Hasik at Ani, 1st Semester SY 2014-2015

Page 1

hrcbeads.blogspot.com

TOMO II BILANG 2 - SETYEMBRE 2014

Isang pagtingin sa kontrobersyal na gawad

Isang pag-uulat sa makasaysayang pangyayari

Isang paggunita sa araw-araw na gawain ng isang mag-aaral

Komprehensibong pag-uulat ng mga resulta

LARAWAN NI JOHN LOYD DE TROZ

DALAWANG patimpalak ang isinagawa sa sa Holy Rosary College bilang pagdiriwang ng Buwan ng Wika na may temang “Filipino: Wika ng Pagkakaisa.”

Noong ika - 30 ng Agosto, idinaos ang The Voice: Ang Tinig ng Rosarian sa Gymnasium ng Holy Rosary College. Ang nasabing programa ay sinimulang isagawa noong isang taon upang ipagdiwang ang Buwan ng Wika. Tanging Orihinal na Awiting

Pilipino o OPM na naisusulat sa wikang Filipino lamang ang maaaring awitin ng mga kalahok. Hinati ang sampung kala hok sa dalawa ng pangkat. Ang unang pangkat ay binuo nina Jonah Mendoza ng Priestley, Tracy Esteban ng Curie, Harvey

Barrientos ng Joule, Coleen De Matta ng Newton, at Nicole Cañete ng Newton. Para sa ikalawang pangkat, binuo ito nina Martina Paco ng Edison, Alyssa Malapitan ng Newton, Dominique San Jose ng Curie, Natasha Vierneza ng Kelvin, at Mara Dulog ng Newton.

Ang mga inimbitahan upang maging hurado ay sina Engr. Leo de Luna, miyembro ng MAPUA Concert Singers, Bb. Cess Galda, mula UP Diliman College of Music, at Bb. Cherry Mae Miranda, dating guro ng Musika at konduktor ng Koro Rosario.

Habang hinihintay ang mga resulta ng patimpalak, naghandog ang HRC Dance Company ng isang natatanging pagtatanghal. Si Rey Matthew Malabuyoc, kampeon ng nasabing patimpalak noong isang taon, ay nag-alay rin ng isang

Buwan ng Wika >>2

‘Glenda’, hinagupit ang bansa

Patupat, wagi sa Korea, China

Ni Mara Dulog at Rollan Parakikay

Ni Steven Ilagan at Vanessa Tapay

NOONG nakaraang Hulyo, nagkaroon ng malawakang pagsuspinde ng mga klase dahil sa banta ng bagyong 'Glenda'. Mayroon itong lakas na 135 kph nang makapasok ito sa teritoryo ng bansa. Lubos na naapektuhan ang National Capital Region (NCR), timog na bahagi ng Luzon at silangang bahagi ng Visayas. Maraming bahay at istraktura ang nasira. May ilang parte rin ng bansa ang binaha.

NANALO ng gintong medalya si Albert John Patupat sa 2014 Korea International Mathematics C ompe ti ti on (K I M C ) noong Hulyo habang nakapag-uwi naman siya ng bronze na medalya sa China Western Mathematics Invitational (CWMI) Contest noong Agosto.

LARAWAN MULA SA PHILSTAR.COM

Isa ang Laguna sa mga lalawigang nasalanta nito. Dahil dito, sinuspinde ni Gobernador Ramil Hernandez ang mga klase sa lahat ng

antas sa buong Laguna mula Hulyo 15 hanggang 18. Hulyo 15, 16 at 17 ang orihinal na iskedyul ng unang

’Glenda’ >>3

Gold sa KIMC Si Patupat, mag-aaral ng Grade 9 Priestley, ay isa sa

Para sa mga karagdagang balita, sundan ang opisyal na Twitter at Facebook accounts ng The Beads.

dalawang kalahok na nakakuha ng gold sa KIMC noong 21-26 ng Hulyo 2014 sa Daejon, Korea. Ito ay may tatlong kategorya, ang individual, isang test type na paligsahan, ang Group, pinagsamang individual scores ng grupo, at team, isang puzzle type na paligsahan. Ang mga kagrupo ni Patupat na kumatawan sa bansa ay sina Clyde Wesley Ang, Kelsey Liong Tiong na parangal sa KIMC. Soon, at Andrea Jaba. Kapwa tig-isang gold Ang Pilipinas ay ang nakuha ni Patupat at nakakuha ng kabuuang 39 Patupat >>3

LARAWAN NI ALORRAH PETRAS

Ni Steven Ilagan, Rollan Parakikay, at Vanessa Tapay


Tagawasto: Steven V. Ilagan · Tagalapat: Vanessa M. Tapay

2

Buwan ng Wika... <<1 | awitin. Sa huli, hinirang na kampeon si Dominique San Jose samantalang si Mara Dulog ay first runner-up at si Harvey Barrientos ay itinuring na seconnd runner-up.

Halina’t Magbasa

LARAWAN NI JOHN LOYD DE TROZ

MAKABAYAN Department, pinangunahan ang pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon Ni Rollan Parakikay at Lexter Macalber ANG Nutrition Day ng Holy R osa ry Coll eg e, sa pangunguna ng Makabayan Department, ay ginanap noong ika-25 ng Hulyo para sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon. Ito ay may temang "Kalamidad Paghandaan: Gutom at Malnutrisyon Agapan". Sa araw na iyon, isinagawa ang tatlong paligsahan kung saan ang bawat isa ay

dapat akma sa nasabing tema. Ang isa roon ay ang pagluluto, kung saan ang bawat klase ay hinati sa tatlong grupo at ang bawat antas ng sekundarya ay may sarisariling iluluto; ang pangalawa ay ang paglaban sa pagsasanay sa pagguhit ng larawan; at ang pangatlo ay ang paglaban sa pagsasanay sa paggawa ng "essay" na Filipino. Sa pagguhit ng larawan at paggawa ng essay, tig-isang estudyante lamang

ang pwedeng sumali sa bawat klase. Ginanap ang paligsahan sa pagluluto sa Gymnasium at sa silid-aklatan naman ginanap ang paligsahan sa pagguhit at paggawa ng essay. Iba-iba ang niluto ng bawat estudyante. Sa first year ay siomai, sa second year naman ay "meat balls", ang third year naman ay burger at ang fourth year ay pasta. Nanalo si Jhohan Caguia, isang estudyante

galing sa IV Einstein, sa paligsahan sa pagsulat; at si Gian Ludvig Reyes, isang estudyante ng II Darwin, naman ang nanalo sa pag guhit. Ang nanalo sa first year sa paligsahan sa pagluluto ay ang ikalawang grupo ng Edison at ikalawang grupo ng Linnaeus naman ang nanalo sa second year. Ikalawang grupo ng Dalton ang nanalo sa third year at ikatlong grupo naman ang nanalo sa fourth year.

HRC, pinaigting ang laban kontra bullying

LARAWAN NI ALORRAH PETRAS

Ni Mark Cyrus Macha ILANG aktibidad ang naganap sa Holy Rosary College para sa nakaraang buwan ng Hulyo na Anti-Bullying Awareness Month. Dalawang seminar na pinamunuan ng ParentTeacher Association ang ginanap sa paaralan na tumalakay sa bullying at sa pa-

ghahadlang nito. Nabuo rin ang samahang Child Protection and Anti-Bullying Committee (CPC-ABC) na tumutulong sa pagpapatupad ng AntiBullying Policy. Sa naganap na Trainer’s Training on Child Protection and Anti-Bullying noong ika-12 ng Hulyo, tinalakay sa mga miyembro ng CPC-ABC, na binubuo ng ilang mga guro

at mag-aaral, ang Antibullying Policy. Layunin ng mga nasabing kaganapan na magkaroon ng kaalaman ang mga mag-aaral, guro at magulang sa mga nagaganap na pambubully sa paaralan at palawakin ang kanilang kaalaman ukol dito upang mapigilan itong mangyari. Sa Anti-Bullying Seminar na naganap noong ika-14 ng

Hulyo, tinalakay sa mga estudyante ng Grade 9 at Fourth Year ang konsepto ng bullying at ibang mga kaugnay na termino. Ipinaliwanag din ang mga batas na nauugnay sa paghahadlang dito. Nagkaroon ng ilang aktibidad kung saan tinalakay ng mga mag-aaral kung ano ang gagawin sa sitwasyon ng pambubully.

Ang Library Club ng Holy Rosary College ay nagsagawa ng Halina't Magbasa noong ika-29 ng Agosto. Ito ay isang paligsahan sa pagbasa ng kwentong pambata na layong iplaganap ang importansya ng pagbabasa sa mga bata. Dalawampu’t isang mga mag-aaral ang sumali sa patimpalak. Namili sila ng babasahin mula sa mga sumusunod na kwentong pambata: "Nakatulong din si Langgam", "Matayog na pangarap", at "Si Itim".

Noong Agosto 28, sila ay dumaan sa elimination round kung saan sila ay hinusgahan nila Reginald Lunar, Exterior President, Mara Dulog, Interior President, at Gielarmi Requina, Interior VicePresident. Labing-tatlo ang nakapasa para magbasa sa huling paligsahan noong August 29 na isinagawa sa harap ng mga mag-aaral ng Baitang 4, 5, at 6 sa Audio Visual Room ng paaralan. Sa huli, nanalo bilang k am p eon si na Al yss a Manalang at Trisha Chawla ng Dalton, habang first runner-up naman sina Paola Dichoso at Tyron Yanza ng Einstein. Ang Kid’s Choice Award naman ay ibinigay kay Ammiel Leoncio ng Newton.

Anti-Bullying Policy, inilahad sa komunidad Ni Jeanine Lataquin, Steven Ilagan, Mark Cyrus Macha, at Rollan Parakikay ANG Holy Rosary Collegee (HRC) ay nagpanukala ng sarili nilang AntiBullying policy na siyang ibinatay sa Batas Republika Blg. 10627 upang pangalagaan ang karapatan ng bawat mag -aaral at maaaring kahihinatnang parusa ng isang bully. Isinasaad ng patakarang ito ang depinisyon ng bully, anu-ano ang mga paraan ng bullying, at sinu-sino ang mga sangkot sa bullying. Isinaad din dito ang mga hakbang ng isang paaralan upang maiwasan ang kasong bullying. Nakasaad din ang tungkol sa maling akusasyon ng bullying. Kapag ang mag-aaral ay nagsumbong nang kasinungalingan sa kinauukulan, ang mag-aaral na iyon ay paparusahan base sa batas ng paaralan. Sa hulihan ng Child Protection Policy ng HRC ay mismong nakasaad ang RA 10627 o Anti-Bullying Act of 2013. Nakasaad sa Implementing Rules and Regulations of RA no. 10627 ang mga

depinisyon, saklaw at layunin ng nasabing pataka ra n, a ng mga ipinagbabawal na gawain, ang mga programang kailangang gawin ng paaralan upang maipalaganap ang kaalaman tungkol sa bullying at sa pagpigil dito, at ang aksyon at responsibilidad ng paaralan sa mga kaso ng bullying. Isinasaad din dito na ang mga guro at mag-aaral ay nararapat na tumulong sa pag-iwas at pagsangguni ng kahit na anong may kaugnayan sa bullying. Ang mga taong res p o n s a b l e s a pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa bullying sa HRC ay ang mga sumusunod: Ms. Myla Pauline Pecson, School Administrator, Ms. Marietta Bartolazo, Principal, Ms. Maribel Mabilangan, Guidance Counselor, Mr. Gil Pambid, Human Resources Officer, Sir Adolf Ibayan, Parent and Teachers Association President, Reginald Lunar, Student Government Vice-Mayor, Mr. Valentino Carreon, Makabayan Club Coordinator, Ms. Liza Del Castillo, Special Education Department Coordinator, at Ms. Nancy Zaide, Elementary Intermediate Level Coordinator.


Hasik at Ani Agosto 2014

3

BALITA

‘Glenda’...

LARAWAN NI ALORRAH PETRAS

<<1 | buwanang pagsusulit at Hulyo 18 naman ang pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon. Ang sumunod na linggo, mula Hulyo 21 hanggang 25, ay nakalaan dapat sa pagsasagawa ng taunang Intramurals ng paaralan, ngunit upang mabigyan ng panahon para ayusin ang paaralan mula sa pinsalang ginawa ng bagyo, halos isang buong linggong walang pasok.

Nalipat ang iskedyul ng mga pagsusulit sa Hulyo 2325 at nagkaroon ng pasok noong Hulyo 26, Sabado, bilang kompensasyon at sa araw na ito naganap ang pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon. Nalipat sa sumunod na linggo ang pagdiriwang ng Intrams. "At least nakapagaral pa," ayon kay Wennina Siguenza mula IV-Newton. "Ang problema lang nakaka-

bagot sa bahay! Halos nakatunganga na lang ako nung mga araw na iyon." Ngunit noong tanungin kung natuwa pa si Siguenza sa pagkakaroon muli ng suspensyon ng klase noong Hulyo 22 dahil sa banta ng habagat, aniya, "Hindi na din. Kasi para matapos na dapat yung pagdurusa namin."

Earthquake and Fire Drill, ginanap Taunang career seminar, isinagawa Ni Mark Cyrus Macha at Jeanine Lataquin MULING idinaos ang taunang “Earthquake and Fire Drill” noong ika-28 ng Hulyo, ganap na ala-una ng hapon sa Holy Rosary College. Mangilang beses na nag -ensayo ang mga mag-aaral upang lubos na mapaghandaan ang ipapakita sa mga opisyal ng pulisya ng Santa Rosa na magbibigay-grado sa paaralan. Ilang mga guro at opisyal ng CAT ang siya ring gumabay sa mga mag-aaral para sa mas organisado at mas maayos na “Earthquake Drill”. Sa mga oras ng paglindol, may ilang mga paraan ang inirerekomendang gawin

upang malampasan nang ligtas ng lahat ang kalamidad na ito. Isa dito ang tinatawag na “Duck, Cover and Hold”. Kinakailangang yumuko at magtago sa ilalim ng anumang bagay na pwedeng maprotektahan ang ulo katulad ng mesa o upuan habang tinatakpan ito gamit ang mga kamay. Ang pagtatakip sa ulo gamit ang mga kamay ay ginagawa nila hanggang makalikas. Isang head count naman ang ginagawa pagkatapos makalikas upang malaman kung nakalikas ang lahat ng taong nasa loob ng gusali o a nu ma ng e s ta bl is yamyento. Ang pagpigil sa pagkataranta sa mga sitwasyong ganito ay inirerekomenda ring gawin upang

mas maging alerto at handa sa mga pwedeng mangyari, sabi ng ilang mga guro. Sa simula ng aktibidad, tumunog ang “bell” na naghudyat na mayroong isang lindol na naganap. “Duck, Cover and Hold” ang unang ginawa ng mga estudyante hanggang sa matapos tumunog ang “bell”. Pagkatapos ng tumunog ang "bell", ang mga estudyante ay lumabas nang nakalinya. Pagkatapos, nagmadali silang lumikas sa isang lugar na hindi malapit sa mga gusali at kung saan hindi sila mababagsakan ng mga bato. Nagsiupo ang mga estudyante pagkaraang nakarating sa lugar na lilikasan at nag“head count” ang isang kinatawan mula sa bawat klase.

HRC Interact Club officers, hinirang sa Rotary Club Induction Ceremony

LARAWAN NI SHANE YOLOLA

Ni Vanessa Tapay at Jeanine Lataquin NITONG ika-28 ng Hulyo, tatlong mga batang propesyonal na Rosarian ang nagbigay-inspirasyon at payo sa mga mag-aaral ng ikaapat na antas upang kanilang ganap na mapaghandaan ang nalalapit nilang pagsabak sa mundo ng kolehiyo. Unang nagsalita at nagbigay payo ang ngayo'y flight attendant na si Maria Genevieve Franz Santiago na nag-

tapos sa Holy Rosary College noong taong 2006. Sumunod naman ang ngayo'y Chemical Engineer na si John Dhaeyvid Laserna na nagtapos bilang class valedictorian sa Holy Rosary College, taong 2008, at Magna Cum Laude sa Unibersidad ng Pilipinas; at ang huli namang nagsalita ay si Dr. Angelo Parao na nagtapos sa Holy Rosary College taong 2004. Bukod sa pagbibigay ng payo, sila din ay nagbahagi tungkol sa kanilang kurso,

mga bagay na dapat isaalangalang sa pagpili ng kurso at mga bagay na pwedeng gawin upang makatulong sayo sa pag-graduate ng kolehiyo at sa paghahanap ng trabaho. Ang aktibidad na ito ay isa sa mga taunang isinasagawa para sa mga mag-aaral ng ikaapat na antas bilang bahagi ng klase nila sa Speech sa ilalim ng paggabay ni Bb. Maria Glenda Basaca. ■

Patupat...

LARAWAN MULA KAY BB. EVELYN LARANGA

Ni Steven Ilagan at Vanessa Tapay DUMALO ang Interact club ng Holy Rosary College (HRC) sa 21st Club Turnover and Award Ceremony at 22nd Club Induction ng Rotary Club of Santa Rosa noong August 11 sa Santa Rosa City Hall. Ang programang ito ay para sa induction ng bagong hirang na mga opisyal para sa Rotary Year 2014-2015, para sa paglilipat ng posisyon ng bagong presidente ng Rotary Club ng Santa Rosa, at ang awarding ceremony para sa paggunita sa mga

proyekto ng nasabing grupo. Nanguna sa entrance of colors ang ilang mga officers ng HRC Citizenship Advancement Training (CAT) Unit ng eskwelahan, at pagkatapos ay ilang miyembro ng Koro Rosario, na officers din ng Interact club na sina Eubert Abenojar, Jeanine Lataquin, at Rollan Parakikay, ay umawit ng Lupang Hinirang. Habang kumakain, bilang intermission number, si Aldous Torres ay kumanta ng solo at pagkatapos ilang miyembro ng Interact Club ng HRC ay kumanta rin. Nang nagsimula ang

awarding ceremony, si Bb. Evelyn Laranga, tagapayo ng HRC Interact Club, ay nakakuha ng plaque of recognition para sa mga contribusyon niya sa proyektong Anti Child-Trafficking Awareness noong 2013. Pagkatapos, nanumpa na ang ilang miyembro ng Interact Club ng HRC, kasama ang mga miyembro ng Interact Club ng Aplaya National High School Extension (APEX), na nagsasabi na sila ay makikilahok sa lahat ng aktibidad ng Rotary Club para sa Rotary Year 20142015 sa kanilang pinakamakakaya. ■

<<1 | ni Ang., pati apat na silver, at 12 na merit award s a i n d i v i d ua l ca t eg o r y . Nakakuha din sila ng tatlong champion, isang first runnerup, at siyam na second runner-up na tropeo sa team category. A ng P i l i pi na s a y nagpadala ng 32 na kalahok, 16 mula sa mababang paaralan at 16 mula sa mataas na paaralan, na kasapi ng Mathematics Trainers’ Guild (MTG). Ang Pilipinas ay isa lamang sa 31 na iba't ibang ba ns a na k a s a l i s a kompe tisy on na may kabuuang 576 na kalahok. Si Patupat at ang kanyang mga kasamang kalahok ay dumating sa Daejeon, Korea at nanatili ng anim na araw sa dormitoryo ng Korea Baptist Theological University, kung saan naganap ang kompetisyon.

Sa kabila ng mga paligsahan, nagkaroon din ng recreational puzzles at cultural night kung saan nagkasiyahan at nagkakilala ang mga kalahok na galing sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Nagkaroon din ng City Tour sa Seoul, Korea sa huling araw kung saan sila ay pumunta sa Gyeongbokgung Palace, Korean Folk Village, at maraming museo at eksibit ng agham at sipnayan. Makatapos, umuwi na ang mga kalahok sa kani-kanilang bansa. "Masaya. Kasi kahit na iba-iba ang mga lenggwahe at kultura, nagkakaintindihan pa rin kaming lahat pagdating sa Math," sabi ni Patupat.

hanggang Agosto 19 sa Chongqing, China. Dalawandaan at sampung kalahok na galing sa China, Indonesia, Hong Kong, Singapore, Kazakhstan, at Pilipinas ang sumali sa nasabing paligsahan. Mayroong 33 gold medalists, 47 silver medalists, at 66 bronze medalists na nabigyan ng parangal ng CWMI ngayong taon. Kasama niyang muling nag-uwi ng parangal sa bansa ay si Ang ng Chiang Kai Shek College na nanalo ng gold medal. “Ito ang unang beses na nanalo ng gold ang Pilipinas. Ayon sa hurado, ang mga tanong ngayong taon ang pinakamahirap kumpara sa nakalipas na 12 taon,” sabi CWMI ng team leader na si Simon Nanalo rin si Patupat ng C h u a , p a n g u l o n g bronze medal sa CWMI na Mathematics Trainers Guild ginanap mula Agosto 14 Philippines. ■


Tagawasto: Albert John L. Patupat · Tagalapat: John Loyd B. De Troz

4

‘Pag dumating ang ulan MAHIRAP maghanda kung hindi alam kung ano ang darating at isa na diyan ang bagyo. Maraming linggo na ang nakalipas nang sumalakay ang Bagyong Glenda sa bansa. Kahit maraming linggo na ang nakakalipas, matatandaan pa rin ang hagupit at pagkasirang dinala nito sa mga paligid ng mga Rosarian at pati na rin mismo sa paaralan. Laking gulat na lang natin nang tayo ay bumalik sa paaralan pagkatapos ng halos isang linggong walang klase. Kalbong mga puno, basag na bintana at nawawalang tagdan ng bandila ang ilan lamang sa mga pagbabagong sumalubong atin sa pagbalik sa paaralan. Ngunit, ang mas nakakagulantang pa roon ay ang mg salin-saling kwento ukol sa mga karanasan ng mga estudyante noong kasagsagan ng Bagyong Glenda. Karamihan sa ating mga estudyante ay karaniwang natuuwa sa tuwing walang pasok ngunit kapag bagyo ang pinaguusapan, ang kasiyahang nadarama ay hindi nagtatagal. Marami sa atin ay nainip dahil walang kuryente, nangamoy dahil walang tubig at napagod sa kakaiwas ng mga nagliliparang puno at mga yero. Tunay nga na isa ito sa mga pagakakataong na tuwing walang pasok ay hindi ganoon kasaya. Ngunit, kumpara sa mga karanasan na iba nating kababayan, ang mga ito ay para lamang piknik. Marami ang namatay, nasugatan at marami rin ang nawalan ng tirahan dahil sa kay Glenda. Wala pa iyan kumpara sa nangyari noong Bagyong Yolanda. Imposibleng maiwasan nang buo ang bagyo ngunit maari lamang itong paghandaan. Marami ang naghihinagpis tuwing may bagyo sapagkat hindi sila handa. Tuwing nalalaman nilang may paparating na bagyo ay madalas ay binabalewala lamang nila ito. Bakit kaya? Hindi sana magiging malala ang naging pinsala ng bagyo kung napaghandaan lamang ito sa simula pa lamang. Hindi naman nagkukulang sa pagpapaalala ang mga autoridad ngunit sadya lang talaga matitigas ang mga ulo at pilit ayaw maghanda o lumikas sa alam nilang mapanganib na lugar at kasamaang palad, walang pisikal na gamut para sa matigas na ulo. Sa kalahatan, ang maghanda sa di inaasan ay sadya talagang mahirap ngunit hindi imposibleng gawin kaya walang sapat na dahilan upang hindi ito gawin. Kahit akalain niyong mahinang ulan lamang ang dadapo sa inyo ay magahanda pa rin ng lubusan sapagkat marami ang namamatay sa maling akala.

