ECHOES August 2009

Page 1


talaan ng nilalaman 3 Editoryal 4 Balita ng mga Komite 10 Libreng Gamutan Para sa Pook Amorsolo ni Irene Arzadon Isang Sabado, Inialay sa Buwan ng Wika ni Jauhari Azis 11 Applify! ni Maximillian Kho Ecosocers, Nagkasiyahan sa Pistahan! ni Kenna Barit 12 Members, Pinabagsak ang mga Apps ni Pers Betana Isa, Dalawa, Tatlo ... Kuskos! ni Mareca Domingo 13 ARTista: Ako, Ikaw, Tayong Lahat ni Selena Ortiga Ekosyante: Ekonomista Na, Negosyante Pa ni Kenneth Reyes 14 Mga Aplikante, Siniyasat sa Mid-Sem Check-Up ni Paolo Tamase Huling U.B.E. ng Semestre, Matagumpay ni Audrey Austria 15 Friendship Week, Idinaos ni Hazel Sumampong Balitaktakan sa JPES, Ngayong Linggo Na! ni Dean Dulay PhilCES- NEDA Allegiance nina Archie Bez at Ria Sibulo 16 Mga Patalastas 23 Ano ang gusto mo sa pagiging Pilipino? Iginuhit ng mga bata mula sa Pook Ricarte 24 ymecosoc: ika-25 ng Agosto 2009 25 Ano Raw ‘Yun? ni Ica Ducanes 26 Fashion Watch: Jolina Forever ng Fashion Police 28 Livewire of the Party: KKK: Kasiyahan at Kaligayahan sa may Katipunan ni Jamoy Jampac 30 Gay Lingo: Dapat Bang Isama sa Pambansang Wika? nina Ray Francisco at Kim Orticio 31 It’s not me, it’s you...: Ano Ba Talaga? Maria Clara o Marian Rivera? ni Ben Bismark 32 The Balot Challenge! ni Aling Suling 34 Kas X: Limang Nakalimutang Pangyayari sa Kasaysayan ng Pilipinas ni Kenneth Reyes 36 Kapa-Tweet: “Twitter” ng Ating Mga Bayaning Kapatid ni Jessica Manipon 37 Aswang, Multo, Atbp.: Tayo at ang Mitolohiyang Pilipino ni Kevin Estopace 38 Ang Pagke-case ni Popoy at Basha (at ang espesyal na pagbisita ni Isabella, ang nanay ni Basha) nina CMRSG at MAKIA 40 Q at A: Ang Pagtatagpo sa Way-Em kay Jasper ni Angelo Quintos at Aaron Aw 42 Dahil sa Isang may Bukas kahit Isang Saglit ng Pangako sa ‘Yo ni Geoff Bautista 44 Mga Kantang Tinagalog: Salot ba sa lipunan o pagkamalikhain ng Pinoy? nina Josh Coquia at Kash Salvador 45 May the Best Mode Win: Ang Con-Ass ni Gloria laban sa Con-Com ni Cory ni Paolo Tamase 46 Idol Talaga! ni Raphael Fulgar 47 You’re Nothing Until You’re Talked About: Episode 2: Swardspeak ni Gossip G. Staffbox


Sa mga drama at komedya, mga bidang ekonomista...

Ang pinilakang tabing ay naging saksi sa maraming uri ng pelikula, mula drama hanggang

Ilang beses na ba komedya, aksyon o katatakutan; isa itong behikulo ng pakiramdam, kasiyahan man o kalungkutan. Sa pagbubukas ng pinilakang tabing, nagbubukas ang isang bagong pelikula, isang bagong nating nakita sa sulyap sa buhay na hango sa katotohanan o kathang-isip lamang. Ang mundo ay isang malaking telebisyon ang mga pinilakang tabing na naging saksi sa maraming malalaking pelikula. Ang pag-inog ng mundo ay malaking kabalintunaan ng buhay; minsan ikaw ay nasa itaas, minsan ay nasa ngiti at kaway ng sumisimbulo sa ibaba. Minsan ay mayroong drama, mga panahong nilulumot ng hilahil ang bawat eksena, mga mga tao sa kamera pagkakataon kung saan tila pagluha na lamang ang natitira. Sa mga pagkakataong ito, hinihintay habang nasa itaas sila lamang na uminog ang gulong ng palad at magbabakasakaling sa susunod na eksena ay komedya na ang madarama. Ang komedya ay isang pelikulang puno ng katatawanan at kasiyahan, kung ng kanilang bubong saan mayroong kaginhawaan at kaligayahan. Ito ay matatagpuan ng iba’t-ibang tao sa iba’t-ibang bagay. Maaaring sa pamilya, kaibigan, kasintahan, o di kaya’y sa tagumpay, sa karangyaan, o pagkatapos ng isang kasikatan. Sa buhay, hindi maaring pulos komedya, hindi rin maaaring puro drama. Sa buhay hindi matinding bagyo? natin maiiwasan na sa maraming pagkakataon, ang kasiyahan ay sinusundan ng kalungkutan, at ang kalungkutan, ng kasiyahan.

Ngunit sa kabila ng katotohanang ito, marahil, isa sa mga bagay na likas sa ating mga Pilipino ay ang paghahanap ng kasiyahan, ng katatawanan, ng komedya. Sa kabila ng nagdaang mga unos at paghihirap, lagi nating hinahanap ang mga bagay na makapagbibigay sa atin ng saya. Ilang beses na ba nating nakita sa telebisyon ang mga ngiti at kaway ng mga tao sa kamera habang nasa itaas sila ng kanilang bubong pagkatapos ng isang matinding bagyo? Ilang beses na ba tayong napatawa ng kaibigan nating nadapa o nagtamo ng kapalpakan? Ilang beses na ba tayong napangiti habang pinagmamasdan ang hikbi at iyak ng sanggol na kapapanganak pa lamang? Sa mga simpleng bagay sa buhay, nakakahanap tayo ng kasiyahan. Ang katangiang ito ng Pilipino ang nais ipahayag ng buong Echoes sa buwang ito ng Agosto. Ang Pilipino ay laging bumabagtas sa tulay na nag-uugnay sa kasiyahan at kalungkutan, ngunit madalas, pinipili nating humayo at tunguhin ang kasiyahan. Maaari nating ilapat ang katotohanang ito mismo sa ating mga buhay. Iklian natin ang ating persperktibo at limitahan ito sa apat na sulok ng tambayan. Dito pa lamang, makikita na natin ang katotohanang ito. Ang Ecosoc ay maykrokosmo ng lipunang Pilipino, at tulad ng lipunang Pilipino, ang bawat miyembro ay tiyak na naghahanap ng kasiyahan sa isang unibersidad. At ang kasiyahang ito, sa kabutihang palad ay nahanap natin sa organisasyong ating kinabibilangan. Sa hirap ng mga pinag-aaralan sa kolehiyo, nakatutuwang isipin na mayroon pa ring dahilan upang ikaw ay matuwa, masiyahan, at kiligin. Sa bawat pagdaan sa silid 121, sa nauuilinigang lakas ng tawanan at hiyawan sa tambayan, napapatunayan na ang kasiyahan ay natatagpuan sa mga bagay na ating pinahahalagahan. Ito rin ay isang katunayan na ang pagiging isang organisasyon ay isa lamang pormal na katawagan sa Ecosoc. Sa halip, ito ay isang pamilya, kung saan mahahanap ang iyong tunay na kasiyahan sa unibersidad. Isa itong pamilya, na nag-iisa sa maraming pelikula, at nagbubuklodbuklod sa mga bidang ekonomista.


“Nasa Diyos ang awa, nasa Ecosocers ang gawa.” Mga mahal kong Ecosocers, ilang linggo na lamang at magsisimula na ang isang buwang pagdidiwang ng kaarawan ng Ecosoc! Ngunit bago muna tayo magdiwang, Mas makabubuti syempre kung tayo ay maghanda muna. Ang paghahanda na ito ay hindi lamang sa pagaayos at pag oorganisa ng mga iba’t ibang events, gawin natin ang pinakamahalagang paghahanda--ang pagtutupad sa ating mga layunin ngayong semestro. Kasabay nito, ipagpatuloy din natin ang pagsasabuhay sa ating mga tungkulin bilang myembro ng Ecosoc at bilang isang mamayang Pilipino. Ito ang mga nakahandang mga events sa buwan ng Ecosoc:

1 4 5 7 7 8 9

– Ecosoc Month Launch, Grand Pakain. - Treasure Hunt and Vice Night - Adhoc Saturday CDC, Sports Cup 4 – 11 – Tambay Week – CDC Art Workshop, Sports Cup 5 – Tambay Talk – Jologs Quiz Bee, Bingo

10 11 12 14 19 21 26

– – – – – – –

Alumni Talk, Race of Thunder Grand Tradition Saturday CDC Sports Cup Culminating CDC Fieldtrip CDC Caravan Adhoc Culminating/Party

Ang Kumiteng Ad Hoc ay nagsisikap para maging matagumpay at maging Masaya ang buwan ng Setyembre! Sa unang araw ng Setyembre, magkakaroon ng launch ang Buwan ng Ecosoc sa ganap na 12 ng tanghali Lahat , kahit ang mga hindi myembro ng Ecosoc ay inaanyayahan na dumalo sa Launch. Ito ay magiging bongga dahil magkakaroon di lamang ng grand pakain, kung hindi, mayroon pa tayong mga games, performances, at mga premyong papamigay! Dahil nga setyembre ay buwan ng Ecosoc, lahat ng mga events sa buwan na ito ay tatawaging Ecosoc Month Event. Magtatapos sa ang buwan ng Ecosoc sa isang maingay at masayang pagdidiwang ng kanyang ika-51 na taon. Abangan niyo na lamang ang mga teaser at poster. Ngayon pa lamang ay nais ko na magpasalamat sa inyo dahil sa inyong pagdalo sa mga events na nakaraan pati dahil na rin na alam ko na patuloy ang inyong suporta sa dadating na buwan ng Ecosoc. Sa loob ng limampung ng Ecosoc. Marami na ang dumating, naging alumni, marami ng mga iskolars na napaaral at mga batang naturuan, marami na din ang mga proyektong naging successful. Ngayon at darating na ang limampu’t isang anibersaryo natin, dito tayo kumuha ng inspirasyon sa pagtupad natin ng misyon ng ating minamahal na oganisasyon, ang UP Economics Society. MABUHAY ANG ECOSOC!!!!!!

“Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, lumaki sa ibang bansa.” Sa kabila ng malakas na pag-ulan at pagbaha, sa hirap ng mga hinaharap sa pag-aaral, at sa kung ano pa mang kailangan makamit, kami ay narito at patuloy na naghahandog sa ating mga mamamayan. Sa inyong patuloy na pagsuporta sa ECOSOC, lalo na sa Task Force, kami ay nakapaghanda ng lubusan para sa patuloy nating pagsuporta sa ating mga iskolar. Ako’y lubos na nagpapasalamat sa lahat ng tumutulong sa aming mga programa. Kung hindi dahil sa inyo ay marahil kami ay mahihirapan sa aming pag tulong sa bayan. Salamat din sa lahat ng nagbigay ng kanilang oras at sikap para makamit namin ang aming mga layunin. Sa totoo lang, ang tunay na lakas ng Task Force ay nanggagaling sa mga taong patuloy na nagaalay ng kanilang pagtitiyaga. Gaya ng nasabi kung hirap na aming nararanasan, nais kong anyayahan kayo ng patuloy na sumoporta sa aming mga programa. Ang Task Force ngayon ay nasa kalagitnaan ng paghahanda para sa Musikapella. Kahit na ang daigdig ay nakakaranas ng malubhang pag-urong sa ekonomiya, kami ay patuloy na magsisikap para madala ang pinakahinihintay na katangian at kalidad ng Musikapella. Salamat muli sa inyong patuloy na pagtangkilik sa ECOSOC at sa aming mga programa at palatuntunan. Ako’y patuloy na umaasa na sa susunod na buwan ay kayo pa din ang magiging tagapagpalakad ng kasayahan at kahusayan sa ating lupon. Maraming Salamat!


“Hindi lahat ng kumikinang ay ginto.. muta lang yan.” Magandang araw mga Ecosocers! Kumusta kayo? Sana nagustuhan niyo ang mga nakaraang kaganapan sa ating organisasyon lalo na ang mga inihanda ng Seccom! :) Gusto kong magpasalamat sa lahat ng mga nagdala ng mga lumang damit at gamit para sa rummage sale. Malaki ang naitulong niyo sa Seccom. Salamat rin sa mga nagpunta sa “ARTista Ako Photoshop Workshop” at sa mga nagsumite ng kanilang mga likha sa “ARTista Ikaw Print Media Competition”. Ang mga isinumiteng gawain ay nakatanghal sa Shangri-la mall buong linggo, kaya dumaan kayo rito upang makita and mga ito. Maaari niyo rin itong tignan sa http://www.artistatayo.multiply.com. Salamat rin sa aking magulang, dahil pinapayagan nila ako umuwi ng gabi at umalis ng bahay para sa mga gawain sa Ecosoc. Marami pang inihahanda ang Seccom para sa inyo. Abangan ang pinakamaganda at pinaka-bonggang “Gallery” na bubuksan kasabay ng pagbukas ng buwan ng Ecosoc! Magkakaroon rin ng CDC Art Workshop sa ika-7 ng Setyembre. Nais ko rin bangitin ang pagbabalik ng pinaka-astig na “club” sa buong Ecosoc, ang “Sparkle Club”! Ang layunin nito ay makapagsama at kwentuhan ang mga miyembro at aplikante habang sila at lumilikha ng mga bagay at nagiging produktibo. Abangan ang mga pagkikita at sumali na! Maghanda na kayo dahil mananalo ang CDC-Seccom-Raymond sa Treasure Hunt, at kami rin ang magiging mahigpit niyong kalaban sa Miss Grand Tradition 2009! Salamat kay Kenneth Reyes, ang pambato ng Seccom! (at kay Leslie!) Xoxo, Triszh P.S. Grabe, napakalapit na ng Setyembre… ang buwan ng Ecosoc! Handa ka na ba? Huwag kalimutan suotin ang “Livewire shirt” sa unang araw ng Setyembre! Kung hindi ka naka-order, hindi pa huli ang lahat! Lumapit ka lamang kay Geoff, Gene o Pakaye! Napakaganda at napakamura lang nito sa halagang P220. Ano pa ang hinihintay niyo, mems at apps, order na!

“Ang taong naglalakad nang matulin ... may utang. Hahaha. Bato-bato sa langit ang tamaan wag magagalit.” Magandang araw Ecosocers! Ilang araw na lang at Buwan ng ECOSOC na. May limampu’t isang taon na rin pala. Nae-eksayt na talaga ako sa lahat ng mangyayari sa darating na buwan. Alam kong kayo rin ay hindi na makapaghintay! :) Sa darating na ika-9 ng Setyembre (9-9-9), masusubok ang inyong swerte! Halina at sama-sama tayong maglaro ng BINGO! Titiyakin namin na magiging sulit ang inyong paglalaro. May mga papremyo kaming inihanda na siguradong magugustuhan ninyo. Paano sumali? Lumapit lang sa kahit na sinong miyembro o aplikante ng Lupon ng Pananalapi at bumili ng dalawang Bingo kard sa halagang P25. Maaari itong gamitin sa lahat ng laro. Punta kayo ha, kung paano nyo sinuportahan ang aming mga pagpapalabas ng pelikula, ganoon din sana ang gawin nyo sa Bingo! at sa pangongolekta namin ng inyong mga babayarin. Maraming salamat mga miyembro at aplikante. Binabati ko nga pala ang mga aplikante dahil naging matagumpay ang Applify. Gusto ko ring magpasalamat sa McDonalds sa kanilang aktibong partisipasyon sa pagtitinda ng Ecosoc noong nakaraang UPCAT. Gusto ko ring pasalamatan ang ADP Industries, Inc (Mike&Ike, Orion Choco pie, Gingerbon), Universal Robina Corporation (Envidia, C2, Jack ‘n Jill Potato Chips at Dynamite, Nissin Yakisoba at Instant Mami), Cerealicious, Code-limited at Wendy’s Hamburgers. Sa aking mga katuwang sa tungkulin na sina Lia at Pat - salamat sa inyong mahusay na paggawa. Sa mga miyembrong labis ang pagmamahal sa Ecosoc -- Gilbert, Kim, Kenna, Niki, Jenny, Archie, Car, Horace, Dom, Rox, Reg, Lianne, Sam at Kester, salamat. Galingan nyo sa pagcollect ng A/R ha. Salamat din sa mga aplikante -- Bettina, Hazel, Elwin, Kevin, Trixia, Simone at Ica. Pagbutihan nyo pa ang pagbenta ng C2 at ang buong proseso. Maghanda kayong mabuti para sa inyong fundraiser. Sa Execom, sana ay maging matagumpay ang natitira nating mga proyekto. Salamat sa lahat! Mga Ecosocers, ipagdasal natin si Nanay Maring. Isa siya sa mga tinutulungan ng Ecosoc. Mayroon siyang mga inaalagaang bata sa Pandacan, ngunit sa kasamaang palad, tinamaan siya ng sakit. Maaaring hindi siya kilala ng lahat pero ipagdasal natin ang kanyang paggaling. * Pagpaumanhin ninyo po ang kamalian sa aking Tagalog, kung mayroon man. Salamat!


“Try and try until you succeed... or else try another.” Maligayang Buwan ng Wika EcoSocers! Dahil diyan, magsasawa kayo sa isang buong isyu ng Echoes na nasa wikang Filipino. Masaya naman siyang basahin, mahirap lang isulat. Anyway, nais kong magpasalamat sa lahat ng sumoporta sa Season Ender ng Gossip Go: War of the Worlds. Sana ay lahat ng miyembro at aplikante ay natuwang makipaghabulan at makipagyakapan (ahem…) sa isa’t isa. Malapit ng matapos ang buwan ng Agosto, pero bago mangyari yan ay mayroong isang malaking pasabog ang Lupong Panlabas (Team Externals :p). Magkakaroon ng eksibit sa Paaralan ng Ekonomiya sa buong linggo ng Agusto 24-28. Makikita niyo ang mga “Huli Ka Balbon!” moments ng mga Pilipino sa pagsasalalay ng iba’t ibang estudyante mula sa iba’t ibang kolehiyo. Ang pinakamasayang dapat ninyong lahat puntahan ay ang pagwawakas at pagbibigay ng award sa mananalo sa SNAPSHOTS, ang competisyong pang-potograpiya. Ito ay magaganap sa Agusto 28, Biyernes, 6pm-8pm sa SE111. Tuklasin kung ano ang pinakamagandang larawan at kung sino ang kumuha ng mga ito. Makihalubilo sa mga propesor at estudyante mula sa iba’t ibang paaralan. Tara na, masaya to! Muli, malapit ng matapos ang isang sem. Pero sa ngayon, nais kong kamustahin lahat ng aplikante ng EcoSoc. Sana ay natutuwa kayo sa prosesong pang-aplikante. Kung naiisip niyong sunod-sunod naman ang events, okay lang yan. Ganun din ako dati, matututunan niyo ding hindi sila isipin na requirements kundi masayang pakikihalubilo sa kapwa EcoSocers. Nais kong batiin ang Livewire Apps para sa isang magandang challenge night. Natuwa ako at siguradong natuwa din ang ibang nakanood nito. Sana ituloy-tuloy niyo lang ang pagiging bibo ninyong lahat. Sa aking lupon (team), isang event nalang! Sana’y nag-eenjoy kayo kahit medyo madaming kailangang gawin. Magbobonding tayo bago matapos ang sem na to okay okay??! Okay! Haha. Kailangan pa nating manalo sa Grand Trad! Egyptian Queen, woohoo! At siyempre, kailangan pa nating talunin yung ibang lupon sa Treasure Hunt, siyempre Externals-Memcom na panalo dyan! :p Naeexcite na ako!! Sa execom! Wala lang, galit galit muna tayo sa treasure hunt? Haha kaya ba natin yun? Basta alam ko panalo na talaga kami eh. Sorry nalang. :p Wooohoooo go Externals-Memcom!!!!!

“Matalino man ang matsing, matsing pa din.” Magandang araw mga ka-organisasyon! Kamusta na ang inyong mga buhay? Nawa ay matagumpay niyong nalampasan ang mga mala-impyernong linggo sa inyong buhay mag-aaral. Sana ay nakaabot kayo sa pasahan ng mga papel, nakapag-ulat ng mahusay para sa inyong mga kaso o maiging nakasagot sa resitasyon at eksaminasyon ng mga mabagsik na guro! Kung hindi naman…nawa ay magawa na natin ito ng tama sa susunod na pagkakataon. Siyempre gayumpaman, manatili sana sa ating mga puso ang diwa ng ating pagiging tunay na ekosoker!!! Sobrang malapit na ang pinakaaabalahan at pinakahihintay na pangyayari ng aking komite – The 6th National Youth Congress, isang kapit-bisig katulong ang SESC na gaganapin na sa ika-29 ng Agosto, Sabado, sa Diosdado Macapagal Hall 8:00n.u. hanggang 6:00n.g. Ito ay isang taunang pagsasama-sama ng mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang paaralang pansekondarya upang ipabatid sa kanila ang kahalagahan ng mga teoriya, pag-aaral at aplikasyon ng ekonomiks. Itatampok dito ang pananalita ng mga representatib ng paaralan, kalakalan at gobyerno ukol sa temang pangmundong kalakalan at pamagat nitong: Lego Economics: Piecing Together the World Factory. Inaanyayahan ko kayong magbolutaryo para sa pangyayaring ito at masaksihan ang tunggalian ng mga mag-aaral sa dinamikong panggrupo at tagisan ng talino! Nais kong pasalamatan ang pinakamasaya at pinakamamahal kong kasapi sa komite – Cathy, Cheenie, Cocoy, Dean, Reuel, Nads, Aira, Anjo, Cheyence, Inna, Marian, Mashee, Nikko, Ria, Crissy, Diane, Mike, Pat, Sol at Zim! Salamat sa inyong sipag at tiyaga! Dahil mawawalan na ako ng pagkakataon banggitin ang mga paparating na gawain ng aking komite sa susunod na edisyon ng Alingawngaw, heto at aanyayahan ko na kayo! Ilabas ang tinatagong kajologan sa ika-9 ng Setyembre sa pinakaaabangang Jologs Quiz Bee 12n.t.! Samantala sa ika-1 ng Oktubre, ipapakita natin ang ating pagmamahal at pasasalamat sa mga empleyado ng SE sa Alay-saPersonnel. Patuloy nawa niyo kaming suportahan at bumili ng mantou sa napakamurang halaga – P20 lang! Yehey! Mga aplikante, ipagpatuloy ang pagpapabibo sa nalalabing linggo ng aplikasyon. Eksekom, maraming salamat sa masasayang sandali at walang-patid na suporta! Mga miyembro, patuloy nating mahalin ang ating sariling wika at ang pinakamamahal nating organisasyon! Mabuhay tayong lahat!


“Birds of the same feather make a good feather duster.” Magandang araw mga Ecosocers! Tatlong buwan na ang nagdaan mula nang mag-umpisa ang semestre na ito. Marami na sa atin nag nakakaramdam ng pagod dulot ng napakaraming gawaing pang-eskwelahan. Kulang kulang dalawang buwan na lang ay makakapagbakasyon na tayong lahat kaya’t kapit lang! Konti na lang ang panahong natitira para sa semstreng ito, ngunit maraming marami pang hinanda ang Ecosoc para Setyembre, ibig sabihin ay buwan na ng ating pinakamamahal na organisasyon. Ating abangan ang iba’t ibang gawain Syempre kasama na diyan ang CARAVAN na gaganapin sa Setyembre 21, Lunes. Tayo ay bibisita nanaman sa iba’t upang magkaroon ng mga bagong kaibigan! Sana tayo ay dumalo dito.

sa inyong lahat! Malapit na mag para sa buwan na iyan. ibang mga institusyon

Maliban diyan, mayroon pang anim na CDC na natitira- tatlong pang-lunes at tatlong pang-sabado. Ang mga mga CDC na ito ay nakalagay sa board ng cdc. Marami na sa inyong mga miyembro ang nakakumpleto ng kanilang kinakailangang CDC, mabuti iyan! Mayroon ring mga aplikante ang nakakumpleto na ng kanilang limang mga CDC, mabuti rin iyan! Hindi niyo na kailangang maghabol. Sa mga miyembro at aplikanteng mayroon pa lang 1-2 na CDC, nako, dalian niyo na at baka ma-proby pa kayo o para sa mga aplikante, di kayo makapasa. Ay naku! Meron pang mga miyembrong di pa nakakadalo ni isang CDC. Masaya mag CDC! Talagang inaayos namin ang sistema upang tayo ay maging mga epektibong taga-turo, habang nag-eenjoy pa rin ang lahat- ang mga bata at ang mga Ecosocers. :) Papasalamatan ko ulit ang aking mga miyembro! Sana patuloy pa rin maging isang masayang pamilya ang ating kumite. :) Kasama na rin dito ang mga aplikante. Sana ay sa paglipas ng panahon ay nararamdaman niyo na na parte na kayo ng pamilyang CDC. Malapit na mag-grandtrad! Syempre laging ibinibigay ng CDC ang lahat pagdating sa paligsahan na ito! Nawa’y pagpalain pa rin kami ng Panginoon at manalo sa pangatlong pagkakataon! At para naman sa treasure hunt, kaya natin to Seccom-CDC-Raymond! Tayo ay pinagtatawanan ng iba kaya’t galingan natin upang sila ay mapahiya! Hahaha.

“Kapag maikli ang kumot, tumangkad ka na!” Eto naaa, ETO NAAA, HETO NAAAA WAAAAH.. ang tagalog isyu ng Echoes. Handa na ba kayong basahin ang mga artikulo? Nawa’y masayahan kayo sa aming mga kwelang pakulo tulad na lamang nang nababaliktad na isyu na ito. Ang galing noooo :> Haha. Sana wag sumakit ang inyong ulo sa pagbabasa ng wikang filipino. Magagalit si Jose Rizal niyan. (Ngunit bakit mas bihasa niya ang wikang Espanyol? HMMM.) Muli, taos puso akong nagpapasalamat sa mga tumulong sa pagbuo ng isyu nito. Napakagaling ninyong lahat. SOBRANG NATUTUWA AKO TUWING BINABASA KO ANG INYONG MGA ARTIKULO. Peksman, mamatay man si Superman. Or fine, si Batman. Salamat salamat salamat sa pagbabahagi ng inyong talento para sa mga Ecosocers! :D Ako din ay nagpapasalamat sa aking mga patnugot. Tin, brownies season na naman. Kaya natin ito! Kim, salamat sa tiyaga at suporta. Gawin nating maganda ang field trip para sa mga bata! John, wag mong isipin na ang lahat ng ito ay parusa. Sige ka, ikaw din lugi. Paolo, miyembro para sa buwan ng Hulyo! Ako ay galak na galak na ikaw ay nasa aking komite. Mia, buti na lang talaga madali lang pala baliktarin ang mga layout. Malapit na ang Gossip Girl! Patrick, handa na ang Ecosoc na makita ang iyong talento sa darating na exhibit. Bianca, maraming salamat. Sana bilisan ni Kuya Ben! Haha. Sa aking mga emo na aplikante na sina Kevin, Irene, Kenneth, Sue, Ben at Avril, kamusta naman kayo? Malapit na ang Setyembre. Maghanda sa mga proyekto ng iba’t-ibang komite. Pagbutihin ang trabaho sa Ecosoc pati na din sa eskwelahan. Acad-Sports-Echoes, grabe. Tignan mo naman. Pinagsama ang mga magagaling. Magehersisyo na kayo upang magkaroon kayo ng pagkakataon na kami ay matalo sa Treasure Hunt. AT siyrempre, mananalo ang Adhoc-Taskforce-Echoes sa Grand Trad. Humanda kayo sa da moves ni Kevin! WOOOH! PS: Execom, hindi niyo na ata sinusunod ang word count para sa balitang pang-komite :P PPS: Kinikilig ako kapag kayo ay bumibisita at nagiiwan ng komento sa Ecosoc multiply~ :)

petsa

ng


“When it rains...it floods.” Maligayang bati sa mga nag-gagandahang nilalang ng Ecosoc :) Maraming salamat sa lahat ng mga dumalo noong Ekosyante: Economista na, Negosyante pa! Sana ay marami kayong natutunan at sana ay matulungan kayo nito sa inyong mapipiling karera sa buhay. Hindi iyon ang huling event ng LIAI! Sa darating ng SEPT 10 ay ating ibabaon ang Time Capsule na syang maglalaman ng isang buong taong celebrasyon ng 5oth anniversary ng ating mahal na UP Ecosoc. Kaya naman, inaanyayahan ko kayong magbigay ng inyong time capsule entry. Maaari ninyo itong ilagay sa ‘drop box’ sa ibabaw ng pigeon hole. Salamat. :) Lubos akong nagpapasalamt at nagagalak sa aking mga apps (Camille, Mads, Nadine, Kris, Avery, Justin) at interns (Enzo, Kenneth, Irene, Alex, Ica). Kayo ang susi sa tagumpay ng nasabing programa: ang daming sponsors at ang ganda ng mga speakers. Naging daan din ito upang higit tayong magkakilanlan: kayo at kaming mga liai members. Para sa mga interns, good job. Para sa mga liai apps, galingan ninyo sa inyong mga internship ok?! Ok! Kina Jorell at Pael, salamat sa masaganang pananghalian at sa bigay todong pag-aalaga, aka “surprise”, sa liai! Benta! Kash, alam ko naman naappreciate mo iyong script ni Jes. Maraming salamat sa mabibbong paghhost at sa napakarami pang bagay. Carl at Kat, salamat sa supporta J Good luck sa iba pa ninyong exams. Sushi, naka-porma ka pang nagpunta sa kabilang unibersidad..lol Chase, sorry hindi natuloy yong genmeet. Ainna Anglim, lapit na ng eleksyon! :) *Ahem* Maiko, sorry nastress ka. hehe Jes! Kastress talaga mga speakers..lol Thank you sa magandang paghandle sa siwasyon. Sa inyong lahat, maraming maraming salamat! :D PS: Gaganapin sa September 19, 2009 ang UPSE Homecoming. Maaari lamang na inyong paalalahanan ang mga kakilala ninyong alumni ng Ecosoc/UPSE. Karlo-Fin-Liai for the win!

(Si Roda ay nakatira malapit sa Espana/Recto kaya siya ay madalas bahain.)

“Aanhin mo pa ang damo kung may shabu naman.” Nasaan ang kabataang nag-aalay ng kanilang kasibulang buhay, ng kanilang adhikain at sigasig sa kabutihan ng bansa? Nasaan ang siyang puspusang magbubuhos ng dugo upang hugasang lariat ang ating kahihiyan, ang ating kalapastanganan, ang ating kabalintuan?

Tanging yaong dalisay at walang bahid ang karapat dapat na maging alay upang matanggap ang kasalantaang ito. --Binigkas ni Padre Florentino sa El Filibusterismo

Gusto kong batiin ang aking mga miyembro na sina Madeliene Jane, Jasper Enzo, Ma. Monina Elisha, John Patrick, Carlo Miguel Romeo, Laurence Anthony, Jeanne May, Reginald Siegfried, Jessyka Mae, Donna at Paolo Emmanuel. Buong puso din akong nagpapasalamat sa aking dalawang nagagandahang kanang kamay na sina Francesca Mae at Janna Marie Giannina. Patuloy niyong pinapadali ang aking trabaho :) Maraming salamat sa mga pumunta sa huling kabanata ng Gossip Go (War of the Worlds), sa Applify at sa Pistahan, ang Grand Mems’ TBS ngayong semestre. Maghanda sa isang patimpalak ngayong Setyembre 11, 2009. Malalaman na natin kung sino ang tunay na reyna. Final Interview na sa Setyembre 28-30 at Oktubre 1-2. Mag-aral nang mabuti mga anak!


“Magbiro ka na sa lasing, magbiro ka na sa bagong gising, ‘wag lang sa lasing na bagong gising.” Magandang araw mga minamahal kong ECOSOCers! At maligayang bati kay Binibining Rodanel Cris, na ngayon ay nagdiriwang ng kanyang ika-20 kaarawan. Nawa’y pagpalain siya ng Poong Maykapal at maging maligaya ang araw na ito para sa kanya. Binabati ko rin ang mga naggagalingang miyembro ng Lupon ng mga Natatanging Pagdiriwang (SPEV) na sina Cole, Jessie, Jo, Josh, Joy, Mocca, Myra, Noreen, Reine, Ryan at Vina. Lubos ang aking kagalakan na makasama kayo sa paghahanda ng mga espesyal na pagtitipon para sa ating mga ginigiliw na miyembro. Ikinararangal ko din namang ipakilala sa lahat ang mga natira at may matitibay na loob na aplikante ng aming Lupon. Ito ay sina Ann, Chello, Carrie, Cid, Enrico, Kelvin at Ralph. Binabati ko kayo sa inyong narating at sana’y may napupulot kayong aral sa bawat pagtitipon ng ating komite. Salamat sa mga dumalo sa TBS noong nakaraang Sabado (ika-22 ng Agosto). Sana’y natuwa kayo sa aming mga inihanda para sa inyo. Maraming salamat din sa mga minamahal kong kasamahan sa Lupon ng mga Ehekutibo sa pagsuporta, hindi lamang sa nagdaang pagtitipon, kung di pati na rin sa lahat ng masasayang pagkakataon ng ating pagsasama. Salamat Raymond, Karlo, Triszh, CJ, Maui, Nandz, Gel, Leslie, Roda, Sieg, at Ogie. Bago pa tuluyang maging emosyonal at makabagbag-damdamin ang aking mga sinasabi, narito na ang anunsyo para sa natitirang programa ng SPEV para sa inyo. Sa Setyembre, ang mga intern ng aming komite ay naghanda ng mga programa para sa unang linggo ng buwan. Layunin ng pagdiriwang na ito na mapasaya at aliwin kayong lahat at magbigay daan na rin para magkakilalan na ang bawat isa, lalo’t patapos na ang semestre. Ang linggong ito ay magtatapos sa pinakamasayang pagtitipon ng mga miyembro at aplikante ng organisasyon. Ito ay ang Paghahanap ng Kayamanan at Gabi ng mga Bisyo! Humanda na kayong maglakbay sa buong mundo para hanapin ang mga natatanging kayamanan ng organisasyon gamit ang inyong sariling eroplano. Pagkatapos ay magpakasaya buong gabi dahil ang mga paborito niyong bisyo ay aming ihahatid sa inyo nang libre. :) Ang lahat ng ito ay gaganapin sa unang araw hanggang ika-apat ng Setyembre. Huwag kalilimutan! :) Lubos na sumasainyo, Marianne Pahabol: Paunang pagbati para sa kaarawan ni Bb. Monica Raymundo (ika-29 ng Agosto) Bente-uno ka na, pwede na mag-kasino!

“Batu-bato sa langit, ang tamaan... sapul .” MALIGAYANG BUWAN NG WIKA ECOSOC! Sana mabuti ang lahat. Lalo na sa panahon ng sunod-sunod na eksaminasyon! Marapat na pasalamatan din ang mga nagkumpini ng katatapos na schoolympics! Sana ay manatili ang simbuyo ng damdamin para sa pampalakasan na siyang sanhi ng pagkakaroon ng tulay tungo sa pagkakaibigan. Gusto kong batiin ang lahat ng nakilahok sa naganap na MBA! Higit na pasalamat ang nais kong ibahagi sa lahat ng tumulong sa pagkukumpuni ng nasabing kaganapan. Ang aking NAPAKAGALING AT NAPAKABIBBONG KOMITE at ang mgaAPLIKANTENG TUMULONG! Maipagmamalaki ko ang lahat ng nagawa ng mga indibidwal na nagkaisa upang isaayos ang kaganapang ito. Tunay na pinagpala ako sapagkat biniyayaan ako ng napakahusay na miyembro ng aking komite. Nais ko ding bigyan ng pugay ang aking DALAWANG NAPAKAHUSAY NA VICE CHAIRS na sina BIANCA AT VAN na patuloy na nagpapamalas ng kanilang kakayahan di lamang sa komite ng pampalakasn kundi sa buong ecosoc. Sa parating na buwan abangan ang huling yugto ng SPORTSCUP! Magkakaroon ng iba’t ibang ui ng palaro na syang magpapamalas ng kagalingan ng bawat miyembro at aplikante n gating natatangin organisasyon. Lahat ay inaanyayahan na makilahok! Abangan sa buwan na ito ang BAGONG KASANGKAPAN sa tambayan!! Hatid sainyo ng SPORTS!


Balitang CDC

10

Mahigit sa isandaang residente ng Pook Amorsolo ang nakilahok sa libreng gamutang ito. Karamihan sa mga naging pasyente ay mga nanay na dala-dala ang kani-kanilang mga supling at mga matatandang mamamayang nakatira malapit sa bulwagan ng barangay. Mayroong siyam na boluntaryong manggagamot na lumahok sa libreng gamutang ito. Walo ay mula sa Philo Medica Scientia ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Sila ay sina Julie Ann Lopez, Mary Jofel Castrillo, Gielaine Banzuela, Jenna Rubio, Hanna Trissia Sumabong, Ayna Due, Kristel Morales, at Guinevere Pabayos. Nakilahok din si Dr. Noel Declines bilang isang boluntaryong doktor.

LIBRENG GAMUTAN PARA SA POOK AMORSOLO

Ang bawat komite ng Ecosoc ay may kanya-kanyang tungkulin na kailangang gampanan sa nasabing gamutan. Nagsilbing tulong ang mga miyembro ng Academic Affairs at Sports committee sa mga doktor; ang Finance committee ang namahala ng rehistrasyon; namahala sa distribusyon ng gamot mula sa “mini-pharmacy” ang mga miyembro ng Secretariat, Liaison, at External Affairs committee; ang Membership committee ang siya namang nagpanatali ng kaayusan sa linya ng mga pasyente; ang mga miyembro ng Echoes at Special Events committee naman ang naging mga “runners”, o ang nagsasabi sa mga manggagamot kung may mga gamot na ubos na.

NI IRENE ARZADON

Ang CDC ay nagpapasalamat sa mga sumusunod: sa walong boluntaryong manggagamot mula sa Philo Medica Scientia, Dr. Noel DeNagsagawa ng isang libreng medical mission ang Community Develop- clines, UNILAB, Mrs. Janet David, at ang Merck and Boeringher Philipment committee noong ika-8 ng Agosto sa Pook Amorsolo na matatag- pines. • puan sa Barangay UP Campus, Lungsod ng Quezon.

ISANG SABADO, INIALAY SA BUWAN NG WIKA NI JAUHARI AZIS

Nakiisa ang Kalipunang Pang-ekonomiya (Economics Society) at ang Komite sa Pagpapaunlad ng Komunidad (CDC) sa paggunita ng Buwan ng Wika sa pamamagitan ng isang malikhaing palatuntunan para sa mga bata mula sa Pook Ricarte noong Sabado, ika-15 ng Agosto, taong 2009. Nagsimula ang araw sa pagkanta ng Pambansang Awit sa pagkumpas ni Bb. Francesca dela Cruz. Sinundan ito ng maikling pahayag mula sa tagapangulo ng nasabing Komite na si Bb. Angelica Fernandez, kung saan niya ipinaliwanag sa mga bata ang kahalagahan ng nasabing okasyon. Sabik naman silang sumagot sa mga katanungan ni Bb. Fernandez tungkol sa Buwan ng Wika. Di naglaon, nagsilipana ang mga bata sa iba’t ibang sulok ng tambayan -- kasama ang kanilang mga ate at kuya sa kalipunan -- na gumuguhit ng mga bagay na kanilang tawid-gutom para sa lahat. Nang makakain na ang lahat, inanunsyo ni ipinagmagmamalaki bilang isang Pilipino. Bb. Fernandez na ang larawan ng Simbang Gabi -- isang natatanging Bilang espesyal na handog, tinuruan ni Bb. Jeanne May Jam- tradisyon na ginagawa dito sa bansa tuwing Pasko -- na iginuhit ni Julius pac, kasama ni G. Jau Azis, ang ilang mga bata at miyembro ng isang ang ilalathala sa isyung ito ng Alingawngaw (Echoes). simpleng katutubong sayaw. Ang iba ay nanatili sa loob ng tambayan Bakas sa mukha ng mga bata ang lubos na kaligayahan mula upang gumawa ng mga maliliit na bandila ng Pilipinas, o di kaya’y na- glalaro ng mga larong kalye kasama ang mga miyembro sa Econ Atrium. sa umagang iyon na puno ng asal sa pagmamahal sa sariling wika at Tiyak na napagod ang mga bata sa sunud-sunod na mga bansa. • aktibidades, kaya’t minabuti ng Komite na maghanda ng simpleng pan-


11 APPLIFY!

NI MAXIMILLIAN KHO Sa gabi ng Agosto 20, pagkatapos ng ACLE sa unibersidad, nagsalu-salo ang mga kasapi ng UP Economics Society para sa isang gabing inihandog ng mga aplikante, ang “Challenge Night” na pinamagatang “Applify.” Isa itong gabi na naglalayong maipakita sa buong Ecosoc ang angking mga talento at kakayahan ng mga aplikante. Ginanap ito sa Bulwagang Palma, silid bilang 400. Pagpasok pa lamang sa loob, kapuna-puna na ang kahandaan at atensyong ibinigay sa detalye. Bukod sa mga disco/strobe lights na nagbigay ilaw sa harapan, may kasama pang smoke machine na nagbigay ng kakaibang malamig na simoy.

Balita ECOSOCERS, NAGKASIYAHAN SA PISTAHAN! NI KENNA BARIT

Noong ika-22 ng Agosto, nagsama-sama ang mga miyembro at aplikante ng UP Ecosoc para makibahagi sa Grand Mems-Apps Team Building Seminar na pinamagatang “Pistahan: Ang Pinakahihintay na Mala-pistambayang Dakilang Pangkagawad na Sesyong Pantaguyod ng Pakikipagkoponan!” Ito’y ginanap sa Xavierville Clubhouse, ganap na alas-nuebe ng umaga. Ang Grand Mems-Apps TBS ay inoorganisa ng mga komite ng MemCom at SPEV kada semestre upang mas mapalapit ang mga miyembro at aplikante sa isa’t isa. Inumpisahan ito ng isang dasal at mensahe mula sa presidente. Para sa unang bahagi, ang mga miyembro muna ang nakipagkilanlan sa isa’t isa. Ang unang aktibidad ay ang paligsahan sa pagkain kung saan inihati ang nasabing laro sa apat na bahagi. Una, kakainin ng isang miyembro ang hotdog na nakasabit sa beywang ng isang kakampi. Ikalawa, kakainin ang mga mani na nakapatong sa binti ng kakampi. Ikatlo, pipisatin ang talong na nakasabit sa beywang ng kakampi. At ika-apat, babasagin ang mga itlog na nakasabit sa leeg ng magkakampi. Ang ikalawang aktibidades naman ay tinatawag na “trust fall” kung saan tumayo ang mga miyembro sa gilid ng pool na nakatalikod, sabihin ang kanilang mga pangako at kasalanan sa organisasyon, at saka magpahulog sa pool habang may mga taong sasalo sa kanila doon. At ang ikatlo ay ang UBE game, kung saan kailangang hulaan ng kakampi kung sino ang nasa likod niya sa pamamagitan ng pag-akto ng kanyang mga kakampi.

