Dolot_E-Portfolio

Page 1

Mga Salitang may patak ng Sining


Mga Salitang may patak ng Sining filipino sa piling larang

MGA SULATIN NI:

Czarina Flora Mae D. Dolot SEKSYON:

STM11 IPINASA SA ARAW NA:

IKA-13 NG MAYO TAONG 2022 Zenaida

IPINASA KAY:

G. KHEN NEMUEL LACABA

i

Mga Salitang May Patak Ng Sining


PROLOGO Isinulat ni Czarina Flora Mae Dolot

Sa dinami-rami ng mga komplikado at malalalim na salita sa wikang Filipino, mas pinili ng manunulat gumamit ng mga simpleng salita bilang pamagat ng kaniyang e-portfolio. Ang kaniyang napiling pamagat ay Mga Salitang May Patak ng Sining. Pinili niyang simplehan ito upang mas madali itong maintindihan ng mga mambabasa ngunit ito ay may malalim na dahilan. Ang mga salitang tinutukoy rito ay ang mga akademikong papel na isinagawa sa ika-apat na termino sa asignaturang Filipino sa Piling Larang. Hindi lamang ito basta-bastang akademikong papel sapagkat ito ay pinag-aralan ng mabuti ng mga manunulat at naging mistulang obra na marami kang matututunan. Makikita sa e-portfolio na ito ang mga sulating pang-akademiko katulad ng mga maiikling bionote patungkol sa isang personalidad o kay Lea Salonga at isang personal na bionote na patungkol sa may-akda. Ang iba pang nakapaloob dito ay ang pagsulat ng adyenda o ang mga pag-uusapan sa isasagawang pagpupulong pagkalipas ng dalawa o tatlong araw. Sumunod ang panukalang proyektong at ang pagsulat ng katitikan ng pagpupulong sa kung saan makikita ang napag-usapan sa naging pagpupulong at ang mga plano o isasagawang proyekto. Ang panghuli ay ang piyesa ng isang talumpati patungkol sa mga sikolohiya na nakatulong sa atin sa panahon ng pandemya. Nais magpasalamat ng manunulat unang una sa Panginoon dahil binigyan siya nito ng kakayahan upang makalikha ng mga akademikong papel na punongpuno ng kaalaman. Higit sa lahat ay nais ring magpasalamat ng may-akda sa mga taong tumulong sa kaniya upang maisagawa ang mga akademikong papel na ito katulad ni G. Lacaba na siyang nagbigay gabay upang maisagawa ang mga akademikong papel na ito na may sapat na husay at galing.

