Filing ng COC sa Butuan City, naging maayos simula Oktubre 1 Sa tulong ng Philippine National Police (PNP), Philippine Army (PA), Bureau of Fire Protection (BFP) at iba pang law enforcement agencies kasama ang Commission on Elections (COMELEC) sa Butuan City, naging maayos ang filing ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga kakandidato para sa nalalapit na May 2022 national at local elections. Ayon kay City COMELEC officer Atty. Samuel Rollo, sa unang araw ng filing nitong October 1 ay tahimik at walang ni isa na nag-file ng COC at sa pangatlong araw saka dumagsa ang mga kakandidato mula mayor, vice mayor at city counsilor. Nauna na aniyang nagfile ng kanilang COC ang opposition team ng
Caraga INFOCUS
kasalukuyang administrasyon at may mga independent candidates na rin ang sunod-sunod na nag-file ng kanilang COC. Mahigpit din sumunod ang mga ito sa health protocols kasama ng kani-kanilang mga supporters. “Yung mga candidates naman natin ay civilized, mature naman. At dito mismo sa Butuan City, walang anu mang electionrelated violence na naitala,” ani ni Rollo. Sa huling araw ay nagfile na rin ang mga kandidato ng kasalukuyang administrasyon, sabay ng iba pang independent candidates. Nanawagan din si Atty. Rollo sa inactive voters na huwag sayangin ang
oportunidad at kanilang karapatang bumoto. Kaya naman hinikayat niya itong magregister muli sa kanilang tanggapan, maging ang mga gustong mag-update ng kanilang records at sa mga transferred voters. “Maaaring bumisita lang sa ating tanggapan para sa mga gustong humabol sa voter’s registration, updating ng personal information dahil extended ang ating operation hanggang sa October 30 ngayong taon,” dagdag ni Rollo. Tiniyak naman ni Colonel Randy Amaro, deputy city director for operations ng Butuan City Police Office (BCPO) na tulong-tulong ang mga ahensiya para mapanatiling maayos at ligtas ang inaasahang May 2022 Elections. (JPG/PIACaraga)
October 9-15, 2021 |
13