Ang Linggo ay Dumugo Shekynah Angelene Samadan
Alas nuwebe ng umaga Nagsisigawan sila May dugo galing sa dibdib Katawa’y kinaldagan Binasahan Pero sino ang basura Kung hindi ang naka asul Sa kadiliman ang kabuhayan Gatilyo’y kinamot, walang binayaran Tanda ko pa, “Apo ni Bonifacio!” Sigaw ng iyong dibdib Tansong Mariah ang nakakita May basbas ng langit ang iyong mga salita “Sa huli ang singilan, sa una’y digmaan” Batid ng aking isipan Para sa nagdududa Noon pa nagsimula ang gera Hindi ito ligaw na bala
58