Halimaw News October 2016 (3rd Issue)

Page 1

ALIMAW H ALIMAW news Kaalaman at Pananaw

VOL. 1 NO. 3

JAPAN SURPLUS Marami. Maganda. Mura PILI KA, SHOP NA!

October, 2016. Monthly, P10/Copy - FREE PICK-UP COPY

APA FARMS Coralao, Majayjay

Usapin sa Tubig

TO BE or TOO BIG?

THE DYNAMIC DUO

CELIA

Page 2

KAHIT BUBOT BUNTIS

Page 5

Page 8

Anywhere sa mundo, Read HALIMAW NEWS Digital Edition FREE

NAHULOG

Page 5

www.issuu.com/halimawnews


2

OCTOBER 2016 Kyrie Elieson Panginoon, Kaawaan Mo kami

CELIA

Rosalia “Celia” Salgado, tubong Magdalena, 24 taon na sa Majayjay (Coralao).

Nagdadalamhati sa pagpanaw ng pangalawa sa pitong anak, Marvin S. Baltazar, 24. Binata, mabait at masipag. Manggagawa sa bukirin ni Rodel David, kargador ng cocolumber ni Mang Kanto (Pook). September 3, Sabado. Ipinagluto ni Marvin si RJ (Lucban) pang-kaarawan nito sa bahay sa Pangil nina Ante-Conching (Malinao). Sisig, ginataang bibe at adobong laman loob. Gumawa pa ng sopas nagbigay-gana kay Celia na sinisikmura. Nabuslot pa nga sa may poso negro, napakalong sa anak. Wala lang. Subalit sa magaganap, pangitaing kabaligtaran: si Marvin ang nagsusumamo sa luhaang ina. Mga 7pm nasa bahay na si Marvin dahil ayaw uminom. Kinulit ang ina, umutang ng ilang sigarilyo at jelly sticks. Lumabas, ipinamigay sa mga nakita. Huling pakita na rin pala ng kabaitan. INGAY. Sa lalim ng gabi, may naulinigang pagtatalo ang mga taga Deposito. Kay Marie Arceta, parang wala dahil may videoke daw. Ang alingawngaw daw ay lumipat sa ilalim, malapit sa grotto ng Virgin dela Porteria. Si Gina Borjal (Villa Nogales) ay kapatid ni Gil, ama ni Marvin. Tagalinis sa grotto, sabi sa kanya ng joggers may lugmok sa ilalim. Hindi akalaing pamangkin pala. TALINGHAGA. Ginising si Celia na nagpatiwakal ang kanyang anak. Masakit na katotohanang sinisiyasat na ng SOCO mula sa Santa Cruz. Nagsulputan ang balita at salita. Subalit wala pa ang report o autopsy mula PNP-Canlubang, SOCO-Santa Cruz at Majayjay Pulis. Sa kwento daw ni Erica kay Akis (anak ni Inday Cortez) naisalin kay Kiray Francisco (pamangkin at dating aruga ni Celia) may dugo sa ibabaw ng tulay. Nawala, parang nilinis daw. Masidhing kaanib si Celia ng debosyon sa Birhen ng Fatima. Tinitingala nila: 1. Lando Castro (Tayabas, Quezon) – nakikita daw nakatayo ang kaluluwa ni Marvin na nagpatiwakal, winakasan ang buhay sa kung

anong suliranin. 2. Aris Mendoza (Los Baños) – nagpaparamdam si Marvin na pinatay, sumapi sa mga panaginip, humihingi ng katarungan. Umusbong ang mga tanong: nagpatiwakal, bakit?; pinatay, nino?; napagtripan, saan? Mga pag-uusyoso. Sa ina, mga patalim na maya't maya'y humihiwa. Lalo at parating pa kay Celia na biyak ang ulo, durog ang batok, pero walang dugo. Bali ang balikat, durog ang atay. Pasa-pasa ang mukha, parang kinaladkad – puno ng damo at lupa ang ilong at bibig. PASANIN. Bago hinimatay, nagsabi si Celia, huwag gawin ang ano pa man dahil wala silang pambayad. Inulit ito ni Aris, asawa ng kapatid. Sagot, libre naman daw ang autopsy at SOCO. Subalit naningil ang Balubayan- Santa Cruz ng P45,000. Naitawad sa P39,000, P8,000 pa lang ang naibayad. May dagdag singil pang P4,800 sa karagdagang formalin. Sa canvass sa ibang punerarya, maraming murang hamak gaya sa Liliw, P15,000; P3,500 nga lamang ang Nogales (Majayjay) kabaong-for-rent, pinakamahal P12,000. Bakit minarapat ng SOCO punerarya sa Santa Cruz ang gamitin gayung mayruon naman sa Majayjay, sa Liliw na karatig? Talamak ang ahente (bird-dog) ng mga punerarya --- dulot ng magandang komisyong binibigay sa unang makapagturo ng pumanaw: sa hospital, mga janitor at nurses; sa barangay, mga opisyales at tanod; sa aksidente at krimen, mga pulis. Mga joggers nag –abuloy ng P1,000, Mang Lando P1,000, tig P500 ang dalawang ninong. P480 mula sa mga Konsehales. Namalimos na sa barangay at bayan. Namara ng mga sasakyan, nanghingi ng abuloy. Masidhi ang pakikiramay ngunit barya ang ambag. Pamasahe't pagkain sa paruon at parito (Canlubang, Santa Cruz, bayan) pagkuha ng death certificate. May atrasong P1,870 mula 2007 na libing ng ama.Sa anak ngayon, P730 till 2018 ( with P35 + P35 death and burial certificates).Total singil, P2,600 . INUTO. Binigyan si Celia ng Balubayan ng “death certificate.” Walang lagda ng pulis, ni SOCO o

Anywhere sa mundo, Read HALIMAW NEWS Digital Edition FREE

doctor. May isinaad, “massive subdural hemorrhage secondary to traumatic head injuries”. Pirmado ni Rionel Balubayan (embalmer) at gawa ni Hamel Vista (secretary). Public document (death certificate) kontrolado ng private business (funeral parlor)? Hindi tinanggap ni Ms. Agnes Alvarez (head, civil registry of marriage/birth/death) dahil kopya lang. Walang tulong sa DSWD dahil walang papeles. Recommend si Mayor ng P3,000 abuloy. Sabit sa Accounting, hanap papeles. Punta na lang daw sa barangay and get certificate of indigency. KAIBIGAN. Si Brandon Bulaclac ang huling namataang kasama. Anak ni Bert, kagawad sa Pangil na humalili kay Rizza Zornosa. Inihatid sa Banga at duon ibig tumalon si Marvin. Inilipat daw sa Coralao, tila sa Pangil napadaan. Paano napunta sa tulay, sino ang ibang sakay kung naka-backride? Patuloy sa pagtricycle sa Tower si Brandon. Ayon sa tiyahing Diana Fernandez, nag-iintay ng linaw sa trahedya ng kaibigan. Suicide ang nakatala sa record ng pulis Majayjay . SA PANGINOON. Dahil salat, sanay na sa kakulangan. Hindi maalam, naiilitan ng katarungan. Pabalikbalik sa punerarya, munisipyo at kapulisan upang sundin ang mga hinihingi. Maliit na tindahan ang pangkabuhayan. Sampung walis ang nagagawa ni Celia sa gabi na inilalako niya ng P25, pakyawan. Nawala ang kita ng anak, naiwanan pa ng kakulangan. Hindi poot ang nasa puso ni Celia— paniniwalang ang pagtutuos ay Kanya lamang, hindi sa tao. Ang mahalaga ay nasa katahimikan na ang anak. Harinawa, nasa paanan ng Diyos … Dukha nga. Subalit dakila—Celia, isang ina. (Sa ulat ni Mona Clasicas)

www.issuu.com/halimawnews


3

OCTOBER 2016

Usapin sa Tubig

TO BE or TOO BIG?

Dumadaloy na naman ang usapin sa tubig. May replay pa ang nakalipas.

October 26, 2015, naghumiyaw kay Mayor Rodillas ang Good Majayjayens ng patas na public hearing. Tila pakunwari lang ang ginagawang hearing upang malusutan ang batas. August 27, 2016, the same hirit, kay Mayor Clado ngayon ang sumbat. Pakiwari, nag-iiba ang kiling. Napagsabihan pa yata ang konsehal na nagpatawag ng public hearing. Dapat consultation lang. Ang consultation ay upang alamin ang saloobin ng bayan. Ang public hearing ay husga ng mamamayan sa nakalahad nang proposal. Masalimuot, maraming papeles . At pumapapel. Maraming pagnanasa sa poder at politika, lihim na kita at kotong. Form and substance ang batayan sa pagsabatas at pagdinig ng publikong usapin. Kung itutuloy ba ang usapan o ibabasura. Form. Sa pangkalahatan, tila may sapat na Form: pagsulat sa mga kinauukulan, mga pakipagpulong at tinukoy ang angkop na mga batas at nagawang paglabag. May pula kapag personalidad ng tatlo ang inusisa. 1.)Paterno L. Esmaquel, resident ng Koronadal City, Mindanao. Opisina sa Pasig City, pasulpot-sulpot sa Majayjay bilang abogado, complainant, concerned citizen. 2.)Froilan T. Gruezo, 1992 Vice-Mayor, ilang dekada nang napapahalal ngunit laging talo, panghuli ang 2016 na inakong suportado ng PDP-Laban at GM. 3.)Good Majayjayens(GM) asosasyong tila kathang isip, walang isinasaad na opisyales, termino o talata ng pulong. More than 8,000 members daw ngunit less than 800 votes ang nakalap ni Gruezo. Kung baga, bisikleta sinasakyan.

Corporation). Sa OMB-L-C-12-0300-G, “YES GUILTY” muli, paglabag sa Section 3 (G) ng RA 3019 o Anti- Graft and Corrupt Practice Act. Maliban kay Mayor Guera, et al, isinabit si Arcadio B. Gapangada. Jr., (IBDC) ng San Pablo, City for “ conspiring and confederating.” Wala pang trial sa Sandigang Bayan sa tatlong criminal cases: SB14CRM0228, 0229 at 0230 kahit arraigned na o napagsabihan ang nakahabla. Kumandidato pa nga ang nakadawit sa Administrative Case. Kung mananalo, burado na ang sala (moot and academic) sa doktrina ng Aguinaldo vs. Santos, et al, ng Korte Suprema. Hindi sakop ang criminal cases sa Aguinaldo Doctrine. Pagkilala. Naipasa yata ang panukala ni Kag. Antonio S. Zornosa Jr., na kilalanin ang kasunduan ng IBDC at All Asia Anglian Water Corp. (Laguna Water) bilang tugon sa funding ng IBDC-Majayjay contract. Ang panukala ay pagtupad sa liham ni Mayor Guera (13 June 2012) na tugon naman ng Mayor sa hiling ng IBDC (18 May 2012). Itong Zornosa Resolution ay mariing tinutulan nila Konsehales Victorio Ronabio, Freddie Estupigan at Victor M. Gruezo III, ng minoriya. Nasiunang kumpirmado ng SB ang IBDC- Majayjay contract sa Res.41-T2012 pinagtibay 20 Feb.2012. Itong pinagtalunang pagkilala, walang SB resolution nagbigay karapatan sa Mayor na kilanlin ang kasunduan ng IBDC at Laguna Water tungkol sa “kontrata” sa Majayjay. Inilipat ng IBDC ang “kontrata” nito sa Majayjay sa AAA Water na may kontrata naman sa Provincial Government of Laguna (PGL) ng 25-year Concession Joint Venture Agreement nuong Abril, 2002. Laguna Water ang may exclusive rights to provide water services to the cities of Biñan and Santa Rosa at mga bayan ng Laguna. Kaya ipinasa ng IBDC sa Laguna Water ang “ kontrata” niya sa Majayjay upang ang PGL ang magmando pagtuloy ng proyektong hinatulan ng Ombudsman na “ grave misconduct” at

Referee o Coach?

Substance. Mariin ang laban sa substance. Sa kasong OMB-L-A-12-0332-G for grave misconduct kay Mayor Teofilo B. Guera at kasamahan, “YES GUILTY” ang lagda ni Ombudsman Conchita Carpio Morales (07.08.13) recommended ni Deputy Ombudsman for Luzon Gerardo A. Mosquera (05.07.13) at review ni Director Adoracion A. Agbada(07.02.13). Sabit ang tatlong kontrata ng supply ng bulk water sa Lumban, Santa Cruz at Majayjay ng IBDC (Israel Builders & Development

GOB, hayaang illegal?

Anywhere sa mundo, Read HALIMAW NEWS Digital Edition FREE

MAYOR, pano Ombudsman?

www.issuu.com/halimawnews


4

OCTOBER 2016 Sa pakalat ni Leo Esquillo ng GM daw, kikita ang Laguna Waters ng P1-bilyon sa 20 years. Gross income pinagpatong-patong, walang expenses (maintenance, taxes, etc) ni kusing sa 20 years. Hindi rin tiningnan ang batas na may limit (profit cap) ang mga

Esmaquel, tuloy protesta?

Gruezo, sige politika?

paglabag sa RA 3019. Walang paglabag. Sulat ni Provincial Attorney Rodel T. Paderayon kay Atty. Esmaquel 24 Nov.2015, ayon daw lahat sa batas ang hakbang ng PGL, lalo na sa RA 6957 at RA 7718 o Build-Operate-Transfer. Ang gawain ng mga bayan ay dapat kumpirmado ng lalawigan. Ngunit maanghang ang 11 Nov 2015 liham ng GM kay Atty. Dulce H. Rebanal, Provincial Administrator: 1. Huwag sumawsaw. Usaping lokal lamang ng Majayjay ang tubig. Bagong punto ng laissez faire (French) na wag makialam mula sa hayaaang sumanay). 2. PGL is minority stockholder ng Laguna Water, may conflict of interest. 3. Isaalang- alang ang Ombudsman na labag sa batas ang “kontrata”. Ang illegal “neither bars or binds.” Hindi na katuwiran ang “action in good faith” dahil napagsabihan na ngayon ang PGL. Bahaghari. Maniobra (at kumpirmado ni Real C. Magtangob) ng IBDC na ipagtuloy ng Laguna Water ang “kontrata” nito sa Majayjay sa ilalim ng PGL. Ang Laguna Water ay pag-aari ng Manila Waters Corp., President si Gerardo Ablaza Jr. at Chairman din ng Laguna Water (president naman ng nahuli si Virgilio C. Rivera, Jr.). Pag walang sumalungat, doble tagumpay ang IBDC. Makapaniningil ng P24-milyong pinsala sa Majayjay sa pagtigil daw ng proyekto----at tuloy ang proyekto nakakubli sa PGL. Tila pikit ang PGL sa legal principle ng “fruit of the poison tree,” na lason ang bunga ng nakalalasong puno. Kaya ang direktang tanong: ano ang paninindigan ni Gov. Ramil at Mayor Jojo? Sila ba ay referees upang magbigay daan sa tama. O coach ng magagandang hakbang para sa IBDC at kaalyado? Ang mamamayan dapat maunawain din. Hindi praktikal, at kakitiran, ang umasang gaganda ang distribusyon at kalidad ng tubig na walang dagdag bayarin. Parang masigasig manghingi, maramot magbuwis. Hanap ang karapatan, ilag naman sa katungkulan. Solusyon?

negosyo ng public utilities gaya ng tubig at kuryente. Majayjay na daw ang magsariling itatag ang water system gamit ang Municipal Development Fund (IRA 12M/year x 3years = P36M). Todo at walang ibang serbisyong gagastusan sa tatlong taon, bale isang buong termino ng Mayor at lahat ng Konsehales. Bakit P36-m? Sinong Engineer nag-aral? Tutoo, maaaring magpanukala sa Bottoms Up Budgeting (BUB) na ibang pangalan lang ng nakasanayan; humingi ang ilalim sa itaas- nasa taas pa rin ang desisyon. Approved nga, kailan naman ang release? Kahit kayang magsinukmane, parang ibang kaalaman ang public financial tranches at fiscal management ng resources with quantitative and qualitative peculiarities and protocols. Bangayan. Kritikal ang tubig. Wala ang lahat kapag nawala: ni tao, ni hayop, ni ano mang buhay. Makilabot ang trending ng hinaharap. Parami ang tao, paangas ang agawaan. Awayan ng bayan kontra bayan, digmaan ng bansa laban bansa. Ayan na ang bangayan sa tubig ng Ilog Jordan sa Gitnang Silangan, sa Tigris-Euprates Valley, sa Mekong River ng Southeast Asia. Dito sa atin, tubig ba ng Majayjay ay ibabahagi sa mga karatig? Hindi lang usapin ng damot, suliranin pa ng budhi ng Pamahalaan, ng siba ng mangangalakal, ng kitid ng mamamayan.

EDITORIAL STAFF Resolba. Lalong nagpapalito na B. CORTES LAGAC, Editor-In-Chief Government, business at consumer ay pareMONA CLASICAS, Associate Editor parehong tama. At DRIX C. CLASICAS, Managing Editor pare-parehong may CHARO B. CASTRO, Content Critique tama. Sino ang dapat sawatahin, TIN DASMARINAS, Features Editor magpaubaya? JOYCE BROFAR, Liliw Bureau Saan maaaring magkatulungan? GABBY DELA CRUZ, Digital Artist Sana maiayos ang MARILOU BUEN, Marketing usapin sa mahinahon, ESTHER F. MILLANDO, Accounts-Liliw makabuluhang talakayan. Mapaos MIRIAM ESQUINAS, Youth ang talak, magawa HALIMAW NEWS is published monthly with editorial and ang ugmang balak— business offices at Sitio Charo, Barangay Bukal, Majayjay, Laguna. para sa iyo, sa kanya; Mobile 0977-143-2373(Globe) • 0928-200-2517 (Smart) Emails halimawnews4a@gmail.com; halimawnews4a@yahoo.com mangibabaw ang sa nakararami. “In the DISCLAIMER. We welcome unsolicited editorial contributions end, everything will be all right. If is not but reserve the right to edit or amend in conformity with our yet alright , it is not publishing guidelines and editorial style. yet the end.” (Sa pinagsanib na mga ulat)

Anywhere sa mundo, Read HALIMAW NEWS Digital Edition FREE

www.issuu.com/halimawnews


5

OCTOBER 2016

NAHULOG, USLI BUTO

ang Estiala Brothers (Nestor, Emil, Cito, Alex at Rizaldy) ng bayan ng Catanauan, Quezon . Nagtulungan ang komunidad sa makakayanan. Ang bunso nga nila ay naiiwan dahil sa pagbantay ng ina kay Belog sa Sta. Cruz. Upang mapatahan sa gutom, ang bunso ay minatuto sa sariling gatas ng kapitbahay. Pansamantala, dinala ang Belog kay Aling Fe ng Mohon. Ayon sa ama, naayos sa hilot ang baywang ng anak. After a week, naibalik rin si Rhey Dan sa pagamutan- muli sa provincial hospital. Hindi nila kinaya ang asikaso sa private.

Kapag walang pasok, sinasama ng magulang sa paghahalaman si Rhey Dan “ Belog” Estiala. Ngunit Friday, Sept 2 natiempo ng laro ang batang Grade 6 sa Bukal Elementary. Cutting class ang titser, nakalibre si pupil. Umakyat sa rambotan sa lupa ni Felix Barrio sa may silangan ng school. Namitas ng hinog habang hintay ang mga kapatid ng hulog. Kasamaang-palad, si Belog ang nahulog. Tumama sa lansones bago humampas sa lupa. Usli ang buto ng kanan, bali at hindi maigalaw ang kaliwa. Lugmok, ininda ang likod . Naisugod sa Santa Cruz ang anak ni Rizaldy-Maricel (Breganza) Estiala ng Burol. Ngunit hindi kuntento sa pag-estima sa provincial hospital. Nagkataong maraming pasyente. Tila pinabili sila ng gamut para operasyon. Pero binalot lang ng bandage ang sugat at pinapalitan ng antibiotics ang nabili na nilang gamot. Ayaw na nilang bumalik sa provincial hospital. Nagtulungan sa gastusin

Wala pang pormal na kuro sa insidente ang bagong TIC(Teacher-inCharge) Dr. Juanito Biticon. Kinukunan din ng pananaw si Dr. Flora G. Rodilla, District Supervisor. Pansin ang madalas “cutting classes” ng mga guro: patawag dito, pameeting duon. Pacontest kung saan, uwian ang naiwang mag-aaral. Paano na ang lesson plans, ang disiplina at gawi ng mga bata? Sana hindi makaligtaan ang tungkulin ay magturo, hindi magturuan. Agad nangako ang House Committee on Basic Education and Culture na iparating sa mambabatas ang usapin; humingi ang national DepEd Action Center ng mga deltaya (saan iskul, teachers, etc) upang mausisa ang reklamo. Wala pang reaksyon mula sa Laguna DepEd sa mga emails kay SDS Josilyn S. Solana, OIC-ASDS Rogelio F. Opulencia at OIC-ASDS Neil G. Angeles. Si Dr. Flora G. Rondilla, District Supervisor, hindi rin nasagot. Iniintay ng HalimawNews ang pahintulot ng interview kay Juanito Biticon, Bukal Elem head teacher at Leony A. Brosas, PTA President dito.

KAHIT BUBOT

Top Ten of Laguna si Ma. Joemella N. Fuentes, 12, Grade 6 sa Bukal Elementary of Majayjay. Gitna sa tatlong anak ni Deceree Joy Nuñez, dayo mula sa San Joaquin, Iloilo. Nasungkit ni “Cute” ang parangal sa Division School Press Conference ginanap ng tatlong araw sa Alaminos, Laguna. Nakapag-uwi siya ng medalya, certificate at paghanga. Kalahok ang mahigit 100 mag-aaral sa kategoryang Feture Writng/ Tagalog kung saan si Cute ay nakasali sa sampung tampok. Ito ang kanyang pangalawang pagsabak, tutored by Ms. Liwayway C. De Luna at Ms. Laarni Gruezo. May pitong kategorya ang patimpalak: Editorial Cartoning (English), Copy Reading and Headline Writing, Editorial Writing, Photojournalism (English Caption), Feature Writing, Science News Writing at Radio

Broadcasting (walang naisali ang Majayjay). Ni isa sa kategorya ay hindi itinuturo sa school kung minsan pahapyaw wala din namang eksperto sa mga teachers sa elementarya sa ganitong kasanayan (journalism) antas pangkolehiyo na.

Subalit isinabak pa rin ang piling pupils, ambagan ng P600 each plus baong bigas. At walang pasok ang mga naiwan. Ang tema ng kategorya ni Cute ay anong movie ang nagpaiyak, nagpatawa o nagpagalit sa kanya. Sinulat niya ang tungkol sa “ San Andreas”, dambuhalang lindol na yumanig sa California. Kahit bubot, kapipitasan ng aral ang kanyang pluma: “… kaya mo bang lagpasan ang trahedyang ito alang-alang sa pamilya

Anywhere sa mundo, Read HALIMAW NEWS Digital Edition FREE

Promising Joemella …sa buhay ay hindi laging saya, ngiti …may pagkakataon tayo'y nadarapa ang mahalaga babangon at pabangon pa rin

www.issuu.com/halimawnews


6

OCTOBER 2016


OCTOBER 2016

7


8

OCTOBER 2016

TANDAAN: APRIL 29, 2017 Ang saya ng Lakbay Davao, walang uugod-ugod. Lahat mabikas, masigla. Dahil iba kapag kasama ng mga kaibigan. At baka secret lihim, ng dating “crush.” Iyan ang Batch 73 ng Majayjay Elementary reunion sa Davao City --- balwarte ng Pangulong Duterte na mahal ng bayan, sikat sa ibayo. Ngatal ang adik, ngitngit ang Obama.

Success, kaya next target -- Cagayan De Oro City 29 April, 2017. Tinatawagan ang lahat, ang lahat-lahat, ng graduates ng Majayjay Elementatry o Ilayang School mula 1940 to 2007. Mula panahon ng Hapon hangga't di abot ng dapit-hapon. Makipag-ugnayan sa panguluhan, Romeo Amorado. Katuwang, Minda Blo, Ellen Gripo Clado at kahit sinong klasmayt. Tara na!

BUNTIS 2016 Kaalaman, iwas kamatayan ng ina at sanggol --- tema ng Buntis Party at hangarin ng Majayjay Health Center sa pamunuan ni Dr. Ivan Villareal. Apat na taon nang idinaraos. Itong 2016 ang bongga, naglalakihan ang mga premyo.

Isidro,Taludtud; 8, Gagalot, Botocan, Bakya, Ilaya, Ibabang Banga; 910, Piit, Gagalot , Taytay. Hindi matawaran ang tiyaga at pursige ng mga lumahok gaya nina Aubrey Rose, Marites, Lynsay Ann, Analyn at Lavina. Kaya lang, dapat may nananalo: 4th, Danika Dimasaka; 3rd, Arlyn Navarette nd

Alas diyes hanggang tanghali, first event para health guide na ginawa sa palaro. Sinundan ng paligsahan ng beauty and talent ng mga buntis. Ayon kay Midwife 3 Emelita Ceribo, (serving 36 years na) may over 200 at near 300 ang buntis sa bayan. Bukas sila sa sinumang sumangguni, katuwang sina Marieta Ariola Breganza (Suba), Nimfa

Mercurio; 2 , Sandra Baruis; at almost champ, Lourinda Montenio. Ms. Jaysie Macie De Leon (San Francisco) --- pinutungan ng koronang Ms Buntis 2016 mula kay Ms. Ivy Eleria Ceria ng nakaraang taon. Namungay pa rin si Dawin “Melty” Ceria, make-up artist. Sa saya at kumpiyansa, nawala daw ang stress nila ayon kay Arlene Eleria, ina ni Ivy. Relaxed naman si Ms. Sandra Baruis, ang talent naipapakita sa di tipikal na paligsahan.

Bravante (Ilayang Baysoin), Amy Viana (Villa Nogales), Cheryl Brosas

(Sa ulat ni Tin Dasmarinas)

(Pook) at ilang mga Brgy. Health Workers (BHW). Sabi ni Midwife 3 Vangie Malazzab, 10 Areas ang lumahok: 1, Pook, San Francisco, Santa Catalina; 2, San Miguel, Oobi,Villa Nogales; 3, Origuel, May-It , Panalabanan; 4, Pangil, Bukal, Manilao, Panglan; 5, Coralao, Talortor, Villa Nogales; 6-7, Munting Kawayan, Suba, San

Anywhere sa mundo, Read HALIMAW NEWS Digital Edition FREE

www.issuu.com/halimawnews


9

OCTOBER 2016 Text & Photo by Joyce Brofar

3 MustEaters of Liliw

The Tsinelas Capital of Laguna is also haven for good food, luscious and fresh served around the lush shrubbery and cool streams of the town. There is no hunting to do for the best places as they cater just around the central business district sheltered by St. John The Baptist Catholic church.

Along the pavement of Gat Tayaw street are best-sellers uraro and espasol, even sinantulan and lambanog, the latter firewater from the coconut. Also peddled are vegetables grown from backyards: tomato, ampalaya, eggplant, cucumber and sayote. Plus pako (fern) and berries from the wild. There are eateries for the pedestrian, the adventurer, the gourmand. Three are outstanding for the fare, ambiance and price: 1. ARABELA (CAMELLO'S BAKEHAUS). At 503 Plaza Rizal street, a small cafe that melts your mind and soul. Sweetscenery setting with wooden chairs, colorful walls, a cozy Italian resto with a Filipino twist like

bestselling, KesongPutipizza. It serves baked pasta, both in red or white sauce. For desserts, cheesecakes, waffles, smoothies, brownies, puddings and tiramisu. It would be unfair to judge its food based on pizza and pasta alone. Arabela has an extensive menu, there's a whole lot to try before one may burp an opinion.

2. TEA TREE HOUSE. Both Lagro (QC) and Gat Tayaw street operations are picturesque art cafes: fancy lights, colorful post-its, lovely crafts around. Request for polymer clay from the cashier and craft your wile to take home. Or display at the tea house. Enjoy great music as you are refreshed with variateas: fresh tea, tea latte, fruit tea and yakult tea. Add sinkers like pearls (sago) and nata de coco. They serve excellent appetizers, pasta, pizza and desserts. One may fall in love with its rice adobo flakes, mixed seafood or grilled beef. 3. CHEF MAU RESTAURANT. Started as a mobile food cart (in Santa Rosa) until management decided to stake out in a nipa hut by the LiliwMagdalena Road at Barangay Bungkol, outskirt of Liliw. Then the classic, “the rest is history:” droves of residents and tourists started to patronize the delicious dishes they offer. The restaurant's magic is not in the fancy but in the taste, in the servings that satisfy at very reasonable bill. Chef Mau has also gone full cycle. Its mobile carts roam the town and environ to equally serve the locals with its best. There you are relaxed, immersing in culture, shopping for bargain. A question may be where to rest, where to dine. Guys, take your pick on the Three MustEaters of Liliw!

Anywhere sa mundo, Read HALIMAW NEWS Digital Edition FREE

th

Majayjay 445 Foundation Sept 26 to Oct 2

# ANILINANG 2016 01. Fun Run- 1,000 Runners, 10 km 'Takbo Para Turismo' 02. Got Talent - 16 entrants. Champ, Majayjay Dance Company (MDC) 03. Zumba- zu many zumayaw, zumabay. zuMama Ellen! 04. Dinner-For-Cause – Total raised being computed for Rural Health Units per Dr Ivan Villareal 05. Street Dancing – 10 schools, Best Presentor: Sta. Catalina Elem 06. Seniors - 400 came. Ms. Yolanda Palentinos, nanalo. Honorata Badiola, pangulo. 07. Women Club- 12 bets, San Miguel's Deavy Andaya-Acejo Santos, Gng. Majayjay 08. Job Fair – Jobs from 9 locals, 3 overseas. PESO Mgr. Maricel Granada: konti nag-apply. 09. Medical Mission – Dr. Ivan Villareal, para sa lahat. IUD & papsmear plus dental by Dr. Perenia atbp. 10. DepEd Night – Mga guro sa sinaunang damit, makabagong giling. 7 ES, 3 HS winner Mr. Pogi (Suba), P4000 for Majayjay Elem. 11. Barangay Night - Music, goodwill and raffles. At syempre, tagay. 12. Agri Day - Display of produce, tour at Costales Nature Farm 13. Miss Gay- #17 Matrica Mae “Alec Bovick” Centino bags P5000. 14. People’s Night - BONGGA! Mismo Gov. Ramil kasi.

# BAGONG LIDERATO

Pak, Pak-Ganern! Pak, Pak-Ganern! www.issuu.com/halimawnews


10

OCTOBER 2016

MINA MALAS? Taas-noo tayo sa pag-uusig ni Pres. Duterte sa mga baluktot na gawain ng Estados Unidos. Kaya lang, masikip sa dibdib ang patagong ganti ng USA. Biglang bumaba ang pasok ng investments nila—sabay irap pa siguro. Minsan naman, tayo din ang pabigla-bigla. Nilagdaan ni Pres. Arroyo ang Executive Order 79, pansamantalang pagpahinto (moratorium) sa pagmina. $2-bilyon ang inaasahang papasok na kapital. $509.24-milyon lang ang dumating, bagsak 75% sa inaasam. Talo ng $1.5-bilyon (opportunity loss) ang Pilipinas sa taya ni Jimbo Gulle ng Chamber of Mines. Galing ang information mismo sa Mining and Geoscience Board ng DENR (Environment and Natural Resources). Kaya ba talaga ng mundo ang walang mina? Kaya ba ng civilization ang walang eroplano, barko, tren, bus, jeep, tricycle, bisikleta, skating o sapatos? Kaya mo ba ang walang cellphone at FaceBook? Walang flashlight, gasera, ni kandila? Dapat gabayan lang sa tamang pamamaraan ang mina? Pulayin kapag nausIi. Huwag gamasin karaka-raka. May batayan ang daing ng katutubo, mga kapaligirang sinira, sinalahula ng mga minero, ng “kamote” miners. Ngunit huwag isawalang-bahala, ang mina ay magandang binhi ng kabihasnan.

RELAX

in comfort, In privacy at the heart of Pansol, Calamba Barely an hour from Metro Manila Just a block off Laguna National Highway Perfect for retreats and reunions Family outing, team building Upgraded Facilities, Clean and Private Reasonable Rates

CASA ALFREDO Solemar del Pansol, Barreto Road, Calamba City

INQUIRY and BOOKING

Mobile 0975-900-8022 (Globe) Email: casa_alfredo@yahoo.com


11

OCTOBER 2016

la cosina antonio

Enjoy our BOODLE FIGHT! J.P.Rizal, Barangay Sta. Clara Norte, Pila, Laguna Inquiries and Reservation SUN: 09258686776 PLDT: 09495595033 email: lacosina_antonio@yahoo.com

Our NOVEMBER Issue

DALITIWAN RESORT Brgy. Ilayang Banga, Majayjay 09279956231/ 09053256907

PALANCA AWARDEE

BuenBergola@yahoo.com.ph

Halimaw News Needs Part-time

VOLUNTEER REPORTERS (Free Training, May Suporta)

ADVERTISING AGENTS

(Free Training, May Commission) Interested? Text full name and address 0977-143-2373 or 0928-200-2517

SA AWIT ANG WIKA SA PUSO ANG KATHA

• LAGIM • TISAY

Anywhere sa mundo, Read HALIMAW NEWS Digital Edition FREE

• TITSERS • SALOT

www.issuu.com/halimawnews


Brgy. Coralao, Majayjay, Laguna

FARM FRESH, QUALITY ASSURED

Special Pasalubong, Quality Guaranteed


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.