Huling Gabing Paglunod Shekynah Angelene Samadan
Nangangati na ang aking mga paa sa dumi ng tubig bahang lumamon sa aming lapag. Pabalik-balik na ako sa tindahan ni Aling Lolit upang bumili ng panibagong posporo dahil ‘yong una kong nabili ay nadulas sa aking kamay at tuluyang nabasa na sa maruming tubig ulan. Hindi ko naman kasi mautusan itong si Anne, baka magka-leptos daw sabi ng mama. Bata pa raw kasi at mahina pa ang resistensya niya, baka kung ano ang mangyari. ‘Asan nga ba kasi sila? Wala pang ulan noong umalis sina Mama at Papa. Huling tawag nila sa akin, nasa gawing talampakan pa lang ang baha. Naka-loud speaker sa may taas ng lamesa ng sala ang cellphone upang pakinggan ang kanilang mga bilin. “O, Jesse. Ikaw ang nakakatanda d’yan sa inyong dalawa ni Anne. Bantayan mo s’ya, huwag mong hayaang sumulong sa baha. ‘Pag yan nagkasakit, mayayari ka talaga sa ‘kin,” binalaan ako ni Mama. “Baka mamayang gabi pa kami maka-uwi diyan. Mag-ingat kayo. Huwag mo sayangin ‘yong baterya ng selpon mo ah!” Bukas pa noon ang TV sa aking likuran upang mapakinggan ang bawat ulat tungkol sa bagyong lalakas pa ngayong hapon. Kaya eto, naghahanda na ako at nagre-reserve ng baterya para matawagan nila ako mamaya. Daanan naman talaga ng bagyo ang Pilipinas kaya para sa akin, hindi na ako ganoon ka-takot. Kaso, ang inaalala ko lang ay si Anne at yung mga gamit: yung TV, washing machine, at pucha… yung ref pa pala! Ano ba ‘yan! Sobrang bigat no’n buhatin, ni si Papa nga eh hindi iyon mabuhat. Dali-dali naman akong pumunta sa nakasalpak na cellphone sa pader. Binuksan ko ang messaging app para balitaan sila. Ako: “ma, pa, pano yung ref?” di namin mabuhat ni anne.” Papa: “sandali… patulong tayo kay pareng ed… txt q lng.” Huh. Si Manong Ed. Sa totoo, wala akong masyadong alam sa kanya. Siya kasi yung tipikal na tahimik na matanda, ngunit, mukha naman siyang hindi ganoong kulubutin o anuman. Siguro nasa bandang sixty o seventy ang kanyang edad? Nakikita ko pa ngang mag-jogging ‘yon minsan tuwing bukang-liwayway. Laging paikot-ikot sa street namin, may dalang tubig at
121