1 cover.indd 2
4/9/2014 6:10:25 AM
3-in-1 capsules 30 Capsules
Royal Jelly
$198
15 Capsules
$100
Propolis Pollen
3-in-1 capsules
Total Health Healing Booster HealthComesFirst 3-in-1 capsule provides a natural way of enhancing your health and well-being because it it packed with a wide variety of vitamins, minerals and essential amino acids.
A special synergy occurs when a remarkable blend of 1000mg of Royal Jelly, 400mg Propolis and 200mg Bee Pollen is combined and provides us with a potent and effective defense against many common illnesses. Health benefits include: $108 •Increases stamina and vigor •Delays aging process and improves skin complexion Royal Jelly •Relieves menstrual discomforts •Regulates cholesterol and blood pressure •Alleviates arthritic and rheumatic pains •Strengthens immune system Prevents abnormal cell growth and cysts •Prevents Royal Jelly 500mg plus •Promotes good sleep Basic Maintenance
$198 Propolis
20% Propolis Extract Natural Strong Antibiotic
50 PINOY TAYO SANMAN |
MAY 2012
1PP edsnote.indd 5
2/7/2014 5:14:13 AM
editor’s note
As I checked my Inbox on the first day of April, sandamakmak na mga pambihira at mga exciting na balita agad ang nabasa ko. Take note, mga balitang talaga namang matutuwa ka, tulad ng mga ito: I’m expecting a child from this actor! (coming from a friend na hindi malayong mangyari dahil may mga kaibigan siya sa showbiz). You just won a prize! (puwedeng in kind, in cash, or kahit sa lotto kahit hindi ka naman tumaya). I’ll be leaving soon for Vancouver! (strange dahil itong kaibigan mo ay walang nababanggit sa iyo na may balak siyang mangibang bansa). At marami pang iba. Ang karamihan sa mga balita ay masaya pero meron din namang pang-asar na hindi ko na kailangang magbigay ng halimbawa dahil baka ma-bad trip lang kayo. Hehe. Isa lang ang ibig sabihin niyan: Happy April Fools Day! Paano nga ba nagsimula itong kakaibang tradisyon na ito kung saan malimit ma-good time ang mga taong walang kamalay-malay? Nagsimula raw ito sa bansang Pranses dahil noong panahon na Julian Calendar pa ang ginagamit, ang simula ng bagong taon ay April. Nuong 1564 nabago na ito dahil ipinag-utos ni King Charles IX na ang gagamitin na ay ang Gregorian Calendar, kung saan nagsisimula ang bagong taon ng January 1.
1PP edsnote.indd 5
Hindi ito tinanggap kaagad ng masa lalo na iyong mga naninirahan sa mga malayo at liblib na probinsiya na patuloy pa ring nagdiriwang ng Bagong Taon ng Abril. Kaya sila ngayon ay pinagtatawanan na at nagiging tampulan ng tukso dahil sa kanilang ‘kamangmangan’. Hanggang ngayon sa France ang tinatawag sa mga taong naloloko ay Poisson d’Avril, o ang literal na kahulugan ay “April Fish.” Sadya ring kilala ang mga Pinoy na mapagbiro, tumambay ka lang sa kahit na anong lugar sa palengke, sa paaralan, maging sa mga tumpukan ng mga barkada – bawal ang pikon ‘ika nga. Kaya na-goyo man kahit ng ilang minuto, ay mabilis natin itong papalampasin at tatawanan. Kaya mga Pinoy Tayo Sanman, smile ka lang. Kahit mainit ang panahon, ngiti naman diyan…at joke joke rin pag may time!
Don R. Gonzalez Editor-in-Chief
4/9/2014 6:12:13 AM
credit to the owner of photo http://sarahlynnpablo.wordpress.com/
what’s
inside
PTS MAGAZINE
VOLUME 7 • ISSUE 04 • APRIL 2014
50
08
6
26
SIYETE PALABRAS
LET YOUR LIGHT SHINE IN VEGAS (The Jerry Castorillo Story)
Tilamsik ng Dila Ni Lagalag
8
Usapang Pinansiyal
DALAWANG ARAW NA HINDI TAYO DAPAT MANGAMBA Ni Franciso J. Colayco
14
SPECIAL FEATURE
BELLE IN THE AGE OF TEXTING ni Hayden Vagay
18
Nobela 1
MULING TIMBANGIN (X2) Ni Onnie Almeyda
24
Usapang Pangkalusugan
26
COVERSTORY
Ni Onnie Almeyda
34
MAIKLING KUWENTO
ANG KINALAMAN NG HAYOP SA BUHAY NG TAO Ni Benito Tatlonghari
38
06
SABAY KAMING MAGPATERMINATE CONTRACT NI ATE
47
Lovingly Yours, Tita Kerry
ni Tita Kerry
42
Nobela 2
TANSO
Ni Pahm Balmaceda
USAPANG SINE
DIARY NG PANGET Ni PTS Manunuri
50
Food Trip
SPICY BIHON SARDINES
HEAT STROKE: PAANO MAIIWASAN?
Ni Janet Lagundino
ni Dr. Wiliie T. Ong
Tribo PTS
• PUBLISHER JVP Marketing Entertainment Ltd. • GENERAL MANAGER Vilma Fernando • EDITOR-IN-CHIEF Fernando Rosal Gonzalez • ASSOCIATE EDITOR (HK) Jun Paragas • ART DIRECTOR Arnold D. Gawad • SALES AND MARKETING DIRECTOR Jun Paragas • CIRCULATION COORDINATOR Marilyn Ubias, Cristina Caluza, Adel Figueroa, Jeric Paragas • COLUMNISTS Onnie Almeyda, Dr. Wilie T. Ong, Francisco J. Colayco, Janet Lagundino, Pia Acevedo • CONTRIBUTORS Lagalag, Hayden Vagay PTS MAG is published by JVP Marketing & Entertainment Ltd. With office address at Shop 367, 3/F, Worldwide Plaza 09 Des Voeux Road, Central Hong Kong. All Rights Reserved. No part of this magazine may be reproduced in any manner without the permission of the publisher. Opinions expressed in this magazine are the writers’ and not necessarily endorsed by the publisher.
4 TOC.indd 4
4/9/2014 6:15:32 AM
tilamsik ng diwa ni Lagalag
Siyete P
Atin ngayong sariwain nang si Hesus mabayubay Doon sa krus ng Kalbaryo ay naghirap at namatay. Pitong wika ang sinambit upang ating maging gabay Tinubos ang kasalanan at maligtas habang buhay. Unang wika na sinambit ay paghingi ng patawad Kahit siya’y nagdurusa sa hirap na dinadanas. Patawarin mo sila di nila ang kanilang ginagawa Nagawa pang sambitin nya at sa Ama’y makiusap. Para tayo maisalba sa hagupit ng parusa Para tayo makaligtas ay siya na ang nagdusa. Inako niya ang lahat ng alispusta’t mga mura Pinasan ang kasalanan at sa Krus ay pinako siya. Kung atin pong lilimiin naroon ang pagmamahal Sa lahat ng mga tao at sa buong sanlibutan. Sa tinamo niyang parusa at lahat ng paghihirap Nanikluhod pa sa Ama upang tayo’y mapatawad. Diyos ko, Diyos ko bakit mo ako pinabayaan? Naitanong niya sa Ama sa hirap na dinaanan. Bilang isang anak na sa utos sumunod lang Naroon ang pagdaramdam bakit siya’y hinayaan.
SENAKULO 2009 Photos by: Mr. Randell Tambongco
Sa hataw at mga palo, sa pagbato at paglibak Sa pagpasan nitong krus paakyat sa kabundukan. Sa pagputong ng korona na may tinik at duguan Sa pagpako at pagsibat bakit Ama di mo ako tinulungan. At di mo madarama ang kaniyang pagdaramdam Bakit hindi mo magawa na ako ay iyong tulungan. Hindi mo ba nadarama ang hirap kong dinaanan Sana Ama tulungan mo at ako ay iyong damayan. Ina, siya ang iyong anak, Anak siya ang iyong Ina Ang pangatlong winika ni Hesus nang mabayubay. Marapat lang na mahalin ng ina ang kanyang anak Alagaan, arugain pagyamanin nitong palad. Ganoon din itong anak sa Ina niyang minamahal Marapat niya na igalang at handugan ng paglingap. Hindi dapat lapastangan, mahalin ng buong tapat Tadtarin man ang iyong laman sa hirap niya’y di pa bayad. 6 Pinoy Tayo Sanman |
6-7 lagalag.indd 6
APRIL 2014
4/9/2014 6:15:59 AM
Palabras Sa pang apat winika niya ang AKO AY NAUUHAW Ang ginawa ng sundalo, ang bibig niya’y binasa lang. Ngunit hindi po sa tubig ang kaniyang pag kauhaw Bagkus siya’y nauuhaw sa atin pong pagmamahal. Sana’y huwag ipagkait nitong ating sanlibutan Ang tunay na pagmamahal ay atin pong iparamdam. Ang kaniyang pagkauhaw ay atin pong maiibsan Kung tayo ay magsisi sa lahat ng kasalanan. Sabi nila ang una raw na marapat maging santo Ay ang isang pusakal na kasama sa Kalbaryo. Dahil ito ay nagsisi kinilala niya si Kristo Na tunay na tagapagligtas ng lahat ng mga tao. Ngayon pa lang ipagsasama na kita sa aking kaharian Ang sinambit po ni Hesus sa isang makasalanan. At ito po ay patunay na bukas ang kaharian Kung nais nating makamtam magsisi sa kasalanan. NAGANAP na at natapos ang lahat ng paghihirap At akin ng nairaos ang misyon ng aking buhay. Ang lahat ng paghihirap ay mayroong katapusan Ang lahat ng pagsubok ay ating malalagpasan. Naganap na at natapos ang misyon ng isang anak Sa pagsunod niya sa utos ng Ama na nililiyag. Tinubos ang kasalanan at ang lahat ay naganap Nang dahil sa pagmamahal gusto niyang ipalaganap. At bago siya malagutan ng hininga ay winika Sa iyong mga kamay nais na ipagkatiwala. Itong aking kaluluwa ay bigyan n’yo ng kalinga Ito lamang aking ama, kayo na po ang bahala. Naroon ang tiwala at naroon ang paggalang Ni Hesus sa kanyang ama nang siya ay mabayubay. At sa huling sandali nitong kanyang abang buhay Ibinigay nya sa Ama itong lahat ng patnubay. Sana’y ating pong limiin at atin pong isabuhay Ang kaniyang pagmamahal, sakripisyong ibinigay. Huwag sanang kalimutan ang kanyang mga aral Mahalin ang poong Hesus habang tayo’y nabubuhay. APRIL 2014
6-7 lagalag.indd 7
| Pinoy Tayo Sanman 7
4/9/2014 6:15:59 AM
usapang pinansiyal Ni Francisco J. Colayco
Dalawang Araw na Hindi Tayo Dapat Mangamba
S
A DAMI ng mga problema sa mundo, gusto kong ibahagi ang isang email na aking natanggap. Isinulat ito ni Swami Avadhutananda sa Ingles. Mahalagang maunawaan ito hindi lamang dahil sa nakasaad na aral kundi pati na rin sa implikasyon nito sa personal na buhay pinansiyal ng isang tao. Ito ang kanyang sinabi na isinalin sa Tagalog: “May dalawang araw sa bawat linggo na hindi tayo dapat mangamba, dalawang araw na dapat ay panatilihing malaya sa pagkatakot at pag-aalala. Isa sa mga araw na ito ang Kahapon na kalakip ang lahat ng 8 PINOY TAYO SANMAN |
8-10 Upinansiyal.indd 8
pagkakamali at pag-aalala, mga pagkukulang at pagkadapa, mga kirot at sakit. Lumipas na ang Kahapong hindi na kayang pigilin habang-panahon. Lahat ng pera sa mundo ay hindi maibabalik ang Kahapon. Hindi na mababawi anumang kilos na ginawa; hindi na mabubura anumang nasabing salita. Ang Kahapon ay lumipas na magpakailanman. Isa pang araw na hindi natin dapat pangambahan ay ang Bukas na maaaring may dalang hirap, mabigat na pasanin, marangyang pangako at hindi kaaya-ayang gawain.
