatid nila ang serbisyong makaestudyante at paglubog sa mga pangangailangan, suhestiyon, saloobin ng mga BulSUan. Dahil sa pagkakaisa, mapapatunayan umano na ang BulSUan ay para sa masa. Magkakaiba man ang mga platapormang inaawit, iba-iba man ang mga proyektong ibinibirit at magkakaiba man ng kulay ang bandilang sa mga dingding ay sinabit, isang tinig lang ang dapat manaig at kapakanan ng BulSUan ang dapat na itindig. Dahil sa kabila ng ingay ng social media, ng kampanya at mga magkakalabang plataporma, mananaig, magngangalit, mag-aalab ang boses ng mga mag-aaral sa bawat balotang naglalaman ng makapangyarihan nilang boto.
LIBANGAN
bulsupacesetter.com /BulSUPacesetter @BulSUPacesetter
HALU HALU KIYEEEME~! Dumating na naman ang panahon kung saan ikaw ang Beshy of the Century! Kamayan dito, ngitian doon. Hayst grabe. Lahat gustong makuha ang iyong boto!
At dahil to the highest level ang noise pollution na hatid ng kanilang mga tinig, hindi na made-deny ang kanilang pagiging seen-tunado! Babayuuu! Atlit, maguuwi siya ng one year supply ng Strepsils at salabat. Ehem!
And since it is our job to vote wisely, i-try mo munang i-row row your vote para kilatisin kung sino ang seen-tunado at hindi pagdating sa pagbibigay ng serbisyong totoo!
3. BIDA ang Saya! Spirit Animal: You-know-who, Totoy Bibo
Heto ang tatlo (hanashtag LTB) sa mga siguradong e-eksena ngayong eleksyon! You better watch out!
Anong ginagamit pansagip sa mga pa-bibo?
1. Ikaw na ang LUGAWin!
Edi…Salba-bida!
Spirit Animal: Aling Vicky Lutang pa sa lutang, sabaw pa sa sabaw si Lugaw. Ayon dito, ibang klaseng paghahanda sa floating ang ginawa niya para sa kampanya. Iba rin daw ang pampabigat strategies na dala-dala niya! Abaaaaa! Besh, hinihigop ang sabaw, hindi inuugali! Hindi rin weightlifting ang sports ng mga kapartido mo para buhatin ka pa nila. Ano ka, royalty? Do your job! Or gusto mo, ihulog ka na lang namin sa imburnal na kasing dumi ng budhi mo? Aling Vicky, oh! Ang ating hatol? Definitely, seen-tunado! Maguuwi siya ng 5000 worth ng am ng sinaing at McFloat. 2. I TOKWA-nna Close my Eyes Spirit Animal: Lolit Solis, Kris Aquino (I pray for your ears kapag na-encounter mo ng joined forces ng dalawa #Level9999)
VOLUME NO. XLXIV SG PRIMER 2018 Our Solidarity will set us free
PRESENTS
#BulSUansCanSeeYourVote Talk talk talk! Hanash ditey, hanash doon. Puro charot! #PATOKwa Nakakapagpanting ng tainga ang mga kagaya nila. Warlaaa, I’m gonna be so rindi na on their booratatatat at dubidubidapdap na kakaotalk. In the end, hindi mo na malaman kung ano talagang pinaglalaban nila. Aber, mekeni mekeni dugdug do-raaaaygun!! *pew pew* (At simula noon, nawala na ang tokwa sa universe #TOKWAla)
Tuwing eleksiyon, ang buong university ay isang malaking pelikula na nagkalat ang extra. Extrang drama, extrang kontra, dagd agan pa ng extrang edit sa tarps. Pero siyempre, hindi magpapahuli ang mga bida-bida! Hep hep! Huwag magpadaan sa mabulaklaking salita, sa bibong-bibo nilang galaw at baka hindi ka maligtas once ma-fall ka. Aww. Sayang ang mga binitawang pangako at plataporma. Para lang yang si crush na walang ibang gawin kundi ang paasahin ka. Pafall-itics ang gaming. Ibaaaa! At bilang sila na ang umaaribang population this election (relatives sila ni tokwa, pareho silang masahog at mapapel in life), it’s a NO. Ito na ang may hawak ng korona bilang ultimate seen-tunado. May tiyansa pa siyang makasali sa Tawag ng Tanggalan sa Shootime. Awaaard! BulSUans, don’t forget to cast your rights this year for #BulSUElects2018!
