MONIT R Opisyal na pahayagan ng Center for Trade Union and Human Rights
ULAT 2017
MARAHAS NA PAMAMAHALA LAGANAP NA KAHIRAPAN TUMITINDING PAGLABAN
Taunang Ulat sa Kalagayan ng Karapatang Pantao at Panggmanggagawa
2 LATHALAIN
ASEAN 2017 Ang Pasikat at Ang Pasakit
B
idang-bida ang Pilipinas sa ginanap na 31st Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit and Related Meetings noong Nobyembre 2017. Syempre pa, punong abala dito ang tinaguriang “rock star” ng ASEAN na si Pangulong Rodrigo Duterte. Para lalo pang sikat, nagwaldas ang gobyerno ng P15.5 bilyon para tiyakin na maidaraos ng magarbo ang pagtitipon. Hindi naman nabigo si Duterte na magpasikat sa mga head of states na dumalo sa ASEAN Summit lalo na kay US President Donald Trump.Bilang host, mahusay na naitambol ng Pilipinas ang mga neoliberal na adyenda na itinutulak ng ASEAN para sa layunin nitong ganap na integrasyon tungong iisang merkado (single market) at maging “production hub” ng mga malalaking dayuhang korporasyon ng mga imperyalistang bansa. Itinatag ng US ang ASEAN noong panahon ng cold war para pigilin ang paglaganap ng komunismo mula sa China, North Korea at Indochina. Mula noon, isang napakatabang lupa ang Timog Silangang Asya para huthutan ng hilaw na materyales at murang lakas paggawa at gawing tambakan ng mga sobrang produkto at kapital. Sa ASEAN Summit na idinaraos ng dalawang beses kada taon, pinag-uus a p a n ang mga kasunduan sa malayang kalakalan para ibayong ibuyangyang ang ekonomi-
ya at mamamayan ng rehiyon sa labis na pagsasamantala. Pasakit na polisiya Bagama’t asosasyon ng mga bansa sa Timog Silangang Asya, nakaangkla ang adyenda ng ASEAN sa relasyon nito sa mayayamang bansa gaya ng US. Itinataguyod ng ASEAN ang mga neoliberal na polisiya tulad ng liberalisasyon sa kalakalan nang gayon ay madulas na makapasok ang mga dayuhang puhunan at kalakal nang walang hadlang sa taripa o anumang proteksyon. Isang halimbawa ang ASEAN Free Trade Agreement (AFTA) na nilagdaan noong 1992, na nag-alis sa mga sagka at buwis sa mga inaangkat na kalakal o produkto sa pagitan ng bansang kasapi ng ASEAN. Ito at ang mga kahalintulad na kasunduan ang salarin kung bakit napako sa pagiging import-dependent, export-oriented ang ekonomiya ng Pilipinas na pumapatay sa lokal na industriya at agrikultura sa bansa. Sa taong 2025, target ng ASEAN Economic Community ang ganap na integrasyon bilang pinag-isang merkado, pag-alis sa mga non-tariff barriers, mas malalim na integrasyon sa palitan ng serbisyo at mas madulas na galaw ng pamumuhunan, may kasanayang paggawa (skilled labour), negosyante at puhunan. Pero sa ganitong integrasyon, pinakamakikinabang ang mga monopolyong kapitalista dahil madali na sa kanilang maglipat-lipat ng puhunan at
makapagsamantala ng likas na yaman at murang lakas paggawa partikular ang migranteng manggagawa. Masidhi ang interes ng mga monopolyong kapitalista sa Timog Silangang Asya. Mayroon itong pinagsamang 650 milyong populasyon kung saan 67.8 porsyento nito ay binubuo ng labor force. Bukod sa balon ng supil at murang lakas-paggawa, bentang-benta sa mga malalaking kapitalista ang rehiyon dahil matatagpuan dito ang isa sa pinakamalaking merkado (captive market) sa buong daigdig. Pero, may mapapala ba ang mamamayang Pilipino lalo na ang mga manggagawa sa ASEAN? Sa katotohanan, walang malaking kapangyarihang pang-ekonomiya sa mga bansang ASEAN, sa kalakhan ay nanatiling mga sub-contract o suppliers of transnational corporations (TNCS) ng economic giant gaya ng Japan, US, China at Europe at sila rin ang pinakamalaking trading partner nito. Para makaakit ng mga dayuhang investor, nagpapaligsahan ang mga bansang ASEAN sa pambabarat sa sahod at benepisyo ng kanilang mga manggagawa habang pinipiga ang migranteng manggagawang karamihan ay mula sa Pilipinas, Indonesia, Myanmar, at Cambodia na nasa mas maunlad na ekonomiya tulad ng Singapore, Brunei at Malaysia. Sa Pilipinas, dinaranas ng mga manggagawa ang masasahol na epekto ng mga neoliberal na polisiya gaya ng napakababang sweldo at kontrakwalisasyon. Itinutulak din ngayon ang compressed work week scheme o 12 oras/ araw, apat na araw sa isang linggo na paggawa para matiyak ang mas malaking kita ng mga kapital-
CTUHR ULAT 2017
LATHALAIN 3 MINIMUM WAGE IN ASEAN COUNTRIES (As of 29 December 2017) Daily Minimum Wage (In USD) Philippines
9.52 – 10.27
Thailand
2.15
Myanmar
2.67
Laos
3.64 4.89-5.53 NO MINIMUM WAGE 7.54-8.20 4.67
Vietnam Singapore Malaysia Cambodia Brunei
NO MINIMUM WAGE 3.29- 8.26
Indonesia
Source: National Wages and Productivity Commission ista habang sinasadlak sa mala-aliping kalagayan ang mga manggagawa. Dahil sa mga kasunduan sa malakayang kalakalan at neoliberal na polisiyang itinutulak ng ASEAN at iba pang free trade bloc, hindi makaahon-ahon sa kahirapan at malawak na disempleyo ang Pilipinas. Nasa 11.5 milyong Pilipino pa rin ang unemployed at underemployed habang 66 milyon ang nagkakasya na mabuhay sa Php125 pesos kada araw. Wala pa sa kalahati ng P1,130 family living wage kada araw ang Php516 na minimum na sahod sa Metro Manila habang mas maliit ng di-hamak ang sinasahod ng mga manggagawa sa mga probinsiya. . Pabida sa [mga] amo Sa ginanap na ASEAN sa bansa, kakaibang Digong ang nakita ng buong mundo. Malayo sa kaniyang maaanghang na patutsada laban sa US, nagmistulang maamong-tuta si Duterte sa harap ni Trump at iba pang lider ng makapangyarihang bansa. Magiliw pang hinarap ni Duterte si Trump at iba pang bisita alinsunod sa utos ng “commander-in-chief of the United States”. Hindi lamang sa simbolikong pagharana kay Trump ipinakita ni Duterte ang pagiging sunud-sunuran sa US. Sa katunayan, muling pinagtibay sa bilateral meeting ng dalawa ang Mutual Defense Treaty
CTUHR ULAT 2017
of 1951 at Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA)na nagbibigay-laya sa presensiya ng mga tropang kano sa bansa at pagtatayo nila ng baseng-militar dito. Kung gayon, puro hangin lang pala ang matatapang na pahayag ni Duterte laban sa panghihimasok ng US at pamamandila niya sa independent foreign policy. Maliban sa muling pakikipagmabutihan sa US, consistent naman si Duterte sa panliligaw nito sa China. Bilang chairman ng ASEAN, maraming nagsasabing sinayang nito ang oportunidad para isulong ang interes ng Pilipinas sa pinag-aagawang South China Sea. Noon pa man, tahimik na si Duterte sa reclamation activities at pagtatayo ng mga istruktura ng China sa mga isla sa loob ng pinag-aagawang teritoryo. Dahil sa malambot na posisyon ng ASEAN sa ilalim ng chairmanship ni Duterte, itinuturing ng ilang political experts na “real winner” ang China sa 2017 ASEAN Summit. [tingnan ang kaugnay artikulo sa pahina 9] Talaga nga namang napabilib ni Duterte ang mga lider ng naghaharing bansa. Kapalit ng pagpasok sa mga di-pantay na kasunduan sa ASEAN, nakuha niya ang loob ng US, China, Russia, Japan at iba pang dialogue partners para suportahan at pondohan ang kaniyang brutal na giyera kontra droga at neoliberal na programa sa
ekonomiya gaya ng “Build, Build, Build”. Isa pang pasikat Pero ang pinakabida at tunay na sikat ay walang iba kundi si Trump. Bago pa ang pagdalo niya sa ASEAN Summit, inisa-isa na niyang binisita ang Japan, South Korea, Vietnam at China. Layon ni Trump na tiyakin ang geopolitical na posisyon ng US sa rehiyon at himukin ang mga bansa sa Asya na pumosisyon laban sa North Korea. Paniguradong batid ni Trump ang lumalawak na impluwensiya ng China sa mga bansang ASEAN. Nagtatagisan ang dalawang higanteng bansa para palakasin ang kanilang pang-ekonomiyang interes sa Timog Silangang Asya. Syempre, may espesyal na importansya para sa US ang Pilipinas bilang matagal na nitong malakolonya. Inilarawan ni Trump ang bansa bilang “most strategic location” at “most prime piece of real estate from military standpoint”. Kung pagpapasikat lang din ang pag-uusapan, hindi nasayang ang pag-eksena ni Trump sa ASEAN Summit. Sumikat ang mga panawagang “Ban Trump”, ‘di lamang sa Pilipinas kundi sa iba pang bahagi ng Asya. Bumaha ng malalaking protesta para palayasin sa Asya ang “numero unong terorista” sa mundo. SANGGUNIAN: •
•
•
•
•
Africa, Sonny, “ASEAN and the US agenda in Asia,” - http://bulatlat.com/ main/2006/11/26/asean-and-the-u-sagenda-in-asia/ ASEAN Community Vision 2025, http:// www.asean.org/storage/images/2015/November/aec-page/ASEAN-Community-Vision-2025.pdf Casey Salamanca, “Five ASEAN features that show “One Community” is exclusionary”, http://ibon.org/2017/11/five-asean-features-that-show-one-community-is-exclusionary/ Adel, Rosette, “LIST: Agreements, vows made with the Philippines on ASEAN sidelines”, http://www.philstar.com/headlines/2017/11/17/1759743/list-agreements-vows-made-philippines-aseansidelines Macas, Tricia, “Trump on Phil: Most prime piece of military real estate”, http:// www.gmanetwork.com/news/news/nation/633171/trump-on-phl-most-primepiece-of-military-real-estate/story/
4 LATHALAIN
T
aong 2006 itinayo ng kumpanyang South Korean na Hanjin Shipping Co. Ltd, ang $1.6 bilyong dolyar na Hanjin Heavy Industry Corporation Philippines (HHIC-Phil) sa Subics Bay, Zambales. Simula na rin ito ng pagkatatag ng industriya ng pagbabarko at paglalayag sa bansa. Napakagandang lokasyon, malalim at panatag na dagat sa Subic Bay. Dating naval base ito ng Amerika kung saan daungan ito ng kanilang barkong pandigma at submarino kaya naman akma sa mga malalaking barko na gagawin ng HHIC-Phil. Nabighani rin ang HHIC dahil sa mga insentibong iginawad ng gobyerno sa kumpanya kasama ng mura at sanay na lakas paggawa ng mga Pilipino. Isa sa mga insentibong iginawad ni dating Pangulong Gloria Arroyo sa HHIC-Phil, sa pamamagitan ng Executive Order (EO) 701 ay pagbibigay ng power subsidy. Ibig sabihin, magbibigay pa gobyerno ng assistance sa Hanjin para sa pagbaba-
nakagawa at nakapag-deliver na ang HHIC na ng 111 iba’t-ibang klase ng sasakyang-pandagat sa kaniyang mga kliyente. Aaabot na sa US$ 7 Bilyon o katumbas na Php 350 Bilyon ang kabuuang halaga ng export nito. Sa kasalukuyan, ginagawa pa nito ang tatlong 20,600 TEU class container ships, ang magiging pinakamalaking container ship sa buong mundo. Hinahanda na rin ng HHIC-Phil ang pagpapalawak pa ng kaya niyang gawin, gaya halimbawa ng mga barkong may kinalaman sa depensa, na kailangan ng iba’t-ibang estado. Dahil sa laki ng operasyon ng HHIC, katunayan, naging panglima na ang Pilipinas sa “Top Shipbuilding Countries”, pagkatapos ng China, South Korea, Japan at Germany. Ano nga ba sikreto ng sinasabing tagumpay ng HHIC at pagkakahanay ng Pilipinas sa kilalang
dito ang mga subcontractors para sa support group tulad ng transportasyon, food service at dagdag-tauhan para sa pinamamadaling trabaho. Hindi sila itinuturing na manggagawa ng HHIC kundi ng subcontractors. Dahil dito, madali rin sa management ng HHIC-Phil. na tanggalin sa trabaho ang mga manggagawa, at tila walang pananagutan kapag may mga naaksidente, bagkus ipinapasa lamang ng HHIC ang responsibilidad sa mga subcontractors. Sa obserbasyon, tila nakapadron sa ganitong sistema ang DO 174 sapagkat mas pinagtitibay lamang nito ang pagreregularisa sa manpower agency sa halip na prinsipal na kumpanya. Sa kaso ng HHIC, may umabot na nga sa 10 taon, pero regular sa subcontractor.
HANJIN PHILIPPINES
Mga sikreto sa likod ng mga dambuhalang barko
yad ng konsumo nito sa kuryente. Katunayan, noong 2016, Php1.47 Bilyon ang nakuhang ayuda ng kumpanya para sa gamit na kuryente ng HHIC-Phil. Ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) pa mismo ang nagbabayad ayon sa kanila. Sa ilalim ng administrasyong Noynoy Aquino, nagbigay ito ng tax exemption sa importasyon ng mga equipment at makinarya na gagamitin sa paggawa ng barko. Labas pa ito sa mga pribilehiyo tulad ng libreng pagbubuwis na iginagawad sa dambuhalang kumpanyang multinasyunal na nasa loob ng special economic zones (SEZs). Ang HHICPhil ay nasa loob ng SEZs. Kaya naman, kahit noong 2008 lamang nagsimula ang commercial operation hanggang sa kasalukyan, ay
pagawan ng barko sa mundo? Gumagawa ng Barko ng Hanjin, pero hindi manggagawa ng HHIC May 33,000 manggagawa ang nagtatrabaho para sa Hanjin kalakhan sa kanila ay mula sa sa Zambales . Meron din manggagawa na nirekruta pa mula sa malalayong probinsya at rehiyon gaya ng Mindanao. Subalit ‘singbilis din ng pagdami ng manggagawa ay ang kaso ng paglabag sa karapatan nila, na kinasasangkutan ng nasabing kumpanya Katunayan, bago pa man, ilabas ng DOLE ang Department Order (DO) 174, matagal ng pinapatupad sa HHIC-Phil ang subcontracting. Nahahati ang manggagawa sa sa 18 subcontractors* (tinatawag din nilang “company”) sa loob ng HHIC-Phil, hindi pa kasama
Mababang sahod, ‘di ligtas na paggawa at pananakit Sa kabila ng napakalaking kinita ng Hanjin sa sampung taong operasyon nito, at delikadong trabaho sa loob ng shipyard, Php380 kada araw lamang ang sahod ng mga manggagawang rank and file, katumbas ng minimum na sahod sa Central Luzon. Pwersahan din ang pagpapa-overtime sa mga manggagawa. Wala ring naibibigay na maayos na health and safety benefits, hospitalization at angkop na Personal Protective Equipment (PPEs) ang kumpanya. Katunayan, mula ng magsimula ang HHIC hanggang sa kasalukuyan, 40 na manggagagawa na ang nasawi at hindi mabilang na manggagawa naman ang nasugatan. Kwento ng isang manggagawa, nasaksihan nila kung paano nahulog
CTUHR ULAT 2017
ang isang manggagawa sa mataas na bahagi ng barko tungo sa pinakasahig nito. Noong 2009 nagsagawa ng Senate Inquiry dahil sa sunod-sunod na aksidente. Tinangka pa itong harangin ni dating Korean Ambassador to the Philippines Choi Joong Kyung dahil sa magkakaroon raw ng “substantial and negative repercussions” ang inquiry sa Hanjin. Ngunit pagkatapos ng imbestigasyon hanggang sa kasalukuyan, wala pa ring napapanagot at hindi pa rin natutuldukan ang mga aksidente sa loob ng shipyard. Bukod dito, madalas ding nakakaranas ang mga Pilipinong manggagawa ng pisikal, berbal at sekswal na pang-aabuso mula sa mga Koreanong amo, tulad ng pambabatok, panununtok, paninipa, pagmumura, panunura at panghihipo sa mga kababaihang manggagawa. ‘Hanjin Village’ pero limang taon walang alisan Ipinagmamalaki naman ng HHIC-Philippines ang “Hanjin Village” - isang socialized housing project sa Castillejo, Zambales -19 na kilometro mula sa shipyard. Makakakuha ng unit ang isang manggagawa basta tuloy-tuloy ang pagbabayad ng amortisasyon. Ngunit ayon kay “Irina” (di tunay na pangalan, welder sa Hanjin) bago makakuha ng housing unit ang isang manggagawa, 18 subcontractors na lalahok sa CE at may direktang trabaho sa pagbubuo ng barko
1. Zambanas Pinas Corp 2. Sushicor 3. Hacor Philippines 4. Subic point (Spoint) Corp 5. Green Beach 6. Citicor 7. Golden Bay 8. Redo I 9. Free Corp 10. Kalayaan I-Tech 11. Subic Corp. 12. Rebay 13. Metro Bay 14. Fin Back 15. Asian Ocean Corp 16. Binictica 17. Subic Mau Corp 18. Subic Bay Power Tech
CTUHR ULAT 2017
kailangang limang taon na siyang nagtatrabaho sa HHIC-Phil, at kapag nakakuha na ng unit, hindi pwedeng umalis o matanggal sa kumpanya sa unang limang taon ng kanyang paninirahan. Kung matanggal ang manggagawa, kahit na tuloy-tuloy ang pagbabayad ng amortisasyon maaaring paaalisin pa rin siya at posibleng hindi na rin mabawi ang mga naihulog na amortisasyon. Ito ang nakasaad sa mga contract-to-sell sa pagitan ng manggagawang kumuha ng unit at HHIC Phil, at developer na Fiesta Communities. Dagdag pa ni Irina, “Isa sa kinatatakutan ko ay ang pag-initan at gawan ng kung ano-anong kaso na maging dahilang sa pagkatanggal ko sa trabaho dahil pati paninirahan namin ay maaalis din, at ang ang naibayad ko ay mababalewala rin”. Pagpigil sa pagbubuo ng unyon at paglaban ng manggagawa ng Hanjin Mula pa noong 2008, ilang beses nang hinarang ng kumpanya ang pagtatangka ng mga manggagawa na magtayo ng unyon. Binigo nito ang tangka ng Manggagawa para sa Kalayaan at Bayan (MAKABAYAN) na magbuo ng unyon noong 2008, sa anyo ng maramihang suspensyon, ibat ibang harassment at tanggalan sa mga aktibong kasapi ng binubuong unyon. Noong Abril 2017, nakapagtayo ng unyon ang manggagawa sa ilalim ng 18 kumpanya (agencies) sa pangunguna ng Alyansa ng Manggagawang Pilipino-Trade Union Congress of the Philippines (AMAPO-TUCP). Mayo 23, 2017 naman isinumite nila ang petisyon para sa Certification of Election. Subalit, nagtangka na naman ang HHIC-Phil na harangin ang eleksyon ng unyon gamit pa rin ang harassment, suspensyon, demosyon, at pagpapalipat ng lugar ng eleksyon sa lugar na malayo sa mga manggagawa. Si Marlon mismo, tukoy na lider at Pangulo ng unyon ng Spoint ay sinampahan ng iba’t-ibang kaso para mailipat sa ibang lugar, na tinatawag nilang “bundok”. “Ipinuwesto ako sa bundok, na malayo sa mga manggagawa para hindi ko sila makausap” sambit niya. Dagdag pa nya, kinausap rin ng ilang lokal na mga pulitiko at isang mambabatas ang mga manggagawa sa
LATHALAIN 5
isang diyalogo na huwag na ituloy ang pag-uunyon at nagbabala pa sa magiging negatibong epekto nito HHIC Phil. Sa kabila nito, nagpatuloy ang 18 unyon at Septyembre 2017, idinaos ang unang botohan sa tatlong subcontractors: Zambanas, Sushicor at Hacor, na may pinagsamang miyembro na 4,500. Sinabotahe ng HHIC ang eleksyon, hindi pinayagan na sa loob ng shipyard gawin ang eleksyon at sapilitang pinag-overtime ang mga manggagawa kaya hindi kinayang makarating sa covered court ng Brgy. San Pablo, Castillejo, 20 kilometro mula sa shipyard. Resulta nito, dineklarang may failure of election dahil hindi inabot ang sapat na bilang (50 porsyento + 1 ng kabuuang bilang ng mga bumoto, na tinatadhana ng batas paggawa). Hindi pa rin pinahihintulutan ng management na gawin ang susunod na batches ng eleksyon sa loob ng shipyard. May anim na batches pang dapat maganap na CE, kung saan tatlong unyon ang kalahok sa bawat batch. “Magtutuloy-tuloy kami sa aming pag-uunyon dahil dito lamang kami makakasigurado na mapapabuti ang aming kalagayan, makakalahok sa CBA (pinaikling tawag sa Collective Bargaining Agreement) at makataong pagtrato sa amin ng management”, pagtatapos ni Marlon ni Aquino. UPDATE: Kamakailan lamang ay nagpirmahan ng Memorandum of Agreement (MoA) ang HHIC-Phil at AMAPO-TUCP noong Enero 31, 2018. Ayon sa kasunduan, itatayo ang grievance committee sa lahat ng subcontractor ng Hanjin pero bilang kompromiso, babawiin ng AMAPO-TUCP ang lahat ng petisyon para sa CE ng 18 unyon, gayundin ang iba pang sinampang kaso sa DOLE. SANGGUNIAN: • •
•
http://www.manilatimes.net/hanjinlands-ph-top-5-shipbuilding-countries/356423/ http://www.officialgazette.gov. ph/2011/01/06/speech-of-presidentaquino-during-the-naming-of-the-mvrahi-and-mv-vanshi-subic-bay-january-6-2011/ PNA Central Luzon: SBMA pays Hanjin power bills subsidy, not nat’l treasury
6 LATHALAIN
MARAHAS NA PAMAMAHALA LAGANAP NA KAHIRAPAN TUMITINDING PAGLABAN! Taunang Ulat sa Kalagayan ng Karapatang Pantao at Panggmanggagawa sa Taong 2017
T
inapos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang taong 2017 sa paglalantad ng tunay na katangian ng kanyang pamamahala, isang pamamahalang nakabalangkas sa karahasan at kawalan ng malasakit sa mahihirap, isang pamahalaang mas masahol pa sa mga nagdaang rehimen, na nakaayon lamang sa interes ng negosyo at sa pakinabang ng mga dayuhang bansa at dambuhalang korporasyon. Lubos din ang pagbibigay ng kapangyarihan ng administrasyon sa militar at pulisya na higit na nagpapalalim sa kultura ng kawalan ng pananagutan o culture of impunity sa paglabag sa karapatang pantao. Tinatayang hihigit sa 13,000 ang biktima ng giyera kontra droga, at kalakhan dito ay mga mahihirap. Samantala, may 126 naman ang biktima ng pampulitikang pamamaslang, 22 dito ay manggagawa, 235 bigong pagpatay (frustrated killing), 276 ang ilegal na inaresto at ikinulong sa ilalim ng rehimeng Duterte ayon sa grupong KARAPATAN. Pinatindi rin ng rehimen ang giyera raw kontra terorismo, pero ang nawasak, hindi ang binhi ng terorismo kung ang siyudad ng Marawi. Sa ngalan ng pagsugpo sa lokal na teroristang grupo sa pamumuno ng magkapatid na Maute at ni Isnilon Hapilon, idineklara ang pinahabang Batas Militar sa buong Mindanao, kahit sinasabi ng mil-
itar mismo na sa Maraw i lang nakakonsentra ang grupong Maute. Kaya limang buwang pinaulanan ng bala, bomba at kanyon ng militar ang syudad, na nagtulak sa halos 426,590 indibidwal para lumikas. Pinaigting rin ng rehimen ang kontra-insurhensyang Oplan Kapayapaan na layunin daw tapusin ang mga rebolusyonaryong pwersa, tulad ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front of Philippines (CPP-NPA-NDFP). Subalit tulad sa mga nagdaang kontra insurhensyang programa, hindi limitado na rebelde lamang ang kanilang tinutugis kundi pati na rin ang mga katutubo, magsasaka at mga tagapagtaguyod ng karapatang-pantao na tutol sa pangangamkam ng lupa para sa mga dambuhalang korporasyon. Pampulitikang pamamaslang, pambobomba, pagpapalikas sa mga sibilyan sa kanayunan, pagsasampa ng mga gawa-gawang kaso ang tugon ng mga militar na mas naging mabangis bunga ng Batas Militar. Pag-unlad ng iilan, mas matinding kahirapan para sa karamihan Noong 3rd quarter ng taong 2017, naitala ang 6.9% na tantos na pag-unlad ng ekonomiya, mas malaki sa 6.7% ng 2nd quarter parehong taon subalit mas
mabagal pa kung ikukumpara sa 7.1% GNP noong 2016. Nananatiling 40 pinakamayamang pamilya pa rin sa Pilipinas, sa pangunguna ng pamilya ni Henry Sy ng SM, John Gokongwei ng Robinsons at Cebu Pacific, Lucio Tan ng PAL aat PNB, Enrique Razon ng ICTSI, George Ty ng Metro Bank, Zobel de Ayala ng BPI Bank at Ayala Malls at iba pa, ang patuloy nakikinabang sa paglagong ito. Katunayan, katumbas ng pinagsamang kita ng 70 milyong pinakamahihirap na Pilipino ang yaman ng 25 sa kanila. Sila rin ang mga personaheng may malaking pakinabang sa mga infrastructure projects ng rehimeng Duterte. Sa kabilang panig, hindi ramdam ng taong bayan ang sinasabing pag-unlad. Malala pa rin sa 5.6% ang opisyal na datos ng disempleyo [Hulyo 2017] sa bansa, mas mataas kaysa 5.4% noong 2016. Kung pagbabatayan ang Social Weather Station (SWS) hinggil sa adult joblessness noong Septyembre 2017, tatlong beses o 18.9% o katumbas na 8.7 milyong Pilipinong may edad na 18 gulang pataas, ang walang trabaho. Wala ring epekto sa sikmura ang mumong dagdag sa sahod sa ilang mga rehiyon gaya ng Central Luzon (Php16), CARAGA (Php25) Kamaynilaan (Php21) at iba pa na iniutos sa gitna ng mainit na pagtutol sa panukalang compressed workweek na
niratsada sa Kongreso noong Setyembre. Hindi man lang naampat nito ang pagsirit sa presyo ng bilihin, pagkain, at transportasyon na pinakamataas rin (3.4% inflation rate) sa nakaraang taon. Sa kabila ng mga papuri ng bulag na tagasunod ng administrasyong Duterte, ‘di nakakagulat na dumami ang mahihirap. Sa SWS pa ring sarbey ng huling kwarto ng 2017, 47% o katumbas ng 10.9 milyong pamilya ang nagsabing sila ay mahirap, mas mataas kumpara sa 42% o 9.4 milyong pamilya Pilipino noong 2016. Subalit wala pa ring humpay ang atake sa kabuhayan ng mga mahihirap. Sa ngalan ng modernisasyong itinutulak ng kapitalista at korporasyon, nakaamba ang pagtatanggal sa mga dyip na papatay sa kabuhayan ng 200,000 operators at 600,000 mga drivers at gayunding ang kanilang pamilyang nakaasa dito. Papalitan raw ito ng mga makabagong sasakyan na gagawin ng kumpanyang Toyota at Mitsubishi. Matibay ang pagkakaisa ng mga tsuper at operator, kaya naparalisa nito ang mayor na ruta bilang protesta sa “modernisasyon”. Sa halip na pakinggan ang daing ng mga tsuper, minura pa ni Pangulong Duterte ang mga mahihirap na tutol sa jeepney phase-out. Hindi pa rin nagkakasya sa mga nabanggit na, gamit ang popular na linya na
CTUHR ULAT 2017
“malasakit”, niratsada naman ng Kongreso ang pagsasabatas sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN). Sabi ni PDuterte at kaniyang mga economic managers, ito raw ang pamaskong regalo nila sa mga manggagawa at empleyado, para mapalaki ang kanilang take home pay. Makamandag ang regalong ito. Hindi ikinonsidera ang mga minimum wage earners at mga nasa sektor impormal, at mga walang trabaho na silang higit na papasan sa malaking dagdag-buwis na ipapataw sa produktong petrolyo, matatamis na inumin at iba pang gastusin para mabawi raw ang tax exemption na siyang tulong panustos sa programang “Build Build Build”. Malaking makikinabang dito ang mga dayuhan at lokal na malalaking korporasyon, gayundin ang gastos sa inilulunsad na giyera ng rehimen. Kung may reporma mang nakuha sa nagdaang taon, tulad ng pabahay sa inokupang tiwangwang na pabahay ng mga kasapi ng KADAMAY, ganundin ang pangakong libreng matrikula sa kolehiyo, ang mga ito ay hindi kusang binigay ng rehimen at ng sino mang tradisyunal na mga pulitiko, kundi iginiit at ipinaglaban ng mamamayan sa iba’t-ibang anyo ng pagkilos. Pampulitikang Pamamaslang at iba pang porma ng pandarahas Madugo ang rekord ng rehimeng Duterte sa mga manggagawa at maralita sa taong 2017. Mula sa mga pagpatay hanggang sa mga pagbuwag ng mga welga, gayundin sa mga pananakot at pagsasampa ng mga gawa-gawang kaso. Labing pito (17) mga manggagawa, mang-
CTUHR ULAT 2017
LATHALAIN 7
gagawang bukid at maralita ang pinaslang sa taong 2017. Kaya naman, aabot na sa 23 ang biktima ng extrajudicial killings makalipas ang labing-anim na buwan sa pwesto ng gobyernong Duterte. Ani ng mga biktima ng Batas Militar ni Marcos, halos wala nang pagkakaiba o ‘di kaya’y hinigitan pa ni PDuterte si Marcos noon. Marahas na pagbuwag sa welga Tatlong kaso rin ng marahas na pagbuwag sa welga ang naitala ng CTUHR. Noong Mayo 28, limang araw matapos ideklara ang Batas Militar sa Mindanao, marahas na binuwag ng pinagsamang pwersa ng 66th Infantry Batallion ng Philippine Army, PNP Compostela Valley at ng mga goons, ang welga ng mga manggagawa sa Shin Sun Tropical Fruits, plantasyon ng saging sa Compostela Valley. Labing-lima ang sugatan at labing-dalawa naman ang inaresto, kabilang si Vicente Barrios ng KMU Southern Mindanao. Binuwag rin ng security personnel ang welga ng manggagawa ng Manila Cordage Corporation at Manco Synthetic Incorporated (MCC-MSI) sa loob ng Carmelray Park sa Calamba, Laguna Noong Septyembre 22, mahigit isang taon na ang welga sa nasabing kumpanya at matapos ideklarang regular ang mga manggagawa ng DOLE noong 2016 pa, nagsara at tumakas sa responsibilidad naman ang kumpanya. Disyembre 7 naman, dinahas din ng PEZA security police at security guards ng Lakepower Converter Inc—electronics company--ang welga ng mangggagawa, na kalakhan ay kababaihan, sa loob ng Cavite Export Processing Zone (CEPZ) sa Rosario,
Cavite. Dalawang babaeng welgista ang sugatan. Pangako at nauwi lang sa salita ang pagtutuldok sa kontraktwalisasyon. Ayon sa datos mismo ng DOLE, 54% sa 31,277 sa mga kumpanya na nag-eempleyo ng 20 o higit pang manggagawa ang nagsasabing kumukuha sila ng manggagawa sa mga manpower agency. Ipinagmamalaki ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nakapagregular na sila ng mahigit 70,000 mga manggagawa sa 2017. Napag-alaman ng CTUHR sa pakikipagpanayam sa mga manggagawa sa Clark Freeport sa Pampanga at First Cavite Industrial Estate (FCIE) sa Cavite na ang itinuturing na regular ay regular na empleyado ng manpower agencies at hindi sa prinsipal na kumpanya na may direktang kontrol, pag-
mamay-ari at superbisyon sa kanilang trabaho. Ibang usapin pa kung pinapatupad ng kumpanya ang kautusan, tulad na lamang sa kaso ng 24,340 na manggagawang pinareregular ng DOLE ngunit hindi pa rin pinatutupad ng 19 na kumpanya sa Laguna, kabilang ang Nexperia Semiconductor (dating NXP), Tanduay, Takata, Yazaki Torres, Proctor and Gamble (P&G), Dong InTech K1 (600 manggagawa) sa Bataan at CTPCM Corp (mahigit 1,000) sa Surigao del Sur. 56 Manggagawa ang namatay sa sunog at 5 sa iba pang aksidente sa trabaho Malala pa rin ang kondisyon sa loob ng mga empresa at pagawaan. Animnapu’t isa (61) ang nasawi, 56 dito ang namatay dahil sa sunog sa empresa na rehistrado sa Philippine sundan sa pahina 8
8 LATHALAIN
VIOLATION OF RIGHTS TO SECURITY OF TENURE
Uri ng Paglabag
# ng Kaso
# ng Biktima
Retrenchment/Closure
7
798
Dismissals due to labor dispute
12
254
Long-Term Contractualization
35
34,575
Death Due To Unsafe Working Condition
5
61
VIOLATION OF THE RIGHT TO FREEDOM OF ASSOCIATION AND COLLECTIVE BARGAINING Union busting
15
6155
Harassment of the unionist in the workplace
15
251
1
41
Interference of Union Economic Zone Authority (PEZA). Ang pinakahuling kaso ay ang pagkamatay ng 38 empleyado sa sunog, 37 dito ay mga empleyado ng BPO (call center) ng SSI sa loob ng NCCC Mall sa Davao City noong Disyembre 23. Rehistrado rin ang gusali sa PEZA kung saan hindi basta-basta napapasok ng iba’tibang ahensya ng gobyerno tulad ng LGU, DOLE at iba pa, kung walang pahintulot ng PEZA at ng kumpanya. Matatandaan na noong February 1,2017 nasunog ang isa sa pinakamalaking pabrika, ang House Tech Technologies Incorporated (HTI) sa CEPZ, Rosario, Cavite. Lima ang deklaradong nasawi, subalit lumalabas na may 728 na manggagagawa ang unaccounted hanggang sa kasalukuyan, ayon sa imbestigasyon ng DOLE at ng National Fact-Finding Mission (FFM) sa pangunguna ng CTUHR, EILER, IOHSAD, CWS, WAC, Pamantik-KMU,Gabriela Partylist, KARAPATAN at iba pang lokal na organisasyon. Samantala 38 naman ang nasawi, kabil-
ang ang 13 empleyado ng Resorts World Manila sa Pasay City dahil sa suffocation at kawalan ng markadong exits, matapos mag-amok ang isang natalong guest sa casino, mamaril at sunugin ang ilang bagay sa loob ng naturang establisyimento. Hanggang sa kasalukuyan, wala ni isa mang napapanagot sa kapabayaang ito na nagresulta sa pagkawala ng buhay ng mga manggagawa. Welga laban sa kontraktwalisasyon Sinalubong din ng protesta at welga ang rehimeng Duterte. Sampu ang naitalang welga noong 2017, 14 sa ilalim ni Pangulong Duterte. Ilang porsyentong pagtaas ito, kung ikukumpara sa dalawa hanggang apat na welga na naitala sa nagdaang rehimen. Sa Katimugang Mindanao, naitala ang pinakamalaking bilang ng mga nagwelga, partikular sa mga plantasyon ng saging sa Compostela Valley tulad ng Shin Sun Tropical Fruits at Musahamat Farms
at Freshmax. Inilunsad rin ng manggagawa sa Sumifru ang matagumpay na general strike tulak ng pagtatangkang buwagin ang unyon, illegal dismissals at sapilitang pagpapalit ng paraan ng pasahod na mula sa daily paid tungong piece-rate. Napigilan nila ang pagpapatupad ng piece-rate system. Sa CALABARZON, dalawang welga ang inilunsad sa Nestle, Lipa, Batangas at Lakepower Converter Inc. sa CEPZ, Rosario, Cavite. Naglunsad rin maging ang mga guro at kawani sa Silliman University, Dumaguete, Negros Oriental ng welga kontra CBA Deadlock at sa Capiz naman ay ang welga ng mga truck drivers laban din sa union busting at unfair labor practice. Liban sa mga welga, naganap din ang iba’t-ibang anyo ng pagkilos ng mga manggagawa sa kani-kanilang mga pinapasukang kumpanya at sa tapat mismo ng opisina ng DOLE sa Intramuros. Halimbawa, ang pagkilos ng mga call center agent ng SITEL sa Baguio city laban sa planong mass termination. Tulak nito, naobliga ang lokal
na pamahalaan ng Baguio na suportahan ang laban ng mga call center agents. Iba’t-ibang protesta rin ang naganap para itulak ang regularisasyon sa paggawa. Hamon ito sa inilabas ng DOLE na DO 174 na nagreregularisa sa manggagawa sa ilalim ng manpower agencies. Sa Laguna, nagkampo ang mga manggagawa ng Coca-Cola sa Sta.Rosa, protesta para sa regularisasyon ng 800 hanggang 1000 mga kontraktwal na mga manggagawa sa Nexperia. At bago ang SONA 2017 ni Pangulong Duterte, nagkampo rin ang mga minero mula sa CARAGA region, manggagawa ng Shin Sun mula sa Compostela Valley, iligal na tinanggal. Ipinanawagan ng Kampuhan ng mga Obrero (KampObrero) ang pagbabalik sa trabaho ng mga iligal na tinanggal at pagbasura sa kontraktwalisasyon. Kaya inaasahan pa ang mga malalaking pagkilos ng mga manggagawa sa 2018 para itaguyod ang karapatan para sa makabuluhang sahod, seguridad sa trabaho at pag-uunyon.
CIVIL AND POLITICAL RIGHTS VIOLATIONS
17
3
Extra-Judicial Killings
Massacre
16
90
Physical Assault/Injury
82 Fabrication of Criminal charges due to political acts, belief or labor dispute
Arbitrary Arrest/Detention
10 Illegal Searches and Seizure
CTUHR ULAT 2017
LATHALAIN 9
Nakababahalang pananakop at kontrol ng China sa istratehikong sektor ng ekonomiya ng Pilipinas
K
ung inaakala ng karamihan na ang pananakop at militarisasyon ng China sa West Philippine Sea na ginagamit ng US para paigtingin ang kontrol sa Asia, at ipinagkikibit balikat ng gobyerno ng Pilipinas, nagkakamali po sila. Hindi lamang ang isla, karagatan at yaman nito ang inangkin ng China at halos ipinapaubaya, kundi halos lahat ng istratehikong bahagi ng ekonomiya ng bansa, lupain, pagmimina, agrikultura at plantasyon, shipping, pangingisda, enerhiya, imprastraktura, militar at `intelligence gathering’ at pinakahuli ang telecommunication. Simula sa panunungkulan ng rehimeng Gloria Arroyo hanggang sa kasalukuyan, hindi matapos-tapos ang pag-aalay ng Pilipinas sa kontrol ng China kapalit ng pautang at pamumuhunan nito sa bansa. Sa ilalim ng kasalukuyang rehimeng Duterte, naglaan ang China ng $27 bilyong dolyar para sa Pilipinas, $ 9 bilyon rito ay pautang at $15 bilyon naman ang komitment sa pamumuhunan sa ibat ibang industriya at sektor. Ayon sa administrasyong Duterte, kailangan daw ng bansa ang lakas at pera ng China. Pero sa ginagawa pang pagpapasigla ng relasyong ito, sino nga ba ang higit na nangangailangan at nakikinabang? Ang malinaw na sagot, hindi ang ordinaryong Juan at Juana subalit sila ang bumabalikat sa malayang kontrol ng China sa ibat-ibang buhay ng bansa. Babala ni Hardeep Singh Puri, Chairman ng India’s Research and Information System (RIS) for Developing Countries na ang labis ng pangungutang ng Pilipinas sa China ay maaring maging mapanganib, lalo hindi maisakatuparan ang proyektong pinopondohan ng China at maging share equity ang pautang. Aniya, bitawan na ito para hindi matulad sa Sri Lanka kung saan halos 70% ng badyet ay napunta sa pagbabayad ng utang. Ang lumalaking kontrol ng China sa
CTUHR ULAT 2017
lupain at pagmimina Mahigpit ang pangangailangan o pagkagutom ng China sa metal, iron ore, at mga sangkap sa paggawa ng bakal para sa pagpapalawak ng kanyang `steel industry’ di lamang sa loob ng kanyang bansa kundi sa eksport at kalakalan nito sa Asia at maging sa Africa. Kaya naman, ang Pilipinas ang pinakamalapit, mayaman at nangangayupapang bansang mapagkukunan niya ng pangangailangang ito. Bukod sa mahigit na 26 kumpanya ng pagmimina sa ibat ibang bahagi ng bansa, (tingnan ang Table XX para sa listahan as at 2016) , ang China rin ang pinakamalaking merkado ng iron ores (mula sa pandarambomg ng mga naglalakihang kumpanya ng pagmimina sa bansa, tulad ng Nickel Asia) na inilalabas ng Pilipinas. Mahalaga ang Pilipinas sa China, tinatayang may mahigit na $1 trilyong dolyar pa ang halaga ng mga deposito ng nickel, ginto, tanso, chromite na hindi pa natutuklasan sa bansa ayon sa Mines and Geosciences Bureau. Ito ang pinagnanasaan ng China dagdag pa sa mga umiiral na nitong mga kumpanya at pamumuhunan. Ang nakababahala, kilala ang kumpanyang Tsino sa paglabag sa mga batas at kautusan ng bansa hinggil sa pangangalaga ng kalikasan, kapaligiran, kaligtasan at batas paggawa at maging sa kalakalan. Halimbawa, ang mining industry mismo ang nagkumpirma noong 2015 pa na mahigit 90 -97% ng produksyon ng ginto sa bansa mula sa mga maliliit na minahan (karamihan ay dummies raw ng China) ay ini-smuggle papunta China sa pamamagitan ng Hongkong. Matatandaan rin na 2013 pa lamang, may 18 Tsino ang dinakip dahil sa ilegal na pagmimina ng black sand o magnetite, isang sangkap rin sa paggawa ng bakal sa China. 3 Kilala rin ang mga kapitalista mula sa China sa paggamit ng mga dummies at panunuhol sa otoridad para makapag-operate ng maliliit na
kumpanya o small scale mining firms, para makaiwas sa buwis, ikutan ang batas kasama na ang mapaminsalang epekto nito sa kalikasan. Halimbawa na rito ay ang Jiangxi Rare Earth & Metals Tungsten Group, Wei-Wei Group, and Nihao Mineral Resources Inc sa Botolan, Zambales na noong 2013 pa ay ipinasara ng Supreme Court dahil sa pagpapasabog sa mga bundok, pagsira sa kabuhayan at paglason sa dagat at ilog. Dahil dito, naitutulak ang mangingisda sa malayong bahagi ng karagatan na itinataboy naman ng mga Tsinong militar na nakabase sa inaangkin ng China na West Philippine Sea. Ito ang isinawalat ng ulat mula sa Pacific Strategies Assessment (PSA) – isang organisasyong nagsasaliksik at nagbibigay ng mga impormasyon sa ibat ibang embahada, gobyerno atbp noong 2011 pa. Sa Zambia (Africa) kung saan dominante rin ang China pagdating sa coal mines, daang manggagawa rin ang namamatay sa ibat-ibang klase ng aksidente. Sa China mismo, mahigit 1,000 ang biktima ng occupational death sa mining mismo ng noong 2015. Kontrol sa Enerhiya Hindi lang sa pagmimina, malalim ang kontrol ng China. Pinapatakbo na rin ng gobyerno nito ang daloy at distribusyon ng kuryente sa ibat ibang bahagi ng Pilipinas. Pagaari ng gobyerno ng China sa pamamagitan ng State Grid Corporation of China ang 40% ng National Grid Corporation (dating NAPOCOR) samantalang tig- 30% ang One Taipan Holding Corp. ni Henry Sy Jr. at Calaca High Power Corp. ni Robert Coyiuto Jr. Ang NGC ay isang pribadong kumpanya na may hawak sa transmission system ng kuryente sa bansa. At dahil kontrolado ng China ang NGC kung saan kumukha ng kuryente ang MERALCO para sa kostumer nito sa Kamaynilaan at karatig na probinsya, ibig sabihin, konsundan sa pahina 10
10 LATHALAIN
trolado rin ng China ng kuryente ng Maynila at iba pa. Mula noong 2008, 18 Chinese consultants ang nagtatrabaho at nagpapatakbo ng NGC, hanggang ibunyag at mabatikos ito noong 2015 ni dating Senadora Miriam Defensor Santiago, sa isyu rin ng seguridad. Ang consortium ng China sa Monte Oro (Calaca Hig Power Corp at One taipan holding) ay para sa 25 taon, ibig sabihin matatapos lamang ito sa taong 2033. Galamay ng China sa Shipping Industry Ang paglalakbay sa bansa gamit ang sasakyang pandagat ang dating pinaka-popular na moda ng transportasyon sa bansa. Subalit hindi rin ito ligtas sa galamay ng puhunan ng China. Pag-aari at kontrolado rin ng mga Tsino ang Matsya Shipping Corp – nakabase sa Cebu at 2GO Travel. Ang Matsya Shipping Corporation ay pag-aari ng Tsinong si Christopher O. Yu, samantalang ang 2GO Travel ay pag-aari ng gobyerno ng China sa pamamagitan ng China-ASEAN Investment Cooperation Fund. Ang 2GO Travel ay resulta sa pagkabli ng gobyerno ng China sa controlling stake sa Negros Navigation Corporation (NENACO). Nakuha ng gobyerno ng China ang `controlling stake’ sa pamamagitan ng equity infusion ng China-ASEAN Investment Cooperation Fund- isang pribadong equity kumpanya na nakabase Netherlands na inilunsad ng China Export-Import Bank na buong buong pag-aari ng gobyerno ng China. Hindi na inihayag kung magkano nabili ang controlling interest ng Chinese Government sa 2GO Travel. Ang iba pang shipping lines na nag-oopereyt sa Pilipinas na may kapital ng mga Tsino ay: Cosco Philippines Shipping, Inc., China Shipping Line, South China Manila Express, ZIM, SITC Line, Philhua Shipping Agency Group, and China Shipping Manila Agency, Inc. Ang halaga ng West Philippine Sea na ipinapaubaya ng Pilipinas sa China Ang pinakamalaking pinag-
Yaman ng West Philippine Sea na halos ipinapaubaya ng Pilipinas sa China Tinatayang meron itong reserbang 11 bilyong bariles ng langis
Tinatayang may US$ 5.3 bilyon halaga ng `shipping travels’ sa
Ang seabeds ng karagatang ito ay nag-iimbak ng tinatayang 150 trillion cubic feet na natural gas
12% ng nahuhuling isda sa buong mundo ay galing sa West Philippine Sea SOURCE: DIGITAL TRENDS
nanasaan at inaangkin ng China ay ang West Philippine Sea. Hindi lamang pagpapalakas ng kapangyarihang militar nito at ang pagtatayo ng mga istruktura ang hangad nito sa pag-angkin sa isla kundi pagtitiyak ng kontrol at pakinabang nito sa likas na yaman na matatagpuan buong karagatan saklaw ng Philippine exclusive economic zone. Kung gagamitin ito ng Pilipinas, iilan na marahil ang maiiwang naghihirap na Pilipino kundi man mapapawi na ang kahirapan. Pero ipinagkikibit balikat ito ng gobyerno ng Pilipinas lalo na sa ilalim ng administrasyong Duterte, kapalit ng bilyong pautang nito sa bansa. Kahit pa isang mainam na pagkakataon ang pagiging Chair ng Pilipinas sa ASEAN sa nakaraang taon at may paborableng desisyon ang International Tribunal , ang pananakop ng China sa Philippine Sea ay hindi napag-usapan. Nagkasya na lang si Pangulong Duterte sa pakikiusap na itigil ang pagtataboy sa mga Pilipinong mangigisda na umaabot sa Bajo de Masinloc. Taliwas ito sa matapang niyang pahayag sa panahon ng kampanya. Kung iisa-isahin ang lumalawak na impluwensya at kontrol ng China sa Pilipinas (hindi pa isinama rito ang agrikultura, pangingisda, militar, droga, krimen, at ibpa), tila naipagpalit na sa pera ang istratehikong ng aspeto ng buhay ng bansang Pilipinas sa China. Ginagamit nya rin ang relasyong ito sa China para sa matapang na pahayag kontra sa ibang bansa habang pinapaigting pa ang patakaran at batas para sa pag-aalay pa ng mga natitirang yaman at pag-aari ng Pilipinas sa dayuhang puhunan at kontrol. Sa paninikil ng oposisyon, pandarahas, panunupil sa mga demokratikong karapatan at
paglabag sa karapatang pantao kung saan kilala ang China, hindi na nalalayo ang administrasyong Duterte na sumasamba rito. SANGGUNIAN:
•
• •
•
Marcelo, Elizabeth, “Philippines, ASEAN warned versus investment deals with China”, July 13,2017- http://www.philstar. com/headlines/2017/07/13/1719127/ philippines-asean-states-warned-vs-investment-deals-china Stern, Tom k Dr, `Main Chinese Investments in the Philippines’, Journal of Political Risks, posted June 28,2016 Romualdez, Babe “We’re losing our Gold to China”, http://www.philstar.com/ business/2015/09/22/1502459/werelosing-all-our-gold-china Begornia, ---‘Chinese Mining Firms skirt Philippine Laws’, Philippine Daily Inquirer, http://newsinfo.inquirer.net/7605/ chinese-mining-firms-skirt-ph-laws#ixzz52RtwFpEd
Ang CTUHR MONITOR ay ang opisyal na pahayagan ng Center for Trade Union and Human Rights, isang non-government organization na nagdodokumento ng mga paglabag sa karapatang pangmanggagawa at pantao. Para sa mga katanungan, suhestiyon, at reaksyon, kontakin ang CTUHR sa 411-0256 o sumulat sa ctuhr.manila@ gmail.com. Maaari rin bisitahin ang www.ctuhr.org para sa karagdagang impormasyon.
CTUHR ULAT 2017
BALITA 11
DOLE niregular ang 600 manggagawa sa Dong-In Entech K1, 132 naman ni-layoff ng kumpanya
Litrato ng mga manggagawa ng Dong In Entech K1 habang binabasa ang mga pangalanng dineklarang regular sa tapat ng DOLE-R3
San Fernando, Pampanga - Sabay na masaya at malungkot na balita ang inihatid ng Dong In Entech sa Authority of Freeport Area of Bataan (AFAB) sa Mariveles, Bataan sa halos isang libo nitong manggagawa noong huling kwarto ng 2017. Pansamantalang Lay-off? Isandaan at tatlumpu’t dalawang (132) regular na manggagawa at miyembro ng unyon ang “pansamantalang” ni-lay-off ng Dong In Entech K1, sa AFAB sa Mariveles, Bataan noong Disyembre 9, 2017 dahil sa diumano’y biglaan at walang kumpirmasyong order mula sa buyers at umano’y financial loses. Kahit sinasabing pansamantala, walang itinakdang petsa kung kailan makakabalik muli sa trabaho ang mga nasabing manggagawa. Ang Dong In Entech K1 ay isa sa mga kumpanya n g Dong In Group of Companies, na ang head office ay sa South Korea. Mayroon itong walong sister companies sa AFAB, Mariveles Bataan, at gayundin sa Vietnam. Ang kanilang mga produkto ay mga iba’t-ibang uri ng bag tulad ng backpack, travel at lug-
CTUHR ULAT 2017
gage bags, hydration backpack at iba pa na ini-export sa ibat-ibang bansa. Ilan sa kilalang brands nito ay ang Mammoth, Mountain Hardware at Kelty. Kinontra naman ni Marlon Manuel, tagapangulo ng unyon ng Dong In Entech K1 Employees Association, ang paliwanag ng manedsment na walang order. Aniya, “Mahirap paniwalaan ang deklarasyon ng management dahil ang mga makina at produktong ginagawa nila ay inilipat lamang sa kabubukas na Dong In REMC sa loob din ng AFAB kung saan kalakhan ng manggagawa ay mga kontraktwal”. Ayon sa mga manggagawa, pangalawang beses nang ginawa kumpanya ang lay-off. Una na rito ay noong Agosto 2017 kung saan pinahintong magtrabaho ang ilang regular at unyonisadong mga manggagawa at pinabalik lamang makalipas ng isang buwan. Dagdag nila, ipinapasa lamang sa mga kontraktwal na mga manggagawa Pahayag ni Manuel sa CTUHR, “gusto lamang ng kumpanya (Dong In) na buwagin ang aming unyon at maalis ang mga regular para pal-
itan ng mga manggagawang kontraktwal, mula sa iba’t-ibang manpower agency”. Ipinapatupad na rin nito ang retire/rehire na patakaran sa manggagawa, ibig sabihin ay maaari ng magretiro nang maaga ang isang manggagawa at muling i-hire ng manedsment bilang kontraktwal. Sinagot ng kilos-protesta ng mga manggagawang regular at kontraktwal sa harap ng National Conciliation and Mediation Board-Region III (NCMB-R3) at Department of Labor and Employment-Region III (DOLE-R3) ang nasabing lay-off noong Disyembre 22. Kinondena ng manggagawa ang lay –off at ang malawakang kontraktwalisasyon. Nagsampa rin ang unyon ng notice of strike bilang protesta sa union busting at unfair labor practices. Mas mababang pasahod sa mga kontraktwal Pinapasahod ng Php450-Php 600 kada araw ang mga regular na manggagawa, mas mataas kumpara sa Php380 karaniwang sahod ng mga kontraktwal. Ang relatibong taas ng sahod ay bunga ng Collective Bargaining Agreement (CBA) sa pagitan ng manedsment at unyon na nakatakdang pag-usapan sa muling pagbubukas ng negosasyon ngayong Marso 2018. Ang ganitong kalakaran, ang nagbunsod sa unyon para magsampa ng petisyon para sa regularisasyon ng mahigit 800 manggagawa, sapagkat hindi saklaw ng benepisyo ng CBA ang mga kontraktwal. 600 kontraktwal na manggagawa, iniutos ng DOLE na gawing regular Subalit ikinagulat ng nagpoprotestang mang-
gagawa at mga taga-suporta nito sa opisina mismo ng DOLE R3 na may desisyon na pala ito sa petisyon na -regular ang 600 na manggagawang kontraktwal sa ilalim ng Renuel, Abelline at MMA agencies na regular na manggagawa ng Dong In Entech K1. Ang nasabing desisyon na may petsang Nobyembre 22, 2017, dalawang linggo bago pa ang lay-off ng 132 manggagawa, subalit nailabas lamang sa panahon ng kilos-protesta. Agad naman inpela ng manedsment ang desisyon sa opisina ng DOLE Secretary. Pahayag ni Alex Delos Arcos, Paralegal Officer ng Solidarity with the Workers Network (SWN) na tumutulong sa mga manggagawa “Kung hindi pa kumilos ang mga manggagawa sa harapan ng opisina ng DOLE-R3, hindi pa namin malalaman na may desisyon na pala para sa regularisasyon ng 600 na manggagawa ng Dong In. Tanong din niya na may kinalaman kaya ang desisyong ito sa lay-off ng 132 manggagawa at kasapi mismo ng unyon na ni-lay-off ng kumpanya para iwasan ng manedsment ang sahod at benepisyo para sa regular na manggagawa.” Matatandaan na noong Oktubre 2017, nagsagawa ng inspeksyon ang DOLE-R3 sa nasabing kumpanya, bunsod sa petisyon ng mga manggagawa. Napatunayan sa inspeksyon na ang kumpanya ay nagpapatupad ng labor only contracting o LoC, kung saan ang tatlong nasabing manpower agencies ay nagpapadala lamang ng mga kontraktwal na manggagawa sa prinsipal na kumpanya (Dong In Entech K1). Ang LoC ay matagal nang ipinagbabawal sa batas paggawa.
12 EDITORYAL
N
apakahusay ng ‘timing’ ng mga tagasunod ng administrasyong Duterte sa Kongreso. Alam nila kung kailan palulusutin ang mga panukalang batas lalo na’t may kinalaman sa pagpapaunlad at pagpapalaki ng kita ng negosyo sa mas maliit na gastos, pleksible at hating manggagawa na hindi lilikha ng anumang kontrobersya. Sa gitna kaguluhan dulot ng pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo, bunsod ng TRAIN law, ng bangungot ng ‘tanggal bulok, tanggal usok’ na mga dyip sa kalsada, pagpapatuloy ng PNP sa madugong kampanyang kontra-droga at pagtugis sa mga hinihinalang rebelde at komunista, ipinasa noong Enero 31, ang HB 6908 o ang Security of Tenure Bill, na tanging bloke ng mga kinatawan ng Makabayan ang tumutol. Layunin sana ng mga dating panukala na pangalagaan ang seguridad sa trabaho ng mga manggagawa at itigil ang kontraktwalisasyon. Pero hindi pagwawakas ng kontraktawalisasyon ang hatid ng HB 6908. Sa halip, gagawin nitong mas sistematiko at malawak ang kawalan ng katiyakan sa trabaho, hindi sa anyo ng `555’ o endo, kundi sa paglelegalisa ng walang limitasyong `job contracting’ o pagpapatrabaho ng mga regular at kinakailangang bahagi ng paggawa, manupaktura man, o serbisyo sa ibaibang contractor, kumpanya, kooperatiba at iba pa. UNLI at ANYTIME, ang trabahong pwedeng i-contract-out kaya pwedeng hati-hatiin ng isang dambulang kumpanya ang kanyang produksyon sa maraming maliit na contractor, para takasan ang responsibilidad sa manggagawa liban sa pagtitiyak na maayos ang kalidad ng produkto. Sa HB 6908, inalis na ang salitang `necessary and desirable’ na kinakailangan sa takbo ng produksyon o serbisyo ng prinsipal na kumpanya na hindi maaaring tanggalin o ipatrabaho sa labas na magreresulta sa pagkatanggal sa trabaho ng mga regular na manggagawa. Hindi nga ba’t ang salalayan o angkla ng regular na trabaho ay pagpapanatiling buo ng mga kinaikailangang bahagi sa paglikha ng isang produkto o serbisyo, wa-
HB 6908 ay UNLI Job Contracting sakin mo ang salalayang ito, at tiyak na mawawasak ang regular na trabaho, higit pa sa mga kontrata at iba pang kasunduang nag-anak at nag-aanak ng malawak na pleksibilisasyon sa paggawa. Sa panukalang ito, ilang beses na magiging mahirap ang pag-oorganisa ng unyon o samahan ng manggagawa sa ilalim ng mala-sapot na job contracting network ng isang malaking kumpanya (supply chain) at paniningil sa pananagutan sa manggagawa sa pagtupad ng mga pamantayan sa karapatang pantao ng manggagawa. Mas lalaki naman ang pakinabang lalo na ng mga malalaking kapitalista, habang ang mga maliliit ay mas masasadlak sa pinakailalim na bahagi ng supply chain. Peke at mapanlinlang ang HB 6908. Sa biglang tingin, paborable ang ilang probisyon nito, gaya ng KONTROL, i.e. kung ang isang ahensya o kumpanya ay walang kontrol sa oras, gawain at output ng manggagaawa sa loob ng trabaho, ito ay labor only contractor or LOC na bawal naman talaga sa Batas Paggawa. Papatawan din daw ng multang Php 30,000 ang mga job conractors na lalabag sa batas paggawa. Para sa kapitalista, ano ba naman ang Php 30,000 multa? Gumagastos nga sila ng libo-libong piso sa mga patalastas, sponsorship,
o sa suhol tulad ng mga napapaulat. Wala rin naman ni isang kapitalista, malaki o maliit ang naparusahan dahil sa paglabag sa batas paggawa kahit pa nga sa pinakamasahol na anyo na naging sanhi ng pagkamatay ng maraming mga manggagawa. Maraming ikot at pasikot-sikot ang ginagawa ng administrasyon para mapanatili ang natitirang hibla ng pagtitiwala kung meron pa, na tutuparin ni PDuterte ang pangakong wakasan ang kontraktwalisasyon. Nandiyang ipamarali nila na maglalabas ng Executive Order (EO), o ipatawag ang mga sentrong unyon, pero para sabihan lang na hindi maititigil ang iskemang ito habang niluluto ang pag-arangkda ng HB 6908. Kung tuluyang maisasabatas ito mas masahol pa ang paglobo ng bilang ng walang trabaho kundi man ‘di tiyak, prekaryoso at mapanganib na kalagayan sa paggawa. Ika nga, kahit puno na ang plato ng manggagawa sampu ng kanilang pamilya at mga kaanak at kanilang mga tagapagtaguyod sa dami ng problema sa kanilang mga kamay pero walang pagpipilian kundi isulong ang organisado, maingay, malawak , militante at buong katatagang paglalantad at pagtutol sa HB 6908 para pigilang maging isang ganap itong batas. CTUHR ULAT 2017