Unit I, bumina£os, pinusak-pusakan ang Unit II
THE CSU
STATESMAN
sundan sa p.5
Volume XII No. 2 | AGOSTO 5, 2014
ANG OPISYAL NA PAHAYAGAN NG MGA MAG-AARAL NG PAMPAMAHALAANG UNIBERSIDAD NG CATANDUANES
p.7 sursino ang pinakama-ispid
BUWAN NG WIKANG KAYGANDA AT KASELAMEH EDISYON
IPAGTANGGOL ANG WIKA. HUWAG PUMAYAG NA MAGING MAS MASAHOL PA SA MALANSANG ISDA!
p.10 ‘KEN’ YOU WHIP IT? Mapapa-’backflip’ ka kapag nalaman mong tinalo ng Unit III ang Unit I sa takraw! sa pahina 4
#hulimandawatmagalingenjoyparinbasahin
MADLANG PIPZ, SINILAMAN SA DANCE SPORT!
p.2
sa pahina 8
Editoryal KULTURETS
p.12
Unit III, kampanteng nilampaso ang Unit I sa softball sa pahina 10
2 • editorial
Volume XII. No. 2 AGOSTO 5,2014
Balanseng Timpla
N
akakawalang gana at nakauumay ang paulit-ulit na lang. Ngayong taon, lubos na nakagagalak na may bagong putaheng inihain sa atin ang CSU Olympics. Sa mga nakalipas na taon, naging dakila ang Pulang koponan sa anim na beses na sunod-sunod nitong pagkapanalo sa taunang Palaro. Bunsod nito’y marami ang nagsabing kailangang balansehin ang pagkakahati ng mga departamento at kolehiyo sa bawat Yunit. Mapapansin na sa anim na taong paghahari ng Pulang koponan, ito’y kinakatawan ng tatlong departamento ng Kolehiyo ng Teknolohiya kung saan ang DIT at DE ay pawang nakalalamang sa bilang ng mga lalaking estudyanteng bumubuo ng populasyon nito. Kumpara sa mga kolehiyong bumubuo noon sa Yunit II, tulad ng CHS, CAF at CEd, na mas marami ang bilang ng mga bababeng magaaral, aminado si Ginoong Edgar Tatel, Sports and Athletics Officer, na mas malaki ang tsansang makabuo ng mas magagaling na grupo ng atleta ang dating Yunit I. Sa pagpupulong na dinaluhan ng mga guro, empleyado, at liderestudyanteng kabilang sa Komite para sa Olympics, inihain ni Tatel sa asembleya na baguhin ang kombinasyon ng mga bumubuong Kolehiyo sa bawat koponan. Ayon sa naaprobahang pagbabago sa mga Yunit, ang CICT,
CIT at CHS ay naging Yunit I; ang COE, CAS, at CAF ay naging Yunit II; CBA at CED sa Yunit III; at ang Panganiban Campus para sa Yunit IV. Ipinaliwanag ni G. Tatel sa isang panayam, na ang naging basehan nito ay ang laki ng populasyon ng kolehiyo at bilang ng mga potensyal na atleta ng bawat kolehiyo. Sa pagkakataong ito, inaasahang magkakaroon ng mas matinding labanan ang bagong kombinasyon ng bawat Yunit sa pagtatanghal ng ikalawang CSU Olympics. Ipinapakita ng resulta sa unang araw ng sagupaan ng mga koponan, na naghahabulan ang Yunit I at Yunit II sa pagtala ng mga gintong medalya sa iba’t-ibang kategorya ng isports. Mas nakalalamang ang huli. Hindi tulad ng mga nagdaang taon, hindi nakasisigurong mauulit muli ang kasaysayan. Bagama’t maaga pa upang hatulan ang magiging resulta ng Olympics ngayong taon, masasabing mas maganda ang sagupaan at may dahilan tayo sa pag-aabang sa kung aling Yunit ang tatanghaling kampeon sa dulo. Papuri sa mga punong-abala sa mga pagbabagong inihain ngayon sa ating Olympics. Sa mga atleta, ngayon ang tamang tiyempo upang patunayan na hindi bubot ang kanilang lakas at galing upang makapagbigay ng magandang laban sa kalaban. •
The CSU Statesman Editorial Board German T. Tejada Jr. Editor-in-Chief Karen Ailene P. Benavidez Associate Editor/FINANCE OFFICER Jerard Paul V. Tulod Managing Editor Dyan Camille L. Quintal News Editor Nikko Franco B. Templonuevo Sports Editor Jessa P. Sebastian Features Editor Jan Keith A. Abundo Literary Editor Jerico J. Villaflor Patnugot sa Kultura at Lathalain Howell T. Cilot Art Editor Allan-Jay P. Madrid Assistant Art Editor Jordan T. Ignacio Graphics and Layout Editor Ace John F. Tabuzo Assistant Graphics and Layout Editor Mikko V. Isorena Circulation Manager Staff Writers: Giselle P. Trapago Ariadne Mae B. Tesorero Sheena Mae P. Tresmaño GUEST Correspondents: Christine Joy V. Tulod Marianne Claire T. Ogalesco Cyl Gellaine G. Tablada Queen Ellaine R. Osila Gerry S. Rubio ADVISER Member College Editors Guild of the Philippines
opinyon •
Volume XII. No. 2 AGOSTO 5,2014
Suporta sa Atleta LOST IN TRANSLATION German T. Tejada
A
£og sa sarong tunay na magu£ang buda tugang, an satuyang mga atleta nangaipu man ning satóng pagmaku£og. Masakit daw uning itao? Saro sa mga problema kung ngata ikan mga atletang dae nakapadagos ning pagkawat para sa satuyang Unibersidad sa mga SCUAA Meet, iyo ang pagkadisganar na magpadagos magkawat ta bagsak ang sakilang grado, o kaya incomplete. Ini pigtalam ning satuyang Sports and Athletics Officer, Edgar Tatel. Sa tolong taon na niyang pagserbi, napansin niyang taun-taon ikan duwa hanggang limang varsity players ta ang dae na nakapadagos magkawat sa SCUAA. Ang mga parakawat ta, nangaipu ning dakulang oras sa pag-ensayo bilang pagpreparar sa SCUAA, lalo na kung halani na ang kawat. Dae man talaga maiwasan na sinda mag-absent sa klase ta ang Sabado buda Simba bakong nigó.