ii

Mga Salitang May Patak Ng Sining


TALAAN NG NILALAMAN

ii PROLOGO

01 - 02 BIONOTE NG NAPILING PERSONALIDAD

03 - 04 ADYENDA NG PULONG

05 - 12 PANUKALANG PROYEKTO

13 - 18 KATITIKAN NG PAGPUPULONG

iii

Mga Salitang May Patak Ng Sining


PIYESA NG TALUMPATI

EPILOGO RUBRIK

25-26 PERSONAL NA BIONOTE

iv

Mga Salitang May Patak Ng Sining

TALAAN NG NILALAMAN

19 - 22


Bionote ng napiling personalidad

LEA SALONGA 1

Mga Salitang May Patak Ng Sining


Si Maria Lea Carmen lmutan Salonga o mas kilala sa pangalang Lea Salonga ay nakapagtapos ng elementarya at sekondarya sa O.B Montessori Center sa Greenhills, Manila bilang isang Valedictorian. Siya rin ay nakapag-aral ng kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas at pumasok sa programang musika at nagsanay sa pagkanta at paggalaw sa entablado. Pumasok din siya sa Ateneo De Manila University upang mag-aral ng Pre-med o BS Biology at pinangarap maging isang ganap na doktor, subalit hindi ito natuloy dahil sa kaniyang patuloy na pagsikat. Una siyang nakilala noong siya ay pitong taong gulang pa lamang sa The King and I ng Repertory Philippines, at mas lalong nakilala noong nairekord niya ang awiting "Small Voice" noong siya ay sampung taong gulang. Nagkaroon rin siya ng proyekto sa larangan ng pag-aakting sa GMA Radio Television Arts at hindi nagtagal ay nagkaroon din siya ng kaniyang sariling musical television show na pinangalanang "Love, Lea." Siya ay mas nakilala sa buong mundo noong siya ay gumanap bilang Miss Saigon at nakatanggap ng mga parangal na Olivier, Drama Desk, Outer Critics Circle, Theatre World Awards, patina rin ang kauna-unahang babaeng taga-­ Asyang nakatanggap ng parangal na Tony Award. Siya rin ang kaunaunahang taga-Asya na gumanap bilang Eponine saLes Miserables sa Broadway at bumalik sa palabas bilang Fantine sa 2006 revival. Mas lalo pa siyang nakilala noong siya ay tinaguriang "Disney Legend" dahil siya ang nagsilbing naging boses sa pag-awit ni Princess Jasmine o ang kinikilalang Disney Princess sa Disney Movie na "Aladdin," pati na rin kay Fa Mulan para sa Disney Movies na "Mulan" at "Mulan II." Iilan lamang ito sa mga kaniyang mga naging matataas na napagtagumpayan at marami pang iba, kaya naman ay marami ang humahanga sa kaniya, hindi lamang sa bansang Pilipinas, pati na rin sa buong mundo.

2

Mga Salitang May Patak Ng Sining


ADYENDA NG PULONG

3

Mga Salitang May Patak Ng Sining


ADYENDA NG PULONG Lokasyon: Microsoft Teams Petsa: Ika-28 ng Abril taon ng 2022 Oras: 1:00n.h. hanggang 2:30n.h. Tagapangasiwa: Marion Marie Bacas I. Introduksyon II. Pagtatala ng mga dumalo III. Pagpresenta at pagtalakay sa adyenda 1. Pagpaplano sa isasagawang proyekto patungkol sa pagdami ng tumatawag sa National Center for Mental Health simula nang magkapandemya a. Layunin at mga target na benepisyaryo b. Balangkas ng posibleng isasagawang proyekto c. Iskedyul sa isasagawang programa 2. Pagtantya sa gagamiting badyet a. Mga kagamitan na kailangang paggastusan para sa proyektong isasagawa b. Mga lugar na kailangang paggastusan para sa proyektong isasagawa

IV. Karagdagang impormasyon V. Pangwakas na salita

4

Mga Salitang May Patak Ng Sining


PANUKALANG PROYEKTO

5

Mga Salitang May Patak Ng Sining


Pamantasang De La Salle -Dasmariñas Dibisyon ng Senior High School Filipino sa Piling Larangan Akademiko

PAGSASAGAWA NG LIBRENG SEMINAR AT KONSULTASYON PARA SA MAMAMAYAN NG IMUS, DASMARIÑAS, AT BACOOR CAVITE

6

Mga Salitang May Patak Ng Sining


I. Titulo ng Proyekto Panukala: Pagsasagawa ng libreng seminar at konsultasyon Organisasyon: Lokal na Pamahalaan ng Imus, Dasmariñas, at Bacoor Cavite Petsa at Lugar: Mayo 1-Hulyo 30, 2022 Mga Barangay sa Imus, Dasmariñas, at Bacoor Cavite II. Abstrak Nang dahil sa pandemya at tuloy-tuloy na pagkakaroon ng lockdown sa ating bansa, nagkaroon ito ng hindi magandang dulot sa nakararami. Maraming nawalan ng hanap-buhay, nabaon sa utang, natambakan ng problema at nagdulot ito ng hindi magandang epekto sa kanilang mental na kalusugan. Ang panukalang proyektong ito ay para matulungan ang mga mamamayang nakararanas nito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng libreng seminar at konsultasyon sa tatlong barangay sa Imus, Dasmariñas, at Bacoor Cavite. Katuwang sa proyektong ito ang mga namumuno sa bawat barangay na pupuntahan ng aming grupo. Tinatantya na ang badyet na magagamit para sa proyektong ito ay umaabot sa Php 750,000.00. Magsisimula ang proyekto sa Mayo 1 at inaasahang matatapos sa Hulyo 30 ng taong ito. III. Katwiran ng Proyekto Unang mangyayari ang mga proyektong libreng seminar at libreng konsultasyon sa mga barangay sa Imus, Dasmariñas, at Bacoor bilang paunang hakbang sa pagtulong sa mga mamamayang Pilipino patungkol sa mental na kalusugan, sa kadahilanang mas pamilyar ang bawat isa sa pangkat sa mga nasabing lugar. Nitong nakaraang taon, palaging nangunguna ang Cavite sa listahan ng pinakamaraming kaso na nagpositibo sa sakit na COVID-19. Dito rin nagsimula ang sunod-sunod na pagkakaroon ng lockdown sa lugar na ito. Maraming nahinto ang trabaho, maraming nagutom, at maraming nagtiis. Naging sanhi ang mga ito sa pagkakaroon ng epekto sa mental na kalusugan ng bawat indibidwal. Nagsimula ito sa pag-ooverthink, pag-aalala para sa pamilya, hanggang sa hindi na nakakatulog at nakakakain ng maayos.

