ALIMAW H ALIMAW news
Marami. Maganda. Mura PILI KA, SHOP NA!
Kaalaman at Pananaw
September, 2016. Monthly, P10/Copy
VOL. 1 NO. 2
APA FARMS Coralao, Majayjay
Garantisadong Trabaho PANGAKO NG
TESDA
Pick-up
EEEE FFRRPromo MAMA ELLEN NAGWAGI
Page 3
Page 5
GOLDEN ‘83
Page 6
KOLORUM
Page 9
2
SEPTEMBER 2016
Kupas na Alaala
M
ayaman sa kasaysayan ang kultura ng Majayjay: lumang simbahan, sinaunang mga bahay. Isa ang Casa Ordoveza, pinakalumang bahay na bato sa buong kapuluan. Itinayo ito nuong 1744 sa kalye Camino Real (Blumentritt na ngayon). Pagaari ni Don Lorenzo Juan dela Paz Pangutangan (money lender) na kinastila a n g a p e l y i d o n g O rd o veza n u o n g 1849.Yumaman si Don Lorenzo sa shipping (maritima rin,parang pinaghugutan ng maraming mariner sa Majayjay na bulubundukin at hindi coastal town. Ipinamana ni Don Lorenzo (kasal kay Maria Paz Villaseñor ng Lucban) sa kanilang apat na anak na Brigida, Teresa, Juan Jr, at Carmen. Anak din si Carmen Reyes. Maraming pamilya ang pinatira ng mga Ordoveza bilang katiwala at taga-
EDITORIAL STAFF B. CORTES LAGAC, kayanilagac@yahoo.com.ph Editor-In-Chief DRIX C. CLASICAS, drixineclasicas@yahoo.com Managing Editor TIN DASMARIÑAS, mariakristindasmarinas@gmail.com Associate Editor MONA CLASICAS, mu_clasicas@yahoo.com Features Editor GABBY DELA CRUZ, dcgraphics2011@gmail.com Digital Artist MARILOU BUEN, mariloubuen59@gmail.com Marketing RESEARCH POOL
• Charo B. Castro, Head • Miriam Esquinas, Youth • Annalyn Derecho, Locale
HALIMAW NEWS is published monthly with editorial and business offices at Sitio Charo, Barangay Bukal, Majayjay, Laguna. Mobile 0977-143-2373(Globe) • 0928-200-2517 (Smart) Emails halimawnews4a@gmail.com; halimawnews4a@yahoo.com
DISCLAIMER. We welcome unsolicited editorial contributions but reserve the right to edit or amend in conformity with our publishing guidelines and editorial style.
pangalaga ng bahay. Nabili ang bahay, walang imik ang ating pamahalaaan. Ayon sa Daily Inquirer, nabili ito ng major real estate developer at constructor na Jerry Acuzar (San Jose Builders) ng Bagac, Bataan. Matiyagang inilipat duon, bato por bato wika nga, upang maging tampok sa kanyang collection ng mga classic houses sa park-resort ng Las Casas De Acuzar, dala na ang mga artifacts sa loob. Maaari namang replika lang ang gawin at hayaang buo pa ang original structure dito sa Majayjay. Ngunit di nakialam kahit ang Provincial Government of Laguna. Ni wala kasing departamentong mag-aaruga sa mga heritage structures natin, malibang iasa sa UNESCO gaya ng simbahan ni San Gregorio Magno sa bayan. Kaiba ang Pila, mayruong active Pila Historical Society ng mga tubo duon. Sila mismo ang nagbibigay buhay sa batas RA 10066 na layong proteksyonan ang anumang cultural heritage. Ang isang estruktura na 50 taon nang nakatayo ay automatic na kasama sa nasabing batas. Malinaw nadeprived ang Majayjay na mapanatili ang kultura na bakas ng kahapon. Walang aksyon upang mapigil ang nasabing paglipat. Ayon sa isang konsehal ng Sangguniang Bayan, nagkaroon daw ng court order ang paglilipat kaya wala na daw silang nagawa. Walang pagdulog sa Court of Appeals. Ang Pila, ang Vigan City, ay maayos nilang nakupkop ang kanilang mga pamanang bayan.Kulang ng kaalaman o pagkibit balikat ang nangyari? Sa kabilang dako, baka nakabuti ang paglipat dahil napabayaan lamang dito ang lumang bahay. Walang nagsasaayos kundi pulos angkinan at alitan ang nagmumula sa mga kamag-anakan. Kaysa tuluyang mabulok, mas maige nang ilipat upang maaruga. Nagkaruon ng mahabang usapin sa kung sino ang lehitimong may-ari ng nasabing bahay at lupa. Nag-umpisa ang angkan ni Eusebio Arrive kasal kay Celia Tuviera at mga anak nilang sila Rosario(Sayong) Arrive Italia, Mena Arrive Remanente at Domingo Arrive ng 1800. Ayon sa Obet”Tisoy “ Urbiztondo, ang kanilang magulang na sina Patricia”Pacing” Italia at Maximo “Imo” Urbizondo na anak ni Rosario ay nanirahang matagal sa bahay na iyon. Nang lumipat sila ay mga anak naman ng Domingo ang nanirahan katabi sina Imelda, anak ni Mena. Nagkaroon ng final agreement sa korte ang dalawang panig na paghatian ang pag-aari. Napunta ang bahay at kalahati ng lupa (3,506 sq. meters) sa apo ni Domingo Ordoveza (rep by Juan Ordoveza IV na sinasabing may-ari ng Mc Donalds
Sta Cruz). Ang kalahati ng lupa (3,376 at 130 sq.mtrs) ay pinaghatian ng inapo nila Na Sayong at Ka Imo (9 na magkakapatid) rep. nila si Obet”Tisoy” Urbiztondo, kasama si Dorie Reyes Estebal, inapo ni Mena na sila Eladio at Imelda (12 magkakapatid), at pangatlong bahagi (third share) anak ng Domingo(Inggo) Arrive na pinangunahan ni Noriel Arrive (2 magkapatid). Patuloy ang daloy ng bagong dugo ng angkan, sinasalamin ng anim na anak nina Tony-Dorie Estebal na pulos lalaki, Marc Anthony, Jeffrey, Alfred, Archie, Ariel at Aldrin. Nuong Enero 31, 2015 ay inilunsad sa North Forbes Park pavilion ang aklat Casa Ordoveza: The Story of an Illustrious Filipino Clan. May akda si Dr. Chito Santiago, kilalang genealogist na kabilang sa angkan ng Ordoveza. Nailimbag ang 16 na henerasyon ng nag-uugnay sa loob ng ancestral home ng 250 taon. Nakakalungkot na ang lumang estruktura ay waring hindi nabigyang halaga ng pamahalaan. May tourism program ang Majayjay na maaaring atraksyon sa turista mga antique structures gaya ng simbahan ng San Gregorio Magno, makasaysayang tulay Pigue, De Vera house at bahay Ordonez nga. Kung iaasa pa sa iba, kahit sa National Historical Commission, ang pag-aaruga ng ating mga minana sa mga nasiuna, baka paglumutan na rin tayo ng kasaysayan. (Sa ulat ni Mona Clasicas)
Author Santiago ng angkang Ordoveza
SEPTEMBER 2016
The Municipal Administrator
MAMA ELLEN? ELLEN CLADO!
M
ayor Clado has taken a big political risk, appointing Municipal Administrator ang sariling ina, Mrs. Elenita Bantug Clado. Umalingasngas agad ang pagpuna, bintang ng nepotismo. Pagtatag ng political dynasty, daw. Kung pamomolitika ang batayan, para ngang masagwa. Lalo't maraming nag-aagawan at nangangailangan ng trabaho. Naaala tuloy ang tuligsa kay Mayor Tino nuong kampanya. Na kahit ang tagal na sa pwesto at matindi ang balakid sa kalusugan, ayaw pa rin ni Mayor Tino na palitan siya ninuman. Kung pamamahalang bayan naman ang batayan, kwalipikado ba si Mama Ellen? May sapat bang edukasyon, ugma ba sa batas? May tiwala ba sa kanya ang Punong Bayan? Sakripisyo personal ba o oportunidad pangsarili ang hangad? Himayin ang patutuo, isa-isa. Unang punto. Si Ellen ay graduate ng Commerce nuong 1974 mula sa ngayo'y Jose Rizal University ng Mandaluyong City. Sa punto ng edukasyon, pasado. Ni hindi nga high school graduate ang nakaraang punong bayan. Pangalawa. Sa ilalim ng 1991 Local Government Code , Article X, Section 480, dapat “…a holder of a college degree…” Dapat ding may karanasan sa “management and administration work…” na di bababa sa tatlong taon.Dekada na sa management ng kalakal si Ellen. Sa puntong ito, over-qualified siya. Simula pa '88, office girl na si Ellen sa Harbor. Two years after, Admin Officer ng Royal Mandarin for 13 years. Nagsarili ng kompanya mula 2003 (Cirrus Auto Climate, tapos Mega Metal Products). Iniwan ang buwanang sahod na P45,000 upang matulungan lamang ang anak. Ikatlo.May tiwala ba sa kanya ang Punong Bayan? Ang dapat na tanong ay may tiwala ba siya sa kanyang anak? Kasi, malaking sakripisyo ang iwan niya ang negosyo para bumalikat sa mga adhikain ni Mayor Clado. Matagal siyang inamo-amo ng anak upang tumulong, upang maglingkod bayan din. Sinong ina ang makatututol sa lambing (o kulit) ng anak? Kaya kahit wala ni galos sa politika, sumabak ang Mama Ellen sa masalimuot
3 na serbisyo publiko, sa mga hiling ng barangay. At araw-araw na pagharap sa mga tao (sa bahay at opis) upang maibsan ang dalahin ng Punong Bayan. Dagdag puntos. Siya mandin ay naisapuso na ang plataporma ng Pamunuang Clado: kaunlaran, serbisyo, pagkakaisa at katapatan para sa bayan. Bahagi rin ng pamunuan ang pagpapatuloy ng mga nakasalang o nasimulan nang mga programa ng nakaraang administrasyon.Ika nga ni Administrator Ellen, “ang layunin namin ay makatulong sa Bayan ng Majayjay sa pag-angat sa kabuhayan at maisaayos ang mga adhikain ng Mayor”. Asawa niya si Protacio (Tasyo) na kilala sa pagawaan ng aircon at parts nito. Apat ang supling, Dr. Catherine Reyes ('76), Mayor Clado ('77), Cheryl ('78) at Christopher ('90). Anak si Ellen nina Emiterio Dalmacio Bantug at Fausta Urcia Aragon. Bagama't bago sa pampublikong gawain, malalim naman ang pagkukunan sa hindi matawarang karanasan sa negosyo at mga asosasyong kinabibilangan (Majayjay Parish Finance, Samahang Pagkakaisa, Corazon de Jesus, maging Baby Zumba ng Mandaluyong City!). Moderno at “best practices” ang kanyang pamamalakad, gaya ng ganapin kamakailan ang Executive and Legislative Agenda (ELA). Lahat ng dept heads, Sangguniang Bayan, OSCA at MOFA ay nag-ugnayan upang maisilsil ang Mission at Vision ni Mayor Clado. Isa na rin itong teambuilding ng pagsasamahan para sa bayan. Ani ni Administrator Ellen, “ Nais kong tulungan ang Majayjay na umunlad at makilala ang galing ng mga Majayjayen, mga produkto, tungo sa paglago ng ekonomiya ng bayan.” Alin kaya ang pinagbatayan sa paghirang: Mama Ellen dahil ina? O Ellen Clado dahil qualified? Huwag sagutin ngayon; kilatisin muna ang gawain sa darating. (Sa ulat ni Mona Clasicas)
4
SEPTEMBER 2016
Kabataang nagsusumikap.
Coria, matindi ang pangako.
Garantisadong Trabaho Daw
P
PANGAKO NG TESDA
atuloy si Anzel Villeta Caubang ng pag-aaral makatapos ng High School sa ilalim ng Alternative Learning System (ALPS), hindi K12. Dalawa nga lang sila ni Rose Ann Rentoy ang pumasa sa ALPS mula Bukal. Si Michael Guanzon, 19, sa Munting Kawayan. Kumukuha ngayon si Anzel ng Electronics sa TESDA, prayoridad dahil anak niLiezel Villeta na 4Ps beneficiary. Nagsisikap si Anzel kahit mawalan ng kita bilang upahan sa pananim nina Ricky at Nelia Petronila (3-term kagawad), pangtustos sa tatlong menor-deedad (6,4 at 3 years old) nila ni Angel. Sinimulan ang 20-day TESDA course nuong August 22, sa Banahaw Hall ng Barangay Origuel mula 8am to 5pm, araw-araw, Monday to Friday. Istrikto sa oras, multa ng P100 kapag late pero gagamitin daw sa graduation ceremonies. Garantisado ang trabaho, ayon kay Ms. Aubrey Ann Joy P. Coria. Garantisado. Sa Agreemet (MoA) ng Majayjay, PESO, at iTec, binanggit din ang pagtulong ng DSWD sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program pagkukunan ng pondo. Walang binanggit sa MoA na “garantisado ang trabaho.” Ang offer sa MoA ni Maria Luz M. Almazan, School Administrator ng iTechnological (ITec, vocational school), ay magtuturo sila ng 20-day community-based skills for life and work orientation patungo sa pagkuha ng: · Electronic product assembly, NC II · Mechtronic servicing, NC II Monitored nila ng 5-months ang on-the-job (OJT) performance na ang sahod ay 75% lang ng minimum wage. Muli, walang pangakong full o permanenteng trabaho. Baka nga mismo ang iTec trainers (Peter John Dais at Kenneth Abuyin) ay contractual din dahil 20-day (o 30 days now) ang ituturo.
Paglilinaw. Ayon kay Ms. Maricel Vitasa Granada, PESO manager, wala pang accredited company na paglalagyan ng mga papasa kaya nakabibigla ang garantiya ng trabaho sa tulong ng PESO, ITec at DSWD (under ang TESDA at 4Ps). Recommendation at depende pa rin sa abilidad ng applicant ang pagkakahirang. Sa Munisipyo mismo, maraming JO (casual, temporary) lamang at hindi plantilla (permanent item) sa budget. Sa public service, JO (job order); sa private service, Endo (contractualization). Ang JO at Endo ay mga temporaryong trabaho, madalas ipangako na tatanggalin, maging permanente. Wala pang katuparan --- pangako nga, eh. Gastusin. After ng kurso, maaring isunod ang electrical installation at welding. Ang budget ngayon ay may P1.3-milyon, P180 per meal at P1,000 pamasahe ng 65 na mag-aaral. Kung lahat patuloy, gagasto ng P299,000 (P180 food x 30 days x 65 students= P351,000 + P65,000 fare=l P416,000). Ang P50/day fare ok sa malapit, kulang sa malayo. Paluwal muna ang mag-aaral sa unang linggo, hulip sa release ng budget. Sa ngayon, may 11 grupo na tig-aanim na students sa iisang gamit (gaya ng testers) dahil hindi pa nga released ang budget. Marami tuloy nagtatanong bakit inumpisahan kung hindi pa handa ang bagaybagay na maaring maging sanhi ng katiwalian. Dagdag info. Project development officer si Aubrey Ann Joy P. Coria (aubreyannjoy@gmail.com) na handang sumagot tungkol sa TESDA project. Priority ang mga out-of school youth at anak ng beneficiaries ng 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program). Si Artem Reynold Makipagay (4Ps Municipal Link (pantawidcalar_majayjay@yahoo.com) naman ang maaaring makapagbigay linaw sa mga kategorya ng prayoridad upang makasali. (Sa ulat ni Tin Dasmarinas)
5
SEPTEMBER 2016
Makipagay
BIGAS AT BOOKS
M
ay ibibigay na 20 kilong bigas sa bawat pamilya na 4Ps beneficiary, gaya ng pinangako n i P r e s i d e n t D u t e r t e ka m a ka i l a n . Kumpirmado agad ang karagdagan sa text message ni Artem Reynold Makipagay, 4Ps Municipal Link sa Majayjay. Kung kailan, ewan pa. Pero buwanbuwan yata. At de libretto na ang mga 4Ps, isang White Book at isang Blue Book. Sa White Book nakatala ang mga patakaran, alituntunin ng 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) na dapat sundin upang manatili sa programa ang mga napisil na mahihirap. Kumbaga, ito ang Rule Book. Sa Blue Book naman dapat itinatala ng beneficiary ang mga punto sa usapin at araling itinuturo tuwing sesyon sa barangay hall. Average ang buwanang sesyon ng dalawang oras, 8am to 10. Mula 10am to 12 naman kapag may 2nd batch. Nag-aambagan ng P10 para sa kanilang meryenda. Benepisyo. Sa bawat anak ng 4Ps, may iniaabot na P500 para sa kalusugan. Ngunit dapat, nagpupunta at naitatala ang pagpunta sa puericulture center para suriin ang kalusugan ng bata. Mayruon din tulong sa mag-aaral: P300 pag elementary at P500 kapag high school. Dapat hindi bababa sa 85% ang attendance sa klase ng mag-aaral. Si John Bermeo (Taludtod ) ay 4P’s scholar, Food Nutrition-3rd year-LSPU, P6,000/per semester; P3,500/monthly subsidy. May kaakibat na Nutrition program sa school upang masiguro na hindi kakalam-kalam ang bata habang nag-aaral. Ang siste, nangangayayat ang mga anak, tumataba ang mga ina. Kasi, gulay ang hain na ayaw ng kabataan. Sa panghihinayang na di mapanis, mga nanay ang laging umuubos ng pagkain. Kadalasan, hindi na sinusunod ang masustansyang menu gaya ng tortang talong, patola at iba pang gulay. Pinapalitan ng spaghetti at ibang hilig kainin ng
kabataan. Tuloy, ang nutrition program ay nagiging training program maugma ang panglasa ng kabataan sa ibinebenta ng mga mga food chain. Ayusin. Iniinda na rin ng 4Ps wards ang palipatlipat na kuhanan ng benepisyo. Gasto pa ng pamasahe na malaking porsyento sa tatanggapin. Maliban, nawawalan pa sila ng kita. Dahil hindi makapaupa sa halos buong araw ang nagugugol sa haba ng linya sa sabay-sabay na pagATM. Maging ang ibang parokyano ng bangko ay iritado kapag “dumagsa” na ang 4Ps. Pinagbabawalan pa silang “pumindot” (magwithdraw sa ATM) kapag hindi sa petsang abiso at sa bangkong tinukoy ng 4Ps in-charge. Binalot pa nga (at nilagdaan ang balot) ang ATM cards upang hindi magamit at mahalata ang paggamit. Banta pa ngang para isuspinde ang gumamit na labag sa petsa at lugar na iniutos. Meron? Ayon sa financial experts, napakalaking pagkikitaan ang placement (kung saan ilalagak) ang pera ng 4Ps. Bawat araw, milyones ang kikitain ng bangko sa pagpahiram (bridge financing o float) ng kahit dagliang paggamit ng 4Ps funds. Milyones ang kita, maaaring may malaking komisyon sa “nagpasyal” ng 4Ps funds. Hindi rin malinaw kung saan napupunta ang mga multa, cancellation ng benepisyo o hindi pa naipatutupad na benepisyo. Gaya ng karanasan ni Aling Daisy. Taon na ang nakalipas ngunit hold pa rin ang kanyang benefits. Hindi pa raw “monitor” ang kanyang kaso gayun 4Ps din ang gumagawa ng “monitor.” Siempre may sagot ang pamunuan ng 4Ps: pinadadala sa general funds ng bansa. Subalit wala pang maliwanag na pagtutuos o report. At nakabinbin pa rin ang akusasyon ng Commission on Audit (CoA) sa bilyones na atraso ng pagtutuos ng nakaraang Administrayon. Simula. Ang 4Ps ay inumpisahan sa isang maliit na experimental program ni President Gloria Arroyo mula sa sariling pondo ng pamahalaan. Biglaang pinalawak ito nationwide ni President Noynoy Aquino mula utang sa labas ng bansa. Dinagdagan naman ngayon ng bigas ni President Rodrigo Duterte at palaki ang gastusin dahil sa paglaki ng
populasyon. Kahit maraming ekonomista na ibig ilipat ang pondo ng 4Ps sa mas makabuluhang programa (education, infrastructure build-up, skills and training), malabong may politikong tatayong alisin ito. Sa nakaraaang presidential campaign, pinaugong ng Administrasyong Aquino tatanggalin ni Digong ang 4Ps. Taliwas, dinagdagan pa ni Digong ang benepisyo sa 4Ps. Ang 4Ps ay halos SOP (standard operating procedure o kaugalian) na ng “pamimigay” ng mga politiko. Gaya na ito ng galing sa pork barrel na illegal, ayon sa Korte Suprema. Sa ngayon nga, isinali ng Pangulong Duterte sa 4Ps ang mga naulila ng mga sundalong pinaslang kamakailan ng Abu Sayaff, grupong terorista at kriminal. (Sa ulat ni Tin Dasmarinas)
Majayjay Elementary (MES) Team
NAGWAGI SA BUWAN NG WIKA
P
aniguradong masaya si Lola Nancy at mag-asawang Meck Zorilla at Buena Grace Estebal sa kanilang mga anak, Bianca Mariella at Mikaela Grace. Ang magkapatid ay kabilang sa mga lumaban sa distrito, cluster at dibisyon na ginanap nuong Buwan ng Wika, Agosto. Sa paligsahan na may temang Pilipino: Wika ng Karunungan, kampion ang Majayjay Elementary (MES), 2 n d ang Buenavista (Magdalena) at tabla sa 3rd ang Almes (Magdalena) at Sta. Catalina (Majayjay). Sa Big-Say-Wit ng Baytang 5 & 6, pinamunuan ni Kimberly (anak ni Mrs. Cristine Peregrina)ng MES ang MajayjayMagdalena District sa top spot laban sa 25 kalahok. Last year, 3rd place. Ngayon, First Place ang MES sa clusters ng Alaminos, Rizal, Nagcarlan, Liliw at Majayjay. First place din sa provincial cluster, 2nd ang Liliw, 3rd ang Rizal. Sa Division Level na 17 and kalahok, 3rd ang MES, 2nd ang Calauan at champion ang Siniloan. Proud si Mrs. Levina Estefa (Filipino Coordinator), sa sikap ng mga mag-aaral at suporta ng mga magulang. Hangad niya ang patuloy na maayos na pagdaraos ng Buwan ng Wika sa susunod na taon, kahit nalipat na siya sa Botocan. (Sa ulat n Tin Dasmarinas)
6
SEPTEMBER 2016
GOLDEN BATCH '83
Ngayon ay Global Mission Director base sa Hongkong --- nabago sa impluwensya ng Bible Miracle Crusade kung saan sya guitarist, selfrehab. Baptist minister na for 30 years, kasal sa Pinay na Japanese chef, may isang anak sila. Taking Masteral studies in Theology, active sa missions ng House of Refuge Foundation. Kiliti pa rin sa karipas ng takbo nila Al Amorado nang pinagbabato sila sa pagharana kay Badette Codera, crush nya. Si Mr. Alfonso L. Santiago ay naging teacher nila sa Religion, YDT, PEHM, at Scout Master, 57 years old, may 3 anak at nakatira sa Ayala Alabang Village. May-ari ng AsiaFreight Logistics at naging president ng AirLift Asia. Aniya, being an educator is the most memorable part of his life.
Together again at Casa Alfredo, Batch ‘83
Mga bida nuon ng Liceo de Majayjay
“Age to Perfection,” tema ng Batch '83 reunion ng Liceo de Majayjay ginanap sa Casa Alfredo, Pansol, Calamba City.
valedictorian (anak ni Mam Belen Gripo, dating teacher), “Tatlumpu't tatlong taon na … nang maghiwalay sila after graduation kung saan nabuo ang napakaraming alaala ng aming kabataan. Nuong una ay tuwing ika- sampung taon ang reunion, pagkatapos ay limang taon pero iba ngayong taon dahil lahat halos ay magiging Golden Girls and Boys (50 years old)”
Solid 55 ang dumalo sa 99 magkamag-aral, tatlo ang wala na sa atin. Average 50's na ang mga lalake, an “age to perfection; “30's” naman ang lahat ng ladies kasi ang beauty nila forever. Daw. Excited bawat isa sa mulng pagkikita: dating kaibigan, kaalitan --- dating sinta, uy! Punong-puno ng kumustahan,tawanan,kwentuhan. Baliktanaw, kulitan, harutan at panunumbalik ng samahan. Inumpisahan ng Misa Romana 4pm, sinundan ng meryenda sa ugong ng walang humpay na kwentuhang. Sangkatutak na give-aways at game prizes:ref, flat tv, microwave oven, appliances. Ani ni Ellen Gripo Clado, class
Si Ellen ay Internal Auditor sa BIR, mayasawa at 2 anak.Pangiti pa syang remember her first cutting class para makipyesta sa Talortor. Nakabalik naman sya sa skul bago mahalata ng parents ang escapade. Si Renato Ronabio naman ay Facility Manager sa Alberta ,Canada, may asawa at 2 anak. Dating seaman nag-migrate nuong 2001.Tapos ng Power Engineering, negosyong Financial services at oriental convenience store. Corps Commander sya nung hayskul, laging alaala ang campings sa Taytay Falls. Kaiba si Pastor Reynaldo Jovellana. Dating user, minsan ay pusher siya nung hayskul.
Binalak nyang magpari dahil tatay niya ay isang secretary of Priest(Scribe). Pumasok siya sa MaryHurst Seminary sa Baguio pero hindi nagtagal ay lumabas din. Subalit laging present sa mga reunions. Maraming laro, the longest line, egg game at pinoy henyo ang ilan sa nagdulot ng hagalpakan. Lalong patok ang “Sino'ng crush mo nu'n?” Isang uri ng usyoso na depende kung kinakunot-noo sa nangantiyaw at nangiliti ng kilig. Maliban sa kasayahan, may sanaysay si Ellen: “madaming aral ang naidulot sa atin ng nakalipas at nagpapasalamat kami at patuloy pa din kami sa pagmamahalan bilang magkakaibigan. Nagkaruon kami ng chance na matulungan yung isang ka-batch na nangangailangan talaga dahil sa sakit. Na-open yung problema niya (hindi dahil sa nanghihingi siya ng tulong, naikwento lang,). Kaya naman gumawa kami ng paraan na matulungan siya” (Sa ulat ni Mona Clasicas)
Panel of Judges: Rocel M. Leynes, Roderick C. Tobias and Leonardo G. Apolinario
HIGH SCHOOL, OVER-ALL CHAMPION Coco, Pandan, Itik, Bangkero Festivals
I
ba't ibang tema at konsepto ng mga Festivals ang ipinarada at timpalakan ginanap Septmber 2nd, pag-alala sa 29th Foundation Day ng Liceo de Majayjay. Batayan ng desisyon ng mga hurado: 35%, tema o konsepto; 25%, choreography; 25%, performance; 10%, kagamitan at 5%, costume. Premyo at kaabyan. HIGH SCHOOL, 1st prize, Coco Festival – P4,000. Advisers sina Riza-Lyn Rada & Rowena del Rosario; Trainors sina Arnel Sobreviñas & Reynaldo Merandela 2nd -Pandan Festival – P3,000. Advisers sina Justine Sarmiento & Roda Tumbali; Trainors sina DarrenrdPorcioncula & Tristan Estefa. 3 -Itik Festival – P2,000. Advisers sina Genilyn Gutierrez & Mr. Jayson Brosas; Trainors sina Jay Sobreviñas & Jason Allen Clasicas. 4th -Bangkero Festival – P1,000. Advisers
ELEMENTARY, OVER-ALL CHAMPION Kabukiran Festival Groups 1, 2, 3
sina Severina Doctolero & Mrs. Janeth Sulte; Trainor, Robin) ELEMENTARY 1ST Group 3- P3,000; 2nd Group 1- P2,000, 3rd Group 2- 1k Karaniwang ginasto ng mag-aaral ay P200 para trainors at mga gamit. Maikling istorya. Ang Liceo ay nasa lumang kumbento ng simbahang San Gregorio Magno, nag-iisang simbahang sa buong rehiyon na deklaradong UNESCO heritage structure, nag-iisang Catholic high school sa buong Majayjay. Saint Gregory Academy ang pumalit sa Majayjay Standard Academy nang mabili ito nuong 1977 ni Msgr. Pedro N. Bantigue, director of Diocesan schools. Naunang prinsipal si Sister Gloria Uri, Rev.Fr. Apolinario Icarangal as spiritual director. Naging Administrador din sina Angelita Gallardo, Librada C. Enriquez at Dolores P. Paglicawan.
Give na give, Principal Jocelyn Ramirez! Nuong January 6,1983, ginawang Liceo De Majayjay sa kautusan ni Minister Onofre D. Corpuz na palitan ng pangalan ng lugar ang mga paaralang may pangalan ng santo o religious icon. Sa ngayon, ang Liceo ay may 9 na guro, 452 kabuuang mag-aaral (280 high school at 172 elementary). Lahat ay hinihikayat sa Wednesday Novena and Holy Mass, first Friday devotion, Sunday Mass. Dapat ding sumali sa religious formation and recollections, lalo na sa mga holy days of obligation. Sa pribadong paaralan, Majayjay Standard Academy ang nanguna mula 1958 hanggang magsara nuong 1978. Saint Gregory Academy naman mula 1977-1982 at naging Liceo de Majayjay. (Sa ulat ni Drix C.Clasicas)
7
SEPTEMBER 2016
MAJAYJAY MERON NA
PCA Mgr III Manohar
M
ajayjay ang napiling isa sa apat na model coconut farms sa region.
Hakbang ito ni Erlene Concibido Manohar na, “Bringing technologies to the community.” Si Manohar ang Regional Manager ng Coconut Authority (PCA) dito. Bukod sa model farms sa Sariaya at Makalelong (Quezon) at San Juan (Batangas), ang Majayjay ang napisil sa Laguna magkaruon ng PCA-assisted model farm upang pagkunan ng dagdag kaalaman at kasanayan ng mga interesado sa kalakal ng niyog. Sa nilagdaang kasunduan ng PCA at APA Farms, magtatalaga ng sampung hektarya sa Barangay Coralao ang APA Farms. Itatanim dito ang Zamboanga at Davao varieties ng niyog sa maayos na linya o helera (iras, kung sa gulayan pa). Magtatanim din ng lansones, saging, kalabasa, at ibang pagkikitaang punong kahoy at inter-cropper. Sampung taon ang kasunduan, sagot ng PCA ang teknolohiya, seedlings at fertilizer. APA Farms naman ang may pasanin ng ibang gastusin at gawain gaya ng labor at kagamitan. Sa kalaunan pa na ang kita ay magagamit ng may-ari ng model farm. Ang coconut at mga pananim ay lilinangin, oobserbahan upang malaman ang akma sa lugar at klima. Palalawigin ang kaalaman, Iinganyuhin ang mga magsasaka na gayahin ang dapat batay sa araling makukuha sa APA model farms. Bukas at handa ang APA at PCA na tumulong sa mga interesado.
APA Farms Ms. Nueva at the Expo Exhibit. Samantalang, naitala ng APA Farms ang pinakamalaking benta sa isang week-end food exhibit sa SM-Mall of Asia, last August 19 to 21 sponsored ng PCA. Pinakamabili ang atcharang ubod ng niyog, sinundan ng honey, red wine, lambanog, suka, turmeric powder at crispy pili nuts. Mabibili ang mga ito at iba pang sariling gawa ng mga bihasang food technicians sa APA Farms. Bukas araw-araw ang tindahan nito sa Coralao, malapit sa kanto ng Deposito at pagkalampas lang ng Tower sa may arko ng Pangil. Taliwas. RA 8048 (Coconut Preservation Act of 1995) ang batayan ng pagputol, pagpalit, multa at saysay ng regulasyon. Nasimulan ng PCA ang hangarin ng batas ngunit dapat pang isulong ang sagarang impormasyon pagpabatid ng mga adhikain. Marami pang hindi alam ang kabataan, lalo't ang panaginip ay isang mansion agad; lalo't ang pag-iisip ay abroad ang tanging paraan. Kahit mga negosyante, bantulot mag-invest sa niyog na magbibigay ng gawain sa marami at magandang tubo sa kapital. Maging ang lokal na pamahalaan ay makakakuha ng pangbudget sa coconut industry kung bibigyan pansin lamang. Bansag sa niyog ay puno ng buhay (tree of life) dahil mula ugat hanggang bunga't palaspas ay maaaring pangkabuhayan, livelihood ng maliliit o kalakal ng malalaki. Walis, trays, lumber, ubod, lambanog ay ilan sa “maliitang” hanapbuhay mula sa niyog. Malakihan ang kopra, dessicated coconut at
activated carbon na naging pangunahin pa nga tayo sa mundo. Kaya lang, nabago ang ating kapalaran sa kapabayaan at pagmamalabis. Hindi natin hinarap ng masinsinan ang paghulip ng matatandang puno, pininsala ng bagyo, cadang-cadang at cocolisap. Konting lakas ng hangin, tumutumba agad. Gaya nang puminsala sa mga Baguio beans nina JerryGayang Bajado sa Silangan-Bukal (na bumabawi sana sa presyo mula P3/kl palagpas ng P30/kl na). Halos kinabaliwan sa Japan ang ating nata de coco. Subalit sinalahula natin ang produkto sa paggamit ng hindi foodgrade at nakalalasong kemikal. Banned ang nata de coco natin sa Japan. Ngayon, tayo pa ang umaangkat nito sa Indonesia. Timing naman ang bagong bugso ng pagsasaayos ng ating kaniyogan. Ang republika ng Marshall Island ang matindi nating kakompetensya sa kalakalan ng niyog sa mundo. Munting isla ito sa Micronesia, balisa ngayon sa amba ng malawakang pagtaas ng dagat sanhi ng climate change. Mahirap arugain pa nila ang mga niyog. Ang ang hamon ay survival, hindi na progress. Pa ra n g n a g s a s a m a nta l a a n g Pilipinas subalit ganyan ang practical sa agrikultura. Kumikita ang beans ng Majayjay kapag naubos na ang galing Nueva Viscaya. Bagsak ang presyo ng kamatis natin kapag maganda ang ani ng Ilocos. Malaki ang tubo pag bumaba ang supply sa demand. Lugi, kapag baligtad. Paalala. Malapit tayo sa mamimili at loading ports, mga processing plants maaring magtaas ng production, may mga batikan at multinationals na magtutulak sa pandaigdigang merkado. Manunumbalik ang tagumpay dahil sa kakayanan, sa investment at darami ang trabaho, lalago ang kita. Pinakita ngayon ang public-private partnership, gaya ng ehemplo ng PCA at APA Farms. Nariyan rin ang teamwork ng PCA at DoST (Dept. of Science and Technology) at lokal na pamahalaan (LGUs). Malaking hamon na lamang ang tahasang pagsanib ng mga magsasaka, isagawa ang nararapat gaya ng pananaw “Entrepreneur Development,” upang sila'y maging negosyante din. Ipagsanib ang kaalaman at kasanayan para sa mas maayos na kabuhayan at food security sa bansa. Dito ugma ang paalala ni Manager Manohar, “…Tiyaga, Teknolohiya at Commitment…” (Sa ulat ni Tin Dasmarinas)
8
SEPTEMBER 2016
Public Policy
DATOR NG LUCBAN Mayor Oli “Maiayos ang turismo at agriculture, everything follows” Agricultura at turismo, mga timon ng pamamahalang bayan ni Mayor Celso Olivier T. Dator ng Lucban, tanging bayan ng Quezon na may link sa Laguna. Hindi lamang plano, nasimulan na ang pangunahing pangangailangan. Hahanapan na lamang ng lugar ang paglalagakan (bagsakan o trading post) ng mga produkto . Wala nang middle man na ka d a l a s a n ' y m a s ku m i k i ta kays a magbubukid. Farm inputs gaya ng pataba at binhi ay regular na ipapamahagi mula pondo ng nasyonal at local government. Dito mahalaga ang Diversion Farm Road (Lucban via Majayjay) upang mapaikli ang byahe pa-Manila. Lilikha ng ibang Festivals susog sa Pahiyas at dagdag akit sa mga turista. Pinaghahandaan na ang Buhos Say (tuwing Easter Sunday), Piyestayahan (Agosto 19), Paskong Pahiyas (December), mga replika
ng Pahiyas Festival. Eight water falls within an Eco- park --walong sunod-sunod na talon pinapaganda sa isang o-park ---Sampalok to Barangay Piis. Sa ilalim ng PRDP (Phil Rural Development Project), magkakaruon ng interconnecting road sa anim na barangay patungo sa mga talon. Gagawan ng view-deck , tanawan ng kapaligiran at mga talon.May panukala na sa Sangguniang Bayan ukol sa karampatang tourism fee, panuntunan ng pagpapatupad, paglalagyan ng kita gaya ng upgrade at maintenance. Kasama rin ang promotions para maging tourist destination ang Lucban,mga panuntunan sa mga tourist guides at paniningil ng serbisyo. Prayoridad ang Sub-Circuit Road from Quezon to Lucban (Luisiana, Liliw, Majayjay at Lucban) upang may cluster promotion rin sa karatig bayan. Nag-ugnayan na ang Mayor at Tourism Officer upang makapanday ng Memorandum of Agreement (MOA) hinggil sa tourism. Pinatutupad ang Curfew bilang suporta sa national directive, Oplan Tokhang. Huli na ang 11 of the top most wanted. Sa ngayon, wala pang pondo sa rehabilitation ng mga sumukong lulon sa bawal na gamot. Ngunit may interventions gaya ng seminar, counseling at livelihood programs. Pinagiisipang pangkabuhayan ay organic farming, pagtatanim ng cacao at fruit-bearing trees. May regular programming at monitoring ang PNP sa mga boluntaryong sumuko. Pag hindi nadala, kulong na. Ang pagsuko ay kailangan
CHEERS! HIK!
M
ay silbi ang pag-inom, nagpapatibay ng puso. Pagsobra, napapabasag ang mukha. Sa away. Sa isang pag-aaral mula 1959 to 1990 ng 250,000 lalake, napagalaman na: · Less ang namatay sa sakit sa puso ng mga never uminom o isa sa dalawang shots lang araw-araw; · Yaong tatlong shot o labis, maagang natigok. Sa breast cancer, iba ang resulta: masama ang uminom,
pangatawanan. Sa ilalim ng One-town One- product (OTOP) program, habhab at longganisa ng Lucban ang pinapayong magkaruon ng product re-package upang ang produkto'y nadadala at accredited nasyonal. Bisyon sa produktong Lucban, maging pang-export. Pa g - a a r u ga s a k a l i k a s a n a t kapaligiran, tahasang ipatutupad ang Zero Plastic Policy. Bayong or Eco-Bag ang dapat gamitin na mabibili at pagkakitaan ang weaving nito na itinuturo sa Livelihood Training Center kanino man. Nakalaan naman ang lokal scholarship sa kabataang indigent, maaring makuha basta maintain ang maayos na marka. May scholars sa iba't ibang antas: elementary, secondary at tertiary (kolehiyo sa South Luzon State University – SLSU). Hangad ni Mayor Dator ang Lucban Kasiglahan 2020, ganap maunlad at masiglang bayan --- ekonomiya malusog: may trabaho para sa lahat, may kakayahan ang pamilya makapagpaaral. Itext mo kay Mayor (09053698530 Globe, 09084445361 Smart). Caravan ni Oli, iikot sa mga barangay para medical mission o insemination. Lunes ang People's day . Tulong-Lingap-Serbisyo sa barangay --pamamaraan ni Mayor Dator paramdam ang paglilingkod sa mamamayan. (Sa ulat ni Tin Dasmarinas)
Halimaw News Needs Part-time
VOLUNTEER REPORTERS period. Sa ibang kanser, halintulad din ng sakit sa puso. Mabuti paminsan-minsan; masama pag todo. Sa pangkalahatan, bawal ang alcohol sa ibang sakit at kapag buntis. Lalo na sa mahina ang control sa pagtoma gaya ng mga alcoholic. Sumadas, may benepisyo ang alcohol kapag kontrolado ang tagay --moderate lang, wag moderecho.
(Free Training, May Suporta)
ADVERTISING AGENTS (Free Training, May Commission) Interested? Text full name and address 0977-143-2373 or 0928-200-2517
9
SEPTEMBER 2016
political will ng mga nagpapatupad o halal na magpatupad ng batas. May ibang pananaw naman ang kolorum ay biktima ng hindi makatarungang ekonomiya, walang oportunidad para sa mga kapos at liping dukha. Walang ngipin o walang mapagkukunan --- palaisipang arawaraw nakayagyag, maya't maya'y nag-aamba ng panganib sa publiko at pasahero. Pasasaan kaya ang byahe? Dagdag usapin. Milyones na scooters at motorcycles sa Asia ang nagbubuga ng benzone, particulates at green house gases na pawang sumisira sa klima at kalusugan. Mas masahol pa sa emission ng bagong kotse sa 100 to 1,000 ratio, ayon kay Andre Prevot ng Paul Scherrer Institut of Switzerland. Ang may two-stroke engines ay hamak na lalong matindi pa ang ibinubuga. Sa Taiwan na may 14-million bikers ang 23-million population, namimigay ang pamahalaan ng mula $45 to $800 ang magpapalit mula gas to electric engines. May 90 battery charging stations sa kabisera ng Metro Taipeh.
Kahit sabit, basta't kita
KOLORUM KALTAS KITA
P
Ang electric bikes ay tumatakbo ng 90 kph, mabilis para sa trapik ng lungsod, maging panghighway ng lalawigan. Ngunit kulang daw sa arangkada at hatak sa bulubundukin, tulad ng bikes na solar engines. Papeles nga alang maitustos, magpapalit pa ng trike? Kaya balik sa palusot Pinoy: pansamantala muna forever. (Sa ulat ni Mona Clasicas)
ampasira ng byahe, reklamo ni Balbon.
Tukoy niya ang “kolorum”, mga tricycles na pumapasada kahit walang kaukulang papeles at kumakaltas pa sa kita ng mga letihimong drayber. Mula sa karaniwang P400-500 kita nila kada araw, bagsak daw sa P250-300 na lang. Kunan pa ng gasolina at upa sa operator, gutom ang iuuwi matapos ang maghapong pagsusumikap. Higit isang libong tricycle ang namamayagpag sa Majayjay. Ang siste, madami pang mga kolorum. Kadalasan, sila ang nagiging sanhi ng iringan sa mga kapwa drayber na letihimo. Minsan ay kinakabayo (inaagaw) pa ang mga pasahero. Tuwing awasan sa Ilayang skul(11am at 4pm), ay nagkakabuhol ang trapiko dahil sa pagsingit ng mga kolorum na nakabantay sa tapat ng gate ng paaralan. Ang pangpublikong jeep at bus, national government ang nagsasaayos. Local government naman (munisipyo) ang regulator ng mga tricycles. Kapag may reklamo sa Munisipyo, daglian ang pulis sa nasabing skul. Subalit pag-alis ng pulis, balik ang mga kolorum. Sabi nga, “kapag wala ang pusa, naglalaro ang daga.” Multa. Naidulog na ang hinaing sa Sangguniang Bayan. Inihain ni Konsehal Wowie Vito na palakihin ang multa ng mga kolorum upang masupil ang problema. Bakit nga ba ayaw maging legal ng kolorum? Simple, kawalan daw ng perang pangrehistro kaya tiyaga sa tago nang tago. Dahil nga kolorum, karaniwan sa drayber ang walang lisensya o rehistro. Magkaminsa'y menor de edad pa (na hindi mapatawan ng parusa sa ilalim ng batas na pinanukala ni Senador Francis Pangilinan). Pag nag-kaaberya o disgrasya, walang paruruonan ang mga pasahero dahil kapos din ang drayber. Kaya nga dapat mahigpit ang disiplina at kasanayan, hindi gawing pananggalang sa abuso ang kahirapan sa buhay. Pananaw. Maaring kapit sa patalim ang mga kolorum dahil walang ibang pagkikitaan. Kilala na sila ng otoridad kaya't hindi nila mapahindian ang
RBI-CARD TULONG KALUSUGAN
N
agsagawa nuong September 1 sa Banga ng health outreach ang RBI-CARD, isang micro-finance (nagpapautang) na itinatag 2003 sa Majayjay. Ang libreng medical , dental at optical services ay ipinarating sa mga 2,406 miyembro at iba pang nais makakuha ng angkop na tulong. RBI-CARD Area manager si Ma. Theresa Boncodin at Unit Manager ng Majayjay si Jemmalou Nolledo. Inorganisa nila ang mga medical professionals upang makapaglingkod gaya nila Drs. Ria Rabano at Remedios Maligaya, limang dentista gaya nila Drs. A. Anda, V. Magampon, A. Biscocho, M. Calabon, at J. Matusalem. May isang optometrist (Dr. Lilibeth Montano) at sampung nurses. Nabigyan ng medical treatment ang 275 , mula baby hanggang senior citizen. Kasama na dito ang libreng bunot at gamot, pagsusuri sa grado ng mata at magandang discount sa mga gamot. Nagpasalamat ang Pamahalaang Lokal sa itinulong ng RBICARD, dala ang pag-asang ito ay magiging regular na gawain ng nasabing pribadong micro-finance kalakal. (Sa ulat ni Mona Clasicas)
10
SEPTEMBER 2016
GULAYAN SA PAARALAN
Kailan Ang Maghahalaman
I
sa ang Majayjay sa limang napili sa Laguna sa inilunsad na gardenbased at nutrition projects tumbok ang pag-ayuda sa mga malnourished na mag-aaral sa elementarya. Kabilang dito ang piling pampublikong paaralan sa Sta. Cruz, Nagcarlan, Mabitac at Sta Rosa. Ang proyekto dito ay gagawin sa Majayjay Elementary School . Sponsors ang Dept of Education (DepEd), Southeast Asian Regional Center for Graduate Study and Research in Agriculture (SEARCA)) at University of the Philippines-Los Baños (UPLB). Ayon kay SEARCA Director Gil C. Saguiguit, “para malinang ang agrikultura sa mga kabataan; proteksyon sa kalikasan at magsilbing alternatibong pagkukunan ng pagkain at kita para sa
N
uong huling lingo ng Hulyo, nagbalik ang Task Force sa
solar power sa likod upang mabawasan ang carbon
dalawang poultry farms sa Suba upang usisain ang
footprint. May tamang pasilidad para sa patay na manok,
reklamong galing dito ang mga langaw na bumabalisa
mga fly traps sa kapaligiran ng poultry.
sa karatig bahayan. Ulo ng Task Force si Engr Tony Dia, MENRO at assistant Tess Solmoro. Napag-alaman ganito ang sitwasyon: ·
·
pamilyang taga-barrio. Isang sagot sa kahirapan at gutom na nagiging sagabal sa kalidad ng edukasyon ng mga kabataan.” Si Dr. Fernando C. Sanchez, Jr , UPLB Chancellor, ay nakikiisa sa layunin sa pamamagitang ng technical training sa mga bata, pati impormasyon sa edible landscaping at organic agriculture. Si Dr. Josilyn S. Solana, Schools Division Superintendent, ay nagpasalamat sa tulong ng NGO para masanay ang mga guro at mga bata sa teknolohiya ng agrikultura kaakibat ng Gulayan sa Paaralan na adbokasya ng DepEd. Ang puputihing gulay ay gagamitin sa School-based Feeding Program (SBFP) ng DepEd. Sinusugan ng pamahalaang lokal ang proyekto sa pangunguna ni Mayor Jojo Clado at Town Administrator Ellen Clado. Nanduon din ang Kooperatiba ng Masaganang Mangangalakal sa Majayjay (KMMP) kung saan GM si Edwin Almenteros at pagtulong nina Carding Beganza, Vivian Zornoza , Tess Oconer, atbp. Ang paaralan ay nakipagkasundo sa mga magulang na makiambag sa proyekto. May kanya-kanya silang gawain sa hardin. Inaasahang malilinang ng kabataan ang halaga ng agrikultura, panlaban sa gutom at kahirapan. (Ulat ni Mona Clasicas)
Happy Farm – walang proper drainage, walang
Rekomenda ang Task Force: ·Sa Happy Farm, maglagay ng maayos na drainage system; ayusin ang lahat ng permit sa iba't ibang ahensya; linisin ang mabahong amoy sa likod ng poultry.
ECC permit mula DENR at LLDA na discharge permit.
·Sa Perry Farms, panatilihing malinis at maayos ang loob at
On process pa raw ang mga permits, ayon kay Gng.
labas ng poultry; iwasang
Mimi Penales, asawa ng may-ari.
paggamit ng fly attractant at spray.
Mga 148,000 manok ang load o nasa dalawang gusali
Wala pang ugnayang ang Happy Farms sa pamahalaang
na tig-dalawang palapag. Maraming langaw sa harap
bayan. Ang Perry ay nakapagbigay na sa Munisipyo ng
at likod at may mabahong amoy galing dito. May rat
comprehensive fly control programs, kasama ang full action plan.
glue gamit bilang fly trap. Nuong panahong yon, 2
Maaring patawan ng multa ang mga paglabag o ipasara ang ayaw
araw pa bago sila mag-harvest.
tumupad sa utos ng ordinansa.
Perry Farm – may mga 2,000 pang manok, kumpleto sa permits mula sa iba't ibang ahensiya. Maayos at malinis ang farm, may proper drainage,
dumami ang langaw sa
(Sa ulat ni Mona Clasicas)
SEPTEMBER 2016
11
12
SEPTEMBER 2016
Mabunying Buhay Gandang Pamamahay!
Blumentritt St., Majayjay
13
SEPTEMBER 2016
Bagong Sigla, Dating Suki
Super Grocery & Friend Blumentritt St., Majayjay
Ang Dami, Bago.
Malinis, Mura.
14
SEPTEMBER 2016
Sa October Issue
HALIMAW NEWS
Usapin ng Tubig
RELAX
in comfort, In privacy at the heart of Pansol, Calamba Barely an hour from Metro Manila Just a block off Laguna National Highway Perfect for retreats and reunions Family outing, team building Upgraded Facilities, Clean and Private Reasonable Rates
CASA ALFREDO Solemar del Pansol, Barreto Road, Calamba City
INQUIRY and BOOKING Mobile 0975-900-8022 (Globe) Email: casa_alfredo@yahoo.com
TO BE or TOO BIG? • Gagawan ba ng maayos na sistema? O masyadong tataas ang bayarin? • Agosto 27th, public consultation pa o hearing na? Nasermonan isang Konsehal? • Sa laro ng IBDC, Laguna Water, AAA Water, ano ang Gob at Mayor — Coach o Referee?
15
SEPTEMBER 2016
PERMANENTENG AMOY? Dahil sa reklamo ng sangsang sa Ilog Santa Regina, agarang tinalakay ng Sangguniang Bayan ang isyu at hinarap ang babuyan.Hindi lamang pagpuna ng mga botante, kaakibat din ang badya sa kalusugan, proteksyon sa kalikasan at dungis sa turismo ng bayan. Malaon at lampas dekada ang mga patakaran sa commercial at backyard piggery. Bagong mayor pa nga nuon si Kgg.Tino Rondillas, kilalang magbababoy. Una, Resolution 674-Year 2000 ng Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB)na 1,000 meters, at least, ang layo ng babuyan sa may naninirahan o gusali (built-up area). Pangalawa, Res. 169-Year 2001 ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) nag-uudyok sa Pamahalaang Lokal (LGUs) magpatibay ng ordinansa sa proteksyon at kalinisan ng ilog. Ikatlo, Regional Memo Circular 2011-05 ng Korte Suprema ipinatupad 15 Feb. 2011 nag-aatas sa mga alkalde linisin ang kanilang mga ilog. Kayat sa Res.123, Ordinansa 4-T-2014 aka ni Konsehal Mario S. Zornoza, Jr. ay unanimous pasado sa SB, endorse ni Vice Mayor Vito at pinagtibay ni Mayor Rodillas 08 Oct 2014.
Kategorya. Dalawa: commercial (over 100 baboy at over 10 inahin), at backyard (less 100, less 10). Ang mga kategorya ay batay sa nasyonal Waste Reduction o Miniminization policy. Halos walang pinag-iba ang iniutos na mga kagamitan, sumapat lang sa pangangailan ng kategorya: · Drums o imbakan ng tubig para daily cleaning · Mechanical drinkers ·
Feed and water through (sabsaban)
Kung Water Treatment Option, dapat: · May lagoon o tubular polyethylene digester (TPED) · O biogas nkhyollow block (chb) · Tapunan ng patay na biik o baboy. Penalty. Unang paglabag, “A” Piggery,multa P1,000 at linis ng 25 meters ng ilog; “B”, multa at 50 meters linisin, “K”, multa at 100 meters ang lilinising ilog. nd
2 Violation, “A” multa P2,000; “B” at “K”multa P5,000 at parehong baka ipasara. Ngunit pag may biik, palalakihin muna ang mga ito bago closed. Halos bale wala ang multa. Isang biik lang, P2,000 plus na. At pinatutupad ba ang ordinansa? (Sa ulat ni Tin Dasmarinas)
SA KAMPANYA PA, MGA TANONG NA... (letters courtesy of Kilatis 2016)
Brgy. Coralao, Majayjay, Laguna
FARM FRESH, QUALITY ASSURED
Special Pasalubong, Quality Guaranteed “Ubod” ng Atchara
Bee My Honey
selected and pickled from organic coconut trees dressed with carrots, bell pepper, garlic, ginger.
from busy, stingless, wild bees (naiwan) gathering pollen from Mount Banahaw
Turmeric Powder
Majayjay “Lambanog”
relaxing turmeric tea made from dry Turmeric Rhizomes which exhibit a wide range of medicinal activities
harvested daily from organic coconut trees to produce the purest Lambanog of its class
ALFREDO WILD BERRY WINE handpicked wild berries (Lipute) from
Red Hot Mama
the foot of Mount Banahaw Majayjay
sizzling hot sauce with coco vinegar, naturally grown chili from the foot of Mount Banahaw