Siklab - Official School Publication of Jasaan NHS in Filipino (2021)

Page 1

STRANDED SA NAIA

BAKUNA MUNA

GUHIT NG KLASRUM Makabagong mukha ng silid-aralan sa New Normal

Flight ng 14 NSPC Delegates, nakansela PAHINA 3

BALITA

Agri-TAE Dito!

Paggamit ng dumi ng oud (vermicast) sa pag papatubo ng halaman PAHINA 10 AG-TEK

PAHINA 5

EDITORYAL

PAHINA 8-9

LATHALAIN

KAYOD-MAHINO

Alumni Palaro Qualifier, todo-ensayo habang lockdown; dumiskarte sa pagiging construction worker PAHINA 12 ISPORTS

siklab ang

Tomo 17 Bilang 1 Ang Opisyal na Paaralang Pamahayagan ng Jasaan National High School Misamis Oriental Rehiyon X

Enero 2020-Abril 2021

NA-KORONAHAN

5 Guro ng JNHS, positibo sa Covid-19 Paggawa ng TVI/RBI materials, naantala JANELLE CRUZ

P

ansamantalang natigil ang produksiyon ng Television Based Instruction at Radio Based Instruction matapos magpositibo sa COVID-19 ang dalawang guro ng Jasaan National High School. Sa panayam via messenger kay Gng. Lorna A. Siao, School Nurse ng paaralan, hindi inaasahan ang pagpositibo ng limang guro kung saan 3 ang mild symptomatic at 2 ang asymptomatic. “In the desire to produce a quality output, others tend to deviate on the required health protocols hence made them susceptible of contamination,” sabi ni Siao. Hinihinalang mula sa unknown specific carrier ang kontaminasyon at pagkalimot sa mga minimum health protocols gaya ng pagsuot ng face mask at social distancing. Sa isang panayam naman kay Gng. Florencia D. Baang, punong guro, inatasan ng DepEd Misamis Oriental ang piling mga guro ng Elementarya at Sekondarya ng Jasaan District sa pagbuo ng mga RBI at TVI learning material bilang bahagi ng alternative delivery mode program.

IPAGPATULOY SA PAHINA 3

DIBUHO NI NEILJAN BENEDICT CRUZ

SERBISYO PUBLIKO

Libreng internet, printing inilunsad ng Jasaan Youth Hub

#deNUMERO

8 sa 10

JANELLE CRUZ

U

pang masolusyunan ang pangunahing Printing Services na siyang at libre talaga lahat, doon nagpa-photocopykami hinaing ng karamihang kabataan sa pinakikinabangan ngayon ng mga kabataan ng 6 copies ng aming 100+ pages na research lungsod ng Jasaan, Misamis Oriental lalong-lalo na sa panahon ng online at modular paper,” paghayag ni Therese Ridao, mag-aaral ng ipinatupad ng Jasaan Youth Hub ang ‘Free learning. Jasaan Senior High School. Services for Youth & Adolescents’. “Mabait ang mga taga JYH, accommodating “Higit pa sa pagpapalago ng kaalaman, Sa isang interbyu ng layunin din naming turuan ang mga ‘Ang Siklab’, sinabi ni Lalaine kabataan ng Livelihood activities, Salcedo, teen center facilitator kaakibat namin rito ang Agricultural ng JYH, na layunin ng kanilang Department nang Jasaan to conduct organisasyong matulungan at seminars for out of school youth gabayan ang mga kabataan lalo children,” ani Salcedo. na ang mga ‘at-risk youth’ at ang Bagaman nais ng institusyon mga kabataang hindi makakuha na tulungan ang lahat subalit, ng sapat na supporta mula sa nilimitahan ngayon ng JYH ang mga magulang. bilang ng mga kabataang pumapasok “Jasaan Youth Hub is a sa pasilidad bilang pagsunod sa IATF community center serving protocols. adolescents in the community, “First come, first serve po it may provide services for kami, we limit the number sa mga at-risk teens…maaari silang pumapasok because of COVID-19. As makipag-ugnayan sa amin para of now, we can cater 10-15 people matulungan namin sila and to and can only admit 5 people who help their health needs through only want to avail our internet ANSWERED PRAYERS. Kita sa mga mukha ng mga mag-aaral sa Jasaan Senior High referral” ani Salcedo. services,” tugon ni Salcedo. School ang pagkapawi ng suliranin sa gastusing pang-internet, printing nang inilunsad ng Jasaan Youth Hub ang libreng internet access at printing sa lahat ng Jasaan Learners sa Isa sa mga programa ng JYH panahon ng online at modular learning.JASAAN YOUTH HUB FB PAGE ay ang Free Internet and IPAGPATULOY SA PAHINA 4

na Senior High School students ay hindi sang-ayon sa pagpapabakuna. COVID-19

PORSIYENTO NG MGA JNHS STUDENTS KUNG SAKALI’Y MABAKUNAHAN

16.67% Hindi

76% 79.76%

Oo

58% ng mga mag-aaral ay mas pinipili ang Modular Learning

24%

0.79%

Di-tiyak

67

estudyante ng SMAW ang nabigyan ng Scholarships ng Godwill Company

ang mas maraming gumagamit ng Mobile Data sa mga mag-aaral ng JNHS


02

Guro noon ng JNHS, balik-bahay na bilang Assisstant Principal ANGEL BASADRE

B

umalik na sa Jasaan National High School ang dating Teacher III na si Gng. Gina J. Barcenal bilang Assistant Principal nito lang ika-30 ng Marso 2021. Sabi sa isang panayam ni Gng. Florencia D. Baang, punong guro, si Barcenal ay magsisilbing assistant principal sa Jasaan Senior High School. “I have been looking forward for her come back, mula sa pagiging plain teacher ng silid-aralan to becoming an assistant principal, she has more to offer,” sabi ni Baang. Sa panayam via chat ng “Ang Siklab” kay Gng. Barcenal na dati ring alumni ng nasabing eskwelahan, hindi niya inaasahang makababalik siya sa loob ng maikling panahon lamang.

Jasaan PNP, nagset-up ng community pantry ANGEL BASADRE

S

a halip na mangred-tag, ang Jasaan Municipal Police Station mismo ang nangunang magset-up ng community pantry sa buong lungsod ng Jasaan nito lang ika25 ng Abril. Ayon Police Major Evary Bacunawa, maliit na tulong lamang daw iyon para sa mga nangangailangan lalo na’t kasalukuyang dinadaranas ng lahat ang isang krisis. “Sa mga willing pang tumulong at magbahagi ng kanilang mga biyaya sa iba, ang Jasaan Municipal Police Station ay handang tumanggap mula sa inyo,” sabi nila sa isang post sa kanilang official facebook account. Marami na ang naging sponsors ng pantry na pinangunahan ng mga opisyales ng mismong Barangay at ng 7-Eleven. “We all know that the government has limited resources, so any effort to help others is very welcome,” dagdag pa nila. May tatlong paraan para makatulong sa pantry at ito ay ang In Kind o ang pagbibigay ng goods donation, In Cash o ang pagbibigay ng financial assistance, at pagboboluntaryo sa pagbabantay at pag-iimpake ng mga goods.

“I have planned to come back in JNHS after 10-15 years yet, calling ng trabaho eh! But, I feel like this is because I am too young to hold the position,” sabi ni Barcenal. Dagdag niya, nakaramdam siya ng maliit na pangamba sa hamon na ibinigay sa kaniya ng Division Superintendent bilang Assistant Principal gawang nabibilang sa mega school ang paaralan. “The position’s never in my dreams. But I know, if it’s God’s plan, everything runs smoothly,” dagdag pa nito.

DEDIKADO SA PROPESYON. Larawan ng dedikasyon sa piniling propesyon na handang sumuong sa anumang hamon si Gng. Gina J. Barcenal sa kanyang pagbabalik sa Jasaan NHS bilang Assistant Principal nitong Abril 2020. JOANN KATHERINE VALLEDOR

STRANDE

TANAW ANG PANGAMBA. Bakas sa mukha ng 14 na MisOr delegates ang pagkabahala sa pagkansela ng kanilang flight pauwi dulot ng airport lockdown nitong Enero 14, 2020. Kuha ni ATHENA APHRODITE YONSON

Pagdami ng LARDO, pinangangambahan Bridging Gap, ipapatupad

P

balita

JANELLE CRUZ

siklab ang

Ang Opisyal na Paaralang Pamahayagan ng Jasaan National High School, Sangay ng Misamis Oriental, Rehiyon X

inangangambahan ngayon ng mga guro ng Jasaan National High School ang pagdami ng mga LARDO o Learner’s At Risk of Dropping Out kaya’t pinaigting ang pagpapatupad ng bridging gap sa ikalawang markahan. Sa online faculty meeting na isinagawa, nabanggit ni Gng,. Florencia D. Baang ang kasalukuyang panukala na bridging gap upang masolusyunan ang LARDO sa paaralan. “Batay sa monitoring ng isinumite ng mga year level chairmen, mapapansing bumababa ang attendance rate ng mga magulang na kumukuha at sumasauli ng self learning modules at answers,” alarming sabi ni Gng. Baang. Bilang tugon, ang bawat classroom adviser ay nagsipagbuo ng mga inisyatibong sasagot sa

kanilang bahala kabilang na dito ang pagdagdag worksheets, constant calls and text sa mga magulang, pagbibigay video lesson. “We really make sure na makakapasa ang mga learners ng needed competencies from the initiatives we are having, this is anyway for their own good that’s why parents really are cooperating,” sabi ni Gng. Natividad Ganzan, Grade 10 Chairman.

QR Code bilang attendance monitoring

Patok ngayon sa classroom ni Bb. Concepcion Zamayla, Grade 9 adviser ng paaralan ang kanyang paandar ng Quick Response Code-based attendance monitoring. Ayon kay Bb. Zamayla, nagsisilbing classroom identification ng mga bata ang QR

code sa tuwing pupunta ang kanilang mga magulang dala-dala ang kopya ng kanilang code, kuntik tick-and-scan lamang ay noted na ang kanilang attendance. “I had this initiative to motivate out learners to reallt do their learning task on time kasi well-checked ang kanilang attendance with the advent of technology,” sabi ni Zamayla. Positibo naman ang nagiging resulta ng paandar ng guro ayon kay Gng. Baang dahil pansin niya sa monitoring ng kanilang chairman ang 98-100% attendance sa schedule ng pasahan. “I am satisfied sa nagiging resulta ng kanyang project sana rin magkaroon ng ibang malikhaing inisyatibo ang ibang kaguruan natin,” ani Baang.

Bagong Humps, perwisyo sa mga motorista ANGEL BASADRE

S

a halip na makatulong sa seguridad, perwisyo ngayon sa mga motorista ang bagong humps sa labas ng paaralan na ipinagkaloob ng Upper Jasaan, Jasaan, Misamis Oriental. Sa minsang pagsakay ng ‘Ang Siklab’ sa habal-habal driver na si G. Mario Ibale, inihayag na ang pagkadismaya sa bagong humps na sumubra ang laki na maaaring sumira sa kanyang motor.

“Okey na po sana kaso ang lalaki po, sumasayad ang aming motor kaya lumiliko na lang kami sa may gilid na walang humps,” sabi ni G. Ibale. Sumangguni ang pahayagan sa Kagawad ng Upper Jasaan na si Hon. Mary April Ganzan upang malaman ang kanilang tugon sa hinaing ng mga motorista. “Amin po yang sosolusyunan bago matapos ang lingo kasama narin sa magpipintura ng mga

humps,” ani Kagawad Ganzan. Kasalukuyan nang tinutugunan ang sigaw ng mga motorista upang hindi na dumagdag-abala ang babala sa labas ng paaralan. “Tumulong din kami sa pagpipintura dahil nahiya na kami sa taga-upper sa request natin na humps, para sa seguridad din yan ng ating mga magulang na kumukuha ng modules,” dagdag ng school guard na si Bosing Loloy.


balita 03

Ang Opisyal na Paaralang Pamahayagan ng Jasaan National High School, Sangay ng Misamis Oriental, Rehiyon X

70% ng mga guro, kulang sa laptop- JNHS Survey

20%

45 guro naayudahan ng laptop

B

NI: ANGEL BASADRE

atay sa online survey ng Jasaan National High School, lumabas na 70% ng mga guro o 59 sa 84 guro ang nangangailangan ng laptop upang mas maging produktibo sa demand ngayong new normal. Sa interbyu via messenger kay G. Ramonito Burato, ICT Coordinator ng paaralan, nabigyan ang 45 teaching personnel ng laptop matapos lumabas ang sarbey. “Na-alarma ang ating punong guro sa resulta ng sarbey, mabuti nalang at may 45 available units tayo sa (computer) laboratory upang magbigay-tugon,” ani Burato. Laking-tulong umano ang ayudang laptop mula sa DepEd lalo na’t mas kinakailangan ang ganitong resourc-

es sa pagsasagawa ng mga gawaing may kaugnayan sa pagtuturo. “We have laptops pero hindi kayang sabayan nang iisang naghihikahos na laptop ang sangkatutak na paper works na nakaabang sa amin, this laptop is a helping hand indeed,” sabi ni Gng. Ailyn Umlas, gurong nakatanggap ng laptop. Kaugnay ang pagbibigay ng mga laptops sa mga kaguruan sa DepEd Computerization Program Batch 2, School Year 2019-2022 Package na naglalayong mapaunlad ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas.

10

Solar LED lights ng kabuuang estudyante inilaan ng Barangay ng Jasaan National High Lower Jasaan para School ang may acces sa ligtas para sa mga at stable na internet. bumabiyahe

2.08M ang igginasta ng MOOE para sa ‘reproduction’ ng modules

ED SA NAIA Flight ng 14 NSPC Delegates, nakansela JANELLE CRUZ

N

akansela ang flight pauwi ng mga National School Press Conference (NSPC) delegates, naging sanhi ng pilitang land travel ng ilan sa mahigit 14 Mis. Or delegates ng NSPC. Sa isang panayam kay, Bb. Jo Ann Valledor, isa sa mga tagasanay ng TV Broadcasting English, tumambang sa kanila ang pagkansela ng Cebu Pacific dahil sa pagsiklab ng COVID-19. “Manila lockdown was scheduled on May 15 12AM. Our flight is on March 14 at 3:55 PM. We were confident then na makakauwi kami dahil before pa sa lockdown ang aming flight,” sabi ni Valledor. Ayon kay Valledor ang mga flight na nasa 10 AM to 12 AM schedule, kinabibilangan ng karamihang Misamis Oriental delegates kinansela ng CebuPac sa naturang araw bago ang itinakdang lockdown. Agad na rumisponde ang local Government Unit ng Jasaan, sa pamumuno ni Mayor Redentor Jardin upang maipauwi via land trip ang mga delegado ng Jasaan kasama ng iilang kasamahan ng Misamis

14

Oriental. “The LGU ensured na makakaalis kami ng Manila before midnight ng March 15 and that we traveled by land on a van to ensure na hindi tayo makakasalamuha ng ibang tao, blessed enough sa ating Mayor,” sabi ni Valledor. Napawi ang bahala ng mga magulang ng mga delegado sa pagbalita na nagtulungan ang ilang mga ahensya upang makauwi sila ng ligtas. “DepEd coordinated with all government agencies para maprioritize tayo sa pag-uwi para palusutin tayo sa check points at sa mga pier we owe it to the delegates’ parents too,” sabi ni G. James Cruz, guro at magulang na kasama sa flight. Alistong nagsagawa ng ‘preventive measures’ ang mga tagapagsanay, bahagi na rito ang alertong pamimigay ng alcohol at vitamins at ang pagiging masusi sa mga pinipiling kainan dahil sa dumaraming banta ng impeksyon. “We are only allowed to descend the van when we need to ride the barge, food was bought

araw ng klase ang naantala dahil sa ipinatupad na lockdown matapos nahawaan ng COVID-19 ang ilang guro sa JNHS

66% ng mga mag-aaraal ng Jasaan National High School ay nag cocommute

The LGU ensured na makakaalis kami ng Manila before midnight ng March 15 and that we traveled by land on a van to ensure na hindi tayo makakasalamuha ng ibang tao, blessed enough sa ating Mayor JoAnn Katherine Valledor JNHS Academic Coordinator

TULOY ANG PRODUKSYON

Pinuri at humanga ang punong guro ng Jasaan National High School sa pagiging ‘flexible’ ng mga guro matapos ang biglaang pag-usbong ng mga kaso ng COVID-19 sa paaralan. Ipinahayag ni Florencia D. Baang, punong guro ng JNHS, na sindak siya sa pagiging ‘attentive’ ng mga guro sa kanilang trabaho kahit na nababaguhan pa sila makabagong sistema ng pagtuturo at ‘independent production’ sa new normal. “Because of the school lockdown, teachers are not required to report to the school. So, all teachers worked from home for almost one month,“ sabi ni Baang

Upang masubaybayan ang kanilang trabaho at mga mag-aaral, ginagamit ng mga guro ang phone calls, SMS, at internet (sa pamamagitan ng virtual meetings, video calls, at social media) bilang isa sa mga paraan ng komunikasyon. Ayon pa ni Baang, tinuloy pa rin ng mga guro ang paggawa ng TVI/RBI learning materials sa bahay sa pamamagitan ng ‘solo shooting’.

Pagbubukas ng klase, suspendedo

Bunsod ng COVID-19 outbreak sa Jasaan National High School, suspendedo ang pagbubukas ng klase. “We are sadden with the unprecedented crisis that occurred in our school that’s why DepEd Misamis Oriental ordered us to suspend module distribution, instead of October 5, 2020, we had it on the last week of October.” Bakas sa mga guro’t magulang ang pag-aalala sa pagpasok sa paaralan sa bunga ng outbreak sa paaralan. “Natatakot na kami,maam baka kasi mahawaan kami ng COVID ‘pag pumasok kami para kumuha ng modules ng aming mga anak,” sabi ni Gng. Rogelene Velez, magulang ng isang Grade 10 learner. Batid ni Gng. Baang ang mga hinaing ng kaguruan at mga magulang ng paaralan kung kaya’t nagbigay kasiguraduhan siya sa mga ito na fully controlled ang sitwasyon. “Na-disinfect na po ng ilang beses ang ating paaralan sponsored by the LGU and the school, gears and given to the teachers and all are oriented with the maximum health protocols,” dagdag ni Baang. Bagaman natagalan ang pagbubukas ng klase, inaasahan parin makasusunod sa end of school year ang Jasaan NHS sa pamamagitan ng ilang initiatives ng mga kaguruan at ilang stakeholders.

ng mga magulang ang kumukha ng instructional support

from legitimate food chains to ensure that we will not be contaminated and coaches made sure that everyone is provided with enough alcohol and vitamins to boost immune system,” sabi ni Valledor. Mailalarawan nang isa sa mga delgado na ‘stressful but enjoyable’ ang land travel ng grupo. Sa inilabas na resulta, lahat ng mga delegado ay nag-negatibo sa COVID-19 at nakauwi sa kanikanilang tahanan nang ligtas matapos ang quarantine period.

mula sa unang pahina Ayon kay Baang, agarang nagtipon-tipon sa paaralan ng JNHS ang pangkat ng TVI/RBI para tugunan ang tungkulin kahit paman sa panahon ng pandemya. Upang maisagawa nang maayos ang produksyon, kinailangang alisin di umano ng mga guro sa harap ng kamera ang kani-kanilang ‘protective gears’. “Paminsan-minsan kinakailangang tanggalin ang kanilang facemask at face shield habang silay gumagawa ng record para sa Telebisyon at radyo...kaya isa ito sa mga sanhi nang masidhing hawaan,” ani Baang. Agad na pinalockdown ng Local Government Unit ang paaralan matapos malaman ang mga pangyayari, higit pa roon sinaklaw ng LGU sa pamumuno ni Hon. Redentor S. Jardin, ang pagsasagawa ng diagnostic tests sa pamamagitan ng Local Inter-Agency Task Force ang mga gurong na-expose “…since wala na talagang workers na nagrereport dito, ang nangyari ay the LGU provided IATF personnels to facilitate and maintain the safety in handling the goods and the disinfection of the surrounding area,” sabi ni Baang. Gayunpaman, patuloy na nagpapagaling ang mga gurong nagpositibo sa COVID19 at naka-quarantine ang mga gurong na expose sa virus.

68%

NA-KORONAHAN


04 balita

Ang Opisyal na Paaralang Pamahayagan ng Jasaan National High School, Sangay ng Misamis Oriental, Rehiyon X

mula sa unang pahina

SERBISYO PUBLIKO

Libreng internet, printing inilunsad ng Jasaan Youth Hub Exclusibo lamang sa mga adolescents, edad na 10-24 ang pinaghahandogan ng kanilang mga serbisyo. Naging kaagapay ng JYH ang Sangguniang Kabataan at social media sa pagsasagawa ng information drive upang mapaabot sa mga kabataan ang nasabing programa. “Our team together with our Sagunniang Kabataan Officers conduct our services through delivering information by giving leaflets to the community, by conducting surveys & advocacies, and by spreading our services by gathering volunteers to help inform youth lalo na sa nga nakatira sa malayong lugar about sa mga services that we cater for them,” dagdag pa ni Salcedo

Youth Livelihood Program,

ANSWERED PRAYERS. Kita sa mga mukha ng mga magaaral sa Jasaan Senior High School ang pagkapawi ng suliranin sa gastusing pang-internet, printing nang inilunsad ng Jasaan Youth Hub ang libreng internet access at printing sa lahat ng Jasaan Learners sa panahon ng online at modular learning.JASAAN YOUTH HUB FB PAGE

ipinatupad

“The municipal government allotted P100K for Gender and Development and we have prioritized Youth Livelihood Program para diyan.” Sabi ni Salcedo. Solusyon umano ito upang matulungan sa aspetong pinansyal at maiwasang malihis ng landas ang mga kabataan ng Jasaan. “Uso ngayon ang online business o kahit na anong negosyo, at least ma-divert ang kanilang isip sa lakwatsa, tulong pa para sa kanilang pangaraw-araw.” dagdag ng Teen Center Facilitator. Kasapi ng programa ang Agricultural Department ng Jasaan upang turuan ang mga

kabataan kung paano kumita ng pera, maging independent at madiskarte sa buhay. Kabilang din sa mga serbisyong inaalok ng grupo ay ang Pre-Marriage Counciling, Jasaan Clear Counciling, Community Outreach Program, Adolescents Sexuality and Reproductive Health, Youth Camps, Youth For You, Youth Development Seminar, Film Showing Discussion, Drug Symposium. Kaagapay din ng JHY ang ilang refferel service office, katulad ng programang Information & Service Delivery Network at Medical Services.

Mabait ang mga taga JYH, accommodating at libre talaga lahat, doon nagpa-photocopy kami ng 6 copies ng aming 100+ pages na research paper, Mary Therese Ridao Grade 12 student

https://psa.gov.ph/tags/teenage-pregnancy

8%

ay isa nang dating ina

2%

ay buntis sa kanialng unang panganay

1 sa 10 dalaga ang nabuntis na sa edad na 15-19.

Teen Age Pregnancy rate, bumaba ng 90% - MSWD TIMOTHY DAJAN

B

umaba ng 90 pursyento ang kaso ng teen age pregnancy rate ng Jasaan kumpara sa nakaraang dalawang taon, mula sa 75 na kaso bago pa magsimula ang pandemya. Ayon kay Marife Daa, isang opisyales ng Municipal Social Welfare and Development, simula ng magkaroon ng pandemya, naitala ang 11 kaso ng teen age pregnancy sa lungsod. "Sa aming nakalap sa mga Barangay Health Worker, 11 teen age pregnancy case ang lamang ang naitala simula yan nung 2020 hangang ngayon" sabi ni Daa . Malaking tulong ang mga ginawang seminar at mga orientation bago pa magkaroon ng pandemya sa

mga estudyante tungkol sa nasabing perwisyong dulot ng teen age pregnancy. "Dahil sa ginawa ng Department of Education lalo dito sa Jasaan na magkaroon ng mga seminar at orientation tungkol sa family planning, paano gamitin ang condom at iba pa tungkol sa maagang pagbubuntis" ani Daa . Ang mga biktima din ng teen age pregnancy ay sumailalim sa counseling sa tulong narin ng MSWD. Sabi pa niya " meron parin kaming counseling tulad dati, kung merong mga report mula sa mga Barangay ay agad namin tung pupuntahan."

Guro’t mag-aaral, nawindag sa panibagong scam JANELLE CRUZ

L

aking-gulat na lamang ni Gng. Doris Balcueva, guro ng Jasaan National High School nang buksan na ang kanyang Facebook feeds at sumambulat sa kanya ang ilang bidyo at litrato na tagged sa kanya ng hindi naman niya kakilala. “Hindi ko alam kong anong gagawin basta tumirik na lamang ang aking mata na parang mahahighblood ako sa’king nakitang mga videos sa FB, ano ba’yon? Sino ba siya?,” sabi ni Gng. Balcueva. Ilang minuto matapos niya itong makita dumami na ang mga shares ng mga kasamahang guro at maging mga mag-aaral na sila mismo’y nakaranas din ng malicious tagging.

“Ewan ko po papaanong nakarating sa akin at na-tag sa akin ang mga porn videos nay un po, hindi ko naman kilala sino yung nagtag sa akin,” tugon ni Annie Rose Gomera, mag-aaral sa Grade 10. Nag-aalala din ang punong gurong si Gng. Florencia D. Baang sa psychological impact nito sa mga mag—aral at kung hanggang saan kaya ang kayang gawin ng mga hacker na ito. Kaya sa pamamagitan din ng Facebook nagkaroon ng share brigade ang mga guro at ilang stakeholders kung papaano mabago ang settings ng kanilang FB Account.

Iwas malicious tagging 1 Pumanta sa “Settings”

3 I-klik ang “Tags”

2 I-klik ang “Notification Set-

4 Piliin ang “Friends” sa

tings”

tatlong pagpipiliin

7 patay, 7 sugatan matapos araruhin ng trailer truck 13 motorsiklo, 6 sasakyan napinsala TIMOTHY DAJAN

7

NANLUMO. Ramdam ang dagdag pasakit sa mga mamamayan ng Aplaya, Jasaan nang tumambulas sa kanila ang disgrasyang kumitil ng 7 katao nitong 2 ng Disyembre habang sila'y nasa iba pang lamay. MENZIE MONTES

ang patay at 7 ang sugatan matapos mahagip ng isang 18-wheeler trailer truck ang isang lamay sa Zone 2, Aplaya, Jasaan, Misamis Oriental nitong Disyembre 2, 2020 ng madaling araw. Ayon kay Police Major Evary Bacunawa, naputol ang chassis ng nasabing truck na siyang may karga ng bulldozer, dahilan para mawalan ng kontrol ang drayber nito. “Sinaway pa namin sila na huwag tatambay sa gilid ng kalsada. Hindi pa masyadong nakakalayo ang patrol nang makatanggap kami ng tawag na may aksidenteng nangyari,” ani Bacunawa. Kabilang sa mga nasawi ang dalawang Kagawad ng Barangay na sina Lemuel Edurot at Welfredo Capillador

Jr. na parehong idineklarang dead-on-arrival. “Nakita ko ang mga tao sa di-kalayuan pero wala na akong kontrol sa truck kaya nahagip ko na ang mga ito pati na ang mga motorsiklo at mga pribadong sasakyan,” salaysay ni Vincent Abuloc, 26, ang drayber ng nasabing truck. Ang 18-wheeler ay pagmamay-ari ng Hexagon Construction Company sa Butuan City at sa Zamboanga ang destinasyon nito para ihatid ang bulldozer roon.

Pangamba ng mga residente

Samantala, ang nangyaring insidente ay nagdulot ng pangamba sa mga lokal na residente. “Paulit-ulit kong naririnig sa isip ko ang mga tunog ng

ambulansya. Hindi ko mabilang kung ilang ambulansya ang nagpabalik-balik,” wika ni Tristan Abella, isang Grade 10 student ng Jasaan National High School na isa sa mga residente ng Barangay Aplaya. Masakit raw sa kanyang dibdib na maraming nasawi sa insidente at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Nangako naman si Mayor Red Jardin na bibigyan niya ng financial assistance ang mga pamilya ng mga nasawi lalo na ang pamilya ng dalawang kagawad. Kasalukuyang hinaharap ni Abuloc ang kasong Reckless Imprudence habang nasa Misamis Oriental Provincial Jail.


05 siklab ang

PUNONG PATNUGOT Justine E. Loreto

IKALAWANG PATNUGOT Alona Mae S. Añon TAGAPAMAHALANG PATNUGOT Mian Casiño PATNUGOT SA BALITA Janelle Grace B. Cruz Angel Louisse P. Basadre

UNA SA BAKUNA

PATNUGOT SA LATHALAIN Rizza Mae B. Quizon PATNUGOT SA AGHAM AT TEKNOLOHIYA Leobel Ferrer PATNUGOT SA ISPORTS Justine E. Loreto TAGA-ANYO Justine E. Loreto

Huwag sayangin ang pagkakataon sa libreng bakuna

I

naasahang sa 3rd quarter pa ng taong 2023 mababakunahan ang 60% ng populasyon ng Pilipinas ayon sa Economic Intelligence Unit (EIU). Napabalitaang dumating sa bansa nitong Pebrero ang first batch ng Sinovac na may 600,000 doses galing sa bansang China at 487,200 doses na Astra Zeneca. Ang bakuna ay ibinibigay na libre at ito ay hindi sapilitan. Bago turukan ay paaalalahanan at bibigyan muna ng konting kaalaman tungkol sa magiging side effects nito. Nasa 16-59 na taong gulang ang maaring maturukan ng bakuna. Ito ay panangga at proteksiyon sa nakamamatay na Covid virus. Mas pinatitibay nito ang iyong resistensiya upang malabanan ang virus kapag ito ay di inaasahang pumasok sa loob ng iyong katawan. Samantala, inumpisahan na ng Local Government Unit ng lungsod ng Jasaan ang kanilang unang batch ng pagbabakuna na ginanap sa Jasaan Central School na pinangunahan ng mga health workers.

Prayoridad ang mga frontliners na mas lantad sa mga virus at silang mga nag-aalaga sa mga nagpositibo sa nakamamatay na sakit. Batay sa sarbey ni Gng. Lorna Siao, school nurse ng Jasaan National high school, 67/91 na mga guro ang sumang-ayon na sila ay mabakunahan. Pinapaalalahanan naman ng Food and Drug Autority (FDA) ang lahat na mag-ingat sa mga pekeng pagsusuri, bakuna at paggamot sa mga coronavirus. Sila ay nakikipag-ugnayan na sa developer ng mga bakuna. Sa panahon ngayon na patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng covid, huwag tayong matakot na magpabakuna sapagkat kaya ito ginawa ay upang maprotektahan ang mga tao laban sa corona virus na patuloy na kumikitil ng buhay. Ayon pa kay Gng. Lorna Siao, bukod sa hindi sapilitan ang libreng bakuna ng gobyerno, binibigyan din nila tayo ng Kalayaan upang makapili sa uri ng bakuna na nababagay sa atin lalo na sa mga may iniindang karamdaman gaya na lamang ng diabetes at cancer. Mas makabubuti

umano para sa mga ito ang magpakonsulta sa doctor sa lalong madaling panahon bago ang dumating ang itinakdang araw ng pagbabakuna upang malaman nila ang tamang uri ng bakuna na babagay sa kanilang kondisyon. Dagdag pa niya, kapag hindi tayo nagpabakuna sa itinakdang araw ng pagbabakuna at nagbago ang ating isip pagkatapos ng itinakdang araw. Kailangan pa umano nating hintaying matapos ang pagbabakuna sa mahigit 60% na populasyon ng bansa na target mabakunahan ng gobyerno at saka pa tayo mabibigyan ng isa pang pagkakataon para sa libreng bakuna. Kung sakali naman umano na maraming umayaw na mabakunahan laban sa covid at konti lamang ang magpapabakuna, pinangangambahan naman gobyerno na mananatili ang pandemya sa ating bansa dahil kaunti lamang sa atin ang magiging immune sa nasabing virus.

MGA TAGAKUHA NG LARAWAN Kim Angelo Dael Timothy Zamayla Jaylourd Ibarra TAGA GUHIT Neiljan Beneict Cruz Hans Sangel MGA TAGASULAT Timothy James T. Dajan Ryan Quizon Guendelen Entice Guendolen Entice Zyle Bea Faye Asis Syril Andrea Tuñacao Glenda Coria Montibon Matt Abellanosa Anna Lhea M. Balingkit Leobel Justine Ferrer Hycer Nicole C. Bagayna MGA TAGAPAYO Judy May Abog Bryan Jacalan Arish Aplicador Angelica Babuyo JOURNALISM COORDINATOR JoAnn Katherine Z. Valledor

PARA KAY ALONA

Higpitan ang pagpapatupad ng Covid-19 safety protocols

ASST. JOURNALISM COORDINATOR Thelma T. Cabello PUNONG-GURO Florencia D. Baang

katuwang ang Rural Health Unit (RHU). Nagpositibo agad ang lima sa mga guro matapos ang ang isinagawang swab testing ng nakakamamatay na virus. Tatlo sa kanila ay nakaranas ng mga simtomas at ang dalawang nagpositibo ay asymptomatic. Upang masigurong hindi makakahalubilo ng mga nagpositibo ang kanilang pamilya at kamaganak, inaprubahan ng Division at Regional office ang mga piling classrooms na gawing quarantine at isolation rooms ng mga guro na nagpositibo. Ipinatupad din ang isang beses sa isang linggo lamang na pagsumite ng mga mahahalagang

dokumento sa tanggapan ng Misamis Oriental Division ng bawat distritong sakop nito. Samantala, hindi naman pinabayaan ng lokal na pamahalaan ng Jasaan at ng mga kapwa guro ang mga nagpositibo dahil nakatanggap sila ng tulong pinansiyal galing sa mga ito para masigurong mapapadalhan sila ng pagkain at vitamins habang mahigpit na ipinatutupad ang safety protocols upang hindi mahawa ang tagahatid ng kanilang pangangailangan. Sa kasalukuyan, lahat ng guro sa paaralan na nagpositibo sa corona virus ay gumaling na. Hindi masama ang pagpapatuloy sa

Nawa’y alagaan nang husto ng mga guro ang kanilang sarili upang makaiwas sa nakamamatay na virus at magsilbing aral sana sa lahat ang kahalagahan ng pagsunod sa mga ipinatutupad na safety protocols

pagseserbisyo sa mga mamamayang Pilipino sa panahon ng pandemya lalo na ang kagustuhang maipaabot nang maayos at mahusay ang kaalamang nararapat para sa mga mag-aaral subalit dapat ding alalahaning kailangan itong maisakatuparan nang hindi nalalagay sa peligro ang kalusugan at buhay ng bawat isa.

Ang mga guro ang nagsisilbing tulay upang mahubog nang wasto ang kaalaman ng mga magaaral nang sila ay maging kapaki-pakinabang sa lipunang ginagalawan. Malaking abala sa pamahalaan kung marami sa kanila ang tatamaan virus at malaking kawalan sa mga mag-aaral na umaasa sa kanilang pagtuturo at mga payo.