Ikan mga maestrong ang rason, i-excuse sinda sa klase, basta pasahon ninda ang gabos na itinaong exam. Sa estudyanteng dae man nakaatender ning klase, masâkit talagang makasabay sa mga pinag-adalan na. Saro sa tolong “domains of learning” na pirming yataw-an ning patas na importansya sa Principles of Teaching, iyo ang yaapod na “psychomotor.” Nangahulugan ini na bako sanang utak ang yabahog sa eskwelahan, ngudi pati ang pisikal na kapabilidad ning sarong estudyante o “innate skills.” Magayon na halimbawa ang pagbale sa isports. Ini sarong paagi ta nganing maresolbaran ang problema ning individual differences, ta mae ka man makanagbó maski saen na eskwelahan ning mga estudyanteng pa£arehong mau£ag sa pagkawat ning lenggwahe, ning kanta, ning numero, buda iba pang talento. “Ikan beses ngani na dae
3
nakagibong project sa English su sarong player ta dae kaya, yapatuwangan namó dun sa saro, maski ngani saró man na tutu£uan,” sabi ni Ginoong Tatel. Ang satóng mga atleta bakóng sadili sanang panga£an ang yadara ninda pag gadayo sa ibang lugar pag ga-SCUAA, ngudi pati na ang satóng Unibersidad. Kaya sinda, saró sa mga ga-ambag sa pagta£ubo ning reputasyon ning satóng eskwelahan. Sabi ngani, ‘pag sinda aduman na sa ibang lugar, ang hapot ning ibang tawo pag nang-gana, bako man kung sisay sinda ngudi kung saen ugaring na eskwelahan sinda hari. Ang pagtao ning dakulang konsiderasyon sainda bako man atang masyadong magabát ta dae ta kayang itao. Ini bakong pag-konsente sa sainda, lalong bakong dara ning simpatya. Sa mas madunong na konteksto, ini sarong paagi ning pagtuwang sa pagkamit ninda ning holistic development na saró sa obheto kan satóng Unibersidad. Ang diit sana, bakó man atang magabát—magaan baga sa pagmati na kita nakatuwang.•
Tawag sa Isang Paghahanda SQUARE ONE
Nikko Franco B. Templonuevo
M
ahirap mapahiya sa sariling bakuran. Magsisimula ang lahat sa isang maayos, malinaw at magandang bisyon. At ang lahat ay magsisimulang gumalaw patungo sa bisyong ito. Kung ating matatandaan sa mga nakaraang SCUAA ay bigo tayong masungkit ang kampyonato. Maaalalang sa taong 2010 ay nakapang-anim lamang tayo. Noong huling mag-host ang Isteyt ng SCUAA taong 2008 ay pumalo tayo sa ikapitong pwesto. At sa darating na SCUAA na gaganapin dito sa ating Unibersidad, muling aabangan kung saan tayo pupulutin. Hindi lamang ito ang panahon kung saan nagsisimulang pumili ang ating unibersidad ng mga atleta na ipapadala para sa SCUAA kundi panahon upang muling mapukawan at muling maghanda. Wika nga ni Natashya Guttierez ng Rappler.com, sa kanyang artikulong The problem with Philippine Sports na inilathala noong Agosto 2012, “Effort
comes from vision.” Ngayong CSU Olympics ay makikita ang mga kailangan nating paghandaan. Una sa lahat ay ang pasilidad. Kung ating mapapansin, ang ating mga atleta ay tumatakbo sa isang running track na gawa sa graba at lupa. Mabuti ngayon ay sa isang standard swimming pool na lumalangoy ang ating mga atleta at hindi na sa ilog. Pangalawa ay ang paghahanda ng ating mga atleta. Hindi lang basta talento at galing ang dapat na dala ng ating mga atleta kundi isang maayos na paghahanda. Mula sa pagkain, sa pisikal at hanggang sa mental na pagkokondisyon. Disiplina ang manibela, katawan ang makina. Ito ang maglalabas ng confidence ng ating mga atleta pagdating sa laban. Hindi natin makakamit ang tagumpay kung kulang ang preparasyon na gugulin ng ating mga atleta para sa laban. At hindi rin sila makakapagbigaypansin kung hindi sila nakatutok sa pag-
eensayo. Marahil ang Pilipinas ay nangungulelat pagdating sa internasyunal na kompetisyon dahil na rin sa hindi tamang pagbibigay ng halaga sa isport. Hindi natin dapat gayahin ito. Ang kailangan ay bigyan pa ng patas o tamang halaga ang isports. Ito ang isa sa magsasabuhay sa Vision ng Unibersidad. “Holistic Development for the Students”. Hindi masama ang maghanda nang maaga. Sabi nga nila, “the early bird catches the worm”. At ngayong CSU Olympics ay magsisimula tayong mangarap makahuli ng isang tagumpay. Paparating na ang SCUAA. ‘Di magtatagal kakatok na ito sa ating sariling tarangkahan. Muling mapapasabak ang ating mga atleta at at pati na ang ating Unibersidad. Kailangan nating maghanda para sa ating mga panauhin. Mahirap nang mapahiya sa sariling bakuran.•
4• balita
Volume XII. No. 2 AGOSTO 5,2014
Unit II, naghari sa board game
ni Marianne Claire T. Ogalesco
C
SU Student’s Center- Matapos ang matinik na laban sa chess board, kinoronahang hari at reyna ng Chess Tournament ang Unit II matapos magkamit ng 3-0 (Men’s Division) at 2-0 (Women’s Division) win-lose overall record sa ikalawang araw ng Palaro. Madaling napasuko nina Julius Bilolo at Kenneth Tatel ng Unit II (Men’s division) sina Jaymarson Sergote at Olifernes Yutan ng Unit I sa Boards 1 at 2 sa pamamagitan ng mga pamatay na taktika at mapanlinlang na tira. Subalit baliktad naman ang kinalabasan ng laban sa Boards 3 at 4 kung saan nagapi nina Roque de Quiroz Jr. at Larry Boy Teaño ng Unit I sina Jeff Alser Teoxon at Ronald Beato ng Unit II. Naging madugo naman ang labanan nina Beato (Unit II) at Ryan
Tapia ng Unit IV sa Board 4 kung saan nag-ubusan sila ng piyesa hanggang sa King at Pawn na lang ang natira kay Tapia at King na lang kay Beato na nagresulta sa draw. Samantala, hinakot naman nina John Roger Delos Reyes at James Patrick Arcilla ng Unit III ang Queens nina Alexander Caballero at John Mark Velasco ng Unit IV sa Boards 1 at 2 na naging sanhi ng pagkatalo ni Caballero at maagang pagsuko ni Velasco. Pinulbos naman ng Unit I ang manlalaro ng Unit III sa Boards 1, 2 at 3. Naging matindi ang laban nina Teaño (Unit I) at Howell Cilot ng Unit III sa Board 4 hanggang sa mag-draw. Samantala, sa Women’s Division, naging kapana-panabik ang sagupaan nina Rizabelle Tawat ng Blue Team at Ma. Theresa Sebeniano ng Red Team. Llamado si Tawat sa kaniyang natitirang King, Queen, Rook At Pawn
samantalang si Sabeniano naman ay may King, Rook, Bishop at Pawn na lamang. Sa kagustuhang ma-mate agad ang kalaban, nagpakawala si Tawat ng sunud-sunod na tira hanggang sa makorner ang King nito. Ngunit sa kasamaang-palad, naging stalemate ang kinalabasan ng laro. Sa huli, itinanghal na kampeon ang Unit II sa dalawang dibisyon. Pinangalawahan naman ito ng Unit I sa Men’s Division at Unit III sa Women’s na pawang may 2-1 win-lose record. Sinundan naman ito ng Unit III Men’s Division at Unit I Women’s Division na nagtala ng 1-2 at 0-2 record. Ang Unit IV Men’s Division naman ang sumunod na may 0-3 winlose record.•
Unit III ginapi ang Unit I sa Sepak, 3-2 ni Allan-Jay P. Madrid
M
atapos manaig sa tatlong set, nasungkit ng Unit III ang kampyonato sa sepak sa iskor na 3-2 kontra Unit I. Isang makapigil-hiningang pagtutuos ang nasaksihan sa dapat sana’y “twice-to-beat” na naging isang laro na lamang. Sa pagsisimula ng ikatlong set, naging agresibo ang Unit III sa pangunguna ni Peter John Calvin Bueno. Matagumpay nilang napanatili ang limang puntos na lamang sa kalaban sa pamamagitan ng mga kalkuladong pagsangga sa mga tira ng katunggali. Nagpatuloy ang pagpapalitan ng puntos nang makalamang ang Unit I ng dalawa. Ngunit ginantihan ito ng limang sunud-sunod na puntos ng Unit III at tumabla sa 2-2 iskor, sa puntos na 15-12 sa ika-apat na set. Hindi naging madali ang huling set sa magkalabang koponan. Sa kalagitnaaan ng set ay tumabla pa tiganim na puntos ang dalawang team matapos magpamalas ulit si Lizardo ng
BUENA MANO. Si Peter John Calvin Bueno ng Unit III habang nasa ere para pakawalan ang isang humahigibis na header. JPVT tatlong sunud-sunod sa Rolling Spike. Hindi naman nagpatinag ang depensa ng Unit III at humabol pa sa iskor ng kalaban, 13-13. Ngunit tinapos ng Unit III
ang malupit na labanan matapos makagawa ng dalawang foul ang Unit I, sa iskor na 15-13 ang ikatlong set. •
balita •
Volume XII. No. 2 AGOSTO 5,2014
Yellow Netters nanaig sa ika-5 set kontra Blue Attackers
5
ni Ace John F. Tabuzo
C
SU VOLLEYBALL COURT Matapos ang gitgitang laban, matagumpay na napanalunan ng Unit III ang laban kontra Unit II sa limang set ng laro, 19-25, 23-25,25-21, 25-15, at 16-14. Sa simula, kontrolado ng Blue Attackers ang galaw ng laro at agad silang nakapagtala ng lamang sa kalaban, 10-13. Nangibabaw ang tensiyon sa pagitan ng Blue Attackers at Yellow Netters nang sunod-sunod na pakawalan ng dalawang koponan ang kanilang malalakas na hampas, solidong mga atake at blocks, at mga pambihirang digs sa huling set ng laban. Lalong lumakas ang hiyawan at kantyawan mula sa mga tagasuporta ng magkalabang koponan nang magpakawala si Vincent Soliverez ng Unit III ng tatlong mabibilis na spikes na nagpatabla sa iskor, 14-14. Ngunit bago pa man matapos ang unang set, nadepensahan ng Unit II ang kanilang iskor at dahil na rin sa maling spike ni Soliverez, 25-19. Naging mahigpit naman ang labanan sa ikalawang set dahil salitsalitan sa pagpuntos ang dalawang koponan na kapwa rin nakapagtala ng mga service errors. Muling nanaig ang Blue Strikers, 25-23, sa pagbitaw ng mga mabilis na spikes at kampanteng placings ni Russel Tejerero at Lem Geo Suede. Samantala, nag-iba ang takbo ng laro sa pagpasok ng ikatlong set nang binago ng Unit III ang kanilang istilo ng paglalaro gamit ang service aces. Hindi umubra ang mga atake nina Tejerero at Suede sa taktika ng pagsangga sa tira ng kalaban na ginamit ni Soliverez at tinambakan ang katunggali sa ikaapat na set, 25-15. Samantala, matapos ang kanilang panalo kontra Unit II, hindi sila pinalad na pataubin ang Red Spikers sa kanilang paghaharap sa ikalawang game. Hindi naging sapat ang mga spike at blocks ni Soliverez sa pinagsamang liksi at lakas ng magkapatid na Ulysses at Leonard Baynosa ng Unit I.
PULA PA RIN ANG SIYANG DAKILA. Pagkatapos magwagi ng Yellow netters kontra Blue Strikers, supalpal pa rin ang inabot nila sa Red Spikers pagdating sa championship. JPVT Dumagdag pa rito ang malalakas na hampas ni John Paul Piñera sa pag-ariba ng mga nakapula. Sa huli, nahirapan ang Unit III na habulin ang
mabilis na pag-iskor ng kalaban. Nagtapos ang laro sa 25-19, 2325, 25-16 at 25-20 pabor sa Red Spikers.•
Dating magkakakampi, maglalaban-laban sa kampyonato sa baseball ni Giselle P. Trapago
M
atapos ang habulan, batuhan at palitan ng mga tira, maghaharap ang koponan ng Pula at Berde sa kampyonato ng larong baseball. Sina Zandro Benavidez (pitcher), Kenneth Reyes (catcher), at Dave De la Rosa (fielder) ng Yunit I ay mga tubong Payo at dating kasama ng mga manlalaro ng Panganiban Campus sa pagkakatawan sa Zone III sa Provincial Meet at sa Bicol Meet. Ngayon, sila ay maghaharap matapos ipanalo ng Unit I ang tatlong sunod-sunod na laro at talunin ng Unit IV ang Unit II sa kanilang ‘do-or- die’ na laban.
Dinikdik ng Unit I ang Unit IV sa iskor na 12-1 na nagbigay sa Pula ng ikatlong pagkapanalo upang masiguro ang kanilang laban sa kampeonato. Samantala, isang makapigilhiningang tunggalian ang namagitan sa Unit IV at Unit II sa kanilang huling gitgitang laban, 4-3 pabor sa Unit IV. Sinubukang habulin ng Unit II ang lamang sa Unit IV sa pamamagitan ng pinaigting na depensa sa ikalawang inning subalit nabigo silang pahupain ang apoy ng Unit IV. “Friendly game sana…,” sabi ni Kenneth Reyes sa nalalapit na pagtutunggali ng pula at berde.•
• balita 6Unit II rinagasa ang kalaban;
nag-iwan ng malaking kalamangan
Volume XII. No. 2 AGOSTO 5,2014
Unit III, pinadaplak ang Unit II sa badminton ni Christine Joy V. Tulod
M
LET’S VOLT IN! Nagsanib-pwersa ang dating magkaribal na sina Van Ashley Cervantes (kaliwa)at Shander Tasarra (kanan) upang iangat ang Unit II. Ang pamumuno at matatalas na buslo ni Cervantes at ang hustle and muscle ni Tasarra=boompanes. (CSU Statesman file photo)
M
ainit na sinimulan ng Unit II ang ikalawang araw ng CSU Olympics--Basketball, at walang awang dinikdik ang kanilang kalaban sa 36 puntos na kalamangan . Naghakot ng 36 na puntos na kalamangan ang Unit II laban sa Unit III, sa 112-76 na panalo. Pinangunahan ni Van Ashley Cervantes ang pag-araro sa dilaw na koponan matapos magtala ng 32 puntos, 15 rito mula sa limang threepoint field goal. Sa simula pa lamang ay uminit na si Cervantes, at nakapag-iskor ng unang walong puntos sa unang kwarter, 13-4. Bumawi naman si Shander Tasarra matapos ang kanyang mahinang laro laban sa Unit I, nang siya’y umiskor ng 10 sunod-sunod na inside basket at nakalamang sa iskor na 32-21. Ipinagpatuloy ng Unit II ang mainit
na simula at muling nag-apoy nang mag-iskor ng 9-0 fastbreak point na nagtapos sa 20 puntos na kalamangan, 59-39 sa 1st quarter. Sa kabila ng mga uncontested shot, at mga opening, bigong maipagpalit sa puntos ng Unit III ang kanilang mga tira. Hindi na muling lumingon ang Blue team, at patuloy na rumagasa. Sa mga huling minuto ng laro, binasag ng Blue team ang opensa ng Yellow team na sinundan ng kanilang mga fastbreak plays, at nakapagtala ng 27 kalamangan 78-51. Natapos ang third quarter sa isang buzzer beater ni Joebert Socao mula rainbow country, 83-60. Muling naging sandigan ng Unit II ang kanilang laki at depensa, at patuloy na pinarusahan ang Unit III upang iselyo ang tagumpay sa iskor na 112-76. • Nikko Franco B. Templonuevo
atapos manggana kasuhapon ning mga pambatong atleta hari sa Unit II kontra Unit I (Women’s Division), pinanamit sinda ning mapait na kadaugan ning Unit III sa sunod-sunod na laban. Ini para sa singles buda doubles sa ikaduwang aldaw ning bakbakan sa badminton para makua ang kampyonato. Naging twice-to-beat ang kawat sa pagu£tanan ning Unit II buda Unit III dahil sa panggana ning Unit II sa opening game sa enot na aldaw. Sa enot na laban para sa singles, pinamati dagos ni Roselle Marcos nin Unit III ning pagkaluya ang kalaban sa iskor na 21-11, 217. Sa ikaduwang kawat, pinasakitan man ni Marcos si Mary Grace Tabinas ning Unit II. Dahil sa makusog niyang tira, dai na nakahabol si Tabinas hanggang sa natapos ang laban sa 21-10, 21-13 na iskor. Sa doubles, dae man syempre nagpadaog ang tandem ni Ma. Ela Ruzelda Jubay buda Ma. Gel Alcantara ning Unit III. Ba£on ang mautak na placings pati mau£ag na ultimong line strikes, pinako nindang duwa ang iskor sa 21-9, 21-12 iskor. Nganing masiguro ang kampyonato, pinaulanan ni Jubay buda Alcantara ang mga natada nin gapu£utok na tira sa huring biradahan kontra Magie Osido buda Myla Tesorero ning Unit II. Dae nagpahiling nin interes ang duwa na taw-an tsansang makabawi ang kalaban, buda pwerteng sunud-sunod na pusak ang ginibo ni Jubay. Natapos ang kawat sa iskor na 21-14, 21-8. •
Tayamora, Tablate muling namayagpag; naungusan ang Unit III sa basketbol by Nikko Franco B. Templonuevo
C
SU COVERED COURT- Nagtala ng 40 puntos si Angelie Tayamora ng Unit II at 28 puntos naman kay Shanelle Tablate ng Unit I matapos pangunahan ang kani-kanilang mga koponan laban sa Unit III sa lawn tennis. Gamit ang matinding depensa,
hindi pinaporma ng Unit II ang Unit III upang mabokya ito sa simula ng laro hanggang sa 4:31 minuto ng ikalawang kwarter. Naging dahilan naman ang mahinang opensa ng Unit III sa pagkadismaya ng mga manonood sa nasabing laro. “ Kung pwede sana baga ang bakla, malaog na ako jan”, sabi ng isang tagapanood.
Sinikap namang tulungan ni Michelle Ann Manlangit si Tayamora sa kanilang opensa, at nakapagtala ng 16 na puntos. Samantala, hindi naging masuwerte ang Unit III sa kamay ng Unit I, matapos matalo sa koponan ni Tablate. Tinapos ng Unit I ang laban at tinambakan ng 43 puntos na
balita •
Volume XII. No. 2 AGOSTO 5,2014
Athletics Results
7
Datos mula sa Komite ng Palatuntunan ng CSU Olympics SHOT PUT (Men) 1st place-Ignacio Torres (Unit IV) 2nd place-Herman Sabeniano (Unit I) 3rd place-Julian Tuangco (Unit I)
100 METER RUN (Women) 1st place-Jhing Zuniega (Unit II) 2nd place- (Unit IV) 3rd place- (Unit I)
1500 METER RUN (Women) 1st place-Jona Lucero (Unit II) 2nd place-Shirlyn Amaro (Unit III) 3rd place-Mylene dela Cruz (Unit IV)
SHOT PUT (Women) 1st place-Alona Alano (Unit I) 2nd place-Raquel Co (Unit IV) 3rd place-Janel Uchi (Unit IV)
200 METER RUN (Men) 1st place-Al France Rojas (Unit II) 2nd place-Kim Velarde (Unit I) 3rd place-Gearome Santos (Unit I)
5000 METER RUN (Men) 1st place-Marlon Vargas (Unit II) 2nd place-Jerome Bermejo (Unit I) 3rd place-Francis Bocal (Unit IV)
DISCUS THROW (Men) 1st place-Mark Joseph Trinidad (Unit III) 2nd place-Herman Sabeniano (Unit I) 3rd place-Julian Tuangco (Unit I)
200 METER RUN (Women) 1st place-Jhing Zuniega (Unit II) 2nd place-Yigel (Unit IV) 3rd place-Beverly Isorena (Unit I)
5000 METER RUN (Women) 1st place-Encheca Matienzo (Unit II) 2nd place-Racquel Perles (Unit III) 3rd place-Ellaine Coronado (Unit I)
400 METER RUN (Men) 1st place-Jezreel delos Santos (Unit II) 2nd place-Jewel de Mesa (Unit I) 3rd place-Jonel Ibardaloza (Unit I)
10,000 METER RUN (Men) 1st place-Japhet Carranza (Unit II) 2nd place- Niño Francisco (Unit I) 3rd place-Jerome Bermejo (Unit I)
400 METER RUN (Women) 1st place-Mary Joy Catacutan (Unit II) 2nd place- (Unit IV) 3rd place- (Unit II)
4 × 100 METER RELAY (Men) 1st place- (Unit II) 2nd place- (Unit I) 3rd place- (Unit IV)
800 METER RUN (Men) 1st place-Jezreel delos Santos (Unit II) 2nd place-Santos Cabrera (Unit IV) 3rd place-Jewel de Mesa (Unit I)
4 × 100 METER RELAY (Women) 1st place- (Unit II) 2nd place- (Unit IV)
DISCUS THROW (Women) 1st place-Alona Alano (Unit I) 2nd place-Raquel Co (Unit IV) 3rd place-Janel Uchi (Unit IV) LONG JUMP (Men) 1st place-Eric Fernandez (Unit I) 2nd place-Christopher Bonto (Unit I) 3rd place-Elmer Valenzuela (Unit II) LONG JUMP (Women) 1st place-Jhing Zuniega (Unit II) 2nd place-Kristine Marcos (Unit IV) 3rd place-Mary Joy Catacutan (Unit II) TRIPLE JUMP (Men) 1st place-Eric Fernandez (Unit I) 2nd place-Jeffrey Mendez (Unit II) 3rd place-Ignacio Torres (Unit IV) 100 METER RUN (Men) 1st place- (Unit II) 2nd place- (Unit I) 3rd place- (Unit I)
Retrato: JPVT
800 METER RUN (Women) 1st place- (Unit IV) 2nd place- (Unit II) 3rd place- (Unit III) 1500 METER RUN (Men) 1st place-Japhet Carranza (Unit II) 2nd place- Santos Cabrera (Unit IV) 3rd place-Niño Francisco (Unit I)
4 × 400 METER RELAY (Men) 1st place- (Unit II) 2nd place- (Unit I) 3rd place- (Unit IV) 4 × 400 METER RELAY (Women) 1st place- (Unit II) 2nd place- (Unit IV)
8 • balita
Volume XII. No. 2 AGOSTO 5,2014
MASKI HALF-COOKED
Madlang pipol, ginanahan sa iridig-idigan sa Dance Sport Competition; Romero, ‘flattered’ ni Jerard Paul V. Tulod Kadakran sa mga nanuod ning Dance Sport Competition sa CSU Gymnasium ninyu nakatinang Martes, Agosto 5, 2014, ang nabitin sa hinandang ‘giniling’ pati ‘linukad’ ning mga kabali sa nasabing event. Hanyun, por dahil sa turtatluhi sanang padis na puro miyembro ning Hablon Dawani, ang nangahas magbali sa Standard (sadong padis) pati Latin Category (dawhang padis). Pero, para man sa Tournament Manager pati Managing Director ning Hablon Dawani na si Prof. Rico Romero, palatandaan sana na ang pagkabitin na to’yan ning mga estudyante na naging ‘very successful’ ang nasabing kompetisyon. “[It was] very successful. From what I’ve heard, nabitin talaga sinda. [It was] very overwhelming kasi I didn’t expect na ganun yung magiging feedback. First time pating napano ang Gym sa a£og kaitong event. Maugma ngani kami ta very well-applauded pa su mga performances,” sabi ni Romero sa interbyu. “I was thinking, painano pa daw kung napaghandaan ini ning marinas. Pero dae ta mabi-blame ang Olympic committee ta bako talagang well-
BAYLE KING EN QUEEN. Guda-guda sa palakpak ang sizzling giniling served with pouting lips na performance nina Randy Carlo Corderia buda Madel Tatac sa Latin Category. JPVT
prepared ang respective colleges because of overwhelming activities,” dagdag pa ni Romero. Sabi pa ni Romero, sado pa sa mga kawsa ang ‘time element’ ning practice. “Yung iba pan’o [sa mga Hablon Dawani members], nagba£ali sa Cheer Dance. Mayad ngani ta nakacome up pa kami sa a£og kaining event tanganing igwa £amang ning hilingon ang mga estudyante.”
Unit I rinu-rapado ang Unit II sa Lawn Tennis ni Queen Ellaine R. Osila
M
atapos ang tolóng set ning matinding palitan ning tira , nasiló ning Unit I and kampyonato sa Lawn Tennis laban sa Unit II. Tinambakan ni Anthony Villacorta nin Unit II si Raymond Eubra nin Unit I sa inot na laban gamit ang mapanas buda makusog na serve na saiyang ikinalamang, 8-0. “That 8-0 win was a match I could never have won kung wala yung mga taong sumusuporta sa akin lalo na kay Jezreel Tatad na nagtrain sa’ko and kay God,” ini sana ang nata£am ni Villacorta matapos manggana saenot na laban. Pinanganaan ning magkasanggang sinda Cyril Francis Villaflor buda Rafael Surbano nin Unit I ning sunud-sunod na smash cuts ang saindang kalaban
na sinda Lawrence Kurt Abrasaldo buda Ralph Sherwin Abundo ning Unit II sa nagsunod na set. Maski dakol ning mga nagsaltong tira sina Surbano buda Villaflor ning Unit I, ang saindang pinagsabay na pwersa buda gaaradab-adab na tira ang nagresulta sa 8-3 na iskoran. Sa ikatolóng set, naggitgitan sa pagrapado ang duwang grupo na magka-igwang 7-point tie break game. Lalong nag-init ang labanan buda padagos na nadaog nina Arnold Manlangit buda Jairus John Clarianes (Unit I) sina Jovino buda Juan buda Marlo Sarmiento (Unit II). Baliktad sa mainit na laban sa Men’s Division, naging kalmado ang laban sa Women’s Division na tatapuson sa aga kung sain Unit I buda Unit II man ang malaban.•
Samantala, awtomatik nang naging champion sa Standard Category ang padis nina Aron de Leon pati Irish Mae Caseres ta dae sila ning kalaban. Pinamâtadan man ning kembot ning padis nina Randy Carlo Corderia pati Madel Tatac ang Latin Category para matakmâ ang championship. Nag-First runner-up man ang duo nina Dennis Tapel pati Keyya Antonio. Ang sabi ni Romero, bukô pa man daang syurbol na magiging representative na sa maabot na Regional SCUAA ang mga nagchampion sa Latin Category ta hari sa mga nagbali, mapili pa ning ‘best performers’ ta mas magayun daa kung parehas na madara ning sayaw ang partners. Hinusgaran ang kada padis base sa kilang Interpretation (30%), Mastery (20%), Veracity of Steps (20%), Stage Presence (10%), Posture and Poise (10%) tapos Appropriateness of Attire (10%) sa Standard (Waltz, Tango, Quickstep) pati sa Latin (Cha-cha-cha, Rumba, Jive). An mga nag-judge iso sina Miss Chatita Lorenzana, P.E. Instructor uya sa CSU; Mr. Gary Posada, DepEd teacher na dati man na miyembro ning Hablon Dawani; tapos Mrs. Nelia Aldave, part-time P.E. Instructor man sa CSU. Mga Paglaom pati Pamati Dakuro man ang paglaom ni Romero sa mga mapipili na sundan sa pahina 10
balita •
Volume XII. No. 2 AGOSTO 5,2014
Unit I Jins, humakot ng 13 medalya sa kampyonato ni Dyan Camille L. Quintal
I
pinamalas ng Unit I jins ang pinakadominanteng paglalaro sa pagsungkit ng 7 ginto , 5 pilak, at 1 tansong medalya sa ginanap na Taekwondo Championships sa ikalawang araw ng CSU Olympics. Nag-uwi ng gintong medalya sina Rondel Alpon (Fin Weight) at John Renald Eusebio (Fly Weight) sa Men’s Category matapos pataubin ang katunggaling manlalaro ng Unit II at Unit IV. Kasama nilang lalahok mula sa kanilang Unit sa darating na SCUAA
sina Charlene May Eusebio (Fin), Michelle Tomagan (Fly), Jimi Lou Grace Valeza (Feather), at Janice Fernandez (Middle). Samantala, nagkamit rin ng apat na ginto ang Unit II at dalawang ginto naman ang matagumpay na naiuwi ng Unit III. Kabilang sa nagwaging manlalaro ng Unit III ay sina Jomel Anos para sa Feather Weight at Kristine Bañaz para sa Bantam Weight. Hindi naman nagpahuli sina Danilo Tayoto (Bantam), John Paul Tolledo (Middle) at Karen Traqueña (Light) ng Unit II na pasok din sa darating na
9
SCUAA. Wagi rin sa kampyonato ng Light Weight Category si Rogelio dela Cruz ng Unit IV. Samantala, ipinahayag ni G. Pio G. Panti, Tournament Manager ng Taekwondo ang kaniyang pangamba sa bilang ng mga players na maglalaro sa SCUAA. “Yung mga magagaling na players ga-OJT. So they cannot compete in the SCUAA this year,” pagsasaad ni Panti. Ngunit umaasa pa rin siyang makakasungkit ng gintong medalya ang mga manlalaro. •
Unit I, bumina£os, pinusak- pusakan ang Unit II sa Volleyball ni Ariadne Mae B. Tesorero
P
agkatapos madaog ning Unit I sa Game 2 ning Women’s Volleyball, buminawi dagos ang Unit I kang pusakan ang Unit II sa Game 3, 22-25, 25-17, 17-25, 25-16, 15-10. Sa enot na set, pinugadahan ning Unit I ning mga siguradong tira ang kalaban na nagpalamang sainda sa iskoran. Sinamantala nin Red ang mga sa£ang spikes buda pag-serve ning Unit II na nakapadagdag sa naipon nindang puntos. Natapos ang enot na set, 25-17, pabor sa Pula. Sa ikaduwang set, sinakit ang Pulang team sa pagsapo ning bolang pinanganaan ning wallop ning mga naka-blue. Pero kadakol ang nagoutside na tira buda service errors ning Pulang team na nakapadagdag sa iskor ning kalaban, 25-17 pabor sa Unit II. Matapos madaog sa na-enot na set, mas naging agresibo ang pulang team na nagpatindi ning saindang kawat. Pinau£anan ninda ning mga makukusog na tira ang kalaban na dae masyadong nakaporma kontra sa sainda. Nakaba£os sa iskoran ang Pula buda nakalamang sa kalaban, 25-16. Buminangon otro sa pagkadaog ang Blue Spikers sa sunod na set, na pinugadahan man ning makukusog na attack buda mga service ace na nagpabagsak otro sa Pula, 25-22. Pagkatapos ning ika-apát na
OKEH LANG YAN BEBE BASTA SAMA-SAMA TAYO. Matatamlay ang mga player ning Unit II habang nakihu£on-hu£on sa saindang coach na si Prof. Rene Tolod, pagkatapos ning kawat . Jords T. Ignacio set, patas sa iskoran na 2-2 ang magkalaban na team, rason para magkaigwa ning do-or- die game. Naging malupit ang ikalimang set na nagpakusog ning tensiyon sa magkalaban na team. Dae nagtugot madaog ang Pula maski na dakol sindang nagibong faulty hits. Pinatiklop ninda ang kalaban sa iskor na 15-10. Por dahel ta naka tigsa£arong gana
ang kada Unit, ibabase ang desisyon sa ma-champion sa pigaapod na “total point system” sabi ni Coach Salustiano Alcantara, ang tournament manager ning Volleyball. I-sumada ang gabos na iskor na nakua ning kada team sa gabos na kawat, tapos kung sisay ang igwang pinakahalangkaw na puntos, iyo ang magana.•
• balita 10Tabuzo, umarangkada kontra
Yellow Jerseys; nagtala ng tatlong goal
by Cyl Gellaine G. Tablada
U
mariba ang Red Striker na si Jay Tabuzo matapos makapagtala ng tatlong goal at maipanalo ang laro sa football, sa kanilang pakikipagsagupaan kontra Unit III sa DepEd Sports Complex, Agosto 5, 2014. Gamit ang kanyang mga agresibong galaw at taktika, matagumpay na dinepensahan ni Tabuzo ang bola na naging susi upang makapagtala siya ng isang goal sa first half at dalawa sa second half. Samantala, bago pa man nakapagpakitang-gilas si Tabuzo, sumipa na ang kanyang kagrupo na si Mark Joseph Magdaraog na gumulat sa goalkeeper ng kabilang koponan, dahilan para makaungos nang maaga ang Red Strikers, 1-0. Sa kabilang banda, hindi nagpadaig si Dave Manlañgit ng Yellow
Jersey pagkatapos ng isang malakas na sipa sa bola na hindi nasangga ng goalkeeper ng Red Strikers na si Errol Dela Cruz at nagbigay sa kanila ng isang puntos 1-1. Pinilit ng Unit III na dagdagan ang kanilang puntos gamit ang mga long shots at corner kicks ngunit nabigo silang umagapay sa lamang ng kalaban. Bigo ang pinuno ng Yellow Jerseys na si Mannyval Tapia na maipasok ang penalty kick sa pag-asam na makaiskor. Sa kasamaang palad, nabigyan pa ng red card ang isa sa kanilang forward na si Owen Joshua Barba na naging rason para hindi na siya makapagpatuloy sa paglalaro. “Makulog, ipagana mi na sa sunod”, pagsasaad ni Romeo Vargas matapos ang laro. Natapos ang laban sa iskor na 4-1, pabor sa pulang koponan.•
Volume XII. No. 2 AGOSTO 5,2014
DANCE SPORT... mula sa pahina 8
mababandera man nila ang CSU sa maabot na SCUAA na igibo uya sa Isteyt nintong maabot na Setyembre. “If we are going to prepare well, like a month or two of training, igwa kita ning chance na makalaog sa top three,” prediksyon ni Romero. “Ang problema man sana satuya, ang costume. Very expensive ang costume sa Dance Sport. Yan ang tigatalam ko sainda. Ta sa dance sport, bako man sanang movement ang tigahiling diyan [kabali na pati ang] attire,” dagdag pa ni Romero. Nintong mai nang organisasyon na gasponsor ning Dance Sport Competition, bukong arog ninyon na inisponsoran ning Central P.E. Club, sasakiton daang maka-ipon ning pondo ayon ki Romero. Nilinaw man ni Romero na gasuporta man ta’na ang Admin pero kulang pa man da siyempre para maka-compete. “Pinakamagastos ang Dance Sport sa gabos na event. Kaya kung popondohan man, limitado pero.”•
Unit III, kampanteng nilampaso ang Unit I sa softball
IISANG BANGKA TAYO. Mahigpit na niyakap ng isang Yellow bagger ang nagaping Red batter matapos ang isang one-sided na laban. Sa huli, nanaig pa rin ang diwa ng isports. JPVT
N
aging petiks para sa Yellow Lady Batters na upakan ang Red Jerseys sa kampeonato ng softball, 23-5. Sa simula pa lang, kinakitaan na ang Yellow team ng tikas at angas matapos nilang gibain ang Red team sa una nilang bakbakan noong Lunes. Maaalalang naging kampante ang
Yellow team sa pagkakapanalo sa torneyo matapos muling makipag-tuos sa katunggaling koponan. Patuloy nilang dinurog ang Pulang koponan sa ikalawang sagupaan. Pinulbos ng 4-bagger na si Sheena Vargas ng Unit III ang unang homerun dahil sa kanyang makalaylay-pangang
moon shot. Nakatulong nang malaki ang matalas na mata ni Sheena May Martirez sa pagbantay sa bola upang maka-homerun. Patuloy na naglaway sa tagumpay ang Unit I. Pinamunuan ni Wiljen Zafe ang pagsagupa sa Unit III matapos itong makapuntos ng isa. Gayunpaman, hindi lahat naging sisiw para sa Reds. Isang foul out at dalawang punch out ang naging dahilan para maunsyami ang kanilang inaasam na pagkapanalo. Tunay na bangis ang kumitil sa natitirang pag-asa ng Reds.Tuluyan ng sinakmal ng Yellows ang tagumpay sa pag-iskor ng 9. Aligaga dahil sa pihadong panalo ng Yellows, hindi na muling nakabawi pa ang Reds sa 3rd inning. Walang patumpik-tumpik na sinunggaban ng Yellows ang kampeonato. Hindi naging dahilan ang kanilang pananaig sa mga naunang innings para magbigay ng pagkakataon sa Red Jerseys para gumanti, 10-1.• Jan Keith A. Abundo
feature •
Volume XII. No. 2 AGOSTO 5,2014
11
Striker’s Hung(a)ry Heart Panulat: Giselle P. Trapago
Larawan: Cyl Gellaine G. Tablada
Information Technology freshman while he continues to run, kick and goal in the football pitch.
