MONITOR
2018 YEAREND REPORT ISSUE
OPISYAL NA PAHAYAGAN NG CENTER FOR TRADE UNION AND HUMAN RIGHTS
A NG DD S NG GO B Y E R N O N G D U T E RTE: DEB T, D E C E P TI O N, S H A M E L E S S N ESS UTANG Litaw na katangian ng pamamahala sa bayan ng rehimeng Duterte ang UTANG sa tunay at talinhagang kahulugan nito. Pamamahalang nakaangkla sa ekonomiyang nakasandig sa utang at pagpiga sa mamamayan sa anyo ng buwis at bayarin para daw pinansyahan ang mga magarbong imprastraktura. Pulitika ng rehimen na nakabatay sa bayad-utang sa militaristang pamamahala at tiraniya. Malaki rin ang pagkakautang ng rehimen sa mamamayan sa tiwalang ipinagkaloob kapalit ng pangakong pagbabago. Pero higit sa lahat, ang utang na buhay ng rehimen sa mga biktima ng gera kontra droga, ang mga nagtatanggol sa karapatan sa lupa, likas na yaman, trabaho at kabuhayan, at karapatang pantao. PANLILINLANG AT PANLILIHIS Mahusay ang rehimen kung paano nililinlang at inililihis ang kritismo at atensyon ng publiko palayo sa mahahalagang usapin tulad ng pag-aalay niya ng West Phil Sea sa China, masamang epekto ng ipinagmamalaking TRAIN at pagsirit ng presyo ng langis at bilihin; kritisismo sa War on Drugs, kontra-kababaihang gawi at pahayag, at madugong kontra-insurhensya sa anyo ng pag-aalok ng kapayapaan habang dinidigma ang mga komunidad. Humahaba ang listahan ng mga maruming taktika para lokohin at paniwalain pa ang mga mamamayan. Naririyan ang i) paggawa ng mga maliit at `safe’ na reporma bilang tropeo at pantakip sa kontra mamamayang hakbangin ii) tusong paggamit ng `batas at kaayusan’ (law and order vs rule of law ) para gawing legal ang pakana ng kanyang pamahalaan iii) pang-aaway at pag-alipusta sa simbahan at taong-simbahan, paghamon sa Diyos at pahayag na pagsamba sa kanya mismo iv) pagpapahayag na ang pagpatay sa mga adik, rebelde, kriminal ay pagmamahal niya sa bayan, at pagpapanatili ng kaayusan. KAWALAN NG KAHIHIYAN AT TUNAY NA PAGMAMAHAL SA BAYAN Likas sa rehimen, lalo na sa Pangulo nito ang pagmalalaki sa kawalang paggalang sa kababaihan at kababaihang manggagawa sa loob at labas ng bansa. Pinapatindi pa nito ang pandarahas, pangungutya at pag-alipusta sa mga katunggali sa harapan ng pinamumunua niya mismo at na parang ordinaryong gawi. Sa kalakhan, ang ganitong katangian ng rehimen ay nagdulot ng takot sa mga komunidad pero nagmulat din ito sa maraming mamamayan, liban sa mga bulag na tagasuporta nito, sa katangian ng administrasyon. Sa pagkadismaya, tinulak nito ang ibat-iba, hiwa-hiwalay at organisadong protesta at welga sa buong bansa, habang binabatikos naman ng `international community’ ang gobyerno ni Duterte laban sa madugong giyera nito kontra-droga at iba pang paglabag sa karapatang pantao lalo pa nga at pinahaba pa nito ang Batas Militar sa Mindanao.