7

Mga Salitang May Patak Ng Sining


Kung ang aming pangkat ay ipapakita na naiintindihan namin sila, na narito kami para sa kanila sa pamamagitan ng pagkakaroon ng libreng seminar at konsultasyon, kami ay naniniwalang gagaan ang loob ng bawat isa sa kanila. Matutulungan namin silang bumangon muli at lumaban sa kung ano mang dinaranas nila. Kaya't naisipan rin ng aming pangkat na mamigay ng sarili naming gawa na booklet na naglalaman ng mga makatutulong sa kanilang dinaranas at maliit na kuwaderno na puwede nilang gawing talaarawan. Sa pamamagitan nito, kahit sa simpleng paraan lamang ay maipapakita namin kung gaano sila kahalaga at makatulong sa kanila. IV. Layunin Ang COVID-19 ay nagdala ng malaking epekto sa tao, hindi lang sa pisikal na kalusugan, pati na rin sa mental na kalusugan ng bawat mamamayan. Kaya ang proyekto na ito o ang pagsasagawa ng libreng seminar at konsultasyon ay nakatutok sa kalusugang pangkaisipan ng bawat mamamayan na naapektuhan ng COVID-19 sa Imus, Dasmariñas, at Bacoor Cavite. V. Target na Benepisyaryo Ang target na benepisyaryo ng proyektong ito ay ang mga mamamayang nakatira sa Imus, Dasmariñas, at Bacoor Cavite na naapektuhan ang mental na kalusugan na dulot ng pandemya. VI. Implementasyon ng Proyekto A. Iskedyul Mga Gawain 1.

Pagpapasa, pagpapaapruba, at paglabas ng badyet

2. Pagkalap ng mga importanteng impormasyon sa isasagawang booklet

Iskedyul

Mga Responsibilidad

Mayo 1-7

Tagapamuno ng proyekto

Mayo 8-14

Tagapamuno ng proyekto at iba pang mga tagapamahalan ng kompanya

8

Mga Salitang May Patak Ng Sining


3. Pagpapaapruba at pagpapalimbag ng isinagawang booklet 4. Pagbili ng mga maliliit na kuwaderno bilang kanilang talaarawan na ipamimigay sa mga dadalo sa libreng seminar at konsultasyon bawat barangay 5. Pangongontrata ng lugar sa bawat barangay at pagbibigay ng flyers bilang paanyaya 6. Pagkakaroon ng libreng seminar at konsultasyon sa bayan ng Imus (Buhay na Tubig: Buhay na Tubig Elementary School) 7. Pagkakaroon ng libreng seminar at konsultasyon sa bayan ng Imus (Malagasang II-A: Greengate Homes Covered Court)

Mayo 15-21

Tagapamuno ng proyekto

Mayo 22-23

Tagapamuno ng proyekto at iba pang mga tagapamahala ng kompanya

Mayo 24-31

Tagapamuno ng proyekto, iba pang mga tagapamahala ng kompanya, at konseho sa bawat Barangay

Hunyo 4

Tagapamuno ng proyekto at iba pang mga tagapamahala ng kompanya

Hunyo 11

Tagapamuno ng proyekto at iba pang mga tagapamahala ng kompanya

9

Mga Salitang May Patak Ng Sining


8. Pagkakaroon ng libreng seminar at konsultasyon sa bayan ng Imus (Anabu II-C: Pallas Athena Executive Village Clubhouse) 9. Pagkakaroon ng libreng seminar at konsultasyon sa bayan ng Dasmariñas (Paliparan III: Paliparan 3 Phase 2 Covered Court) 10. Pagkakaroon ng libreng seminar at konsultasyon sa bayan ng Dasmariñas (Burol I: Burol I Barangay Hall) 11. Pagkakaroon ng libreng seminar at konsultasyon sa bayan ng Dasmariñas (San Simon: San Simon Basketball Court, Burma, Salawag, Dasmariñas, Cavite)

Hunyo 18

Tagapamuno ng proyekto at iba pang mga tagapamahala ng kompanya

Hunyo 25

Tagapamuno ng proyekto at iba pang mga tagapamahala ng kompanya

Hulyo 2

Tagapamuno ng proyekto at iba pang mga tagapamahala ng kompanya

Hulyo 9

Tagapamuno ng proyekto at iba pang mga tagapamahala ng kompanya

10

Mga Salitang May Patak Ng Sining


12. Pagkakaroon ng libreng seminar at konsultasyon sa bayan ng Bacoor (Talaba VI: Barangay Hall in Barangay Talaba VI) 13. Pagkakaroon ng libreng seminar at konsultasyon sa bayan ng Bacoor (Mambog V: Barangay Hall of Barangay Mambog 5) 14. Pagkakaroon ng libreng seminar at konsultasyon sa bayan ng Bacoor (Molino IV: Camella Spring Ville Covered Court)

Hulyo 16

Tagapamuno ng proyekto at iba pang mga tagapamahala ng kompanya

Hulyo 23

Tagapamuno ng proyekto at iba pang mga tagapamahala ng kompanya

Hulyo 30

Tagapamuno ng proyekto at iba pang mga tagapamahala ng kompanya

B. Badyet Mga Gastusin 1.

Halaga

Tinatantyang badyet para sa flyers bilang paanyaya sa isasagawang libreng seminar at konsultasyon pati na rin ang bayad sa renta bawat barangay

P7,500.00

2. Tinatantyang badyet kada tao sa isasagawang seminar bawat barangay (pagkain, booklet, small journal notebook)

P1,650.00

11

Mga Salitang May Patak Ng Sining


3. Inaasahang kada barangay sa Imus, Cavite ay mayroong limampung mamamayan ang makakadalo

P247,500.00 (P1,650.00 x 50 people = P82,500.00) (P82,500.00 x 3 barangay = P247,500.00)

4. Inaasahang kada barangay sa Dasmariñas, Cavite ay mayroong limampung mamamayan ang makakadalo

P247,500.00 (P1,650.00 x 50 people = P82,500.00) (P82,500.00 x 3 barangay = P247,500.00)

5. Inaasahang kada barangay sa Bacoor, Cavite ay mayroong limampung mamamayan ang makakadalo

P247,500.00 (P1,650.00 x 50 people = P82,500.00) (P82,500.00 x 3 barangay = P247,500.00)

Kabuuang Halaga

P750,000.00

C. Pagmomonitor at Ebalwasyon Matapos mabisita ng aming grupo ang mga barangay, maaari naming masuri ang epekto ng aming proyekto sa pamamagitan ng pagtawag sa mga lokal na Mental Health Hotlines at paghingi sa kanilang mga naitalang dokumento.

Inihanda nina: Bacas, Marion Marie Dolot, Czarina Flora Mae Naviza, Ann Mikaela Sarile, Gian Rhyle

12

Mga Salitang May Patak Ng Sining


KATITIKAN

NG PAGPUPULONG

13

Mga Salitang May Patak Ng Sining


KATITIKAN NG PAGPUPULONG PARA SA PANUKALANG PROYEKTO NG ALAM KO, KAYA MO! FOUNDATION

Petsa : Abril 28, 2022 Oras : Ika-1 n.u. Daluyan : MS Teams Mga Dumalo : Marion Marie Bacas (Tagapangasiwa) Czarina Flora Mae Dolot Ann Mikaela Naviza Gian Rhyle Sarile Mga Lumiban : Wala Ang pagpupulong ay nag-umpisa sa pamamagitan ng panalangin ni Bb. Bacas

Diskusyon

1. Inumpisahan ni Bb. Bacas ang panimula at introduksyon ng pagpupulong at sinundan ito ng adyenda.

Desisyon Desisyon 1. Sa pangunguna ni Bb. Bacas, napagdesisyunanna ang proyektong isasagawa ay libreng seminar at konsultasyon sa lungsod ng Cavite, partikular sa lugar ng Imus, Dasmariñas, at Bacoor.

14

Mga Salitang May Patak Ng Sining


2. Inilahad ni Bb. Dolot, Bb. Naviza, at G. Sarile ang kanilang suhestyon para sa pangunahing proyekto. 2.1. Libreng seminar at konsultasyon ayon kay Bb. Dolot 2.2. Librengbooklet at maliit na kuwaderno na magsisilbing talaarawan ngmga mamamayan ayon kay Bb. Naviza. 2.3. Imus, Dasmarinas, at Bacoor ang mga lugar na pupuntahan ayon kay G. Sarile bilang pangunang pupuntahan dahil dito mas pamilyar angmga miyembro. 3. Inilahad ni Bb. Dolot ang mga maaaring barangay at pupwestuhan sa Imus, siG. Sarile sa barangayng Dasmarinas, at si Bb. Naviza sa barangay ng Bacoor.

3.1.

Desisyon 2. Sumang-ayon ang bawat miyembro na ang ipamimigay sa bawat dadalo ay libreng booklet at maliit na talaarawan.

Desisyon 3. Sa pangunguna ni Bb. Bacas, napagdesisyunanang petsa ng produksyon ng mgakakailanganin para sa proyekto, at ang

Narito ang listahan ng mga barangay. Imus

Dasmariñas

Bacoor

Buhay na Tubig Elementary School

Paliparan III Phase 2 Covered Court

Talaba VI Barangay Hall

Malagasang II-A Greengate Homes Covered Court

Burol I Barangay Hall

Mambog V Barangay Hall

San Simon Basketball Court, Burma, Salawag

Molino IV Camella Springville Covered Court

Anabu II-C Pallas Athena Executive Village Clubhouse

15

Mga Salitang May Patak Ng Sining


4. Inilahad ni Bb. Bacas ang maaaringmaging iskedyul ng proyekto. 4.1. Ang kabuuan ng proyekto ay tinatantyang aabutinng tatlong buwan. 4.2. Ang mga araw kung kailan isasagawa ang proyekto

Desisyon 4. Nagkasundo ang bawat isa na tuwing araw ng sabado isasagawa ang libreng seminar at konsultasyon sa bawat barangay.

4.2.1. Narito ang iskedyul para sa preparasyon ng proyekto. Petsa

Adyenda

Mayo 1-7

Pagpasa, pag-apruba, at paglabas ng iskedyul ng proyekto

Mayo 8-14

Paggawa ng nilalaman ng booklet at flyers

Mayo 15-21

Pagpapalimbag ng nasabing booklet at flyers

Mayo 22-23

Pagbili ng maliit na talaarawan

Mayo 24-31

Pangongontrata sa bawat barangay, pagrenta, at pagbibigay ng flyers

4.2.2. Narito ang iskedyul ng seminar at konsultasyon. Lungsod

Barangay

Petsa

Imus

Buhay na Tubig

Hunyo 4

Imus

Malagasang II-A

Hunyo 11

Imus

Anabu II-C

Hunyo 18

Dasmariñas

Paliparan III

Hunyo 25

16

Mga Salitang May Patak Ng Sining


Dasmariñas

Burol I

Hulyo 2

Dasmariñas

Salawag

Hulyo 9

Bacoor

Talaba VI

Hulyo 16

Bacoor

Mambog V

Hulyo 23

Bacoor

Molino VI

Hulyo 30

5. Napag-usapan ang gagastusin at ang tatantyahing badyet sa isasagawang proyekto. 5.1. Sinabi ni Bb. Dolot na ang tatyantahing badyet kada taong dadalo ay 1,650 pesos. 5.2. Sinabi ni Bb. Naviza ang kakailanganin ng 7,500 pesos para sa pagpapalimbag ng mga flyers at bayad sa renta.

5.3.

Desisyon 5. Nagkasundo nang mabilis at eksakto ang presyong tinatantya para sa magiging badyet.

Narito ang pagkakahati-hati ng badyet galing kay G. Sarile.

Mga Gastusin

Presyo

Bilang

Kabuuang Presyo

Ang tinatantyang badyet kada taong dadalo (pagkain, booklet, maliit na talaarawan).

P 1,650.00

1

P 1,650.00

17

Mga Salitang May Patak Ng Sining


Inaasahang limampung tao ang dadalo bawat barangay.

P 1,650.00

50

P 82,500.00

Kabuuan ng tatlong barangay

P 82,500.00

3

P 247,500.00

Kabuuan ng tatlong lungsod (Imus, Dasmariñas, Bacoor).

