Ipinaliwanag ni J. Neil Garcia nang ginanap ang 7th Philippine International Literary Festival taong 2016 na ang pagsusulat, isa sa mga malikhaing proseso, ay isang ‘seasonal skill’. Ibig sabihin, ito ay lumalabas lamang sa pagkakataong ang isang manunulat ay nakararanas ng taimtim na katahimikan sa kanyang kalooban at kaisipan, at paglilinya ng mga salita, ng karanasan, at ng kanyang kaluluwa o ng masidhing kagustuhang makasulat dahil sa pagnanasang magaya ang istilo ng binasa na nagdudulot ng pagluwa’t pagluluwal o ang pagkakataon na naipanganganak ang mga pangungusap at taludtod, kwento at tula.