3 minute read
MGA RESIDENTE SA IBA’T-IBANG PROBINSYA NG CARAGA REGION NAGSILIKAS DAHIL SA BAGYONG ODETTE
Ni Jennifer P. Gaitano
Lubog na sa baha ang mga mabababang lugar, lalo na ang mga nakatira malapit sa mga ilog sa ilang lugar sa iba’t-ibang probinsya ng Caraga region. Tuloy-tuloy kasi ang malalakas na ulan na dala ng Bagyong Odette.
Advertisement
Nagsilikas na ang mga residente sa mas ligtas na lugar. Kabilang sa inilikas ang tatlong araw pa lang na kapapanganak na sanggol sa isang barangay sa Butuan City. Ga-bewang na kasi ang baha sa kanilang lugar.
Patuloy pa rin ang pagresponde ng mga rescue teams sa ibang apektadong barangay ng lungsod. Nakahanda naman ang City Social Welfare and Development (CSWD) Butuan para magbigay ayuda sa mga apektadong residente na kasalukuyang nasa mga evacuation centers.
Bukas din ang malls sa Butuan City para magbigaytulong sa mga nais magpark ng kanilang sasakyan, mag-charge ng kanilang cellphone at iba pang gadgets at mag-stay overnight sa designated area ng malls.
May naitala namang landslide sa Sitio Mabuhay, Barangay San Mateo at Barangay De Oro at agad namang rumesponde ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at nagsagawa ng clearing operation.
Sa Bayugan City, Agusan del Sur, ginamit na rin bilang evacuation center ang East Bayugan Central School para sa mga residenteng lubhang naapektuhan ng pagbaha. Karamihan sa kanila ay naninirahan malapit sa mga ilog.
Ganito rin ang sitwasyon sa bayan ng San Francisco at iba pang karatig lugar kung saan nakaantabay pa rin ang rescue teams at mga ahensiya ng pamahalaan upang maibigay ang pangangailangan ng mga apektadong residente.
Sa Telaje Covered Court ng Tandag City, Surigao del Sur naman ang nagsilbing temporary shelter ng mga apektadong pamilya at lahat sila ay tumanggap ng relief goods mula sa lokal na pamahalaan. Nawalan din ng kuryente ang ilang lugar sa nasabing probinsya.
Bandang 1:30 ng hapon kanina, naglandfall ang Typhoon Odette sa Siargao Island, Surigao del Norte. Wala pa ring tigil hanggang sa ngayon ang pagbuhos ng ulan sa mga probinsya.
Sa Surigao City, may mga pasaherong na-stranded sa Lipata Port dahil sa bagyo at agad namang nagbigay tulong ang pribadong sektor sa pamamagitan ng Oplan Kaagapay. (JPG/PIACaraga)
PROVINCIAL NEWS
Agusan del Norte 2nd topperforming LGU in locally sourced revenues
The Province of Agusan del Norte has been awarded by the Bureau of Local Government Finance (BLGF) in a ceremony held at Clark, Pampanga on Tuesday, December 14, for having ranked Top 2 in yearon-year growth of locally sourced revenues and Top 8 in terms of collection efficiency among all the provinces in the Philippines based on 2019-2020 records.
The said recognition was given after the province posted continuous increase of its locally generated income from the year 2019 to 2020. It has recorded a collection of Php146.83 million in 2019 and Php224.48 million in the year 2020, a 52.9% increase in a two-year period. Further, the province also recorded an increase in collection efficiency by 124.0% as it posted a Php24.48 million excess in its Php 181-million target in Locally Sourced Revenue (LSR).
The LSR is the total collected real property tax, local business tax, professional and community taxes, regulatory fees, other service charges, and receipts from government economic enterprises.
It may be noted that under AGUSAN UP!, the development campaign of the administration of Gov. Dale B. Corvera, the province has aimed to rise from a third to first class province by 2027. With the support of the Congressional District Office of Rep. Angel AmanteMatba, the province designed measures to raise its LSR from nearly Php200 million to Php500 million, the minimum income requirement for one to be classified as a first class province, in the next seven years.
Gov. Corvera and Provincial Treasurer Wilelmo C. Furia received the award.
In his acceptance message, Gov. Corvera is grateful and thankful to the BLGF and Department of Finance for the recognition. The governor also recognized the efforts of the personnel of the Provincial Treasurer’s Office for the job well done and the people of Agusan del Norte for paying religiously their taxes.
“On behalf of the people of the province Agusan del Norte, I would like to thank the BLGF and DOF for this recognition and certainly this recognition will continue to inspire and motivate us to do more and much better for our people and province,” said Gov. Corvera as he received the award. (Karen Kei Decamotan, LGU-Agusan del Norte/PIA-Agusan del Norte)