7 minute read
TUGON NG KALIKASAN
Bagyong
sa ang siyudad ng Iloilo sa mga lugar na labis na naapektuhan sa hagupit ng bagyong Paeng sa loob ng apat na araw at nagdulot ng matindihing pagbaha.
Advertisement
Iniulat ng bawat Disaster Risk Reduction and Management (DRRMC) sa mga barangay ng Iloilo na mayroong 30 barangay ang nakaranas ng hagupit ng bagyong Paeng. Kabilang na rito ang barangay ng Sto. Niño Sur, Yulo, So-oc, at Sto. Domingo sa Arevalo; Sinikway sa Lapuz; Bonifacio Tanza at Concepcion sa City Proper; Boulevard at Katilingban sa Molo; Pali Benedicto, PHHC Block
17, San Rafael, Hibao-an Norte, Tabucan, Navais, Q. Abeto, Hibao-an Sur, Calahunan, at Oñate de Leon sa Mandurriao; San Isidro, Camalig, Dungon B, Desamparados, Lopez Jaena, Benedicto, Cuartero, Simon Ledesma, Tagbac, at Tabuc Suba sa Jaro; at San Isidro sa La Paz.
As soon as we can declare a state of calamity, will provide financial assistance from our calamity funds of P10,000 to all families with totally damaged houses and P7,000 to all families with partially damaged houses,” sambit ni Iloilo City Mayor Jerry P. Treñas, tagapangulo ng Iloilo City Disaster Risk Reduction and Management Council (CRDRRMC).
Base sa mga ulat ng Iloilo City DRRM Office, may kabuuang 1,593 pamilya na binubuo ng 6,754 indibidwal mula sa 55 barangay sa siyudad ng Iloilo ang naapektuhan sa bagyong ito.
We have provided temporary shelter and distributed food packs, and hot meals to our evacuees para mapasiguro ang ila seguridad kag kahimtangan sa tion sang kalamidad kag emerhensya. Naghatag man kita sang psychosocial support parehos sang counseling and stress debriefing kaupod ang aton mga CSWDO personnel,” sambit ni Mayor Treñas.
Walang tigil ang matinding weather disturbances na dulot ng Severe Tropical Storm ‘Paeng’ na lumikha ng heavy rainfall at pagtaas ng lebel ng tubig sa iba’t ibang mga lugar sa lalawigan at siyudad ng Iloilo mula noong Oktubre 28.
“We are so grateful of the help extended by the different sectors to the Ilonggos who are greatly affected by Typhoon Paeng. We are all in this together for this battle, ululupod kita sa pag bangon,” dagdag pa ni Treñas.
Bumuhos din ang tulong mula sa mga pribado at pampublikong organisasyon at indibidwal sa pamamagitan ng donasyon para sa mga nasalanta ng bagyo. Kabilang na rito ang paglaan ng tulong pinansyal sa pamumuno ng Uswag IIonggo Partylist at Department of Social Welfare and Development (DSWD). C
Ungka Flyover mananatiling sarado
anlalawigan ang pansamantalang pagsara ng bagong bukas at nagkakahalaga ng PHP 680 million, four-lane flyover sa Barangay Ungka II, bayan ng Pavia simula Setyembre 18, matapos kwestyunin ang pinsalang nakita sa istruktura nito.
Dahil sa pangyayaring ito, umapela ang Department of Public Works and Highways (DPWH) Region VI para sa karagdagang pagunawa sa publiko.
“Ang ginahambal ta nga three weeks, amo na ang temporary shoring while gina-finalize ang recommendation sang pinaka-best nga engineering solution or intervention. So, may ara pa kita nga obrahon,” sambit ni Engineer Jose Al Fruto, DPWH-VI Assistant Regional Director.
Inilarawan ng maraming motorista at mga pasahero na nakararanas sila ng “maalon” na biyahe o katulad ng pagsakay sa bangka sa dagat kapag dumadaan sa imprastraktura. Ang pangyayaring ito ay nagdulot din ng problema sa publikong dumaraan dito. Naibahagi rin ni Fruto na hindi pa rin matukoy ng DPWH ang dahilan ng vertical displacement sa flyover na ito.
“We are doing everything nga as soon as possible mapa gamit dayun ang tulay naton (but) paramount ang safety, we do not compromise the safety sang commuters,” dagdag pa ni Fruto.
Ang flyover ay makikita sa intersection ng Sen. Benigno S. Aquino Jr. Avenue o mas kilala sa tawag na Diversion Road at ng President Corazon C. Aquino Avenue o Circumferential Road 1. Isa sa layunin nito ay ang mabawasan ang malubhang trapiko sa lugar at paikliin ang oras ng biyahe patungo sa Iloilo Airport mula Iloilo City. C
Sto. Niño Sur
Yulo, So-oc
Sto. Domingo (Arevalo)
Sinikway (Lapuz)
Bonifacio Tanza (City Proper)
Concepcion (City Proper)
Boulevard (Molo)
Katilingban (Molo)
Pali Benedicto (Molo)
PHHC Block 17 (Mandurriao)
San Rafael (Mandurriao)
Hibao-an Norte (Mandurriao)
Tabucan (Mandurriao)
Navais (Mandurriao)
Q. Abeto (Mandurriao)
Hibao-an Sur (Mandurriao)
Calahunan (Mandurriao)
Oñate de Leon (Mandurriao)
San Isidro (Jaro)
Camalig (Jaro)
Dungon B (Jaro)
Desamparados (Jaro)
Lopez Jaena (Jaro)
Benedicto (Jaro)
Cuartero (Jaro)
Simon Ledesma (Jaro)
Tagbac (Jaro)
Tabuc Suba (Jaro)
San Isidro (La Paz)
PANAY NEWS PAGTATAPOS AT PAGSISIMULA. Pagkatapos sinalanta ng bagyong Paeng ang Iloilo City, binungad ng wasak at nakahandusay na mga bahay ang Molo Boulevard.
Limang bayan sa Iloilo, tinamaan ng ASF
NI DANICA MAE HABLADO
na baboy ang nahawaan ng ASF mula noong Nobyembre 7, 2022 bayan ang apektado ng ASF mabot na sa limang bayan sa Iloilo ang may kumpirmadong kaso ng African Swine Fever (ASF), ayon kay Dr. Darel Tabuada, Department Head ng Iloilo Provincial Veterinary Office (IPVO).
Iniulat ng mga opisyal ang unang kaso ng ASF sa Santa Barbara, kung saan hindi bababa sa dalawang baboy mula sa isang backyard farm ang nagpositibo.
Sa Leganes, 82 na baboy na ang nahawaan, kung kaya’t naglabas ng executive order si Mayor Vicente Jaen II na higpitan ang pagsuri ng bebentang mga produktong baboy sa mga tabing kalsada at bangketa.
Ang iba pang bayan na may kaso ng ASF ay Alimodian, Leganes, Oton, at San Miguel. Sa lima, tanging San Miguel, Oton, at Leganes ang nasa red zone habang nanatili sa pink zone ang Sta. Barbara at Alimodian.
Ang mga lugar sa “red zone” ay mayroong checkpoint upang paghigpitan ang transportasyon at pagluwas ng baboy, karne, o iba pang produkto habang ang mga lugar sa pink zone naman ay nagsisilbing buffer, kung saan walang kaso ng ASF ngunit malapit sa isang infected zone.
Ang IPVO ay nagsagawa ng mahigpit na pagbabantay sa loob ng isang kilometro ng mga sakahan na pinaghihinalaang may kaso ng ASF upang masigurado na hindi kumalat pa ang sakit.
Samantala, ang mga baboy sa loob ng 0.5-kilometro ng isang kumpirmadong kaso ay pinapatay upang maiwasan ang pagkalat, alinsunod sa bagong memorandum ng Department of Agriculture (DA).
Nagpatupad ng mga hakbang at istratehiya ang gobyerno upang bawasan ang mga lugar na apektado ng ASF at simulang muli ang pagpaparami ng mga baboy.
Ayon kay Iloilo Governor Arthur Defensor Jr., nagsagawa sila ng mabisang programa tulad ng lockdown, monitoring, test and destroy para labanan ang sakit.
Ang African swine fever ay isang nakakahawang sakit na nakakaapekto sa populasyon ng baboy. C
Acute gastroenteritis outbreak idineklara sa Lungsod ng Iloilo
aitalang 727 katao ang may kaso ng acute gastroenteritis o AGE sa Lungsod ng Iloilo, kung saan 13 katao ang idineklarang patay dahil sa kontaminadong pinagmumulan ng tubig at mga sirang pipelines, ayon sa ulat ng City Health Office (CHO).
Sa inilabas na datos noong Setyembre 28, humigitkumulang 126 barangay ang apektado, kabilang ang Barangay San Juan sa Molo, at Barangay Santo Niño Sur, Arevalo na may naitalang pinakamaraming kaso.
Bilang tugon sa pagkalat ng sakit, inatasan ni Iloilo City Mayor Jerry P. Treñas na sumailalim sa mandatory water potability testing ang lahat ng water refilling stations sa lungsod, at kumuha ng sanitary permits at health cards para sa kanilang mga empleyado.
Sa ulat ng CHO, anim na water refilling stations ang permanente nang nagsara, habang 31 ang ipinasasara dahil sa paglabag sa regulasyon, at 33 naman ang nagpasyang itigil ang kanilang operasyon.
Ilan pang water refilling stations ang napilitang nagsara dahil sa kakulangan ng mga kinakailangang papeles.
Nauna nang nagdeklara ng state of calamity ang Sangguniang Panglungsod (SP) dahil sa pagkalat ng AGE at cholera.
Upang suportahan ang medical team ng lungsod at makabili ng kagamitan, inaprubahan ng SP ang paglaan ng P12.5 milyong quick response funds bilang tugon.
Sa isang bidyo, hinikayat ni Mayor Treñas ang mga mamamayan na sumunod sa mga health and sanitation protocols upang maiwasan ang paghawa ng nasabing sakit.
Nag-rekomenda rin ang CHO na mag-ingat ang bawat indibidwal sa pinagkukunan ng kanilang inumin, at siguraduhing malinis ang kanilang mga lalagyan upang maiwasan ang kontaminasyon. C
KADALASANG SINTOMAS ACUTE GASTROENTERITIS
O PAREHO
Iloilo City pinangaralan bilang
‘highly urbanized city’ sa buong Pilipinas
Kinilala ang lungsod ng Iloilo bilang “pinakamahusay” sa mga highly urbanized na lungsod o tinatawag na HUC ng bansa sa katatapos lang na 10th Cities and Municipalities Competitive Summit (CMCS) na inorganisa ng Department of Trade of Industry (DTI).
Ang CMCS ay binuo ng National Competitiveness Council (NCC) sa pamamagitan ng Regional Competitiveness Committees (RCCs). Ang Iloilo City ay patuloy na umaarangkada at sa wakas ay nangunguna sa highly urbanized na mga lungsod sa buong bansa.
“We will work very hard to compete with the NCR (National Capital Region) cities and Davao. We are very happy that we topped the Visayas cities,” masayang ibinahagi ng Iloilo City Mayor, Jerry Treñas.
Nakatulong din sa karangalan nito ang panalo ng lungsod bilang Top 1 sa kahusayan ng pamahalaan. Niyanig nito ang percentile na umabot sa buong potensyal nito sa mga sumusunod na bagay: Social Protection, Presence of Investment Promotion Unit, Compliance with ARTA (Anti-Red Tape Authority), Citizens Charter, Capacity of Health Services, at Getting Business Permits.
“We will continue to serve the community as we build a level-up metropolis for all,” dagdag pa ni Mayor Jerry Treñas.
Ang bawat LGU ay niraranggo sa bawat isa sa apat na convergent pillars ng CMCI katulad ng Economic Dynamism, Government Efficiency, Infrastructure, at Resiliency. Patuloy na tinatamasa ng Iloilo ang tunay na parangal sa pamamagitan ng pinalakas nitong suporta ng gobyerno sa edukasyon, kalusugan, agrikultura, turismo, at serbisyong panlipunan. C
Cinematheque, Embahada ng Poland inilunsad ang CineEuropa 25 sa Iloilo
Inilunsad ng Cinematheque Centre Iloilo kasama ng Embahada ng Poland sa Pilipinas sa tulong ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang CineEuropa 25, upang ipagdiwang ang ika-25 na anibersaryo ng pelikulang gawa ng mga bansang bumubuo sa European Union (EU), matapos ang dalawang taong pagkakauspende nito dulot ng COVID-19 pandemic, noong Oktubre 8, 2022, sa B&C Square building, COR Solis, Iznart St., Iloilo City.
Ang CineEuropa ay ang pinakamahabang flagship film festival sa Pilipinas na nilahukan ng mga bansang bumubuo sa EU (Austria, Belgium, Bulgaria, Croatia, Republic of Cyprus, Czech Republic, Denmark, Estonia, Finland, France, Germany, Greece, Hungary, Ireland, Italy, Latvia, Lithuania, Luxembourg, Malta, Netherlands, Poland, Portugal, Romania, Slovakia, Slovenia, Spain and Sweden) at panauhing bansa, Ukraine.
“Films from the nations of the European
Union always fascinated us with windows into the lives of our siblings from the other side of the world, and we are grateful for these films for how they are expanding our experience of the human condition,” ayon kay Tirso Cruz III, Chairman and CEO of FDCP.
Ang ika-25 na edisyon ng film festival ay binubuo ng 30 na piling mga pelikula.
Ladies and gentlemen, I’m grateful to be here in Iloilo to Celebrate CineEuropa’s 25th Aniversary. I would like to thank the local government, and Cinematheque for giving us the opportunity to enjoy such great artworks in a such historical town,” sabi ni Jaroslaw Szczepankiewicz, Embahador ng Poland sa Pilipinas.
Ang film festival ay bukas sa lahat ng manunuod sa lahat ng sinehan ng Cinematheque sa Metro Manila, Iloilo, Davao, at Palawan mula sa ika-lima hanggang labinglima ng Oktubre. C
CINEMATHEQUE ILOILO
PINATIBAY NA SAMAHAN. Ginayak nina Kamahalang, Jarosław Szczepankiewicz (Ambassador of Polan to the Philippines), Daniella Julieta Caro (Cinematheque Unit Manager, Film Development Council of the Philippines), at Anna Krzak-Danel (Minister Counsellor) ang paglunsad ng CineEuropa 25 sa Cinematheque Centre, Solis St., Iloilo City, kung saan itinampok ang iba’t ibang pelikula mula sa mga bansang parte ng Eurupean Union.