Mga residente sa iba’t-ibang probinsya ng Caraga region nagsilikas dahil sa Bagyong Odette Ni Jennifer P. Gaitano
sa kanila ay naninirahan malapit sa mga ilog. Ganito rin ang sitwasyon sa bayan ng San Francisco at iba pang karatig lugar kung saan nakaantabay pa rin ang rescue teams at mga ahensiya ng pamahalaan upang maibigay ang pangangailangan ng mga apektadong residente.
Lubog na sa baha ang mga mabababang lugar, lalo na ang mga nakatira malapit sa mga ilog sa ilang lugar sa iba’t-ibang probinsya ng Caraga region. Tuloy-tuloy kasi ang malalakas na ulan na dala ng Bagyong Odette. Nagsilikas na ang mga residente sa mas ligtas na lugar. Kabilang sa inilikas ang tatlong araw pa lang na kapapanganak na sanggol sa isang barangay sa Butuan City. Ga-bewang na kasi ang baha sa kanilang lugar. Patuloy pa rin ang pagresponde ng mga rescue teams sa ibang apektadong barangay ng lungsod. Nakahanda naman ang City Social Welfare and Development (CSWD) Butuan para magbigay ayuda sa mga apektadong residente na kasalukuyang nasa mga evacuation
14
|December 11-17, 2021
centers. Bukas din ang malls sa Butuan City para magbigaytulong sa mga nais magpark ng kanilang sasakyan, mag-charge ng kanilang cellphone at iba pang gadgets at mag-stay overnight sa designated area ng malls. May naitala namang landslide sa Sitio Mabuhay, Barangay San Mateo at Barangay De Oro at agad namang rumesponde ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at nagsagawa ng clearing operation. Sa Bayugan City, Agusan del Sur, ginamit na rin bilang evacuation center ang East Bayugan Central School para sa mga residenteng lubhang naapektuhan ng pagbaha. Karamihan
Sa Telaje Covered Court ng Tandag City, Surigao del Sur naman ang nagsilbing temporary shelter ng mga apektadong pamilya at lahat sila ay tumanggap ng relief goods mula sa lokal na pamahalaan. Nawalan din ng kuryente ang ilang lugar sa nasabing probinsya. Bandang 1:30 ng hapon kanina, naglandfall ang Typhoon Odette sa Siargao Island, Surigao del Norte. Wala pa ring tigil hanggang sa ngayon ang pagbuhos ng ulan sa mga probinsya. Sa Surigao City, may mga pasaherong na-stranded sa Lipata Port dahil sa bagyo at agad namang nagbigay tulong ang pribadong sektor sa pamamagitan ng Oplan Kaagapay. (JPG/PIACaraga)
Caraga INFOCUS