P 247,000.00

3

P 742,500.00

Flyers at Renta

P 7,500.00

P 7,500.00 Kabuuan

6. Matapos maitala ang badyet, binanggit ni Bb. Bacas ang pagpupulong.

P 750,000.00

Desisyon 6. Sumang-ayon ang bawat isa sa naging pagkakahati-hati ng badyet.

Nagwakas ang pagpupulong sa pamamagitan ng panalangin na pinangunahan ni Bb. Bacas. Natapos ang pagpupulong sa ganap na ika-1:30 n.u. Nagtala ng katitikan ng pulong: Bb. CZARINA FLORA MAE DOLOT Sekretarya

Inaprubahan ni: Bb. MARION MARIE BACAS Presidente ng Alam Ko, Kaya Mo! Foundation

18

Mga Salitang May Patak Ng Sining


PIYESA NG TALUMPATI

19

Mga Salitang May Patak Ng Sining


DOLOT, Czarina Flora Mae D. STM 11

Filipino sa Piling Larang SFIL 112

Iskor:

Talumpati

Petsa: Mayo 12, 2022 Huwebes

SIKOLOHIYA SA PANAHON NG PANDEMYA "Anak, kumusta ang trabaho mo?", “May pangkain pa ba tayo bukas?", "May pambayad na ba tayo sa utang natin?", "Anak, kumusta ang pag-aaral mo?" Ako si Czarina Flora Mae Dolot at nais kong ipahayag ang mga pangyayari magmula noong magkaroon ng pandemya. Hindi lamang sa Pilipinas, kung hindi pati na rin sa buong mundo. Magmula nang magkaroon ng pandemya, maraming buhay ang naghirap, nagtiis, at nasira. Maraming namatay dahil sa gutom at hirap na dinaranas ng bawat isa. Nalugi ang ilang mga kompanya at negosyo, ipinatigil ang pagmamaneho ng mga pampublikong transportasyon, at bumaba ang sahod ng iba hanggang sa hindi na ito nagiging sapat. At dahil dito, maraming mamamayan ang nabaon sa utang. Sumabay pa ang pagkalat ng sakit na kinikilala nating COVID-19, at ang pagkakaroon ng ilang buwang lockdown. Hindi makabili ng mga pangangailangan lalong lalo na ang mga pagkain at umaasa na lamang sa mga ayudang natatanggap. Ngunit may mga pagkakataon talagang nagkukulang at walang naiaabot na ayuda sa loob ng ilang araw, linggo, o buwan. Marami ring estudyante ang nanibago sa kanilang panibagong paraan ng pag-aaral. May ibang mas nadalian, ngunit mas marami ang mas nahirapan at nagduda sa kanilang kakayahan. Umabot na rin sa puntong hindi na sila masaya sa kanilang ginagawa at nag-aaral na lamang sila upang makapasa. May tumatawag nanaman sa National Center for Mental Health. Ayon sa balita sa bente-kwatro oras noong taong 2020, simula nang magkaroon ng pandemya sa bansa, mayroong pagkakataon na umabot sa siyam na raang

20

Mga Salitang May Patak Ng Sining


tawag ang natatanggap nito sa isang buwan. Ang nakakabahala pa rito ay umabot sa limampu't tatlong tawag ang natatanggap nila kada araw para sa mga nagpapasaklolo dahil sa nais na ng karamihan bawiin ang sarili nilang buhay dulot ng kanilang nararamdaman at pinagdaraanan. Bukod sa mga doktor na nagpapagaling sa ating mga karamdaman dahil sa sakit na COVID-19, nais ko ring bigyang pansin ang mga taong dalubhasa sa agham ng isip o ang mga nag-aral ng sikolohiya dahil sila rin ay naging ating sandalan lalo na sa panahon ng pandemya. Sila ang nasasabihan natin ng ating mga mabibigat na problema at sila rin ang higit na makatutulong sa atin bukod sa ating pamilya na ating kadamay sa buhay. Bago pa magpandemya ay narito na sila para sa mamamayan upang maglingkod at makatulong sa mga taong may pinagdaraanan at nahihirapan. Kung wala sila, siguro ay maraming sinarili na lamang nila ang kanilang mga problema at dinadamdam. Kung wala sila, siguro ay marami nang sumuko sa kanilang buhay. Sabi nila, ang totoong kalaban natin ay ang ating isipan. Huwag nating hayaan na tayo ay magpatalo sa mga naiisip nating negatibo. Imbis na tayo ay magisip ng hindi magaganda, bakit hindi natin isipin ang mga posibleng maging solusyon sa ating problema? Bakit hindi natin isipin ang mga mabubuting bagay na nangyari sa atin? Huwag tayong susuko sapagkat dapat na maniwala tayo na lahat ng ito ay may rason. May plano ang Panginoon kung bakit niya ito ipinaparanas sa atin. Darating rin ang oras na malalagpasan din natin ang ating mga problemang kinakaharap natin sa ngayon, at sa puntong malagpasan natin ito, naniniwala akong tayo ay mas magiging matatag sa buhay at magiging mas malakas pa. Tayo ay magpasalamat sa ating mga kababayan na nais iparating sa atin na tayo ay may halaga sa mundong ito. Turuan natin ang ating sarili na mahalin ang ating sarili. Hindi ito magiging madali at magiging mahaba ang prosesong ito, ngunit ito ay higit na makatutulong sa atin upang patuloy na lumaban sa buhay.

