metaphors
SeeSaw
K asunod ng inilimbag na libro ng Metaphors, A ng lathalaing ito ay para sa mga mag-aaral (1st Year) na hindi nakakuha ng literary folio. P inid ang pintuan ng mga taong takot... sa Mantikilya A ngat ang karanasan ng personang patuloy ang pagkampay... sa Buhay N anunuot ang kaluluwa na ipininid... sa Alikabok I tinataas naman ng bawat pagkampay ang dangal... sa Nasirang Gabay. M antikilyang hindi matatagalan kung sa sarili nanggaling ang pang-gisa B uhay na kung mawala man, hindi nalang nasayang A likabok na nagpapabahing sa iritadong damdamin N asira ang see-saw kaya’t sira narin ba ang panimbang: G abay sa pagsilip upang makita ang mali. PANIMBANG ang pangunahing layon ng see-saw, A t hindi natatapos sa laru-laro lang mismo, B asta’t ang tao’y patuloy na nasisiyahan, A ng dating paglilihim lang, magiging kasinungalingan. Kaliwa’t kanan; taas-baba, sa bawat gawi ay nagsisikaway Orihinal na lunduyan ng nakasakay, posibleng maging dulot ng pagkamatay.
Genré
Central Student Publication office Ground floor, Computer Science Bldg., Wesleyan University - Philippines Cabanatuan City 3100, Philippines e-mail: genrewup@yahoo.com facebook.com/genrewup Anumang bahagi ng aklat na ito ay hindi maaaring gamitin, muling ilimbag, kopyahin sa anumang anyo at isalin sa kahit anong paraan ng walang pahintulot ng mga may akda, patnugot at ng patnugutan. Reserbado ang lahat ng karapatan. ©Taong 2013
LEXTER G. CLEMENTE LITERARY EDITOR
ROLANDO C. INIWAN, JR. Editor-in-Chief | ALVY V. TOLEDO Associate Editor | KEVIN REY P. SAGUN Managing Editor BRENDA LYNNE P. AGUILAR Head for Circulations/DevCom Editor | JAN ADRIAN F. DELOS SANTOS News Editor | JEROME O. ESTAVILLO Opinion Editor | RHOUNEE RON D. KEVIN FRANY Feature Editor | LEXTER G. CLEMENTE Literary Editor | JOMAR P. SILVA Sports Editor | MARIA LILIBETH E. CABRAL Art Editor JERVIN A. MADERAZO Photojournalist | ANNE KLEIN Q. ROQUE; FREDDIERICK U. LADIGNON Cartoonists NOEL VINCENT L. DOMINGO; FAITH CHLOE PATACSIL; DON PATRICK M. GALISANAO; RUTH M. TOLEDO; ROSE ANN P. PANGILINAN; ELIGIO G. CRUZ, III Staff Writers AVEE ROSE TOLEDO; GLENNEL REYES; EPHRAIM PASCUA; PATRICIA ANNE NAVARRO; JAN RONEILLE PANGILINAN; JEREMIAH C. SANTOS; AROL JOY LIBAO; CAMILLE DOFREDO; MARIA JUBELLE LEGASPI; JOVIROYCE J. NUÑEZ; JEROME SIBUMA; MARK GEOFFREY NAVEA; JHON MARK PAYNOR; CHRISTOPHER LICUANAN; PATRICK HENRY INOCILLAS; LYN LASTIMOSA; LOUISE IVAN PAYAWAL; JAMAICA DELA CRUZ Researchers DR. ELGIN S. PAGUIRIGAN Technical Adviser
Mga Tula, Sanaysay at
Maikling kwento
Tara na sa siso... Sa paborito mo. ‘Di naman na tayo bata Alam ko lang... ...na doon kita makikitang masaya...
Bugaw ng Sambayanan Tata-Ina-ako Jerome Estavillo
Dumadampi sa aking katauhan Ang init ng kanyang katawan Mula ulo hanggang paa Pag-aapoy ang nadarama. Mula sa tubig Ako’y kanyang iniahon Inalis niya ako Sa pagkalunod at pagkabaon. Ako ay naririto, Nakatindig, nakatayo. Kaya’t naniniwala akong Siya ay mabuting tao. Sa paglipas ng panahon, Nakilala ko siya nang buong-buo O, pinuno Ano ba ang pag-ahon para sa iyo? Kahirapan? Katiwalian? Kasinungalingan? Tutang dayuhan?
genre
Jerome Estavillo
Ama, ina, Narito na po ako May dala po ako na pasalubong sa inyo. Ang sabi ni ama, “Oh anak, kumusta ka? Masaya ka na rin ba?”
Isang minuto ng kaligayahan Para sa dala ko sa kanila Wika naman ni ina, “Anak, may pasalubong ako... Ngunit isang taong kalungkutan Sana’y lagi kang mag-iingat.” Sa tangan-tangan nila. Sa aking pag-uwi Bitbit ay kaligayahan sa pasalubong na yema Nang magimbal ang lahat Sa salpok sa kalsada. Mahal na ama’t ina Maraming salamat po Sa inyong alay. SUMALANGIT NAWA
Ako ay nilinlang, Inabuso, pinaslang Pinatay ng sistema na matagal nang pumapatay Ng Pilipinong katulad ko.
4
Ako ay isda, Inahon sa tubig upang isalang sa apoy Salagablab ng ganid at makapangyarihan Sa daang matuwid papuntang impyerno.
SeeSaw
august 2013
Harana
Patricia Anne Navarro Inilabas na ang gitara, Handang-handa na upang mangharana, Pumupili nalang ng kanta, Na magandang i-alay para sayo aking sinta...
Nasaan Ka ,Pilipino? Rolando C. Iniwan, Jr.
Malayo na sa itsura, Maging sa damit at pananalita, Sa ayos at postura, Iyong matatanong, Pilipino nasaan ka?
Lambing ng boses ay gagamitin, Upang mga tenga ay makinig sa akin, Sasamahan pa ng matamis na titig, Upang malaman ang nais kong ipahiwatig...
Nagsimula bilang mga indio sa dayuhan, Nagsilbing dahilan para makipaglaban, Bawat patak ng dugo at tumutulas na pawis Mga ninunong buhay ang binuwis
Ano ba itong kaba na aking nararamdaman, Nanginginig din ang aking buong katawan, Nanlalamig dahil ika’y nasa aking harapan, Hala, paano ko ba ito sisimulan?...
Matapos sakupin ng mga kastila, Hapon naman ang lumukob sa kanila, Amerkanong nagbigay daw ng kalayaan Ngunit kalayaan nasaan ka?
Ito ma’y makalumang pamamaraan, Kakaiba naman sa trip ng ibang kababaihan, Di man ako katulad nilang may ipagmamalaki at kagandahan, Kaya naman kitang ilibre ng sago’t gulaman... Maaring natatawa kana sa aking kamaisan, Pero sersoyo ako sa aking nararamdaman, Mahulog man ako sa hagdanan, Peksman, puso ko’y ikaw parin ang nilalaman... Itong munting harana ay para lamang sa iyo, Sana’y magustuhan mo, mahal kong pepito...
Totoong malayo na ang ating narating Ngunit sa kaalama’y ganu’n pa rin Ayaw ng pasakop sa gawing alam natin Ngunit ang totoo, puso nati’y lukob pa rin Mahirap man tanggapin na siya ay nawawala. Hanggang kailan tayo magiging tanga Sa kasalukuyang nangyayari Ano nga ba ang dapat na maghari? Ang yakapin ang ugaling dayuhan hanggang dulo, O, ang hanapin ang nawawalang Pilipino? Pilipinong sa isip ay natatangi, Ang mga salita ay pinanatiling nakatindig Sa gawa ay pinaglalaban ang tama O, Pilipino nasaan ka?
metaphors
5
OK
Katarungan.Kalayaan.Kapayapaan Rolando C. Iniwan, Jr.
Katarungan. Kalayaan. Kapayapaan. Kamangmangan sa kapangyarihan, Ang lumulukob sa ilang anak ng bayan. Tanging hustisya ng sa mata’y mayroon daw takip, Animo’y matang katungkulan ang sumisilip. Rebeldeng mamayan ang siyang napaparusahan, Upang mapagtakpan lamang ang mga kahangalan. Naging katotohanan ang isang kasinungalingan, Gawa ng mga inakala nating sandigan. Ang balanseng noo’y tumitimbang sa katarungan, Ngayo’y isa na lamang malaking kublian. Kalapating kumatawan sa hinangad na kalayaan, Ang sa ilan inakala’y taon nang lumilipad, Laya nga ba ang naranasan nang magkaroon ng kapangyarihan? Ano na nga ba ang nangyari, saan na tayo napadpad? Yaong pakpak patuloy na naiwasiwas Ang mga paa nama’y kadena pa rin ang may hawak Alinsunod sa mga ninuno, ipaglaban ang sarili sa dayuhan Ngunit ngayo’y inaapakan ng sariling kabayan. Kung maaari lamang tayo’y muling magsimula Ayusin ang batas ayon sa ikabubuti ng madla Paano at kung saan ito magagawa? Alisin ang pansarili ng hangad at ilaan sa kapwa. Yaman man ang hinahangad ng karamihan, Ang kapayapaan ay mas masarap maranasan Patuloy man tayong mangarap sa mga bituin Ang mga ito’y maaabot din Alon sa dagat atin na lamang bang sasabayan? Ngayong nalulunod na ang ating karapatan.
genre Heaven’s
Lull
Noel Vincent Domingo
My whole world is sad and blue Until melody gives hue Like persuasive voice that blew And cured my heart: make it new. You’re my angel in disguise A heaven’s gift and surprise To tune in my spoilt side And let love be amplified Let our music be played loud As story of a thousand dove Singing into the highest cloud Where the golden love is endowed Powerful, your obliging eye Merciful, your pervading cry Fruitful, your boundless thoughts to rely Coz’ Lord of Lords sings a lullaby.
Katarungan. Kalayaan. Kapayapaan.
6
SeeSaw
august 2013
Kailan kaya muli? Arol Joy Lumibao
Nakatanim pa sa aking alaala Gaano kadalas na akong nababalewala Lumipas ang matagal na panahon Pag-ibig sa akin, sa limot lamang nabaon Dati ay sumumpa ka pa sa akin Nalimot mo na ba iyon, o giliw? Buong katapatan ay biglang naglaho Akala ko ba’y iibigin mo ako? Bihira mo na ako ngayong pansinin Kung minsan pa nga’y binabastos na rin Humihinto ka ba ‘pag ako’y nakikita? Awit sa akin, sinasabayan mo ba? Kung ako’y bibigyan ng pagkakataon Ibabalik kita sa dating panahon Upang sa iyong isipan ay tumimo Kahalagahan at sinisimbolo ko Nawa’y tuluyan ka nang magising Bumangon sa’yong pagkakahimbing Kung ikaw ay tuluyang makalilimot, Sugat na dulot mo’y hindi na magagamot Nakatanim pa sa aking alaala Panahon na ako’y iginagalang pa Mga kabataan, kayo’y aking kailangan Ako’y muling ibigin, ako ang inyong bandila.
metaphors
Isang kaban ng Karapatan
Rhounee Ron Kevin Frany
Lulusong... Aahon... Araw-araw Sa lupang tinigib ng pawis Ang lupang binubungkal At tinatamnan Ng mga binhi Ng pighati at hirap Dinidilig ng irigasyon Ng dugo at luha Dinggin ang taghoy Ng kumakalam na sikmura Kinakain pati ang kaluluwa Sa kabila ng pagod Sa maghapon Hihintayin Matapos ang tatlong buwan Aanihi’y mga butil ng buhay Na hindi sapat Hindi sapat sa maghapong iyon Lulusong... Aahon Sa lupang tinigib ng luha Ang kaprasong ektarya na Tinatamnan ng pag-asa At pinagkakaitan ng Karapatan At pinagkakakitaan ng mga Panginoon Na salapi ang panawagan Ngunit hindi pa rin sapat Lulusong... Aahon Sa putikan na nagdala Ng kakainin sa hapag ng kapangyarihan Ngunit wala silang pakialam Sana sa susunod na anihan Sapat na
7
genre Photosynthesis
Jeremiah C. Santos
Sometimes, I want to show the world how beautiful our secret has become. You know very well that the walls of our hidden garden, which stand as witnesses to our shared memories can no longer contain it. And I, in my heart, do not want to hide like this forever, like a plant deprived of sunlight, of water, of air, and finally-of life.
KevinSagun 13
8
Priceless Encounter Glennel Reyes
He knows my burdens and my crosses Even those things that hurt, those trials and losses He cares for my soul that cries, He wipes the tears from my weeping eyes. From the dark, He shown me the light KevinSagun 13 I can see a vision from that tragic night, I saw a crowded place that shines so bright, From uproar of multiple, is something not right? With stride I take, I saw clearer I hear din of curses from such crowd, seems wilder They’re spitting it to a man who turns half another, Just to see the same Man, I began to shudder. I can feel my heart tight, I want to explode Why do they let this man, suffered such load? He looks straight to me stroking such cue, Softly he whispers: “This is how much I love you.” He came to do the Father’s will And now it will be ended here on dark Calvary’s hill I knelt down as I grimace and shook my whole at grand At the cross, I saw myself holding a hammer in my hand.
SeeSaw
P. A. R. M.
august 2013
Maria Lilibeth Cabral
She will be loved
Kevin Rey Sagun
Silence. Lady sitting there alone, In a dark adjacent room, I remembered; Not trying to leave her for her own, While she’s terribly feeling cold. Curiosity. I can’t help but to get closer, To hear muted melody of teardrops; A tradegy of forever, Sadness, her heart always grasp. Regret. My mind screaming to do something, Or somebody else will do it; She really don’t deserve pain and sorrow, I have to save and get her right.
If I will die today I wanted to be alone, Lying in the dark of sorrow, Thinking about your tomorrow. If only I could be numb so I wouldn’t feel pain And just accept all this fate, Maybe the world wouldn’t care But maybe if I die. I could die with peace Knowing that you are mine Until the last of my time But only if I die. Could you promise me this one? That you will never ever cry And just accept That it’s my time.