PATNUGUTAN 2014-2015

John Loyd B. De Troz PUNONG PATNUGOT AT PATNUGOT NG LAPATAN

Steven V. Ilagan

Patricia A. Bautista

PATNUGOT NG BALITA

PATNUGOT NG LATHALAIN

Kim Kenneth S. Alinsod

John Adolf T. Sancho

PATNUGOT NG PALAKASAN

PATNUGOT NG SINING

Alorrah Jaine L. Petras

Reginald A. Lunar

PATNUGOT NG LARAWAN

TAGAPAMAHALA NG BROADCAST MEDIA

Danielle Gwyn L. Eligue TAGAPAMAHALA NG WEB-NILALAMAN

BALITA Mara Luiza Dulog, Jeanine Lataquin, Mark Cyrus Macha, Rollan Paul Parakikay, Vanessa Tapay LATHALAIN Juvilyn Directo, Rey Matthew Malabuyoc, Marielle Angelie Plandez, Gielarmi Julie Requina, Aliah Jean Tan, Kenneth Ambrose Tingson OPINYON Shamerry Adato, Fiona Faye Malapitan LARAWAN Angela May Canonoy, Pamelah Joy Concepcion, Danille Yzjl Eligue, Mariel Esternon, Shane Elisha Yolola SINING Miguel Agustin, Ester Jade Camunggol, Pauline Gayle Carandang, Shaeena De Castro, Gian Ludvig Reyes, Alec Salamat PAGWAWASTO Albert John Patupat, Bryan Eric Saban Verlin A. Entena

Marietta D. Bartolazo

TAGAPAYO

PUNUNGGURO

Pandemonium

Init sa galit SINASABI nila na ang paaralan ang pinakaligtas na lugar na pwede mong mapuntahan, pero dahil sa inggit, selos at galit, nabubuo ang tinatawag nilang “bullying”. Kahit sinong tao ay pwedeng mabully kahit saan o kailan, lahat sila ay nasasaktan sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan. Ang bullying ay gawain ng isang tao para takutin ang kapwa at ito ay palaki na nang palaki sa kahit saang bansa. Ang bullying rin ay isa sa mga pinakamalalaking problema ng mga estudyante, guro at ng buong paaralan, at kahit saang bansa ay problema rin ito. Ang mga “bully” ay gina-

FIONA FAYE MALAPITAN fionamalapitan_14@yahoo.com

gawa ito para maramdaman nila ang pagiging malakas at dominante nila sa kapwa estudyante at kapantay. Isa sa mga pwedeng maging bunga nito ay ang mga masasamang kahihinathan, tulad ng trauma, kahihiyan, pagtingin ng mababa sa sarili at pag-iiba ng pagkatao. Ang ilan sa mga bungang ito ay pwedeng madala sa pagtanda at mahirapang mahanap ang kumpiyansa nya sa sarili. Dahil din dito, pwede rin silang makakuha ng malaking depresyon dahil sa sakit na kanilang naramdaman noong naranasan nila ang ilang masasamang pangyayari. Bukod sa na-

raramdaman, posible ring bumaba ang kanilang grado sa pag-aaral at gugustuhin nilang mag-dropout o lumiban sa klase. Ayon sa Kagawaran ng Edukasyon, dapat nilang pahalagahan at itatag ang Anti-bullying sa bansa upang mapahalagahan ang pagkabata ng isang estudyante at walang pwedeng makaapekto sa pagtanda nito. Inirerekomeda rin ng Kagawaran ng Edukasyon sa mga paaralan na isaayos ang mga batas ng bullying sa lahat ng antas ng paaralan. Ayon din dito, lahat ng biktima at ng bully ay dapat umarkila ng mga propesyonal upang mapahalagahan

Asintado

Sa tatlong larangan ISANG kontrobersya ang usap-usapan ngayon sa larangan ng professional basketball sa bansa matapos mapiling ika-11 na pick ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa Philippine Basketball Association (PBA) Rookie Draft ng taong ito. Marami ang sadyang sumasalungat sa ideya ni Pacquiao na pasukin pa ang larangan ng basketball samantalang nananatili siya bilang isang professional boxer at kongresista sa probinsya ng Sa-

ranggani. Bukambibig ng halos bawat Pilipino ang pagsali ni Pacquiao bilang isang playing coach ng Kia Motors, isang bagong extension team. Marami ang nagulat nang makumpirma na magiging manlalaro na ng liga si Pacquiao, na ilang taon na ring nag-uuwi ng karangalan sa bansa bilang nangungunang boksingero sa buong mundo, pound-forpound. Ilang mga propesyonal

at maisaayos ang pag-uugali ng mga estudyante. Hindi lamang estudyante ang nagbubully, pwede rin ang mga nakakatanda sa atin tulad ng guro. Mas malala ito dahil hindi kayang lumaban ng estudyante sa kanilang guro dahil sila ay nakakatanda at dapat irespeto ng estudyante. Ang paaralan ang ating pangalawang tahanan, at hindi ito dapat maging lungga ng karahasan. Ang isa sa dapat nating gawin kung mayroon tayong bully ay iwasan sila, dapat ring gumawa ng aksyon kapag mayroong mangyayaring masama sa inyong sarili at sa inyong kapwa.

KIM KENNETH ALINSOD kenneth_alinsod117@yahoo.com

na kritiko ang nagsabi na mahihirapan si Pacquiao na balansehin ang dalawang larangan, kasama pa ang tungkulin niya sa pamahalaan sapagkat hindi na rin naman ito bumabata sa paglipas ng panahon, bagay na makaaapekto nang malaki sa kanyang mga laro. Ang kanyang bilis at lakas, kapwa importanteng elemento sa kanyang laro, ay hindi maipagkakailang maaapektuhan ng kanyang edad. Kaya naman marami ang nagsasa-

bing hindi na rin magiging ganoong kaepektibo si Pacquiao sa pagboboksing, hindi katulad noon, at maging sa paglalaro ng basketball. Bukod ditto, isang bagay rin na lubos na makaaapekto sa laro ni Pacquiao ang pagbalanse sa panahon na ilalaan niya sa pagitan ng pagsasanay at paghahanda sa laro sa PBA at laban sa boksing, at maging sa pagganap niya sa kanyang tungkulin sa pamahalaan.

Sa tatlong >>5


Hasik at Ani Agosto 2014

5

OPINYON

Para sa atin

Verlin Entena

TAGAPAYO, THE BEADS CAMPUS MEDIA ARTS

BAKIT parang simula’t sapul ay mayroon nang matatagpuang mga reklamador? Sila yung mga pumepengol sa status quo. Mga hipsters, kung baga. Mula sa simpleng mga mag-aaral na nagsasagawa ng hunger strike dahil sa pagtaas ng matrikula, hanggang sa mga militanteng radikal na nagsusunog ng mga imahe ng kung sinu-sino sa kalsada, lahat sila ay kumikilos upang ipaglaban ang mga kagustuhan at karapatan nilang hindi nasusunod o naigagalang ng mga nakatataas tulad ng pamahalaan. Eh paano ba yan? 2014 na, labing-isang taon matapos ang pinakahuling matagumpay na EDSA Revolution, 28 na taon makalipas ang unang inkarnasyon ng nabanggit, subalit tila mga anay sa isang lumang bahay ang mga demonstrasyon. Hindi nauubos. Tila hindi na tayo kailanman naging masaya sa pamamalakad. Kung sa bagay, tama nga lamang naman at ang damdamin ng demokrasya ay dapat patuloy na isinusulong at ineensayo paminsanminsan, subalit nakalulungkot isiping business as usual na lamang ang mga pagwewelga. Naging natural na stimulus na lamang ito tuwing may tataas na presyo o kung anumang dahilang kawelga-welga. Dahil dito ay tila nababalewala na lamang ang mga protestang ito. Dahil dito, dapat tayong magmuni-muni. Ang konsepto ba ng publikong pagprotesta ay laos na at isa na lamang bang kalokohang dapat nang itigil? O ito ba ay isang apoy na dapat panatilihing buhay kahit na ito ay isang maliit na ningas na lamang? For every action, there is an equal and opposite reaction. Batay sa common sense, natural lamang na dumarating ang panahon na kapag wala talagang nakikinig sa iyo, gagawa ka ng ingay para mapansin ka. Wala itong pinagkaiba sa mga protestang nagaganap. Marahil ay walang nararamdaman na suporta ang ilan at dahil dito ay gumawa sila ng sariling paraan para mapansin sila, kahit na kahiya-hiya man para sa lahat ng kasangkot. Para sa mga nagpoprotesta, ayos lang ito dahil nakaangkla naman ang gawain sa isang pagpapatunay na hindi nananatiling bulag ang mga tao at sunud-sunuran lamang sa mga pangyayaring idinudulot sa atin ng mga nakatataas na otoridad. Na tayo ay aktibo at hindi reaksyunaryo. Na hindi tayo basta-bastang madidiktahan nang walang sapat na kadahilanan. Ika nga, fight for what’s right, fight for your right. Mula sa isang medyo sosyolohikal at metaporikal na perspektibo, ang panlipunang kundisyon ay dapat na parang tubig na patuloy na dumadaloy at hindi nakatengga sa isang batya sapagkat pamumugaran ito ng mga lamok na maaaring makapatay sa atin. Ibig sabihin, dapat ang patuloy na ebolusyon ng lipunan sapagkat ang lubusang pananatili sa garapon ng status quo ay maaaring magdulot ng matindi at marahas gulong gagapi sa mismong layunin ng pagtatatag ng lipunan. Dito pumapasok ang ating boses ng pagprotesta, ang ating paglaban sa sistema mula sa loob mismo nito. Naghahatid tayo ng isang bagong ideyang hahamon sa nakasanayan at mula sa mga ito ay makabubuo ng isang bagong ideyang magiging panibagong nakasanayan. Kung titingnan naman natin ang nakaraan ng ating bansa, malaki ang naiambag ng pagprotesta sa ating pagkakakilanlan, mula sa ating karakter bilang bansa hanggang sa uri ng pamamalakad ng pamahalaan. Tulad ng nabanggit kanina, dalawang EDSA Revolution ang nagdulot ng malaking pagbabago sa pamumuno ng bansa. Ang una, nagpalaya sa atin sa diktaturya. Ang boses natin ay dati nang narinig sa isang pambansang rebolusyon. Batay sa mga rebolusyong pinasiklab ng mamamayan mismo, tayo ay naging mga Pilipinong palaban. Sa ganitong paraan tayo maaalala ng mga dayuhan. Kung tutuusin, parang wala naman talagang dapat pag-awayan sapagkat ito ay isang mahalagang manipestasyon ng demokrasyang ilang daang taon nating ipinaglaban upang sa wakas ay makamit. Sabi nga sa Article 3, Section 4 ng ating Konstitusyon, ipinagbabawal ang mga batas na maaaring kumompromiso sa ating kalayaang magpahayag sa isang mapayapang pamamaraan. At tama lamang na patuloy nating ipaglaban ito. Subalit marami ring katumbas na katwiran ang nagsasabing hindi na natin ito kayang gawin. Tila nawala na yata ang power sa People Power. For every action, there is an equal and opposite overreaction. Nagmimistulang isang ideyal na lamang ang nosyon ng isang pamahalaan ng mamamayan, para sa mamamayan, at mula sa mamamayan. Isa na lamang hamak na buto’t balat na bersyon ang ideya ng publikong pagprotesta ng dating pagkakakilanlan nito, sapagkat tila buto’t balat na bersyon na rin lamang tayo ng mga dating kumakatawan nito. Tila hinayaan na lamang natin ang ating mga sarilng humantong sa pagkakaroon ng kumpyansa at pagiging passive at reaksyunaryo, ang mismong uri ng pag-uugaling nilalabanan natin. Kalimutan na ang nakasaad sa Konstitusyon sapagkat mukhang tayo na mismo ang hindi kumikilala rito. Kung sosyolohiya naman ang pag-uusapan, upang magkaroon ng pagbabago ng sistema mula sa loob ng sistema, tulad ng negosyo, nangangailangan ng pampuhunan. Kailangan ng tinatawag na symbolic, cultural, at social capital. Isang magandang halimbawa ang paglaban ng mga magsasaka para sa kanilang lupa, ayon sa batas. Maituturing na ang estado nila, sa kanilang paglalakad ng libu-libong kilometro para lamang sila ay dinggin, ang nakapagbigay sa kanila ng symbolic capital sapagkat nagdulot ito ng atensyon at simpatiya para sa kanila. Mula rito, nagkaroon din sila ng social capital, dahil maraming lumapit sa kanila upang gamitin ang kanilang mga koneksyon upang maihain nang mabilisan ang kanilang daing sa pamahalaan, at cultural capital na naidulot ng pagtulong ng mga kinauukulan at may malawak na kaalaman na nanggaling sa mga koneksyong nabanggit. Sa panahon ngayon, marahil ay makakatamasa pa rin tayo ng symbolic at cultural, subalit may lubusan tayong kakulangan sa social capital. Kung paglaban sa karapatan naman ang pag-uusapan, alam pa nga ba natin ang ating mga karapatan? O basta-basta na lamang tayong mga sunud-sunuran sa mga ideyang idinulog sa atin? Ika nga, knowledge is power. Marahil ay hindi na nga gaanong nagtatagumpay ang mga publikong protesta dahil nakakalungkot mang aminin, marami sa mga nagsisisigaw sa mga kalsada ang walang kunpletong ideya tungkol sa ipinaglalaban nila. Tila nagmumukhang nag-aaklas na lamang sila, o tayo, ngayon para lamang masabing nagaaklas pa rin tayo. Tila naging bilanggo na lamang tayo ng mga luma at hindi na umunlad na ideyang idinulog sa atin dahil hindi na natin sinikap pang maging rebolusyonaryo at pabor sa pagbabago. Tila pinili na lamang nating mabaon na nang tuluyan sa sistemang ninais nating baguhin at puro overreaction na lamang tayo. Karamihan sa mga nabanggit ko ngayon ay mga di-katiyakang tayo lamang ang makasasagot, subalit para sa ating lahat, marahil ang mabuting simula ay kaalaman, o social capital, o power, kung anumang gustuhing katawagan. Tayo ay may karapatang mag-aral at dapat ay sinusulit natin ito. Marahil ay bago tayo makialam, siguraduhin nating mayroon talaga tayong alam. Sa pagkahaba-haba ng sulating ito, marahil ay malinaw na malinaw na sa ating lahat na ang publikong protesta ay dapat binubuo natin mismo, para sa atin mismo, at galing sa atin mismo. Ang pag-alab ng apoy ng publikong protesta, ng freedom of speech, at ng ating karakter bilang isang makapagpapaganap na lipunan, ay nakasalalay sa atin. Sa atin lamang.

Sentido Kumon

Hindi ka istatwa AYAW ng taong inaapi, minamaliit, sinasaktan, inaasar, at pinapahiya. Ngunit marami ang may gusting mangapi, magmaliit, manakit, mang-asar, at magpahiya ng iba. Bakit? Ang bullying ay ang paulit -ulit na pananakit sa isang tao sa pamamagitan ng pagbibitaw ng masasamang salita, pananakit na pisikal, pagpapahiya sa maraming tao at marami pang ibang paraan. Maraming mangyari ito sa internet, sa anyo ng cyberbullying, o sa totoong buhay. Madalas itong nangyayari sa mga kabataan ng mababa at mataas na paaralan at kalimitang nagiging mabigat ang epekto ng bullying sa pag-iisip at pamumuhay ng mga biktima nito. Marami ang hindi kinakaya ang pakiramdam ng

SHAMERRY ADATO sfadato@gmail.com

inaapi at nakakaramdam sila ng matinding depresyon at yung iba, dahil sa tindi ng paghihinagpis, ay tuluyang namamaalam sa mundo at nagpapakamatay sapagkat sa kanilang pag-iisip, walang nagtatanggot sa kanila at iyon na lamang ang nakikita nilang lunas. Bakit kailangan pang pumunta sa puntong iyon? Sadya lang ba talagang masayang makitang naghihinagpis sa sakit ang mga batang biktima ng bullying? O dahil wala talagang pakialam ang mga tao? Hindi titigil ang problema kung walang mangunguna sa pagpigil ditto. Hindi rin ito lalala kung walang magpapalala nito. Walang maaapi kung may magtatanggol. Walang mangaapi kung may magpapanagot sa kanila.

Pagliliwanag

Tamang paggalang LIKAS sa ating mga Pilipino ang gumalang sa mga nakakatanda sa pamamagitan ng paggamit ng “po” at “opo”, o sa pamamagitan ng pagmano sa mga matatanda. Ang katangiang ito ang nagpapatangi sa ating sa mga karatig na bansa. Sa panahon ngayon, tila dahan dahan nang nawawala at napapalitan ng kawalan ang paggalang sa kapwa, lalo na sa mga nakakatanda. Marami sa kabataan ngayon ay tila walang pakialam sa kanilang mga magulang. Nagbibingi-bingihan tuwing napapagalitan o kaya ay sinasagot pa na para bang walang respeto sa kausap nila.

Sa lahat-lahat, simple lamang ang solusyon. Sa bullying malaki na ang problema. Huwag ka nang dumagdag sa pagpapalaki nito ngunit dumagdag ka na lang sa pagpapalunas nito. Hindi ka istatwa. Kaya nating tumulong ngunit pinipili nating huwag gumawa, hindi bigyan ito ng importansya, at magmistulang istatwa sa ating kinaroroonan tuwing may nabibiktima ng bullying. Ang ganitong klaseng pag-iisip at pagkilos ang nagapatibay sa kulturang dapat ismo nating baguhin. Maraming solusyon sa problema. Kailangan lang na may magpapatakbo nito. Huwag maging istatwa upang malutas ang problema.

JOHN LOYD DE TROZ johnloyd.detroz.98@gmail.com

Dito sa ating paaralan, masasabi din na unti-unting nawawala ang paggalang sa nakakatanda. Mayroong mga estudyanteng hindi nagpapakita ng respeto sa kanilang mga guro o humihingi ng tawad tuwing sila ay nakakagawa ng kasalanan, na parang walang pagpapahalaga sa nararamdaman ng taong nakakasalamuha nila. Mayroon ding mga hindi nakikinig sa mga pangaral ng kanilang mga guro. Maaari ang sanhi ng pagkawala ng respeto ay ang impluwensya mula sa ibang tao lalo na ang mga impluwensya mula sa ibang bansa. Makikita natin sa mga

pelikula ng mga banyaga ang kawalan ng paggalang ng kabataan sa mga matatanda at ang ideya ng pagrerebelde. Posible ring manggaling ito sa mga social networking sites. Ang pagrespeto sa mga nakatatanda ay isang katangian na di dapat tanggalin o ikahiya at sa halip ay dapat pagyamanin at pahalagan dahil isa itong kaugalian na kaaya-aya. Ang mga ganitong uri ng gawain ay wag nating hayaan na mabaon na lamang sa limot at matakpan ng paglipas ng panahon dahil isa ito sa mga yaman na napagpapatangi sa ating bansa.

pwesto niya bilang kongresista. Mahalagang tungkulin ito kung saan nakadepende sa kanya ang sensitibong kondisyon ng kanyang mga pinamumunuan. Marami ngayon ang nagtatanong kung ano ngayon ang magiging epekto nito sa kanyang kakayahan na tustusan ang pangangailangan ng mga taga-Saranggani. Napakaraming mga

tanong at spekulasyon ang lumilitaw ngayon matapos ang pagsali ni Pacquiao sa PBA. Marami rin ang kumukwestyon sa kakayahan niyang maging matagumpay sa lahat ng ito, mga bagay na nais patunayan ni Pacquiao sa paglipas ng panahon habang tinatahak ang magkakaibang mga larangan.

Sa tatlong... <<1 | Kaakibat ng paglalaro sa PBA ang halos araw-araw na ensayo bilang paghahanda sa bawat laro. Maging sa pagboboksing, puspusang pagsasana y rin ang kailangan. Nangangahulugan ito ngayon na may panahon kung saan mamimili si Pacquiao sa dalawang larangang pampalakasan. Isa pang makapagpapagulo sa balanse sa oras niya ay ang

Liham sa Patnugot NOONG isang araw, muli kong narinig ang pag-awit ng “Lupang Hinirang” sa pangunguna ng isang koro mula sa ibang paaralan. At sa pag-awit nila, ay saglit kong napagnilayan ang angking ganda ng ating pambansang awit kapag ito ay inaawit nang sabay-sabay ng maraming tao kaysa kung inaawit ito ng isang tao lamang, tulad ng mga nakasanayan natin sa mga laban ni Pacquiao maging sa ating mga morning assembly. Mahirap ipaliwanag. Basta para sa akin, may karagdagang impact ang pag-awit nito kapag in chorus. Sa patuloy na pagninilay ay naihambing ko ang karanasan ng pag-awit ng pambansang awit sa kolektibong gawain ng pagiging makabayan. Ang pagiging makabayan ay mas epektibo kung isasagawa ng marami at hindi lang ng iisang tao. (Isang mag-aaral mula sa Grade 9)


Tagawasto: Patricia A. Bautista · Tagalapat: Gielarmi Julie M. Requina

6

Mula sa mag-aaral, para sa mag-aaral Isang pagpupugay sa “Alay Lumang Notebook Drive” Ni Kenneth Tingson at Aliah Tan MARAMING mga kwaderno ang naaaksaya pagdating sa katapusan ng taon. Ang kadalasang ginagawa rito ay tinatapon na lamang. Paano na lamang ang mga estyudyanteng walang pambili ng mga gamit sa eskwelahan? Hindi ba pwedeng yung mga kwadernong di na magagamit ay gamitin ng mga batang nangangailangan nito? Ito ang dahilan kung bakit naisipang gumawa ng programa ng tatlong guro ang Alay Lumang Notebook

Drive. Ang programang “Alay Lumang Notebook Drive” ay sinimulan sa pangunguna nila assistant librarian Bb. Gina Bool, at head librarian Gng. Malou Tarroza noong taong 2010. Sa tulong ng dalawang estudyanteng ngayo’y mga alumni, Mariangela Obviar at Angelou Tarroza, naisagawaa ang ideyang gumawa ng proyektong makakatulong sa mga batang nangangailangan ng kwaderno. Sa unang taon, gumawa ang Library Club ng “requirement” na magbibigay ang lahat ng nasa mataas

Ni Marielle Angelie A. isip at puso ng mga Pilipino Plandez magpahanggang ngayon. Noong ika-25 ng DisySIGURO ay mapakasarap embre ng taong 1982, ipimatawag na isang National nalabas ang isang pelikulang Artist. Hindi ba’t napa- pumatok sa takilya. Ito ang kasarap maging isang kaapi- “Himala” na pinagbibidahan ta-pitagang tao sa iyong ng superstar na si Nora larangan? Aunor. Ngunit dapat bang Ito rin ang naging isa sa hirangin bilang isang Na- mga dahilan ng kanyang tional Artist ang isang Nora pagsikat. At sa paglipas ng Aunor? Nararapat ba siyang panahon, marami pang bigyan ng isang prestihiyo- bagay na nagawa si Aunor song parangal bagama’t nak- na nakapag-pataas sa antas agawa siya na isang mabigat ng industriya ng bansa. na kasalanan? Siya ay nanomina bilang "Walang himala! Ang National Artist o Pamhimala ay nasa puso ng tao, bansang alagad ng sining sa nasa puso nating lahat! Tayo bansa sapagkat nakamit niya ang gumagawa ng mga ang mga rekisito bilang maghimala! Tayo ang gumagawa ing isang National Artist, ng mga sumpa at ng mga katulad ng kontribusyon Diyos..." Ito ang mga kata- niya sa kultura ng mga Piligang sinabi ng superstar na pino. si Nora Aunor sa kaniyang Ngunit dahil sa mga pelikulang pinagbidahan na konrtobersiyang hinarap “Himala”. niya noon, si Aunor ay naIto ang sikat na mga tanggal sa listahan ng mga katagang nananatili pa rin sa nominado. Ayon sa ating

na paaralan ng dalawang hindi gamit o may natitira pang pahina na kwaderno para sa kanilang clearance. Ang mga tao at organisasyong nagging beneficiaries sa programang ito ay ang Tagapo Elementary School, ang proyektong School on Wheels at ang mga gurong katulad ni G. Kirby Namora na may kani-kanilang kapamilyang nagging beneficiaries din. Binibigyan din ang mga janitor ng mga nagawa ng kwaderno. Ang ginagamit na pambalot sa mga kwadernong ito ay makikintab na magasin, dyaryo, o Manila paper.

Noong unang taon ng programang ito, sila ay nakagawa ng 280-300 na kwaderno. Tuwing bakasyon, ang mga miyembro ng Library Club, ang mga guro, at ilang kasapi ng mga varsity teams ay tumutulong sa pagtatahi at paggawa ng kwaderno. Noong Disyembre 2013 ang YES Interact ay nagkaroon ng pagdiriwang ng Pasko kasama ang ilang mga piling kabataan. May ipinamimigay na kwaderno na inuwi ng mga bata noong araw na yon sa pamumuno ni Gng. Evs Laranga. Ngayong taong 2014,

magkakaroon ng iba pang programa na lalahukan ng mga mag-aaral sa high school at elementary. Ngayong taong ding ito ay mayroon nang humigit na 380 mahigit na nagawang kwaderno. Naghahanap pa ang Library Club ng mga beneficianaries dahil sa dumadaming ang bilang ng kwadernong nagagawa. Natuwa ang mga guro dahil ang mga estudyante na mismo ang nagkukusa. Imbis na wala silang ginagawa, sila na mismo ang mga gumugupit at nag tatanggal ng hindi nagagamit na pahi-

na. Dadalo rin ang ibang mga guro sa Book Binding Seminar sa kanilang sariliong gastos. Ang balak ng programang ito ay para matulungan ang mga magulang ng mg a ba ta ng na nga ngailangan. Nakakatulong din ito sa kalikasan dahil walang maaksayang papel. Pwede ring gawing pang dekorasyon ang mga string ng mga kwaderno para walang masayang. “Walang masasayang kung masinop ang tao. Maraming paraan para kumita, basta masipag at matiyaga.” ayon kay Tarroza.

Dapat o hindi dapat? Si Nora Aunor at ang National Artist Award

LARAWAN NI MULA SA RAPPLER.COM

pangulo, hindi dapat nakasama si Aunor sa listahan ng mga nominado sapagkat siya ay nalulong sa masamang droga at nakulong noon. Ayon din kay Pangulong Noynoy Aquino, di niya ibig na magpahayag ng halu-

halong mensahe sa publiko. Ayaw niyang akalain ng mga Pilipino na ang droga ay maaari sa Pilipinas dahil bibigyan ng parangal ang isang minsan na gumamit nito. Sa aking palagay, bagama’t nakagawa ng hindi ka-

nais-nais si Aunor, nararapat naitama na. pa rin siyang mahirang na Ating laging tandaan na Pambansang Alagad ng Sihindi lahat ng tao ay perning ng bansa sapagkat pekto. madami na siyang naiambag na hiyas sa industriyang Pilipino. Ang kanyang kasalanan noon ay kanyang


Hasik at Ani Agosto 2014

7

LATHALAIN

Ni Albert John L. Patupat

AKAA

TINGIN sa kanan, tingin sa kaliwa, mayroong nagsasalita ng Filipino. Bakit? Dahil ito ang wikang pambansa ng mga Pilipino. Ngunit saan nga ba nagsimula ang wikang ito? Tagalog

Indonesian

Tagalog

Malay

Apoy

Api

Anak

Anak

Baboy

Babi

Balik

Balik

Matay

Mati

Gunting

Gunting

Katok

Ketuk

Kami

Kami

Lambot

Lembut

Kambing

Kambing

Kaban

Haba Jan-KenPon Kaban

Karaoke

Karaoke

Tagalog Dahandahan Haba Jack-en-poy

Japanese

Tagalog

Chinese

Dandan

Ate

Achi

Bakya

Bakklah

Bihon

Bihun

Bimpo

Bimpo

Bitsin

Bicheng

Ditse

Dichi

Pandak

Pendek

Kanan

Kanan

Sarap

Sedap

Langit

Langit

Kuya

Kehya

Balita

Berita

Lima

Lima

Mami

Bahmi

Kulang

Kurang

Mahal

Mahal

Siyansi

Chiansi

Libo

Ribu

Mata

Mata

Suki

Chukhe

Impluwensiya ng Espanya

Tagalog

Espanyol

Noong 1565, sinakop ng Espanya ang Pilipinas. Maraming pinadala na prayle ang pamahalaan ng Espanya para ipakalat ang relihiyong Katoliko. Ang mga prayle ay nag-aral ng lokal na wika para makapagturo sa mga Pilipino. Pagkatapos ng ilang taon, ang pamahalaan ng Espanya ay nag-utos na ituro ang Kastila. Hindi ito sinunod ng mga prayle dahil sa kapangyarihang nakukuha nila sa mga Pilipinong umaasa sa mga prayle para sa kanilang relihiyon, edukasyon, at mga batas galing Espanya. Nagbunga ito ng mabagal na impluwensiya ng Kastila sa wikang Filipino. Noong nagrebelde ang mga Pilipino, wala pa ring pambansang wika ang Pilipinas. Ngunit dahil sa pagkamatay ni Dr. Rizal, nabigyan ng malaking pansin ang Tagalog sa paraan ng pagsusulat ng maraming papeles sa Tagalog.

Bisikleta

Bicicleta

Bintana

Bintana

Hapon

Japón

Ingles

Inglés

Kabayo

Caballo

Oras

Horas

Tinidor

Tenedor

Sapatos

Zapatos

Suwerte

Suerte

Yelo

Hielo

Impluwensiya ng Asya Noong wala pa ang mga Espanyol, maraming iba’t ibang wika ang matatagpuan sa Pilipinas. Ito ay bunga ng pagiging kapuluan ng Pilipinas, pagkakaroon ng maraming maliliit na barangay, at kakulangan ng isang pangkabuuang pamahalaan. Ang mga wikang ito ay naiimpluwensiyahan ng mga iba’t-ibang wikang dayuhan dahil sa kinalalagyan ng Pilipinas sa Asya at sa Karagatang Pasifiko. Ang una sa mga nag-impluwensiya sa ating wika ay ang mga Indones. Sila ay dumating sa Pilipinas noong 5,000 BCE. Ayon sa mga pagsusuri ng mga eksperto, mayroong pagkakahawig ng wikang Filipino at Bahasa Indonesia. Inimpluwensiyahan rin tayo ng mga pangkat galing sa Japan, China, Borneo, Sumatra, Thailand, at Cambodia. Ang Islam ay dumating sa Mindanao noong 1400. Ito ay kumalat hanggang Manila at Tondo bago ito itinigil ng mga Espanyol. Ang pagkalat na ito ay nagdala ng mga bagong salita at nagbigay ng impluwensiyang Sanskrit.

Impluwensiya ng Amerikano

Tagalog

English

Iskor Score Noong sinakop tayo ng mga Amerikano, Ingles ang naging pambansang wika ng PIlipinas dahil ito Ekonomiks Economics ang resulta ng Taft’s Commission kung saan tiBolpen Ballpoint Pen nanong sa taombayan ang gustong wika. Sinumulan nang ituro ang Ingles sa mga paarBidyo Video alan upang mawala na ang impluwensiya ng Kastila. Kompyuter Computer Sa mga nagdaang taon, sapat na ang mga Pilipino na Keyk Cake pag-aralan na lamang ang Ingles at iangkop ang bagong sistema ng pamahalaan. Kukis Cookies Noong World War II, sinakop ng Japan ang Katsup Ketchup Pilipinas ng tatlong taon. Ang Ingles pa rin ang naging pambansang wika ng Pilipinas ngunit tinuruan Biskwit Biscuit ang mga Pilipino ng Nippongo. Eksray X-ray Nagkaroon ng malaking pagtatalo sa pagitan ng Amerika at Pilipinas kung ang pambansang wika ay Ingles o wikang Filipino. Noong nakalaya na ang Pilipinas sa mga Amerikano, ginawang Tagalog ang pambansang wika ng Pilipinas.

Kahit ang Tagalog ay isang pambansang wika, tuloy pa rin ang paghiram nito ng mga salita sa ibang wika at pagdala nito ng kasarinlan, kasaysayan at kultura ng Pilipinas.

Isang mapagmuni-muning paglalarawan sa pagkuha ng larawan Ni Shane Yolola SA pagkakaalam ng karamihan, ang pagkuha ng larawan ay para sa mga taong mahilig mag paganda sa harapan ng kamera; sa mga mahilig kuhanan ang kanilang kasuotan sa araw na iyon o ang tinatawag na "OOTD" o "outfit of the day". Ngunit para sa mga

propesyonal, may ibang kahulugan ang pagkuha ng larawan. Emosyon, anggulo, koneksyon at istorya. Ito ay ilang mga bagay na kailangan sa larangang ito. Nakapagtataka ba na napasama ang emosyon? Oo, hindi karaniwan na magkaroon ng emosyon sa simpleng pagkuha ng larawan.

Ngunit sa pamamagitan ng pag gamit ng emosyon, maaaring mapaganda at mabigyan kahulugan ang isang larawan. Dapat na maramdaman rin ng taong makakakita ng larawang iyon ang emosyon na pinapahiwatig ng kumuha. Anggulo at koneksyon ang dalawang bagay para

magkaroon ng dating ang iyong larawan. Samantalang istorya sa likod ng larawan ang magbibigay ng emosyon sa mga taong makakakita at kumuha ng larawan. Hindi basta basta ang larangang ito. Kinakailanga ng malawak na pag iisip at imahinasyon. Maaari itong ihalintulad sa larangan ng pagguhit.

Dahil sa pagkuha ng larawan, kailangan ng tinatawag na "creativity". Nakakita ka ng isang kaakit-akit na bagay at iyon ay kinuhanan mo ng walang anumang dahilan. Iyon ay hindi matatawag na mahusay na pagkuha ng larawan. Sa bawat kilos at ginagawa ng tao ay may malalim

na dahilan. Katulad na lamang sa larangan ng pagkuha ng larawan, hindi sapat ang kaakit akit na dahilan. Kinakailangan ng malalim na paglalarawan at dahilan, tungo sa mahusay na pagkuha ng larawan.


Pahinang Pang-Elementarya · Tagawasto: Shamerry F. Adato · Tagalapat: Verlin A. Entena

8

Ni Marianne Rosthe Manibo at Mary Jade Gale Jadormio

ANG Buwan ng Wika ay ginagawa para ipaalala sa ating lahat na kailangan nating mahalin at pahalagahan ang ating wika. Ito ay ginaganap tuwing Agosto. May kasabihan tayo na “Ang hindi marunong mahalin ang sariling wika ay daig pa malansang isda.” Ito ay ginagawa para ipaalala sa atin ang pagmamahal at pagpapahalaga n gating wika. Ang sariling wika ay mahalaga sapagkat ito ang nagbubuklod ng ating lahi sa iba pang mga lahi sa ating bansa. Dahil dito tayo ay natutukoy bilang tunay na Pilipino. Dito tayo ay nagsusuot ng mga kasuotan n gating bansa. Halimbawa, baro’t saya sa mga babae at barong Tagalog naman sa lalaki. Tayo ay tumutula tungkol sa ating bansa o sa ating wika. Sana lahat tayo ay magkaroon ng karagdagang interes na pag-aralan pa lalo ang ating wika at ating bansa. Dapat nating mahalin at pahalagahan ang ating sariling wika, hindi lamang tuwing buwan ng Agosto. Magpakailanman. Ni Tricia Edryn Taguba at Andrea Jullien Bulalacao

Ang mga estudyanteng laging nambubully sa mga kapwa nila gamit ang pang-aasar, pagkakalat ng mga balitang hindi totoo, at pananakit. Ang mga estudyante mula ikaapat hanggang ikaanim na baitang ay pumunta sa Audio Visual Room ng paaralan para talakayin ang mga panuntunan ng Holy Rosary College kontra sa bullying dahil sa maraming kaso nito sa maraming paaralan. Maraming kabataan ngayon ang madalas na nang-aasar lalo na kung paano ka manumit at kung ano ang itsura mo kung mataba, payat, at minsan naman ay nagkakalat ng mga hindi totoong balita na tinatawag na cyberbullying. Madalas ding nananakit ng kanilang kapwa ang iba. Isang halimbawa nito ay paninipa, pamamalo, at iba pa. Ang tawag sa klase ng bullying na ito ay physical bullying. Kung ang pagbubully ay itutuloy maraming bata ang masasaktan, mawawalan ng tiwala sa kanilang sarili at magiging malungkuting estudyante at kung hindi na itutuloy ay maraming bata ay masayahin at magkakaroon ng tiwala sa kanilang sarili. Ni Marianne Rosthe Manibo

Ang Buwan ng Nutrisyon ay nagpapaalala sa atin na dapat tayong kumain ng masusustansyang pagkain. Ang masusustansyang pagkain ay nagpapalakas at nagpapasigla ng ating katawan. Ito rin ay nagbibigay-lakas at kailangan ng ating katawan para tayo ay maging malusog. Napapansin ko kapag tayo ay kulang sa nutrisyon dahil hindi tayo kumakain ng masustansyang pagkain, tayo ay matamlay at walang ganang gumawa ng kahit ano. Ang GO, GROW, at GLOW foods ay mga masusustansyang pagkain. Ang GO foods ay mga pagkaing nagbibigay ng lakas para sa ating mga Gawain. Ang GROW foods naman ay tumutulong sa ating paglaki samantalang ang GLOW foods ay nagbibigay ng bitamina sa ating katawan. Kailangan natin ang mga ito para tayo ay maging malusog. Sana ngayon ay magsimula na tayong kumain nang masustansya.

PATNUGUTAN 2013-2014 IKAAPAT NA BAITANG Francesca Anne A. Baclig Lenci Marie R. Latorre Raziel Leigh B. Locsin

IKALIMANG BAITANG Andrea Jullien A. Bulalacao Aaron Gabriel A. Garcia Mary Jade Gale G. Jadormio Erin Gabrielle B. Lucino Marianne Rosthe P. Manibo Meshulemet P. Ricardo Tricia Edryn I. Taguba Samantha A. Visto

IKAANIM NA BAITANG Danielle Lei R. Araez Kim Charles J. Castejon Trisha Mae N. Castillo Vivekjeet Singh Chambal Paula Jane L. Garcia Ciara Esther G. Pamor Trisha Piaduche Princess Ghel V. Ribon Liza Marie T. Rosales

Shamerry F. Adato

Verlin A. Entena

Marietta D. Bartolazo

NANGANGASIWANG PATNUGOT

TAGAPAYO

PUNUNGGURO

LARAWAN NI CIARA ESTHER PAMOR

Ni Danielle Lei Araez ANO nga ba ang masasabi mo sa araw-araw na Gawain ng isang mag-aaral? Marami sa mga sagot ninyo ay puro na lang paggawa ng proyekto, pagsagot ng mga seatworks at mga takdang aralin. Puro na lang pag-aaral. Pero kung titingnan natin nang mabuti, mapapasama na dapat dito ang masayang pagsasama-sama natin kasama ang ating mga kaibigan. Minsan talaga naming kasama mo na ang mga kaibigan mo. Mula sa silid-aralan, kantina, kahit hanggang sa bahay sa pamamagitan ng Facebook chat. Isama mo na ang mga biruan ninyo na nakakapagpasaya sa buong klase. Ngayon may ikukwento ako tungkol sa araw-araw na Gawain ng isang “homeschooler”. Medyo iba ito kumpara sa araw-araw na gawain natin bilang mga estudyante sa regular na paaralan. Kapag “homeschooler” ka nag-aaral ka sa inyong bahay. Kaya minsan apat na oras lang ang aral tapos makagagawa ka nan g ibang Gawain. Ang iba ay maglalaro na agad sa kompyuter. Bagama’t mukhang masaya ito, wala ka naming mga kaibigang makakausap. Maswerte ka na lang kung tatagal ka sa sobrang katahimikan kasi walang kaklaseng maingay o walang kaklaseng mapagdadaldalan. Ngayon, ano ang pipiliin ninyo? Ang mag-aral nang mabuti kasama ang iyong mga kaibigan o ang mag-aral kung kalian mo gusto ngunit nag-iisa ka naman at nakararamdam ng kaunting kalungkutan? Ang masasabi ko lang ay ang karanasan mo sa paligid mo ang isa sa mga bagay na makatutuling sa iyong pag-aaral. Kahit minsan ay mahirap mag-aral ay huwag kang panghinaan ng loob dahil laging may nandyan para tumulong sa iyo.

Ang Mga GINAGAWA NG ISANG INA

LARAWAN NI JOHN LOYD DE TROZ

Ni Francesca Anne Baclig

ANO nga ba ang ginagawa ng isang ina? Ang ina ay maraming ginagawa. Nag-aalaga sa kanilang anak. Naghahanap-buhay para may pagkakitaan para sa pang-araw-araw na gastusin. Ang mga ina ay nag-aalaga sa anak, katulad ng pagpapaligo, pagpapakain, at marami pang iba. Nagluluto at naghuhugas ng pinggan at iba pang mga gawaing-bahay. Ang ina ang ilaw ng tahanan kaya’t ang mga ina ay dapat nating pinasasalamatan. Dahil nandito sila para kumalinga at magmahal sa atin.


Hasik at Ani Agosto 2014

9

Unang Sibol

Tagaytay ni Francesca Anne Baclig at Andrea Jullien Bulalacao Masayang pumunta roon kasi mayroong simbahang kulay kape. May nagbebenta ng camera. Nakikita ko ang Bulkang Taal. Maraming watawat ng Pilipinas. Mayroong tulay at sa ilalim nito ay may tubig. Medyo maingay rin doon. Sa lugar na ito marami kang matatagpuang nakatutuwang mga maaaring gawin. Mayroong isang napakalawak na kapatagan na may maraming puno at may mga lawing nahahati ng isang maikling tulay. Isa sa mga maaaring gawin dito ay ang pagsakay sa zipline. Kapag tumingin ka sa baba habang nakasakay rito makikita mo ang malawak na katubigan. Mayroon ding dalawang swimming pool: may pambata at mas malalim para sa nakatatanda. Subalit ang pinakanakakatakot na gawain para sa akin ay ang rapelling.

Napakalamig dito at ikaw ay literal na nasa tuktok ng bundok. Napakaraming magagandang tanawin. Maraming parke at isa rito ay may lawa kung saan may napakaraming mga makukulay na bangka. Medyo nakakatakot sumakay sa mga ito dahil pag nawala ka sa balance baka mahulog ka sa napakalamig na tubig. Marami ring mga kabayo na pwedeng sakyan. Mag-ingat nga lang at kumapit nang mabuti. Napakarami ring mga strawberries dito na ubod ng sarap. Talagang ito ang summer capital ng Pilipinas. Masayang pumunta rito dahil marami kang mga bagay na madidiskubre at mga taong makikilala tulad ng mga Igorot.

San Juanico Bridge ni Tricia Taguba Napuntahan ko na ito sa Leyte. Isa itong tulay na yari sa bakal. Ang tulay na ito ang Bulkang Mayon ni Raziel Leigh Locsin Ang laki ng bulkan. Ang saya ko dahil kasama ko ang aking pamilya at nagpapicture nagdudugtong sa lalawigang Samar at Leyte. Ito ang pinakamahabang tulay sa Pilipinas. Ito ay dinadaanan ng napakaraming sasakyan tulad ng bus, kotse, jeep, traysikel, van, at iba pa. kami roon. Masaya ako at sobrang nagulat dahil sa sobrang laki nito na mahihirapan ang isang tao Ang lamig ng hangin, ang ganda ng tanawin. May simbahan ding luma at bumili kami na lakarin ang kabuuan nito. ng mga charms doon. Kahit nasa loob lamang ako ng bus ay kitang-kita ang laki nito. Sa sobrang saya ko ay Napakasayang karanasan ang pagpunta sa napakagandang Mayon. parang gusto kong tumalon sa tuwa habang sinasabing, “Wow! Ang ganda!” Baguio ni Meshulemet Ricardo

Intrams 2014 isinagawa Ang Intramurals ay isinasagawa taun-taon sa HRC upang mabigyan ang mga magaaral ng pagkakataon na makilala pa lalo ang isa’t isa sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagtutulungan at pagtitiwala sa larangan ng mga pisikal na aktibidades at mga laro. Ngayong taon, ginanap ang Intramurals noong huling linggo ng Hulyo. Hinati ang mga mag-aaral sa apat na grupo: Red, Yellow, Blue, at Green. Naglaro sila ng basketball, volleyball, kickball, badminton, at chess. Sa simula ng Intramurals ay nagkaroon din ng parade ng mga muses at escorts mula sa iba’t ibang antas ng elementarya. (MESHULEMET RICARDO AT ERIN GABRIELLE LUCINO)

Buwan ng Wika, ipinagdiwang sa sabayang pagbigkas Isang sabayang pagbigkas ang isinagawa ng mga mag-aaral mula sa ikalimang baitang sa kanilang mga silid aralan noong ikaanim ng Agosto. Sa pangunguna ng kanilang guro na si Bb. Monina Tatlonghari, tumula ang mga mag-aaral ng isang piyesa tungkol sa watawat ng Pilipinas. Ang sabayang pagbigkas ay isang panggrupong pagtula kung saan sabay-sabay ang pagtula at paggalaw ng bawat kasaping mag-aaral. Ito ay isinagawa bilang pagdiriwang sa Buwan ng Wika. Nang tanungin namin si Bb. Tatlonghari tungkol sa kinalabasan ng aktibidad, nagalak naman siya sa pagtatanghal ng mga mag-aaral. “Maganda at maayos (ang mga pagtatanghal),” aniya. (MESHULEMET RICARDO)

Ni Tricia Edryn Taguba Ang mga tao ay para mga halaman. Tulad ng halaman, mahalaga sa tao ang kanyang pisikal na kaanyuan. Ang mga tao rin ay mabango tulad ng mga rosas sa paligid. Ang mga tao rin ay makukulay sa pagsusuot ng mga damit. Bagama’t minsan ay may mga magsasabing pangit sila at hindi sila maganda, ang katotohanan naman ay ang totoong ganda ay matatagpuan sa kalooban. Sa huli, parang mga tao ang halaman dahil ang mga tao ay maingat at maalaga sa maganda nilang imahe. Subalit ang tunay na mahalaga ay ang siyang nasa kalooban. Ang mga tao ay maayos gumawa ng kanilang tungkulin sa buong buhay nila. Parang mga halaman natin na nagpapaganda at nagbibigay-buhay sa kalikasan. Ang mga tao, tulad ng halaman, ay nabubuhay para sa at sa pamamagitan ng kanyang kapaligiran. Mahalaga sa bawat tao ang kanyang kapwa. Katulad ng halaman ay tumatanda rin ang mga tao. Kaakibat ng paglalagas ng mga dahon ay unti-unti ring nababawasan ang ating lakas at enerhiya para isagawa ang ating pang-araw-araw na buhay. At pinakahuli sa lahat, katulad ng pagkalanta ng mga halaman, sumasakabilangbuhay rin ang mga tao.


Pahinang Pangkomunidad · Tagawasto: Bryan Eric V. Saban · Tagalapat: Rollan Parakikay

10

LARAWAN NI JOHN LOYD DE TROZ

Concert kontra child trafficking, ginanap sa HRC Ni Vanessa Tapay

Trafficking (PACT) ay ginanap din bilang paggunita sa Anti-Child Trafficking Awareness Day na ipinagdiwang noong ikaw-21 ng Hunyo. Mga mag-aaral mula sa siyam na paaralan sa Santa Rosa ang dumalo, kasama na rito ang mga mag-aaral ng HRC mula sa ikasiyam na baitang at ikaapat na taon.

ISANG gabing puno ng musika at pagtatanghal ang sumambulat sa daan-daang mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa lungsod ng Santa Rosa nang ganapin ang isang “anti-child trafficking awareness” concert na pi na mag a ta ng # FRE E Ilang mga banda, grupo (Fight for our Rights, End ng mananayaw, at iba pa ang Exploitation) noong ika-27 inimbitahan na magpakitangng Hunyo sa Holy Rosary gilas sa concert, tulad ng mga College (HRC) Gymnasium. bandang Misteryoso mula sa Ang concert na proyekto Barangay Landayan, Bit of ng Philippines Against Child You, Jupiter mula sa Ma-

layan Colleges Laguna Laguna, bago siya nagbigay (MCL), at ang Lights On ng kanyang mensahe sa mga Band mula mismo sa HRC. nagsipagdalo. Bumisita rin si Arnel Gomez, bise alkalde Nagbahagi naman ng ng Santa Rosa, at si Gng. isang espesyal na pagMarietta Bartolazo, punungtatanghal ang isang grupo ng guro ng HRC. mga mag-aaral mula sa STI habang nagsagawa ng isang Naging bahagi rin ng maikling dula tungkol sa concert ang mga maiikling child trafficking ang The diskusyong pinangunahan ng End Child Prostitution, mga kasapi ng PACT upang Child Pornography and the mapalawig ang kamalayan ng Trafficking of Children for mga mag-aaral tungkol sa Sexual Purposes (ECPAT) child trafficking. Pinangunahan mula sa Quezon City. ni Bb. Madel Beato kung Nagpakitang-gilas din sa saan nagmumula ang child kantahan si Dave Almarinez, traffkicking , kung paano ito bokal sa unang distrito ng naisasagawa, at kung paano

ito maaaring pigilan ng mga pagiging ushers at marshals at mag-aaral. sa pagtulong sa pamimigay ng meryenda sa mga nagNagsagawa rin ng mga sipagdalo. palaro si G. Edward Tiongco, konsehal ng Santa Sa huli ay nag-enjoy ang Rosa at founder ng organ- mga nagsipagdalo sa #FREE isasyong I Participate concert. Against Child Trafficking "The concert was successful (I P A C T ), k u ng s aa n aside from all the stress and techsinubukan ang kaalaman ng nical issues. The students enjoyed mga mag-aaral. Pinamunuan it and that's all that matters," ni Krystal Almodovar, presiayon kay Junevee Amarante, dente ng IPACT ang propresidente ng Interact Club grama. ng HRC. Tumulong ang mga kasapi ng Interact Club ng HRC sa pamamagitan ng

‘Green cities’ tampok sa ika-11 YES Summer Earthivity Ni Rollan Parakikay ISINAGAWA ng Young Environmental Stewards (YES) ng Holy Rosary College (HRC) ang ika-11 taunang Summer Earthivity noong May 7-9. Ang pangunahing paksang tinalakay rito ay “Green Cities: a Decision for a Maintainable Tomorrow”. Unang Araw Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng dasal at isang talumpati mula kay Junevee Amarante, kasalukuyang president ng YES. Tinalakay ni Amarante ang mga house rules at program flow na kinakailangang sundin ng mga kasali sa loob ng tatlong araw.

Batay sa temang “Frozen” isang popular na pelikula ng Disney, hinati ang mga mag-aaral na kasali sa dalawang grupo, and Team Olaf at Team Svan. Matapos nito ay lumikha ang dalawang grupo ng kanilang pansariling flags. Noong kinahapunan, nagbigay ng lecture sina Andrea Morante at Jazzmyn De Leon, kapwa dating kasapi ng YES batay sa pangunahing paksa ng Earthivity. Bukod dito, tinalakay rin nila ang konsepto ng climate change at ang mga epekto nito. Pagkatapos ng mga lectures, pinamunuan ni Ammiel Leoncio ang isang ice breaker. Naglaro sila ng 4 Pics 1 Word,

hango sa isang sikat na Android app. Lahat ng mga larawang ipinakita at ginamit sa larong ito ay may patungkol sa paksa ng Earthivity. Ikalawang Araw Inilaan ang umaga ng ikalawang araw para sa panonood ng iba’t ibang mga dokumentaryo tungkol sa kalikasan. Binigyan din ng panahon ang mga grupo na magensayo para sa kanilang skit presentations. Noong hapon, isinagawa na ng Team Olaf at Team Svan ang kanilang mga skits. Nakapo kus ang kwento ng mga ito sa mga epekto ng patuloy na pagsira sa kalikasan. Pagkatapos nito, nagsagawa ng isang roundtable discussion

LARAWAN NI JOHN LOYD DE TROZ

tungkol pa rin sa Green Pagkatapos nito, naCities. padpad ang grupo sa Ilog Santo Domingo para Ikatlong Araw magluto at kumain ng Kasama ni Bb. Evelyn tanghalian habang nagLaranga, tagapamatnubay oobserba sa kalagayan ng ng YES, nagpunta ang ilog. mga mag-aaral sa Nuvali Iba’t ibang mga Evoliving Center, kung pagkain ang inihanda ng saan nagbigay si Bb. mga grupo. Nagluto ang Laranga ng isang maikling Team Olaf ng inihaw na lecture bago sila tuluyang talong at inihaw na tilapia nag-tour sa iba’t ibang ba- samantalang nagluto ang hagi ng Nuvali. Team Svan ng alamang at

ginisang munggo. Inilagay ang mga pagkain sa dahon ng saging kung saan ito ay pinagsaluhan ng grupo. Habang nasa ilog, sinulit ng grupo ang pagkakataon upang magtampisaw sa ilog. Noong kinahapunan ay nilisan nila ang ilog at ligtas silang nakabalik sa HRC.


Hasik at Ani Agosto 2014

11

TMP Poster Making Contest

Pagtatanim ng tahanan Ni Patricia Bautista

NOONG ika-26 ng Hunyo, isinagawa ng Toyota Motor Philippines ang kanilang taunang On the Spot Poster Making Contest for the Environment bilang pagdiriwang ng Global Environment Month. Ngayong taon, ang tema n g p at im p al a k ay “Sustainable Homes for a Sustainable Future”. “They conducted an onthe-spot poster making contest to promote green architecture, to advocate sustainable energy sources, the conservation of energy, the reuse and safety of building materials, and the site of a building with consideration of its impact on the environment,” sabi ni Sophia Abalona, isa sa mga kinatawan ng Holy Rosary College para sa patimpalak, nang tanungin siya kung ano ang layunin ng kanilang sinalihan. Dalawang mag-aaral ang kumatawan sa HRC sa naturang patimpalak: si

Sophia Abalona mula sa Fourth Year Newton at si Danielle Gwyn Eligue mula sa Grade Nine Priestley. Bilang paghahanda sa patimpalak, naatasan ang dalawang mag-aaral na gumawa ng kanilang indibidwal na representasyon ng tema at pinagsama ang kanilang mga ideya sa tulong ni Verlin Entena, ang kanilang coach at kasalukuyang tagapayo ng The Beads Campus Media Arts. Nang pareho silang tanungin kung ano ang naramdaman nila nang naipaalam sa kanila na sila ang napili bilang kinatawan ng paaralan, kapwa nagalak sila sa pagkakataon. Subalit nang tanungin din sila kung nakaramdam sila ng matinding pressure, magkaiba ang kanilang sagot. “To be honest, I was filled with such wonder and happiness that on the way to Toyota and while making the poster, I didn’t feel scared or

pressured. I was calm” inamin ni Eligue. “The venue felt nice and the people were also welcoming,” idinagdag pa niya tungkol sa mismong patimpalak. Taliwas naman dito, mistulang hindi mapalagay si Abalona. “It was weird because they had no idea if the students from other schools were better than them or not,” aniya. Sa huli, tinanong sila kung ano ang kanilang naiisip at nararamdaman sa kalagitnaan ng paggawa nila ng poster. “All I was thinking was just to give the best that I could,” sabi ni Abalona. “I was thinking of strategies. Since time isn’t my forte, I had to think ways to get this done, done good, and done in time,” ayon kay Eligue. Nang tanungin ang kanilang coach ukol sa kinalabasan ng kanilang poster, natuwa naman siya dahil malinaw ang konsepto at ginawa ng dalawang mag-aaral ang lahat ng kanilang makakaya.

“Natuwa ako sa konsepto ng poster nila dahil kakaiba ito. Napakaabsurdo sa unang tingin, pero kung bibigyan ito ng sapat na paglilimi, makikita mo talaga na may lalim ang kanilang treatment sa paksa. Sinasabi sa nilikha

nila na dapat magkaroon ng napakalaking pagbabago sa pagtingin natin sa mga materyal na bagay, partikular na ang mga gusali at mga bahay,” aniya. “Dapat sa pagtatayo ng mga istruktura at isaalang-alang ang pagkaka-

bagay nito sa kapaligiran. Para bang pinagtutulad ang pagtatayo ng bahay sa pagtatanim ng halaman,” dagdag pa niya.