RISING FOOTBALL STAR - Ken D. Kozma
A
group of giggly girls walking along the corridor one afternoon quipped: “Halat ta ihiling ta si
Ken.” Aside from commanding presence and looks, what really makes him noticeable is the distinct mestizo features being a half Filipino and half Hungarian. Ken Dalisay Kozma, a 5’11 football player, was born in Jeddah Saudi Arabia on December 27, 1996. They moved to Francia, Virac when he was five years old because his father wanted to live in a quiet place. He is a homeboy back then. “They all tease and call me ‘hey yow!’,” said Ken with a smile as he reminisced his early years in the island. Ken was home-schooled until his sixth grade and finished his secondary education at Catanduanes National High School. He is currently a BS
FIRST KICK It was Ken’s boredome of being a homeboy that led his interest in football, and also after watching the 2010 World Cup . He was a freshman high school student at that time and his passion for the game soon developed with fervor. “If I could, I’d play every day. But I have to go to school and do my workouts”, he said. This man, however, has built his own world before. Though he was five years old when they moved to Catanduanes, he doesn’t go out either. He started opening his door for socialization when he entered high school. “Dati nasupog siya.Nahiling mi siya sa Capitol kaito kaiba ‘yong tugang niya buda ‘yong barkada niyang foreigner na gakawat ning football. Tapos ‘yong saro ming kaiba, hinapot siya kung pwedeng makikawat”, said one of his teammates while Ken was playing on the grounds. That instance marked the day when Ken Kozma put his guards down and discovered a bigger world where it would not only be his brother and foreign friend who will give his turnovers on the ground but also with the other members of his team. It was a chance meeting that ended up to a team. That afternoon was the beginning of friendship. Afterwhich, Ken would go to the Capitol grounds every afternoon to play with his newlymet playmates. “Dati siya ang yatutu£-an mi
Lapat: Jordan T. Ignacio
pero ngunyan ang urag na niya,” his teammate added proudly. When asked how is Ken as a friend and teammate, he said, “Maurag siya. Maboot. Matrip. Stick to one pati sa chicks.” Watching him play during the practice game, one could see in Ken’s happiness on what he is doing-standing on the right side of the field and aiming for the goal towards winning. He practices hard to keep his feet running and kicking with one goal in his mind: winning each game one by one. “We’re a skillful bunch that intends to leave our marks in Intrams,” he said. When asked what would make their team win in this year’s intramurals, he said, “teamwork, teamwork, and teamwork.” TURNING POINTS Ken Kozma is a man of goal and direction. But behind this spirited personality lies different disappointments he underwent in playing football. He competed in this game when he was in high school but only until Provincial Meet. Though he was selected for the Bicol Meet, he wasn’t allowed to play due to citizenship issues. “I was depressed as crap! Two of my teammates cried,” he shared, able to laugh at the memory now. “Yapatunong na kuta ‘yan na magkawat. Nauyam na kaya ‘yong mama niya ta pirmeng dae nakakawat sa Bicol Meet,” his teammate shared. But the more you force yourself to do something against your will the more your mind dictates to listen and follow the voice of desire to do your thing.
continued on page 13
12 • kulturets
Volume XII. No. 2 AGOSTO 5,2014
HIGH CHEER: OLYMPICS EDISYUN Silang Nagbibigay Ingay at Buhay sa Palaro
N
akabibinging hiyawan ang nagpayanig sa ating mga eardrums. Dahil dito, nanatiling maalab ang mithiin ng bawat manlalaro mula sa apat na koponan na mapasakamay ang tropeyo at tanghaling kampyon. Hindi maipagkakakaila na importante sila sa pag-usbong ng patimpalak. Dahilan sila kung bakit nanatiling malutong ang taunang palaro. Sa pagkakataong ito, marapat lamang na itutok natin ang limelight at sila’y i-zoom in nang sa gayo’y matukoy ang kanilang lahi at kung saan ka man mapapabilang. THEY CAME IN LIKE A WRECKING BALL Sila ang high at first class na cheerers. Walang iniisip kundi pagiingay na nakapagbibigay buhay sa players. Gaya ng kanta ni Miley Cyrus na pinamagatang ‘Wrecking Ball’, sila din ay sumasalamin sa pagiging wild ng henerasyon . Kung ang kantang nabanggit ay may music video na talaga namang pumatok sa berdeng panlasa ng mga barako dahil sa konsepto, sila naman ay may mga moves na pang habang buhay na tatakbo sa kanilang stripes na dugo. Ito ang mga moves na nakakasakit ng kapwa niya manonood, sakit na dulot ng kanyang umaapaw na pagpapapansin. Kapag sa yugto ng event na nakakascrore ang kinabibilangang Unit o ang crush nila, walang humpay sa pag hampas ng kanilang kamay o anumang bagay na nasa kamay. Paulit-ulit ito. Minsan, mas malakas ang paghampas nila kung kakilala at matalik na kaibigan ang kasama. May pagkakataon na tinutulak, sinisipa’t kinakagat nila ang katabi sa sobrang saya at tuwa na minsa’y pinagmumulan ng gulo. Wala namang ibang magawa ang mapagpasensyang biktima kundi kantahin ang lyrics na..’You wree-eck Me!!!’ pag mas higante ang nakalalamang. I DON’T CARE WHAT THEY ARE GOING TO SAY Eto naman ang tipo ng tagasuporta na ginagamit ang kanilang
Body Size sa panonood. Mga Pretty Little Liars ang karamihan sa kanila, ngunit mas nakapangaabuso itong mga mala-Sumo Wrestler ang waistline. May mga oras din na sila ang laman ng usap- usapan ng kapwa audience. “Singit doon, singit dito, sumisiksik na nga, bina-Block pa ang Driveway”. Hindi na tuloy makaarangkada ang na-left-behind nito. Gayunpaman, sila din ang taong ‘Walang Basagan ng Trip’ ang motto sa buhay. Hinahayaan na lang nila ang mga chismax basta mapanood lang ang paboritong sports event. Wala silang pakialam basta makapag tsir lang. SILANG MGA “ECCEDENTESIAST” Napakalumang salita ang nakakapag describe sa ganitong klaseng supporter. Ang Eccedentesiast ay ang klase ng nilalang na peke ang smile at walang katotohanan ang pinapakita sa kanilang pisikal na anyo. Sila ang mga taong ‘Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan, serbisyong walang pakialamanan lamang. Nililibang na lang ang sarili sa kahit anong sports event. Matatagpuan sila mismo sa harap ng laro kasama ang kasintahan o kaibigang pinagkakautangan ng pamasahe at pang snack. Ang totoo, labag sa kalooban nila ang pagpunta at pagpalakpak. Pati ang pagtutok ng kanilang naka Optien-lutien na mga mata ay kanilang pinanghihinayangan pag dating ng boarding house. Sila ang mas gustong matulog na lang sa kama, at attendance lang ang kanilang pinagkakalawayan. OLYMPICS NA PAG-IBIG, PARANG KIDLAT Nakakatuwang tingnan ang ganitong klase ng tagapaglikha ng ingay. Wala sila sa venue ng event, wala rin sa pahingahan ng mga players, nag tsi-tsir sila in a Miracle way. Madalas natin silang nakikita na nakaupo at naghaharutan sa Main Building. Sila ang mga Lover’s in Pawis ng Isteyt. Naiinitan sila dahil sa tensyong nadarama kasama ang kanilang kasintahan. Ngunit hindi
alam ng karamihan ang kanilang pinag uusapan. Ang mga nakakarinig lang ang mga namamangha sa mga ito. Kahit nasa lilim sila ,nagagawa nilang suportahan ang Unit na kanilang kinabibilangan sa pamamagitan ng pag sasabi na da best ito at sila ay mananalo. Minsan, nag aaway na sila dahil imbes na tungkol sa kanilang buhay buhay ang topic, napunta sa Olympics. Ang masakit pa, mag-on na nga, nag kaka-crush pa si bebe girl sa isa sa mga players ng soccer. Inis na inis tuloy ang leading man ng loveteam na ito kay Ngen Ngozma. ..Si Ngen na walang malay. O TUKSO, PANSININ MO AKO Napapahagikhik ang sinumang nakakapansin sa ganitong uri ng tagapanood. Karamihan sa mga napapabilang dito ay mga lalake na may malawak na imahinasyon. Kasing laki ng bumbilya na nakatayo sa paligid ng grounds ang kanilang mala Xray na mga mata, kasing haba naman ng pila noong enrolment ang kanilang mga dila. Sila ang nangingibabaw sa palakasan ng boses tuwing nagpapasiklaban ang mga kapatid ni Luningning at Mariposa sa tindi ng
kulturets •
Volume XII. No. 2 AGOSTO 5,2014
13
STRIKER’S...
from page 13
ON THE OTHER BATTLEFIELD The fact that Virac doesn’t have enough football facilities, Ken tried to find a better environment to play and grow at his most. He went to scholarship try-outs at the University of the Philippines in about six days. They were forty-five and he made it to the top five but the UP coach only gave scholarships to three where Ken, eventually, was fourth overall. “It was my first time playing with guys from Manila. Their game differs from mine very much. I got my ass kicked at first but after that I went on to score three goals against UP U21 squad,” he said cherishing the memory. Despite the missed opportunity, Ken continues to play his chosen field of sport in Virac. “You gotta work with what you got,” he just said.
lambot n g katawan. H a b a n g umiindak ang mga chikabeybs sa dance sports at cheering squad, walang patid naman sa hiyawan ang mga cheerers na ito na abot langit ang pagkahalina sa kasuotan ng pinapanuod.Ang mga ganitong uri ng subscriber ay pinipilit maging unlimited at mag i-eday to 4545 hanggang tatlong araw ng Olympics , m a y
carliPornia girls lang na masumpungan. Totoo nga namang may mga panandaliang aliw tayong sinasamantala . Kung kaya’t dapat nating igalang ang kanilang pakikipagall in sa palaro. Wala naman magagawa ang pagbibigay ng 2 points sa kanila para ma-nominate dahil una sa lahat wala tayo sa loob ng bahay ni kuya at kung maging nominado sila, maiievict din tayo dahil walang sinumang nasa campus ang hindi nagiging tulad ng mga ito tuwing sasapit ang paligsahan. Dahil sa kanila, may mga salik tayong natutunan na hindi natin kailanman nakukuha sa klasrum ,pinapakita nila ang taglay nilang pagkatao ng walang alinlangan. Sa kulturang ito, pinapaalala na may aral, buhay at kulay sa labas ng klasrum.•
PANULAT AT GRAPIKS: Jerico J. Villaflor LAPAT: JPVT
AIMING FOR THE GOAL Ken Dalisay Kozma—standing in the middle of the grounds, the product of yesterday and harnessed by the disappointments of a playful circumstance—happily run back and forth to the field, knowing that he is standing on the right ground and playing the right game. There may be lot of turnovers along the way, and turning points that would give him reasons to stop playing. But in one way or another, he will hit the net and do a goal. His desire to play cannot be stopped by any hindrances. Because even though fate doesn’t go his way before, he still hopes that no matter how bitter the experiences football has given him, one day it would also favour him. It may not had been granted to him yesterday or may not yet also today, then maybe it will be given tomorrow. Students are now going home. Players are done with their practice. The field is clear and quiet. And in that silence echoes Ken Dalisay Kozma’s humble philosophy: keep everything simple and follow your dreams. •
14
• backache page
B
asagan na naman ng balls, mga padi kasin madi! Yow. Awat-awat na man na dae kamo ning nakahampangan sa section na ‘to ning Isteytsman. Mara pa yan ta binarayaan na kami nina Manoy kasin Manay mi. Haixtk! Hmpftk! Eneweys, Armando Liwanag (@ ArmaLight) and Brader Taguro (@realbrothertaguro) in da haws palan! Tama na muna yun na patara-tara ta huray pa man kitang mangailibahan. Hiks. Hiks. Musna ta mantutumok kita ning mga shegek ning mga bugok ngunyan na Julimpics!
INSIRO-YOSO??!
AL: Husay man ang tupada uya sa Catanduanes State YOWniversity! Bako ugaring na manok ang yapatu’kisan ta mga papabols with unwreckable balls. Hiks! Hiks! BT: B*lbol ninda. HAHA! Kung tunay na boksing yan, dapat nasa tamang ring. Dapat canvass ang yatindugan. Ta lugi man ang gakalawat. Ya, pano na sana lugod pag-SCUAA, kasusupog lamang. AL: Corrected by ka diyan brad! Ano pa man ang pinagkaiba niyan sa tinambudan na tiksas pati ugis na yabulang sa baryo-baryo? Ta ngata pati ta may mga dimonggol na gapulustahan? Matalam pa sa athlete na nadaog, “Kago mo! Nagpusta ako saimo ipadaog mo man sana!” Ngata alog man kamo kaan? Maga na ngani yu sihong, sisihongan mo pa! Ay inda, mga maluyang palahi ini Brader Taguro! BT: Hahaha! What’s wrong with the world, Mama?! Oh, shot na. DIAMOND IN THE ROUGH
BT: Okeh man na sa wakas, sa wakas talaga, nagamit na man ang CSU Athletic Joval! Wooh! Bigyan ng jacket! Pwerte baga ang kawat sa vase bowl pati soup bowl. Ugaring, grabi pang gurudu-gudu sa diamond! AL: Diamond in the rough nga! Hiks! Hiks! Tibaad ma-NINAhan si NENA V. diyan! Hahaha! BT: Yududoy Brader Armalight! “Tunog ning badil sa Payo bra-tat-tat-tat” ka na naman! AL: Ay inda man padi. Shot na. Puro ka
istorya. AY ENDA! WE WANT MORE!
AL: Ano man yun Brader Taguro ta baging quickie man ang Dance Sport ngunyan? Diretso niluwasan, niluwasan ning mga tawo! BT: Hahaha! Gahurat pa tana baga kita ning masilam-silam na giniling pati nilukad hari sa mga Hablon, napano ta tulong order sana tigserve? Ngata pati ta puro Hablon? Dai lamang ning Virac Danz Crew represent diyan?! AL: Is korek! Para may SHWEEEEGG. Oh, shot pa! FIRE IN THE HOLE!
BT: Pardz! Nabiktima ka man ning Fart Bomb ninyo Tsirdanz KEMpeteyshen? AL: Iyo bagang lintik na kabalaglaan an ning mga tawo uya sa Isteyt. BT: Hahaha! Anarchy in the house! Mga tugang, bako ining Gaza Strip, dai sanang bulumbahan. An samo man sana ni Bro Armalight, pagreparo asin pagkasararo ta iyo an ang ikachampyun ta sa SCUAA. Hahaha! AL: ASA KA! BT: Tiwala lang padi! Hiks! Hiks! AL: Tama nang shot ngani yan! Nawawala ka na naman sa realidad. BT: Tama na talaga ta buris ni itis na paka-iskedyul an ning mga pangyayari. MIDTERM NA NAMAN! RAAAAWWR! JAGUARS! ----END OF CONVERSATION----
Til next time, sh**heads!
K.K.K.
KURIKONG! KAGID! KUGAW! Musta na padi? Hain si madi? -Miley Cyrus- We Can’t Stop Cover by Mang Kanor -Try ko daw i-search sa Youtube si Mang Kanor. Hikhik. GatoooOOOOooooll kan bonets! -Boy GATORade,consistent ang underwear buong Intrams -HAHAHA! Hulaan ko favourite OPM band mo. SIDE A! Hulaan ko favourite Side A song mo…FOREVERMORE! Wahaha! I feel you bro! Hiks! Hiks! It felt like we’ve been cheated. -Isko, tawlets sa Sherdenz Competeyshen -Basta talaga daog, nadaya. Di ka hibi. Overall champion man ang Jonets 2. *hikbi* AAAAaaaaahhhh!!! Eeeeeeeehhhhhh!!! *kilig* *harthart* -Alvin, half-Filipino, half-Filipina -Bagay ka talaga Bek kay Fafa Ken Kozma mo! Pareho kamong may halo! International love na ituu! Yiiieee! I’m gonna bring you there and we’re gonna eat kikyem. -Charlene Gonzales, tour guide ni Aga -Oh em! Kazerami ka Krizzy! Habo mi makadangog ning Conyo English kaya dun ka na sa… LABAZZZ!