21

Mga Salitang May Patak Ng Sining


"Anak, kumusta ang trabaho mo?", "May pangkain pa ba tayo bukas?", "May pambayad na ba tayo sa utang natin?", "Anak, kumusta ang pag-aaral mo?" ‘Ma, huwag kang mag-alala. Magiging maayos rin ang lahat, kapit lang.

22

Mga Salitang May Patak Ng Sining


EPILOGO Isinulat ni Czarina Flora Mae Dolot

Hindi naging madali ang naging proseso upang maisagawa ang e-portfolio na ito. Maraming pinagdaanan na proseso at maraming pagsubok ang kinaharap ng manunulat. Pinag-aralan ang bawat salitang nakapaloob sa e-portfolio na ito kaya't sa oras na natapos maisagawa ang e-portfolio, lubos na ikinagagalak at nagpapasalamat ang may-akda sapagkat natapos niya ito ng maayos at umaayon sa kaniyang kagustuhan. Masasabi niyang malaki ang naitulong nito sa kaniyang paraan ng pagsusulat ng akademikong papel sapagkat mas lumalim ang kaniyang kaalaman sa paggawa ng pormal na pamamaraan ng pagsulat pati na rin sa pagsasagawa ng tamang pormat na gagamitin sa mga akademikong papel. Maraming napulot na aral ang manunulat sa e-portfolio na ito. Unang una na rito ang pagsasagawa ng bionote. Natutunan niya ang tamang paraan ng pagsulat ng bionote, katulad na lamang ng isinusunod na sa pangalan ang mga nakamit ng taong ginagawan ng bionote at hindi na kailangan isama pa ang mga impormasyon patungkol sa kaniyang edad, kaarawan, at iba pa. Pangalawa ay natuto rin siyang gumawa ng tamang adyenda at kung kailan dapat ito isinasagawa. Sumunod ang paggawa ng panukalang proyekto, dito niya natutunan ang mga tamang pormat ng pagsulat at higit itong nakatulong sa kaniya lalo na sa pagoorganisa ng isinasagawang akademikong papel. Ang pang-apat ay ang pagsasagawa ng katitikan ng pagpupulong. Natutunan niya kung ano ang halaga nito tuwing nagkakaroon ng isang pagpupulong at ito ay upang walang makaligtaang impormasyon sa mga napag-usapan ng bawat isa. At ang panghuli ay ang pagsasagawa ng piyesa para sa talumpati. Natutunan niyang hindi lamang ang nilalaman ng piyesa ang mahalaga, sapagkat mahalaga rin kung paano mo ito ipaparating sa mga taong tagapakinig o madla.

23

Mga Salitang May Patak Ng Sining


RUBRIK CRITERIA

GRADING SCALE 10 Mahusay Mahusay na naitala ang mga mahahalagang akademikong sulating isinagawa gaya ng a.) infographics, b.) bionote, c.) katitikan ng pulong, d.) adyenda e.) talumpati.

