SG PRIMER 2017

Page 1

Pacesetter

Opisyal PahayagangPang-estudyante Pang-estudyante ngng Bulacan StateState University Ang Ang Opisyal nana Pahayagang Bulacan University

VOLUME XLVI ISSUE NO. 06

ABRIL 2017 Our Solidarity will set us Free

Online enrollment system inulan ng pamumuna;

BulSU One, Stand naghain ng magkasalungat na plataporma DEAN CARLO VENTURA, ENRICO MIGUEL MAGHINANG AT RONALDO MAGSAKAY

Atras. Abante. Matapos ang limang taong pagsusulong sa online enrollment system, muli na naman itong naging sentro ng usapin sa kasagsagan ng kampanyahan para sa Supreme Student Council ngayong magkasalungat na pananaw at layunin ang dala ng magkalabang partido ukol dito noong nakaraang Meeting De Avance, Marso 29. Hati ang naging pananaw ng BulSUOne at Stand BulSU sa enrollment system na naging sanhi ng kalituhan sa kung ano ba talaga ang magiging direksyon ng proyektong ito sa darating na taong pang-akademiko. Ipinahayag ng Stand BulSU ang direktang pagkondena sa BulSU One matapos punahin ang ‘di umano’y kapalpakan ng mga nagdaang liderato ng Student Government (SG) sa ilalim ng nasabing partido sa pagsolusyon sa sistema ng enrollment sa unibersidad. “Ang problema naiimbak tayo sa [pila sa] cashiers. Ang kailangan additional cashiers. Bakit hindi online enrollment? Online enrollment, iyan ay online assesment, online evaluation. Matututo kang mag-online kailangan mo pa ng visa card para makapagbayad. Kung wala [visa card] pipila ka pa rin,” saad ni Ninna Arambulo, Stand BulSU presidential bet. Nanindigan

naman

ang BulSUONE na huli na para talikdan ang online enrollment sapagkat tuloy na tuloy na ang implementasyon nito sa darating na semestre (summer class) matapos ibida na ito ay sasailalim na sa initial server testing at sabay na ibinasura ang mungkahing decentralized enrollment ng Stand BulSU sa kadahilanang ito ay kokonsumo ng malaking badyet dahil mangangailangan ito ng maraming collecting officers o clerk. TIME DELAY Matatandaang nagsimula ang mungkahing ipatupad ang online enrollment system noong 2011 sa liderato ni former SSC President Brian Carpio ng Partido-Pagkakaisa ng Demokratikong Mag-aaral (PDM) dahil na rin sa walang katapusang reklamo at perwisyong hatid ng mabagal na proseso ng enrollment sa Bulacan State University (BulSU). Unang isinulong ito na may planong ibsan ang mahabang pila ngunit mula noong 2012 ay hindi na ito nasundan pa at nakuntento na lamang sa Local Area Network (LAN) based assessment sa bawat kolehiyo na unang napasimulan

noong 2011 alinsunod sa Board of Regents resolution sa parehong taon. “Kahit gumastos pa ng malaki para sa decentralized enrollment, sige lang. Buhay naman ang maisasalba. Wala na dapat pumila ng madaling araw para lang maka-enroll. Hindi rin lahat ng naibibigay ng gobyerno ay nagagastos ng BSU,” ani James Pagdanganan, dating chairperson ng PDM at kasalukuyang campaign manager ng Stand BulSU. Gayundin naman, naging malaking usapin din sa nagdaang Meeting De Avance kung sino ba talaga ang nagsusog ng LAN-based assessment na ayon sa BulSU One ay ginagamit ngayon sa bagong pangalan na “decentralized enrollment”. “Una po sa lahat, point of clarification nagsimula ang LAN-based assessment sa panahon ni former SG President Robert Porciuncula (mula sa ASAP na ngayo’y BulSU One) hindi po decentralized enrollment [ang] tawag do’n. Huwag po tayong maging credit-grabber. Ang pinaglalaban po ng BulSU One ay para po sa estudyante,” paglilinaw ni BulSU One presidential bet Laureen Caparas. Mariin naman itong pinabulaanan ng partidong Stand BulSU sa pangunguna ni Arambulo. “Ang nagsimula po ng LANsundan sa pahina 2

BAGONG REYNA NG KONSEHO. Nagharap sa Meeting De Avance sina BulSU One presidential bet Laurene Caparas at Ninna Arambulo ng Stand baon ang magkasalungat na plataporma at kumpiyansang isa sa kanila ang magiging bagong pinuno ng SG. KUHA NI: FIONAMAE HILDA ABAINZA


SG Primer 2017

2

BALITA

APRIL 2017 VOLUME XLVI ISSUE NO. 06

4 BulSUOne nag-aklas partido;

Stand BulSU inaasahang madaragdagan pa ito ROMAR ZABALA

pamamagitan ng paghahain ng isang complaint laban sa kanila ngunit ibinasura at hindi naproseso gaya ng kanilang inaasahan. “Walang pagtayo, walang ginampanan ang SG natin [hinggil sa iba’t ibang mga isyu]. As a result, maraming lumilipat dahil hindi na nila [BulSUOne] pinakikinggan pa ang hinaing ng mga BulSUans at ng mga taong nakakakita directly ng mga isyung dapat sana’y tuldukan nila bilang mga student leaders,” ani Harata. Sa kabila nito, naniniwala naman ang partidong BulSUOne na hindi natatapos ang misyon nilang makapaglingkod sa mga estudyante at kanilang malugod na tinanggap ang desisyon ng kanilang dating mga kasamahan. “Kung sa tingin nila na sa paglipat ng partido ay mas mapaglilingkuran nila ang mga estudyante, sa huli ay panalo pa rin ang mga estudyante. Ito naman talaga ang layunin ng aming partido— ang paglingkuran ang kapwa naming BulSUans,” tugon ni Pergent Galang II, campaign manager ng BulSUOne.

PRINSIPYO KONTRA PARTIDO. Nanindigan si Stand BulSU senatorial candidate John Carlo Harata na kaya niya piniling lumipat ng partido ay dahil sa kawalan ng direksyon sa pamamalakad ng kabilang partido. Kuha ni: Fionamae Hilda Abainza

Kasabay ng mainit na kampanyahan at labanan sa pagitan ng dalawang partido-pulitikal ng Bulacan State University (BulSU) ngayong taon, apat na taga-suporta ng BulSUOne ang umalis at lumagda ng kanilang deklarasyon ng paglipat sa partidong Stand BulSU sa gitna ng nalalapit na Student Government (SG) Election. Ayon kay College of Architecture and Fine Arts Gov. John Carlo Harata, na isa rin sa mga lumipat ng partido at ngayo’y kumakandidatong senador

sa ilalim ng Stand BulSU, nag-ugat ang nasabing paglipat ng mga loyalista ng dilaw na partido matapos umanong kumupas at mabuwag ang dating matatag na prinsipyo ng dating alyansang kanyang kinabibilangan. Dagdag pa niya, isinulong ng mga kapwa niya gobernador mula sa iba pang mga kolehiyo ang pagpapatalsik sa tatlong senador ng kasalukuyang SG na sina Shaira Dimagiba, Patricia de Guzman, at Joshua Garcia noong nakaraang Oktubre sa

Saad naman ni James Pagdanganan, ang campaign manager ng Stand BulSU, taon-taon ay patuloy na nagsisilipatan ang mga miyembro ng BulSUOne sa kanilang partido at maging mga alumni ng kabila ay sa kanila na ngayon nagbubuhos ng suporta. “Mas pinili ng mga bago naming mga miyembro ang prinsipyo kaysa partido. Pro-admin daw kasi ang kabila, hindi rin kasi nila alam ang mga konkretong kalagayan ng mga BulSUans kaya patuloy na nalalagas ang kanilang bilang,” pagtatapos ni Pagdanganan.

