VOLUME 4 • ISSUE 01 • JANUARY 2011
7 { Pinoy Tayo Sanman }
FEBRUARY 2009
50 www.pinoytayosanman.com \ december 2010
Tribo PTS
Publisher JVP Marketing & Entertainment Ltd. General Manager Vilma Fernando
24 43
Editor-In-Chief Fernando Rosal Gonzalez Associate Editor (HK) Jun Paragas Art Director Arnold D. Gawad Sales and Marketing Director Jun Paragas
PTS MAGAZINE
VOLUME 4 • ISSUE 01 • JANUARY 2011
8 Tilamsik ng Dila ANO’NG NEW YEAR’S RESOLUTION MO?
Ni Lagalag
10 Usapang Pinansiyal MAG-INVEST NA NGAYON!
Ni Franciso J. Colayco
13 Nobela TINIMBANG KA NGUNIT KULANG TALAGA
Ni Onnie Almeyda
18 Ito Ang Batas ESTAFA BA ANG NAGAWA KO?
Ni Atty. Aga Arellano
22 Journey PRECIOUS REPEATS
Ni Amor Gonzalez Damaso
46
Circulation Coordinator Bernadeth C. Samonte Marigrace P. Medina Jeric Paragas Columnists Onnie Almeyda, Atty. Antonio ‘Aga’ Arellano, Francisco J. Colayco, Dr. Sonny Viloria, Janet Lagundino and Amor Gonzalez-Damaso
24 Cover Story HITTING THE RIGHT TARGET IN HER LIFE The Paulita Villanueva Story
Contributors (This Issue): Benito Tatlonghari, Ka Dune and Lagalag
Ni Onnie Almeyda
30 Lovingly Yours, Tita Kerry WALANG MAS, WALANG MENOS, PANTAY-PANTAY ANG TINGIN KO SA INYO, MGA ANAK 34 Movie Review RPG: METANOIA Metro Manila Filmfest Gem
Ni PTS Manunuri
PTS MAG is published by JVP Marketing & Entertainment Ltd. with office address at Shop 367, 3/F, Worldwide Plaza 19 Des Voeux Road, Central Hong Kong. All Rights Reserved. No part of this magazine may be reproduced in any manner without the permission of the publisher. Opinions expressed in this magazine are the writers’ and not necessarily endorsed by the publisher.
44 Gawad PTS Selection of the Month NASA ATING SARILI
36 Maikling Kuwento ALAMAT NG 7,000 ISLA
40 Pinoy Feature PINOYS WELCOME THE NEW YEAR
Ni Benito Tatlonghari
Ni Jo Añonuevo
46 Food Trip BARBECUE PORK NOODLES Ni Janet Lagundino
22
43 Usapang Pangkalusugan PAGPAPABABA NG TIMBANG SA NATURAL NA TIMBANG
Ni Rosana Brazil
Ni Dr. Sonny Viloria
PINOY TAYO SANMAN
50 www.pinoytayosanman.com \ december 2010
editor’s note
Marahil para sa ilan sa atin, ang nakaraang taon ay isang ‘forgettable’ year, kung saan maraming mga pagsubok, pagkabigo, at dalamhati ang nangyari. Those events may not be ‘epic’ in proportion like the Ondoy catastrophe of two years ago, but personally for us, those events caused inconvenience, struggles, and yes, pain. Maaaring may mahal tayo sa buhay na tinamaan ng malubhang karamdaman, o di kaya’y natanggal tayo sa ating trabaho. Puwede rin namang nabigo tayo sa pag-ibig o nalugmok sa utang. Mga bagay na kung puwede lang, ay ibaon na natin sa limot o di kaya’y ikunsiderang masamang panaginip at ngayon nga ay gising na tayo. Narinig niyo na ba ang kasabihang ‘get a new lease on life?’ Di ba’t minsan, kapag naglalakad tayo o nagpupunta tayo sa mga commercial centers, nagkalat madalas ang mga signs sa mga vacated lots or buildings at may nakasabit duon na ‘FOR LEASE’? Maaari kasing bago ang lugar o kuwarto at naghahanap ng mangungupahan. Maaari ring umalis na ang dating nangungupahan at ngayo’y bakante na muli ang mga ito. Sometimes we feel that way. Maaaring gusto nating subukan ang pagbabago; kung tayo halimbawa’y napagaling mula sa banig ng karamdaman, gugustuhin nating pag-ibayuhin pa ang ating buhay – dahil nga, we’ve been given ‘a new lease on life.’ Ngayong bagong taon, marami tayong mga mithiin at pangarap na muli’y pipilitin nating maabot, o masilayan man lamang. Ang dalangin ko, bigyan tayo ng ating Panginoon ng lakas at katalinuhan para ating magampanan ang ating papel bilang instrumento na maging pagpapala hindi lamang sa ating pamilya kundi sa iba pa nating kapwa. ISANG MAPAGPALANG TAON PARA SA ATING LAHAT!
Don R. Gonzalez Editor-in-Chief 6
www.pinoytayosanman.com \ january 2011
tilamsik ng diwa
ANO’NG NEW YEAR’S Pagbati ko’y HAPPY NEW YEAR sa lahat ng kababayan Dalangin po ni Lagalag, lahat tayo’y patnubayan Maganda man o masama ang taon na nakaraan Ngayo’y ating haharapin bagong taon sa ating buhay. Marami ang pagbabago na gusto mong umpisahan Mga maling nagawa mo sa panahon na nagdaan Iyo ngayong itutuwid at hindi na tutularan My New Year’s resolution gusto mong maging gabay. Marami kang babaguhin sa ugali at pananaw Marami kang ninanais na gusto mo ring makamtan Marami kang pinangarap sa pamilya at sa bayan Ang mundo mo’y nais mo ring mabago kung kaya lang. Marami ang nagsasabi di na ako magtatamad Gagawin ko na ang mga bagay upang ito ay matupad Sa diskarteng ginagawa na para bang anong kupad Ngayong bagong taon sigurado nang uusad. Ang iba ay pinupuna ang korte ng katawan Kung mataba ay nais nang bawasan ang katakawan Para naman sa bagong taon ay gumaan itong timbang At nang siya’y maging sexy, sisipulan pag dumaan. Meron namang anong payat, parang patpat ng kawayan Kaya naman magdaragdag ng timbang at katabaan Baka siya’y pagkamalan na bangkay na nabuhay At baka siya ipagpalit ng kanyang kasintahan. Meron naman na lalaki dumadami na nga ngayon Sa katawan body conscious kailangan pag-ingatan Mayrong pa ngang pumupunta, kay Vicky Belo at Calayan Gumagastos ng malaki para lamang masiyahan. Meron ding ang nais na mabago ay sistema Sana nga sa 2011 ay magkaroon na ng pag-asa Kaya naman ang dalangin sa Maykapal mabago na Ang New Year’s resolution, tuloy ang pakikibaka.
8
www.pinoytayosanman.com \ january 2011
RESOLUTION MO? Dalangin po ni Lagalag ngayong 2011 na Mabago ang kalakaran sa gobyerno’t pulitika Maalis na ang korupsyon na lubha pong lumala pa Dahil sila ang nakaupo at noon ay nagpasasa. Sana naman ang matuwid na daan ng pagbabago Ay makamtan ng bayan kong matagal nang naloloko Sana naman ay sinsero sa pangako ang Pangulo Huwag siyang magpadala sa sulsol at panloloko. Maalis na po sana at baguhin ng Maykapal Ang namumunong ang nais ay magkamal lamang Nakaw dito, nakaw doon, kamag-anak ang kakapal At hindi na alintana paghihirap nitong bayan. Sana naman magkaroon ang lahat ng pulitiko Ng kanilang New Year’s resolution habang sila’y naka-upo Maging honest sana sila at tuparin ang pangako Huwag sanang puro satsat at ang lahat ay ipako. Tayong mga mamamayan, magkaroon din ng pagbabago Gawin natin ang marapat, mga batas ay tupdin mo Hindi lahat po ng bagay pinupuna at kritiko Ganong wala kang solusyon para ito ay mabago. Ano man ang nais natin ngayong bago na ang taon Ang gusto mo at nais mo, sana nga ay magawa mo Ngunit higit na mahalaga, sarili ang binabago Bago mo baguhin ang iba, ikaw muna, simulan mo. Ang mundo mo’y magbabago kapag ikaw ang nauna Ang bayan mo ay uunlad kapag hindi naka-asa Ang negatibong pananaw, iwaksi mo sa tuwina Bigyan mo ng positibo upang magkaroon ng pag-asa. Ang New Year’s Resolution mo ay dapat mo nang tuparin Upang itong Bagong Taon ay bago rin ang hangarin Ang paglapit sa Maykapal at ang lahat ng dalangin Ay Kaniyang pakikinggan at Kaniya kang diringgin. Happy New Year po sa lahat kayo’y aming minamahal At salamat ng marami sa tulong at pagdarasal Ang suporta po ninyo sa PTS ang naging daan Upang kami hanggang ngayon ay inyo pong kaulayaw!
www.pinoytayosanman.com \ january 2011
9
usapang pinansiyal
MAGNA NGAYON!
KASAMA ang buong CFE team, binabati ko kayo at ang inyong mga mahal sa buhay ng isang Masaganang Bagong Taon! Bago tayo magpatuloy sa ating Serye, dahil sa bago ang taon, magandang talakayin ang kalagayan ng ating ekonomiya, at kung ano ba ang dapat nating gawin para sa 2011. Napakahalaga ng Kaalaman sa Pagiinvest Sa mga nakaraang taon, walang tigil naming ipinangangaral na obligasyon natin na magpalago ng yaman. Sa tulong ng ating umuunlad na ekonomiya, at ng inaasahang patuloy na paglago sa susunod pang tatlo hanggang limang taon, dapat lamang na pagtuonan ng pansin ang kaalaman sa pag-iinvest. Ngayon lamang tayo dumanas ng ganito kagandang ekspektasyon sa kinabukasan ng ating ekonomiya. Kung may regular kang income, pero hindi ka mag-iinvest sa ating capital markets sa susunod na limang taon, maaaring pagsisihan mo ito habang buhay. Kung dati mo nang naisip maghanda para sa iyong kinabukasan, 10 www.pinoytayosanman.com \ january 2011
maaaring may savings ka na ngayon. Pero gaya ng lagi naming sinasabi, ang pagkakaroon ng income at savings ay mga pangunahing kundisyon lamang – at hindi garantiya – upang makamit ang pinansiyal na kalayaan. Ang maingat at tamang pag-iinvest ang siyang makakatulong upang makamit ang kalayaang pinansiyal. Napakagandang Pagkakataon para sa atin! Bilang isa sa mga umuunlad na bansa sa Asya, ang Pilipinas ay may napakalaking pagkakataon na makinabang sa pag-ahon ng pandaigdigang ekonomiya. Sa loob ng isang dekada, ngayon lamang naging ganito ka-taas ang tiwala sa mga negosyo at investments sa ating bansa. Sa katunayan, nang maglabas ang gobyerno ng US$ 1B bonds na nakatalaga sa Piso (Peso denominated bonds), ang dumagsang pera ay higit ng 13 beses kaysa sa US$ 1B na halaga ng mga nasabing bonds. Dahil dito, parang naging international currency na ang Piso. Tumataas din ang halaga ng OFW remittances at exports habang lumalakas ang Piso. Sa huling quarter ng 2010, ang ating Gross International Reserves ay
lumampas na sa US$ 50B, higit pa ito sa halaga ng siyam na buwan na imports natin mula sa ibang bansa. Bagama’t medyo napapahina nito ang export sector at mga OFWs na nakikinabang sa mas mahinang Piso, napapagaan naman nito ang pagbayad sa ating mga utang na kasalukuyang nasa US$ 50B rin. Kung pag-uusapan ang pandaigdigang ekonomiya, kapansinpansin ang krisis sa North America at Europa, kaya naman mas kaakit-akit ang mga negosyo at investments sa Asya. Kung pagbabasehan ang historical bull market period sa loob ng lima hanggang pitong taon, maaaring ang 2009 – 2014 (o hanggang 2016) ay isang pagkakataong hindi natin dapat palampasin. Sa nakaraang limang taon, ang Mutual Fund industry sa ating bansa ay nagkamit ng 15-27% na kita (o annual cumulative rate of return) sa Equity Funds; 13-19% sa mga Balanced Funds, at 6-10% sa Bond Funds. Ang mga ito ay higit sa inflation nang dalawa hanggang siyam na beses! Ang maganda pa rito, basta’t walang malaki at hindi inaasahang kaguluhan sa mundo at sa ating bansa, inaasahang magpapatuloy ang pag-unlad hanggang sa susunod na tatlo hanggang limang taon. Maganda rin ang ipinapakitang performance ng real estate industry natin. Katangi-tangi ang oportunidad ng pag-iinvest sa mga abot-kayang pabahay, pati na rin sa high-end na residential at commercial units. Pero hindi tulad ng pag-iinvest sa mutual funds, mas personal ang pag-iinvest sa real estate kaya’t ikaw mismo ang may pananagutan sa resulta ng iyong investment. Bukod sa mas malaking kapital, kailangan rin ng mas masinsinang pag-aaral sa lokasyon, kalidad ng unit, reputasyon ng developer, mga isyu ukol sa titulo at liquidity (o ang potensyal ng iyong real estate na magdulot agad ng cash sa panahong
kailangan mo ito). Sa tulong ng tuluytuloy na pagdating ng kita, at ng tamang paggamit ng leverage, maaaring maging magandang investment ang real estate.
Ang Hamon Ano ang pwede nating gawin upang makinabang sa mga oportunidad na ito? Magsimula tayo sa pinaka-basic. Alamin ang iyong kasalukuyang net worth at regular cash flow. Saka mo kalkulahin ang halagang maaari mong i-invest. Alamin din kung magkano ang karagdagang funds na pwede mong malikom kapag ibinenta ang mga pagaari na hindi kumikita (non-earning assets). Bigyang pansin ang iyong mga pag-aari na nababawasan ang halaga habang tumatagal (o depreciating assets) pero hindi naman nakakadagdag sa iyong kita. Magtalaga ng mga halagang kailangan mong makamit sa mga espesipikong panahon sa hinaharap. Bigyang halaga ang iyong pinansiyal na kinabukasan sa pamamagitan ng pagsusumikap na makamit nga ang mga target na iyon. Pag-isipan ang iyong kalagayan sa buhay, at punain kung rasonable ang plano na ginawa mo. Kung kinakailangan, baguhin ang halagang nais mong makamit, ang timeframe, o ang halagang i-iinvest mo. Siguruhin na talagang pwedeng isagawa ang iyong plano, at hindi hanggang pangarap lamang.
www.pinoytayosanman.com \ january 2011
11
Ang totoong hamon dito ay ang pagpili ng uri ng investment na pinakaangkop sa iyong uri ng pamumuhay. Ang mga investments na gaya ng Mutual Funds o Unit Investment Trust Funds (UITFs) ay ilan sa mga magagandang solusyon para sa mga karaniwang empleyado. Kung magtayo ng sariling business? Manatiling empleyado habang regular na nag-iinvest? Kung gawin na lang kaya lahat? Maraming paraan para magsimula. Gamitin ang iyong oras at pera sa paraang makabuluhan sa iyo. Maglaan ng panahon sa pag-busisi sa iyong mga options. Kung kailangan, huwag mag-atubiling kumonsulta sa mga eksperto. At kapag tapos na ang pag-iisip, isulat na ang iyong personal na plano sa pag-iinvest... at kumilos agad! Eto na ang 2011... ano pa ang mas magandang pagkakaton na mag-invest kung hindi ngayon? PTS Tumawag sa 6373731-41 o bumisita sa www.colaycofoundation.com para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga pagkakatong mag-invest, at mga seminar na gaganapin sa Enero 2011.
Join na kayo!
WITH
9,123 plus M E M B E R S
OFFICIAL FACEBOOK ACCOUNT
http://www.metroradio.com.hk/1044 O F F I C I A L
W E B S I T E
Pinoy Tayo Sanman is the longest running Pinoy radio program in Hong Kong. Radio DJ’s Michael Vincent & Tita Kerry has been a tandem for 21 years and added DJ The Big J to their energetic crew. Thurs - Sat 8:30pm - 11:00pm
FRANCISCO J. COLAYCO is an entrepreneur, a venture developer and financial advisor. He has over 40 years of experience that covers service contracting in the Middle East, manufacturing, trading, construction, shipbuilding, management consulting, banking and financial services. He is the Chairman of the Colayco Foundation for Education (CFE), publisher of the personal finance bestsellers: Wealth Within Your Reach (2004 National Book Award for Business and Economics), Making Your Money Work (Nominated in 2005, National Book Awards Business and Economics), Pera Palaguin Workbook and Money for Kids. The books are available at National Bookstore, Powerbooks or directly from CFE. CFE is also the producer of the PISObilities DVD series, which is available at major audio-video stores nationwide. CFE also conducts talks, seminars, and workshoPhp. One of them is “Managing Personal Finances For The Future” a public seminar developed in partnership with the Ateneo Graduate School of Business, Center for Continuing Education. For registration and inquiries, please call Marleth Calanog at 830-2050. Learn more about the advocacy at www.colaycofoundation.com through email info@ colaycofoundation.com SMS +63917-8537333 or call (632)637-3741.
12 www.pinoytayosanman.com \ january 2011
nobela 1
A K G N A TINIMB ULANG K T I N U NG a
Ni Onnie Almeyda
g a l a T
IKALABING-TATLONG KABANATA
Singapore Here I Come SANDALING nakalimutan ni Luningning ang kanyang mga problema nang makalapag ang eroplano sa destinasyon. Ang kapatid ni Inno na si Mrs. Kong Kang ang sumalubong sa kanila. Ipinagtaka pa ni Luningning kung bakit tinatawag
ito ni Inno na ditse gayung higit siyang matandang tingnan. “Forty six na ako,� si Mrs. Kong Kang. Ipinalagay agad ni Luningning na mukhang marami siyang matutunan sa bago niyang amo. Sikreto daw kasi nito ang hindi mag-isip ng kung anuano. Bagkus ay hinahayaan daw nito na problema ang mamroblema sa kanya. Maaliwalas nga naman ang mukha ni Mrs. Kong Kang.
Ang Nakaraan: First death anniversary ng Daddy ni Rodel at naruon si Cynthia na umiepal. Isinama rin ni Luningning si Inno. Nagkainitan sina Cynthia at Inno ganuon din sina Rodel at Luningning. Nagkampi-kampihan hanggang mag-walk out si Luningning. Lumala ang kanilang awayan na nauwi sa hiwalayan. Nagpunta si Luningning sa kanyang mga magulang kasama si Sunshine. Masakit sa loob niya ang binabalak na pagtatrabaho sa Singapore pero ito ang naisip niyang paraan para makalimot.
www.pinoytayosanman.com \ january 2011
13
Pagdating sa magarang condominium ay agad na ipinakilala ni Mrs. Kong Kang si Luningning sa kanyang asawa at sa dalawang anak na mga binata at dalaga na. Ipinaki-usap naman ni Inno na kung pwede ay makasama muna niya si Luningning sa pamamasyal. Maging sa pamamasyal ay magkahalong saya at manaka-nakang pagkamangha sa mga bago sa kanyang paningin ang nararamdaman ni Luningning. Hanggang sa dumating na ang takdang araw ng pag-alis ni Inno para bumalik ng Pilipinas. “Bakit hindi ka na lang dito magtrabaho sa ate mo para magkasama tayo?” pigil ni Luningning kay Inno. “Naku e sa tono ng salita mo e parang gusto mo nang magdalawangisip. Sige subukan mong umiyak at nang makuha mo ang matagal mo ng hinahanap na bruha ka. Magdesisyon ka na hanggang maaga.” Mabahang paliwanagan, kumbinsihan at pangaral pa ang naganap bago umalis si Inno. Wala lang talagang ibang maidahilan si Luningning para magbago pa ng isip dahil mababait naman ang mga makakatrabaho niya sa restaurant. Mukhang wala din naman siyang magiging problema sa pamilyang Kong Kang. Sa lahat ng empleyado ng restaurant ay bukod tanging si Luningning lamang ang nakatira sa bahay ng kanilang amo. Medyo espesyal ang tingin sa kanya dahil na rin sa tagubilin ni Inno sa kanyang kapatid. Kinalaunan ay napansin pa ni Luningning ang mga diskarte ni Mrs. Kong Kang sa buhay. Hindi sumasablay ang komunikasyon nila ng asawa nitong si Mr. Kong Kang. Hindi basta gumagawa at nagdidesisyon si Mrs. Kong Kang hangga’t hindi sila nagkaka-usap na magasawa. Marunong ding magdisiplina ang babae sa mga anak nito. Ang salitang hindi pwede ay mahirap baliin kahit na mangulit ang mga anak nito tungkol sa maseselang bagay lalo na kapag mga walang katuturang luho. Alam din ni Mrs. 14 www.pinoytayosanman.com \ january 2011
Kong Kang kung kailan siya didistansya sa kanyang asawa sa mga personal na bagay katulad ng mga lakad nito. Magkasabay na binubuno ni Luningning ang trabaho at lungkot ng mga sumunod na araw. Hindi maiwasang pumalpak siya sa ilang mga gawain. “Luningning dali! Magsaing ka ng panibago. Hilaw ang pagkaluto mo,” tarantang utos ng Chief Cook na babae din. “Akala ko ba e half cook lang kamo dapat?” “Ang mga gulay at ibang isda. Walang gaganahang kumain ng kanin kapag kumakalansing sa plato. Hello!?” Walang naging problema si Luningning sa kanyang mga kasamahan sa trabaho. Mababait ang mga ito at palakaibigan. Paminsan-minsan sumisilip din siya sa dining area ng restaurant. Kahit paano’y natutuwa siyang nakikita ang mga Pilipinong waring sabik na makakain ng mga lutong Pinoy. Ngunit isang tanawin ang nagpahina sa kanya. May tila isang middle-age na babae at lalake na nag-dine in. May kasama silang batang babae na kasing edad ni Sunshine at halos kasing taba din. Sa kanilang mga kilos ay masasabing isa silang pamilya. Nang mag-break time si Luningning ay iniyakan niya sa Rest Room ang nakita sa dining area ng restaurant. Palabas na siya ay papasok naman si Mrs. Kong Kang. Nagngitian sila ngunit hindi na pinuna ng huli ang pamumula ng mga mata ni Luningning. Alas-nueve ng gabi ang tapos ng trabaho ni Luningning at nilalakad lamang niya ng mga dalawampung minuto ang pag-uwi. Nag-good evening pa siya kay Mr. Kong Kang at sa kasama nitong magandang babae nang magkasalubong sila sa lobby ng condominium. Hanggang 30th floor ang taas ng condo. Si Mrs. Kong Kang ang nagbukas kay Luningning ng pintuan nang marating niya ang unit sa 7th floor.
“Nakita ko ho sina Mr. Kong Kang paalis.” “A ganun ba?” nakangiti pang tugon sa kanya ni Mrs. Kong Kang. Naghahanap ng kung ano mang reaksyon si Luningning sa mukha ng among babae. Bigo siya dahil binalikan nito ang panunuod sa TV habang naglalagay ng mudpack sa mukha nang nakatayo. “May kasama ho siyang babae...” Wala pa ring reaksyon si Mrs. Kong Kang na tuon ang pansin sa pinapanuod na Desperate Housewives. “Maganda ho...” “A si Mrs. Kin Tsai ‘yun. Sinundo nga dito si Sir mo at may imi-meet daw silang contractor.” Ni hindi man lang siya tiningnan ni Mrs. Kong Kang. Hindi tuloy nito nakita ang pagtataka sa mukha ni Luningning na hindi malaman kung hahangaan niya ang amo sa laki ng tiwala nito sa asawang Singaporean. Hindi niya maiwasang ihalintulad ang pagtratong ginawa niya kay Rodel. Hindi siya kumporme sa pagiging maluwag ni Mrs. Kong Kang sa asawa nito. Sobra naman iyon kung baga. Ang lalake ay lalake at mananatiling lalake sa lahat ng pagkakataon. “Hindi ba day off mo bukas? Gusto mong sumama sa amin?” si Mrs. Kong Kang.
Kasama si Luningning ng maganak nang mamasyal sila sa isang napakagandang park kinabukasan – sa The Kranji War Memorial. Ito ang lugar na nagbibigay pugay sa mga Singaporeans na nag-alay ng kanilang buhay nuong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa labindalawang column ay naka-inscribed ang mga pangalan ng dalawampu’t apat na libong mga labi na hindi na natagpuan pa. Napag-alaman din ni Luningning mula kay Mrs. Kong Kang na apo ang kanyang asawa ng isang militar na kasamang nasawi sa digmaan. Hindi maiwasang maikumpara ni Luningning si Mr. Kong Kang kay Rodel. Hindi naman kasi ganuon ka-estrikto ang Singaporean kung ikukumpara ito kay Rodel gayung pareho lang na militar ang lolo at Daddy nila. Sa kalagitnaan ng kanilang pamamasyal ay medyo napahiwalay sina Luningning at Mrs. Kong Kang sa mag-aama. Kaswal silang nagkwentuhan habang marahang lumalakad kasunod ng mag-aama ni Mrs. Kong Kang. “Alam mo ba na kaya nagustuhan ko na rin ang manirahan dito sa Singapore kasi parang nasa Pilipinas na rin ako. Ang mga kultura dito ay nagmula din sa mga Chinese, Malay, Indian at Eurasians. ‘Yun nga lang mas mahigpit dito ang batas,” Si Mrs. Kong Kang. Lalong nadagdagan ang paghanga ni Luningning sa among Pinay. Mukhang marami talaga itong alam sa buhay. Maipagmamalaki siya ng kanyang asawa. “Katulad ng pagsisigarilyo. Pag sinabing bawal ay talagang bawal at kung lalabag ka ay makukulong ka at magbabayad ka pa ng malaking halaga,” patuloy ni Mrs. Kong Kang. May gustong i-segue na tanong si Luningning ngunit hindi siya makatyempo kung paano ito ipapasok sa kausap. Habang nagkukwento naman si Mrs. Kong Kang ay lalo siyang namamangha dito hanggang pakiramdam niya’y tila naiinggit na siya dahil sa ganda ng disposisyon nito sa buhay. Huwag lang walang maisagot ay nagbato siya ng www.pinoytayosanman.com \ january 2011
15
tanong na kahit papaano ay may sense din naman. “Pero hindi mo ba nami-miss ang Pilipinas?” “Nasa Pilipinas pa rin ang puso ko pero minahal ko na ang bansa ng asawa ko. Saka halos wala din namang pagkakaiba. Warm and humid ang climate dito all year round.” “Pero parang mas moderno dito.” “A oo. Kasi nga dahil sa disiplina. Pero six hundred eighty two square kilometers lang ito at last count kung ikukumpara mo sa Pilipinas. Pero alam mo ba na lumalaki ang lupa ng Singapore? Kasi may on-going land reclamation. Isa ito sa iilang island state sa buong mundo na lumalaki sa halip na lumiit dahil na rin sa global changing of climate.” Gustong mapanganga ni Luningning. Sumagad ang kanyang paghanga kay Mrs. Kong Kang. Very informative kasi ito. Hindi tuloy niya naiwasan na sarili naman niya ang ikumpara kay Mrs. Kong Kang. Kung kasing talino kaya siya nito naging iba kaya ang pagtingin sa kanya ni Rodel?’ Sa Casa Roma Ristorante sa Bukit Timah Road nila napagkasunduang mananghalian pagkatapos ng pamamasyal. Katulad din sa Pilipinas ay sa isang abalang kalsada din ito matatagpuan. Si Mrs. Kong Kang na ang kusang nagpaliwanag nang pahapyaw kay Luningning kung bakit ganuon na lamang ang gana ng kanyang mag-aama sa pagkain ng pizza pie.
kaugaliang Pilipino.” May pagmamalaki ang himig ni Mrs. Kong Kang. Nasa aura nga nito na tila wala na’ng mahihiling pa buhay may asawa. Masaya siya sa kanyang paglilitanya. Mula sa kanyang kabataan sa Pilipinas hanggang sa kasalukuyan na maligaya siyang namumuhay na may dalawang mababait na mga anak. Pangiti-ngiti lamang ang mag-aama habang kumakain ng pizza pie. Inilalapit pa nga ni Mr. Kong Kang ang tray ng pizza kay Luningning tanda ng pag-aalok. Ang hindi niya alam ay nakapaglagay na sa bulsa ang segurista. “Siyempre may mga tampuhan din kami pero hindi namin tinutulugan iyon nang hindi namin naaayos. At kung sino man ang mali sa amin, tinatanggap agad namin. Wala sa amin ang pride pride na yan. Naku! ‘Yan kasi ang nagpapasira sa relasyon e,” pagpapatuloy ni Mrs. Kong Kang. Tila hinila ng Diyos si Luningning papuntang Singapore para marinig ang mga payo na hindi naman niya hinihingi pero natumbok ang mga kailangan niyang maintindihan. “Pag may ayaw ako sinasabi ko at ganu’n din sa akin ang Sir mo. Kasi pag inipon mo ‘yan sa sarili mo dadami at pag napuno sasabog,” dagdag pa ng immigrant na Pinay. Sinasala ni Luningning ang bawat sabihin ng amo niyang babae. Hindi nga naman nila nagawa ni Rodel ang mga simpleng bagay na dapat ay ginawa nila nang hindi na kinakailangan ng payo.
“Ginataang kalabasa? Kumakain siya nuon?”
Kinagabihan ay nasa balkonahe ng condominium si Luningning. Sa dalawang linggong pananatili niya sa Singapore ay kinagawian na niyang magpalipas ng ilang minuto rito bago matulog. May lungkot sa kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang mga kumukutikutitap na mga ilaw ng mga establisyamento na nasa di kalayuan.
“Oo naman. Kahit nuong nanliligaw pa lamang siya sa akin nuong empleyada pa lamang ako sa isang airfright company dito ipinakilala ko na siya sa mga
Napalingon siya nang buksan ni Mrs. Kong Kang ang sliding door na salamin. Nakapantulog na rin ito. May itinuro pa siyang pinakamaliwanag na
“O di ba para ding Pinoy? Mga pastapasta din ang weakness nila. Pero si Sir mo ginataang kalabasa ang paborito... lalo na kung lalagyan mo ng hipon.”
16 www.pinoytayosanman.com \ january 2011
ilaw kay Luningning bago buwelo ng isang sensitibong usapan. “Gusto mo na bang bumalik ng Pilipinas?” Nagulat si Luningning sa tanong ng kanyang amo. Agad niyang naisip na hindi nito nagustuhan ang kanyang serbisyo. O kaya naman ay ayaw nito na may kasama na maraming problema na dala-dala. “Hanga ako sa iyo Luningning. Matapang ka. Bihira ang babaeng katulad mo na kayang gumawa ng malalaking desisyon.” Nangangapa pa rin ang isip ni Luningning ngunit hinayaan niyang matapos kung ano man ang gusto pang sabihin sa kanya ni Mrs. Kong Kang. “Nakikita kong pagod ka na. Pero kung mahal mo ang asawa mo ipaglaban mo siya. Walang sinabi sa akin ang kapatid kong si Inno tungkol sa personal mong buhay. Pero kitang-kita ko at alam ko ang pinagdadaanan mo.” Napayuko si Luningning at tahimik na umiyak habang hinihimas-himas ng kaliwang kamay ang kanang braso. Umiiling-iling ito. “Hindi takbuhan ng mga sawi sa pag-ibig ang pagtatrabaho sa ibang bansa. Ang mga OFW’s ay nagtatrabaho para sa ibang kadahilanan. Kapag hindi mo ginawa ang sinasabi ko sa iyo ay baka tuluyan nang mawala sa ‘yo ang asawa mo at ‘yan ang pagsisisihan mo habang buhay.” Si Mrs. Kong Kang pa ang bumili ng ticket ni Luningning pabalik sa Pilipinas pagkaraan ng dalawang araw. Ito rin ang naghatid sa kanya sa Changi Airport. Hindi malaman ni Luningning kung paano siya magpapasalamat sa kabaitang ipinakita sa kanya ng kanyang naging amo.
Singaporean dollars. Mga luha at yakap ng pasasalamat ang tanging naiganti sa kanya ni Luningning nang makita ang laman ng envelope. Hindi na siya nagtataka ngayon kung bakit lahat ng mga empleyado nila ay kuntento at masasaya sa kanilang paninilbihan sa mga ito. Parang gusto pang mauna ni Luningning sa sinasakyang eroplano. Gustong-gusto na niyang mayakap si Sunshine. Gustong-gusto na rin niyang makita si Rodel. Ang ipinag-aalala lamang niya ay baka nasa kandungan na ito ng Anaconda. “Waitress!” tawag niya sa flight stewardess na Singaporean. “Do you have cornick?” “No, Ma’am but we have chocolates. Just a moment.” Kaway dito kaway duon ang ginagawa ni Luningning habang bumababa sa hagdanan ng eroplano. Bongga naman kasi ang sinakyan niyang Singapore Airlines. Pinamamahalaan ito ng Civil Aviation Authority of Singapore at home base ito ng Singapore Airlines, Cargo, Silk Air, Tiger Airways, Valuair at Jett 8 Airlines Cargo. Sa kabuuan ay nakatanggap na ito ng two hundred eighty awards for service of excellence. Kung kanino man kumakaway si Luningning nang bumababa na sa eroplano ay walang nakakaalam dahil biglaan at lihim naman ang kanyang paguwi. Maumbok ang magkabilang bulsa ng kanyang polo/blouse. Siempre alam ng flight stewardess kung ano ang kanyang ginawa sa mga chocolates at iba pang mga amenities sa eroplano. ITUTULOY
“Pareho tayong babae. Best friend ka ng kapatid ko. Pinay ka. Pinay ako. Kaya huwag kang magtaka kung bakit ko ginagawa ito,” nakangiting paliwanag ni Mrs. Kong Kang sabay iniabot sa palad ni Luningning ang naka-envelope na www.pinoytayosanman.com \ january 2011
17
usapang legal Kung gusto ninyo mag-text kay Atty. AGA, magpunta lang kayo sa 1528 SMART at sasabihin sa inyo kung papaano kayo magtext sa akin at maski nasaan ako, matatanggap ko po ang inyong mga text messages
Dear Atty. AGA, Ako po si Minda. Ang asawa ko po ay isang negosyante at may supplier po siya sa ‘Pinas ng paninda na siya namang itinitinda ng asawa ko sa aking grocery store. Nag-issue po ng tseke ang asawa ko para sa mga panindang na-deliver niya sa kanya. Alam ng supplier na ang tseke ay mapopondohan lamang sa itinakdang araw. Ito po kasi ay post-dated check. Gayunpaman, dahil sa kagipitan ng mister ko ay hindi niya napondohan ng sapat ang tseke nang ito ay ideposito na ng supplier. Dahil dito, ang tseke ay tumalbog dahil sa kulang ang pondo sa bangko. Pinadalhan ang mister ko ng supplier ng notice of dishonor at kinabukasan pagkatanggap ko nito ay pumunta agad ang asawa ko sa supplier at nag-issue siya ng panibagong tseke. Ang panibagong tseke ay kaniya namang tinanggap at ibinalik sa mister ko ang unang tseke. Nabigla na lamang ang mister ko nang mabalitaan niya na kakasuhan daw siya ng supplier ng Estafa sa dahilang walang sapat na pondo ang una niyang tseke kung kaya’t siya daw ay niloko ng mister ko. Maaari po bang kasuhan ng Estafa ang mister ko? May nagawa po ba talagang panloloko ang asawa ko kahit na napalitan niya na ang unang tseke? Hihintayin ko po ang kasagutan ninyo sa inyong kolum sa PTS. Lubos na gumagalang, Minda
18 www.pinoytayosanman.com \ january 2011
Kung sakaling kasuhan ang mister mo ng kanyang supplier ng Estafa, ay malaki ang posibilidad na ma-dismiss ito. Ang mga elemento ng Estafa ay ang mga sumusunod: (1) dapat na nag-issue ng post-dated check o nag-issue ng tseke ang drawer bilang kabayaran sa obligasyon na contracted at the time of the post-dating or issuance, (2) sa panahon ng postdating or issuance ng tseke, ang offender ay walang pondo sa bangko o ang perang naka-deposito sa bangko ay hindi sapat para i-cover ang amount ng tseke, (3) the payee has been defrauded o niloko. Ang damage at deceit are essential elements of the offense and must be established with satisfactory proof to warrant conviction, while the false or pretense must be committed prior to, or simultaneous with, the issuance of the bad check. Ang drawer ng tseke ay binibigyan ng batas ayon sa Article 315 2(d) ng ating Kodigo Penal ng tatlong (3) araw mula sa pagkatanggap ng notice of dishonor para pondohan ang tseke, otherwise, a prima facie presumption of deceit o ng panloloko arises. Sa sitwasyon ng mister mo, mahihirapan ang supplier na i-establish ang panloloko, sapagkat una sa lahat alam niya na ang tseke ay post-dated at mapopondahan lamang sa maturity date. Bukod pa dito, nang tanggapin ng supplier ang panibagong tseke bilang kapalit o replacement ng naunang tseke, kinabukasan lamang pagkatanggap ng notice of dishonor o sa loob ng tatlong (3) araw na isinasaad ng batas para ayusin,
makipag-ayos o pondohan ang tseke, ang prima facie presumption of deceit ay hindi na maaaring gamitin laban sa mister mo. Ang ibig sabihin nito, hindi ka na liable sa first check na nai-issue mo. Wala na din silang magagamit na ebidensya para sa unang tseke sapagkat ito ay ibinalik na sa asawa mo. Ayon sa interpretasyon ng batas, walang panloloko na nagawa. Ang obligasyon ng asawa mo ngayon para sa mga nakuhang goods ay covered ng pangalawang tseke. Ganito rin ang sinabi ng ating Korte Suprema sa People of the Philippines vs. Lea Sagan Juliano, G.R. No.134120 (January 17, 2005). Kung kayo ay may mga bagay na nais malaman o problemang nais na idulog, maaari kayong sumulat sa shop ni Tita Kerry sa Shop 367, 3/F Worldwide Plaza, 19 Des Voeux Road Central Hong Kong tel # 2542 3396, Attention: ATTY. AGA. Pwede rin ninyo akong pakinggan sa PTS, 1044AM Metro Plus tuwing Byernes nang gabi at ngayon, pwede na kayong manood sa ating radio program sa Pilipinas, arawaraw 4:00- 6:00pm via www.rmnnews. com/tv o mag-text sa akin, magpunta lang kayo sa 1528 SMART at sasabihin sa inyo kung papaano kayo magtext sa akin at maski nasaan ako, matatanggap ko po ang inyong mga text messages. Pwede ring mag-email sa agalaw@pldtdsl.net Lagi po nating tandaan, ITAGUYOD NATIN ANG LAKAS NG ATING BATAS SA PILIPINAS! PTS
I-TEXT MO AT SASAGUTIN NI ATTY. AGA
1. Gud pm po sir, pcnsya po @ nyt time txt q xa nyo, flora po nem q my ask lng po m sir.kc po single mother po ako ang tatay ng anak q sundlo ho. pwde po b m mg dmand ng allotment x knya sir @ pwde po b n class a ung fle q?, bnta x nung my anak kmi nw d q n po alam.@ ska po mkapg file po b m na serial # lng po alam q kc naiwla q ung dtail bwt x brgd. nya po.tnx po & god bless. Maaari kang manghingi ng suporta sa inyong anak kung kinikilala niyang sa kanya ang bata. In other words, may paternity filiation. Nasa tatay na ng anak mo kung saan niya kukunin ang pang-suporta niya sa bata. Maaaring ito ay partehan niya sa kanyang allotment o sa sweldo niya na lang kunin ang buwanang suporta sa inyong anak. Sa allotment naman ng nasabing tatay ng anak mo, maaari kang magtanong sa kanilang opisina hingil sa mga kailangan mong isumite sa kanila upang magkaroon ng habol at parte ang anak mo sa \ january allotment niya. Kung wala pang pag-aamin, sigurowww.pinoytayosanman.com mas maganda pasulatan mo2011 sa isang abogado at tingnan mo kung ano ang magiging sagot niya.
19
I-TEXT MO AT SASAGUTIN NI ATTY. AGA
2.gud.am po atty aga nag pasok po ako ng 100th peso sa lending ng 2006 tpos po 2008 po nagsara ang lending ang sabi ng owner dami daw d nagbbyad gumawa ang owner ng kasulatan ng sa loob ng 2 taon bbyaran nya ang100th pero 8months n po 5th plang bgay nya ano po dapat gawin ko para mabayaran me salamat.diego Maaaring padalhan mo muna ang nasabing lending company ng sulat pagpapaalala sa pangako nitong babayaran ang pera mo sa kanila. Maaari mo rin i-check sa Securities and Exchange Commission (SEC) ang estado ng nasabing lending company upang makapagsampa ka ng kaukulang reklamo sa korte sakaling ang nasabing lending company ay nasa estado na ng pagkalugi at wala na itong mailalabas na pera. Kunin mo sa SEC yung information sheet at financial statement ng lending company. 3.Gudpm Atty.Aga,ask lng po if kkuha kmi ng judicial declaration mula sa korte?mlaki ba ang mgas2?txs nhel. i w8 ur reply Atty. Pag sinabing judicial declaration, this simply means that you have to go to court. Depende kung anong klaseng judicial declaration ang hihingin ninyo sa korte. Kung judicial declaration ng pagpapawalang-bisa sa kasal, medyo malaki ang inyong gagastusin sa kadahilanang ito ay didinggin pa ng korte at hindi basta-basta ini-isyu. Tungkol doon sa pagpapawalang-bisa ng kasal mo, dapat mag-file ng petition sa korte for the declaration of nullity of marriage. Usually, this takes around a year or so. 4.Hlo atty.c nati po ng hkg ! ask q lng po kc wen i was high skol my bf n me b4 d kmi ng brek at mtgal kming d ngkta 4 almst 18 yrs. aftr 18 yrs. bgla kmi ngmet pinas wen i go home 4 hving vction. we talk at mhal p nmin ang isatisa. n wer hving an afair. hwlay aq s husbnd q 6 yrs.ago npo. i hve 3 kds n he hve 2 kds n wife. he wnt 2 sperate hs wife mula non pa tniis lng muna nya ugali wife nya,coz he said f he met a gud woman i2loy na nya tlga iwan asawa nya. at ito nga s d inaashan ngkta kmi. gs2 nya mgsma kmi at hwg na dw me blik abrod. pro bumalik aq d2 at wr hving a prmise na i2loy nmin ang plno aftr 5 yrs. tel nw we tx n talk. hngang nlman ng asawa nya na ngkblikan kmi at hs wife tx me dat pwd layuan q dw mstr nya. sbi q hwg ako awyin u kausapin u mstr u. sbrang mhal nya ako at kht dw arw2 away cla d p rn mgbgo pgmmhal nya s akin. mhal q rn cya atty.alm q mali pro we love each other tlga sbra.pls help me f wat 2 do. Gawin mo kung ano ang tama. Tapusin mo na ang relasyon mo sa isang lalaking may pananagutan na. Kung ipagpapatuloy mo ang relasyon mo sa kanya, maaaring makasuhan kayo ng legal na asawa ng kinakasama mo ng kasong kriminal dahil sa pakikiapid mo sa asawa niya. Ito ay tinatawag ng adultery. Ngayon, kung talagang mahal ka nang bf mo, dapat hiwalayan na niya ang asawa niya at ipawalang-bisa ang kasal nila sa korte. Kung magiging final and executory na ung pagpapawalang-bisa sa korte ng marriage nila, that is the only time na pwede kayo magsama at magpakasal. Good luck to you. 5.Gdpm p0 atty.ask lng po an0 dpat q gwin s kaibigan kng tnt d2 s hkg my utng sya s akn 25k im n0t expected n takbuhn nya aq kc s0brng bait nya s akn ngbyad p sya ng nterest buwan2 dumating ang due date ng byarn ng capital dq n sya mcntak.my ksulatn kmi at perma nya..tanx Maaaring padalhan mo muna siya ng liham upang ipaalala sa kanya ang nasabing pagkakautang niya sa iyo. Bigyan mo siya ng palugit na ilang araw upang makipag-usap siya sa iyo at bayaran ang obligasyon niya. Sakaling hindi pa rin siya tumupad sa inyong kasunduan at hindi pa rin siya magparamdam sa iyo, maaari mo na siyang sampahan ng kaukulang kasong sibil upang masingil sa kanya ang pagkakautang niya sa iyo.
