2 minute read

fake_tures Estetik Students

by ms.etiketa

Hallway na nagiging runway. Estetik ng mga estudyante na parang fashion show ng mga bida, fashion show ng lahat.

Advertisement

Sa unibersidad, kapag nasa fourth floor ka, matatanaw mo ang Coachella ng Pinas, makikita mo ang iba’t ibang uri ng pananamit na inilalakad ng mga estudyante. Everyday Coachella sa iskul.

Araw araw sa skul, pumapasok ang iba’t ibang mga es- rang si Ryza Mae Dizon sa sobrang ikli ng mga skirts. Sa tuwing naglalakad siya, sinusubukan ng mga kalaban ang limbo dance challenge. Bawat hakbang niya, sumasabay pa sa hangin yung skirt nya. Si Julius naman, ang peg ay parang isang karakter sa Harry Potter. Nakasuot siya ng nakasisilaw na salamin, kahit perfect ang paningin niya. Sa bawat pagkilos niya, nag-iiba ang animo ng kwento, naglalabasan ang mga lumang libro at kahanga-hangang trivia tungkol sa mahika. “Avada Kedavra” kulang nalang sabihin nya. Nerd yern?

Si Ester, ang estudyanteng magalawang 80s ang peg, palaging rocking ang wide-leg pants na tila nasa Abba reunion. Nakakasabay siya sa groove ng Bee Gees sa bawat paglakad. Eto namang si Mariel, na todo ang long sleeves, mala-K-drama ang dating. Akala mo’y nasa Seoul siya sa sobrang fashionable ng mga kasuotan niya. Kahit sobrang init na, wapakels. At kapag dumaraan siya, tila may koreanovela OST na umaandar sa background music.

Syempre hindi rin mawawala ang mga

Iba rin itong mga estudyante natin sa Eduk, di mo na makilala dahil pinipilit bumagay sa di kanila. Bakit nga ba pilit sinusuot ang uniporme at I.D. lace ng mga inhinyero kung di naman akma ano? Syempre dahil yun ang available.

Diyan sa mga stall sa F. Tañedo na nagbebenta ng mga puting polo na may TSU logo. Para sa kaalaman ng nakararami, hindi yan pangkalahatan, pang engineering yan! Ang porma nga naman kasing tignan pag yung suot mo ay may kwelyo na tinernohan ng pantalon, mukhang propesyonal, kagalang-galang. Isama mo pa ang kawalan ng stock ng College Shirt na parang dating cast ng White Chicks at Mean Girls. Yung tiktok ready yung kasuotan at sa smirk palang nila, ma tutunaw na yung mga boys. di mo sure kung kailan mapupunan. Nakakatempt nga naman. Pero bakit ba kasi yan ang pinipiling isuot? Sabi ng isang source, puti daw kasi, malamig sa katawan at mukhang malinis. Edi sana doon na lang nag enroll sa COS para lagi ka nang naka puti.

Meron din namang masunuring mga estudyante, and estetik para sa kanila, yung pagsusuot ng uni form with matching three-inches heels pa. At sa isang tabi, may roong mga tahimik na estudyante na parang invisible cloak ang ka suotan. Simple lang ayos na, kung anong mahu got sa drawer pwede na. Pero sila talaga yung ta ga-husga, ire-rate ka pa nila mula ulo hanggang paa.

Ikaw? Anong estetik ang meron ka?

Mga Mam, mga

Sir, hindi dahil ‘yan yung available, yan na! Uniform yan na sumisimbolo sa pagkakakilanlan nila. Tulad na din yan ng hindi nila pagsuot ng College Shirt natin na siya ring simbolo ng gintong agila. At isa pa pala, hindi dahil may jowa kang Engi o humihiling ka na magkaroon ng jowang Engi, may free pass ka na para magsuot niyan. Iba ka at iba siya! Eduk ka, matuto kang lumugar.

Ito naman, in general na, yung I.D. lace na ginawa para sa bawat College at bawat Department, hindi yan singsing na nagpapalitan as a sign of your loyalty sa inyong mga bebe. “Lalagyan lang naman ng I.D.” pero may nakalagay jan na pangalan ng department niyo kaya forda respeto rin tayo. Sa dulo naman eh iisa lang yan. Wag inaangkin ang hindi atin. Hindi yan interchangeable accessory na depende sa trip ay pwedeng palitan ang kulay. Wag nang ipilit. Wag pumapapel. Gusto mo palang magsuot niyan, bat di ka nag shift?

This article is from: