ang sulyap

Page 1

Magtiwala kay PNoy pahina 4

Ang

Ngiti ng Tagumpay ni Cabingan

pahina 6

pahina 7

pahina 10

Sulyap

Opisyal na Pahayagan ng Tumalim National High School Region IV-A Division of Batangas Nasugbu East District

Tomo XXII Bilang 1 Hunyo-Disyembre 2010

GINTONG ANI. Sa kabila ng kahirapang nararanasan ng mga Pilipino ay patuloy pa rin ang pagtitiyaga upang umahon sa kahirapan.

P N o y, b u m u h a y sa pag-asa ng pinoy Ni: Jocelyn P.Gerios

Nabuhay ang pag-asa ng maraming Pilipino ng lumabas ang resulta ng kauna-unahang Automated Presidential Election, Mayo 2010. Bilang ika-labinglimang presidente ng Republika ng Pilipinas, ang paglaban sa pagiging presidente ni Benigno Simeon Cojuango Aquino III na nagugat sa pagkamatay ng kanyang ina at Ina ng Demokrasya, Gng. Corazon Aquino, ay pagbibigay sa panawagan ng maraming Pilipino na wakasan na ang rehimeng Arroyo. Ang mga pinagdaanan ni PNoy, ayon sa ilan, ay tila magandang paghahanda upang kanyang balikatin ang pinakamabigat na posisyon ng bansa. Isa na rito ang mapahiwalay sa ama at mamuhay kasama ang inang naging ina ng lahat ng

pilipino. Bahagi rin ng kanyang karanasan ang pagkakalagay ng kanyang buhay sa bingit ng kamatayan noong panahon ng coup d ‘etat na pinangunahan ni Honasan. Kamakailan lamang, bago ang kanyang panunungkulan, kilala siyang miyembro ng Partido Liberal na tumutuligsa sa pamamalakad ni dating Presidente Arroyo. Sa kanyang kaunaunahang State of the Nation Address, tinawagan niya ang bawat isa na tumahak sa tuwid na landas at simulan sa bawat sarili ang mabuting pagbabago. Maganda

Ni:Dayanara T. Alegre

m. ng malapit na ang inagurasyon. Inaasahang sa pagtatapos nito ay magkakadaupang palad ang may anim na libong mga pilipinong pintor. Naging bahagi din ng pagtitipon ang pagbibigay ng sertipiko ng deklarasyon ng probinsya ng Batangas sa pangunguna ni Gobernadora Vilma Santos-Recto at Bise Gobernador Mark Leviste na tampok na lalawigan para sa buwan ng Hunyo, at paglagda sa kasunduan para sa malawak at masining na planong komunikasyong nakatuon sa “Climate Change” sa gusali ng sentrong pangkabuhayan sa Port sundan sa pahina 2

sundan sa pahina 2

Longest painting on continuous canvass, pinasinayaan sa lalawigan ng Batangas Hinirang ang Lalawigan ng Batangas na pagdausan ng inagurasyon ng inaasahang “longest painting on continuous canvass” at nasyunal na maka-kalikasang pagtitipon, Hunyo 25 -28. Naging tampok sa pagdiriwang ang inagurasyon ng “longest painting on continuous canvass.” Upang malagpasan ang bansang may hawak ng record sa “longest painting on continuous canvass”, sinimulan ang pagpipinta sa siyudad ng Quezon. Sa pagdaan ng taon, nagkaroon na ito ng habang 5,000 m. at umabot sa habang 7,300

Uod sa pananim sumalakay, magsasaka apektado Ni: Roiedhelyn B. Gonzales Matapos magdulot ng malaking problema ang nagdaang El Nino, ang pagsalakay naman ng mga army worms ang nagbanta at tila gustong magpalugmok sa mga magsasaka. Nabalisa ang maraming mga magsasaka ng biglang manamlay ang kanilang mga

pananim na gulay at tubo. Sa kanilang pagsisiyasat, hindi mabilang na uod ang naninira sa kanilang mga pananim. Nakapanghihilakbot tingnan ang mga army worms na tila walang-kabusugang kumakain sa mga tanim na pinuhunanan ng malaking pera, pawis, at panahon ng mga magsasaka. Isa na rito ay si G. Rogelio Mercado na kinamulatan sundan sa pahina 2

DepEd Order 73, ipinatupad Ni: Elton John B. Mendoza

Ipinalabas kamakailan ang DepEd Order No. 73 s. 2010 na nagtatalaga sa buong nasasakupan ng paaralan bilang “No Smoking Area”. Ipinag-utos din ng Kagawaran ang paglalagay ng karatulang “You Are Entering a No Smoking Area” upang bigyang diin sa mga mag-aaral, guro at mga darating na bisita ang kautusan. Naglalayon ito na mapahalagahan ang kalusugan ng lahat at mabigyang – atensyon ang samang dulot ng paninigarilyo. Bukod sa usaping pangkalusugan, hinihimok din ng kautusan ang paglalaan ng mga mag-aaral ng kanilang pera sa mga mas kailangan at makabuluhang bagay.

Proyektong ‘Free Time Ko, Alay Ko Sa Iyo’, inilunsad Ni: Jasmin C. Panganiban “Free Time Ko, Alay Ko Sa Iyo” ang isa sa mga proyekto ng nahirang na bagong pinuno ng Supreme Student Government na si Jennelyn A. De Ocampo. Ang “Free Time Ko, Alay Ko Sa Iyo” ay proyekto kung saan magiging Big Brothers and Sisters ng ilang piling mag-aaral ang ilang kapwa mag-aaral na nangangailangan ng gabay at tulong sa kanilang aralin. Kabilang din dito ang pagpapatayo nila ng mga upuan kung saan maaring gawin ang mga “group study sessions.” Si De Ocampo ay tinutulungan ng gurong-tagapayo ng samahan na si Gng Luz Vis Elyn C. Mayari at ng mga bagong halal na opisyal na sina Rachel G. Senorez (III – 1) – bisepresidente, Lady Lyn R. Pacia (IV-1) – sekretarya, Rean B. Piamonte (III-1) –Ingat-Yaman, Jocelyn P. Gerios (IV-1) – Auditor, Gladys C. Cabingan (III-1) – P.I.O, Lorraine Grace P. Vidallion (II1) – Peace Officer at mga kinatawan na sina Judy Ann I. Alday (II-1), Ar-ar A. Anzures (II-1), Jasmin C. Panganiban (IV-1), Kheycee P. Beltran (II-1) at Roeidelyn B. Gonzales (1-1).


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.