ANG
Taon 4 Isyu 1 Hunyo-Oktubre 2010
k
kalakataw
OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGAN NG PAARALANG ELEMENTARYA NG WAWA Nasugbu North District, Batangas Province, Region IV-A CALABARZON
Programang CCT ng pamahalaan 500 pamilya nabiyayaan
BALITA
3
Nabiyayaan ang halos 500 pamilya sa Barangay Wawa sa pamamagitan ng CCT—Conditional Cash Transfer Program sa ginanap na community assembly, Setyembre 8 sa covered court ng paaralan.
EDITORYAL
5
Ang mga nabiyayaang pamilya ay makatatanggap ng may kabuuang P1,400. Tatlong daang piso ang matatanggap kada buwan ng bawat isa sa tatlong bata sa bawat pamilya para sa kanilang pag-aaral, kasama ang P500 bawat buwan para sa nutrisyon at pangkalusugang pangangailangan. sundan sa >> p. 4
40 mga mag-aaral sumailalim sa Programang BLT-Busog, Lakas, Talino
8 9
Isang pagsaludo...
sundan sa >> p. 2
Basura posibleng mabawasan sa segregation scheme
Buwan ng Wika
Bulic, Albanio hinirang na Lakan at Lakambini
Paglilinis ng baybayin at komunidad; “bayanihan” buhay pa rin
Malakas na sigawan at palakpakan ang narinig mula sa mga manonood nang ihayag ng tagapagsalita ang napiling Lakambini at Lakan kaugnay sa pagdiriwang ng buwan ng wika, Agosto 31. sundan sa >> p. 3
Muling ipinakita ng mga taga-Nasugbu ang likas na pagkamatulungin at pakikipagkaisa para sa mabuting layunin. Maaga pa sa ika-lima ng umaga, Setyembre 11, maraming tagaNasugbu ang nagtipon
7
LATHALAIN
Ayon kay Gng. Flordeliza Derain, guro sa Edukasyong Pantahanan, sa 2,212 na mga mag-aaral 37% o 821 sa mga ito ay hindi wasto ang kalusugan. “Ang programang ito ay makatutulong ng malaki sa ating mga magaaral, bagamat 40 lamang ang sumailalim sa programa tinuturuan naman tayo na upang magkaroon ng talino ang ating mga bata kailangang sila ay magkaroon
Ito ang mga salita ni Engr. John Dimaunahan, Supervisor II ng Municipal Environment and Natural Resources, habang ipinaliliwanag niya ang problema ng Nasugbu tungkol sa basura. sundan sa >> p. 4
Unahin ang dapat... Maling pang-unawa
Apatnapung mga batang mag-aaral na may mababang timbang ang sumailalim sa Programang BLT na handog ng Roxas Foundation sa pakikipagtulungan ng Jollibee Inc.
“Araw-araw mula sa apat na barangay, halos 50 hanggang 60 na tonelada ng basura ang ating nakokolekta at mayroon tayong 12 barangay sa poblasyon pa lamang.”
P2.5M bagong gusali...
LARAWAN NG KAWALANG MALAY. Isa sa mga batang mabibiyayaan ng CCT Program ng pamahalaan.
Kung ikaw lang... ISPORTS
10 Karunungan... Mga magulang, mag-aaral nanguna sa pagdiriwang ng Teacher’s Day Sa pamamagitan ng Department Memorandum352, series of 2010, ipinagdiwang ang Araw ng mga Guro sa Nasugbu North District, Oktubre 5.
13
sundan sa >> p. 4
sundan sa >> p. 3
Mga guro, estudyante hinikayat humiram ng aklat sa library hub
Sa kabuuang 87 mababang paaralan at 12 mataas na paaralan mula sa anim na distrito, napag-alamang kakaunting mga guro at mag-aaral ang nagtutungo sa library hub upang humiram ng mga aklat kung kaya’t sa pamamagitan ng mga punongguro, hinikayat ang mga mag-aaral at mga guro ng iba’t-ibang paaralan upang humiram ng mga babasahing aklat mula sa library hub ng Nasugbu na nagbunga naman sa pagdami ng mga tumutungo sa aklatan. sundan sa >> p. 3
awa habang Mga batang W TAMPISAW. o sa malakas na ar gl pa ki ki na walang takot na ng piyer. ga an sa bung hampas ng alon
BALITA
kalakataw
k
2
HUNYO-OKTUBRE 2010
ANG
MGA MUKHA NG PAG-ASA. Mga batang nasa programang BLT.
40 mga mag-aaral sumailalim sa Programang BLT-Busog, Lakas, Talino Training seminars dinaluhan ng mga guro Upang malinang at maragdagan pa ang mga kaalaman sa pangangasiwa ng palaro, dinaluhan nina G. Daniel Bota, G. Romano Bacit, G. Venancio Himaya, Gng. Shiena Atienza at Gng. Adelaida Bayot ang tatlong araw na na Basic Official Training Course in Sports noong September 2 to 4 sa Batangas Sports Complex sa Bolbok, Batangas. Sa halos kasabay na petsa, Setyembre 3 hanggang 5, dinaluhan naman nina Gng. Guadalupe Javier, Gng. Magdalena Morales at Gng. Eugenia Bunyi ang Outdoor Training Course ng GSP sa Taal Central School. Nagsanay sila sa food hunting, knot tying, pagtatayo ng tent at first aid basics para sa paghahanda sa nalalapit na Provincial Encampment. Samantala, dinaluhan din ni Gng. Eugenia Bunyi ang Division Training for Campus Journalism para sa mga advisers ng pampaaralang pahayagan sa Balayan East Central School upang mapalawak ang kanyang kaalaman sa pangangalaga ng ng school paper at magkaroon ng pangunahing kaalaman sa pagsulat ng balita, editoryal, feature articles, balitang isports, pagwawasto at pag-uulo ng mga balita. Carla Mabutol
ng mabuting kalusugan.” Dagdag pa ni Gng. Derain. Ang mga bata ay pakakainin sa loob ng 136 na araw sa bawat taon sa loob ng tatlong taon. Bawat isang bata ay gagastusan ng P11 bawat araw ng pagpapakain sa unang taon at bababa sa P5.50 sa ikalawang taon. Ang ikatlong taon ay responsibilidad na ng mga magulang at ng paaralan kung saan kukuha ng gastusin upang makumpleto ang
tatlong taong programa. Pagkatapos ng klase sa umaga ang pagpapakain sa mga magaaral sa ganap na ika 11:30 ng umaga. Ang mga magulang ang nagbabadyet ng halagang P440 kada araw buhat sa Roxas Foundation. Ang mga magulang din ang nangangasiwa ng pamimili at paghahanda ng pagkain ng mga bata araw-araw. Sa pagsisimula ng programa, ang mga magulang
ay dumaan sa food handling and preparation seminar sa pangunguna ng mga crew ng Jollibee. “Ang maganda sa programang ito ay sadyang tinuturaan ang mga magulang na maging responsable sa pagbibigay sa kanilang mga anak ng tamang nutrisyon sa pamamagitan ng mga mura subalit masusustnsiyang pagkain.” dagdag ni Gng. Derain.
Marbella puspusan ang pagsasanay para sa RSPC Click…click…click! Tamang gamit ng liwanag at anggulo sa pagkuha ng mga larawan ng mga taong nagtatrabaho ang naging basehan marahil ng mga hurado upang pagwagian ni Jeazalyn Marbella, mag-aaral sa baitang lima, ang pinakamagandang kuhang larawan sa English (DSPC) Division Schools Press Conference, September 18-21. Matapos maiuwi ang unang puwesto sa photojournalism sa English, muling makikipagtagisan si Marbella sa gaganaping Regional Schools Press Conference sa Sta. Rosa City, ngayong ika-8 ng Nobyembre. Si Marbella sa kasalukuyan ay araw-araw na nagsasanay sa pagsubaybay ni G. Domcar Lagto, ang kanyang gurong tagapayo. Siya rin ay papasok sa Journalism Academy upang lalong maisiguro ang puwesto puspusan sa Regional Press Conference. Carla Mabutol
SERTIPIKO NG TAGUMPAY. Si Jezzalyn Marbella nang magwagi sa Photojournalism.
Guevarra nakipagtagisan sa Nutri-Quiz Naiuwi ni Guevarra, mag-aaral sa ang unang puwesto sa nang talunin niya ang
Kyle B. Baitang IV Nutri-Quiz ibang mga
kalahok sa District Nutri-Quiz noon Hulyo 16 at nakuha niya ang ika-15 puwesto sa national level na ginanap sa UP Diliman noong Hulyo 29.
Airah Natindim at Ma. Carla Mabutol
BALITANG KINIPIL
Kawan Holiday binalikan ang kasaysayan May paksang, “Balik Kasaysayan, Masayang Karanasan”, 37 distrito sa dibisyon ng Batangas ang nakilahok sa pagdiriwang ng Kawan Holiday upang muling alalahanin ang mga aral ng nakaraan sa Roxaco Subd, Nasugbu, Batangas, Agosto 28. Libo-libong KAB iskawt ang nagpakita ng husay at kakayahan sa pagsasalarawan ng mga aral ng kasaysayan sa pamamagitan ng mga tugtog at sayaw.
Science Camp: Guro, mag-aaral hinikayat pangalagaan ang kalikasan
Hinikayat ang mga guro at mga mag-aaral na pangalagaan ang kalikasan upang mapanatili ang malinis na hangin sa pagsasagawa ng tatlong araw na Science Camp na may paksang, “Padaloy malinis na Hangin, Matiwasay na Buhay”, sa San Juan, Batangas, Oktubre 4-6. Sina Aaron Reneir Melgar, Edelyn Lava, Joby Ann Tablada, Krishelle Marbella, at Marco Urcia kasama ang mga gurong sina Bb. Jenelyn Villaluna, Bb. Eloisa Umandal at G. Andrew Dela Vega ang mga piniling delegado ng paaralan.
District Quiz Bee sinukat ang talino ng mga mag-aaral Pinatunayan ng mga magaaral ng Mababang Paaralan ng Wawa na ang mga leksyon na kanilang natutunan ay hindi nawawala sa kanilang isipan. Si Jobie Ann Tablada ng Baitang VI ay nanguna sa Science quiz. Sina Angelica Kaye Lucban, Baitang III; Jeric Dela Cruz, Baitang IV; Alyssa Nicole Bernardo, BaitangV at Aaron Reineir Melgar ng Baitang VI ay nag-uwi ng unang puwesto sa Mathrathon. Si Mark Joseph Salastre, Baitang IV ay nagwagi ng unang puwesto sa Sci-Dama Water Patrol at Jeron Noel Bota, Baitang V sa SciDama Power Patrol.
k
3
BALITA
Marietta Vargas, library hub assistant, maaaring ang nagiging dahilan ng ilang mga distrito kung bakit hindi nagtutungo sa library hub ay ang kalayuan ng library sa ilang mga paaralan at ang gugulin ng mga ito para sa pamasahe. Sa kasalukuyan, 13,280 mga bagong libro ang nasa pag-iingat ng library na pwedeng hiramin ng mga guro at mga estudyante. Carla Mabutol
ANG
Maaalalang ang library hub ng Nasugbu ay binuksan sa publiko noong nakaraang taon upang mabigyang serbisyo ang magkakalapit na distrito; Nasugbu West, Nasugbu East, Nasugbu North, Lian, Tuy, at Calatagan . Ito ay natayo sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan, DepEd, Roxas Gargullo Foundation, San Miguel Corp. at SM Foundation. Ayon kay Gng.
kalakataw
Mga guro, estudyante hinikayat humiram ng aklat sa library hub
HUNYO-OKTUBRE 2010
PINTO NG KARUNUNGAN. Ang aklat ay kaibigan upang tumuklas ng kaalaman.
P2.5M bagong gusali handa na para gamitin ng mga mag-aaral Tila isang matikas na kawal ang bagong tayong gusali sa loob ng paaralan at handang-handa na upang maglingkod sa mga mag-aaral. Ayon kay Dr. Ronaldo L. Sevilla, punungguro ng Mababang Paaralan ng Wawa, naghihintay na lamang ang paaralan ng kautusan mula sa pamahalaang lokal upang
maging ganap na sariling ari ng paaralan ang naturang gusali. Ang gusaling nagkakahalaga ng dalawa at kalahating milyong piso ay ipinagkaloob sa paaralan mula sa pondo ng local school board sa pangunguna nina Mayor Antonio Barcelon, alkalde ng bayan ng Nasugbu, Dr. Gregorio
Buwan ng Wika
Meneses, Pampurok Tagamasid, at ni G. Rolando G. Alegre, dating punungguro ng paaralan. Pinaplanong ang dalawang silid ng gusali ay gagamitin ng mga mag-aaral at guro sa baitang tatlo at magiging silid pang-agham naman ang isa. John Abraham Botones
Bulic, Albanio hinirang na Lakan at Lakambini Hinirang si Trishia Nicole Bulic at Cidreck Albanio, mga bata mula sa Baitang II bilang bagong Lakambini at Lakan sa taong 20102011. Ayon sa mga mga hurado naging batayan nila sa pagpili ang kasimplehan ng mga bata gayundin ang kanilang ipinakitang talento at
magalang na pagsagot sa kanilang mga tanong. Batay sa temang; “Sa Pangangalaga sa Wika at Kalikasan Wagas na Pagmamahal Talagang Kailangan”, ipinakita naman ng mga mag-aaral ang kanilang kakayahan at galing sa dula-dulaan, sabayang pagbigkas, sayaw-awit at pagtula. Umawit din ang mga
guro ng mga awiting bayan habang nakasuot ng mga naggagandahang baro’t saya na lalong nagpakulay ng pagdiriwang. Napili naman si Gng Sarah Mendoza, guro sa ikalawang baitang bilang guro sa pinakamagandang baro’t saya.
Paglilinis ng baybayin at komunidad; “bayanihan” buhay pa rin tipon upang makiisa sa taunang International Coastal Clean-up na ginaganap tuwing ikalawang Sabado ng taon. Pinatunayan ng mga guro, estudyante, empleyado sa pribado at pampublikong tanggapan, iba’t-ibang grupong pangrelihiyon, at mga NGO na ang kooperasyon at pagkakaisa ay nananatili sa damdamin ng mga
Nasugbueños sa pamamagitan ng pagkolekta nila ng 300 kilo ng mga basura mula sa baybaying dagat ng Nasugbu. Nahigitan ng mga nakiisa sa coastal clean up ang bilang ng mga nakiisa kumpara noong isang taon, gayundin ang dami ng mga basurang nakuha sa baybaying dagat. Muling naulit ang “bayanihan” sa bayan ng Nasugbu
MAGLINIS TAYO. Sagipin ang inang kalikasan.
noong Setyembre 18, sa pagtugon ng mga mamamayan sa panawagan ng malawakang paglilinis sa lalawigan ng Batangas. Tinawag na “Linis Batangas, sa Dengue Batagueño Ligtas,” tumugon ang mga taga Nasugbu sa panawagan ni Gob. Vilma Santos-Recto sa mga mamamayan ng Batangas upang sama-samang maglinis sa lahat ng dako sa bawat baranggay. Airah Natindim
BALITA
kalakataw
k
4
ANG
Matutunan ang simpleng paraan Ayon kay Engr. Dimaunahan, ang mga simpleng paraan ay kailangan upang mabawasan ang problema tungkol sa basura “Kung matututo lamang tayo na mag-segregate kikita pa tayo. Isipin nyo na lang ang ating mga garbage collectors ay kumikita ng hindi bababa sa P500 galing sa basurang kinukuha sa bahaybahay. Marami pa talagang pwedeng maibenta’, paliwanag ni Engr. Dimaunahan. Kaniya ring ibinigay na halimbawa ang Brgy. VII sa poblasyon, kung saan mayroong isang lugar na doon inilalagag ang mga basura at pinaghihiwa-hiwalay upang piliin ang maari pang maibenta na malaking tulong sa pondo ng barangay. Binigyang linaw rin ni Engr. Dimaunahan na ang dumpsite sa Barangay Dayap ay controlled dumpsite dahilan sa pagkakaroon ng mga bulldozers na ginagamit sa paghihiwa-hiwalay ng mga basurang itinatapon, subalit kung matututunan ng mga taga-Nasugbu ang segregation scheme mas malaking tulong ito upang mabawasan ang suliranin sa basura at mapanatiling kontrolado ang dumpsite ng Nasugbu. Kailangang matugunan ang nakasaad sa Ecological Management Act Ang dumpsite sa Barangay
HUNYO-OKTUBRE 2010
Basura posibleng mabawasan sa segregation scheme Dayap ay nagsimula noong 1996 at ito ay binili ng munisipalidad sa ilalim ng Transfer Certificate Title Nos. T-72235 at T-74390. Ito ay dating pastulan at hindi masyadong produktibo sa pagtatanim. Sa dalawang ektaryang sakop, kalahating bahagi lamang ang nagagamit upang maging dumpsite dahilan sa maburol na kalahating bahagi. Ang basurahan sa Barangay Dayap ay pinag-aralan ng Mines and Geosciences Bureau noong 1997 at napatunayang ang lugar ay maaaring pagtayuan ng isang sanitary landfill. “ Ang dumpsite sa Brgy. Dayap ay kailangang maging sanitary landfill mula sa pagiging dumpsite na isinasaad ng Management Act of 2000 subalit wala tayong sapat na pondo. Ang magagawa lamang natin sa ngayon ay mapanatili natin itong controlled dumpsite,” dagdag pa ni Engr. Dimaunahan. Hindi prayoridad subalit hindi ipinagwawalang-bahala Sangayon naman kay G. Rey Garcia, puno ng Municipal Planning and Development Council, ang pagkakaroon ng sanitary landfill ay nangangailangan ng halagang P60,000,000 hanggang P70,000,000 para lamang sa pagtatayo nito, hindi pa kasama ang operational at maintenance expenses na hindi kakayaning mapondohan ng
pamahalaan ng Nasugbu. “Marami tayong plano at programa na dapat unahin, kagaya ng sa edukasyon, kalusugan, at kaayusan, kung mayroon tayong labis na pondo saka pa lamang ‘yong sa dumpsite. Pero nagpaplano tayo ng pagbili ng karagdagang dump trucks at compactors upang mapanatili nating kontrolado ang ating dumpsite sa Dayap,” ang paliwang ni G. Garcia. Sinabi pa ni G. Garcia na ang pamahalaan ng Nasugbu ay
nagpaplano rin ng paglalagay ng mga trash bins sa mga kalye at sa mga loobang bahagi ng bayan para sa waste segregation upang mabawasan ang mga basura na itinatambak sa Nasugbu dumpsite. “Kung sa plano marami tayong pwedeng gawing magagandang plano, subalit kailangan natin ang pondo,” pagtatapos ni G. Garcia. Alyssa Nicole Bernardo at Ma. Carla Mabutol
Mga magulang, mag-aaral nanguna sa pagdiriwang ng Teacher’s Day Nanawagan si G. Joselito Maniquez, pangulo ng PTA Federation sa Nasugbu North District, ng suporta sa lahat ng mga magulang sa 11 paaralang sakop ng Nasugbu North District upang bigyang pagkilala ang mga guro ng distrito. “Sa paksang, “My Teacher, My Hero”, ang Oktubre 5 ay araw upang ipakita natin ang ating pagpapahalaga sa ating mga guro na nag-aalaga at tumutulong sa ating mga anak upang lumaking marurunong at may mabuting paguugali. Kailangang pasayahin natin sila,” ang pahayag ni G. Maniquez sa ginawang pagpupulong ng mga pangulo ng PTA noong Set.25.
Sa araw ng selebrasyo, nagbigay ng espesyal na regalo ang mga magulang sa bawat isang guro at nagkaroon ng raffle draw ng mga grocery items para sa mga ito. Naghandog din ng mga pampasiglang bilang ang mga magulang at mga mag-aaral habang pinagsasaluhan ang mga pagkaing ang mga magulang din ang naghanda. Pinarangalan naman ang mga gurong nakapagbigay karangalan sa kani-kanilang paaralang pinaglilingkuran bilang pagkilala sa kanilang pagsisikap na maitaas ang kalidad ng kanilang propesyon. Alyssa Nicole Bernardo
Programang CCT ng pamahalaan 500 pamilya nabiyayaan Ayon kay G. Ronald G. Basit, Municipal Link ng DSWD sa Rehiyon IV-A, ang cash grants ay
maibibigay kada tatlong buwan sa Landbank ATM. Upang patuloy na
SINAG NG PAG-ASA. Mga bata habang tinatanggap ang konting tulong mula sa gobyerno.
makatanggap ang mga pamilyang natiyak na karapat-dapat tulungan, kailangan nilang matugunan ang mga kondisyun; Siguruhin ng mga magulang na ang kanilang mga anak ay pumapasok sa eskwela 85% ng kabuuang oras na sila ay dapat nasa eskwela at napabakunahan at tumatanggap ng mabuting pangangalaga sa kalusugan. Ang mga buntis ay nakatatanggap ng pre at post-natal care at magagabayan sila ng mahusay na propesyonal sa pangangalaga sa kalusugan. Ang mga magulang ay kailangang dumalo sa talakayan ukol sa responsible pagpapamilya, pag-aaral ng mga ina at mabibisang talakayan sa mabuting pagdadala ng pamilya. Binigyang diin ni G. Roldan na ang pagpili sa mga kwalipikadong pamilya ay sa pamamagitan ng Proxy Means Test. Ang mga tala ng mga potensiyal na pamilya ay ipinasa sa tanggapang pangrehiyon para sa masusing pag-aanalisa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pangkomunidad na
pagtitipon katulad ng nangyari sa Barangay Wawa. Ang CCT program ay mas pinagandang programa buhat sa 4PsPantawid Pamilyang Pilipino Program, na pangunahing proyekto ni dating Pangulong Arroyo upang mabawasan ang kahirapan sa pamamagitan ng pamumuhunan sa tao. Ang 4Ps ay tumutulong upang matugunan ang layunin ng Millennium Development Goals; poverty reduction, universal primary education, gender equality, child mortality and maternal health. Ang Conditional cash grants ay ipinagkakaloob sa pinakamahihirap na pamilya upang maabot ang pagunlad ng tao partikular sa kalusugan, nutrisyon at edukasyon ng mga batang may edad na 0-14. Sinisiguro nito na ang pondong para sa tao ay naibibigay sa pinakanangangailangan upang matikman ang kasiyahan sa pangunahing pangangailangan na dati’y mahirap makamtan. -
Alyssa Nicole Bernardo
B
administrasyon ay nagsabi na ang mga nagsipagtapos sa sekundarya ay hindi pa handa sa kolehiyo. Ipinakikita ito ng maraming bilang ng bumabagsak sa mga entrance examinations. Ang mga unibersidad ay nangangailangan pa na magdagdag ng isang taon sa kanilang mga kursong ipinagkakaloob subalit ang katotohanan ang unang taon ay pagtuturo pa rin ng mga araling pangsekundarya. Ang dagdag na isang taon ay makatutulong sa magaaral upang magkaroon ng kahandaan sa kolehiyo. Ayon kay Secretary Armin Luistro ang dagdag na taon sa sekundarya ay magtuturo ng technicalvocational na mga aralin upang magkaroon ng kahandaan ang mga bata sa pagtatrabaho kung maisipan niyang agad na magtrabaho pagkatapos ng sekundarya kung sakaling hindi na makapagpapatuloy sa kolehiyo. Makatwiran ang mga dahilan ng pagdaragdag ng dalawang taon ng pagaaral, subalit dapat matiyak din kung may sapat na pondo ang pamahalaan. Sa pagtataya noon ng Educational Team ng Liberal Party kung saan si Pangulong Noynoy ay standard bearer, aabot sa 149.9 bilyong piso ang gugulin sa loob ng limang taon o 30 bilyong piso kada isang taon. Makakaya kaya ng Pilipinas ang ganoon kalaking halaga? Isipin din natin ang maraming mahihirap na Pilipino, makapaghihintay kaya sila ng dalawang taon pa upang makatanggap ng sertipiko ng pagtatapos sa mataas na paaralan?
EDITORYAL
Ang Kalakataw
Opisyal na Pampaaralang Pahayagan ng Wawa Elementary School, Nasugbu North District
Patnugot:Ma. Nicole Odon Ikalawang Patnugot: Ma. Alyssa Nicole Bernardo Tagapagbalita:Aldwin Dacillo, Aira Natindim Balitang Isport: Niko Mar Atienza, Noel Odon Photojournalist: Mikaela Lagto Lathalain: Judy Ann Tablada, Marico Yamada, Gillian Armada Tagawasto ng Balita: Dianne Mamaril, Josephine Panganiban Tagapayo: Domcar C. Lagto, Michael T. Villaluna Konsultant:Rosita C. Noche, Alme M. Perucho, Maribel V. DeLa Vega (Guidance Councilo)Ronaldo L. Sevilla (O-I-C District Supervisor) Kontributor: RM Dela Vega
OPINYON
ANG
ahagi ng programa ni Pangulong Noynoy ang pagkakaroong ng dagdag na dalawang taon sa basic education, subalit ito’y tumanggap ng mga batikos at pagtutol sa iba’t-ibang sektor ng lipunan. Nagsimula ang usapin sa dagdag na taon ng pag-aaral sa elementarya at sekundarya sa panahon pa ni dating Pangulong Joseph Estrada, ngunit ito’y hindi nagkaroon ng kaganapan dahil na rin sa mga pagtutol buhat sa iba’tibang sektor. Sa pagbuhay ng usaping ito ng kasalukuyang administrasyon ay hindi marapat na tayo ay agad na tumutol subalit hindi rin naman marapat ang mabilis nating pagsangayon. Mabuting alamin muna natin kung ano ang mga dahilan ng departamento ng edukasyon sa panukalang dagdag na taon ng pag-aaral. Sa kasalukuyan ang ating mga karatig bansa sa Asya ay nagpapatupad ng 12 year cycle sa kanilang basic education, samantalang ang ating bansa ay nagpapatupad pa rin ng 10 year cycle, pinakamaigsi sa alinmang bansa sa Asya. Ang ganito kaikling panahon ay kulang upang maituro ang lahat ng paksang aralin na ngayon ay isinama at idinagdag ng ating mga karatig bansa sa kanilang basic education. Subalit ang sa ating bansa ay ang pagpipilit na ang lahat ng paksang aralin ay maituro sa loob ng sampung taon lamang. Ang isa pang dahilan ay ang kahandaan sa pag-aaral sa kolehiyo. Ang nakaraang
Ayon sa United Nation ang pagtaas ng bilang ng outof-school youths sa bansa ay mahigit sa isandaang libo kumpara noong 2009. Nasa ikaapat nito ang mga humihinto bago pa man makatuntong ang bata sa ikalimang baitang. Ang mahihirap na batang Pilipino sa kabuuan ay nakapag-aaral lamang ng hanggang pitong taon. Ang katotohanang ito ay nangyayari sa 10 year cycle, ano pa kaya kung maging 12 taon. Ang isang taong dagdag na pag-aaral ay mabigat na alalahanin ng mga magulang sapagkat ang pangunahin nilang iniisip ay ang pagkain para sa kumukulo nilang mga tiyan.
5
Ang ating pamahalaan ay nag-iisip lamang ng pinakamabuti para sa kanyang mamamayan, at kung ang pagdaragdag ng dalawang taong pag-aaral ay prayoridad upang maging maayos ang pamumuhay ng bawat Pilipino, marapat lamang na sumangayon tayo rito. Subalit kung mayroon pang ibang bagay na dapat unahin upang maging mabuti ang kalagayan ng buhay ng bawat Pilipino, ating ilagay muna ang programang ito sa panghuling hanay upang unahin ang mga bagay na makapagbibigay kaganapan sa mimimithi nating payapa at masaganang pamumuhay sa sariling bansa.
Karanasang walang aral Sariwa pa sa ating ala-ala kung paanong ang mga bagyong Ondoy at Pepeng ay pumuti ng buhay at sumira ng mga ari-arian. Kung paanong nagdulot ito ng takot sa atin hanggang sa kasalukuyan. Natuto tayo, na ang kakayahan ng tao ay may hangganan at walang magagawa kapag ang galit ng kalikasan ay humampas sa daigdig. Subalit kaysa mabuhay sa takot at pangamba, ang marapat, kailangang maging handa tayo sa mga abnormalidad ng panahon. Ang mga ahensiya ng pamahalaan ay inaatasan sa relief and rescue operation sakaling maulit muli ang nakapanglulunos na mga pagbaha. Sa tulong ng Office of Civil Defense, ang mga paaralan, iba’t-ibang institusyon, mga tanggapan ng pamahalaan at pribadong kumpanya ay nagsagawa ng earthquake drills at fire drills, upang magkaroon ang mga empleyado ng kasanayan sa ligtas na pamamaraan at kaalaman, sakali ma’t magkaroon ng lindol o sunog. Ang halos lahat ay naghahanda sa
k
kalakataw
Unahin ang dapat unahin
ANG
kalakataw
k
HUNYO-OKTUBRE 2010
posibleng darating na kalamidad, ang mga opisyal ng gobyerno sa mga lunsod ay nagsasama-sama at nagkakaisa para sa kapakanan at proteksiyon ng kanilang mga mamamayan. Bumibili sila ng mga kagamitang pangligtas ng buhay at nagsasanay sa pagtulong at pagliligtas ng mga maaaring masalanta at maapektuhan ng anumang kalamidad. Lahat ng ginagawang paghahanda ay lubhang mahalaga, subalit ang totoong problema ay hindi nabibigyang solusyon. Napakarami pa ring mga mamamayan na hanggang ngayon ay nakatira pa rin sa mga baybayin. Nakatayo pa rin ang maraming bahay sa mga tabing-ilog. Ang mga pamilya sa mga delikadong lugar ay hindi pa rin inililipat. Ang mga kanal ay barado pa rin dahil sa walang habas na pagtatapon natin ng mga basura saan man natin naisin. Kalimitan nag-iisip tayo ng higit upang mapangalagaan natin ang buhay, subalit nalilimot o sadyang hindi pinapansin ang pangunahin at simpleng mga bagay subalit lubhang mahalaga. Sana ang mapait nating karanasang dulot ni Ondoy at Pepeng ay hindi mawalan ng saysay sa paraang hindi na maulit pa ang nakapanglulumong mga pangyayari.
OPINYON
kalakataw
k
6
ANG
P
HUNYO-OKTUBRE 2010
Matuto ng mapanuto Pokus
atuloy na bumubulaga sa ating kamalayan ang pagkakahuli o pagkakapatay sa mga menor de edad na kriminal tulad nina Ivan Padilla, Jason Ivler, mga miyembro ng Alabang Boys Snake, at Valle Verde Gangs. Ang tanong nga ng marami ay kung bakit tila pabata ng pabata ang nagiging kaaway ng lipunan. Ayon sa ilang sikolohista, apat na salik ang pinagdadaanan ng mga kabataan na kung di nila mapapaglabanan ay magdadala sa kanila sa kapariwaraan.Ang mga ito ay ang droga, problema sa pera, impluwensya ng barkada, at sirang pamilya. Ang pagiging tin-edyer daw ang pinaka-kritikal na estado ng tao. Dito nahuhubog at nabubuo ang kanyang pagkatao at kung saan siya patutungo. Ngayon nagiging malinaw sa akin kung bakit sa panahong ito, ang mga magulang ay animo mga gwardya sibil sa bawat kilos at desisyong ginagawa ng kanyang nag-
Ni: Zenaida Maningat
eeksperimentong anak. Ngayon ko natanto na kung hindi sasawatahin ang anak, ito ang kanyang papaniwalaang tama at magiging saligan ng kanyang pagkatao. Tayo palang mga kabataan ay tila may piring pa sa mata kung kaya’t di pa nakikita ang tunay na kulay ng buhay; ngunit may piring man sa mata, ang pagkilos ay di mapipigilan at yung ang mas nakakabahala – ang pumalaot ng di nakikita ang paroroonan. Sa ating pagkilala sa ating sarili at sa unti-unting pagkatanggal sa piring ng ating mata, tanging mga magulang, guro, at mabubuting kaibigan ang nagsisilbi nating giya. Ang kanilang mga pangaral na kung minsan ay may kaakibat na sakit sa katawan ang ating timon sa bangka ng buhay. Kaya’t kabataan, huwag mag-alinlangan sa binibigkas ng nakatatanda. Maganda ang buhay kung sasamahan natin ito ng positibong pananaw. na walang sawang nagmamahal sa kanyang anak!
MGA TANONG SA LOOB NG KAHON
Anong
masasabi mo sa kautusang hindi pagbibigay ng takdang-aralin tuwing weekends?
Hindi dapat magreklamo ang mga magulang, dapat silang humanap ng paraan upang maging kasiya-siya ang pagsasagot ng takdang-aralin kasama ang kanyang anak. Gng. Venus Caparas Ang paggawa ng takdang-aralin ay importante sa pagkakaroon ng study habits. Hindi ito dapat mawala. Gng. Ellen Urcia Ang atin pong gobyerno ay nag-iisip para sa ating ikabubuti, ngayon kung sa kanilang pag-aaral ay naaapektuhan ang mga kabataan dahil sa paggawa ng mga takdang-aralin, e di sundin po natin ang gobyerno. Archie Amandy (Baitang VI) Nagbibigay tayo ng takdang aralin para malaman ng magulang kung ano ang antas ng kaisipan ng kanilang mga anak. Kapag katulong siyang magsagot malalaman niya ito tiyak at magagawa niya ang nararapat kung nahuhuli o kapos pa ang natututunan ng kaniyang anak. G. Venancio Himaya
“Kung ano ang tingin mo sa iyong sarili ay magiging kaganapan sa ‘yo.”
Wala na tayong magagawa…
Pintig
Josie Tablada
ag-ulan na, baha na naman sa ating paaralan. Tuwangtuwa na namang nagtatampisaw at naglalaro ang mga bata sa baha. Wala tayong magagawa… ang mga bata ay natural ang koryusidad sa tubig. Paalalahanan na lang natin sila na ang paglalaro sa baha ay maaring magdulot sa kanila ng sakit gaya ng amoebiasis at liptosphyrosis. ***** Ginagamit ng mga magulang at mag-aaral ang English At HEKASI park sa tuwing oras ng pananghalian, nagkakalat pa sila dito. Wala tayong magagawa…maaliwalas at komportable sa park. Paalalahanan na lang natin sila na linisin ang lugar para rin sa kanila. ***** May mga batang hindi bumibili sa kantina ng paaralan. Wala tayong magagawa…ginagamit lang nila ang kanilang mga karapatan sa pagpili ng tatangkilikin. Paalalahanan na lang natin sila na nakatutulong sila sa paaralan kapag kanila itong
T
tinangkilik at maaaring ang kanilang mga pagkaing binibili sa tabing daan ay makapagbigay sa kanila ng sakit sa tiyan. ***** Ang mga magulang ay hindi nagbibigay ng voluntary contributions. Wala tayong magagawa… kasi boluntaryo nga. Atin na lamang silang hikayatin at pagpaliwanagan na ang kanilang boluntaryong kontribusyon ay lubhang kailangan para sa mga gastusin ng paaralan. ***** Maraming mga mag-aaral ang nanghuhuli ng mga gagamba para paglaruan. Wala tayong magagawa… ang mga batang lalaki ay sadyang mahilig maglaro ng gagamba. Sabihin na lang natin sa kanila na ang mga gagamba ay nakatutulong sa pagpuksa ng mga lamok na may dalang sakit na dengue. Sa una’y tila wala nga tayong magagawa sa mga mumunting usapin na sa atin ay dumarating subalit ang totoo mayroon pa, napansin mo ba?
SALITA NG BUHAY Ano ang dapat pagsikapan ng tao na kaniyang malaman at gawin sa kanyang araw-araw na buhay? “Ating alamin sa ating sarili kung ano ang matuwid; atin pagaralan kung ano ang mabuti” (Hob 34:4 NIV) Araw-araw, bawat sandali, ang tao ay nahaharap sa napakaraming pagpipilian sa buhay. Pinipili ng halos lahat ng tao ang mga bagay na praktikal at makapagbibigay ng mabilis na kasagutan sa kaniyang pangangailangan. Subalit ang Banal na Kasulatan ay hinihikayat tayo na maunawaan at gawin sa ating sarili kung ano ang mabuti at iwaksi ang masama.
SULAT SA PATNUGOT Bakit hindi nagle-lead ang mga batang iskawt sa flag ceremony. Dapat naroon sila na naka-uniporme para gayahin ng mga susunod na batang iskawt. Aaron Melgar-Grade VI Hayaan mo Aaron, aming ipaaabot sa kanila ang iyong katanungan, pero ang alam namin may plano na sila tungkol sa pangunguna nila sa flag ceremony.—Ang Kalakataw Nasaan po ang mga pinuno ng Pupil Government? Parang wala po silang mga proyekto at pagpaplano para sa ating paaralan. Kyle Cabarles-Grade V
‘Yong nagrereklamong mga magulang, ang totoo po sila ang walang panahon sa kanilang mga anak. Tatawagan natin ang atensiyon ng mga pinuno ng Pupil Aaron Melgar (Baitang VI) Government at ating ipaaalala ang kanilang mga tungkulin at responsibilidad sa paaralan.—Ang Kalakataw
TINIG NG MAGULANG Mrs. Edith V. Villaluna
A
ng mga magulang na nasa tamang kaisipan ay hindi nag-iisip ng masama para sa kanilang anak. Lagi sa kanilang isipan na matulungan ang mga anak upang lumaking matalino at may magandang pag-uugali. Ang internet noong unang dumating sa ating panahon ay kagyat at positibong tinanggap ng mga magulang para sa ikauunlad ng kaalaman ng mga anak dahil sa napakalawak na impormasyon na maibibigay nito sa kanila. Subalit nagkaroon din ang mga magulanng ng pag-iingat dahil sa negatibo at masamang kaalaman na maaari din nitong maibigay sa ating mga anak. Pagkatapos, dumating ang social networking: friendsters, bloggers, twitter, facebook, etc. at nagbigay tayo ng laya sa ating mga anak na ito ay kanilang magamit. Bago sila makasali sa mga social networking sites, dapat mayroon muna silang email address kagaya ng gmail o email. Maaari lamang magkaroon ng email o gmail address ang tao kung siya ay nasa tamang edad lamang, subalit ang marami sa atin ay pumayag na magkaroon nito ang ating mga anak kahit sila ay nasa edad sampu o mas mababa pa. Ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay natin ng permiso sa kanila sa matiyaga nating pagsagot sa mga katanungan ng kompyuter ukol sa ating katauhan bilang magulang ng ating anak o kaya’y sa mabilis na paraaan ang baguhin ang petsa ng kaniyang kapanganakan upang maging legal ang edad. Ang ating katwiran social networking lang namam, kung saan magkakaroon sila ng pagkakataon na muling makausap ang mga kamag-anak sa malayong lugar o kaya’y magkaroon ng bagong impormasyon sa kaibigan o kaklase na matagal ng hindi nakikita. Subalit hindi ito social networking lamang, sapagkat may mga taong hindi iniisip kung ang kanilang sasabihin o ipakikita sa pamamagitan ng video ay makakasama sa murang isipan. At sapagkat ang ating anak ay bata minsan sila’y hindi nagiging maingat sa pagbibigay ng personal nilang impormasyon sa ibang tao, kagaya ng passwords na maaring gamitin ng iba upang maglagay ng masamang komento at bulgar na mensahe para sa ibang tao gamit ang account ng ating anak. Sa ganitong pangyayari nalalagay ang ating mga anak sa nakahihiyang sitwasyon na nagdudulot ng negatibong epekto sa kanilang damdamin at kaisipan. Alam ko ito dahil nangyari sa amin. Masakit na makita ang anak na nasasakatan sa bagay na hindi niya ginawa. Mahirap pigilan ang ating anak sa pagamit ng ganitong mga social networking sites sapagkat iyan ay nariyan lang at totoong kailangan din nila, ang magagawa na lang natin ay maging maingat tayo bilang mga magulang para sa ating mga anak. Mapaalalahanan natin sila na huwag ibibigay ang anumang personal na impormasyon na hinihingi sa kanila ng kanilang kausap at dapat makatiyak tayo kung ano ang ginagawa nila at nakikita sa harap ng kompyuter.
kalakataw
Maling pang-unawa Bulong
L
ima kami sa pamilya, kasama si nanay at tatay, pito kaming lahat. Ang aking ama ay mangingisda at ang aking ina ay sa bahay lang. Hindi ako nahihiyang sabihin na hindi sapat ang kita ng aking ama upang matugunan ang aming pangangailangan. May mga pagkakataong pinag-iisa namin ang almusal at tanghalian o kaya’y natutulog na lang para malimutan ang hapunan. Sa aking murang isipan nagtatanong ako. Bakit madami kami sa pamilya? Hindi ko sinasabing hindi ko mahal ang aking mga kapatid, subalit nadudurog ang puso ko kapag nakikita ko silang nagugutom at nakadamit na maituturing na basahan. Hindi ko sinisisi ang aking mga magulang, siguro hindi nila alam ang magplano ng bilang ng pamilya. Hindi sila nakapagtapos kahit ng elementarya. Subalit alam ko mahalaga na pinaplano ang laki ng pamilya batay sa kita, kalusugan at paniniwala. Kung hindi, tiyak na may magdurusa – ang magulang at mga anak. Ang ating pamahalaan ay kumikilos para rito sa pamamagitan
Louiene Morsey R. Acedillo ng House Bill No. 5043 ang Health & Population Development Act of 2008. Ito ay batas na nagtatakda ng pangkalahatang polisiya sa reproductive health at responsible parenthood & population development, subalit ito ay tumanggap ng pagtuligsa buhat sa iba’t-ibang institusyon at indibidwal. Bakit natin tutulan ito kung ang pinipigilan nito ay ang pagdami ng populasyon ng bansa na kung hindi mangyayari ay madodoble hindi sa loob ng 20 taon kundi sa loob ng 10 taon lamang? Ang pangunahing layunin nito ay sa ikabubuti ng mamamayan – ang mga tao ay mabibigyan ng wasto at sapat na impormasyon tungkol sa reproductive health at human sexuality sa pamamagitn ng estado at ng mga propesyunal, tinitiyak nito ang mabuting kalusugan ng mga bata, isinusulong ang responsableng pagdadala ng pamilya, naglalayon na maitaas ang uri ng pamumuhay ng mga tao, lalo higit ang mga mahihirap at nangangailangan, tinitiyak nito ang paggalang sa proteksiyon at kalusugan ng mga bata at matatanda, at tinitiyak din nito ang kalayaang makapamili sa moderno o natural na paraan ng pagpaplano ng pamilya. Tinutuligsa ito ng iba dahilan sa sexuality education. Ang kanilang argumento ay maaari daw itong magbunga
ANG
Pagsubaybay laban sa panganib na dulot ng social networking
7
OPINYON
k
HUNYO-OKTUBRE 2010
ng imoralidad sa kabataan. M a a a r i n g totoo ito kung tuturuan sila ng pakikipagtalik gamit ang mga contraceptives subalit hindi gayon. Ang isinusulong na batas ay tatalakay sa kaalaman ng bata sa kaniyang sariling katawan sa nararapat na edad. Makapagbibigay ito ng tamang kasagutan sa mga katanungang at koryusidad ng bata mula sa tamang mga tao bago pa man sila tumungo sa ibang taong walang kaalaman at ang maibibigay ay maling impormasyon lamang. Ang iba ay nagsasabi na obligasyon ng mga magulang na turuan ang mga bata ng kaalaman tungkol sa kasarian at sekswalidad, maaari kung ang lahat ng mga magulang ay may pinagaralan. Paano kung katulad ng aking mga magulang? Maraming mga Pilipino ang sang-ayon sa panukalang batas na ito, sapagkat nalalaman nila na sadyang dapat kontrolin ang pagdami ng tao. Kaya nakapagtatakang tinututulan ito ng iba. Sigurado ako, marami ring kagaya ko na nagtatanong kung bakit kulang kami sa mga pangunahing pangangailangan at bakit ang isang pandesal ay kailangang hatiin sa tatlo gayong hindi rin makapapawi ng mahapding sikmura?
Kulay rosas na binti Isip at Diwa
A
te ko siya kahit hindi ko siya nakita ng personal. Nakilala ko siya habang nagbabalita ang paborito kong istasyon ng telebisyon, tungkol sa pagsabog ng isang granada sa Taft Avenue Manila, sa huling araw ng bar examination sa Unibersidad ng De la Salle noong Setyembre 2009, 2010. Ang buhay ay puno ng pakikipagsapalaran. Si ate Laissa ay isa lamang sa mga law students na nagbibigay suporta sa kaniyang mga kapatid sa
Ezra Mae V. Quintal sorority na kumukuha ng pagsusulit nang biglang sumabog ang isang granada sa gitna ng mga tao. Pagkatapos ng pagsabog marami ang nasaktan, at isa si ate Laissa sa nagtamo ng malabis na pinsala. Ang kanyang mga binti sa ibaba ng tuhod ay kailangang putulin. Hindi pa nahuhuli ang may sala, subalit pinatawad na siya ni ate Laissa. Tinanggap ni ate ng maluwag sa puso at walang pait sa damdamin ang pangyayari. Ipinagpapasa-Diyos niya ang lahat, sapagkat ayon sa kaniya, ang nangyari ay kasagutan sa kanyang mga panalangin na maging isang mamamayang maipagmamalaki at aalalahanin ng
kaniyang bansa. Ate ipinagmamalaki kita. Hinipo mo ang aking buhay maging ang iba pa na minsa’y gustong sumuko sa maraming pagsubok. Ikaw ay aming inspirasyon. Pink prosthetic legs, scholarship at posisyon sa Supreme Court ay hindi mo minimithi kapalit nang pagkaputol ng iyong dalawang binti, subalit ang mga aral ng iyong kapalaran ay nais mong aming matutunan. Ate, natuto kami dahil sa ‘yo at patuloy pang matututo…maraming salamat.
Takdang aralin: Nakaaagaw ng oras para sa pamilya
Munting Tinig
H
indi ko problema kung wala o mayroong assignment tuwing weekends. Problema ‘yon ng aking guro. Totoo, hindi ko pinoproblema kung isantabak man ang aking sasagutang takdang aralin tuwing Sabado o Linggo, sapagkat sanay na ako. Sa halos anim na taong pamamalagi ko sa aming paaralan, laging tinitiyak ng aking guro na aming nakokopya ang mga takdang aralin bago umuwi ng bahay. Ang aking mga kapatid ay dito rin nagtapos ng pag-aaral. Ang kanilang mga guro ay guro ko rin, at hindi ko sila narinig na nagreklamo sa kanilang mga takdang
Allysa Nicole Bernardo aralin gaano man karami ang mga ito, kaya hindi rin ako nagrereklamo. Ngayon, dahil ang aking guro ay sumusunod sa kautusan ng hindi pagbibigay ng takdang aralin tuwing weekends, hindi na nga siya nagbibigay ng kahit konti. Pero nami-miss ko ito, hindi iyong assignment, kundi sina nanay at tatay, si ate at si kuya. Kung paano matiyaga nila akong tinuturuan ng aking mga aralin. Naaalala ko ang mga oras namin sa aming tanggapan. Minsan naiinis sila dahil mahina talaga ako sa matematika, napapangiti si nanay habang naghahanda siya ng meryenda. Ang dahilan kung bakit ang kautusang ito ay ipinatupad sapagkat ang
sabi ng ilang marurunong ang pagbibigay daw ng takdang aralin tuwing weekends ay nakahahadlang at naka-aagaw sa masasayang oras sana ng pamilya. Sana ay tama sila,dahil sa pagkakaroon ko ng assignment ay nagkakaroon ako at ang aking pamilya ng oras para sa isa’tisa. Nararamdaman ko kuna gaano ako kahalaga sa kanila at gayundin sila sa akin. Kaming mga estudyante ay hindi nagrereklamo sa mga takdang-aralin, kundi ang mga magulang. Iniisip ko tuloy, ‘yong mga magulang na nagrereklamo ay tila sila ang walang panahon para sa kanilang mga anak o walang tiyaga upang sila ay turuan upang mas mapalapit sa isa’tisa.
LATHALAIN
kalakataw
k
8
JUNE-OCTOBER 20102010 HUNYO-OKTUBRE
Isang pagsaludo sa mga bayaning
totoo...
Ilang taon na rin ang nakalilipas, sariwa pa sa aking ala-ala ang paaralan na minsan kong naging tahanan, kinalakhan at nilisan. Na sa tuwing madadaanan ko bawat araw at sa paglampas ko sa kalsadang katapat nito ay naaalala ko ang gunita ng mabilis na kahapon, ang gunita ng kamusmusan at ang gunita ng aking kabataan. Ano nga ba ang paaralan? Isa lang ba itong pandayan ng karunungan o isang tahanan sa bawat kabataan na sabik sa bawat kaalaman at kahusayan. Isang tahanan na may ibat ibang mukha ng ina at meron din namang ama na nagsisilbing magulang sa aming madaming magkakapatid; mapa-babae, lalaki, bungi o hindi, makuto man o malinis. Pantay pantay nila kaming tinitingnan, binabahaginan ng pagmamahal at ng wastong kaalaman. Teacher, Maam, Sir; yan ang tawag natin sa kanila, katawagang simple, payak ngunit naglalaman ng kahulugan, natatanging katawagan sa isang ina at ama na ginugol ang kanilang buhay sa araw araw na pakikipagbuno sa alikabok ng tsok, sa panghahabol ng makukulit nilang mga anak, sa pananaway ng maingay, pagagawa ng lesson plan at sa pagkokompyut ng mga markang nakakahilo sa di mabilang na palakol. Yan si Maam, naalala ko tuloy ang mga guro ko sa elementarya, iba’t iba man sila subalit nagtataglay ng kani-kaniyang katangian; may gurong kinatatakutan ng lahat ng mag-aaral; oo aaminin ko isa ako sa mga nasindak sa kanya, yun ba naman sabihin na nangangain s’ya ng bata, kaya pinid ang mga madadaldal na bibig sa klase nya, subalit sa kabila ng katangian n’yang ‘yon nalaman ko na hindi siya nangangain ng bata, isa pala s’yang ina na mapag-aruga, punong-puno ng pagmamahal para sa bawat mag-aaral at anak na hindi man n’ya iniluwal ay inalagaan n’ya ng walang pag-aalinlangan. Meron din naman akong guro na medyo masungit, hidi pala medyo, masungit pala talaga. Na sa bawat kamalian mo ay may kaakibat na pangaral at minsan ay may pitpit na di naman kalakasan sa aming mga kamay. Sila yung mga guro na sa taguktok pa lang ng kanilang takong ay mapapalunok ka sa takot, at mauutal sa pagsagot dahil sa mabilis na pagkabog ng dibdib; ngunit sa kabila ng lahat ng ito, mali pala ang magalit tayo sa kanila sapagkat ang hinahangad lang nila ang matuwid na landas para sa kanilang mga anak, ang maitama ang kamalian, at maiunat ang baluktot na kaisipan, spagkat bilang ina, wala silang hangad kundi makita ang kanilang mga anak na nasa wasto sa kabila ng kanilang pagdidisiplina. Meron din namang mga guro na mabait at laging nakatawa, sila yung kalimitang
masayang kasama dahil punong-puno ng kwela. Dahil sa kanila, nagkakaroon ng kulay ang apat na sulok ng aming klasrum, ang aming klasrum na minsan kong binunot, nilampaso at nilupagian para sa isang sesyon ng jaks stone. Sila ang mga ina na walang ibang hangad kundi tayo ay pangitiin, sila ang ina na di matatawaran sa pagkalinga sa atin at ang bawat ngiti ng kanilang mag-aaral ay sapat ng sukli sa nakakakuba nilang gampanin sa kanilang propesyon. At syempre mawawala ba naman si Ma’am na mahilig magbigay ng asignatura, proyekto at mga aralin, ang mga guro na walang ibang nais kundi ang matuto at mahasa ang minsan naming mapurol na isipan, dati; naiinis ako sa dami ng asignaturang kailangang aralin, subalit ng mahawakan ko ang isang piraso ng papel na nakalagda ang aking pangalan, nabatid ko na kaniyang kaligayahan ang makita akong nagtatagumpay, na makita nya akong nakasuot ng puting toga, at pinapalakpakan ng lahat. Hindi rin matatwaran si Maam na walang katulad pagdating sa kantahan, na kahit bumabakas na sa aming mga leeg ang ugat sa hirap ng awitin, ay nakangiti kaming sabay sabay na aawit at magpapalakpakan, sabay sabay naming bibigkasin ang bawat nota na may halong kaligayan, na sa bawat awitin naming sabay sabay binibigkas ay kaakibat ang hangarin nilang sabay sabay din naming masabayan ang awit ng buhay na punong puno ng kumpas at pakikipagtagisan. Sila ang mga mukha ng guro, isang ina, isang magulang at isang buhay na bayani ng ating bayan. Na lumipas man ang panahon, pumuti man ang inyong buhok at mangulubot ang inyong mukha, mananatili kayong sariwa sa aking alaala, sa bawat isipan ng makukulit n’yong mag aaral at sa bawat isa na itinuring n’yong anak. At kahit mabura na ang mga tsok, maubos man ang mga paninda, at maubos ang mga tinta mananatili kayong isang haligi, sapagkat ang paaralan ay hindi magiging haligi ng karunungan kung wala kayong sa amin ay nagpagal.
ANG
Kung ikaw lang ay akin…
SURING PALABA S
mabilis na paglapit ng isang babae sa kaniya, nakangiti ito at sa wari ko’y nakangiti rin siya. Nadurog ang puso ko ng hawakan siya ng babae. Ang mga daliri nito’y humaplos sa makinis niyang balat, alam ko nagugustuhan din niya ang ginagawa ng maganda at sopistikadang babae, subalit wala akong magawa sapagkat siya’y hindi akin. Naninibugho ang aking puso! Sandali pa, nakita kong nakikipagusap ang magandang babae sa dalagang lumapit sa kaniya. Pagkatapos ng konting salita… kumpas ng kamay…bahagyang pagtango at pagngiti ang magandang babae ay kumamay sa kausap na nakangiti naman nitong tinanggap. Naroon pa rin siya tila walang pakialam sa mga nangyayari, nagpapatianod sa pagtakbo ng mga sandali. Muli siyang hinawakan ng magandang babae, at malambing na bumulong, “Hintayin mo ako, I will be back…” At sumama nga siya sa babae sa pagbabalik nito. Wa l a
akong magawa ng yakapin siya ng babae. Sana ako na lang ang babaeng ‘yon, sana ako na lang ang kasama niya ngayon. Kung mangyayari lang ang aking iniisip, pangako ko aalagaan ko siya, walang ibang makakahawak sa kaniya. Gagawin ko siyang hari ng aking silid, ipagmamalaki ko siya sa aking mga kaibigan at alam ko maiinggit sila sa akin. Sigurado ako, lagi siya sa aking tabi at lagi ko siyang hahawakan… mag-iisip kasama siya…at lagi ko siyang ngingitian. Subalit wala na siya, ang sakit sa loob. Gusto ko nang umiyak kahit sa gitna ng maraming tao…sapagkat nawala siya sa akin. Kailangan ko siya, siya ang itinitibok ng aking damdamin…ang kaniyang maitim na kulay, ang kaniyang bilis, ang kaniyang memorya. Kailangan ko siya sa aking pag-aaral, sa aking research work, sa report ko sa klase. Kung mayroon lang sana akong pera upang siya’y maging akin,
Naniniwala ka ba sa alien o sa ibang planeta kung saan naninirahan ang mga kakaibang nilalang? Sige, ito ay tungkol sa pelikulang Avatar. Ang animated na palabas ni James Cameroon— ang kinikilalang direktor ng hindi malilimutan at pinilahang pelikula na Titanic. Ang Avatar ay tungkol sa planetang Pandorah—ang asul na planeta kung saan
naninirahan ang matataas at malalaking animo’y tao na kung tawagin ay Navi. Ang mga Navi ay may kakayahang makipag-ugnayan kanilang planeta, upang proteksyunan ang walang kasinghalaga nitong kayamanan mula sa mga mananakop: ang mga tao. Sa kabila na tayong mga tao ang mga kaaway at masasama sa pelikula. Ang mensahe ng direktor ay ang pangalagaan ang ating mundo kagaya ng ginagawa ng mga Navi. Isang partikular na bahagi ng pelikula ang nagsabi ng ganito “Kayong mga tao ang sumisira ng inyong daigdig, hindi ninyo binibigyan ng pag-asa ang naghihingalo ninyong planeta; at ayaw naming mangyari kay Pandorah ang naging kapalaran ng inyong daigdig.” Ito ang aral sa kabuuan ng pelikula. Ito ay maaksyon at ang animasyon ay makatotohanan at magdadala sa mga manonood sa nakapananabik at napakagandang daigdig ng mga Navi—ang Pandorah.
The Frog Prince...
tiyak, hindi na ako pupunta sa kabilang kanto para mag-rent sa internet café. Tapos hindi na mag-aalala ang nanay ko dahil gabi na akong umuwi. Sabagay, may pag-asa pa upang maging akin siya. Titipirin ko ang allowance ko tapos maglalambing ako kay kuya para dagdagan ang maiipon ko, at mabili ko ang computer laptop na gustonggusto ko.
ANG
Ni: Ezrah Mae V. Quintal Naaalala ko pa no’ng una ko siyang makita. Naglalakad ako no’n, isang hapon pagkatapos ng aking klase, sa loob ng paborito kong mall. Napatulala ako, nakuha niya ang pihikan kong panlasa, tumibok ang aking puso… “Ito na nga kaya ang tinatawag nilang, love at first sight?” Naiiba siya sa lahat, malakas ang kaniyang dating, kahit ang ibang dumaraan walang magawa kung hindi siya ay tingnan. Maya-maya’y lumakas ang tibok ng aking puso. Nakita ko a n g
9
LATHALAIN
k
kalakataw
HUNYO-OKTUBRE 2010
English Tagalog Dictionary Daw! Ni: John Abraham U. Botones 01) Contemplate - kulang ang mga pinggan 02) Punctuation - pera para makaenrol 03) Ice Buko - nagtatanong kung ayos na ang buhok 04) Tenacious - sapatos na pang tennis 05) Calculator - tawagan kita mamaya 06) Devastation - sakayan ng bus 07) Protestant - Tindahan ng prutas 08] Statue - Ikaw ba yan? 09) Tissue - Ikaw nga! 10) Predicate - Pakawalan mo ang pusa 11) Dedicate - Pinatay ang pusa 12) Aspect - Pantusok o pandurog ng yelo 13) Deduct - Ang pato 14) Defeat - Ang paa (ng pato?) 15) Detail - Ang buntot (ng pato?) 16) Deposit ? Ang Gripo (Call DIPLOMA if DEPOSIT is leaking) 17) City - Bago mag-utso; A number to follow 6 18] Cattle - Doon nakatila ang Hali at Leyna 19) Persuading - Unang Kasal 20) Depress - Ang nagkasal sa PERSUADING 22) Defense - Ginamit ng mga pangsulat sa kontrata sa PERSUADING 23) It Depends - Kainin mo ang bakod 24) Shampoo - Bago mag-labingisha (11)
LATHALAIN
kalakataw
k
10
HUNYO-OKTUBRE 2010
Dapit Hapon Ni: RM Dele Vega
“Binabagtas ko ang maalikabok na daan, patungo sa landas na aking patutunguhan. Sa kalayuan ay tanaw ko ang mga ilaw ng kandila na sumasayaw sa marahang pag ihip ng hangin,”
Nagising ako sa langit-ngit ng kawayang papag na niyuyugyog ng aking lolo; na sinasambit ng paulit ulit ang pangalan ko. Iniunat ko ang aking dalawang kamay sabay pinakawalan ang isang malakas na hikab. Sa pagbangon ko ay tanaw ko agad ang dalawang ektarya naming palayan na ngayon ay naninilaw na ang bawat butil at hinhanda nang anihin. Sa pag panaog ko ng kawayan naming hagdan; nakahanda sa hapag ang tatlong pirasong pritong itlog at sariwang gatas na pawang produkto ng alagang hayop ng aking lolo. Ako si Lando; ang nag-iisang apo ni lolo Ambo. Ng mamatay ang aking ama dahil sa isang aksidente sa sakahan; nag asawa ng hapon ang aking ina at tuluyan na akong inulila. Simula’t sapol ang lolo Ambo ko na ang nagpalaki sa akin. Nakatapos
ako ng elementarya at sekundarya dahil sa kanyang pagsasaka ng aming lupain. “Oh Lando; gising ka na pala!” bati ng akong lolo hapang hinahagis ang butil ng palay na pinatutuka sa alaga niyang pansabong na tandang. “Magamadali ka at ika’y luluwas na ng Maynila. Ngayon ang unang araw mo sa kolehiyo. Hay; ang aking mahal na apo. Malaki ka na nga; ilang taon na lang at makakamtan ko na ang resulta ng aking paghihirap. Pag igihan mo ang pag aaral, para namam sa pag tanggap mo ng iyong katibayan ay kasama mo ako sa entablado sabay pagsabit sayo ng iyong medalya ng tagumpay. Ibineneta ko ang kalahati ng ating lupain para pangtustos sa pag aaral mo, heto, tanggapin mo” Inabot niya sa akin ang isang makapal na sobre na naglalaman ng makapal na lilibuhin. Madali kong inubos ang aking agahan at naligo para maghandang lisanin ang aming baryo. Lulan ng isang pampasaherong tricycle; inihatid ako ni lolo Ambo sa terminal ng bus. Di man niya pinapakita ang labis na kalungkutan; bakas sa kanyang mukha ang maagang pangungulila sa apo’ng tinuring niyang kaisa isahang pamilya. Bago ako pumanhik ng sasakyan; niyakap niya ako ng mahigpit na para bang ayaw na niya akong bitawan pang muli. Pumatak sa aking mata ang luha; kaligayahan at kalungkutan. Saya at lumbay sa aking paglisan. Umugong na ang makina at sumigaw na ang pahinante ng bus. Nagbuga ng maitim na usok; at tuluyan ng binagtas ang daan patungo’ng ka-Maynilaan. Tanaw ko sa bintana ang a k i n g
Lolo Ambo na kumakaway habang papalayo sa aking paningin ang kanyang mukha, ang berdeng bukirin, ang lupang aking kinagisnang tawaging tahanan. Makalipas ang tatlong taon: “Lando! Tara totoma tayo, sama mo atoys mo!” “Sige, sige pre! Sagot ko pati damo mo!” “Pre malaking pera yun ah, san mo ba nakukuha yan?” “Dun kay tanda; sabi ko field trip. He..he, ayun, bigay agad. Wala ka bang tiwala sa kin” tugon ng may pag mamayabang. “Ulol ka pre. Tatlong taon kana sa First Year ah, di ka ba nahahalata?” “Wag na madaming tanong! Basta sumunod ka na lang.” Hilo, bangag, may tama. Yan ang l a g a y ko ng biglang m a y kumatok sa aking dormitoryo. Hilo akong naglakad patungo sa pinto at pinihit ito ng bahagya. Inabot sa kin ang isang telegrama ng estudyante sa aking katabing kwarto. “Lando; Umuwi ka ng madali. Tata Celo.” May kung ano ang bumalot sa aking katawan, isang bahid ng takot at kalungkutan, pagtataka at kaba na ngayon ko lang naramdaman. Dagli akong umuwi kinabukasan. Baon ang takot sa aking katawan at isipan. Binabagtas ko ang maalikabok na daan, patungo sa landas na aking patutunguhan. Sa kalayuan ay tanaw ko ang mga ilaw
ng kandila na sumasayaw sa marahang pag ihip ng hangin, “Lando, Wala na ang Lolo mo, bumigay ang katawan sa masyadong kapaguran. Pinilit tapusin ang pang isahang buwan na trabaho. Ayon di kinaya, inatake sa puso. Pinigilan ko, pero ayaw paawat, kelangan daw niya maibigay ang pera agad. Baka daw di umabot at di pa makasama.”Bungad ni Tata Celo. Naalala ko bigla ang
“La
ndo, Ma hal K San K a na amusta ong Ap ka n g en Fiel o, a ako ng mag joy ka. d Trip m N u pagt mabot a tapos, h aku, m o? a angg a h y iyon ap n . Wala baka h lapit g mo, medal g yong ka nan indi na y g d s mo k asamah a ng ta iploma kasaba y , g a at m o kita, a n padin umpay. ng ahal la Y k kita m mon ita, ka aan g h . kasam it di a mo ako Lolo Amb o. Field Trip na inimbento ko. Ang bagay na pinanloko ko sa mahal komg lolo. Ang bagay na tumapos sa buhay ng mahal kong lolo. Inabot sa kin ni Tata Celo ang isang lukot na liham. Lumapit ako sa kahon na kanyang pinglalagyan. Naubos ang lakas sa aking katawan pag silip ko sa kanyang tuyong mukha na humupyak dahil sa kapaguran. Sa hapong yon mapula ang langit. Kasama kong nagluluksa sa pagkamatay ng aking Lolo. At sa bawat hapon sa aking buhay, naaalala ko, “Ako ang dahilan kong bakit namatay ang lolo ko, ang mahal kong lolo.’
ANG
Maaliwalas ang umagang iyon, nakapagpapagaan ng damdamin ang mga bulaklak at halaman na aming natatanaw na parang sumasayaw sa mahinang pag-ihip ng hangin. Patungo kami sa bahay ng alkalde ng aming bayan hindi siya ang aming sadya, kundi ang kaniyang maybahay. Nakangiti siya sa amin habang kami ay papalapit…para siyang anghel… “Magandang umaga, tuloy kayo…” Ang kanyang malambing na tinig ay nakapagbigay sa amin ng lakas ng loob upang magsimulang magtanong sa kaniya. baka kung ano na yan. Okay… Ang Kalakataw: Magandang umaga po ma’am, kami po ang mga staffers ng Kalakataw ang pampaaralang pahayagan ng Wawa Elem. School. Nagpapasalamat po kami sa pagbibigay ninyo sa amin ng pagkakataon upang kayo ay aming makapanayam. Rosa Bolintiam Barcelon (RBB): Magandang umaga rin, masaya ako na makausap kayo. Kayo pala ay mga magaaral sa Wawa. Ang Kalakataw: Opo ma’am. Ito po ang aming unang tanong sa inyo…bukod po sa inyong tunay na pangalan ano pa po ang ibang tawag sa inyo ng inyong mga kaibigan? RBB: (Ngiti) Ang tunay kong pangalan ay Rosa Bolintiam Barcelon, tinatawag akong Rosa ng aking mga kaibigan. Dati rin akong taga Wawa. Ang Kalakataw: Ma’am ang sunod po naming tanong ay medyo personal… RBB: Naku…
Ang Kalakataw: Paano po kayo nilgawan ni Mayor. Ano po ang kakaibang ginawa ni Mayor para kayo ay kaniyang mapa-ibig? RBB: (Tawa…) Nagkakilala kami sa party mula noon niligawan na niya ako. Wala naman siyang ginawang kakaiba, siguro naramdaman niya na gusto ko rin siya (ngiti), tapos ibinigay niya sa akin ang kaniyang college ring. Ang Kalakataw: Saan po kayo nagde-date? RBB: Wala naman kaming partikular na pinupuntahan, minsan namamasyal kami sa UP campus sakay sa kaniyang kotse. Minsan naman pumupunta kami sa Lipa sa bahay ng kaniyang tiyahan. Ang Kalakataw: Ano po ang inyong ginagawa para manatiling maganda sa paningin ni mayor? RBB: Wala naman, pinananatili ko lang na malinis at simple ang aking katawan. Ang Kalakataw: Ano pong mga salita ang gustong-gusto ninyong sinasabi ni mayor sa inyo? RBB: Wala naman…hindi kasi masalita si mayor, ginagawa na lamang niya kesa sabihin. Ang Kalakataw: Ano po ang mga ginagawa ninyo kapag nag-iisa kayo? RBB: Marami, pero lagi akong nagbabasa ng bible at inspirational books. Ang Kalakataw: Ilang taon nap o kayo noong nagpakasal kayo kay Mayor? RBB: Twenty-one years old ako noon at nag-aaral ng Nursing sa Centro Escolar University. Hindi ko natapos ang aking pag-aaral dahil maaga akong nag-asawa. Pero kumuha ako ng Hotel and Restaurant at akin naman itong natapos.
11
LATHALAIN
k
kalakataw
Rosa B. Barcelon ang maybahay ng aming Mayor…
ANG
HUNYO-OKTUBRE 2010
Ang Kalakataw: Ilan po ang anak ninyo? RBB: Mayroon kaming apat na anak at siyam na apo. Ang Kalakataw: Paano po ninyo sinusolusyunan ang mga problemang dumarating kaugnay sa tungkulin ni mayor? RBB: Wala namang nagiging problema sa trabaho ni mayor kasi hindi siya nag-uuwi ng problema. Kung pagod siya galing sa trabaho nakikipaglaro siya sa kaniyang mga apo. Ang Kalakataw: Kung bibigyan ng pagkakataon, ano po ang mga bagay na gusto ninyong gawin para sa ating bayan? RBB: Sa unang araw ng panunungkulan ni mayor, gusto ko talagang maging malinis ang ating bayan. Ginawa na namin ang “Tapat ko Linis ko” pero nagkakaroon pa rin ng problema ukol sa basura. Ang huli naming programa, nagbibigay kami ng bigas kapalit ng basura. Isang kilong bigas kapalit ng isang kilong basura, subalit naubusan kami ng pondo kaya pansamantala naming itinigil muna. Sa ngayon, mayroon kaming livelihood program sa mga kababaihan. Nagbibigay din kami ng libreng seminar sa paggawa ng kandila at dishwashing liquid. Gumagawa din kami ng mga beads at rosaryo. Pinainom niya kami ng malamig at matamis na juice, kasing tamis niya na laging nakangiti na nakapagpaalis ng aming kaba sa akala naming mahirap na pakikipanayam sa kaniya. Gusto pa naming magtagal-tagal ng kaunti subalit alam namin bilang kabiyak ni mayor marami pa siyang gagawin, kaya nagpaalam na kami sa kaniya Ang hinding-hindi namin malilimutan ay ang kaniyang paalala sa amin na maging mabubuting bata at tapusin ang aming pagaaral. Hindi namin malilimutan ang mga paalalang iyon at ang kaniyang magandang ngiti na aming binaon sa aming pag-uwi. Ang panayam ay ginawa nina Airah Natindim, Jovie Ann Tablada, Ma. Nicole Odon.
LATHALAIN
kSTOKED! Sa Surf
kalakataw
12 Isports
HUNYO-OKTUBRE 2010
ANG
Nicko Mar Mendoza
Lumalaki na naman ang alon!
Nand’yan na naman ang mga magpapasirit! Ito ang laging naririnig sa mga mangingisdang nakatambay sa tabing dagat habang nagdaratingan ang mga lalaki man o babaeng may daladalang bagay na tila hugis bala ng baril na mas mataas pa sa kanila kung ito ay itatayo, bakas sa mga ito ang ngiti habang nakikita ang alon na tila inaanyaya silang lumusong at laruin ang naguunahang alon upang mahagkan ang init ng dalampasigan. Subalit sa kabila ng mga ngiting iyon ay lungkot naman ang nadarama ng mga mangingisdang hindi makalalaot u p a n g humanap ng
pagkakakitaan sa lawak ng karagatang inaasahan. “BAKIT KAYA
HINDI NA LAMANG TAYO MAGSURFING?” ANO NGA BA ANG SURFING? Surfing, ito ay ang pagsakay sa along humahampas sa pampang, coral reef man o buhangin. Maaring magsurf gamit lamang ang katawan. Tinatawag itong “bodysurfing.” Pwede rin namang nakadapa, nakaluhod, at nakatayo sa surfboad. Ito ay tinuturong nagmula sa mga isla sa Pacific Ocean. Sa Hawaii ang surfing ay makasaysayan, parte na ito ng kanilang kultura at ito rin
10
ang pinakasikat na laro doon. Ang kaunaunahang Europeo na nakakita ng larong ito sa Hawaii ay ang British explorer na si Captain James Cook matapos maglayag sa isla noong 1778. Mula pa noong 1960’s ang pagiging popular ng surfing bilang isang laro at libangan ay mabilis na lumago sa buong mundo, dahilan ito ng hindi na kailangan ng pormal na training at maaaring gawin saan man basta mayroong alon. PAANO ANG SURFBOARD? Ang mga modernong surfboard ay gawa sa plastic foam core na hinuhugis sa pamamagitan ng kamay o makina pagkatapos ay binabalutan ng fiberglass at resin. Ibat iba ang hugis nito at laki. Ang mga “high performance” na board na ginagamit ng mga propesyunal sa mga kompetisyon ay mayroong habang 1.8 hanggang 2 m. (6 hanggang 6.5 ft.), 47 cm. (18.5 in.) ang lapad, mahigit kumulang sa 6 cm (2.5 in) ang kapal at halos 2.5 kg (6 lb) ang bigat. Ito ang tinatawag na “shortboard.”
Mayroon din namang tinatawag na “longboard.” Kalimitan ay mayroong 2.7 m (9 ft) ang haba, 51 hanggang 56 cm (20 hanggang 22 in) na lapad, ang kapal nito ay halos kapareho ng sa shortboard at may timbang na 7 kg (15 lb). Sa ibaba nito ay mayroong isa hanggang limang fins na malapit sa hulihan o tail, subalit kalimitan ay tatlo o dalawa lamang sapagkat ito ang standard na disenyo. Ang mga fins ay mahalaga sapagkat ito ang nagbibigay sa board ng direksiyon upang hindi magalaw sa alon at nakadaragdag din ito ng lakas sa pagmamaneho pasulong sa humahabol na alon. MADALI LANG BA? “Riding waves takes skills, stamina, and agility.” Dapat din na maayos ang kondisyon ng katawan sapagkat maari mong ikamatay kapag natabunan ka ng malaking alon at magpagulong-gulong ka sa ilalim na parang nasa loob ka ng washing machine. TOTOO YUN! Ilang beses ko ng naranasang balunbunin ng malaking alon at maranasang halos wala ka ng hiningang ibubuga at tila malulunod na noong nagsisimula pa lamang akong magsurf. Pero ayos lang, challenge sa aming mga surfer iyon. Kung hindi mo naranasan iyon ay hindi ka tunay na surfer.” Ayon sa aming guro na si G. Domcar C. Lagto, siya si TEACHER... SKIMMER... SURFER… Kaya si sir, STOKED sa SURF!
Utos upang maging
mahusay na manlalaro
Nicko Mar Mendoza
Kaakibat ng paglalaro ang mga responsibilidad na hindi dapat ipagwalang-bahala. Ang isang mahusay na manlalaro ay:
1. nagbibigay ng kanyang pinakamainam na kakayahan 2. may makatotohanang hinahangad 3. naglalaan ng oras para sa kanyang pag-aaral 4. binabalanse ang bawat oras at minuto
5. umiiwas sa mga inuming nakalalasing at pati na din ang droga 6. hindi pumupusta sa labanan 7. mayroong magandang disposisyon sa pagkapanalo at pagkatalo 8. hindi lumalahok at nagsisimula ng away 9. nagbibigay-respeto sa pasya ng mga opisyal, referees, coaches at ibang manlalaro 10. nakikiisa sa mga teammates
13
kalakataw
LATHALAIN
k
Isports
HUNYO-OKTUBRE 2010
ANG
Damhin ang masayang sandali sa ilalim ng init ng araw… ito ang isa sa maraming handog ng bayan ng Nasugbu upang ipakita sa kaniyang mga panauhin ang kagalakan ng bayan sa kanilang pagdating. Tiyak na malilimutan mo ang maraming alalahanin ng buhay dulot ng mabining tunog ng alon sa dagat kasabay ng musika ng iba’t-ibang banda at masayang awitin ng kabataan na humahalo sa malambing na ihip ng hanging habagat. Sa pagsisimula ng hinihintay na sandali, iba’t-ibang kulay ng tila mga tablang dahon na kumikislap sa sandaling tama ng sinag ng araw ang yakap-yakap ng mga may-ari na sa higpit ng kapit ay tiyak na hindi ipaaagaw kaninuman sapagkat ito ang kanilang silbing
sasakyan patungo sa pagkamit ng tagumpay sa Nasugbu Skim Fest 4 at Push Race for Cleaner Air na inorganisa ni G. Domcar Lagto sa tulong ng Lokal na pamahalaan. Mahigit-kumulang 300 kalahok mula pa sa mga bayan ng Mindanao, Tanaun Leyte, Eastern Samar, Parañaque, Laguna, Cavite, Bicol, Boracay at Batangas ang lumusong sa tubig upang magpakita ng husay sa skim boarding at magpakita ng bilis sa push race ng longboarding. Bagaman madulas ang kalsada sanhi ng pagulan, sinimulan ang karera ng longboard mula sa pier ng Brgy. Wawa patungong Nasugbu Beach park na may layong tatlong kilometro ganap na 9:00 ng umaga. Ohs at ahs ang nanulas sa
bibig ng mga manonood habang ang mga kalahok ay nagsimulang magpakita ng kani-kanilang natatanging galaw sa paglalaro sa ibabaw ng tubig gamit ang kanilang mga skim boards—ang makapigil hiningang aerial 360, ang nakatutulalang floaters… wave ride…aerial…at shob it. Matapos ang pakitang husay at galing buong pagmamalaking itinaas ni Leo Espada ng Tanaun Leyte ang tropeo ng tagumpay at buong sayang tinanggap ang mga regalong bigay ng mga sponsors bilang kampeon ng Nasugbu Skim Fest 4, habang si Arjun Jimenez naman mula Cebu ang nanguna sa Push Race for Cleaner Air. Sa naging tagumpay ng nasabing patimpalak, inihahanda na ng Nasugbu Tourism Office ang posibilidad ng pagkakaroon ng 5th Nasugbu Skim Fest at Push Race na gaganapin sa Abril 2011. Ang kaibahan, ito ay mas malawak at mas masaya sapagkat iimbitahan ang mga skimmers at longboarders mula sa Luzon, Visayas at Minadanao, sa pakikipagtulungan ni Mayor Antonio Barcelon at G. Domcar Lagto at ng mga sponsors na handang tumulong at isulong ang ganitong gawain. Dapat nating hintayin ang kapana-panabik na sandaling ito sa baybayin ng Nasugbu! Nicko Mar Mendoza
14
LATHALAING ISPORTS
LATHALAIN
kalakataw
k
HUNYO-OKTUBRE 2010
Karunungan pagkatapos ng laban
ISPORTS
ANG
BANDILA NG PAG-ASA. Ang mga atleta sa pag-asam ng minimithing tagumpay.
SULYAP Isports Tips Tamang Sapatos, Tamang Sports Mahilig ka ba sa pagsali sa mga sports events? Kung sumasali ka, dapat mong bigyang pansin ang klase ng sapatos na naaangkop para sa napili mong event. Kung maglalaro ka ng basketball, ang sapatos na high-top ay makatutulong upang makaiwas sa ankle strain Ang low-top shoes naman ay magbibigay ng mas mahusay na shock absorption sa mga sports gaya ng running at aerobics. Kailangan ding tandaan na kailangang may space ang iyong mga daliri sa paa upang ito ay iyong maigagalaw-galaw ngunit di kailangang sobrang luwag na ang mga paa mo'y dudulas sa magkabilang sides. Kumain upang Manalo Isang factor upang manalo ay ang pagkain ng tama. Ang pagkain ng sobrang ma-protinang pagkain ay hindi maganda dahil ito ay matagal i-digest at tumitigil sa tiyan ng mas matagal. Ang mga matatamis naman kung kakainin isang oras bago maglaro ay maaaring magdulot ng hypoglycemia o low blood sugar. Ang pinaka-angkop na pagkain bago ang isang laro ay yaong mataas na carbohydrates ngunit mababa sa protina at taba. Mahusay ang mga peas, beans, saging, pasta, kanin, ubas, raisins, at whole wheat bread. Mainam din na kumain dalawa hanggang tatlong oras bago ang nakatakdang laro upang madigest ng husay ng katawan ang mga pagkaing pumasok. Pantanggal ng Uhaw Nagdudulot ng sobrang pagpapawis ang pag-eehersisyo dahilan upang ma-dehydrate ang katawan Ano ba ang mabisang pamatid uhaw? Ito ay ayon sa haba ng oras na gugulin sa pag-eehersisyo. Sa madaliang exercise, sapat na ang tubig upang magsilbing coolant ng katawan. Madali din itong ma-absorb ng katawan. Kung mahabang oras
naman ang kailangan, malaking tulong ang pag-inom ng mga sports drink. Hindi lamang ito pamatid uhaw bagkus nagdudulot pa ito ng dagdag carbohydrates sa katawan para sa dagdag na enerhiya. May mga sports drinks din na may dagdag bitamina at mineral na kailangan ng mga aktibong katawan. Mag-ingat lamang sa mga inuming mataas ang sugar - content. Tandaan: Sumangguni sa doktor o sa coach para sa tamang payo. Ligtas na Paglalaro Isang popular na laro ay ang baseball. Subalit ayon sa pag-aaral, ang baseball ay nakapagtala ng ilang baseball-related deaths. Ilan sa mga kaso ng pagkamatay ay dulot ng impact ng bola sa dibdib. Upang mabawasan ang mga kaso ng magkamatay, nagkaroon ng bagong disenyo ang bola nito. Inirekomenda ang paggamit ng Reduced Injury Factor (RIF) Ball. Mas malambot ito at hindi matindi ang impact sa katawa. Inirekomenda din ang regular na paggamit ng mga chest protectors, face shields at quick-release bases. Ang paglalaro ng ligtas ay dapat tandaan upang laging maging mainam ang gagawin. Halaw sa: TEEN HEALTH Decisions for Healthy Living Mary Bronson Merki, Ph.D. Copyright 1993 p.32,142,3 0, 411
Sila’y tila mga nagmamartsang kawal patungo sa digmaan, habang kumakaway sa mga manonood na naghilera sa tabing daan. Buo ang kanilang loob na makakamtan ang gintong minimithi upang maging karangalan ng distritong kinabibilangan. Pangalawang taon, ang Municipal Athletic Meet ng Nasugbu North, Nasugbu West, Nasugbu East ay nagkaroon ng kaganapan noong Agosto 18 hanggang 20. Sa kabila ng kakapusan sa pinansiyal na pangangailangan ng bawat paaralan, ang pagkakaisa at pagtutulungan ay naging kasangkapan upang ang Nasugbu Municipal Athletic Meet ay pasimulan. Sa isang hudyat nagunahan ang pag-akyat ng bandila ng 38 paaralan sa dulo ng tagdan, masayang nagwawagayway tanda ng hindi pagsuko upang kamtan ang pagtatagumpay. Bang! Ang mga mananakbo ay nagsukatan ng lakas. Ang discuss ay lumipad sa ere, ang bolang bakal at sibat ay nagpapayanig ng lupa sa sandali nitong pagbagsak. Ang berdeng bola at ang bolang yari sa balahibo ng ibon ay nagpapabalikbalik buhat sa pagpalo ng mga manlalaro na nasa magkabilang panig. Nasukat ang tibay ng basket at lambat sa pagpasok at paghampas ng bola . Ang paglipad lampas sa sagabal na harang at ang malayong paghakbang upang ang lupa ay mahukay sa pagbagsak ng matatag na paa ay kamangha-manghang kakayanan ng tao. Takbo! Bilis! Takbo… matapos humalik at magpaalam ang bola sa aserong panghataw, karera hindi lamang sa lupa maging sa tubig . Sumayaw sa hangin kasabay ng tugtog upang ipakita ang nakagugulat na galaw ng katawan upang manulas sa bibig ng mga manonood ang mga katagang walang kahulugan, subalit sa mga mukha’y paghanga ang matatanaw. Pagkatapos ng tatlong araw na pakikipaglaban, ang lahat ay nagtagumpay, sapagkat ang layunin ay nakamtan; ang sanayin at disiplinahin ang katawan at isipan lalong higit ang damdamin. Binuo sa puso ang pagpapahalaga at wastong asal na natutunan sa iba’t-ibang laro na nilahukan, at pagkatapos, muling ihayag na sa susunod na taon muling magkikita at magsasama-sama ang tatlong distrito sa pagtuturo ng kagandahang asal sa pamamgitan ng pagsasanay ng katawan.
