2 minute read
Objective, Your Honor!
by nakakapagodmagingbading
Sabi nila, kapag in love ka, tumitigil ang mundo mo—kemi ka sis! Kapag inlove ka, make it sure na hindi raw eduk ‘yang lovidoves mo. Mamumulubi ka raw sa oras at atensyon. “Alms, alms, spare me a piece of bread” ang atake kung sakali mang hindi mo na kayang maatim na hindi ka nabibigyan ng bebe time.
Advertisement
Para bang naglog in ka sa isang social media application pero hindi naman pala nagpa-function. Huy pero ibang usapan ang twitter ha? Eme. Pumasok ka lang for commitment pero ikaw lang din pala ang mag-isa sa huli. Paano ba naman, imbis mag-usap daw sa free time for lambing purposes, magpapaalam para tapusin ang lesson plan na due na kinabukasan. Speaking of lesson plan, hindi ba kayo naniniwala na lesson nga nagpagpaplanuhan namin, future pa kaya natin? Naku! Pihadong umiiling ka. Siguro imbis na planning for future ang naranasan mo sa isang eduk ay naging lesson ka lang pala sa buhay niya, pang character development ka lang kumbaga.
Sa kabila ng mga palusot at paliwanag ko, madalas pa rin talagang sabihan ang mga eduk na mahirap daw kaming mahalin. Para sabihin ko sa inyo, hindi ‘yan totoo! Huy vebs para kang ‘di nag-grade
2! (Ay wow defensive). Baka naman hindi mo lang na-reach ang basic standards like amoy Johnson’s baby powder na kulay blue ka ba? At bukod sa lahat baka hindi mo na-meet ang layunin/objectives na sinet namin. Layunin/Objectives: Sa pagtatapos ng talking stage with an eduk like me, ang honeybunchsugarplum ko ay inaasahang: a. Nakapagbibigay ng katibayanopatnubayna puro at dalisay ang intention,nahindiitolove bombing. b. Iginagalang ang personal time na hihingin ko nang madalas sa sobrangdamibanamanng requirements(hehebusy kacsori). c. Nakapagpapalitan ng “GoodMorning”,“Good Evening”,“Kumainkana ba?”, at “Pauwi na me” kahitnabusytayongdalawa, ma-mi-miss kita syempre.
Hindi naman gano’n kahirap i-meet ‘yang objectives hindi ba? Actually, bare minimum lang ‘yan sa kahit anong klaseng relationship trope. Parang pagbayad sa ‘yo ng utang ng kaklase mong wala daw barya kaya pinahiram mo. Kung nahihirapan ka pa rin na magmahal ng eduk, isipin mo muna kung nadadalian ba silang tanggapin ang mga grammatical errors mo na puno po ng emoji. Madalas kasi hindi naman talaga mahirap mahalin ang isang tao, nasanay ka lang sa easy access relationship na hindi naman nagtatagal kasi walang quality. Kagaya ng student wifi na limited lang hanggang library. Madali ang naging proseso kaya mabilis din ang pagtatapos nito, ‘yan ang lagi mong asahan sa gano’ng klaseng konsepto. Kahit ano pa mang kurso mo, kamahal-mahal ka. At mapagtatanto mo ‘yan kung hindi ka basta-basta nag-se-settle for less. Kagaya ng pagsiksik sa ‘yo sa shuttle na puno ng estudyanteng galing digmaan.’Yun bang alam mo ang worth mo at kaya mong i-offer sa isang relationship. Parang serving ng ulam sa mga karinderya sa Lucinda, nakabase sa mood ng tindera ang dami. Ang cliche pakinggan pero alam mo dapat ang mga priorities mo. Parang crush mo na study first daw pero nawala sa list ng scholarship ni mayora dahil tres na ang average. Huwag mong hahayaang bitawan lahat ng mga pinaghahawakan mo nang dahil lang sa persepsyon ng isang tao sa ‘yo. Kung mahirap ka mang mahalin para sa kanya, ‘yan ay dahil you know what you want, and what you deserve. At hindi mo deserve na maramdang mahirap kang mahalin. Kung pinapa-feel niya ‘yan sa ‘yo, iwan mo na ‘yan gagi! And dito na nagtatapos ang talakayan ngayon araw, babu! Puwede na kayong mag-recess! Huyyy kimmi!