2 minute read

BY PAULETTE TORRICO READ MORE ON 18, BUWIS BUHAY

of the Philippines (FDCP) na pinamunuan ni Chairman Tirso Cruz III. Ayon kay Estrada, aktor at senador, nawawalan ng kita ang mga artistang Pilipino dahil sa paglagganap at lubos na pagtangkilik ng mga Pinoy sa pandayuhang telenovela katulad ng Korean drama. Umani ng maraming kritisismo at batikus sa Twitter at Facebook ang pahayag na ito at nanatili paring isang mainit na usaping pambansa.

Kung ipagbabawal man ang K-drama at iba pang mga internasyonal na palabas, hindi ba ay mas maraming mawawalan ng trabaho? Paano na ang mga dubbers, translators, editors at sound engineers ng mga palabas na mula sa ibang bansa idina-dub sa TV?

Advertisement

Kung kakayahan sa pag-arte lang naman ang batayan, hindi rin maipagkakaila na pang world class ang aktingan ng mga Pinoy. Kamakailan lamang ay nakatanggap ng Outstanding Asian Star award si Belle Mariano mula sa Seoul International Drama Awards 2022 at kinilala bilang kauna-unahang Pilipina na nabigyan ng ganitong paralangal.

S

Noong 2016, itinanghal din bilang Best Actress si Jaclyn Jose sa Palme d’Or Cannes Film Festival, isang internasyonal na pista ng pelikula na ginaganap sa Cannes, France, bilang pagganap nito sa pelikula ni Brillante Mendoza na “Ma’ Rosa.” Siya rin ang unang Pilipina na nakatanggap ng prestihiyosong kagawaran. Hindi isyu ang galing ng artista kundi ang pagkakagawa ng pelikula. Sawang-sawa na ang sambayanang Pilipino sa kakapanuod ng palabas na tantyang-tantya naman na nila ang wakas. Hindi na bago ang kwento tungkol sa mga kabit, mahirap na bidang anak pala ng mayaman, mga kontrabida na siya ring kamag-anak ng bida, hindi namamatay-matay na bida kahit paulanan ng bala at marami pang iba.Masyadong klise ang naman magiging problema na tangkilikin din natin ang “maindie” o mga pelikulang ginawa ng mga malayang prodyuser at ipinalabas sa mga malalaking kompanya. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang “Ang Babae sa Septic Tank” ni Marlon Rivera, “That Thing Called Tadhana” ni Antoinette Jadaone, at “Ang Babaeng Humayo” ni Lav Diaz.

Malaking bahagi sa paggawa ng dekalidad na palabas ang nakalaang badyet para dito. Hindi kakulangan sa abilidad at oportunidad ang balakid sa atin upang makipagsabayan sa katha ng mga banyaga. Mas lalong hindi rin colonial mentality ang hadlang sa pag-usbong ng industriya.

Ayon kay Tirso Cruz III aabot sa 10 hanggang sa 30 milyong piso ang maaring gastusin upang mapaigting ang suporta ng mga Pinoy sa lokal na mga palabas at mas lalong hindi nakapagbibigay ng dagdag kita para sa prodyuser.

Kung ipagbabawal ang K-drama ay mas lalala lamang ang pamimirata na siyang pagkalugmok pa lalo ng lokal na industriya ng pelikula. Hindi magiging mainam na solusyon ang pagtakbo kompitesyon imbes na makipagsabayan dito. Mula noon ay magaling lang naman ang gobyerno sa paghahanap ng scapegoat imbes na maghanap ng nararapat na solusyon. Ang mga maggagawa ng peikula, na nais magbigay aliw sa madla, ay sila pa ang palaging nauubosa ng rason para maging masaya sa kahihinatnan ng kanilang katha.

Hindi sapat ang talento, dugo at pawis para

Hindi sapat ang talento, dugo at pawis para magpakain sa pamilya ng production staff at crew members. Hindi mapupunan ng sigasig at determinasyon ang puwang na dapat ay gampanan ng suporta at pondo sa paggawa mga ipinapalabas sa mga mainstream media platforms tulad ng Star Cinema, Regal Films, Viva Films at GMA Films. Tila nire-recycle lang ang pagbabalangkas ng istorya para lang may mapagkakakitaan. Nakalilibang din naman ngunit wala namang makabuluhang katuturan.

Samantalang ang mga Indie Films naman na siyang tunay na salamin ng tunay nating sitwasyon, sining at aking galing ay siyang hindi nabibigyan ng kaukulang suporta. Nakadidismaya na nananatiling “low-budget” films ang tatak sa mga obra-maestrang ito. Ang kadalasang paksa ng mga Indie films ay maseselan at sensitibo salungat sa nais ng maraming tagapanood na comedy, love story at romantic comedy. Hindi

This article is from: