Siklab 2023-2024

Page 1

Region X, top 1 sa ‘struggling readers,’ Province nagtalaga ng reading titser

Hindi makatahan sa tahanan Palaos

ang siklab

DRAIN BRAIN

ni RIA EGARGO

Kasabay ang pagtaas ng bilang ng mga Filipino teachers papuntang abroad, umabot na sa anim (6) na guro ng Jasaan National Hgih School (JNHS) ang nag-abroad para sa ‘greener pasture’, brain-drain at isyu ng hindi sapat na sahod sa Pilipinas umano ang naging dahilan nito.

ipagpatuloy sa pahina 4

Habang nakasunod sa ililibing na tiyuhin 16-anyos nahulog sa trak patay

ni RIA EGARGO

Dead-on-the-spot ang isang 16-anyos na kinikilalang si Mark Alexis O. Ongon, isang atleta ng Jasaan National High school (JNHS) matapos nahulog sa sinasakyang trak habang nakasunod sa ‘patlod’ ng kanyang tiyuhin sa Natubo, Jasaan, Misamis Oriental nito ika-29 ng Enero.

Sa pahayag ni Arnorld Maestrado, Coach ng namatay na binatilyo na nakaidlip lang umano ang grade-11 student habang nakasunod sa ililibing na tiyuhin ngunit nahulog ito sa sinasakyang trak na naging sanhi ng pagkamatay nito.

“Nagpatlod siya unya murag nakatulog… wala nahibaw-i na nahulog siya sa Bongo nga gisakyan… so, dugay na-rescue busa namatay siya on-thespot…pero may gani nga na-insured siya

sa Palawan before iyang Unit Meet kay requirement mana ug naka-receive sad siya ug uban nga tabang sa school, like the fundraising,’ ani Maestrado.

Bilang pakikiramay, patuloy na nagbigaytulong ang Jasaan National High School (JNHS) sa pamilya ng yumaong 16-anyos na ‘student athlete’ matapos malaman ang insidente sa pamamagitan sa nakalap na perang galing sa fundraising na nakolekta sa mga guro at

esdtuyate ng Junior high at Senior High School.

Wika naman ng Coach ng nasawi na hindi inaasahan ng marami na magagamit ang life insurance bunga ng pagpanaw na kinuha nito bago sumalang sa kompetisyon nitong Disyembre.

Dagdag pa ng coach, “So, dili gyud si Marky magmahay kay wala gyud siya biyae sa pamilya nga JNHS.”

Bilang rekisitos aniya ng paaralan sa estyudante bago sumalang sa

Patuloy na isinusulong ng Jasaan National High School (JNHS) ang layuning agapan ang mental health ng mga estyudante sa pagsagawa ng isang mental health symposium makaraan ang isang suicide attempt ng isang bata nitong Abril 2023.

ipagpatuloy sa pahina 2

BALITANG KOMUNIDAD

Grade 10 student timbog sa buybust; PDEA X Symposium, isinagawa

ni BILLY BATION

Nalambat sa buybust operation ang isang Grade 10 student ng Jasaan National High School (JNHS) nitong 2023 kaya’t inimbetahan ng eskwelahan ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region X upang magsagawa ng symposium.

Ayon kay Gng. Fe D. Arancon, punong-guro, nagsilbing interbensyon ang ‘symposium’ upang maging maalam ang mga estudyante sa mga batas patungkol sa droga at huwag maging ehemplo ang pagkalambat ng isang estudyante kamakailan.

“PDEA-symposium was for the students to be aware of the consequences when they involve with drug related activities…not a good sample to learners” ani Gng. Arancon.

Inihayag pa niya na handa ang paaralan na magsagawa ng imbestigasyon sa ‘drug matter’ na isyu kung mayroon mang mangyayaring insidenteng may kaugnayan sa droga.

“The moment na mahibal-an sa school nga naay drug matter, the school will conduct a investigation, dili jud mag hesitate ang school nga makig-cooperate sa municipal police, DSWD, and PDEA,” pahayag ng punong-guro.

ipagpatuloy sa pahina 2

DENUMERO

63

ang kabuuang bilang ng mga estyudanteng naghihirap magbasa, mula grade 7 hanggang grade 10.

kompetisyon, nagtalaga siya at ang biktima ng insurance sa Palawan Pawnshop na magcocover ng humigitkumulang 20,000 pesos na gastusin ng bata kung masasalpot sa aksidenteng kamatayan. Ngayon, sinisikap na ng pamilya at ng paaralan na matugunan ang mga requirements ng pawnshop upang mai-release na ang insurance at makatulong sa burol ng biktima.

6 nang guro ang nag-abroad
Ang Opisyal na Paaralang Pamahayagan ng Jasaan National High School, Jasaan, BALITANG KOMUNIDAD BALITA OPINYON LATHALAIN
ISPORTS
na ang Palaos
4, binokya ang Unit 2, aariba sa kampeonato P2 P6
Unit
P13 P18
Tomo 20 Setyembre 2023 - Enero 2024 Bilang 1

BALITA 2

SMAW sa Junior High School, bubuksang muli

ni

Bubuksan muli ng Jasaan National High School (JNHS) ang SMAW o Shielded Metal Arc Wielding sa Junior High School sa kadahilanang kailangan mag NCI (National Certificate I) ang mga SMAW students sa Junior High bago mag Senior High.

Inihayag ni Academic koordineytor Jo Ann Katherine Valledor na kinakailangan magtayo ng SMAW shop o silid para sa mga kagamitan nito at kung saan gagawin ang mga pagtuturong magaganap na planong magtayo sa loob ng taon.

“Dili man gyud na siya pwede ibutang nimo sa in-a-ordinary classroom kay special na ilang mga gamit, kinahanglan sila og room or shop para maka-perform sila,” ani ng koordineytor.

Binalik aniya ng Paaralan ang SMAW sa Junior High School dahil alinsunod na rin sa inilabas na memorandum ng Departmen of Education (DepEd), gayunpaman naghahanap pa umano ang nasabing paaralan sa magiging budget sa itatayong shop.

Ayon sa Paaralan, ngayong school year pa lang ineplementa ang SMAW class sa Junior High at kasalukuyang ‘specialization’

BAKLAS OPLAN

Higit P500-K tinatayang nasayang

Sa pag-implementa ng Department of Eduction (DepEd) sa OPLAN-Baklas, tinatayang P517,500 o P7,500 bawat klasrum ang nasayang ng eskwelahan mula sa mga tinanggal na mga kabinet, boards at ipa pang palamuti.

Sa panayam ng ‘Ang Siklab’, ipinahayag ni Fe D. Arancon, punong-guro ng JNHS, ang malaking halaga na perang pinunit sa ‘barewall policy’ ni VP Duterte, Education Secretary.

“Half million siguro, atleast 7,500 pesos worth of room’s learning decorations and designs ang nasayang dahil need ibaklas,” ani Arancon.

Napilitan ang paaralan na gawin ito bago ang pasukan, sa ipinatupad na DepEd Order No. 21 Oplan-Baklas, na may layuning tiyakin na makapagpokus ang estyudante sa leksyon sa pamamagitan ng pagbaklas sa mga dekorasyon ng bawat silid-aralan.

Ayon kay Jo Anne

Z. Valledor, Academic Coordinator ng JNHS, bagama’t makakatipid ang mga guro sa hindi paggastos ng mga palamuti sa hinaharap, makakagasto naman sila muli sa pagtanggal o pagpunit nito.

“Taking down the decorations will cost the teacher for the labor fees,

and the walls needs to be repainted because of the damage when removing the decorations” pahayag ng Coordinator.

Dagdag pa ni Valledor, “I believe education is not dependent on what you see inside the classroom, it’s more on how to use the educational materials inside the room.”

I have invested so much on them…sayang- MT Bagaman nasayangan umano ang Master Teacher II na si Gng. Vilma J. Abastas sa mga frames at dekorasyon na kailangan nang tanggalin alinsunod sa memorandum ng kagawaran, nakikita niya ang positibong kalalabasan nito para sa pagkatuto ng mga estudyante.

Kasabay ng pagtanggal nito ang pagtanggal din ng gastos na aabot sa 20 thousand at ang mga ‘memories’ na nabuo sa mga dekorasyon sa silid naman ang naging pahayag ni Gng. Renia S. Joyno, Master Teacher II.

“… we need to follow the memo and embrace

changesand discover new ways to create a classroom hat is conducive to learning,” ni Gng. Joyno.

Student leaders OK sa bare-wall

Aprub ang Supreme Student Learners Government President, Shaniah Fe Ipulan sa pagbaklas ng mga ekstrang dekorasyon sa silid-aralan, iwas-kalituhan daw ito para sa mga estudyante, ‘less hassle’ at iwas gastos para sa mga guro.’

“I find it beneficial for us students, no distraction sa amin ang bare-wall policy and I think our teachers felt na less hassle and less gastos for them to be updating info and boards,” ani Bb. Ipulan.

Positibo naman ang pahayag ni Senior Boy Scout of the Philippines, Blythe Vega ukol dito.

“…minimalist classrooms will reduce distraction which could help the learners, sa teachers, maka-save up gyud sila and maybe ang money pwede nalang ipalit sa teaches sa other learning resources,” ani Bb. Vega.

sa asignaturang TLE ng baitang 9, kasama na rin ang ibang specialization at magpapatuloy ito sa pagdating ng baitang 10 ng mga estudyate.

Nawala umano ito bunga ng ‘costcutting’ dahil mataas ang consumption sa kuryente noong nagdaang dalawang taon sa pangangasiwa ng nakaraang Punong guro na si Mrs. Florencia Baang.

Pahayag pa ni Academic koordineytor Valledor na kailangan talagang ibalik ang SMAW sa Junior High upang masasabing NC2 na ang magtatapos sa Senior High na may strand na SMAW.

“Dili siya pwede mag NC2 kung wala siya naka NC1 sa Junior High School,” saad ni Academic koordineytor.

Region X, top 1 sa ‘struggling readers,’ Province nagtalaga ng reading titser

ni

Sa pagputok ng balitang nangunguna ang Region X sa listahan ng ‘struggling readers’, nag-sponsor ang provincial office ng reading teacher sa eskwelahan.

Ipinahayag ni Gng. Rosal Carmona, ang itinalagang reading teacher, na ang pagbabayad umano ng probinsiya sa kaniya’y upang magturo ng mga estyudanteng hirap magbasa sa paaaralan.

“Binabayaran kami ng province at na-assign ako dito sa JNHS para turuan yung mga struggling readers at non-readers,” ani Gng. Carmona.

Ayon kay Gng. Carmona, 63 ang kabuuang bilang ng mga estyudanteng naghihirap magbasa, na kinapapalooban ng: 45 estyudante sa grade 7, 17 estyudante sa grade 8, 2

estyudante sa grade 9, at 1 estyudante sa grade 10. Sa unang mga araw ng trabaho, isinagawa ni Gng. Carmen ang one-onone session nito sa mga estyudanteng non-readers at struggling readers, matapos natukoy ang mga bata sa isinagawang assessment.

Depende sa kakayahan ng estyudante, maari silang mapabilang sa 4 na antas: Level 1 para sa non-readers, Level 2 para sa marunong magbasa ng wikang Filipino ngunit hindi ang English, Level 3 para sa marunong magbasa sa dalawang wika pero hindi gaanong eksperto,

P21.9K nakalap sa garage sale School stage, itatayo

ni

at Level 3A na magaling magbasa ngunit may kakulangan sa pag-unawa; maaring umangat saantas ang isang estyudante bantay sa obserbasyon ng guro at pagsusuri.

“To be honest, naging mahirap yung pagturo ko sa mga students…pero of course, I’m going to do my best para atleast pag-alis ko sa school, marami na akong natulungan na mga estyudante,” pahayag ni Gng. Carmona. Nitong Disyembre, anim (6) na struggling readers ang nakapagtapos sa Level 3A, kung saan kinikilala na sila ngayon bilang standard readers.

Nakalikom ng kabuoang PHP 21,915 ang Jasaan National High School (JNHS) sa isinagawang ‘garage sale’ nitong school enrollment na naging parte ng budget sa pagpapatayo ng bagong school stage.

Sa panayam kay Academic koordineytor Jo Ann Katherine Valledor, sinabi niyang nakatulong ang perang nalikom sa garage sale upang masimulan ang stage construction.

“The garage sale is actually a fund raising

activity that was initiated by the faculty club in order to support projects that were implemented by our School Principal,” saad ni koordineytor Valledor. Inihayag din niyang maraming proyektong ipinatupad ang Punong guro na si Gng. Fe D. Arancon,

una na ang renobasyon sa supply office, school registrar, kasunod ang pagpapabuti sa science park at school stage.

ang siklab Ang Opisyal na Paaralang Pamahayagan ng Jasaan National High School, Jasaan, Misamis Oriental, Rehiyon X Setyembre 2023 - Enero 2024 Tomo 1 Bilang 2
RIA EGARGO
ni
BATION
BILLY
RIA EGARGO
RIA EGARGO

Mga karerang nais pasukan ng mga

maga-aaral sa SPA 1 2 3 4 5

ART DIRECTOR

DANCE INSTRUCTOR

Upang mapatalas ang talent SPA binuksan

Binuksan ng Jasaan National High School (JNHS) ang Special Program in Arts (SPA) nitong school year 2023-2024 upang mapatalas ang talento ng mga estudyanteng may kaalaman sa sining at musika.

Sabi ni Bb. Connie P. Zamayla, head koordineytor ng SPA, sa ginawang interview nitong Lunes, inumpisahan ang SPA ng eskwelahan alinsunod sa kurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd). Isinagawa umano ang SPA upang matuklasan at mapatalas ang mga talento ng mga estudyanteng may kakayahan sa sining at musika, ani Bb. Zamayla.

Ayon kay Bb. Zamayla, nakatutulong din ang SPA sa eskwelahan, at nitong nakaraang taon, nakuha ng Sineliksik ang ikatlong puwesto sa Regional Festival of Talents.

Mayroon din umano mga panahon na nakararanas ng problema ang mga coordinator ng SPA.

‘…usahay, maka-encounter pud mi ug problems like maglisud mi diritso maabot ang kompetensiya,” sabi ni Bb. Zamayla.

Dagdag pa ni Bb. Zamayla, hindi maapektuhan ang marka ng mga estudyanteng kasali sa SPA dahil ang program na ito ay ‘curriculum’ ng DepEd at iba ito sa mismong akademiks ng mga estudyante.

“Dili ni siya makaapekto kay lahi ni siya makaapekto…separate ni siya nga special curriculum, it does not affect other areas,” aniya.

Sa kauna-unahang pagkakataon SPED lumahok sa Intrams

Nakasali sa kauna-unahang pagkakataon ang mga Special Education (SPED) learners sa intramurals 2023.

Ayon kay Gng. Maribel L. Reyes, SPED koordineytor , proud umano siya sa kaniyang mga estudyante na makita silang nasisiyahan at nakikilahok sa mga palaro.

“…proud kayo ko kay nakita nako sila nga nagduladula, sila’y natututo habang nasisiyahan,” aniya.

Simple at modified umano ang mga palaro na ginawa para sa mga SPED learners, upang pasok sa kanilang pisikal na kakayahan ang mga laro na maari nilang salihan, sabi ni Gng. Reyes.

“…sayon ra ang mga dula nila…dili gyud ingon nga mouban gyud adtong mga dula na parehas saato nga grabe gyud na physical activities…ang ila, gi-modify ra nga dula para suit pud para sa ilaha,” dagdag ng SPED koordineytor.

Kauna-unahang ‘stargazing’ sa JNHS, ibinida

Ibinida ng Jasaan National High School (JNHS) ang kauna-unahang ‘stargazing’ na aktibidad sa mga Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) students at Grade 10 Special Science Class students nitong Biyernes.

Wika ni JNHS Science koordineytor Ginang Queenie Cuabo, ito rin ang kauna-unahang nagamit ang 5 na Dosonian Reflecting Telescope ng paaralan para sa ‘stargazing.’

Sa aktibidad, nagtipon-tipon ang lahat sa school quadrangle upang saksihan ang mga magagandang bituin sa kalawakan gamit ang telescope ng paaralan, ani ng dumalo.

Saad ng isang dumalo, “it was a very interesting

and fun experience. And also a good opportunity for us to see the beauty of our universe.”

Naisagawa nang matagumpay ang aktibidad sa tulong nila Gng. Fe Arancon (punong guro), STEM koordineytor na si Ginoong Ferdinand Cabeguin, Science 10 teachers, at ang mga magulang ng mga dumalo.

6 kaso ng teen pregnancy, naitala; OHSP nakikitang solusyon

Nakapagtala ng anim (6) na kaso ng teenage pregnancy ang Jasaan Nation High School (JNHS) guidance office kung kaya’t nakitang solusyon ang Open High School Program upang sila’y makapagpatuloy pa rin sa pagaaral.

Inihayag ni Gng. Cheryl L. Pernia, Guidance Councelor ng JNHS, na binigyang konsiderasyon ng paaralan ang mga sitwasyon ng mga batang ina.

“Approximately, last school year may 6 kaso teenage pregnancy na mostly senior high school students at 1 lalaki na impregnator…pero ‘di talaga mastop yung studies nila, walang ano na mapipigilan sila na huminto sa pag-aaral,” ani Pernia.

Ayon sa awtoridad ng Commission on Population and Development (POPCOM) ng Jasaan, ang teenage preganancy umano ay kadalasang resulta ng hindi sapat na edukasyon at mababang income levels ng mga magulang.

Kaugnay nito, nilinaw ng Counselor, “may ibinibigay na Open High School Program (OHSP) na pwedeng ma-access ng pregnant teenagers sa school na kung gusto nila na Saturday nalang pupunta, constant follow-up lang sa mga adviser at study at home na assignments ang ipapadala nalang sa bahay.”

Patungkol naman aniya sa awareness na patuloy na ibinibigay ng paaralan, isinasagawa ng JNHS ang mga symposium, classroom discussion patungkol sa teenage

pregnancy, sexuality, at bullying sa kolaborasyon ng paaralan sa Rural Health Unit (RHU) at POPCOM.

Inimplementa rin daw ng paaralan ang ‘topic at values integration’ sa mga estyudante gamit ang mga asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP) at Health sa asignaturang MAPEH.

Giit ni Pernia, “So, wala talagang masasabi yung students

ang siklab Ang Opisyal na Paaralang Pamahayagan ng Jasaan National High School, Jasaan, Misamis Oriental, Rehiyon X
BALITA 3
TURO. Tinuturuan
BILLY BATION ni BILLY BATION
BILLY BATION
RIA EGARGO
ni
ni
ni
MOTION
FILMMAKER
GRAPHIC
ANIMATOR

BALITA 4 ang siklab

Bully victim sa bully: Pinag-isipan ko na pa’no sila patayin

Nabahala ang mga stakeholders ng Jasaan National High School (JNHS) sa mabigat na pahayag ng isang estyudante matapos matuklasan ang ‘murder intent’ ng bata sa mga nambu-bully

Naibahagi ni G. Kevin Kline Casiño, Prefect of Discipline (POD) ng JNHS, sa ginawang JNHS Press Conference nitong Huwebes, ang mabigat na nararanasan ng isang estyudanteng biktima umano ng bullying.

“Sinabi niya napag-isipan na niya yung ways pa’no patayin yung mga bully,” ani G. Casiño.

Dati na ring biktima ng bullying ang naturang estyudante sa dating pinagaaralan nito at mismong sa sariling

SIDEBAR

Rason ng mga guro kung bakit nagingibang bansa

1 2 3 4 5

MABABANG SAHOD SA PILIPINAS

MAGDANDANG KOMPENSASYON

KAWALAN NG PAGUNLAD SA PROPESYON

PAG-ANGAT SA BUHAY

PAGTUPAD SA PANGARAP

tahanan na kadalasang nauuwi sa ‘selfharm’.

“We directed to the principal at pinatawag namin yung mga magulang ng estyudante”, pahayag ng POD.

Bagama’t isinasaad ng mga magulang na ‘saykolohikal lamang’ ang pinagdadaanan ng bata at kaya na nila itong tugunan, napilit pa rin sila ng paaralan na ipatingin ang bata sa isang psychiatrist.

Sa ngayon, plano ng paaralang

BRAIN DRAIN/

Sa isang panayam, inihayag ni Gng. Fe D. Arancon, punong-guro, ang pagka ‘out-of-hold’ ng paaralan ukol sa pagpapalaki ng sahod, matapos tinanong tungkol sa plano ng paaralan upang mabawasan ang paglisan ng mga guro papuntang abroad.

“We [paaralan] don’t actually have the power to make the salary bigger, because if the government wants a no ‘brain drain’ of the teachers, make the salaries much more bigger, so increase the salaries,” pahayag ni Gng. Arancon.

Bagaman hindi kinakaila ng punongguro na brain-drain ang pangunahing dahilan ng pag-aabroad ng mga guro, nabanggit niyang nagpapakita lamang ito na de kalibre ang sistema dito sa Pinas ‘pagkat nakakapasa ang mga ito sa standard abroad.

Sa datos mula sa Academic Coordinator, Jo Ann Katherine Z. Valledor, anim (6) na guro ng JNHS ang nakalabas na ng bansa: lima (5) rito ang titser abroad at isa (1) naman ang nasa extended holiday break, na plano pang sundan ng anim na guro (apat sa junior high school at dalawa sa senior high school) na nakapag-apply na upang maiwan ang mahirap na sitwasyon dito sa bansa.

“Number one reason gyud for them, for teachers going abroad is for greener pastures, the US is offering way, way, bigger salaries compared to the Philippines,” dagdag pa ni Valledor.

Binago ng Jasaan National High School (JNHS) ang drop point ng mga estudyate dahil sa napabalitang salpukan ng Motorela at single motor sa paligid ng paaralan kahit wala namang traffic.

Inihayag ni School Parent-Teachers Association (SPTA) President Chirel F. Perez na nasa likod ng University of Science and Technology of Southern Phillipines (USTP) binago ang drop point ng mga estudyate.

“Para nga makuan nato ang safety sa mga estudyate sa mga in-ana nga mga incident nga dili malikayan, mao na siyang gi-change namo ang drop point sa mga motorela, habal-habal, service, didto sa likod sa USTP,” pahayag ni SPTA President.

Dagdag pa niya, hindi na kailangan mag-uturn ang mga sasakyan sa bagong drop point dahil ‘two way traffic’

na ang lokasyon doon. Layon umano ng rerouting na maiwasan ang kaparehong insidente at saka mawala ang traffic sa daanan upang matiyak aniya ang kaligtasan ng mga mag-aaral. Ayon sa drayber ng motorela at kay Prefect of Discipline (POD), lima ang sugatan sa nangyaring salpukan at estudyante ng JNHS ang isa sa mga sugatan. Gayunpaman, mag-uusap na lamang umano ang drayber ng motorela at single motor sa nangyaring aksidente dahil parehong may kasalanan ang dalawa, anang drayber ng motorela.

Posibleng panganib ng ‘outsiders’ tinutukan

Bhigpitan pa ang mga panukala ukol sa bullying upang mabigyang-wakas na ang mga pang-aaping nagaganap sa silid ng paaralan.

“Medyo significant na ang mga estudyanteng ga-reklamo aning bullying, magpa-symposium ta ani maybe ang DSWD pwede nato hangyoon,” sabi ni Gng. Cheryl Pernia, Guidance Counselor.

inigyang-tugon ng mga staff ng Jasaan National High School (JNHS) posibleng panganib na dala ng ‘outsiders’ makaraan ang isyu ng isang suspicious visitor na nakapasok sa paaralan nitong Nobyembre 2023.

Sinabi ni G. Kevin Kline Casiño, Prefect of Discipline (POD) sa ginanap na press conference nitong Huwebes, ang ID verification system bilang hakbang ng paaralan sa pagpapahighpit ng seguridad kaugnay sa isyu ng mga outsiders.

Bagama’t hindi ito aniya makakapantay sa salary ng mga natatanggap ng guro abroad, magiging ‘competive’ naman daw ito.

Nilinaw naman ni Valledor na sa 6 kaso ng pagliban ng mga guro papunta abroad, hiniling ng paaralan na magtalaga ang DepEd Central Office ng bagong guro na maging kapalit sa lumisan at parehong proseso ipapatupad sa mga susunod na guro na lalabas ng bansa.

Para malevel-up yung aking career –Guro

Pinabulaanan naman ni G. Racel Gorres, Teacher I ng Jasaan NHS ang konseptong para sa pera lamang ng kanyang pag-apply papuntang abroad.

“Not really, not that para lang sa kwarta akong pag-aaply, gusto kong malevel-up naman ang aking pagtuturo, ang akong education career, u know ibang mundo naman, ibang challenges ang tatahakin,” ani G. Gorres. Sa pahayag ng isang estudyanteng si Bernadeth D. Valcorza, nakakalugkot umanong isiping pupunta nang ibang bansa ang ilan sa kanyang mga hinahangaang guro.

“Sad, sad dahil they are one of my fave teachers but it its for their benefit naman at gusto nila ng mas kaldamadong environment, ok lang,” sabi ni Valcorza.

“Isa sa number 1 nga aksyon nga among nakita ani is ang ID … arun safety ta diri kay nauso raba run ang dunggab or gang war,”

ani G. Casińo.

Isang mekanismo aniya ang ID system kung saan magbibigay ng valid ID ang isang visitor sa in-acharge or POR na ise-seguro ang pagkakakilanlan at bibigyan ng patunay na kinikilala ang bisita sa loob ng paaralan.

Posibleng panganib ng ‘outsiders’ tinutukan

Bilang pasimula ng ID system, gumagawa na ng template ang JNHS staff para sa plinaplanong visitor’s ID.

ESTUDYANTE/

Ayon kay Mrs. Cheryl L. Pernia, Guidance Councelor ng JNHS, isinagawa ang isang mental health symposium upang malaman ng mga guro paano tulungan ang mga bata bukod sa pagbibigay aral sa mga ito.

“Anytime, kailangan naman talaga-- yung mental health awareness, so dapat--because we’re teachers, dealing with different personalities, different issues, concerns sa mga bata, dapat aware sad mi how to handle the mental issues concerning sa students,” ani Pernia.

Isinagawa nitong Mayo ang ‘Psycho Spiritual Seminar for Teachers’ kung saan nag-imbita ang JNHS kay Reverend Father Warren A. Tagupa, Psycho Spiritual Coordinator sa Archdiocese ng Cagayan de Oro (CDO), upang magbigay pahayag tungkol sa kalusugan ng kaisipan ng iba’t ibang

batang inaatupag ng mga guro araw-araw.

Sa inisyatibo ni Gng. Fe D. Arancon, punongguro at ng Guidance Office, isinailalim sa counseling ang bata kasama ang mga magulang nito.

“…matagumpay na na-address ang isyu at ang estyudante ay kasalukuyang nag-aaral muli sa paaralan,” sabi ng guidance councelor. Kaugnay nito, ipinihayag ni Pernia ang iba pang programa na ibinigay ng paaralan upang tulungan ang mga estyudante sa sariling pagunlad na kinapapalooban ng: Psychosocial Evaluation for Students, Mental Health Topics Integration to the Lesson of the Subject Teachers, at Symposiums patungkol sa Mental Health, Bullying, Sexuality, at Teenage Pregnancy.

Ang Opisyal na Paaralang Pamahayagan ng Jasaan National High School, Jasaan, Misamis Oriental, Rehiyon X
Motorela vs single motor: 5 estudyante sugatan Rerouting sa school road, ipinatupad ni RIA EGARGO ni BILLY BATION ni RIA EGARGO

5.7K nalikom ng STEM MathSchi fair

Umabot ng P5, 746 ang salaping nalikom ng Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) matapos maisagawa ang kauna-unahang Science and Math Fair sa eskwelahan sa pagdiriwang ng buwan ng Agham at Matematika.

Ayon kay Ferdinand A. Cabeguin sa isang interview, ang perang nalikom mula sa Science and Math Fair ay nakalaan para sa pagsasaayos ng palikuran sa STEM building.

Sampung piso ang halaga ng entrance ticket sa naturang Science Fair, makikita mo na ang mga..

Sabi naman ni Bb.

Uellyn C. Abes, head facilitator ng naturang kaganapan, mayroon pang

mga perang naiwan at ito ay gagamitin ng mga may-ari ng mga hayop na naka-display sa Science fair.

“Some parts of the P4,000 that left was used para sa pet owners since 2 days man gyud ang event, and need gyud na mabayaran sila aron naa juy compensation sa ilang time ug sa pets nila,” aniya.

SA PLAZA RIOT

JNHS pinalawig ang club campaign

Handa rin umano ang eskwelahan na makipagugnayan sa ahensya ng gobyerno tulad ng Jasaan Police Station at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ukol sa ganitong mga usapin.

“Yes, very willing naman kahit paman andun itong learner eh we keep ourselves updated sa kanyang status there,” ani G. Arancon.

Sa tingin naman ni Kevin Kline Casińo, Prefect of Discipline (POD), nasa kulungan pa at nasa pangangalaga ng DSWD ang estudyante sa ngayon.

“I guess naa pa siya

sa prisohan because the process man jud ana, the moment ma-dakpan ka, kung first offense, there is plea bargaining if he points out the source of the drugs,” sabi ng POD.

Nang matanong ang POD ukol sa akademiks ng estudyante, pasado naman ito bunga ng mataas ang marka ng estudyante sa una hanggang ikatlong markahan.

“Naudyok lang siguro yun ng barkada, matalino raw yun sa klase sabi ng adviser kaya ayun passed ang iyang average bisan pag 65 percent iyang 4th grading,” ani Gng. Casiňo.

Pinalawig ng paaralan ang club campaigns bunsod ng mga ‘gang riots’ at Student-at-Risk of Dropping Out (SARDOs) na kamakailan lang ay nagsisilabasan.

Ayon kay Kevin Kline Casino, Prefect of Discipline, ginawa ng eskwelahan ang mga club campaigns upang kahit papaano ay ma-distract ang mga estudyante mula sa kanilang mga problema lalo na sa academics at peer pressure.

Sabi pa ni POD Casino, nitong kamakailan lang ay may naganap na riot sa Jasaan Town Plaza, at nadadagdagan din ang bilang ng SARDOs sa eskwelahan.

Financial problems ang siyang madalas na rason ng mga estudyante

kaya’t tumitigil pag-aaral, sabi ni POD Casino.

Boy Scout Philippines, Girl Scout Philippines, at YES-O, ay ilan lamang sa mga club campaigns na isinagawa ng eskwelahan.

Ayon kay POD Casino, mayroon siyang isang miyembro ng boyscout na nabago ang masamang ugali dahilan umano ng pagsali sa BSP.

“…naa pud koy member sa boyscout nga na-impluwensiyahan gihapon siya sa iyang mga barkada… pag sulod niya sa boyscout, less na

Upang malutas ang napabalitang 61 milyon metric ton na basura ng Pilipinas araw-araw, binibenta ng Youth for the Environment in School’s Organization (YES-O) ang mga basura sa paaralan sa halagang P500.

Sa interbyu kay YES-O koordineytor, Gng. Queenie M. Cuabo nasolusyonan na ng paaralan ang problema sa basura para na rin labanan ang 61M MT na basura ng Pinas.

Sabi ng koordineytor, nanggagaling ang solusyon sa mga bawat classroom sa paraang paggawa ng tamang paghihiwalay ng basura.

“The best practice is the segregation of waste in every classroom, the solution of the problem will start in every classroom,” saad ni Yes-O koordineytor.

Gayunpaman, ‘the problem will come out if some sections will not follow the procedure,’ wika ni Gng. Cuabo.

Aniya mayroong ‘YES-O sub groups’ ang bawat antas at gaganap sa mga gawain.

“Each sub-group performs these practices: Collection of segregated trash in every room, school clean-up, info drive in their level, preparing the segregated trash in the MRF for garbage collection of the LGU,” ani ng Ginang

Binuo umano ang organisasyon para may kamalayan ang mga estudyante sa sitwasyon ng

paaralan.

“It aims to create awareness in students of the state of schools environment and ecology,” saad ni YES-O koordineytor. Dagdag pa niya, patatatagin ng organisasyon ang pagtugon sa isyu sa pamamagitan ng palagiang kampanya sa bawat klasrum. ni

kayo iyang participation sa iyang mga outside na activities ug pagbarkadabarkada kay nakakita man siya sa iyang mga bag o nga friends sa ilang organization,” ani POD Casino.

Dagdag pa ni POD Casino, para sakaniya ay talagang epektibo ang mga naturang club campaigns.

“…para sa akoa kay effective gyud siya because ang usa ka attitude sa usa ka-student, or usa katao is maimpluwensiyahan gyud sa iyang peers,” aniya.

ni BILLY BATION ni CASANDRA DELUNA
BALITA 5 ang siklab Ang Opisyal na Paaralang Pamahayagan ng Jasaan National High School, Jasaan, Misamis Oriental, Rehiyon X
BUYBUST/
Tugon sa PH 61M MT waste YES-O
RIA EGARGO

OPINYON

PUNONG PATNUGOT

Billy Joe O. Bation

IKALAWANG PATNUGOT

Riah Fe B. Egargo

TAGAPAMAHALANG PATNUGOT

Ahlyka Shane P. Basadre

PATNUGOT SA BALITA

Shanna Jane Villaflor

PATNUGOT SA LATHALAIN

Jam Dielle Rusia

PATNUGOT SA AGHAM AT TEKNOLOHIYA

Shellah Dagoc

PATNUGOT SA ISPORTS

Raphael R. Garces

TAGA-ANYO

Cassandra Deluna

MGA TAGAKUHA NG LARAWAN

Brent Lloyd Dael

TAGA GUHIT

Gracielle Sharlene B. Angon

Antonio III A. Cuerquiz

MGA TAGASULAT

Niljohn Canoog

Riah Fe B. Egargo

Angel Heralden Pagalan

Sandy Ingking, Jr.

Kirk Redondo

Shana Jane Villaflor

MGA TAGAPAYO

Judy May Abog

Arish Aplicador

JOURNALISM COORDINATOR

JoAnn Katherine Z. Valledor

ASST. JOURNALISM COORDINATOR

Thelma T. Cabello

PUNONG-GURO Fe D. Arancon

ngipin sa ngipin

ANTONIO CUERQUES

Beripikasyon ang solusyon

Hindi makatahan sa tahanan

Nakaaalarmang isipin na umaabot na sa puntong nais nang pumatay ng isang estudyanteng biktima ng bullying sa Jasaan National High School ang kanyang mga kamag-aaral bilang ganti sa pambubuska nila sa kanya. “Pinag-isipan ko na pa’no sila papatayin,” pahayag ng bata na nagdulot ng pagkabahala sa stakeholders ng JNHS. Hindi maganda ang mangyayari kung magpapatuloy na umiiral ang bullying sa mga paaralan sapagkat may masamang epekto ito sa biktima at sa nangbu-bully.

Sa ginanap na Press Conference ng JNHS nakaraang Huwebes, ibinunyag ng Prefect of Discipline (POD) ng paaralan na si G. Kevin Kline Casiño ang isa sa pinakamabigat na kasong naitala kaugnay sa bullying na nagaganap sa paaralan kung saan sangkot ang isang estudyante sa Grade 8 na biktima ng bullying na may matinding sama ng loob at intensyong pumatay sa mga nangbu-bully sa kanya.

“Sinabi niya napag-isipan na niya yung ways pa’no patayin yung mga bully,” saad ni G. Casiño. Base pa sa karagdagang imbestigasyon ng paaralan ay biktima na ng bullying ang naturang estudyante sa dati niyang pinapasukan at maging sa tahanan niya mismo. Madalas ay nauuwii ito sa pananakit niya sa sarili, ngunit sa puntong ito ay mukhang nagsawa na siya sa nakasanayang gawain at nais na lamang maghiganti.

Ang kaso ay isinangguni ni G. Casiño sa punong-guro at pinatawag ang mga magulang ng bata. Iginiit naman ng mga magulang na saykolohikal lamang ang pinagdadaanan ng kanilang anak at kaya na nila itong panindigan. Gayunpaman, marahil ay hindi napanatag ang paaralan at iminungkahi nitong dalhin sa isang psychiatrist ang bata. Nakumbinsi naman nila ang mga magulang ng bata sa kanilang suhestiyon. Plano naman ng paaralan ngayon na higpitan pa ang mga patakaran na may kinalaman sa bullying upang matigil na ang karahasang nangyayari rito.

Sa isang pananaliksik ng UNESCO, inilahad na mahigit 40% ng 13 hanggang 17 taong gulang ng mga mag-aaral sa Pilipinas ang naging biktima ng bullying sa mga paaralan sa loob ng isang taon. Mula sa kabuuang bahagdan ay 29% lamang nito ang nakararanas ng pang-unawa sa kanilang mga magulang at tagapag-alaga. Nangangahulugan itong hindi natatanggap ng karamihan sa mga batang biktima ng bullying ang kinakailangang pang-unawa mula mismo sa mga magulang o kapamilya.

Nakakalungkot isipin na tila ba wala nang ligtas na lugar sa mga kabataang nabu-bully sapagkat maging sa sariling tahanan ay wala silang kawala sa pang-aapi o pambubuska na nakapagpapababa ng kanilang kumpiyansa sa sarili. Tiyak na hindi lamang ito ang nag-iisang kaso ng pambubuska sa loob ng tirahan at hindi rin ito dito magtatapos hangga’t hindi pa ito nabibigyang solusyon. Parehong dapat na maging ligtas at kumportableng lugar ang tahanan at paaralan, ngunit sa loob ng paaralan kung saan mas talamak ang bullying, ano na lang ang

mangyayari sa bata kung wala itong nauuwiang pamilya na handang dumamay at pumrotekta sa kanila? Sa loob ng bahay kung saan dapat ay tumatahan ang mga biktima ng pang-aabuso sa eskwelahan, dito pa naririnig ang malalakas na hikbi ng iilan.

Tama ang ginawang mungkahi ng paaralan na sumangguni sa isang psychiatrist ang bata at pahigpitin pa ang mga patakaran sa paaralan. Maliban din dito, ang pagbibigay ng mental health and psychosocial support (MPHSS) na suhestiyon naman ng UNESCO ay may malaking maitutulong rin. Layunin nitong mapatibay ang sistema ng edukasyon at serbisyo ng mga paaralan. Ang paaralan ay may nagagawang mga hakbang upang maibsan ang kaso ng bullying, hindi gaya ng pang-aabuso sa loob ng tahanan na bihirang marinig ang daing ng mga biktima, kung kaya’t mas maiging maging kabilang din ang mga magulang na mabigyang-edukasyon tungkol sa pangangalaga sa mental health ng kanilang mga anak, at magkaroon ng sapat na responsibilidad para protektahan sila. Maaari itong maging isa sa mga paksa na paguusapan tuwing may gaganapin na pagpupulong o orientation para sa mga magulang sa ating mga paaralan. Nang sa gayon, maging ligtas ang tahanan ng kahit sinong mag-aaral at magawa na nilang tumahan sa piling ng kanilang mga magulang.

Para sa dagdag seguridad ng mga mag-aaral sa Jasaan National High School, nagsagawa ng plano ang mga awtoridad sa paaralan na magpatupad ng ID verification system para sa mga outsiders na bumibisita. Ang mga outsiders ay maaaring magdulot ng gulo o panganib sa loob ng school campus kaya sa ganang akin,ang pagpapatupad nito ay may malaking benepisyo lalo na para sa proteksyon ng mga mag-aaral.

Isa sa binigyangdiin ng school Prefect of Discipline (POD) na si G. Kevin Kline Casiño sa ginanap na Press Conference nitong Huwebes ang pagpapatupad ng ID verification system. Kaugnay ito sa kaso ng isang outsider nakaraang taon na nakapasok matapos magsinungaling na ‘may pupuntahan daw siyang kapatid.’ Nahatulan ng karampatang parusa ang naturang outsider

at pinagbawalan nang makapasok sa loob ng kampus. Paliwanag ni G. Casiño, ang sistemang ito ay isang mekanismo kung saan magbibigay ng valid ID ang isang bisita sa in-charge na gwardya na papalitan naman nito ng isang visitor’s ID na syang dapat suotin ng bisita habang nasa loob ng campus. Ito ay nagsisilbing indikasyon na oustider ang taong may suot ng ID na iyon.

Dagdag pa ng POD ay may pupunan silang form bago sila mapagkalooban ng visitor’s ID. Sa kasalukuyan, inaasikaso pa ng staff ng paaralan ang pagsasagawa ng ID templates para sa nabanggit na verification system. Kung ganap na itong maipatutupad ay hindi na basta-bastang makapapasok ang mga outsiders lalo na iyong may mga hindi magandang layunin sa

pagpunta sa JNHS campus. Sa tulong din nito ay maaaring magsagawa ng pagtatasa kung wasto nga ba ang kanilang mga dahilan sa pagpasok sa paaralan.

Unang inaalala ang seguridad ng mga namamasukan sa paaralan, mapa-estudyante man o hindi. Magiging malaki ang gagampanan nitong papel para mas masiguro pang mapanatili ang seguridad ng mga mag-aaral at

ninuman sa loob ng campus. Mababawasan na rin ang mga insidente ng panunugod ng mga mag-aaral mula sa ibang paaralan kaugnay ng mga kaso ng gang.

Sana ay maisakatuparan na ito sa lalong madaling panahon. Ito ay hakbang tungo sa mas angkop na ‘safe and motivating environment’ ng paaralan. Saludo ako sa nanguna sa pag-iisip ng planong ito.

6 ang siklab Ang Opisyal na Paaralang Pamahayagan ng Jasaan National High School, Jasaan, Misamis Oriental, Rehiyon X

real talk lang

Ikabit ang disiplina sa pagtapon ng basura

Nakalikom ng PHP 21,915 ang Jasaan National High School (JNHS) sa isinagawang ‘garage sale’ at nagbunsod sa renobasyon ng school stage. Nakatutuwa dahil sa wakas ay nabigyang pansin na rin ang isa sa mga bagay na kinakailangan ng eskwelahan.

Matatandaang isinabay sa pagbukas ng Brigada Eskwela 2023 ang Garage sale. Pinangunahan ito ng mismong punong-guro ng paaralan na si Gng. Fe D. Arancon. Hinimok niya ang bawat guro na mag-donate ng mga pinaglumaang gamit gaya ng mga damit pambahay at panlakad, bag, sombrero, sandal, sapatos, at iba pa. Pinaalam din niya na lahat ng ido-donate ay ibebenta sa nasabing garage sale sa presyong mas mura pa kaysa mga ukay-ukay sa palengke. Dahil dito, halos naibenta ang lahat ng aytem

at nagtagumpay ang plano ng punong-guro.

Ayon kay Akademik koordineytor Jo Ann Katherine Valledor, maraming proyekto ang ipinatupad ni Gng. Arancon, una rito ay ang renobasyon sa supply office at school registrar, kasunod ang pagpapaayos ng science park at nagyon ay ang entablado ng paaralan.

Sa tulong ng perang nakalap galing sa garage sale ay nakapagpagawa ang eskwelahan ng sariling school stage. Mahirap ang sitwasyon noong wala pang

sariling entablado ang JNHS, kailangan pang pumunta sa shell plaza upang makigamit ng stage kapag may program at minsan ay nag-a-adjust pa tayo sa schedule ng ating programa dahil mangyaring may nauna nang nagpaschedule. Sakit din sa ulo iyong mga estudyanteng kinukuha itong oportunidad para tumakas. Sa dami kasi ng estudyante ay hindi rin lahat talaga ay mababantayan. Kaya naman, laking pasasalamat ng mga guro at mag-aaral dahil ngayon ay may magagamit na ring stage sa paaralan para sa mga

Munting tagumpay

Ikinatuwa ng Jasaan National High School ang pagdating ng bagong reading teacher na naging posible dahil sa tulong pinansyal mula sa pangunguna ni Gov. Peter M. Unabia. Katuwang nito ang Misamis Oriental division sa pagpili ng paaralang makatatanggap ng sponsorship bilang tulong sa pagpapatupad ng mga reading program para sa mga mag-aaral na nahihirapang makabasa. Ito rin ay naturan bilang kauna-unahang beses na nagkaroon ang JNHS ng isang guro sa reading.

Base sa panayam sa bagong reading teacher na si Gng. Rosal Carmona, 65 mag-aaral ang kanyang hinahawakan sa loob ng paaralan, kabilang na rito ang mga non-readers, frustation level readers at mga readers with no comprehension. Samantala,19 sa kanila ay babae, kasali ang nag-iisa niyang Grade 10 student. Minsan ay iniisa-isa niya pang turuan ang mga mag-aaral upang lubos silang makaunawa. Giit pa ni Gng. Carmona ay nasisiyahan siyang makita na umuunlad na sa pagbabasa ang mga mag-aaral.

Sa kabila ng pagiging ‘Home of the Achievers’ ng JNHS ay hindi maikakailang may mga estudyante pa ring hirap matuto, na maaaring naguugat sa kakulangan nila ng kasanayan sa pagbasa. Ang malala pa rito’y, may mga batang hindi lamang hirap magbasa, kundi ay talagang hindi nakababasa. Napalala pa ito noong pandemya kung kailan dalawang taong naka-distance learning ang mga

learning competency pagbalik ng faceto-face classes.

Ito ang nag-udyok sa paaralan na ma-implementa ang Learning Recovery and Continuity Program (LRCP) noong nakaraang school year, kung saan ang mga ika-8 hanggang ika-10 baitang ay binibigyan ng remedial reading activities sa loob ng isang oras arawaraw. Maganda ang naging resulta sa isinagawang LRCP matapos bumaba ang porsiyento ng mga struggling readers. Nakalulugod isipin na kahit pa man ang mga mag-aaral na hindi kinikilala bilang ‘top achievers’ sa kanilang klase dahil sa kakulangan ng pagkahasa sa pagbasa, ngayon ay may inaaning tagumpay na.

Kung susuriin natin ang datos sa ginanap na PISA noong 2022, makikitang 80 porsiyento sa Pilipinong mag-aaral ang hindi umabot sa average level of proficiency sa pagbasa. Marahil ay ito rin ang dahilan kung bakit mababa ang nakuhang puntos

kasanayan sa basic reading at comprehension. Nag-iindikang sa kabuuan ay hindi pa ganoon kacompetent ang ating edukasyon lalo na sa larangan ng pagbasa. Natuklasan din ng UNICEF na dahil sa pandemya ay 15% o 3 sa 20 mag-aaral lamang ang nakakabasa ng mga simpleng teksto. Sa kabila ng mga bilang na ito, ang programang ipinatupad ng probinsiya ay nagsisilbing hakbang upang magpatuloy pa ang pagpapaunlad ng mga mag-aaral hindi lamang sa JNHS kundi sa ating bansa sa kabuuan. Saludo kami sa tiyagang magturo ni Gng. Carmona sa mga mag-aaral ng JNHS, at sa suporta ng buong paaralan. Maituturing itong munting tagumpay ng JNHS bilang ‘Home of the Achievers.’ Magpatuloy pa sana ito sa mga susunod na taon nang sa gayon ay agad na matugunan ang pangangailangan ng mga batang hindi pa gano’n kahasa sa pagbabasa, at upang hindi na rin umabot sa puntong may mga mag-

programa, pagtatanghal,at iba pa. Dagdag pa rito, nakapapagod ding maglakad papuntang shell dahil bukod sa pagtitiis sa init ng araw, may kalayuan din ang shell plaza sa Campus B, kawawa ang mga guro at estudyante.

Mabuti na lamang at isa ito sa naging prayoridad ng aming punong-guro na si Gng. Fe D. Arancon. Sa wakas ay narinig na rin ang hinaing ng karamihan at may stage na ang JNHS. Mahihinuhang nangunguna talaga sa kanyang prayoridad ang kapakanan ng mga estudyante dahil kung sakali

mang may mangyaring masama sa mga tumatakas tuwing papuntang plaza para sa programa, ang eskwelahan din ang isa sa mga tutugisin ng magulang at mananagot. Ngayon na may sariling stage na ang paaralan ay hindi na kinakailangan pang lumabas at wala nang lusot iyong mga pasaway. Sana sa hinaharap ay mas marami pang proyekto ang maisagawa sa JNHS para sa kaligtasan at higit pang ikauunlad ng mga mag-aaral nito..

pananaw ni titser

Maging mas tuso sa mga pauso

Lumabas sa isang pag-aaral na nagiging balakid sa pag-unlad ng wikang Filipino ang mga nauuso ngayong wika ng mga milenyal. Ilan sa mga kadalasang ginagamit na salita ay ang awit, lodi, werpa, delulu, smh at marami pang iba. Dahil dito tila nagkakaroon ng language barrier sa pagitan ng mga kabataan at matatanda na walang kamalayan o kaunti lang ang alam patungkol sa mga salitang milenyal. Maging sa paaralan ay nakikita na rin ang problemang ito ng mga guro. Datapwa’t nauuso, kinakailangan pa ring ilagay sa tamang lugar ang paggamit ng nabanggit wika.

Ayon sa Asia Pacific Journal of Management and Sustainable Development, lumabas sa kanilang isinagawang pag-aaral sa taong 2021 na may iba’t ibang epekto sa mga mag-aaral ang paggamit ng mga wikang Milenyal partikular na ang pabaliktad na paggamit ng salita. Sa datos na kanilang nakalap, nagreresulta ito ng hindi pagkakaintindihan sa pormal na pakikipagtalastasan ng mga mag-aaral sa elementarya habang nababalewala umano ang pagpapayaman sa wikang Filipino sa Junior High School dahil sa paggamit nito. Samantalang sa Senior High School ay nagdudulot ito ng kalituhan sa tamang pagbigkas at pag-intindi ng kahulugan. Paano nga naman mapayayaman ang wikang Pambansa kung higit nilang makasasanayang gamitin sa pakikipagtalastasan ang wikang milenyal? Sabi ni Dr. Amalia Cullarin Rosales, mapanghamon ang mga suliranin sa pagpapaunlad ng wika, sapagkat napakaraming balakid ang susuungin ng mga nagmamalasakit sa wikang Filipino. Dagdag pa niya, dapat ay nahuhubog ang mga mag-aaral sa adhikaing itaguyod ang pagpapaunlad ng wikang Filipino sa mga paaralan. Kaya naman, bilang mga guro sa Filipino, nararapat lang na hindi natin hahayaan an gating mga mag-aaral sa paggamit ng mga wikang milenyal sa isang pormal na komposisyon at maging sa kanilang pagsagot sa ating mga katanungan sa panahon ng pagtalakay sa iba’t ibang aralin sa ating asignatura.

Ayon sa International Journal of English and Comparative Literary Studies, ang mga salitang popular sa social media ay karaniwang ginagamit ng mga influencer at mga gumagamit ng mga platform na ito. Noong 2019, ang mga kababaihan sa edad 18 hanggang 24 ang may pinakamaraming Facebook users, samantalang ang mga kalalakihan ay kadalasang nasa edad 25 hanggang 34.

Sa huli, bilang isang guro, hindi bago ang mga ganitong hamon sa pagtuturo sapagkat ang mga nauusong wikang milenyal ay maaari nating maibilang sa tinatawag nating wikang balbal. Gayunpaman, sa paglipas ng panahon ay tila unti-unti ring nagsusulputan ang mga bagong likhang salita ng makabagong henerasyon na likas na mauso dahil sa pagte-trending sa iba’t ibang media platforms. Bilang mga tagapayo ng mga kabataan sa loob ng paaralan, lalo na sa mga guro na nagtuturo ng asignaturang Filipino na tulad ko, isa itong malaking hamon sa aming itinataguyod na adhikain. Dapat ay higit pa tayong maging tuso sa anumang nauuso, hindi pwedeng magpabaya dahil tayo ang humuhubog ng susunod na henerasyon. Kapag pati tayo ay nahikayat makisabay sa nauusong wika ng mga milenyal maging sa ating pagtuturo,unti-unti nang mawawalan ng saysay ang asignaturang Filipino.

mata
ng agila
ANGEL HERALDEN
ni
OPINYON 7 ang siklab Ang Opisyal na Paaralang Pamahayagan ng Jasaan National High School, Jasaan, Misamis Oriental, Rehiyon X
JUDY MAY PALOS

talas ng isipan

Magtulungan para sa ligtas na daan

Bandang Hulyo ng nakaraang taon, isang banggaan ang nangyari sa pagitan ng isang motorela at isang motor-single malapit sa paaralan ng Jasaan National High School JNHS. Sa nasabing salpukan, limang sa estudyante ang nasugatan. Ito ang naging basehan ng paaralan sa pagbabago sa ruta ng drop-off point ng mga saksakyan naglalaman ng mga guro. Sa aking pananaw, ito ay isang matalinong kilos ng paaralan sa pagtitiyak ng kaligtasan ng mga mag-aaral.

Sa isa pang panayam, nabanggit ni G. Kevin Kline Casino na isa rin sa rason na napagbasehan sa paglipat ruta ay ang pagsikip ng daan sa tuwing may pasok. Umaabot na rin kasi sa mahigit 2000 mag-aaral ang populasyon ng paaralan sa Junior High bukod pa dito ang mga mag-aaral ng STEM at ABM strand ng Senior High School na sa Campus B din nagkaklase kung kaya’t hindi na nakapagtatakang sisikip and two-way na daan papasok dito.

Ang dating drop-off point ay may layo lamang na higit –kumulang 30 meters papasok ng paaralan. Samantala, ang bagong itinakdang lugar nito ay ang crossing sa likod mismo ng USTP-Jasaan, may layong higitkumulang 40 meters papasok ng paaralan. Kung tutuusin hindi naman ganoon kalayo

iba din si isabela

ang pinagbago ng ruta pero maliwanag pa sa sikat ng araw ang pagbabagong dulot nito sa paggaan ng trapiko ng daan. Noon kasi, dahil two-way nga lang ang daan papasok,walang maayos na napaparadahan ang mga motorista sa tuwing magbababa sila ng pasahero. Bukod dito, hindi rin maiiwasan ang siksikan sa daan kapag umikot na ang mga motorista pabalik matapos magbaba ng pasahero. Samantalang sa bagong ruta ngayon, pagbaba ng mga pasahero hindi na kailangang umikot pa ng mga sasakyan pabalik dahil pwede na silang dumiritso ng takbo pababa ng River side pabalik sa kanilang paradahan.

Napansin kong simula nang ipatupad ito, wala nang naitalang panibagong insidente ng banggaan. Ayon pa sa aming Punong-guro na si Gng. Fe Arancon, malaki ang pasasamalat

Pangalawa ang Pilipinas sa pinakamababa sa reading,mathematics, at science.Makalipas ang ilang taon,nakalulungkot na hindi pa rin nagbabago ang ating puwesto.Tayo ay pangalawa pa rin sa pinakamahinang bansa pagdating sa mga nasabing larangan. Ayon sa data noong 2022 ng Program for International Student Assessment(PISA) science,ang bansa ay unang sumali sa PISA noong 2018 kung saan tayo ang pinakamababa sa reading comprehension.Muli tayong sumali nitong nakaraan dahil ang PISA ay isinasagawa kada 3 taon ng Economic Co-operation and Development (OECD).At napakalungkot na balita,ang Pilipinas ay hindi

punto por punto

niya sa mga SPTA Officers lalong-lalo na kay SPTA President Chirel Perez dahil sa pangunguna sa pagdadagdag ng seguridad at kaligtasan para sa mga mag-aaral sa Jasaan National High School. “ In terms of safety, very happy kayo ko nga ang atong GPTA Officers, especially ang atong GPTA President, kay nag-initiate and nag-spearhead jud for the welfare of our children ”, saad nito. Pagpapatuloy pa niya, nakita niya raw ang magandang resulta sa pagbabago ng ruta dahil wala nang siksikan ng mga motorista sa daan papasok ng paaralan. Kalugod-lugod talaga ang ginawang hakbang na ito ng paaralan na pinangunahan ng ating napakaaktibong pangulo SPTA. Katunayan, paminsan-minsan ay makikita nating tumutulong pa siya sa pagmamando ng trapiko sa bagong ruta.

pa rin nagbabago ang pwesto. Sa tingin ko ay mas lumalala lang noong nagkapandemya sa kadahilanang hindi na masyadong nakakapag-aral dahil batak na sa gadyets ang mga estudyante.Hindi rin naman matuturuan nang harap harapan ng mga guro dahil nga sa pagputok ng nakahahawang virus. Tumigil ang lahat noong nagkapandemya,pati ang pag-aaral ng mga estudyante ay naapektohan.Kaawa-awa talaga ang ating bansa.Panigurado ay pagtatawanan na naman tayo at mamaliitin ng ibang mga bansa. Hindi na bago sa pandinig natin ang pangungutya ng ibang mga lahi sa atin at tinatawag tayong “bobo”.Tila ay napatunayan na naman natin ito sa

Pag-asa’y huwag isusuko

Nakaaalarma ang dami ng bilang ng kaso ng suicide sa iba’t ibang bahagi ng bansa noong school year 2021-2022. Base sa impormasyong nakalap ng DepEd na inilahad ni Assistant Education Secretary Dexter Galban noong hearing sa Senado, 404 ang naitalang kaso ng suicide, at 2’147 naman ang bilang ng mga estudyanteng nagtangkang kitilin ang sariling mga buhay.

Lumobo ang mga kaso simula nang ipatupad ang distance learning noong pandemic kung kailan sarado ang mga paaralan at limitado lamang ang interaksyong nagaganap. Dagdag pa ni Galban, maaaring hindi pa dito nagtatapos ang kalbaryo sa suliraning ito gayong magsisimula nang bumalik sa tradisyonal na face-to-face classes ang mga pribado at pambublikong paaralan sa Nobyembre, matapos ang dalawang taong remote learning. Hindi nga nagiging madali sa mga mag-aaral ang pag-a-adjust sa palipat-lipat na sistema ng pag-aaral kaya nangangailangan sila ng matinding pag-unawa at suporta mula sa kanilang mga guro at magulang. Nagpahayag din si Senator Sherwin Gatchalian ng pagkabahala, lalo na’t ayon pa sa mga eksperto ay patuloy ang pagtaas ng kaso ng suicide at pinapalala pa ito ng pandemya. “This is really heartbreaking and alarming. One life is too many. This should not be happening in our schools,” pahayag ni Gatchalian. Dagdag pa niya ay maaaring maapektuhan ang mga estudyante sa paglipat sa face-to-face classes mula distance learning, kagaya nang nangyari noon nang mapilitan silang mag-online learning matapos makasanayan ang

face-to-face classes.

Sa mahigit-kumulang 28 milyong mag-aaral ng bansa, 775, 962 ang sumangguni sa mga guidance counselors ng mga paaralan nang mga panahong iyon. Tantyang 8,000 kaso nito ay may kinalaman sa bullying. Binanggit din ni Gatchalian ang isang pag-aaral ng University of the Philippines Population Institute na nagbunyag na 20 porsiyento, o nasa mga 5 milyon sa mga kabataang Pilipino ay naisipan nang mag-suicide. Naghihirap ang buong mundo sa panahon ng pandemya sapagkat walang sektor ang hindi piniling apektuhan ng COVID-19—pangkalusugan, ekonomiya, edukasyon, at iba pa. Sa mga panahong ito ay nangangailangan ng matinding suporta at pang-unawa ang ating mga kabataan, lalo na ang mga mag-aaral. Tunay na ang kabataan ang siyang pag-asa ng bayan, ngunit ang kanilang pag-asa ay nakasalalay sa mga nakasuporta sa kanila. Pero paano ito mangyayari kung hindi sapat ang kakayahan ng isang guro na magabayan ang lahat ng kanyang mga mag-aaral, lalo na iyong mga walang kinikilalang mga magulang para gumabay sa kanila? Hindi na nga nababayaran nang maayos ay talamak pa sa trabaho. Idagdag pa

ang kakulangan ng guidance counselors sa mga paaralan na sana ay malaki ang ginagampanang tungkulin sa mga magaaral.

Hindi biro ang isyung ito kaya nararapat lamang na paglaanan ito ng panahon at pondo ng DepEd upang mapigilan pa ang paglaganap ng mga kasong may kinalaman sa suicide at self-injury; at mag-invest pa sa mga proyektong makatutulong sa pagpapaunlad ng mental health conditions ng mga mag-aaral. Ang mga magulang ay nararapat ding mas maging responsible at mapatnubay sa kanikanilang mga anak upang malaman kung ano nga ba ang kanilang pinagdadaanan at maiwasan ang nabanggit na pangyayari. Sila dapat ang unang mga tao na sinasandigan ng mga kabataan kung may problema mang kinahaharap, subalit nakakalungkot isiping marami pa ring mga magulang ang nagiging pabaya at ang malala pa ay sila mismo ang nagdudulot ng kapahamakan sa kanilang mga anak. Hindi lamang ang mga mag-aaral ang dapat na nabibigyangedukasyon hingil dito, kundi pati na rin ang mga magulang. Huwag natin hayaang sumuko ang mga binansagang “pag-asa ng ating bayan.”

Walang dudang isinasaalang-alang niya ang kapakanan at seguridad ng ating mga magaaral.

Talagang aarangkada at maaksiyunan ang anumang problema kinakarahap kung ang mga kawani ng paaralan at mga stakeholders nito ay tunay na nagpapahalaga sa kapakanan ng mga kabataan at magtutulungan. Mula sa pagoobserba at pagtingin sa malalaking imahe, makaiisip ang bawat isa ng mga nararapat gawin para sa higit na ikabubuti. Katulad ng ‘Rerouting’, na siyang nagbigay solusyon sa problemang kinaharap ng mga guro, magaaral, at motorista sa masikip na daan. Sa huli, nawa’y parating manaig sa bawat isa ang pakikipagtungan upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa daan.

Angat Pilipinas

resulta ng PISA.Nararapat na bumangon tayo,ngayon na wala nang virus na pipigil sa ating mag-aral ay maaari na nating patunayang mali ang pag-aakala nilang “bobo” ang mga Pinoy. Sikapin natin na sa susunod na sasali tayo sa PISA ay magkaroon na ng pagbabago at umusad tayo.Magtulungan tayong lahat dahil para rin lang sa atin ito.Sabay-sabay tayong mga mamamayang Pilipino na umangat.

tawag ng katotohanan

Panabotahe sa sarili

Hindi na bago sa pandinig ng nakararami ang mga kaso ng ‘cheating’ sa paaralan.Isang estudyante sa JNHS,sapol ang pandaraya sa exam. Ayon kay Kevin Kline Casiño, Prefect of Discipline (POD) ng JNHS, na-leak ang mga tanong sa pagsusulit kaya’t nalaman at napaghandaan na ng estyudante ang mga tanong bago pa nagsimula ang exam.Nagawa lang umano niya ang bagay na iyon dahil sa ‘pressure’.

Naiintindihan kong mahirap ang pinagdadaanan ng mga naturang estudyante ngunit hindi pa rin iyon sapat para makagawa siya ng ganoon.Kung tunay na may pakialam siya sa kaniyang pag-aaral sana ay nag-aral siya hindi iyong idadaan niya sa ‘ninja moves’. May ibang mga estudyante rin ang nahihirapan sa lessons pero nagsisikap sila.Ang pandaraya niya sa exam ay hindi patas kahit na ano pa ang sabihin niya.Sa mga panahong mine-memorize niya iyong answers,pwede pa sana siyang mag-aral.

Para sa akin,mas maganda kung makakakuha ka ng marka na talagang iyong pinaghirapan.Napakasarap noon sa pakiramdam.Mas tatanggapin ko pa ang maliit na marka kaysa naman makakuha ng mataas pero hindi ko naman kagagawan.Parang tumanggap ako ng pekeng grado sa

OPINYON 8 ang siklab Ang Opisyal na Paaralang Pamahayagan ng Jasaan National High School, Jasaan, Misamis Oriental, Rehiyon X

9 ang siklab Ang Opisyal na Paaralang Pamahayagan ng Jasaan National High School, Jasaan, Misamis Oriental, Rehiyon X

Sa panahon natin ngayon,usong-uso na talaga ang mga gadyets at halos lahat ay mayroon na nito.Maging mga bata ay gumagamit nito at mas magaling pa nga kung kumalikot sa gadyet kaysa sa mga matatanda. Kahanga-hanga man ito subalit hindi maikakaila ang panganib na dala nito sa mga musmos. Ayon sa World Health Organization (WHO) na ang mga bata na nage-edad tatlong taong gulang pababa ay hindi talaga dapat pinapagamit ng gadyets o kung gagamit man ay hindi ito aabot ng isang oras.Ngunit may mga kaso talaga na halos hindi na matulog ang bata dahil sa pagkaadik sa gadyet.Nagagalit pa nga kapag

pinagsasabihan ng magulang. Mas gusto rin ng mga bata ang magbabad nalang sa gadyets imbes na maglaro. Hindi nakikipaghalo-bilo sa ibang mga bata at nagiging tamad na. Parang napagkakait ng gadyet na iyan ang pagkabata nila.Mas pinipili pa nilang magpipindot sa gadyet kaysa maglaro gaya ng isang normal na bata na ayon kay Dr.Kamarul Ariffin Nor Sadan ay nagreresulta umano sa mabagal na sensory at motor development ng bata. Sabi pa ni Dr.Sadan,masama rin ito sa lagay ng mata ng mga bata.Iyong kaklase ko dati sa elementary ay nagsusuot na ng eyeglasses dahil sa sobrang paggamit ng gadyet.Todo-todo rin kasi kung maglaro ng video games.

Hindi rin makasisiguro ang mga magulang na maayos at mabuti ang mga palabas na pinapanood ng kanilang mga anak.Ang ibang cartoon pa naman ay may masamang impluwensya sa mga bata. Pansin ko nga na may mga batang agresibo dahil sa kakapanood ng cartoons na ginagaya nila. Iyan rin kasing ibang magulang ay hinahayaan lang ang kanilang mga anak.Mga bata lang iyan at kung ano ang nakikita ay iyon ang ginagaya. Ang akala siguro ng ibang mga magulang na mas magiging ligtas ang kanilang anak sa loob ng bahay at nag-gagadyet lang. Iniisip siguro nila na mas mabuti pa iyon kaysa magkasugat-sugat sa labas ngunit kung tutuusin ay parte

OPINYON

talaga iyon ng pagkabata. Sa murang edad nila ay mas kailangan nila ang gabay ng kanilang magulang. Kung hindi nila kayang bantayan ang kanilang anak ay mas maigi pa na huwag nalang nilang pahawakin ng gadyet. Ang munting libangan ng mga bata ay maaring magdala sa kanila sa kapahamakan.Dapat silang pagkaingatan dahil hindi pa nila alam ang kanilang ginagawa.Maging responsable sana ang mga magulang at huwag pabayaan ang kanilang anak.

walang kinikilingan

Maging mulat sa ilegal na bisyo

Nagsagawa ng symposium ang Jasaan National High School (JNHS) at inimbita PDEA X sa nabanggit na programa dahil sa nasapol sa buybust operation ang isang estudyante nito. Maganda talaga ang mga ganitong programa upang magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga estudyante sa hindi magagandang epekto ng ipinagbabawal na gamot sa buhay nila.

Ayon kay Prefect of Discipline (POD) Ginoong

Kevin Kline Casiño, nagsilbing interbensyon ang ‘symposium’ upang maging maalam ang mga estudyante sa mga batas patungkol sa droga.”The moment na mahibal-an sa school nga naay drug matter, the school will conduct an investigation, dili jud mag-hesitate ang school nga makig-cooperate sa municipal police, DSWD, and PDEA,” pahayag ni POD.

Matagal na talagang problema ang droga sa ating bansa, nakalulungkot lang na pati mga estudyanteng dapat ang inaatupag ay ang pagaaral ay nadadawit dito. Sa

edad nila ay hindi maiiwasang magkaroon sila ng kanilang mga barkada na minsan ay sila mismo ang dahilan kung bakit natututong gumamit ang kanilang mga tinuturing na kaibigan, ito ay dahil naiimpluwensyahan sila. Ang masaklap pa dito ay maaaring hindi lang isa ang gumagamit ng ipinagbabawal na droga na iyan sa eskwelahan. Malaki ang posibilidad na yaong natimbog na estudyante ay may nahikayat pa na kaklase niya o kakilala.

Ayon sa Medical News Today, ang pagkasangkot sa droga ay maaaring resulta ng ‘peer pressure’. Kaya naman dapat talagang piliin

ganoong lagay.

Ayon sa McCabe Study, ang percentage ng cheating sa High School ay napakataas. Umaabot sa 95% sa mga estudyante ay nakapandaya sa klase.Tinatayang 70,000 estudyante ang nakagawa ng ipinagbabawal na gawain. Samantala, 64% sa kanila ay inamin na nag-cheat sa mga pagsusulit at 58% naman ang inamin na nagplagiarize.

Nakalulungkot talagang isipin ang resulta ng nasabing pag-aaral sapagkat lumalabas na kaunti na lang sa mga kabataan ngayon ang nagiging tapat sa pagkuha ng mataas na marka. Mahihinuhang ang karamihan ay tila ba tinatamad nang magaral o di kaya naman ay masyado nang maraming inaasikaso kaya nangongopya nalang pagdating ng pasulit o sa pagsagot ng takdang –aralin.

Sa aking sariling karanasan, nakapandaya na rin ang aking mga kaklase at pakiramdam ko ay nanakawan ako sa hindi ko malamang dahilan. Habang ako ay nagpapakahirap para makuha ang ganoong marka, sila ay malayang nagche-cheat. Nahuhuli naman ang iba sa kanila ngunit patuloy pa rin sa ginagawa kapag nalingat ang guro sa kanila. Nasa regular section kasi ako kaya normal nalang yata iyan para sa kanila. Marami kasi sa section namin ang mga pasaway.

Sa lahat ng ito, masasabi kong hindi solusyon ang pandaraya para lang may mapatunayan sa sarili o makapasa. Nararapat lang na pagsumikapan ng isang estudyante ang pagpasa sa mga asignatura at isipin kung paano higit na matuto sa mga aralin kaysa maging tamad at mangopya na lang pagsapit ng pasulit. Maging responsableng mag-aaral at palaging tandaan na ‘honesty is the best policy’. Huwag ilagay ang sarili sa alanganin. Kapag ipinagpatuloy ang ganitong gawain ay para mo na ring sinasabotahe ang iyong sarili. Kaunti na nga lang ang natututunan , kapag nahuli ka tiyak na malalagot ka pa.

kung sino ang kakaibiganin dahil iyan ang makakasama natin madalas at hindi talaga maiiwasang magaya nila ang nakakahiligan ng ang isat’ isa. Ayon naman sa sarbey noong taong 2022, 48.7 million na mga tao na nag-eedad 12 pataas ang gumamit ng ilegal na droga. Kung pagbabatayan ang nasabing datos, nangangahulugan na maaaring marami na sa mga mag-aaral natin sa Sekundarya ang nasasangkot sa ilegal na droga. Kaya naman, nararapat lang na aksyunan ito ng bawat paaralang may ganitong kaso.

sa pagsasagawa ng mga symposium sa eskwelahan para maging mulat ang mga estudyante sa panganib na dala ng droga. Patuloy pa sanang magsagawa ang DepEd ng mga ganitong programa dahil nakabubuti talaga ito para kung sakali mang may estudyante nga na gumagamit ng droga ay maisipan na agad nilang kumawala sa nakaaadik na bisyo upang hindi tuluyang mapariwara ang kanilang buhay.

Pamamayagpag ng mga may Pusong Babae

Pangalawa sa nanalo na LGBTQ member sa taong 2023 si Evan Dominic Dansilay kasunod ni Karl Ethan Cabello na pinakaunang winner na LBGTQ+ Ultimate Goddess noong 2022 sa Gods and Goddesses Competition.Tunay na maipagmamalaki ang mga katulad nila.Hindi takot na magpakitang gilas kahit na maraming tao ang hindi sila tanggap.

Sa kabuuan,masasabing kong napakatapang ng mga tulad nila sapagkat kahit madalas na pinipintasan at binabato ng masasakit na salita ay nagagawa pa nilang gamitin ang mga iyon upang mas maging malakas. Hindi nga naman importante kung ano ang sasabihin ng iba basta’t wala kang nasasagasaang tao. Ang sabi nga nila “You only live once so make the most of it”. Maikli lang ang buhay kaya dapat sulitin mo na at gawin ang mga gusto mong gawin.

Magandang araw! Nais ko lang sanang itanong kung maaari pa bang magpatuloy sa pag-aaral ang aking anak kahit siya’y kasalukuyang maagang nabuntis? Mahalaga sa akin ang edukasyon ng aking anak, at handa akong gawin ang lahat ng aking makakaya para suportahan siya sa pagkamit ng kaniyang mga pangarap at mithiin sa buhay. Maari ko bang malaman ang inyong mungkahi o payo hinggil sa sitwasyong ito?

Mahal naming magulang, Maraming salamat sa pagtawag pansin. Nagagalak kaming ipaalam sa inyo na kami’y naghahandong ng Open High School Program sa bawat araw ng Sabado. Ito ay isang alternatibong programa para sa mga magaaral na mayroong pisikal at pinansyal na balakid na kinaharap. Dito ay maaring pumasok ang iyong anak para ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral. Bukod dito, kung malapit na siyang manganak o ang kaniyang kabuwanan, iminumungkahi namin na isailalim muna siya sa modular learning sapat lang na matapos niya ang school year. Ito ay upang maiwasan ang aberya sa kaniyang edukasyon. Sana’y ang impormasyong ito ay nagpahupa ng inyong pag-aalaala, dahil layunin din namin ang ikabubuti ng aming mga mag-aaral.

liham sa patnugot

Bilang isang magaaral, sang-ayon talaga ako isip-isip din CASSANDRA DELUNA Mapanganib na libangan
ang siklab
Hindi masukat ang saya na nararamdaman ni Evan sa kaniyang pagkapanalo sa Gods and Goddesses Competition. Nagpasalamat din siya sa lahat ng mga taong tumulong sa kaniya para masungkit niya ang korona. Sinabi rin ni Evan na ang performace niya ay representasyon ng “dedication, resilience and perseverance”. Para sa akin, sina Ethan at Evan ay dapat talagang tularan ng iba pang mga LGBTQ. Sa kabila kasi ng pagiging ‘iba’ nila ay matapang nilang ipinakita kung sino talaga sila at iyon ang naging daan nila para maging matagumpay. Mensahe pa ni Evan,”Huwag kang matakot, gamitin mo kaming mga LGBTQ winners bilang inspirasyon, ituloy ang gusto mong gawin at huwag pagdudahan ang iyong sarili sa pagpapakita ng iyong tunay na ikaw.”

Sinag ng pag-asa mula sa bola

Bilang isang atleta, kailanma’y hindi magiging hadlang ang kahirapan upang makamit ang inaasam na panalo at medalya.

Isa si Gng. Michelle Gaas Himulatan sa nagpatunay na ang pagmamahal at dedikasyon sa pagiging atleta sa softball ay magiging daan upang siya ay mabigyan ng mga karanasang kanyang panghabang-buhay na babaunin at gagawing kwento sa iba upang maging inspirasyon.

“Grabe ka pobre akong mga ginikanan, limited ilang resources para matagaan ko sa akong mga kinahanglanon sa akong pagdula sa softball. Despite that, nakita nila ug kabalo ko nga dire ko malipay ako gyud gipadayon ang pagdula’, wika pa ni Gng. Michelle.

Sa murang edad, nakitaan na siya ng angking kakayahan bilang isang magaling na pitcher sa larong softball. Nang siya ay tumuntong sa JNHS, mas lalo pang umigting ang kanyang pagmamahal sa kanyang napiling laro. Mas lalo siyang nagpursige upang mabigyan ng pagkakataon na makapag-ensayo kasama ng Philippine National Team-Softball.

“Actually, wala gyud ko officially nakasulod sa team, pero nag try ko ug sulod pero nagtraining ko ug full sa training season arun maka-earned ko sa mga skills nga akong kinahanglan para maka-advance sa sports nga gusto nako” dagdag pa ni Gng. Gaas.

Nagbunga ang kanyang pagsisikap ng siya ay makasali bilang opisyal na atleta sa Palarong Pambansa. Dahil sa angking galing, nabigyan siya ng oportunidad upang makapag-aral ng kolehiyo sa lungsod ng Maynila at maging isang atletang-iskolar sa Rizal Technological University. Nakapag-aral

siya sa unibersidad at binigyan ng iba’t ibang benepisyo tulad ng libreng tuition, pagkain at bahay na matitirhan.

Dito niya napagtanto na ang kanyang pangarap na maging isang magaling na softball pitcher player ay may kakambal na sakripisyo. Bawat bagong kakayahang kanyang natututunan ay bunga ng kanyang mga pawis at pagpupursige.

Walang araw na hindi sila nag-eensayo upang mapabilang ang kanilang team sa Philippine Series laban sa mga FilipinoAmericans Teams. Hindi man sila nagwagi ngunit ito ang naging tulay upang siya ay mabigyang pagkakataon na maipakitang muli ang kanyang galing nang maswerteng makuha siya bilang isang “import player” upang maglaro sa World Series sa estado ng Michigan sa bansang Estados Unidos.

Sa kabila ng kanyang pagbubuntis, hindi niya ipinagkait sa mga bagong atleta ng Jasaan National High School dahil siya ay kasalukuyang tumutulong sa kanilang pageensayo para sa darating na Provincial Meet.

“Padayon lang jud, keep on dreaming. Always remember to keep your feet on the ground. Dayon ang pinakaimportante, always pray to God”, kanyang mensahe para sa lahat ng mga atleta.

Iikot ang bola. Tulad ng buhay at tulad ng pangarap. Lahat ng pangarap kung paghihirapan at paniniwalaan ay makakamtan. Patuloy niyang ibinabahagi sa mga atleta na tingnan ang pag-asa na ibinibigay mula sa sinag ng bola.

Kinang na dala at berdeng magniningning

“The girls in green are we, proud and honored so to be. . .”

Umaalingawngaw na kanta ng mga bibigyang parangal kasama ang tatlong Girl Scouts mula sa Jasaan National High School sa PICC Hall Manila. Dala ang kanilang mga ngiti ay ang pagmamalaki sa nakamit na pinakamataas na gantimpala na maaaring makamit ng isang girl scout member.

“I am very proud of them kay at their very young age naa sila’y natabang sa community’, wika ni Gng. Frangie A. Sison ang modereytor ng Girl Scout ng paaralan.

Binigyang gantimpala sila Dm Mari Angel Abarquez, Cassey Faye Roa, at Rhea Shannen Mae Roa bilang Chief Girl Scout Medalists noong ikalabinlima ng Nobyembre, 2023.

Bawat isa sa kanila ay nagpatupad ng mga proyekto at adbokasiya sa kani-kanilang komunidad na lubos talagang kahanga-hanga. Si Dm Mari Angel Abarquez ay nagpamalas ng pagkamalikhain nang siya’y nagpatayo ng wishing well na makikita sa grotto ng Birheng Maria sa kanilang barangay sa Luz Banzon. Nagbigay ito ng paalala at pag-asa sa barangay sa kahalagahan ng pagdarasal at

pananampalataya.

Nagpakita naman ng sipag at kahusayan ang magkakambal na sina Cassey Faye at Rhea Shannen Mae Roa ng nagpasimula sila ng urban gardening sa kanilang barangay sa Aplaya. Inilunsad din nila ang landscaping sa kanilang kapilya.

Ang mga likhang proyekto ng tatlong mag-aaral ang siyang nagpahanga kay Gng. Sison at ng mga hurado mula sa National Office ng Girl Scouts of the Philippines.

“Unlike sa uban kabatan-onan karon nga gabagduy-bagduy lang, sila naay gyu’y paghunahuna sa atong palibot ug sa umaabot”, pagbabahagi ni Gng. Sison.

Ang pagdiriwang sa PICC Hall ay nagpahayag ng tagumpay at husay ng mga girl scout’s ng makamit ang Chief Girl Scout Medals. Hindi lamang ito isang gintong medalyon na isasabit sa leeg at dingding ng bahay. Ito’y may kinang na dala, sa kanilang buhay at sa kanilang komunidad. Magiging paalala na hindi lamang sila bituin, sila’y mga berdeng magniningning.

Patuloy ang

LATHALAIN 10 ang siklab Ang Opisyal na Paaralang Pamahayagan ng Jasaan National High School, Jasaan, Misamis Oriental, Rehiyon X

Patuloy

Araw ng Martes, ika-28 ng Hulyo, 2020 sa kasagsagan ng pandemya. Habang ang karamihan sa mga bayan sa iba’t ibang rehiyon ay nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine, taliwas naman ito sa bayan ng Jasaan. Lahat ay nagdiriwang. Lahat ay puno ng pagpapasalamat. Kasabay ng tunog ng kampana sa simbahan ay ang araw ng pagkumpirma sa pagiging pari ng isang alumnus ng JNHS, si Fr. Carl Lloyd B. Salcedo.

Matapos ang ilang taong paghihintay at mga panalangin, ang JNHS sa wakas ay nagkaroon na ng isang gradweyt na naging pari.

Sa pagkakatanda niya, nasa hayskul pa lamang siya nung una siyang nagkainteres na magpari. Siya’y naglingkod bilang sakristan noon. Ang kaniyang kaisipan ay hindi pa nakatuon sa mga bagay tulad ng pagpapari, ngunit hanggang sa napagtanto niya ang kagandahan ng paglilingkod sa paglipas ng panahon. Ito’y kaniyang nasaksihan sa kaniyang mga magulang na miyembro sa Couples for Christ.

“It used to be odd to me why people like them could serve the parish even with no “compensation” for their efforts. My father was a driver, and my mother was a plain housewife. I didn’t realize I was already introduced to the meaning of apostolate, slowly, by what I was witnessing. That experience held truth with all my other experiences with more people. As I have seen, my parents were one of the many selfless individuals in the Church,” pagkukwento ni Father Carl. Bago ang kanyang pagpapari, ipinahayag ni Mrs. Florencia D. Baang, ang dating punong guro ng JNHS, ang magandang balita sa buong paaralan.

Dahil dito, nagbigay ang mga guro ng tulong-pinansyal sa pamilya Salcedo bilang tanda ng kanilang suporta at pagmamalasakit.

Ang ordinasyon ni Father Carl ang nagwakas sa isa sa mga stigma sa lipunan ng Jasaan at stereotype na ang karamihan sa mga pumasok sa landas at ministry ay kadalasang nagmumula sa pampribadong mga paaralan.

Aniya, ang kinabukasan ng mga mag-aaral sa lahat ng aspeto, gayundin ang ating kinabukasan sa larangan ng relihiyon, ay higit na nakasalalay sa paraan kung paano sila itinataguyod ng mga taong nakapaligid sa kanila. Naniniwala siyang sinuman ay may kakayahan na magtanim ng mga kagandahang-asal, mapa mula sa pribadong paaralan man o hindi ang kanilang mga anak.

Walang duda na ang pananampalataya ni Father Carl ay umusbong sa magandang paraan, sapagkat ito’y itinanim ng dalawang pinakamahalagang tao sa kaniyang buhay, ang kaniyang mga magulang na siyang diniligan ng pagmamahal, dedikasyon, at malasakit sa nagdaang mga taon.

Mahirap pero nakakaya. May problema pero naaayos. Nagkakamali pero natututo. Mga pahayag na naging nitsa sa pagtupad ng mga pangarap sa dating mag-aaral ng JNHS sa kabila ng kanyang kapansanan, si Engr. Edmund G. Bacarat.

Dahil sa polio, nagkaroon ng limitasyon ang kanyang mga kayang gawing pisikal, ngunit hindi ang kanyang kakayahan at galing sa pagguhit. Bukod sa angking galing sa sining, hindi rin matatawaran ang kanyang kagalingan sa matematika.

“I could still remember the times when he will explain to us his answers in math assignments and always assist us in order for us to make the complicated formula easy’, wika ni Ma’am Faith Macaslang, isa sa mga naging kaklase niya sa elementarya at hayskul.

Sa kabila ng mga hamon at kahirapan, naabot niya ang kanyang mga mithiin sa buhay. Sa pamamagitan ng pagsusumikap at tiyaga natanggap niya ang mga prestihiyosong gantimpala ng siya ay nagtapos ng hayskul tulad ng Artist and Draftsman of the Year at ang gintong medalya na kakabit ay ang Excellence in Mathematics.

Hindi naging madali pero mas lalong pinagbuti ni Engr. Edmund ang kanyang pagaaral at pagpupursige. Patunay dito ang kanyang pagtatapos sa MSU Marawi sa kursong Bachelor of Science in Mathematical Engineering at ginawaran bilang Cum Laude.

Kasalukuyan, siya ay nagtatrabaho bilang Engineering Warehouse Supervisor sa Pilipinas Kao Incorporated sa loob ng labingwalong taon at patuloy pa rin siyang naging huwarang alumnus ng paaralan.

Ang pagiging talentado, pagkamatalino at pagsasakripisyo sa kabila ng kanyang kapansanan ang naging nitsa upang ang tagumpay na mayroon si Engr. Edmund ay kanyang makamtan. Naniniwala siyang hindi lamang siya ang nabigyan at bibigyan pa ng oportunidad na may kagandahang dala ang kanyang pangarap. Ang pagtitiwala sa sarili, pananalig sa Diyos na balang araw sisikat ang tagumpay sa bawat pangarap.

ANGEL PAGALAN AT JAM RUSIA

Mananatiling bayani sa bansang banyaga

Ang pangingibang-bansa ng mga gurong Pilipino

Hindi sila nagsusuot ng kapa at wala silang hawak na wishing wand na magbibigay at tutupad sa iyong pangarap gamit ang mahika, pero sa kanilang ibinahaging karununga’y tiyak sa katagumpayan ililipad ka. Sila ang ating mga guro. Ang bawat bayani sa loob at labas ng klasrum. Mga tinuringang pangalawang magulang na magbibigay ng gabay upang ang maling landas ay ating maiwasan. Ngunit paano na lamang kung ang ating ilaw sa paaralan ay unti-unti ng nauubos at lumilipat ng ibang bansang tahanan?

Kamakailan lang, may ilang mga guro mula sa Jasaan National High School ang ngayo’y nasa ibang bansa na upang doon na magturo. Silang naging sentro at bukal ng pagkatuto sa araw-araw sa gitna ng maingay, mainit at may mahigit na limampung mag-aaral sa loob ng klasrum sa Pilipinas ay ngayo’y gumugugol at nagbibigay inspirasyon na sa mga mag-aaral sa bansang dayuhan. Datapwa’t ang katotohanang sila ang pangunahing tagapagbigay ng inspirasyong ito ay umaalis na at ang iba ay kasalukuyang nagpaplanong aalis pa.

“It is heart- breaking how our teachers who started teaching full of good intentions to mentor the Filipino youth are now leaving the country’’, wika ng tagapagsalita at kinatawan ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines na si Ruby Bernardo noong ika-5 ng Setyembre.

Idinagdag pa ng ACT Philippines na tinatayang mahigit kumulang sa 50,000 mga guro ang nangibang bansa simula sa taong 2008 hanggang 2016. Marami sa mga guro ang nahihikayat na magturo at mangibang bansa sa kadahilanang hindi na sapat ang sinasahod sa Pilipinas.

“Kung maikli ang kumot, matutong mamaluktot”. Isang tanyag na kasabihan ang ilang taon ng gumagabay sa mga manggagawang Pinoy. Pero hanggang saan ang kayang tiisin na ang kumot ay laging maikli at tayo ay palaging mamamaluktot? Hanggang saan ang kayang tiisin ng ating mga guro na ang sweldo’y hindi sumasapat para sa pang-araw-araw na pangangailangan ng kanilang

pamilya? Ito ang reyalidad na kailangang harapin na bayani ka man sa paningin ng mga mag-aaral, kung ang tiyan mo naman ay kumakalam ang klasrum ay iyong iiwan.

Si Ginoong Racel A. Gorres o mas kilala sa pangalang “Sir Bong” ay nagtuturo sa ika-siyam na baitang. Mahigit anim na taon na sa pagbibigay ng taos-pusong serbisyo sa kagawaran ng edukasyon ay nagsisimula ng mag-aplay bilang guro sa Social Studies sa ibang bansa.

“If mag teach ko abroad, maka-explore pa ko sa laing education system, like sa United States, ma-explore og ma-studyhan pa nako ang ilang culture which is very essential for me as a Social Studies teacher” wika niya. Naniniwala si Sir Bong na makakatulong ang pagkakaroon ng bagong karanasan sa bagong lugar upang mapabuti pa ang kanyang kakayahan bilang guro.

Sa kabilang banda, ang desisyong iwan ang bansang

mangibang bansa upang doon magturo.

Ang unti-unting pag-alis ng mga guro ay isang hamon hindi lamang sa mga pampublikong paaralan, gayun din sa mga pribado at mga unibersidad.

“Ang pag-alis ng mga guro sa Jasaan National High School ay nagdudulot ng kakulangan sa ating teaching force. Many of our math and science teachers are already abroad and many are already in the process of their application. The Department of Education cannot force the teachers to stay but it is a sad reality that in the future we may experience brain drain”, salaysay ni Bb. Jo Ann Katherine, ang kasalukuyang Academic Coordinator Jasaan National High School.

Ika nga ng marami’y sa bawat pag-alis ay may maiiwan, at sa bawat pupuntahan ay may madadatnan. Ang pag-alis ng ating mga bayaning guro na naging bahagi na ng ilang taong ating pagkatuto ay nagdala sa atin ng kalungkutan na may kaakibat na kasiyahan.

LATHALAIN 12 ang siklab Ang Opisyal na Paaralang Pamahayagan ng Jasaan National High School, Jasaan, Misamis Oriental, Rehiyon X
ni JAM RUSIA

Palaos na ang Palaos

Ang unti-unting pagkaubos ng Philippine Sailfin Lizard sa tabing-ilog sa Solana, Jasaan

Nilikha ng Diyos ang tao upang magkaroon ng kasama ang mga hayop sa mundong ibabaw. Tinuturing tayo na kaagapay nila sa pagbabantay at pangangalaga sa ating kalikasan. Ngunit, sa pagdaan ng panahon, ang tao ang nagiging dahilan kung bakit ang mga hayop na ipinagkatiwala sa atin ay unti-unti nang nauubos.

Kilala ang Jasaan bilang isang munisipalidad na biniyayaan ng iba’t ibang anyong tubig. Mula sa pinong buhangin sa Isla ng Agutayan, sa tanyag na talon ng Sagpulon, at mga naggagandahang pool resorts sa paligid. Subalit, bukod sa mga ito tanyag din ang lugar bilang tahanan ng Philippine Sailfin Lizard o mas kilala sa lugar bilang “palaos”

Ang Philippine Sailfin Lizard o palaos, ay kabilang sa grupo ng hayop na reptilya. Angkin nila ang mahabang buntot, makaliskis na balat, at hugis bayawak na pangangatawan. Tinuturing ding silang ‘omnivore’ sapagkat kumakain sila ng mga samu’t saring prutas, maliliit na isda, insekto at maging kapwa nila ay kanila ring kinakain. Sa isinagawang siyentipikong pananaliksik, sila

ay hindi nagtataglay ng kamandag na tulad ng ahas o bangis tulad ng buwaya.

Taong 2002 nang madiskubre ng isang residente na si Gng. Alma B. Dael ang palaos sa lugar. Hindi batid ng ilan na may ganitong uri ng hayop na namamahay sa kanila kaya’t ang pamilya nila Gng. Alma ang pinangalanang unang nakadiskubre nito sa tabing-ilog ng Barangay Solana.

“When we decided to settle and lived here hindi naman kaagad naming nadiskubre na mayroon pa lang palaos dito sa lugar. Mga ilang buwan pa ng kami ay tumira na dito. Hindi pa masyado noong maraming tao at bahay dito sa aming lugar. Wala pa ang kumpanya ng stone crasher na nasa tabingilog. Masyado pa ditong tahimik at sobrang payapa,” pagsasalaysay

niya.

Araw-araw maagang gumigising si Gng. Dael kasama ang kaniyang asawa upang ipaghanda ng kangkong at ng saging ang mga palaos bilang pagkain nila. Pagtungtong ng alas sais bumababa sa mga bakawan ang mga palaos at pumupunta sa mga pagkaing nailatag ng mag-asawa. Matapos ang tatlong taon, dumami ang bilang ng nasabing hayop sa tabing-ilog. Nakatawag pansin sa ibang mga residente at dinarayo ng ilan mula sa katabing mga munisipalidad at probinsya, hanggang sa kalaunan ay binigyang proteksyon na ito ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Jasaan.

Naging payapa at masagana ang pamumuhay ng mga palaos sa naunang dekada, ngunit, gaya nga ng kasabihan, walang permanenteng bagay sa mundo. Nakaramdam ng pagkabahala si Gng. Alma nang masaksihan ang paunti-unti pagliit ng bilang ng mga palaos sa tabing-ilog. Mula sa humigit kumulang na tatlong daang palaos, ngayon ay halos hindi na umabot ng singkwenta.

“Dati, binabahugan kase namin sila ng kangkong, kung iyong dating ilang kilo naming inilalagay ay ubos na ubos kase marami sila, ngayon parang hindi na nababawasan,” kwento ni Gng. Alma.

Wari ni Gng. Alma na nawawalan na ng sigla ang mga

palaos sapagkat hindi na tulad ng dati ang kasaganaan mayroon ang ilog. Nito lamang kasagsagan ng pandemic, itinayo sa tabing-ilog ang kumpanya na dumurudog nga mga naglalakihang mga bato upang gawing graba na ginagamit sa pagpapatayo ng mga gusali. Sa mga panahong may operasyon ang kumpanya ay hatid nito ang ingay mula sa mga makina at sa proseso ng pagdurog ng mga bato. Dala nito ang sangkaterbang alikabok na nagpapahirap sa mga residente sa paligid lalo na sa mga palaos na nakatira sa mga bakawan na nasa tabing-ilog. “Nagpapasalamat nga kami minsan kung walang trabaho sa kumpanya na iyan kase naibabalik ang katahimikan sa aming barangay. Pero ang alikabook ay hindi talaga napipigilan dahil na rin sa kahit walang mga tao ay nililipad ng hangin. Kaya siguro ‘yung mga palaos ay hindi na rin nakatiis at lumipat na ng kanilang pwedeng matirhan,” maluha-luhang kwento ni Gng. Alma. Bukod pa sa polusyong mayroon na ang paligid, hindi rin maikakaila na may ilang residente na ang binigyang paalala na ang pagdakip at pagkain sa palaos ay pinagbabawal. Ang pagkitil sa buhay ng mga hayop na ito ay isang gawaing nais ihinto at tuluyan ng wakasan ang siyang nilalayon ng pamilya ni Gng. Alma.

“Sayang kung tuluyan ng mawawala ang mga hayop na ito dito sa ating barangay at dito sa Jasaan dahil na rin sa kapabayaan ng mga tao. We all know that the existence of these sailfin lizard has helped our municipality to be made known, not just only in the entire province but to national and the whole of Asia,” dagdag pa niya.

Sa katunayan, ibinida na ang palaos sa iba’t ibang palabas sa telebisyon tulad ng Born to be Wild, GMA News, SunStar Philippines at marami pang mga sikat na social media influencers, vlogs at websites.

Ang dating tanyag na palaos na ipinagmamalaki ng munisipalidad ng Jasaan ay kinatatakutan ng malaos. Unti-unti na silang namamaalam at lumilipat sa ibang mas masagana at lugar na mas sila ay mapoproteksyunan. Tayong mga taong inaasahang magiging kasangga ng mga palaos ay siyang magiging pangunahing banta pala sa kanilang buhay. ‘Wag sana nating hintayin na sila’y magiging isang magandang kwento na lamang na sa internet makikita. Huwag sanang umabot sa sukdulang tuluyang malaos ang mga palaos dito sa Jasaan, ang kanila sanang itinuturing na tahanan.

ni KRIZEL KAKILG
LATHALAIN 13 ang siklab Ang Opisyal na Paaralang Pamahayagan

Bahaghari, may mga kulay na hindi madaling iuri lalo na kung ididikit sa bawat isa. Isang pambihirang penomena na nagbibigay aliw sa ating mga mata at saya sa ating puso. Sumisimbolo sa pamilya ng LGBTQIA+. Mga taong nagrerepresenta sa unang kulay ng bahaghari na nagbibigay buhay sa kahalagahan ng pakikibaka sa buhay kahit na sabihin pang iba ang kanilang gender preference.

Kulay pula para sa pakikibaka

Tingnan mong mabuti, bakit nga ba pula ang unang kulay ng bahaghari? Pula, sumasagisag sa pag-ibig at pakikibaka sa karapatan. Madalas makita sa gitna ng paglaban at pagkilos. Sumisimbolo sa pagtupad ng mga pangarap ng tao, lalo na ng mga miyembro ng LGBTQIA community.

Isa si Glenn Avestruz Dael na nakaramdam na kahit noon pa sa kanyang murang edad ay nabubuhay na sa maling katawan. Hindi man katulad ng iba, hindi ito naging hadlang upang maging isang matagumpay at kaunaunahang transwoman sa Northern Mindanao na naging isang Mechanical Engineer at naging lingkod-bayan sa Barangay Luz Banzon.

“I cannot say I am totally successful, but I know I am far from where I was and I am half-way through,” wika pa ni Engineer Glenn.

Hindi naging madali para kay Engr. Glenn ang maabot ang katayuan na mayroon siya ngayon. Siya’y nakibaka sa mga taong hindi naniniwala sa kanyang kakayahan at kumukwestiyon sa kanyang angking katalinuhan dahil na rin sa kanyang gender preference.

“Naa gihapon ko na feel nga discrimination when I was in high school. But I realized when you are a member of LGBT like me whose preference is different, we must commit a little to no mistake at all. Sa atong sayop man gud makakita ug weakness ang mga tao nga mahimo nilang weapon to bully us. Sometimes, we must fight back. Show them that we deserve to be treated right,” dagdag pa niya.

Ang kanyang personal na paninindigan na kailangang palaging pag-igihan sa lahat ng bagay at maging competitive sa iba at sa iyong sarili kung kinakailangan ang siyang kanyang ginamit upang maitawid ang limang taon sa kolehiyo. Biniyayaan siya ng mga magulang at pamilya na kailanma’y hindi siya iniwan.

“Gusto sa akong Papa nga magka-anak ug usa ka engineer, mao ng bisan gusto nako mahimong teacher I made my father’s dream a reality, so I studied engineering in college. I was blessed to have a strong support system coming from my family.,” wika niya.

Dahil sa kanyang pagpupursige, siya ay naging dean’s lister mula sa una hanggang ikatlong taon sa kolehiyo habang pinagsasabay ang kanyang pagiging aktibo sa paglalaro ng isports na volleyball. Sa katunayan ito ang kanyang naging plataporma at isang adbokasiya ng siya ay nahalal na maging isang lingkod-bayan sa kanilang barangay.

“Nag-focus ko sa volleyball since it is also my sport. I see to it nga naay participation ang mga gay trans sa amung community for them to grow and improve their potential in sports and let them feel that they are not left behind. To let them know that they can get support from the community”.

Naniniwala si Engr. Glenn na ang kanyang pakikibaka bilang miyembro ng LGBTQIA ay hindi nauuwi sa wala. Marami ang kabataang miyembro ng kanilang komunidad ang sa ngayo’y namamayagpag na rin sa kani-kanilang mga piniling larangan.

Ang kulay pula sa bahaghari ang siyang patunay na palaging patuloy na lumaban. Ang buhay ni Engr.Glenn ang buhay na halimbawa na may patutunguhan ang kanilang pakikibaka. Pakikibaka para sa kanilang pangarap laban sa mapanghusgang mata ng lipunan.

Pula sa bahaghari’y walang dulo

Kwento ng mga matatanda, sa dulo daw ng mga kulay ng bahaghari’y matatagpuan ang ginto. Na kung ikaw daw ay titingin sa bawat pagsilay nito sa langit at kusang pumikit dapat taimtim na sabihin ang dalangin at ang lahat ng iyong hiling ay matutupad. Pero, dahil nga kwento lang nila, ang totoong katotohanan, ang kulay ng bahaghari ay walang ginto at dulo.

Sinisimbolo ng pula bilang unang kulay ng bahaghari ay katatagan at katapangan ng mga kabilang sa LGBTQIA+

community. Sa kabila ng hamon ng buhay sa piniling gender preference, hindi ito naging hadlang upang mamayagpag sa piniling larangan. Si Allan Damias Ellevera, tatlumpu’t anim na taong gulang ay isang patunay na ang pagiging isang bakla, beki o gay ay may mahalagang ginagampanan sa lipunan. Sa loob ng mahigit kumulang sampung taon, siya ay isa ng hinahangaang Top Fraud Specialist sa JPMorgan Chase & Co. Isang insitusyong pananalapi na may sangay sa Bonifacio Global City sa Taguig at may headquarter naman sa New York City sa bansang Amerika. Ito ang tinatayang pinakamalaking bangko sa bansang Amerika at tinaguriang “world’s largest bank by market capitalization” sa taong 2023. Ngunit ang pagkamit ni Allan sa katayuan sa buhay na mayroon siya ngayon ay hindi naging madali sapagkat siya’y sinubok ng panahon.

“I’m still in elementary school when I realized na hindi ako straight na lalaki. Hindi ako katulad nila na lalaki talaga. Kilala ko na ang sarili ko dati pa, na gay ako. Pero, I hide my true self first when I was young.” kwento ni Allan.

Naging mahirap para sa kanya ang pagpapanggap sa loob ng kanilang tahanan. Bilang bunsong anak at tanging lalaki sa pamilya, hindi ito naging madali para ipakilala niya ang sarili sa iba. Isang naging hamon niya ang katotohanang hindi agad-agad na tinanngap ng kanyang pamilya, lalo na ng kanyang ama at ina.

Ngunit hindi ito naging hadlang kay Allan upang ipakita kung sino siya. Bagkus, ginamit niya itong sandata upang patuloy na hasain ang kanyang kagalingan at nag-aral ng mabuti.

“I believe that education is the best ingredient to achieve success in life. People who view education as a weapon for success will never go wrong,” dagdag pa niya.

Nagtapos ng kursong Finance sa Tagoloan Community College si Allan at nakipagsapalaran sa lungsod ng Maynila upang makakuha ng trabaho. Sinubukan niyang tumira sa malayong lungsod kahit wala pa siyang personal na kasanayan sa ibang komunidad at malayo sa kanyang mga mahal sa buhay.

“My most memorable experience which I believed helped and hone me to be independent, brave, and strongwilled is when I moved here in Manila. I was living alone with no relatives and friends. There were times when I felt like giving up and just go home, be back in Jasaan for good, but look at me now, I am still here,” salaysay ni Allan.

Abot langit ang kanyang kasiyahan ng sa kalaunan ay natanggap din ng pamilya ni Allan na siya ay isang bakla. Ang kanyang pagpupursige ay nagbunga at hudyat na hindi na niya kailangan pang magbago upang mahalin sya at tanggapin ng kanyang mga magulang.

“Our parents will always be our parents. Habang-buhay at walang kapalit,” ika niya.

Dahil sa pagmamahal at suporta na kanyang natatanggap mula sa kanyang pamilya at mga kaibigan, mas lalong pinag-igihan ni Allan ang kanyang pagtatrabaho. Hanggang nakasali siya at maituturing niyang isang malaking pagkilala ng siya ay ginawaran ng karangalan bilang “Top Specialist” sa tanggapan ng JPMorgan sa BGC sa Taguig at naisali sa promotion video ng kumpanya na ipinapalabas rin sa ulong-tanggapan nila sa New York City sa Amerika.

“With my achievements, I know I have contributed much for my company. I love my job and I love where I am working, for JPMorgan welcomes everyone with open arms regardless of beliefs, race, and gender,” ayon niya.

Ang pakikibaka upang makamtan ang tunay na pagkilala sa sarili ay may hangganan. Ngunit ang pakikibaka upang makamit ang tagumpay ng mga pangarap ay panghabang-buhay.

Gustong ibahagi ni Allan sa kanyang kapwa miyembro ng LGBTQIA+ ang mga katagang “Practice the value of “deadma” especially when you know what they said about

you does not define who you really are. As a member of the society, let’s remember this famous line that says, “We have fought so hard not to be hidden. We should not be ashamed of who we are.”

Pula para sa maalab na pangarap

Sa paglitaw ng maraming mga online influencer, isa ang namamayagpag dahil sa kanyang angking kakayahang magpatawa ng madla. Pumapailanlang ang kanyang mga halakhak na nagbibigay aliw sa kanyang mga tagapanood. Lingid sa kaalaman ng nakararami, ang kwento ng buhay ni Brenda Mage ay isang kwento ng pag-asa hindi lamang sa kanyag pamilya ngunit sa lahat ng mga taong nakapaligid sa kanya.

Si Bryan Roy Tagarao o mas kilala sa palayaw na “Brenda Mage”, ay isang tatlumpu’t-tatlong taong gulang na komedyante, aktres, at vlogger sa bansa. Bata pa lamang namulat na si Brenda na mayroong siyang pusong babae sa kabila nang makisig niyang pangangatawan. Ito’y kaniyang nilihim, sapagkat, alam niyang hindi sang-ayon ang kaniyang ama na magkaroon ng baklang anak. Sa labis na takot sa magiging reaksyon ng ama, napagdesisyonan ni Brenda na magkaroon ng mga nobya bilang pagbabalat-kayo sa kaniyang tunay na kasarian. Ngunit gaya nga nga sinasabi ng karamihan, walang lihim na hindi nabubunyag.

Taong 2005 nang makapagtapos sa hayskul si Brenda sa paaralan ng Jasaan National High School. Dulot nang kahirapan, hindi siya nabigyan oportunidad na makapagpatuloy sa pag-aaral sa kolehiyo, sa halip, siya’y lumuwas sa Maynila upang doon makipagsapalaran. Umulan man o umaraw, siya’y walang humpay na naglalako ng mais sa maingay na kalsada ng kamaynilaan. Gaano man kapagod sa paghahanap-buhay, hindi kailan man niya isinuko ang kanyang pangarap. Pangarap na makapagbigay ng maginhawang buhay sa kanyang pamilya at maging isang sikat na artista balang araw.

Suntok man sa buwan, ang pangarap niyang ito ay nabigyang liwanag nang siya’y mag-audition bilang isang extra sa isang pelikula kasama ang aktor at komedyanteng si Jayson Gainza. Dahil sa kanyang dedikasyon sa pag-arte nirekomenda ni Jason si Brenda kay Direk Edgar “Bobot” Mortiz, isang batikang direktor sa ABS-CBN. Nang dahil doon, nabuksan ang mga opurtunidad upang mas lalong lumawig ang oportunidad niyang magtanghal sa entabldo. Matapos ang malakas na bugso ng ulan, sisikat ang bahaghari bilang bagong nitsa ng pag-asa.. Isang tanghali kasama ang kaniyang mga kababata nakatanggap ng tawag si Brenda upang isali sa segment ng noontime show na It’s Showtime, ang Miss Q and A.

Taglay ang angking katalinuhan sa pagpapatawa, napasaya niya ang buong madla, personal man o behind the screen. Umabot si Brenda sa final round ng Miss Q and A. Ani niya bago pa inanusyo ang mga nanalo, “feeling ko nasa akin na ang korona, kahit matalo ako, napatawa ko naman kayo. That’s the winner.” Sa huli, nasungkit niya ang ikatatlong puwesto sa patimpalak.

Gamit ang perang napanalunan mula sa kompetisyon, umuwi si Brenda noong Marso 5, 2019 at nagbahagi sa ilang mga kakilalang nangangailangan. Bukod pa dito, hindi rin siya nakalimot at nagbigay pa ng pinansiyal na tulong sa paaralan, bukod sa mensahe ng pasasalamat sa suportang naibigay sa kanya. Si Brenda ay isa sa mga alumni na miyembro ng LGBTQIA+ na ipinagmamalaki ng paaralan mula noon hanggang ngayon at tinuturing na “One of the Jasaanon’s Pride.”

Hindi makapaniwala si Brenda sa mga tagumpay na kaniyang nakamit sa mga nagdaang taon. Ang simpleng kagustohang niyang masilayan sa telebisyon, ay magiging daan pala para mabigyan katuparan ang kaniyang mga pangarap. Ang kuwento ni Brenda ang siyang nagpapatunay na hindi hadlang ang iyong kasarian sa pagtamasa sa mga mithiin mo sa buhay.

LATHALAIN 14 ang siklab Ang Opisyal na Paaralang Pamahayagan ng Jasaan National High School, Jasaan, Misamis Oriental, Rehiyon X
ni RIA EGARGO

AlternaBukasan!

Tiyak ang kinabukasan sa pagpapaunlad ng mga alternatibong gamit sa pamamagitan ng pagbibigay importansya sa mga suliranin sa pamayanan at kapaligiran.

01

LESSen-ergy

Infinity Mirror alternatibong paraan sa affordable na ilaw

Naglalayong suriin ang potensyal ng infinity mirror bilang isang abot-kayang alternatibo sa tradisyonal na mga lampara. Ipinapakita nito ang pagtugon sa mga limitasyon ng mga nakasanayang solusyon sa ilaw, gaya ng pagkonsumo ng enerhiya at aesthetic appeal. Natuklasan na ang infinity mirror ay may mataas na antas ng liwanag at kakaibang ambiance, na nagpapakita ng potensyal bilang costeffective at pangkalikasan na alternatibo sa ilaw. Paano ito nagagawa?

A: Pag-setup ng Frame Glass

1. Gumawa ng isang shadowbox frame na may hindi bababa sa 2 pulgada (5 cm) na lalim.

2. Hiwalayin ang shadowbox at alisin ang transparenteng salamin.

3. Kumuha ng silver reflective film at putulin ito upang magkasya sa salamin.

4. Linisin ang salamin at punasan ito gamit ang microfiber cloth.

5. Balatan ang film at spray-an ng sabon na tubig.

6. Spray-an ang salamin ng sabon na tubig at ilagay ang film.

7. Hayaan ang film na matuyo ng 2 oras, pagkatapos ay ilagay ang transparent na salamin sa frame.

B: Paglalagay ng Salamin at mga Ilaw

1. Kumuha ng salamin at pulisin ito gamit ang glass cleaner.

2. Sukatin ang interior frame ng shadow box at putulin ang LED rope upang magkasya sa loob.

3. Isalansan ang mga piraso ng interior frame sa shadowbox.

4. Lumikha ng puwang sa frame para sa LED external wire.

5. Ilagay ang salamin sa shadowbox frame.

6. Buksan ang mga LED lights at samahan ang iyong infinity mirror

02

Bio-plastic, Starch Now!

Paggamit ng starch-plastic para tugunan ang plastic waste

Hindi matapo-tapos na problema ang pagdami ng plastic sa mga basurahan dahil ang paggamit nito ay naging isang integral na bahagi ng ating pang-arawaraw na gawain. Sa layuning hanapan ng solusyon ang problema sa paglaki ng plastic waste, isinagawa ang pananaliksik na ito upang bumuo ng alternatibong plastik na eco-friendly at biodegradable. Gamit ang starch mula sa Malanga o Lutya, sinusuri ang proseso ng paggawa ng bio-plastik. Narito ang mga hakbang sa pagkuha ng starch at sa polymerization upang makabuo ng bio-plastik mula sa Malanga/Lutya starch:

Starch Extraction:

1. Balatan ang Malanga/Lutya at gurahin ito.

2. Ibuhos ang guradong Malanga sa isang beaker at magdagdag ng tubig.

3. Paghiwalayin ang tubig mula sa residue at hayaan itong matagal.

4. Ilabas ang likido at ibuhos ang starch sa ibaba ng isang plato. Hayaan itong magpatuyo.

Polymerization:

1. Ihanda ang isang mangkok at ilagay ang 4 tbsp ng cornstarch.

2. Ilagay ang 1 tbsp ng suka at magdagdag ng 1 tsp ng Glycerin.

3. Ilagay ang 12 tbsp ng tubig at haluin. Ilagay sa mababang apoy at haluin hanggang maging malinaw.

5. Ilagay sa isang tray na may lining.

6. Ipatuyo at nagawa mo na ang iyong bio-plastic!

Dagdag ani, Dagdag kita

Cardava Ripening Agent bilang pampapabilis na pagpapahinog ng saging

03

Friendly-Colors

Paraan upang iwasan ang Synthetic Dye

Sinuri ang kakayahan ng iba’t ibang halaman tulad ng mangga, sibuyas, spinach, pandan, at turmeric na magbigay ng makukulay na pigments para sa tela. Ang mga resulta ay nagpakita ng kahalagahan ng paggamit ng likas na kulay, hindi lamang sa aspeto ng estetika, kundi pati na rin sa kapaligiran at kalusugan. Narito ang mga hakbang kung paano ito ginawa:

1. Nagtipon ng kinakailangang mga materyales para sa proyekto.

2. Nilinis at binabad ang puting tela ng algodon (cotton) sa tubig na may solusyon ng mordant.

3. Pinutol ang mga bahagi ng halaman na naglalaman ng pigmento ng kulay sa maliit na piraso.

4. Puno ng isang malaking kaldero ng tubig at idinagdag ang pinutol na materyal ng halaman, pinapantay ang dami ng tubig sa potensyal ng kulay.

5. Nilutong maigi sa loob ng 30 minuto upang mapalabas ang mga pigmento ng kulay.

5. Inalis ang kaldero mula sa apoy at hinayaang lumamig ito sa silong temperatura upang maiwasan ang pinsala sa tela.

6. Binilad ang likido gamit ang strainer at inilagay sa isang lalagyan.

7. Inilagay ang 3 kutsarang white vinegar sa lalagyan at hinalu-halo ng maayos upang maging mordante, na nagpapalakas ng tatag ng kulay.

8. Inilubog ang tela ng algodon nang buo sa likido at iniwan na umupo ng 24 oras.

9. Pagkatapos ng 24 oras, inalis ang tela mula sa lalagyan at binanlawan ng maayos.

10. Isinabit ang sobrang likido upang matuyo.

11. Inulit ang parehong pamamaraan para sa iba pang materyal ng halaman at tela ng algodon.

04

Rice Water

Paggamit ng tubig ng bigas bilang skin care

Nauuso ngayon ang mga skin care lalo na sa online market. Isa ka ba sa mga bumibili nito? O isa ka sa karamihang gustong magpaganda pero kapos sa pera? Narito ang sulosyon para s aiyo.

Naglalayong suriin ang mga benepisyo ng tubig ng bigas (Oryza sativa) sa balat, kasama ang calamansi extract at bitamina E capsule gel extract. Ginamit ang tubig ng bigas bilang pangunahing sangkap, kasama ang extract ng calamansi at bitamina E upang lumikha ng epektibong solusyon para sa pang-araw-araw na pangangalaga sa balat.

Ang pag-aaral ay nagpakita ng mga positibong resulta sa mga katangian ng tubig ng bigas, kabilang ang mga katangian nito bilang anti-aging at antioxidant. Maaaring gamitin ang nasabing sangkap para sa pangangalaga sa balat nang walang kinakailangang kumplikadong proseso.

Farm AID

Automated Irrigation Device para sa irigasyon

Ang Automated Irrigation Device (AID) ay ang paraan ng pagsasaka sa pamamagitan ng pagpapautomatiko ng proseso ng pagdidilig ng mga pananim. Ang elektronikong aparato na ito ay nagbibigay sa mga magsasaka ng tiyak na kontrol sa oras at dami ng pagdidilig ng kanilang mga tanim, na nagpapabawas ng pangangailangan sa palaging pagmamasid. Sa pamamagitan ng masusing pagsusuri, ipinapakita ng proyekto ang kahusayan ng aparato sa pagtitipid ng tubig at enerhiya, pagpapabuti sa kalusugan at ani ng mga halaman, at pagbawas sa gastos sa operasyon.

Sa pangkalahatan, ang AID ay nagpapakita ng malaking pag-unlad sa modernong agrikultura, nagbibigay ng mas epektibong, matipid, at environmentally friendly na pamamaraan sa pagsasaka.

Para sa karagdagang impormasyon ukol dito maaari ninyong kontakin ang mga mananaliksik ng G10-Dynamic.

Araw-araw sa kantina, iba’t ibang luto ng saging ang tinda. Narito ang solusyon sa madaliang pagpapahinog ng saging.

Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang kakayahan ng tuyong giniling na balat ng saging bilang pampabilis ng pagkahinog ng prutas ng Cardava banana. Ginamit ang hinog na balat ng Cardava Banana para sa pag-aaral, kung saan nagtipon ang mga mananaliksik ng 1 kilo ng balat, pinatuyo, iniararo, at giniling ito upang makabuo ng tuyong giniling na balat ng saging. Sa pamamagitan ng eksperimento, natuklasan na epektibo ang produktong ito sa pagpapabilis ng pagkahinog ng saging, na makakatulong sa mga magsasaka. Bukod dito, napatunayan na ligtas itong gamitin dahil walang kemikal na ginamit sa produksyon.

ni RIA EGARGO AGHAM AT TEKNOLOHIYA 15 ang siklab Ang Opisyal na Paaralang Pamahayagan ng Jasaan National High School, Jasaan, Misamis Oriental, Rehiyon X Setyembre 2023 - Enero 2024 Tomo 1 Bilang 2
04 05

Karapatan sa ibabaw ng kakayahan

Sa panahon ngayon, karaniwan nang makakakita tayo ng mga tao sa social media na dahil sa kanilang hindi kanais-nais na post, ay sinasabi nating may problema sa sarili. May Ilan sa atin ang tumatawag sa kanila na “suicidal”. Nakakakita rin tayo ng mga tao sa lansangan na dahil sa kanilang marungis na itsura, ay sinasabi nating may problema sa pag-iisip. May Ilan sa atin ang tumatawag sa kanila na ‘baliw’ o ‘sira ulo’.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang mental health ay ang estado ng kagalingan o well-being ng isang tao kung saan nagagamit niya ang kanyang potensyal, nakakayanan niyang harapin ang mga stress o problema sa buhay, nakapagtatrabaho o nakagagawa ng mga gawain nang mahusay, at nakapag-aambag sa kaniyang pamayanan. Samakatuwid, ang halaga ng lagay ng Mental Health ng mga tao ay kasinghalaga rin ng lagay ng kanilang pisikal na kalusugan. Mahigit tatlong porsyento ang kabuuang populasyon sa Pilipinas na nagdudusa sa mental illness. Ayon sa mga dalubhasa, hindi tulad ng sakit ng puso o kanser, ang mental illness ay hindi madaling makita. Halimbawa ng mga taong nagbabalak magpakamatay. Malaki ang kaugnayan ng pagpapakamatay sa estado ng pag-iisip ng isang tao, ngunit hindi natin ito madaling nakikita. Hindi natin alam na baka isa sa ating mga kapamilya

o di kaya’y kaklase ay nakararanas nang matinding kalungkutan o depression at naisip nang magpakamatay.

Ayon sa Global School-based Student Survey, mula Enero hanggang Marso 2015, labing pitong porsyento na mga highschool na estudyante na nasa 13-15 na gulang ay nagsasabing sila ay nagtatangkang magpakamatay, ng isang beses. Labing dalawang porsyento naman na mga highschool students ang nasabing seryosong ikinusendera ang pagtatangka ng pagpapakamatay. At labing isang porsyento naman nito ang gumawa ng plano kung paano sila magpapakamatay.

Noong Enero 24, 2023, ayon sa isang babaeng estudyante, labing pitong taong gulang sa Jasaan National High School (JNHS), naging mapusok ang kanyang pag-iisip sa pagtatangkang magpakamatay. Ani niya ni ilang beses na

siyang nagtangkang patayin ang sarili dahil sa mga pinagdadaanan nito. Siya ay isang anak ng ng hiwalay na magulang, palagi raw siyang pinapagalitan ng kanyang ina at hindi niya tunay na ama. “madalas akong pinagsasabihan ng aking Ina na sana hindi nalang ako ipinanganak” ani nito. Ang mga masakit na salita galing mismo sa sarili niyang Ina ang naging dahilan kung bakit niya pinagtatangkaang patayin ang sarili. Magkaiba man ang takbo ng pag-iisip ng mga taong nakararanas ng mental illness sa mas nakararaming tao, parepareho tayong nilikha kawangis ng Diyos, at samakatuwid ay may dignidad bilang mga tao. Sila ay nararapat na ituring at tratuhin bilang mga taong may karapatang dapat igalang at buhay na dapat pangalagaan.

Eskwela Plus Nutrisyon

Lagay ng nutrition status sa Jasaan National High School, ano na? Kalagayan ng nutrisyon sa isang paaralan ay kung saan may kakulangan sa kalusugan ang ilan sa mga estudyante, nakikita dito kung ang isang estudyante ay kulang sa tangkad, kulang sa timbang, subra sa tangkad at subra sa timbang.

Habang nadadagdagan ang estudyante sa paaralan ng Jasaan National High School, nadadagdagan din ang kaso ng kakulangan sa kalusugan. Ito ay dahil kulang sa paggawa ng mga pisikal na mga aktibidad ang mga estudyante at hindi balanse ang pagkain lalo na ng mga masusustansya na nakakapabawas sa pagtaas ng isang mag-aaral at dulot ng pagiging malnourish. Kapag sa mga overweight at obese naman, maaring sanhi din ito ng kulang sa pisikal na aktibidad at subrang pagkain dulot ng walang tigil na paglaki. Sa tinatayang 3578 na enrolled na mag-aaral sa JNHS, 2573 ang natimbang kung saan,

357 ang malnourish habang 573 ang stunted o kulang sa tangkad, 48 naman ang overweight, 6 ang obese, 2 ang overheight at 2008 naman ang normal. Isa sa mga mag-aaral ng JNHS na nabibilang sa mga stunted na mag-aaral ay si Kate, siya ay 17 na taong gulang sa ika10 baitang subalit hindi tugma ang kanyang edad sa kanyang tangkad na 4’9, naranasan niyang maramdaman na tumigil ang kanyang pagtangkad noong 15 na taong gulang pa lamang siya, dahil dito nakakaranas siya ng pambubully, pero kahit stunted sya ang BMI niya ay normal, ito ay ang kakulangan niya sa tangkad ay namana niya sa

kanyang ina, ito ay ang tinatawag na genetiks.

Para maiwasan at masulosyunan ang hindi pagiging malusog ay kinakailangan na sundin ang paraan ng GO,GROW,GLOW na mga pagkai, kailangan kumain ng mga pagkain na mayaman sa betamina at mineralis na nakapapalago at nagpapasigla ng katawan, dagdag na din ang regular na pag-inom ng mga supplements. Mabuti din sa mga mag-aaral na matoto ng nutrition education at pagsasagawa ng paaralan ng nutritional assessment sa mga mag-aaral.

Importanteng alam natin ang kalagayan ng kalusugan ng

MASKara—niwang ginagamit kalaban sa panganib na dala ng COVID-19

Katapangang-loob mayaman ang mga Pilipino, ngiti doon ngiti dito. Ngunit saan nga ba aabot ang iyong magandang ngiti kung tatakpan lang din naman pala ito ng facemask? Ang mga maskara sa mukha ay hindi komportable at nakakainis. Karamihan sa atin ay hindi sumusout ng facemask dahil mainit ito sa mukha, ang iba nama’y nagsusuot ng facemask upang matakpan ang kanilang mainit na mukha.

Kahit gusto mo pa o hindi, sa kadahilanang kailangan ng tayong magsout ng facemask, karamihan na sa mga Pilipino ang nagsusuot nito. Pag-usapan natin ang kahalagahan ng pagsout ng facemask lalong lalo na sa paaralan sa panahon ng pandemyang ito.

Marami parin ang mga batang hindi pa nabakunahan o nakatanggap ng booster shots laban sa COVID-19, kaya nagpaabot ng pagkabahala ang isang pediatrician at bise presidente ng Philippine Federation of Professional Association sa panuntunan ng boluntaryong pagsusout ng facemask sa mga silid-aralan sa pagbabalik ng full implementation ng face-to-face classes.

Ano nga ba ang pangunahing dahilan kung bakit kailangan nating magsout ng facemask? Ayon sa Department of Health (DOH) “kung pareho kayong walang mask, malaki ang tyansa na makahawa at mahawaan ng iba. Kung ikaw ay may mask, bababa ang tyansa na makahawa at mahawaan ng iba. Kung pareho kayong may mask, mas bababa pa ang tyansa na makahawa at maha waan ng iba”.

Ayon sa kina panayam na naging positive sa COVID na si Merza Macarandan Castillo, apatnaput dalawang taong gulang ng Upper Jasaan “naging kampante ako sa aking paligid, hindi ko na namalayan na isa sa aking mga kaibigan ay may COVID”. Lubos ang pagsisisi niya dahil hindi niya naisunod ang mga protocol “ dahil siguro sa aking paniniwala na hindi basta-basta kumakalat ang COVID” aniya.

Bata man o matanda, lahat ay apektado sa nasabing virus. Maraming bata sa paaralan na kung saan hindi naiiwasan ang pakikipag-halubilo. Panganib ang dala ng bawa’t isa kapag isa o lahat sa kanila ay hindi sumusunod sa protocol.

Isang mabisang kagamitan ang mga community mask para makontrol ang pagpasa ng COVID-19. Lahat ng magaaral at kawani ng paaralan ay dapat na mayroong malinis na pantakip sa bibig at ilong sa lahat ng emerhensyang pagsasanay pero hindi sa puntong makakasagabal sa pagtugon sa pagsasanay.

Hindi kailangang magsout ng pantakip sa bibig at ilong ang mga mag-aaral sa loob ng kanilang grupo. Hinihimok ang mga mag-aaral ng magsout ng pantakip sa bibig at sa ilong sa mga karaniwang lugar kapag nasa labas ng mga grupo ng klase na nasa loob ng gusali ng paaralan. Halimbawa, pagpunta sa silid-hugasan, pagbisita sa resource teacher at iba pa.

Kaligtasan ng mga estudyante ang pangunahing

bawat magaaral sa ating paaralan at importante ding tulungan natin ang bawat mag-aaral na mamuhay ng masustansya habang gumagawa ng mga pisikal na aktibidad sa mga extra-curricular activities ng paaralan, sapagkat ang

AGHAM AT TEKNOLOHIYA 16 ang siklab Ang Opisyal na Paaralang Pamahayagan ng Jasaan National High School, Jasaan, Misamis Oriental, Rehiyon X
ni RIA EGARGO ni SHELLA DAGOC ni SHELLA DAGOC

Agri-TAE DITO!

Paggamit ng dumi ng oud (vermicast) sa pag papatubo ng halaman

Bukod sa pangingisda, pagsasaka ang isa sa mga pangu¬nahing pangkabuhayan ng mga Pilipino. Sa katunayan, marami sa ating mga produkto ang ine-export sa iba’t ibang bansa dahil sa kalidad nito. Pero sa kabila nito marami pa ring problemang bumabagabag sa mga magsasaka sa kanilang sakahan. Isa na dito ang hindi sapat na ibinibigay na pundo ng pamahalaan sa Department of Agriculture.

Isa sa mga mag-aaral ng Jasaan National High School ay nagsagawa ng pag-aaral tungkol sa pagpapatubo ng mais gamit ang vermicast na ginamitan ng tatlong magkakaibang kulay ng water cellophane (blue, green at red). Ang vermicast ay ang pinakamabisang organikong pataba galing sa dumi bulate o maari ring mga tira-tira na pagkain.

Mayroong 2 set ng tigsi-siyam na paso na nilagyan ng corn seed. Ang isang set ay hinati sa tatlo na hinaloan ng vermicast at ibinalot sa tatlong kulay na water cellophane ang blue, red at green. Habang ang isa pang set ng paso naman ay purong lupa na hindi tinakpan ng water cellophane.

Ayon sa mga eksperto, ang sikat ng araw ay isang halo ng lahat ng wavelengths at kung ito ay tumama sa mga halaman, ang mga pigment ng halaman ay maaaring maabsorb o ma-reflect sa napiling wavelength. Gustong malaman ng mananaliksik kapag paghiwalayin sa bawat kulay ng cellophane at gawin itong tanging ilaw, magkaroon ba ng epekto sa paglaki ng halaman na naging matagumpay rin naman.

Sa paggamit ng vermicast ay naiiwasan ang pagkalason na maaaring idulot ng mga kemikal na pataba at nababawasan din ang mga pesteng lumalapit sa mga pananim. Higit sa lahat ay makatitiyak na ligtas para sa mga tao na kainin ang gulay na pinatubo sa lupang ginamitan ng vermicast hindi kagaya ng paggamit ng inorganic fertilizer mahal at nakakapinsala. Natuklasan ng mag-aaral na mas tumutubo ang halaman sa vermicast na tinakpan ng tubig.

Subukan ipikit ang mga mata at pagmasdan kung gaano ka dilim ang paligid.

Ganyan kadilim kung walang kuryenteng nagbibigay liwanag sa ating buhay.

Ilan sa mga mag-aaral ng Jasaan National High School ay gumawa ng imbensyon na maaaring makatulong masolusyonan ang problema sa kuryente lalong-lalo na sa tuwing may kalamidad. Ang ating bansa ay may malaking pangangailangan sa kuryente lalonglalo na sa ilang bahagi ng bansa partikular na sa mga kanayunan.

Gumawa ang mga mag-aaral ng alternatibong power bank gamit ang sinag ng araw na makakapagcharge lamang ng

hihigit sa limang boltahe. Napakalaking tulong nito lalong lalo na sa tuwing may kalamidad na kung saan ay walang kuryente at sa oras na rin ng emergency.

Tayo ay nabiyayaan ng maraming panahon ng tagaraw. Sagana sa sikat ng araw na kung saan ay lubos nating mapapakinabangan at tiyak itoy magreresulta sa malaking tipid sa kuryente. Sa paggamit nito ay nagbibigay ng isang pagkakataon ang isang indibidwal na maaaring makabuo ng sariling enerhiyang pankonsumo. Libre din ito dahil kino-conserve lang ang enerhiyang mula sa sikat ng araw. Higit sa lahat, walang istorbo sa kalikasan o antala sa kapaligiran. Maging mausisa at palawakin at paglakbayin ang imahinasyon tungo sa magandang solusyon.

15-18v 2 1/2

oras higit kumulang, nakakapagpuno ng baterya ng cellphone ang solar power bank ayon sa mga pagsisiyasat.

ng solar panel ay makakapuno ng 12V 3amps storage battery sapat na tatagal sa walong oras

17
SHELLA DAGOC

ISPORTS 18

Tope, kumana ng 30 puntos para kargahin ang Rookies sa Finals

Minanduhan ni Point guard, Christopher “Tope” Jalalon ang kaniyang game career-high record na 30 puntos upang ilaan ang Jasaan Rookie para sa kanilang tiket papuntang Finals laban sa Alubijid Shooters ngayong ika 20 ng Disyembre 2023.

Nag-alsa si Christopher Jalalon ng mabigat na buzzer-beater layup matapos ihirit sa nalalabing apat na segundo ng laro upang tapyasin ang manipis na bentahe at makipagigitan sa 59-57.

Tampok sa game career-high record na 30 puntos na nailatag ni Topher ang matutulin na 14 rebounds, apat na boards, limang steals at apat na assists upang humataw sa halos buong bakbakan sa 19-of-22 shooting sa field goal.

“Matinding

pagsasanay lang ang ginawa naming upang mamayani sa larong ito at makapunta sa Finals,” wika ni Point guard Christopher Jalalon. Malinis na ratsada ang pinakawalan nina Topher kasama ang onepunch man na si Kyle Maglangit ang kanilang tig sasampong puntos upang hatakin ang Jasaan sa 4-win column.

Nagawa namang hatakin sa malawak na bentahe ni Kyle Maglangit ang dikdikang 13-15 hanggang sa 25-14 upang lasapin

ang seryosong asam sa kampeonato.

“Okay sa amo nga napildi mi, it’s part of our journey as varsitysa among eskwelahan,” wika ni Roniel Olarte.

Naging matamlay ang unang sabak ng Jasaan mula sa malawak na bentaheng 5-16 matapos inalsa ng Tagoloan ang sunod sunod na tres mula kay Olarte na umukit ng 12 puntos sa halos magiisang quarter ng laro.

Naging mainit ang tension sa huling sandali

ng laro matapos tumarak ng limang deadlocks.

Sa di inaasahang pangyayari, nagbanggaan si Kyle Maglangit at Joshua Talisay at nagresulta sa pagkainjured ni Kyle at maipatigil ang laro ng ilang minute.

Labis na nanghihinayang si Kyle dahil sa tingin niya hindi na siya makakalakad.

Naging isa ring sandalan sa Jasaan si Kyle sa unang sandali ng laro na kumalos ng kabuuang limang puntos.

HANGINAN/

Nawalan nang balanse si Adaza matapos bigyan ng suntok ni Rafisuza subalit hindi nabigyan ng puntos ang pagkatumba ni Adaza sa kadahilanang pag labag nito sa patakaran ng laro.

Agad namang pinatayo ng referee si Adaza sa pagkatumba at bumawi ng mabagsik na suntok na nagpaluhod kay Rafisuza dahilan upang makuha ang gintong medalya.

“Happy ko ug mapasalamaton labi na saamong mga coach kay sila jud nag atiman sa amoa ug wala judko nag dahom nga maka daog ko ani nga dula”, saad ni Adaza.

Sa kabilang banda naman ay nasungkit ulit ni Ricson Hanginan ng Unit 2 na dating nakapaglaro

sa palarong pambansa 2022 ang kampeonato matapos bigyan ng sunodsunod na suntok ang kanyang kalaban na si Jon teep Guaya ng unit 3.

Pinakita at pinatunayan ni Hanginan na batikan na siya sa larangan ng boxing.

“Nalipay ko kay nakadaog mi duha sakong kauban sa Unit 2 Jasaan ug unta nga sa moabot nga regional meet mo daog pa pud mi,” ani Hanginan.

LAMANG ANG MAY ALAM

Unit 4, binokya ang Unit 2, aariba sa kampeonato

Dahil dito ererepresenta nang dalawang manglalaro ng UNIT 2 Jasaan ang lalawigan ng Misamis Oriental sa darating na Palarong Pampook 2024. ni

Gamit ang kanilang malakas na palo at mahigpit na depensa, nagwagi ang Unit 4 laban sa Unit 2 sa iskor na 1-0 sa larong baseball ng Palarong Panlalawigan 2024 nitong Enero 24-25 na ginanap sa Napaliran Elementary School.

Hindi hinayaan ng dating kampeon, Unit 4, na magkaroon ang kanilang kalaban ng kahit isang puntos sa pamamagitan ng paghigpit ng kanilang depensa upang hindi makaabot ang mga batters ng kanilang kalaban sa home.

Pinangunahan ni Ranara Rafael ang Unit 4 sa pamamagitan ng paggawa ng dalawang malakas na bat at isang home run na sinundan naman ng kanilang malakas na pitcher na si Guiritan Angelo na nakagawa ng dalawang malalakas na bat at malalakas na pitch.

Pinaulanan ni Jeremy Piado, pitcher ng Unit 2, ng malalakas na pitch ang Unit 4 sa una at ikalawang AA inning dahilan upang ang kanilang kalaban ay mahirapan upang tamaan ang bola at magkaroon ng puntos.

Nagsikap ang Unit 2 sa huling inning upang magkaroon sila ng comeback pero masyadong mahigpit ang depensa at masyadong malakas ang bat ng Unit 4 para gibain. Sinugat ni Ranara ng malakas na bat ang humahagupit na pitch ni Jeremy Piado at ipanatalsik ang bola palayo upang makagwa

ng isang home run sa simula ng ikatlong inning, 1-0.

Sa pagdating ng ika-apat na inning idineklara ng committee na itigil muna laro at ipagpatuloy nalang kinabukasan sa kadahilanang dumidilim na at hindi na nakikita ng mga manlalaro ang bola ng maayos.

Naging mahigpit ang labanan ng dalawang koponan sa una at huling bahagi ng laban.

“Nagsalig ra gyud mi’s ginoo, tapos rigid training ragyud mi, ulan init gyud mi bahalag mangaguba na ilang sapatos,” sabi ni coach Cerilo Oliveros ng Unit 4.

“Nagkulang gyud mi sa bat training since mahadlok man gud mi makasala kay among training ground, daghan sakyanan sa kilid. Tapos kuan sad, na tense gyud mi sa dula,” dagdag naman ni Jeremy Piado, ace player ng Unit 2.

Ang wagi ng Unit 4 ay nagdala sa kanila upang umabante sa larong kampeonato laban sa Unit 3 ngayon, Enero 25 gaganapin sa Napaliran Elementary School.

CASANDRA DELUNA ni KIRK REDONDO

Regional chess player noon bigo sa unit meet ngayon

Hindi nalampasan ang mga inaasahan, at hindi rin naabot, dahil nabigo si Paul Efren Castino na maging kuwalipikado para sa 2023 Provincial Meet nang manalo lamang siya ng 3rd place sa katatapos na Unit Meet nitong Disyembre 12, 2023, sa Doctor Gerardo Sabal MNHS, laban sa kanyang matagal na- tumatakbong karibal na lagi niyang napapanalunan, si Steven Flores mula sa Villanueva National High School.

Ang labintatlong taong gulang ay naging kwalipikado para sa Northern Mindanao Regional Athletics Meet noong nakaraang taon at tinalo si Flores, na naging dahilan upang ang lahat ng mga mata ay lumingon sa kanyang direksyon sa Unit Meet ngayong taon, lalo na ang kanyang coach na si Sir Jeffrey Mercado.

“Nag-expect ako sa kanya na bumalik ang dula, pero sa mga nakalipas na dula, wala siyang focus. Nay nag expect gyud ko nga mudaog siya, pero pilde man,” Sir Mercado said.

Ayon kay Sir Mercado, masyadong immature pa si Castino at kulang sa focus sa laro; madalas siyang naabala sa panahon ng laro, na nagbubukas ng maraming pagkakataon para sa kalaban na atakihin at suriin siya, na nagreresulta sa kanyang pagkatalo.

“Naa siyay potential, pero sa karun, need pa niya mag-mature and mag train pa,” sabi ni

G, Mercado.

Nang tanungin kung ano sa tingin niya ang dahilan ng pagkabigo niyang manalo, “nag kumpiyansa ra kaayo” lang ang sagot niya habang binanggit na pamilyar na karibal ang kanyang kalaban noong mga nakaraang taon na mahigit dalawampung beses niyang tinalo.

“Sge na gyud nako to siya agkalaban sauna, pero di talaga siya pakadaog. Karun lang talaga to kay nag kumpinsya ra kaayo ko ato,” ani Castino.

Sa kabila ng pagkabigo na manalo sa taong ito, layunin ni Castino na makabangon mula sa pagkatalo at makabalik sa susunod na taon, ngunit sa isang mas mapagpakumbaba na diskarte sa pagkakataong ito.

“Mag practice sa para mukusog and dili magkumpiyansa,” dagdag ng chess player

‘di kami athlete LANG

Kung gaano kadalas ito ay binansagan lamang para sa mga pisikal na benepisyo, ang sports ay kadalasang hindi itinuturing na kapaki-pakinabang sa iba’t ibang aspeto ng buhay ng isang indibidwal, tulad ng mental at akademiko. Ang iba’t ibang sports ay nagpapahusay sa kapakanan ng mga atleta habang nagkakaroon din ng epekto sa kanilang akademikong pagganap. Hinihikayat ng sports ang isang mahusay na edukasyon na maaaring bumuo ng maraming perks, na nagsasabi sa amin na ang sports ay higit pa sa mahusay; iba ang iniisip ng ibang tao.

Karamihan sa mga mag-aaral na atleta, sa kabila ng mahusay na pagganap sa kani-kanilang mga larangan, ay nailalarawan bilang “hangal” sa kanilang mga gawaing pang-akademiko sa pamamagitan ng stereotype na “dumb jock” ng lipunan.

Ayon sa isang mananaliksik sa Stanford noong Marso 2014, “ang ilang mga atleta ng mag-aaral ay nagdurusa sa akademya mula sa stereotype na ‘dumb jock’,” na nagpapahiwatig na ang madalas na paggamit ng

nakakahiyang wika na naglalayong sa mga atleta ay may direktang negatibong epekto sa kanilang pagganap. Bagama’t ang mga mag-aaral-atleta ay dapat matugunan ang mga pamantayang pang-akademiko upang matanggap sa isang unibersidad, nakikita ng maraming karaniwang mga mag-aaral ang sports bilang “ticket” ng isang atleta sa paaralan.

Bukod sa tinatawag na “tamad,” ang mga atleta ay binabatikos din bilang magulo dahil sa kanilang ‘not the norm’ jung baga na itsura sa panahon ng pagsasanay at aktwal na mga laro. Ang ilan ay tumatawid pa sa linya at umaatake sa pisikal na anyo ng isang atleta, mula sa kanilang kasuotan hanggang sa kanilang pawisan na mga mukha at katawan at kanilang magulo na buhok, na hindi kailanman angkop sa anumang partikular na sitwasyon.

Bilang isang studentathlete na mahusay na gumaganap sa sports at academics, sa kabila ng hindi ko naranasan ang stereotypical labeling ng lipunan, personal kong narinig ang mga

tao na gumawa ng mga negatibong komento tungkol sa mga atleta, at masakit na marinig na ang mga masisipag na atleta doon ay pagdurusa sa pamumuna ng lipunan na hindi lamang nagpaparamdam sa kanila na minamaliit kundi dumudurog din sa kanilang diwa.

Minsan na akong nasaktan para sa isang atletang kilala ko matapos kong marinig na may tumawag sa kanya ng “dugyot” at “bobo.” Ito ay parehong nakakasakit at nakakasira ng loob dahil ang mga kakayahan ng mga atleta ay kadalasang nalilimitahan ng mga stereotype ng lipunan, na nagpapaisip sa kanila na hindi sila karapat-dapat na pumasok sa mundo ng kakayahang pangakademiko dahil lang sa iniisip ng lipunan na hindi nila kayang gawin ang mga bagay na pang-akademiko.

Maraming mga atletang Pilipino ang nangunguna sa internasyonal na entablado, at kung gusto nating higit pa sa kanila ang magdulot ng puri at karangalan sa ating bansa, maaari natin silang suportahan sa pamamagitan ng pagsira sa mga stereotype at pananakot na saloobin na walang pakinabang.

Nanguna si Jeremy Piado sa ika-11 baitang na may 3 home run at 4 na malakas na hit, naghatid din si Brent Dael ng dalawang home run at dalawang malakas na hit, Sinubukan ng Grade 12 na makahabol sa second inning ngunit nabigo ito dahil masyadong malakas para masira ang depensa sa Grade 11.

Sinamantala ng Grade 11 ang Grade 12 dahil lahat sila sa provincial meet qualifier noong Palarong Panlalawigan.

Sa pagsisimula ng ikatlong inning, tuluyan na ngang sumuko ang Grade 12 at sinabing “Dili name oi, dili na gihapon ma apas ang iskor.” Hindi ganoon kaganda ang simula ng grade 12 sa unang inning, 3 batter ay na-strike out na magkasunod na nagpababa ng kanilang pag-asa.

Ang streak ng Grade 11 ay nagbigay sa kanila ng kumpiyansa na ang kanilang mga nakatatanda ay hindi makapasa sa kanilang iskor sa second inning. Sa kabila ng pagkadurog sa unang inning, nagpatuloy ang Grade 12 sa paglalaro hanggang sa ikalawang inning.

Ang back-to-back home run ay inilabas ng Grade 11 sa unang inning, nakagawa sila ng apat na sunod-sunod na home run at tatlong malalakas na hit.

“Siguro among gibuhat nga preparation lang is kuan..kanang sige namog dula dire tapos halos kada hapon man gyud sad mi dire ga-dula, and kami Grade 11 is a team na gyud so bali nanay communication,” sabi ni Brent Lloyd Dael, team captain ng Grade 11.

inning ngunit nabigo ito dahil hindi niya nakayanan ang mabilis at malakas na depensa ng Juniors. Nagsimula nang maayos ang Juniors sa unang inning; apat na home run ang nagawa nila ng magkasunod-sunod.

Nagtagumpay si Bangalao sa pagtama ng bola, ngunit nang maabot na niya ang unang base, natamaan siya ni Zamayla, at siya ay na-struck out. Sinagot

naman ng Seniors ang momentum ng Juniors unang inning nang magsagawa ng dalawang magkasunodsunod na home run sina Zamayla at Adanza, ngunit natigil ang momentum matapos mag-strike out ang mga sumusunod na batters, sina Yosores at Bangalao. Napuno ng malalakas na sigawan ang hangin nang idineklara ng umpire na magcha-champ ang juniors

kahit third inning pa lang dahil sa katotohanang hindi na maipapasa ang score ng Seniors kung itutuloy nila ito hanggang sa fifth inning.

“Happy ko kay wala mi napildi samong mga ate og proud pud mi sa among sarili kay kaya namo pildihon ang among mga ate nga seniors,” komento ni Pacquiao, team captain ng Juniors.

ISPORTS 19 ang siklab Ang Opisyal na Paaralang Pamahayagan ng Jasaan National High School, Jasaan, Misamis Oriental, Rehiyon X
HAGIS/ JUNIORS/ ni RAFAEL GARCES ni KIRK REDONDO

Provincial Meet 2024: Hanginan, Adaza sinungkit ang gintong medalya para sa Unit 2

ni BILLY BATION

Dinominahan ng dalawang manglalaro ng Unit 2 Jasaan ang dalawang gintong medalya sa boxing sa Palarong Panlalawigan 2024 sa Waterfall, Balingasag Misamis Oriental.

Matindi ang bakbakan nila Jae Bricks Adaza ng Unit 2 laban kay John Paul Rafisuza ng Unit 3, sa unang round nang labanan ng junior category.

ang siklab DUNGISAN NG PANGALAN

Grade 11 pinasuko ang Grade 12, aabante sa championship game

ni

G

rade 11 gumawa ng mahusay na mga home run at malakas na hit para gawing sumuko ang Grade 12, 5-0,7-0, at umabante sa kampeonato sa JNHS baseball game semi-finals noong Martes, Nobyembre 8, 2023, sa Jasaan church plaza.Para ma-access

Doble-dobleng kills sa dulo, Lower Jasaan, winalis ang Kimaya sa MLBB Tournament; aariba sa MESO 2021

ni NEWSBIT

Mula sa solidong rotation at maraming kills sa ikatlong sagupaan, inangkin ng Team Lower Jasaan ang kampeonato sa Mobile Legends: Bang Bang Tournament matapos tinambakan ang Barangay Kimaya sa malinis na 3-0 kartada nitong ika 26 ng Enero 2023.

Nakabalik sa porma ang Lower Jasaan matapos pinagkaitan ang Kimaya na mangibabaw sa ikalawang yugto ng laro mula sa paggitgit ng Level 2 Lord ni Darrel Kim Ganzan, sapat para mapatumba ang turrets at base.

Samantala, biyaheng Misamis Oriental E-sports Organization Grand Launching ang Team Lower J kasabay ang ibang online game tulad ng Tekken, Nba2k20 at Call of Duty nitong March 27-28, 2024 sa Ayala Centrio Mall.

TALAAN NG MEDALYA NA NASUNGKIT NG JNHS 16

ipagpatuloy sa pahina 19 ipagpatuloy sa pahina 18 ipagpatuloy sa pahina 19

BRONZE 12 20

Gamit ang kanilang kakaibang diskarte sa opensa at depensa, tinamaan ng Juniors ang mga beteranong Seniors sa loob lamang ng 3 inning (11- 2,6-0, 5-0) para kunin ang puwesto ng mga kampeon sa JNHS softball game championship sa soccer field sa Jasaan noong Miyerkules, Nobyembre 8, 2023.

Pinatunayan ng Juniors na hindi mahalaga ang edad at ang talagang mahalaga ay ang mga kasanayan at karanasan matapos nilang matagumpay na mabatukan ang kanilang mga senior sa score na 22-2.

Pinangunahan ni Jerah Pacquiao ng Juniors ang tatlong hindi mapigilang home run at tatlong malalakas na hit, na sinundan ni Asis at

Butron, na gumawa rin ng dalawang mahusay na home run at tatlong malalakas na hit. Ang pitcher ng Juniors na si Talibong at ang catcher ng Juniors na si Asis ay gumawa ng heroic moves na nagpahirap sa Seniors na mag-home run mula sa una hanggang sa ikatlong inning. Nahirapan ang mga senior na makabalik sa second inning dahil hindi nila nakayanan

ang mabilis na fielders ng juniors, na naging dahilan para hindi sila makauwi.

Si Ecaranum sa Juniors ay gumawa ng malakas na hit na nagbigay-daan kay Pacquiao, Esedillo, Asis, at sa kanyang sarili na makapag-home run sa kalagitnaan ng unang inning, na sinundan ni Talibong, na nagkaroon din ng isang home run, na nagdala sa iskor sa

11-0. Sinimulan ni Pacquiao ang unang inning bilang unang tagahampas at nagtagumpay sa pagpuntirya ng bola, na nagbigay-daan sa kanya na magkaroon ng home run na naging dahilan upang ang kanyang koponan ang unang umiskor. Sinubukan ni Yosores ng Seniors na makauwi sa ikatlong

Unit 2 naghari sa larangan ng Chess

ni RAFAEL GARCES

Matagumpay na nakamit ng Unit 2 ang pag angkin sa pinakamaraming pwesto ng ginto sa iba’t ibang kategorya ng chess sa palarong panlalawigan 2024 na ginanap sa Balingasag Central School, ika-24 at 25 ng Enero.

Umabot ng isang araw at kalahati ang laro sa kategoryang standard na binuo ng pitong rounds habang ang blitz naman ay natapos ng kalahating araw na meron ding pitong rounds. Bawat Unit ay may dalawang representative kaya’t naman bawat manlalaro ay maglalaro ng pitong beses, “round robin.”

Manlalarong sina Janelle Tan at Lyn Getubig ng Unit 2, Dwayne Caneos ng Unit 1, at Jerahmiel Lapad ng Unit 4 ay ang mga nagwagi sa kategoryang standard individual.

Sa kategoryang blitz individual naman ay sina Lyn ng Unit 2, Lapad ng Unit 4, Dwayne at Janin Querequere ng Unit 1 ang nagwagi sa pagkuha sa unang pwesto.

Naipanalo ni Tan ang lahat ng kanyang laro sa kategoryang standard habang si Lapad naman ay naipanalo niya rin ang lahat ng kanyang laro sa blitz.

Hindi mapigilan ni Tan ang kaniyang kasiyahan nang siya ay magwagi at isa sa opisyal na magiging regional qualifier sa larong chess.

“Nalipay kayo ko nga nakadaog ko kay ang goal jud nako kay machampion ko para maka palaro,” sabi ni Tan.

Natapos ang buong laro na mag uuwi ng 8 gold, 2 silver, at 5 bronze ang Unit 2, habang ang Unit 1 ay 5 gold, 7 silver, 4 bronze, ang Unit 4 naman ay 3 gold, 7 silver, 3 bronze, at ang Unit 3 ay nagwagi ng 4 na bronze

Ang Opisyal na Paaralang Pamahayagan ng Jasaan National High School, Jasaan, Misamis Oriental, Rehiyon X
RIA EGARGO
ni CASANDRA DELUNA RAFAEL GARCES
Juniors, inutakan ang Seniors upang makuha ang titulo ng softball
DENUMERO
GOLD SILVER
I-SCAN
TALO BETERANO. Dinungisan ng pangalan ng Grade 11 ang Grade 12 matapos nanguna si Jeremy Piado sa Baseball Championship kamaikalan sa idnaos na Intramurals 2023 sa Jasaan Plaza. Kuha ni Brent Dael
and digital copy

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.