3 minute read

I-bike program ng Iloilo City sinungkit ang Galing Pook Award ‘22

Itinanghal ang I-Bike program ng Iloilo City Government bilang pinakamahusay na makabagong programa ng lokal na pamahalaan sa Galing Pook Award 2022, bilang pagkilala sa kontribyuson nito sa pagpapalaganap ng “bikefriendly culture” sa lungsod ng Iloilo.

Ayon sa pahayag ni Iloilo City Mayor Jerry P. Trenas, ang nasabing parangal ay bunga ng maayos na pamamahala ng mga lideres ng lungsod.

Advertisement

“Galing Pook is about good governance and [the implementation of] projects worthy of emulation by other local government units (LGUs). This caps the awards we have been receiving lately (ang Galing Pook ay tungkol sa maayos na pamamahal at ang pag-implementa ng mga proyekto na magsisilbing huwaran ng ibang LGU,)” pahayag ni Trenas.

Dagdag pa nito, pagkatapos magkaroon ng 2021 Bike Festival sa lungsod ay dumoble pa umano ang bilang ng mga tao na gumagamit ng bisekleta bilang transportasyon, pang-isports, pangehersisyo, at pampalipas oras.

Mahigit 200 na mga LGU ang sumali sa Galing Pook Award, ngunit 18 lang ang napili bilang finalists.

Ang I-Bike Program ang ikatatlong inisyatibo ng lungsod na nanalo sa Galing Pook Award.

Taong 2021 nanalo rin ang Iloilo city sa Mobility Awards at Bike Lane Awards at taong 2018 inarangalan bilang “Most Bike-Friendly City” ng PhilBike Awards. C

14K puno naitanim mula 2019 sa Iloilo City

Ang inisyatiba ay nagtatanim ng mga endemikong puno at isa sa mga ito ay ang punong Iloilo (Aglaia argentea) ng pamilyang Meliaceae.

1200m umigit-kumulang 14,000 puno ang naitanim ng lokal na pamahalaan sa urbanisadong lungsod ng Iloilo mula 2019 hanggang 2022.

Ito ay tumutubo sa taas na 1200 metro mula sa antas ng dagat. Karaniwan itong matatagpuang nakapunla sa granito, basalto, sandstone, korales na buhangin, luwad, o limestone.

 PANAY NEWS PARA SA INANG KALIKASAN. Isang boluntaryo na nakibahagi sa pagtatanim ng puno na inoorganisa ng Pamahalaang Lungsod ng Iloilo na naglalayong gawing mas luntian ang Iloilo City.

Ayon kay Iloilo City Executive Assistant for Environment Armando Dayrit, na namuno sa malawakang pagtatanim ng mga puno, ang mga ito ay itinanim sa mga barangay, bakanteng lote, at bangketa ng Iloilo City.

“Bukod sa pagpigil sa pagbabago ng klima, pagtulong kapaligiran at pagtataguyod ng turismo, nagtatanim tayo ng mga katutubong puno dahil ito ay sa atin at dapat ipagmalaki sa iba,” pahayag ni Dayrit.

Binanggit din aniya na nagbabalak silang palaganapin ang Siar species, ito ay ang punong itinanim ni Emilio Aguinaldo nang ideklara niya ang Republika ng Pilipinas at ito ay tinawag na “Independent Tree.”

“Hindi ako masyadong sigurado pero walang lungsod o lugar sa Pilipinas na nakatutok sa pagtatanim ng katutubong puno sa kanilang mga kalsada at parke, maliban sa Iloilo,” dagdag niya.

Dagdag pa rito, nakapagtanim na sila ng mga puno mula Barangay Taft North sa Mandurriao hanggang Ungka District ng Jaro, mula sa Atrium sa City Proper hanggang sa distrito ng Molo, sa paligid ng molecular laboratory din sa Molo, at sa mga bakanteng espasyo sa Plaza Libertad.

“Ang pangarap kong magtayo ng isang progresibong metro ay nakikita na sa ating mga lansangan at mga barangay sa lungsod. Padayon ako nga magasulang sa pag-uswag sang aton ciudad. Level-up Iloilo!” saad ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas. C

LTFRB-6 nagtaas ng pamasahe sa PUJs

ahil sa pagtaas ng presyo ng gasolina, inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board Region VI (LTFRB-6) ang pagtaas ng pamasahe para sa mga public utility jeepneys (PUJs) ng Iloilo City.

Ayon dito, isang piso ang itinaas ng pamasahe para sa mga traditional public utility jeepneys (TPUJ) at modern public utility jeepneys (MPUJ) sa unang apat na kilometro. Ang minimong pamasahe para sa TPUJ ay naging Php 12 at Php 14 para sa MPUJ.

“Higit na apektado rito ay ang mga estudyante. Para sa akin, hindi ito makatarungan dahil hindi naman nila binababa ang pamasahe kahit na bumaba na ang presyo ng gasolina,” komento ng isang netizen.

Ayon sa ulat ng Department of Energy (DOE) Visayas, ang presyo ng gasolina sa Iloilo City ngayon ay umiikot sa Php 46.25 para sa diesel, Php 55.25 para sa gasolina na may 91 octane rating, at Php 56.20 para sa gasolina na may 95 octane rating.

Sa kabilang banda, ilang mga driver sa lungsod ang nagpahayag ng tuwa, dahil

30m

Ito ay maaaring tumubo ng hanggang 30 metro ang taas at 18 metro naman kung walang sanga sa puno.

3600 malaking tulong ito sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Mayroon higit sa 3600 uri ng mga punong katutubo sa Pilipinas.

“Malaking tulong ito sa aming pamilya. Kahit na piso lang ang naidarag ay sapat na rin itong pandagdag ng pambili ng mga pangangailangan,” saad ni Ronald, tsuper ng Villa-Baybay na dyip.

Binigyang-diin naman ng LTFRB-6 na magiging epektibo pa rin ang 20 porsiyentong diskwento para sa mga senior citizen, persons with disabilities (PWD), at mga estudyante. C

This article is from: