tangan ng kanayunan ang bandilang babad sa dugo, pinagpupugayan ang tapang nilang magiting na nangahas tunguhin ang 'di pamilyar na landas;
inuugat ang bawat dahilan kung bakit nasa linya ng paglaban sapagkat sa bawat katawang tumutumba sa hanay
napapalitan, muling magniningas ngayon at kailanman. tangan ang bandilang
gågap sa kalayaan, ang tao, ang bayan― kukubkubin ang kalunsuran. *para sa mga martir ng bayan na nagbuwis ng kanilang buhay
Madaling nakatatakas ang mga salita sa papel. Nagkukumahog sa bahagyang lukot, nagtatago sa mga tupi
at tila baliw na umaalpas, nagbabago, nagtatago ng dahas kung ilusyon ang letra’t bantas.
Ngunit may kaluluwa ang mga salita na tila ‘di nanghihilom, bagkus bumabakat, umuukit. ‘Pagkat ‘di nalalamukos ang mga nakatala na sa gunita. ‘Pagkat ‘di napupunit ang mga sa balat ay isinulat
‘Pagkat ‘di mabubura ang mga langib at pilat. At kung ito’y muling tutungkabin,
‘di ba’t ‘di lang hiyaw sa hapdi kung hindi pagtutol sa pamilyar na kanti?
history has shown us the rise of a fascist. uniformed men became lapdogs of the lapdog of the imperialists. the autocrat came up with the perfect recipe to oppress. used his men as a machinery and the law to silence dissent. infrastructures became a facade to conceal the regime's bloody killings. what we see is a reflection of what we have seen before.
history has shown us the rise of a fascist but also his downfall.
history may repeat itself, and if the fascist from the past was taken down, our collective action can unseat another one.
ii. himbing na ang araw,
hindi makagalaw ni makaibo
alas-otso ng gabi, at
matatahimik, mapapayuko
taimtim na minamanmanan
ng isang minutong saglit
ng orasan ang bawat
na katahimikan na ang
pagkurba ng panulat
katotohanan ay naganap
sa papel na kung minsan ay
na ito noon.
bumubuo ng guri,
(ika-30 ng hunyo, 2020)
ngunit madalas ay nagsisimula ng salita.
i.
hinog na ang araw, maya-maya pa'y
alas-otso ng umaga, at
aabalahin ng balita
marahang minamanmanan
ang pagtatrabaho.
ng mga sundalo ang bawat
galaw ng masang-api hindi gagalaw ni iibo
sa diktadurya na kung minsan ay
mapapaluha, mangangatal
bumubuo ng gulo,
sa balitang natanggap
ngunit madalas ay
ng mismong opisina:
nagsisimula ng katahimikan.
"cease and desist order"
agad-agad ay didiretso sa opisina para sa ordinaryong araw ng trabaho. hindi gagalaw ni iibo
magagalit, manginginig sa pilitang pagpapasara sa mismong tanggapan, "patay na ang katotohanan" hindi makagalaw ni makaibo, magagalit, hindi matatahimik sabay takbo, na tila ba
huling minuto na ng buhay, mapapatunghay sansaglit, hindi dapat mapatahimik ang hinaharap. (ika-23 ng setyembre, 1973)
Pagmamasdan kitang marahan sa ginintuang kupita Ng dugong binuro sa taon ng pagdurusa,
Waring ang iyong ganda'y mananariwa sa inunan Ng mga paslit na naghihimutok sa paabot mong tinapay. Ipagdiriwang kita sa mga bantayog nating itatayo
Sa mga kalsadang papadanakan ng dugo At mga kongkretong paglalabian ng mga sigaw Hanggang sa palakpakan na lamang ang maririnig sa mga hiyaw. Ipagsusungkit kita ng mga bituin sa puti nitong tatsulok Gaya ng kung paano kitang inalayan ng mga diyamanteng nililok. Higit mo kaya akong iibigin sa libong pagkakataon Kung ang pares ng sapatos at filipiniana'y libo rin? Pagmamahal ko sa 'yo'y higit sa kanino man, At kung pag-ibig man sa 'yo'y pagiging martyr Malaman mo sanang ang kaluluwa ng libong mamamayan lamang Ang tanging kayang ialay sa iyo, Imelda.
I will remember you the way I want to remember you: A cache of sighs collected halfway through March, and polaroids that nailed Sunday vignettes onto teeth.
You are church, consummation, and carnivore. An afternoon light that settles on the bridge of my nose down to my cheeks. I will remember you like the stark glow of a bonfire now extinguished. Devoid of beauty. You are a parade and a funeral. And I weep. I will carry your corpse like a wrinkle that halves my cheeks in two –
a reminder of a long-lived life. Not as a laughter drowned in the onomatopeias of war, nor a shadow anguished in the smoke
of a burning effigy. Not a pair of wrists handcuffed until unmoving, nor set of eyes seeing nothing.
You’re not a head whose temples had kissed the end of a gun,
nor a neck grabbed with heavy hands until unbreathing. You are life. Not a number in history
or a name now only known in tombstones. I will sing your remaining memories with the cries of a hundred dead men. So as Marcos decays among the heroes, I’ll pray at the foot of my own sorrows and pain. For I have loved no country but a body in which the mountains were mine, and where the tears embrace my deepest oceans
like the rivers. Let me borrow the voice you lost in 1972, and remember you until I can
never again. You are my revolution and protest. And I scream.
Oh sintang disgrasyada, Kay inam pagtamnan iyong lupa Naging patabang ganap Yaring dugo’t laman ng masa Ngayo’y binibigyang bagong bihis kasaysayang tagos sikmura Sa pagbuka ng iyong hiwa Ipapanganak ang bagong salinlahi Sa makipot mong pagitan iluluwa
Silahis ng makabagong bayani Uungol ka mang magmuli Ngunit sa kalye na ang aming bati
Oh lupaing sinisinta Isang malagim na baliktanaw Tanawin sa mga tahimik na kalsada Pangako sa iyo’y sa paglagot Mga nawawalang hininga Malalagot ang berdugo, rehimeng pasista
slayed in the war—
vindicators stay vigilant
oh, how we mourn
against the prying beast
of he who wore the crown of thorns
faint sigh and belligerence
the abandoned bargained of he who danced
fabricated ignorance—
on night’s mud
god, are we forsaken?
lest perchance
he waltzed on blood
he ascends again fifty-one years after,
rosaries rattle
about to chain
candles are lit
every dissenter
red is the mantle of the dictator’s exhibit
he proudly slaughters blood goes flooding;
he who hurt the innocent
we are at the horrors
spits on the deceased,
of the second coming
a bloodthirsty king sat on the throne discipline was instilled to the communist rebellion
decades of dissent, a fascist overthrown it was the beginning of the revolution discipline was instilled to the communist rebellion
decades of dissent, a fascist overthrown it was the beginning of the revolution a bloodthirsty king sat on the throne decades of dissent, a fascist overthrown it was the beginning of the revolution a bloodthirsty king sat on the throne discipline was instilled to the communist rebellion it was the beginning of the revolution a bloodthirsty king sat on the throne
discipline was instilled to the communist rebellion decades of dissent, a fascist overthrown
I heard stories of him who ruled
And made it valuable like shiny gold
this land of ours with glorious might
With immense progress at the sight.
And made it valuable like shiny gold
With immense progress at the sight.
At least, That’s not the story they’ll hear from me
At most,
I will not cause
That’s what my grandma told me
Another manipulated history.
Lives lost, Has she forgotten about thee?
I’ve seen stories end from the hands of him who ruled
I heard stories that he ruled
This land of ours with bloody fists
By death of them who dare oppose
Where he has set an army of trolls
Pens and papers, he had burnt
To further bury the powerless
Deaf to their misery and woes. Resist Lives lost,
This is not just our story
They were not just stories
Persist
Their ghosts
This is yet to be a victory.
Will forever haunt history. Against another fascist. My sons heard stories of him who ruled This land of ours with glorious might
For our sons and daughters.
Noon, sisilip ang bukas bitbit ang lunas
sa dalamhati't kasakiman ng mga taong sakim sa kapangyarihan Bala ang malaya kadikit ng mga salita na hindi tumutugma sa mga platapormang inilathala Ilang salapi ang panakip-butas sa kanilang ginawa at kung ito'y hindi uubra, bukas o sa makalawa, ika'y malamig na. Ngayon, malamig pa rin ang panahon mainit pa rin ang bala ng kahapon
Sa ‘kin pa rin ang may posisyon at ang pagiging malaya ay isa pa ring rebolusyon.
Matapos ang hapunan, dali-dali akong pumunta sa lababo upang maghugas ng aming pinagkainan. Hindi bale na, sabi ko sa sarili, matapos kong maalala na ngayong gabi, si Mona, isang kapatid sa labas, ang dapat na nandito ngayon sa kinatatayuan ko. Hindi ko rin alam ang rason sa likod nito. Sadya nga bang sinisipag lamang ako o baka naman may tinataguan ako – at hindi ko rin batid kung maaaring ano ito: tao, bagay, pangyayari, o impyerno? Basta, saka ko na lang siguro sasabihin. Pero ang totoo niyan, nitong mga nakaraang araw lang, hindi na talaga ako mapakali. “Anong suot mo kagabi?”
Ayokong sagutin. Pero mukhang tanong iyon mula sa tatay ko. “Ang sabi ko, anong suot mo kagabi?” pag-uulit niya.
Pinili kong panindigan ang gusto ko – at iyon ang kagustuhan kong hindi siya sagutin kahit na naririnig ko na ang pagkairita sa tinig niya. Maaaring sabihin niyang nagbibingi-bingihan ako. Maaari rin namang
umamin na ako na tila naputulan na ako ng dila simula kahapon. Pu’puwede ko rin na i-kwento sa kanya na sinadya ko iyong ipagawa sa kumpare niya na nakatira roon sa kabilang kanto, si kuya Toni. Kilala naman siya sa buong barangay Mapadpad bilang isa sa mga masugid na nagbebenta ng karne ng baboy sa palengke. Hindi naman na bago para sa kanya iyon. Isa pa, malinis siyang gumawa. Kaya panatag ako. “Pinaka-ayoko sa lahat ‘yung pinagmumukha akong tanga, Victor,” nagngangalit niyang sabi. “Huwag mo rin na hayaang dumiin itong kamay ko sa paghawak ko sa iyong leeg,” banta niya. “Hindi ba’t nasabi ko na sa iyo ito noon? Makita na kita kahit saan, maski pa sa kabaong, huwag lamang sa TV. Ano bang napapala mo sa rally-rally, ungas ka?” tanong niya. Hindi na ako gaanong makahinga. Ang totoo niyan, kaagad na rin na nakita ng mga tao sa bansang ito ang nakahimlay kong bangkay sa kabaong matapos ang gabing iyon. Tirik na tirik ngayon ang araw. Pakiwari ko, ang oras ay alas tres na ng hapon. Lampas na rin sa bilang ng aking mga daliri sa kamay kung pang-ilang araw ko na itong pananatili sa mundong ibabaw. ‘Di bale, sampung araw na lang naman bago ako mag-40 days. Konting tiis na lang.
“Pareng Rody, tapos na,” wika niya. Tama ang pandinig ko. Pamilyar ang boses na iyon. Malalim at sakto lamang para sa isang kwarenta anyos na supplier ng karne ng baboy sa palengke, si kuya Toni. Matapos ang ilang segundo, nagsalita muli siya.
“Napaamin mo ba?”
“Masyado na siyang maraming alam. Pinaka-ayoko sa lahat iyong pinakakailaman ako, pare, alam mo ‘yan,” banggit ni tatay. “Matalino ang anak mo, p’re. Talagang malalaman niya ‘yung nabaril ng parat mo noong isang linggo ro’n sa kabilang barangay. Ano nga pala ulit ang pangalan no’n? Kifer? Kian?” “Hunghang ka rin talaga, Toni. Sa lahat ng lugar, bakit dito mo ‘yan uungkatin?” sagot ni tatay na akmang itinaas ang kamao kay kuya Toni. “Pula, pare,” muling sabi ni tatay. “Pula ang suot niyang kamiseta noong isang gabi.”. “Ah…” ang hindi namamanghang sagot ni kuya Toni. “Rebelde nga,” dagdag niya. “Alam mo, p’re, magkakasundo kayo ng pinsan ko. Naka-ilang lamay na rin ‘yun, eh,” panghihikayat ni kuya Toni. “Mula anim na anak, ngayon dalawa na lang. Hindi ko lang alam kung napaamin na rin ‘yung isa ro’n. Sabi niya matigas pa rin daw ang bungo. Kakwentuhan ko siya nito lang sa bayan.”
“Pangalan, pare?” “Ferdy. Short for Ferdinand, p’re.”
As you stand on the podium well presented With your wrapper on with words that appeal to the senses
You remain sturdy-- rigid, even when tested. In all the sweetness on the stage Catering to the want, to the need for change You begin to roll off our tongues like a household name. Saccharine much to some’s dismay through your wrapper lies the truth and the sour surprise you have yet to display. Yet, even when we’ve tasted the acidity and want to spit you out
Our jaws are locked tight from the sour taste in our mouths. Despite that, some still buy the act, and eat up your words
Like a hard candy they can’t get enough of So they pop in another, until their taste buds burn out.
It was all a moment of passing: a rainbow puddle from gasoline dripping
through an old jeepney pipe - its smoke belching as filthy as this forsaken Avenue; a ray of sunlight embracing skins burnt brown by bus windows
enroute to Kalayaan. You were the road less travelled, a journey near home.
We were the streamer, the banner, the call. We were the lost and found, the country's unsung heroes, the worthy bargain of this
city's blood ransom. A flag waving in midair. We were the revolt.
This road has always remembered me, like how you called me ages ago: from muffled screams trapped in tapes, and wounds bleeding on the insides of shackles.
Eyes shut closed and legs forced open. A tortured flesh robbed of its own soul. It was the same time of the year. Time remembers me like how eight torn pages from a Mercury Drug calendar force feed me its hard candy. Our history etched in between this city's wall; our sweat, blood, and tears that watered this same road; our voices left hoarse; our slippers lost in rallies;
our fists clenched in union. We were a story written, but never read. We were a revolution fought, but now forgotten.
*for the souls who once fought but are now forgotten
Papariin nang papariin ang tugon ng aking mga nakapikit na mata. Hindi ko na kayang lumuha pa. Umuurong ang aking tainga sa bawat ugong ng mga makinarya, at tunog ng mga nababasag na baso. Nakatitindig balahibo. Hindi nakalimutan ng aking balat ang paglapat ng pumapasong init, baon ng mga matitigas na bagay, at nangangasong banat sa sentro ng aking laman ng bote o ari. Nanginginig nang may pangingimi ang katawan. Naliligo sa mga talsik ng giya mula sa mga lagari ng kung kani-kaninong pagkamakam – hindi ko na makilala tuwing naroong nakabuka. Nilimot na ng mga nangangatal kong labi ang mga salita. Nanginginig ng walang imik. Nilisan ng sariling tinig. Wala na rin akong maramdaman. Namanhid na ang kaluluwa sa di-masaid na karahasan. Hanggang dito na lamang – mananatiling pinamamahayan ng mga kilabot habang nililimot ng aking mga ipinaglaban.
in a place of oblivion,
and somewhere in that room,
the word safe meant two things;
drugged by a truth serum,
a place to keep something secured,
physically and sexually assaulted,
and to be free from any risk or harm.
harassed by cigarette burns.
in a place of oblivion,
it's aggravating how
one did not understand clearly
the viaduct of san juanico
how sometimes, a word meant
is the bridge of love to the fascist,
the exact opposite of it.
but a torture to another.
but when one learns how to swim
in a place of oblivion,
on the papers that witnessed the past,
one did not understand clearly
the oblivion disappears and
how sometimes, a word meant
the truth shows its side.
the exact opposite of it.
it's disturbing how a safehouse
the safehouses were
was where the darkest era manifested;
anything but safe
in the soles of someone
and the bridge of love
being seared with a blazing iron.
had no love in it.
Hanggang ngayon kayo ay umaawit sa saliw ng kaniyang hustisya at pamimihasa. "Walang limi ang mapagpipilian malibang hindi ka mawala." Habang -buhay na magiging bulag ang langit sa mga tulad niyong pwersahang dakit ng lupa. At doon sa ibaba, siya ay naghihintay; sumasayaw habang bahag ang sungay.