15
OPINYON
HUNYO-OKTUBRE 2010
Wastong kasanayan… tamang paghatol indi madaling tungkulin ang maging opisyal ng palaro. Nangangailangan ito ng lakas ng loob, kakayahan, talento, tiyaga, at ng pagkaunawa sa regulasyon ng isang laro. Hindi lamang ang mga pangunahing tuntunin o batas ng laro subalit kailangan ang mas malalim na pagkaunawa dito. Obligasyon ng opisyal ang matiyak niya hindi lamang ang kasalukuyang panuntunan ng laro subalit dapat na nalalaman din niya ang mga pagbabago at kasalukuyang tuntunin nito. Ang pagbibigay sa ating mga guro ng pagsasanay at pagaaral sa mga bagong panuntunan ng mga iba’t-ibang laro ay nagdudulot sa kanila ng malalim na tiwala at pagpapahalaga sa sarili na sadyang kailangan nila sa paghahawak nila ng mga palaro. Buo ang tiwala nila na tama ang kanilang bawat paghatol sapagkat malalim ang pagkaunawa nila sa mga tuntunin ng laro. Dapat tandaan na sila ay mga guro at larawan ng malaking kabuuan. Minsan nasusuong sila sa pagkapahiya sa harapan ng mga taong dapat magkaroon ng malaking pagtitiwala sa kanila dahilan sa kakapusan nila ng alam sa mga panuntunan na laro. Ang ganitong pangyayari ay nag-iiwan ng maling impresyon hindi lamang patungkol sa iisang guro na nagkaroon ng maling paghatol kung hindi maging sa kabuuan. Dapat pasalamatan natin ang mga taong nagiisip ng ikabubuti ng mga guro sa pagtupad ng tungkulin sa paraang nabibigyan ang mga guro ng sapat at wastong pagkaunawa sa mga tuntunin ng iba’t-ibang laro bago pa man sila maging opisyal nito. Ang pagsasanay ng mga guro noong Setyembre 2-4 sa Batangas Sports Complex na tinawag na Basic Official Training Course ay sadyang nakapagbigay ng malalim na pagkaunawa sa mga opisyal nating mga guro upang magkaroon ng tiwala sa pagpapatakbo ng palaro. Dapat lamang na patuloy na isagawa ang ganitong mga pagsasanay sa kawastuhan ng paghatol at pamamalakad ng ating mga guro sa iba’t-ibang palaro na ang makikinabang ay walang iba kung hindi kaming mga mag-aaral.
H
EDITORYAL
Wika ng Pag-asa
Isports’ Euphoria
Nicko Mar Mendoza
araming paraan upang ipahayag ang karaingan ng tao, lalong higit kung ang ipahahayag ay ang kakulangan sa pangunahing pangangailangan. Maraming wika at salita na maaaring gamitin. May salita ng katapangan, ang paraan ay magmartsa sa daan dala ang mga karatula habang sumisigaw upang ipahayag sa gobyerno ang kaniyang pangangailangan. Sa iba, ang lenguwaheng ito ay walang katuturan, sapagkat hindi rin maririnig ng nagbibingibingihang pinatutungkulan. Sa kanila, mas mainam ang salita ng katahimikan, ang ikundisyon ang sarili at kaisipan na tanggapin ang katotohanang may dalawang uri lang ang nabubuhay—ang mahirap at ang mayaman. Alinman sa dalawa ay hindi epektibo, subalit ang salita ng Homeless World Cup ay may epekto, ito ay nakapagpapabago at ang kapangyarihang magbuklod ng isang laro ay tumatagos sa bawat indibidwal. Ang salita nito ay umaalingawngaw ng malakas sa buong mundo. Ang Homeless World Cup ay isang laro para sa lahat ng bansa.
M
Pinagkakaisa nito ang mga bansa sa paraang hindi nagagawa ng alinmang laro, ayon HWC website. Para sa koponan ng Pilipinas ito ay higit pa sa larong football, sapagkat ito ay pagkakataon upang salitain at ipahayag ang kawalan ng tahanan sa sariling bayan na binabalewala ng mga kinauukulan. Ang koponan ng Pilipinas ay binubuo ng mga kabataang mula sa iba’t-ibang antas ng kahirapan. Sa pamamagitan ng Homeless World Cup, nabago ang kanilang buhay, nagpataas ito ng kanilang karakter, muling bumuo ng wasak na buhay, at lumikha ng daan tungo sa mabuting kinabukasan. Ang HWC bagamat binubuo ng iba’t-ibang bansa, iba’tibang lenguwahe , kulay, idolehiya, sistemang pulitika at relihiyon, tatlong wika lang ang nauunawaan, ang wika ng isports, ang wika ng musika at wika ng pagrespeto sa karapatan. At mula sa mga wikang ito ang mga di-kilalang maliliit na bansa ay tinatanggap ng may paggalang at pagkilala. May paraan pa upang ipahayag ang kawalan ng sariling tahanan at kasalatan sa ating sariling bayan sa paggamit ng mga wika ng Homeless World Cup at mula rito, marinig nawa ng ating pamahalaan ang malakas na alingawngaw ng ating damdamin at pangangailangan.
Wawa All Star kinapos sa final; Sipa-Takraw nagtapos sa pangalawa History repeats itself. Sariwa pa sa ala-ala ng mawala sa ritmo ang Wawa All Star upang yumukod sa tatag ng Latag Kickers at mabigo na tumuntong sa final noong nakaraang taon. Inulit lang ang pangyayari ng muling mabigo sa ikalawang pagkakataon at tuluyang hindi makatuntong sa final ng muling malusutan ng twice to beat na Latag ES sa five kicker ang Wawa All Star, 1-0 sa Municipal Athletic Meet, Setyembre 20.
Matapos ang isang oras na sukatan ng lakas walang naka-iskor sa dalawang koponan. Nagtapos sa five kicker ang laban, dito napaluhod at halos maiyak ang goalie na si Gregorio Domingo ng Wawa All Star ng dumulas sa kaniyang kamay ang bola mula sa huling sipa ng Latag Kickers. Kagaya ng pangyayari noong isang taon, dumagundong ang sigaw ng katuwaan ng mga manonood sa panig ng Latag Kickers. Sa mga unang laro, pinatahimik ng
Wawa All Star ang Bucana ES, (1-0) at Kaylaway ES (3-0) bago pa man nila matikman ang pait ng pagkabigo sa kamay ng Latag Kickers. “Hindi pa handa ang aking mga players sa kampeonato, hindi na bale mayroon pang susunod na pagkakataon,” sambit ni Gng. Marivel Dela Vega, coach ng Wawa All Star. Samantala, natikman din Wawa Trio ang pait ng pagkabigo ng payukuin sila ng Kayrilao ES, sa Sipa-Takraw (2,0). Nakipambuno ang Wawa
Trio sa Kayrilao ES matapos nilang gapiin ang Tala ES (2-0), Aga (20) at Pingkian (2-0), upang kuhanin ang kampeonato. Subalit nanaig ang lakas ng Kayrilao laban sa Wawa Trio mula sa unang set, 18-21 hanggang sa pangalawang set 20-21. “Umaasa talaga kaming mananalo, ibinigay namin ang aming makakaya pero bigo kami. Hindi pa sa amin ang araw na ito,” sabi ni Jerome Bota ng Wawa Trio pagkatapos ng laban. Noel Odon
kalakataw
k
ISPORTS
ANG
MARK ANTHONY ULGASAN. Ibinigay ang lahat upang manguna sa karera subalit bigo at bumagsak sa pangatlong puwesto, Municipal Athletic Meet, Setyembre 20.
Wawa Shooters tinambakan ang Balaytigue Dribllers, 40-14
LABAN NG KAMPEYON. Tagisan ng lakas at galing para sa minimithing tagumpay.
Sinandalan ng Wawa Shooters ang husay nina Dan Bryan Uguis at Ronnie Daño upang lampasuhin ang Balaytigue Dribblers, 40-14, at ibulsa ang kampeonato sa Municipal Athletic Meet, Agosto 20. Halos walang sablay na nagbuslo ng bola sina Uguis at Daño sa unang kwarter dahilan upang ganahan rin at makisosyo ang kasamang si Joseph Bandong sa pitong kalamangan, 14-7. Gustong makabawi, unang nagbuslo si Gious Reloj ng Balaytigue Dribblers sa pangalawang kwarter subalit kinapos sa malakas na depensa ni Bandong at JB Campano, na sinabayan ng nag-aapoy na mga tira nina Uguis at Daño. Nagtapos ang pangalawang kwarter sa 22-9. Nalasahan na ng Balaytigue Dribblers ang pait ng pagkatalo sa kamay ng Wawa Shooters sa unang kampanya ng laro, 34-12. Naging kahiya-hiya rin ang Bayot Memorial School ng tambakan sila ng Wawa Shooters, 65-4 bago muling nagharap ang Wawa Shooters
at Balaytigue Dribblers. Malakas ang loob, sinubukang pilayan ng Balaytigue Shooters ang Wawa Dribblers sa pangalawang hamon subalit nabigo ng diktahan sila ng Wawa Shooters upang mangulelat sa ikatlong kwarter, 32-14. Nagtala si Uguis ng 12 field goals at 4 rebounds na sinamahan ng 10 field goals at 5 assists ni Daño. Tuluyang natameme ang Balaytigue Shooters ng paangatin nina Uguis, Daño at Bandong ang mga manonood sa kanilang upuan sa sunod-sunod na pagbuslo ng bola at hindi payagang makabuslo ang kalaban sa ika-apat na kwarter, 40-14. “Inaasahan na namin ang kampeonato, alam na ng mga players ko ang kanilang galaw dahil tinambakan na namin sila sa unang laban. Ang kailangan na lang namin ay maging maingat at iyon nga nag nangyari,” wika ni G. Romano Bacit, coach ng Wawa Dribblers. Mark Noel Odon
Mga manlalaro ng Wawa ES nagningning sa Municipal Athletic Meet Pagod…pawisan…subalit nag-uumapaw ang tuwa ng muling mapatunayan ng mga manlalaro ng Mababang Paaralan ng Wawa ang kanilang husay at kakayahan sa Nasugbu Municipal Athletic Meet, Agosto 19-20. Nanguna si Marico Yamada, mag-aaral sa Baitang V, sa
800 meter dash girl’s category upang maiuwi ang gintong medalya. Hindi rin nagpadaig si John Carlo Decapia, mag-aaral din sa Baitang V ng iwanan niya ang mga katunggali sa 800 m dash boy’s category at kamtan ang minimithing gintong medalya, kinuha din niya ang tanso sa 100m dash. Sa field events, nasungkit
ni John Lloyd Maranan ng Baitang VI, ang ginto sa high jump laban sa malalakas na jumpers ng Papaya Elem. School at Calayo Elem. School na lumagpak sa pangalawa at pangatlong puwesto. Nagtapos naman si Patricia Morales, ng Baitang V, sa oras na 23.08 sec. upang iwanan ang mga
Provincial Athletic Meet
Atienza, kumpiyansang maiuuwi ang ginto sa Taekwondo “Nabigo akong makuha ang ginto noong isang taon, umaasa akong makukuha ko ito ngayon.” Ito ang mga salitang binitiwan ni Aiko Atienza, pambato ng Wawa ES sa Taekwondo, habang puspusan siyang nagsasanay sa BSU Gym kasama ang kanyang coach bilang paghahanda upang masungkit niya ang minimithing ginto sa Provincial Athletic Meet sa Oktubre 18. Tinangka ni Atienza,
mag-aaral sa Baitang V, na masikwat ang ginto sa Provincial Athletic Meet noong isang taon, bilang pambato ng Area I matapos lumuhod sa kaniya ang manlalaro ng Bayot Memorial School, subalit nabigo siya ng pabagsakin siya ng manlalaro mula sa Area IV. Puspusan ngayon ang ginagawang pagsasanay ni Atienza kasama ang kaniyang coach na si Gng. Herlyn Ladra. Noel Odon
HANDA Para sa ginto.
kapwa manlalangoy at maisukbit ang ginto sa backstroke girl’s category, nakuha din niya ang pilak sa butterfly at tanso sa freestyle. Ang mga batang atleta ay kasalukuyang naghahanda sa darating na Provincial Athletic Meet sa pagsasanay ng mga gurong sina Gng. Rose Villaluna, Gng. Sarah Mendoza at G. Andrew Dela Vega. Mark Noel Odon