Hope. ‘Cause she cannot remember how to love, And the feeling of being loved, though; One shot of hapiness, for her i’ll grab, Make her feel it forever, if I had to do so.
metaphors
9
The Riddle Glennel Reyes
When dark seeps the twilight of days, When void we are of reasons to hope, Must we bear the yoke for what it yields? To rest, if we can, to wit, bear in dread, And so the pitiful dreams ‘till fates shred, The taxing deeds which the hopeful bred, Too worse a fate than the dread it fares, When we grimace at the fated unconsciousness, Yet we bear the whips, for fear that we own scoffs, Desire tells not to, when we ought to, Thus the deceived beings prove to us, And in thrall to hope we bear the whips, In case we be shoved to the infernal abyss, When the yoke warrants eternal bliss, And hence the riddle: what to dread?
genre Reminders for You
Jerome Estavillo
Though we’re not together Make me feel that you are there Give me hope Comfort me. Though we’re really apart Make me feel you’re beside me Give me your presence me Hug me so tight in your dreams. When the time comes that we will see each other again Talk with me Take a breath Let us treasure every moment. When we have already our own lives Look at my picture Always remember Our breath-taking seconds. Finally, when I leave this place Cry for me Suddenly suffer for my departure Bring me candles Pray for my soul.
10
SeeSaw
august 2013 Remorse
Patricia Anne Navarro My darkest secrets are incinerating my heart, And there is only a tad chance of escaping these ghosts, I’ve been having nightmares every night, Since the day I refused to see the light… Shadows are embracing my soul, My body is numb, But this is what I’ve always wanted, Just to feel nothing at all… Shattered glasses are everywhere, My cuts are deep, My bones are clenched, And it’s getting harder to breathe…
I am tired Of exerting arduous efforts, I think I need a break, Goodbye and goodnight…
metaphors
Glennel Reyes
KevinSagun 13
I was vexed, by the bright sunshine that permeated the room, Oblivious by this endless soreness, That caused me an unbearable ennui.
The Fated Lame by fall, one cried for care, Fame or gall, none could spare; The price pays for the barbed gift. The sun has him scorched in anguish; As mortals pine for, as they languish, So did he, to outdo the restive sleep. Just as pain forges one to rude sobriety, The sketchy despair longs for its entirety, And so the dusk has him endowed upon, For the gleaming star must render hope, But ill bodes the despair, consummate; For what star stands the scorching life; The heaven’s envy, the mortal doubts, The lame knows not what dreams entitle, And the pitiful errs, as he schemes sleep.
11
Manggas At Pitak Lexter Clemente
Neverland
Patricia Anne Navarro
City lights are dancing in the streets, Stars are twinkling up in the sky While the moon is waiting for us to fly… Our wings are made up of pixie dust, But it won’t work without faith and trust, If I’m Wendy, Would you be my lost boy? Now, give me your hand so we can run away, Forget your scars, and together we’ll pray… Captain hook is not here tonight, So we can do whatever we want, Let us go to the place where the Indians hide, And sing with Tiger lily all night, Tinker bell; Give me some pixie dust, Dear peter, don’t you ever leave my side… I don’t want to grow up, For it is a trap, And I think I just found my heart, Somewhere in Neverland.
Mahaba-haba narin, aking paglalakbay Mula sa pitak ng kahirapan Pinanggalingang bersyon ng kalagayan Sisimulan ko nang ito’y kalimutan, Sa handog na edukasyon ng may katungkulan Pagpitas ng mga ani’y wala na sa isipan Malamig na presentasyon, manggas ng propesyon Ang aking ipinalit sa landas ng agrikusyon, Bakit pa ako babalik sa maruming tubig-baha Kung ngayo’y nandito na sa tuktok ng sagana Bakit pa ba ako lilingon sa’king pinanggalingan Kung nandito na ako sa ninais kong kalagyan.
[Me + You august 2013]
genre
** Rhounee Ron Kevin Frany Make it easy, say I never mattered*Young Volcanoes At trust and love, hope and hope*I’ve Got ADark Alley And ABad Idea That Says You Should Shut Your Mouth Having another episode, I just need a stronger dose*7 Minutes In Heaven And it’s me and my plus one at the afterlife*Thriller Last year’s wishes are this year’s apologies*I’m Like A Lawyer With The Way I’m Always Trying To Get You Off Keep singing this lie if you keep believing it*Sophomore Slump I’ve got the scars from tomorrow and I wish you could see*My Songs Know What You Did In The Dark The best of us can find happiness in misery*I Don’t Care A rivalry goes between me and this loss*Dead On Arrival Ribbon on my wrist says do not open*Our Lawyer Made Us Change The Name Of this Song Only breathing with the aid of denial*You’re Crashing, But You’re No Wave Now you’re gone but I’ll be okay*Miss Miss You Negate the pain that I’ve been through to avoid you*Chicago Is So Two Years Ago I must confess I’m in love with my own sins*America’s Suitehearts Either gone in an instant or here ‘til the bitter end*Death Valley Like I’m the last damn kid kicking that still believes*Save Rock and Roll Across walks and crossed hearts*The Phoenix Dear gravity, you’ve held me down in this starless city*Tiffany Blews Remember me as I was not as I am*Rat A Tat Invite me in so we can go back and play pretend*Alone Together A footnote on someone else’s happiness*Headfirst Slide Into Coppestown On A Bad Bet Then these are just conjugal visits*The Take Over, The Break’s Over I’m half doomed and you’re semi-sweet*Disloyal Order Of Water Buffaloes Couldn’t bring myself to call except to call it quits*Bang The Doldrums One night and one more time*Thnks Fr Th Mmrs You and me are the difference*Where Did The Party Go And we’re friends, yeah, we’re friends*Champagne For My Real Friends, Real Pain For My Sham Friends Paved with good intentions; off the key of reason*Hum Hallelujah **from Fall Out Boy *songs by Fall Out Boy
metaphors 13