*PERAMED! Na na na na na na na layk a perameeeeeed* Nanditerey nei ang chikadora nei pang-masxzuuuuh! Preshenting *drum rowllxscz phuleeeaaase* Charing! Nanditey na ang mga iksinang kapaney-paneybik na akiz nakalaps sa akeyng paglilibowts sa unibersidad at sa towlongs ng akiz mangey sowrsessss.. Kamfunyuh zerye na namunh woooooooh parteh. Ebliwers nemern ang mangey bowtfohmeh *winksxz* da ultimet kwestyown is duyu dazerv r bowt? Well well well. Wut wut wut? Kaka-urky. Isyu Numberr Tirey!
Isyu Numberr Wann! Iksina: Wiz daw redi sa betchin barreto candyd ato foh cheni, gobi and baysi. Kaka-urki coz beys on my sowrsessss may Iza Calzadong browd ang wanted nitech na gobi bater witchikels bet ni mumshie sooo it’s a No, No batter antil duh dedlayn op da payling, kulit kulit far in. And lastminit hatuck daw kung ebliwer ng kafa Lit. Beys on my sowrsessss witchickels din redi foh cheni coz dose ginetching dawnt hab ekspi flus ip u hab da luks. Fasadoeh ka nuh. *winksxz* Ka-urky!!! Divuh? Divuh? Isyu Numberr Shu! Iksina: Sinetch naytin shaning awrmowr ang may betchikels daww end nag-de fhend sa Iza Calzadong gobi fwome phewtyur maya and boy sa pwesbuk coz samwan fwome oder parchie daww acute dat mumshie bowt humanbeing ferbeyowr owf paketeng newstory flush dat mamshie raw wiz werkwerk foh da kalege, dyas labing laving daw. Batter da naytin shaning awrmowr steyted olda ativments ofda gobi foh maz studs. Batter da oder sayd op da uni, de fhend koya wu ses witchikels lafug nemern si koya ng aydentity chow valik kay naytin shaning awrmowr ang kwetion ip naytin shaning awrmowr it atuming end add mited dat gobi is humanbeing ferbeyowr owf paketeng newstory end wiz werkwerk foh da kalege, dyas labing laving daw.
Iksina: Sinetch falis nei baysi na witchickels daw apruv ni P turan coz kuraks batter wanted nei ewanted ni mumshie, batter da dezisyown is paynal it’s a No, No. Sow daparchie slek ader candyd ato end ebliwans ashari way not mumshie sins hay hay powwst nei. Dan dan dan… dalandan… Urky urky
lang daw shumulorng end nya wan dat gat awey naei ang peglers. Urky urky *plays sayang na sayang by aegith* eng boat toh ng mud lang pips. Witchikels janno gibs aktet sei meysmuk so kwin P werkwerk 2 ow fen huwes r foh studs impo.
Isyu Numberr Powr!
Ayern mangey ka-vulzuan chus ur betchikels wit dose hu u tink mala-cardow duhlizay na redi 2 aksyown dezpayt da straglels. Downt chus ur betchikels coz wafu ow buuty lungs. Waley ni men us mafu-faluh sei ganyen *wink* Shoooooow boat foh meh! Type SSC <space> CHARING send shu 6120.
Iksina: Sinetch falis nei cheni pazawt lat mishing d foh werd nei wiz daw kill ows se esnyi. Ashin wann taym
Charing shy ning awwwwwwt *wiiiiiiiiiink* (boat foh meh haaaaa?)
KOMIKS