20 www.pinoytayosanman.com \ january 2011
journey by Amor Gonzalez-Damaso
I LOVE BARGAINS. I love it so much, my mother has given me another nickname – “Miss Bargain.” The cheaper it gets, the better. On my last trip to HK in 1999, hinalughog ko talaga ang mga ukay-ukay! Aba! Marami akong pamilya at marami akong papasalubungan. Hindi ako mahilig sa brand name items na saksakan ng mahal. Bakit naman ako bibili ng isang blouse na halagang singkuwenta dolyares, eh, ilang t-shirt na rin ‘yun? Parehong tela, parehong tabas, parehong kulay, etc. etc.! Tarheta at etiketa lang ang nagkaiba? If it works, it’s fine with me. Gustong-gusto kong pumunta sa Night Market dahil mura ang mga paninda. Sulit na sulit, ‘ika nga. Sa dami ng pinamili ko, nagkulang ang aking maleta! Haha! May isang tindahan sa isang alley na nagtitinda ng mga maleta – so mega-tawad ako! Tawad dito, tawad doon! May isang tinderong pumayag! Tawang-tawa ako nung sinabi nung Chinese na tindero: “Ah, Pilipino, barat!” Hahaha! Noong nasa Pilipinas pa ako, mahilig rin ako bumili ng damit sa SM Surplus, sa may basement ng Shoemart. Dahil “American” size ako, akmang-akma sa akin ang mga paninda doon. Usually, ang mga damit doon ay “export overruns” or mga sobra. Ang iba naman ay may konting depekto. Matibay rin ang pagkakagawa at maganda ang quality nito. May t-shirt akong nabili, kulay maroon, na naging paborito ko sa lahat. Mahigit sampung taon ko rin siyang nagamit dahil hindi nagbago ang quality nito. May isang shirt dress na itim rin na binili ko nung 2006, na hanggang ngayon ay nasusuot ko pa. I love wearing black clothes, too, at mayroon akong nabili roon na dalawang mahabang damit: isang long sleeves, at isang sleeveless. Parehong “Gap” ang tarheta nila. Pagdating ko sa America, bitbit ko ang dalawang damit. Aba! Laking gulat ko 22 www.pinoytayosanman.com \ january 2011
nang makita ko ang mga kaparehong damit na naka-display sa tindahan ng “Gap” sa Sale Rack! Ang binili ko ng tig-Php200, ay tig-$60! At ON SALE PA! Aba, eh, talaga namang halos pumalakpak talaga ako at dahil saksakan ng mura kong nabili ang mga damit na ito sa ‘Pinas! Kapag suot ko ang long-sleeved long black dress from Gap, ang itineterno kong sandals ay kulay itim din na thong leather slippers na may silver na butterfly na embellishment na nabili ko naman sa isang bargain shoe store dito sa U.S. sa halagang $7 lang. Nang minsan akong magpunta sa isang party, may kaibigan akong suot ang eksaktong sandals, pero ang sa kanya ay nabili niya sa isang mamahaling shoe store sa halagang $40! Naku! Laking inis ng kaibigan ko nang malaman niya ang presyo ng sapatilya ko! Haha! Dito sa US, marami silang tinatawag na “thrift stores” and “consignment” stores. Most of the merchandise in a thrift store are from donations. Narinig mo na ba ‘yung kasabihan na, “One man’s trash is another man’s treasure?” Maraming nagsasabi na the US daw is a land of excess. In a way, I agree. Meron akong mga kakilala na nagbabayad pa ng mga storage units, para lang itago ang mga kagamitan nila na hindi na kasya sa bahay nila – and they pay about $100/month just for storage! Pag pumasok ka sa mga thrift store, parang treaure hunt! Samu’t saring mga bagay ang maari mong mabili, mula sa mga maliliit na dekorasyon sa bahay, damit, bola, bisikleta, laruan, sofa, lamesa, silya – LAHAT! And these are sold at a fraction of the price that you would have paid in the store. Kase nga, donations lang lahat ito. Ang perang ibabayad sa kanila ay mapupunta sa operational expenses kadalasan ng mga foundation na nagpapatakbo ng mga thrift stores. Ang mga “consignment” stores naman, ay mga gamit rin hindi na kailangan ng may-ari na gusto niyang ibenta, pagkatapos ay bibigyan niya ng porsiyento ang tindahan na
nagbenta. Nung bago akong kasal, marami rin akong nabiling mga gamit sa bahay habang nagsisimula kaming magbukod ng mister ko. Pero ang karamihan sa mga naging kagamitan ko ay mga bigay lang, mga “pamana.” Bigay. Used items. Maraming Pilipino ang mataas ang pride pagdating sa mga ganito. Ayaw ng pinaglumaan. Ayaw ng gamit na. Gusto bago, gusto mahal. Gusto branded. Ako, deadma lang. If it works, I will use it. Hindi na ako gumastos, tinulungan ko pa ang earth sa pag-re-recycle at reuse. Tama lang, hindi ba? Mahilig ako sa second-hand, kase para sa akin, konting repair lang, maayos na siya ulit. Labhan ko ang mantsa, kabitan ko ng butones, kulayan ng brown ang gasgas na silya, or palitan ng takip ang lumang sofa – ABA! Bago na ulit! Sa Los Angeles, may isang tindahan ng mga gamit pambata na minsan ko nang pinuntahan, para magdala ng mga slightly used items na gusto kong ibenta at bumili ng ilang mga bagay na kailangan ko para sa anak ko. Ang isang box ng used items na bitbit ko pagpasok ng tindahan, ay katumbas din ng $37.50 na bitbit ko paglabas! Not bad. Ang pangalang ng tindahan ay Precious Repeats. Cute, diba? Precious Repeats. One mom’s trash is another mom’s treasure. Ang hindi na kailangan ng isa, ay mapapakinabangan pa ng iba. But that store name also speaks another truth to me. Precious Repeats. Used. Maybe slightly defective and damaged. But someone will still buy it. Used items. But when bought, are given another chance, a second life. A second wind. Sa bagong bumili, whatever that used item is, it will still be new to them. Hindi ba parang tayo rin ‘yun? We are used. Spent. Pagod. Slight defective. Some are even severely damaged. Madumi. Walang butones. Kulang sa timbang. Sira-sira ang kaluluwa at gutaygutay ang pag-iisip dahil sa maraming bagay na pinagdaanan. Maaaring sa ating sariling mga mata, tayo ay kulang. Walang kuwenta. Walang pag-asa. Pero, kaibigan, may Isang naniniwala. May Isang ang tingin sa iyo ay Busilak.
In the eyes of Someone who bought us with the ultimate price, we are NEW again. Kahit gaano pa naging kahirap ang buhay mo, kahit gaano pa naging haliparot ang mga pangyayari sa buong pagkatao mo, kahit kasing pula ng dugo ang naging mga kasalanan mo, mayroon ISA na naghihintay para paputiin ka ng mas higit pa sa puting t-shirt na nilabhan sa Tide at ibinabad sa Clorox! Maari kang maging bago ulit! Nakakita ka na ba ng snow? Dito sa East Coast kung saan kami nakatira, kapag winter, nakukumutan ng snow ang lahat ng bagay. Nung una kong makita ito, umiyak ako. Naalala ko ang nabasa ko sa Magandang Balita, sa Isaiah 1:18: “Come on now, let’s discuss this!” says the LORD. “Though your sins are bright red, they will become as white as snow. Though they are dark red, they will become as white as wool. (Isaiah 1:18) Snow covers everything! White. Pure. Walang bahid ang niyebe. Busilak. Nakakasilaw ang puti lalo ng pag tinamaan ng araw. Glistening. Sparkling, like diamonds. That’s what happens when the Son shines on you. Sa pagpasok ng bagong taon na ito, kaibigan, ito ang panalangin ko para sa iyo: Halinang magpabalot sa niyebe. Sa Kanya, maski luma, maaaring maging bago. PTS
Amor Gonzalez-Damaso is still on a journey and is glad to be sharing it with you. She may be reached at damorski@gmail.com for comments or feedback on her column. www.pinoytayosanman.com \ january 2011
23
cover story
HITTING THE RIGHT TARGET IN HER LIFE (THE PAULITA VILLANUEVA STORY) By Onnie Almeyda PAULITA. The first three letters of her name, masculine and tough-sounding, befits that of a strong man – thus representing her very own character as she transverse the terrains of her journey in her 47 years of existence. “Hindi ko siniseryoso ang mga problema kahit nuong nagtatrabaho pa ako sa ibang bansa. Kinaya ko ring labanan ang homesickness. Kahit ang masakit na pagkamatay ng ama ng mga anak ko ay ayaw ko nang alalahanin at pag-usapan pa. Life is so short. Dapat mabuhay tayo ng masaya.” Don’t get her wrong. Personality lang talaga niya ang pagiging cool. Hindi si Pau ang klase ng taong mahilig humamon ng labanan pero hindi siya tumatalikod sa laban. THE FIGHTER IN HER Unang natikman ni Pau ang katutohanan ng buhay nuong magtrabaho siya sa Dubai, Middle East, bilang Marketing Assistant sa Philippine 24 www.pinoytayosanman.com \ january 2011
Emirates Cargo. Kinailangan niya ng matinding focus sa buhay dahil may mga umaasa sa kanyang tulong – ang apat niyang anak na sina Paulo, Jose, Hannah at Lei – ganuon na rin dahil sa pagkakasakit ng kanyang mga magulang. Sa kanyang pag-aabroad nuon ay hindi siya nagdalawang isip o nag-emote emote pa. “I’m very much prepared when I decided to go there. Hindi naman ako
“Hindi ko siniseryoso ang mga problema kahit nuong nagtatrabaho pa ako sa ibang bansa. Kinaya ko ring labanan ang homesickness. Kahit ang masakit na pagkamatay ng ama ng mga anak ko ay ayaw ko nang alalahanin at pag-usapan pa. Life is so short. Dapat mabuhay tayo ng masaya.�
www.pinoytayosanman.com \ january 2011
25
26 www.pinoytayosanman.com \ january 2011
nahirapang mag-asikaso kasi I was referred by a Filipino friend. Siyempre sinalubong din ako ng mga minor problems duon like ‘yung adjustment sa time. Ang daming nakakapanibagong gawin at maranasan. Pati ‘yung weather pag summer para kang nasa malaking oven. Umaabot kasi ng 50 degrees ang init du’n. At yung putok lang sa kili-kili ang mahirap na maiwasan. Ha ha ha. Hirap sila umintindi ng English language kaya dapat barok ka din mag-English para magkaintindihan kayo. Four hours advance tayo sa kanila. ‘Yung pagkain din saka cultures and traditions malayo ang lasa at preparations sa Pinoy food. As a first timer – pagsakay ko sa bus, umupo agad ako. Dapat pala magbabayad agad ako sa bus driver. Sa mga banko naman pila – pila at mga babae ang priority. Sus! Pumila pa ako e pwede na pala akong mauna. At nung bumalik ako sa Pilipinas nalito ako. Nagbayad ako sa bus driver. Kaloka! At may racism din duon. But in comparison here, yu’ng Pasko ibang-iba ang atmosphere duon. Muslim country kasi. Lumilipas ang Pasko na parang ordinaryong araw lang. Pero kaming magkakababayan-nagpaparty din kami at may pork din siyempre! Anyway, kinaya ko namang lahat ang mahihirap na sitwasyon duon.” However, Pau still admires the Middle East in some aspects. “Sorry pero ‘yung economy nila bongga, rich country talaga at walang tax nung andun ako. Now meron na yata.”
THE AWAKENING Isang awakening kay Pau ang makita ang iba’t ibang bansa. Napansin niya ang mga sitwasyon at mga kalakaran. “Duon ko na-realized ang mga nangyayari sa Pilipinas. Nakaka-frustrate ang negligence ng mga tao sa mother nature. Then ang corruption na hindi ko alam kung kelan matutuldukan. Pinoys must help themselves. Huwag masyadong umasa sa gobyerno. At ‘yung mga nakaupo naman hindi nila kailangang hainan ng kakainin ang mga nangangailangan. As the saying goes: Don’t give them fish but rather teach them how to catch fish. Para ma-overcome ko na lang ang mga ito kasi parang hindi sapat ang power ko to control bad deeds – nagpapasaya na lang ako ng ibang tao and that makes me a happy person also! Kahit medyo kapos – I’m still capable of sharing my little blessings. Importante may love and forgiveness para inside out maligaya ka.” At first glance, Pau personifies a feisty lady and this she cannot accept. “I’m the sweetest girl in town! Ano ka? Ha ha ha! Ayaw ko ng away kahit nuong nasa ibang bansa pa ako. Dedma lang ako sa mga mayayabang na Pinoy. Sila ‘yun eh. Sa mababait naman, natuto ako ng marami gaya ng pagtitipid at pagiging masikap.
www.pinoytayosanman.com \ january 2011
27
nabili mo. With my achievements, friends and experiences abroad, thankful talaga ako kay Lord. May legacy akong maiiwan sa pamilya ko at sa mga nakakakilala sa akin.”
Sa pag-aabroad ni Pau, mga panahon iyon ng kanyang pagdedesisyon kung ano ang mga kailangang unahin kung saan her family comes first kahit pa nga sabihin na para sa kanila din naman ang pagtatrabaho niya. “Anyway nag-shift naman kami ng sister ko. Siya ang pumalit sa akin. Kinailangan kong bumalik ng Pilipinas. I have to take care of my elderly sick mother. Pero di ako madrama na tipong natataranta ek-ek! Kung walang pera magtrabaho. Kung merong may sakit alagaan. Pag merong may problema, tulungan. Pag may nakakatawa e di tumawa ka. Pag may malulungkot na bagay – Naku! ‘yan ang huwag mong patulan dahil hindi ka mananalo. Ilulugmok ka niyan emotionally and spiritually and in some cases even financially and physically.” Hindi man maituturing na sobrang bongga na ng finances niya sa kanyang pag-tatrabaho sa ibang bansa, ito lamang ang kanyang masasabi: “Hindi lamang mga material na bagay ang dapat mong ituring na success kapag nakuha mo o 28 www.pinoytayosanman.com \ january 2011
THE HIDDEN TALENT DISCOVERED Sa mga panahon ng kaliwa’t kanang bira ng problema kay Pau ay maipagmamalaki niyang sa halip na mapadpad siya sa kung anu-anong kalokohan ay nagka-interes siya sa sport. “My group and I were having a good time at Abril Mayo along Timog Avenue. We were playing darts. Laru-laro lang. Then a guy suddenly approached me and I was asked if I’m interested in improving my game. I said yes. In 1991 I joined the National Ladies Singles without knowing much of the regulations and the rules. I just played my game and ended up champion on that particular event. The rest follows up to the time na I became a member of the Philippine team already. We played in Singapore, Malaysia, Thailand, Hong Kong, Japan and Australia.” Sa Australia ang naging pinaka-memorable niyang laro. Ito ang World Cup ‘97 sa Perth Australia. Naka-silver sila sa Women’s Double out of 54 other competing countries. Nagchampion din siya sa Singles sa Hong Kong at Singapore at member ng Asia Cup at Asia Pacific Cup. (‘92, ‘94 and ‘96) Nag-three-peat champions naman sila sa Asia Cup. Ang resulta, ang dami kong naging kaibigan all around the world.” Pati mga languages nila ay natutunan ni Pau kahit pa nga mga basic lang ito. May sundot si Pau: “Well ‘di naman ako santa ‘no… Nung baguhan pa lang akong player hindi ako umiinom. Nung tumagal siyempre may pressure na. Pero tagay lang talaga. Pampamanhid at panlaban sa kaba. At hindi ko hinahanap ang alak. I love my liver!” TO HOPE FOR THE BEST Kung outlet man ang dart o hilig
ay malaki ang naitulong nito kay Pau. Kumbaga ay clean living talaga ang kanyang tinahak sa kabila ng ilang mga nakikita niyang kawalan ng direksyon ng ilan niyang mga kakilala na nag-aabroad man o nandito lamang sa Pilipinas. “I’m not saying I’m the best but as a person and through my achievements, I want to believe that I can compete. And as a mother naman, I wish I could be a perfect mom, kaso moody din ako, ‘yun lang naman. Pero alam ko na dapat tingnan ko rin ang feelings ng mga anak ko. Medyo nalayo loob nila sa akin nung time na player pa ako at nag-abroad. Kaya ako bumabawi sa kanila ngayon. It’s never too late pa naman because there’s no such thing as late in loving your children.” Pau’s children probably emulate their mom’s smartness. Matatas at mga bibo silang makipag-usap. Magalang nilang hinaharap ang mga ipinapakilala ng Mommy nila without getting intimidated or have shown some sign of reluctant greetings. Sila ang mga tipo na mababasa mo na agad na malalayo ang mararating sa buhay. But when asked about her husband: “Pass muna dito ha? Morbid… Kasi napatay sya. I don’t want to recall ‘yung sweet moments. Baka maiyak ako at ayaw ko ng umiiyak. Basta focus muna ako sa mga anak ko.” Just
“If our economy is as good as our neighboring countries, wala na’ng mag aabroad para iwan ang pamilya. Dito pa lang solved na. Pero sa ngayon ay mahirap pang mahulaan kung kailan iyon magaganap. However, ang payo ni Pau: Konting tiyaga pa. Makakaraos din tayo. Mabuhay tayong mga Bagong Bayani ng Bansa!” like some of the OFWs na na-interview ko, Pau shares her sentiments when it comes to being away from their loved ones. “If our economy is as good as our neighboring countries, wala na’ng mag aabroad para iwan ang pamilya. Dito pa lang solved na. Pero sa ngayon ay mahirap pang mahulaan kung kailan iyon magaganap. However, ang payo ni Pau: Konting tiyaga pa. Makakaraos din tayo. Mabuhay tayong mga Bagong Bayani ng Bansa!” PTS
www.pinoytayosanman.com \ january 2011
29
lovingly yours, tita kerry
AS, M G N A L A W WALANG MENOS, LAHAT
Tawagin nyo na lang akong Mrs. Virgo, 60 yrs old, biyuda at may apat na anak sa Pilipinas na pare-parehong may mga asawa na at may mga apo na ako sa kanila. Ang isa kong anak na babae ay narito sa HK at naikuha ko ng employer at maga-apat na taon na rin dito at ‘yung isa naman ay di tumagal sa hirap at maagang bumigay kaya pinasyang umuwi na lang. ‘Wag mo na lang banggitin ang pangalan nya Tita at malamang nakikinig sya sa inyong programa at sinabi ko sa kanya ang programa nyo para marinig nya ang mga news at inyong mga payo para sa aming mga OFWs.
Alam mo Tita Kerry ang hirap pala ng maging OFW gaya ng ibang inang umalis na walang hangarin sa buhay kundi ang mapabuti ang buhay ng mga anak nila at magkaroon ng katuparan ang mga pangarap na sila ay makapagtapos sa pag-aaral. Ang masakit Tita, isa lang ang nakatapos sa apat kong anak at ito ay ang pangalawa sa panganay na ngayon ay nasa Dubai at nakapag-asawa na rin do’n ng kapwa nya OFW. Mahirap talagang maging magulang lalo na ang maging ina at di naman ako pinalad na makapag-asawa ng mayaman kundi isang magbubukid lang at may payak na pamumuhay pero punong-puno ng pagmamahal si Arman ang mister ko sa akin. Kahit salat sya sa edukasyon ay mayaman naman ang kanyang katawan at kaisipan sa pagtatanim na syang tumulong din sa amin sa pang-araw-araw. Kaya lang mapagbiro ang tadhana at nagkasakit ang mister ko at ang dalawa kong anak na lalaki ay wala namang hilig sa pagtatanim at saksakan pa ng tatamad. Hindi nila nagawang pagyamanin ang aming lupain at minabuti pang pumunta ng Maynila at do’n makipagsapalaran. Di ko na babanggitin ang lugar ko Tita at maraming nakakakilala sa akin dito dahil active din ako sa aming organisasyon kaya lang pilit kong tinatago sa kanila ang aking mga dalahin sa buhay. Basta ang alam nila 30 www.pinoytayosanman.com \ january 2011
L AHA KO
Dear Tita Kerry,
AY M O KAYONG M KK A GA AN
sa akin ay masayahin ako at parang walang problemang dinadala sa buhay. Namatay sa sakit ang mister ko at nagkaroon ito ng pulmonya at naibenta rin namin ang bukid na kanyang minana sa magulang. Ang natira dito ay sya kong pinambayad sa aking placement fee no’n para makarating sa abroad. Galing ako ng Middle East Tita kaya kahit papano ay alam ko ang kalakaran do’n at mabuti na lang ay mabait naman ang naging amo ko kaya lang minabuti ko na ring umalis do’n dahil sa takot ko sa kapatid ng amo kong lalaki na alam kong may balak na masama sa akin. Totoo Tita ang sinasabi mo na maraming nagagahasa at napagsasamantalahan sa Gitnang Silangan at ang karamihan ay takot mag-report at tinitiis na lang ang kanilang kinasapitan. After Middle East ay pumunta na ako dito sa Hong Kong at sa tulong ng isang kaibigan ay sya ang nag-refer sa akin no’n sa amo ko na up to now ay amo ko pa rin ngayon . For almost 12 yrs na rin akong nagtatrabaho sa kanila at kahit may edad na ako, ang gusto nila ay manatili ako dito at parang kapamilya naman ang turing nila sa akin. Sa totoo lang Tita, ilang sulat mo na ang binasa mo sa radio sa Lovingly Yours ang nagpaiyak sa kin at tumama sa puso dahil mas naramdaman ko dito ang pagmamahal ng mga inaalagaan ko na pagmamahal kaysa sa mga sarili kong anak. Kahit ang anak kong narito ay di ko ‘yon maramdaman. Parang
kahit magkalapit kami, pag nagkikita-kita pag day off ay parang ordinaryong relasyon lang kami. Masakit pero tinitiis ko na lang. May pamilya na sya Tita at may dalawang anak sa ‘Pinas at minsan nga kahit masama ang pakiramdam ko ay ako pa ang tatawag sa kanya para lang ipaalam na baka di ako makapunta ng Sunday sa tambayan dahil sumakit ang ulo ko at nilalagnat. Gusto kong maglambing kaya lang pag sumagot na sya ng “Ah ganon ba,” o di kaya’y “O di uminom kayo ng gamot o magpadoctor,” ay tama na ‘yon sa kanya. Minsan tinatanong ko ang sarili ko kung saan ako nagkulang bilang ina, sa’n ba ako nagkamali sa kanilang apat na mga anak ko. Iba-iba sila ng ugali at ‘yung dalawang lalaki rin na anak ko ay problema ko rin kaya ako nagtatrabaho pa para makatulong pa sa kanilang lahat. Kaya nasasaktan din ako kapag naririnig ko ang sinasabi nyo na bakit may ganong mga anak na di man lang tinitingnan ang mga magulang na naging OFWs ganong naroon ang kanilang pagsasakripisyo. Di ba’t dapat ang ganti lang nila ay mag-aral nang mabuti at sumunod sa kanilang mga magulang? ‘Yung anak kong nasa Dubai ay mabait naman at iyon pa ang mas nagaalala sa akin at sya rin ang nagpapayo sa akin na umuwi na at sa atin na lang ako at mag-alaga ng mga apo ko sa kapatid nya. Pero pag naiisip ko na kailangan pa akong tumulong sa kanila at sa mga apo ko, di ko natutuloy ang balak kong mag-for good. Mahirap ding iwanan ang mga alaga ko dito at employer at mas maganda ang pakiramdam ko dito dahil may silbi ako at sumasahod kaysa sa atin at baka maging pasanin lang ako ng mga anak ko. Mas lalo akong magkasakit dahil laging sasama lang ang loob ko sa mga nakikita ko. Gusto ko ngang kausapin ang anak ko dito Tita Kerry kaya lang may pagka-matigas ang ulo no’n at ang maipilit ay ‘yung tama ang sa kanya. Masakit na sagutin ka at nakakahiya pa sa mga makakarinig. Nangako ako sa anak kong nasa Dubai na uuwi ako ngayong Pasko para magkita-kita naman kami at uuwi nga ang kanyang pamilya at do’n nya ako pinapapunta. Pero nang sabihin ko sa anak ko dito ay nagalit pa ito sa akin na para akong sinumbatan na wala naman daw akong nakikitang magaling kundi ang kapatid nyang iyon at sya pa ang nanumbat sa akin. Napa-iyak ako sa phone Tita Kerry. Bakit ganito, na pare-pareho ko silang mahal at pare-pareho ang pagtingin ko sa kanilang lahat at kaya nga kahit gusto ko nang tumigil at umuwi sa atin ay tinitiis ko para makatulong lang sa kanilang lahat? Sabi ko nga sa kanya, sana makauwi din sya at
magpaalam sa amo nya para magkasamasama kami do’n at mag-reunion sa bahay ng kapatid nya. Ang sagot ba naman sa akin, kahit pinayagan sya ay ayaw nyang umuwi at kung uuwi daw sya di nya alam kung makapunta sya sa salo-salo namin sa bahay ng kapatid nya. Sana Tita Kerry, nawa’y maunawaan nya ako bilang ina na darating din ang araw na ako ay kukunin ng Diyos at hangad ko lang na maging masaya kami at anuman ang sama ng loob nya sa akin ay patawarin nya ako at nawa’y makapagsama-sama kami ngayong Pasko dahil uuwi ang kapatid nya. Heto ang aking mensahe para sa aking anak: Anak wala akong favoritism sa inyo o higit na mahal. Kahit ang kapatid mo sa Dubai ay ganon din gaya sa iyo ang pagtingin ko lamang ay naghahanap din ako sa iyo anak ng pagmamahal at pag-intindi at pagaalala bilang nanay mo. Nung maliit ka ba anak ay pinabayaan kita? Hindi ba’t umiiyak pa ako kapag nasasaktan ka at alalangalala ako kapag may sakit ka? Pareho siguro tayong naghahanapan anak pero sa akin, mahal ko kayong lahat at wala akong hinangad kundi ang kabutihan nyong lahat na kunin man ako ng Diyos anumang oras ay gusto kong maayos kayong iiwan ko at anuman ang magawa ko pang tulong ay gagawin ko sa inyong mga anak ko. Kung hindi makakaabot ang sulat ko ngayong Pasko Tita, hihintayin ko pa rin ang iyong payo kahit ngayong Bagong Taon. Nagmamahal, Mrs. Virgo
Pinoy Tayo Sanman is the longest running Pinoy radio program in Hong Kong. Radio DJ’s Michael Vincent & Tita Kerry has been a tandem for 21 years and added DJ The Big J to their energetic crew. Thurs - Sat 8:30pm - 11:00pm Website: http://www.metroradio.com.hk/1044
www.pinoytayosanman.com \ january 2011
31
Gusto mo ba ng mga kuwentong kapupulutan ng aral at inspirasyon?
PAYO SA PROBLEMA NI MRS GEMINI
Gusto mo bang maiyak, matuwa, atmakiliti sa mga kuwentong hinango sa tunay na buhay? Better umuwi ka na muna at kausapin mo ang iyong mister ng puso sa puso at alisin mo ang anumang pagtataas ng boses. Dapat ay malumanay ka lamang nang di isipin ng mister mo na gusto mong ikaw talaga ang masunod at wala na siyang power over you. Kung ako nasa kalagayan mo, uunawain ko rin ang mister ko dahil marami na ang wasak na pamilya dahil sa ating pag-a-abroad kaya mas naintindihan ko ang mister ko ngayon nang mabasa ko ang sulat mo at sitwasyon. Di ko ipagpapalit ang pamilya ko.
From Mildred of Mid Levels
Sana Yolanda hindi ka rin one-sided at unawain mo rin ang side ng mister mo. Maganda nga ang pangarap natin para sa future ng mga anak natin pero baka ito rin ang magtulak para tuluyang masira ang pagsasama nyo ni mister. Sabi mo, mahal mo sya kaya dapat ay unawain mo rin sya at mag meet kayo half-way. Better ang pag-uusap nang maayos at dapat magdasal ka nang gabayan kayo ng ating Poong Hesus at magkaroon ng matiwasay at kapayapaan sa inyong tahanan. FOR MORE INFORMATION / RESERVATION, PLS. CONTACT:
JVP MARKETING ENTERTAINMENT LTD. Shop 367, 3/F Worldwide Plaza, 19 Des Voeux Rd., Central HK Tel. (852) 2542-3396 \ january 2011 32 www.pinoytayosanman.com
From Sis Lucy of North Point
Tumuloy ka sa Canada at ‘wag mong pansinin ang mister mo at darating din ang araw pag asenso na kayo at natapos na ang mga bata o ang mga anak nyo ay kakainin nya rin ang pride nya. Wala nga syang pangarap mag-abroad at pangarap na umasenso kayo eh wala naman syang maipalamon kundi pride nya. Ang mister ko nga mula nang mag-abroad ako, tumigil na sa trabaho at sobrang tamad ngayon. Lahat nakaasa sa akin kaya lagi rin kaming nag-aaway kaya binigyan ko ng ultimatum na hihiwalayan ko na sya kundi sya magbabago. Ayun, natakot at nag-apply din ng trabaho. ‘Wag kang magpatalo at ‘wag kang iyak ng iyak. Maging matapang ka sa hamon ng buhay.
From Marites Soriano of Yau ma Tei
Kung ako ang nasa katayuan mo, kung may tsansa na rin lang na makarating ako sa Canada para sa future ng mga anak ko gagawin ko ‘yan at isasakripisyo ko ulit ang buhay ko para sa mga anak ko. Kung paiiralin talaga natin ang emosyon sa mga realidad ng buhay lalo na ngayon na pahirap ng pahirap sa atin at marami ang umaalis para maka-angat sa buhay ay wala talagang tayong patutunguhan. Kakausapin ko ang mister ko at kung ipilit pa rin nya ang gusto nya ay siya na ang papapiliin ko dahil kawawa ang mga anak namin baka hindi sila makatapos ng pagaaral.
From Ronalyn Garcia of Repulse Bay
Dear Yolanda, Una sa lahat ang aking taus pusong pasasalamat sa iyong pagsulat at pagtitiwala. Sana’y sumaiyo ang pagpapala ng Maykapal at nawa’y hipuin Niya ng Kanyang mapagpalang kamay ang inyong isipan at damdamin na mag asawa upang magkaroon ng puwang ang isang maayos at maka-Diyos na pag-uusap at pagpapaliwanagan nang hindi ito maging daan upang magtagumpay ang diyablo na sirain ang inyong relasyon at ang inyong pamilya. Sa pagdedesisyon natin ay palagi natin sanang tingnan ang dalawang bahagi o ang two side of the coin, at busisiin ang negative and the positive side. Anu ba ang mangyayari kung ilalaban ko ang gusto ko na magpunta sa Canada? Ito ba ay sa ikabubuti o sa ikasasama? Sabi mo nga matutupad mo na ang pangarap mo sa mga anak mo at maibibigay mo sa kanila ang marangyang pamumuhay gaya nga ng sinabi mo na naranasan na nila ang kahit papano ay magkaroon ng mga material na bagay at nakakapag-aral sila ng maayos. Sa isang banda naman ay masusuklian ba nito ang pagsasama ninyong mag-asawa, ang inyong relasyon? Paano na ang prinsipyo ni mister na sa simula’t sapul ay alam mo na at
kasama, pinakasalan at pinakisamahan bilang isang asawa? Sa kabila kaya ng magiging kapalaran mo at tagumpay ay maipagpapalit mo ba ang isang relasyon, ang isang pagsasama, ang isang pamilya at tahanan na buo at hindi wasak gaya ng sa iba? Sana’y magkaroon kayo ni mister ng maayos na pag-uusap gaya ng sinabi ng mga nagpayo na dapat naroon sa ating puso ang isang malawak na pangunawa at naroon ang Diyos sa ating puso at isipan upang mai-guide Niya tayo sa tamang pagpapasya. Wala ang galit at tampo, wala ang sumbatan at pataasan ng pride bagkus naroroon ang isang paguusap na matiwasay na puno ng pag-ibig at pagmamahal. Ito lamang po ang ating masasabi sa lahat ng ating mga kapwa OFWs. Huwag ho nating kalilimutan na sa bawat pangarap at naisin natin sa buhay ay nariyan at nasa tabi natin ang Diyos na buhay. Dapat natin Siyang tawagin sa oras na tayo ay nasa ganitong sitwasyon upang tayo ay Kanyang magabayan sa tama at maiwaksi ang mali na
makapagdudulot ng isang desisyon na sisira sa isang pamilya at relasyon. Hindi lahat ng bagay ay dapat sukatin sa material na bagay na idudulot ng pag-a-abroad. Oo nga’t kasagutan ito sa ating mga pangangailangan at mga pangarap sa buhay kaya lang, anuman ang naging tagumpay mo at kasaganaang nakamtan ay wala ring kabuluhan kung sira at wasak ang iyong tahanan dahil ang isang buong pamilya ay isang malaking bahagi ng iyong buhay. Huwag ho nating ipagpapalit ang ating pamilya dahil lamang sa kagustuhang umangat ang kabuhayan at nawala na ang tunay na pagmamahalan at pagiibigan na siyang bigay ng Maykapal. Dalangin ko po ang inyong maayos na paguusap at pag-uunawaan at nawa’y isapuso natin ang tunay at wagas na pagmamahalan.
www.pinoytayosanman.com \ january 2011
33
usapang sine
By PTS Manunuri nga, hindi na halos madampian ng simoy ng hangin ang kanilang mga pisngi at Director: Louie Suarez maarawan at pagpawisan. How I wish na Producer: Ambient Media maibalik ang ganitong kultura sa ating Charo Santos-Concio mga kabataan. Malou Santos CAST: Zaijan Jaranilla, Aga Muhlach, Nakatutuwa dahil ang pelikulang Eugene Domingo, Vhong Navarro, Mika de la Cruz, Aaron Junatas, Basty Alcances RPG: Metanoia, ay tumalakay sa isyu na ito. Okay lang naman na may technology, pero mas maganda pa rin na balanse. Awards: Mas nagiging well-rounded kasi ang isang bata kapag naranasan niyang Metro Manila Film Festival 2010 3rd Best makisalimuha hindi lamang sa harapan Picture ng screen monitor kundi sa mismong laro Quezon City’s Special Citation for Gender kasama ang kanyang mga kaibigan. Sensitive Movie Best Sound Recording – Ambient Media Para sa akin na hindi ganun kaBest Original Theme Song – “Kaya Mo” techie ang kaalaman sa kasalukuyang pop culture ang gating mga bagets, niresearch ko kung anu ba ‘yung MMORPG. GUSTO mo bang maglaro sa kalye? Ito pala ang Massively Multiplayer OnlineHow about trying these games: habulan, Role Playing Games. Ito ang uso ngayon patintero, taguan, siyato, agawankung saan kahit nasa magkakaibang base, sipa, etc…etc…Para sa ating mga computers ang mga kabataan ay puwede lumaki na naglalaro kasama ang ating silang magkatagpo-tagpo sa iisang portal mga barkada sa kalsada, ‘yun na nga at maglaban-laban. ang the best years ng ating kabataan. Nakakalungkot nga lang isipin na sa panahon ngayon, kung saan hi-tech na lahat ng mga gadgets na makikita mo – ang mga kabataan ay wala na sa kalsada, kundi nasa desk na lang nila sa loob ng bahay – nagkokompyuter, nag-p-PSP, o di kaya’y nag-o-online gaming! Are they missing a lot? Ang sagot: OO NAMAN! Kaya pansinin mo ang mga kabataan ngayon: lampa, overweight, sakitin – kasi
34 www.pinoytayosanman.com \ january 2011
Ang RPG: Metanoia ay kuwento ng 11-year old only child na si Nico (voiced by Zaijan Jaranilla) na ang kasama lamang sa bahay ay ang kanyang ina (voiced by Eugene Domingo). Ang kanyang ama ay OFW sa Dubai (voiced by Aga Muhlach) at ang tanging form ng kanilang communication ay through chatting via the internet. Problema ni Nico ang kanyang computer na madalas mag-hang kaya ang pag-upgrade nito ang ninais niyang ibigay sa kanyang regalo ng kanyang ama. Marami na rin akong napanood na animated Pinoy films and I could say that RPG: Metanoia, to date, is the best in the lot. In fact, a lot, lot better than most animated films the country has ever produced. For the record, ito ang kaunaunahang All-digital animated film sa ating kasaysayan. Very tight ang pagkakasulat at hindi man perpekto, talagang binusisi ang kuwento. Talaga kasing mahilig magcomputer at maglaro ng RPG: Metanoia si Nico sa isang malapit na Internet Café na ang tawag ay Bomb Shelter. Nakuha niya minsan ang Helmet of Destiny at ito ang kinakailangan para manalo siya at ang kanyang koponan lalo na kung makikipagtagisan na sila ng galing sa iba’t ibang koponan sa buong mundo.
Nagkaroon ng tournament at sumali sila. Sa kanilang unang pagsabak, pumalpak si Nico sa isang level kaya natalo sila. Hindi kasi niya pinakinggan ang sinabi ng kanyang mga kakampi kaya nainis ang mga ito sa kanya. Sa parting ito nakilala niya si May (voiced by Mika de la Cruz), isang typical na girl-next-door, at ito ang nagturo sa kanya at sa kanyang mga kaibigan na hello, hindi lamang computer ang laro. Meron pang mas maganda – at ‘yun nga, they were introduced sa mga street games. Hindi moralistic ang istorya pero ipinakita talaga kung paano ang buhay ng mga kabataan. Nandiyang may nangaasar, kill joy, pikon, duwag, matapang o nagtatapang-tapangan, pero ang pinakamahalaga sa lahat ay tanggap nila ang isa’t isa. Salamat na lamang sa mga kaibigan ni Nico, na kung wala siguro ay parang naging ugali na rin siya ng kontrabidang si Sargo. Sa paglalaro ng mga ‘larong kalye’, duon na-expose si Nico sa mga aral ng buhay. Makikita nating hindi sa pagiging bihasa maglaro ng computer makikita kung ano tayo sa buhay kundi kung paano tayo makisama sa totoong continuation on page 39 www.pinoytayosanman.com \ january 2011
35
maikling kuwento
Isla ILANG siglo mula nang mabura na sa mukha ng daigdig ang lahi ng mga daynosor, ang buong sangkatauhan ay nakatira lamang sa iisang malaking kontinente, ang Kontinente ng Gondwana. Sa dakong hilagang silangan ng kontinenteng ito ay matatagpuan ang Maranayo, isang malawak at magubat na bayan kung saan may nakatirang mahigit 7,000 na katutubo. Sa tuwing umaga sa may dalisdis ng bundok, nakasanayan na ni Ulu na pagmasdan ang araw na sumisilip sa orisonte habang namamasyal siya at nakasakay sa alagang mastodon kasama ang kanyang anak na si Hayo. “Ano ba ang makikita paroon, Amang Ulu?” “Sa kabila? Walang nakakaalam. Ang tiyak lang, duon namamahinga ang Lakay Araw at duon rin natutulog ang Bantay Buwan na kusang lumalabas kapag lumalayo na ang Lakay Araw.” Sa araw-araw ay ganuon ang itinatanong ni Hayo sa kanyang Amang Ulu. Hanggang minsan, hindi na ito 36 www.pinoytayosanman.com \ january 2011
makatiis at sinagot ang kanyang anak: “Kabilin-bilinan ng ating mga ninuno na huwag tayong lalayo palampas roon… kundi’y baka tayo mapunta sa panganib.” “Bakit daw, Amang Ulu?” “Sa dako paroon ay nagkalat ang mga lumuluwang apoy…” “Lumuluwang apoy?” “Oo, Hayo. Ang lumuluwang apoy ay maganda raw sa paningin pero hindi sa malapitan… Isa pa, duon rin matatagpuan ang nanginginig na mga lupa.” “Nanginginig na mga lupa?” “Kaya nga bawal pumunta duon. Kung gusto mong payapa ang lupa, ay manatili ka na lamang dito.” Isang tahimik na bayan ang Maranayo. Kahit ang isang sanggol na ipinapanganak ay hindi mo kariringgan ng pag-iyak. Ang ina ni Hayo, si Una, ang siyang nangangasiwa at tinatawagan
ng mga kalalakihan kapag may ipinapanganak na sanggol. Ang lahat ng sanggol na ipinapanganak nuong araw ay nakangiti na kapag ipinapanganak. Isang araw, sa kauna-unahang pagkakataon ay nagpunta si Hayo sa may dalisdis ng bundok na hindi kasama ang Amang Ulu. Mula sa kalayuan, napansin ni Hayo ang isang lalaki na may kinukutkot sa malapit na ilog. May sinisipat-sipat ang lalaki sa ilalim ng tubig at tumitingala ito para itaas ang nadadampot na bagay. Nilapitan niya ito at nakilala niya. “Dulo, ano iyang kumikinang na hawak mo?” “Isang batong mahiwaga, Hayo. Ginto raw ang tawag dito, sabi ng mga nakatatanda.” “Aanhin mo naman iyan?” “Mapapasa-atin raw ang marami pang lupain.” “Malaki na naman ang ating lupain.” “Hindi, Hayo. Nakikita mo ba ang orisonte na iyan?” Mapapatango si Hayo. “Sa likod niyan ay marami pang makikitang ginto, pakiramdam ko. Mas marami tayong ginto, mas lalaki ang ating lupain.” Sa mga susunod na araw, parating sumasagi sa isip ni Hayo ang maaaring makita sa kabila ng orisonteng iyon. Isang tanghaling tapat, napansin ni Hayo si Dulo na naglalakad mag-isa sa kagubatan. Sinundan niya si Dulo hanggang huminto ito sa isang lugar malapit sa kuweba kung saan maraming mga lalaki at mga babae ang gumagawa ng mala-higanteng mga balsa. Umakyat si Hayo sa isang mataas na punong kahoy at gulat na gulat siya dahil libolibong mga balsa na pala ang nailikha. Humahaba na ang leeg ni Hayo sa pagmamasid sa kakaibang tanawin, hanggang naputol ang dulo ng tangkay na kinatutuntungan niya. Lumagapak si Hayo sa lupa. Bale wala sa kanya
iyon at wala siyang naramdaman, pero nakita siya ni Dulo at ng iba pa nitong kasamahan. “Hayo, sinusundan mo ba kami?” “Oo. Para saan ang mga balsang iyan?” “Huwag kang maingay, Hayo. Ang mga iyan ay magdadala sa amin sa kabila.” “Ha? Sigurado ba kayong pupunta kayo ruon? Sabi ng aking ama, mapanganib sa lugar na iyon.” “Pag tuntong ng takipsilim, lulusong na kami sa dagat. Kung gusto mo, sumama ka na rin sa amin. Mahirap nang abutan ng bukang liwayway sa pagpadako natin sa kabilang panig ng orisonte.” Nang papalayo na ang mga balsa, napansin ni Hayo ang isang tumataginting na bagay – ang mga ginto – at hawak-hawak iyon ng kaibigan niyang babaeng si Uha. “Uha!!! Bumalik ka rito, huwag kang sumama sa kanila!” Subalit nakalayo na ang mga balsa, at dahil wala na siyang magawa, mabilis na tumakbo si Hayo pabalik para sabihin kina Amang Ulu at Inang Una ang nangyari. “Tiyak na kapahamakan ang naghihintay sa kanila pagpunta ruon. Hindi ba nila natatandaan ang sinabi ng ating mga ninuno?” Agad silang sumunod sa dalampasigan ngunit wala nang makikita maliban sa isang balsa na hindi pa nakakadaong sa tubig. Bitbit ang kanyang tambuli, sumakay si Ulu dito at isinama si Una at sabay silang lumusong sa dagat. “Anong gagawin niyo, Amang Ulu at Inang Una?” “Kailangang masundan ko sila kahit sa malayo… kapag narinig nila itong tambuli, may pagkakataon pang maalala nila ang bilin ng ating mga ninuno!”
www.pinoytayosanman.com \ january 2011
37
“May ibibilin lamang ako. Kapag nakita niyo si Uha, pakisabing bumalik siya…hihintayin ko siya.” “Maghintay ka lamang, Hayo.” Samantala, mabilis na tinatangay ng hangin ang pitong libong mga tigaMaranayo. Tahimik at payapa ang laot, at tanaw ang mga kakaibang higanteng mga ibong lumilipad para pangunahan sila. “May natatanaw ka na ba, Hayo?” tanong ng kanyang mga kasamahan. “Wala pa. Parang malayo pa yata ang dulo, pero sa palagay ko’y nakalampas na tayo…” Si Uha naman ay lumilingon pabalik. “Dulo, may sasabihin ako sa iyo. Hindi na ako sasama sa inyo, babalik na lamang ako.” “Paano ka makababalik? Nandito na tayo sa laot.” Iniwan ni Uha ang mga ginto sa kanyang balsa, hinagis ang mga iyon sa ilalim ng tubig at sinimulang sumagwan pabalik. “Anong ginagawa mo, Uha? Bumalik ka rito!” Akmang hahatakin na ni Dulo ang balsa ni Uha pabalik nang biglang dumilim ang kalangitan. Mula sa kanilang silangan ay umusbong mula sa himpapawid ang unang higanteng hangin na tila ba’y galit na galit. Hindi nagtagal, sumulpot mula sa kanluran ang ikalawang higanteng hangin at matapos ang matagal na pag-ikot sa alapaap, ay kusa silang nagsalpukan. Natatanaw sa di kalayuan nila Ulo at Una ang nagaganap. Saksi sila sa mga buhay na mga higanteng hangin na nagtutuos sa alapaap. Dahil sa paglalabanang ito, lumikha ng higanteng alimpuyo sa karagatan kung saan naruon ang mahigit pitong libong mga balsa ng pangkat ni Dulo. Dumagundong ang lupa mula sa kailaliman ng dagat, tila galit na galit, at lumabas ang mga higanteng alon 38 www.pinoytayosanman.com \ january 2011
na iwinasiwas ang kanilang hagupit sa pitong libong manlalakbay. At dahil ruon, nagsalpukan ang mga balsa at gulantang silang niyanig ng isang nagsusungit na panahon. Ang mga tubig ay pinasok ang bawat kasuluk-sulukan ng kanilang mga katawan. At maging si Uha na nakalayo na sa kanila ay inabot nito. Ilang saglit pa, nanginig ang buong kapaligiran. May apoy na lumabas mula sa mata ng alimpuyo, at sabay sa pagkilos ng nanginginig na lupa, sabaysabay bumagsak mula sa nanlilisik na mga mata ng ulap ang mga higanteng umuusok na kidlat. Napaisip si Ulu na pinagmamasdan ang nagaganap mula sa kalayuan, “Ito na yata ang parusa sa pitong libong mga manlalakbay na gustong lumayo sa Maranayo…” Mula sa kanilang kinalalagyan ay nakarinig sila ng kakaibang tunog. Isang uri ng sigaw na ngayon lamang nila narinig ni Ulo. Napansin nila na papalapit mula sa kanilang kinatitirikan ang isang balsa…at sa haba ng buhok ng babaeng nakasakay ruon, nakilala nila itong si Uha. “Uha, mabuti at natagpuan ka namin. Bumalik ka na sa Maranayo, naghihintay si Hayo sa iyo…” “Kayo, Amang Ulu at Inang Una? Sasamahan niyo ba akong bumalik?” “Mauna ka na. Hihintayin pa naming bumuti ang panahon…” Walang kibo si Uha, nakayuko lamang, at tahimik na nagsagwan pabalik. Matapos ang paglangitngit ng langit, agad sumilip ang araw. Napakalakas ng sinag nito. Nang payapa na ang karagatan, laking gulat nila Ulu at Una nang mapansin na wala na ang pitong libong mga balsa at maging ang mga tiga-Maranayo. Bagkus, ang sumulpot sa kanilang kinalalagyan ay mga higanteng isla ng mga bato, iba’t ibang hugis, sukat at haba. Tumuntong sila rito, at sila ang kauna-unahang mga taong nakarating sa mga islang ito.
Samantala, mula sa pampang, tanaw ni Hayo ang isang babaeng mahaba ang buhok na halos wala nang malay. Si Uha. Sinalubong niya ito, at agad napasalampak sa kanyang braso. Nagulat siya nang mapansin ang isang kakaibang kislap na sumungaw mula sa mga mata nito. May dumaloy na tubig, at dala nito ang isang mukhang ngayon lang niya nakita. “Naiwan na sila ruon,” pagtangis ni Una, hanggang tuluyan na siyang napasubsob sa braso ni Dulo at umiyak. Ito ang unang luhang naitala sa kasaysayan. Ito ang unang pagkakataon na nakaramdam na ng sakit ang mga tao. Nagalit marahil ang mga ninuno, at nagpadala sila ng sobra-sobrang tubig para pigilan ang kanilang kasakiman. Ipinadala niya sina Amihan at Habagat para gumawa ng higanteng mga alon Ang ilan sa katas ng mga tubig na ito ay naiwan pa sa katawan nina Ulu at Una, at lumalabas lamang ito muli kung sila’y
nasasaktan – bilang testamento sa pasakit, lungkot, at takot. At ano na ang nangyari sa 7,000 manlalakbay? Tuluyan na silang sumalpok sa kanilang mga katawan at naging mga islang bato, at tuluyan na silang lumagi sa isang lugar kung saan matatagpuan ang mga bulkan, lindol, at bagyo. Magpa-hanggang ngayon, ang mga sakunang ito ay walang tigil na naghahatid ng luha sa mga nakatira sa mga islang ito, bilang tanda na minsan, isang rebelde ang nagtangkang tumiwalag mula sa bayan ng Maranayo. Mabuti na lamang na dala pa rin ng mga islang ito ang kawili-wiling karikitan ng kalikasan…kasama na rin ang busilak na mga gintong matatagpuan dito. Kung titignan mo ang mapa ng mundo ngayon, makikita mo ang mga isla – mahigit na 7,000 isla – ang pitong libong mga islang pag titignan mo mula sa kalawakan ay mapapansin mong parang mga kumpol ng butil ng mga luhang sunud-sunod na pumatak sa dagat ng Pasipiko. PTS
continuation from page 35
buhay. Mula sa isang insecure at walang diskarteng bata, nag-evolve ang character ni Nico, naging matatag at confident ito sa closing scenes ng kuwento. And the song ‘Kaya Ko’ effectively captured this mood, habang sumakay siya ng kanyang bisikleta para humingi ng tulong sa mga kaibigan niya. Sa paglalaro rin ng mga street games lumabas ang awiting kinagigiliwan ng aking henerasyon, ang awit ng APO na pinamagatang “Ang Bawat Bata”. Tignan natin ang lyrics: Ang bawat bata sa ating mundo Ay may pangalan may karapatan Tumatanda ngunit bata parin Ang bawat tao sa ating mundo Hayaan mo’ng maglaro ang bata sa araw At pag-umulan nama’y magtatampisaw Mahirap man o may kaya, maputi, kayumanggi At kahit ano ma’ng uri ka pa Sa’yo mundo pag bata ka
Isa pang nakakaaliw na ipinakita sa pelikula ang iconic symbols ng ating bansa tulad ng daing na tuyo, tricycle, ang mga band-aid sa sugat ni Nico, jeepney. Updated at relevant din ang lingo tulad ng “text-text na lang ha”, kaya abot pa rin ng present generation. Mahusay ang musika na pinangunahan ni Gerard Salonga gamit ang FILHarmonik orchestra at talaga namang dumadagundong ang effects ng music lalo na sa mga suspense sequences. Mahusay rin ang graphics at ang visual effects. Kapag sanay ka sa mga 3-D digital films na gawa ng Pixar o Disney films, masasabi mong may laban ang pelikulang ito. May konting reservation nga lang ako sa movement na minsan ay hindi ganun ka-lambot, o seamless; may mga stiff moments pa rin especially sa ibang characters. Over-all, very ambitious ang project but the director, Louie Suarez was able to pull it off. Saludo rin ako sa mga production companies like Ambient Media, Thaumatrope Animation at Star Cinema (ABS-CBN) na sumugal sa proyektong ito. Go watch it in theaters or buy the DVD copy! PTS
www.pinoytayosanman.com \ january 2011
39
pinoy feature
PASIKLAB NG PINOY!
Mga Kaugalian ng Ating mga Kababayan Ngayong Bagong Taon
BAGONG TAON NA! At siyempre, tayong mga Pinoy, di nauubusan ng sanrekwang mga bagay na puwedeng gawin mula bisperas pa lang hanggang sa unang araw ng taon. Heto ang ilan na nating mga tradisyong kinagawian: Mahilig ka bang kumain ng prutas? Puwes, kelangan mong kumain ng isang dosenang ubas sa pagpatak ng alas dose sabay sa pagkalampag ng kampana ng simbahan na naghuhudyat na bagong taon na! Dahil kapag nagawa mo raw ito, lahat ng mithiin mo o inaasam para sa taong iyon ay iyong makakamtan. At isa pa, para naman sa mga pandak, bansot, o sabihin na nating sa mga gusto lang namang madagdagan ng taas – bakit hindi ka tumalon ng isang dosenang beses para ka raw tumangkad! O di kaya’y hatakin ang iyong ilong para ito tumangos? May mga ilan ring naniniwala na hindi ka dapat gumastos sa unang araw ng taon dahil puwede kang mabaon sa utang o maubusan ng pera kung sa unang araw pa lang eh gastador ka na! Ilan lamang ito sa napakarami nating tradisyon at kaugalian na ginagawa ng mga Pinoy saang sulok man ng mundo.At siyempre, tulad rin ng ibang mga lahi sa mundo, hindi pahuhuli ang mga Pinoy pagdating sa mga firerworks o fire crackers na talaga namang pinapakawalan sa bagong taon. May mga simpleng paputok tulad ng lusis, kuwitis o 40 www.pinoytayosanman.com \ january 2011
watusi na kayang hawakan ng mga bata, with adult supervision dapat. At meron ding mga delikado o kailangang maingat ang pagpapakawala tulad ng mga boy bawang, sinturon ni hudas, fountains at ang napakatinding Goodbye Philippines! Kung tutuusin, mas mainam pang manood ng fireworks sa mga malls dahil controlled talaga at ang safety measures ay hindi matatawaran. Nuong bata pa nga kami, nauso lalo na sa probinsiya ang pagpapaputok ng kawayang kanyon gamit ang kalburo o pulbura. Bakit nga ba nag-iingay ang mga tao, nagsasaya, animo’y nagkakagulo at gumagawa ng kung anu-anong kakatuwa at masasayang bagay sa Bisperas ng Bagong Taon at sa mismong Araw ng Bagong Taon? Ang isang taon kasi ay sumusukat sa oras na nakalipas. Kaya’t ayon sa nakararami, ito ang pinakamagandang gawing basehan ng isang tao kung ano ba ang nagawa o na-accomplish niya ng nakaraang taon, sa loob ng labingdalawang buwan. Nagsisilbi itong tulay ng nakaraang taon papunta sa bagong taon. Kaya naniniwala ang karamihan na kung sinimulan mo ng tama ang unang araw ng taon, ay matitiyak na magiging tama rin ang mangyayari sa iyong kinakaharap na bagong taon sa loob ng 365 araw. Kaya naman para hindi matapos na malungkot ang taong natapos, bonggang sinasalubong ito na puno ng kasiyahan (mas masaya sana kung
mas mag-iingat ang mga tao at hindi na gumamit ng mga delikadong paputok para iwas sa disgrasya. Ngayong taon lang, ayon sa tala ng DOH, lumampas ng isang daan ang sugatan sa paghawak ng paputok at may ilan pang nasawi sa isang aksidenteng maaari naman sanang naiwasan!) Pero may ibang kaparaanan naman na magpa-ingay na hindi kailangang gumamit ng mga paputok, tulad ng pag-kalampag sa mga timba, balde, kawali o kaldero at maging sa mga palanggana! At torotot sa mga kids! Ayon sa kasaysayan, mga Intsik ang nagpasimula ng mga firecrackers para gumawa ng ingay na sasalubong sa Bagong Taon. Sa mga Kristiyano naman, pinapatunog na ang mga batingaw para salubungin ang Bagong Taon, at isang pagpupugay na rin at pasasalamat sa ating Lumikha dahil sa pagbiyaya Niya sa sangkatuhan ng isa na namang bagong taon. Sa Inglatera, ang pagpapatunog ng kampana sa pagpatak ng mismong oras ng Bagong Taon ay sumisimbolo sa pagkawala na ng nakaraang taon at papalitan na ito ng bago at punumpuno ng kapangyarihang bagong taon. Ang mga bata naman sa Espanya ay pinapakain ng sandosenang ubas sa paghudyat ng bagong taon para magkatotoo ang kanilang mga pangarap sa taong iyon. Ang mga tiga-Romano naman nung unang panahon ay nagpapalitan ng mga lamparang korteng paa para daw makatiyak na sisimulan nila ang bagong taon “on the right foot” at para hindi na sila magkamali sa paghakbang sa bagong taon. Meron ring tradisyon sa Europa na kailangang lumabas muna ang lahat ng miyembro ng pamilya sa kanilang tahanan, at ang unang papasok ay ang ama, dahil ito raw ay isang pagpapakita na ang lalaki ng bahay ang siyang namumuno sa kanilang tahanan. Kailangan ring nakakulay ng itim ang buhok at hindi olandes. Isa pang tradisyon sa Europa, kapag manliligaw ka naman ng isang babae, kailangang ikaw ang unang makarating sa bahay ng iyong nililigawan para hindi ka na maunahan ng iba pa at ikaw ang siyang sagutin o piliin ng iyong iniirog. Ang lahat ng ito ay kailangang maganap sa unang araw ng
Enero. Iniimbita naman ng mga Intsik sa media noche ang kanilang mga malalapit na kaibigan. Kaya nag-i-iskedyul talaga ng reunion, at nagkalat ang mga tikoy at hopia na pinamumudmod sa mga bisita. Hindi pahuhuli ang mga Pinoy pagdating sa mga kaugalian ‘yun nga lamang ay naimpluwesiyahan ng mga dayuhang Amerikano, Intsik o Espanyol ang ilan sa ating mga kinagawian. Sa Pilipinas nga, kailangang nasa sarili mong bahay ikaw dahil kapag sa ibang bahay ka raw nag-Bagong Taon ay magiging lakwatsero o lakwatsera ka at kung saang-saang bahay ka matatagpuan sa darating na taon. Ang pagpapadala ng greeting cards ay nakuha natin sa mga Amerikano, kaya hanggang ngayon ay tinatangkilik pa rin sa atin ang pagpapagawa ng mga greeting cards.