All lines are lyrics written by Fall Out Boy
SeeSaw 13
Pitik Bulag, sino ang taya? (Ikalawang Yugto)
M
Jerome Estavillo
genre
ababaliw na ako sa sobrang tuwa. Natutuwa talaga ako sa kawirduhan ng mga tao sa mundo. Karamihan sa kanila, nasa iba’t-ibang lebel: may weak, slightlyslight, slight, slightly-severe at severe-na-severe. Pero ibahin nyo si Charo - hindi siya yung babae sa telebisyon na dalawang-dekada nang nagkukuwento ng buhay ng iba’t-ibang tao. Siya ang isa sa mga pinaka-weird na taong nakilala ko. Hindi lang weird, may tililing na yata. At ito ang kanyang kuwento: Si Charo ay nakilala ko noong umattend ako sa isang convention ng mga kabataang lider sa Zambales. Dahil kakaiba siya sa lahat ng mga delegado sa convention, madali ko siyang napansin. Maganda naman siya. Artistahin, kaya lang masyadong payat kung magiging bold star. Baka hindi niya kayanin yung ganoong role kapag pinatungan na siya ng kanyang kaeksena. Ayon sa kanya, pinanganak siya sa Malolos ngunit sa Zambales na siya lumaki. Nandun daw ang kabuhayan ng kanilang pamilya. At dahil mukha namang mabait siyang tao, madali ko siyang nakagaanan ng loob. Siya halos ang kasa-kasama ko sa limang araw sa convention kaya alam ko na ang mga galaw niya. Madalas niyang punahin yung kulay ng damit nung mga guest speakers at ookrayin ang mga ito.Madalas din niyang bilangin ang mga silya sa conference hall at ayusin ko raw yung mga nawala sa ayos na upuan. Nung kumakain na kami, napapansin kong hindi siya umiinom ng iced-tea dahil yung mismong yelo ang pinupuntirya niya. Bigla ko tuloy siyang tinanong, “Charo, hindi ka ba nabe-brainfreeze diyan sa ginagawa mo?”.Tugon naman ng bida, “Ano ka ba, walang basagan ng trip”.Oo nga naman daw kasi.Walang basagan ng trip.Pero nakakapagduda talaga eh, malala ang trip niya. Third day. Hindi ko talaga malilimutan ang ginawa niya. Habang idini-discuss ng guest speaker ang ‘Love, Sex and Marriage’, bigla siyang sumigaw ng, “Malandi! Mapusok!” Napukaw niya ang atensyon ng lahat habang ako ang nahihiya sa ginawa niya. Pinalagpas ko ang araw na iyon. Fifth day/last day. Ilang oras nalang at uwian na.Pero bago ang lahat, awarding of certificates muna. Habang isa-isa kaming tinatawag sa stage, inaabangan kong banggitin ang pangalan ni Charo. “My goodness”, kinakausap ko ang isip ko. Ang tagal niyang tawagin. Binigyan yata ng demerit kaya wala nang certificates. Ilang saglit pa’t narinigko na ang “Charo Mel Tiangco Santos”. Umakyat si Charo sa stage. Mukhang-pormal ang mukha at tindig niya. After a minute, wala namang masyadong nangyari. Naubusan yata ng pasabog. Pagkatapos ng awarding, picture taking na. May souvenir man lang bago umuwi sa kanya-kanyang tahanan. Natapos ang picture taking. Umalis na si Charo nang biglang may nagsalita sa microphone at sumigaw ng, “Sunog! Sunog! Florante, iligtas mo ako. Kalimutan mo na ang Laura ng buhay mo. Ako ang piliin mo sa amin.” Biglang tumawa ang publiko. Natatawa rin ako ngunit may halong awa kay Charo. Kailangan ko pa rin siyang i-respeto bilang tao. Pagkauwi sa bahay, pahinga muna ako. Kumain ng masarap na kare-kare ni nanay at pagkatapos, natulog. Limang-oras ang lumipas, nagising ako.Baon ko ang isang magandang ala-ala ng convention. Naaalala ko pa rin kasi si Charo. Sabi nga sa amin sa seminar, kalimutan na raw ang mga hindi magagandang bagay na nangyari. Bumangon ako at biglang humarap sa salamin upang mag-ayos man lang ng buhok. Bilang isang kabataang-lider nga pala, tungkulin ko na ibahagi sa iba ang natutunan ko sa limang-araw na convention, hindi lamang yung mga lectures mas lalong higit ang karanasan at kahalagahan ng isang kabataang-lider sa lipunan. Nagkuwento ako ng mga karanasan sa seminar pati na rin yung mga taong nakahalubilo ko. Hindi ko naialis sa usapan si Charo. Isang-oras ang inabot ng aking pagkukuwento. Nakalimutan kong nakaharap pa rin pala ako sa salamin habang kinakausap yung tao doon – Doon mismo sa salamin! Ako nga din pala si Charo. Ang pangalan ko ay Charo, weird, pero may sayad nang tunay. Isa akong baliw at kailangan ko ng pang-unawa ng mga normal na taong katulad mo.
14
SeeSaw
august 2013 Miss Destiny Mark Geoffrey Navea
M
agkikita’t magkikita din kami. Kung ayaw man ng tadhana, Ako na mismo ang gagawa ng paraan”
June 27,Thursday 12:04pm Sa hubog palang ng kanyang katawan na kahit nakatalikod at medyo malayo ay alam kong siya ‘yun. Ang kanyang paglakad. Ang hampas ng bewang. Pinaaalala sa akin na dapat akong magsisi kung bakit iniwan ko siya. Si Lyka… Ang babaeng minahal ko pero nagawa ko lang saktan. Kulang ang mga salita upang mapawi ang lahat ng sakit. Tanghaling-tapat noon. Maaliwalas ang paligid. Sinasalo ng mga punong Acacia ang sikat ng araw. Habang naglalakad siya palayo sa akin. Nagdadalawang-isip pa ako kung susundan ko ba siya. Alam kong sa mga sandaling ito nakasalalay kung may kahihinatnan pa ba ang sinasabi ng puso ko, na baka pwede pa kaming magkabalikan. Unti-unting bumibilis ang lakad ng aking mga paa, patungo sa kanya. Hanggang sa tumatakbo na ako nang hindi ko namamalayan. Napatingin na sa ’kin yung mga estudyante sa corridor. Ang mga tingin nila’y kakaiba. Hirap i-explain. Hayaan na natin sila…. Matagal-tagal ko na rin siyang hindi nakausap, nahawakan o nahalikan. Kaya nasasabik na nga ang puso ko na makita siya ng malapitan. Sa pagkakataong iyon, pati ang isip ko’y kampi sa sinasabi ng puso ko. Na kailangan mo siyang makausap kahit sandali lang. Parehas kaming transferee sa Wesleyan. Ako galing Lyceum. Siya nama’y galing sa NEUST. Parehas din kaming nag-stop muna at nagtrabaho. Pero noong nabalitaan kong nag-enroll sya. Nag-enrol din ako. Habang papalapit ako sa kanya ay nakaisip ako ng plano. Ano kaya kung maghanap ako ng shortcut papunta sa dadaanan nya,
metaphors
15
tapos aarte nalang ako na kunwari magkakasalubong kami. O kaya naman sasabayan ko nalang siya sa paglakad. Kalabitin sa likod. Tapos paglingon nya sa likod saka ako pupwesto sa harap niya. Maganda yung naisip kong kakalabitin nalang. Sigurado akong magugulat siya. Baka bago pa niya makita ang mukha ko, alam na niyang ako yun. Ako lang kasi madalas gumulat sa kanya dati, ewan ko ba pero lagi naman siyang nagugulat. Madalas ko ‘yun gawin kasi ang cute niya pag ganun, parang tuta saka mukhang inosente. Excited na ‘ko sa pwedeng mangyari. Noong gagawin ko na, bigla siyang gumilid ng lakad at umupo sa kubo sa tapat ng CBA building. Nabaliwala ang plan-A. Doon ay may grupo ng estudyanteng nagkukwentuhan at isang estudyanteng nagtetext. Kailangan ko mag-isip ng mabilis para sa plan-B. May drinking fountain sa loob ng kubo at ang plan-B ay nauuhaw ako. Iinom sa drinking fountain tapos coincidence na nandu’n siya at destiny ang nagaganap na pangyayari. Excited na ulit ako sa pwedeng mangyari. Pagtapak ko sa drinking fountain, walang lumabas na tubig. Hanep! Umuulan ng kamalasan. Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko na alam ang susunod na gagawin pero sinigurado kong napansin na niya ako. Ilang beses ko ‘ding tinapakan ‘yung drinking fountain ng malakas. Nandoon na din naman ako kaya umupo na ako malapit sa tabi niya. Ang tanging nasa pagitan lang namin ay ang bag niya at plastic ng national bookstore. May lamang mga papel. Kung susukatin sa palad. Halos limang dangkal lang ang pagitan namin sa isa’t isa. Nakita kong inaayos niya ‘yung mga papel sa plastic. Tapos tumingin nalang ako sa malayo. Sinubukan kong hindi muna magsalita kahit 5 seconds. Kapag kinausap nya ako ibig sabihin may pag-asa pa. Kung hindi, baka malabo na. Habang nagka-countdown. Pinabubula ko na lang muna yung laway ko sa aking bibig. 5..4..3..2.. “Kamusta ka na?”,isang malamig na boses mula sa kanya. Naganap na nga ang aking nais. May pag-asa pa. Apat na segundo, muntikan na. “Ayos lang, akala ko sa NEUST ka na nag-aaral?”, swabe ang pagkasabi ko at parang nawala yung ubo at sipon ko. “Ah hindi, kinuha ko lang yung records ko dun para makalipat dito. Nakita na kita kanina kaso… wala ka na bang klase?”,sabi nya. “Wala na, vacant ko na.Ikaw ba?”,tinanong ko siya kahit alam ko ang sched. nya at uwian na nila. “Oo, pang umaga kasi ako”,sabi niya. “Eh, nag-lunch kana?”,kahit katatapos ko lang mag-lunch at gusto ko lang siyang makasamang kumain. “Hindi pa, pero dun ako sa apartment kakain. Saka may hinihintay lang ako sa registrar”,sabi niya. “Ah ganun ba”,tugon ko. Hindi na ako nakapagsalita. Napipi na naman ako. Mabilis ang isip ko, hindi nga lang ang labi ko. Sa mga sandal na ‘yun ay tumahimik ang paligid. Tanging mga estudyante na nagkukwentuhan nalang ang nakikita ko pero walang lumalabas na boses sa kanilang bibig. Kahit kita mo naman na sumesenyas sa pagsasalita ang kanilang kamay. Ilang saglit pa…Apat na salitang pagpapaalam. “Kailangan kong umalis”, sabi nya, sabay kuha ng mga gamit at ang tanging nagawa ko nalang ay tumango. Medyo weird yung pagkabanggit nya nun. Hindi yun yung normal na pagpapaalam ng isang tao. Sa isip ko tuloy, parang ‘di na siya babalik. Hindi ko na nagawang lingunin pa siya habang papaalis. Naisip kong hingin yung number nya pero hindi ko na ginawa. Alam kong hindi pa ito ang tamang panahon. Napatingin ako sa drinking fountain. May iinom kasing mga players ng taekwondo. CBA dragons. Pagtapak nila, may lumabas na tubig. Malamig pa daw.Hanep! Sige lang. Iniinis siguro ako ni kupido. Umalis na din ako sa kubo at naghanap ng bakanteng room sa may CBA building. Bakante sa room 101, pumasok ako sa loob. Binuksan yung electric fan. Umupo sa may gawing dulo. Pamaya-maya ay bumalik na ulit ang ubo’t sipon ko. June 27,Thursday 2:24pm Nag-open ako ng facebook pag-uwi ko, in-open ko‘yung profile niya. Ang wall post “OMG, unexpected… @feeling angry” 2 hours ago.
16
SeeSaw
august 2013
Dokumento 2 Jan Adrian F. Delos Santos
B
“Nakalilok sa ikalawang dokumento, Naroroon mga usok sa nakakubling purgatoryo. Mula sa itim na namuti papasok sa palasyo, Mula sa puti na nangitim patungo sa dyablo.�
ulong? Isa nga bang bulong? Isang tinig ng bilyong nakakulong? Saang lupalop sila nahantong? Nais kong maghanap. Bakit dito sila nagkalat? Isang dokumento ang inabot sa akin ng aking ina noong isang malalim na gabi. Wika niya sa pabalat ng sulat, ang sangkatauhan ay mapapadako rin sa pagharap sa apoy. Gaya ng gabi, malalim rin aking pagtataka kung ano ang ibig niyang iparating. Usok. Makakapal na usok. Napalilibutan ako ng mga naglipanang usok. Sa malawak na salaming nakapalibot sa akin, nakita ko ang tumataginting na repleksyon ng aking katawan. Ang sinag ng kadilawan ay tumama sa aking balat at lalo kong namasdan sa ilaw ang kaaliwalasan ng aking mukha. At unti-unti, nabanaag ko ang mensaheng nakakubli sa kinang ng salaming ito, habang nagaagaw ang liwanang ng araw sa kalangitan at liwanag ng apoy sa aking paanan.
metaphors
Ako ay Nakaharap sa Apoy Tulad ng matamlay na apoy ng kandila, ang oras ng isang nilalang ay may katapusan. Hindi ito kapareho ng isang sigarilyong hindi maubos, kahit na ang katapusan nito ay mumunting upos lang rin naman ang kahahantungan. Ang katotohanan ay hindi maiwawaksi ng kahit sinong henyong nananaog sa kaibabawan. Marahil bulag lamang ang isang tao kaya hindi niya ito nakikita nguni’t hindi siya tanga para hindi malaman na maraming paraan upang mawala ang malamlam na liwanang ng kandila sa gitna ng tatag ng pagtayo nito. Sa bawat segundo na sa tao ay kumakaway, kumakaway rin naman sa kanya ang kalawit ng wakas. Sabi sa Bibliya, ang lahat ng tao ay maliligtas, nguni’t ang kaligtasang ito ay limitado lamang sa
17
genre
