Ngayong taon, inihahandog ng Educators’ Gazette ang BIYAHE na maghahatid at magtatalakay sa totoong kalagayan ng lipunan sakay ang pampanitikang aklat na may temang PULA na nilikha gamit ang kapangyarihan ng peryodismo.
Kalakip ang mga akda, mga dibuho, at mga lawaran, ay mabigyan ng katwiran ang lahat ng naratibong maglalahad at magbibigay kuwento sa opresyon, pang-aalipusta, at pasismo na nag-ugat sa pang-aalipin ng rehimeng ito. Sapagkat kaisa ang publikasyon sa pagbibigay ng pag-asang may magandang bukas pang darating.
Nawa, ay habang binabalangkas ang bawat istasyon ng aklat na ito, maihatid ang hustisyang inaasam.