Online enrollment system inulan ng pamumuna...

mula sa pahina 1 based assessment o decentralization ng assessment at evaluation ay si former president Brian Carpio (mula sa PDM na ngayo’y Stand BulSU). Kung ito ay inihain niya [Porciuncula], maganda. Pero kung pagbabatayan natin kung sino nga ba ang nag-push o nag-giit upang ito ay maisakatuparan may copy kami ng BOR resolution patungkol sa LAN-based enrollment,” pagpapatunay pa ni Arambulo.

malaki kung online enrollment ang gagamitin,” puna ni Arambulo.

Sa kabilang banda, idinagdag ni senatorial candidate Harata na hindi aabutin ng milyon ang pagpapatupad ng inihaing plano taliwas sa pahayag ng kampo ni Caparas sa pangunguna ni Peter Gaba, senatorial candidate, na nagsabing ‘di umano’y milyon ang kakailanganin para sa planong decentralized enrollment system.

DESPERADO MOVE

“Ang nilalaban ninyo ay decentralized enrollment ngunit nilalaban ninyo [rin] na kulang tayo sa facilities at kailangan natin itong tugunan. Gumawa ba kayo ng research na ang decentralized enrollment ay magco-cost ng malaking budget sa university?” ani Gaba “At hindi ito biro dahil kailangan natin ng plantilla positions upang magkaroon ng cashier na magco-cost ng millions.”

Isinusulong sa ngayon ng STAND BulSU ang decentralized enrollment system na layong magdagdag ng bilang ng functional cashiers at registrars sa bawat kolehiyo para sa mas mabilis na pagbabayad ng tuition. “Nakikita po natin na mas feasible siya [decentralized enrollment]. Ibig sabihin nito magdadagdag lang po tayo ng cashiers at collecting officers per college. Sa ibang big universities may tinatawag po na online enrollment but dito po sa BulSU we have to consider the practice and culture of the enrollment system. And also ‘yong pondo masyadong

Paninindigan ng senador, online enrollment system pa rin ang sagot sa suliraning kinakaharap ng unibersidad sa enrollment at hindi ang pagdedesentralisa ng proseso. sundan sa pahina 3

BALITA

Gender-sensitive confab inilunsad JHENINA NICOLE F. SARTE AT KIM ANGELA DE CASTRO

Sa pagsisikap na bigyang kulay ang taunang Student Government (SG) elections, pinangunahan ng Bulacan State University (BulSU) Bahaghari ang Halalan at Halakhakan, isang panayam kasama ang Stand BulSU at BulSU One ukol sa College of Home Economics library, Marso 31. Binigyang-diin sa nasabing panayam ang mga mabibigat na suliranin na kinakaharap ng unibersidad hinggil sa gender sensitivity, equality, basic human rights, at ng LGBTQ+ community. Binuo ito ng fast talk at iba’t ibang mga tanong na ibinato sa magkabilang partido. Nakilahok din dito si Dr. Richard Clemente, dekano ng Kolehiyo ng Agham at nagbigay-linaw sa kahalagahan ng pangunguna ng mga lider na estudyante patungkol sa mga nasabing suliranin. “Para sa akin kasi when we had the academic council, doon ko nakita na most of the changes, decisions, provisions, and anything about the students’ rights and welfare, malaki ang boses nila [SG]. Kasi katulad n’ong sa issue ng crossdressing, we found out na most of the student leaders, they are not in favor of crossdressing. So, how can we be able to approve a particular issue kung mismong ang mga estudyante ang naghaharang doon,” ani Clemente.

TAWANAN AT BALITAKTAKAN. Pilit na pinagaan ng BulSU Bahaghari ang mainit na kampanyahan nang magdaos ng isang panayam kasama ang magkalabang partido na tumatakbo para sa SG Elections. Kuha ni: Kim Angela De Castro

Ibinahagi naman ng tagapagtatag at kasalukuyang presidente ng BulSU Bahaghari na si Nicko Gatpandan na isa sa kanilang layunin ay pagaanin ang seryoso at mainit na kampanyahan sa unibersidad.

Sa pagpapalitan ng kuro-kuro ay nabigyan ang Pacesetter ng pagkakataong magtanong sa mga tumatakbong kandidato at naitanong kung mayroon silang personal anecdotes na mailalahad upang magbigay-tibay sa kanilang plataporma sa mga suliranin ng LGBTQ+ community.

“Naibigay nila ‘yong plataporma nila, naibato nila ‘yong mga kuro-kuro nila at mga opinyon nila sa isa’t-isa in a way na biruan, na kalmado. Nakita natin na p’wede pala ‘yong ganon na hindi pala palaging nakasigaw, hindi palaging nagtuturuan. P’wede pala nating isagawa nang maayos, nang nakakatawa pero nailatag pa rin nila ‘yong plataporma nila,” dagdag pa ni Gatpandan.

“At the end of the day, it all boils down sa paraan ng pag-appreciate natin sa culture na meron tayo at paano tayo magbe-break away sa kung ano ‘yong stigma na nase-set n’ong grounds o ng status quo sa atin. Kaya naman, bilang individuals, ang pag-unawa sa psychology of men and women, tayo ay mayroong pantay pantay na karapatan,” ani Ninna Arambulo ng STAND BulSU.

ng administrasyon sa pagpapatupad nito. Dagdag pa nito, impraktikal din na itigil pa ang prosesong pagpapatupad ng nasabing sistema dahil sa oras at pagod na inilaan para dito.

“Pinaglaban namin ang maraming cashier, pinaglaban namin ang mas mahabang oras para sa enrollment. Pero ang sigurado sa huli ang kasagutan natin ay online enrollment,” dagdag ni Caparas.

“I think, the online enrollment should not be stopped, kasi given na this era is an era of technology, it would be much easier for the students to enroll online,” ani Umali. “And mas madali ‘yon para sa mga estudyante kasi kung decentralized, itong isang buong college na ito ay ‘yon pa rin ang pipila sa cashier. “

Ipinaliwanag naman ni Management Information System Director Rogelio Pimentel ang saklaw ng online enrollment kung sakaling ito’y matutuloy. Aniya, assessment lamang ang mawawalan ng pila at hindi ang pagbabayad sa cashier. “Hindi kasi natin kaya ‘yon [online payment], pinahihintulutan lamang ng gobyerno na makipagtransaksyon ang BulSU sa Landbank. Pero dahil luma pa ang sistema ng Landbank imposible pa na mabigyan ng enrollment na walang pila ang mga BulSUans,” paglilinaw ni Pimentel. Sa kabilang banda, sinigurado ni incumbent SG President Aldrin Umali na tuloy na tuloy na ang online enrollment sa kabila ng di umano’y kakulangan

Samantala, inihayag naman ni Laurene Caparas ng BulSU One na, “Kailangan nating manindigan para sa mga kapatid nating mga LGBT dahil naniniwala kami na sila ay kaisa natin sa BulSU. At pati na rin ang paggawa ng ordinansa kung saan proper guidelines kung ano ‘yong dapat na mayro’n ang isang LGBT community in terms of hair, the way they dress, at the same time the way they express themselves. Naniniwala ako na mula dito maipapakita natin ‘yong tunay na halaga ng pagiging isang malaya na bansa.” Ang BulSU Bahaghari ang kauna-unahang organisasyong pang-estudyante para sa LGBT community sa BulSU.

mula sa pahina 2

Samantala, nais ng BulSU One na ipagpatuloy ang mga naunang hakbang ng SG upang tuluyan nang makamtan ng mga estudyante ang noon pa mang pangarap na sistema.

STALEMATE

SALUNGAT NA PANINIWALA. Nagbatuhan ng magkaibang plataporma sina presidential bets Ninna Arambulo at Laurene Caparas hinggil sa kontrobersyal na online enrollment system. Mga larawang kuha ni: Fionamae Hilda Abainza

3

BulSU Bahaghari nag-ingay sa gitna ng kampanyahan;

Online enrollment system inulan ng pamumuna...

Ayon din sa partido tinatayang aabutin nang PhP829,000 pesos ang mga server para sa online enrollment kung sakaling maisakatuparan, bukod pa rito ang dagdag na gastos para sa maintenance at internet fee.

Sa kasalukuyan, ang ngayong pinagtatalunang isyu ay kung pansamantala bang ipatitigil ang implementasyong ng online enrollment system upang magbigay daan sa pagdadagdag ng cashiers sa bawat kolehiyo (decentralized enrollment) o kung ipagpapatuloy ang matagal na ipinangakong makabagong proseso.

Pacesetter

@BulSUPacesetter fb.com/BulSUPacesetter bulsupacesetter.com

Gayumpaman, sa kabila ng batuhan ng pananaw, nagbigay naman ng kani-kanilang pahayag ang mga BulSUan na siyang talagang makikinabang at maaapektuhan sa kung ano mang hakbang ang gagawin ng magiging bagong liderato ng SG patungkol sa enrollment system. “Wais ‘yong decentralized enrollment [kaysa online], Wala na kami ga’nong ibang kasabayan na ibang college, ‘di ko na kailangang pumila pa nang gabi para lang sa page-enroll. ‘Yon nga lang dapat ‘yung bilang ng tauhan sa cashier at registrar per college ay dapat based sa population ng students mismo per college,” saad ni Bryan Sta. Rosa ng BSGE 2F. Batid naman ni Angela delos Reyes ng BSEd-

English 2-H ang pawis at pera na inilaan para sa pagpapatupad ng proyekto kaya naman nais na rin nitong maipatupad ang online enrollment. “Since gumastos na sila ng milyun-milyon d’yan [online enrollment], mabuting ituloy nila ‘yon. Marami rin naman may gusto n’yan kailangan lang mas ipaliwanag ng mabuti sa mga students ‘yong process. Kung successful yan, e ‘di mabuti. Nagamit ‘yong pera sa magandang way,” hinaing nito. Ipinaalala naman ni Commission on Student Elections Adviser Sherwin Pariñas na malaking bagay ang maiaambag ng pagboto ng bawat isang estudyante para sa ikare-resolba hindi lamang ng isyu sa enrollment bagkus pati sa lahat ng suliranin ng mga estudyante ng BulSU. Anyaya rin nito ang tunay na diwa ng eleksyon at pagboto, “Bumoto hindi para sa kaibigan. Bumoto hindi para sa partido. Bumoto para sa [ating] university.” Gaganapin ang taunang eleksyon ng SG sa darating na Abril 6 kung saan ang lahat ng estudyante ay inaanyayahang bumoto sa kani-kanilang presintong pangkolehiyo.


VOTING STATIONS

• • •

ARAW NG PAGBOTO: Abril 06, 2017, Huwebes ORAS NG PAGBOTO: 8:00AM 4:00PM Huwag kalimutang dalhin ang inyong ID o COR.

Pacesetter

OPINYON

@BulSUPacesetter fb.com/BulSUPacesetter bulsupacesetter.com

5

EDITORYAL

Online Enrollment:

Ang Walang Katapusang Sequel S a hinaba-haba ng serye, dumating na rin ang wakas.

Matapos ang paghihintay ng limang taon sa ipinangakong sagot sa napakahabang pila tuwing sasapit ang enrollment, nitong ika-15 ng Marso ay nadala na sa Data Center ang mga server na gagamitin sa Online Enrollment na maaari nang gamitin sa Abril.

Sa kabila nito, matapos maghintay ng mga BulSUan sa halos paulit-ulit at walang katapusang pangako na tila naging sequel sa isang serye, mapapaisip ang ilan kung dito na nga ba matatapos ang pangako at paghihintay. Bagamat naihain na ang sinasabing solusyon, nanindigan pa rin ang partidong STAND BULSU na hindi pa rin matutugunan ng online enrollment ang suliranin sa napakahabang pila sa cashier, na bukod sa assessment lamang ang kayang ialok nito, malaki ring pera ang katumbas ng mga server na aabot sa PhP 829,000. Magdadalawang-isip na lamang kung ito na nga ba ang katapusan ng online enrollment sequel. ‘Yong pinapatanggal na si Pimentel, pagkatapos ay sasabihin ng MIS na hindi pa posible sa ngayon ang online payment dahil pinahihintulutan lamang ng gobyerno na makipagtransaksyon ang Bulacan State University sa Landbank. Ang hirap kung sa labas ng kalsada maghihintay at matutulog para lamang makipagunahan sa pila. Nakasalalay ang bawat kinabukasan

ng bawat BulSUan. Kaya’t sa limang taong paghihintay sa pangako, mahirap nang umasa pang muli sa ipinapangakong wakas ng suliranin.

Pacesetter

Editorial Board and Staff Academic Year 2016-2017

Mahirap maniwala lalo’t matagal ding naghintay. Kaya’t patuloy na naninindigan ang partidong STAND BULSU na hindi online enrollment ang katapusan ng serye kundi decentralized enrollment kung saan magkakaroon ng cashier sa bawat kolehiyo, dahilan upang maibsan o mawala ang sobrang habang pila tuwing napapalapit ang simula ng klase.

Editor-in-chief: Kevin Facun Associate Editor: Marjory Infante Managing Editor for Administration: Carl Angelo Espiritu Managing Editor for Finance: Christian Dale Abad Art Director: Rems Miguel Castro

Depensa ng partidong BulSU One, milyong halaga ang kinakailangan ng decentralized enrollment kumpara sa online enrollment. Bato naman ng kabila, mas malaking halaga ang kakainin ng online kaysa sa decentralized. Walang katapusang sequel ng enrollment, katulad kung paano pumili ng sobrang tagal at mapapa-isip na hindi sumuko ang sikmura sa gutom. Ika nga nila, nakasalalay rito ang kinabukasan.

Graphics Coordinator: Vincent Angelo Pablo Photojournalism Coordinator: Fionamae Hilda Abainza

Nakakasawang maniwala pa sa pangako kahit nariyan na ang online enrollment lalo pa’t nakinig ang maraming BulSUans sa magagandang pangako nila tuwing eleksyon. Kung kaya’t kung kaakibat ng walang katapusang diskurso tungkol sa online enrollment, parang awa ng lahat, huwag ninyo paasahin ang bawat BulSUan at manood na lamang kung kailan ba talaga magkakaroon ng masasabing totoo at kapani-paniwalang online enrollment sa unibersidad. Dahil sa hinaba-haba man ng serye, sana sa pagkakataong ito ay magkaroon na ng wakas.

News Editor: Anna Rose Alejandre Features Editor: Jeimi Belleen Aesquivel Sports Editor: Mark Antony Illustrisimo Devcomm Editor: Patricia Ann Alvaro Literary Editor: Tricia Marie Cubillas

Circulations Managers: Ierah Keihl Jaochico, Mariel Rosette Sta. Ana Online Art Director: Rod Harvey Camay Online Managers: Grace Marie Hernandez, Russel Cyra Borlongan Staff Writers: Enrico Miguel Maghinang, Romar Zabala, Nicole Beltran, Ronaldo Magsakay, Dean Carlo Ventura, Aaron San Mateo, Adam Tizon, Gelo Santos, Genher Cruz, Jewel Fabian, Jonah Cruz, Joseph Gaspar, Kathrielle Candame, Macmac Serrano, Reggie Fajardo, Rowen Raymundo, Jerome Calayag Artists: Argee Dacuyan, Allen Cruz Lay-out Artist: Vincent Angelo Pablo Photojournalists: Dennisis Pascual, Jasmine Inductivo


SG Primer 2017

6

PRIV ILEGE SPEECH

3rd year BEEd student -BEEd Chairman (2014-2015) -Vice President (2015-2016) -Vice President (2016-2017) Achievements -Participatory Governance (Class Mayors) -SG Office Renovation -GADC Scholarship -Financial support for various organization in the university. -Outreach Program -Enrollment Participation

N

APRIL 2017 VOLUME XLVI ISSUE NO. 06

@BulSUPacesetter fb.com/BulSUPacesetter bulsupacesetter.com

Pacesetter

PRIVILEGE SPEECH

BulSUOne StandBulSU

aaalala niyo pa ba ang inyong mga kabataan? Ang kabataan na tila ba kay saya, at walang iniintindi kung hindi magsulat, magbasa at maglaro hanggang mapagod. Ganyan din ang aking kabataan punung puno ng kulay at paglalakabay at sa aking daang tinahak ay hindi maiiwasang madapa, magalusan, at masugatan ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay hindi ko ininda ang sakit sa halip ay bumangon at muling lumakad, hinarap ang mga pagsubok at kahit kailan ay hindi inatrasan ang bawat hamon. Sa aking mga munting hakbang ay natuto at namulat sa iba’t ibang mga bagay na dapat mas pagtuunan ng pansin, mga bagay na dapat bigyan ng importansya at halaga. Kaya’t sa’king mga taon sa elementarya ay napagdesisyunan ko na ito ay bigyang buhay ang pangarap na makatulong at makapaglingkod at sa tiwala din ng aking mga kamag-aral ay ilang ulit akong naging presidente ng klase, naging grade five representative at pangulo ng central board of students. Ako ay nagsimula sa unibersidad bilang isang simpleng estudyante na may simpleng pangarap upang maging mahusay na guro sa hinaharap na maghahasa sa kakayahan ng responsableng henerasyon lalong pinagtibay ng panahon at pagkakatataon ng ako ay maging isang class mayor at mailuklok bilang isang BEEd chairman sa aming kolehiyo na nagbukas ng aking puso at isip na matuto at tumaas ang antas ng kamalayan sa kalagayan ng kapwa ko estudyante. Kaya mo na bang gampanan ang mga responsibilidad ng pangalawang pangulo sa iyong murang edad? ‘Yan ang karaniwang tinatanong nila sa akin dalawang taon na ang nakalipas. Wala sa edad ‘yan kun’di sa abilidad ‘yan. Ang pamumunong in na in kay Laurene ang aking naging kasagutan sa tanong na ‘yan, at naging in na in ang aming pamumuno noon dahil inakay ang mga BulSUan patungo sa tuwid at mas maayos na daan tungo sa pag-unlad. At iniukol ang aming termino sa paglilingkod sa inyo BulSUan, pinakita sa inyo ang dedikasyon sa aming trabaho kahit ano pa man ang estado, kasarian at edad ng isang indibidwal. Makalipas ang isang taon ay muli ko kayong pinaglingkuran bilang inyong pangalawang pangulo. At sa pangalawang pagkakataon ay pinatunayan at pinakitang muli ng inyong lingkod ang dedikasyon sa aming trabaho. Sa kabila ng iba’t ibang mga pagsubok

na dumaan, kami’y hindi nagpatinag at nagpatuloy sa paglilingkod, sa bawat pagbayo ng bagyo ay tumayo kaming tuwid at matikas at hindi nagpadala sa lakas ng hangin at ulan. At sa bawat pagsikat ng araw alam namin na maraming hamon na naman ang parating. Maulap man ang kalangitan ay hindi kami nawalan ng pagasa na muling masilayan si haring araw. Ito rin ang mga dahilan kung bakit lalo akong mas naging handa at lalong tumibay. Ako ngayon ay nasa inyong harap, si Laurene na inyong nasaksihan at pinagkatiwalaan sa nakalipas na dalawang taon. Nagkaroon din ng pagkakataon na irepresenta ang unibersidad nang ako ay maging liaison officer ng Luzon sa Youth Lead Philippines. Sa pagkakaroon ng sapat na kaalaman at karanasan na naghubog sa akin ay nagsilbing pundasyon na gagamitin upang mapapatag ang Student Government at makapagbahagi tungo sa inobasyon ng institusyon. Sa aking huling taon sa kolehiyo ay hayaan niyong muling mamuno at sabay sabay nating tahakin ang tama at mas maunlad na landasin kasama

Sa kabila ng iba't ibang mga pagsubok na dumaan, kami'y hindi nagpatinag at nagpatuloy sa paglilingkod, sa bawat pagbayo ng bagyo ay tumayo kaming tuwid at matikas at hindi nagpadala sa lakas ng hangin at ulan. ang BulSUan. Mga pangarap ay ating makakamtan sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagbabayanihan. Muli po, ako si Laurene at ang paglilingkod kong IN na IN ay patuloy pong magiging inspirasyon para sa ikabubuti ng ating institusyon.

S

TUDENT GOVERNMENT Ang Student Government ay boses at kinatawan ng mga estudyante. Kahit sino naman pwedeng gumawa ng projects since may budget naman na galing sa Student Government Fee na binabayaran ng mga estudyante. Iba pa ‘yong lider na tunay na maninindigan para sa kanila, hindi ‘yong nag-organize lang ng pageant o concert. Naniniwala ako na dapat may ugnayan, may connection, between students and SG officers. Dapat may regular consultation with the class mayors para malaman kung ano ang mga problemang kinakaharap ng mga estudyante at sama-sama namin na hanapan ng solusyon ang mga ito. Dapat maging daan ang SG para makapagsagawa ng mga consultation bago ipatupad ang isang policy, tulad na lamang ng Departmental exam at Dress Code.

Ang Student Government ay hindi dapat umaaksyon lang kapag marami nang nagrereklamo, hindi ito dapat reaksyunaryo. Ang Student Government ay dapat pro-active at progresibo upang mapigilan ang mga hindi maka-estudyanteng polisiya. SG PRESIDENT Ang SG President ay Student Regent. Ibig sabihin, representative siya ng mga estudyante sa Board of Regent, highest-policy making body ng university. Dapat maipaabot ng Student Regent ang mga isyu ng

mag-aaral, tulad na lamang ng delikado para sa atin na magbyahe kapag madaling araw para lang mauna sa pila tuwing enrolment. Kailangang hikayatin ng Student Regent ang BOR na maglaan ng budget para sa karagdagang collecting officers bawat building upang hindi na natin kailangang pumila nang napakahaba. Kailangan din na hikayatin ng Student Regent ang BOR na gawing prayoridad ang pagpapatayo at pagsasaayos ng mga klasrum. Ang hirap kasing mag-aral sa rooftop, yung nagkakarinigan yung mga teachers na magkakaiba ang lecture. Mas mahirap yung visual classroom na hindi pa sigurado kung may mahahanap si Ma’am at Sir ng lugar sa BulSU para magklase. May budget naman ang university, sa katunayan ay may higit P275 milyon na unobligated funds tayo as of September 2016. Pababa rin ang trend ng utilization rate natin, na ibig sabihin ay lumalaki ang natitirang pondo natin every fiscal year. May kakayanan din ang Student Regent na maglobby sa Senate at Congress na maglaaan ng mas mataas na budget para sa BulSU. Sa ngayon kasi, nasa kalahati lamang ng proposed budget ng university ang ibinibigay ng ating pamahalaan sa pamamagitan ng General Appropriations Act (GAA). Ang tunay na gampanin ng Student Regent ay pakilusin at gawing epektibo ang Student Government. Ito ay dapat na mag bigay ng wastong pag susuri sa mga issues patungkol sa karapatan at kapakanan ng mga estudyante. Ang Student Government ay hindi dapat umaaksyon lang kapag marami ng nag rereklamo, hindi ito dapat reaksyunaryo. Ang Student Government ay dapat pro-active at progresibo upang mapigilan ang mga hindi maka-estudyanteng polisiya. Layunin ng STAND BulSU na palahukin ang mga estudyante sa mga activities na makatutulong sa holistic development ng bawat bulsuan; tugunan ang mga problema ng mga mag-aaral at mamulat sa mga isyu at problemang aming kinapapa looban. Buong loob nating tinatanggap ang hamon upang mapatatag at bigyang boses ang mga estudyante. Kaya naman, inaanyayahan po namin kayo na makasama sa labang ito- laban para sa abot kaya at de-kalidad na serbisyo’t epektibong pamumuno.

Tunay na bubuksan ang isip at pusong handang tumulong hindi lamang makikinig kundi manindigan.

LAURENE CAPARAS

NINNA ARAMBULO

7

3rd year BA Broadcasting student -CAL, incumbent governor -2 years member, PDM -Former Secretary General, Kabataan Partylist Bulacan -Coordinator of KPN Other Affiliations -National Union of the Student of the Philippines (2016) -Student Council High School 2nd year Representative -4th year high school SG President


SG Primer 2017

8

LATHALAIN

Students’ Speak:

BOSES KONTRA BOSES Tugon ng mga BulSUan sa BulSU 2017 Halalan GENHER CRUZ AT ROWEN RAYMUNDO

“[Sana magkaroon ng] sistematikong pag-eenroll o kaya may sariling cashier ang bawat college. Hindi sa evaluation at assessment nagkakaproblema kundi sa napakahabang pila na sanhi ng pagkadesperado ng mga mag-aaral na makapagenroll kaya gumagayak na sila ng madaling araw. Maging solusyon din sana ang nasa student welfare para matulungan ang mga irregular students na pursigidong mag-aral at nang hindi sila abutan ng K-12.” – Jimwel Vargas BSBA 2A “Sana magawa nila ‘yong taun-taon nilang sinasabi na pagbabago na wala pa rin naman at gampanan nila nang tama ang responsibilidad nila, hindi lang pangalan ang pagiging pangulo kun’di trabaho. Aksyunan din sana nila ‘yong sa field trip kasi pumapangit ang pangalan ng school dahil sa mga aksidente sa labas ng campus.” – Jaypee Villavicencio ME-4B “Sa tingin ko kaya naman nila gampanan o ipatupad ang kanilang plataporma basta’t mabigyan sila ng pagkakataon na maluklok sa kanilang p’westo. Bilang nanggaling ako sa satellite campus no’ng general engineering pa ako, sana maging aktibo sila sa satellite campuses, hindi lang sa main. Dahil lubos na hindi ko ramdam sila. Para naman sa LSC ng engineering, gusto ko lang malaman kung paano nila masisigurado na makukuha ng mga darating na 3rd year engineering [students] ang kani-kanilang gustong major para sa kanilang battery exam. Sana hindi puro salita na lang at hindi sa eleksyon lang sila makilala kundi sa buong termino nila.” – Danilo Partosan Jr. BSME 3C

APRIL 2017 VOLUME XLVI ISSUE NO. 06

N

agsalita na ang makapangyarihan.

mga

tunay

na

Kasabay ng pagpasok ng panahon ng taginit, ang matinding pagkauhaw ng mga magaaral ng Bulacan State University sa inaasam na pagbabago sa unibersidad. Hindi papatalo sa matinding sikat ng araw, na iparating at marinig ang tinig na laman ang kanilang mga matinding hangarin. Kaya sa pagkakataong ito, ano nga ba ang nais na pagbabago ng mga BulSUan? “Sa ngayon, hindi ko pansin ang kahit na anong suliranin na nangangailangan ng mabilisang solusyon at batid kong ginawa ng aming LSC ang kanilang makakaya upang ipatupad ang kanilang mga plataporma kahit na ang ilan ay hindi nagtagumpay sa kanilang proyekto. Sa darating na halalan, hangad ko na sana magtagumpay ang mga karapat-dapat upang maipalaganap nila ang matagal nang minimithi ng mga estudyante ng BulSU.” – James Paul Cawaling, BSTM-2A