nananampalataya. Marahil may kaligtasan nga, nguni’t hindi lahat ay maliligtas, sapagkat wala sa lupa ang inaasam na kaligtasan. Ang tao ay nakaharap sa apoy. Lupa ang tahanan niya, kung kaya’t pag nasunog siya, marahil sa mas malalim na lupa ang bagsak niya. Walang naliligtas sa lupa dahil ito ang tahanan ng mga walang tahanan. At kung sakaling matapos man ang pagliliyab ng apoy, marahil tapos na rin ang kapahamakan gaya ng pagwawakas ng mitsa ng isang nilalang. Ako ay Dahilan ng Apoy Ang bawat init ay may pinagmumulan. Ang kahel na namumutawi sa sanlibutan ay mula sa galamay ng araw. Ang artipisyal na liwanag na nakapayong sa kaibayuhan ay nag-ugat lamang sa bumbilya. Nguni’t iba ang kwento ng apoy. Hamak na mas masahol ito, mas mapanganib at may pangil para maglaho ang sinuman sa daigdig. Kahit anong uri ng sunog, basta’t nakatupok ng sambahayan ay mayroong naililok na kapabayaan at kasunod pa lamang nito ay ang pagsisisihan. Subalit hindi naman talaga mahalaga kung ano ang pinagmulan ng pagkaabo ng bagay-bagay sa mundo. Sa huli, mas mahalaga pa rin kung ang dahilan kung bakit naisasaliw ito sa kasaysayan. Si Eba at Adan ang simula ng pag-indayog ng apoy. At bilang mga anak, ang sanlibutan ay minana ang namumukod tangi nilang obra, hanggang ang salin-lahi na ang nagparingas sa apoy. Mula sa isang pagkakamali, ang daigdig ay isinilang na rin sa paraang mali. At hanggang sa kasalukuyan, nangingibabaw pa rin ang sining ng kasalanan sa mundo, habang ang apoy ay patuloy na naglalagablab, tumutupok ng kaluluwa at handang sumakal ng isang paslit na walang kamuwang-muwang sa daigdig. Lahat halos ng nananahan sa sansinukob ay nangangambang maglaho ng parang bula subalit hindi sila tinatablan ng panghihilakbot sa pagsulat ng mas mapulang larawan ng kasalanan. Karamihan dito ay ayaw mamuhay sa apoy ng impyerno, nguni’t wala silang kamalayan na matapos nilang malitis sa purgatoryo ay sa apoy na kanila mismong nilikha ang kanilang diretso. Ako ay Kasama sa Apoy Kung hindi aapulahin, lahat ay aabuhin. Ang panganib sa pagsuong kahit sa munting apoy ng kandila ay nakakapaso. Malaki ang takot ng isang tao na maabutan siya ni Kamatayan. Tumatakbo ang kanyang oras habang siya ay tumatakbo rin sa pangambang kapag napagod siya, habang buhay na siyang magpapahinga. Nguni’t mangmang siya. Imbes na pagtuonan ng pansin ang pag-iwas sa kalawit ng bangungot, bakit nananatiling kinukulong ang sarili sa walang hanggang takot? Ang kamatayan ang siya mismong kamatayan ng takot habang ang buhay ay ang siyang sandata upang iwaksi ito. Sapagkat ang buhay ay hindi natatapos, namamatay lamang ito – ililibing, subalit lagi itong nagsisimula. Sa apoy, naroon at nakasaliw ang patay at buhay, ang mga buhay na namatay, ang mga buhay na nabuhay at ang mga patay na nanatiling patay. Lahat ng nilalang, mula sa pinakamababang uri ay kasama sa pagliliyab ng apoy. Tayo ay kabahagi sa bawat paglagablab nito. Lahat ay hindi makaliligtas sa pagtawid rito nguni’t mayroong mga ligtas na nakakatawid dito. Sila ang mga pagkayaring makatawid ay sa langit ang lipad kasabay ng pagpapatuloy ng kanilang walang hanggang buhay, habang ang mga hindi nakakalabas ng buhay ay nasusunog sa init nito at babagsak na lamang na abong naghuhumiyaw ng tulong sa impyerno. Ang Tubig at Ang Apoy Kapag nagtagpo sa puso ng daigdig ang tubig at ang apoy, maaaring uminit ang likidong ito nguni’t mas malamang ay maapula ang apoy na siyang tumutupok at nililikha ng sanlibutan. Sa kahit anong sulok, mas lalamang ang pwersang bitbit ng tubig. Tulad ng isang nilalang na lunod sa kasalanan, ang hugas na mula sa
18
SeeSaw
august 2013 dumadaloy na tubig ay makapagpapalutang sa kanya. Nguni’t hindi magkakapareho ang ihip ng hangin – hindi sa lahat ng pagkakataon ay ganito ang larawan ng tubig at apoy. Sapagkat may panahong apoy rin ang nangingibabaw kapag natuyo na ang tubig ng pagbabagong buhay. Kahit gaano pa kabanal ang tubig na ibendisyon sa katawan, kung ang kanyang kaluluwa’y nahatulan na sa purgatoryo ay masusunog pa rin siya sa impyerno. Mula sa perpektong anyong ipinahiram ng Maykapal, ang lahat ay magbabago sa isang iglap. Sa pagpanaog sa kinaroonan ng mga yumao, lalong namamatay ang isang wala nang buhay. Sapagkat iyan ang buhay matapos ang kamatayan. Yaon rin ang tunay na kamatayan sa apoy matapos ang buhay sa daigdig. Nguni’t gayunpaman, mas malakas pa rin ang kapangyarihan ng tubig – tubig na siyang kailangan upang mabuhay ang isang nilalang; tubig na siyang sangkap upang mahugasan ang kanyang mga kasalanan. Nasa purgatoryo nga ang paghahatol, kung kaya’t kung maliit lamang na apoy ang nilikha mo sa daigdig, marahil ay masasagip ka ng tubig na iyong inipon. Sapagkat hindi naman ito tulad ng kandilang hangin lamang ang kailangan upang mamatay ang apoy, iba ang buhay sa totoong buhay. Ang Dokumento Ang Bibliya ay nahahati sa dalawa – ang luma at bagong tipan. Gayon rin naman ang buhay ng tao, nguni’t sila ay hindi magkahati bagkus ay nag-aagawan sa kung ano dapat ang kahantungan sa kanyang kinabukasan. Sa unang dokumento nakapinta ang iba’t-ibang kulay ng buhay. Mula sa sinapupunan ng ina, nakaguhit rito ang bawat segundo ng kanyang paghinga. Hanggang sa siya ay tumanda at malinang niya ang kanyang kaisipan. Hanggang sa hawakan na niya ang kanyang sariling buhay at maunawaan ang bawat misteryo nito. Subali’t ang totoo, wala talagang nakasulat rito. Bagama’t ikaw ang gagawa ng sarili mong kasaysayan, ikaw rin ang may karapatang maglilok rito. Ang istoryang nakalimbag ay magwawakas lamang sa pagwawakas rin ng iyong huling hininga, hanggang sa maibaba ka sa iyong huling hantungan. Malaking kaibahan sa paraiso ng ikalawang dokumento – ang buhay pagkatapos ng buhay. Magsisimula ang paglalarawan nito sa paghinga sa purgatoryo. Ang pamimili ni San Pedro kung saang palasyo nababagay ang isang kaluluwa ng tao. Dito ang hudyat ng pag-ukit niya sa iskultura ng kanyang kasaysayan habang siya ay nabubuhay sa kanyang kamatayan. …At iyon, mula roon ay nagising na ako sa katotohanan. Napabalikwas ako sa aking pagkakahiga. Tinawag ako ng aking ina at bumangon ako. Mabuti at isang panaginip lamang, wika ko hanggang sa natanaw ko ang aking ina. Binigay niya sa akin ang isang liham. Isang dokumento. Dokumento? At muli akong tumingin sa aking papag na hinigaan. At naroon, naroroon ang aking katawang mahimbing na natutulog sa kawalan. Binangungot. Wala nang hininga. At ang kanyang kaluluwa ay nasa purgatoryo na.
metaphors
19
Pluma ni Juan: Sagisag ng Kalayaan
genre
H
Lyn H. Lastimosa
abang napag-iingatan ng isang bayan ang kaniyang wika, napag-iingatan din nito ang katibayan ng kanyang paglaya, katulad ng pagpapanatili ng isang tao sa kanyang kasarinlan, upang mapanatili niya ang kanyang sariling paraan ng pag-iisip. ANG WIKA ANG PAG-IISIP NG BAYAN” – Jose Rizal. Wikang ingles ang para sa mga matatalino. Wikang Filipino para sa mabababang tao. Hindi man harap-harapang sinasabi, ngunit ito ang nais ipabatid ng ating lipunan. Aminin man natin o hindi, tayo ay saklaw parin ng banyaga hindi lang sa kultura, maging sa kanilang wika. Marahil sa panahon ng globalisasyon ay magiging susi ang wikang ingles upang umunlad ang ating bansa. Mas magaling kang mag ingles, mas malaki ang tsansa mong makapagtrabaho sa ibang bansa. Sa pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas maging sa batas ay wikang Ingles na ang ginagamit bilang midyum ng pagtuturo kaya’t kadalasan ay walang magawa ang karamihan sa mga estudyante na hindi makaintindi ng banyagang wika. Kung hindi ka marunong mag Ingles, talo ka. Paano kaya kung wikang Filipino ang ating gamitin? Hindi ba’t wala ng marami pang paliwanagan? Maaari namang turuan ang mga estudyante ng wikang Ingles ng hindi na kinakailangan pang lasunin at tuluyan ng alisin ang kalayaan sa paggamit ng wikang Filipino, ng wikang siyang nagpapatunay ng pagiging malaya nating mga Pilipino. Sa ilang taon ng pagsusulat ko ng lathalain, hindi maaaring wala akong basahing libro na siyang nagsisilbing guro at gabay ko sa aking susulatin. Tuwing pagpasok ko sa pamilihan ng mga aklat, naroonang aking pagkadismaya ‘pagkat kapansin-pansin agad ang mga librong nakahanay sa isang magandang mesa at tila pinaparada na may nangungulintab at naglalakihan ang mga letrang nagsasaad na “New York time’s best seller”. At kapag tinanong mo kung nasaan ang mga tagalog na literatura, dadalhin ka sa kasuluksulukan ng kanilang pamilihan kung saan tila isda sa lata na nagsisiksikan ang mga ito. Napapansin ko rin na halos walang ganong nagpupunta sa lugar na iyon, tila isang liblib na lugar na kakaunti lamang ang nagtatangkang pumunta. Hindi maitatanggi na karamihan sa mga kabataan ng henerasyon natin ay mas nahuhumaling na sa mga librong isinulat ng banyaga. Mga libro na ang tema ay puro istorya ng bampira na umibig sa isang tao, o dili kaya’y mga imortal na napupunta sa mundo ng mga mortal, o mortal na napupunta sa mundo ng imortal. Magandang basahin para sa iba na dalubhasa na sa ingles at hindi na kailangan pang magtabi ng diksyunaryo sa kanyang binabasa upang maintindihan ang sinlalim ng karagatan na mga salitang ginamit. Ngunit kung tayo’y lilingon sa sariling atin, kung magkakaroon tayo ng oras upang buklatin ang aklat na may sarili nating wika at bubuksan ang isip hindi lamang sa mundo ng mga imortal kundi pati sa sarili nating mundo na ating ginagalawan, marahil ay mas lalago pa tulad ng ginto ang ating kaaalaman na siyang nais ipayakap sa atin ng ating mga ninuno. Kung kaya nating mahalin ang kultura ng iba, marahil ay hindi ganoon kahirap yakapin ang sarili nating kultura. Marahil ay pamilyar na sa atin ang mga pangalang Bob Ong (sumulat ng ABNKKBSNPLAKo?!, Stainless Longganisa, ang paboritong libro ni hudasatbp.), Eros Atalia (sumulat ng Ligo na u, Lapit na me.., It’s not that Complicated, ‘Wag lang ‘di makaraos atbp.), Ricky Lee (Para kay B, Amapola). Ilan lamang sila sa naging inspirasyon ko sa pagsulat ng mga lathalain, nakilala sila dahil sa mga kwentong tagalong na sumasalamin sa tunay na pinagdadaanan ng isang mamamayang Pilipino. Sabi nga ni Eros Atalia, sumusulat siya sa wika na mas maiintindihan ng kanyang mambabasa, kahit saanmang sulok ng ating inang bayanmaging sa kalye o eskinitaman. Dahil mas mahalaga ang pagpapabatid ng mensahe na mas naiintindihan ng nakararami, unang-una ng iyong mga kababayan. Katulad nila, patuloy akong sumusulat sa wikang Filipino dahil dito ay mas naipababatid ko ang mensahe sa aking mga kababayan ng walang alinlangan dahil ginamit ko ang mga salitang alam kong ako’y kanilang maiintindihan. Hindi masama ang paggamit ng wikang Ingles kung ito ay kailangan tungo sa kabutihan at kaunlaran, ngunit huwag naman sana nating kalilimutan ang wikang ating kinagisnan. Wikang ipinamana ng ating mga ninuno. At wikang siyang naging sagisang ng pagiging malaya ng ating lahi.
20
SeeSaw
Balanced World between
Academics and Non Academics Avee Rose Toledo
A
world without people is like a school without its students. There will be no source of oxygen; there will be no source of life and more specifically there will be no balance. Students take the large part in a university. These students possess the talents and skills whether academics or non-academics, which contribute life and balance. From time to time, the importance of extra-curricular and athletics as a part of the students’ educational career has always become a constant debate so that this intriguing issue possess in the University Page. Academics, serving as the key in developing a knowledgeable student can also be a good weapon to achieve medals and trophies inside and outside of the university. Yes, this is great, but developing a well-rounded student is what all of us should strive for. It’s not only a quest to the educators but to you also as an individual person. This is what we should endeavor. A well-rounded student should have skills, necessary to have a flourishing life in the real world. This includes academic knowledge, but core skills are also counted. These core skills, known as the soft skills are the tactics to realize the student, himself, to look forward in communication, self-esteem, leadership, cultural sensitivity, interpersonal, teamwork, dedication, perseverance and time management. Although some of these skills are thought inside the classroom, most of these skills are achieved through extra-curricular activities. Though, classroom is a place where interaction started, I can say that more natural interaction is the best in a way that leadership, communication and the opportunities to develop them are endless. There are many things that can be learned through formal teachings but there are these essential things that can be learned outside of it. Sad to say, these things are often disregarded. In every situation, there must be a balance action; there must be a balance treatment in every subject of life. Though academic subjects are important, we should also give importance to those things outside of it. We should give no boundaries between academics and non-academics. Through this, we will achieve harmony, happiness and success.
metaphors
21
genre F.R.I.E.N.D.S Jomar Silva
I
remember watching this sitcom when I was a child; it’s about six friends going about the different difficulties of life and relying with each other for every single day. Maybe it’s the silly antics or the hilarious plot line but FRIENDS became my favorite show ever since then. But apart from the comedy and the undeniable chemistry of the six characters, maybe the reason why I like it so much is because of this idea that this show gives you. That whatever triumphs, problems or any other of the b*l*s*h*t of life happens to you, you could always count on to the people you call friends. But it’s not until now that I started to ask myself whether the things I learned and made to believe in that show could actually be true. I guess it’s a nice idea; to think that no matter how different two people are they could actually still be friends. And though in rare cases I see, that this could actually come true. I wonder of the same situation could would result in such a way even if both people or group of people are not interrelated in a way that they always have to interact with each other just like in a club or organization. Would they still find the reason to remain friends? And at what certain point can you actually call someone a friend? I always had this way of labeling people into three categories; enemies, acquaintances and friends. An acquaintance is someone you have something in common with, someone you often have a walk in the hallways with. And yet I find it difficult to treat such people as I treat my friends. Often I get surprised when those acquaintances of mine tell me that I’m their friend. Then I ask myself, since when? Do you have to experience something horrifying or maybe something funny enough to laugh for the rest of your life with? Does he have to do something for you, a big gesture that will tell you, you could actually count on this person. I guess the answer is quite simple my friend. In times of our darkest moment I maybe even at the times of our funniest, a friend is someone that comes along and could fall in between of the two. He doesn’t have to make a gesture or experience something horrible with you. You’d know that his a friend from examining the things you two have gone through with each other, even the little conversations and small favors. Then you’d know from the bottom of your heart that you have a friend.
22
SeeSaw
august 2013 Ang Alamat ng Mark Geoffrey Navea
S
Siomai
a ika-anim na araw, lumalang si Bethala ng ayon sa kanyang wangis at anyo, saka hiningahan. Hindi pa naiimbento ang toothbrush noon. Isang lalake at babaeng Meatballs. Natuwa si Bethala sa kanyang nakita - bet na bet nya. Inutusan sila ni Bethala, “ Humayo kayo at magpakarami.” Pero may kaisa isa siyang pinagbabawal. “Huwag na huwag kayong kakain ng sisig! Nakakahighblood.” Isang araw, habang namamasyal si babaeng Meatball. Patalon-talon at nag sway-sway pa ang kamay. Napadaan siya sa Ciajos - tapat lang yun ng eskwelahan ng mga estudyanteng magaganda ang lahi. Siya ay tinukso ng nagtitinda - “Hey you! You want sisig, taste yummy! You will forget your name” , ika. Magaling magsales talk yung nagtitinda ng sisig. Tinakam-takam si babaeng Meatball. Hindi na sya nakapagpigil sa kanyang sarili. Tumikim siya at nasarapan. Kumain pa siya ng madami. Nagtanong siya sa kanyang sarili: “bakit kaya ayaw kaming pakainin ng sisig ni Bethala eh masarap naman pala. Naisip niyang dalhan din ng sisig si lalakeng Meatball. Pinuntahan niya ito sa kagubatan dahil nangangahoy ito doon. “Tikman mo itong sisig, masarap naman pala.” Sabi ni babaeng Meatball, “hindi ba ipinagbabawal tayong kumain niyan ni Bethala baka magalit siya sa atin” tugon ni lalakeng Meatball. “Pero masarap pala ito, nakapanghihinayang na hindi mo ito matitikman man lamang.” At tinikman nga ito ni lalakeng Meatball. Naubos din nya ang laman. Pagkatapos ay bumalik na sila sa kanilang ginagawa - habang nagsisibak si lalakeng Meatball, sinasalansan naman ito ni babaeng Meatball. Pamaya-maya pa ay may naramdaman sila. Sumasakit ang batok nilang dalawa. Marahil ay nahigh-blood na nga sila. Pero may isa pa palang side effect. Natagpuan nila ang kanilang sarili na hubad. Nailang sila sa kanilang nakita. Kaya kumuha sila ng dahon sa puno ng lumpia wrapper at nagtago. Pinaliit nila ito na pa-square saka isinuot sa kanila. Nang mga sandaling iyon, hinahanap na pala sila ni Bethala. Dumaan na ito sa kanilang bahay, wala itong natagpuan doon kaya hinanap sila nito. Nakita sila ni Bethala sa kakahuyan. “Bakit kayo nagtatago diyan sa likod ng puno ng lumpia wrapper?” tanong ni Bethala. “Sapagkat kami po ay hubad!” sambit ng dalawa. “Papaano niyo naman nalaman na kayo’y hubad, kumain ba kayo ng ipinababawal na pagkain?” sabi ni Bethala. “Opo, pero konti lang naman baka pwede niyo na po kami pagbigyan” tugon nila - saka iminustra sa darili na inilalapit yung hinlalaki sa hintuturo, konti lang naman daw. Pero lalong naiinis si Bethala kaya kanya itong pinarusahan. “Dahil sa inyong ginawa hindi ko na kayo lalagyan ng malapot na sarsang pula at hindi ko narin kayo iiibabaw sa spaghetti.” Takot na takot ang dalawa. “Sa halip ay pauusukan ko nalang kayo at saka ipapadala sa Japan” dugtong ni Bethala. Walang gustong pumunta noon sa Japan dahil malakas ang radiation nung bombahin yung Nagasaki. “Huwag po, huwag po! Ayaw po namin sa Japan”. Ngunit huli na ang lahat, wala na silang nagawa. Sila ay pinausukan ni Bethala at ipinadala sa Japan. Ito ang kauna unahang Siomai sa mundo. Noong ikapitong araw, nagpahinga na si Bethala.
metaphors
23
genre
Hindi ka Diyos, Amo lang kita!
A
Lexter G. Clemente
ng sarap maligo. Magbababad ako sa tubig. Tubeeeg! Tubig ang kailangan ko para mawala ang hang-over ko sa pag-inom kagabi. Pero bakit ganun, naliligo na ako at ramdam ko na ang haplos ng lamig sa aking katawan pero bakit hindi ko yata hawak ang tabo, parang tela lang ang bumabalot sa aking katawan, maginaw, nakakanginig? Uhaw na uhaw na ako. Sinubukan ko namang uminom. Oo, kalahating baso pero bakit wala pang isang lagok ang umagos sa aking lalamunan? May kumakatok sa pintuan, naalimpungatan ako. Bago buksan ang pinto ay tumakbo muna ako sa CR. *** Ahhy, magandang umaga po! Kayo po pala ,ang may-ari ng bahay? “Oy, gwapo. Makaabala lang saglit ah. Pwede mo bang ibukas yung bintana at papipinturahan ko lang. Sino kasama mo? Saan ka nakatira?” “Sa Talavera po, wala po akong kasama ngayon dito.” “Ganun ba? Eh sino yang nasa likuran mo?” “Naku po, si ate, nanakot pa. Makalipat na nga sa ibang bahay!” “Hahaha. Matatakutin ka pala, biro lang iho! Yung bilin ko ah, paki-bukas nalang yung bintana at bahala na yung mga trabahador ko. Ako’y uuwi na rin sa Viscaya, luluwas pa kasi ko papuntang Manila mamaya tuloy Singapore.” *** Pinatay ko ang air-conditioner na nagpanginig sa aking laman, naghanda ng pagkain. Hindi nagtagal, bumalik si ate… nagagalit sa nagpipintura habang may kausap sa telepono. “Lando, bakit ba ang bagal-bagal mo diyan? Samantalang sa Viscaya e nakikipagsabayan ka. Nawawala nga raw pala yung trole ng traktor sa bahay. Ikaw ha**p ka, baka inuwi mo na sa bahay nyo o ibinenta mo na!” “Hala, si ate! Ang tagal-tagal ko ng nagtatrabaho sa inyo ngayon pa ba ako gagawa ng hindi maganda?, nagkasakit nga yung anak ko, hindi nyo ko pina-bale, may nalaman ho ba kayong nawala sa puder nyo?” “Dim**y* ka! Ito naman, parang hindi pa ako kabisado eh ikaw na nga ang nagsabing ang tagal mo na sakin.” *** “Hahaha… hello inday! Kamusta na yung mga anak ko? Kumain kayo ng masarap ah, iniwanan ko kayo ng dalawang-libo kaya ibili mo yan ng masasarap na makakain nyo jan ah.” “Ate, magpapaalam sana ko. May bumibisita kasi sakin, e parang gusto pong manligaw.” “Ilan taon ka na ulit?” “39 po ate” “Oh, diba 39 ka na, ibig sabihin inday e matanda ka na! Alam mo ba kung bakit ka umabot ng ganyang edad ng wala pang asawa? Kasi wala ng magmamahal sa’yo, matanda ka na! Lolokohin ka lang ng mga yan! Nandito na kami, samin ka nalang maglingkod” Natigilan nalang ako, tinuloy ko ang pagluto pero hindi ko na nakain. Sumakit ang sikmura ko, nainis at walang nagawa!
24
SeeSaw
Mga Dibuho at Larawan
Tumaas ako’t nakita kita Bumaba’t pilit na inaninag ka At ‘di na ko tumaas na muli... Wala ka na pala. -A. V. Toledo
genre
“nang dumugo ang langit ”
26
“horizon”
“the dusk” SeeSaw
august 2013
metaphors
“reflections”
“disconnected” 27
genre
“tuyot ” “purple haze”
‘til we meet again 28
SeeSaw
genre
“any last word?”
Mga Dibuho
29
SeeSaw
genre
“sinulid ng kasarinlan”
30
SeeSaw
august 2013
metaphors
31
genre
“halfway there” 32
SeeSaw
august 2013
“anonimity�
metaphors
33
“rehab”
34
genre
SeeSaw
august 2013
metaphors
35
genre
“first bite of sin” 36
SeeSaw
august 2013
“makuha ka sa tingin� metaphors
37
august 2013
“tungkab”
metaphors
38
metaphors
SeeSaw
LITERARY EDITION OF
WESLEYAN NOW AUGUST & SEPTEMBER