2 minute read

Nagmumurang Pitaka

MAGNUM OPUS

BY PAULETTE TORRICO

Advertisement

Maraming mukha ang ninanais na makita ng aking kakilala. Pati amoy daw nila ay nais niyang masimot hanggang sa malula. Mga makikinis nilang mga balat ay nais niya muling maramdaman. Simple lamang ang hiling ng aking pitaka, ito ay muling mahagkan ang magtotropang sina Jose Abad Santos, Josefa Llanes Escoda, at Vicente Lim na nakaimprinta sa isang libong papel na pera. Maraming Pilipino ngayon ang umaaray ang mga pitaka sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin. Batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), pumapalo na sa 6.9% ang inflation rate sa buwan ng Setyembre at inaasahan na mas tataas pa sa susunod na iba pang personal na gamit. Hindi ko rin labis maisip na ang mga budget meals na nabibili ko lang sa halagang Php 45 hanggang Php 50 ay nasa Php 60 hanggang Php 75 na ngayon. Tipid na tipid pa ang kanin at maliit ang hiwa ng karne.

Nakabibingi din sa bulsa ang busina ng tumataas na pamasahe sa mga pampublikong transportasyon. Naabutan ko pa noon ang tig-limang pisong halaga ng pamasahe noong 2018. Nasa Php 6.50 ang halaga ng regular na pasahero at may 20% na discount o Php 5.50 naman sa mga estudyante at PWDs. Dulot ng patuloy na pagtaas ng krudo ay Php 12 na ang minimum na pamasahe ngayon. Kung

Para naman sa mga nag-iinvest, mas mababa na rin ang halaga ng return on capital o interes kung ikukumpara sa panahong mas mababa ang inflation rate. Halimbawa, kung ikaw ay nag invest ng 100 na may 4% interes noong nakaraang taon, ang halaga ng interest na makukuha mo ay Php 4 piso. Sa panahon na may mataas na inflation rate, halimbawa ay 6% kailangan na ikaw ay magdagdag pa ng investment nang 6% din upang mapanatili ang halaga ng interes na iyong nakukuha.

Kung nakakapagsalita lang ang ating mga pitaka, siguradong sila ay mapapamura na.

na lamang ang aking karapatan para mahawakan ang isang libong piso.

mga buwan. Ayon naman sa Bangko Sentral ng Pilipinas, maliban sa palitan ng langis sa pandaigdigang merkado, maaari ring magdulot ng malaking epekto sa implasyon ang pagtaas ng presyo ng asukal, kakulangan ng supply ng isda sa bansa, at patuloy na mga petisyon sa pagtaas ng pamasahe.

Kahit na kalansing ng barya ngayon ay hindi ko na marinig mula sa aking pitaka. Bilang estudyante na may isang libong allowance sa isang linggo, ramdam ko ang mabilis na pagbaba ng halaga ng piso. Kung noon ay mai-aalot ko pa ang Php500 para pambili ng groceries, ngayon ay tanging mga delata, kape, at asukal na lamang ang aking nabibili. Hindi na ako halos makabili ng sabon, shampoo, at panay ang aking lakwatsa noon, mas pinipili ko nalang na sagad sagarin ang binabayad ko sa renta ngayon. Hindi na mahalaga ang mental health basta’t may makakain lang hanggang Biyernes.

Ang patuloy na paghina ng mahalaga ng piso kontra dolyar ay nangangahulugan din na mas magiging mahirap ang pag-iipon. Hindi lamang bigat ng tao ang mababawasan sa sitwasyong ito kundi pati na rin ang timbang ng mga alkansya nating baboy. Mas mababa ang aking naiipon o di kaya ay wala na talagang akong naitatabi mula sa aking allowance sa panahon ngayon. Di hamak na mas malaki pa nga ang aking nagagatos kesa sa aking badyet.

Tila isang segundo na lamang ang aking karapatan para mahawakan ang isang libong piso.

Pagkatapos maibigay ng aking tatay ay sunod sunod na rin ang aking paglustay. Sa katunayan, ang aking hinaing tungkol sa pera ay walang binatbat kung ikukupara sa pamomroblema ng aking mga magulang at iba pang mga breadwinner. Ang mas nakakalungkot pa ay tila wala pa ring konkretong plano ang gobyerno upang matugunan ang lumubong problema sa bansa. Umaasa na lamang ako na balang araw, lahat ng pamilyang Pilipino ay hindi na salat sa isang libo. C

This article is from: