HASIK AT ANI Ang opisyal na pangmag-aaral na pahayagan ng Holy Rosary College |
Marso-Disyembre 2018
|
Tomo I Bilang 1
Hasik at Ani
40 YEARS VIRTUS EXCELLENTIUM SERVITIUM
2 balita
Kauna-unahang Fermin Cup, ginanap na
lathalain
isports
Hasik at Ani: Ang Pagpunla ng Edukasyon sa Kabataan
Palarong Pambansa: Rhinos, nanguna sa palaro, nag-uwi ng pilak
2
BALITA
04
Hasik at Ani
MARSO - DISYEMBRE 2018
Dalawang Rosarian, naging parte ng NYLC 2018
Kauna-unahang Fermin Cup, ginanap na Ni Jacob Valeroso Inilunsad ang kaunaunahang The Fermin Cup, isang inter-school invitational academic contest, noong ikaapat ng Oktubre, kasabay ng selebrasyon ng 40th Founding Anniversary ng Holy Rosary College (HRC). Dumayo ang ilang mga paaralan sa lungsod ng Santa Rosa upang lumaban sa nasabing patimpalak na sumukat sa kanilang husay at talino sa Agham at Matematika, Kasaysayan, Computer, pati na rin sa paggawa ng digital poster. Itinanghal na kampeon ng MATHira MahuSCI
(Elementary) ang Emmanuel Christian School (ECS), nasa ikalawang pwesto naman ang Santa Rosa Elementary School Central III (SRES- Central 3), at ang Santa Rosa Elementary School Central I (SRESCentral 1) naman ang nasa ikatlong pwesto. Nasungkit naman ng ECS ang unang pwesto para sa MATHira MahuSCI (Secondary), ikalawang pwesto naman ang napanalunan ng Maranatha Living Hope Academy (MLHA), at ang Queen Anne School (QAS) naman ang nasa ikatlong pwesto. Samantala, ang SRESCentral 1 naman ang nanalo ng
LARAWAN MULA SA facebook.com/hrcsrl/ KAPSYON NI MICAH CUMPAS
> 3 Fermin Cup
Itinalagang overall champion ang Emmanuel Christian School (Secondary) noong ika-apat ng Oktubre. Sinundan sila ng Santa Rosa Elementary School Central I na 1st runner-up at ng Marie Margarette School na 2nd runner-up.
Nagwagi sina Christine Brillantes at Prince Urbano sa patimpalak na Mr & Ms HRC sa Holy Rosary College noong ika-pito ng Oktubre. Ibinalik ang patimpalak bilang parte ng selebrasyon ng 40th Founding Anniversary ng Holy Rosary College.
Mr. and Ms. HRC, muling idinaos Ni Rica Marquez at Shaeena De Castro Muling isinagawa makalipas ang limang taon ang patimpalak na Mr. and Ms. HRC bilang pagdiriwang sa 40th Founding Anniversary
noong ika-pito ng Oktubre sa HRC gymnasium. Nagpagalingan ang dalawampu’t tatlong kalahok mula sa high school department sa pagrampa ng kani-kanilang kasuotan. Pinangunahan ito ng
casual wear, sumunod ang sports wear at panghuli ang pinaka-inaabangan, ang formal attire. Nanalo ng special awards sina Kristina Briones sa Ms. Voter’s choice, Jasmin Dictado sa Ms. Photogenic, > 3 Mr. and Mr. HRC
MGA KUHA NI PATRICIA EPISTOLA AT JUELLIANNE ONG
KAPSYON NI MICAH CUMPAS
Hasik at Ani
MARSO - DISYEMBRE 2018
BALITA
3
YES, idinaos ang 15th Summer Earthivity Ni Marian Managa at Sofia Bagsic
KUHA AT KAPSYON NI MICAH CUMPAS
<2
| Fermin Cup...
una at ikatlong parangal para sa Tagisan ng Talino, at ang SRESCentral 3 naman ang nanalo ng ikalawang parangal. Itinanghal namang kampeon ng ICT Whiz Bee ang ECS, at nasa ikalawang pwesto naman ang Aplaya National High School- Annex (APEX). Sa kabilang banda, nasungkit naman ng Marie Margarette School (MMS) ang unang pwesto para sa ICT Whiz Bee, ikalawang pwesto naman ang napanalunan ng APEX, at ang ECS naman ang nasa ikatlong pwesto. Matagumpay namang nasungkit ng ECS ang titulo bilang overall champion at
<2
Magkahawak-kamay na naghahanap ng envelope ang mga kalahok ng 15th Summer Earthivity sa Holy Rosary College noong ika-8 ng Mayo.
nakapag-uwi ng premyong nagkakahalagang 10,000 pesos at ng The Fermin Cup 2018 Trophy, kinilala naman bilang overall 1st runner-up ang SRES-Central 1, at overall 2nd runner-up ang MMS na nakapag-uwi ng kaukulang premyo na 6,000 at 4, 000 pesos at tropeo. Ayon kay Committee Head Ricky Mapalad, hindi posibleng kada taon sila magsagawa ng ganitong patimpalak, dahil may mga bagay na kailangang isipin, tulad ng papremyo. “Siguro every 4 o 5 years bago ito maulit,” dagdag pa niya.
NAPSPHIL academic competition, ginanap sa HRC Ni Marian Managa at Ellinor Vivo Unang beses na idinaos ang taunang division level academic contest, na National Alliance of Private Schools in the Philippines (NAPSPHIL), noong ika-17 ng Nobyembre sa Audio Visual Room (AVR) ng Holy Rosary College (HRC). Humigit kumulang na 15 paaralan ang dumalo sa HRC
upang sumali sa nasabing patimpalak. Nahati ang nasabing paligsahan sa tatlong kategorya – Elementary, Junior High School ( JHS) at Senior High School (SHS). Binubuo ng Math, Science, Spelling, at Araling Panlipunan contests ang kategorya ng Elementary, samantala nakapaloob naman ang Math, Science, at Araling Panlipunan
contests sa kategorya ng JHS, at Current Events contest naman sa kategorya ng SHS. Itinanghal na panalo ang HRC Elementary Science contestants na binubuo nina Jayden Cyril Zulueta, Jeremy Angel Meñez, at Nikhita Chambal. Nakamit naman ng HRC Elementary Math contestants, na binubuo nina Sean Paz, Rance Cedric Espeleta, at
> 4 NAPSPHIL academic competition
| Mr. and Ms. HRC...
at Aleana Jauregui sa People’s choice award. Si Christine Brillantes naman ang nakasungkit ng mga parangal para sa Ms. Casual, Sports at Formal Attire at tinaguriang Ms. HRC 2018. “Hanggang sa tinawag yung number ko as Ms. HRC 2018, sobrang sarap sa feeling na makita yung parents and relatives mo na halos
Isinagawa ng ‘Young Environmental Stewards’ ng Holy Rosary College ang kanilang 15th Summer Earthivity na may temang “Beyond Borders” noong Mayo 8 at 9 sa Audio Visual Room at school grounds ng HRC. Nagbahagi ng kanyang kaalaman si Engr. John Glynn Zerna tungkol sa kalikasan at sa kung papaano mapananatili ang kaayusan ng kapaligiran noong unang araw ng nasabing activity. Pagkatapos nito, sinumulan nila ang mga palarong nakahanda para sa araw na ito.
Sa ikalawang araw, ang mga dumalo sa nasabing activity ay nag-nature tripping sa Dyezmo River, isang ilog sa loob ng Adventist University of the Philippines sa Silang, Cavite. Inobserbahan at pinagpatuloy nila sa ilog ang activity. Ayon kay YES President Miguel Gestoso, sa tingin niya ay maayos nilang naisagawa ang Summer Earthivity para sa taong ito. Gagamitin nila ang naipong pondo para sa mga susunod na proyekto ng kanilang organisasyon. Nabanggit din niya na mas pagtutuunan nila ng pansin ang disiplina sa kapaligiran at kalikasan.
nagtatatalon na sa saya,” ani Brillantes. Hinakot naman ni Prince Urbano ang lahat ng gantimpala kasama na ang pagiging Mr. HRC 2018. “Masasabi ko lang sa pagkapanalo ko, tumaas lalo ang tiwala ko sa sarili ko at masaya ako dahil nakasuporta ang magulang ko,” ani Urbano.
Koro Rosario, nag-organisa ng Outreach Program Ni Ellinor Vivo Isinagawa ng Koro Rosario ang kauna-unahang outreach program na plano nilang gawin taon-taon. Ginanap ang nasabing programa sa Little Angels Home sa Mendez, Tagaytay
noong ika-11 ng Pebrero 2018. Naisagawa ang programa sa tulong ng panalong nakalap nila mula sa fund-raising concert na “Sing Out Loud” na ginanap noong ika-13 ng Disyembre 2017. Ayon kay Koro Rosario Officer-in-Charge (OIC)
Micah Cumpas, silbing pagpapasalamat nila ito sa mga nakamit na karangalan sa buong taon. “This is our way of giving back sa lahat ng accomplishments ng Koro Rosario,” ani Cumpas.
BALITA
4
Hasik at Ani
MARSO - DISYEMBRE 2018
Koro naghahanda para sa 45th NAMCYA Ni Amara Medrano
KUHA MULA KAY GALE ZAIDE
Dalawang Rosarians, naging parte ng NYLC 2018 Ni Miriam Zaide Nakibahagi ang dalawang Grade 12 Rosarians sa National Young Leader’s Conference (NYLC) 2018 – Luzon Leg noong ika-15 hanggang ika18 ng Pebrero sa San Fernando City, La Union. Dinaluhan nina dating Supreme Student Government (SSG) President Maerylle Gale Zaide at dating SSG Public Information Officer (PIO) Christianne Gerarde Bartolazo ang nasabing conference na may temang “Ti 2030, Awan Maibati: Incusively Engaging the Youth towards Sustainable Humanity” na tinutuunan ng pansin ang mga tao (well-being and humanity). Nabilang sa magkaibang grupo ang dalawang mag-
<3
aaral; si Zaide sa Marginalized Sector kung saan gumawa ang kaniyang grupo ng programa para sa mga nabibilang sa Marginalized Sector habang napunta naman si Bartolazo sa Non-Government Organization na gumawa naman ng mga proyekto para makatulong sa lipunan. Parehong naranasan ng dalawa ang community engagement, problem-solution analysis and drafting of proposals, finalization of outputs, at maging parte ng Young Leader’s Congress. “It was really a nice experience being part of NYLC 2018 – Luzon Leg. I met young leaders from different cities and provinces, and we learned a lot. I am looking forward on meeting and working with
them this June here in Laguna. This time the delegates from the Visayan Leg will join us,” pahayag ni Zaide tungkol sa mga naranasan niya sa nasabing pagpupulong. Naglalayon ang NYLC – Luzon Leg na mas palawigin ang lokalisasyon ng kampanya ukol sa apat na Sustainable Development Goals (SDG) ng United Nations – SDG 2: Zero Hunger, SDG 3: Good Health and Well-being, SDG 4: Quality Education, at SDG 6: Clean Water and Sanitation sa pamamagitan ng matinding pagtutuon sa pagbibigay impormasyon sa mga lider ng susunod na henerasyon lalo na para sa mga nasa laylayan ng lipunan.
Sinimulan ng Koro Rosario ang kanilang unang Summer Training Program noong ika-11 ng Abril hanggang ikalawa ng Mayo sa Holy Rosary College (HRC) upang makapag-ensayo para sa auditions ng National Music Competitions for Young Artists (NAMCYA) 2018 na inanunsyo sa isang memo galing sa Department of Education (DepEd) noong ika-15 ng Mayo. Balak ng nasabing choir na makasali sa Youth category na binubuo ng mga kabataang 18 taong gulang pababa. Ayon kay Koro Rosario officer-incharge (OIC) Micah Cumpas, nakakakaba at nakatatakot dahil unang beses nilang sumabak sa NAMCYA, gayunpaman alam niyang hindi sila pababayaan ng kanilang conductor na si Sir Allan Larioza. “Nakakakaba at nakatatakot at the same time kasi first time namin magtry sa Nationals, pero alam naman namin na hindi kami pababayaan ni Sir Allan,” sabi ni Cumpas.
Ayon kay Larioza, isinagawa rin ang programang ito para pagtuonan ng pansin ang pagpapahusay ng kakayahan ng bawat miyembro ng nasabing choir. “Para ito sa pag-equip ng mga members, yung musicianship kailangan i-improve at tsaka yung musicality level,” sabi ni Larioza. Inimbita ni Larioza ang isa sa mga kilalang conductor na si Miguel Roman Javier, nagtapos sa University of the Philippines (UP) College of Music, na mayroong chorale group na nagngangalang “Koro San Miguel” na may karanasan at pagkakalantad sa lokal at internasyonal na kaganapan. Ayon kay Cumpas, nakatulong ang Summer Training Program para sa NAMCYA dahil tinuruan sila ng nasabing conductor ng mga piyesa at mga vocal strategies. “Nakatulong yung programang ito para sa Nationals kasi inaral na namin yung mga pang-audition at para hindi na makulangan ng time.” ani Cumpas.
| NAPSPHIL academic competition...
Anne Michelle Daga, at ng HRC JHS Math, na binubuo nina Bianca Espiritu, Trisha Espiritu, Marielle Del Rosario, at Rein Salamat, at HRC JHS Science contestants, Gianne Barce, Ivan Sabado, Danna Aseoche, at Vivekjeet Chambal, ang ikalawang gantimpala sa kani-kanilang sinalihang paligsahan.
Samantala, nasungkit naman ng HRC Elementary Spelling, na binubuo nina Kirsten Lei Diaz, Cristhel Jane Noya, at Sofhia Concepcion, at ng HRC Elementary Araling Panlipunan, na binubuo nina Atom Angelo Quidayan, Marc Arman Mañibo, at Yuli Eric Catalbas, at JHS Araling Panlipunan contestants, Neo
Peñaflor, Charisse Vega, Marriane Mañibo, at Harish Chawla, ang ika-apat na pwesto sa bawat paligsahang kanilang sinalihan. Nakilahok din ang HRC sa mga non-academic contest ng NAPSPHIL, tulad ng sabayang pagbigkas, choir, folk dance, at prisaa sports, na ginanap sa iba’t ibang lugar.
KUHA MULA KAY ALLAN LARIOZA KAPSYON NI MICAH CUMPAS
Naghahasa sa pagkanta ang Koro Rosario sa pangunguna ni G. Miguel Roman E. Javier bilang bahagi ng kanilang programa ng buong bakasyon noong ikalawa ng Mayo sa Holy Rosary College. Si G. Javier ay isang kilalang conductor na nagmula sa Unibersidad ng Pilipinas at isa sa mga bumuo ng San Miguel Choir.
Hasik at Ani
MARSO - DISYEMBRE 2018
BALITA
5
Rosarians, nagbigay parangal sa larangan ng Math at Science Ni Kharyle Cay Muli na namang dinala ng ilang Rosarians ang pangalan ng Holy Rosary College matapos makamit ang ilang mga parangal sa iba’t ibang patimpalak sa subject ng Math at Science na kanilang sinalihan ngayong taon. Nanguna sa Amazing Race sina Elean Almazan, Alessandra Rein Salamat at Vivekjeet Chambal sa Laguna BelAir Science School Science, Math, and IT (LBAS SMIT) Challenge.
Nakamit naman nina John Relly Adlawan, Audrey Liah Castillo, at Harish Chawla ang ikalawang parangal. Nakuha rin ni Almazan ang unang parangal sa written exam. Isa pa sa nilabanang kompetisyon ng mga estudyante ay ang Hanep sa Science at Math kung saan nakamit nina Almazan, Aldawan, Chambal, Castillo ang ika-anim na parangal. Binigyan din ng special award si Almazan bilang Hanep sa Physics Awardee”. Nasungkit din
2018 METROBANK MTAP DEPED MATH CHALLENGE
KUHA MULA KAY NACYMOVA MAGAT https://www.facebook.com/ nacy.magat.5
Ni Jacob Valeroso
KUHA AT KAPSYON NI RAINIER BERNABE
SPG, ipinagawa ang nasirang drinking fountain Naisakatuparang maipaayos ang “Drinking Fountain” ng ating paaralan noong nakaraang Mayo sa tulong ng mga nalikom na pondo ng Supreme Pupil Government. Ayon kay SPG Adviser Gng. Argentina Barles, plinano ng SPG ang proyektong ito para sa kapwa nilang mag-aaral upang sila’y makatipid at may mapagkukuhanan ng maiinom na tubig. Kada taon gumagawa ng iba’t ibang Fund Raising Activities ang Supreme Pupil Government para mapondohan ang kanilang mga proyekto, noong pebrero
MULA KALIWA: RELLY ADLAWAN, ELEAN ALMAZAN
HRC dumalo sa traffic safety, drug abuse seminar
Umiinom ang magaaral sa isang drinking fountain, proyekto ng Supreme Pupil Government (SPG), noong ika-21 ng Hulyo. Isinagawa itong proyektong ito upang mapaayos ang sirang drinking fountain sa pamamagitan ng Valentine’s party ng elementarya.
Ni Kharyle Cay
niya ang ikalimang parangal sa Search for the Most Outstanding Mathlete. Ayon kay Almazan, isa sa mga panlaban ng paaralan, “Di mawawala yung kaba at pressure kapag lumalaban lalo na’t pangalan ng school yung dala namin. Kailangan naming ipakita yung best namin sa bawat laban. I-review lahat ng dapat aralin para handa na sa laban.” Ang mga nasabing kalahok ay nagmula sa iba’t ibang baitang ng secondarya.
nagkaroon ng proyekto ang SPG, ito ay ang “Mr. And Miss Valentine” ito’y naisip at plinano ng Supreme Pupil Government Chairman Alyanna Jehoiakim Magcawas at tinulungan naman sila ng kanilang mga guro at mga magulang upang masagawa ng maayos ang nasabing proyekto. Ayon din kay Bb. Locsin, “Maaari na ulit inuman ang drinking fountain. Ito ay safe inumin.” Ngunit paalala niya na dapat gamitin natin ng maayos ang ating drinking fountain nang sa gayon ay matagal natin itong mapakinabangan. Aniya, “Ito ay strictly for drinking purposes only”.
ito sa Sta. Rosa City Hall Auditorium noong ikaDumalo sa Traffic Safety 28 at 29 ng Mayo noong and Drug Abuse Seminar ipingdiwang ang National Safety Week ang mga piling mag-aaral ng Traffic Holy Rosary College(HRC). (NTSW). Pinagusapan dito Ang mga mag-aaral ng ang mga dapat malaman ng HRC ay kasama rin ang taumbayan sa Traffic Safety iba’t ibang mga grupo at Drug Abuse upang tayo kagaya ng Non-Government ay makaiwas sa disgrasya at O r g a n i z a t i o n s ( N G O s ) , krimen. Local Government Nagbigay ng opening Units(LGUs), Tricycle remarks si Sta. Rosa Mayor Operators and Drivers’ Danilo Hernandez upang Associations(TODAs) at iba simulan na ang seminar. pang mga organisasyon sa Maraming mga inimbitang iba’t ibang parte ng Laguna. panauhin upang magturo sa Ginanap ang seminar na seminar na ito kagaya ni P/
Chief Insp Felipe Beleponga ng Regional Highway Patrol Group, Engr. Eugenio Diaz ang nagaasikaso ng roadworks ng Sta. Rosa, Danish Kadatnan ay ang nagrepresenta ng LTFRB at iba pang mga panauhin. Sa pangalawang araw ng seminar ay tungkol sa pag-aabuso ng droga. Nagkaroon ng oras ang mga dumalo ng seminar upang makapagtanong sa mga panauhing nagturo sa kanila para malaman ang mga pananaw nila.
Hasik at Ani
Ang opisyal na pangmag-aaral na pahayagan ng Holy Rosary College
KARLA LIGON PUNONG PATNUGOT
JOSE MARI SANTOS PATNUGOT SA SPORTS
ELLINOR VIVO CLARA ALEGRIA KAPATNUGOT
ELEAN ALMAZAN PATNUGOT SA SCIENCE
KHARYLE CAY RICA MARQUEZ PATNUGOT SA BALITA RELLY ADLAWAN PATNUGOT SA LATHALAIN
PATRICIA EPISTOLA MICAH CUMPAS PATNUGOT SA LARAWAN KIM CASTEJON PATNUGOT SA SINING AT PAGLALAPAT
VERLIN A. ENTENA TAGAPAYO
BALITA
Alliah Petras Angelo Villaluz Cielo Dela Cruz Elmira Doctor Ericka Casio Kate Paga Johna Abastilla Lj Manalo Marian Managa Miriam Zaide Nicole Aquino Reyjohn Naga Shaeena De Castro Isabelle Navea
LATHALAIN
Christine Valencia Christine Viloria Eliseo Alinsod Ellaine Dictado Gabbie Platino Lency Astrera Nadine Amular Robe Del Mundo Jomel Tapang Zarrah De Ocampo
SCIENCE
Harish Chawla Ivan Sabado Marianne Mañibo
Angela Feliciano James Mariñas Vince Sagun
ISPORTS
Beatrice Escosura Brian Granada James Alzona Jomarie Tuppal Kian Sotto Kleine Azaña Jade Jadormio Jordan Velasco
SINING
Joshua Dela Rosa Divina Ibanez
MARIETTA D. BARTOLAZO PUNUNGGURO
PHOTOS
Angelica Dumayas Juellianne Ong Justine Daquiz Rainier Bernabe Nica Yolola
PAGLALAPAT Amara Medrano Miguel Gomez Calista Dumayas Rhanwel Caringal
6
LATHALAIN
Hasik at Ani
MARSO - DISYEMBRE 2018
07
Abilidad kaysa Kapansanan
MGA KUHA MULA KAY KARLA LIGON
Hasik at Ani:
Ang Pagpunla ng Edukasyon sa Kabataan
Ngiti at iilang kyuryosong mga tingin ang sumalubong sa amin nang aming marating ang kalagitnaan ng riles ng tren na puno ng mga estudyante at kanilang mga magulang. Sa unaha’y si Gng. Natalia Alvarez o mas kilala natin bilang Tr. Lea, na saglit kaming ipinakilala bilang mga miyembro ng opisyal na pahayagan ng paaralan at nagpatuloy sa pag- aayos ng kanyang klase. Isa itong pangkaraniwang araw sa kanilang eskwela, ngunit para sa amin ay isa itong espesyal na pagkakataon. Taong 2009 nang simulan ang proyektong School On Wheels (SOW). Nag- umpisa sila sa 86 na bata mula sa iba’t ibang bahagi ng Barangay Tagapo. Mayroon silang limang lugar na pinupuntahan upang magturo: Daang Nia Mercado, Ramos Compound
(Aswangan), Amihan, Tiongco, at Florence Ville. Nakatanggap ng tawag si Tr Leah mula sa punungguro ng paaralan at noo’y kapitan ng Barangay Tagapo na si Mrs. Marietta Bartolazo. Sinabi nito ang proyektong balak, at si Tr Leah ang una at kaisa- isang guro na nagturo. Kasama ang dalawang volunteers mula sa Barangay, binaybay nila ang kalsada ng Tagapo, sakay ng isang sasakyan patungo sa iba’t ibang lugar upang magpalaganap ng karunungan. Inihahatid siya, pati ang mga materyales na gagamitin sa pagtuturo tulad ng mga mesa at upuan at susunduin matapos ang isa’t kalahating oras ng klase. Noong 2011, sa kalagitnaan ng isang demolisyon, nadiskubre ang programa ng Philippine Daily Inquirer. Nagtaka diumano ang mga ito kung ano ang ginagawa nila sa ilalim ng tulay, at iyon ang naging resulta ng pagkakalathala ng School On Wheels sa dyaryo.
Itinuring ito na isang napakalaking oportunidad at naging malaking bahagi ng pagtuturo ni Tr Leah noon hanggang ngayon.
Wheels o SOW, ang buo nitong pangalan ay “School On Wheels to Relevant Education Access Program (SOW to Reap).”
Nagtanim ka, may ipinunla ka, may aanihin ka. - Natalia Alvarez Guro, School On Wheels
“
Ni Karla Ligon at Clara Alegria
“Nagtanim ka, may ipinunla ka, may aanihin ka.” Ayon ito kay Tr Leah nang sagutin niya ang tanong kung paano nakuha ang pangalan ng proyektong ito. Kilala sa tawag School On
Nagpatuloy ang SOW hanggang sa taong 2013. Hindi pinalad na mahalal muli si Gng. Bartolazo bilang punong barangay, at kinailangang iwanan ang lahat ng mga kagamitan ng
barangay. Ngayong taon muling binuhay ang School On Wheels, sa tulong ng kasaluyang punong barangay na si Kap. Aldrin Lumague. Para kay Tr. Leah, hindi naging madali ang kanyang naranasan noong una siyang nagturo sa SOW. Hindi niya lubos maisip na darating siya sa puntong kinakailangan niyang umakya’t panaog ng tulay upang marating ang lugar kung saan siya magtuturo. Nang maglaon, hindi na niya alintana ang ganitong senaryo, bagkus mas lalo pa siyang nabuhayan ng loob at ginanahan sa pagtuturo sa tuwing makikita niya ang kanyang mga estudyante. Bukod sa pagbabahagi ng kaalaman sa mga “indigent” na bata, layunin din ng SOW ang mabuting nutrisyon ng mga ito. Dalawang beses sa isang buwan ay nagkakaroon sila ng feeding > 7 Hasik at Ani
Hasik at Ani
MARSO - DISYEMBRE 2018
MGA KUHA AT KAPSYON NI PATRICIA EPISTOLA
LATHALAIN
7
Nagpose para sa kamera ang mga mag-aaral ng Special Education Department (SPED Dept.) sa Gymnasium ng Holy Rosary College noong ika-24 ng Hulyo. Nakilahok ang mga mag-aaral sa pagsisimula ng Intramurals ng taong kasalukuyan.
Abilidad Kaysa Kapansanan Ni Elmira Doctor at Ellaine Dictado Ang pakikibaka sa pangungutya ng lipunan sa mga tulad nilang may kapansanan, pagsabay sa takbo ng buhay at patuloy na pamumuhay sa kabila ng mga pagsubok ay ilan lamang sa kinakaharap ng mga tinatawag nating ‘special children.’ Ang mga kapansanang ito ay hindi nagsisilbing balakid bagkus ay kanilang nagiging lakas upang harapin ang buhay nang mas matapang.
Isang malaking patunay nito ang mga special children ng Holy Rosary College sa inilunsad na Livelihood Program na kabilang sa Special Education Program. Sa ilalim ng proyektong ito, isang prangkisadong tindahan ang nabuo upang hulmahin ang mga bata sa larangan ng pakikipagugnayan at pagpapalawak sa kanilang pansariling kakayanan. Sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga pagkain tulad ng buko na may iba’t ibang flavors, fried noodles na may iba’t ibang
toppings at fish balls ay nagsisilbi itong pagsasanay upang maging handa ang mga bata sa pagharap sa kanilang kinabukasan. Lalo na dahil hindi naman lahat sa kanila ay patuloy na matutustusan ang pag-aaral. Madalas namumutawi sa kanilang isipan ang mga tanong na, “Paano ang bukas? Saan kami pupunta pagkatapos nito?” Kaya naman malaking tulong ang Livelihood Project para sa kanila. Subalit, lingid sa kaalaman ng marami, sila ay nakararanas din ng kahirapan sa
pagbebenta. Halimbawa nito ay ang pagsusulat at pagbibilang. Ayon kay Bb. Ginalyn Garge guro ng Sped, isa lamang sa mga bata ang marunong magbaybay at bumilang. Isang malaking palaisipan kung papaano nakayanan ng mga bata ang kanilang gawain sa kabila nito. Sa gayon, naging patotoo lamang ito sa mga katagang binitiwan ni Tr. Ginalyn: “If they have special needs, they also have special abilities.” Hiling din ng guro na ibahagi sa lahat na “Kung mas marami
<6
man ang aktibidad ng mga regular na bata ay sana maisama din kami.” Dagdag pa niya, sana raw ay matibag na ang pader sa pagitan nila at ng mga regular na bata. “God has special plans for his special ones.” Malaki ang paniniwala ng guro na “We must focus on abilities rather than disabilities,” at dahilan para mapagtuunan ng pansin ang kanilang mga abilidad kaysa kapansanan.
Hasik at Ani:
Ang Pagpunla ng Edukasyon sa Kabataan
KUHA MULA KAY KARLA LIGON KAPSYON NI PATRICIA EPISTOLA
Nagtuturo si Gng. Natalia Alvarez sa mga bata sa proyektong ‘School On Wheels.’ Isinasagawa ang proyektong ito tuwing lunes hanggang biyernes at ginaganap ito sa mga piling lugar sa Barangay Tagapo.
program. Sa pagtatapos ng taon, ang isang taon, titimbangin ang mga mag-aaral at titingnan ang pagbabago ng kanilang timbang sa tulong ng mga nutrionists. Sa pamamagitan ng mga donasyon, naging posible ang iba pang mga programa ng SOW para sa mga bata. Nagkakaroon din sila ng Inramurals o Sportsfest. Tuwing sasapit naman ang Disyembre ay mayroon silang Christmas Party at Gift- giving. “Hangga’t kaya ko, ipagpapatuloy ko ito.” Ayon kay Tr Leah, ipagpapatuloy pa rin niya ang ang School On Wheels kahit na siya ay retirado na.
Sa kasalukuyan, mayroong 115 na estudyante ang School On Wheels sa apat na lugar sa Barangay Tagapo. Ipinepetisyon ni Mrs. Bartolazo sa Pamahalaang Panlungsod ng Santa Rosa na maging opisyal na proyekto ng lungsod ang School On Wheels. Kapag nangyari iyon, mabibigyan na sila ng mas malaking pondo at panibagong sasakyan. Hindi na lamang si Tr Leah ang magtuturo, madadagdagan pa ang mga guro at mas magiging marami pa ang mga batang matutulungan ng School On Wheels.
8
SCIENCE
09
Hasik at Ani
MARSO - DISYEMBRE 2018
Internet addiction, dapat bawasan
21st Century Learning, solusyon ba sa mababang edukasyon? Ni Ivan Sabado Ang 21st Century Learning ay ang paraan ng pagtuturo sa mga paaralan gamit ang makabagong teknolohiya. Noong nakaraang taon, ang Globe ay naglunsad ng 21st Century Learning sa mga pampublikong paaralan sa Quezon City. Una na rito ang Masambong High School. “Naging pangarap ko na ang lahat ng estudyante dito ay kayang patalasin ang kanilang isipan sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya,”
KUHA MULA KAY ROBIE AMORANTO
Matinding kalaban sa matalik na kaibigan Ni Elean Almazan Man’s best friend ang bansag sa mga aso. Ang mga aso ay isa sa mga pangkaraniwang alaga sa bahay. Ngunit, kasabay ng pagaalaga sa mga aso ang pag-iwas sa mga garapata. Isinagawa ng anim na magaaral ng Grade 12 mula sa Holy Rosary College (HRC) ang isang pananaliksik tungkol sa epekto
KUHA MULA SA facebook.com/hrcsrl
ng paggamit ng homemade organic dog shampoo kumpara sa mga dog shampoo na nabibili sa merkado sa pagtanggal ng mga garapata Gawa sa pinaghalong tanglad extract at aloe vera ang homemade dog shampoo na ginamit sa pananaliksik. Pinaliguan gamit ang homemade dog shampoo ang isang aso at gamit naman
ang commercially available dog shampoo sa pangalawa. Ginamit ito sa mga aso nang apat na beses, isa bawat tatlong araw. Matapos ang pageeksperimento, lumalabas na mas mabisa ang paggamit ng homemade kumpara sa commercially available na dog shampoo sa pagtanggal ng mga garapata.
ani ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa kanyang speech. Ang mga gamit gaya ng projectors, speakers na ginagamit sa paaralan ay para mas maging interesado ang mga estudyante at upang maibsan din ang mahinang pag-iisip ng ibang mga estudyante dito sa ating paaralan. Pwedeng maging solusyon ang teknolohiya sa pagtuturo basta’t sasamahan natin ng pakikinig at pag-intindi. Maasahang sa ika-21 na siglo ay teknolohiya na ang gagamitin sa pag-aaral.
Masigla at malusog na paggawa Ni Ivan Sabado Maraming trabahador at estudyante ang hindi makagawa ng kanilang gawain dahilan ng pagkagutom at panghihina. Nagsagawa ng feeding program ang maraming pampublikong paaralan para sa mga malnourished na mag-aaral upang maibsan ang kanilang mahinang pangangatawan. Ang kantina ng paaralan ay nagtitinda ng mga biskwit at energy drinks
imbis na mga soft drinks at tsitsirya upang makakain nang maayos at masustansiya ang mga mag-aaral para matanggal ang antok at tamlay sa pakikinig at para mas maging matalas ang pag-iisip nila sa kanilang mga gawain. Kahit anumang gawain dapat maging masigla tayo at dapat kumain nang maayos at magehersisyo araw-araw upang malabanan ang panghihina at gutom.
Luntiang paaralan Ni Ivan Sabado Ang paaralan ay isa sa mga pinakamahalagang lugar sa buhay ng isang tao kaya kailangan nitong mapaganda at mapatibay para sa mga batang nag-aaral dito. Malaking pinsala ang dinala ng Bagyong Yolanda sa Tacloban, Leyte noong taong 2013. Isa sa mga napinsala ng bagyo ay ang mga paaralan dito. Maraming batang hindi nakapag-aral dahil sa mga nasirang paaralan. Kaya ang
ating paaralan ay nagtatanim ng mga puno at halaman upang maiwasan ang baha dulot ng mga bagyo. Malaki ang tulong ng mga puno dahil sinisipsip ng mga ito ang tubig na dulot ng baha at nagbibigay din ang mga ito ng malinis na hangin at pinapalamig nila ang kapaligiran. Kahit gaano kalala ang baha, mapipigilan ito dahil sa mga puno at mababawasan na rin ang mga paaralang napipinsala.
Hasik at Ani
MARSO - DISYEMBRE 2018
SCIENCE
9
Internet addiction, dapat bawasan Ni Ivan Sabado Isa sa mga dahilan ng mahinang pag-iisip ay dahil sa sobrang paggamit ng Internet at computer games. Noong 2015, pansamantalang tinanggal sa bansa ang Defense of the Ancients (DOTA), isang computer game, dahil sa dami nang naglalaro nito at sa mga away na resulta nito. Sa kabilang dako naman, napapalitan na ng Internet ang telebisyon sapagkat maraming
KUHA MULA SA askideas.com
pwedeng gawin kapag mayroon nito gaya ng pag-reresearch, panonood, at paggamit ng social media. Dito sa ating paaralan, libro pa rin ang pangunahing ginagamit kahit may mga computer dahil mas marami ring kaalaman at impormasyon ang makukuha sa libro. Mas maganda ring manood sa telebisyon dahil sa mga balita. Maganda rin namang gumamit ng Internet para sa kaalaman ngunit mas nakatutulong pa rin ang libro at telebisyon sa pag-aaral.
‘Gaming Disorder’ tataguriang kapansanan — WHO Ni Harish Chawla Sa darating na Mayo 2019, ihahain ng World Health Organization (WHO) ang draft na magbibigay bisa sa pagkilala ng gaming disorder bilang isang kapansanan sa kanilang International Classification of Diseases (ICD) compendium. Ito ay nakatakdang mangyari sa ika-1 ng Enero 2018. Ayon sa WHO, masasabi na ang isang tao ay may gaming disorder kapag ito ay hindi na nakakapagtakda ng oras sa paglalaro ng kanilang video games at nagkakaroon na ng hadlang sa pakikipagsalamuha sa mga mga tao sa paligid. Ang ICD ay nagsisilbing
basehan sa pagtukoy ng iba’t ibang karamdaman na kinikilala sa buong mundo at nagsilbing standard sa pag-aaral ng mga researchers at pagkilala ng mga sintomas ng mga pasyente. Pangalawa, sinasabi ng WHO na maraming bagay ang isinasaalang sa pagdaragdag ng panibagong karamdaman. Ang ICD ay binubuo sa tulong ng mga eksperto sa larangang medikal. Ang ika-11 na rebisyon ng ICD ay nakatakda rin ngayong taon. Ayon kay Dr. Shekhar Saxena, direktor ng WHO Department of Mental Health and Substance Abuse, ang proposal ng pagkakadagdag ng gaming disorder sa ICD ay nilagdaan na dahil sa mga ebidensiyang nagpapatibay dito.
Sa panig naman ng American Psychiatric Association, ang pagkilala ng gaming disorder bilang isang kapansanan sa pag-iisip ay hindi katanggap-tanggap. Ito ay nangangailangan pa ng mabusising pagsusuri bago ito ideklerang aktwal na kapansanan. Ang desisyon ng WHO ay nakatanggap ng mga pamumuna galing sa mga researchers na nagsasabing ang ebidensiya ay mahina at kung ito ay maaprubahan, maaaring abusuhin ang mga sintomas nito. Ibinabasura ng mga researcher ang pagkilala nito sapagkat kulang pa raw ito sa kinakailangang datos. Nasabi rin na masyadong malawak ang pamantayan nito upang maturing na isang sakit.
“
Ayon sa WHO, masasabi na ang isang tao ay may ‘gaming disorder’ kapag ito ay hindi na nakakapagtakda ng oras sa paglalaro ng kanilang ‘video games’ at nagkakaroon na ng hadlang sa pakikipagsalamuha sa mga mga tao sa paligid.
Kakaibang liwanag sa dilim Ni Elean Almazan Nagbibigay ng liwanag sa gabi ang buwan. Kamakailan lamang ngayong taon, naganap ang isang bihirang pangyayari na noon lamang nakita mula noong 1866. Noong ikatatlumpu’t isa ng Enero, nasaksihan sa silangang bahagi ng Asia, Australia, at kanlurang bahagi ng North America ang isang super blue blood moon. Ang super blue blood moon ang tawag sa buwan kapag sabay-sabay nangyari ang isang super moon, blue moon, at
blood moon o lunar eclipse. Tinatawag na super moon ang buwan kung ang orbit nito ay pinakamalapit sa daigdig. Tatlumpung beses na mas malaki ang isang super moon kumpara sa katamtamang laki ng buwan, ayon sa Space.com. Tinatawag namang blue moon ang pangalawang full moon sa isang buwan; ngunit, bagamat tinaguriang blue moon, wala itong kinalaman sa kulay ng buwan. Ang solar eclipse o blood moon naman ay isang phenomena kung saan nasa pagitan ng araw at buwan
ang daigdig. Natatakpan ng daigdig ang liwanag mula sa araw na pinagmulan ng liwanag ng buwan, ang dahilan kung bakit nagiging pula ang kulay ng buwan. Ayon sa National Aeronautics and Space Administration o NASA, tumagal nang isang oras at 16 minuto ang super blue blood moon. Makikita muli ang super blue blood moon sa January 31, 2037, ayon sa Space.com.
KUHA MULA SA https://philnews.ph/2018/01/30/super-blueblood-moon-will-occur-january-31-wed/x
10
ISPORTS
Hasik at Ani
MARSO - DISYEMBRE 2018
Hataw
Sa likod ng tagumpay ng arnis
Ni Jose Mari Santos Ang pagtanggap ng parangal ay isa sa pinakainaasam na makamit ng isang mag-aaral. Tanda ito na ang sipag at tiyaga na ibinuhos niya sa isang gawain ay nagbunga nang mabuti. Mahirap tahakin ang daan tungo sa tagumpay, ngunit ito ay napadadali kung natitiyak na ikaw ay nakatutok sa pangarap na iyong inaasam. Ito ang daang tinahak ng Holy Rosary College Arnis Team. Bilang isang bagong isport sa HRC, hindi naging madali para kay team captain Kienth Matibag na hikayatin ang mga mag-aaral na makiisa sa isport na itong tila di pangkaraniwan para sa marami. Tila dugo at pawis ang inialay ng team captain para lamang makahikayat ng mga manlalaro. Mula sa pagdidikit ng mga karatula at pag-iikot sa bawat silid-aralan ay nakapanghikayat siya ng pitong manlalaro na kaagad niyang isinabak sa matinding pag-eensayo dahil mayroon na lamang silang isang buwan bago sumabak sa City Meet, ang pinaka una nilang laban. Naging mahirap para sa mga
manlalaro ang buuin ang mga kakayahan na kinakailangan sa paglalaro ng Arnis dahil hinihingi nito ang matiwasay na kooperasyon ng isip at katawan na kinakailangan nilang hasain habang sila ay nagaaral rin para sa eskwela; kaya naman iginugol nila ang bawat hapon pagtapos ng klase upang lalo pa silang mahasa sa paglalaro. “Halos araw-araw after dismissal, nagpa-practice kami. Sa simula, akala ko madali lang, pero habang tumatagal, parang umabot na ako sa point na gusto ko nang sumuko. Pero dahil sa mga kasama ko at sa passion na pinapakita nila, nabuhayan ako ng loob,” wika ni Mico Manipis na nakabingwit ng pilak na medalya. Sinamahan nila ng kooperasyon at dasal ang kanilang bawat ensayo hanggang dumating ang araw na kanilang pinaka-pinaghahandaan at dahil sa sipag at tiyaga na ipinamalas ng bawat isa ay umuwi ang buong koponan nang may dalang parangal at nasungkit nila ang ikalawang puwesto sa ginanap na City Meet kung saan nakapag-uwi sila ng isang ginto, limang pilak, at limang tansong
KUHA NI PATRICIA EPISTOLA KAPSYON NI JUSTINE DAQUIZ
medalya. Hindi inasahan ng koponan na sila ay magbibigay ng malaking karangalan sa paaralan dahil bilang bagong salta sa isang bagong lugar, itinuring silang underdog ng karamihan at hindi nila iakalang matatapatan nila ang iba pang magagaling na mga manlalaro ng Arnis sa lungsod. Mula sa koponan ay higit na maligaya ang team captain sa
(Sa itaas, mula kaliwa papunta sa kanan,) Mhark Joshua Anabo, Mico Piolo Manipis, Kyle Mariano, James Camangon, Miguel Dinulos, Kienth Matibag, Alecx Jireh Trinidad, Vittorio Villanueva, Aldrin Quisay, Christian Deocera at Eliseo Alinsod. (Sa ibaba, mula sa kaliwa papunta sa kanan,) Trisha Mariz Vierneza, Juliah Irene Paz, Lei Anne Ortecio, Jazmine Claire Marinas, Jade Torres at Ken Martinez.
naging resulta ng kanilang unang laban. “At first syempre another achievement nanaman ito para samin. We’re very happy and blessed dahil humantong kami sa kompetisyon na iyon at nakapag uwi ng medalya para sa aming paaralan,” sambit ni Matibag. Patunay ito na ang tagumpay ay nakakamit dahil sa tamang pananaw, sipag, at tiyaga sa pag sunod sa minimithing layunin
dahil hindi naging hadlang para sa koponan ang kakulangan nila sa kaalaman sa paglalaro; ito ay pinaghirapan nilang matutunan kahit maigsing palugit lamang ang hinarap nila sa pag eensayo. Mula sa tagumpay ng koponan ay inaasahan ang tuloy tuloy pa nilang pagwawagi sa mga susunod na labang kanilang tatahakin. Para sa HRC Arnis Team: no pain, no gain.
Pagpalo sa hamon Ni Kian Ley Sotto
MGA KUHA NI PATRICIA EPISTOLA KAPSYON NI ANGELICA DUMAYAS Joshua Camagan, dating manlalaro at kapitan ng Holy Rosary College Boys Volleyball Team (HRCBVT.)
Nagsimula nang pumito ang mga tagapaghatol na nagpapahiwatig na simula na ang laban. Nangangahulugang kailangan na ang serbisyo para maipagpatuloy ang laban. Sinimulan ni Joshua Camagan ang karera ng kaniyang paglalaro ng Balibol sa lungga ng mga Rhinos noong siya’y tumungtong sa sekundarya. Pagsisikap ang puhunan para mas mahasa ang galing sa paglalaro. Sumabak sa ilang kompetisyon ang koponan ni Camagan at nagwagi. Dumating rin ang mga panahong na bumagsak at natatalo ngunit tinanggap ito ng buong-buo, patuloy na tumayo at bumawi ng mas malakas palo. Nakalipas ang ilang taon at nabitbit niya ang koponan ng HRC sa ilang kampeonato at tumanggap ng ilang parangal tulad ng Most Valuable Player (MVP) Award. Rumagsa na ang huling set, mas determinado ang bawat manlalaro na makuha ito upa-
ng mapagtagumpayan ang laban. Tumungtong na si Camagan sa huling taon niya bilang manlalaro ng HRC at kapitan, mas pinagsikapan ang bawat pag-eensayo at nagdoble-kayod sa paghahanda sa bawat laro. Muli, dinala niya sa tagumpay ang mga Rhinos sa ilang torneo. Naagaw man ang kanilang trono sa PRISAA (Private Schools Athletic Association), sinungkit pa rin nila ang panalo sa Unit Meet, City Meet at nakarating sa Provincial Meet. Nagtapos rin sila bilang 1st runner Up sa LAPRISADA at nabigyan ng pagkakataong makalaban sa Rebisco Volleyball League kung saan nagtapos sila sa ika-limang pwesto. Sa kaniyang huling laban bilang isang manlalaro ng HRC, isa siya sa mga nagrepresenta ng Laguna sa idinaos na Regional Sports Competition. Sumenyas na ang mga tagapahatol na tapos na ang laro. Dumating na ang oras upang tahakin ang mas mahabang landas para sa tagumpay. Hindi man ganon kaganda ang
pag-alis ni Camagan, nag-iwan pa rin siya ng magandang inspirasyon sa mga natitira at sa mga darating na manlalaro ng kaniyang dating koponan. Buong tiwala pa rin siya sa kaniyang grupo na kaya nilang mas lampasan pa ang kanilang natamasa noong siya’y naglalaro pa. “Malaki ang tiwala ko sa kanila (HRCBVT) kasi nagtitraining naman sila araw-araw tsaka ‘di naman basta-basta yung training na yun.” ani ni Camagan. “Sa tingin ko naman, ma-achieve nila lahat ng nakuha namin baka malampasan pa nila yun,” dugtong pa nito. Ayaw man nating tapusin at umalis sa ating pinaglaruan, kinakailangan nating sundan ng panibagong yugto ang ating buhay. Matapos ang halos anim na taong paglalakbay sa tahanan ng mga Rhinos, ipagpapatuloy ni Camagan ang karera ng kanyang paglalaro sa LPU Batangas at doon ipapamalas ang galing ng isa sa mga kinakatakutang manlalaro ng HRC.
Hasik at Ani
MARSO - DISYEMBRE 2018
ISPORTS
11
HRC Badminton Team muling binuhay
KUHA NI JUSTINE DAQUIZ KAPSYON NI RAINIER BERNABE
Ni Jade Jadormio Arman Joseph Manlalangit, bagong coach ng Holy Rosary College Badminton team, muling binuhay ang badminton team ng HRC pagkatapos itong di masilayang nag eensayo sa loob ng campus sa loob ng ilang buwan. Kamakailan lamang ay muling nakitang nag eensayo ang HRC Badminton team na binubuo ng mga manlalaro na baguhan pa
(Kaliwa papuntang kanan) AJ Manlalangit, Joyce Ann Barroso, Jeanine Paz, Hoshaihna Tibay, Katherine Villanueva, Allyssa Mae Reyes, Andrei Barrenuevo at John Reed Galindon.
lamang at ang mga manalarong dati ng kasapi ng HRC Badminton Team. Hindi lamang coach ng badminton team si Manlalangit, isa rin siyang guro sa HRC sa iba’t ibang baitang. Bago pa man naging isang coach at guro sa ay naging isang manlalaro rin siya ng Badminton noong nasa elementarya at high school sya sa HRC. Ayon sakanya ay dalawang magkasunod na taon siyang naglaro
sa Palarong Pambansa nung sya ay isa pang manlalaro ng HRC. Ngayong hindi na siya isang manlalaro, ayon sakanya ay gusto niya ring maabot ng kanyang mga manlalaro ang kanyang mga naabot noon kagaya ng Palarong Pambansa ngunit gusto niya ring mas higitan pa ng mga ito ang kanyang naabot at gusto niyang makita ang mga ito na maging parte ng National Team at irepresenta ang Pilipinas sa iba’t ibang bansa.
Kinapanayam ko ang nasabing bagong coach ng badminton team at inalam ang kanyang sagot sa aking tanong na gugustuhin niya bang makita ang kanyang mga manlalaro na maglaro rin sa Palarong Pambansa katulad niya, “Syempre naman. Pero ayoko na yun lang ang i-aim nila. Gusto ko rin na maging part sila ng National Team at makapag laro sa iba’t ibang bansa,” ayon kay Manlalangit. Ang ibang mga manlalaro ng HRC Badminton Team ay madalas na nating marinig ang mga pangalan at umani na ng mga patimpalak bago pa nila maging coach si Manlalangit, ngunit hindi lahat sila ay dati na nating naririnig ang mga ngalan. Sa muling pagka buhay ng HRC Badminton Team ay nagkaroon ito ng mga bagong kasapi na ngayon ay sinasanay ni Manlalangit upang makilala rin sa larangan ng badminton, ngunit kahit na ang mga baguhang manlalaro niya ay hindi pa masyadong nasanay ay pantay pantay pa rin ang pagbibigay niya ng oras at pag bibigay aral sa mga ito. “Ang ineexpect ko sakanila ngayon ay sundin nila lahat ng mga tinuturo ko sa kanila… Binibigyan ko sila ng time parehas kasi hindi naman pwedeng pabayaan ko na agad yung marurunong na,” sambit ni Manlalangit.
Dating HRCGVT libero Martin sa kanyang unang yugto sa UAAP Ni Jade Jadormio Rizalinda Martin, dating libero ng Holy Rosary College Girls Volleyball Team, ay muling patutunayan ang kanyang galing sa panibagong yugto ng kanyang karera bilang isang manlalaro ng UAAP Women’s Volleyball sa koponan ng University of Santo Tomas Lady Tigresses. Hindi lamang UST ang paaralang sumubok na kuhanin siya upang maglaro para sa kanilang koponan kung hindi pati na rin ang Ateneo de Manila University ngunit sa UST nya pa rin piniling sumapi dahil una pa lamang daw ay dito na niya gustong ipagpatuloy ang kanyang karera kung sakaling mabigyan siya ng pagkakataong makapaglaro sa UAAP. Sa unang tatlong taong paglalaro ni Martin para sa HRC
ay isa siyang utility spiker ngunit sakanyang pang apag na taon ay sinanay siya upang maging isang libero dahil sa kakulangan ng koponan ng HRCGVT sa manlalaro. “Utility spiker ako before. We have three liberos noon but something came up at lahat sila ay lumipat ng school. May ginawang libero na mga ka-teammate ko pero hindi sila naging effective...” sambit ni Martin. Sa kanyang anim na taong pagiging manlalaro ng HRC, ay Palarong Pambansa ang kanyang naging huling laro bago nita tuluyang lisanin ang HRC at magpatuloy sa paglalaro sa UST. “Super eager ako na manalo, at the same time nalulungkot kasi yun nga last playing year ko na”, sabi niya. Bigo silang makamit ang inaasam na gintong medalya sa Palarong Pambansa,
gayunpaman ay ginawa niya ang kaniyang makakaya at binigay ang buong lakas upang makatulong sa kaniyang koponan. Sa panibagong yugto na kaniyang kakaharapin ay matinding pag babalanse sa kaniyang oras ang kaniyang kakailanganin dahil hindi lamang pag subok sa pagiging manlalaro ang kaniyang haharapin ngunit pati na rin ang unang taon niya sa kolehiyo. “Mas mahirap ngayon kung ikukumpara noong Junior high school at Senior high school, mas kailangan ko ng time management, sipag at enjoynment sa ginagawa ko”, aniya pa. Hindi pa sigurado kung makapaglalaro na si Martin sa susunod na season ng UAAP ngunit patuloy pa rin siyang mag eensayo sa koponan ng UST.
MGA KUHA NI PATRICIA EPISTOLA KAPSYON NI JUELLIANNE ONG Rizalinda Martin, dating libero ng Holy Rosary College Girls Volleyball Team (HRCGVT.)
Sa panibagong henerasyon ng mga manlalaro ng HRC Badminton team ay hinihingi ng kanilang bagong coach ang kanilang kooperasyon at dedikasyon sa paglalaro para mahigitan ang mga nakuhang gantimpala ng mga nakaraang Badminton Team ng HRC. “Sa tingin ko naman kaya naman higitan kung yung mga player ay mag sisipag din ng training. Kasi may mga students na ginagawa lang nilang past time ang pagiging varsity. Kaya bago pa lang mag start yung training naming sinabihan ko na sila na kailangan ko yung 100% commitment nila…” sambit ni Manlalangit. Noong ika-14 ng Hulyo ay nakakuha agad ng gantimpala ang mga manlalaro sa elementarya ng HRC Badminton Team na sina Jean Barrosso at Kyrie Reyes na nasungkit ang gintong medalya. Noong ika-15 naman ng Hulyo ay ang mga manlalaro naman ng high school na sina Deun De Guzman at Hiroyuki Dy ang nagpamalas ng kanilang galing at sinugkit ang silver medal. Sa muling pagka buhay ng HRC Badminton Team ay kaagad silang nagkamit ng mga gantimpala kahit na kasisimula pa lamang nila sa pag eensayo ilang lingo ang nakararaan.
ISPORTS
Hasik at Ani
MARSO - DISYEMBRE 2018
KUHA MULA KAY LERMA GIRON https://www.facebook.com/lerma.giron KAPSYON NI MICAH CUMPAS
PALARONG PAMBANSA
Kinuhanan ng litrato ang koponan ng Rosarian Rhinos matapos magwagi ng pilak sa Palarong Pambansa noong ika-21 ng Abril.
Ni Jose Mari Santos Nagpakitang-gilas ang ilang piling manlalaro mula sa Holy Rosary College sa ginanap na Volleyball Secondary Girls Competition ng Palarong Pambansa sa Vigan City, Ilocos Sur noong ika-15 hanggang ika-21 ng Abril. Luhaan ngunit masaya pa ring naiuwi ng CALABARZON ang pangalawang pwesto matapos ang mahigpit na laban kontra NCR sa
kampeonato kung saan kabilang si Venice Puzon at HRC Alumnae na sina Trisha Genesis, Rizalinda Martin sa mga manlalaro. Hindi man naiuwi nina Genesis at Martin ang gintong medalya sa kanilang huling taon ng paglalaro ay nagbunyi pa rin ang mga manlalaro dahil sila ay nabigyan ng pagkakataon na makiisa sa Palarong Pambansa na isang malaking karangalan para kay Martin na unang beses sumabak sa Palaro at kay Genesis na tatlong beses nang
Rhinos, nanguna sa Palaro, nag-uwi ng pilak ipinagmamalaki ng rehiyon. “Nung championship game against NCR maganda naman yung pinakita ng bawat isa. Sadyang nagkulang lang kami sa defense (blockings and floor defense) which is naging advantage ng NCR kasi pukpok talaga sila kung pumalo,” wika ni Genesis. Sa dulo ay napalitan pa rin ng tamis ang pait ng pagkatalo bunga ng pasasalamat nila sa CALABARZON team at panliligaw ng iba’t ibang UAAP
schools sa kanila bago pa man matapos ang Palarong Pambansa. “Para sa’kin yung experience ko ngayong Palarong Pambansa ay mas better kesa nung mga una, kasi first time nangyari na yung team HRC yung nagdala ng CALABARZON para lumaban sa Palarong Pambansa, and it’s really an honor to be part of that team and to be their captain also,” ani niya. “Actually nagulat ako nung lahat sila kinakausap ako, lumalapit sakin
then kino-contact yung parents and coach ko. Ang saya sa feeling kasi alam mo sa sarili mo na yung pinagpaguran mo yung pagt’tyaga mo may magandang bunga.” dagdag pa niya. Disiplina aniya ang sikreto sa tagumpay na kailangang itatak sa isip ng mga susunod na manlalaro ng HRC. “I just want to see the new generation of HRC Girls Volleyball Team na alam kong mas may ibubuga pa kesa samin.”
Samson naghari sa PRISAA SHS Chess Tournament Ni Kian Ley Sotto Sa pagtatapos ng 2018 PRISAA SHS boys Chess Tournament, nagwagi ng gintong medalya si Xavier Samson ng Holy Rosary College matapos niyang pabagsakin ang kanyang mga kalaban mula sa iba’t-ibang pribadong paaralan ng Santa Rosa. Dinomina ni Samson ang group stage round matapos niyang pataubin ang mga manlalaro mula sa Meridian Educational Institution (MEI), Blessed Christian School (BCS) at Queen Anne School (QAS). Nagtapos siya
sa group stage round na may 3-0 na kartada. Nasungkit ni Samson ang gintong medalya matapos na patumbahin niya muli si Gerald Sino ng Blessed Christian School sa kanilang championship match. Ayon kay Samson, “Kahit nakalamang ako sa kanya ng pawn, may counter-attack siyang ginagawa pero dahil mahaba-haba yung oras, cinalculate ko yung galaw niya, hanggang sa tuluyan na siyang mag-resign.” “Masaya ako at napatunayan ko sa huling taon ko na kaya ko pang manalo at makipagsabayan sa mga
batikan at magagaling na chess players,” dagdag pa niya. Sa kanyang pagkapanalo,umusad na si Samson sa (LAPRISSADA) chess tournament na kung saan makakaharap niya ang mga manlalaro sa iba’t-ibang lalawigan sa Laguna, umusad rin si Gerald Sino ng Blessed Christian School (BCS) matapos niuyang masungkit ang pilak na medalya. Gaganapin ang LAPRISSADA chess tournament sa darating na Nobyembre 12,2018 sa Sta. Cruz, Laguna.
10
Hataw
Sa likod ng tagumpay ng arnis
11
HRC Badminton Team muling binuhay
10