ALIMAW H ALIMAW news Kaalaman at Pananaw
VOL. 1 NO. 4-5
JAPAN SURPLUS Marami. Maganda. Mura PILI KA, SHOP NA! APA FARMS
November-December , 2016. Monthly, P10/Copy - FREE PICK-UP COPY
Coralao, Majayjay
To Men of Goodwill
PEACE • TITSER ALA Page 2
• NAGLALAKI Page 11
• TATLONG DALOY Page 3
• MAASAHAN Page 4
Anywhere sa mundo, Read HALIMAW NEWS Digital Edition FREE
www.issuu.com/halimawnews
2
NOVEMBER-DECEMBER 2016
TITSER ALA, TRAINING ng dalawang bata, sadyang maralita. Nag-abot siya ng tulong, nabagbag ang damdamin sa bibo at magalang na sagot ni Joshua: “Salamat po, kasi may pambili na kami ng bigas at ulam ngayon.� Nakangiti, kahit hirap gumalaw gamit ang maikling plastik panungkod; pasalamat sa biyayang pagsasaluhan ng pamilya. Belog at pamilya, Dr. Rondilla at Mrs. Brosas
Dahil bata pa, natutuwa ang pupil pag walang pasok dahil may training si teacher. Pagsamahin muna ang mga klaseng maiiwan. O ala na lang pasok ang mga bata. Si Rhey Dan , Grade 6 , Bukal Elementary, ang sinabihang walang pasok sa hapon dahil may training si teacher sa Ilayang Skul(Majayjay Elementary). Imbes umuwi agad, umakyat ng punong rambutan. Nahulog, bali ang dalawang kamay. Si Joshua, Grade 3, Bukal din, ay lumpo ng neuro muscular dystrophy, isang karamdamang wala pang lunas. Naiwang umiiyak sa classroom dahil wala pa ang titser na sumali sa Fun Run ng Anilinang Festival. Nagulat si Dr. Flora G. Rondilla, Supervisor ng DepEd District of Majayjay-Magdalena, Laguna. Kasi Division Level pa ang nagparating sa kanya ng malungkot na balita. Minabuti niyang sumugod sa Bukal Elementary (BES) upang mag-usisa. Ang siste, wala ring alam mismo si Juanito Biticon, teacher-in-charge (TIC). Magalang. Pinuntahan ni Dr. Rondilla ang bahay
Kinausap na ni Biticon ang mga guro ng bata (Jamaica Plantilla at Cathy Jamolin) na inalam nila ang kalagayan ni Rhey Dan sa pagbisita sa ospital. Naglikom din ng pinansyal pantulong sa pamilya. Insidente. Sa aksidente ni Rhey Dan, pinauwi na ang mga bata ng tanghalian dahil ala una ang training sa MES sa Continuous Training Program ng mga teacher. Bigayan din ng kani-kanilang awards sa K-12 curriculum. Masaya sila, hindi alam may agawbuhay sa naiwang mag-aaral. Kay Joshua, nagsabi na raw ang guro na imbes ala-7, pumasok ng alas-8 ang mga pupils dahil kasali ang guro sa Fun Run. Siguro daw, inihatid ng nanay si Joshua sa nakagawiang oras. Ang mga kaklase ay nasa labas na. Mag-isa si Joshua sa silid, hindi makasunod kasi lumpo nga. Dumating ang mga guro lagpaslagpas alas otso na. Baka nabalam din sa Unang Hirit national tv coverage ng festival. Nakuha na si Joshua ng may magandang loob upang hindi lubusang magka-trauma ang bata. Sunod lang. Paliwanag ni Biticon, hindi sila umaalis kung walang direktiba. Susog
ni Dr. Rondilla sunod lang sila sa higher DepEd authority, gaya ng mga trainings o meetings for teacher improvement. Papaano ang missed lesson plan? Sa Budgeted Lesson Plan daw huhulipan. Pipili ang teacher kung Sabado ba o sa extended half-hour pagtatapos ng regular klase. Sana ay tignan muli ng DepEd Secretary ang sitwasyon: napapabayaan ang unang duty to teach dahil sa madalas na pagsasanay to be better teachers. Kung baga, gumaganda si Ina habang gusgusin naman si Anak. Nabanggit ni Principal Myrna G. Dorado (dati ng Majayjay Elem) naiipit ang mga guro. Sinusunod ang mga order ng DepEd. Ngunit halos araw-araw may memos --- deadlines, patong-patong minsan. Pano na. Kakulangan sa edukasyon ay isa sa nagdudulot ng kahirapan. Pag may sapat na edukasyon, hindi na masyadong mailap ang magaang na buhay. Bagabag kami ang inaasahang magturo ay madalas wala, nagpapaturo. Habang naiiwan ang mga mag-aaral na walang nagtuturo. At pag may sakuna o kakulangan, magturuan dahil hindi nakapagturo. (Sa ulat ni Mona U. Clasicas)
ON FRONT PAGE.
Miss Isha Miriam Esquinas is in hospital internship preparatory to a MedTech licensure nexr year. A core leader of Kilatis 2016, Miyam cradles the NiĂąo Jesus from the altar of the family of Fr. Edizo Orina.
3
NOVEMBER-DECEMBER 2016
Tatlong Daloy ng Tubig
CLADO vs. ESMAQUEL vs. MWC Baka matagal pang maisaayos ang tubig sa Majayjay dahil sa “pagmamadali” at “pagkakaisa” ng tatlong grupong hiwa-hiwalay. At wari'y walang balak mag-ugnayan. First block: Maanghang si Mayor Clado sa mga kritiko. Kontrobersyal ang kanyang solusyon: magbenta ng metro o kontador ng tubig kahit madalang pa ang tulo. May mga naninira daw ng tubo, winawasak ang sistema. May naniniwala namang umpisa ito ng pagsasalin ng IBDC “kontrata” sa PGL (Provl Govt of Laguna), ipasa sa Laguna Water na may pangkalahatang kontrata sa PGL. Second block: Atty. Pat Esmaquel ng Gising Majayjay at PPP (at Froilan Gruezo ng Good Majayjayen-PDP Laban) na mapanuligsa at takbuhan ang hukuman. May naipanalo nang administrative case sa Ombudsman. Bitin pa ang kaso kriminal sa Sandigang Bayan. Ayon kay dating konsehal Victorio Ronabio, pipilitin daw nilang magkaruon ng closure ang mga kaso upang mailahad ang kanilang mga panukala sa pagsayos ng tubig. Third block: Majayjay Waterworks Cooperative (MWC), pangunguna ni dating Customs broker Oscar F. Zornoza. May umaaligid-ligid din sa konsepto: VM Amorado, Konsehal Vito, Pancho Vargas, Herminio Bueno. Sa mga tatlong pormal na patawag ng miting, average ang 15 nadalo sa target na isang libong miyembro. Sana nga. Kung walang sawsaw politika at ganid na kalakal, ang konsepto ng kooperatiba ang maaaring pagkasunduan ng tatlong bloke. Kaya lang, suntok pa sa buwan ang alisin o mawala. Bagkos, maraming kasanayan wala pa MWC (walang pagtutuon). Hindi malinaw kung rehistrado na sa Gobyerno ang pangangalap dahil manghihingi ng pondo upang gamitin sa pagtatatag ng private waterworks system. Ang proyekto ay gagasto ng milyones, dapat malawak ang kaalaman sa industriya ng tubig. Sinabi sa patalastas ng MWC na “…dadaloy ng malinis at maayos patungo sa ating mga tahanan na 24/7.” Liban pa, “makapag-papasok ng malaking karagdagang pondo sa kaban ng bayan.” Ang MWC ay magiging “under the supervision of L.G.U.” subalit wala pa ni isang halal sa Majayjay ang nagdeklara publiko ng pagsulong sa balak. Taliwas, pinagdiinan ng Mayor Clado sa kanyang #FlyHighMAJAYJAY, ”walang magpapagawa, magmimintina at mag-ooperate ng water system natin at wala ng iba pa. Walang PRIBADONG O ANUMANG PARTNERSHIP ANG MANGYAYARI UNDER MY LEADERSHIP.” Galit lang yata ang Punumbayan dahil nakalimutang Sangguniang Bayan (SB) ang may karapatan sa desisyon. Ang Mayor tagasunod sa utos ng SB; legislative ang taga ugma, executive ang taga gawa. Kahit bukas ang tanggapan ni Mayor kanino man, walang ugnayang mabubuo sa pinid na pag-iisip, sa pananaw na mali kaagad kapag naiba sa kanila. Latest niyang kinatuwa ang pagbisita ni Engr. Ben Mañosca, “ napakarami naming dagdag kaalaman na natutunan.” Wika ni Mayor, si Mañosca ay malawak ang alam at karanasan sa usaping tubig. Manugang ni ex-Konsehal Cesar Urcia at daw concerned citizen na kasalukuyang working sa Manila Water (may-ari ng Laguna Water).
Proseso. Pagkatapos makalikom ng sapat na lagda, “magpapatawag na ng mga bara-barangay meeting upang talakayin ang susunod na hakbang para mabuo na ang kooperatiba.” Dahil ang estimate ay P36-milyon, kailangang magkaruon ng 1,000 miyembro mang-invest ng P36,000 each. Mahirap, dahil sa kooperatiba, one person-one vote kahit gaano pa kalaki ang investment. Kaiba ng sa korporasyon. Kontrolado ng major stockholders ang boto upang sila ang magpasiya sa patutunguhan ng kanilang pera. May singit pananaw ang isang Efrenor Cordon ng Gising Mamalu (na maaaring pekeng pangalan). She/he claims Majayjay has set P83milyon for 2017 development. Set aside P15-milyon daw for Municipal Development Fund (MDF). A chunk P7.5milyon + P1milyon has been set somewhere and in three years Majayjay could raise P26-milyon to start a Water District. Nakakamangha, ni isa sa tatlong grupong ibig magtatag ay walang binabanggit na economic bases, pre-feasibity study, feasibility study o later, due diligence report. Pero meron nang project costs at sangkatutak na tubo! Patutsada. Ang pagtatag ng kooperatiba ay nagangailan ng malawak na pagsasanay, hindi lamang sa pag-intindi ng mga prinsipyo mula sa aklat o kwentuhan. Lalo na ang proyekto ay milyon ang halaga, demanding progressive management at skilled technicians. Kailangan ang suporta ng buong pamayanan. Handa bang magbayad ng karagdagang singil sa karagdagang serbisyo? Sagad hanggang magkano? Mayor Clado minaliit ang desisyon ng Ombudsman sa pagtuligsa sa kanyang mga kritiko: “HINDI NAIINOM ang kaso, HINDI napapanlaba.”100 days pa lang daw siya at matinding sagabal ang walang good financial housekeeping ang Majayjay. Dahilan daw ang katiwalian ng mga nakaraang Administrasyon. Wala namang pangako si Clado na gagawan nya ng closure ang mga kaso. Maliban sa hinimok na daw niya “ si PD Dizon at RD Golis” na “mabigyan tayo ng considerations.” Mababaw pala ang suliranin. Pwede naman palang lutasin sa barkadang usapan. Malawak ang pananaw ng mga nagsusulong sa pagbabago, mabuo ang “iisang adhikain at pinagbubuklod ang kanilang pari-parehong interes at mithiin”. Mabulaklak ngunit banaag ang kakitiran sa paggamit ng mga salitang “… mga lehitimong taga Majayjay.” Peklat pa ito ng isip tribo --segregasyon ng dati sa dayo. Maling tumulong ang taga ibang bayan o bansa? Dapat solo ang ating tribo sa mga yungib ng ating bundok? May pag-asa pa naman dahil nanindigan “…tungo sa makabagong pag-uugali at kultura na siyang magiging daan at gabay sa pagbabago sa sarili at kabuhayan. Pagbabago mula sa makalumang pananaw, prinsipyo at tradisyon…”
Anywhere sa mundo, Read HALIMAW NEWS Digital Edition FREE
(Pinagsanib na ulat)
www.issuu.com/halimawnews
4
NOVEMBER-DECEMBER 2016
Liliw Tsinelas
Tsampyon, Pinoy! Taunang ang “Liliw Gat Tayaw Tsinelas Festival”, masaya ang mga store owners sa pagtaas ng kita sa tulong na rin ng print media at telebisyon. Marami ang dumayo ng Liliw upang matunghayan ang ipinagmamalaki ng bayan.
Ang tsinelas kailanman ma'y di nawawala sa uso; bagkus, patindi pa ang gamit sa iba't ibang antas ng mamimili. At ang makikta mong collection sa Liliw (Laguna) ay wala sa mga mall ng Metro, kahit ang bayang ito ay two hours drive lang from Manila. Itong footwear industry ay naging eksklusibong attraction ng probinsya, lalo na sa mga turista. Liliw ang Footwear Capital of Laguna, dinarayo ang mga bagong disenyo ng slip-ons, sandals at slippers. Lalu na kapag summer tsinelas festival at Christmas.
Ms. Aida Reyes
Umpisa. Nagsimula ang industriya kay Casiano Pisueña, taong 1931. Nag-eksperimento gamit ang bunot (coconut husk) sa tsinelas, ibinenta sa mga kaibigan at kapitbahay. Naging maganda ang pagtanggap nila dito. At sumunod na ang Dimasira Footwear na siyang nagpatanyag sa tsinelas na gawa sa Liliw. At sabi nga, the rest is history. Ang magandang kalidad ng tsinelas at sapatos ng Liliw ang palagiang batayan ng mga manggagawa. Hindi matawaran ang pagiging masinop nilang paglikha ng mga produkto na naayon sa panahon. Ito
Guarantee letter for x-ray sa Laguna Diagnostic · P1000 for confinement assistance at burial assistance · (Ang perang galing sa STL ay purely ginagamit para sa gamot at ospital. Ang mga senior citizens at PWDs (persons with disability) may pondo).
Dito mahalaga ang paliwanag ni Ms. Aida Reyes sa serbisyong bayan ng Municipal of Social Welfare and Development (MSWDSangay Majayjay, Laguna). Basta kumpleto ang mga dokumento, nagbibigay ang MSWD ng agarang tulong: · P500, para gamot ng out-patient
Paniwala. Isa sa mga naging tatak ng Liliw ay Badong Footwear, nasiunang tatag ni Salvador “Badong” Monteiro. In business for 50 years, 1980 lang pinangalanang Badong Footwear. Matindi ang kompetisyon, lalo na mula sa China. Ngunit naniwala si Mang Badong sa magandang quality ng gawang Pinoy. Ito'y sa kalamangan ng local goods na di kayang gayahin ng Tsina. Para kay Mr. Monteiro, ang tagumpay ay di matutukoy sa kayamanan o pera lamang. Mas makinang na mahal mo ang ginagawa at nakapagbibigay pa ng pangkabuhayan sa Laguna. (Ulat ni Joyce Brofar)
MSWD MAASAHAN ·
Ang laging natulong minsan taken-forgranted; hindi nabigyan ng angkop na pansin.
ang naging pangunahing ikinabubuhay ng mga tao dito; patuloy naman ang pagtangkilik ng mga mamimili.
Halimbawa, ang kaso ni Celia Baltazar ng Barangay Coralao na namatayan ng anak. Ang tatlong libong (P3,000) iniabuloy ni Mayor Clado ay galing sa DSWD, parte ng municipal aid funds ng Mayor. Pumayag sila na maibigay ito kahit walang death certificate dahil sa usapin ng malaking sinisingil (P45,000 plus) ng Balubayan funeral services sa dukhang pamilya ni Celia. Pinayuhan nila si Aling Celia na magbigay na lang ng certificate of indigency mula sa barangay. Sa ganito, naibigay ang tulong mula sa LGU. Patunay na bukas ang MSWD sa pagtulong, mismo sila ang naggigiya upang
Anywhere sa mundo, Read HALIMAW NEWS Digital Edition FREE
maaruga at mabigyan kaalaman ang may pangangailangan. Si Conchita naman ay isang palaboy, wala sa tamang pag-iisip. Umulan o umaraw, arawaraw, laging nakaupo sa may highway ng Barangay Coralao patungo Liliw. Matagal na daw kinoordinate ng MSWD kay Barangay Kapitan Glenn ang dokumento para madala sa mental hospital si Conchita. Handa ang MSWD magbigay ng tulong pamasahe upang maayos ang kalagayan nitong babaeng may kapansanan. Nagtataka ang DSWD sa wari'y kibit balikat lang ang barangay sa suliranin. Niliwanag din ni Ms. Reyes na si Aubrey Coria ay DSWD staff, in-charge sa TESDA training sponsored ng DSWD. Kung baga, ang handaan ay sa DSWD, TESDA lang ang cook. Muli, ito ay DSWD project na livelihood training sa mga out-of-school anak ng 4Ps benefeciaries. (Sa ulat ni Mona U. Clasicas)
www.issuu.com/halimawnews
5
NOVEMBER-DECEMBER 2016
Merry Christmas & Happy New Year
Celebrate your special occasion
FARMACIA LIMQUICO
We customize menus to fit your budget
EMCOR Catering & Function Hall
P. Origuel St. Majayjay
•GENERICS MEDICINES •BRANDED MEDICINES sa mas murang halaga “The pharmacy that Majayjay trust through the years...” SINCE 1910
Merry Christmas and Happy New Year
Blumentritt St. Majayjay Tel. (049) 5032212 Email: aidastationmart@yahoo.com Anywhere sa mundo, Read HALIMAW NEWS Digital Edition FREE
www.issuu.com/halimawnews
6
DECEMBER 2016
ANAK NG PULIS Sa Camp Paciano Rizal, Bagumbayan, Santa Cruz, siyam na outstanding police officers ang pinarangalan: PO2 Edgardo H. AL AMORADO Carandang(26 taong serbisyo), SPO1 Omar R. Balmas, PO Gerard V. Gacott, PO2 Lotta G. Secondez (lahat San Pedro City PS), PSINP Lope C. Liwanag, SPO2 Ferdinand Landicho, PO3 Florean M. Buhay, PO3 Michael M. Conde, PO1 Rex Divinagracia (lahat Victoria PS) . Iba't ibang kabayanihan, bawat isa'y nagtaya ng buhay sa panunungkulan, lahat pagtungkol sa Oplan Tokhang na sentral sa paggupo ng Pamahalaan sa illegal drugs --- salot sa pamayanan, lalo sa kabataan at kinabukasan. Pinanguluhan ni Laguna Director Senior Superintendent Joel Cuaton Pernito ang awarding; kasama sina Deputy Andres Simbajon, Jr (Chief-Admin) at Deputy Pastor Castillo (Chief-PCR) sa kaganapan nuong October 17th flag ceremony kasanayang idinaraos sa kampo. Kasanayan ring umimbita ng guest speaker, gaya ngayon ni Alfredo P. Amorado, CEO ng Ace Logistics sa Maynila at APA Farms sa Majayjay. Ang hindi inaasahan, ang “hugot” ni Amorado ramdam ng lahat na galing sa puso, saloobing may pinagdaanan. Alam ng marami na si “Al” ay laging napaglalambingan ng tulong. Minsan ok, minsan pass muna. Ngunit pagdating sa
HONOR GUARDS
kapulisan, hinahanapan ni Amorado ng kakayahang mapagbigyan. Marami, nandyan ang isang malaking tent upang masilungan ng mga pulis na nagsasanay sa wastong paggamit ng armas (Kahit nga walang imik, nagpadala siya ng tig-P5,000 sa bawat awardee na dumalo sa seremonya). Bakit kiling siya sa pulis? May kimkim bang takot si Al? May pinaghahandaan? Ang sagot ay wala sa ngayon; naruon sa kahapon. At makikita lamang sa paningin ng pusong nagmamahal din, ng saloobing takda ng nasiunang gawi. Hindi ang ako-ako sa ngayong henerasyon, kundi sa atin-atin ng nakaraan. Lumaking said sa pangangailangan --- baka paalisin dahil hindi sila makaupa sa bahay, masinop upang matustos ang pag-aaral ng mga kapatid. Laging nangangalap ng paraang makaahon. Hindi ang madali ang hanap kungdi ang mas maalam na pagkakataon. Saan ang pinagkunan ng ugali? Sa ina --- modista na pinagkakasya ang kapos mang biyaya. Sa ama--- na hindi sinalahula ang katungkulan. Napalaki ang magkakapatid sa marangal kahit dukhang pamamaraan. Si Al ay hindi lang nakatingin sa pinanggalingan, duon pa rin ang ugat ng kanyang sa ngayon. Sa isang lumang kwadro, naruon ang limbag ng kabayanihan ng kanyang ama sa tungkulin --- isang pulis na ang tanging yaman ay dangal: makabuluhang pamumuhay, hindi maragyang antas mula sa pagsasamantala. Pambihira ang halimbawa ng pumanaw na Cpl. Sofronio A. Amorado. Pambihira din ang pagmamalaki ng super achiever na anak--- taas-noo, siya'y anak ng pulis.
OUTSTANDING OFFICERS
Anywhere sa mundo, Read HALIMAW NEWS Digital Edition FREE
www.issuu.com/halimawnews
7
NOVEMBER-DECEMBER 2016
PASAWAY SA PASKO Bawat regalo sa pasko, basura ang naibabahagi sa kalikasan. Huwag na sa binalot, sa pambalot na lamang: papel at plastic, ribbon at foil, tali o tape, mga daang taon bago magunaw. Wala namang “throw-away.” Dahil ang lahat, nasa loob pa rin ng mundo. Paikot-ikot lang. Landslide, sa mga basurang nagpahina ng lupa. Baha, sa sobrang tumpok sa Metro Manila. At sa inanod sa dagat, patay na bahura, isda at ibang buhay marina. Sa mga sekretong proseso ng Pamahalaan (ng US sa Clark, Subic) at Big Business, nakalalasong kapaligiran. Ipinaglilihim pa sa pamayanan. Ang Barangay Bukal ay mini “Ayala” na sa naggagandahang bagong tayo. Mabuti hindi nagpapatalbugan ng swimming pool. Sobrang ginaw pa kasi ng tubig kaya hindi pa
Merry Christmas Happy New Year!
mauso. Sa dami nga ng mga bahay, isa lang ang may swimming pool at halos taunan pa ang gamit. Ngunit mayruon bagong bahay nagpapahukay na ng swimming pool. Tonelada ang chemical na isasaboy sa kapaligiran kapag naglilinis o nagpapalit ng tubig --- sipsip ng lupang halamanan sa pagdadaluyan. Unti-unti na ring nauunawaan ang pagkitil sa lupa kapag kemikal ang pinangpatay sa damo at hindi gamas. Malalaking taniman na lamang ang nagamit ng kemikal dahil sa pagtitipid. Ngunit sa gayong gawi, biktima ang kanait --- ang mahirap.
Kahit mga paslit at mag-aaral sa BESchool ay kapansin-pansin rin ang kakulangan sa turo. Tapon dito, siksik duon ng mga balot ng pinagkainan: wrapper, foil, styrofoam, plastic. Tuntunin ang dinaraanan ng mga bata, mismo makikita ang kalat. Bihirang pamilya din ang iniimpok ang lumang baterya at bombilya dahil nakalalason sa kapaligiran kung itatapon kahit saan. Ang madalas ipunin ay bakal at babasagin, dahil maibebenta. Sa ibang sukal, bahala ang basurero isaayos ang dumi --- ayon sa batas, kalusugan at kapaligiran. At katamaran.
Kapag patay na ang lupa, iiwan. At sa ibang lugar uulitin ang proseso ng “pagtitipid.”
from
Happy holidays! Mr. Felix & Mrs. Marie Opinion
Anywhere sa mundo, Read HALIMAW NEWS Digital Edition FREE
www.issuu.com/halimawnews
8
NOVEMBER-DECEMBER 2016
#FlyHigh Majayjay
The Hon. Mayor Jojo Clado Lady Darlene nee Esquillo and children Ayan & Jaja
lideratong marangal
SANGGUNIANG BAYAN
Hon. Edison S. Reyes, Hon. Efren T. Bituin, Hon.Edgardo S. Zornosa, Hon. Celestino Norman O. Soto, Hon. Maria Thess A. Melendez, Hon. Pia M. Ceria, Hon. Margarito P. Gripo
Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon Anywhere sa mundo, Read HALIMAW NEWS Digital Edition FREE
www.issuu.com/halimawnews
9
NOVEMBER-DECEMBER 2016
la cosina antonio
Maligayang Pasko Celebrate with our amenities Masaganang Bagong Taon
Enjoy our
J.P.Rizal, Barangay Sta. Clara Norte, Pila, Laguna Inquiries and Reservation: SUN: 09258686776 PLDT: 09495595033 email: lacosina_antonio@yahoo.com
Happy Holidays!
BLESSED FAVORED CENTER Origuel St. Majayjay
w/ photo
Mr. & Mrs. Tonee & Rina Duller with Anton & Bettina-Toni
PRAYER and PRAISE: 7:00-9:00 pm (Tuesday) YOUTH SERVICE: 7:00-10:00 pm (Friday) WORSHIP CELEBRATION: 9:30-11:30 am (Sunday)
PTR. JOELER DELA CRUZ SEGURA
PTR. JONEL FRANCIA MERCURIO
Head Pastor
Youth Pastor
Anywhere sa mundo, Read HALIMAW NEWS Digital Edition FREE
www.issuu.com/halimawnews
10
NOVEMBER-DECEMBER 2016
Delicious, healthy, affordable food Delicious, healthyand andfresh affordable for you and Foryour you family…. and family….
Wishing you a joyous Holiday Season, a most prosperous and healthy New Year
KIMAHRI JAPAN SURPLUS
Mauricia G r o c e r y Bonifacio St. Brgy. Sta. Catalina, Majayjay, Laguna
Call 09278862392
PEACEFUL CHRISTMAS and
PROSPEROUS YEAR
BATCH ‘81 ST. GREGORY ACADEMY MAJAYJAY, LAGUNA
Lingkod Pamayanan sa Kabataan
Kilatis 2016 Project Mabujay/MAID
Anywhere sa mundo, Read HALIMAW NEWS Digital Edition FREE
www.issuu.com/halimawnews
11
NOVEMBER-DECEMBER 2016
Sa Maraming Barangay
TISAY MURA, NAGLALAKI Iniinda na ng maghahalaman ang pagmura ng namumuting Baguio o French beans. Bansag dito ay “tisay,” namumuting beans; minsan, apple green na dapat sana'y berdeng-berde. Bagsak presyo nito labis kalahati ng “normal” beans. Ayon sa mga viajero, ayaw daw ng buyers ang ganuong kulay. Madaling mabulok at matumal sa palengke. Ayaw din ng mall. Ang beans ay mga P600 per kilo ang binhi na aani sa loob ng 45 days. Gamas, pataba, spray, lastay at ibang gawain ang pagkakagastuhan muna. Subalit pag nag-apayaw (fog), laglagan ang mga bulaklak at kakalawangin (leaf spot complex) ang puno. Wala nang maayos na puputihin, bagkos maagang namamatay ang puno. Sa ampalaya naman, problema ang pangungulot: “naglalaki” na ang talbos ay natigas. Nabunga pa rin pero pinakamarami na ang tatlong piraso (na sa maswerte, hanggang 20 kilos). “Nangangawayan” kapag nakulot ang dulo, nagapang subalit lahat ng dulo ay nakatungo, nakalawit. Hindi na namumunga, dapat pinapatay para hindi manghawa. Maliban pa, may “saksak walis” (fhompsis blight) na nagkakaruon ng brown spots ang dahon. Nabubulok ang dahon, patungo sa puno na rin. Nagbabaka-sakali na maampat sa madalas na spray ng systemic fungicide (tatluhang araw na spray imbes lingguhang lang sana). Kaya lang, nagmamahal ang saka at nahihirapan maisampa sa puhunan.
maligamgam na tubig o ibinibitin upang mahanginan. Kaiba naman ang film coated seeds, mga binhing binalot sa polymer binder at may fungicide para depensa sa pathogens. Iba't iba ang kulay upang madaliang malimi kung anong binhi. Hindi na rin dapat ibabad pa ang film coated bago itanim. Mayruon ding prosesong seed encrustment, mga binhing may powder pesticides at micronutrients upang bumilis ang tubo na magkakasing-laki. Depende sa diskarte ng bawat maghahalaman. Kaya lang, laging bantay sarado laban sa nagnanakaw ng punla. Nabiktima na si Ronnie Estebal at Cris Brosas duon sa San Roque. Tinakpan pa nila ng saha upang hindi malanta ang ipinunla. Inaruga upang lumitaw ang sungot. Kaya lang, naunahang nakawan ng mga asungot. Tanggap ng mga maghahalaman ang risgo ng pagtatanim. Parang jueteng, paswertehan din laban sa panahon, sa bagsak at akyat ng presyo. Na diktado naman ng akyat at baba ng ani sa ibang lalawigan at pasok ng importasyon. Palubag-loob sana sa suliranin kung may imik ang Municipal Agriculturist.
Mahal ang buto o binhi ng ampalaya, mga P1,700 kada lata na 100 grams. Binabalot muna sa basang basahan sa loob ng 4 o 5 araw para “pumutok” (germinate) upang maitanim. Bago balutin, mayruong nagbabaon muna sa lupa o binababad sa
Anywhere sa mundo, Read HALIMAW NEWS Digital Edition FREE
www.issuu.com/halimawnews
Brgy. Coralao, Majayjay, Laguna
FARM FRESH, QUALITY ASSURED
Special Pasalubong, Quality Guaranteed “Ubod” ng Atchara
Bee My Honey
selected and pickled from organic coconut trees dressed with carrots, bell pepper, garlic, ginger.
from busy, stingless, wild bees (naiwan) gathering pollen from Mount Banahaw
Turmeric Powder
Majayjay “Lambanog”
relaxing turmeric tea made from dry Turmeric Rhizomes which exhibit a wide range of medicinal activities
harvested daily from organic coconut trees to produce the purest Lambanog of its class
ALFREDO WILD BERRY WINE handpicked wild berries (Lipute) from
Red Hot Mama
the foot of Mount Banahaw Majayjay
sizzling hot sauce with coco vinegar, naturally grown chili from the foot of Mount Banahaw