2.5 Pasimula Halos isa o dalawang kahingiang sulatin lamang ang naibilang sa portfoliong ipinasa.

5 Umuunlad Halos kalahati sa kahingiang sulatin lamang ang naibilang sa portfoliong ipinasa.

7.5 Natugunan Nagamit nang mabisa at husay ang wikang Filipino sa pagsulat ng pagsusuri.

2.5 Pasimula Hindi nagamit nang mabisa ang wikang Filipino sa pagsulat ng pagsusuri.

5 Umuunlad Nagamit nang mabisa ang wikang Filipino sa pagsulat ng pagsusuri.

7.5 Natugunan Nagamit nang mabisa at husay ang wikang Filipino sa pagsulat ng pagsusuri.

10 Mahusay Nagamit nang mabisa at mahusay ang wikang Filipino sa pagsulat ng portfolio.

5 Umuunlad May ilang pagwawasto lamang sa mga sulatin. Hindi gaanong naging malinaw ang paglalahad sa prologo at epilogo.

7.5 Natugunan Kinakitaan nang bahagyang pagwawasto sa mga sulatin. Maayos ang daloy ng nilalamang mga akademikong sulatin. Gayun din ang pagkakatala ng prologo at epilogo.

10 Mahusay Kinakitaan nang pagpapahusay sa mga sulatin. Mahusay at maayos ang daloy ng nilalamang mga akademikong sulatin. Gayun din ang pagkakatala ng prologo at epilogo.

ANYO

2.5 Pasimula Hindi nakasunod sa wastong anyo nang pagbuo ng isang portfolio.

5 Umuunlad Kalahati lamang sa elemento sa isang portfolio ang naibilang.

7.5 Natugunan Nakasunod sa wastong anyo ng isang portfolio. Naibilang ang karamihan elementong kahingian sa isang portfolio.

10 Mahusay Mahusay na nakasunod sa wastong anyo ng isang portfolio. Kumpleto ang bawat elementong kahingian sa isang portfolio.

MALIKHAIN

2.5 Pasimula Hindi gaanong sumalamin ang pagiging malikhain sa awtput na ipinasa

5 Umuunlad Kalahati sa awtput ay kinakitaan nang maayos na paglalapat ng mga disenyo at kaisahan.

7.5 Natugunan Karamihan ng bahagi sa awtput ay kinakitaan nang maayos na paglalapat ng mga disenyo at kaisahan.

10 Mahusay Malinis at mahusay ang pagkakapili ng mga disenyo. Kinakitaan ng kaisahan ang kabuuang produkto.

ORGANISADONG PAGTATALA

GRAMATIKA

NILALAMAN

2.5 Pasimula Halos walang isinagawang pagbabago sa mga sulatin. Hindi naipahayag nang malinaw ang prologo at epilogo.

24

Mga Salitang May Patak Ng Sining


Si Czarina Flora Mae D. Dolot ay nakapagtapos ng elementarya at sekondarya ng may mataas na karangalan sa Maranatha Christian Academy sa Imus, Cavite. Kasalukuyan siyang nag-aaral ng ikalawang semestral sa ika-labing isang baitang sa strand na Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) sa De La Salle University­Dasmariñas at nakatanggap ng pinakamataas na karangalan sa unang semestral. Kasalukuyan siyang kasali sa organisasyong Lasallian Patriots Dance Company (LPDC) at nasa opisyal na pwesto (PRO Internal). Hilig niya na ang pagsasayaw magmula siya ay nasa murang edad pa lamang at hilig niya na ring sumali sa mga paligsahan ng sayaw noong siya ay nasa elementarya atsekondarya sa Maranatha Christian Academy sa Imus, Cavite. Nanalo sila sa paligsahan ng cheerdancing ng dalawang magkasunod na taon sa MCA Sportsfest 2018 at 2019. Sumali rin siya sa paligsahang Imus Social Media Fest (2021) sa kategoryang Sinemuseño at siya ay nakatanggap ng People's Choice Award at nagwagi sa ikatlong puwesto. Siya rin ay naitampok ng Official Prismacolor, Prismacolor Philippines, at Art Caravan Philippines dahil sa kaniyang husay pagdating sa larangan ng pagguhit. Napansin din siya ni Hidilyn Diaz o ang mas kinikilala ng buong mundong gold medalist sa 2020 Summer Olympics sa kategoryang weightlifting noong iginuhit niya ito upang makapagbigay suporta.

25

Mga Salitang May Patak Ng Sining


Personal na Bionote

CZARINA DOLOT 26

Mga Salitang May Patak Ng Sining


Mga Salitang may patak ng Sining


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.