Child Trafficking: Intindihin at Pigilin Ni Juvilyn Directo Child trafficking. Isa lang ang ibig sabihin nito; ang pag -aalis ng karapatan sa mga bata na sumaya, maging malaya, at maranasan ang buhay kabataan. Ito rin ang pagkuha sa kanila sa kapaligirang nakaanayan nila at dalhin sa lugar na hindi nila alam o hindi sila pamilyar kung saan malalagay sa kapahamakan ang kanilang buhay. Sa lugar na ito, makakaranas sila ng kakaibang hirap sa trabaho upang mabuhay ang kanilang sarili. Pero sinu-sino nga ba ang itinuturing na biktima ng Child Trafficking? Child o Bata. Sila ay ang mga may edad 18-anyos pababa, bukod doon sila rin ang mga taong lampas 18-anyos ngunit walang kakayahang tustusan ang kanilang mga pangangailangan katulad ng; mga taong may kapansanan, may diperensya, at may mga sakit. Narito ang ilan sa mga

masamang layunin ng Child Trafficking: Para sa eksploytasyong sekswal o mas kilala sa tawag na prostitusyon at pornograpiya. May mga taong mahilig sa pakikipag-talik kaya sila ay pumupunta sa mga night club at naghahanap ng mga babaeng pwede nilang gamitin upang mapunan ang pangangailangan na iyon, kaya kahit bata ay pinapagsamantalahan nila kahit alam nilang mali iyon at maaari silang makulong. Bugaw, sila naman yung mga taong nag-aalok ng mga babae sa mga customer kapalit na malaking halaga. Ngunit, dahil sa kahirapan, napipiltan silang mambugaw. Itong trabahong ito ay ang natitirang paraan upang kumita ng mas malaking pera sa mabilis na paraan. Para sa eksplostasyon sa pagta-trabaho o mas kilala bilang Child Labour. Isa ito sa mga popular na paraan na layunin ng Child Trafficking. Ang mga biktima ay sapili-

tang pinagta-trabaho sa lansangan, junk shop, minahan, o kung saan pang lugar na mapanganib para sa mga bata. Para sa iba pang illegal transactions. Halimbawa nito ay ang pagpapa-ampon o adoption. Ngunit kailangan munang mag-bayad ng malaking halaga kapalit ng bata na aampunin nito. Marami tayong mga batas laban sa Child Trafficking tulad ng: (1) Republic Act No. 7658, isang batas na nagba-bawal sa mga batang may edad 15-anyos pababana mag-trabaho. Ang lumabag sa batas na ito ay maaaring mag-multa ng hindi bababa sa Php 1,000.00 at hindi tataas ng Php 10,000.00 o pwede ding makulong ng hindi bibilis sa 3 buwan pero hindi tatagal ng 3 taon. At kung mamalasin ka ay pwedeng sabay na mangyari sa iyo ang mga parusa. (2) At ang Republic Act No. 9208, isang batas na may layuning bawasan ang Trafficking sa

mga tao lalo na sa mga babae at bata. Kung ikaw ay napatunayang guilty of committing, pwede kang magbayad ng multang hindi bababa ng Php 1,000,000.00 pero hindi tataas ng Php 2,000,000.00, at maaaring makulong ng hindi tatagal ng 15 taon. Kapag ikaw ay napatunayang mastermind, maaari kang ma-

kulong ng pang-habambuhay at mag multa ng Php 5,000,000.00. Kung ang mastermind ay dayuhan, siya ay ipapa-deport pabalik sa kanyang bansa at iba-ban sa Pilipinas. Marami tayong pwedeng gawin upang makatulong. Pwede tayong mag -sumbong sa mga awtoridad,

pulis, o kung sino mag opisyal ng gobyerno. Pwede rin tayong mag-post sa internet ng mga litrato na nakuhanan natin at ipaalam sa mga tao na may nagaganap nan a krimen tungkol sa Child Trafficking. Marami tayong pwedeng gawin, nasa atin nga lang kung paano natin gagawin iyon.


Tagawasto: Kim Kenneth S. Alinsod · Tagalapat: John Loyd B. De Troz

Preseason Previews

HRC Boys Basketball Ni Paul John Cay

LARAWAN NI ALORRAH PETRAS

HRC Intramurals 2014, idinaos NITONG ika-30 ng Hulyo, pormal na sinimulan ang taunang pagdiriwang ng HRC Intramurals. Pinangunahan ng mga piling manlalaro ng HRC Rhinos varsity teams ang torch lighting ceremony na sinundan naman ng maikling talumpati mula kay Gng. Myla Pauline Pecson, school

administrator. Matapos ang maikling talumpati, ang mga Rosarians ay nagpamalas din ng kanilang talento sa pagsasayaw nang sila ay magtanghal, sa pangunguna ng HRC Dance Company na siyang ginabayan ni G. Geoff Lozada, kanilang tagapayo. Itinampok din sa kalagitnaan ng pagtatanghal ang pagrampa ng dalawampu’t

apat na ambassadors at ambasadresses na siyang sinundan ng muses at escorts ng kanikanilang grupo. Bukod pa roon, binigyang-parangal din sa nasabing programa ang sampung natatanging muses at escorts na siyang nagpakita ng kakaibang galing sa pagrampa at pagrepresenta ng kanilang grupo. Napagwagian ito nina Owen Gabriel Santos at

Christine Joy Brillantes (Mr. and Ms. Freshies), Ronin Lavina at Hannah Magcale (Mr. and Ms. Sophies), Brethren Gonzales at Stefanie Saludo (Mr. and Ms Juniors), Abeuel Sy at Kate Sanchez (Mr. and Ms. Seniors), at ang Mr. and Ms. Intrams para sa taong ito, sina Jacques Arboleda at Rheam Sayo.

Rosarians, nagtagisan sa badminton Ni Gourev Chawla ANG kompetisyon sa badminton noong Intrams na ginanap sa stage ng gymnasium ay sinalihan ng bawat grupo na nagprisinta ng kani -kanilang mga manlalarong nagpamalas ng kanilang angking galing sa badminton. Ang mga kategorya sa parehong men’s at women’s divisions ay ang singles A, singles B, at doubles. Si Haruki Mori ng Green Dragons ang nakasungkit ng kampeonato sa men's singles A category kung saan naging gitgitan ang simula ng laban nila ni Ruel Adrian Moreno ng Yellow Serpents. Tinapos ito ni Mori sa iskor na 30-26.

Isa muling manlalaro mula sa Green Dragons na nagngangalang Linkuovich Vaughn ang nanalo laban kay Isaiah Luis Labayani ng Yellow Serpents, 30-24 sa kategorya ng men's singles B. Matitinding mga smash ang inihatid ng dating elementary varsity na si Link sa kanyang kalaban upang makamit ang nasabing panalo. Ang mga manlalaro naman ng Blue Unicorns na sina Noel Sawal at Dan Jamili ang nagwagi sa men's doubles laban kina Gourev Chawla at Carl Siladan ng Green Dragons. Malalakas na mga palo at smash ang naging taktika nila upang maipanalo ang laro na hu-

mantong sa iskor na 30-25. Tinalo ni Charlemegne Valera ng Red Phoenix ang kanyang kalabang si Astrid Martinez ng Yellow Serpents sa isang matindi at dikit na laban sa women's singles A sa iskor na 30-28. Tinambakan naman ni Zyra Moreno na mula pa rin sa Red Phoenix si Rica Callo ng Blue Unicorns sa iskor na 30-15 sa women's singles B. Sa women's doubles naman ay naipanalo nina Melanie Dizon at Carlota Hernandez ang kanilang laban kontra kina Sofia Estrada at Ysobelle Sta. Ana ng Red Phoenix, 30-24. Sa huli, ang palaro ay naging malinis at maayos na naisagawa.

Red Phoenix, nagwagi sa boys’ volleyball championship Ni Kim Kenneth Alinsod PINANGUNAHAN nina JM Beato at Jeztine Martin ang koponan ng Red Phoenix sa isang malinis na 2 set sweep upang tuluyang makuha ang kampeonato sa larangan ng boys’ volleyball sa ginanap na Intramurals ngayong taon.

Sa simula pa lamang ay naging dikit na ang laban ng Red Phoenix at Blue Unicorns kung saan nagpatuloy sa pagpapalitan ng puntos at kalamangan ang dalawang nasabing kuponan. Ngunit nagawang makapagtala ng sapat na kalamangan ang Red Phoenix sa huling bahagi ng unang set upang

maipanalo ito sa iskor na 2523. Patuloy naman na naging dikit ang laban sa ikalawang set ng laro. Ngunit gaya ng naunang set, nagawang umarangkada ng Red Phoenix sa huling bahagi upang makuha ang ikalawang set, muli, sa iskor na 25-23 at tuluyan nang tapusin ang laro.

Samson, nagkampeon sa chess Ni Paul John Cay NAKUHA ni Xavier Samson ng Red Phoenix ang kampeonato sa patimpalak ng chess sa Intramurals ng taong ito na ginanap sa school library nang magawa niyang talunin sa isang mahigpit na serye si Albert Patupat ng Blue Unicorns. Ilang mga dikit at mahihirap na laban rin ang pinagdaanan ni Samson bago makapasok sa finals ng nasabing patimpalak. Subalit sadyang nagpakita ng kagalingan at talino si Samson na ng mag awa ni ya ng makakolekta ng isang clean sweep win-loss record na 5-0

patungong finals. Samantala, dumaan naman si Patupat sa isang tiebreaking qualifier laban kay Harvey Barrientos ng Green Dragons na kanyang nakatabla matapos ang eliminations sa record na 4-1. Sa finals, mahigpit ang naging tagisan ng talino ng dalawang manlalaro. Nariyang umabot pa sa isang stalemate o draw ang kanilang ikalawang laban sa serye na naghudyat ng isa pa muling laban. Sa huli ay nagawang paItinanghal naman si gharian ni Samson ang laban Patupat bilang second placer, na naghudyat ng kanyang si Barrientos bilang third pagkapanalo sa serye at sa placer. patimpalak.

LARAWAN NI ALORRAH PETRAS

Ni Jeanine Lataquin

MAKALIPAS ang isang taon na puno ilang ng mga tagumpay at kabiguan, masasabing kumpyansa at experience ang naging daan upang maging mas handa na ang HRC Rhinos Basketball Team sa pagpasok ng taong ito. Makailang beses ring nakakuha ng tropeyo at parangal ang Rhinos noong nakaraang taon. Ilan sa mga ito ang kampeonato sa LACUAA, League of Southern Manila Schools (LSMS) at SVC Cup na kanilang napanalunan sa pamamagitan ng pagpupursigi at lakas ng loob. Subalit may ilan rin namang mga pagkakataon kung saan kabiguan ang humarap sa Rhinos tulad ng kanilang pagkatalo sa semis ng PRISSA. Kasama na rin dito ang pagkabigo na makamit ang kampeonato sa Dominican Cup kung

saan ang pagiging second runner up lamang ang kanilang kinahantungan. Sa kabila nito ay walang pinagsisisihan ang kuponan sapagkat nagawa pa rin naman nilang makapag-uwi ng karangalan sa paaralan. Matapos ang lahat ng tagumpay at kabiguan na kinaharap ng Rhinos noong nakaraang taon, patuloy pa rin ang adjustments ng Rhinos para sa mga pagbabago sa taong ito. Gaya na lamang ng pagkawala ng isa sa mga ace players ng kuponan na si JM Sumague na nagtapos na ng highschool nitong nakaraan. Kasama na rin dito ang pagdating ng ilang mga bagong manlalaro na inaasahang lalo pang makadaragdag sa tsansa ng Rhinos na makasungkit pa ng mas marami pang mga parangal. Sa ngayon ay pinaghahandaan na ng Rhinos ang nalalapit na PRISSA 2014.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.