ECHOES August 2007

Page 1


Talaan ng Nilalaman Editorial (p.3) Commnews (p.4) News (p.10) Chikiting Patrol ni Niña Castillo (p.10) Ecosocers nagHip App ni Jaymie Reyes (p.11) Bubbling APPdate ni Kim Dayag (p.11) Ecosocers pinagdikit ng TBS ni Janica Magat (p.12) Paghahanap sa Bagong Ekonomista sinimulan na ni Luz Baldueza (p.12) Ikaapat na NYC Idinaos ni Chimi Cuevas (p.13) Gabi ng Parangal para sa Snapshots, matagumpay ni Audrey Austria (p.13) Pakshirt Sale umarangkada sa kabila ng bagyo ni Neil Elpusan (p.14) TASKFORCE: Trilogy, Inilunsad ni Kim Ovejera (p.14) Econ may bago nang dekano ni Care Gabinay (p.14) Make Your Mark isinigawa ng JPES ni Jinky Cajulao (p.15) Philces aktibo ngayong taon ni Josteen Vega (p.15) Announcements and Acknowledgements (p.17) Features (p.23) Isang Panayam kay Ma’am Kraft ni Karen Capacia (p.23) Solid ako! ni Mica de Jesus (p.24) Silong ni Brylle Baluyot (p.26) Ecosoc Lingo ni Justin Batocabe at Nathan Pico (p.28) Imbestigasyon ng Ecosoc Fallacies ni Will-J Sarmiento (p.30) Mga Iba’t Ibang Species ng Apps, Artikulong muling nilimbag (p.32) Phenomenology ng Bintilador ni Ace Lopez (p.33) Ask P&M (p.34) Ang mga Bayani at Hero ng Ating Panahon ni Jholo Moreno (p.36) Posibilidad ni Yla Paras (p.38) “University of Filipinas?” ni Golda Cainglet (p.39) Masarap ni Mike Tahim (p.40) Kikay Machine: Pinoy ako, pati ang damit ko! ni Triszh Hermogenes (p.42) Mga tula ni Juan Kahapon (p.44) Horoscope ni Madame Jaja (p.45) Tambayan Photolog ni Czar Carbonel (p.46) Silip sa Lumang Logbook (p.46) Tsismis Corner (p.47) Ecrossocword (p.48) Comics ni Enteng Lopez (p.48)


May kani-kaniyang puwestong kinalalagyan sa isang pampublikong sasakyan ang mga pasaherong may iba’t ibang pinagmulan, subalit sama-sama pa rin silang tumatahak sa iisang daan patungo sa malayong landasing nais nilang marating. Magkakaiba man sila ng amoy, wala silang magagawa. Kailangan nilang pakisamahan ang bawat isa sa mahabang lakbaying ito. Ang Ecosoc ay larawan ng isang pampublikong sasakyan. Binubuo ito ng mga taong magkakaiba ang pisikal na anyo, ideolohiyang pinaniniwalaan, pag-uugali, hilig, antas ng karunungan, damdamin, at kinatatayuang estado sa buhay. Iba’t iba ang layunin nila sa pagpara at pagsakay sa sasakyang Ecosoc ngunit kung anu-ano man iyo’y pinangibabawan ng iisang layong makarating sa patutunguhan. Kung tutuusi’y maituturing na banta ang pagkakaiba ng mga pasaherong ito sa pananatili nila sa loob ng sasakyan subalit hindi ganoon ang nangyari. Hindi naging suliranin ang kaibahan nila sa isa’t isa, manapa’y naging oportunidad pa nga ito upang higit silang magsumikap para matupad ang hangarin, mapaganda ang takbo ng sasakyan at sa malao’t madali’y magtagumpay. Sa limitadong panahon ng pagtahak sa malayu-layo ring landas ay natutunan nilang mapakisamahan ang isa’t isa. Halos saulo na nga nila ang amoy ng bawat isa. Higit silang naging sensitibo sa damdamin at pansamantalang pangangailangan ng kapwa nila mga pasahero. Kasabay ng pagdaan ng mga bagyo ay ang pag-ulan ng mga mahahalagang gawain ng Ecosoc at ang kasunod na pagbaha ng mga trabaho para sa mga miyembro nito. Ang Agosto ang sentro ng mahahalagang pangyayari sa loob at labas ng organisasyon na nagsabay-sabay pa ngang talaga. Nariyan ang mga midterm na pagsusulit na dapat pagtuunan ng pansin. Ang ilang mga seniors ay nasa kalagitnaan na ng kanilang paggawa ng kanilang mga thesis. Abala ang lahat sa panahong ito subalit maayos pa ring naisakatuparan ang mga gawain ng Ecosoc dahil sa mga miyembro nitong tapat na tumutupad sa kani-kanilang takdang tungkulin. Sa buwan ding ito higit nating nakikilala ang mga bagong pasahero--ang mga aplikante. Patuloy ang pag-usad ng sasakyang ito hanggang sa makarating sa pinakamimithing hantungan--ang katuparan ng malaganap na serbisyo, pangunguna at tradisyon nito. Tara na! Biyahe tayo. Mahabahaba pa ang daang ating tatahakin. Walang maiiwan. Sama-sama nating masdan kung ano ang hitsura ng ating hantungan--ang bunga ng lahat ng ating mga pagpapagal bilang mga dakilang kasapi at tagapagtaguyod ng Ecosoc. n


Sino ang iyong bayani? Ang aking nanay. Hindi muna ako magpapakasenti dahil hindi pa naman ito ang huling commnews ko. Sa halip ay iimbitahan ko na lang ang lahat sa mga nakahandang mga proyekto at pangyayari sa Ecosoc ngayong Setyembre! Yehey! Ecosoc month na!!

eleksyon para sa susunod na Exeom. Kaya naman sa lahat ng kandidato, galingan nyo! Matalo man o manalo, sana ay hindi mawala ang pagmamahal niyo para sa Ecosoc. God Bless! At sa mga miyembro, napakaimportante ng eleksyong ito dahil para ito sa Execom ng ika-50 na taon ng Ecosoc. Kaya naman, magisip ng mabuti bago bumoto.

Pero bago un, gusto ko munang magpasalamat sa lahat ng tumangkilik, bumili at tumulong sa pagbabantay sa Pakshirt sale ng Ad Hoc nung nakaraang Agosto 6-14. Maraming maraming salamat!

Executies! :) Maraming salamat sa lahat! Ipagpatuloy ang magandang nasimulan. :) Sigurado ako na mamimiss ko kayo. :(

Ayan, Ecosocers, Setyembre na!! Ibig sabihin, ipagdidiwang na natin ang ika-49 na anibersaryo ng mahal nating organisasyon! Yey! Kaya naman inaanyayahan ang lahat na makilahok at pumunta sa lahat ng mga proyekto at mga kaganapan na inihanda ng bawat komite ngayong buwan. Andyan ang Musikapela, National Youth Summit, Kabataan Caravan, Tambay Week, Spike It, at madami pang iba. At shempre, hindi dapat palampasin ng lahat ang SENSATION: The Ecosoc Anniversary Party. Gaganapin ito sa Setyembre 15 sa Bedspace, Greenbelt. Siguraduhing andun kayo dahil para talaga sa mga miyembro, aplikante, alumni at mga kaibigan ang party na ito! :) Kitakits!

Kada! Mahal ko kayo. SSTP, Maraming salamat!

Uulitin ko lang, SENSATION na!! Setyembre 15 sa Bedspace Greenbelt! Magkita kita tayo dun ha!! :)

Adhoc

Dahil Setyembre na, ibig sabihin ay malapit na din ang

Anika

Sino ang iyong bayani? Si BAYANI Ferando. Dahil nilinis nya ang Marikina! HEHEHEHE OHA OHA! Siya ang tunay na BAYANI.

Kay bilis nga naman talaga ng panahon. Parang kahapon lang e unang araw pa lamang ng semestre ngunit ngayon ay malapit nang matapos ito. Ngunit sa maikling panahon lang na nakalipas ay marami nang mga pangyayari at pagbabagong naganap. Nariyan ang maingay na paglipat ni Angel Locsin sa ABS, pagbabalikan nina Ruffa at Yilmaz, pag-unat ng buhok ni Lia, muling pagtambay ni Kim Dayag at ang pinakahuli nga ay ang pagsalanta ni bagyong Egay na nagbigay sa atin ng isang mahabaaaaaaaaang wikend. Malamang pati kayo nung mga panahong malakas ang ulan ay napapakanta “Lagi na lang umuulan, parang walang katapusan…” at naiisip ang pagtapik ni Jay ng Cueshe sa kanyang pantaloon para hindi isipin ng mga tao na wala siyang ginagawa habang si Ruben pa ang kumakanta [Hehehe]. Okay, ititigil ko na itong kakornihan ko at didiretso na sa totoong commnews. Dahil anung saysay ng haba ng commnews kung hindi ko naman maipaparating ang mga pasasalamat at pagbati.

KEYR.INA.LIYA.KAT.DYOSTIN.ANDYI.KASH. LEN.BINA.DYES.NEYO.ENTENG.KOL.NERI. KIM.MIKO.NINYA.BRAYL.AYEL.LUSI.LES. BILI.EYS.DYIN.KAR. Maraming maraming salamat sa inyong walang humpaaaaay na dedikasyon. Woohoo!!! Siyam na araw na lang at magmu-MUSIKAPELLA: Himig ng Pag-Ibig, Noon at Ngayon na tayo at ilang beses nating maririnig ang “Minsan Lang Kitang Iibigin”. Ikalawa, nais kong magpasalamat sa mga Ecosocers dahil sa inyong walang sawang pagsuporta sa lahat ng mga kaganapan <’events’>, patuloy nating mahalin ang ECOSOC!!! Ikatlo, nais kong pasalamatan at ikongratuleyt ang execom dahil patuloy tayong nagiging matatag. Konti na lang at malalampasan nating lahat ito ng matagumpay =) Ikaapat, sa mga aplikante, taos-pusong pagbati dahil natapos ninyo ang midsem tsek-up! Ikaapat, gusto kong kamustahin ang aking kada.. Hehehe.. Labyu ol!

Taskforce

Una sa lahat, syempre pa, makakalimutan ko ba namang pasalamatan ang mga taong bumubuo sa TASKPORS? TSERISH.RODA. DYOLO.MARYAN.ABI.TSIMI.MAYKEL. REYMOND.DYASPER.KEYT.PLOYD.

vv

maraming

PAHABOL: Agosto 31- maagang pagremit ng DIYES tikets @ Php150(mems) at Php250(apps) Setyembre 14- huling araw ng pagremit ng DIYES tikets @ Php200(mems) at Php300(apps)

Te tel


Sino ang iyong bayani? Bayani ko si Juan Luna. Alam niyo ba na ang obra maestro niyang Spolarium ay sinlaki ng isang buong pader ng silid-aralan? (Mas malaki pa sa Ecosoc Bulletin Board!) Ngayon namang Setyembre, ang Seccom ay maghahandog rin ng isang malaking obra maestra para sa Ecosoc. Sana’y maaliw ang lahat sa gagawing Ecosoc Month Exhibit na ito. Habang sinusulat ko ang commnews na ito, nangangalahati pa lamang ang disenyo ko para sa exhibit. Pinagdarasal ko lang na sana sa oras na ito, hawak mo ang kopya mo ng Echoes, naisip mong, “Oo nga, ang ganda ng Ecosoc Month Exhibit natin sa Lobby/Audi/ Walkway!” Hehe. Pumunta tayo sa CDC ART WORKSHOP sa Agosto 29 (Miyerkules), 1-3PM! Bukod sa mga bata, baka kayo rin ay may matutunan! :) Salamat sa maaasahan kong mga Vice Chairs – Triszh at Jean. Sa buong Seccom, miyembro o aplikante (Billie, Jopee, Jes, Yen, Monica, Jamoy, Ria, Joyjoy, Anne, Madeth, Gen, Donna, Gian, Don, Karen, Ladylou, Kat, Chec), maraming salamat. Anika, Te’el, Marjie Parjie, pseudo-Ate Glai, Czarbonel, Katz, Ariescaldo, Jared, Patis, Idababes, at Micoy, a.k.a. The Executies -- papalapit na ang wakas ng ating termino, ngunit masayang-masaya akong mas

nagiging magkakaibigan tayo habang tumatagal. Mahal na mahal ko kayo, at Masaya akong makatrabaho kayo! May tribute din ako sa atin bago matapos ang sem dahil cute tayo, haha! :) Sa aking Nanay, Tatay, Ate at Kuya, mag-isa na lang ako sa Burgundy, kaya palagi ko kayong nami-miss. Yay! Pumayag na ang nanay ko mag-invest sa Mac, sa ngalan ng aking sining! :D Salamat din sa Fitness First dahil nakakawala ng stress ang mag-ehersisyo, tapos pumapayat pa ako, woohoo! (Ano ito, endorsement? Haha!) Salamat din sa Chismis Squad na laging nagtitipon sa Chismis Corner tuwing umaarangkada ang chi chi…nagiging mas interesante ang buhay Ecosoc dahil dyan. Hehehe. :p

Seccom

Laging Nag-iingay,

Anday

Sino ang iyong bayani? Maraming paraan para maging isang bayani… Lahat ng tao, na gumawa ng kabutihan, gaano man kalaki o kaliit, para nakararami ay maituturing na isang bayani… Bawat Ecosocer ay bayani sa mata ng mga taong natutulungan nila… Nais kong pasalamatan ang mga bayani ng Finance Committee.. Lia, CJ, Kat de Vera, Monique, Jane, April, Pinay, Kim, Neo, Justin, Eunice, Aira, Imee, Kat Suarez, maraming salamat sa bawat munting kabayanihang ginagawa n’yo para sa katuparan ng mga mithiin ng Ecosoc.. Sa mga aplikante na buong puso ang pakikibaka para matupad ang pinakamagandang tagumpay: ang pagiging Ecosocer, galingan n’yo ha hindi kayo nag-iisa sa mithiing ito. Sa mga aplikante ng Finance Committee, Sieg, Jerold, Pat, Totoy, Lia Ame, salamat, paghusayan n’yo pa..

sa pinakamagagaling at mapagkakatiwalaang tao sa mundo.. merci beaucoup… Nais ko ring pasalamatan (at batiin na rin, hehe) ang aking pamilya at mga mahal sa buhay na buo ang suporta sa akin at sa Ecosoc… Ngayon ko lang yata sila babatiin sa commnews ko… hehe, lagi ko silang nakakalimutan pero sila, hindi nakakalimutan ang pagsuporta at pagtulong,.. (sorry..) Mommy, Daddy, Vince, CJ, TJ, salamat sa pag-intindi sa’kin… mahal ko kayo… Medyo kumo-corny na yata, kaya hayaan n’yo na lang akong mag-plug ng mga pakikibakang gagawin naming.. hehe Huwag kalimutang suportahan ang Bingo! sa ika4 na ito ng Setyembre... Huwag ding kalimutang dumalo sa NATIONAL YOUTH SUMMIT ON MICROFINANCE!!! sa ika-22 ng Setyembre… Ecososcers, ipakita ang inyong kabayanihan sa pamamagitan ng pagdalo sa lahat ng event ng Ecosoc, hindi karahasan… ^_^ Lumaban para sa katuparan ng mga adhikain ng Ecosoc!! Sugod! ^_^

Finance

Sa mga pinuno ng rebolusyon, ang Execom, patapos na ang ating pagsisilbi bilang mga pinuno.. natutuwa ako na makasama at makatrabaho ang labing-isa

Marj


Sino ang iyong bayani? Ang aking mga mahal sa buhay… Maraming maraming salamat sa lahat ng pumunta sa “WANTED: Young Economist - A Seminar on Career Opportunities for Economics Majors” noong July 18!!! Sa mga ecosocers na sumuporta at kahit sa hindi ecosocers na pumunta din (sana mabasa nila to): Maraming Salamat! Sa Execom, Maraming Salamat dahil lagi kayong nandiyan!!! Syempre makakalimutan ko ba naman ang mga tumulong sa akin sa pagorganize ng event na ito: ang LIAISON COMMITTEE!!! Sa Logistics Team headed by Karen: Camille, Luz, May, Marianne, Ruby, Miko! Kung wala kayo, wala tayong speakers, venue, proram, tokens at equipments, atbp. Sa Marketing Team headed by Care: Jaymie, Roda, Daryl! Kung wala kayo, wala tayong food at hindi sana naendorse ng professors ang event natin sa mga klase nila. Sa Publicity Team headed by Aileen: Mariel, Cel, Neri, Mel at apps na sina Trisha, Timmy at Earl! Kung wala kayo na nagtiyaga sa text, email at chalk brig at pag-post ng posters, hindi makakarating sa bawat estudyante ng Econ ang

Sino ang iyong bayani? Ang aking bayani ay ang aking ina. Marahil ay para sa ating lahat, bayani naman talaga sila sa kani-kanilang paraan. Maliit man o malaki. At ito ay dahil sa walang kapantay na pagmamahal na binibigay nila sa atin. :) Kumusta Ecosocers? Nararamdaman niyo na ba na lampas na tayo sa gitna ng semestre? Kaybilis talaga ng panahon! (aaah..pasensya dapat daw kasi ay purong Filipino ang pagsulat namin dito..) Napagnilay-nilay ko tuloy na sa kaunting buwan ay kailangan nang lisanin ang Econ upang umusad sa buhay. Ngunit, huwag muna natin yun pag-usapan ngayon. :) Nais kong magpasalamat sa lahat ng tumulong at sumuporta sa lahat ng mga proyekto ng Acad. Salamat sa mga dumalo sa Debate Workshop at sa mga tumulong sa NYC. Taos puso akong nagpapasalamat sa inyo. Sana ay patuloy niyong suportahan ang ACLE Eventology, Jologs Quiz Show, Summit, at Alay sa Personnel. Nandz – salamat, sobra. Hindi ako nagkamali na piliin kang VC. Archie – alam kong mahal mo ang Ecosoc, ipagpatuloy mo lang Ria – salamat at nakikita kong natutuwa ka sa paglilingkod na ginagawa mo Frances, Tin, Nikka, Pao – salamat dahil alam kong

information tungkol sa ating Career Talk. Hindi magiging matagumpay ang Career Talk kung wala kayong lahat! Sana marami kayong natutunan at sana, mas nakilala nyo pa si Ecosoc sa pamamagitan ng kwento ng magagaling nating alumni na nagging speakers sa event na to: Si Ms. Bing Villarante na Consultant sa Asian Development Bank; si Mr. Noli del Rosario, ang VP for Corporate Human Resources ng JG Summit holdings Inc at dating Memcom Chair; si Mr. Ricky Jacinto na ngayon ay Managing Director na ng Ayala Corporation at noon ay Ecosoc President; si Ms. Leony de le Llana na First Vice President ng MERALCO. Trivia: Ang mga asawa nina Mr del Rosario, Mr Jacinto at Ms de la Llana ay ecosoc alumni din! Malay nyo sa Ecosoc nyo rin matagpuan ang mapapangasawa nyo! Abangan ang mga susunod na kabanata sa Liai! September 1: 9:00 am – 12:00 nn : CDC with ALUMNI!!! 2:00 – 6:00 ppm : MBA with ALUMNI!!! September 13: 4:00 – 5:30 : ALUMNI Talk

Liaison Mabuhay ang LIAI! Mabuhay ang ECOSOC!!!

maasahan ko kayo. Philip, Rachel – salamat dahil kahit nag-thethesis kayo, may oras pa rin kayong tumulong sa Acad Marian, Jances – nababawasan ang aking stress dahil nanjan kayo. Sobrang salamat. Dustin, Abby, Chimi – salamat sa lahat. Bilang kaibigan at bilang parte ng Acad. Mahal ko kayo. Sobrang salamat. Carlo, Dianne, Danica, Wil-J – konti na lang at malapit nyo nang marating ang pagiging Ecosocer. Ipagpatuloy lang ang pagiging bibo at kasipagan sa pagpunta sa mga events. Mahalin ang Ecosoc. Acad, mahal ko kayo, sobra. Execom, nalulungkot ako dahil napakabilis ng panahon. Alam ko namang hindi mawawala ang pagsasamang nabuo natin. Sa aking mga kaibigan, salamat dahil kayo ang nagbibigay kulay sa mundo ko.

Acads

Ecosocers, ipagpatuloy natin ang paglilingkod. Ibahagi natin ang pagmamahal. :)

Pa ti s

Glai


Sino ang iyong bayani? Seryosong tanong ba iyan? Ang una kong naiisip ay ang aking nag-iisang ina, na siya lamang nagtaguyod sa akin at aking mga kapatid..Madramang kwento.. :-( Napakabilis talaga ng panahon, midsem na.. Hindi matapos tapos ang midsem check up dahil sa bagyo. Madami ring naudlot na events nang dahil sa bagyo. Nang dahil dito hindi ko nagustuhan ang mahabang bakasyon (weh!haha). Kalagitnaan na ng semestre at madami narin events ng CDC ang lumipas. Nais kong i-congratulate ang mga miyembro kong namuno sa mga ito. Napakagaling niyo. :-) Mahal na mahal ko kayo ( cheers to more bonding moments! :-) ) Go CDC! Salamat Cherish and Cole (my VCs), Niña, Brylle, Golda, Michel, Sherri, Goldy, Carlo, KP, Carla, Darlene, Kris, Gel, Kim, Josh at Jenny.. :-) Salamat din sa mga miyembro na sumusuporta at tumatangkilik ng mga Ecosoc events. Salamat sa walang kupas niyong pagmamahal sa ating organisasyon. Nagagalak rin ako na marami sa inyo ang dumadalo sa ating mga aktibidad na

Sino ang iyong bayani? Si Jose Rizal dahil sa kanyang tanyag na sinabing, “Ang hindi magmahal sa sariling wika, masmasahol pa sa malansang isda.” Kaya kung napapansin niyo, ang isyu ng Echoes ngayon ay nasa wikang Filipino. Siyempre, ito ay upang mapagdiwang ng Ecosoc ang Buwan ng Wika! At para maipakita na wala namang pagkiling ang Ecosoc sa wikang Ingles. Haha! At para narin sanayin tayong makapagbasa naman ng Filipino dahil ang mga diskurso natin ay puros nasa Ingles o Taglish na. Muli, nais kong pasalamatan ang aking matatapang na manunulat na tinanggap ang hamong isulat ang kanilang mga artikulo sa wikang Tagalog (kahit hindi sila ganun kabihasa doon). Sigurado akong ipagmamalaki kayo ni Jose Rizal! Hindi biro. :) Hehehe. At sa aking mga patnugot na sina Carmi, Neil, Cristina, Leslie at Lucie, maraming maraming maraming salamat. Ang sarap magpakasenti (ume-Egay pa kasi nung sinusulat ko ito), pero ilaan nalang natin iyon sa huling Echoes. Haha. Mahal ko kayo, tandaan niyo iyan. :) <3 <3 <3 OH MEHYN SENTI CHEESY PERO sa susunod na isyu na. Haha. :) Execom, patawad kung nahirapan kayo sa commnews na ito. Haha. At laging tandaan na walang SAGABAL ang makakapigil sa atin. ;)

Echoes

Sa lahat nga pala ng tumulong sa Snapshots, salamat

pagtulong sa ating komunidad. Naway naisapuso na ninyo ang pagtulong sa ating kapwa. :-) Sa mga aplikante ng aking kumite: Jay, Gene, Darrel, Regi, Jo at Menay, walang magdedefer. Naway magenjoy kayo sa ating kalahating semestre pang pagsasama. :-) Maraming araw na nga ang lumipas at gayundin ang mga events ngunit madami pang dapat ABANGAN! :-) CDC with Alumni (na naudlot dahil sa bagyo) – Setyembre 1, 2007, 9 n.u. – 12 n.h . Kabataan Caravan (umaasang Coke Caravan II :-) ) Setyembre 8, 2007, 8 n.u. – 4 n.h. CDC Art Workshop!!! CDC Lakbay-aral!!! CDC Culminating Activity!!! CDC tuwing Miyerkules!!!

CDC

rin! :) Sa lahat ng dumalo, sa lahat ng tumulong magbuhat ng panel boards, maghanap ng mikropono, gumawa ng kung ano-ano, hahaha WAHOOOO, ang galing natin! Kabilang rin ang Echoes sa isang papalapit papalapit papalapit (hindi pangit) na event sa Buwan ng Ecosoc, ang National Youth Summit on Microfinance! Ating bigyang suporta – sa ika-22 ng Setyembre na ito! Bisitahin niyo na rin ang kanyang website sa <http://nationalyouthsummit.tk> para sa karagdagang impormasyon. At siyempre, hindi KA pwedeng mawala sa susunod na linggo sa TAMBAYAN dahil TAMBAY WEEK NA! WAHOO! Mga Ecosocer, KITAKITS SA MATA!~ Mahal ka ng Ecosoc. :) Maligayang pagbabasa ng Tagalog Echoes!

Czar

Jared


Sino ang iyong bayani? Ang aking idolo ay ang kauna-unahang bayani ng Pilipinas: si Lapu-Lapu na ipinagtanggol ang bayan ng buong tapang. Ang bilis talaga ng panahon! Nakalipas nanaman ang kalahati ng semester at gusto ko lamang magpasalamat sa mga taong patuloy na nagpapasaya at nagbibigay ng kulay sa aking buhay. (Naks, makulay ang buhay!) Maraming salamat sa aking kanan at kaliwang kamay na sila Sab at Kar, kaunting panahon nalang ang pagpapahirap ko sa inyo. Wahaha! Sa aking mga napakagagaling na mga miyembro na sila Audrey, Gelain, Janica, Jholo, Jinky, Josteen, Kate, Len, Maui, Noel at Pat, salamat sa patuloy na pagmamahal sa ating grupo. Sa aming mga sangol na sila Lazo, Chase, Demet, Faith, Kate, Kaye, Kenn, Kris, Pael, Pam at Vince, sana wala pang sumusuko sa inyo at sana ay patuloy lang ang inyong pagmamahal sa Ecosoc. Execom, salamat at mahal ko kayo! Maraming salamat sa lahat ng sumoporta sa SNAPSHOTS. Sana ay maulit muli. :) Salamat din ng maraming marami sa lahat ng mga pumunta sa JPES Akweyntans Parti! Maglasing tayo sa susunod! Wehehe. Salamat din sa mga aplikanteng sila Karlo, Kenn at Don para sa kanilang pagdedebate para sa Ecosoc! Kita kita ulit tayo para naman sa JPES! :) Salamat din sa lahat ng sumoporta sa Linggo ng SEAC at sana ay tuluyan ng maging isa sa pinakamagandang

eskwelahan ng ekonomiya sa buong mundo ang UPSE! Abangan natin ang USAPAN SA TAMBAYAN! Unang araw ito sa linggo ng pagtambay at sinisiguro kong marami kayong matututunan. Abangan din ang susuonod na paglabas ng EXTERNALITY at muling ipadinig ang inyong saloobin at paninindigan sa FREEDOM WALL ng Agosto. Manood din tayong lahat ng FANTASTIC 4 na ipapalabas sa sinehan ng UP sa ika-18 ng Setyembre kasama ang UP Obem. At syempre sino ba ang hindi nasasabik sa NATIONAL YOUTH SUMMIT na sa September 22 na! Huling hirit na natin to sa semester na ito kaya sulitin na natin! Ipagdasal natin ang lahat ng nasalanta ng mga bagyo. Maging mababait na anak, kaibigan at estudyante! Ecosocer tayo at bayani ka sa sarili mong paraan!

Externals

Ka tz

Sino ang iyong bayani? Si God, saka nanay ko. :)

Kay bilis talaga ng paglipas ng panahon. Tila kahapon lamang nang ay puso mo ay punungpuno pa ng pag-asa na magiging maganda ang semestre na to subalit ngayon ay lugmok na sa lupa ang iyong matayog na pangarap na makauno na GWA matapos maglabasan ng mga resulta ng iyong mga pangkalahatiangsemestreng pagsusulit (Midterms) Pero sa kabila ng iyong masalimuot na buhay-akademiko, alam mo na magiging maayos din ang lahat dahil bukod sa hudyat ang Midsem ng nakakasabik na bakasyon sa pagitan ng mga semestre (sembreak), tanda rin ito na mas magiging kapanapanabik ang buhay mo dahil parating na ang mga malalaking kaganapan (events) na inihanda ng ECOSOC para sayo!

Panoorin sila Paris Hilton at ang kanyang mga kabarkada sa pinakamainit na event ng semestre! Alam kong marubdob na ginagawa ng lahat ang kanikanilang tungkulin para sa ating organisasyon, kasama na ang pagsagot ng pangkalahatiang-semestreng ebalwasyon. Dahil dito, lubos akong nagpapasalamat sa bawat isa sa inyo. Sabi ko na nga ba, hindi ako nagkamali ng sinabi kong lahat tayo, mahal natin ang ECOSOC. Para naman sa mga aplikante, manatiling nakaabang sa mga paparating na aktibidad. Hudyat ng pagtatapos ng inyong pangkalahatiang-semestreng panayam (Midsem Check-up) ay ang nalalapit na ring ebalwasyon sa inyo. Tandaan na upang kayo’y maging ganap na mga miyembro, kinakailangan na kakitaan kayo ng tunay na kagustuhan na maging isang ECOSOCer. May kalahating semestre pa para mapatunayan ang inyong mga sarili. Galingan niyo pa lalo. :) Malapit na ang piging para sa ika-49 kaarawan ng ECOSOC. Nawa’y patuloy nating isabuhay ang tema ng semestreng ito, at patuloy na makiisa sa hindi maawat na pag-angat ng ating pinakamamahal na organisasyon. :)

Memcom

Una na ang kaabang-abang na Tambay Week (Sept 10-14) na tiyak na tutuksuhin ka upang magputol ng klase. At siyempre, ang inabangan ng lahat‌ang GRAND TRAD 2007!

Aries


(Isang paalala, nakakahiya mang sabihin ngunit ang sumulat nito ay hindi ganoong kabihasa sa wikang Filipino kaya pagpasensyahan na lang kung mayroong pagkakamali sa pagsulat o sa pagbaybay)

1.Kung natapos na ang Treasure Hunt:

Sino ang iyong bayani? Simple lang, ang mga tao na nakukuha pa ring ngumiti at mahalin ang bawat araw kahit marami nang pilit kinuha sa kanila ng tadhana. Minsan lang ako makakilala ng mga taong may abilidad na gawin ito kaya kung sa tingin mo ay isa ka sa mga taong ito. Hinahangaan ko kayo. Alam kong hindi ganung kadali mahalin ang buhay kahit na naging mapait sa inyo ito.

2.Kung hindi pa nagaganap ang Treasure Hunt:

Agosto ay buwan ng wika, kaya hindi nakapagtataka na ipinasulat sa amin sa wikang Filipino ang comnews sa edisyon ng Echoes ngayon. Una sa lahat, salamat sa mga pumunta sa mga nakaraang pangyayari katulad na lang ng NYC, Med Mission, Harry Potter Quizbee at nang Snapshots. Isang malaking pasasalamat ang aking ibinabatid sa lahat ng mga pumunta sa GRAND MEMBERS TBS!

1.Malapit nang mag Setyembre. Ecosoc Month na! 2.Malapit na natin malaman kanino ko na ibibigay ang manibela ng aking komite (yiheee! Sino kaya iyon?)

SALAMAT SA PAGPUNTA AT SANA KAYO AY NASIYAHAN! :)

Kayo ay aming iniimbita sa PIRATES: Search for the Lost Buccaneer! Patapos na ang Agosto, dalawa lang ang ibig sabihin nito…

Suportahan natin ang mga pangyayari sa buwan ng Setyembre! Go Ecosoc! Whooooo!

SPEV

Dahil sa mga bagyong dumaan ngayong Agosto, ilang beses nang naurong ang Treasure Hunt. Kaya hindi ako siguro kung sa paglimbag ng edisyon ng Echoes na ito ay natapos na ang Treasure Hunt. Kaya kayo ay mamili na lang sa dalawang mensahe na ito:

Ida

Sino ang iyong bayani? Siguro, ang pinakaakmang sagot ko dito ay yung.. yung ale na nagligtas sa akin nung nalulunod na ako nung bata pa ako :) grabe. Kung wala siya nun, wala na ako ngayon.. HAHAHA. Ayun. Kung nasan ka man ngayon, mabuhay ka! HEHEHE

Dalawang araw nalang, Setyembre na! At ano nga ba ang meron sa unang araw ng Setyembre? Ang.. MBABA! (para sa kaalaman ng lahat, ang pagbikas niyan ay “mababa”) Humanda na ang lahat ng mga miyembro, aplikante, at mga alumni. Magiging sobrang saya ng MBABA dahil madaming bagong dinagdag! Ay. Tapos.. ihanda niyo na din yung mga myus at watawat ng bawat grupo :) may mga premyo ang mga mananalo sa mga inihandang mga laro kaya galingan niyong lahat ah? :) Malapit na rin nga pala ang “SPIKE IT! YEAR2”! Gaganapin ito sa Setyembre 29, 30, at Oktubre 6, sa CHK :) Suportahan natin ito. Ito ay isang torneyo na para lamang sa mga kababaihang nasa hayskul pa. Punta tayo ah? Huling aktibidad ko na ito bilang tagapamahala ng sportscommittee kaya.. ayun. Punta kayo ah? Yuck magddrama pa sana ako eh pero sa susunod nalang HAHAHAHA Punta na! Masaya

to! HEHEHE :) Ayan, bago matapos ito, dahil sa ika-30 ng Agosto ang labas nito, malamang tapos na ang schoolympics. Kaya.. gusto kong kunin ang pagkakataong ito para magpasalamat sa lahat ng pumunta dun lalong-lalo na sa juniors. HEHEHE congrats sa futsal team! Ang gagaling niyo! (HAHAHAHA pinangunahan nanaman eh, naku sana wag mausog hehehe) Ayan. At congrats din sa lahat ng juniors! Ang gagaling niyo! Hahahah! Ay pati ng ibang mga batch :) hehehehe. Congrats din sa inyo :) Ayun.. Basta.. Punta kayong lahat sa MBABA at SPIKE IT ah? :) aantayin ko kayo :) pati din sa iba pang mga events ng ecosoc. Magkita-kita nalang tayo dun :)

Sports Mico


10

ab CDC corner: co Chikiting

Patrol ni Niña Castillo

GK Build isinagawa, Ecosocers pinawisan Sugod mga kapatid! Mahigit animnapung mga miyembro at aplikante ng Ecosoc ang nagbanat ng mga buto’t kalamnan at nagtulung-tulong sa pagpasa-pasa ng mabibigat na sako ng buhangin habang nakahelera sa tinatawag na human chain sa ginanap na GK Build sa Laura, Hulyo 14, 1:00-4:00 nang hapon. Samantala, ang iba ay tumulong sa pagsesemento at paghuhukay. Ipinahayag ni Jared Callueng, tagapangulo ng CDC, ang kanyang labis na pagkatuwa sa pagdalo ng mahigit 60 miyembro at aplikante na hindi inalintana ang Hindi makapipigil ang pagod sa ngiti ng mga Ecosocers init at pagod sa naturang aktibidad. Makulay na buhay pinatingkad ng Ecosocers Pinatunayan ng Ecosoc na makulay ang buhay sa pamamagitan ng isa na namang art workshop na isinagawa bilang sentrong gawain para sa pangSabadong CDC noong Hulyo 21. Nagtulong-tulong ang Taskforce, Externals, Seccom, Sports at CDC upang pasayahin ang mga bata sa pamamagitan ng paggawa ng mga “puppets”. Mula alas-diyes hanggang alas-dose ng tanghali ay ginabayan ng mga miyembro at aplikante ang mga bata sa paggawa ng puppets sa pamamagitan ng brown paper bag, tali, at makukulay na papel. Gumawa rin ang mga bata ng iba’t-ibang klase ng origami.

Taas: Ang makukulay na papet na gawa ng cdc kids Kanan: Buong tiyagang pumila ang mga taga-Krus na ligas para sa libreng konsultasyon

Mga bata naglaro sa Wed CDC Tunay na kakaiba ang ginanap na CDC noong Agosto 1 sapagkat sentro nito ang Sports Clinic na ginanap sa UP Track Oval. Sa pagkakataong ito ay tinuruan ang mga bata kung paano maglaro ng softball. Isang karangalan ang pagpapaunlak ng UP Softball team para ibahagi ang kanilang kaalaman sa mga bata mula ala-una hanggang alastres ng hapon. Naging masaya ang naturang gawain hindi lamang dahil sa bagong larong natutunan ng mga bata kung hindi dahil nagkaroon din sila ng mga bagong kaibigan. Sa araw ding ito nadagdagan pa ng isang seksyon ang mga tinuturuang bata ng mga Ecosocers, ang ika-anim na pangkat sa ikatlong baitang ng Balara Elementary School.

Amorsolo pinaulanan ng gamot Bilang bahagi ng taun-taon nitong gawain na libreng gamutan at pamimigay ng libreng medisina, nagsagawa ang Ecosoc ng medical mission Pook Amorsolo, Brgy. UP Campus noong Agosto 11. Ganap na 9:00 ng umaga nang simulan ang naturang gamutan sa tulong na rin ng mga Brgy. Health workers. Humigit-kumulang 200 mga resident eng nasabing pook ang nabiyayaan ng libreng konsultasyon at gamot noong araw na iyon. Nagpadala ng mga estudyante ng medisina mula UP Manila ang hSf fraternity at sorority para magbigay ng libreng serbisyo. Sila ay sina James Montesa, Marc Bueser, Cindy Sotalbo, Cyril Agan, Elaine Limkin, Tine Paguirigan at Ivan Lemuel De Grano. n

Mga batang sabik matuto ng soft ball


E cosocers ni Jaymie Reyes

nagHip

App 11

Humigit kumulang pitumpung aplikante at miyembro ang nagbounce papuntang SE 111 noong Hulyo 17 para sa Ecosoc Aquaintance Party na pinamagatang Hip App, Ghetto in the Eco. Suot ang kanya-kanyang hiphop attire, nagpakitang-gilas ang mga aplikante hindi lamang sa pagsayaw at pagpapatawa kundi pati na rin sa pag-oorganisa ng nasabing pagtitipon. Hindi naman nagpatalo ang mga miyembro dahil nagpakitang-gilas din sila sa pagsasayaw at pagshake ng booty nila sa isang modified charades game. Bukod pa dun ay nagkaroon ng laro kung saan si Ace Lopez at Nandz Roxas ay inayusan ng kanilang mga kagrupo upang malaman kung sino ang mas magandang bride. Ang gabi ay winakasan sa pagbibigay ng special awards sa mga nakilahok at ng pagbid ng mga (paikot sa kanan) HIP APP Acquaintance party, pagbabaybay gamit aplikante para sa kanilang mga guardians. Ang gawaing ito ay pinangunahan ng mga aplikanteng sina Carlo Lazo at Patricia Atanacio. n

ang pwet, nagulat ang mga miyembro sa ipinakitang talento nina Lazo, Pael at Kaiser, ang nanalo sa Pimp by Bride

Bubbling APPdate ni Kim Dayag

Unang gisahan sa Ecosoc naganap na Matapos ang dalawang buwang ng pagiging aplikante, isinalang na ang mga aplikante sa midsem check up, isang mahalagang prosesong dapat pagdaanan ng isang aplikante ng Ecosoc, noong Agosto 13-24. Layunin ng nasabing panayam na alamin kung hanggang saan na ang nalalaman ng mga aplikante hinggil sa mga miyebro, komite, gawain, simulain, at adhikain ng samahan. Sa pamumuno ni Aries Carlos, tagapangulo ng Membership Committee, binigyan ang mga aplikante ng iba’t ibang oras at araw para sa kanikaniyang mga panayam. Isinalang sila sa isa o higit na kasapi ng execom at ng organisasyon. Apps nagbonding Upang buuin at subukan ang tatag ng samahan ng mga aplikante, nagsagawa ang Memcom ng Team Building Seminar para sa mga aplikante noong Agosto 22. Ang naturang gawain ay binuo ng iba’t ibang pagsubok na gumabay sa mga aplikante upang magtulungan at makapagbonding sa kapwa nila mga aplikante at sa mga myembro na rin. Dumaan ang mga alikante sa iba’t ibang palaro at pakulo na tulad ng blanket game, subway, bridge crossing na isa nang pamilyar na laro ng ecosoc at ang caterpillar. n

Nagkaalaman na kung sino ang mga siryoso


12

Ecosocers pinagdikit ng TBS ni Janica Magat

Upang pagtibayin ang samahan ng mga miyembro ng organisasyon at ipakilala ang bagong mga miyembro, nagdaos ang UP Economics Society ng isang team building seminar na may temang: “Mighty Bond: the Grand Mems TBS” na hatid ng Membership committee sa pamumuni ni Aries Carlos, at Special Events committee sa pamumuno ni Ida Rose Metiam na ginanap sa Celebrity Sports Complex noong Hulyo 25. Layon ng mga gawaing inihanda ang higit na paglapitin ang mga miyembro sa isa’t isa at upang malaman kung ano man ang nagiging mga problema na pumipigil sa ilan na tumambay o maging aktibo sa org. Isa sa mga ginawa noong TBS ay ang laro na tinatawag na Carwash. Ito ay halos pareho sa konsepto ng Speed dating kung saan makikipag-usap ka sa isang tao sa loob ng ilang minuto at pagkatapos tumunog ng buzzer ay kailangang umikot at magpalit ng pwesto para makausap ang iba. Meron ding Letter Writing para masabi ang mga tagong saloobin na mahirap sabihin sa personal. Nagpasa din ng isang baton a nakabalot sa tela na sumisimbolo sa mga problema ng Ecosoc. At gaya ng lahat ng problema, dapat lahat ng mga miyembro ay Footprints in the sand at modified Pinoy henyo magsama-sama upang malutas ito. Naging matagumpay ang TBS na ito dahil bukod sa saya na naidulot nito, nagkaroon din ng pagkakataon ang mga miyemro na makilala pa ng lubusan ang isa’t-isa. n

Paghahanap sa Bagong Ekonomista sinimulan na ni Luz Baldueza

Sinimulan ng Liaison Committee ang mga gawain nito para sa unang semestre ng kasalukuyang akademikong taon sa pamamagitan ng Career Talk na pinamagatang “Wanted: Young Economist” na ginanap noong Hulyo 18 sa SE 111, 1:00-4:00 ng hapon. Ang nasabing aktibidad ay isang seminar tungkol sa mga oportunidad sa trabaho para sa mga Economics majors. Mga alumni ng UP School of Economics ang naging tagapagsalita. Nagsimula ito sa isang pambungad na panalangin na pinamunuan ni Aries Carlos. Nagbigay naman ng paunang salita si Glaiza Villanueva, tagapangulo ng Liaison Committee at siyang punong abala para sa aktibidad na ito. Ilan sa mga naging tagapagsalita sina Bonnie Banzon, Ponciano Bautista, Gil Beltran, Lynn Capones, Jose Crisostomo, Enrico Cruz, Alexander Escucha, Trazon Lu, Bing Polistico-Villarante at Ma. Corazon Santos-Remo. Sila ay pawang mga nagsipagtapos sa UP School of Economics at ngayon ay nagtatrabaho na sa ilan sa pinakasikat na mga kompanya at institusyon sa bansa at sa mundo. Ilan din sa kanila ay mga alumni ng Ecosoc. Si Bonnie Banzon ay dating tagapangulo ng Sports Committee at ngayon ay pangalawang pangulo na ng Bank of Philippine Islands sa Investment Banking. Si Alexander Escucha naman

Buong atensyon ang ibinigay ng mga apps at mems sa alumnus ng Ecosoc

ay FVP (First Vice President) ng China Banking Corporation subalit nagsimula siya bilang isang patnugot sa Echoes. Samantala, si Trazon Lu ay isang partner na sa Soriano, Lu, Reyes & Associates Law Offices. Siya ay dating bisepresidente ng Ecosoc. SVP (Senior Vice President) ng BPI si Ma. Corazon Santos-Remopero pero dati rin siyang IngatYaman ng Ecosoc. Bilang pagtatapos, namuno si Anday Pua sa pangwakas na panalangin. Nagbigay din ng maikling mensahe si Anika Gregorio, kasalukuyang pangulo at Adhoc Committee chairperson ng Ecosoc. Ginawang mas kasiya-siya nina Brylle Baluyot at Marian Panganiban ang okasyon bilang mga hosts nito. n


Inikaapat na NYC idinaos Chimi Cuevas

May temang ‘Leaving for a Living: The Economics of Labor Migration,’ dinaluhan ng 374 mag-aaral at mga kaguruan mula sa 45 paaralan sa National Capital Region, Isabela at Timog Katagalugan ang nasabing kumperensya. Nagsalita sa unang bahagi ng kumperensya si Dr. Edita Tan, professor emeritus ng UPSE, na siyang naglahad ng mga estadistika, at mga pangunahin at mahahalagang konseptong nakakawing sa Labor Migration. Matapos ito ay

Noong hapon, sina Deputy Administrator Hans Leo Dacdac ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Connie Regalado ng nongovernment organization na Migrante Internatioal ang siya namang nagbahagi ng kaalaman hinggil sa epekto ng labor migration sa Pilipinas at mga Pilipino. Matapos ay isinagawa ang Final Round ng Extemporaneous Speech Contest na pinagwagian ni Patricia Mina ng Saint Pedro Poveda College. Sina Jaymie Ann Reyes, miyembro ng UP Economics Society Liaison Committee at isa sa mga MCs noong NYC 2006, at Tagapangulo ng SESC Florente Mario Garcia ang masters of ceremonies sa nasabing kumperensya. (itutuloy sa pahina 16)

Gabi ng Parangal para Snapshots, matagumpay ni Audrey Austria

Nakatanghal ang mga litrato ng mga kalahok

13

Sa pakikipagtulungan ng School of Economics Student Council (SESC) Education and Research Committee sa pamumuno ni Ace Carlo Cabalquinto, UP Economics Society Academic Affairs Committee at ng Chairperson nitong si Fatima Eliza Zuñiga, at High Achievers Review Center, idinaos ang ikaapat na National Youth Congress sa Bulwagang Diosdado Macapagal, UP School of Economics, Hulyo 28.

ipinalabas ang ‘Doctor/Nurse’, isang dokumentaryo ni Sandra Aguinaldo ng I-witness, habang ginaganap ang elimination round ng Extemporaneous Speech Contest na nilahukan naman ng 44 na mag-aaral.

sa

Sa ikatlong taon nito, pinatunayan muli ng Snapshots na hindi pa rin nawawala ang kinang at pagiging prestihiyoso nito nang isagawa ang Gabi ng Parangal para sa naturang patimpalak noong Agosto 1, 4:30 ng hapon, SE 111. Tatlumpu’t tatlong mag-aaral ng unibersidad ang nagsipaglahok sa nasabing paligsahan ngayong taon na may paksang “Filipino Happiness amidst Adversity” Ang Snapshots ay isang proyekto ng Externals Committee at ng Echoes sa pamumuno nina Katrina Manzano at Czarina Carbonel. Ito ay isang patimpalak sa photojournalism na naglalayong humubog sa natatanging mga talento ng mga mag-aaral ng unibersidad pagdating sa pagkuha ng mga litrato at pagbuo ng mga kwento mula rito. Nilalayon din ng nasabing patimpalak na ibahagi sa nakararami ang mukha ng kasalukuyang Pilipinas sa pamamagitan ng mga litrato. Sa gabing iyon, nagsilbing mga hurado sina G. Romeo Santos, isang propesyonal na photographer; Bb. Rina Araneta, mag-aaral na kumukuha ng kursong Film at G. Jeffrey Crisostomo, konsehal ng sining at kultura ng USC. Bukod sa pagiging hurado, naging ispiker din sa gabing iyon si G. Crisostomo. Idiniin niyang sa mga larawang isinumite, bakas pa rin sa mga Pilipino ang pagiging masayahin sa kabila ng kahirapang dinaras ngayon. Habang inaantabayanan ang mga mananalo para sa patimpalak, pinapanuod muna sa mga nagsidalo ang dalawa sa mga pelikulang kasali sa LENTE noong ikalawang semestre – ang ‘Doble Vista’ at ‘One Man Show.’ Natanggap ni Renei Dimla ang pinakaaasam na unang gantimpala at tumanggap siya ng 5,000 piso. Sa kabilang dako, tinanggap naman ni Karl Frederick Castro ang ikalawang gantimpala at nakakuha siya ng 3,000 piso. Ginawaran ng ikatlong gantimpala sina Iza Gallego, Neil Joseph Grantosa at Joana Marie Lanuza at tumanggap sila ng 2,000 piso na kanilang pinaghatian. Nagsilibing mga emcee para sa gabing iyon sina Kaye Pascual, aplikante ng komite ng Externals at Janica Magat, miyembro ng nasabing komite. n


14

Pakshirt Sale

umarangkada TASKFORCE: Trilogy, Inilunsad sa kabila ng bagyo ni Kim Ovejera ni Neil Elpusan

Hindi alintana ang ulan at bagyo, matagumpay na naisakatuparan ng Adhoc committee ang Pakshirt Sale sa AS Walk at Econ Walkway noong Agosto 6-10 sa pangunguna ng pinuno ng proyekto na ito na si Mariel Angelica M. Bondoc. Tatlumpong mga damit ang naibenta ng Adhoc. Laman ng nasabing mga damit, na nagkakahalagang Php250-Php350, ang mga matatatalino, rebolusyonaryo, nakakatawa at pang-UP na mga pahayag. Ilan din sa mga damit nila ay tinatawag na statement shirt at isa sa mga napasikat nila ay ang ‘I never said that I love you…’ shirt. Extended ang nasabing sale noong Agosto 13-14 sa AS Walk at noong 14 sa Econ Walkway dahil sa bagyo. Unang nakita ang Pakshirt sa UP Fair ’06 at sold out sa ikalawang araw ng pagbebenta nito. Noong Abril 2007, nagbukas sila ng tindahan sa Fort, Serendra (HabiHomes) at ang UP Ecosoc ang kaunaunahang organisasyon na nakitie-up sa kanila. Samantala, ilan pa sa mga gawain ng Adhoc ay ang pagbebenta ng mga nirepack na brownies mula sa KFC, Stata, at E-views. Lahat ng mga gawaing ito ay bilang paghahanda sa Ecosoc Month na ilulunsad sa Agosto 30. n

Pormal na inilunsad ng Taskforce Committee ang pinakaaabangan nitong TASKFORCE: Trilogy noong ika14 ng Agosto, 2007 sa pangunguna ni Krystle Ramos, chairperson ng komite. Ang paglabas ng DIYES: The Ultimate Youth Raffle ay siya nitong pagsisimula. Bibigyang pagkakataon ng Diyes ang lahat ng mga tatangkilik dito na manalo ng malalaking premyo tulad ng Nokia N73, G-cash, apparel gift certificates atbp. sa pagwawakas nito sa Oktubre 12, 2007. Samantala, kabahagi ng Trilogy ay ang Update, isang espesyal na planner na magbibigay ng tatak-UP sa sino mang may hawak nito. Pakaabangan ang paglabas ng Update sa susunod na buwan. Sa pagtatapos ng Trilogy ay ang muling selebrasyon ng tinig at awit ng kabataan—ang MUSIKAPELLA. Ito ay isang patimpalak na pagtutunggalian ng mga paaralang pangsekundarya mula sa buong Metro Manila. Sa ikatlong pagkakataon nitong paglulunsad sa darating na ika-23 ng Setyembre sa taong kasalukuyan, inaasahan na ito’y magiging matagumpay at manatili ng tradisyon ng organisasyon. Ang kabuuan ng TASKFORCE: Trilogy ay ang pangunahing paraan sa pagtulay ng komite upang makalikom ng sapat na pondo para sa pag-aaral ng limang iskolar ng Ecosoc. Sa pananatili ng Taskforce Committee sa mga hakbangin nito, inaasahang ang buong organisasyon ay magiging bahagi sa kanilang tagumpay at pagpapatotoo sa tradisyon ng paglilingkod. n

Econ may bago nang dekano ni Carelyn Gabinay

Naghanda ng maikling presentasyon ang mga miyembro ng faculty; Maligaya ang pagsalubong ng mga estudyante at guro sa bagong dekano

Pormal nang nanumpa sa kaniyang panunungkulan bilang bagong dekano ng UP School of Economics (UPSE) si Dr. Emmanuel “Noel” S. De Dios noong Agosto 7 sa UPSE Diosdado Macapagal Room. Pinangasiwaan ni UPD Vice Chancellor Sergio S. Cao ang panunumpa ng nasabing bagong dekano na nasaksihan ng kaguruan at staff ng UPSE. Pinalitan ni de Dios si Dr. Raul “Dean Fab” V. Fabella pagkatapos ng siyam na taon na panunungkulan ng huli sa UPSE. Ayon kay Dean Fab, sa kanyang liham para sa alumni ng paaralan “ang pinakamagagandang taon para sa UP School of Economics ay nasa atin nang harapan at ang “Camelot” (pagturing niya sa Econ) ay nasa pinakamabubuting kamay!” Noong Hulyo 31, 2007, nagdaos ang Econ ng isang maliit na pagtitipon na handog sa dating dean. Dinaluhan ito ng mga opisyal ng unibersidad tulad nina Pangulong Emerlinda Roman at Chanselor Sergio Cao, mga miyembro ng faculty ng Econ, mga kawani at siyempre, mga mag-aaral. Naroon din ang dean ng Kolehiyo ng Business Administration, Erlinda Echanis at ang pangulo ng UPSE Alumni Association na si G. Jack Teotico. And lahat ay nagbigay ng kanikanilang handog-parangal sa mahusay na trabaho at dedikasyong ipinamalas ng dating dean. Isang makabagbag damdaming pangwakas na talumpati naman ang isinagot ni Dean Fab sa mga naroroon. Samantala, ang bagong Dean Noel De Dios ay isa sa mga napiling kasama sa “12 Centennial Fellows” na inatasang magbigay ng “Self Reflection Lectures” para sa pagdiriwang ng ikaisandaang anibersaryo ng unibersidad. n


Make Your Mark isinagawa ng JPES ni Jinky Cajulao

15

Idinaos ng Junior Philippine Economics Society ang taunang acquaintance party nito na may temang “Jump. Shout. Stand Out. Make Your Mark” sa Capone’s Bistro, Makati City noong Agosto 4. Nagbigay ang nasabing gawain ng oportunidad para sa mga mag-aaral mula sa 22 kasaping organisasyon na makilala at makausap ang isa’t isa. Nagtanghal sa kasiyahang ito ang mga banda ng iba’t ibang kolehiyo gaya ng Not So Fast at Maybe Someday. Nagkaroon ng kakatwang mga palaro at namigay ng malalaking premyo. Nagsimula ang gawain ganap na ikawalo ng gabi sa pamamagitan ng pambungad na pananalita mula kay Jennifer Euraine Cajulao, ang VP para sa Special Events at project head ng nasabing pagtitipon. Pinamunuuan nina Janica Magat ng UP Ecosoc and Jeffrey Tan ng Oikonomos Letran ang programa. Nagpalabas ng isang powerpoint presentation tungkol sa mga miyembrong organisasyon na sinundan ng video presentation ng Gawad Kalinga, adopted beneficiary ng JPES ngayong taon. Nagwakas ang programa sa isang talumpati mula sa pangulo ng JPES na si Mark Alvin Baquiran na humihikayat sa mga kasaping organisasyon na aktibong makilahok sa susunod na mga gawain ng JPES. n

Masayang nakipagtipon ang mga Ecosocers sa iba pang kasapi ng JPES

Philces aktibo ngayong taon ni Josteen Vega

Bilang bahagi ng nakahanay na mga gawain para sa taon, ginanap ng Philippine Council of Economics Students (PhilCES) ang taunang Member Organization Council (MOC) sa San Beda College noong Hulyo 28. Sentro ng pagpupulong na ito ang pagpapalabas ng kalendaryo ng mga aktibidad at programa ng PhilCES gayundin ng mga kasapi nitong organisasyon. Sa pamamagitan nito, inaasahang naipagbigay alam sa bawat miyembro ang lahat ng mga aktibidad na may kinalaman sa organisasyon at, samakatuwid, mapagtutuunan ng nararapat na pansin ang bawat isa sa mga ito.

December 2007 (Unang linggo) Ecolympiad and Optimize Venue: San Beda Host: Alabang Time: 8am-5pm (All-Day event) December 2007 (ikalawa, ikatlo o ikaapat na linggo) Ecoreach as a Christmas Party (Outreach Program) and Raffle Draw

Kasalukuyan pa ring naghahanap ang PhilCES ng mga posibleng programa mula sa mga miyembro nitong organisasyon na maaaring gawing ‘tie-up activities’ upang Narito ang hanay ng tentatibong petsa ng ilan pang higit na mapalago ang pang-ekonomikong impluwensya nila mga gawain ng PhilCES. at mapagyaman pang lalo ang kalidad ng PhilCES. August 9, 2007 EcoSPEAK Venue: PUP September 23, 2007 Ecolibrium(Inter-org Sports Competition) Venue: Star Mall or San Miguel Tie-up with Econres September 30, 2007 (Linggo) Econverg Time: 1-5pm

Inilabas na rin ng PhilCES ang membership card nito. Magsisilbi itong I.D. ng bawat miyembro ng pambansang organisasyon na siyang kikilalanin sa tuwing magkakaroon ito ng programa. Bukod dito, marami pang mga kapakipakinabang na benepisyo at gamit ang ng pagkakaroon ng kard na ito. n


organisa ay ang hindi inaasahang pagdagsa ng mga walk-ins, at ang panandaliang pagkawala ng kuryente nang patapos na ang kumperensya.

Ikaapat na NYC.. (mula sa pahina 12)

Ebalwasyon

puno ng mga kalahok na studyante’t guro ang SE Audi

Bago ang kumperensya, mga paghahanda Noon pang nakaraang semestre iminungkahi ni Dr. Emmanuel Esguerra, dating adviser ng UP Ecosoc, na labor migration na ang maging paksa sa seminar sapagkat mas madali itong mauunawaan ng mga sekundaryang magaaral. Nagsimula namang magplano ang mga komiteng nagorganisa ng NYC noong ika-3 linggo ng Mayo. Sa mga sumunod na linggo ay naging abala ang iba’t ibang komite sa kani-kanilang takda. Samantala, ang Programme Committee ay pinamunuan ni Archie Bez; Logistics Committee nina Abigael Marie Gatdula at Ernani Roxas; Finance and Marketing Committee nina Jances Parado at Nikka Maloles; Secretariat Committee nina Marian Angelica Panganiban at Mary Ann Cuevas; at Publicity Committee ni Frances Domingo. Noong una ay matumal ang pagkumpirma ng mga paaralang inimbitahan kung sila ay dadalo. Isang linggo pa matapos ang itinakdang July 9-deadline ng pagkumpirma ng mga delegado nagdagsaan ang mga liham ng kumpirmasyon ng humigit kumulang 199 estudyante at 33 guro. Samantala, isang araw bago ang event ay 257 at 44 na guro mula sa 40 paaralan na ang nagkumpirma. Tumagal din nang halos isa’t kalahating buwan ang paghahanap ng mga tagapagsalita sa kumperensya. Ayon sa logistics head na si Gatdula, “Sa NGO Speaker talaga natagalan mag-contact [ang logistics team]. Matagal sagutin [ang mga tawag at liham na ipinadala]. Ang Gabriela lang talaga ang sumagot sa amin at sila na rin ang nag-refer sa Migrante at nagbigay ng iba pang contact numbers.”

Dr. Edita Tan (kaliwa), Dr. Desiree Desierto (kanan)

Isa pa sa mga naging suliranin ay ang matagal na pagbibigay ng mga tagapagsalita ng powerpoint presentations na nagpabagal sa paggawa ng kits ng mga delegado. Ang iba pang problemang kinaharap ng mga nag-

Pagkatapos kumperensya, nagpulong ang mga miyembro ng UP Economics Academic Affairs Committee upang magbigay ng pagtataya ukol sa idinaos na National Youth Congress. Base sa evaluation report na isinumite ni Panganiban sa NYC ’07 staff, natukoy pa ang ibang problema bago ng at ang aktwal na congress. Halimbawa ay ang hindi pagkakaimbita sa mga paaralang dumalo sa NYC ’06. Huli na ring nagawa ang mechanics ng Extemporaneous Speech Contest, ang program, at ang mga IDs ng participants dahil sa sira nang laminating machine ng ECOSOC. Naging malaking balakid din ang layo ng headquarters (ECOSOC tambayan) sa auditorium. Sa dami rin ng dumalo ay ibinigay ang pagkaing para sana ay sa mga staff sa mga walk-ins. Nagkaroon rin ng miskomunikasyon sa pagbibigay ng trabaho sa staff; may mga trabahong naibigay sa dalawang tao at may mga taong nabigyan ng dalawa o higit pang takda. Ayon rin sa report ni Panganiban, “Very few … took the initiative from both Ecosoc and Council. Kailangan pang may magsabi nang malinaw na kailangan na gawin ang isang bagay o tulong ng isang tao before they do it… Very few went beyond what was expected of them.” Idinagdag pa ni Gatdula, “Kulang sa initiative ang iba. Kulang din [kaming organizers] sa contingency planning.” “Hindi naman mawawala ang pagkakaroon ng ganyang mga problema sa mga malalaking events gaya ng NYC,” sambit naman ng isang staff. Interpretasyon Magkagayon man, nananatiling malaki ang potensyal ng NYC bilang isa sa pinakamalalaki at mahahalagang events ng SESC at Ecosoc. Ang bilang rin ng paaralang dumalo sa NYC, dahil na rin sa ibayong pag-kokontak ng mga nag-organisa ng mga paaralan, ay nagsisilbing positibong senyales ng pag-unlad ng NYC. Mula sa 30 paaralang dumalo noong ikatlong NYC ay umakyat ang bilang na ito sa 44. Ang katotohanang ding ito ay maaaring makatulong upang mas madaling i-market ang event na ito sa hinaharap. Idinagdag pa ng isang staff ng NYC, “Hindi naman talaga sa bilang lang ng participants makikita ang success ng NYC. Nasa quality din ng event—nag-introduce ng bagong parts sa event gaya ng pagpapalabas ng documentary at pagkakaroon ng tatlo imbis na dalawang speakers, na mula sa iba’t ibang punto de vista. Maganda at aktibo rin ang naging partisipasyon ng mga mag-aaral.” Ayon rin sa ulat ni Panganiban, maaaring humingi ng mas malaking suporta ang mga susunod na organizers ng NYC “since this is an academic endeavor that introduces Economics to high school students and possible future Economics students of UP.” Higit sa lahat, namalas sa ikaapat na National Youth Congress, gaya ng mga sinundan nito, ang tradisyon ng pakikilahok ng organisasyon sa pagsulong ng ikauunlad ng komunidad lalo na ng mga kabataan. “Ang NYC ay isang paraan natin upang magbigay serbisyo sa mga kabataan. Ginawa ito upang payabungin ang kanilang kaalaman. Para sa mga susunod na hahawak ng NYC, huwag niyong tanggalin ang inyong pokus sa kung ano ba talaga ang sa tingin ninyo ang nais at dapat na makuha ng mga delegado sa pagdalo sa seminar na ito. Sana hindi mawala ang diwa ng paglilingkod at ituloy ang dahilan upang ipagpatuloy pa din ang NYC sa mga susunod na taon,” sambit ni Zuniga. n


Anunsyo

at

SETYEMBRE

1 – CDC with Alumni, Members Bersus Apps Bersus Alumni (MBABA) 7 – Treasure Hunt 8 – Coke Caravan 2 10-14 – LINGGO NG TAMBAY! 10 – Tambay Talk 11 – Inter-committee Jologs Quiz Show, Bingo 12 – Clean App 13 – Alumni Talk, Race of Thunder 14 – Grand Tradition 15 – Sensation 22 – National Youth Summit 23 – Musikapella 25 – Challenge Night 26 – CDC Recognition Day 27 – Huling Genmeet 28 – Alay sa Personnel 29 – CDC Field Trip, Spike it! 30 – Spike it!

OKTUBRE

1-5 – Final Interview para sa mga aplikante 6 – Spike it! 2 – Huling Commeet 4 – Paglabas ng Echoes October Issue 12 – Induction Ball

Pagpapatalastas


Ang UP Ecosoc ay nagpapasalamat sa:


Ang Adhoc ay nagpapasalamat sa:

Ang NYC ay nagpapasalamat sa:


Ang Taskforce ay nagpapasalamat sa:


Ang Taskforce ay nagpapasalamat sa:


Ang Diyes ay nagpapasalamat sa:


Isang Panayam kay Ma’am Kraft ni Karen Capacia

Si Dr. Aleli Dela Paz Kraft ay nagtapos bilang Magna Cum Laude sa UP School of Economics noong 1984. Sa Unibersidad din niya kinuha ang kaniyang Masteral degree noong 1987 at PhD noong 1997. Siya ay isa sa napakaraming alumni ng UP Economics Society. Sa ngayon, isa siyang assistant professor sa UP School of Economics. Anong semester kayo nag-apply sa Ecosoc? Unang semestre noong pangatlong taon ko. Bakit Ecosoc? Ang mga kaibigan at blockmates ko ay nag-apply din. Aktibo ka ba sa Ecosoc? Aktibo ako sa aking komite. Ito ay ang Community Development Committee. May hinawakan ka bang posisyon? Wala. May mga hindi ka ba malilimutang pangyayari sa Ecosoc? Madami akong hindi malilimutang pangyayari pero ang pinakamasaya sa lahat ay noong nanalo ang Ecosoc sa ilang mga competisyon noon 1983 at 1984. Nagkaroon po ba kayo ng Love life sa Ecosoc? Hindi. Ikumpara niyo ang Ecosoc noon at ngayon. Hindi ko ganoon ka-alam ang mga activities pero sa nakikita ko ang Ecosoc pa rin ang pinakamalaki sa lahat ng organisasyon dito sa Econ. Ang aking komite ang Community Development

Committee ay patuloy pa ring ginagawa ang mga ginagawa namin dati. Naisip niyo ba noon pa na magiging Professor kayo ng Econ? Noong ako ay undergraduate pa lang, hindi. Naisip ko lang siya noong kumukuha na ako ng aking graduate studies. Anong ginagawa niyo sa inyong bakanteng oras? Inaalagaan ko ang aking anak na lalaki. Isang taon at tatlong buwan pa lang siya kaya kailangan pa talaga siyang alagaan. Masyado pa siyang bata. Kung hindi dito, saan? Siguro hindi ako nagtuturo. Siguro nagtratrabaho ako para sa gobyerno. O kaya naman ay gumagawa ako ng research studies para sa mga institusyon. Mensahe para sa Ecosoc. Ang masasabi ko lang ay good luck. Ipagpatuloy niyo lang ang inyong ginagawa lalonglalo na ang ginagawa ng Community Development Committee. At more power sa Ecosoc.

Mensahe para sa ika-50 taon ng Ecosoc. Golden anniversary na pala natin?! Maganda kung babalikan natin ang lahat na ginawa ng Ecosoc simula pa noon. Maganda din kung ipagpapatuloy niyo ang magagandang ginagawa niyo ngayon. Ipagpatuloy niyo ang pagpapakita ng halaga ng community sa mga miyembro at ang kahalagahan ng organisasyon sa pagaaral ng mga miyembro. Basta, ipagpapatuloy niyo ang magagandang ginagawa niyo ngayon. n


“SOLID AKO” –batang CDC ni Mica de Jesus

Katulad ng sinasabi ng isang tanyag na guro sa SE (kapag hindi siya nagsasalita sa Latin), “kailangan nating tumingin sa magkabilang panig ng iisang sitwasyon.” Iilang dekada na ang nakalilipas ngunit matibay pa ring nakatayo ang programang CDC ng makulay nating organisasyon. Marami pa ring mga masasayang bata ang nagtatakbuhan sa Econ tuwing hapon. Wala pa namang bata ang nawala o ate na nabaliw dahil sa dami ng inaasikaso. Ngunit nakasisigurado ba tayo na epektibo talaga ang sistemang ito? Oras na para pakinggan ang kabilang panig ng programang ito. Ano kaya ang pakiramdam ng mga bata kapag kapiling nila ang ECOSOC? Dito tayo matutulungan ni Bryan Lacsamana, isang batang lumaki sa pag-aalaga ng CDC (ang kanyang ina, si Gng. Consuelo Lacsamana, ay tagapamahala ng CDC noong panahon niya!). Siya’y 22 na taong gulang na ngunit napakalinaw pa rin ng kanyang mga alaala sa Ecosoc…

Sino ang Ateng ang paborito mo/nagbigay ng inspirasyon sa ‘yo? Si Ate Joy dahil nagtiyaga siya maski nakagraduate na siya. Siya ang nagturo sa akin na magbasa maski mabagal akong matuto. Pero malapit naman kami sa iba [katulad ni Kuya Marlon]. May tuksuhan nga sila lahat sa mga pisngi ko. Hehe.

Ano ang paborito mong alaala sa CDC? Yung field trip. Bihira ngang nakakasama Alam mo ba kung nasan na ang mga kabatch ang mga bata kaya na-excite talaga ako nun. mo sa CDC? Nagkakausap pa ba kayo? Mga busy na sila—yung mga pinagpalang Makakapunta ako sa gusto kong puntahan. mag-aral sa kolehiyo. Halos lahat ngayon nasa kolehiyo. Tapos nagtratrabaho na ako. Pero Saan kayo pumunta? Intramuros. Tradisyon na yun bago pa ako karamihan sa kanila, nandito pa. nagsimula sa Ecosoc. Aling komunidad po ba ang tinuturuan noon? Balara. Pero ngayon, Vicente na, diba? Ilang taon kayo noong nagsimula kayo sa Ecosoc? Hindi ko na matandaan. Batang bata pa Umiba na po kasi ang schedule ng mga tutor. Ah, kaya nagtampo ang iba. Hehe. JK. ako—siguro mga 7 taon lamang. Nagsimula kasi ang mga CDC sa komunidad namin kaya nasimulan ko kaagad. Tapos pinasok ng CDC ang mga paaralan Paano po ba ang sistema noon sa isang linggo? kaya hanggang high school, kasama pa rin ako. Depende din sa mga tutor kasi one-on-one


ang estudyante at ang tutor, at ang pagtuturo ay isinasagawa sa bahay ng bata. Minsan, dirediretso ang mga araw ng pagtuturo. Depende rin kung may eksamen ang mga ate. Tuwing Sabado, ano po ba ang ginagawa? Iba-iba. Minsan, gumuguhit o nagpapatulong sa pagintindi sa libro. Sa unang tatlong Sabado ng buwan, mag-aaral kami pero sa huli, may party. Doon may pupuntahan. Ang dami ngang gastos kasi naghahanda sila para sa mga batang gumagaling sa pag-aaral. Nalaman ko pa na sa sarili nilang bulsa nanggagaling pala ang pondo para dito. Kaya sumaya pa ako lalo. Ano po ang tinuturo? Lahat. Mula sa pangakademiks hanggang sa mga values—kumpleto. Kaya minsan, nagsisimula nang 7 am at natatapos sa hapon pa. Maski mga laro at paggigitara, naturuan kami. Marami ding talent shows sa mga party kaya pinagaling din ang mga talents namin. Mahilig din akong sumayaw at doon ko nadevelop ang aking talento. Kung mayroong “Street Boys,” may “Street Colors” naman kami noon. Ilang taon po kayo noong tumigil kayo sa CDC? *tawa* Nakakahiya kasi matanda na ako. Nahatak pa rin kasi ako ng mga bata! Pero nakaupo lang ako sa tabi. Paano nakatulong ang CDC sa iyo? Hindi lang sa akin ito kasi maraming bata rin ang natulungan sa pagkaroon ng gamit

25

23

sa eskwela. Ang ibang bata kasi, mayroon pero hindi kumpleto. May mga iilang hindi na naniniwala sa sistema ng CDC. Sa tingin mo ba nakakatulong pa rin ang CDC sa panahon ngayon? Para sa akin, oo. Kung ako ang tatanungin ninyo at ang iba pang bata dito, ang School of Economics ay tinatak na dito sa Ricarte. Ang ibang nagsimula nito ay propesor na! Ibig sabihin, mula sa kanila, hanggang sa inyo, kita na ganoong katindi ang sistema kasi noong 1980s pa siya itinaguyod! Kung magkapamilya nga ako at diyan nag-aaral and mga anak ko, at andiyan naman kayo, menos. Kung ang anak ko medyo alanganin sa pag-aaral, gagastos pa ako. Alam ko P3000 pataas ngayon ang pagtuturo ng tutor. Mabuti na lang kayo, nagbibigay kayo ng isang araw para sa mga bata. Kaya ayun, naniniwala parin ako sa CDC. Solid ako, eh. :) Mensahe para sa Ecosoc Sana maging matibay pa rin ang Ecosoc. Sana mas palaguin yung mga bawat gawain para sa mga bata. Kung ano man ang mga bagay na naninira, huwag ninyong pansinin dahil matagal na ang Ecosoc. Mensahe para sa CDC kids Maglaro na muna hangga’t may pag-asa. Komplikado na kung magtratrabaho sila sa batang edad. Basta huwag lang maging adik. Hehe. Huwag kalimutan ang pag-aaral at ang paglalaro. At i-enjoy ang pagkabata. n


Silông: Sipat sa Natatanging Sulok ng Ekon

ni Sawing Katipunero

Mistulang nagugulumihanan ang langit, tigib na sa luhang naampat kahapon at ngayon ang mga alagad nitong mga ulap. Nagsisimula ng maggalawan ang mga tao upang maghanap ng mahusay na mapagkukublihan sa nagbabadyang ulan. Gumuhit sa kalangitan ang puting dagitab at dagling umakibat ang ilang mga dagundong. Nagbukasan ang ilang payong, marami ang napatalilis mula s a kanilang mga kinatatayuan, naudlot a n g mga haraya, at napuno ang mga pook-hintayan habang untiunting nagsimula ang pagtangis ng kalangitan – kamusta naman, tanghali? Nagugulumihanan rin ako. Hungkag ang bulsa at sikmura, tila mas lalong pinabigat ng nagbabadyang sigwa ang mga hinaharap kong panginorin. Naglilipon ang patnugot ng mga alingawngaw ng mga maituturing na bayani ng kasapiang Ecosoc, kilala o lipas man, at naatasan akong maghanap ng isa. Ngunit sa tagpong ito, pulos alingawngaw ng napipintong kasawian ang aking naririnig mula sa kapaligiran. Walang pananggalang, walang laman ang tiyan, napatda ang haraya’t kaalaman, malayo pa sa patutunguhan, wala pang mapagkakanlungan: tumimo ang aking pluma, nawalan na kasi ng tinta. Unang Kabanata: Yakisoba

Alamat

ng

Minimalistiko raw ang disenyo ng gusali ng Ekon, salamat sa mga Hapones na tumulong sa pagpapatayo nito. Payak ang kaanyuan ng mga pintuan at dingding, neutral at konserbatibo ang mga kulay, at tahimik ang klima ng kapaligiran at daanan. Sa ganitong lagay, ang silong ng apat na hagdanan ng gusali ang maipapalagay na pinakamalulungkot na bahagi ng kabuuan – mga madidilim na butas ng kawalan – waring balintunay sa pagkatigib ng unang palapag sa mga taong di magkamayaw sa pagparoroo’t paririto. Ngunit sadya yatang tradisyon ang pagbalikwas sa pamantasang kinalulunan. Dahil ang maliit na butas ng kawalan (iyon pang sa kaduluduluhan!), siya pang naging bukal ng liwanag at “mabahagharing kalangitan” sa mga tao sa gusaling nangangailangan.

Ito ang silong ni Ate Leony: ang “unofficial” na banyuhay ng kolehiyo. The Cupboard Under The Stairs. Dito ko unang nakilala ang tindahan ni Ate Leony sa silong. Ito kasi ang nakasaad na pangalan sa polyetong pinamimigay ng Ecosoc sa mga bagong pasok sa pamantasan noon, kasama siya sa mga lunan na pedeng kainan ng mga mag-aaral na katulad ko. Napakamalikhain ng pangalan, parang nakahugpos ba sa mahika. Astig rin yung specialty daw dito: Instant Yakisoba. Yum yum. Mabubuhay na ako nun. Ngunit naging parokyano lang ako ng silong nung nasa ikalawang taon na ako. Hindi kasi ako madalas sa gusali noong bagong salta lang ako sa pamantasan. Pumunta lang ako dun upang bumili ng Samuelson [akala ko naging tindahan na lang ng mga libro ang Cupboard noon], bumili ng kendi, o kaya’y magpasukli. Ngunit sa di malamang kadahilanan, (noong mga panahong yun naman) palaging walang sukli si Ate. Nakapanlulumo, ngunit doon nagsimula ang pagtuklas ko sa alamat ng Yakisoba at ang mitolohiya sa silong na waring mas hihigit pa sa mitolohiya ng Rounin. Ikalawang Kabanata: Mga Hiwaga sa Silong

Isa-isa kong natuklasan ang mga hiwaga ng tindahan. Di pala The Cupboard Under The Stairs ang opisyal na ngalan nito kundi ang UPSE Cooperative Store o mas kilala sa tawag na “kina Ate Leony”, mula sa mukha sa operasyon ng tindahan ng kooperatiba. Paisa-isa ko ring natuklasan na hindi masungit at hindi palaging walang sukli si Ate Leony, mula sa halos arawaraw na pagmamasid at pagdalaw sa tindahan: mabait si Ate, nagpapautang kung minsan, at marami ring drama sa buhay na nakaaaliw pakinggan.

Masikip at maliit lang ang silong, ngunit nakabibilib na napagkakasya nito ang mga pangunahing kakailanganin ng mga mag-aaral. Maliban sa bughaw na libreta, dilaw na papel, panulat, libro, at iba pang gamit pampaaralan, malawak rin ang pagpipilian sa mga lamang-tiyan: mula sa mas tunay na siopao, siomai, spaghetti, pizza roll, at kanin/ulam kombo; hanggang sa mga di gaanong tunay gaya ng noodles, biskwit, kendi, at tsitsirya. Marami ring pamimilian sa mga inumin mula sa tubig, softdrinks, inuming pampalakas, o inuming pangkinder. Nagtitinda rin dito ng tisyu, toothpaste, kubyertos, at lastiko. Si Heart ang nagturo sa akin na maaari kang mag-eload sa silong, si Geoff naman ang sa autoload. Samantala, Ekon 106 naman ang nagturo sa akin na bumili ng kape kay Ate upang manatiling gising, at Ekon 131 naman ang nagpaalala na masarap ubusin ang oras ng pahinga sa klase sa pamamagitan ng pagkekwentuhan sa silong. Pero si Ate Leony? Siya ang nagbigay sa akin ng bagong pagpapahulugan sa katagang “kapanatagan sa gitna ng drama sa buhay”. [<<grace under pressure] Ilang beses ko na ring nasasaksihan ang naguguluhang si Ate Leony, sampu pa noong Panahong Sinauna kung saan wala pang cash register sa silong hanggang ngayon sa kasalukuyang anyo ng


tindahan. Kung noon ay nagugulumihanan siya sa manomano at di organisadong pagkakalakal, ngayon naman ay naguguluhan siya kapag mali ang naipapasok niya sa nasabing kaha. Nasaksihan ko rin ang panghihinayang niya kapag kaunti na ang laman ng tindahan at di pa siya nakapamimili, at ang pagkapagod niya kapag sunodsunod ang mga parokyano sa pakikipagkalakal sa panahon ng kasaganaan. Narinig ko rin sa kanya ang ilang mga kapighatian: ang pangamba niya noong pinaaalis ng admin ang mga tindahan ng ibang kooperatiba sa Acad Oval at panlulumo ng ipatigil ang pagbebenta ng silong ng kanin/ ulam upang bigyang-daan ang pagbubukas ng bagong kapiterya. “Ano ba yan?” “Hirap na hirap na nga ako e.” Ito marahil ang pinakabantog sa lahat ng mga linyang binibitawan ni Ate Leony sa araw-araw niyang pagsuong laban sa walang katiyakang hinaharap. Ngunit di maitatago ng mga himutok ang pagiging masayahin ni Ate, at sa ganitong nakapangyayaring hiwaga, napananatili niya ang kaaya-aya at mapagkanlong klima sa tindahan – isang sulok na mas naging interesanteng dalawin dahil sa kakaibang kapanatagan at pagiging totoo nito. Napagiigting ng mga miyembro ng komunidad ang relasyon sa isa’t isa sa araw-araw na pagkukurus-landas sa maliit na parisukat ng silong. Kaya nga di kataka-taka na kahit masikip, patuloy ang pagtangkilik ng komunidad “kina Ate Leony”: bata, matanda, mahirap o mayaman, sampu ng katulad kong sawimpalad hanggang sa anak ni Prop. Quimbo – lahat tumitingala sa silong at kay Ate Leony bilang mga institusyon ng Ekon. Ikatlong Kabanata: Oo Kakanlungan Rin Kami

Tandang

Sora,

May

Bangag na ang mga Katipunero. Marami na ang sugatan, kulang ang rebolusyon sa armas, at patuloy na lumalakas ang tumutugis na mga Kastila. Sa ganitong tagpo, nagpamalas ang isang matandang mula sa mga burol ng Balintawak ng kanyang tapang at kabayanihan sa pamamagitan ng pagbibigay-kanlong at alaga sa mga kababayan niyang nangangailangan. Alaala ng kabayanihang mapagkanlong ang nagbalik sa akin sa katotohanan. Sa gitna ng tikatik ng ulan at ng mga suliranin ko ngayon, isa lang ang dapat patunguhan – ang silong na tagpuan. Mainit-init pa ang ng basyo ng Yakisoba, umuusok-usok pa ang tabi nito. Patuloy ang pagpatak ng mga butil ng ulan sa gitna ng bulwagan habang mistulang nagkukumuyog ang mga kapwa ko mag-aaral sa maliit na silong. Di na magkaintindihan si Ate Leony kung alin ang asado o bola-bola sa mga siopao. Dagsa rin ang bumibili ng spaghetti, pinakbet, afritada, noodles, tubig, C2, at kendi kaya patuloy sa pagtakatak ang pindutan ng cash register at ang pagbukas-sara ng kaha. Sa kabilang banda, nakapatas sa labas ang lalagyanan ng mga softdrinks, punong-puno ng mga basyong malinis o di kaya’y may konting latak. Di sasalang may malaking operasyon na naman dito mamaya, at madadagdagan muli ang yaman ng silong kapag dumating na ang mga kargador. Kaya pala gulong-gulo na naman si Ate, Marami na namang isipin sa araw na ‘to.

Tak, tak, tak.

“Ay, ano ba naman ito? Wala na akong panukli.”

Napapakamot sa ulo at napapakunot ng noo si Ate sa kapaguran, ngunit sa bandang huli napapangisi na lamang siya sa kanyang kinahaharapang problema. Malamang di ko sya makakakwentuhan ngayon, kahit na nagsisimulang humulas na ang mga tao. Nakikita ko ang papel ng imbentaryo at mga sipi ng order sa maliit na mesa, kaya malamang masambot ko lang ang bantog na litanya niya: “Hirap na hirap na nga ako e <hikbi>.” Pero sadya nga yatang mailap si Ate Leony. Ayaw daw niya kasi ng mga ganung panayam. Nahihiya daw siya, at marami pang naghihintay na gagawin. Naiintindihan ko naman siya. Natutuwa nga ako’t muli na namang malalamnan ang tindahan – mapupuno na ulit ang pridyider ng softdrinks, tubig, at Moo; mapupunan na ang mahuhungkag na estante ng Cheese Rings, Boy Bawang, at Quickie Instant La Paz Batchoy; at magkakaroon na uli ng maikling kokomban at mga bughaw na libreta. [Kagagaling lang ata ni Ate sa Puregold Tandang Sora: nakakalat ang plastik ng nasabing pamilihan sa likod.] Ngunit higit sa lahat, mas natutuwa ako dahil sa mga ganitong kalagayan napananatili ang hiwagang bumabalot sa silong. At sa pag-igting ng misteryo, mas nagiging kapana-panabik ang bawat pagdalaw at paghahanap ng kanlong sa silong: nandun man ang mga kaibigan mo ang napupusuan mo o nais mo lang bumili ng paborito mong Muncher Vinegar Bawang para baunin sa pagsusulit sa Ekon 131. Balintunay rin marahil ito, dahil sa totoo lang, di naman talaga ganun kahalaga ang malaman ang lihim ng hiwaga. Sa pagsusuma, tanging ang mga alingawngaw na ipinangyayari ng hiwaga ang may pinakamabigat na timbang sa ating buhay. Kahit maliit, masikip, at waring tapal sa butas ng kawalan ang natatanging sulok, malaki naman ang nakapangyayaring alingawngaw na inihahatid nito di lamang sa mga estudyante kundi sa sinumang nasa Ekon. Bukod s a paghuhugpong ng pangangailangan at suplay upang lumitaw ang isang pamilihan, ang kanlong – higit sa lahat – na pinagkakaloob ng silong at ni Ate Leony sa pagitan ng halos lahat ng mga tao sa kolehiyo ang pinakamahalagang ambag nito sa pagsasabuo ng isang maayos na komunidad ng Ekon. At hindi kailanman maililiwat ng mga instrumento ng pamilihan ang kabayanihang ito. Papatila na ang sigwa. Malapit ko nang maubos ang Yakisoba at nagsimula ng bumuti ang aking haraya. Nagsimula na rin ang pagkakamot ng ulo ni Ate Leony, hitik sa bantog niyang litanya ang bawat pagbigkas habang paparating ang mga kargador. Napangisi na lang ako. Si Ate Leony talaga, showbiz. n


E

c

o

s

o

c

Drobo

pandiwa : Mga galaw na nagpapahalata sa isang tao na gusto mo sya mahigit sa pagiging kaibigan lamang. Halaw ang salitang ito sa ibang org ngunit dahil sa globalisasyon, naging laganap ang terminolhiyang ito sa tambayan ng Ecosoc at karaniwang bukana ng mga Ecosocers.

Halimbawa: Kilala niyo ba kung sinong bagong drinodrobo ni Will-J?

Yown/Ayown

interjection/pandamdam : Isang ekspresyon na nagpapakita ng kasiyahan o/at pagsang-ayon, ito ay malimit na ginagamit pag may narinig na kaayaaya. Ito’y orihinal na ekspresyon ng isang makisig na Ecosocer na ngalang Jobrahm Gauuan (na ngayo’y alumnus na). Ang kanyang masugid na gamit nitong ekpresyon ay nakahawa sa mga miyembro kung kaya hanggang ngayong araw ay karaniwang ginagamit pa rin ito. Halimbawa: Yoooooooown! Heart throb daw si Sab!

Chichi

pang-ngalan : Tsismis o mga pagpalitan ng kuro-kuro at balita lalo na tungkol sa mga maiinit na isyu. Kalimitang bangayan o/at pag-iibigan ng mga miyembro ng Ecosoc o kahit sino pang matripang pag-usapan ang laman ng pag-uusap nito. Ayon sa mga nakalap na balita, nag simula raw ang terminolohiyang chichi noong ginamit ito ni Sab Soriano sa isang komperensi yang pang-kompyuter. Halimbawa: Narinig niyo na ba yung bagong chichi tungkol kay Josh?

Gayot pang-uri : Ang pagkakaroon ng isang matipunong katawan o ang pagiging malakas sa pisikal na apekto. Iba-iba ang permutasyon ng salitang ito base sa heograpikal na kinaroonan mo, kung ikaw ay nanggagaling sa timog ng Maynila, mas gagamitin mo ang terminolohiyang “batak” o kung ikaw naman ay medyo spokening-dollar o taga-Makati ay karaniwang “guns” naman ang gamit. Halimbawa: Gayot si Kaiser, pare.

Keri

pang-uri : Isang salita na karaniwang ginagamit pag may pangyayari o kung anu mang gawain na madali at kayang-kayang gawin. Ito ay laganap sa buong UP, at sapantaha namin na lumaganap na lamang ito sa mga organisasyon hanggang naging parte sa kanilang mga bokabularyo. Halimbawa: 102 kay Ma’am Desierto? Keri lang.

Ala-Jaymie

pang-uri : Tawag sa isang taong nagshift-out pero dahil sa masidhing pagmamahal sa econ (at Ecosoc) siya ay nagshishift-in pabalik sa econ. Ito ay naggaling sa isang estudyante na itago nalang natin sa pangalang Jaymie Reyes na nagshift-out pero sa susunod na taon ay nagshift-in rin dahil sa kanyang matinding pagmamahal sa buhay econ.

Halimbawa: Naku, pashift-shift ka pa. Baka ma ala-Jaymie ka lang.


L I ngo

ni Justin Batocabe at Nathan Pico

Tambay

pandiwa : Ang pananatili sa SE 121 upang makisalamuha ang mga Ecosocer. Karaniwan itong ginagawa kung walang may magawang iba., o kaya kapag naghihintay para sa susunod na klase. Ang tambay ay isa sa pinaka-numero-unong tagapagtatangal ng bagot at kakornihan ng buhay. Taus puso naming inirerekomenda na laging tumambay upang sumaya ang buhay.

Halimbawa: Tambay lang ng tambay, apps.

UL

pandiwa : Ang paglalahad ng isang senior student (tiyakan sa pangala wang semestre sa huling taon) ng pagmamahal niya sa kanyang irog (na maaaring may alam o wala sa kanyang mga romantikong pagna nais) ang mga nilalaman ng kanyang puso. Halaw sa isang malupit na lalakeng alumnus na ginawa ito sa ngayo’y isang promineteng miyem bro ng Ecosoc (na maaring nasa Execom) bago mag-graduate. Halimbawa: Naku, sino kaya yung susunod na u-UL?

Laglag

pandiwa : Ang pagsasabi sa isang babae ng romantikong pagnanais ng isang lalake bago pa masabi ng lalake ang kanyang mga nararamdaman. Ito ay karaniwang ginawa-gawa palihim at taliwas sa nais ng nasabing lalake. Ang mga taong naglalaglag ay kinaiinisan dahil sila ay sumisira ng diskarte at nasasayang ang pandodrobo ng lalake.

Halimbawa: Kasi eh, nilaglag niyo pa kasi kay Lia. Tuloy, pumigil.

Grand

Trad

pangalan : Ang pinaka-inaabangang pangyayari sa Linngo ng Ecosoc tuwing unang semestre. Dahil may mga aplikante na hindi pa dapat nakakaalam ng espesyal na pagdiriwang na ito, ipagliliban muna namin ang pagbigay depinisyon sa salitang ito.

Halimbawa: Handa na si Karlo para sa Grand Trad!

Logbook

pang-ngalan : Isang notebook na puno ng chichi at kung anu pang pagmuni-muni ng mga magilas na pagiisip ng mga Ecosocers. Sa Ecosoc may dalawang klaseng logbook: ang apps’ logbook at mems’ logbook. Ang apps’ logbook ay para sa mga aplikante ng Ecosoc upang itala ang oras nila sa pagtatambay. Karaniwang matatagpuan dito ang mga salitang nang-eengganyo sa app na ituloy ang kanyang app process. Ang mems’ logbook naman ay para sa mems at maari silang sumulat ng kahit ano dito; bawal ito tingnan ng apps. Halimbawa: Akala niyo ligtas kayo ha? Masusulat rin sa logbook ‘yan.

Ecosoc

pangalan : isang napakagaling na socio-civic organisasyon ng mga kumukuha ng pandalubhasang pag-aaral sa Ekonomiya. Bagamat karaniwang mga mababaw at kasiya-siya ang mga tao dito sa unang lingon, matatagpuan sa katagalan na ang mga tao rito ay puno ng gilas at mga kaibigang tunay. Halimbawa: Ano ang best org sa Econ? Tinatanong pa ba ‘yun? Ecosoc siyempre!


IMBESTIGASYON NG Ecosoc Fallacies ni WillJ Sarmiento

Masasabing tunog conyo kung totoo iyon, hindi ba? Masasabing may pagka-tunog “ADMU”? Naisip ko tuloy, “Sayang, astig sana kung totoo lang iyon.” Siguro miss ko lang ang hayskul. Sa huli, naisip kong sumali nalang sa 2 rason. Kailangan ko talaga ng mga kaibigan. Dapat may konkretong rason kung bakit iniisip ng ibang mga tao ang mga fallacies na iyon.

Ang buhay Ecosoc ay – dahil wala akong Malapit na ang Grand Trad. Siguro kaya kong maisip na mas magandang salita – kakaiba. maging mala-Ms. Universe at sabihin ko ang gustong Mga workshop at CDC, ayos lang marinig ng karamihan, pero sa halip na iyon, magiging naman sila. Minsan nakakabatong pumunta totoo ako. kapag masyado mong pinag-isipan. Pero alam mo iyong mga party na parang Heto ang totoo. natatamad kang lang pumunta, pero dahil Noong hayskul pa ako, hindi ako iyong tipong may nag-“c’mooon! Go na pleeeease? ;;)” sumasali sa mga org. Ang rason ay dahil ayaw ko sa iyo, pumunta ka na lang din at masaya naman talagang gumawa ng higit pa sa kailangan. Mas naman pala? Naisip ko parang ganun iyong gugustuhin kong gawin lamang ang kailangan kong gawin mga iyon. Parang nakakatamad ngang para makauwi ng maaga o maka-gimik kaagad. Matapos mag-serbisyo sa komunidad o makinig sa ang orientation para sa Ecosoc, naisip kong hindi na lang mga speakers tuwing libre ka pero maaari sumali. Dahil naman kasi, sino ang gustong tumambay ng rin namang maging masaya eh… sa aking higit sa 50 hours? Eh hindi rin naman ako iyong tipong palagay. mahilig tumambay. At tsaka, bakit ko naman gugustuhing Pero ang pagtatambay, diyan turuan ang mga maliliit na bata, eh ginawa ko na iyon nangyayari ang kababalaghan! linggo-linggo noong nakaraang taon? Nakakatamad! Pero sa masamang-palad, ako ay nasa UP. Kaunti Unang beses akong nakapasok lang ang aking kaibigan, at wala pa akong barkada. Badtrip mag-isa, mehn. Sabagay, kaya ko namang magkaibigan sa tambayan dahil inimbita ako ni Czar na sa aking mga GE pero mahirap eh! Nagkikita lang kami pumasok. Nag-iisang freshie ako, mula sa mga dalawang beses sa isang linggo, tapos mga isa’t E-2, pumasok. Pumasok ako, hindi naman kalahating horas lang iyon. Hindi sapat ang oras. Baka sa dahil mayabang ako pero, dahil inimbita maging kaibigan sila, pero malamang, hindi magiging ako… at tsaka dahil ang laki rin kasi ng tambayan eh! Tapos mayroon pang mga kabarkada. Culture shock pa rin ako noon. Baka dahil noong couch at TV at PS2! Parang kapag tuwing hayskul ako, ibang-iba ang buhay noon. Pero anong high Halloween tapos sinasamahan mo ang iyong school nga ba ang katulad ng buhay kolehiyo sa UP? Hindi nakababatang pinsan mag-trick or treat. Pag doorbell niya at pagbukas ng pinto, ko alam. Sa totoo lang din, hindi masyado nakatulong susubukan mong tumingin sa loob ng bahay ang aking pagbasa sa brochure ng Ecosoc. Nakasulat kasi ng iyong kapitbahay para makita kung anuano ang mayroon sila. roon: 2 Fallacies: Naganap ang unang tambay ko Ang Ecosoc ay puro elitista. sa isang walang-bisang araw. Martes ata? Ang Ecosoc ay party org.


31 Narinig ko kasi na kailangan ng 50 hours at naisip ko na napakahirap nitong gawin. Eh dahil hindi ko naman maiiwasang gawin ito, mas mabuting magsimula ng maaga at bawasan ng pakaunti-kaunti, ‘di ba? Pagpasok ko, kinamusta ako kaagad ni Mocca. Hindi ko pa siya kilala, pero kilala na niya ako. Ngiti naman ako. Hindi ba’t kahit ilang beses mo nang naranasan iyon, laging astig pa rin tuwing nangyayari? Pagkatapos ko siya makilala, pinakilala naman niya ako kina Kar(en) at Triszhzhzh. Pagkatapos noon, the rest is history, pare… …well, hindi naman. Pero walang dudang masayang karanasan siya! Sinong lalaking hindi gugustuhing makisama sa tatlong napakagandang babae ‘di ba? Tapos matatalino pa! Natatandaan kong noong pauwi na ako, hindi ako makapaghintay na tumambay uli. Siguro iyan ang dahilan kung bakit ako tumatambay halos araw-araw. Ang pagtatambay kasi, sa aking palagay, ang pinakamasayang bahagi ng app process na kinakailangang gawin. Pero dahil nasa gitna pa lang naman ako ng proseso, ano nga naman ba talaga alam ko. Sabagay, ang mga karanasan sa tambayan ay nag-iiba, depende sa tao.

“Ang

Tulad nga ng sinabi ko, pumasok ako sa Ecosoc na naghahanap ng dalawang bagay: katibayan ng mga fallacy at kaibigan.

buhay Ecosoc ay – dahil

wala akong maisip na mas magandang salita –

Matapos ang kalahati ng app process, masasabing may pagka-elitista nga ang Ecosoc. Pero katamtaman naman ang kakaiba. pagka-elitista nila. Hindi naman sobra-sobra na pinag-uusapan na lang ng mga miyembro ay puro tungkol sa “how the dirty manong like, made gasgas my jetski.” Hindi rin naman sila iyong mga tipong dinuduraan at binabakstab ang mga taong nagyayayang pumunta sa Eastwood para manood ng sine at nagsasabing “ang yabang naman nito! Nag-eEastwood!” Party org rin naman ang Ecosoc, pero “work hard, play hard” nga naman kasi hindi ba? Ang kaibigang bahagi ay ibang istorya. Sumali ako sa Ecosoc naghahanap ng mga taong pwede kong maging kaibigan, pero sa halip na iyon, nakahanap ko ng isang pamilya. Hindi, masyadong malakas ang salitang “pamilya”, pero malapit sila sa isa’t isa! May masiglang katangian ang mga tao na mahahanap mo sa Ecosoc eh. Hindi mo masabi talaga kung ano iyon, o kung bakit ganoon, pero mararamdaman mo lang. Iyan ang nararamdaman ko at iyan din ang dahilan kung bakit hindi ako mag-dedefer ng basta basta o aalis lang ng bigla.

At iyan, mga kaibigan, ang totoo. n


(Artikulong muling nilimbag; Nanggaling sa Echoes September 2004)

30 DAYS. Second chance takers. Kahit binura na ang pangalan nila sa apps’ logbook, eto pa rin sila’t a-active active. Ginulat nalang nila ang buong ka-Ecosocan dahil alive and kicking pa pala sila. Pero in fairness, minsan masbibo pa sila sa ibang aplikante. APLIKANTUS HYPRIS. Over sa adrenaline kaya sobrang hyper. Inborn talent na nila ang mag-eepal (in a positive way). Tambay kung tambay. Ang Ecosoc tambayan para sa kanila ay isang bahay bakasyunan. Omnipresent sila sa lahat ng events ng org kasama ang lunch, caf at dinner sa Mang Jimmy’s. BERSAKI. Ang bersyon ni Versace among the apps. Sila ang mga nagpapaka-unique sa kanilang pilit na pinaninindigang fashion statement. Halimbawa nito ay ang rolled-up sleeves at ang doll shoes na nauso ngayong sem. Haha :) CELEBRITIES. Popular figures ang mga ito sa Econ sa maraming rason: 1) may hinahawakang posisyon sa student council o sa ibang org, 2) artistahin, 3) may nagawang kabastusan, 4) sadyang katawa-tawa lang sila kaya talk of the town sila ever. Malimit silang pinagkakamalang members ngunit in truth ay apps palang sila. GURUTU. Sila ay nagmula sa kaharian ng mg shadows. ‘Pag tumatambay ang mga gurutu, pilit nilang isisiksik ang kanilang sarili sa mga sulok sulok. Ayaw nila masyado masilayan ng araw. Shy type siguro. Pero hindi naman scary ang mga ito; hindi sila nangangagat. May sense silang kausap at cooperative naman sa aktibidades. HOUDINI. Kilala sila sa kanilang disappearing acts. Dalawa ang breed ng Houdinis: Ang Houdini Etiketi at ang Houdini Kaloki. Mabait-bait ang mga Houdini Etiketi – may manners. Bago sila maglaho sa kawalan, nagpapaalam muna. Pero wala pa rin sa timing ang pagpapaalam nila. Hindi pa man nagsisimula ang event, nag-gugoodbye beso na sila sa sangkatauhan. Masmalala ang case ng mga Houdini Kaloki. Katulad ni Paige sa Charmed, may kapangyarihang mag-orb ang mga ito. Habang nasa kalagitnaan ng masayang usapan with a Houdini Kaloki, feel na feel mo na nagkakatuwaan kayo. Pero ‘wag ka; malingat ka lang sa isang segundo, hindi pa man natatapos ang sasabihin mong sentence, VOILA! Nakapag-orb na sila. Nakakaloka.

KIKAYSTERS. Kikays ang tawag sa kanila dati ngunit nagevolve na sila to a higher level. Siyempre hindi nawawala ang mga Taglish na sila-sila lang ang nakakaintindi at ang mga pink at neon shirts na pwedeng gawing banderitas. Trip ng mga kikaysters ang maghang-out sa Mcdo at magtruth or dare o kaya’y magjoke at humalakhak all day and night. In fairness, masarap silang kasama, makakalimutan mong may exam ka pala kinabukasan. TONGSOYS. Maari ring tawaging “the pusotongs.” Ang tongsoy or pusotong ay hango sa mga salitang pusoy at tong-its – the group’s favorite hobbies. ‘Pag nag-abot abot ang mga tongsoys sa tambayan, ‘wag ka nang umasang makakaupo ka pa sa couch. Hindi uso ang orasan sa mga tongsoys. Hanggang hindi pa gulagulanit ang baraha, sige pa rin sila nang sige. Bali-balita na nagpapraktis sa bahay magpusoy at magtong-its ang grupong ito. ZOMBIES. Eto ang mga apps na pag bilog ang buwan lang nabubuhay at nagpapakita, Everytime may special event ang Ecosoc go na go sila. Ngunit sa other dates ng kalendaryo, never mo makikita ang mga zombies, nakabaon siguro sa lupa. :) -and last but not the leastSURVIVORS. Undiscovered pa ang species na ito, pero in less than a month, marami na ang magiging under this category. (Sana…) :) n


33 Nakaupo nung isang makulimlim na panahon Nang ika’y dumapo’t dumaplis. Tinig ng iyong makina’y tahimik at matinis

Lumingon akong naghahanap sa bawat sulok ng kuwarto ngunit wala akong nakita. Ikaw lang ang kasama, ikaw lang ang nariyan. Sa aking pag-idlip, binigyan mo ako ng dahilan. Sa aking pagmumuni, hinangin mo ang mga luha mula sa aking mga mata. Binugaw mo ang mga lamok na nagbibigay ng sakit. Niligtas mo ang aking buhay. Sa tuwing mainit at kami’y nangangailangan ng simoy na iyong dulot, hindi ka nakakalimot. Ang aming pasan ay iyong pinapagaan. Kay simple nga lang naman ng iyong silbi: Magbigay ng hangin sa mga nangangailangan ng iyong ihip. Ang prinsipyo mo’y simple lamang, ang makina mo ay maliit ngunit maasahan.

Phenomenology ng

Bintilador ni Ace Lopez

Nang ako’y nakaidlip ng tuluyan. Mahimbing akong nagising sa iyong walang tigil na pagtunog. Ika’y tinitigan at bumalik sa pagbabasa ng aking Econometrics book. Sa loob-loob ko’y “salamat sa pagsama.” Maski ako’y mag isa’t nagsusunog ng kilay, ang simoy ng iyong hangin ay nakakapagbigay ng kapayapaan sa aking isipan. Dumating ang aking mga kaibigan at ang tambaya’y napuno ng mga halakhak. Ang dati’y tahimik ay ngayo’y buhay na buhay sa galak. Ang kaninang nakakaantok ay gising na gising sa mga kuwentuha’t pagtitipon. Ibang iba na ang atmospera at ganun na rin ang pagturing sayo.

Katahimikang bumabalot sa silid bukod sa iyong awit. Awit na ngayo’y awit na ng hinagpis. Nang may mga dumating … at ika’y di na pinansin. n


34

Dear P&M,

Mayroon akong kaibigan. Gusto ko sanang maging “more than friends” kami pero paano kung masira ang aming pagkaibigan dahil dito? Ano ang maaari kong gawin? - Jwill Dear Jwill, Hindi mo talaga maiiwasan na kapag ginusto mo na maging higit pa sa kaibigan ang kaibigan mo, maaaring masira ang inyong pagkakaibigan. Mag“work out” man o hindi ang relasyon niyo, mayroon talagang magbabago. Kaya ang payo ko sa iyo ay siguraduhin mo munang totoo ang nararamdaman mo para sa kanya. Siguraduhin mong hindi lamang ito inpatsuweysyon. Minsan kasi, kapag palagi mo nakakasama, akala ko mahal mo na. Hindi ko naman sinasabi na huwag mong isugal ang inyong pagkakaibigan dahil sa maraming pagkakataon, maganda rin ang puno’t dulo nito. Maging sigurado lamang sa nararamdaman bago pumasok sa isang relasyon. Gudlak! Nagmamahal, P

Dear Jwill, Sabi nila isa daw mahigpit na rule ang bawal umibig sa kaibigan lalo na sa kabarkada. Pero hindi naman maiiwasan yun. Lalo na kung lagi kayong magkasama, minsan nagiging komportable na kayo sa isa’t isa. Hindi mo napapansin na nagkakaroon ka ng feelings sa kanya, at nagfafall ka na. Mahirap ang sitwasyon mo kasi kapag nalaman niya, pwedeng makabuo o pwede ring makabreak ng isang relasyon. Bago gumawa ka ng kahit ano, tiyakin mo muna kung “love” nga ba ang nararamdaman mo para sa kanya. Baka naman parang sisterly love o yung babaeng bestfriend o baka dahil sobrang comfortable at secure ka lang sa kanya. Feeling comfortable and secure with someone is an important factor pero hindi lang ito ang nagmamatter. Dapat din siguraduhin na single siya. Kailangan ito isalang-alang dahil mahirap na. Kung hindi ito magwork, mahirap ibalik ang friendship at masasaktan niyo lang ang bawat isa. Pati friends nyo madadamay. Kung sure ka nga na love yan and you really want to put your friendship to the next level, you can make your moves na. Marami ang naniniwala sa rule na ito: meron pa ding mga babae na mas gusto na friends muna sila ng guy bago mag next level. Advice ko para maiwasan ang pagkasira ng friendship, you can start by observing her. Pansinin ang kanyang kinikilos sa ibang lalaki. Pero payo lang, minsan deceiving talaga ang mga pinaparamdam ng mga babae. Tapos subukan mong magpahiwatid with your actions. Pero wag mong biglain; dahan-dahan lang. At kung hindi naapektuhan ang relationship niyo pagkatapos mong nagpaparamdam, pwede ka nang magtapat. Tyempuhan lang yan; it’s just finding the right time and the right place. And if ever she said ayaw niyang maging more than friends, accept it like a real man. Alam kong mahirap, pero ganun talaga ang buhay. Isurround mo na lang ang sarili mo with other friends to diminish yung attraction. “A true friend is more valuable than anything you can find. Why ruin the chance of a lifetime relationship with this person for the possibility of what could be a short romance?” Sa huli, desisyon mo pa rin, JWill. I-weigh mo lang ang mga pwedeng maging consequences. M


“Natakot ako magkamali. I had a bright future ahead of me and I don’t think I was ready for something like that.”

Dear P&M,

Masasabi kong hindi ako yung tipong fickle o madaling madala sa mga emosyon at siguradong hindi mahilig sa drama at kung anu-anong bagay na nagpapakomplika ng buhay. Masaya ako sa buhay ko ngayon; magandang records naman to ensure a “bright future ahead” katulad ng ine-expect ng marami para sa akin. No dramatic turn of events kung saan makikilala ko ang knight-in-shining armor ko at mababaliw along the way at mamomroblema ngayon at nagsusulat for advice. Less drama and a less complicated start of a story. Nagkakilala kami sa isang class. Grad student siya and graduating ako, and slowly we became good friends. Parang kahit ano pwede namin pag-usapan mula sa simpleng mga bagay hanggang sa mga personal goals namin sa buhay. Hindi ko masabing ‘iba’ yung feeling kapag nakakasama ko siya kasi alam ko kung ano yung nararamdaman ko. I get to value myself and I smile and laugh more freely. We had something special that grew over time, and I knew that more than anyone. Kailangan may mali, kung hindi, hindi ito love problem. Ako siguro ‘yun. Natakot ako magkamali. I had a bright future ahead of me and I don’t think I was ready for something like that. I tried to stop it before it went beyond what I can handle. Sa tingin ko tama ang naging desisyon ko. But the bitter part was that he understood me perfectly even if I didn’t explain. Ayaw niyang maging dahilan para maguluhan ako o mawalan ng focus sa mga gusto kong mangyari sa buhay ko. He said it didn’t have to be complicated because we both were sure of what we had without explanations; that he will wait when I was ready. I told him there was nothing to wait for. But three months after saying that, why do I still feel stuck at that moment. Hindi ako makapaniwalang nangyayari sa akin ito—bagay na kadalasang iba ang namomroblema at ako naman ang nagbibigay-solusyon. I didn’t think I’d be the one in need of help.

Stella

35 Dear Stella, Napakaswerte mo at nakatagpo ka ng isang lalaki na naiintindihan at nirerespeto ang mga prioridad mo. Biruin mo, willing pa siyang antayin ka hangga’t sa maging handa ka. Ang masakit lang dun, nagsalita ka ng tapos at sinabi mo na wala siyang rason para maghintay. Alam ko sa usapang pag-ibig, madali lang sabihin na huwag kang matakot magrisk. Madaling sabihin pero mahirap gawin. Kaya sa pagkakataong ito, magiging praktikal ang payo ko sa iyo. Lumugar ka kung saan ka masaya. Lahat naman tayo may mga ambisyon sa buhay. At gaya mo, marami na ring sinakripisyo ang pag-ibig para sa katuparan ng mga ambisyon na ito. Ang iba ay naging masaya, ang iba naman ay naging malungkot. Alam ko importante sa iyo ang mga ambisyon mo at hindi kita masisisi. Pero naniniwala ako na kung ‘stuck’ ka sa nangyari noon hanggang ngayon, it must mean something, kaya do something about it. Hindi naman pwedeng stuck ka lang at yun na yon diba? Medyo masaklap naman yata na naka-focus ka nga sa mga gusto mo pang gawin pero miserable ka naman. Nasa mga kamay mo naman talaga ang desisyon ngunit pakiusap lamang kaibigan, piliin mo ang magpapasaya at makakabuti sa puso mo. Huwag mo sanang hayaan masira ang NGAYON dahil sa mga BUKAS. Nagmamahal,

P Dear Stella, Because that is love. Naniniwala akong if you love someone, it won’t stop. Kahit wala na kayo nandun pa din ang love. It might be lessened pero hindi ito mawawala ng ganun ganun lang. Hindi ko makita kung anong mali sa sitwasyon mo at bakit nagdecide kang makipaghiwalay. Actually masaya ka naman sa kaniya. And he made a better you, navavalue mo sarili mo at nakakatawa ka freely. Nalayo ka niya sa pagiging perfectionist mo. He helped you to loosen up. Pero naiintindihan ko na baka naman kasi dahil sa expectation mo at ng iba sa iyo, natakot kang baka makasira ito at hindi mafulfill dahil sa kanya. Being a guy, letting go and waiting for a girl you really love is very, very hard. Kasi kasama na dito ang pride na napakahalaga sa lalaki. Para kasing tinanggihan mo na din siya dito. Pero siguro sa pagmamahal niya sa iyo, naiintindihan niya ang sitwasyon mo kaya niya isasacrifice for the meantime ang feelings niya para mafulfill mo lang ang goal mo at makamit ang gusto ng iba. Pero para sa akin, mas maganadang ituloy niyo na lang ang relationship niyo kasi naaapektuhan ka na din kahit hindi na kayo. Nagkakaproblema ka na at nalalagyan ng drama na sabi mo ayaw mo. Icontinue nyo na lang ang naudlot niyong love kasi maganda naman ang effect nito sayo. It’s about time naman na ang sarili mo ang intindhin mo at wag na kung ano ang sasabihin ng iba. Nasa iyo naman kung maapektuhan ang love ang career mo, kung hindi mo naman hahayaan hindi ito maaapektuhan. M




Posibilidad

ni Yla Paras

Sa karimlan ng paglapit ng aking pagtatapos sa unibersidad, kung minsan ay naiisip kong pagtuunan ng pansin ang maaari kong maging hakbang para sa aking hinaharap. Sa bawat araw na lumilipas, aking pinagninilayan ang mga posibilidad na aking maaaring tatahakin. Dahil sa ako ay isang mapangarap at masikap na indibidwal, marami akong naiisip na maaari kong puntahan. Mayroon akong mga katanungan gustong sagutin. Mananatili ba ako sa Pilipinas o magsasaibang bayan? Doon ko ba ibabahagi ang aking kaalaman at mga kagalingan upang kumita ng mas malaking pera at iwanan ang aking bayang kinagisnan? Yan ay posibilidad. Posibilidad na aking hinirang na pagtuunan. Marahil sa ngayon, ang naiisip ko ay paglayunan ang mag-aral pa. Gusto ko sanang tumuloy at magpakadalubhasa sa ekonomiks (o ibang larangan) sa ibang bansa kung mamarapatin ngunit magiging masaya rin naman kung dumito lamang. Siguro, wala naman kawalan sa akin ito sapagkat alam ko namang nakakaangat ang aking pamilya sa buhay at maayos ang pamumuhay namin sa Pilipinas. Subalit sa isang intelektwal na mas mataas ang pangarap, expektasyon, o ideyalismo sa buhay, maaaring gustuhin niyang magsaibang bansa, doon magtrabaho, manirahan, at bumuo ng kanyang pamilya. Sa kalayunan, mayroong mga taong iniisip lumipat ng kabuhayan para sa personal na dahilan lamang. Ang iba ay may gustong layuan at mag-umpisa muli. Mayroon din namang gusto lamang ang ibang kultura at napamahal na sa ibang bansa. Ang iba naman ay gustong makapaglibot at makapunta sa iba’t ibang lugar. Ngunit sa mas nakararaming mga Pilipino, ang dahilan ng migrasyon ay dahil sa kawalan ng pag-asa. Ang takot na hindi umusad sa buhay (hindi makahanap ng maayos na trabaho) ay isa sa mga primaryang dahilan kung bakit gustong lumayo at makipagsapalaran. Ang amang magsasaka ay magsasabi sa kanyang anak na babaeng nakatuntong ng kolehiyo na mag-nars (o guro), o sa kanyang anak na lalaki na maging inhinyero. Sa tuklas ng kahit anong propesyong napapabalitang masagana sa ibang bansa ay pilit na gustong abutin. At dahil ang anak ay masunurin at gustong makatulong sa kanyang pamilya, siya na mismo ang magtutuloy sa pangarap ng kanyang mga magulang. Masasabi ba na ang ganitong kaisipan ay nararapat? Walang kasiguruhan. Hindi naman dahil ang isang gawain ay nakaaangat ngayon ay mananatili siya sa ganung kabantugan. Maaaring magbago ang mga pangangailangan at suliranin sa ating mundong ginagalawan, kaya magbabago rin ang mga nakasanayan na. Marahil ang pagsasaibang bayan ay mabuti para sa iba upang lubusang makilala ang kanilang sarili at sa iba naman ay nakakapagpabago ng kanilang kaisipan. Nagiging daan ito upang magkaroon ng pagkakakilanlan at kaunlaran. Dito natutong maging mag-isa at nagkakaroon ng lakas upang makilahok sa mga bagong hamon. Dito napapaharap sa bagong kultura at bagong mga taong nakasasalimuha. Inilalaan ko lang sa ganitong pagtatapos. Para sa akin lamang, hindi ako mananatili o makikipagsapalaran sa ibang bayan dahil gusto kong maibalik ang puhunan ng aking edukasyon, ang aking mga kakayahan, at aking maihahandog sa aking bayan. Ayokong maging isang haligi o tauhan upang ibang bayan o kultura lamang ang makinabang. Ang tanging hangad ko lamang ay sana magkaroon ng panibagong kinabuuan ang mga mithiing nakalahad ngayon sa aking harapan. Mag karoon sana ng mas malawak na oportunidad para sa mas maralita at nangan gailangan. Magkaroon sana ng halaga ang lahat ng paghihirap ng bawat mamamayang nais umunlad. Sa ganitong paraan, tayo na mismo, bilang mga Pilipino, ang magsasabing maganda, asenso, at may pag-asa pa ang Pilipinas.


“University of Filipinas?” ni Golda Cainglet

K

ung naging Filipinas ang pangalan ng ating bansa, ang magiging tawag sa primyadong paaralan natin ay “Unibersidad ng Filipinas” na o UF. UFCAT na ang magiging pagsubok ng ating mga nakababatang kapatid na may hangaring maging Iskolar ng Bayan. At sigaw naman natin tuwing may bakbakan ang UF Fighting Maroons ay “Let’s Go UF!” Nakakapanibago, nakakatawa kung ating iisipin, pero kung tutuusin, “Filipinas” ang orihinal na pangalan ng ating bansa bago pa man umusbong ang “Philippines” at “Pilipinas”. Ang Philippines ay umiral noong panahon ng mga Amerikano. Ani nga nila, sa pag-Ingles ng mga katutubong pangalan ng mga bansa, pinapakita ang kagustuhan ng mag Amerikano na ipahiwatig ang impluwensiya nila sa mga bansang kanilang sinakop. Sa bungad ng ika-20 siglo naman nabuhay ang Pilipinas noong pinapalaganap ang abakadang Tagalog. Opisyal itong ginamit noong panahon ng Hapon at lumaganap noong dekada 50 kasabay sa pagtawag sa ating wikang bilang “Pilipino”.

Bakit Filipinas? Una, taong 1543 pa lamang ibininyag na ni Villalobos sa ating bansa ang pangalang Filipinas at pinairal ito ni Legazpi noong 1565. Kilala tayo sa Europa bilang “Filipinas” sa loob ng tatlong siglo at nakamit natin ang ating kalayaan noong Hunyo 12, 1898 sa ilalim ng pangalang ito. Kahit sa panahon ng ating mga bayani, Filipinas ang ginamit nila sa kanilang mga isinulat. Ikalawa, dahil sa modernisado na ang alpabetong ating ginagamit, hindi na Pilipino kundi Filipino na ang tawag sa ating wikang pambansa. Para maiwasan ang kalituhan kung bakit Pilipinas ang ating bansa at Filipino ang ating wika, ayon sa ilang manunulat, mas mainam kung Filipinas ang ating gagamitin. Ikatlo, magiging mas madali ang pagtuturo ng wastong pagbaybay sa mga bagay na may kaugnyan sa ating mga katangiang pambansa. Halimbawa, kung sa Ingles “Filipino” ang tawag sa mga mamamayan ng ating bansa pero “Pilipino” naman kung sa katutubong wika. Kung iisa na lang ang ating pangalan, maiiwasan ang mga problemang katulad nito. Sakali man, magkakaroon ng malaking gastusin katumbas ng pagpapalit sa nakasanayan na nating “Philippines” o “Pilipinas”. Isipin na lang natin ang ating sariling unibersidad kung sakaling magpapalit bigla ng opisyal na pangalan ang ating bansa! Ang nais lang ipahiwatig ng mga nakaisip nito ay dapat papahalagahan natin ang ating kasaysayan. Sa pagkaroon ng isang opisyal na pangalan, maaaring maiugnay ang watak-watak na rehiyon at pangkat-etniko ng ating bansa.

Pinagkunan: Diyaryo Filipino, 1992


40 Alam mo yung masarap na pakiramdam? Yung ‘pag lalo mong idiniin, mas lalo mong pinabilis, mas lalong sasarap, at nagiging mas exciting? Karaniwan, sa gabi mo lang magagawa ‘to, dahil kung mahuli ka, lagot. At isang pagkakamali mo lamang, patay kang bata ka. Dapat sanay ka na rin, para ma-enjoy mo ng husto. ‘Pag ‘di mo kasi na-control, hahanaphanapin mo ito. Siyempre, mas masaya kung iba-iba ang makakasama mo dito, ngunit kung wala ka namang mahanap na game, eh pwede naman ding mag isa ka lang… Hay, bakit nga ba napakasarap ng feeling pag ika’y kumakarera… Ay, pasensya na at napakwento na agad ako. Nakalimutan ko tuloy magpakilala. Ako nga pala si Agapito. Puwede mo rin akong tawaging Pete, o di kaya’y Aga. Ay, huwag na palang Aga, idol ko yun eh. Ayun, tulad nga ng binanggit ko sa aking panimula, mahilig akong kumarera. Lalo na nga kung may lalaban sa akin. Kung wala naman, ako na lang mag-isa. Masarap ang pakiramdam kapag ganun ka kabilis magpatakbo. Parang heaven. Bakit nga pala sa pakikipagkarera napunta ang usapan natin? Ewan. Madaldal lang ako. O Sige, iba naman ang pag-usapan natin… Pero dapat, yung masarap din. Pagkain? Ayoko yun…tataba ako. Ah, alam ko na, pag-usapan na lang natin ang napakasarap na pakiramdam. Yung pakiramdam ‘pag ika’y may iniibig. Yikee! May naisip na agad siya. Sabi nga ng isa kong kaibigan, karamihan sa atin, kung hindi lahat, ay mga hopeless romantic, ayaw lang umamin. Sige, ikukwento ko na lamang sayo ang aking napakalupet na love story. Ako kasi, makulit akong tao. Kung ano ang gusto ko, kadalasa’y nakukuha ko. Sorry, pero ganyan talaga akong uri ng tao. So nagsimula yung love story nung ako’y first year highschool pa lang. Meron akong natipuhan, ewan ko kung bakit, pero nung first year lang ako unang nagkaroon ng kaibigang babaeng na itago na lang natin sa pangalang Jane. Textmate pa nga ang tawagan namin noon. Ayun, nagmuka akong tanga nun. Di ko man lang nasabi ang gusto kong sabihin sa kanya. So ano nga ang nangyari? Wala. *sabay pasok ng Unchained Melody sa background* Naging sila nung kaklase kong ‘di hamak na mas pangit sa akin. Pasensya, pasensya, sa aking pananalita. Huwag kang mabagabag, ganyan lang talaga ako.

Sumunod... teka, sino nga ba… Lalaki ata yun. Oops. Oi hindi ako bading. I’m straight. Ah ayun,

mlmlmlmlmlmlmlmlmlmlmlmlm


sumunod, nainlove naman ako sa isa pang textmate. Nung first year HS din ako nun. Syempre, sikat kaming may mga cellphone nung mga panahong iyon. Wala lang. Binanggit ko lang para alam mo kung gaano na ako katanda. So ayun nga, yung sumunod ay maitatago natin sa pangalang Tin. Si Tin ay half Chinese, kaya ayun, strict ang parents. Masaya ako pag kasama ko siya dati. Lagi kaming nagkukwentuhan sa telepono, at naisama ko pa siya sa HS dance namin. Ayun, dun ako nagkamali. Siyempre, proud na proud pa ako, kasi nga may nabingwit ako at may naisama sa dance na iyon. Pinakilala ko naman sa lahat ng mga barkada ko. Stupid mistake. Akala ko nun, mapagkakatiwalaan ko ang buong barkada ko. May ahas pala. Naging sila din…*Oops I Did it Again* Lubhang kay malas ko. Siyempre, nasaktan na “Eh di h inayan k naman etc. etc. o

41 naman pong mahal niyo ako eh… Salamat po.”

Siyempre, walang dumarating na biyayang ganun kabilis na tulad ng instant noodles, na 3 minutes, ready to go na. May dumating sa buhay ko. At sa wakas, naging kami. Isang taon din yun, ngunit para sa akin, isang taon yun ng pagiging bulag, pagiging bingi, at pagiging manhid sa katotohanan. Bakit? Kasi ang babaeng iyon, na itago na lamang natin sa pangalang Jojo, ay walang ginawa kung hindi paasahin at lokohin ako. Siyempre, sa mga panahong ito, ma-emo-emo pa ako, as in yung mga bandang kunwari rock, pero tungkol sa pagpapakamatay naman ang mga salita. Oo, siyempre, masakit nga. *You’re way too beautiful girl, that’s why it’ll never na lang. Sabi ko, mangya work, you have me, suicidal, suicidal…* ri na

mangya Tapos, after one ri. Basta ang ako, week, ayos na ulit. Pero di ko masaya Muli, ako’y bumalik sa pagtatanong sa ngayon. alam kung bakit buong second Panginoon, humihingi ng kanyang tugon, at ” year ay wala akong natipuhan. humihingi ng tawad, dahil panandalian ko siyang Siguro tinamad lang ako. Nung third hindi pinaniwalaan. Siyempre, bakit kaya niya ako year, medyo nauso na ang chat, at ang gustong masaktan, kung mahal niya nga ako. Sabi ko, mIRC. Alam mo yun? Bali chat-chat yun, at may sari- “Sana po, yung susunod, siya na yung huli. Ayoko na sariling chat room ang mga magkakaibigan. Ayun, may po kasing masaktan.” nakilala ako dun. Friend ng isang friend ng kaklase ng kapitbahay ng ewan. Basta ayun. Nagkakilala kami, Pagpasok ko ng kolehiyo, marami akong eh di syempre, meron pa yang, “CTC?”; “ASL?”; “Pix?” nakitang magagandang babae, matatalino, masasaya Nakakatuwa nga namang alalahanin. Eh di ayun. Sabi kausap, siyempre, andaming crush-crush. Ngunit ko sa sarili ko, “suwerte!” Dahil ayun nga, maganda andami na palang hindi puwede, at marami nang ayaw itong nakachat ko. So ayun, may da moves da moves talaga. Sabi ko, bahala na. Hanggang ayun, nung pa. Tapos, double swerte! Walang boyfriend, at parang second sem ng first year college, may di inaasahang ang sarap kausap. nangyari. App kasi siya sa Ecosoc, (org ko) at ako, new mem. Eh dahil magkakilala na kami noon pa man, ay Makalipas ang ilang oras ng kwentuhan sa tinulungan ko siya, kahit di ako yung guardian niya. IRC at YM, at makalipas ang ilang walang kabuluhan Ayun, dahil doon, naging close kami. True Friends pa na mga text, nagkita na rin kami sa wakas sa isang nga, at Best Friends ang tawagan namin sa isa’t isa. activity nila sa school. Aba, ang ganda nga. Kaso, Ang sarap pakinggan diba? Eh ‘di hinayaan ko lang. mas matangkad ata sa akin. Ayos lang yan, naisip ko. Sabi ko, mangyari na ang mangyari. Basta ako, masaya Pero itong babaeng ito, hindi ko maintindihan, dahil ngayon. Makalipas ang ilang oras na pakikipag usap, wala man lang “sign” na nagmumula sa kanya na ilang masasayang text na halong masaya at seryoso, at type nya rin ako. Eh di akala ko, dapat friends-friends siyempre kilig moment texts, at makalipas ang ilang sine lang. Ayun pala, nagkamali na naman ako. Sa huli ko sa eastwood at RP, ayun. Na develop. Hay, sa wakas. na lang nalaman na gusto niya rin pala ako…ngunit Ang laking pasasalamat ko sa Mahal na Panginoon, at dati pa iyon. Oo nga naman. Papayag nga ba siyang pagkatapos ng pagkahaba-habang panahon na ako’y lumabas na kasama ako, kung hindi niya rin ako nasaktan, binigyan niya ako ng dahilan na maging gusto? Argh, katangahan ko na naman. So ano ginawa masaya, at dahilan para ngumiti araw-araw. Salamat ko? Nagdasal ako ng nagdasal. (Dramatic Moment) talaga sa kanya. Salamat at masaya na ako ngayon. “Lord, tama na po. Ayoko nang masaktan. Hindi po ba *And I believe in ever after, with you* (Nax, happy ako pwedeng lumigaya? Ipadama niyo naman po sa ending.) n akin ang pakiramdam ng may nagmamahal. Alam ko

mlmlmlmlmlmlmlmlmlmlmlm


42

Pinoy ako, pati ang damit ko! ni Triszh Hermogenes

Hindi natin maitatanggi na malaki ang impluwensya sa atin ng mga bansang sumakop sa ating bayan. Mula sa arkitektura, relihiyon, sining, pagkain, pati na sa pag-iisip. Isang natatanaw na patunay dito ay ang pagpili ng istilo ng damit. Kung mapapansin mo, karamihan ng suot ng mga tao ngayon ay may impluwensya ng ibang bansa. Ngayong Buwan ng Wika, ipagdiwang natin ang ating pagiging Pilipino sa pamamagitan ng pag-angkop ng lokal na elemento ng istilo. Ang bakya ay sandalyas na gawa sa kahoy. Ang gilid ng bakya ay makapal at minsan ay may nakaukit disenyo. Bago naging uso ang tsinelas, ito ang karaniwang isinusuot sa paa. Sa panahon ngayon, mayroon pa ring bakya. Isa sa mga kilalang tatak noon pa ay ang Happy Feet. Marami silang iba’t ibang disenyo at kulay na napakaganda at ayon sa moda. Ito ay patunay na ang bakya ay nadaigan ang pagsubok ng panahon at nananatiling tanyag sa mga tao.

Naiinitan ka ba? Isang mapagkakatiwalaang pampahangin ay ang pamaypay. Palamigin ang inyong sarili sa pusturyosa at inspirado ng Pinoy na paraan sa pamamagitan ng pagamit ng pamamaypay na gawa sa anahaw o jusi!

Maraming nagagawa sa hibla ng abaca. Maari itong gawing lubid, papel, karpet, damit at muwebles. Isa sa mga magandang gamit ng abaca ay sa paggawa ng bag. Dahil ang abaca ay katutubo sa Pilipinas, siguradong maipapakita mo ang pagka-Pinoy ng iyong kasuotan at madadala mo ang iyong mga abubot gamit ang napakaganda at makulay na abaca bag.


43

kasuotan maisama ay gawa abolaryo.

Isa sa mga pinakamadaling paraan para pagandahin ang ay ang pagsuot ng mga kuwintas, pulseras at hikaw. Para ang temang Pinoy, mas maganda kung ang mga palamuti sa katutubong kasangkapan tulad ng kahoy o kabibeng

Ang panyo ay isang kapirasong tela na ginagamit sa maraming paraan. Ang panyong may burda ng bulaklak ay marikit at klasiko na nagbibigay ng pakiramdam ng panahon ng Espanyol. Para maging nasa panahon, iminumungkahi ko na ang ipaburda sa panyo ay ang unang letra ng iyong pangalan (monogram).

Ang T-syert ay isa sa mga rebolusyonarying klase ng damit. Sa panahon ngayon, ang uso ay ang mga T-syert na nagpapakita ng Kulturang Pinoy-Pop. Matalas at nakakatawang (minsan berde) linya ang nakalagay sa mga T-syert na ito, na karaniwang may kasamang larawan. Ang iba naman ay may nakalagay na pangalan ng mga banda. Suportahan ang lokal na industriya ng moda!

Ang mga etnikong disenyo ay maganda, lalo na kapag ito ay nasa damit. Ang mga paldang may limbag na etniko ay bagay sa simpleng pantaas. May mga bag rin na gawa sa telang may etnikong imprenta na hanep rin ang dating kapag ibinagay sa pang-araw-araw na kasuotan. Ang mga retrato ay nanggaling sa <http://happyfeet.com> at <http:// balikbayanhandicrafts.com>. n


44

mauve

ni Juan Kahapon nang ika’y masulyapan, naibigan ko ang matamlay mong kulay lilang nilalamong dahan-dahan ng liwanag na dilaw. nalungkot akong sa ibang wika lang pala kita makikilala. kulang pala ang aking kaalaman sa mga dapithapong kulay. dahil nang namatay ang lumalamon sa ‘yong ilaw, ikaw ay kasabay na nagtago sa kadiliman at sa likod ng ulap pumanaw.

serving suggestion para sa batchoy ni Juan Kahapon

kahit pakaunti nang pakaunti ang chicharon at kahit wala na ‘kong nakikitang karne dumadami naman ang sabaw at monosodium glutamate lucky me


45

Horoscope ni Madame Jaja

ADHOC taskforce SECCOM finance LIAI acad CDC echoes EXTERNALS memcom SPEV sports

Ngayon pa lang, mag-ipon na para sa iyong susuotin sa ADHOC event.

Yayayain ka niyang manood ng “A Love Story” sa darating na Sabado.

Wag ka ng umasa. Hindi ka mananalo sa DIYES.

Ayaw niya sayo. Tanggapin mo na kasi.

Bumili ng gunting na Barbie. Sa hinaharap ito’y magkakahalaga ng libo-libo.

Ang iyong tinadhanang ibigin ay nasa kabilang pinto.

Kikita ka sa pagtitinda ng bluebook sa linggong ito.

Mayroon kang malaking problema. Wala kang buhay pag-ibig.

Tumingin sa dinadaanan. Makakapulot ka ng pera sa Acad Oval.

Mapapangasawa mo ang isang kapwa ECOSOCER.

Ingatan ang pitaka. Maaaring nakawin ng katabi sa ikot jeep.

Upang kiligin, manood ng Princess Hours rewind tuwing linggo, 10am sa ABS-CBN.

Mag-ipon-ipon ka na. Maglalabas ka ng malaking halaga sa katapusan ng buwan.

Huwag maging pabigat. Ikaw naman ang manlibre minsan.

Ipagpalit ang nakaimbak na dyaryo sa bahay ng pera. Mayroon ka ng pambili ng bagong kwaderno.

May makikilala kang interesanteng tao habang binabasa mo ito. Sabihin mo na ang iyong nararamdaman bago mahuli ang lahat.

Tumaya sa lotto. Masuswerteng numero: 5 24 20 18 14 1 Upang hindi kulangin ang iyong pera sa linggong ito, mangutang muna sa isang aplikante.

Kaibiganin mo muna bago ka manligaw.

Treasure hunt na?

Ayusin ang sarili, makakaharap mo “SIYA” mamaya.

Bilangin ang dalang pera bago magyaya ng alis upang hindi mapahiya.

Yayain mo siyang manood ng kumpetisyon sa pagsayaw at pagtaas ng bantayog ng unibersidad [UAAP Cheerdance Competition..:P]


Tambayan Photolog

Silip sa lumang logbook

“Grand Trad Masterminds� by Czarina Carbonel

Hango sa Ecosoc Drive Hard Logbook (AY 2002-2003), Unang Semestre


Tsismis corner

Hello mga chikadoras! Love is in the air para sa mga Ecosocers dahil marami ang nagtatanong, “mahahanap ko kaya ang true love sa SE 121?” 1. Lately, napapansin ko na hanggang tenga ang ngiti nitong isang empowered Ecosocer dahil sa isa pang Ecosocer na nagpapasaya sa kanya. Kaya lang “dense by choice” lang ata talaga ang nagpapasayang Ecosocer. Doomed na ba ang future ng dalawa? Only time can tell. In the mean time, inuudyok ata siya ng mga kaibigan niya sa another Ecosocer na malaki naman ang potential. So many choices, so little time! 2. Napansin ko din na blooming ang isang Ecosocer, hindi lang dahil sa kanyang change of image ngunit pati na rin sa kanyang blooming love life. Bukod sa new found “friends”, mukhang maglelevel-up na din ang career path ng ating heartthrob na Ecosocer. Ayooon. 3. Speaking of career path, huling hirit na. May isang Ecosocer na nagmamala-Wendy sa pagkaatribida sa pagsasabing “Sho taym na.” At gaya ni Wendy, either you hate or love this Ecosocer. Pero ang hindi ata alam ng karamihan, gaya ni Wendy na dapat ay matagal nang nawala sa bahay ni kuya ngunit bumabalik-balik lang, ganito din ang ating (atri)bida! Pero ang hindi naman natin maikakaila, nabubuhayan ang tambayan pag nandiyan siya. Bagay na bagay sa kanya ang famous lines ni Wendy na “I’m sorry pero nagpapakatotoo lang ako.” Oh well, ayan na muna ang chika ko for this issue! Para makasagap ng mas maraming chika, tumambay after class hours! Mabuhay ang chismis squad! Kitakits mga chismoso’t chismosa.

Czarina F. Carbonel PANGUNAHING PATNUGOT



Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.