APRIL 2014
4/9/2014 6:19:16 AM
Photo by Vinz Arlan Gawad
i Hindi rin natin hawak ang Bukas. Sisikat ang araw ng Bukas, na maaaring maging maningning o di kaya ay natatabunan ng mga ulap, ngunit sisikat pa rin ito. Hangga’t hindi pa dumarating ang Bukas, hindi natin malalaman kung ano ang magaganap. Ang tanging mayroon tayo ay ang Ngayon. Sinuman ay kayang makipaglaban at harapin ang isang maghapon. Kapag minarapat natin pinagugnayin ang mga kabigatan ng dalawang malungkot na walang hangganan ng Kahapon at ng
“Let us live but one day at a time.� Bukas, ay saka tayo malulugmok at babagsak. Hindi ang karanasan ng Ngayon ang nag-aalis ng katinuan ng isang tao, kundi ang pagsisisi o kapaitan ng karanasang naganap sa Kahapon at ang pangamba sa kung ano ang hatid ng Bukas. APRIL 2014
8-10 Upinansiyal.indd 9
| PINOY TAYO SANMAN 9
4/9/2014 6:19:16 AM
Kaya’t tandaan na mabuhay ng NGAYON sa bawat araw.” “Let us live but one day at a time.” May katotohanan ang lahat ng sinabi ng awtor. Dapat tayong kumilos nang walang pangamba sa mga bagay na wala na tayong magagawa. Kung susuriin, ang mabuhay sa Ngayon ng bawat araw ay sumusuporta sa aking prinsipyo na ang tao ay kinakailangang paghandaan araw-araw ang kanyang pagreretiro. Kung hindi, habang siya’y tumatanda, hindi maiiwasang katakutan niya ang pagdating ng Bukas na hindi niya napaghandaan. At kapag nasimulan na niyang mangamba dahil sa kawalan ng preparasyon, mararamdaman niya ang pagsisisi na hindi niya nagamit sa paghahanda ang kanyang panahon nung Kahapon na siya ay bata pa. Ang kailangan lamang ay ang pagtatabi ng maliit na halaga bawat araw at ang pamumuhunan sa long term investment na hindi gagalawin ang naipamuhunan. Kahit pa sabihing mahirap ang kasalukuyang panahon, ituloy ang pag-iimpok ng 20% ng iyong kinikita. Sikaping mabuhay na pinagkakasya ang 80%. Mamuhunan sa mga investment funds na mahusay na pinangangalagaan pero gawin ito kung hindi mo kakailanganin ang inipong pera sa loob ng tatlo hanggang limang taon. Marami na tayong narinig na kuwento ng mga taong nagtagumpay bagama’t nanggaling sa kahirapan. Idinidiin kong kayang-kaya talaga ito basta’t may tamang pag-iisip (mindset) at pag-uugali (attitude). Pag-isipan itong kuwento tungkol sa mga elepante at pansinin kung paanong minsa’y masyado tayong
10 PINOY TAYO SANMAN |
8-10 Upinansiyal.indd 10
nakukulong sa ating kasalukuyang kalagayan kaya’t hindi nating naiisip na magbago para sa ating sariling kapakanan. “Habang pinagmamasdan ng kaibigan ko ang mga elepante, napahinto siya at nagtaka nang mapansing nakatali lamang ang mga dambuhalang elepante sa pamamagitan ng maliit na tanikala sa kanilang paa. Halatang kahit anong oras ay maaring pigtasin ng mga naglalakihang elepante ang mga tanikala upang tumakas. Dahil sa labis na pagtataka, itinanong ng kaibigan ko ang pinakamalapit na trainer kung bakit hindi man lang sumusubok ang mga elepante na kumawala mula sa pagkaliit-liit na tanikala. Sabi ng trainer, “Ah, kasi nang maliliit pa lamang ang mga elepanteng ‘yan, ganyang kaliit na tanikala lang ay sapat na upang pigilan silang kumawala. Nang sila’y lumaki, patuloy silang naniwala na hindi nila kayang pigtasin ang maliit na tanikalang ‘yan... kaya nga’t ni hindi na sila sumusubok na kumawala pa.” Namangha ang kaibigan ko. Kahit anong oras ay kayang-kayang lumaya ng mga elepante, ngunit nanatili silang nakatali. Talagang nabulag na ang mga naglalakihang elepante sa kanilang tunay na potensiyal dahil lamang sa kanilang nakaraang pagkabigo na lumaya mula sa maliit na tanikala. Katulad ng mga elepante, sinu-sino sa atin ang patuloy na naniniwalang hindi natin kayang pagtagumpayan ang isang bagay...dahil lamang minsan na tayong nabigo? Sino sa atin ang tumatangging sumubok nang bago at makahulugang bagay dahil lamang sa maling PAG-IISIP (o MINDSET)?
APRIL 2014
4/9/2014 6:19:17 AM
1 cover.in
APRIL 2014
18-10 cover.indd Upinansiyal.indd 2 11
| PINOY TAYO SANMAN 11
1/14/2014 4/9/2014 12:04:07 6:19:17 AM
Maaari tayong mabigo, ngunit huwag kailanmang mabigong sumubok... at huwag magpapadaig sa maling limitasyon at takot na idinulot ng mga dinanas na kabiguan!” Ang nabanggit na maling pag-iisip ang nabubuo kapag paulit-ulit nating iniisip na “wala tayong magagawa dahil napakahirap lang natin”. Sa halip na ipalaganap ang ganitong baluktot na pag-iisip, kapag itinuro at ipinamalas natin sa ating mga anak na maari silang maging mas maunlad kaysa sa atin, maari silang lumaya mula sa tanikala ng maling pag-iisip... at tuluyang makalaya mula sa kahirapan.” Inaayayaan ko kayong sumali sa OWN Community www. onewealthynation.com. Marami kayong matutunan at ang oras ng pag-aaral sa nasasainyo. Maraming oportunidad dahil may aktwal na seminar at mayroon din nasa internet. Sa mga kamag-anakan ninyo sa Pinas, manood ng Pisobilities sa Light TV 33 tuwing Martes, 8:30 pm-9:00 pm, GMA News TV tuwing Sabado, 6:00 am-6:30 am, at sa GNN tuwing Martes, 12:00 nn at 7:00 pm, Miyerkules at Huwebes tuwing 11:10 am. Panoorin din sa RHTV ang Pera Pera Lang Yan tuwing Miyerkules, 12:30 pm-2:00 pm at Seminar School Plus tuwing Sabado, 1:00 pm-2:00 pm. Makinig sa Yaman Kaalaman tuwing Martes at Huwebes sa Radyo 1062, 8:00 pm-9:00 pm! Sa Hongkong naman 10:10 ng umaga ng Linggo sa GMA Life TV International.
Sumali kayo sa www. onewealthynation.com para sa maraming pagkakataong matuto sa oras na may panahon kayo.
FRANCISCO J. COLAYCO is an entrepreneur, a venture developer and financial advisor. He has over 40 years of experience that covers service contracting in the Middle East, manufacturing, trading, construction, shipbuilding, management consulting, banking and financial services. He is the Chairman of the Colayco Foundation for Education (CFE), publisher of the personal finance bestsellers: Wealth Within Your Reach (2004 National Book Award for Business and Economics), Making Your Money Work (Nominated in 2005, National Book Awards Business and Economics), Pera Palaguin Workbook and Money for Kids. The books are available at National Bookstore, Powerbooks or directly from CFE. CFE is also the producer of the PISObilities DVD series, which is available at major audio-video stores nationwide. CFE also conducts talks, seminars, and workshoPhp. One of them is “Managing Personal Finances For The Future” a public seminar developed in partnership with the Ateneo Graduate School of Business, Center for Continuing Education. For registration and inquiries, please call Marleth Calanog at 830-2050. Learn more about the advocacy at www. colaycofoundation.com, through email info@colaycofoundation. com, SMS +63917-8537333 or call (632)637-3741.
Maligayang Pasko ng Pagkabuhay sa ating lahat! PTS
12 PINOY TAYO SANMAN |
8-10 Upinansiyal.indd 12
APRIL 2014
4/9/2014 6:19:18 AM
1 cover.in
APRIL 2014
8-10 Upinansiyal.indd 13 1 cover.indd 2
| PINOY TAYO SANMAN 13
4/9/2014 12:03:14 6:19:18 AM 1/14/2014
special feature
Belle in the Age of Texting by Hayden Vagay
A
bout a week ago, I got these texts from my 8-year old daughter Belle. She was using our pang-load cell phone, a black 5210 which she uses occasionally whenever she feels like it. Her text I believe was sent with Joy’s supervision. They were in Alfonso, Cavite then, my wife’s hometown province, a pristine and serene municipality about a stone’s throw away from Nasugbu, Batangas. The exchanges went like this: Belle: Hello papa this is belle and ivan how are you? Me: We are okey.I studied my lessons with MAMA.We are waiting for you.Please ingat ka PAPA. I love u.
14 PINOY TAYO SANMAN |
special feature.indd 14
Belle: Hello. Papa are you alright? I miss you very mutch. The following exchanges naman happened when Belle got angry with me one Wednesday morning because I forgot to bring her something that I promised a few days back. It was my wont to kiss her and my son every time before going to work, even if they were still both sleeping, but for this one particular morning, she refused to be kissed. I still gave her my flying kiss before I headed out the door, feeling heavy down inside as I’m a firm believer of that practice of “learn to say goodbye”. Ayoko namang pilitin. Later that evening, I got a very pleasant text from her. This time I believed she texted me on her own without Joy’s help:
APRIL 2014
4/9/2014 6:31:18 AM
Belle: Hello papa I am sory. Me: Hi honey, it’s okay. I love you very much. - Papa Belle: I love you too. Belle: Go home safe. Me: Okay, honey. I will. I’m in the car already but it is raining here. And the cars are moving slowly. Did Mama cook already? What is our food for dinner? Belle: Sopas and ham belle. Belle: Ivan ses hello. This one she texted while waiting for her school bus I guess as she didn’t text me back. Belle: Hello papa how are you there in wnrk I love you so mutch. Belle. Me: I love you too honey. Papasok ka na? It’s somewhat refreshing, though a bit of a stretch to text someone using the proper spelling of words. I’m afraid answering Belle using text-jargon would not be good for her spelling. Other kids I know might have learned texting at an even earlier age, but I’m really not sold to the idea of technology gadgets being the norm when I wanted my kids to learn the value of face to face, or verbal mode of communication. Gone are the days when we set aside a time to write letters using longhand on a yellow pad paper so we could mail them at the post office on Monday mornings, or when we memorize to heart all the telephone numbers of our friends and even the basic emergency numbers of the police, fire departments, and even the guard outpost in the village.
When I was eight, I had been on my feet outdoors every afternoon on weekdays – playing patintero, tumbang preso, that “asawa ni marie-walang panty” game or siyato with my childhood buddies while now, cable television, X-boxes, Facebooking, etc. had been the staple fare at home once the elementary students arrive at home from school. Technology in the guise of gaming was an unknown word then – in fact, only the elite few among my classmates had the privilege and prestige of owning that “cool” Game and Watch computer game. Us lesser mortals had to be content with a few-minutes borrow or had to watch the ‘experts’ escape the Octopus’ growing arms or the Chef’s cooking in the pan from the sidelines. Our telephone then just looked like a flower vase to me, pretty to look at but not really functional as far as I was concerned. Even if my elder sisters already had their fervent callers then, I had not succumbed to its charms – mostly by default maybe, as most of my friends are out there on the streets, fighting tooth and nails for the title of “prinsipe at prinsesa ng larong kalye”. I remember with fondness that old heavy phone which you dial in circles using your forefinger or a Mongol pencil’s eraser tip – they were used very sparingly – until late high school when most of my friends who wanted to get in touch with me would ask me to call, as we don’t have a PLDT line yet in our village. It was even an absolute necessity then to carry in your purse sets of 25 centavo coins, as Ding-Dong Avanzado used to remind us: “Tatlong beinte-singko lang ang aking kailangan para makausap ka kahit sandali lang.” And now, just a couple of hours ago, I was talking to this one of Belle’s fervent callers – a boy from her school. My voice sounded APRIL 2014
special feature.indd 15
| Pinoy Tayo Sanman 15
4/9/2014 6:31:18 AM
One honest observation on this texting phenomenon was ably put by noted Filipino writer Prof. Vim Nadera, which further encapsulates us Filipinos’ alienation to remember our more committed way of communicating with somebody in years past: This texting practice shows the Filipino’s character of being “Maalalahanin, pero ayaw makiharap.” like I was interrogating a criminal so Joy had to take the receiver from me. When I asked Belle naman why is that person calling her almost every day, she only answered, “I don’t know, Papa.” Could this be a sign that my unica hija is slowly inching her way there – to that place of affair I dare not mention yet? Huwag naman agad, I can hear my heart murmur. And now this paranoid fear of my daughter texting. Other than me, who could she be texting? Ako lang naman, Joy reassures me. At her age, so different when I was eight, Belle already knows how to use all the gadgets within her hands’ reach – and you can include the microwave oven, MP3s, DVD remote control features, tablets and iPads on the list. Now, even if she uses an ‘obsolete’ type of cell phone, she’s now slowly inching her way to grasp further the lure and comfort of technology. I just hope that I can still do my part to explain to her the pros and cons of these so-called indispensable gadgets. And maybe, provided I don’t sound like a kill-joy or whatever, I can explain to her the downside of texting – which I believe differentiates her X
16 Pinoy Tayo Sanman |
special feature.indd 16
or Y status generation from mine. I still prefer honest-to-goodness faceto-face exchanges of pleasantries, confession, arguments and repartee. But what can you do? Texting is practical, especially when you’re both miles apart. And may I please include that other than texting, we now have the Facetime, Viber, and Skype? I just wish that texting or chatting will not really replace the necessity of talk between me and my children, even if this will become the norm of this generation. Written words can strike you like a double-edged sword but a word spoken directly could tickle your ears with ecstatic frenzy and make you shiver down the spine, thus making you more alive. All these things considered I still prefer personal calls from my kids on any given day. One honest observation on this texting phenomenon was ably put by noted Filipino writer Prof. Vim Nadera, which further encapsulates us Filipinos’ alienation to remember our more committed way of communicating with somebody in years past: This texting practice shows the Filipino’s character of being “Maalalahanin, pero ayaw makiharap.” PTS
APRIL 2014
4/9/2014 6:31:18 AM
foodtrip.indd 50
8/11/2013 2:19:40 PM
nobela 1
Ni Onnie Almeyda ANG NAKARAAN Nanalo nga bilang Campus Queen si Sunshine dahil sa mahirap na katanungan ni Monica na isa sa mga judges. Nabigyan naman ito ni Sunshine ng winning answer. Umawit din si Conrad sa pagtatanghal ngunit hindi na pinahalagahan pa iyon ni Sunshine. Marami siyang nalaman tungkol sa binata at ang pag-iwas dito ang tanging nais niyang mangyari. Masayang-masaya naman si Luningning nang malaman ang pagkakapanalo ng kanyang anak. Ngunit mas naligayahan si Sunshine dahil pumunta sa bahay niya si Conrad. Hindi nga talaga niya ito kayang talikuran ng basta-basta na lamang. Sinuyo siya at nilambing ng binata at ngayon ay magkadikit na ang kanilang mga mukha.
I
IKALABING-SIYAM NA KABANATA
NDEX FINGER ang ginamit ni Conrad sa pagpunas ng luha ni Sunshine. “Bakit ka naman umiiyak?”
Hindi nagawang sagutin ni Sunshine ang tanong ng binata. Marami kasi siyang gustong sabihin. Marami din siyang gustong itanong kahit sa kanyang sarili – kung tama ba itong kanyang naging desisyon na makipagmabutihan siya sa lalakeng
18 Pinoy Tayo Sanman |
hindi pa niya lubos na nakikilala. At paano rin kung matuklasan ito ni Monica? Ipagtatanggol naman kaya siya ni Conrad? Sino kaya ang pipiliin ni Conrad? Pero sa ngayon ay kay sarapsarap ng pakiramdam niya. Ngayon lamang siya nakaramdam ng ganitong kaligayahan sa buong buhay niya. Higit ang ligayang idinudulot ng pagkakayakap sa kanya ni Conrad
APRIL 2014
18-22 NOBELA1TIMBANG.indd 18
4/9/2014 6:19:59 AM
kesa sa pagyakap niya sa Teddy Bear na mapanghi na dahil halos gabigabi itong naiihian lalo na kapag napapanaginipan niya na ikinakasal sila ni Enrique Gil. Nagigising lamang siya kung sa panaginip ay nakikita niyang sina Odette Khan at Baldo Marro ang kanyang mga abay. O kay ganda ng naging kapaligiran ni Sunshine ng mga sumunod na araw. Naging makulay ang lahat para sa kanya. Sa canteen habang kumakain sila ni Conrad (ng pansit na naman) ay dumaan sa tapat nila si Veron at pasimpleng kinalabit nito si Conrad. Nasakyan naman ni Sunshine ang ibig sabihin ni Veron – na dumarating na si Monica. Kitang-kita ni Sunshine kung paano nataranta si Conrad. “Sun… Punta lang akong CR.” Hindi na nakapagsalita si Sunshine. Natanaw niya si Veron na nakatingin sa kanila. Umupo si Monica sa tabi ni Veron. Nagpasuklay-suklay ito ng buhok. Nagre-touch ng light make up. Ilang sandali pa ay lumabas mula sa comfort room si Conrad. Napakaaliwalas ng mukha ni Sunshine pagkakita nito sa binata. Napahinto si Conrad nang maipit sa isang sitwasyon. Hindi niya ngayon alam kung kaninong table siya lalapit. Nakikiramdam si Veron – ang nag-iisang saksi sa love triangle. Ang dalawang characters naman na sina Monica at Sunshine ay wala ring malay sa nagaganap na tensiyon. Napansin ni Monica si Conrad. Nagkatinginan sila. Itinuloy lamang ni Monica ang pagri-retouch. Wala pa kasing muwang si Monica sa mga kaganapan. Dahil alam ni Conrad na inaasahan na ni Monica ang kanyang paglapit dito ay ito na nga ang kanyang ginawa. Nakita ito ni Sunshine at tila may
“Bakit wala kang gana? Hindi mo ba type ang niluto kong miswa? Espesyal yan… (pansit pa rin) May patola at hebe pa.” kurot siyang naramdaman sa dibdib. Mahapdi. Binalot na niya ang mga pansit na mukhang wala nang balak balikan pa ni Conrad. Malungkot na lumabas siya ng canteen. Hindi na niya pinag-aksayahang lingunin pa ang kinaruruonan nina Conrad, Monica at Veron. Uwian. Naghihintay ng masasakyang jeep si Sunshine. “Hi!” bati ni Conrad. For art’s sake e tiningnan naman ni Sunshine ang bumati sabay papara sa isang jeep. Naiwan si Conrad na alam naman ang dahilan kung bakit ganuon ang reaksyon sa kanya ni Sunshine. Maging sa paghahapunan ay tamilmil sa pagkain ang dalaga. Hindi naman iyon nalihim kay Luningning. “Bakit wala kang gana? Hindi mo ba type ang niluto kong miswa? Espesyal yan… (pansit pa rin) May patola at hebe pa.” “Masakit lang ang ulo ko ma…” May nagtext sa cellphone ni Sunshine. Malamyang binasa niya ang message at muli ring ibinaba ang cellphone. Malikot ang mga mata ni Luningning sa pakikiramdam. Tawag naman sa cellphone ang sumunod. Binasa lamang ng dalaga kung sinong tumawag sa cellphone niya. Tumayo siya at lumakad papasok sa kanyang kwarto. Kaagad sinundan siya ni Luningning na nag-aalala. APRIL 2014
18-22 NOBELA1TIMBANG.indd 19
| Pinoy Tayo Sanman 19
4/9/2014 6:19:59 AM
“Bakit Sunshine? Ano ba ang nangyayari sa’yo? Problema ba sa pagibig?... Ito ang tatandaan mo… Walang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-alay ng kanyang buhay para sa…” “Kanyang inang bayan… Ninoy Aquino! EDSA Revolution … Panatang Makabayan! Matutulog na po ako mommy!” si Sunshine sabay sara ng pinto. “Hey! Men! You cannot do this to me! I’m talking to you! That is very unconstitutional. In the article 3521 of the revised penal code… Hey! Open the closed! I am your mother! You mother f----r!” Sa pagdilat ni Sunshine kinaumagahan ay may matigas na bagay sa kanyang mga mata. Ito daw yung tinatawag na muta na nabuo dahil sa pagluha. Talagang dinibdib ni Sunshine ang mga pangyayari. Maging sa classroom ay ni hindi na niya magawang ngumiti. May iniabot na kapirasong papel sa kanya si Veron na kaagad naman niyang binasa. Tatlong kataga lamang ang nakasulat ngunit nagpaligaya iyon sa kanya kahit pa nga ayaw niyang ipahalata: I’m sorry … Conrad. Nilingon ni Sunshine sa likuran niya si Conrad. Alam naman ng binata na lilingunin siya na dalaga.
“E niloko na nga niya ako ‘di ba? Harap-harapan… Nakita mo pa nga e. Andun ka nu’ng magmukha akong tanga.” 20 Pinoy Tayo Sanman |
Nagduling-dulingan ang binata. Walang reaksyon si Sunshine. Tila wala pa siyang balak na magpatawad agadagad. Bumulong pa nga ito. “Ano ‘ko tsep!?” “Cheap hindi tsep… Hihintayin ka daw niya mamayang uwian sa gate 3,” si Veron. Bumuntong-hininga si Sunshine. “Veron… Sabihin mo sa kanya… Tama na. Ayoko na. Tapos na ang lokohan.” “Ano ka ba?… Hindi ka niya niloloko.” “E niloko na nga niya ako ‘di ba? Harap-harapan… Nakita mo pa nga e. Andun ka nu’ng magmukha akong tanga.” “Basta… Magpapaliwanag daw siya.” “Hindi! Basta sabihin mo ayoko!” “Sunshine naman… Bigyan mo naman ng chance yung tao. Ano?... six o’clock daw. Sa gate 3.” “Basta sabihin mo ayaw ko na! Tapos na ang kwento namin! Period!” Eh period naman pala ang kwento nila ni Conrad e kataka-takang quarter to 5 ay nakatayo na sa gate 3 si Sunshine. Mag-aala-sais naman ay dumarating na si Conrad at agad siyang nilapitan. “Sun…thanks. It’s good of you to come.” “Anong you come?... Naghihintay ako ng jeep ‘no?” “E ‘di ba sa Pasig ka umuuwi ? E byaheng Dapitan kaya ang dumadaan dito?” “Wala kang pakialam bakit?… Sa gusto kong mag-joy ride?” “Ganun ba? E… sorry again ha? Sige… alis na ‘ko?” “At saan ka pupunta?” “Uuwi na.” “Uuwi?... Tingnan mo ‘tong halimaw
APRIL 2014
18-22 NOBELA1TIMBANG.indd 20
4/9/2014 6:19:59 AM
na ‘to…. Sige subukan mong iwanan ako dito. Ako ngayon lang nagkasyota sa buong buhay ko ha. Pag ako iniwanan mo ngayon maghuhubad ako dito!” Sa puntong iyon ay muling sumiklab ang tinatawag na mundo ng pag-ibig sa pagitan ng dalawang magsing-irog. Ang pagkakamali lamang ni Sunshine ay nilunok niya ang sitwasyong kailangang maging palihim sa kaalaman ni Monica. “Kung hindi mo makakayanan… Hindi kita pigilan at hindi kita sisisihin. I know this is wrong but someday soon you will come to terms of understanding me,” si Conrad. “Masakit! Napakasakit… sa tenga. Dahil mabilis ka mag-English. Pakiulit.” Masaya na si Sunshine nang umuwi ng bahay. Pakanta-kanta pa ito ng “Waray Waray” habang papasok sa sala. Pero kataka-takang wala ang kanyang butihing ina. Nagpalinga-linga si anak. “Mother!... Mother?.... Where are you?” Walang sumasagot. Tiningnan ni Sunshine ang mga pagkain sa dining table. Napatakam siya. Naglaway. Gustong-gusto na niyang kainin ang pinananabikan niyang nakahain. At oo – ito ay ang pansit guisadong bijon. Pero gusto niyang kasalo si mother niya para habang kumakain siya ay maikwento niya ang tungkol sa kanila ni Conrad. “Mother! Mother!” “I am sick! Call the doctor very quick!” tinig mula sa kwarto ni Luningning. May lagnat nga si Luningning kaya dinalhan na lamang siya ng kanyang anak ng pansit and in fairness sinusubuan pa siya ni Sunshine sa pagkakahiga nito sa kama. “Ikaw naman kasi ma… masyado ka nang nagpapagod. Magpahinga ka naman.”
“Masakit! Napakasakit… sa tenga. Dahil mabilis ka mag-English. Paki-ulit.” “Naulanan kasi ako kanina pagpunta ko sa palengke. Wala na kasi tayong istak na bihon.” “You are so kawawa naman… Here… kain pa. Subo. A… a… Nganga dali…” Nganga, subo. Nganga, subo. Tuloy naman ang kwento ni Sunshine. “At alam mo ba ma… alam ko namang mahal din ako ni Conrad.” Napaluha si Luningning. Pinagmasdan niya ang mukha ng anak. “Dalaga ka na nga…. Parang kelan lang…” Humarap sa kaliwa si Luningning para magpunas ng luha. Kaya huli na para bawiin ni Sunshine ang pagsusubo sa kanya na sa tenga ng ina napabuhos. “Aray ko! Ang init! Ija de punyeta kang bata ka!” “Sorrrryyyy pooooo! Tumagilid ka kasi,” mala-Daniel Padilla na dispensa ni Sunshine. Maagang nagising kinabukasan si Sunshine. Nag-almusal at naligo. Posturang-postura ito nang magbeso sa ina. “At saan naman ang punta mo?” tanong ni Luningning “Ma….” “Huwag mong sabihing papasok kung ‘di’y sasalaksakin kita nitong walis. Linggo ngayon. Sabihin mo na lang na magkikita kayo ni Tisoy.” Parang tupa si Sunshine na kinagat pa ang daliri na kumikendeng-kendeng tanda ng pag-amin. APRIL 2014
18-22 NOBELA1TIMBANG.indd 21
| Pinoy Tayo Sanman 21
4/9/2014 6:20:00 AM
“Malandyi ka! Hala! Lakad! Wag kang papagabi.” “E Ma… Wala na me pera.” “E ‘di ba binigay ko na sa ‘yo allowance mo para sa buong buwan?” “E ibinili me ng project?” “E tanga you, dapat sa daddy you ka humingi.” “E kuripot e.” “Kailangan nating magtipid. Nasisilip na tayo ng daddy mo.” Kinuha ni Luningning ang wallet niya sa ibabaw ng ref. Dumukot ng treinta pesos na mamiso pero may dalawang five peso coins. “Ma naman… Date? Trenta Pesos?” “Hoy! Bakit…Ikaw ba ang gagastos? Tanga ka? Gamitin mo ang alindog mo! Sinasabi ko sa’yo… Huwag kang papauto sa mga lalake. Iisa lang ang tatargetin nila sa’yo… Ang iyong katawan!” Napatingin si Sunshine sa reflection niya sa malaking salamin sa dingding. Hindi niya mawari ang sinabi ng ina dahil kwarenta nga diretso ang sukat ng kanyang katawan. Wala na nga siyang nasabi kundi… “Alis na po ako ma. Salamat po dito sa treinta.” “Tipirin mo yan ha? Ingat…” Napahinto tuloy sa may pintuan si Sunshine sa tagubilin ng kanyang ina. Masaya si Sunshine sa naging pagkikita nila ni Conrad ng umagang iyon. Nagsimba muna sila sa may Payatas. Bakit sa Payatas? E sa gusto nila duon. Bakit? Sa Pizza Hut Greenhills naman sila nananghalian. Duon lumitaw ang isang problema. Nagpapakiramdaman sila kung sino ang magbabayad. Magdadalawang oras na nga silang nagpapalitan ng pagpunta sa restroom at parehong umaasa na sa pagbalik ng 22 Pinoy Tayo Sanman |
“Orig ba yang earrings mo? Can you entrust it to me?” isa ay nabayaran na ng isa ang bill ng kinain nila. Si Conrad ang unang hindi nakatiis. “E … Sun… Nakalimutan ko ang wallet ko e. Do you have money to pay for our chit?” “Naku e… trenta pesos lang pinabaon sa akin ni mommy saka yung singkwenta kong tira sa baon ko... Wala ka bang pera?” “E… I forgot my wallet nga e.” “Naku pa’no yan?” Matagal silang nagkatinginan. May napansin si Conrad kay Sunshine. “Orig ba yang earrings mo? Can you entrust it to me?” Sa nerbyos ay naging sunodsunuran si Sunshine sa binata. Nagpaalam ito sandali kay Sunshine at lumabas. Ilang minuto lang ay bumalik na ito na nakangiti. Habang papalapit kay Sushine ay iwinawagayway pa ni Conrad ang pera. “Anong ginawa mo?” si Sunshine. “Sinanla ko muna earrings mo. Heto ang dami pang matitira. Pwede pa tayong mag-bar mamaya. Don’t worry tutubusin din naman natin.” In love si Sunshine and what the heck kung ano man ang nangyayari. Hindi niya maaaring husgahan si Conrad ng ganito kaaga. Kahit pa nga masakit sa kanya na mawalay sa mga tenga niya ang hikaw na bigay ng lolo niya sa lola niya at ipinagkatiwala naman sa kanya. Pagkatapos manuod ng sine ay pumunta naman sila sa isang branch ng Shakey’s. Dito na tila natitigilan si Sunshine. Nag-iisip kung tama
APRIL 2014
18-22 NOBELA1TIMBANG.indd 22
4/9/2014 6:20:00 AM
ba ang mga nangyayari. Parang walang pinuproblema ang ka-date niya. Masayang-masaya pa nga ito samantalang nag-iisip naman siya kung ano ang ipapaliwanag niya sa ina tungkol sa kanyang hikaw. Napukaw si Sunshine nang banggitin ni Conrad ang kanyang pangalan kasabay ang pagkalabit sa gitara. Nasa maliit na stage ito. “I’m going to sing for you an old song entitled “First of May”. And I would like to dedicate this to someone I just met but have given me so much hope and inspiration in life.” Nagpalinga-linga si Sunshine. Hinahanap kung sino ang pinatutungkulan ni Conrad. “Shit! Sa akin nga ang kanyang dictation…”
“Yes you can,” hamon ni Monica na ngising aso. Natahimik ang loob ng Shakey’s na tila naghihintay sa magiging kaganapan. “Gagawin mo ba ang sinabi ko o gusto mong pagsisisihan ito kung hindi mo gagawin?” hamon ni Monica kay Conrad. Yumuko si Conrad. Tumunghay at marahang lumapit kay Sunshine. Muli siyang yumuko at nang tumunghay ay tinampal ng bahagya si Sunshine sa kaliwang pisngi. Bahagya nang lumapat ang kamay ni Conrad sa pisngi ng dalaga subalit kakaibang sakit ang naramdaman ni Sunshine. Pakiramdam niya ay buong katauhan niya ang sinaktan ni Conrad. Hindi naman nakuntento si Monica.
Kumanta na si Conrad. Maemosyon. Malungkot na tila may pinanggagalingan ang bawat himaymay ng mga kataga. Namumuo na naman ang kanyang mga luha.
“Hindi ganyan ang pagsampal… Ganito…”
Malakas ang naging palakpakan nang matapos ang pag-awit ni Conrad. Bumalik siya sa table nila ni Sunshine.
Ito na nga ang tinatawag na digmaan ng mga puso. Kawawa ang isang mandirigmang katulad ni Sunshine sa isang laban na wala siyang dalang armas kundi ang wagas niyang pagmamahal.
Tapos na ang palakpakan ay mayruon pa ring isang nangingibabaw sa pagpalakpak. Napalingon tuloy ang ibang mga tao pati na sina Conrad at Sunshine. Si Monica ang pumapalakpak kasama si Veron at dalawa pang lalake. Dahan-dahang lumalapit ito sa mesa nina Conrad. Halatang taranta si Conrad. Nasukol at wala siyang masabi. “Well?... What then?” Kaagad tumayo si Conrad para magpaliwanag. “A… Monica…” “Huwag mo akong ma MonicaMonica baka sampalin kita d’yan. Madali lang naman ito e. Sasampalin mo lang ya’ng kasama mo at presto! We can all go home.” “Monica? You know I can’t do that.”
Dahil tahimik sa loob ng Shakey’s ay dinig na dinig ang paglagapak ng palad ni Monica sa pisngi ni Sunshine.
Sa isang mahina ang bagwis na katulad ni Sunshine paano kaya niya tatawirin ang pag-ibig na kay taas at kay ilap? Paano kaya niya haharapin ang bangis at lupit ni Monica?
ITUTULOY
“Gagawin mo ba ang sinabi ko o gusto mong pagsisisihan ito kung hindi mo gagawin?” hamon ni Monica kay Conrad. APRIL 2014
18-22 NOBELA1TIMBANG.indd 23
| Pinoy Tayo Sanman 23
4/9/2014 6:20:00 AM
usapang pangkalusugan Ni Dr. Willie T. Ong
Heat Stroke: Paano Iiwas?
A
NG HEAT STROKE ay mas nangyayari kapag mainit ng panahon. Sa heat stroke, nahihilo ang pasyente at sumasakit ang ulo. Nahihirapan din mag-isip at parang hihimatayin. Minsan ay bumibilis ang paghinga at pagtibok ng puso. Kapag hindi ito naagapan sa ospital ay puwedeng humantong sa pagkawalan ng malay at pagkamatay.
Tips Para Makaiwas Sa Heat Stroke
1
. Huwag lumabas ng bahay mula 10 AM hanggang 3 PM. Kahit nasa beach ka ay dapat din umiwas sa pag-swimming ng ganitong oras.
2
. Magsuot ng preskong baro na kulay puti.
24 PINOY TAYO SANMAN |
pangkalusugan.indd 24
3 4
. Magsuot ng malaking sombrero o mag-payong.
. Huwag masyadong magehersisyo kapag mainit. Mas mabilis kasi mapagod ang ating katawan.
5 6 7
. Uminom ng malamig na tubig, 8 hanggang 12 baso sa isang araw. . Maligo ng madalas para lumamig ang katawan.
. Kumuha ng basang tuwalya at ipunas ito sa ilang parte ng katawan tulad ng mukha, leeg, kilikili, dibdib at likod.
8 9
. Manatili sa malamig na lugar tulad ng mall o sa ilalim ng puno.
. Kumain ng pakwan. Marami itong tubig at may masustansyang bitamina pa. Uminom din ng malamig na buko juice. PTS
APRIL 2014
4/9/2014 6:30:44 AM
1 cover.indd 2
1/14/2014 12:08:04 AM
cover story
Let You in
(THE JE
26 PINOY TAYO SANMAN |
26-32 cover STORY.indd 26
APRIL 2014
4/9/2014 6:25:37 AM
“T
O BE HONEST, I just gave myself two years after our migration to the US and then I will return to the Philippines and face my fate back home. I am the kind of person who values the importance of time, so I don’t want to waste my time forcing myself in a place where I do not belong. I still believe in God’s plan that we do not choose to be in the position where we are all now.”
Your Light Shine in Vegas (THE JERRY CASTORILLO STORY) Ni Onnie Almeyda That was the original plan and vision of Pastor Jerry Castorillo who migrated to the US in 2002 with his entire family through the petition of his mother. Hindi niya naisip nuon na magtungo o manirahan sa Las Vegas dahil na rin sa pagkakakilala ng iba sa lugar na tinatawag na Sin City. But he encountered lost souls which are in search of guidance. And he believes in his heart that he could do something for them. “Upon immersing to the lives and culture of the people here, I have seen a lot of brokenness of the people – people who are hungry to be liberated from the addiction that they ran into. People are hungry to the grace and
compassion of God. When I saw it, then I knew why God Has sent me to this place.”
Strong determination Hindi na masyadong alienated ang mga Pinoy sa western life dahil na rin sa mga pelikulang napapanuod natin at nababalitaan at alam din ito ni Pastor Jerry. Mas madali nga daw pakisamahan ang mga American-born dahil deretsahan silang magsalita. Ipinapalagay niya na dahil sa pagiging fast-paced ng kultura ng kanilang buhay ang MARCH 2014
26-32 cover STORY.indd 27
| PINOY TAYO SANMAN 27
4/9/2014 6:25:37 AM
dahilan kung saan kadalasan nang instant ang lahat. “We have instant noodles, instant coffee, drive-thru wedding, everything should be done in a very fast but efficient manner. I don’t want to compare because every culture has its own pros and cons. All I can say is that, I am blessed to be a Filipino living in America. It is a golden opportunity that not all Filipinos are given a chance. I also would like you guys to know, that one of the most respected community here in the United States is the Filipino community.” Sa kasalukuyan ay nagbibigay serbisyo si Jerry sa Las Vegas United Church of Christ. Las Vegas is an intense place to do ministry because of how people named it as “SIN CITY.”
28 PINOY TAYO SANMAN |
26-32 cover STORY.indd 28
“Nevertheless, someone who has a strong determination to do God’s work will survive in this type of condition. Those who have deep passion to Christ will remain standing in trying to bring about the message of repentance and love of God in the midst. It is part of the great plan of God for your life. The problem with it is that many people didn’t know the plan of God in their lives. And the only way to break that gate code to the powerful plan of God is to listen to God’s Word. I believe I am where I am now because it is God who arranged this path so many Filipino-Americans, as well as Americans to listen to God’s message through my preaching and service to our Lord.”
APRIL 2014
4/9/2014 6:25:37 AM
Ministry is a very challenging vocation. Jerry has found joy when he sees people who are growing and maturing in the Lord through the works that he does. To be an instrument for another person’s salvation is very rewarding. He had experienced both rejection and acceptance but at the end of the day it is God who will be the judge of all the work we’ve done in our lives. THE TRIALS THAT MADE HIM STRONGER Bawat araw ay isang hamon para kay Jerry – na mamuhay lalo na ang manirahan sa isang lugar na hindi naman sa iyo. At isa rin sa pinakamabigat na naging hamon sa buhay niya ay kung
paano niya nuon tatapusin ang kanyang Masteral Degree habang nasa military sa kalagitnaan ng mga agam-agam kung paano niya madadala sa Amerika ang kanyang asawa. Limang taon ang ginugol nila sa pagkakaruon ng long distance relationship na higit namang nagpatibay sa kanila bilang mag-asawa. “If it’s not from that experience probably it would be much easier for us to give up our lives together because of the pressure of becoming an immigrant. God is so good because He makes all things perfect in His right time and place.” Jerry has four kids, sina Josh, Miah, Junior and Olivia. Sila ang nagpapasaya at nagpapaligaya sa kanya. Marami silang masasayang
APRIL 2014
26-32 cover STORY.indd 29
| PINOY TAYO SANMAN 29
4/9/2014 6:25:38 AM
he also finds immeasurable joy with what he is doing. “I am always joking to my friends that I am like John the Baptist, who is the man crying out in the desert. I think when you’re in a mission with God, He will protect you from all kinds of bad situations in life.” SEEK THE LORD FIRST
sandali, mga bonding moments pero ang makita lang sila sa arawaraw ay itinuturing na niyang pinakamasasayang sandali ng kanyang buhay. “They are my family therefore I love them with my whole life. I am going to render my all as the head of my family just to make this family happy and complete.” In reality, there are a lot to say about the Philippines – masama man ito o mabuti but Jerry opted not to say anything. “Nothing to say much.” Pag-iwas ba ito o just not to give harm to anyone? For whatever reason, siguro mas mabuti na i-nurture na lamang niya ang magagandang bagay na nangyayari at maari pa niyang gawin sa kanyang kapwa. His daily prayers have helped him a lot in sustaining his strength;
30 PINOY TAYO SANMAN |
26-32 cover STORY.indd 30
Sa ngayon ay panatag si Jerry sa biyaya ng Diyos sa kanya subalit hindi pa rin naman siya humihinto sa pangangarap para sa kanyang pamilya. “Our family should have the best place in our priorities, right? I would like my children to achieve their dreams as well, and to see them grow in their faith through Jesus Christ.” Madalas niyang sinasabi o itinuturo sa kanyang mga anak na ang buhay sa Panginoon ay laging dapat na maging layunin ng lahat ng tao at iyon ang una niyang itinuturo sa kanyang pamilya. “My philosophy to my family is to seek the Lord first, and all these things shall be added unto us…” Katulad ng ibang mga mapagmahal na mga ama, Jerry wants his children to become successful in all of their endeavors. Mapapalad ang kanyang mga anak sa pagkakaruon ng isang katulad niya
APRIL 2014
4/9/2014 6:25:38 AM
APRIL 2014
26-32 cover STORY.indd 31
| PINOY TAYO SANMAN 31
4/9/2014 6:25:38 AM
“Nothing was left except the clothes we were wearing. That’s when I’ve come to realize that I needed God in my life. At my very young age, I became aware of God as our comfort in times of need.” dahil maging siya ay ginagabayan din ng nasa Itaas. Pero paano nga ba siya nagsimula sa pagkakaruon ng maka-Diyos na buhay? “It was my mother (fondly called Ka Remy by UMC Taytay people) who molded me to believe in God. I remember that she will gently iron our clothes on Saturdays so it will all be ready the next day – Sunday for worship service. I have witnessed her inner strength that cometh from the Lord in times of trials. When I had my own family and became open to the realities of life I have both consciously and unconsciously adopted her ways. That the more she is being tried – all the more that she becomes closer to God.” Lahat ng tao ay may mga trials na pinagdaanan o pinagdadaanan. Naranasan na ito ni Jerry. Sa Taytay Methodist Church, isinasama siya ng kanyang nanay duon tuwing Linggo. As a young kid, hindi niya maunawaan kung bakit niya kailangang maniwala kay God. Para sa kanya isa lamang ito sa mga bagay na gusto lang ipagawa sa kanya ng isang magulang. At ang pagkaintindi niya dito ay hindi ito isang obligasyon.
That’s when I’ve come to realize that I needed God in my life. At my very young age, I became aware of God as our comfort in times of need.” Isang paniniwala at pagtitiwala ito na kanyang dala-dala magpahanggang ngayon and he has no intention of letting go. Ngayon pa lang, pinag-iisipan niya na marahil ang panahon kung saan babalik pa rin naman silang magasawa sa Pilipinas para tumulong sa mga simbahan at mga komunidad. “At sa mga kababayan ko saan mang dako sa abroad – we are blessed to be in a place where God has sent us. Please continue to shine and prove them the great trait of what a Filipino can be in every opportunity. God bless mga kababayan!” PTS
NASUNOG ANG BAHAY, DAMIT LANG NA SUOT ANG NATIRA Hindi naman nagtagal para maintindihan niya kung ano talaga ang ibig sabihin ng lahat dahil nuong fifth grader siya ay nasunog ang kanilang bahay. “Nothing was left except the clothes we were wearing. 32 PINOY TAYO SANMAN |
26-32 cover STORY.indd 32
APRIL 2014
4/9/2014 6:25:39 AM
APRIL 2014
26-32 cover STORY.indd 33
| PINOY TAYO SANMAN 33
4/9/2014 6:25:40 AM
maikling kuwento
Ang kinalaman ng hayop sa buhay ng tao ni Benito Tatlonghari
34 PINOY TAYO SANMAN |
maiklingkwento.indd 34
JANUARY APRIL 2014 2014
4/9/2014 6:29:56 AM
APRIL 2014
APRIL 2014
JANUARY APRIL 2014
maiklingkwento.indd 35
| PINOY TAYO SANMAN 35
4/9/2014 6:29:59 AM
S
ABI nila, ulyanin na daw si Lola Juaning. May mga sintomas daw siya ng Parkinson’s, sabi ng doktor na tumingin sa kanya.
Mahilig magpuyod ng kanyang kulay pilak na buhok si Lola Juaning. Kahit bungi-bungi na siya, nasisiyahan ako sa tuwing nakikita ko siyang ngumingiti. Kubakob na ang kanyang likuran siguro dahil sa walang tigil na pagwawalis, pananahi, pagluluto, paglalaba at pag-aalaga ng mga hayop. Naaalala ko nung bata pa ako, si Lola Juaning ang nagturo sa aking mag-alaga ng halaman sa kanilang bakuran sa probinsiya. May isa siyang paboritong halaman, isang napakapulang rosas. Hindi man niya sabihin sa akin na iyon ang paborito niya, sa mga kilos at galaw ni Lola Juaning kada dinidiligan ang mga halaman, alam kong namumukod-tangi iyon sa kanya. Kapag dinidiligan niya ang halaman, hindi niya basta binubuhusan ng tubig. Inuunti-unti niya at winiwisik ang tubig, na para bang napaka-maselan ng mga halaman. Kailangan daw iyon para hindi mabigla at malunod ang tanim. Hihimasin niya ng ubod lambot ang mga dahon, na parang humihimas siya ng pisngi. Minsang may sakit si Lolo Fredo, palihim kong nakita si Lola Juaning na may ibinubulong sa kanyang paboritong halaman. Pagkatapos,
36 PINOY TAYO SANMAN |
maiklingkwento.indd 36
nilapitan niya ang puno ng santol kung saan nakatali si Toryo, ang kalabaw ni Lolo Fredo. Sa tingin ko, kinakausap ni Lola Juaning ang hayop. Mayamaya’y umiiyak na siya. Ano kaya ang sinabi ni Lola Juaning sa halaman? Ano kaya ang sinabi niya kay Toryo?
HINDI napapakali si Lola Juaning hangga’t hindi niya nakikitang nakakain na ang mga alagang hayop. Sinisiguro rin niya na parating may malinis na tubig ang mga iyon. Minsang napakalamig ng panahon, ipinagtahi niya ang alagang loro ng mumunting damit para daw hindi ginawin. Isang araw nakita ko na lang na nakasalampak sa lupa at patay na si Toryo. Sabi ni Tiya Bebeng, namatay raw ito sa katandaan. Makatapos ang ilang araw, nakita ko si Lola Juaning na masayangmasaya. Magaling na daw si Lolo Fredo, at kailangan na lang nitong magpahinga at patuloy na inumin ang mga ibiniling gamot ng duktor. Nang hapong iyon, napansin kong nalanta at patay na ang napakapulang rosas.
LUMIPAS ang ilang panahon. Niyayaya na ni Tito Roger na sumama si Lola Juaning sa kanya sa Amerika. Pero ayaw ni Lola. Ang parati nitong dinadahilan, takot siyang sumakay ng eroplano. Masaya na raw siya na kung saan-saang sulok na ng mundo
APRIL 2014
4/9/2014 6:29:59 AM
nakarating ang kanyang mga anak. Sa tamang panahon daw, kapag hindi na siya kailangan sa kanila, ng lupa, ng mga halaman, ng mga hayop, at maging ni Lolo Fredo na malubha na ang kalagayan, doon siya papayag lumipad at ikutin ang kalawakan ng buong mundo. Bibili pa daw siya ng sarili niyang mga parisukat na dahong pakpak. Ilang panahon lang at binawian na ng buhay si Lolo Fredo. Kahit ang mga hayop ay unti-unti na ring nangagsimatay. Nang magka-Parkinson’s si Lola Juaning, hindi na niya nagagawa ng matapat ang kanyang mga gawain. Hindi nagtagal, namatay siya na hindi man lamang nakalipad papunta sa ibang bansa. Paano na ang kanyang pangako nuong siya ay lilipad? Pagkatapos ng kanyang libing, binalikan naming mag-anak kasama si Mommy ang bahay kung saan parati kaming nagbabakasyon nung panahon ng kabataan ko. Sa paghahalughog namin ng hapong iyon, nakita ko ang isang baul. Sa loob nito, nakita ko ang isang larawang nuon ko lang nakita sa tanang buhay ko. Larawan iyon ni Mommy nung buntis pa siya. Kasama niya sa larawan ang Daddy. Sa may likuran nila, may isang maliit na unggoy. “Saan ito kuha, ‘My?” “Kina Lola Juaning mo iyan. Si Matsusu. Paboritong alaga iyan ng lola mo.” “Talaga? Nag-alaga din si Lola Juaning ng matsing?”
Napansin ko na nakasulat ang aking pangalan. “Ba’t nandito na ang pangalan ko, Mommy?” “Ikaw ang pinagbubuntis ko niyan. Alam mo ba, anak, isang araw bago ka ipanganak, namatay si Matsusu. Delikado kasi ang pagbubuntis ko sa iyo. Akala nga ng Daddy mo, katapusan ko na nung mga panahong iyon. Ang dami na daw kasing nawalang dugo sa akin.” “Bakit namatay si Matsusu?” Napatahimik ako sa isinagot sa akin ni Mommy. “Sinalba niya ang buhay mo.” Binulungan din kaya ni Lola Juaning si Matsusu? Totoo kayang, sa isang ipinapanganak na sanggol, may nakikitil na buhay ng isang hayop? Sa isang gumagaling na tao, may halamang nalalanta? Nangiti ako sa aming pag-uwi nang matanaw ko ang payapang hardin ni Lola Juaning. Dahil alam ko, iniwan man kami ni Lola Juaning pansamantala, parang nakikita ko siyang lumilipad sa alapaap at minamanmanan kami habang kinakampay ang kanyang nabiling dahong parisukat na mga pakpak, kung saan ngayon, maligaya na niyang kapiling ang mga tigasalba ng mga mahal niya sa buhay, kasama na duon si Toryo, ang napakapulang rosas, at maging si Matsusu. PTS
APRIL 2014
maiklingkwento.indd 37
| PINOY TAYO SANMAN 37
4/9/2014 6:29:59 AM
lovingly yours,
M G A PAY O K AY C E L I N E Mahirap na sundin mo ang gusto ng ate mo na magpa-terminate ka rin dahil siya magpo-for good na at ikaw naman ay wala pang balak tungkol dito kaya malaking epekto nito sa pamilya mo na nangangailangan ng tulong mo. Walang masama kung di mo siya sundin at hayaan mo siyang magalit sa iyo kung sa kabila ng paliwanag mo ay ipilit niya pa rin ang gusto niya. Hindi ka magiging masamang kapatid kung di mo siya susundin. Hayaan mong pagdating ng araw ay makita niya ang kanyang pagkakamali.
From Lita Dimaano of North Point Better na mag-usap kayong dalawang magkapatid ng puso sa puso at ipaliwanag mo sa kanya ang iyong sitwasyon at ang kalagayan ng iyong pamilya na lubhang maaapektuhan kapag umuwi ka nang wala sa panahon. Ipaunawa mo ang kalagayan ng iyong mister at ng iyong mga anak na kailangan ang iyong tulong lalo na ngayon. Bilang kapatid ay siguro naman ay maiintindihan ka niya at makita niya ang kawawa mong kalagayan. Hindi ka dapat idamay ng ate mo sa desisyon at sa galit niya sa mga employer ninyo na nakinabang din naman siya. Siguro kailangan lang ng kapatid mo ng makakapag-paliwanag sa kanya.
Ganyan din ang kalagayan ko no’n sa kapatid kong matanda na kasama ko dito at siya ring kumuha sa akin. Bawat desisyon ko kailangan alam niya at kapag ayaw niya, siya pa rin ang kailangan kong sundin. Nagkagalit kami ng kapatid ko nang bumigay na ako sa ginagawa niya sa akin dahil para akong robot sa kanya na kung kailan susian ay doon lang gagalaw at kikibo. Inilabas ko ang lahat ng sama ng loob ko sa kanya at nasampal niya ako at ang ginawa ko ay ako na lang ang umalis sa amo ko at naghanap ako ng panibagong employer. At least ngayon, malaya na ako sa kanya. Pinagdadasal ko na lang na magkabati kami someday. Ang sa akin, di ka robot Celine at need mong magdesisyon para sa sarili mo.
From Erlinda Naguit of Tai Wai Shatin
From Milagros Deles of Kowloon Bay
38 PINOY TAYO SANMAN |
34-37 Lytk.indd 38
MARCH2014 APRIL 2014
4/9/2014 6:26:35 AM
Dearest Celine, Una sa lahat ang aking taus pusong pasasalamat sa iyong pagsulat at pagtitiwala at nawa’y hipuin ng ating Poong Maykapal ang isipan at damdamin ng kapatid mo para maintindihan niya at makita ang sitwasyon mo. Nawa’y gabayan siya ng Poong Maykapal upang maliwanagan siya at maalis ang galit at poot na namamahay sa kanyang dibdib. Nawa’y makita niya ang iyong tunay na sitwasyon at maipaliwang mo ito sa kanya nang maayos na kailangan ka ng iyong pamilya lalong-lalo ngayon na maysakit ang iyong asawa. Magdasal ka muna at ilapit sa ating Poong Maykapal ang lahat at pati na rin ang kapatid mo nang siya ay maliwanagan. Kung di ka pa rin niya maintindihan at nagpadala pa rin siya sa galit at poot sa kanyang dibdib ay hindi masama at hindi labag sa kagandahang asal na siya ay iyong suwayin dahil may pamilya ka at may sariling disposisyon. Maaaring di ka niya maintindihan ngayon at magalit siya sa magiging desisyon mo na manatili ka sa iyong amo dahil mahirap nang makipagsapalaran ka ulit na humanap ng iba. Darating din ang araw na mapapatawad ka niya at maiintindihan lalo na pag nakita niya ang kalagayan ng iyong pamilya lalo na ang iyong mister.
MAAARING DI KA NIYA MAINTINDIHAN NGAYON AT MAGALIT SIYA SA MAGIGING DESISYON MO NA MANATILI KA SA IYONG AMO DAHIL MAHIRAP NANG MAKIPAGSAPALARAN KA ULIT NA HUMANAP NG IBA. DARATING DIN ANG ARAW NA MAPAPATAWAD KA NIYA AT MAIINTINDIHAN LALO NA PAG NAKITA NIYA ANG KALAGAYAN NG IYONG PAMILYA LALO NA ANG IYONG MISTER. kinabukasan ng iyong mga anak. Sana ay hindi maging makasarili ang iyong kapatid at makita niya ang kanyang kamalian at nawa’y maalis ang galit sa dibdib niya upang makapagdesisyon siya ng tama. Ipanalangin mo ang iyong kapatid at naliligaw lamang siya dahil nagpapadala siya sa poot na nasa kanyang dibdib at dalangin ko rin na nawa’y maintindihan niya ang iyong magiging desisyon. Nawa’y makita ng kapatid mo na kahit siya ang pinagkakautangan mo ng loob sa iyong pagpunta dito at sa iyong employer ay may sarili kang pamilya na kailangan mong tulungan at kalingain.
Gaya ng sinabi ng ating mga kapatid na nagpayo na hindi ka dapat sumunod sa desisyon ng kapatid mo dahil hindi ka robot. Hindi siya ang dapat magdesisyon kung ayaw mo o gusto mo kundi ikaw dahil pamilya mo ang nakasalalay dito at
MARCH 2014
34-37 Lytk.indd 39
| PINOY TAYO SANMAN 39
4/9/2014 6:26:36 AM
N
EW
LE
E TT
R
SE
N
D
ER
Tama bang kasuhan dalawang beses niya
Dearest Tita Kerry, Pagbati po ng isang mapagpalang araw sa inyo at sa lahat ng bumubuo ng inyong magazine na PTS, nawa’y patuloy pa po kayong gabayan ng ating Ama nang marami pa kayong matulungan na mga kapwa ko OFWs hindi lamang dito sa Hong Kong maging sa ibang panig ng mundo na may OFWs. Tawagin n’yo na lang akong Lucila, 40 yrs old, may isang anak at hiwalay na po ako sa aking asawa. Nandito ako sa Hong Kong at nag-alilang muli para lang may maipakain at masuportahan ang aking anak na babae. Dati po akong nagtatrabaho sa Dubai at marangyang pamilya sa Dubai ang pinaglilingkuran ko noon. Sa Dubai ko na rin po nakilala ang mister ko na nag-TNT noon at dahil sa pag-ibig at pagmamahal ay tinulungan ko siya na sumuko para makauwi sa atin. Taong 2002 nang kami’y magpakasal sa Pilipinas at pagkalipas po ng pitong buwan ay kinuha ko ang aking mister at hinanap ko siya ng trabaho sa Dubai. Turistang dumating ang asawa ko at sagot ko lahat ang mga ginastos niya dahil nga nag-uumpisa pa lang kami at nangako naman ang asawa ko na magtutulungan kami para sa aming magiging anak. Buo ang tiwala ko kay mister kaya laking tuwa ko no’n nang makarating siya kaya lang di pa siya nakapagtrabaho agad dahil ‘yung nakuha ko sanang trabaho sa kanya bilang driver ay nag-back out isang araw bago siya makarating ng Dubai kaya di na po namin 40 PINOY TAYO SANMAN |
34-37 Lytk.indd 40
maatras pa ang kanyang pag-alis. Kaya laking gastusin talaga Tita Kerry at nagkabaon-baon ako sa utang lalo na sa employer ko no’n. Halos isang taon din siyang paulit-ulit na nag-exit at nag-renew ng visa. Awa naman ng Diyos ay natanggap siya sa isang magandang kumpanya at tyempo naman nang magkatrabaho siya ay nagdadalang-tao na pala ako noon. Kaya nagpasya kami na umuwi ako at sa ‘Pinas ako manganak. Nagdesisyon ako Tita Kerry na ako ay uuwi ng ‘Pinas una para doon manganak at nagsabi siya na kukunin niya na lang ako pagkapanganak ko ngunit hindi ‘yon nangyari. Nalaman ko na may babae na siya do’n habang ako ay wala. Sa galit ko Tita Kerry ay inaway-away ko siya na umabot kami sa paghihiwalay. Nangako siya ng suporta sa aming anak ngunit di raw niya magagawang buwan-buwan magpadala ng pera. Nag-isa at dalawang taon ang anak ko no’n ng walang suportang nanggagaling sa mister ko na kung tutuusin ay ang taas ng kanyang sahod do’n at ang panggatas ng anak ko ay sa kapatid ko pa nanggagaling dahil wala nga ‘kong trabaho no’n. Kaya ang ginawa ko Tita Kerry ay nakipagsapalaran ako dito sa Hong Kong para matustusan ang aking anak. Buti na lang pinahiram muna ako ng kapatid ko sa aking mga gastusin at placement fee no’n at sinuwerte naman na mabait ang aking naging employer. Nalaman kong umuwi ang mister ko no’n kaya nagpaalam ako sa amo na uuwi at may importante lang aayusin. Gusto
MARCH2014 APRIL 2014
4/9/2014 6:26:37 AM
uhan ko ang asawa ko sa s niyang pagpapakasal? kong ipakita ang anak ko sa mister ko at nagulat ako dahil kasal na pala siya sa babaing pinalit niya sa akin. Nakita ko ang mga pictures niya sa kanyang pamangkin at nakita ko rin ang kunsintidor kong biyenan na napakaganda ng suot habang nagma-marcha. Nabuhay ang galit sa dibdib ko Tita Kerry at sa kanyang babae. Nag-demand ako ng sustento sa kanya para sa aking anak at ayaw niyang magbigay kahit man lang 30% ng kanyang sahod kaya sabi ko sa kanya sa korte kami magkita at nakiusap siya na kung puwede na 20% ang maibigay niya dahil kapos daw siya at maraming problema sa trabaho. Kaya lang Tita Kerry wala pang isang taon ay marami na siyang dinadahilan kaya di siya nakakapagpadala. Nakita ko sa Facebook ng pamangkin niya na narito rin sa Hong Kong na marangya pala ang buhay ng asawa ko sa Dubai at may negosyo pala sila do’n at ang babae niya ay kung saan-saan nakakarating na bansa. Maging silang dalawa sa Pilipinas ay ilang tourist spot na ang kanilang narating samantalang kami ng kanyang anak ay naghihirap kahit na noon ay pinagbantaan niya pa akong kukunin ang anak ko dahil di ko kayang pag-aralin noon. Ang sakit-sakit Tita Kerry dahil after na matupad niya ang kanyang mga panagarap, kinalimutan niya ako at ang kanyang anak sa akin. Nagtitimpi lamang ako Tita Kerry dahil iniisip ko ang kapakanan ng aking anak at ang mga pamilyang masasa-
gasaan ko sakaling magsampa ako ng demanda sa kanya. Nasa akin ang lahat ng ebidensya, ang mga litrato nang sila’y kinasal ng babae niya at ang katibayan ng dalawang kasal ng asawa ko. Nabalitaan ko na uuwi na naman siya ngayong Abril at tamang-tama sa pag-uwi ko rin dahil graduation ng anak ko sa high school. Gusto kong gumawa ng legal action sa pag-uwi ko laban sa kanila at ang laban na ito ay di para sa akin kundi para sa anak ko. Tama ba ang gagawin ko Tita Kerry dahil nagpupuyos sa galit ang dibdib ko at di ako makatulog dahil dito. Sana’y mabasa mo ito sa lalong madaling panahon o bago man lamang ako umuwi. Ilang beses nang nagtatanong ang anak ko sa papa niya at di ko rin maiaalis na kahit matagal na kaming di nagsasama ng papa niya ay namimis niya pa rin ito lalo na ngayon na ga-graduate siya ng high school. Tama ba Tita Kerry na ipaglaban ko ang karapatan ng anak ko at kasuhan ang asawa ko sa dalawang beses niyang pagpapakasal? Gusto kong lumaban at ipaglaban ang rights ng anak ko para sa papa niya. Lubos na umaasa at maraming salamat Tita Kerry sa pagbasa mo ng sulat kong ito. Yours truly,
Lucila of Quarry Bay MARCH APRIL 2014
34-37 Lytk.indd 41
| PINOY TAYO SANMAN 41
4/9/2014 6:26:38 AM
nobela 2
Ni Lynn Remedios ANG NAKARAAN Sinundan ni Bert si Magna sa bahay nito at laking gulat ng huli nang makita ang nobyo. Agad hinalikan ni Bert si Magna at walang nagawa ang babae. Pumunta sila sa kanilang hideaway, ang pad ni Rodrigo, dahil duon ay pakiramdam nilang ligtas sila. Samantala, naabutan nina Dess at Roy si Vilma sa kanilang bahay at pinagtalunan nila ang kanilang mga choice of couturiers na gagawa ng wedding gown ng bride-to-be. Naalala ni Dess matapos ang kanilang usapan na kailangan niyang bumalik sa school para habulin si Mrs. Deogracias na nakatakdang makatanggap ng faculty recognition award. Ipinaalala ni Dess ang dinner nila kinagabihan kung saan sa unang pagkakataon ay magkikita-kita na sina Vilma at Rodrigo at ang ina ni Roy na si Magna. Napag-usapan nila na nagkalat
na ang mga terorista sa kung saangsaang mga lugar sa siyudad kaya nabanggit ni Dess na buti na lamang at si Roy ang kanyang boyfriend at secured siya dito. Wala naman sa sarili si Roy dahil distracted sa professor ni Dess at may binabalak siyang gawin dito. Nagpaalam si Roy na may kailangan siyang ayusing ‘leaked’ faucet sa kanyang bahay pero kailangan niyang daanan ang toolbox sa pad ni Rodrigo. Napadaan si Roy sa malapit sa faculty housing na tinitirhan ni Mrs. Deogracias at nakita niya sa isang streamer na pararangalan ito. Sa pad naman ni Rodrigo, ay matindi ang pagniniig na nangyayari kina Bert at Magna. Sa labas ng parking lot ng unit ni Rodrigo, tahimik na nag-park si Roy. Kukuhain na niya ang kanyang toolbox nang may marinig siyang nag-uusap sa loob. Pamilyar ang boses sa kanya ng babaeng nagsasalita.
Ikalabing-anim na Kabanata BINUKSAN NI ROY ang ref para kumuha ng pitsel ng tubig. Bago siya uminom, narinig niya ang hindi maipagkakailang mga boses ng dalawang taong nagtatalik sa loob ng kuwarto ni Rodrigo. Lalapit siya at bubuksan ang silid, hindi sa pagiging pangahas kundi sa pagkapamilyar sa boses ng babae na ngayo’y papalakas pa nang papalakas. Pagkabukas 42 PINOY TAYO SANMAN |
42-46 NOBELA2TANSO.indd 42
APRIL 2014
4/9/2014 6:27:02 AM
niya ng pinto, bubuksan niya ang switch ng ilaw sa may pader. Mabibitawan niya ang hawak na isang basong tubig sa semento. Ang pangitaing tumambad sa kanya ay ang kanyang inang kinukubabawan si Bert. Hindi siya agad nakapagsalita sa sobrang pagkagitla. Sobrang lakas ng boses niya nang pakawalan niya ang nakatagong mga kataga rito: “ANO ‘TO!” Shocked silang lahat. Mapapapikit si Roy, manglalambot. Nakilala siya ni Magna. “R-rr-oy….” Magtatama ang mga mata nina Bert at Magna. “Siya ba ang….?” si Bert.
MABILIS ang pag-eempake ni Magna ng kanyang mga gamit sa dalawang malalaking maletang nakapatong sa ibabaw ng kama. Matapang na siya. “I have to go. Kailangan ko ring mabuhay. Hindi habang buhay ko nakatali ako sa anino mo at ng iyong ama.”
Tahimik si Roy, pero di tatagal ay mangungutya. “Kaya kayo iniwan ng papa, hindi kayo makuntento sa iisa.” Sasabog si Magna. Susugurin niya si Roy at pagsasasampalin ito. “P--- i-a mo!” She is no more the sick, naïve woman who is afraid of her son’s shadow. Akmang gaganti si Roy nang kuhain ni Magna ang isang kutsilyo
malapit sa drawer. Si Magna pa ang manghahamon. “Gusto mong malaman ang totoo? Haa? Ha???!!!”
BABALIK ang paglalahad ni Magna nuong panahon ng martial law, ilang buwan bago isinilang si Roy. Nagkakasayahan ang mga kabarkada ng asawa ni Magna na si Ernesto, na beinte-otso na nung panahong iyon, at ang iba pang barkada nito na sina Ed na matanda ng dalawang taon sa kanya. Matipuno ang pangangatawan nito at bigotilyo at may kakaibang tikas. Naruon rin si Eric na may katabaan at ang pinakamadaldal sa grupo na si Jojo. Lahat silang apat ay nakainom na. Nasa kusina naman at abalang nagpiprepara ng mga pulutan pa at maiinom si Magna. Nakabukas ang TV at abala sa panonood ng isang sitcom nang sumingit sa newsbreak si Pangulong Ferdinand Marcos. “Pesteng Marcos iyan, lahat tayo gagawing inutil sa martial law,” si Ernesto habang ngumangasab ng pulutan. “Hindot! Ngayon lalagyan tayo ng curfew,” reklamo naman ni Ed, na sa hindi maipaliwanag na dahilan ay maya’t maya ang tinging pangungursunada kay Magna sa tuwing sumusulpot-sulpot ito sa kanilang harapan. “Nakow, papano ‘yan,” si Jojo. “Mababawasan ang mga happy hour natin sa gabi.” Sasabat si Ed. “Eh di gawin mo sa umaga!” “Mahirap iyon,” biro ni Jojo. “Nagkukubli pa sa lungga ang mga daga. Tsaka guwardiya bandido si APRIL 2014
42-46 NOBELA2TANSO.indd 43
| PINOY TAYO SANMAN 43
4/9/2014 6:27:02 AM
“HINAY-HINAY LANG PARE, HUWAG MO NAMANG SIGAWSIGAWAN SI MISIS. SIGE KA, WALA NA TAYONG PUPULUTAN PAG NILAYASAN KA NIYAN,” SABAD NI ED, MAY LAMAN ANG PANANALITA. misis! Eh alam mo naman iyon, gusto niya na siya lang ang putahe. Buti nga itong si Ernesto, paalis na,” sabay hagalpak ng tawa. Mangingiti si Eric habang nakatingin kay Jojo. “Pare, matindi pa sa bilasang isda ang misis mo. Buti nakakaya mo pa, triple na ang katawan no’n sa ‘yo.” Mapapansin ni Ernesto ang kanilang lamesita, wala nang mangangatngat.
Walang sasagot mula sa kusina. “Wala na bang pulutan diyan, Magna? Maglagay ka dito, pati beer, paubos na.” Titiktikin ni Ernesto ang babasaging pitsel ng kutsarita, malakas, paulit-ulit, na para bang tumatawag ng serbedora sa restoran. “Hinay-hinay lang pare, huwag mo namang sigaw-sigawan si misis. Sige ka, wala na tayong pupulutan pag nilayasan ka niyan,” sabad ni Ed, may laman ang pananalita. Titignan ni Ernesto si Ed. “Hoy, hoy – huwag mo ngang pakialaman ang misis ko, akin lang
42-46 NOBELA2TANSO.indd 44
Tarantang-taranta si Magna at hindi na magkandaugaga sa paghahalo ng niluluto at pagbubukas ng beer. Halos magkandatapun-tapon na ang mga ito at sabay rin ang kanyang pagpupunas sa kanyang basam-basa nang duster. “Nandiyan na!” Magtatawanan lahat. Mapapagawi ang tingin nila sa TV, nag-i-speech pa rin si Marcos. “Gago talagang itong si Marcos. Pag naayos natin ang plano natin, ituloy na kaya natin ang pag-kidnap sa dalaga niya?” banggit ni Jojo, na tipong hindi naman nagbibiro. May ready answer si Eric. “Sino, si Irene o si Imee? Sa ‘yo na lang. Wala kang taste, pare!” “Dapat, mestisahein man lang. Tipong Maggie de la Riva,” sabi ni Jojo.
“Magna?”
44 PINOY TAYO SANMAN |
iyan. Virgin iyan pare nang mapunta sa akin. Ako lang ang tanging putaheng natikman niyan.” Inip na inip na siya at napasigaw na: “Ano ba, Magna! Nasan ka na ba?”
“Takot ka bang mahuli? Akala ko ba wala lang kinatatakutan?” si Ed. “Ayokong maging Jaime Jose. O Boy Pineda. Takot ako sa silya elektrika! P—a i—a na silya elektrika ‘yan. Diyan, puwede akong maduwag!” sabay halakhak ni Jojo. Nagdagdag pa ng impormasyon si Eric. “Alam mo bang pagkatapos nilang kalbuhin eh ipinarada pa sila lahat sa hawla nila na parang mga animal sa gubat? Ayoko nang ganon. Lahat sila naka-display.” Bubuksan ni Ed ang beer, pero pagkabukas, titilapon ang laman nito sa sahig.
APRIL 2014
4/9/2014 6:27:02 AM
“Huup!!! Sayang ‘to, natapon!” “Gago, ano ang akala mo sa beer, tubig! Pabayaran mo iyan, pare,” si Eric habang kinakausap si Ernesto. Tatawagin muli nito si Magna. “Magna. May natapon na beer dito, magdala ka ng basahan.” Lalapit si Magna at mapapansing malagkit ang tingin ni Ed dito. “Hi, Magna, Lalo kang gumaganda!” “O, eto, beer pa!” Hihipuan ni Ed si Magna sa puwet. Madaling aalisin ni Magna kamay nito at lalakad papalayo. Sa isip-isip niya, lasing na silang lahat. Mapapangiti naman si Ed. Hindi pa nakababalik sa kusina ay tatawaging muli ni Ernesto si Magna. “Ano ba, nakikinig ka ba? Sabi ko, natapon ‘yung beer dito, baka may madulas. Punasan mo na.” Sisimulan nang punasan ni Magna ang natapon na beer sa sahig matapos nitong kumuha ng basahan. Bababa ang mukha ni Ed malapit sa tainga ni Magna at bubulong ito: “Ako, basa na rin…” Maiirita si Magna “Ano ka ba, Ed, huwag kang ganyan!” Nasa kusina na si Magna at sinundan siya ni Ed.Nangungulit pa rin ang lalake at parang nagbibiru-birong niyayapos-yapos sa kanyang likuran si Magna. “Kunwari ka pa. Ako naman talaga ang type mo.” Imumumdmod ni Ed ang mukha niya sa dibdib ni Magna, ang bilis ng mga pangyayari at hindi agad naka-react ang huli.
“O IYANG ASAWA MO. MATAGAL NA ’KONG PINAPATULAN NIYAN SA LIKURAN MO.” “Ano ba, huwag. Ed, ano ba, nasasaktan ako. Pag nakita tayo ng asawa ko baka kung ano ang isipin no’,” pagsusumamo niya. “Nagpaalam na ‘ko sa kanya…ano… game?” Sasampalin ni Magna si Ed. “Hayop! Bastos ka!” Mabubulabog ang magbabarkada sa komosyon sa kusina. Sa kanyang pagsilip, kita agad ni Ernesto si Ed na yakap-yakap ang kanyang asawa. Mapapamura ito. “P—a i—a n’yo! Ano ‘yang ginagawa n’yo, sa sarili ko pang bahay!” Hahablutin ni Ernesto si Ed sa kuwelyo at pagsususuntukin. “Hayup ka, pare--” Matataranta lahat pero tulad nina Eric at Jojo na pawang mga lasing na, hirap na silang umawat. “O iyang asawa mo. Matagal na ’kong pinapatulan niyan sa likuran mo.” Susugurin ni Magna si Ed at paghahahampasin sa dibdib. “Hayop ka. Sinungaling!” “Ano bang pinagmamalaki mo sa akin? Yung nunal mo sa pige? Kabisado ko na lahat ng kasuluksulukang parte ng katawan mo. Ba’t di mo aminin kay pare – ikaw naman ang nagsimula kanina, ah? Nagulat na lang ako dahil bigla mo akong hinatak dito sa kusina… gusto mo pa nga sa kuwarto natin APRIL 2014
42-46 NOBELA2TANSO.indd 45
| PINOY TAYO SANMAN 45
4/9/2014 6:27:03 AM
“HUWAG KANG MANIWALA SA KANYA… PINILIT NIYA AKONG PAGSAMANTALAHAN NUNG HULI NIYANG PUNTA RITO.” gawin…” “Anong sinasabi mo?” Lalapitan ni Magna si Ed at muli’y paghahahampasin. “Sinungaling ka! Sinungaling ka!” Matitigilan si Magna dahil sa matinding sampal na dapapo sa kanyang magkabilang pisngi. Palad iyon ni Ernesto. “Ikaw, p—a ka! Sinasabi na nga ba pag wala ako naglalandi ka!” Titingin si Ernesto kay Ed. “Pare, bago kita mapatay – lumayas ka sa harapan ko!” Aambahan ni Ernesto si Ed pero agad itong tatakbo papunta ng pintuan sa salas at agad lalabas. Nagmamakaawa naman at pilit na nagpapaliwanag si Magna kay Ernesto. “Huwag kang maniwala sa kanya… pinilit niya akong pagsamantalahan nung huli niyang punta rito.” “Paano ‘ko maniniwala sa ‘yo?” Mapapahagulgol si Magna. “Maniwala ka sa ‘kin. Wala akong kasalanan.” Halos masakal na ni Ernesto si Magna. “Iniiputan mo ako!” 46 PINOY TAYO SANMAN |
42-46 NOBELA2TANSO.indd 46
“Maniwala ka naman sa akin. Ikaw lang ang lalake sa buhay ko.” Yayapusin ni Magna si Ernesto pero itutulak siya nito hanggang mapasubsob ang mukha niya sa sahig. “Mapapatay kita!” Babangon si Eric sa pagkakaupo at lalapitan ang barkada. “Tama na, pare…lasing ka na, init lang ng ulo iyan…lilipad ka na sa Sabado, huwag mong hayaang madiyaryo ka pa,” seryoso ang tinig ni Eric. Babatuhin ni Ernesto ng bote ng beer si Marcos na tuloy pa rin sa kanyang paglilitanya sa TV. “P—a i—a ninyong lahat!!!” Ilang buwan ang lumipas. Kararating lang ni Rodrigo mula sa eroplano at sasalubungin siya ni Magna, na ngayo’y kabuwanan na at ipinagbubuntis si Roy. “Ernie….” “O, ba’t andito ka? Paano mo nalaman na darating ako?” Nangangatal na ang boses ni Magna habang sapo-sapo ang kanyang tiyan. “Gusto ko lang na….gusto ko lang na makita mo ang magiging anak natin…” Walang reaksiyon sa mukha si Ernesto. “Hindi ko anak ‘yan.” May isang babaeng lalapit papunta kay Ernesto at yayakapain siya nito. Lalakad sila papalayo hanggang maiwan si Magna, na ngayo’y nakatingin lang sa malayo habang walang tigil ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang mga mata. ITUTULOY
APRIL 2014
4/9/2014 6:27:03 AM
usapang sine ni PTS Manunuri
A Movie Review Producer: Viva Films Screenplay: Mel del Rosario Director: Andoy Ranay Cast: Nadine Lustre, James Reid, Andre Paras and Yassi Pressman
I
SANG MATATAWAG NGANG ANOMALY o kakaiba at lumabag sa batas ng publishing ang librong unang nabasa ng miyung-milyong readers sa Wattpad – at eto na nga ang ginawang pelikula na “Ang Diary ng Panget”. Pero kung tutusin mo, ang pelikula ay hindi naman nalalayo sa traditional romcom (romantic comedy) na ginagawa ng Star Cinema o Viva Films. Ang pinagkaiba lang, hindi mga big stars ang bida ng pelikula, at willing ang producer na sumugal sa mga baguhang artista. Ang kuwento ay tungkol kay Eya
(Nadine Lustre), na talaga namang puwede mo nang sabihing isang pimple na tinubuan ng mukha dahil tadtad ito ng acne. Isa siyang iskolar sa isang exclusive school at para matustusan ang kanyang pang-matrikula pati pang-araw-araw na panggastos, nag-apply siya bilang personal maid ng campus heartthrob na si Cross (James Reid). At katulad ng ilang mga pelikulang poor girl meets rich boy, sa umpisa ay hindi maganda ang pagtrato ni Cross kay Eya. Nandiyang insultuhin siya nito sa kanyang kakatuwang APRIL 2014
47-49 USAPANG SINE.indd 47
| PINOY TAYO SANMAN 47
4/9/2014 6:28:07 AM
hitsura pero hindi siya basta-basta susuko. Sa katunayan, ang pagiging malapit niya kay Cross ay kinaiinggitan ng ilang mga babae sa campus. Marami ring ilang mga kaklase ang nagpakita ng interes kay Cross dahilan para magkaroon ng pagseselos si Eya kahit ba parang wala naman yata siyang karapatang maramdaman iyon. At siyempre, may mga instances na dumarating ang paawa effect kaya maaantig rin ang puso ng isang mapagmataas kapag pinakitaan siya ng kabutihan ng isang taong binabalewala siya. Example nito ay nang ipagluto ng sopas ang nagkasakit na si Cross kaya napalapit siya kay Eya. May mga issue lang ako pagdating lalo na sa script, may pakiramdam na parang minadali ang lahat. Sabagay, kung ang pinagbasehan nito ay ang isang may kahabaang libro (series of books pa nga), may tendency nga na hindi makasama ang ilang mga eksenang mas magkakabit sa naratibo. Nagkulang ba ang director? O masyadong minadali ang production schedule? Ang mga artista naman, in fairness, ay promising lalo na ang lead actress na si Nadine 48 PINOY TAYO SANMAN |
47-49 USAPANG SINE.indd 48
Lustre na mahusay magpunchline at may flair for comedy. Si James Reid ay nagkakabulol-bulol minsan sa pag-deliver ng kanyang lines pero nagpapakita rin siya ng sapat na emosyon para maging kapaniwapaniwala sa kanyang portrayal bilang si Cross. Promising rin si Andre Paras, na tiyak mahahasa pa bigyan lang ng mas maayos na papel sa mga susunod niyang pelikula. So puwede na rin nating sabihing ang “Diary ng Panget” ay isa sa mga pelikulang gusto mong mapanood for the sake na ma-entertain. Hindi ka na kailangang magpaka-cerebral at magisip pa ng pa-deep para ma-appreciate mo siya. Hindi na luma ang kuwentong ganito, na parang hinango sa katawatawang kuwento ni Betty La Fea. Kaya huwag na kayong mang-expect na pang-award ito dahil obviously ay hindi. Pero puwede siyang pang-kilig moment o laugh trip. Isipin mo na lang na wala ka mang mapala, ay at least na-entertain o napatawa ka. Isa talagang nag-endear sa mga dialogues ay ang katotohanang itong madalas na nangyayari at naririnig natin sa totoong buhay. Di ba’t pag may nakita tayong naglalakad sa kalye o kaya isang modelong hindi naman kagandahan sa TV, agad nating sasabihin, “Ay, ang Panget!” o di kaya’y “Ano ba, kahit pa sangkaterbang make-up ang ipatong mo sa mukha mo ay Panget ka pa
APRIL 2014
4/9/2014 6:28:08 AM
rin!” Remember that time nuong nauso ang phenomenal hit na nagpasikat kay Andrew E, ang “Humanap Ka Ng Panget!”? Puwede sigurong sabihing Panget is back! And with a vengeance!
Ang “Diary Ng Panget” the ebook, incidentally, was written sometime in 2010 sa San Pablo City, at ang may-akda nito ay isang 16 year old na mas gustong tawagin na lamang siyang “Denny” (isa po siyang babae). Nagsimula siyang mag-type ng kanyang mga comments sa online forum ng Candy Magazine dahil sa kanyang pagkabagot. Hindi niya inakaalang ang libro niya ay mapansin at tangkilikin pa ng ilang mga online readers. Pero magkagayunman, ayaw niyang maging popular sa masa at mas prinefer na maging semi-anonymous. Si Denny ay pinetition ng kanyang ina sa Italy at habang naruon siya, duon niya sinimulan ang diary ng isang babaeng kinukunsiderang panget ang sarili niya. Anime pa nga ang peg na ginamit niya sa artwork at
viewers ang kanyang diary entry, duon na siya nakapukaw ng pansin ng isang publisher at yun nga, ginawa na itong libro kung saan naman in-adapt na ito ngayon para maging pelikula. At aminin, sa malamang-lamang, lahat ng mga teen-ager o mga inlababo ay nagsusulat rin sa kanilang diary. Na nangangarap rin na makatagpo sila ng kanilang Prince Charming na hindi sila huhusgahan base sa kanilang hitsura kundi sa kanilang mabuting loob. A breath of fresh air kung tutuusin na ang pelikulang ito ay promising enough na hindi man tumabo sa takilya ay tinangkilik pa rin ng karamihan lalo na siguro ng mga fans ng libro. Gusto mo ng bago? Ng isang kakaibang laugh trip? Go watch “Diary ng Panget”. Pero wag n’yo nang laitin sakaling makulangan man kayo. Basahin n’yo na lang ang libro at baka mas mag-enjoy pa kayo. ’Yun lang. PTS
“HaveYouSeenThisGirl” naman ang ginamit niyang pen name. Ang interesanteng bagay sa kanyang kuwento ay hinango niya lang ang mga karakter sa napapanood niya sa mga anime at hindi iyon based sa tunay na buhay. Nang umabot ng 12 million
APRIL 2014
47-49 USAPANG SINE.indd 49
| PINOY TAYO SANMAN 49
4/9/2014 6:28:08 AM
food trip
Garlic Butter Shrimp INGREDIENTS 2 lbs shrimp 2 tbsp parsley, ďŹ nely chopped ½ cup butter 4 tbsp garlic, minced 1 cup lemon soda salt and pepper to taste PROCEDURE
Marinade the shrimp in lemon soda for about 10 minutes Melt the butter in a pan and heat it up until hot enough to cook the garlic
Pour-in the remaining lemon soda. Let the liquid evaporate completely.
Add the garlic and cook until the color turns light to golden brown
Add some ground black pepper and salt as needed.
Put-in the shrimp and then cook until the color turns orange.
50 foodtrip.indd 50
Sprinkle the parsley.
Serve hot. Share and Enjoy!
4/9/2014 6:28:21 AM
PA-ISKOLAR 2014!
Libreng pa-Kolehiyo! Handog muli ng AFREIGHT! Full Scholarship na, Libreng Dormitory pa!
Kung ikaw ay nakapagpadala na kahon sa AFREIGHT nitong taong 2013-2014 maari kang mag-apply ng FULL COLLEGE SCHOLARSHIP + FREE DORMITORY para sa iyo or sa iyong kamag-anak sa First Asia Institute of Technology & Humanities (FAITH) sa Tanauan, Batangas! We also reserve a few slots for qualified relatives of OFWs who are non-AFREIGHT customers! Scholarship application forms for School Year 2014-2015 now available at all AFREIGHT branches. BIDA SOLO Libreng pa-Kolehiyo, JUMBO SOLO Pamilya mo Panalo!
ANT INST ING K PAC NTS! U O C S DI $120 Bida $100 bo Jum ar $100 ul Reg i $50 MId $50 us Q-Pl
Metro Manila Luzon A & Rizal (BuLaCaBat)
Luzon B&C
Bicol/ Island & Visayas Mindanao
668
688
708
728
748
558
578
598
638
668
REGULAR
508
518
528
568
588
JUM+JUM
1018
1058
1098
1178
1238
NET PRICES after pick-up of empty box and BIDA Club discounts. COMBO boxes must be picked-up/packed and paid at the same time. Must be paid within 8 days from pick-up/packed date (for non-BIDA Club members). Must be paid within 14 days from pick-up/packed date (for BIDA Club members).
FREE STORAGE of Stripe Bags Until 31 July 2014! We pack & ship outsize items like furniture, appliances, etc.
1PP edsnote.indd 5
2/7/2014 5:11:24 AM