Sana ‘yong ipapangako nila sa mga estudyante sa mga panahong nangangampanya pa sila, hindi lang hanggang salita “Umaasa ang bawat BulSUan na maipatutupad ang mga solusyon nilang plataporma sa suliranin ng unibersidad at pati na rin ng bawat BulSUan. Ang hiling ko lamang sa mga mananalong LSC at SSC [candidates] ay pag-igihang mabuti ang kanilang trabaho dahil sila mismo ang pumili na maglingkod sa mga BulSUans upang mapabuti pa ang kaledad ng pag-aaral sa ating unibersidad. Hindi lamang puro pangako na lagi na lamang napapako. Hindi lang dapat puro pabango ng pangalan at pabulaklakan ng mga salita. Kasabay nito’y paggawa.” – Aubrey Ruselle Cortez BSME 3C “Ang masasabi ko lang sa SG elections [ngayon], ay medyo cooperative sila [candidates] in a way na tulungan talaga mga kampo [kolehiyo] ng bawat isa para mas mai-angat ang partido nila at dedicated silang manalo sa elections. Nakatulong nang malaki ang social media kasi nakakakita sila [candidates] ng mga taong malakas ang hatak sa social media para sila ikampanya at palawakin ang sphere of influence nila at para sa’kin, mautak na gawain ‘yon. Gusto ko lang gawin nila ang trabaho nila like they promised to do.” – Justine Mar De Leon BIT CompTech 3A-G1

“Sa daloy ng eleksyon ngayon, malaki talaga ‘yong contradiction ng dalawang parties. ‘Yong sa dilaw, more on continuation lang sila ng mga nagawa na “raw” nila. Sa asul naman, more on platforms na taliwas do’n sa plataporma ng kabila at mas specific na stratplan. Pero sana, sa lahat ng mga ipinangako nila sa BulSU students, ay maimplementa nila ‘yon sa loob ng isang taon na pamumuno. Lahat naman tayo gusto ng pagbabago, at ito ay kaya natin kung magluluklok tayo ng student leaders na responsable at may masidhing paglilingkod sa masang estudyante.” – Arabelle Benedictos, BAB-2B “Inaasahan ko na ‘yong mga SG officers na maihahalal ay magiging accommodating in terms of suggestion, requests, or demands ng mga co-students as long as sakop ng kanilang kakayahan. Sana ‘yong ipapangako nila sa mga estudyante sa mga panahong nangangampanya pa sila, hindi lang hanggang salita dapat sinasabayan ng gawa and siyempre dapat approachable pa rin hindi lang kapag nangangampanya kun’di kapag nailuklok na. Gusto ko ‘pag nanalo sila, magkaroon ng resolutions sa mga iba’t ibang hinaing ng mga estudyanteng nagluklok sa kanila.” – Florainne Maglalang, BSBA-2G

“Unang una [concern ko] pila sa BulSU, kasi lalong lumalala na dapat maayos na nila ‘yon. More on leadership sana magpaseminar sila sa mga student leaders para mas ma-enhance din ‘yong mga estudyante pagdating sa leadership. Kung hindi man maayos ‘yong sa pila o sa kahit anong problema sa BulSU, sana may maitulong sila [SG] na mabawasan kahit paano ‘yong mga problema at masunod ang nga plataporma na sasabihin nila. Sana sa bawat taon ay ilahad nila ang kanilang accomplishment report sa lahat ng estudyante. Para malaman din nila [estudyante] kung may nagagawa o may nagawa ba ang mga nahalal.” – Ma. Shiela Baybay, BS Crim 3C “Sa nakikita ko dahil sa kanila [SG] nag-fufunction naman nang mabuti ang bawat college at napapanatili naman ang bawat traditions ng mga ito. Pero on the other hand, hindi nila nagagawan ng paraang i-promote o gawing active ‘yong mga bagong labas na courses ngayon. Napansin ko din na karamihan sa mga tumatakbong mga candidates ngayon, ang laki ng platforms nila, pero hindi nila alam talaga ‘yong function ng SG.” – John Vincent Langomez, BPA-4A

Iba-ibang tugon, sari-saring opinyon. Sa huli, anumang nais iparating ng bawat magaaral para sa mga tumatakbong kandidato ay maaari lamang mabigyang dinig ng mga tunay na makikinig. Kaya sa darating na eleksyon, nasa bawat BulSUan pa rin ang makapangyarihang desisyon, kung sino ang karapat-dapat at may malinis na hangarin tungo sa pagbabagong matagal nang gustong kamtin.

Pacesetter

LATHALAIN

@BulSUPacesetter fb.com/BulSUPacesetter bulsupacesetter.com

S

abi nila, piliin mo raw ang laban na lalabanan mo. Ibahin

natin

ang

laban

sa

larong

ito.

Sa pagbubukas mong muli ng lalagyan, ihahanay mo sa tamang pagkakasunod ang mga piraso sa loob nito habang pinoporma ang istratehiyang gagamitin laban sa kalaban. Mag-iisip ka kung paano ka aatake sa bawat piyesang nakalatag sa mga kuwadrado. Ika nga nila, may mananalo at may matatalo. Ngayon na binuksan muli ang pangestudyanteng eleksyon, kilatisin at suriin natin kung sino ba ang magtatagumpay sa labanan ng mga reyna at hari sa chess; kung sino ang may pinakamagandang galaw at atake sa laban.

Kung usaping budget din lang naman, tatapatan ito ni Peter Gaba mula BulSU One, kasalukuyang bisegobernador ng College of Science at ngayo’y titira upang makakuha ng pwesto mula sa mga posisyon ng senador na pagtutuunang pansin ang financial summary, patas na allocation ng SG fee, at maayos na pagdadala ng budget.

to highlight just two. First, I want to continue the fight for the empowerment of the students of our university. It has been a part of my mission as a student leader, ever since. More than anything else, we deserve to be heard. Lastly, as I enter my 9th year (since LHS) in BulSU, I have seen the necessity for experienced, capable, and effective student leaders.”

Mula naman sa STAND BulSU, malimit mang marinig at gumalaw, tuloy pa rin ang laban para kay Wilvert Ira, dating bise-presidente para sa membership and relations ng Management Economics, at ngayo’y tumatakbo bilang senador.

Ngunit kung hindi nagpatalo sa talino at pagandahan, hindi rin naman daw papatiklop sa larangan ng serbisyo si Diana Francisco na umaatake bilang bisepresidente mula sa partido ng STAND BULSU.

Kung ang BulSUan naman daw ay katanungan, aatake na may kasagutan si Inah Paguia mula sa BulSU One, kasalukuyang gobernador ng College of Home Economics,

Check 1: Tagisan ng Konseho

Hindi nakita ang magandang istratehiya sa kabila, kung kaya’t naisipang lumipat sa kabilang kuwadrado na gagalawan niya. Ang dating miyembro ng dilawang konseho at ngayo’y lumalaban sa asul na lupon, ang kasalukuyang gobernador ng College of Architecture and Fine Arts, si John Carlo Harata na lumalaban bilang senador.

“Tumakbo po akong muli dahil naniniwala po ako na ang paglilingkod ay hindi dapat natatapos, maging ito man ay sa iba’t ibang kaparaanan. Ang pagtakbo ko po sa Student Government bilang senador ang nakikita ko pong paraan upang higit na makatulong sa aking kapwa-estudyante sa mas malaking kapasidad sa pamamagitan ng pagtatanggol at pagbibigay-halaga sa kanilang karapatan at kapakanan.”

“Mula sa kabilang partido, tayo po ay namulat na. Dapat ang Student Government ay dapat may platapormang dala, walang partido, dapat neutral upang masolusyonan ang problema sa pamantasan. Ang ninanais niyong pagbabago sa pro-student government ang bibigyang diin ko”.

Aminadong baguhan, ngunit naniniwala na magagamit ang pangarap na maging beauty queen upang maging reyna sa labanan ng senador si Lady Santos mula sa STAND BULSU, mula sa College of Business Administration.

Sunod na titira ang tumatakbo para senador na subok na umanong gumalaw bilang katekista sa simbahan, mula sa partido ng BulSU One, Ana Nicdao na mag-aaral ng College of Arts and Letters (CAL) dahil bibigyan daw niya ng kasagutan ang mga tanong ng mga BulSUan.

“Aware naman siguro lahat na beauty queen wannabe ako, bilang isang beauty queen/student leader I want to promote equality, lalo sa college ko, I am from College of Business Administration, ‘yon bang hindi porket maliit na college ang pinanggalingan or from satellite campus galing ay less ang pag prioritize sayo, sana fair lang.”

“I am pursuing a university public announcement system in providing you a steadfast dissemination of information kung saan mabilis, maayos, malinaw na mailalahad ang mga balitang kailangan ninyong malaman. Hindi lilimitahan ang inyong nalalaman”.

Para kay Sonajo na nagsusulong ng consultative leadership, good BulSUan-Student Government relation, at participatory governance, na konsultasyon muna sa mga estudyante bago implementasyon, ang transparency o pagbibigay impormasyon ay hindi ginagawang plataporma, kundi tungkulin ng bawat lider. Kung kaya’t sa huling taon ng pagiging lider, para sa kanya ay kailangan ng pagbabago sa mismong lider na dapat ihahalal. “Lastly, this time badly calls for a change in the system and how can we expect that change from the same kind of leaders over and over again?” Aatake dala ang serbisyong kailangan ng bawat atleta at estudyanteng nagbibigay parangal sa unibersidad si Kent Clemente, tumatakbong senador mula sa BulSU One, kasalukuyang bise-presidente SAYK, organisasyon mula sa College of Social Sciences and Philosophy, at miyembro ng Saring Himig Chorale. “Tumakbo ako kase alam ko kung anuano ang mga katangian na meron ako , mga kakayahan na kayang pamunuan ang mga kapwa ko estudyante , tumakbo din ako dahil sa kagustuhan kong maglingkod at makatulong sa aking mga kapwa estudyante.”

“Gusto ko mas ma-emphasize ‘yong stand and rights ng students. Hindi lang dahil uma-attend sila ng school, students na nag-aaral lang pero students bilang members ng community. Kasi naniniwala ako na kapag pinush mo na magspeak up ang students malaking factor ‘to para makuha ‘yong change na hinahanap natin.” Mula naman sa kaniyang matagal na paggalaw sa serbisyong pang-estudyante, hatid niya ang atakeng pangkaligtasan ng bawat BulSUan. Sunod na titira si Patrick Garcia ng BulSU One, kasalukuyang bisegobernador ng College of Criminal Justice Education, at ngayo’y gagalaw para sa posisyon ng senador.

Magpapalitan ng galaw ang dalawang panig. Magpapatalasan ng isip sa teknik na gagawin. Magkakaalaman kung sino ang magre-reyna at maghahari.

Ngunit may sagot dito ang kasalukuyang bise-gobernador ng CAL at umaatake para sa posisyon ng senador mula sa partidong STAND BULSU, si Joselle Sonajo, na gagalaw sa kuwadrado ng ahedres para sa gustong pagbabago ng BulSUans.

9

Checkmate:

Paghaharap

ng

Dalawang

Reyna

Parehong kababaihan ang maglalaban para sa halalan. Sino nga ba ang tatanghaling reyna ng taon?

CHECK MATE Tapatan ng Dalawang Kaharian sa BulSU 2017 Halalan NICOLE BELTRAN at ngayo’y lumalaban para senador. “Ang tours at seminars ay mahalaga, dahil ang kaalaman ay hindi lamang nakukuha sa apat na sulok ng silidaralan. Ngunit sa kabila, ang kaligtasan ng mga estudyante ang may mas mabigat na kahalagahan. Implementation of rules and regulations tungkol sa tours at seminars sa labas ng unibersidad, iyan ang aking tututukan”. Check 2: Eksperiyensyado laban sa Baguhan

Lalaban dahil naniniwalang hindi lang Laboratory High School ang kaya niyang pamunuan, kundi kaya rin gumalaw para sa isyung pang-unibersidad. Narito’t aatake na ang kasalukuyang gobernador ng LHS at titira para sa posisyon ng senador si Marco Fidel mula sa STAND BULSU.

Sabi nila, mas maganda nang maging maalam sa isang bagay, ngunit may nagsasabi rin na kayang manaig ng isa na may pusong matuto at mag-aral. Sa larong ito, magsasalpukan ng atake ang may karanasan at ang nagsisimula pa lamang.

“Alam po nating lahat ‘yong pakiramdam na tila hindi natin alam kung saan ba talaga dapat tayo lumugar, ‘yong pagpapasa-pasahan ka na lang ng classrooms. Iyan po ang mukha ng suliranin sa classroom at pasilidad sa BulSU, kung kaya’t kung kami po ay hahayaan ninyong umupo sa konseho, pag-prioritize sa mga classrooms at facilities, iyan po ang ihahatid namin sa inyo”.

Titirada ng atake ang magkabilang panig. Unang titira ang bise-gobernador ng College of Engineering at ngayo’y lumalaban para sa pwesto ng bise-presidente mula sa partido ng BulSU One dahil experience, competence, and excellence umano ang mayroon si Rainier Leandicho. “Out of all my reasons for running, I would want

Dalawang taong namuno bilang bise-presidente ng SSC, ito ang atakeng dala ng ngayo’y kumakandidato sa posisyon ng presidente, mula sa partidong BulSU One si Laurene Caparas ng College of Education na ipagpapatuloy ang magandang simulain ng kanilang partido. “Upang maipalaganap ang pagmamahal sa tao, bayan at Diyos at maipagpatuloy ang mga nasimulan para sa karapatan ng bawat BulSUan, sa aking huling taon sa unibersidad ay magkakaroon ng iba’t-ibang proyekto at pagsasa-ayos ng kalakaran sa Student Government.” Mula naman sa STAND BULSU, gagalaw si Ninna Arambulo upang lumaban bilang presidente na kasalukuyang gobernador ng College of Arts and Letters para sa ninanais na pagbabago umano ng BulSUans. “BulSU students and also karanasan [ang nag-inspire sa ‘kin]. Hindi naman ako tatakbo kung hindi ko nakikita ‘yong importansya at kahalagahan ng ifino-forward na campaign. The reason why kahit limang taon nang talo ang STAND patuloy pa rin kaming lumalaban dahil nakikita namin na may dapat ipaglaban.” Iba-iba man ng istratehiya, galaw, at atake sa laban, isa pa ring malaking hamon ang laro sa labanan. Magbatuhan man ng kani-kaniyang pananaw at plataporma, iisa pa rin ang layunin at ito ay ang makuha ang tronong gustong papuntahan. Sa kabila ng lahat ng ito, mananatili na mas mahalaga ang responsibilidad at tungkulin kaysa sa pansariling interes, na mas mahalaga ang konkretong pag-aksyon kaysa sa ganda ng galaw o pagatake sa laban. At tandaan na ang bawat galaw o atake mo sa laban ay parang paglalaro ng chess; bawat desisyon o aksyon mo ay makakaapekto hindi lamang sa iyo, kundi sa mas marami pang tao, kundi sa mas maraming BulSUan na umaasa sa tamang serbisyo. Sa huli, ibahin natin ang labang ito. Dahil sa larong ito, pinakamahalaga ang iyong boto.


Pacesetter

@BulSUPacesetter fb.com/BulSUPacesetter bulsupacesetter.com

APRIL 2017 VOLUME XLVI ISSUE NO. 06

uwian na mga nyessy, dahil may nagwin-win U marquez na! Nanditey na namern ang ever gensabels chuk chak chenez, kwin op ol kwinz…. CHIKITITA!

LIBANGAN

Hahahahahaha!

‘D Ad ve nt ur ez of Bo gz Qu ee n In uh an d Sab og Ang Mag-among

#SGHalalanEdition X #SabawEdition Narrator: Inihahandog muli ng Opisyal na Publikasyon ng Bulacan State University… Ang duo na mag-aalay ng T.T sa inyong mga labi, ang T.T na kapana-panabik, ang T.T na gagabay ngayong Student Government Halalan 2017! *drum roll* Mamayukero~ Mamayukero~ Mamayukero mamuuuuughhhh~ *fade out*

Eniweys haweys, majinit pa sa shikat ng araw ang mga hapiningz insayd di VulSUlandia bicoz op di SG Eleksyowns. Kakalerkey ang mga naririnig kiz at nasight kiz na mga ganap nung Mishing Di Avachi, Shlenty ang pala-warla ala Darla kakalorka. Kaya naman nanditey na ang mga hat izyu na nakalap kiz por ebriwan! Hat Isyu Numbra 1 Kuda: Sinetch itey chi na Senadorey chi na nanowing ng madlang pipol bicoz pala-warla ang ate mo sa buong taon chi. Ang eksena nga ni Sister ay warla hir, warla der, warla ebriwer. Mega omega kuda kuda chi ng ate mo na to. Sa isang nyismas nyorty nga ay umapir disapir ito at nagtokatok lamang meyking beyking sermon sa mga pipol. En wans or tways lamang daw itey jumatend ng miting chi dahil apura shumad daw ng sister mo na to. Ang leytest ditey ay nashuspend bicoz pala-poser gamit chi ang nyeysbuk ng nyesgi!

Tips 101 ni Inuh at Bogs para sa Pagboto 1. Itapon ang Plastik Tituh Inuh: Unfortunately, non-biodegradable sila so it’s difficult to make puksa and ubos them! Nakaka-puke (suka, bes. Duwal, ganern. Puke.) ‘yong pretend-pretend nilang friends-friends kayo ha. Kakalurkey tapos after na manalo snob-snob sila. Ama rayt, bogs? Bogs: ma'am grabe kala ko kung anong puke! Nebeyr herd op that ha! Basta mabaho sila kasi puke ma'am, eh. (suka, Duwal, ganern. Puke.) 2. Humigop ng mainit na sabaw Tituh Inuh: Myghad here’s another one that I hate! Da ones na anek, ‘yong anek. Puro anek, soup-er sabaw lang when asked about the issues and trends! Sabaw! Sa-babaw lang always kung sumagot. Dapat dito bino-blow ng todo-todo to shoo the job away from them! Pwe pwe h m p! ‘Di ba? Blow the job away! Blow the job! Bogs: PWEEEE! I hate pa naman ang sabaw! 'di na nga malaman ni wala pang kaalaman! Soupde-etat! Soup-de-etat ang kailangan natin! 3. Maging mapanuri Tituh Inuh: Oooow hem ghee. Jas layk what kuya Kim olweys says, maging mapanuri at mapagmatyag! Remember pipol, this is about their skillz and what they can do para sa masa! Hindi magpaganda! Puro ganda lang! Dapat layk me! Beauty na, may brains pa, ‘wag lang tanungin kung anong height! H m p pwe pwe! Bogs: oh easy ma'am easy trabaho kong laitin ka pati ba naman trabaho ko aagawan mo pa ako na lang laitin mo! please? Narrator: Natuwa ba kayo sa duo na walang kasing sabog? Hindi? Kami rin! Mangangako kaming huling pagkakataon na nila ito sa espasyo na binabayaran ninyo! Basta vote wisely, BulSUans! Mamayukeroooo~ Mamayukeroooo~ Mamayukero mamuuughhhhh *fade out*

Awarding Sheremony: Awaaaaaaaaaaaaaaaaaaaard! Naiimbey akis sa mersi na itey. Wis kitang masisipat dahil wawarlahin kita chi. Mako-krompal kita at mabu-bugsawu ka talaga. Kakaloka. Wis na din daw itey nagpakita apter majuspindi. Pwe! Najiba na ang wis majiba! Hahahahahaha Hat Isyu Numbra 2 Kuda: SInetch itey chi na mersi na Senadorey chi na knowslayn bicoz gensabels. Ang ate mey ay nagwin-win pero wis kahit jinsan iben wans jumitaw palitaw chi sa miting sung ng mga nyesgi. Apura empa empa lamang daw ang ginawa nitey pak pak mowdeling shrisiksti pak pak. Bez in payl din daw itey ng lib chu bi para mag nyojeyti. Wis din daw nitey nashopos ang shrismas twi na ginagawa chi.

Awarding Sheremony: Awaaaaaaaaaaaaaaaaaaaard! Bet kitang isabit sa shismas twi ate gurl! Apaka shumad mo. Pag jujuntugin ko kayo nung senadorey na wis majiba pero najiba na. Nasipat daw itey sa nyotoshut ng mga Jowza ng Unibersidad bicoz makiki-nyikture lamang. Kalokaaaaaaa. Wiz ka na dapatchi shumokbo kung apura lib chu bi ka rin pala. Ishogo sa neymsung na Chot chot Charot! Hat Isyu Numbra 3 Kuda: Sinetch itey na omi na apura ang pagkaliborsya sa isang mersi na wis naman taga-Bulsulandia. Ang chika bez in chat chu bi ito por da chisis pero wis naman chisis. Betchikola ni Koya na makipag-met chu bi sa model en leyter on ay chinat chu bi na itey na bet nyang makipaguris! Ang siste, naimberna si ate mowdel en pinosting ang chat chubi ni Koya sa nyeysbuk en gadering penty of sheyr en layks

Awarding Sheremony: Awaaaaaaaaaaaaaaaaaaaard! Akala mo makakalusot ka ney! Buti nga sayey apura liborsya ka koya public pigurin ka pa naman wis ka na nabuya. Hay nako kakaloka. Bez in cmpute chi ka pa naman sa kohehiyo nyo. Ishogo sa neymsung na Nyirvin Uring!


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.