1 minute read

10 Koklak in Da Morning @ BuildingEduk

“Pambihirang building ‘yan, parang seldang estetik,” pabirong sabi ni Sarah, isa sa mga sampung koklak noong nasa harap sila ng building matapos ang 7–10am class nila mula sa room 202.

Oo nga naman, kung makikita sa architechtural design ng Eduk Building, eh para itong higanteng kulungang may pulang rehas, pero for da dilaw naman ang kulay ng college na ‘yan. Mala-fast food chain ang color scheme, kulang na lang ay ang statue ni Jollibee na may nakalakip na karatulang nagsasabing “Kolehiyo ng mga Bida-bidang Ka-kosa”

Advertisement

May sense din naman ang design ng building, dahil madalas ang overtime sa mga klase na parang bitin pa ang tat- long oras. Pati ‘yung oras na para sana sa pagkain ng lunch ay sakop pa rin pala ng sintensya. Nakakulong na nga sa estetik na selda, mas mahalaga pa rin ang attendance kaysa sa healthy na sikmura. Sa kaso ng sampung koklak, ay saktong 10 o’ clock sila pinalabas, hindi dahil sa dismissal, kundi dahil sa pinagalitan sila ng instructor na nairita na sa kakasigaw nila ng “time na po!”

Masaya naman silang lumabas, pero marami pa rin silang napansin sa loob ng building.

EDUC ALANG DANUM

Anim-anim ang CR sa building, pero parang iisa lang ang may water supply. Biruing nasa 408 ang klase nila, ihing-ihi na pero aabot pa sa 1st floor sina Angel at Leo para makaraos lang sa

This article is from: