VOLUME 3 • ISSUE 12 • DECEMBER 2010
EASON JESUS : The R
N for the SEASO
G O NA NGAYON ING TIPS LAL
CLEANS
ULANG TALAG
NIT K AN}G KA NGU B IM IN { P T S T : 7 la e Nob inoy
KAPASKUHAN
ayo
anman
FEBRUARY 2009
A
50 www.pinoytayosanman.com \ december 2010
50 www.pinoytayosanman.com \ december 2010
Tribo PTS
Publisher JVP Marketing & Entertainment Ltd. General Manager Vilma Fernando
26
Editor-In-Chief Fernando Rosal Gonzalez Associate Editor (HK) Jun Paragas Art Director Arnold D. Gawad Sales and Marketing Director Jun Paragas
PTS MAGAZINE
8 Tilamsik ng Dila Hindi Lang Dahil PASKO…
Ni Lagalag
10 Usapang Pinansiyal GABAY PARA SA MGA NAGSISIMULANG HUMAWAK NG PERA Series#4
Ni Franciso J. Colayco
13
Ito Ang Batas KARAPATAN NG NAG-AMPON NA ALISAN MANA ANG INAMPON
Ni Atty. Aga Arellano
17 Nobela TINIMBANG KA NGUNIT KULANG TALAGA
Ni Onnie Almeyda
22 Lovingly Yours, Tita Kerry WALA BANG PANGARAP ANG MISTER KO O AMBISYOSA LANG AKO?
50
Circulation Coordinator Bernadeth C. Samonte Marigrace P. Medina Jeric Paragas
VOLUME 3 • ISSUE 12 • DECEMBER 2010
26 Cover Story THE QUIET MAN IN NEW ZEALAND The Allen Soria Story Ni Onnie Almeyda
Columnists Onnie Almeyda, Atty. Antonio ‘Aga’ Arellano, Francisco J. Colayco, Dr. Sonny Viloria, Janet Lagundino and Amor Gonzalez-Damaso
33 Maikling Kuwento DAGLIANG KUTITAP
Contributors (This Issue): Benito Tatlonghari, Chynna Canda, Abi Lam-Parayno, Ka Dune and Lagalag
Ni Benito Tatlonghari
PTS MAG is published by JVP Marketing & Entertainment Ltd. with office address at Shop 367, 3/F, Worldwide Plaza 19 Des Voeux Road, Central Hong Kong. All Rights Reserved. No part of this magazine may be reproduced in any manner without the permission of the publisher. Opinions expressed in this magazine are the writers’ and not necessarily endorsed by the publisher.
38 Journey JESUS: THE REASON FOR THE SEASON
Ni Amor Gonzalez Damaso
40 Pinoy Trip KAKAIBANG PINOY TRADITIONS NGAYONG PASKO
Ni Jo Añonuevo
42 Gawad PTS Selection of the Month MY LIFE
Ni Jennifer Debaja
NASA ATING SARILI
Ni Rosana Brazil
44 Pinoy Tip HOW TO TAKE BETTER HOLIDAY PHOTOS
47 Pinoy Feature PASKONG PINOY!
50 Food Trip RACK OF PORK WITH APPLE SAUCE
Ni Janet Lagundino
44
Ni Chynna Canda
46 Usapang Pangkalusugan CLEANSING NGAYONG KAPASKUHAN
Ni Abi Lam-Parayno
Ni Dr. Sonny Viloria
PINOY TAYO SANMAN
50 www.pinoytayosanman.com \ december 2010
editor’s note
PTS novelist Cora P. Carsola, fondly called Tita Cora by many of her friends and admirers, and author of well-loved serialized novels like Bulong ng Puso, Hello, Mama!, and the recently concluded I’ll Wait For You, needs our support and prayers as she is now confined at the PGH (Philippine General Hospital) after suffering an infection caused by a botched dental operation. Ilang linggo bago siya umuwi from London for a well-deserved vacation in the Philippines, she was very excited and upbeat at the prospect of granting us an interview so we could feature her truly inspiring story to PTS readers. The eve before our meeting, when I followed her up, she was very apologetic, at sinabi na she couldn’t make it because she was confined in a hospital in Vigan. Nang magkausap kami sa phone, days after she arrived from London, she complained that she was having ‘memory lapses’. When she was hospitalized, it was widely thought that she suffered a stroke. But a CT scan revealed that an infection has reached her brain, and she was reportedly given high doses of antibiotics para maagapan at makuha sa gamot ang kanyang sakit. It was my publisher, Mr.Jun Paragas, who informed me that Tita Cora was confined in PGH. When I visited her at the seventh floor of that hospital last December 2, I was glad dahil nakilala niya ako, given that we’ve personally met for only a few days before in Hong Kong. Even if she felt weak that time, she smiled when she recognized me. Her relatives kasi who were taking care of her that time revealed to me na may mga ibang kamag-anak si Tita Cora na hindi niya nakikilala. The first thing she said to me was, “Kumusta na kayo? (sa PTS). Nahihiya ako sa inyo my dear… (referring to her cancellation of our meeting together with PTS Art Director Arnold Gawad).” But I told her it was okay. That she need not worry dahil we can do the interview and the catching up meeting some other time, when she feels better. I was even more touched when she asked me kung nag-dinner na ba ako. There was a different glow in her face when I mentioned to her that kinukumusta siya ng aming publishers, Mr. & Mrs. Jun Paragas at ng ibang mga PTS columnists like Atty. Aga and Amor Damaso. As of this writing, Tita Cora is still in the hospital. Mark, her son, is pleading for us to include his mom in our prayers. Kung may mga nais po tayong ipaabot na tulong kay Tita Cora, huwag po tayong mag-atubiling makipag-ugnayan sa opisina ng PTS sa JVP Marketing and Entertainment Limited, Shop 367 3/F Worldwide Plaza 19 Des Voeux Road, Central Hong Kong. You are in our prayers, Tita Cora! Get well soon! On a lighter note, on behalf of Tribo PTS, we are one with all Filipinos all around the world in celebrating the happiest season of the year – Christmas! Maligayang Pasko po sa inyong lahat!
Don R. Gonzalez Editor-in-Chief 6
www.pinoytayosanman.com \ december 2010
50 www.pinoytayosanman.com \ december 2010
tilamsik ng diwa
Merry X-mas ang bati ko sa lahat ng kababayan Ang pag-ibig ng Poong Hesus, sumapuso’t sumabuhay Huwag sanang kalimutan nang si Hesus ay isilang Isang payak na sabsaban, salamin ng kahirapan. Kaya yaong mga taong nagsasabing anong hirap Ang reklamo sa Poong Hesus sa yaman ay laging salat At ngayong ngang magpapasko, nagdurusa’t umaasam Ramdam mo ang kaibahan ng mahirap sa mayaman. Marami sa mga bata ang palaging umaasam Na sila ay mayrong regalo sa ninong at mga ninang O kaya ay ibibili mga bagong kasuotan O kaya ay may regalo, mga bagong kagamitan. Bata pa lang ay naron na itong maling pagkilala Mga maling panuntunan sa tunay na pagsilang Niya Sino nga ba’ng nagkamali? O ito ba ay kultura? Kinagisnan na ba natin at ito ba ang namana? Mayron pa nga na palaging sinasabi taun-taon Give Love on Christmas Day, para ka daw makatulong Kaya naman nangyayari pag Pasko lang nakatuon Isang beses, isang taon, doon lamang sya tutulong. Mapapansin mo rin iyan hindi lamang sa mga bata Kahit na ang matatanda ito rin ang ginagawa Kaya tuloy taun-taon, naroroon ang paniwala Na ang Pasko ay pagdamay sa lahat ng maralita. Hindi nga ba’t ginagawa kada pasko ang exchange gift Regalo ko’t regalo mo, dito tayo magpapalit Hindi ba at mayron pa nga na halaga ang iyong gift O kaya ay mayrong motif, mayrong bilog o may hugis. Dito rin natin nakakamtan ang 13th month na bonus pay Kaya kapag hawak mo na, anong saya ni kumander Ang saya ng mga anak tuloy na ang pagsa-shopping Marami ang mabibili, masagana ang Holiday.
8
www.pinoytayosanman.com \ december2010
Kahit na ang manggagawang sa pamilya ay nalayo Tayong mga OFWs, mayrong lungkot at siphayo Sa paano’y di kapiling ang mga anak at kasuyo Ang magulang at kapatid lahat sila ay malayo. Marami ang tumityempo na sa Pasko ay uuwi Kaya naman anong mahal ng pasahe mo sa Airlines Buong taon magtitipid para naman makabawi Ang pamilyang naiwanan, maibigan ay bibilhin. Anong saya’t anong tamis ng pagsalubong ng pamilya Sa Airport ay siksikan, umuwing balikbayan Ang reunion ng pamilya ay dito mo makikita Mga bata at matanda, anong sayang pagkikita. Ang pagdamay at pagtulong sa lahat ng kapus-palad Ay para bang dinidinig kapag pasko’y dumadatal Ang bigayan ay naroon, nasa puso ng sinuman At para bang anong gaan, anong saya pag nagbigay. Huwag nating kalimutan sa puso po at isipan Ang tunay na kahulugan nang si Hesus ay isilang Sumilang ang tanging sanggol na sa ati’y nagmamahal At nagbuwis nitong buhay, niligtas ang sanlibutan. Ang pagtulong mo sa kapwa hindi dapat may panahon Hindi dapat mayrong oras o kaya ay may okasyon Hindi dapat paimbabaw ang pagdamay sa nagugutom Hindi dapat Pasko lamang kaya ikaw tumutulong. Araw-araw dapat Pasko sa puso mo at isipan Oras-oras, araw-araw, isapuso’t isabuhay Ang pagsilang ng Poong Hesus ay lagi mong ipagdiwang Dahil siya ang Anak ng Ama na sa atin ay gagabay. Happy Birthday Poong Hesus, Ikaw aming minamahal Ang lahat ng Iyong utos ay amin pong gagampanan Ang magmahal at tumulong sa higit na nangangailangan Ang pagdamay at pag-ibig ay amin pong tanging alay. Maligayang Pasko po ang bati ni Lagalag Sa lahat ng kababayan sana kayo ay mag-ingat Manatiling maligaya ang pamilya kahit salat Mahalaga’y sama-sama sa ligaya at sa hirap. www.pinoytayosanman.com \ december2010
9
usapang pinansiyal
PARA SA MGA KABABAIHANG MAY SARILING KITA Ni Francisco J. Colayco
GABAY PARA SA MGA NAGSISIMULANG HUMAWAK NG PERA Sa pagpapatuloy ng ating serye, narito ang mga pinakasimpleng paraan kung paano mas bibigyang pansin ang inyong pera. Baka isipin niyong napakadaling kwentahin ang inyong kinita dahil maliit pa lang naman ito. Pero kadalasan nga, ‘yung mga kaunti lang ang pera ay ‘yun pa ang burara at kung saan-saan ito inilalagay. Iniisip kasi nilang kaunti lang naman ito kaya hindi na kailangang bantayan o ingatang masyado. Kaya nga importanteng sundin ang mga sumusunod na paalaala: 1. Mag-ipon. Sundin ang pormulang lagi kong inuulit-ulit: KITA – IPON = PERANG PANGGASTOS. Bago pa magbalak na gumastos, unahin na muna ang pag-iipon. Isa itong klase ng babayarin na bibili ng inyong kinabukasan. 10 www.pinoytayosanman.com \ december 2010
2. Tandaang silipin at inspeksiyunin ang inyong ipon. Itago ito sa isang ligtas na lugar, kahit na pa maliit lang na halaga. Dapat gumamit ng sistema para sa pagsubaybay kung magkano na ang naitabi at kung saan-saan ito naitago. Kapag umabot na sa halagang hinihingi ng bangko bilang paunang deposito, ilagak agad ang ipon sa isang savings account at itago ang passbook sa ligtas na lugar. 3. Bantayan ang pagpasok at paglabas ng pera. Alamin kung magkano ang inyong natatanggap at kung magkano ang ginagastos. Kung pwede, gumawa ng pang-araw-araw na talaan ng lahat ng halagang natatanggap at ginagastos o ipinambabayad. Makatutulong ang talaang ito para maintindihan niyong maigi kung saan talaga napupunta ang inyong pera.
4. Planuhin at pagdesisyunang maigi kung paano gagamitin ang pera. Mag-isip bago gumastos. Tuwing may bibilhin, bago maglabas ng pera ay isipin munang maigi kung mapapabuti bang talaga ng bagay na ito ang inyong buhay. Napaka-importante nito lalo na kapag sinusubukan niyong mag-ipon. Kung sa simula pa’y nakaplano nang agad ang lahat ng inyong gastusin, alam niyo ang eksaktong halaga na kaya ng inyong bulsa para sa bawat bagay na bibilhin. Hindi kayo gaanong matutuksong bumili ng mga bagay na hindi niyo naman talaga kailangan. Hindi naman kasi madaling magpalago ng pera. Kailangan munang magplano at pag-isipan ang mga gagawing desisyon. 5. Gamitin ang pera sa paraang produktibo. Kapag nagpaplano at nagdedesisyon, laging isipin kung paano magagamit ang pera para makagawa o makakuha pang muli ng pera. Kahit sa paggastos, may mga paraan kung paano magagamit ang pera nang mas produktibo. Isang simpleng halimbawa ay ang pagbili ng pagkain. Kapag bumibili ng gulay, ang pinakamura ay hindi laging pinakamainam dahil baka kaya mura ito ay dahil malapit nang mabulok. Kapag binili niyo ito, hindi produktibo ang paggamit niyo sa pera.
PAANO KINIKWENTA NG BANGKO ANG INTERES Maiging meron kang savings account dahil mahirap talagang mag-umpisang mag-ipon, kaya’t kailangan mo talaga ng ligtas na paglalagakan ng pera habang sinisimulan mo pa lang itong palaguin. Kahit na pa sabihing hindi gaanong malaki ang kikitaing interes sa savings account, mas mabuti naman ito kaysa itago mo lang ang pera sa ilalim ng kama. Narito ang ilang mga pakinabang sa pagkakaroon ng savings account: 1. Matututo kang maging disiplinado pagdating sa iyong buhay pinansyal. Kung itatago mo lang ang iyong pera sa isang
sikretong lugar sa inyong bahay, madali mong malilimutan kung nasaan ito. Madali ka ring matuksong gastusin ito dahil di mo na kailangang lumabas pa ng bahay para ito’y makuha, at madali rin itong mautang o makupit ng iyong mga kasambahay. 2. Sa bangko, ligtas ang pera mo. Ikaw at ang pipiliin mong co-signatory lang ang pwedeng kumuha nito mula sa iyong account. Pwede mong iutos sa kahit kanino ang pagdedeposito at paglalabas kung bibigyan mo ng “authorization letter” pero mag-ingat sa ganitong gawain dahil malalaman pa ng iba kung magkano ang balanse mo. 3. Protektado ng PDIC ang hanggang P500,000 sa ipon mo sakaling may mangyaring masama sa bangko. Marami kasing ayaw magbukas ng account dahil natatakot na baka maholdap o manakawan ang bangko. Pero kahit mangyari ang mga ito, ligtas pa rin ang hanggang P500,000 mo. 4. Mapipigilan ka sa paggastos. Siyempre’y hindi mo dapat iwan sa bulsa lang ang ipon mo dahil siguradong magagastos mo ito. Sa savings account, marami ka pang kailangang gawin bago mo makuha ang pera mula sa bangko, kaya hindi mo basta-basta gagastusin ito. 5. Ang iyong libreta de bangko ay magsisilbing talaan ng lahat ng iyong mga gawaing pinansyal. Pwede mo pa nga itong sulatan ng lapis para ilista kung saan nanggaling ang mga halagang natanggap o saan ginamit ang perang ginastos. Ang mga may kalakihan ang perang gustong ideposito at nangangailangan ng katibayan ng lahat ng binabayaran ay maaaring magbukas ng savings-checking account. 6. Magkakaroon ka ng rekord sa bangko na maaari mong magamit balang araw. Halimbawa, kapag hiningan ka ng impormasyong pinansyal, masasabi mong nagbabangko ka sa bangko mo. 7. Napakababa nga ng ibinabayad na www.pinoytayosanman.com \ december 2010
11
Fig. 1
interes ng bangko—3/4 ng porsyento ng 1 porsyento lang, kung saan ibabawas pa ang 20 porsyentong buwis—pero mabuti na ito kaysa sa wala kung itatago niyo lang sa bahay ang pera. Kapag umabot na sa P5,000 ang ipon, makakapili ka naman ng ibang paraan para kumita ng mas malaki ang iyong pera. Ipinapakita ng sumusunod na talaan ang pinadaling paraang ginagamit ng bangko sa pagkwenta ng interes ng iyong account:(Tignan ang Fig. 1) Kinikwenta ng bangko ang interes kada araw batay sa huling balanse sa account para sa panahong hindi nagalaw ang balanseng ito. Pero itatala at lalabas lang sa libreta de bangko ang interes matapos ang tatlong buwan. Bawat bangko’y may
sariling paraan ng pagpapatong-patong o pagdaragdag ng interes. Namimigay kami ng libreng e-book sa www.colaycofoundation.com. Sa mga nasa Maynila, sali kayo sa seminar. Ang schedule ay nasa www. colaycofoundation.com rin. Sa Hong Kong pasyal kayo sa KSK Information Services Limited Room 1701, 17th Floor, Yue Shing Commercial Building, No. 1517 Queen Victoria Street, Central , Hong Kong Tel. No.: +852-21678268 Website: www.kskcoop.com Email Address: kskcoop@colaycofoundation.com Binabati ko kayong lahat ng Maligayang Pasko! PTS
FRANCISCO J. COLAYCO is an entrepreneur, a venture developer and financial advisor. He has over 40 years of experience that covers service contracting in the Middle East, manufacturing, trading, construction, shipbuilding, management consulting, banking and financial services. He is the Chairman of the Colayco Foundation for Education (CFE), publisher of the personal finance bestsellers: Wealth Within Your Reach (2004 National Book Award for Business and Economics), Making Your Money Work (Nominated in 2005, National Book Awards Business and Economics), Pera Palaguin Workbook and Money for Kids. The books are available at National Bookstore, Powerbooks or directly from CFE. CFE is also the producer of the PISObilities DVD series, which is available at major audio-video stores nationwide. CFE also conducts talks, seminars, and workshoPhp. One of them is “Managing Personal Finances For The Future” a public seminar developed in partnership with the Ateneo Graduate School of Business, Center for Continuing Education. For registration and inquiries, please call Marleth Calanog at 830-2050. Learn more about the advocacy at www.colaycofoundation.com, through email info@colaycofoundation.com, SMS +63917-8537333 or call (632)637-3741. 12 www.pinoytayosanman.com \ december 2010
usapang legal Kung gusto ninyo mag-text kay Atty. AGA, magpunta lang kayo sa 1528 SMART at sasabihin sa inyo kung papaano kayo magtext sa akin at maski nasaan ako, matatanggap ko po ang inyong mga text messages
Ito po ang karugtong ng aming kolum noong nakaraang Issue (November). Sinabi namin na dahil sa Republic Act No. 8552, also known as Domestic Adoption Act, na naging effective noong 22 March 1998, naalis na ang karapatan ng adopters to rescind a decree of adoption. Gayunpaman, nabanggit din namin na may ibang paraan na ibinibigay ang batas sa mga adopters upang maipakita nila ang hindi na nila pagtangkilik sa kanilang inampon, isa na dito ang pagtanggal o pag-alis sa inampon ng mana nito. Sa inyong sitwasyon, maaari ninyong tanggalan ng mana ang inyong ampon kung ang mga grounds na nakasaad sa Article 919 ng ating Civil Code, to disinherit a child or descendant ay present. Ito ay ang mga sumusunod: 1) kung ang anak o descendant ay napatunayang nagkasala ng pagtatangka sa buhay ng testator, o ng asawa ng huli, descendants o ascendants nito, 2) ang pagtanggi ng walang sapat na dahilan na
suportahan ang magulang o ascendant who disinherits such child or descendant, 3) kung ang child o descendant ay napatunayang nagkasala ng adultery o concubinage kasama ng asawa ng testator, 4) kung ang child or descendant by fraud, violence, intimidation or undue influence causes the testator to make a will or to change one already made, 5) maltreatment na ginagawa sa testator by word or deed ng child or descendant, 6) conviction sa isang krimen na may parusang penalty of civil interdiction, 6) kung ang child or descendant ay nag-akusa sa testator ng krimen na may penalty na pagkakakulong sa loob ng anim na taon o mahigit pa, at ang akusasyon ay napatunayang groundless, at 7) kung ang child or descendant leads a dishonorable or disgraceful life. Maaari ninyong alisan ng mana ang inyong ampon kung papasok ang kaniyang mga ginagawa sa Article 919 (7) ng ating Civil Code. Leading a “dishonorable or disgraceful life� is a www.pinoytayosanman.com \ december 2010
13
cause for disinheritance of any child or descendant, lalaki man o babae. What is dishonorable or disgraceful is largely a matter of appreciation and opinion. These words imply continuity or duration of conduct na nagdadala sa pamilya ng dishonor or disgrace. Ultimately, ang opinyon o desisyon pa din ng korte ang magiging basehan ng disinheritance. Kailangan ninyong patunayan na ang mga ginagawa ng inyong ampon, katulad ng pagsama niya sa kaniyang boyfriend at ang malaswa nilang ginagawa sa mura nilang edad, ay hindi kaaya-aya o dishonorable. Kung itanggi ng disinherited heir ang ground for disinheritance, ang ibang taong interested sa estate ay ang may burden o may obligasyon na patunayan ang particular acts or conduct ng heir o
1. Gud pm Atty. Aga, pwede po ba ksuhan ang ksma ko s trbho sa abroad ng paninirang puri? Siniraan po nya ako s trbho. Nangyari po ito dto sa hkg. Pwede po b syang ksuhan? Sa pinas o dito sa hkg? May Hindi mo siya maaring kasuhan dito sa Pilipinas dahil ang paninirang puri ay nangyari diyan sa Hongkong. Para sa iyong impormasyon, walang jurisdiction o hindi saklaw ng ating batas ang mga pagkakasalang naganap sa ibang bansa. Ang maaari mong gawin, magpunta ka sa konsulado dyan at magtanong ukol sa applicable na batas diyan sa Hongkong para maipaglaban mo ang iyong karapatan. Or kaya, tawagan mo si Solicitor Kally Lam ng Jimmie Wong and Partners sa 2295-3998. Tutulungan po kayo nila ng libre. 14 www.pinoytayosanman.com \ december2010
tagapagmana na itinuturing na leading a dishonorable or disgraceful life. Kung kayo ay may mga bagay na nais malaman o problemang nais na idulog, maaari kayong sumulat sa shop ni Tita Kerry sa Shop 367, 3/F Worldwide Plaza, 19 Des Voeux Road Central Hong Kong tel # 2542 3396, Attention: ATTY. AGA. Pwede rin ninyo akong pakinggan sa PTS, 1044AM Metro Plus tuwing Byernes nang gabi at ngayon, pwede na kayong manood sa ating radio program sa Pilipinas, araw-araw 4:00- 6:00pm via www.rmnnews.com/tv o mag-text sa akin, magpunta lang kayo sa 1528 SMART at sasabihin sa inyo kung papaano kayo magtext sa akin at maski nasaan ako, matatanggap ko po ang inyong mga text messages. Pwede ring mag-email sa agalaw@pldtdsl.net Lagi po nating tandaan, ITAGUYOD NATIN ANG LAKAS NG ATING BATAS SA PILIPINAS! PTS
2. Gd pm. Atty. Aga, tatay ko taxi driver. ang taxi drver p b intitled s lhat ng bnpsyo. SSS, PHLHEALT AT PG IBIG? slmat po. Jane. Opo, ang iyong tatay ay entitled sa mga benepisyong iyong nabanggit. Ang iyong tatay ay taxi driver, na isang empleyado ng isang taxi operator. Kahit boundary system ang pamamaraan ng pagbayad ng kanyang sahod, masasabi natin na nanatiling may kontrol ang taxi operator sa kanya, tulad na lamang sa pag-aasign ng ruta na limitado lamang ang sakop at pagbabayad ng boundary sa napag-kasunduang period. At dahil isang empleyado ang iyong ama, may karapatan siyang tumanggap ng benepisyo tulad ng SSS, Philhealth at PAG-IBIG.
3. Atty aga gud eve ash q lang po atty.A. gos2 kumuha ng passport ang kapatid ko. problem nya ung marriage certifcte NSO mali ang birthdate nya feb.17 nka typ feb. 7 1978 po ako. Next year pa dw po masaayus ng local bacoor wl dw po pperma nka retired pinagawa po nlla kapatid ko afidavit of discripancy tangap kaya po to sa DfA thanks beth . Mahigpit ngayon sa pagkuha ng passport, kung kaya’t strikto ang DFA sa pagtanggap ng mga kailangang dokumento. Dapat mai-saayos ang marriage certificate ng iyong kapatid bago kayo magpunta sa DFA. Yung pagkakamali ng date of birth ninyo sa marriage certificate ay pwedeng itama sa pamamagitan nang pagfile ng petition for correction of entry sa local civil registry. Ipakita lang ung birth certificate from the NSO. Pwede kang mamili kung saan mo ifafile.. either sa place where you were born or where you presently reside. Hindi sapat ang pagfile lamang ng Affidavit of Discrepancy sa DFA. 4. Gud eve p0... Atty aga. Hingi p0 sna ako ng 2l0ng s iny0 ab0ut s lupa nmin. Ksi p0 ung lupa nmin ang nag mamay ari ay g0byern0 nsa NHA n p0. Ngaun p0 kina usap p0 kmi kung gs2 nmin na maging sa amin ung lupa. Ngaun p0 nag decide p0 kami n asikasuhin ung lupa sa NHA. 10 yrs np0 Namin inaa sikas0 wla p ring aksy0n ang NHA... Bka pwede ny0 nman twagan Ang Nati0nal h0using auth0rity.. Magtungo ka muna sa tanggapan ng NHA. Siguraduhin na na kumpleto na ang mga dokumento na dapat mong i-submit para maproseso ang pag-kuha ninyo ng nasabing lupa. Maaaring hindi lamang naa-bisuhan ang NHA
15 www.pinoytayosanman.com \ december2010
ukol sa inyon plano. Mag-follow up lamang kayo at magbigay ng kaukulang pagpapaliwanag at mga dokumento. Mas mabuti, sulatan ninyo ang NHA para mabigyan kayo nang kasugatan in writing. 5. Gum pm atty aga itatanong ko lng po sana kng talagang makatarungan ang sinasbi ng isang devloper/realtor non refundable/ transfrable ang perang binayad namin sa equity at reservatn fee sa knuha naming bhy tru pag ibig pero mag 3 yrs ng d pa tapos kyat gusto na po nming mag back out.Tnx po sna mabgyn nyo po ako ng payo. Hindi na po maaaring mai-refund pa ang reservation fee, ngunit ang naibayad na equity ay maaari pang mai-refund kung sakaling nakapagbayad ka na ng dalawang taon o higit pa. Ayon sa batas ung tinatawag na Maceda Law, binibigyan ng karapatan ang bumibili ng real estate ng grace period of 6o days upang mabayaran ang monthly payment o maaari din na mai-refund ang 50% cash surrender value na naibayad na ng mamimili. Ngunit sa iyong kaso, ang dahilan ng pagnanais mong mag-back out sa bentahan ay dahil sa hindi pa na-yari ang bahay na pinapatayo mo. Bago ka gumawa ng isang hakbang, alamin mo muna kung ano ang nakasaad sa inyong kontrata ukol sa pagpapatayo ng bahay. Kung halimbawa na may nakasaad na duration kung kailan dapat na naitayo ang bahay at hindi ito natupad, maaari kang magreklamo sa developer at mag-demand na tuparin ang napagkasunduan, dahil kung hindi ay mapipilitan kang mag-demanda ng breach of contract with damages. Kung nais mo namang mai-refund na lamang ang naibayad mo, 50% lamang nito ang maaari mong makuha. However, pwede mong makuha ang refund mo kung mayroon silang nilabag sa contrata ninyo.
www.pinoytayosanman.com \ december 2010
15
50 www.pinoytayosanman.com \ december 2010
nobela 2
A K G N A TINIMB ULANG K T I N U NG a
Ni Onnie Almeyda
g a l a T
Ang Nakaraan: Sa lahat ng mga sama ng loob ni Luningning sa kanyang asawa ay natagpuan niya ang kanyang sarili na kasali na sa isang Born Again Fellowship. Duon niya nakita si Inno na nagbago na rin. Naging magkaibigan sila na pinagselosan naman ni Rodel. Nakita kasi nito minsan na nakasubsob si Luningning sa balikat ni Inno dahil naiyak na ito sa pagsasalaysay ng kanyang mga sama ng loob kay Rodel. Inakala naman ng huli na may malisyosong ginagawa ang dalawa. Laging masama na ang loob ni Rodel sa kanyang asawang si Luningning na hindi pa rin maunawaan ang ipinagbago na naman ng timpla ng asawa niya. Sadyang napipinto ang matinding away mag-asawa.
IKALABING-DALAWANG KABANATA
Hiwalay Kung Hiwalay
FIRST death anniversary ni Major Pascual. Kumpleto ang mga dumalong mga kaanak. Hindi man imbitado ay dumating si Cynthia na maraming dalang espesyal na pagkain. Agaw-pansin ang dala niyang lechon at dalawang malaking bilao ng pansit Malabon. Naruon din si Inno na karay-karay ni Luningning. “Anong kinalaman n’yang asungot na yan dito,” gigil na bulong ni Rodel kay Luningning. “Kaibigan ko na siya ngayon at niyaya ko siya para naman may maka-usap ako dito at tutulong na rin sya. E ‘yang chuwawa mo... Bakit nandito yan?” “’Yang bibig mo baka marinig ka.” Walang kamuwang-muwang sina Cynthia at Inno na sila ang pinagtatalunan ng mag-asawa. Feeling concerned si Cynthia sa pag-a-arrange ng mga pagkaing nasa bandehado. Busy rin si Inno sa paglalabas ng mga pagkain mula sa kusina. Chica-duon, chica-dito hanggang www.pinoytayosanman.com \ december 2010
17
mag-krus ang mga paningin nina Inno at Cynthia sa kalagitnaan ng sala. Marahang nilapitan ni Inno ang nakaupo sa sopang si Cynthia. Pareho silang may hawak na kopita na may lamang red wine. “Ikaw pala si Cynthia?” bitaw ni Inno na nakataas ang kanang kilay. “Yeah! I’m Rodel’s friend and... boss. Meaning I’m the manager of the company where he works. And you are...?” agad na sagot at tanong ni Cynthia na mas mataas ang kilay. “Ohh... I’m Inno. A fashion designer and!... An ex-convict! Madaling magpanting ang tenga ko sa mga pakialamera.” “And what exactly do you mean by that?” si Cynthia na dahan-dahang tumayo. “Meaning... ayaw ko sa mga taong mahilig makialam ng hindi kanila. Ng mga gamit... Ng mga aria-arian... Ng minamahal... Ng asawa! Hindi nasindak si Cynthia. Palaban. Nanghahamon. “May problema ka?” “Wala. Pero ikaw meron. And I’m sure of that.” Nagtitigan ang dalawa. Hindi naman hard ang iniinom nila pero parang may invisible smoke na lumalabas mula sa
18 www.pinoytayosanman.com \ december 2010
butas ng kanilang mga ilong. Sa isang sulok ay paanas na nagtatalo din sina Rodel at Luningning. Walang kaalam-alam ang mga tao sa mga nagaganap. Masayang nakikipag-usap si Mrs. Pascual sa kanyang mga amiga at amigo habang kumakain sa dining table. Nakikipaghalakhakan naman si Gigie sa mga bisita niya sa may terrace na obviously ay mga kaklase niya dahil sa mga uniporme nilang puti. “Tell me about it.” hamon ni Cynthia kay Inno. “Do I have to?...” Isang pagkalapot-lapot na ngiti ang iniwan ni Inno bago tumalikod. Agad siyang nahawakan ni Cynthia sa braso. “Hey! Don’t you dare turn your back on me! I’m talking to you!” “Tanggalin mo ‘yang kamay mo kung hindi e didibdiban kita,” palag ni Inno “You askal!” Naningkit ang mga mata ng couturier sa narinig. Nasapak na siya nuon. Nakulong na. Namura na pero ngayon lamang siyang natawag na askal. Sabay sa paniningkit ng kanyang mga mata ay ang isang desisyon. Kahit pa nga isa siyang Born Again. Tao lang siya. Marupok din.
“Meaning... ayaw ko sa mga taong mahilig makialam ng hindi kanila. Ng mga gamit... Ng mga aria-arian... Ng minamahal... Ng asawa!
“Ikaw ang bastos at alam mo kung bakit. Tinatarantado mo ang kaibigan ko! Sinasamantala mo ang katangahan ni Luningning!” sigaw ni Inno. “You’re nothing but a second rate... Trying hard... Pussy cat!” si Inno sabay saboy na alak sa mukha ni Cynthia. Umagos ang maskara ni Cynthia. Nalaglag at dumikit sa pisngi niya ang kaliwang false eye lashes. Natural, hinding-hindi niya ito mapapalagpas. Isinaboy din niya ang alak kay Inno kasunod ang sampal, hampas at sabunot. Napunit at nabuka ang long sleeves ni Inno at napabuyangyang ang dalawa niyang nipples. Nabigla ang lahat sa hindi inaasahang commotion. Payakap na inawat ni Luningning si Inno. “Hanggang dito ba naman eskandalo pa rin ang dala-dala mo?” si Rodel kay Inno habang hawak-hawak naman si Cynthia sa magkabilang braso. “Rodel, excuse me lang... Siya ang unang napikon,” katwiran ni Inno. “Dahil bastos ka!” dagdag ni Cynthia. “Ikaw ang bastos at alam mo kung bakit. Tinatarantado mo ang kaibigan ko! Sinasamantala mo ang katangahan ni Luningning!” sigaw ni Inno. “Aray ko!” daing ni Luningning sa sarili. “I don’t know what you’re talking about. E ano ngayon kung tanga siya!?” sigaw din ni Cynthia. “Aray ko uli!” siempre si Luningning na naman. “Kailangan bang maging issue dito ang katangahan ng asawa ko?” si Rodel. “Aray ko namang talaga!” ang kaawaawang si Luningning.
“Paalisin mo na nga ‘yang cheapanggang couturier na ‘yan Rodel,” Si Cynthia. Tinitigan ni Rodel si Inno. Inaasahan nito na makukuha ang mensahe na pwede na siyang umalis. Tumalikod si Inno para umalis. Hindi ito matatanggap ni Luningning. “Ano ‘to Rodel, bastusan ng kaibigan? Kung paalisin mo si Inno aalis na rin ako. Halika na Sunshine.” Lihim na napangiti si Inno. Mukhang papalag ang friendship niya ngayon. “Well, I guess that would be a wize idea if you will join your friend Kuningkuning,” si Cynthia kay Inno. “Alam mo... ikaw na Cheetah ka... Matagal ka na e... si Luningning naman na umakmang susugurin si Cynthia. Humarang si Rodel. “Stop it! Magpakadisente ka nga! Mahiya ka naman sa Mommy ko at sa mga bisita?” Sandaling tinitigan ni Luningning ang asawa. Ngising aso naman si Cynthia sa kanya. Walang sabi-sabing hinila ni Luningning sina Sunshine at Inno palabas. Sagarang sakit ng loob na ang ibinigay sa kanya ni Rodel dahil parang namili na ito sa kanilang dalawa ni Cheetah... ni Cynthia pala. “Ate teka lang. Huwag kayong umalis,” si Gigie habang humahabol. Parang walang narinig na dere-deretso palabas sina Luningning upang muli ring bumalik siya sa loob. “Sandali lang Inno. Dito lang kayo ni Sunshine.” Madilim ang mukha ni Luningning nang muling pumasok sa loob ng bahay. Tumabi ang lahat. Kinakabahan sa susunod niyang hakbang. Kinuha niya ang bread knife na nasa dining table. Napalunok si Cynthia. Natakot. Dinampot ni Luningning ang foil na nasa dining table din. Hiniwa ng bread www.pinoytayosanman.com \ december 2010
19
knife. Sumandok ng pansit Malabon. Binalot sa foil.
ang mga damit na nakasupot. Nauuna sa paglalakad si Sunshine.
“Gigie pahingi naman ng supot. Baka kasi matapon ‘to.”
Natanaw siya ni Mang Fred na nagaararo.
Natigilan ang lahat at wala isa man sa kanila ang nakapagsalita hanggang sa makaalis ang kapal-muks.
“Tatay... Nakipaghiwalay na ho ako kay Rodel!”
Kinagabihan ay naging mapangahas ang naging pag-uusap nina Luningning at Rodel sa bahay nila. “Hiwalay kung hiwalay! Sa akin si Sunsine. At wala kang magagawa Rodel. Tatlong taon pa lamang siya at dapat nasa under arm ko siya,” si Luningning at wala ng iba. “Under your care ba ang ibig mong sabihin?”
“Ano kamo?” si Mang Fred habang lumalapit na hila ang kalabaw. Nagmano si Sunshine sa kanyang lolo. Magkahalong iyak at pagpapaliwanag naman ang ginawa ni Luningning habang iginagayak ni Mang Fred ang kalabaw para hilahin ang kariton. Sumakay silang tatlo. Pinagpatong ni Luningning ang malaking bag at mga damit na nasa supot saka siya umupo sa ibabaw nito. Patuloy pa rin sa pagngawa si Luningning para bigyang katwiran ang sarili.
“Underarm ang gusto ko! Walang pakialamanan. Kalokohan na ang makisama pa ako sayo. Bukas duon na kami sa mga Nanay. Isasama ko si Sunshine.”
“O kapit kayong mabuti,” paalala ni Mang Fred bago pinalakad ang kalabaw.
“Pwes! Gawin mo ang gusto mo!” hamon ni Rodel.
“Pag-usapan ninyo ‘yan. Huwag kang padalos-dalos magdesisyon.”
“Talaga! Dahil ginagawa mo rin naman ang gusto mo di ba? Hinayaan mo akong mabastos ng bisita mo.” “Bisita siya. You should have been civil to her.” “Bakit, binastos mo din naman ang kaibigan ko a. At hindi ko alam ang civil na sinasabi mo. Ang alam ko lang ilang buwan din akong naging tanga.” “Actually twenty five years na!” “Bakit twenty five?” Hindi na sinagot ni Rodel ang nagtatakang asawa. (Kayo alam n’yo?) Likas talaga kay Rodel ang pagiging ma-pride at ayaw niya ng hinahamon siya. Maging ang nasira niyang ama ay nasubukan ang katigasan ng kanyang loob. Umaatungal si Luningning habang papalapit sa bahay nina Aling Lolay. Bitbit niya ang isang malaking bag at sunong 20 www.pinoytayosanman.com \ december 2010
“Hiniya niya ako Itay... Ayaw ko ng makisama sa kanya!”
“May babae siya Itaaaayyyy!!!” Nagulat ang kalabaw at napatalon sa pagsigaw ni Luningning. Natural na nahulog siya at napasubsob sa damohan. “Napakasakeeet!!!” “E talagang masasaktan ka. Sinabi ko na kasing kumapit na mabuti e,” si Mang Fred habang itinatayo si Luningning. Lalo nang naging maingay nang dumating sila sa bahay. Kasali na kasi sa usapan si Aling Lolay. “Paano mo bubuhayin ang anak mo kung kung ayaw mong tumanggap ng kahit na anong sustento mula sa ama n’ya? Mabuti na lamang at bakasyon na ang klase. Kung makalamon pa naman ang batang ‘yan e hindi kaya ng hilab ng bigas.” Kumakain ng nilagang saging na saba si Sunshine. Napatingin kay Aling Lolay. “Ano apo... kaya pa? Nakalima ka na a.
Kapag kulang maglalaga pa ako.” “Magtatrabaho ho ako Nanay. Sasama ako kay Inno sa Singapore. Nakapagasawa ng Singaporean ang kapatid niya at magbubukas daw ng Pilipino restaurant duon.” “Alam ba ‘yan ni Rodel?” duet nina Aling Lolay at Mang Fred. “Sarado na ho ang usapan namin. Wala na kaming pakialam sa isa’t isa. ” Sa tingin ng Nanay at Tatay niya ay wala na silang magagawa para maisalba ang pagsasama nina Rodel at Luningning. Inabandona na nila ang inuupahan nilang bahay. Sinabi na rin kasi ni Luningning na sa mga oras na ito ay baka nasa Lucena na si Rodel. Duon lang naman kasi siya pwedeng lumipat sa bahay ng Mommy niya. “Pwera na lang kung titira siya duon sa babae niya?” pahabol ni Aling Lolay. Tiningnan na lamang ni Lunining ang nanay niya. Nahalata naman ng huli ang sakit na naramdaman ng kanyang anak sa kanyang nasabi. Sinimangutan ni Mang Fred si Aling Lolay at umiilingiling itong nagyayang kumain ng pananghalian. Kumislap ang mga mata ni Sunshine. “Kakain na? Yeheeyy!” Bumalik si Luningning sa dating inuupahan nilang bahay ni Rodel para kunin ang ilan pa nilang gamit. Habang isa-isa niyang inaalis ang mga letratong naka-display sa dingding ay hindi niya napigilan ang mapaluha. Magkahalong panghihinayang at pagmamahal sa asawa ang alam niyang dahilan ng kanyang pag-iyak. At sigurado siyang wala siyang galit dito lamang ay hindi
niya maisigaw na nagsiselos siya. Nagaalala kasi siyang itanggi ito ni Rodel at akusahan pa siya na mahina talagang umintindi. Hindi rin niya mapaniwalaang nagtapos na ng ganun-ganun na lamang ang pagsasama nila bilang mag-asawa. Ni hindi siya nito kinarinyo. Ni hindi sinuyo gayung ang mga katangiang ito ang nagustuhan niya kay Rodel. Ibinuhos na lamang ni Luningning ang panahon sa pag-aasikaso ng mga kakailanganin niya sa kanyang pagtulak papuntang Singapore. Masinsinang kinausap ni Inno si Luningning upang masiguro ito sa desisyong gagawin bago ang kanilang pag-alis. Maraming ipinaliwanag ang couturier sa kaibigan. “Sigurado ka na ba sa desisyon mong ito dahil dalawang taon ang kontrata mo.” “Oo naman friend.” Ang tutoo ay hindi naman talaga sigurado si Luningning. Pero kailangan niyang gawin ito. Kailangan niyang lumayo duon sa hindi niya makikita si Rodel para agad siyang makalimot. “Kasi ihahatid lang kita duon tapos after one week e babalik na ako. Gusto ko lang makita ang kapatid ko at mga pamangkin ko duon. Kunsabagay mayruon namang chief cook na aalalay sa ‘yo duon. Pinay din.” Maging ng huling gabi bago ang pagbiyahe ni Luningning ay hindi siya makatulog. Hindi siya excited. Atubili pa nga siya. Gusto niyang makita si Rodel. Gusto niyang makausap ito. Gusto niyang pigilan siya nito. Baka sakali... Wala nang dahilan pa para hindi matuloy ang kanyang pag-alis. Siempre parang talipapa na naman sa ingay ang angkan ni Luningning sa airport maliban sa kanya na halos hindi nagsasalita. Napansin ni Inno ang pagiging tahimik ni Luningning habang naglalakbay ang eroplano. Minabuti niyang huwag na siyang mag-usisa pa ng kung anu-ano. Alam naman kasi niyang si Rodel ang dahilan ng pagiging tahimik nito. ITUTULOY
www.pinoytayosanman.com \ december 2010
21
lovingly yours, tita kerry
WALA BANG PANGARAP ANG MISTER KO O MATAAS LANG ANG AMBISYON KO SA BUHAY? Dearest Tita Kerry, Tawagin nyo na lang po akong Yolanda, 46 yrs old, may asawa at tatlong anak sa Pilipinas. Dahil din sa kahirapan ng buhay kaya ako nag-abroad. Maganda rin sana ang trabaho ko sa atin kaya lang di talaga sapat ang kita ko para sa mga gastusin namin. Mabait naman ang mister ko Tita at responsable at tumutulong sya sa amin sa abot ng kanyang makakaya. Isang ordinaryong employee ang mister ko at kahit anong udyok namin na mag-abroad sya ay wala talaga sa bokabularyo nya iyon. May ganon pa lang tao Tita na ayaw umalis sa atin at ang katwiran ay di rin sya swerte sa abroad at palagay nya mamalasin syang lalo pag nag-abroad. Kahit nung bata daw sya ay wala syang inambisyon at pinangarap na aalis sya ng Pilipinas kahit marami syang kamag-anak na nasa abroad. Ilan din sa kamag-anak nya ang gusto syang umalis pero ayaw talaga kahit nag usap na kami ng puso sa puso noon. Kaya ang ginawa ko, ako na lang ang nag-apply at ayaw man nya akong payagan ay wala syang nagawa. Alam kong sa pag-alis ko ay masama ang loob ng aking asawa kahit di nya ipahalata sa akin ay feel ko ‘yon. Nakita ko rin nang mangilid ang luha nya sa 22 www.pinoytayosanman.com \ december2010
airport nang ihatid ako at yakapin nang mahigpit. Wala sya nasabi kundi magingat at magdasal ako palagi. Maging ang tatlong anak ko ay umiiyak din pero sa kabila noon ay masaya sila at nakakasiguro silang makakatapos ng pag aaral dahil nasa abroad ang nanay nila. Di pa nga ako umaalis ay may bilin na agad ang tatlong anak ko no’n. Ilang sulatan at tawagan at kamustahan ay eto ako ngayon sa bilis ng panahon. Walong taon na rin ako dito sa Hong Kong. Alam kong may dala ang asawa ko up to now sa kanyang dibdib at halata ko sa kanyang mga kilos. Kahit nung unang uwi ko Tita ay napaiyak sya at humihingi sa akin ng sorry dahil dapat daw ay sya ang umalis at nag-abroad kaya lang talagang wala syang hilig o gusto na umalis at parang andon ang takot nya at alam ko naman daw ‘yon na wala syang pangarap mag-abroad. Tita Kerry, alam kong gusto na rin ng asawa ko na mag for good ako at sa atin na lang kami magtyaga na mag-anak. Ang sa kanya, di naman kami sumasala sa oras at may trabaho naman sya at pwede akong magtinda-tinda kung gusto ko. Ang mahalaga sama-sama kaming mag anak. Oo nga’t malaking tulong ang ginagawa ko pero sa kanya ay malaking kawalan
naman ang wala ako sa bahay. Lumalaki nga naman ang mga anak namin na walang inang umaalalay sa kanila. Ang tatlo ko namang anak, dahil nasanay na nawala ako sa amin ay ok lang sa kanila na magtagal pa ako sa abroad. Medyo sunod nga ang layaw nila sa akin at talagang binibili ko ang gusto nila para di sila mapag-iwanan at matahin sa school nila. Iyon nga lang, karamihan ng binibigay ko sa kanila ay dahil na rin sa pag-part time ko dito at pag-utang pero di ko maiwasan na di ibigay ang gustuhin ng mga anak ko lalo na sa mga gamit na magpapasaya sa kanila. Kadalasan, dito kami nagtatalong mag-asawa dahil ayaw ng ganon ng mister ko na parang binibili ko ang kaligayahan ng mga bata. Nakasagot nga ako sa kanya na alam kong nasaktan ko sya eh kung ikaw ba naman ang umaalis di ikaw ang bumibili ng mga gusto ng anak mo. Di sya kumibo no’n at umalis na lang para di na sya makipagtalo pa sa akin. Kung minsan kasi para sa akin kailangan kong gawin ‘yon para magising sya at sya ang mag-abroad. Nakatanggap ako ng tawag galing sa kamag-anak nya sa Canada at sinabi kung gusto daw namin na mag-apply do’n at mula dito ay pwede nila akong tulungan para makarating din at makuha ko pati mga anak ko. Ilan na kasi silang residente do’n kaya tuwang-tuwa naman ako. Tinawagan ko ang mister ko Tita at sinabi ko sa kanya ang alok ng kamaganak nya na tutulungan kami para do’n na kami lahat. Matabang ang sagot nya sa akin at sinabing kung gusto ko daw ay ako na lang at isama ko ang mga bata at alam nyang gusto ng mga anak ko ‘yan. Di nya daw ako pipigilan pero ‘yung isama pa raw sya ay ayaw daw nya at alam ko daw ang dahilan. Nasabi nya rin na pwede naman kaming lahat sa ‘Pinas, ‘wag lang kaming maghangad ng sobra-sobra at makakaraos din kami. Wala talgang pangarap at ambisyon ang asawa ko kaya nagkasagutan kami sa telepono. Mainit ang away namin at binagsakan nya ako
ng phone. Sobra na daw ang yabang ko at matayog na masyado ang ambisyon ko at parang ayaw ko ng mabuo ang pamilya namin. Iyak ako ng iyak Tita Kerry at napaka-unfair ng sinasabi nya dahil para sa mga bata ang ambisyon ko at pangarap dahil sa hirap ng buhay sa atin. Naranasan na nila ang kahit papano ay guminhawa at makatikim ng mga gamit abroad at di sumala sa oras at magkaroon ng mga gamit na pwede nilang ipagmalaki. Paano kung gustuhin ko ang alok ng kamag-anak nya at pumunta na ako ng Canada at ito ang gusto kong ayusin ko ngayon. Nagtatalo lang isip ko dahil sa mister ko dahil iba ang banta nya. Ayaw kong masira ang pamilya ko at ayaw kong lumala ang alitan namin o ang away namin. Ano ang gagawin ko Tita Kerry? Sana’y mapayuhan mo ako sa lalong madaling panahon para maiayos ko ang lahat ng aking plano. Lubos na sumasainyo, Yolanda of Lai King
Pinoy Tayo Sanman is the longest running Pinoy radio program in Hong Kong. Radio DJ’s Michael Vincent & Tita Kerry has been a tandem for 21 years and added DJ The Big J to their energetic crew. Thurs - Sat 8:30pm - 11:00pm Website:
http://www.metroradio.com.hk/1044
www.pinoytayosanman.com \ december 2010
23
Gusto mo ba ng mga kuwentong kapupulutan ng aral at inspirasyon?
PAYO SA PROBLEMA NI MRS GEMINI
Gusto mo bang maiyak, matuwa, atmakiliti sa mga kuwentong hinango sa tunay na buhay?
Mas mabuting magpamisa kayong mag-ina at dumalaw sa kanyang puntod at alisin mo na ang galit o anumang sama ng loob na dulot ng iyong asawa noon at mula dito ay madarama mo ang lubos na pagpapatawad sa kanya at matatahimik din ang kaluluwa ng mister mo. We have to pray and ask guidance from the Lord Jesus na manahimik na ang kaluluwa ng mister mo at better dahil ang dalangin nyo ring mag-ina ay tunay at wagas na pagpapatawad. From Geraldine Cosme ng Pokfulam
FOR MORE INFORMATION / RESERVATION, PLS. CONTACT:
JVP MARKETING ENTERTAINMENT LTD. Shop 367, 3/F Worldwide Plaza, 19 Des Voeux Rd., Central HK Tel. (852) 2542-3396 \ december2010 24 www.pinoytayosanman.com
Better manalangin kayo lalo na ikaw para sa asawa mo nang matahimik sya san man sya naroroon ngayon. Maaring ang hindi nyo pagkikita bago sya namatay ang sanhi ng kanyang madalas na pagdalaw. Kung uuwi ka better dalawin nyong mag-ina ang kanyang puntod at mag-alay kayo ng bulaklak, kandila at dasal nang manahimik na ang kanyang kaluluwa. Ilapit mo lang ‘yan sa Panginoon at ipagdasal lagi ang kaluluwa ng asawa mo at ‘yan din ang makakapagpatahimik ng inyong dalahin na mag-ina para sa kanya nung nabubuhay pa. From Rosemarie Sungab ng Homantin
Kung ako ang nasa katayuan mo ay uuwi ako at mag-aalay sa kanya ng isang banal na misa at dalawin nyo ang kanyang puntod at manalangin kayo ng tamitim. Sabihin mo rin sa anak mo na alisin nya rin ang galit at poot noon sa papa nya at kalimutan na ang nakaraan upang maging maayos ang inyong pagsisimulang muli mula nang nawala sya lalo na ngayon na magbabang-luksa kayo sa kanyang isang taon na pagkamatay. Ang kaluluwang di matahimik at palaging nagpaparamdam gaya ng asawa mo ay hindi nakahingi ng patawad bago sya namatay kung kaya mabigat ang kanyang paglisan. Pray hard for the peace and rest of his soul.
Dear Mrs. Gemini, Una sa lahat ang aking taus pusong pasasalamat sa iyong pagsulat at pagtitiwala. Sana’y sumaiyo ang pagpapala ng Maykapal at nawa’y hipuin Niya ng Kanyang mapagpalang kamay ang iyong damdamin at isipan upang ang tunay at wagas na pagpapatawad at kapayapaan para sa ikakatahimik ng kaluluwa ng iyong mister ay kanyang maipagkaloob sa inyong mag-ina at lalong higit magkaroon ng katahimikan ang kaluluwa ng iyong mister dahil di nya nagawang humingi ng kapatawaran bago sya bawian ng buhay. Ang sakit at hapdi ng sugat na dulot ng kahapon lalo na sa ating mga mahal sa buhay na nakagawa ng pagkakamali ay marapat lamang po na gawaran natin ng kapatawaran lalo na ang mga taong malapit nang umuwi at pumunta sa kabilang buhay upang magkaroon sila ng kapayapaan at kapanatagan sa kanilang pupuntahan at paglalakbay sa kabilang buhay. Gaya ng sinabi ng ating
From Vilma of Kennedy Town
mga nagpayo ay mas makakabuting ipagdasal nyong mag-ina ng taimtim ang ikakatahimik ng kaluluwa ng iyong mister at kung makauwi ka man ay mas mabuting magpamisa kayo at mag-alay ng kandila at bulaklak sa kanyang puntod at mula do’n ay sabihin nyong mag-ina na pumanatag na sya at ibinibigay nyo ang lubos na kapatawaran. Marami kasi sa atin ang hindi lubos at wagas ang kapatawaran na binibigay at naron pa rin ang sama ng loob at galit sa namatay lalo na at nagdulot ito ng sakit at sama ng loob nung nabubuhay pa. Ang mga ganitong pangyayari ay nagdudulot ng di magandang ehemplo lalo na sa ating mga anak na magmamana sa atin ng anumang gawi at asal nung tayo ay nabubuhay pa. Kung hindi natin puputulin at itatama ay maaaring manahin pa nila at maulit ang pangyayaring ito.