Nagsimula ang programa sa isang panalangin na inalay ng mga aplikante para sa yumaong presidente na si Gng. Corazon C. Aquino, alinsunod na rin sa pagdiriwang ng Ninoy Aquino Day sa susunod na araw. Habang ipinapalabas ang AVP tungkol kay Tita Cory, namangha ang lahat sa mala-artistang pagkanta nina Sol at Ralph sa awiting inialay Ta n g nila dito habang itinutugtog ni Irene Arzadon ang kanyang gitara. halian ang sumunod at ito’y labis Sa pagdating ng mga host na sina Patty Bucao at si Myk na ikinatuwa ng Narciso, sinimulan na ang kasiyahan. Sinundan ito ng isang fashion mga Ecosocers show ng mga aplikante mula sa Academic Affairs, Liason at Secretariat sapagkat isang committees na may temang Lady Gaga. Katambal nila ang groupo nina buong lechon ang Cocoy sa pagsayaw sa kantang Poker Face na inawit nina Ica at Mads. kanilang pinagHindi naman nagpatalo ang mga aplikante mula sa CDC at Sports com- saluhan. Kasabay mittees sa kanilang hiphop fashion show, na may sayaw na hip hop nito ay ang pagna pinamunuan nina Simone Carpio at Kevin Estopace. Bago tinapos susulat ng liham ang nasabing fashion show at sayawan, nagkaroon ng isang palaro, ang para sa mga taong Ecosoc Feud, kung saan naglaban ang dalawang groupo, ang groupo nandun sa TBS. ni Karlo Patron at ang groupo ni Raymond Zabala. Mainit ang labanan Pagkatapos kusapagkat mahusay ang dalawang grupo ngunit sa huli, nagtagumpay main, nilaro ang ang grupo nina Raymond. Sa kabuuan, naging masaya naman ang lahat “bridge”. Hinati sa apat ang mga Ecosocers at saka pinalinya ng parang sa kinalabasan. Sa pagbalik ng fashion show, ipinakita ng mga aplikante krus (+). Dapat makatawid ang lahat ng miyembro sa katapat nilang mula sa Echoes at Finance committees ang Emo fashion show na si- linya nang hindi lumalagpas sa mga guhit. Kahit na naging matagal at nundan ng pagaawit ng “Broken Strings” nina Simone at Ica. Sa huling masusi ang bawat galaw, nagawang tapusin ang aktibidad dahil na rin fashion show, kasama ang mga aplikante mula sa SPEV at External Af- sa pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat kasali. At para sa huling laro fairs committees, kanilang binigyang buhay si Michael Jackson pati na rin ay ang “Mary Goes to the Market”, kung saan kinakailangang lumangoy ang Westlife, Spicegirls sa isang pop fashion show na pinangunahan nina ng mga kasapi upang kunin ang mga gulay sa kabilang gilid ng pool. Louise Legaspi at Gab Roque. Para sa pinakahuling parte ng programa, Sinundan ito ng batuhan ng water balloons at pag-swimming. tinapos ng mga apps ang Applify sa sayaw na “Nobody” na sinabayan ng lahat ng mga aplikante. Natapos ang buong TBS ng mga alas-kwatro ng hapon. Naging masaya at makahulugan ang nasabing aktibidad para sa mga miy Naging matagumpay at masaya ang Challenge Night ng mga embro at aplikante ng Ecosoc sapagkat nagbigay daan ito sa pagbuo aplikante. Lahat ng tao, miyembro man o aplikante, ay lubos na nasiyah- ng mga bagong pagkakaibigan at samahan para na rin sa ikabubuti ng an sa pagsayaw sa disco habang ang iba naman ay kumain ng pagkaing buong organisasyon. • ihinanda sa labas. Higit sa mga litrato at karanasan na kanilang iuuwi ay ang mga pagkakaibigan na kanilang aalagaan at pagyayamanin matapos ang kanilang aplikasyon. •


Balita

12

MEMBERS, PINABAGSAK ANG MGA APPS NI PERS BETANA

Magandang panahon ang sumalubong sa mga miyembro at aplikante noong ika-24 ng Agosto 2009 para isagawa ang Members Bersus Apps (MBA) sa Tierra Pura covered courts na dinaluhan ng humigit kumulang 25 mems at 40 apps. Ang MBA ay isang pagtitipong inorganisa ng Sports committee kung saan magpapatagisan ang mga miyembro at aplikante sa iba’t ibang mga laro na magpapamalas sa kani-kanilang tibay ng loob, lakas at talino. Layunin nitong pag-isahin at paglapiting-loob ang mga mems at apps sa pamamagitan ng paglalaro. Nais rin nitong ipakita ang kahalagahan ng “sportsmanship”, “teamwork” at “camaraderie” sa miyembro sa pang-babae at pang-lalake na dibisyon. Sa pang-babae “well-being” ng isang tao na siya namang gustong ipamana ng EcoSoc na basketball, nakapagtalaga ng siyam na puntos ang mga miyembro at tatlo naman sa mga aplikante. Mahigpit ang laban sa pang-lalake na sa kanyang mga aplikante. basketball. Sa unang kalahati ay nakalamang ang mga aplikante ngunit Sinimulan ni Trixie Garcia, miyembro ng Sports committee, nalampasan din ito ng miyembro nang patapos na ang oras. Natapos ang programa sa pamamagitan ng isang dasal. Pagkatapos ay nanumpa ang laro sa 37-33, pabor sa miyembro. ang lahat na maging mabuting manlalaro para sa ikatatagumpay ng Samantala ang grupong aplikante ay nanalo sa extreme MBA. drinking contest, jackstone at dodge ball. Sa extreme drinking contest ay Binubuo ng sampung laro ang MBA. Pito sa mga ito ang napainom ng tig-isang shot ng pinaghalong toyo, wasabi at sili, arnibal, napanalunan ng grupong Mems. Ito ay ang mga sumusunod: cheer- suka, isang basong ampalaya juice at asukal ang dalawang miyembro at ing competition, endurance game, Pepsi drinking contest, women’s and aplikante. Isang aplikante lamang ang nakaubos ng panghuling inumin. men’s basketball, futsal, at balloon wars. Sa kabuuan, ang MBA ay matagumpay na nairaos at lahat ay Sa larong basketball, parehong nanalo ang grupo ng mga umuwi nang pagod pero masaya. •

ISA, DALAWA, TATLO ... KUSKOS! NI MARECA DOMINGO

Walis dito, punas doon, buhat dito, lampaso roon. Ilan lang yan sa mga ginawa ng mga aplikante sa naganap na Clean App noong nakaraang Lunes. Sa unang tingin, mukhang napakahirap linisin ng tambayan ng Ecosoc dahil napalaki nito. Napakaraming trophies, libro at kung anu-ano pa na dapat linisin. Maliban pa rito, katatapos lamang mag-MBA ng mga aplikante. Ngunit, hindi ito naging hadlang para maging matagumpay ang nasabing gawain dahil na rin sa kasipagan at patutulungan ng mga aplikante. Sinimulan ang paglilinis nang ilabas ang mga gamit sa loob ng tambayan. Dahil sa tulong ni Ate Triszh at ng iba pang Execom, naging maayos ang paglalabas ng mga gamit. Hindi pa man nailalabas ang lahat ng mga gamit, bumulaga na sa mga aplikante ang mga naipon na mga alikabok sa ilalim ng mga kagamitan sa loob ng tambayan. Nadaan naman ito sa maiging pagwawalis. Nang matapos ang gawaing ito, ang paglilinis naman ng mga trophies ang inatupag ng mga aplikante. Ang pinakamasaya at pinakamahirap na bahagi ng paglilinis ng tambayan ay ang paglalampaso ng sahig. Inabot rin ang mga aplikate ng mahigit isang oras sa pagkukuskos ng sahig. Nakapapagod man, naging daan naman ito upang maging mas malapit pa ang loob ng mga aplikante sa

isa’t isa. Natapos ang kanilang paglilinis sa pagbabalik ng mga gamit sa kanilang orihinal na posisyon. Sa pagtatapos ng araw na iyon, bagaman madungis at pagod ang mga aplikante, naging maganda naman ang bunga ng paglilinis. Sino nga bang mag-aakala na ang paglalampaso, paglalabas ng mga mabibigat na gamit at pagiimis ay magiging isang napakasayang gawain? •


13 ARTista: AKO, IKAW, TAYONG LAHAT NI SELENA ORTIGA

Balita Inimbitahan ng mga tagapag-ayos ng seminar ang dating Ecosoc Seccom chair at itinalagang “National Artist ng Econ” na si Bb. Andrea Pua upang magbahagi ng kanyang angking talento sa photoshop. Namangha ang lahat sa mga istilo at kaparaanan na kanyang itinuro.

Habang pinakikinggan ng mga dumalo ang mga tagapagNoong ika-8 ng Agosto, ipinakita ng iba’t- ibang mag-aaral ng Unibersi- salita, minabuti ng mga tagapag-ayos ng naturang aktibidad na magdad ng Pilipinas ang kanilang pagkabenta ng AkoMismo dogtags, T-shirts ARTista sa pagdalo sa ARTista Ako, at ARTista pins. Sa bawat piraso ng Ikaw, Tayong Lahat, na inihandog ng dogtag na maibebenta, limang piso Ecosoc, katuwang ang UP Advertising dito ay mapupunta sa CDC. Core at ang organisasyong AkoMismo. Ito ay isang Photoshop Work Ang ARTista Ako ay bahagi lamang shop na naglalayong ipakita sa lahat ng kampanya ng Ecosoc para sa mga na ang pag-aaral ng photo editing ay kasapi nito tungo sa pagkamulat sa kayang-kaya gawin ng sinuman. mga isyung panlipunan. Samantala, ang ARTista Ikaw ay isang paligsa Bago nagsimula ang Phohang print media kung saan maaartoshop Workshop, ipinakita muna ng ing ipahayag ninuman ang kanilang mga representatibo ng Ako Mismo sagot sa tanong na “Ano mismo ang ang kanilang mga adhikain at kamgagawin mo?” sa anyo ng isang pubpanya. Ipinakita nila ang pagkakaisa licity material. ng iba’t-ibang Pilipino mula sa iba’tibang antas ng lipunan na may iisang Ang mga napiling entries ay ipalayunin: ang pagpaganda sa kinabukpakita sa ARTistaTayo: Sama-sama! san ng Pilipinas. Kanilang isinaad ang sa Shangri-la Mall mula ika-25 hangkakayahan ng bawat Pilipino na makibahagi sa adhikaing ito. gang ika-28 ng Agosto. • laysay ng kanilang karanasan sa mundo ng negosyo. Unang nagsalita si Olivia Limpe-Aw, pagkatapos ay si Rona Katrina Jasa, at ang huli ay si Eric Puno, ang may-ari ng Yellow Cab. Sumunod naman ang pananghalian, kung saan Yellow Cab ang inalay sapagkat isa sa mga sponsor ng Ekosyante ang nasabing restawran na lubos na. ikinatuwa ng mga estudyanteng kalahok. Nang matapos ang kainan, tumuloy naman ang seminar sa pangkahulihang tagapagsalita ay si Leah Delo Castillo, ang punong patnugot ng Entrepreneur Magazine. Siya na rin ang nagtapos sa Ekosyante kung saan siya nagpamahagi ng mga libreng kopya ng Entrepreneur. Bukod sa Yellow Cab at Entrepreneur, ang ibang nakihandog ng Ekosyante ay ang John Robert Powers at Fortun, Narvasa & Salazar. Ang mga pangunahing sponsor naman ay ang Healthy Options at Studio 87, habang ang pangalawang mga sponsor ay ang Big Better Burgers at Chinabank. •

EKOSYANTE: EKONOMISTA NA, NEGOSYANTE PA NI KENNETH REYES

Noong ika-10 ng Agosto, naganap ang Ekosyante: Ekonomista Na, Negosyante Pa, isang career talk na isinagawa ng Liason Committee ng UP Economics Society sa silid 105 ng School of Economics. Isa itong seminar na tumatalakay sa pagiging isang negosyante sa harap ng kasalukuyang pandaigdigang krisis. Sina Bb. Jessica Sanchez at G. Kash Salvador ang mga namuno sa nasabing seminar. Si G. Joy Guevara, isang propesor sa College of Business Administration, ang unang tagapagsalita. Ipinaliwanag niya sa halos pitumpung estudyante ang kahulugan ng pagiging isang negosyante at ang mga kakayahang kailangan para sa okupasyong ito. Sumunod sa kanya ay tatlong negosyanteng nagsa-


Balita

14

MGA APLIKANTE, SINIYASAT SA MID-SEM CHECK-UP

Komiteng Tagapagpaganap (Executive Committee) ang nagsilbing tagapanayam habang inalalayan naman sila ng mga Katuwang na Tagapangulo (Vice-Chairpersons). Noong mga linggo bago ang nasabing panayam, ang karamihan ng mga aplikante ay nirepaso ng kanilang mga katiwala (guardians) ukol sa mga paksa ng Mid-Sem Check-Up. Kabilang sa mga paksang ito ang kasapian ng Execom at ang kanilang mga katuwang na tagapangulo, ang kasapian ng kanilang mga komite sa Ecosoc, ang mga kinatawan ng Ecosoc sa JPES at PhilCes, at ang katangiang socio-civic ng samahan. Si Mhela Calugay, isang aplikante mula sa unang taon, ang nagkamit ng pinakamataas na marka sa Check-Up. Ang kaniyang marka na 100.5% ay mas mababa ng kaunti sa markang pinakamakakamit na 103% (na siyang kinabibilangan ng 3% karagdagang puntos na pwedeng ibigay ng mga tagapanayam), ngunit ‘di hamak na mas mataas sa 92.25% na markang median. \ Nauna nang ipinaalam ni Sieg Alegado, Tagapangulo ng Komiteng Pangkagawad, na lalagdaan na niya ang mga sigsheet ng mga aplikanteng makakukuha ng markang 95% o mas mataas pa sa CheckUp. Nangangahulugan ito na 17 aplikante na ang maaaring makamit ang nasabing lagda. Sa kaniyang mensahe sa mga aplikante, hiniling din niya na sila’y maging “mas aktibo” dahil kaya pa nila pagbutihin ang kanilang pagsali sa Ecosoc, “anuman ang nakuha nilang marka” sa MidSem Check-Up. Ang natitirang limampu’t walong (58) aplikante ng Ecosoc ay sumailalim sa Mid-Sem Check-Up na idinaos sa tambayan mula ika-3 hanggang Ang Mid-Sem Check-Up ay katumbas ng 9% ng marka ng ika-7 ng Agosto 2009. aplikante para sa semestreng ito, tatlong puntos na mas mababa kaysa sa nakaraang semestre kung saan ito’y katumbas sa 12%. • Gaya ng mga nakaraang semestre, ang mga kagawad ng

NI PAOLO TAMASE

HULING U.B.E. NG SEMESTRE, MATAGUMPAY NI AUDREY AUSTRIA

Nagmistulang Ikalawang Digmaang Pandaigdigan sa SE back parking lot noong Agosto 7, 2009 ganap na ika-5 ng hapon nang ilunsad ng Membership committee, sa pakikipagtulungan ng External Affairs Committee, ang huling yugto sa serye ng mga Ultimate Bonding Experience na pinamagatang ‘When Worlds Collide: Which Side Are You?’ Ang nasabing UBE ay isang modified version ng agawan base kung saan hinati ang mga nagsipagdalo sa dalawang koponan – ang Team Aw at Team Patron. Ipinaliwanag ni WillJ Sarmiento ang mga gabay sa paglalaro ng agawan base. Layon ng nasabing laro na makatawid ang grupo sa kabilang base nang walang naiiiwang kagrupo mula sa orihinal nilang base. Iba’t-ibang istratehiya ang sinubukan ng dalawang koponan upang matagumpay na makatawid sa base ng kalaban. Mayroong iba na pumili ng mga ilang ispesipikong miyembro ng kabilang koponan na bibiktimahin; kanilang sinubukang pigilan ang mga ito sa pagtawid sa kabilang base. Sa unang yugto ng laban ay nasulot ng Team Aw ang puntos. Hindi naman nagpatalo ang Team Patron sa ikalawang yugto. Naka-iskor din sila na siyang naging dahilan upang magkaroon ng tiebreaker. Bahagyang binago ang mechanics ng laro upang lalong tumindi ang labanan sa pagitan ng dalawang koponan. May itinakdang ta-

ong bibihagin ang mga magkabilang grupo at layunin nilang mailipat ito sa kanilang orihinal na base. Naging madugo ang labanan sapagkat ang lahat ay nagtulakan at nagkahilahan para lamang manalo. Sa bandang huli ay namayagpag ang Team Aw. Nagtapos ang nasabing aktibidad sa isang talumpati mula sa mga pinuno ng Membership committee at External Affairs committee na sina Sieg Alegado at Maui Rabuco. Inihayag nila na ang layunin ng nasabing UBE ay hindi lamang upang magsaya ngunit upang magsilbi rin itong daan na makilala pa ang isa’t-isa, mapa-miyembro man o aplikante. •


15

Balita

FRIENDSHIP WEEK, IDINAOS NI HAZEL SUMAMPONG

Ipinagdiwang ng tatlong organisasyon mula sa School of Economics, ang Economics Society, Organization of Business Economics Majors at Economics Towards Consciousness, ang Friendship Week noong Agosto 18-20, 2009. Layon ng pagdaraos na pag-isahin ang mga samahan at pagbukludin ang mga miyembro. Pormal na inilunsad ang nasabing selebrasyon noong Agosto 18, Martes, sa tambayan ng mga kalahok na organisasyon. Pinangunahan ito ng mga pangulo na sina Raymond Zabala ng EcoSoc, Jay Torrenueva ng OBEM at Gene Herly Delizo ng ETC. Masiglang pinasinayanan ng mga pangulo ang maikling programa kung saan ipinaliwanag ang mga layunin ng pagdaraos at inanyayahan ang lahat na makilahok. Malugod naman ang naging pagtanggap ng mga miyembro na malisking sumali sa mga palaro tulad ng relay at ilan pang pangkatang kompetisyon. Sentro ng isang linggong pagdiriwang ang panibagong ayos ng tambayan. Pinusisyon ang mga upuan at kasangkapan sa pamamaraang bukas ang malaking espasyo para sa lahat ng miyembro. Ito ay alinsunod sa mithiin ng mga pangulo na bumuo ng isang magiliw at nakalulugod na kapaligiran kung saan malaya ang lahat na magpalitan ng kuru-kuro at makibahagi sa parehong aktibidad.

BALITAKTAKAN SA JPES, NGAYONG LINGGO NA! NI DEAN DULAY

Bagamat sandali lamang ang proyekto, umaasa ang mga pangulo na malaki ang maitutulong nito upang magkakilala ang bawat isa, magkabahagian ng ideya, lalo’t higit, makapagbalangkas ng kalutasan sa mga magkakatulad na suliraning kinahaharap ng bawat isa. Nais ng pamunuan na maramdaman ng mga miymebro ang pagkakaisa at maituring ang tambayan bilang isa na ring tahanan. •

sa kanilang balitaktakan upang makamit nila ang kanilang mga minimithi at umabot sa finals ng debate, sa susunod na Linggo, Setyembre 6. Samantala, kailangan naman ng mga aplikante na pumunta sa isang balitaktakan ng JPES para malagdaan ang kanilang mga sigsheet ng mga representatives ng JPES, kung hindi man sila pumunta sa Indulge.

Pagkatapos ng isang gabi ng kasiyahan noong Indulge, magsisimula na naman ang isang masayang kaganapan. Ngayong linggo, Agosto 30, Bukod pa rito, mabibili na ang JPES T-Shirt at ang JPES 2009, gaganapin sa St. Raymund’s Building sa Unibersidad ng Santo Memcard. Kung kayo ay interesado sa mga produktong ito, lumapit lang Tomas ang elimination round ng JPES Debate. sa isa sa mga Junior Officer, Junior representative o kay Bb. Jeanne May Jampac. • Suportahan natin ang ating mga debaters galing sa Ecosoc

PHILCES-NEDA ALLEGIANCE

ng Santo Tomas. Ito ay pinamagatang, “The ERP & GRIN: An Evaluation of Current Economic Policies and Condition” kung saan nagtalumpati si Ginoong Dennis M. Arroyo, ang direktor ng National Planning and Policy ng National Economic and Development Authority (NEDA). Naging matagumpay ang nasabing pangyayari sapagkat dinaluhan ito ng Sa pagpapaigting ng dakilang layunin ng Philippine Council of Econom- maraming estudyante mula sa mga kasaping organisasyon ng PhilCES. ics Students (PhilCES) na pinamagatang: “PhilCES, We are.”, ipinagpa- Makabuluhan ang naging usapan sa pagitan ng mga estudyante at sa patuloy ng organisasyon ang pagkakaloob ng mga makabagong pulong tagapagsalita. upang magbigay-daan sa pagkakaisa ng mga teoryang pangekonomiya at ang aktwal na gamit nito, itaguyod ang pangkalahatang kaalaman at Dahil sa ang unang serye ng PhilCES-NEDA allegiance ay interes sa ating ekonomiya, at kumatawan sa papel na ginagampanan naging kasabay ng Grand Mems TBS, nabibilang lamang sa mga kasapi ng kabataan sa kaunlaran. Dahil dito, itinatag ang “PhilCES-NEDA Al- at aplikante ang nakadalo. Inaanyayahan kayo ng PhilCES na dumalo sa legiance”; isang proyektong binubuo ng dalawang kaganapan: ang “The mga susunod na serye. Ang susunod na paksa ay tungkol sa Economics Project Roadmap 2020” (pang-NCR at rehiyonal na serye) at ang “Per- & Employment: Security and Sustainability in the Labor Market. Ito ay sonifying Economics” (binubuo ng paligsahan ng “Photo-Journalism” at gaganapin sa Setyembre. Abangan na lamang ang mga detalye mula “Independent Digital Film Making”). sa mga kinatawan ng PhilCES. Pinapaalalahanan ang mga aplikante na

NI ARCHIE BEZ AT RIA SIBULO

malugod na lalagdaan ng mga kinatawan ng PhilCES ang inyong mga Noong ika-22 ng Agosto 2009, ang unang serye ng “The pilas ng papel na puno ng lagda (sigsheet) sa inyong pagdalo sa isang Project Roadmap 2020” ay ginanap sa Rizal Auditorium ng Unibersidad pangyayari ng PhilCES. •


The Finance Committee would like to Nagpapasalamat ang Finance thank: Committee sa mga sumusunod:


The Finance Committee would like to Nagpapasalamat ang Finance thank: Committee sa mga sumusunod:


Nagpapasalamat ang Finance Committee sa mga sumusunod:


Nagpapasalamat ang Liaison Committee sa mga sumusunod:


Nagpapasalamat ang Liaison Committee sa mga sumusunod:


Nagpapasalamat ang Liaison Committee sa mga sumusunod:


Nagpapasalamat ang Liaison Committee sa mga sumusunod:



YMECOSOC YMECOSOC YMECOSOC ika-25 ng agosto, 9:15 ng gabi

24



26



Kapag nababanggit ang salitang “party,” ang kadalasang pumapasok sa isip ng mga taong kilala ko ay ang nagtataasan at nagmamahalang clubs sa may Fort. Puno ng mga matitingkad na ilaw at walang tigil na musika, ang mga high-end na mga club na ito ay tinitingala. Ngunit meron din namang nasa hindi kalayuan. Kabilang dito ang Holy Trinity ng Katipunan – ang Drew’s, Coastnet at Cantina. Ang pag-party ay hindi lang naman nalilimita sa mga clubs at pag-inom. Kung tutuusin, higit pa diyan ang ibig sabihin nito. May house party, o party sa beach. Meron ding tuwing birthday at merong pribado. Kahit nga mag-isa ka lang, maaari ka nang pumarty. Basta may kasiyahan, may party. Bilang inyong livewire of the party, nirerekomenda kong subukan niyong pumunta sa ilang kasiyahang hindi niyo kadalasang pinupuntahan. Sabi nga nila, maikli lang ang buhay para sa mga bagay na pauli-ulit mo lang gagawin. Hindi masamang tumaliwas sa iyong nakasanayan. Mag-enjoy ka at gawin mo lang! Para sa ‘kin, Cebu ang

sa aking tingin, hanggang ngayon.) Madami na ngang mga nasulat at antolohiya ukol sa Malate. Paano ba naman, napakaraming bagay na makikita rito! Mga tindahan na tanging sa Malate mo lang makikita, mga tanawing tila ibabalik ka sa panahong Espanyol (ang Starbucks nga dito ay may pagka-Hispanic ang pakiramdam), ang mga dilaw na ilaw at ang walang tigil na daloy ng mga tao. Maganda ring makipagkilala sa mga tao rito dahil may itsura sila! Para mas mabigyan kayo ng ideya ng party lifestyle, kinapanayam ko ang dalawang Ecosocer na talaga namang may masasabi sa ganitong paksa – sina Lia Lontoc ng Truly at Ray Francisco ng Golden. Ako mismo ay sumagot din ng ilang katanungan – livewire of the party naman ako, ‘di ba? Anong klase ng party ang gusto mo at bakit? Lia: Kahit ano. Importante lang naman kung sino yung kasama, basta masaya sila. :)

KKK: KASIYAHAN AT KALIGAYAHAN SA MAY KATIPUNAN pinakamagandang lugar para mag-party hindi lang dahil sa ganda ng lugar mismo, kundi masaya rin kasing kasama ang mga Cebuano! Marunong silang makisaya at sumabay sa mga indak ng musika at pagpatay-sindi ng mga ilaw. Minsan, nakapunta ako sa isang wet party doon. Nasa dalampasigan siya, bukas sa lahat at sa dance floor ay may shower na patuloy na bumubuhos! Pero masasabi kong ang tunay na tumatak sa aking isipan ay ang mga taong doon ko lang nakilala pero parang matagal na kaming magkakasama. Pero hindi ka naman makapupunta sa Cebu ng basta-basta, kaya para sa mga naghahanap lang ng madaling mapupuntahan, bakit hindi niyo subukang mag-Malate? Bago pa man nagkaroon ng tingin na madaming prosti sa lugar na ito, isa na itong party haven ng lungsod (at

Ray: Maingay, matao, ma-alak. Kailangan ng alak para sa ingay, kelangan ng ingay para sa tao’t kelangan ng tao para sa alak (bantay). Saan ka kadalasang nagpupunta para mag-party? Lia: Sa mga club or sa bahay ng mga kaibigan ko. Ray: Kung saan meron nung tatlo (nangangahulugang “kahit saan”) Sino ang mga madalas na kasama mo? Lia: High school barkada, mga pinsan. Ray: Kadalasan ‘di ko maalala, basag. Gumagamit ka ba ng alias o ibang pangalan kapag nagpapakilala sa isang party? Kung hindi, ano ang gagamitin mo kung sakali? Lia: Hindi naman haha! Kung gagamit man

ako, baka… Ray: Wala. Sa totoo lang, hindi Ray ang tunay kong pangalan, kaya’t masasabi kong alyas na rin ito. Jamoy: Binibining 0916.968.9474 o kaya’y Binibining 0916.YOU.WISH. Kung hindi mo ito naiintindihan, basahin ang unang isyu. Sa tingin ko maganda rin ang pangalang Maharlika Gandanghari o Grasya Bahaghari, ano sa tingin mo? May nakilala ka na bang interesting sa mga napuntahan mong party? Lia: Sikretong malupet ;) Ray: Belle Jarligo – 09158346787 Nasubukan mo na bang gumawa ng “ibang bagay” sa party? Lia: Haha! Ray: Noon nakaraang semestre, madalas.


Ano party ang pinaka-hindi mo makakalimutan? Lia: Noong aking ika-18 na kaarawan. Nagtagal siya ng 4 na araw. Mula Makati hanggang Alabang ang inabot. Ray: Ang pinakatumatak sa akin ay ‘yung SOLSTICE. Nakalupasay ako sa sahig ng Rockwell tent, wasak kasama ng GOLDEN APPS, kausap ang presidente ng EcoSoc ng panahong iyon Tignan ang aking multiply para sa mga letrato www.outofnowhere16. multiply.com. (Tala ng Patnugot: Nagpromote pa!) Alin naman ang pinakanakahihiya? Bakit? Lia: Nung kaarawan ng pinsan ko, sumuka ako sa gitna ng dance floor. Oops! Nasobrahan ng gin (hindi ko kasi alam ‘nun

na allergic ako). Ray: Aurum! Hindi ko na alam kung papaano, ngunit namalayan ko na lang na nakatingin na ako sa bubong. Jamoy: Naalala niyo ba ang panimula ng aking artikulo noong unang isyu? Hahahaha, oo, ako yun! Ang malas ko lang, sobra. Ayoko na siyang makita. Teka lang, naiiyak nako. Huhuhuhu. Maliban sa Ecosoc Ad Hoc o events, nakapag-party ka na ba kasama ang iba pang mga Ecosocers? Saan at sinu-sino kayo? Lia: Hindi pa nagkaroon ng pagkakataon, eh. Ray: Kung inuman lamang (dahil para sa amin, isa itong kasiyahan) madalas, tuwing Biyernes sa Katipunan (Drews, Coastnet o Cantina). Maliban dito, wala pa – sa ngayon. Jamoy: Oo naman, malamang. Dati,

pumupunta kami ng mga kaibigan kong E1 (pero E4 ako ha, marami lang talaga akong mga kaibigan!) sa Teacher’s Village (bago nauso ang Holy Trinity) para mag-inuman. Nag-Embassy na rin kami nina Roda at Sushi. Kung may dadalhin kang Ecosocer sa Malate isang gabi ng Sabado, sino ito at anong gagawin niyo doon? Lia: Sina Marian and Cheenie dadalhin ko sa gay bar!!! Haha! Ray: Saan ang Malate? Haha si Totoy, mukhang alam niya ‘yun. Jamoy: Ray, ang Malate ay nasa Maynila, malapit sa Baywalk. Ako, dadalhin ko sina Jessica at Jenny. Si Jes, magugustuhan niya ang mga karaoke bars dun. Si Jenny naman, ang mga kano at ang mga S** shops. Bwahahaha!


Gay Lingo:

Dapat bang isama sa Pambansang Wika? Nina Ray Francisco and Kim Orticio

Ang Filipino. Mula pa noong panahon ni Quezon, ito na ang kinikilalang Pambansang Wika ng Pilipinas. Karamihan ng mga salita rito’y mula sa Talagalog, habang ang iba’y mula sa Bisaya, Bikolano, at iba pa. Tanong: Paano ang gay lingo, gay slang, o swardspeak? Dapat ba itong mapabilang sa Wikang Filipino?

Go ako dyan! “Nitrax for more Miss Congeniality para may-i-spread ng world peace between mga fagota and sa mga ‘di kasapi sa federasyon.” Pinagmulan (Origin) Hindi ba’t hango sa banyaga ang Wikang Filipino? Mula sa kasaysayan ng bansa, ang mga pananakop ng mga dayuhan ang siyang nakaimpluwensya ng salitang ating tinatangkilik ngayon. Ang swardspeak marahil ay hinango rin sa dayuhang salita, ngunit ang karamiha’y dito nagmula sa sarili nating wika. Bakit nasasabi mong ang Wikang Filipino ay Pambansang Wika kahit nagmula sa dayuhan samantalang ang swardspeak na tayo ang may likha ay hindi mo kayang tangkilikin?

Hindi maaari! “Hirap na nga sa Eksenang Peyups ng Kule, ihahalo pa ang gay lingo sa Filipino.” Praktikalidad (Practicality) Hindi ba’t ang Pambansang Wika ay dapat naiintindihan ng lahat? Paano na ang komunikasyon sa pagitan ng mga Pilipino kung mayroong mga salitang maisasama sa Filipino na mala-Slutsky equation? Oo, maaaring maglabas ng leksikong puro swardspeak ang laman. Pero sino naman ang bibili nito? Hindi naman lahat ay interesado. Isa pa, ang swardspeak, ika nga nila, ay ever-changing. Sabihin nating magkakaroon nga ng leksikong pang swardspeak. Pihadong sa oras na maipalimbag ito ay napaglipasan na ang mga salitang nandoon. Chapter na ang Maalaala Mo Kaya ni sister! O ano, naintindihan mo ba? Patalo (Beats the purpose)

Layunin (It’s in the thought) Ang swardspeak ay may layuning itago ang saloobin ng mga ikatlong kasarian sa mala birheng lipunan na ating ginagawalan. Ngunit panahon pa ni Tina Paner ang ganitong pag-iisip. Sa kasalukyan, ito’y nagiging daan upang maging malikhain ang mga indibdwal sa pagpapahayag ng kanilang mga nararamdaman. Mas heartfelt at personalized kapag sinabing “Kamustitch,” hindi ba? At mas may diin ang pagsasabi ng “hitad o anaconda” pagdating sa panlalait. Dinaragdagan nito ang mga mensahing ipinaparating natin sa kapwa, at itinatago ang bulgar na usaping hindi dapat marinig ng katabi. Hindi ba’t isinasaayos mo rin ang mga salitang ginagamit mo para magpa-cute sa iyong mga kaibgan at ka-ibigan?

Binuo and swardspeak upang maipakita ng mga kabilang sa ikatlong kasarian (bagaman hindi na lamang sila ang gumagamit nito) na napagtatagumpayan nila ang mga pamantayan ng lipunan sa kung ano ang katanggap-tanggap at hindi. Ang mismong paggamit nila nito ay pagsuway sa kung ano ang katanggap-tanggap sa lipunan. Bukod pa rito, dahil sila lamang ang nakaiintindi ng gay lingo, maaari silang makapag-usap tungkol sa iba’t-ibang bagay tulad ng pagtatalik at pakikipagrelasyon ng lalaki sa lalaki, nang hindi naiintindihan ng mapanghusgang madla. Pansinin mo, masabi lang ang lay, lay the leg, o lay the lip naghahagikhikan na ang mga left-handed! Kung isasama ang gay lingo sa Wikang Filipino, paano na ang bulabush na Maalaala Mo Kaya nila? O ngayon, naintindihan mo na?

*chapter – laos; Maalaala Mo Kaya – drama; bulabus – rising above and beyond (mula sa salitang bula) *kamustitch – kamusta; hitad – isang tao, maging siya ay lalaki, babae, bakla, tomboy, o kung anupaman, na ina-outbitch ang iba; anaconda – ibang termino para sa ahas (depende sa kagrabihan ng sitwasyon ang paggamit).

30


31


Pangalan: Janna Ong Paaralan noong hayskul: Saint Pedro Poveda College Tagal nang pagkain ng balut: 1 minuto at 19 na segundo Itsura habang kumakain: Mabagal niyang sinimulan ang balut. Hindi siya palaban sapagkat siya ang unang gumawa ng aming hamon. Nilalasap niya ang bawat kagat ng balut. Pursiyento ng balut na natapos: 100% Ano ang balut para sa iyo? Ito ay laging ginagamit sa mga dare! Hahaha. Ang balut ay isang mala-itlog na pagkain? Para itong itlog na ibang klase. May sabaw ito at sisiw!! Patay na sisiw? May bato rin ito at dilaw na bahagi parang yolk. Sa tingin mo ba, maari itong itanyag na pambansang street food? Hindi... dapat isaw! o taho! o monay with keso!! Mga paborito ko kasi yun! At meron sa UP. Feeling ko taho dapat. Bahagi sa pangaraw-araw na buhay ng bawat Pilipino ang tinig ng magtataho tuwing umaga! Drama. Kakainin mo ba itong muli? Oo naman! pag dare o may bayad. haha biro lang! bakit hindi? isipin mo yung mga walang pagkain sa daan...kawawa sila.

Pangalan: Simone Carpio Paaralan noong hayskul: School of the Holy Spirit Tagal nang pagkain ng balut: 19 na segundo Itsura habang kumakain: Nakakain na siya ng balut dati pa subalit hindi pa siya nakakaabot sa parte kung saan andun ang sisiw. Dalawang malaking kagat lamang ang ginawa niya sa pagkain nito. Natapon nang onti ang sabaw sapagkat alanganin ang binasag na parte ng balut. Pursiyento ng balut na natapos: 100% Ano ang balut para sa iyo? Complete meal! May pagkain na nga, may inumin pa. Kinawawang sisiw. Nakaka-SABAW! Sa tingin mo ba, maari itong itanyag na pambansang street food? Sa tingin ko, hindi ito maaaring gawing pambansang streetfood sapagkat hindi naman siya madalas sa kalye kinakain at hindi din madami ang tao na kumakain nito. Fishball dapat ang pambansang streetfood kasi yun talaga yung madaming kumakain na sa kalye pa talaga. Kakainin mo ba itong muli? Aba oo! Haha. Ito’y masarap at sa Pilipinas lang talaga meron nito.

Pangalan: Cocoy Vargas Paaralan noong hayskul: Ateneo de Manila University Tagal nang pagkain ng balut: 50 na segundo Itsura habang kumakain: Posturang postura, handang magpalitrato kahit anong oras. Pursiyento ng balut na natapos: Tapos na niya dapat ang pagkain ng balut sa loob ng 45 na segundo ngunit, may konti pa palang natitira (+5 na segundo). Ano ang balut para sa iyo? Musmos na patong hindi nasilayan ang sinag ng araw. Sa tingin mo ba, maari itong itanyag na pambansang street food? Kung magiging batayan ang pagiging katangi-tangi ng balut, maaari nga namang ituring bilang pambansang street food (pagkaing kalye?). Ang ‘Pinas marahil ang isa sa bilang na mga lugar kung saan nilalamon ang lahat ng bahagi ng hayop (bituka, dugo...), sa kahit anong life stage nito. Ngunit wala na sigurong pangangailang magkaroon pa ng pambansang street food. Kung magkakaroon man, hindi naman ganoon karami ang pagpipilian bukod pa sa balut, tulad ng fishballs, siomai, at iba pang mga potaheng hindi naman natin masasabing tunay na Pinoy. Kakainin mo ba itong muli? Hilig ko ang mga itlog, ngunit hindi lang ang ganitong klase.

Pangalan: Kacel Castro Paaralan noong hayskul: Saint Paul College, Pasig Tagal nang pagkain ng balut: 1 minuto at 32 na segundo Itsura habang kumakain: Unang pagkakataon din niya na kumain ng balut. Siya ay gulat na gulat nang makita niya ang ulo ng sisiw pati na rin ang balahibo nito. Muntikan na siyang tumigil sa aming hamon ngunit tinibayan niya ang kanyang loob at sinubo na lamang ang lahat upang ito’y matapos na. Pursiyento ng balut na natapos: 100%. Subalit hirap na hirap siya na ito ay ubusin. May maliliit na balahibo na naiwan sa kanyang mga daliri. Ano ang balut (sa sarili mong mga salita)? Inabort na ibon. Sa tingin mo ba, maari itong itanyag na pambansang street food? Siguro, pwede na rin. Kase tayo lang ata yung kumakain ng balut. Pwede din yung isaw at yung mga balls. Kakainin mo ba itong muli? Depende! Haha.


Balooooot penoooooy. Marahil marami sa inyo ang nakakaalam sa pamilyar na tunog na ito. Tuwing gabi, sila ay lumalabas upang maglako ng isa sa pinakakontrobersyal na pagkaing-kalye ng mga Pinoy, ang balut. Ngunit ano nga ba talaga ang balut para sa iba? Bakit todo na lamang ang pandidiri ng ilan sa espesyal na itlog na ito? Hinamon ko ang walong miyembro at aplikante na kilalanin at tikman ang isa sa mga misteryosong street food sa ating bansa, ang baloooooooooot!

Pangalan: Kelvin Tagnipez Paaralan noong hayskul: Ateneo de Manila University Tagal nang pagkain ng balut: 34 na segundo Itsura habang kumakain: Natapunan ng sabaw ang sarili. Tuwang-tuwa na siya ay nabigyan ng pagkakataon na kumain ng balut. Pursiyento ng balut na natapos: 100% Ano ang balut para sa iyo? Kawawang mabuhok na batang ibon. Mas okay kung hindi tinitignan. Sa tingin mo ba, maari itong itanyag na pambansang street food? Hindi! Parang ang simple naman ng itlog ng duck/bibe/pato. Dapat yung makulay na kakaiba na masarap na sa Pilipinas lang talaga mahahanap. Siguro kung may naiisip akong pambansang street food, isaw na iyon. Kakainin mo ba itong muli? Basta libre, sige.

Pangalan: Alex Capulong Paaralan noong hayskul: PAREF of Southridge Tagal nang pagkain ng balut: 23 na segundo Itsura habang kumakain: Unang pagkakataon niya na kumain ng balut. Ang kalat kumain. Nabasa ng sabaw ang taga-tala ng hamon na ito. Sa kalagitnaan nang kanyang pagnguya, kamuntikan na siyang masuka. Pursiyento ng balut na natapos: 100% Ano ang balut para sa iyo? Kadiri! Ito ay imoral sapagkat sinusuportahan nito ang abortion! Sa tingin mo ba, maari itong itanyag na pambansang street food? Hindi sapagkat ito ay napakabarbaric. Kakainin mo ba itong muli? HINDING-HINDI NA AKO KAKAIN ULIT.

Pangalan: Enzo Clemente Paaralan noong hayskul: La Salle Greenhills Tagal nang pagkain ng balut: 1 minuto at 11 na segundo Itsura habang kumakain: Unang pagkakataon din niya na kumain ng balut. Hindi siya marunong basagin ang balat nito. Nabasa ng sabaw ang kanyang mga katabi. Halatang-halata na siya ay nandidiri sa pagkain ng balut. Pursiyento ng balut na natapos: 100%. Sinubo niya ang buong balut at linuwa lamang ang puting bahagi na hindi kinakain sa balut. Ano ang balut para sa iyo? Ibong hindi naabot ang langit :) Sa tingin mo ba, maari itong itanyag na pambansang street food? Sa palagay ko, hindi ito maaaring itanyag na pambansang street food dahil hindi naman lahat ay kumakain ng balut at meron pang mas masarap na street food dito katulad ng kwek-kwek at fish ball. The best ang fish balls! Kakainin mo ba itong muli? Ngayong nasubukan ko ng kumain ng balut, kakainin ko pa itong muli. Ako’y nasarapan at naiba ang pananaw ko sa lasa ng balut. Masarap pala ito at hindi kadiring kainin. Aking nanamnamin at sisipsipin ang bawat parte nito kapag ako’y mabigyan ng pagkakataon muli na makakain ng balut.

Pangalan: Gabriel Sollano Paaralan noong hayskul: Xavier School Tagal nang pagkain ng balut: 33 na segundo Itsura habang kumakain: Unang pagkakataon niya na kumain ng balut. Kalmado ang kanyang pagkain. Mayroong onting dilaw na parte na nalagay sa kanyang ilong. Pursiyento ng balut na natapos: 100% Ano ang balut para sa iyo? Ang balut ay ang itlog ng buhay at kamatayan. Binuo ito ng dalawang inosenteng ibon para lang isubo sa bibig ng isang tao. Sa tingin mo ba, maari itong itanyag na pambansang street food? Sa aking pananaw, masyadong maraming street food sa Pilipinas kaya walang puwedeng maging hari ng mga ito. Andyan ang mga balls at mga sticks na makikita natin nakakalat sa UP gaya ng fish ball at squid ball, isaw atbp. Mayroon ding yung basa at malapot gaya ng taho. Kakainin mo ba itong muli? Kapag bibigyan ako ulit ng Balut, kakainin ko to ulit dahil hindi ko ninamnam ito nung una dahil hindi ko na inisip na kumakain ako ng Balut pagkat nandidiri yung taong bago sa akin kaya nahawa ako sa kanya.


34


35


jesjman “TWITTER” NG ATING MGA BAYANING KAPATID

k a p a t w

e e t

diegosilang Masayang namasyal kasama ni @gabrielasilang sa Pagudpod kanina. :) I love you, wifey. gabrielasilang @diegosilang Aww. And I love you, hubby. plaridel just finished last article for the next issue of La Solidaridad. Watch out for it! It is going to be the bomb! XD andresbonifacio Put*ng in*!!! Nawawala ang aking bolo! Magsisimula na ang rebolusyon, dalawang oras na lang at hindi ko pa rin mahanap!!!! emilioaguinaldo @andresbonifacio Tinanong mo na ba si Gregoria kung siya ang nagtago ng bolo mo? Ayusin mo nga buhay mo, p’re! Himagsikan na! juanluna I almost used purple paint to color the skin for my portrait I’m working on. Haha! Buti na lang naagapan. :)) antonluna @juanluna Bro, colorblind much? peperizal Mag-disenyo ng eskwelehan, tapusin ang eskultura, pag-aralan ang insektong natagpuan sa gubat… So many things to do, so little time! jobracken @peperizal Don’t forget my back massage tonight! :”>

peperizal @jobracken Siyempre, hindi ko makakalimutan. Iyon lang ang inaabangan ko buong araw. Hehehehe. tandangsora Sinong may sobrang bendahe? Nagkulang na ang bendahe namin dito sa bahay :( marcelaagoncillo Kahit sumasakit na ang mga kamay ko sa katatahi ng ating watawat, kebs lang. Maganda naman ang kalalabasan. :-D ejacinto Natalo ko si @apolinario sa larong chess kanina! Wuhoo! apolinario @ejacinto Tsumamba ka lang, ‘tol. Matatalo ka sa akin bukas! Mwahahaha! ejacinto @apolinario Daan na lang natin sa foot race, ano ha? HAHAHAHAHA gregoriodelpilar Dito kayo sa Tirad magkarera para makasali ako! RT @apolinario Daan na lang natin sa foot race, ano ha? HAHAHAHAHA

36

apolinario @ejacinto @gregoriodelpilar PAKYU.



38



Q at A

ang pagtatagpo sa way-em kay jasper

Ngayong buwan ng wika, nais sana namin sa Q at A kasama si Q at A ihandog sa inyo ang isang ekslusibong pahayag na tiyak na ikagigiliwan ninyo dyan sa tambayan. Minsa’y tila minamaliit o ibinabaliwala lang natin ang ating dakilang wika. Kadalasan, mas pinipili pa natin magsalita sa wikang banyaga upang ipakita ang kataasan ng estado sa buhay… Wag na tayo mag maang-maangan, nangyayari ito. Pero kami sa Q at A ay naniniwala na wala sa wika ang estado sa buhay. Ito ay nakikita sa mga simpleng tanong at sagot na binibitawan natin sa pangaraw-araw na pamumuhay. Sa loob ng isang miting sa YM inilagay namin ang aming mga sarili sa alanganin nang humarap kami sa malulupit at makukulit pero seryoso na mga tanong ng Dakilang “Master of Ceremonies” na si Jasper “Bords” Chua. Kaya pagkakataon na ito, ipapamahagi namin ang (palaging) sandaang porsyentong seryosong kabanata ng Q at A kasama si Q at A special edition: YM conference with Jasper!

Jasper: So Q & A both of you are known to play good basketball right? So how do you play it?

after who would it be and why? Honest and direct answer is required.

Q: Anong klaseng basketball yan? Shoot muna bago dribble? A: Ang basketball ko kasi puro 3 points e. Ayoko rin ung namamasa. Jasper: Wow! Great answers dribbling and shooting! Q: Ako mas trip ko yung shoot ko muna sa butas bago patalbugin. Jasper: Ok! A: Pero ang husay ko talaga sa end game. Wala akong hilig sa foreplay.

Q: Hmmm magandang tanong yan ah. A: Sana si Ninoy nabuhay nalang everly after. Hahaha! Q: Everly after. Haha. Jasper: How about you Q? Who would it be? It could be your yaya naman eh. Q: Sige. Yung yaya ko na lang. Sana mag live siya ng everly after. A: Actually sana ung yaya ko rin. Q: Oo. masarap magluto yun eh. A: Di pa naman sya matanda pero dami na naming pinagsamahan eh.

Jasper: So comparing both of you… who do you think is more good-looking? Q or A? A: Ayyy mahirap yan. Q: Ayos ah. Basketball tapos talon agad sa looks. Hmmm. Jasper: Of course it’s good to compare black beauty and white beauty. A: Ay may laman yang sinasabi mo ah. Mas magaling si Q magbasketball. Yun ang masasabi ko dun. Q: Mas malakas si A sa gym. May kilala ako na kasing gwapo mo Jasper. Jasper: So Aaron is power then Q is accuracy. Good combination. Q: Next question. Jasper: Last question. A: Last na? A: Damihan mo. J: Puro kayo yabang jan eh. Q: Damihan mo. Mahaba space namin sa Echoes (Tala ng Punong Patnugot: HOY!) Jasper: If you were to choose 1 person to live everly

40

Jasper: Q! If you were to preserve one part of your body after 30 years, what would it be? A! If you were to correct one part of your body, what would it be? Q: Hmmm alam na yun. A: Gusto ko sana magpahaba eh. Q: Pag after 30 years, ganun pa rin naman ka ano yun eh. Hindi na kailangan i-preserve. A: Lagi nalang kasing sinasabi na maliit ung paa ko. Jasper: Next question. This is a corny question but i thinks it fun. Who is your crush and why him/her? Haha! A: Ma’am Navarro. Groovy sya eh. Q: Ikaw pare. I admire your hosting and dancing skills eh. jasper: g#*o! Wag muna ako sali! Q: Groovy ka rin. Jasper: Common you guys are lame. Give me some real answers. Damn it!!


Jasper: Due to insisted public demand, how many times do you fulfill your desire? A: Kadalasan tatlo lang. Kasi may isa sa umaga, isa sa tanghali at isa sa gabi. Pero alam mo... ngayon na nagpapapayat ako, umaabot ng lima hanggang anim eh. Q: Tama. Ako madalas mas marami sa tatlo. Grabe ako magutom eh. Madalas bago matulog babanat pa ako ng isa eh. A: Mas maganda daw ung paunti-unting kain. jasper: Hahahahaha! Q: Ayos ba yun? Jasper: What’s the craziest thing you’ve done in your whole life? We want some juicy answers. A: Dati nung nagalit ako binagsak ko ung kamay ko sa pader ng may kalakasan. Q: Natalo ako sa isang laro eh. Kaya yun, iyak ako nang iyak. A: Tas nung isang araw medyo nabato ko sa sahig yung basong pinagiinuman ko. Pero di nabasag... plastik kasi eh. Jasper: Kalalaki niyong tao cry babies din pala kayo. Jasper: Favorite position while sleeping? Q: Missionary. A: Ako ung reverse missionary… na nakataas ung isang paa. Q: Swabe nga yun pare. Jasper: Ang sagwa ng mga sagot niyo! Sleeping sabi ko! Q: Nakadapa naman sabi ko ah. A: Ganun ako matulog eh. Jasper: Ahhh parang cowboy style! Jasper: Describe your dream girl? or dreamboy? Q: Ibahin mo ako pare. Hindi lang looks hinahanap ko sa isang babae. Gusto ko yung matalinong may malaking boobs, mabait na mahaba yung legs at yung mapagmalasakit na maganda. Jasper: Hahaha parang alam ko na kung sino yan. Q: Haha! Wala na yun! A: Teka nasagutan na natin to eh. Dun sa unang installment! Q: Onga. Ito yung sagot ko dati eh. A: Ako babae ung hanap ko.

Jasper: Share the most embarassing moment of your life. A: Q mauna ka na. Q: Nung na-poopoo ako sa shorts ko nung nursery ako. Pero walang nakakita (nakaamoy lang siguro) A: Ay tatalbugin ko yan. Nung grade 2 ako, nakapoopoo rin ako. Jasper: Hahaha! Q: Mas nakakahiya nga yun! Jasper: Color white ciguro kay A kay Q color dark. A: Yung brief ko nun white pero naging dark din. Q: Hahaha! Ayaw ko magkaron ng poopoo na color white. A: Sakit na yun bro. Jasper: For the last question, spit or swallow? Q: Juicy yan pare. A: Hanep! Depende e! Kung love ko talaga... swallow! Q: Oo pero nguyain mo muna. A: Like steak, burgers, fried chicken. Jasper: Hahaha! Q: Pangit labas ng poopoo mo pag hindi ka mag chew. Jasper: Good answers guys. Jasper: Ok, for the last question again. Q: Haha game. A: Sige lang! Jasper: If you were to set a market clearing price for your body, what is P (price)? Jasper: No let’s revise the question. Jasper: Let’s say you’re a commodity! How will you sell yourself in the market and how much? A: Singilin na lang ng buwis ang bawat mamamayan… para akong pampublikong bagay. Mas malaki kasi ang pakinabang kapag libre. Q: Mahal ako bro. Kumbaga sa kotse parang ferari to, maganda performance, malakas. Hindi pumapalya ‘to. Hi Peachy! (special request eh)

41





MAY THE BEST MODE WIN Ang Con-Ass ni Gloria laban sa Con-Com ni Cory

Kung paniniwalaan ang ating mga propesor, kanais-nais ang kompetisyon. Sa ekonomiya, sinisuguro nitong ang presyo ay nasa ekilibriyo at ang surplus ng prodyuser at mamimili ay nasa pinakamabuting antas. Ang kompetisyon ay nagdudulot din sa mga kompanya na pagbutihin ang paggawa at ang kanilang mismong produkto. (Salamat Econ 11 at 102!) Sa ibang aspeto, sa pagkumpara sa dalawang bagay, namumulat ang tao sa kabutihan at kakulangan ng mga pagpipilian. Kaya nga patok sa mga mapiling Pilipino ang mga kompetisyon. Nariyan ang PacquiaoHatton, Kapamilya-Kapuso, Ateneo-La Salle, atbp. Tinitimbang natin ang magkakalaban at namimili ng ating papanigan. Sa huli, binibigyan tayo ng kompetisyon ng pagkakataong piliin ang pinakamabuti, sa paraang pinakapatas Ang konseptong ito ay ‘di nakukulong sa TV at sa Araneta. Maging sa mga pinakamahahalagang isyu, ang kompetisyon at ang kaakibat nitong pagkukumpara ay tumutulong sa mamamayang mamili ng pinakatama. Nariyan ang Eleksyong 2010, kung saan isang milyong kandidato na ang nangangako ng pagbabago (babala: pagmamalabis.) At nariyan din ang (‘di) napapanahong usapin ng Charter Change (ChaCha). Bagaman nakatutuwa (para sa akin) na ikumpara ang kasalukuyang nagtutulug-tulugang isyu ng Constituent Assembly (ConAss) sa mga nakaraang prosesong nagbunga ng anim na Saligang Batas ng Pilipinas, mas makabubuting ikumpara ito sa Constitutional Committee (ConCom), na siyang gumawa ng Konstitusyon ng 1987 na ngayo’y balak i-Belo ng kamara. Paghahalintulad Ang ConCom at ConAss ay pinasiyanan ng dalawang babaeng pangulo na kapwang iniluklok ng pag-aaklas ng mamamayan laban sa mga presidenteng hinusgahan ng kasaysayan bilang tiwali at kurakot. Bukod dito, wala nang pagkakatulad ang ConCom noong administrayong Aquino at ConAss na isinusulong ng mga besprend ni Gloria Arroyo. Kaya dumaong na tayo sa mga pagkakaiba. Kalayaan ng Proseso Ang ConCom ay binuo ng mga kagawad na itinalaga ni Cory, habang ang ConAss ni GMA ay isasagawa ng Kongresong inihalal ng taumbayan. Gayunpaman, bagaman demokratiko ang ConAss kung ikukumpara sa ConCom, malayo sa demokratiko ang pakay, proseso, at maaaring kalabasan nito. Ang ConCom ay binuo ng mga delegadong pinili ni Pang. Aquino, ngunit kinabilangan ito ng mga mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Sa kabilang banda, ang ConAss ay magbibigay sa mga mga hinalal na opisyal ng kapangyarihang baguhin ang Saligang Batas. Marahil marahas, ngunit kahangalang isiping isusulong ng kongresong kinabibilangan ng mga pinakamayayamang dinastiyang pultikal

ng Pilipinas ang kabutihan ng karaniwang mamamayan. (‘Di ganun kabait ang Le Cirque of friends ni GMA.) Dagdag pa rito ang alegasyong Malacañang mismo ang nagsusulong nito – isang paglabag sa prinsipyo ng “separation of powers.” Demokratikong Pamahalaan Malayo sa perpketo ang Saligang Batas na hinubog ng ConCom, ngunit naisakatuparan nito ang pinakapakay ng Cha Cha noon – ang ibalik ang demokrasya. Sa kabila ng patuloy na pagkahirap ng marami, ang demokrasyang ito pa rin ang nangangakong sa mata ng batas, mayroon tayong mga karapatan bilang Pilipino. Sa pagpulong ng ConAss, malaya ang mga kongresistang ihain ang anumang panukala, kabilang na ang pagpapalit ng sistema ng gobyerno. Kahit na “malayang” parliyamentaryo pa ang ipalit sa ating sistemang bikameral, kung ang Pangulo ay magiging Punong Ministro lang, siguradong patuloy ang mga pang-aabuso ng administrasyong matagal ng nakipag-F.O. sa mga mahihirap, sa karapatang pantao, at sa malinis na pamamahala. Ang ConCom ni Cory ay pinalitan ang isang konstitusyong niretoke ni Marcos upang supilin ang demokrasya, habang ang ConAss ni GMA ay nagtatangkang magtatag ng isang virtual na diktadurya.

Ni Paolo Tamase

kayang tapatan ang pera ng dayuhan. Unanimous Decision Nangangako naman ang mga kaalyado ni GMA na ang ConAss ay magbubunga ng malagong ekonomiya at ‘di nila palalawigin ang termino ni GMA o papalitan ang sistema ng pamahalaan. Ngunit minsan, may nangako rin na ‘di na tatakbong pangulo sa pagtapos ng kaniyang termino. ‘Di na lang ako magbakasakali. Bagaman ang ConCom ay bumuo ng isang Konstitusyong tadtad ng butas at ubod ng kalabuan, ito rin ang pormal na nagbalik ng demokrasya sa Pilipinas. Sa huli, anumang kakulangan ng Saligang Batas ng 1987 ay palalalain lang ng ConAss ni GMA. ‘Di man knockout ng ConCom ang ConAss, unanimous decision naman – mabuti na ang demokrasyang mahina na pwedeng-pwede namang patatagin, sa huwad na demokrasyang deka-dekada ang aabutin bago maituwid.

Probisyong Ekonomiko Huli, ang ConCom ay nagtatag ng konstitusyong may mga patakarang protectionist. Ang ConAss naman ay nangangakong ililiberalisa ang ekonomiya. Sa ConCom ni Cory, ang pag-aari ng lupain ay ginawang eksklusibong karapatan ng mga Pilipino at mga kompanyang may (at least) 60% Pilipinong pag-aari. Binawal din ang banyagang pagmamay-ari ng midya. Ang ConAss ay nangangakong tatanggalin ang mga restriksyong ito. Iginigiit ng ilang propesor natin na mahalaga ang pagsupil sa mga restriksyon upang maakit ang mga dayuhang mamumuhunan. Gayunpaman, napakaliit at napakahirap natin kung ikukumpara ang Pilipinas sa mga bansang walang nasabing restriksyon (gaya ng Canada). Dahil magdudulot ang pagliliberalisa ng pagtaas ng presyo ng lupa, at dahil nasa mga banyaga ang lahat ng kapital, mataas ang posibilidad na ang Pilipinas ay maging bansa ng mga Pilipino sa pangalan na lamang. (Para na ring iniharap mo ang isang bagong-sanay na boksingero kay Mike Tyson; siguradong ‘di lang tenga ang mawawala sa baguhang iyon.) Matatanggal nga ang mga patakarang protectionist at dadaloy ang foreign investment, ngunit kaakibat nito ang pagtanggal sa kahit anong proteksiyon sa Pilipinong ‘di PA

45


Una sa lahat, nais kong magpasalamat sa inyong paparating na matinding pagpupuri para sa akin. At sa mga binibini, alam kong mahirap magtimpi, pero sana’y wag niyong hayaang magpakawala sa inyong kakiligan sa aking pagiging Pambansang Alagad Ng Sining. Oo. Tama ang iyong nabasa. Mula ngayon, ipinoproklama ko na ang sarili ko bilang National Artist ng Pilipinas sa larangan ng Visual Arts, Literature, Architecture, at, at, at siguro Fashion Design na rin. Labis kong ikinatutuwa na kabilang ko na ang mga iniidolo ko tulad na lang ni Carlo J. Caparas. Mula kasi nang maitanghal ang aking idol noong Hulyo 29 bilang Pambansang Alagad Ng Sining para sa Visual Arts at Film, napaisip ako na madali lang pala ang qualipikasyon para makuha ang karangalang iyon. Hindi naman ang idol ko ang gumuhit para sa Panday kundi si Steve Gan, para sa Gagambino kundi si Karl Comendador, para sa Totoy Bato kundi si Tor Infante, pero ang gantimpala niya ay para sa visual art ng mga ito at iba pang “gawa” niya. Naiinis nga ako sapagkat ang daming nangiinsulto at umaaway kay Idol dahil dito, pero buti na lang binara na ni Idol ang mga angal nitong mga naiinggit. Kung nanonood kayo ng TV bilang mga mabubuting bata siguro’y napanood niyo na ang pagpapakita niya ng mga drowing mula sa kanyang bodega, o ang kanyang pagpapakita na marunong siya mag-drowing. Inggit lang talaga yang mga umaangal na yan kasi si Idol, laking-masa at umahon sa hirap dahil sa kanyang galing. Bumababa daw ang katanyagan ng mga naunang Pambansang Alagad Ng Sining tulad ni Manansala? Manansala be damned! Laos na ang mga iyon. At wala silang karapatan umangal dahil sumasang-ayon sa akin ang ating dakilang presidenteng Arroyo na siya ring naglaan ng gantimpala kay Idol. Marami din sigurong maiinggit sa akin sapagakat National Artist na ako sa napakaraming kaurian, kaya’t mamarapatin kong tularan si Idol sa pagtanggol sa aking sarili. At dahil Idol na Idol ko talaga si Carlo Caparas, itutulad ko pa ang aking ehemplo sa mga karaniwan na tauhan sa kanyang mga kwento sa mga film at komiks.

Idol Talaga!

Ni John Raphael Fulgar

O diba, ang astig! Una sa lahat, si Rugby Boy na ang tunay na pangalan ay Totoy Lilagan Bato, ang kampyon ng mga dukha na laging inaapi at nakakahanap ng super astig unbilibabol powers sa kanyang rugby at pinagtatangol ang kabutihan. Catch phrase niya ang “Bahala ka na!” at mayroong nakakakilig na love story sa kanyang matagal na crush na si Judy Sweetie, na napakahinhin at inaapi ng kanyang masungit na lola. Siyempre kahit na adik siya sa rugby, dahil bida si Rugby Boy, siya ay mabait, sobrang pogi, maginoo, tapat, may abs, atbp. Ang ikalawa naman ay si Massacre Jesus Angel (Halellujah Amen! This Is My Body), na ihinahango ko mula sa mga naunang pelikula ni Idol tulad ng The Marita Gonzaga Rape-Slay (In God We Trust), Lipa Arandia Massacre (Lord Deliver Us From Evil), Cecilia Magasca Story: Antipolo Massacre (Jesus Save Us!). Sobrang cool talaga pag pinaghahalo ang masidhing karahasan at mga parilalang galing sa simbahan. Nagbabalak na rin ako gawan ng pelikula ito, na maraming saksakan, iyakan at mga laman loob na nagsisiliparan kung saan-saan habang tumutugtog ang Kordero Ng Diyos sa background. Halata namang manghang-mangha ka na kaya di ko na kelangan ipakita ang aking kakayahan sa pag disenyo ng damit, bahay at iba pa para sa iba pang kategorya ng aking gantimpala. Kung alam mo lang, marami pa akong binabalak na kwento tulad ng To Have And To Go Bold, Pietae, at Panday Sal. Alam kong papatok sila lahat

kasi kukuha lang ako ng mga tanyag na pangalan tulad nila Kris Aquino at Robin Padilla at uulitin ko lang ang mga lumang script ng mga pelikulang panahon pa ni FPJ. Pero siyempre kelangan gawing mas astig kaya dadagdagan ko na lang ng drama at mga banatan ng “Bahala ka na.” Sa sunod niyo na lamang ipadala ang iyong mga liham ng papuri, pag deklara ng walang hanggang pagibig at donasyon ng pera, kapag nagkita na tayo. Ay oops, nakalimutan ko, binibigyan nga pala kami ng lifetime benefits ng gobyerno tulad ng monthly pension, medical at life insurance, at state funeral na lahat ay pinopondo ng mga mamamayang nagbabayad ng buwis. Kaya di niyo na kailangan magpadala ng pera. Sa isang paningin, ginagawa niyo na yon gustuhin niyo man o hindi. Gagayahin ko na lang si Idol at susuportahan si Ginang Arroyo para ipagkaloob niya na rin sakin ang titulo. Ikinagagalak ko lang talaga na katulad ko na ang idol kong si Carlo Caparas, at magmula ngayon kami ay katawanin ng sining ng Pilipinas. Na magmula ngayon, tuwing titignan ng mundo kung ano ang kakayahan ng Pilipino at kung ano ang kanyang isinasagisag, kami ang makikita bilang legado at pamana ng Sining ng Pilipinas. Sana’y maging kakinang-kinang na ehemplo kami ni Idol, lalo na sa mga kabataan na siguradong susunod sa aming yapak, at tutularan ang aming mga likha na sumikat sa media.


Episode 2: Swardspeak

kabaklaan, gaya ng PILIPINAS. Nakagagawa ito ng isang eksklusibong mundo para sa mga mananalita nito at, dahi’l sila’y nabubuklod ng nasabing pananalita, nakatutulong na makaiwas sa pangaabuso’t pangiinsulto ng iba. Sa paggamit ng Gay Lingo, ang mga bading ay nakaiiwas din sa dominanteng kultura ng kanikanilang mga tirahan at tila nakabubuo ng lugar na sariling kanila. Ang diyalektong ito ay patuloy na nagbabago – ang mga lumang salita’y nalalaos at dumaragdag naman ang mga bagong-imbentong salita – at nagsasalamin sa mga pagbabago sa kultura ng mga bading at sa nananatiling eksklusibidad. Ngunit dahil dinamiko ang diyalektong ito, iniiwasan nitong manatili sa iisang kultura at higit pa nitong pinalalaya ang pamamahayag ng sarili ng mga gumagamit nito. Bukod dito, ang mga salita’t ekspresyon nito’y maaaring magmula o mabuo bilang mga reaksyon sa mga popular na mga pangyayari, at nagiging alternatibo ito sa isang striktong pamumuhay. Bunga ng mga katangiang nabanggit, hinuhubog ng Gay Lingo ang tila isang rebeldeng grupo na walang pakialam sa mga heograpikal, lingwistik, o kultural na pagbabawal. Hinahayaan din ng Gay Lingo ang mga gumagamit nito na ihulma ang diyalekto kung kailan kinakailangan. Dahil dito, nagiging bahagi ng isang mas malaking kultura ang diyalekto bagaman nananatili itong bukas pa rin sa mas espesipiko at lokal na kahulugan.

Mga halimbawa ng Gay Lingo:

Bakla o Bading. Ang mga salitang ito ay kadalasang ginagamit upang tukuyin ang mga taong tila hindi sinusunod ang kasariang itinadhana sa kanila. Madalas ay lalaking nag-aastang babae ang tinutukoy nito dahil nga ang pinakainiisip ng mga tao pagdating sa isang LALAKI ay matso, malakas ang dating, atbp. Kung mapapansin, unti-unti nang dumarami ang mga bading sa ating bansa. Tila nagiging isang pormal na grupo na sila ng mga tao na taliwas ang pamumuhay sa paraan ng nakararami. Tulad ng iba’t ibang grupong etniko sa ating bansa (hal. Ita, Mangyan), nakataguyod na sila at higit pang pinalalawak ang kanilang saklaw. Sa pagbubuo ng isang pangkat ng tao, ano ang kanilang pinakakailangan upang magkaintindihan? WIKA. Ang Swardspeak na mas kilala sa tawag na Gay Lingo ay ang paraan ng pananalitang naimbento at napalaganap ng mga bading sa ating lipunan. Ayon sa Wikipedia, ito ay isang diyalektong bernakular na nagmula sa mga wikang Filipino, Ingles, Niponggo, at Espanyol. Kabilang din sa mga salita nito ang mga pangalan ng iba’t ibang kilalang personalidad at tatak ng mga bagay-bagay. Isang katangian ng Gay Lingo ay madali nitong natutukoy na ang nagsasalita nito ay bading. Bunga nito, mas madali para sa mga bakla’t bading na malámang hindi lamang sila ang mga ganun sa isang lugar kung saan mahirap magpakita ng Batis:http://www.ampedasia.com/forums/filipino-gay-lingo-t-10957.html

Jowa: Asawa Jonta: Punta Kyota: Bata Nyorts: Shorts Julie Yap-Daza: Huli Gelli de Belen: Selos Crayola: Iyak Thunder Cats: Tanda Pagoda Cold Wave Lotion: Pagod PENPEN DE SARAPEN Pen pen de chorvaloo De kemerloo de eklavoo Hao hao de chenelyn de big yuten Sfriti dapat iipit Goldness filak chumochorva Sa tabi ng chenes Shoyang fula, talong na fula Shoyang fute, talong na mafute Chuk chak chenes, namo uz ek

Alam mong mahal mo ‘ko, Gossip G.

staffbox Leslie Anne O. Octaviano Punong Patnugot

Kristine Joy D. Cunanan Tagapamahalang Patnugot Karen S. Orticio Tagapamahala ng Pinansiya John Reyneil U. Go Patnugot ng Balita Paolo Emmanuel Tamase Patnugot ng Lathalain Ma. Carmela Astudillo Patnugot ng Disenyo

Irene Jo Arzadon Audrey Joy Austria Jauhari Azis Kenna Barit Pers Betana Archie Bez Mareca F. Domingo Dean Gerard Dulay Maximillian Kho Selena Monica Y. Ortiga Kenneth Anthony Luigi S. Reyes Marianne Sibulo Hazel May Sumampong Paolo Emmanuel Tamase Kawaning Balita

Ma. Angela Kristina I. Ame Aaron James Aw Geoffrey Bautista Benedict Bismark Joshua Coquia Jerica Ann Ducanes Kevin Adrian Estopace Jerico Ray Francisco John Raphael Fulgar Carlo Miguel Romeo S. Go Patricia Mae I. Hermogenes Jeanne May Jampac Jessica Manipon Karen S. Orticio Angelo Miguel Quintos Kenneth Anthony Luigi S. Reyes Kash Aristotle Salvador Eugenio Andre Sarmiento Kawaning Lathalain

Andrea Bianca Alvaro Ma. Angela Kristina I. Ame Jauhari Azis Gilbert Bueno Jr. Patrick Allen Santos Joshua Coquia Patnugot ng Grapiks Jerico Ray Francisco Patricia Mae I. Hermogenes Leslie Anne O. Octaviano Andrea Bianca Alvaro Karen S. Orticio Webmaster Kawaning Grapiks http://ecosoc.multiply.com || http://upecosoc.org || echoes0809@yahoo.com

Irene Jo Arzadon Jauhari Azis Leslie Anne O. Octaviano Selena Monica Y. Ortiga Kenneth Anthony Luigi S. Reyes Paolo Emmanuel Tamase Kawaning Disenyo



Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.