Sa Samar, kailangang malinis ang mga kalan at iba pang kasangkapan sa kusina dahil kailangang “sariwa” o “malinis” ang lahat sa pagdating ng Bagong Taon. Sa Cebu naman, at maging sa ibang sulok ng Pilipinas, kailangang may laman ang ating bulsa o pitaka, kahit man lang isang barya. Kailangang kumpleto ang ating mga pangangailangan sa unang araw ng taon. Kailangang puno ang ref, o ang lamesa at maging ang mga lagayan ng bigas, asukal, asin at iba pang mga pagkain. Kailangang punumpuno ang mga lalagyan ng pagkain sa unang araw dahil nga hindi puwedeng gumastos sa unang araw ng taon, at para na rin may maipakain tayo sa mga darating na bisita. At isa pa pala, kailangang tubusin ang mga sinangla sa sanglaan at magbayad ng utang para walang utang sa pagtatapos ng taon at makapagsimula nang walang utang kahit kaninuman. At para naman papasukin at tanggapin ang suwerte, binubuksan ng mga Pinoy ang kanilang mga pinto at bintana at mga ilaw sa bisperas pa lang ng Bagong Taon. Ang ilan ay nagsusuot ng mga polka dots o underwear para mas www.pinoytayosanman.com \ january 2011
41
pumasok pa ang pera sa kabahayan. Ang pagbukas naman ng lahat ng ilaw sa bahay ay nagsisimbolo na iiwasan ang pagkamatay ng sinumang miyembro ng pamilya sa darating na taon. At sa mga may-ari naman ng sari-sari store, kailangang huwag magpautang sa unang araw ng taon para hindi malugi sa negosyo. Isa sa pinaka-nakakatuwang tradisyon na ginagawa ay ang Aguma Sanduc festival sa Minalin, Pampanga. Beauty pageant ito kung saan mga machong kalalakihan at hindi mga bading ang naglalaban-laban. Ang sanduc (sandok), ang magiging scepter ng mananalong “most beautiful” husband, na kokoranahan bilang Reynang Sanduc. Lahat ng mga kalalakihan sa baryo, mapa-propesyunal, politiko, o negosyante ay maaaring sumali at hindi makakabawas iyon sa kanilang pagkalalaki. Suot ang pinaka-garbong damit ng kanyang asawa, paparada sila sa kalsada, at dadaan sa mga pagsubok na kalimitang makikita sa mga beauty contests tulad ng talent portion, parade of nations costume, at Question & Answer portion. Dito malalaman mula sa mga hurado kung sino ang tatanghaling reyna ng kapistahan. At pagdating naman sa pista, sa mga pagkain – papahuli ba naman nga mga Pinoy? Ito ang nagpapa-espesyal sa pistang ito ng mga Pilipino. Pagkatapos ng misa para sa bagong taon, nagtitipuntipon ang mga mag-anak para sa media noche, na halos kapareha rin ng noche 42 www.pinoytayosanman.com \ january 2011
buena ng Kapakuhan. Madalas nag-rereunion dito ang mga magkaka-maganak. Tulad sa Kanluran, inaawit rin ang “Auld Lang Syne” pagsapit ng alas dose. Pagsapit naman ng Enero a Uno, o New Year’s Day, nag-aabang na ang mga Pinoy nga mga senyales lalo na sa mga probinsiya. Kung aatungal ang isang baka, magiging masagana ang darating na taon, at kung hahalinghing naman ang kabayo, lahat ay magiging masigla. Kapag patuloy na kahol ng kahol ang mga aso, makakaranas ng tagtuyot ang parating na ani, at ang ingay mula sa mga pato ay magpapahiwatig na maraming ulan ang darating. Kapag pumatak ang Bagong Taon sa Biyernes, marami raw mararanasang aksidente; pero kung Sabado naman, ay magdudulot ito ng kasaganaan, at kapag umulan daw ng unang araw ng taon, magiging masigla raw ang parating na taon. At siyempre, marami pang ibang mga kaugalian na hindi ko na naisama sa artikulong ito. Walang makapagsasabi kung saan talaga nagmula ang mga tradisyong ito. Pero isa ang tiyak, nais ng mga tao na mapabuti ang kanilang kinalalagyan sa buhay. Gusto nilang mag-improve, sa katunayan, gumagawa nga ang karamihan ng kanilang listahan na tinatawag nilang New Year’s resolution. Ikaw, Kabayan, ano ang New Year’s Resolution mo ngayong taon? PTS
usapang pangkalusugan
PAGPAPABABA NG TIMBANG SA NATURAL NA TIMBANG ni Dr. Sonny Viloria
Kayo po ba ay bumigat na naman ang timbang matapos ang kapaskuhan? Nadagdagan ng bilbil at wala na namang maisuot na pantalon? Alam nyo ba na ito ay maari pang magpatuloy kung hindi ka gagawa ng aksyon agad-agad. Kaya’t sa edisyong ito tayo ay magbibigay ng practical tips kung paano mababawasan ang timbang sa natural na pamamaraan, na di kailangan gumastos ng may kalakihan. 1. Ang pag-inom ng sampung kalamansi sa isang tasa ng maligamgam na tubig o 1 lemon sa umaga ay nakakatulong sa pagbaba ng timbang. Ito ay mabuting nakapaglilinis din ng ating atay. 2. Ang madalas na pagkain ng mga prutas tulad ng saging lalo na ang lakatan o latundan, citrus fruits, dalandan, grape fruit o suha ay may kakayanan din na magtunaw ng taba sa ating katawan. 3. Ang pagsunod ng ayon sa dikta ng ating katawan o pag-iisip na kakain lamang kung nagugutom ay dapat sundin. Ngunit kapag kumain ay iwasan ang magpakabusog nang husto. 4. Ang madalas na paginom ng tubig na hindi malamig in-between meals ay magandang gawin upang maiwasan ang mas madalas na gutom na pakiramdam. 5. Ang pagbawas ng sobrang kanin o pasta o pagkain
na masyadong mayaman sa carbohydrates ay makatutulong din sa pagbawas ng timbang. 6. Ang pagpapawis sa pamamagitan ng ehersisyo ay makatutunaw ng tabang nakadeposito sa ating katawan, kaya’t ang patuloy na paggalaw at pagiging maliksi ay maigi. Huwag magpatalo sa lamig na naghahatak sa atin sa higaan. 7. Ang mga dapat iwasan na pagkain ay ang mga minatamisan o ginamitan ng asukal, ang mataba o masebong pagkain, ang malalamig na inumin o pagkain at maging ang hilig natin sa sobrang alat na pagkain. Kung ang pagtikim nito paminsan-minsan ay ok lang pero sa ordinaryong araw, panatilihin ang pagkain lamang ng isda, gulay, kanin at maraming prutas ang susi upang mapanatili ang inyong timbang na naayon lamang sa inyong katawan. Ito po si Dr. Viloria bumabati na po sa inyo ng isang Manigong Bagong Taon! Tandaan na ang susi sa mabuting kalusugan ay ang moderation sa ano mang pagkain. PTS
Viloria y n n o S Dr.
nch Main Bra bao, Quezon City DSA, Cu ldg. 597 E G/F CRB B (02-4487625/26) do San Fernan arden Bldg. ldg. A1 Aurora B G/F Hyatt G nsion City of m R g an Alab Dolores Extedo Pampanga d, Alabang, Zapote Roa City (02-7723810) San Fernan 48) a up nl ti Mun (045-96396 ., St o ir 44 Sto. Ente 4 -2 s le ge An 43 \ january 2011 mpanga y Pawww.pinoytayosanman.com Angeles Cit 890/8884419) 85 88 45 (0
gawad pts entry
Nagtatanung ang isip kung makakatagpo ng kayamanan Sa paglilinis ng walang ubos na singit sa kagubatan Sa’n ako magsisimula, anu ba ang tunay na sukatan? Sa di mabilang-bilang na napakalawak na kagubatan Na waring aking patuloy at pilit na inaakyatan. P’ano makikitungo sa taong turing sa sarili’y panginoon Sa kanila’y wala namang utang na loob na dapat bayaran Subalit gustong ang buhay ko ay kanilang madiktahan Ng naayon sa kanila, labag sa batas na kapamaraanan. Nakipagpaligsahan sa daga, sa halimaw ay nakipaglaban Datapwa’t dapat bang maramdaman sa puso ang kagalakan? Kung ako man ay nilalang na di naging ganap na talunan Puso ko naman ay sugatan, malaking pilat naiwan sa katauhan. Masyado ba akong umasa na ang salamin ng aking buhay Ay puro tagumpay, ang pag-iibigan ay pang habang buhay? Anu nga ba ang paraan ng pagsamba ang sa kanya ay iaalay, Upang ang damdamin ay magpatuloy kailanman di mamamatay? Ang batas ng tadhana ay sadyang walang pakundangan Bawat hagupit, bawat pagtama ay sadyang walang kapatawaran Kahit na anung pilit itanggi ng sarili ay di rin matatakasan Dahil malaki ang naging kabayaran kahit pa di naging makatarungan. Sa mundo ng mga tao mawawala na nga ba ako nang tuluyan Kung ang mga pandama ko ay mawawala rin nang lubusan? Ang boses at mukha ko ba ay maglalaho ring tuluyan Ang oras ay di na pwedeng panghawakan di na mapipigilan. Hindi man naaayon sa sakit na dulot ng isang mapait na alaala Ng ligaw na kaisipan, ang pananampalataya ay nauwi lang sa wala Subalit ipagpapatuloy pa rin ang buhay ako ay makikibaka At bigyan ang sarili na harapin ang bukas nang may pag-asa. Sarili’y san ilalagak gayong konting pag-asa ay di matagpuan Susundin ko ang tadhana at takot ay aking pakakawalan At mahimlay ang hubad kong kaluluwa duon sa karimlan Napadpad sa lugar, paligid ng tanikala at pawang kadiliman. At ng wari’y nalagot ang tanikala, bagong pinto ay nabuksan Kaibuturan sa aking puso’y nakaramdam ng ginhawa at kalinisan Hindi dahil sa mga luha sa aking mga matang malayang pinakawalan Kundi higit na kagalakan na aking nadama sa aking kalooban. Ako’y nananatili sa bagong lakas na aking nakamtan Dahil muling nagbalik, kaluluwang ligaw sa karimlan Ako’y nawala, magiging masaya na marahil nang tuluyan. 44 www.pinoytayosanman.com \ january 2011
PTS facebook online contest I - share na ang mga natatanging Yes! Moment photo nyo! NGAYON NA!
W E E K LY W I N N E R S
joy baniel vuelta Week 1
All winners received HK$ 400 worth of Gift Certificates
n awaya erta c 3 Week
juvy pernit ez Week 2
edelb
libo lydia Week 5
precy v illegas Week 4
gisel
e der echo Week 6
DO YOU WANT TO JOIN? Visit our facebook account,
NOW!
michell e m oso ga su nit n Week 8 ba nyrla pala Week 7 www.pinoytayosanman.com \ january 2011 45
food trip
Chinese BBQ pork salad with shattered glass noodles INGREDIENTS for the pork marinade 2 pork fillets / tenderloins 2 tablespoons grenadine 2 tablespoons honey 2 tablespoons hoisin sauce 1 tablespoon soy sauce 1/2 teaspoon Chinese five spice
46 www.pinoytayosanman.com \ january 2011
PROCEDURE Marinate for at least 2 hours, then bbq until almost cooked through, and caramelised on all sides. Let them rest for at least 6 minutes before slicing. A base of baby salad greens, slithers of fresh ripe red plums, sliced spring onions and freshly picked calendula petals, a nest of crispy deep fried raw rice vermicelli noodles, sliced Chinese bbq pork and hoisin sauce vinaigrette.
nobela teaser
KAKAGALING lang sa pagba-basketball ni Victor nang maabutan niyang nagtatalo ang kanyang ina at ang kanyang asawang si Elvie. “O, bakit, anong problema dito, Ma?”
Gigil na gigil si Elvie at agad na lang umakyat ng hagdan papunta sa kanilang silid. Susundan agad siya ni Victor. “Magsama kayo ng nanay mo. Mama’s boy!”
“Iyang asawa mo, ingrata!”
“Ano bang problema?”
Mapapatingin lang si Victor sa asawa. “Ano na naman ba ang ginawa mo, Elvie?” Mula kay Victor. Naghihintay si Elvie na ipagtanggol naman siya ni Victor, pero hindi dumating iyon. Agad namang lumapit si Mrs. Villacruzes sa anak at hinimashimas ang likod nito. “Sinabi na sa iyong huwag kang magpapatuyo ng pawis.”
“Ang problema ko, Victor, hindi ko na makita ang sarili ko dito sa bahay niyo. Wala ka na rin namang makita sa bahay na ito kundi ang nanay mo.” Sandaling katahimikan bago pakawalan ni Elvie ang bulkan. “Aalis kami ng mga bata.” Magtataas ang boses ni Victor at maidadabog nito ang hawak na basketball.
“Ma, bakit, ano bang nangyari?”
“Subukan mo.”
“Ituloy mo na lang ang basketball mo at hayaan mong kami ang mag-usap dito.”
ko.”
“Hindi ko susubukan, gagawin
Paano nga ba magkakasundo ang mag-asawang naninirahan sa poder ng biyenan? Ito ang ating masasaksihan sa paparating na na nobela mula sa may-akda ng Pamilya Salvacion – ang manunulat na si Gloria Ricaliza!
ABANGAN
Sa Piling ni ang
Mama’s Boy sa susunod na isyu!
8
www.pinoytayosanman.com \ january 2011
Libreng pa-Kolehiyo! Handog muli ng AFREIGHT! Full Scholarship na, Libreng Dormitory pa! t Kung ikaw ay nakapagpadala ng kahon sa AFREIGHT sa taong 2010-2011, maaari kang magkamit ng Full Scholarship+Free Dormitory sa First Asia Institute of Technology & Humanities (FAITH), Tanauan, Batangas para sa iyo o sa iyong kamag-anak! t Courses offered: Accountancy, Business Administration, Computer Science, Criminology, Engineering, Nursing, HRM, BSE, BSEEd, etc. t Please inquire at any AFREIGHT office for details and applications.
Libreng pa-Kolehiyo, Pamilya Mo Panalo! Now accepting applications for School Year 2011-2012!
Metro Manila Luzon A & Rizal (BuLaCaBat) BIDA SOLO JUMBO SOLO REGULAR SOLO JUM+BIDA JUM+JUM JUM+REG JUM+MIDI JUM+QPL
628 518 458 1068 938 928 788 698
648 538 468 1108 978 958 828 728
Luzon B&C
Bicol/ Island & Visayas
Mindanao
668 558 478 1148 1018 988 858 758
688 588 518 1198 1078 1058 918 818
708 618 538 1248 1138 1108 958 858
*NET prices after deducting discount for pick-up of empty box, instant packing and BIDA Club discount.
FR STOR EE A of Until Stripe B GE ags 30 June 2011 !