Tunay na mahiwaga ang buhay at tanging Diyos lamang ang nakakaalam ng lahat. Kung tayo ay tunay na Kristiyano ay igagawad natin ang lubos na kapatawaran sa sinumang nakagawa sa atin ng kasalanan dahil ito ay nakasulat at sinabi ng Poong Hesus, na hindi rin mapapatawad ng Ama ang sinumang di magpapatawad sa kanyang mga lalang sa ibabaw ng lupa. Ito ay pananagutan natin sa Kanya. Muli po ito ang inyong Tita Kerry na nagsasabing sa bawat tanong ay may sagot at sa bawat suliranin ay may kalutasan. Manalig lang tayo at dumalangin at magiging matatag ang ating pananampalataya at paniniwala sa Diyos na buhay. Sumainyo ang pagpapala ng Maykapal.
www.pinoytayosanman.com \ december 2010
25
cover story
NUONG panahon ng kanyang pag-aaral, nasa kanya ang mga katangian ng isang anak na maipagmamalaki ng kanyang mga magulang: matalino, disiplinado, matiyaga, tahimik at may pangarap para sa isang magandang bukas. He did not fail his parents to see him now having a good family life. It all happened too fast. Allen Soria never really thought that he would someday be in New Zealand together with his wife Maritess and their four loving children – the good looking Aldione, 19, Alyssa 14, Aldrige, 12, and Aldrey, 8 years old. Some of the good things that came his way could be considered as sheer luck. After high school, he took up Electronics, a two-year course in San Marcelino, Manila. His father was still working then at the CDCP kung saan duon nakuha ni Allen ang pagkakataon na maipasa ang isang scholarship. Itinuloy niya ang kursong Junior Electrical Engineering sa CPU. Kinailangan pa nga niyang huminto ng 3 taon dahil sa hirap ng buhay. He gave 26 www.pinoytayosanman.com \ december 2010
way to his 3 other brothers bago niya tinapos ang kanyang pag-aaral. Lahat silang magkakapatid ay nakapagtapos at may magaganda ng mga katayuan sa buhay sa ngayon. Una siyang nag-apply sa Meralco but the company is very, very particular with the grades. He instead landed a job in PLDT. Pero may kasabihan nga na hindi naman araw-araw e pyesta. Nagkaruon ang PLDT ng tinatawag na “redundancy”. Ito ‘yung pagbabawas ng tao. Dahil may pamilya, mabilis mag-isip si Allen. Salamat sa power ng internet. January of 2007, nag-apply siya online sa New Zealand sa payo na rin ng isang kaibigan and in just a short span of time, nakikipag-communicate na sa kanya ang kumpanyang kanyang pinag-aaplayan. Kaagad din niyang naipadala thru the internet na rin ang kanyang resume and other pertinent papers. Mabilis ang mga pangyayari till he found himself working in New Zealand in the same year. Kabilang siya sa limang Pinoy na pumunta sa Hamilton City (New Zealand) para magsipagtrabaho sa Trancend Services kung saan sa Electrical Telecomunication Department siya na-assign. Naisulat sila sa pahayagang Diario Pilipino duon being the very first batch of OFW’s to arrive there. THE TASTE OF THE NEW JOB Maayos naman ang naging trato sa
www.pinoytayosanman.com \ december 2010
27
kanila ng kumpanya bagama’t according to Allen, New Zealand is very, very firm in imposing their laws. They use cards for most of their transactions instead of cash kaya very minimal ang mga naitatalang corruption dahil kontrolado ito sa sistema ng payment. “And when you gave somebody a favor at nagpasalamat siya sa iyo, ibig sabihin nuon ay natumbasan na niya ang kabutihan mo. Wala ng dahilan para sumbatan o magbayad pa ng utang na loob. The word thank you is very precious to them,” informs Allen. Pagdating nila sa Hamilton City, binigyan sila ng one month free accommodation although hindi rin niya makakalimutan ang karanasan na nuong first three days nila duon ay tatlong araw silang hindi nakakain ng kanin o mga lutuing kinasanayan ng kanilang mga tiyan. “Duon kasi sandwich, burger with coffee or juice pananghalian na.” When it comes to work ay mahigpit din ang management. Halimbawa ay hindi mo pwedeng ikabit ang jackpoint (outlet) ng telepono ng nakatabingi o hindi pantay. Ang mga linya ay kailangang deretso at walang putol at hindi maari ang pagdudugtungin na lamang. May mga assessors kaya kailangang pulido ang trabaho. Eight to five din ang trabaho ni Allen but he turns on his laptop at seven in the morning. “Kapag na-on mo na kasi ang laptop mo meaning umpisa na ng trabaho mo at nakamonitor kasi ‘yun sa opisina kung anong oras ka nag-log in. Nakasulat duon ang commitment job ko for the day. May tracking device kami kaya alam ng kumpanya kung nasaan kami. Alam din nila kung nagpepetik-petik ka lang sa trabaho mo. Kapag natapos ko na ang
28 www.pinoytayosanman.com \ december 2010
isang assignment nang mabilis ay duon lamang ako sa area na ‘yun. Pwede akong magmeryenda o kumain pero hindi ako pwedeng lumayo from that spot. We just submit our job report thru fax.” Allen is paid 12.50 New Zealand Dollars per hour for eight hours a day in the land populated by only five million people. “Pagdating sa electronics, surprisingly advanced pa nga ang Pilipinas ng ten years as compared to New Zealand. Pero pagdating sa batas talagang mahigpit sila,” adds Allen. Sa mga city proper, ang speed limit driving ay 50 kph lang at sa mga school zone ay 40 kph lang. Mayruon din silang device na ginagamit.”They would know kung gaano karami ang nainom mong alak. They will politely signal you to stop the car you are driving at itututok nila sa bibig mo ang gadget. Magri-register duon ang amount kung naka-two bottles ka which is the limit or a shot of hard drink. Kapag lumagpas
may problema ka na. That would mean 80 dollars plus demerit.” Ayon kay Allen, may ibinibigay silang one hundred merits para sa mga drivers and for every offense that you make pabawas ng pabawas ito depende sa klase ng offense. In some instances kapag naubos ang merits, aside from the fine ay kumpiskado ang license mo for a year or a few months depending on the violation you have committed. Mahirap na ring kunin ang lisensya at suspendido ka pa sa pagmamaneho. “Mahirap ang walang kotse sa New Zealand kasi it is a necessity there and not a luxury kaya maingat ako. Kapag nagpupunta ako sa party at napapainom, I see to it na kasama ko ang anak kong si Aldione at siya ang nagmamaneho. Mahirap din ang mag-commute. Kapag wala ka sa designated area at dumaan na ang
“And when you gave somebody a favor at nagpasalamat siya sa iyo, ibig sabihin nuon ay natumbasan na niya ang kabutihan mo. Wala ng dahilan para sumbatan o magbayad pa ng utang na loob. The word thank you is very precious to them,” informs Allen
www.pinoytayosanman.com \ december 2010
29
bus, kahit humabol ka pa ay hindi ka na pasasakayin kaya maghihintay ka na naman ng another thirty minutes. Hindi ka rin hihintuan kung wala ka sa waiting area.” NOT ALL IS WELL Kahit paano ay nakakatikim din naman si Allen ng problema sa malamig na bansa. Buhay din duon ang racism. Nararanasan niyang titigan ng mula ulo hanggang paa ng mga Maori (New Zealand natives). Ang mga ganuong pangyayari o pagkakataon ay ipinagkikibit-balikat na lamang niya. After all, this happens everywhere. Kahit daw kasi saang lugar o trabaho mo ihampas ang Pinoy ay lulutang at lulutang. Ang mga kadahilanan – likas na madaling makibagay o pakibagayan ang mga Pilipino; kilala ang kasipagan matiyaga at maaabilidad. Kaya hindi katakataka na kainggitan. Sa unang pagkakataon naman ng taon ding yuon ay naranasan niyang magpasko nang hindi kasama ang kanyang asawa at apat na anak. “Malungkot siyempre. Mabuti na lang may mga kasama akong ilang mga Pinoy at kami-kami na lamang ang nag-celebrate duon. Pinoy style pa rin.” WELCOMING HIS FAMILY After a year(2008), Allen was able to bring his eldest son Aldione in New
30 www.pinoytayosanman.com \ december 2010
Zealand. Then in 2009, isinunod na niyang kinuha ang kanyang asawa at ang tatlong natitirang mga anak. “Nagustuhan ng pamilya ko ang bansa pati na ang malamig na weather. Kapag summer naman ay ka-level ito ng Baguio. Kahit kasi nagsi-zero degrees siya hindi naman kumakapal ang yelo sa lugar namin at kaagad pa itong natutunaw. Masakit nga lamang ang tama ng araw sa balat. Kaya ‘yung mga New Zealanders, their skin are much older than their actual ages.” Nag-aaral na ngayon duon si Aldione. Hindi gaanong pressured si Allen sa pag-papaaral sa kanya dahil study now pay later ito. At babayaran niya ito kapag naka-graduate na siya at kapag nakahanap na ng trabaho. “Kung ang kurso niya ay 5 years magbabayad siya with 68% interest. Sayang. Kung nakatwo years na siya dito e wala ng interest.” Nuong dumating si Allen sa New Zealand ay kakaunti pa lamang ang mga Pinoy na nakikita niya sa Catholic church duon. Taliwas na ito sa ngayon at ibig sabihin lamang nito ay dumarami na rin ang mga Pinoy duon. Nakakailang Pasko na rin na magkakasama silang pamilya. Madaling basahin ang kasiyahan sa mukha ni Allen. Pormal siya ever since as a young boy and now that he is soon to be a golden boy the aura remains – the kind of trait his eldest son was able to be emulate. Other than these traits are the
simplicity, patience, humility and most importantly – discipline. They are a very prayerful family. Ang ganitong kabutihan ay may katumbas na kabutihan din. May tumulong sa kanila para makakuha ng bahay nuong nangangapa pa sila duon. Truly, Allen is blessed. Life has been good to him. Kahit ang kanyang pamilya ay kontento sa paninirahan sa nilipatan nilang bansa kung saan kilala ito sa pagkakaruon ng mga de kalidad na dairy products at kung saan din mas nakahihigit pa ang bilang ng mga baka kesa sa human population. ANOTHER FIRST Nakaka-tatlong Pasko na si Allen na kasama ang kanyang pamilya sa New Zealand. And for the first time ngayon naman siya magpapasko sa Pilipinas na maiiwanan duon ang kanyang pamilya maliban kay Aldione na kasama niyang magbabakasyon. Semestral break kasi nito unlike his three other siblings na may mga klase pa. High School reunion ni Allen sa first week ng December and he terribly misses his batchmates. Primarily ay ito ang dahilan ng kanyang pagbabakasyon. Gusto na rin niyang madalaw ang mga magulang niyang may mga edad na rin. Ang adopted son lang ang kasama ng mga ito sa Marikina. Kasama rin sa kanyang mga aasikasuhin ay ang pagpapaupa sa tatlong bahay na kanya nang naipatayo naipatayo sa sariling lote sa Quezon, City. Gusto naman sana ng asawa niyang si Maritess
na bumalik na silang mag-ama after 2 weeks. Pero ayon naman kay Allen they have agreed instead na sa 27 na lamang ng December sila babalik duon ni Aldione to celebrate New Year with them. “Sayang din naman kasi ang gastos naming mag-ama kung sandali lang kami dito sa Pilipinas. Three thousand New Zealand Dollars o ninety thousand Pesos din ang pamasahe naming, balikan.” REMINISCING THE ROMANTIC COURTSHIP AND SOME TRIALS Allen is so proud having Maritess as his wife. “Magaling mag-manage ng pera, maganda at mabait.” These are the words he would describe the love of his life. From Pangasinan, kinailangang mag-OJT nuon ni Maritess as a nursing student. Along with 200 other students, umupa sila sa isang dorm malapit sa lugar nina Allen sa Xavierville, Katipunan kung saan meron sila nuong sari-sari store. Dahil maganda at 5’7 ang taas ni Maritess ay stand out ito sa kanyang mga kasamahan kung kaya siya ang napansin ni Allen. Siyempre mula nuon tuwing mapupunta ang dalaga sa tindahan ng binata ay binibigyan siya ni Allen ng special attention. “Pati landlady niya kinaibigan ko kasi ang higpit nu’n duon sa boarding house ni Maritess. Duon na nagsimula ang mga tuksu-tuksuhan hanggang maging sila na. “Mahirap kasi wala pa namang cell phone nuon kaya para makita at maka-usap ko siya nuon e pumupunta pa ako ng Pangasinan.
www.pinoytayosanman.com \ december 2010
31
Natatandaan ko na niloko pa ako ng tricycle driver. In-over price ako,” natatawang pag-aalaala ni Allen. “Naging mag-on kami for four years at kinasal kami nuong January 26,1991. Ngayon, apat na ang anak namin.” Just like any other married couples hindi sila nakaligtas sa pagsubok. May mga temptations at aminado naman duon si Allen. “Ewan ko ba kung bakit parang ginusto kong malaman kung may appeal pa ako. At meron pa nga,” may halakhak ang pagkukwento niya sa isang natapos na’ng gusot. Nagdamdam ang asawa niya pero marunong magpatawad at isang aral iyon kay Allen na sumusumpang never again will he ever do that and that he will forever be honest to his wife from that time on. But sometimes his honesty lead him to an odd situation. Nakakuha siya nuon ng Php108,000 para sa ipinaglaban ng kanilang unyon kontra sa pinapasukan niyang kumpanya na PLDT. He gave the full amount to Maritess. At nuong magkaruon ng company outing kasama ang mga pamilya ng mga empleyado ay nadulas si Maritess sa kapwa niya mga Misis. Nabanggit nito ang halagang ibinigay ni Allen sa kanya. Nagkagulo sa outing dahil may mga mister na hindi
32 www.pinoytayosanman.com \ december 2010
nag-surrender o hindi nagdeklara ng full amount. IT PAYS TO BE GOOD There’s no such thing as a perfect family but Allen’s is a picture of happiness and contentment. It’s in their faces. Truly it pays to be good. Sa magandang pagpapalaki ng mga magulang ni Allen sa kanya ay nai-apply niya ito ngayon sa kanyang pamilya. Namana ng kanyang mga anak ang kanyang pagiging masipag at masinop sa buhay lalo na ang pagiging matulungin. He extends his help to a lot of his relatives o kung sino man ang mga nangangailangan. The well-disciplined man now is reaping all the blessings that he deserves. He may not be spending his Christmas now with his wife and three other children but it is not much of a problem for them. Everyday is Christmas day for the Soria family. Sa lahat ng magagandang pangyayari sa buhay ni Allen he knows that he cannot thank the Lord enough. But just the same, he and his family know where all their blessings are coming from and since they consider everyday a Christmas day, everyday is also a thanksgiving day for them. PTS
maikling kuwentong pampasko
Illustrations by Tiara Ysabelle Gonzalez
“GUSTO kong makakita ng liwanag!” sambulat ni Akkub kay Dathan habang lumilipad sila sa lambak nang hapong papalubog na ang araw. “Nagpapatawa ka ba, Akkub? Bakit mo naman gustong makakita ng liwanag eh tayo nga mismo, may dala na tayong liwanag dito sa ating mga katawan?” Kanina pang umaga nagtatalo ang dalawang magkaibigang alitaptap. Nagsasawa na kasi si Akkub sa pawalawalang ilaw ng kanyang katawan. Malimit kasi ay napupundi ito. Madalas nga, sa pamamasyal ng kanyang mga kaibigan, ay hindi siya nakakasama dahilan sa maaari siyang maligaw o tuluyan nang mawala at hindi makabalik sa kanilang tahanan kung magpupumilit siyang sumama. “Bakit ba kasi ganito ang ilaw ko, di tulad ng sa inyo?” Ayon na rin sa kanilang pinuno, si Ka Eliazar, ang kanilang mga ningning ay tunay ngang magkakaiba. Mayroong mahina, mayroong malakas. Mayroong
“Nang makita nila ang bituin, lubos silang nagalak” Mateo 2:10 mahaba ang itinatagal, mayroon ding namang hindi. Ang mahalaga, ayon na rin kay Ka Eliazar, ay gamitin ang kanilang mga ningning sa lahat ng makakaya nito. “Mapalad pa rin nga kayo bilang mga alitaptap. Matagal-tagal rin ang ilalagi ng buhay niyo sa mundo. Alam niyo bang ang inyong mga pinsang Mayfly ay ipinanganganak, lumalaking ganap, at namamatay rin sa loob lamang ng beintekuwatro oras?” “Kawawa naman sila. Mayroon pa kaya silang magagawa sa loob ng mga oras na iyon?” tanong ni Akkub kay Ka Eliazar. “Kaya ikaw, Akkub. Gamitin mo ang ilaw mo ng wasto. Para naman hindi masayang!” Sumapit na ang gabi sa kanilang pamamasyal ni Dathan. Masyado siguro silang naaliw sa kanilang pagliliwaliw at hindi na nila namalayan na inabutan na www.pinoytayosanman.com \ december 2010
33
sila ng dilim. Kampante naman siyang hindi siya iiwanan ng kanyang matalik na kaibigan. Gusto rin siguro siyang tulungan nito na isanay ring gamitin ang sariling ilaw kahit pa papundi-pundi ito. “Basta ang bilin ko lang sa iyo, Akkub, huwag kang lalayo. Anuman ang makita mo, huwag kang lalayo sa akin at baka ka maligaw!” “Oo, Dathan.” Habang lumilipad sa dilim, maaalala ni Akkub ang magulang at ang kapatid na si Yosha na naiwan sa kanilang tahanan. Anemic yata ang kanilang pamilya sabi ng duktor. Siguro kahit kaya siya man ay namana iyon. Hindi makapamasyal si Yosha at binilinan na lang na huwag hahayaang mag-isa kaya binabantayan ngayon ng kanyang ina. Kapagka dumating na raw ang totoong Nag-Iisang Ilaw ayon kay Ka Eliazar, duon, maaari silang humingi ng liwanag. ‘Pag nakuha na raw nila ito, sila ay tiyak na gagaling. Sa di kalayuan, mapapansin ni Akkub ang isang tumataginting na bagay. Lalapitan niya ito. Aba’t…mga kasamahan niya iyon, ah? Nakakulong sila sa loob ng isang garapong bote! Papalapit siya nang papalapit nang may naramdaman siyang malakas na hangin na kumawala sa 34 www.pinoytayosanman.com \ december 2010
likod niya! Naihawi siya ng hanging iyon papasok sa loob ng bote. “Huli ka!” Boses ng isang batang pastol na may hawak-hawak na boteng punumpuno rin ng mga alitaptap sa loob. “Nakup—“ Anong lungkot ni Akkub nang mapansing nasa loob din siya ng garapong bote. Kay liwanag niyon. Subalit nalulungkot siya dahil nagkahiwalay sila ni Dathan. “Anong ginagawa niyo dito?” tanong ni Akkub sa may sandosena yatang mga alitaptap na nasa loob. “Namamasyal kasi kami, eh nawili kaming maglaro, hindi na lang namin namalayan ang kamay ng batang pastol na hinahawi kami paloob dito sa bote.” Napansin ni Akkub na bawat isa sa mga nahuling alitaptap ay may kaniyakaniyang sinag ng liwanag. Tatanungin niya ang ilan sa mga ito. “Ano bang ginagawa niyo at napadpad kayo dito?” Sumagot ang isang babaeng alitaptap na pinaka-maliwanag. Nakapamewang pa ito.
“Siyempre, pupunta dapat ako sa Ilaya para makipagkita sa aking kasintahan, kaso nahuli ako habang nasa daan.” “Kaya pala malakas ang liwanag mo dahil makikipagtagpo ka.” “Gusto ko ring manguha ng mga pagkain diyan sa may bukid, dadalhin ko sana sa bahay namin dahil ako lang ang may malakas na ilaw para makatagal sa dilim.” Mapapansin ni Akkub ang isang maliit na alitaptap. Sumisinghap-singhap ito. “Ikaw naman, tutoy, bakit ka napunta dito?” “Hinahanap ko ang Tatay ko. Ilang araw na siyang hindi bumabalik. Baka ikako naligaw pagbalik, eh malabo na ang mata niya.” “Ngayon, paano tayo tatakas dito?” tanong ni Akkub sa kanyang mga kasamang nahuli. “Paano kung mag-concentrate tayo at alisin muna natin ang ating mga liwanag?” Suhestiyon ng isang lalaking alitaptap na ubod laki ng salamin sa mata. “Tama!” Napapalakpak ang ilan. “Kasi, kung wala na tayong liwanag, magtataka ang may hawak sa atin at tutuktukin tayo, aalugin hanggang tayo’y makatakas palabas!” Nagtipun-tipon sila nang mayamaya’y unti-unting nanamlay ang kanilang liwanag. Napansin ni Akkub na may maliwanag na lumalapit sa labas ng garapong bote. Laking gulat niya nang mapansin si Dathan na kumakatok na sunud-sunod.
Parang gusto niyang sabihin dito, “Huwag malakas! Nabibingi kami!” Nababasa niya sa bibig nito: Labas na kayo! Labas na kayo! At paano? Paano kami makakalabas? Nagulat na lang sila Akkub nang biglang bitawan sila ng batang pastol at lumagapak silang nasa loob ng garapong boteng mabilis sa lupa. “Arraaaayyy!!!! Ingat naman!” daing ng batang alitaptap. “Pasensiya na, aksidente lang. Nabitawan tayo ng batang pastol, ba’t kaya?” “Nabasag ata ang salamin ko!” reklamo ng lalaking alitaptap. Habang nakabantay si Dathan sa may takip ng bote na nabuksan na, mabilis silang nagsilabasan. Hilung-hilo si Akkub dahil sa pagkakauntog sa garapong bote. Nang agad siyang lumipad, laking gulat niya nang masumpungan niya ang isang malalim at madilim na bagay na tila’y lalamunin siya. “Akkub!!! Lipad, umalis ka diyan! BILIIISSS!!!!” Naramdaman ni Akkub ang hangin na nagmumula mula sa ‘balon’. Agad siyang lumipad, pinuwersa ang nanghihina niyang katawan pataas. Agad namang lumipad si Dathan at pinangunahan ang ilang mga alitaptap para makalayo. “Lipad, Akkub! Dito ka pumunta!” Nang makalayo na, gulat na gulat si Akkub nang mapansin na napunta pala siya sa may bunganga ng isang tupa. At www.pinoytayosanman.com \ december 2010
35
muntik na siyang makain nito! Bumuntung-hininga si Akkub. “Salamat, Dathan! Tinulungan mo kami.” “Akala ko nga kung ano na ang nangyari sa ‘yo. Buti na lang natanaw ko ang maliwanag na garapong bote!” Sagot ni Dathan. Sandaling katahimikan. Mayamaya’y magtatanong na si Akkub. “Nasaan na ang humuli sa amin?” Matatahimik si Dathan. May titingalain ito sa itaas. Mapapansin nila ang batang pastol na lumapit sa mga kasamahan nito. Sa sobra sigurong pagkamangha sa nakita’y nabitawan nito ang garapon ng mga nahuling alitaptap. “Nakikita mo ba Akkub ang nakikita ko?” Tirik na tirik ang mata ni Dathan, hindi kumukurap ang mga mata. “Hah? Ano ‘yun?” Makikita nila sa parang ang mga pastol na tila ba’y gulat na gulat na minamasdan ang nagliliwanag na kalangitan. Kahit ang mga tupang inaalagan ng mga ito’y tila napapanguyngoy sa kagalakan. Mayamaya’y makikita ni Akkub at ni Dathan, kasama pa ang ilang mga alitaptap ang ilang libong mga anghel na para bang tumagos mula sa kalawakan at ang Arkanghel na namumuno sa kanila’y masayang babaybayin ang balita: “Huwag kayong matakot! May dala akong mabuting balita sa inyo. Ngayong gabi ay isinilang ang inyong tagapagligtas sa bayan ng Bathlehem!”* Sa Bethlehem! ‘Yun ang matagal nang gustong bisitahing lungsod ni Akkub. 36 www.pinoytayosanman.com \ december 2010
Punumpuno ng tunog ng mga trumpeta at hindi mawaring mga malakas na awit mula sa mga anghel ang maririnig sa kalawakan. “Maaari ba tayong sumunod sa kanila? Malay mo, baka iyon na ang ipinangako sa ating Hari ng Liwanag!” “Mapapalayo tayo.” Mapapansin ni Akkub ang isang napakaliwanag na talang makikita sa kalangitan. “Hindi tayo maliligaw, Dathan. Hangga’t malakas ang kinang ng talang iyon, makakarating tayo sa ating pupuntahan!” “Sama naman kami diyan!” Koro ng mga alitaptap na kanina lang ay nabihag sa loob ng garapong bote. “Basta, huwag lang tayo maglalayolayo. Mas magkakasama tayo, walang mawawalay. Malinaw ba?” “Malinaw pa sa liwanag mo!” biro ng babaeng alitaptap na malakas ang liwanag. Nakapamewang pa rin ito. Mangingiti lang si Akkub. Alam niyang mahina pa ang pakiramdam niya pero kailangan niyang manguna sa kanyang mga kasamahan. Kahit pa sisinghot-singhot at giniginaw na dahil sa lamig, patuloy pa rin si Akkub sa kanyang paglipad. Napapansin niyang paliguy-ligoy na minsan ang kanyang paglipad. Nahihilo na yata siya. “Teka, okey ka lang ba, Akkub?” tanong ni Dathan. “Okey lang ako.”
Nagdesisyon sila ni Dathan sampu ng mga kasamahang alitaptap na makikisabay na rin sila sa mga pastol subalit hindi sila basta-basta lalapit at baka sila’y makain ng ilang mga tupang kasama ng mga ito. Matapos ang may kahabaan rin nilang paglalakbay ay nakarating na rin sila sa wakas. Mapapansin ni Akkub ang matinding liwanag na tumatagos sa bubong ng isang sabsaban. Sabsaban? Ang Hari ng Liwanag ay ipinanganak lamang sa isang sabsaban? Papasok si Akkub at Dathan kasama ang mga alitaptap sa loob ng silid at makikita nilang nakapaligid sa kumikinang na liwanag ng Sanggol ang mga iba’t-ibang hayop rin na katulad nila: may baka, mga manok at sisiw, mga tupa, kambing at ilan pang mga insekto. Mangingiti si Akkub at may mararamdaman siyang kakaiba sa kanyang katawan. Sa tabi ng sanggol ay nanduon ang isang babaeng maamo ang mukha at nakatayo naman malapit ditto ang isang balbas-saradong lalaking may hawak na mahabang baston. Hindi matawaran ang ngiti sa mga mukha ng mga kasamahang alitaptap nina Datahn at Akkub. Pagkalabas ni Akkub sa sabsaban ay masaya siyang tatawagin ni Dathan. “Akkub! Ang lakas na ng ningning ng iyong ilaw sa katawan!” “HAH? Totoo ba ang sinasabi mo?” Mismong si Akkub ay nagulat. “Oo naman. Ikaw ba naman ay lolokohin ko pa?” “Oo nga, Akkub. Kakaiba ang liwanag
mo. Magpatuloy ka sa ganyan ay talagang susunod kami sa iyo!” Malakas ang bati mula sa babaeng alitaptap na malakas ang liwanag. “Siguro, Akkub, matutulungan mo na rin akong hanapin ang tatay kong nawawala!” Singit naman ng batang alitaptap. Tuwang-tuwa ang lahat at nagsisipagpalakpakan na. Kahit si Akkub ay hindi mapakali sa kanyang nasaksihan. Sumisipol-sipol siyang lumipad-lipad pabalik sa kanilang tahanan. Kakausapin niya ang kanyang mga magulang na kanyang isasama si Yosha sa sabsaban para rin ito ay gumaling. Alam niyang nakita na niya ang Liwanag na matagal na niyang hinahanap-hanap. PTS *Hango mula sa Lukas 2:11 www.pinoytayosanman.com \ december 2010
37
journey by Amor Gonzalez-Damaso
Pasko na naman! Libu-libo na naman ang magagastos natin sa pambili ng noche buena, bagong damit, sapatos, aginaldo sa mga pamilya, kamag-anak at inaanak, not to mention ang pagbili ng kagamitan sa bahay. Nasisira na ang bait ni Nanay sa pag-budget ng bonus ni Tatay! Nakalambitin na si bunso sa paghiling kay Santa Claus! Pati na rin ang pinaghirapang ipunin ng isang taon sa bangko ay mukhang namimiligro pa! Sa makabagong mundo natin ngayon, at sa ating nakasanayang luho these past few years, we have somewhat an altered perception of gift-giving. These are times when we equate the gift we give to the amount of gift that we are expecting to receive. Kung tutuusin, it is but practical lalo na sa estado nang ating economy ngayon. Hindi naman kailangang bongga, ‘ika nga, ang ating pagbibigayan tuwing Pasko. Sometimes, just a thought of
38 www.pinoytayosanman.com \ december2010
receiving a good book na galing sa Booksale ay masayang-masaya na ako! Dito sa Maynila, hindi naman kailangan na sa mga ga-higanteng mall at department stores ka mamili. Madalas kaysa hindi, sa Divisoria, mabibili mo rin ang mga ito sa mas mababang halaga pa. Kaunting tiyaga lang, isang panyolitong pangtakip sa ilong, at boots na made of rubber at all set to go ka na! Komersiyal na komersiyal na talaga ang Kapaskuhan. Isang kilometro na ang ibenebentang parol sa Las Pinas. Halos hindi na natutulog ang mga tindera sa Baclaran. May simbang gabi sa halos lahat ng simbahan. Ang mga nagtitinda, like mushrooms, ay nagsulputan para maglako ng mainit na kape at cocoa, malagkit na puto-bumbong at umuusok na bibingka. Hindi lang ‘yan: naglipana rin ang tiyangge sa iba’t ibang lugar at tuloy pa rin ang mga city-wide sale na umaabot sa 80% minsan ang diskuwento! Nariyan ang buy-one-take-one na punda ng unan, jeans, blouse, shampoo, make-up, lipstick at kung anu-ano pa. Mga promo
ng libreng biyahe at bakasyon sa kung saan-saan. (Nariyan “Win-a-free-trip-toAmerica” pa ang drama ng iba, hindi bale nang magpakamatay ka pa sa pagkuha ng visa). Siyempre, kapagka ganuon karangya ang offer sa ’yo, kahit sumabak ka pa sa nakahihindik na traffic, sa walang habas na pag-ulan at pagkadumiduming baha sa Kamaynilaan, basta makakatawad – hala, bira, sige sugod na, kahit sipunin at lagnatin ka pa! Sa lahat ng kasiyahang ito, naaalala pa ba natin kung bakit tayo nagse-celebrate ng Pasko? John 3: 16 says, “ For God so loved the world that He gave his only begotten Son, so that whosoever believes in Him should not perish but have eternal life.” In the maddening preparations of Christmas, let us stop for a while and ponder on these thoughts: Jesus, the all-powerful Ruler of the Universe, chose to come to us, born like an ordinary man. Swaddling clothes he exchanged for His royal robes. He chose to leave the comforts of Heaven to be with us. He came to save us from the mundane routine of our lives. To heal us, to give sight to the blind among us, to bind the brokenhearted. Jesus came to be our everything. He can be everything you need Him to be if we allow Him. Sa mga nangungulila sa asawa, He is your husband. Sa mga naulila, He is your
Father. Sa mga nangangailangan, He is your provider. Sa may mga maysakit, He is your Healer. Sa mga nagugulumihanan at magulo ang isip, He is your Peace. Sa mga nabubuhay sa kadiliman, He is your Lighthouse. Sa mga nanghihina, He is your Strong Tower. Sa mga nag-aakalang wala ng katapusan ang gabi para sa kanila, He is your Morning Star. He is the Answer to your every question. To all your longings, He says, “I AM.” Nitong nakaraang labing-isang buwan bago mag-Pasko, we were all busy with our work, our families, our problems, worries and concerns. This season, let us be reminded that Jesus came to carry our burdens. John 10:10 assures us that He came so we might have life and have it to the full. We only need to call on Him and believe. Hindi po masamang mag-shopping at magsaya. Pero sana, in the midst of all our merrymaking, we will not forget that this season, beyond the trimmings, beyond the noise and haste, beyond the trivial festivities, beyond the gleeful gift-giving and the long-ago Christmas traditions we grew up with there lies The Real Reason for this Season: JESUS. Without Whom we have no Christmas. PTS Amor Gonzalez-Damaso is still on a journey and is glad to be sharing it with you. She may be reached at damorski@ gmail.com for comments or feedback on her column.
www.pinoytayosanman.com \ december 2010
39
pinoy trip
Maraming mga kakaibang kaugalian ang mga Pinoy sa iba’t ibang baryo, probinsiya, o saang sulok man ng kapuluan. At mantakin mo mang isipin, nakakatuwa ang mga ito. Mapapaisip ka: Hanep, saan kaya hinugot ng ating mga ninuno ang ganitong mga kalakaran, lalo na ngayong Kapaskuhan? Ang ilang halimbawa ng mga kaugaliang ito ay ang mga sumusunod: IBIGAY ANG LAYAW NG ANAK. Sa isang liblib na pook sa Iloilo, may kaugalian ang ilang mag-anak na ewan kung ikatutuwa ng ilan sa atin. Spoil the kids on Christmas Day! Yep, you heard that right. Naniniwala kasi ang mga matatanda sa ilang mga barriong ito na ang mga bata ay silang bukod-tanging nilalang na kaaya-aya sa mata ng Diyos. Kaya dapat, kahit na anong bagay ang kanilang hilingin sa kanilang mga magulang ay kailangan ibigay ng huli sa mga ito. Kung sa tingin nila’y mahihirapan silang ibigay ang hinihiling ng kanilang anak, magtatalo ang magasawa hanggang sa kanilang maunawaan na maaaring magalit sa kanila ang Diyos dahil pinagkakaitan nila ang mga bata lalo na sa araw ng Kapaskuhan. 40 www.pinoytayosanman.com \ december 2010
Pero, unrealistic, di ba? Sa panahon natin ngayon, mahirap atang masunod ang kapritsong ito lalo na sa hirap ng buhay ngayon. Eh pano kung grabe sa over ang kanilang mga requests? Kailangan lang sigurong maging creative sa pagbigay ng regalo. ‘Yung tipong paano kung humiling sila sa iyo ng isang magarang lumilipad na regalo tulad ng mahal na eroplanong laruan? Eh di bigyan mo na lang sila ng saranggola! MAPAGHIMALANG ULAN Sa Sorsogon naman, ang mga tao ay naglalagay ng mga timba at balde malapit sa mga ilog upang abangan ang unang pagpatak ng ulan. Naniniwala sila na dahil nga kaarawan ito ni Hesus, ang tubig na maiipon sa mga timba ay makagagaling dahil may bendisyon daw ito ng himala mula sa langit.
Kaya sa tuwing umuulan sa Kapaskuhan, talagang inaabatan ng mga tao ang pagbuhos ng kahit maliit ng patak ng ulan. POSADA Sa kanlurang bahagi ng Luzon naman, may gaganap sa papel nina Marya at Hosep, maglalakad ang mga ito sa bawat kalsada na kasama ang kura paroko ng parokya. Ang mga tao kailangan ay nasa loob lamang ng kani-kanilang mga tahanan, kaya walang katao-tao sa mga kalsada at eskinita.
SUWERTE SA BAGONG SAPATOS Sa ilang mga residente ng Pagsanjan, Laguna, napakahalaga na makabili ng bagong sapatos lalo na’t magpapasko. Sa kanila, isang pagbigay ito ng galang sa batang sanggol na si Hesus. Pinaniniwalaaan nilang kung sinuman ang magsusuot ng bagong sapatos ay magkakaroon ng suwerte sa buhay at makakarating sa kung saan-saaang lugar. Para nga pala mas maging epektibo ito, kalangang isuot ang bagong sapatos sa Misa de Aguinaldo!
Hindi papapasukin ng mga tao sina Marya at Hosep, hanggang makarating sila sa isang sabsaban kasama ang ilang mga hayup tulad ng manok, kambing, tupa at mga baka.
BAWAL ANG NAKASIMANGOT
HUWAG NA HUWAG MALILIGO!
Kung halimbawang may makakasalubong kang kaaway mo sa kalsada, wala kang dapat gawin kundi piliting ngumiti. Kung sakaling hindi mo ito magagawa, maaaring sumpain ang inyong barrio at makakaranas ito ng salot.
Sa isang barrio sa Busuangan, Mindoro, hindi mainam na maligo sa araw ng Kapaskuhan. Ayon sa kanila, para mo na ring inalis sa pamamagitan ng paghugas ng iyong katawan ang mga pagpapala na hatid ng batang sanggol na si Hesus sa kanyang kaarawan. MAG-INAT AT TUMANGKAD! Sa mga taga-Capiz na nagnanais tumangkad, pinapayo ng mga matatanda na sila ay mag-inat ng kanilang mga katawan pagkagising na pagkagising sa araw ng Pasko. Kung kanila raw itong masusunod ng maayos, maaaring madagdagan ang kanilang taas! Kaya tara na, talon agad pagkagising! Siguraduhin lang na hindi mauuntog iyong ulo lalo na kung mababaw ang kisame ng kuwarto mo!
Sa barrio Lanog sa Tubungan, Iloilo, bawal na bawal ang nakasimangot lalunglalo na sa araw ng Pako. Bakit kaya?
Kaya naman sa araw ng Kapaskuhan, masakit man sa loob natin, atin na ring sundin ang batas ng pakikipagkapawatao. Di man tayo sanay‌magpatay malisya na lang! Deadma sa kaaway kahit sa araw ng Pasko. Pero‌mas makagagaan ng loob kung bubuksan na lang natin ang ating mga puso at magpatawad! Hanep talaga itong mga Kakaibang Kaugalian sa Kapaskuhan ng mga Pinoy! PTS
www.pinoytayosanman.com \ december 2010
41
gawad pts selection of the month
My Life...was a precious gift from YOU In winter chill, it is as white as snow, Sometimes I fell but I stand up and glow ‘Coz after the rain, YOU will send me a rainbow. My Life...was full of trials too But YOU give me strength and let me grow In every problem, YOU said, “My child don’t let go of tomorrow, the sun will shine ‘coz I care for you”. My Life...will always cherish, Those sad and happy memories That I spent with friends and families And we give YOU thanks for all the graces. My Life...is like a blowing wind As it roars up and down the plain Sometimes it chases with the rain But if wounded, it will stop to ease the pain. My Life...indeed is like a living water That will continue to flow with the presence of YOUR Power Let me be an instrument for those in thirst and in hunger With YOUR love and guidance, let us shine forever!
42 www.pinoytayosanman.com \ december 2010
Nagtatanung ang isip kung makakatagpo ng kayamanan Sa paglilinis ng walang ubos na singit sa kagubatan Sa’n ako magsisimula, anu ba ang tunay na sukatan? Sa di mabilang-bilang na napakalawak na kagubatan Na waring aking patuloy at pilit na inaakyatan. P’ano makikitungo sa taong turing sa sarili’y panginoon Sa kanila’y wala namang utang na loob na dapat bayaran Subalit gustong ang buhay ko ay kanilang madiktahan Ng naayon sa kanila, labag sa batas na kapamaraanan. Nakipagpaligsahan sa daga, sa halimaw ay nakipaglaban Datapwa’t dapat bang maramdaman sa puso ang kagalakan? Kung ako man ay nilalang na di naging ganap na talunan Puso ko naman ay sugatan, malaking pilat naiwan sa katauhan. Masyado ba akong umasa na ang salamin ng aking buhay Ay puro tagumpay, ang pag-iibigan ay pang habang buhay? Anu nga ba ang paraan ng pagsamba ang sa kanya ay iaalay, Upang ang damdamin ay magpatuloy kailanman di mamamatay? Ang batas ng tadhana ay sadyang walang pakundangan Bawat hagupit, bawat pagtama ay sadyang walang kapatawaran Kahit na anung pilit itanggi ng sarili ay di rin matatakasan Dahil malaki ang naging kabayaran kahit pa di naging makatarungan. Sa mundo ng mga tao mawawala na nga ba ako nang tuluyan Kung ang mga pandama ko ay mawawala rin nang lubusan? Ang boses at mukha ko ba ay maglalaho ring tuluyan Ang oras ay di na pwedeng panghawakan di na mapipigilan. Hindi man naaayon sa sakit na dulot ng isang mapait na alaala Ng ligaw na kaisipan, ang pananampalataya ay nauwi lang sa wala Subalit ipagpapatuloy pa rin ang buhay ako ay makikibaka At bigyan ang sarili na harapin ang bukas nang may pag-asa. Sarili’y san ilalagak gayong konting pag-asa ay di matagpuan Susundin ko ang tadhana at takot ay aking pakakawalan At mahimlay ang hubad kong kaluluwa duon sa karimlan Napadpad sa lugar, paligid ng tanikala at pawang kadiliman. At ng wari’y nalagot ang tanikala, bagong pinto ay nabuksan Kaibuturan sa aking puso’y nakaramdam ng ginhawa at kalinisan Hindi dahil sa mga luha sa aking mga matang malayang pinakawalan Kundi higit na kagalakan na aking nadama sa aking kalooban. Ako’y nananatili sa bagong lakas na aking nakamtan Dahil muling nagbalik, kaluluwang ligaw sa karimlan Ako’y nawala, magiging masaya na marahil nang tuluyan. www.pinoytayosanman.com \ december 2010
43
pinoy tip
Ni Chynna Canda CHRISTMASTIME always bring thoughts of joy and cheer. We all have fond memories we love to go back to and remember. Minsan, sa dami nito ay nakakalimutan na natin ang iba. What better way to preserve them than by taking pictures, di ba? Sa ating mga Pinoy, masaya at makulay ang pagdiriwang ng Pasko. Kaliwa’t kanan ang mga dekorasyon, handaan at kasiyahan. At siyempre pa, kapagkaPasko, nakapustura ang buong pamilya, magmula kay lolo, lola, tatay, nanay, ate, kuya, hanggang kay junior at bunso! We like taking pictures and having ours taken. And then afterwards, ilalagay natin ang mga ito sa album, itatago at babalik-balikan. Kadalasan, these pictures connect straight to our hearts, bringing sentimental thoughts of people we love. Hindi ba, when you look at pictures, we feel transported back in time to when those pictures were taken? Eh, paano na lang kung sa ibang kuha ay putol ang ulo mo, o ‘di kaya’y puro background lang pala ang nakuhaan at ga-langgam lamang ang laki mo? Malaking frustration ang abot mo! Buti na lang at nauso ang digital camera, at dahil dito, madali nang makita agad ang kinuhaan mong picture, compared noong araw na it will take days dahil dadaan pa sa darkroom ang rolyo ng film. Pag naoverexposed pa, naku! Sayang ang film. With a little planning and some photographic techniques, everyone can 44 www.pinoytayosanman.com \ december 2010
take their ideal holiday shots from a digital camera, or even straight from your mobile phones with built-in cameras. Halimbawa: Tandaan lamang na ang pagkuha ng picture ng isang tao o grupo at hindi kagaya ng isang tanawin or isang “still life” (meaning, unmoving object) subject kagaya ng halaman, bulaklak, prutas o libro ay iba sa pagkuha ng isang gumagalaw na tao. In this case, the subject has to pose para makuhaan siya nang maayos.
Just follow these simple steps and I’m sure you will take better photos in no time: GIVE YOUR PHOTO A THEME. Humanap ng background that shows the occasion like a celebratory banner
GIVE YOUR SUBJECT SPACE. Sa malaking grupo, give each person a different eye level para ang bawa’t isa ay may sariling “head space” in a shot. Mainam ito para makita at hindi matabunan ng iba ang sinuman sa camera. FILL YOUR PHOTO WITH INTERESTING SUBJECTS. Halimbawa, kuhanan ang hapagkainan habang hindi pa ito nababawasan. If you can take pictures after food has been served, mukhang kawawa naman ang memory mo, hindi ba? Isa rin itong paraan para maipakita ang appreciation mo sa naghanda. BE AS CANDID AS POSSIBLE. Hayaang tumawa, magulat, umiyak o mainis ang subject depende sa sitwasyon at okasyon. Kadalasan ang ganitong setup ay natural at mas unforgettable. BE CREATIVE. Halimbawa, sa likod ng subject ay ilatag lahat ng natanggap na regalo at ipakita ang saya. Kung Christmas pictures ang ite-take mo, be as colorful as you can. It is the season of bright lights, green Christmas trees, and gold and silver trimmings. Be bold! You will discover more composition (or ang pag-balance sa puwesto ng subject sa background) tips as you go along, so just keep clicking away and enjoy! PTS
(in this case, Christmas tree). Position the subject and the background na nakikita nang maayos ang bawa’t isa.
www.pinoytayosanman.com \ december 2010
45
usapang pangkalusugan
ANG Pasko ay parating na naman at di maiwasan ang mga selebrasyon. Kung may selebrasyon ay dapat may kainan, at kung may kainan, may pagkakataon na di na tayo makapipili kung ano ang ating kakainin sapagkat maaring tayo ay takam na takam sa mga pagkaing Pilipino. Ngunit kayo ba ay may altapresyon, may diabetes o tumataas ang sugar? Ang kolesterol niyo ba ay dapat bantayan o maging ang pagtaas ng inyong uric acid na sanhi ng pag-aartritis? Ingat lang mga kababayan, dahil maaring ang ilang oras na kasiyahan sa pagkain ay isang linggong katumbas nang di makagalaw o makapagtrabaho. Kaya’t upang maiwasan ito, ngayon pa lang ay matuto tayo ng pag-cleansing, nang sa gayon, ang mga kasalukuyang nakaimbak na mga toxins sa ating katawan ay mailabas na, upang magkaroon ng espasyo sa parating na mga toxins ngayong parating na kapaskuhan. Hindi po natin sadyang minumungkahi ang pagkain ng mga pagkaing sobrang mayaman sa taba o sebo, matamis at maalat, ngunit bilang proteksyon, maigi na gawan ng paraan upang hindi sumobra ang mga toxins sa katawan na nagdudulot ng komplikasyon. Paano ba ginagawa ang cleansing? Narito ang mga simpleng pamaraan: 1. Sa umaga pagkagising, 10 calamansi o isang buong lemon sa isang tasang maligamgam na tubig ang inumin agad-agad sa loob ng isang linggo. 2. Kumain ng mga prutas na mayaman sa fiber tulad ng pinya, pakwan, melon at iba pa. 3. Kumain ng mas maraming gulay na dahon dahon, pagkain ng kamote ng mas madalas, kahit pakonti konti, ay 46 www.pinoytayosanman.com \ december 2010
makabubuti. 4. Ang pagbawas ng pagkain ng kanin ay may malaking tulong. 5. Ang pagkain kada ikalawang oras ng pakonti-konti ang susi upang hindi manghina. 6. Ang pag-inom ng 2 kutsara ng olive oil bago matulog sa gabi ay makakatulong. 7. Ang pag-inom lamang ng mga maiinit na inumin, tulad ng soup ay maigi. 8. Malaking tulong din ang pag-inom ng fruit juices, tulad ng celery, carrots, sugarbeets, avocado o saging ay may tulong din sa mas epektibong cleansing. Gawin ang sumusunod sa loob ng isang linggo at siguradong mababawasan ang timbang, bababa ang blood sugar, blood pressure cholesterol at uric acid. At AYOS DAHIL PWEDE NA NAMANG KUMAIN! HE HE HE! Sa ngalan ng PTS ito po si Dr Sonny Viloria na bumabati po sa lahat ng masagana at malusog na Pasko at Bagong Taon. Nawa’y ang biyaya ng Diyos ay patuloy nating matanggap sa darating na taon. Maraming salamat po! PTS Dr. Sonny Viloria can be reached at the ff addresses:
ria ny Vilo n o S . r D
nch Main Bra Quezon A, Cubao, S D E 7 9 5 . g ld B ) G/F CRB 87625/26 City (02-44
a Bldg. m A1 Auror Alabang - R d, Alabang, oa Zapote R City (02-7723810) Muntinlupa iro St., 44 Sto. Ente Angeles -24y Pampanga Angeles Cit 890/8884419) (045- 8885
do San Fernan arden Bldg. G/F Hyatt G nsion City of Dolores Extedo Pampanga San Fernan 48) (045-96396
pinoy feature
Ni Abi Lam-Parayno
Miss mo na ba ang Pasko sa Pilipinas? Tila ba kinukurot ang inyong puso tuwing naaalala ang kasiyahang dulot ng mga family reunions? O ng sama-samang pagsi-simbang gabi? Walang kaparis, ika nga. Aaahh… Paskong Pinoy. Sabi nga nila’y ang pinakamahabang selebrasyon ng Christmas ay ang sa Pilipinas. Paano ba nama’y September pa lang ay may nagtitinda na agad ng parol. Oktubre’y nagpapatugtog na ng Christmas songs ang kapitbahay. May Christmas lights na sa mga shopping malls, namimili na ng mga Aguinaldo si nanay. Pagdating ng Nobyembre’y Paskong-Pasko na talaga ang buong bansa. At sa pagsapit ng December? Aba! Kagalakan at pagdiriwang ang naghahari saan ka man luminga! Pero maliban sa mga regalong pinamimili’t mga lechon na inu-order para sa Noche Buena, paano ba talaga ipinagdiriwang ang Christmas season Pinoy-style?
kape, hihilahin na ang ating mga kumot at sisigaw, “Hane, magsisimbang-gabi ba kayo o hinde?!!” Masarap man ang tulog nati’y babangon tayo’t magbibihis. Paano’y ang sabi sa tradisyon, kapag nakumpleto daw natin ang siyam na gabing pagsisimba, matutupad na ang ating mga kahilingan. Kaya’t sa kabila ng lamig ng simoy ng hangin at kaantukan, lalakad pa rin tayo patungong simbahan. Makakasabay pa natin ang kaiga-igayang banda ng musikong nanggigising sa buong nayon.
Simbang gabi. December 16. Umpisa ng simbang gabi para sa mga Katoliko. Alas-tres pa lamang ng madaling araw ay bumabangon na si Lola, umiinom ng
Nakikinig man tayo sa pari o hindi, ang inaabanga’t inaabangan natin ay ang katapusan ng misa. Dahil ito ang oras na kakain tayo ng bibingka’t puto bumbong. www.pinoytayosanman.com \ december 2010
47
Kung original parol naman ang hanap ay makakapamili ka sa Las Piñas, duon sa malapit sa Bamboo Organ o di kaya’y sa Pampanga ka pumunta. Ito ang mga lugar na kilala sa napakaraming mga uri, hugis at estilo ng parol. Nandiyang kumikindat-kindat sa pagpapalit-palit ng ilaw, may ga-plato sa liit, ga-saranggola sa laki, may iba namang may belen pangsabit sa gitna.
Panulak? May tinda rin sa tabi-tabi na tsaa, kape at salabat! Simbang gabi rin ang panahon kung kailan ang mga magkasintaha’y lihim na nagkikita, o di kaya’y tuluyan nang nagtatanan ang iba! Bato-bato sa langit, ang tamaa’y ‘wag magalit! Decors. Christmas season din ang panahon kung kailan nagpapalamutian ang ating mga tahanan. Pero bago ‘yan, general cleaning muna, ‘ika nga ni Inay. Tapos ay ilalabas natin ang mga kahong may label na “Christmas Decors.” Milagro! Ang mga chikiting na dati’y walang interes tumulong sa paglilinis at pag-aayos ng bahay ay lahat ngayon nakapalibot sa mahiwagang kahon. Kanya-kanyang sabit ng mga parol – sa bintana, sa pintuan, sa bubong, sa komedor, pati yata sa CR at sa garahe. Kahit anong sulok ng bahay ay nais nating dekurasyunan. Pati nga ang kupas nang parol na gawa pa ni Lolo ay pilit pa ring isasabit. Kung minsan, pati ang leeg ng mga alagang pusa, baboy, at aso ay napapalamutian din! Gaano man kataas o kababa ay importante ang Christmas Tree. Malago man ito o nakakalbo na. Impluwensiya man ng mga Kano ay bahagi pa rin ng ating tradisyon. Cimax pa rin ang paghahanda para sa Pasko ang tulongtulong na pag-aayos ng Christmas tree. Si Itay at si Bulinggit, nag-u-unahan sa pagsabit! Kung mapapadpad ka sa bandang Roxas Boulevard ay kapansin-pansin ang mga for sale na Pinoy Christmas Tree – mga pinatuyong twigs at bark ng puno na pininturahan ng puti, silver, green or red. 48 www.pinoytayosanman.com \ december 2010
Sa bandang Bacoor, Cavite ay tradisyon na ang pagtatayo ng mga ga-higanteng paper mache. Itinatayo ang mga ito sa tapat ng bahay. Nariyan ang mga giantsized Belen, Sta. Claus, reindeer (si Rudolph!) at pati na rin sina Hercules, Superman, sina Malakas at Maganda, at iba pa. Dumako ka naman sa may Ayala sa gitna ng Makati ng mga alas-sais ng gabi, malulula ka sa dami ng Christmas lights na nakasabit sa mga poste. Aguinaldo, atbp. Mula sa maliliit na tiangge hanggang sa dambuhalang mga shopping malls, ay makakabili tayo ng mga aginaldo. Kahit yata ang pinakakuripot nating kaibigan ay mapapabili sa dami at rikit ng mga paninda. Tayo man ay excited sa pamimili. Kahit ano’ng sikip, kahit ano’ng traffic. Ewan ko ba’t mahilig talaga tayo sa last-minute shopping. Samantala, karamihan naman sa ati’y namimili ng mga bagong damit at
ng prutas. Pati na ang impluwensiya ng mga banyaga: ang fruitcake ay hindi nawawala! Hindi na tuloy natin alam ang uunahing sasalakayin sa ating lamesa. Eh, ano ngayon kung pagsabayin ang leche flan at suman?!
sapatos. Para bang hindi matutuloy ang Pasko kung wala ang mga ito? Nung bata pa ako, matapos magshopping sa SM Cubao, tutuloy kami sa C.O.D.! Oo, ang walang kamatayang, maka-ngawit leeg na display sa C.O.D. Pero dahil sa dami ng taong nakatingala, pinapasan na ako ni Itay upang makakita. “Christmas is a time for giving.” Buti na lang at nauso ang Christmas bonus. Kung wala kang pera, sa Christmas cards, okay na. Kung wala talaga, “Give Love on Christmas Day” ka na lang! Pero ang ilang mga ninong at ninang, may ibang drama tuwing Pasko: they don’t show up on Christmas Day! Caroling. Anong sinisigaw sa makukulit na carolers? Eh, di, “Patawad!” Pero minsa’y wala tayong lusot, kasi nagbibigay sila ng donation envelopes. Para daw sa Basketball Association, o sa pagpapagawa ng barangay hall. Anu’t ano pa man, tradisyon ‘yan. Pati na yata ang pag-awit nang wala sa tono – bahagi pa rin ng tradisyon at usong-uso! Noche Buena. Matapos ang Misa de Gallo at matapos tumunog ang kampana bilang hudyat ng Kapaskuhan, humahalik ng kamay ang mga apo. Yakapan, batian ng “Maligayang Pasko!” ipinapahalik ng pari ang santong bagong silang sa mga taong pumipila sa harap ng altar. “Happy Birthday, Jesus,” say nila. Sa wakas, kainan na! Este… Pasko na! Pero tingnan niyo nga naman, ang Noche Buena ang maituturing na best meal for the year. Lahat na yata ng pagkain ay nahahain. Sa Pinoy, hindi mawawala ang mga kakanin tulad ng puto, biko, bibingka, pansit malabon. Pati sopas, hamon, lechon, tsokolate, queso de bola, menudo, adobo, asado, mechado, afritada at iba’t ibang klase
Maligayang Pasko! Sa mismong araw ng Pasko ay umuuwi kami sa Cavite. Kapansin-pansin ang mga pamipamilyang namamasko sa mga bahaybahay. Kapansin-pansin din ang tiyahin kong walang sawang nagbibigay, kahit parang tatlong beses na yatang bumalik ang isang mag-anak. Isa sa mga tradisyon ang paghahagis ng barya. Matanda man o bata ay nag-aagawan, matapakan man ang ating kamay sa pag-aapuhap sa sahig. Tradisyon ring matatawag ang pagpipila: habang nakaupo sa tumba-tumba ang lolo, lola, mga tiyuhin, tiyahin saka pipila ang mga ang mga apo’t pamangkin. Bawa’t isa ay makatatanggap ng pera o regalo mula sa nakaupong matanda. Sa pamilya nami’y pito ang mga tiyahin, kaya’t pitong beses kaming pumipila. Tiyahin pa lang ‘yon! Sa hapon ay umaapaw ang meryenda. Umaapaw din ang mga bisita… kahit hindi kakilala. Ang mga magpi-pinsa’y nagbibilang ng napamaskuhan. Pataasan ng kit, kumbaga. Maya’t maya ay may mga banda ng musiko na lumilibot at nag-aanyayang sumayaw ang lahat. Makukulay na banderitas, lobo at bulaklak ang nakikigalak. Sina lolo’t lola, hindi mapigil sa paggayak! Ganyan ang Pasko sa Pilipinas. Kulang ang espasyo kung kung iisaisahin ang lahat ng ating nakagisnang tradisyon. Hindi nagsisimula’t natatapos sa isang araw lamang. Walang kaparis, walang katumbas. Ang Paskong Pinoy ay hindi nakukulong sa Luzon, Visayas at Mindanao lamang. Saan man kayo naroroon, ipagdiwang ang Pasko nang may kagalakan sa puso… sa ating pusong Pinoy! PTS Maligayang Pasko!
www.pinoytayosanman.com \ december 2010
49
food trip
Ingredients: Coarse salt, 1.3 kg pork rack (6 cutlets), 1.25 kg. baby potatoes 750 g pumpkin chopped coarsely 1 tbsp. olive oil
Procedure: Preheat oven to very hot. Rub salt evenly into rind of pork. Cover bones with foil to prevent burning. Place pork, rind-side up, in large baking dish, bake, uncovered, in very hot oven about 35 minutes or until rind is blistered and browned. Place potatoes and pumpkin in separate baking dish, drizzle with oil. Reduce oven temperature to moderate; bake pork and vegetables uncovered about 40 minutes or until pork is cooked through. Remove pork from dish; cover with foil to keep warm. Increase oven temperature to very hot, bake pumpkin and potatoes for another 15 minute or until browned and tender. Serve pork with vegetables and apple sauce.
50 www.pinoytayosanman.com \ december 2010
50 www.pinoytayosanman.com \ december 2010
50 www.pinoytayosanman.com \ december 2010