Nawa’y alagaan nang husto ng mga guro ang kanilang sarili upang makaiwas sa nakamamatay na virus at magsilbing aral sana sa lahat ang kahalagahan ng pagsunod sa mga ipinatutupad na safety protocols ng pamahalaan upang hindi na maulit pa ang nangyari.

opinyon

M

atapos ang isinagawang TVBI at RBI activities sa loob ng paaralan sa nakaraang taon, nagkaroon ng Covid outbreak ang mga guro sa Jasaan National High School. Sa kagustuhan na makapagbigay ng dekalidad na outputs mula mga aktibidades, naisawalang bahala ng mga guro ang ilang safety protocols gaya ng pagsusuot ng face shield at pagsunod sa 1 meter physical distancing. Agad na nagdeklara ang punong-guro ng paaralan ng work from home at nagsagawa naman ng contact tracing ang nars ng paaralan

Ang Opisyal na Paaralang Pamahayagan ng Jasaan National High School, Sangay ng Misamis Oriental, Rehiyon X


06 opinyon

Ang Opisyal na Paaralang Pamahayagan ng Jasaan National High School, Sangay ng Misamis Oriental, Rehiyon X

WALANG AAWAT KAY MATT

DI PASISIIL SI SYRIL

Lumulobong Problema

Para sa Sarili, Para sa Bayan

N

aging parte na ng kanyakanyang buhay ang face shileds at face mask na tila ba’y panangga sa ano mang uri ng sakit, hindi lang sa COVID 19. Ngunit hindi maikakailang tayo’y mas takot pa sa pulis kesa sa virus at napipilitan lang magsuot para di mahuli ng awtoridad. Lahat tayo’y sabik na ibalik lahat sa dati. Nagnanais na dumating ang isang araw na malaya na tayong lahat, bata man o matanda. Lahat ay nananabik sa kalayaang dati’y ibinigay ngunit ngayo’y ipinagkait. Hindi ipinagkait ng tao ngunit ng isang kalabang walang hawak na armas at mismo’y walang pisikal na anyo ngunit umaagaw ng buhay. Tila’y naging normal na saatin ang pagtaas ng kaso ng COVID active, lalo na’t sa ating munisipalidad ay wala masyadong namamatay at nakaka-rekober lang din naman. Ang iba nga ay hindi man lang nakaramdam ng sintomas ngunit nag positibo sa swab test. Ang tanong ng bawat tao’y “Totoo nga ba ang COVID? O minamarka lamang na positibo para sa pera?”. Base sa pagsusuri na tinugunan ng ilang pamilya sa Luz Banzon, lahat ay hindi sigurado kung totoo pa ba ang COVID ngayon, ngunit lahat naman ay nagsusuot ng proteksyon at sumusunod pa rin sa batas. Hindi na natin alam kung anong totoo, ngunit mas mabuting iwasan kung ayaw nating buhay ay mataningan. Totoo man o hindi, ang face mask ay

importante, may COVID man o wala. Naririnig natin ang balita ngayon tungkol sa India. Akala nila’y ligtas na sila sa COVID dahil tuloy-tuloy na ang pagbaba ng mga kaso kaya bumalik sila sa dati at nagpakasaya, tulad ng kasiyahang naidulot ng kalayaan noong 2019 at sa mga nakalipas pang taon. Nang dahil sa maling akala, nagtitiis ngayon ang bansang India. Ipinalit nila halos ang kanilang buhay para sa panandaliang saya. Hindi na man gaano kasikip ang batas sa atin ngayon, patuloy tayong kagsuot ng proteksyon, para sa ating sarili, at para sa bansa. Hindi lang naman COVID ang maiiwasang sakit dahil sa mask, pati na ang mga sakit na nakukuha natin sa maalikabok na daan at marami pang iba. Nakakasawang magsuot ng mask at face shield ngunit ang pagtitiis na ito ang magdadala sa ‘tin sa kalayaang isang taon na nating kinasasabikan. Sana’y kapulutan natin ng aral ang nangyari sa India. Huwag nating antayin na magaya tayo sa kanila. Mas mabuting mag tiis tayo ngayon kaysa ipalit natin ang ating mga buhay. Manatili sa bahay at iwasang mapalapit sa virus. Ang face masks at face shields ay parte na ng buhat ng bawat isa ngayon, sa ayaw o sa hindi.

P Nakapanlulumong isipin na sa murang edad na 10, nagdadalang-tao na ang isang babae kahit hindi pa lubusang mulat sa reyalidad ng buhay.

KARAPATAN NI MIAN

Edukasyon sa Likod ng Pandemya

K

atulad ng maraming bansa, importante para sa mga Pilipino ang edukasyon. Halos lahat ng trabaho ay nangangailangan ng educational background kahit maliit ang sweldo. Ma - trabaho man sa mall ay kailangan ng pinag-aralan. Isa pa, para sa mga magulang na Pilipino, tanging ang edukasyon ang maipapamana nila sa kanilang mga anak na madadala nila habangbuhay. Ang pagiging edukada sa Pinas ay minsa’y batayan ng mga tao sa respeto. Nang lumobo ang kaso ng COVID-19, tumigil ang mundo ng lahat. Nanatili sa kanya-kanyang bahay, at ang mga mall ay nagsara ng pinto. Pati ang pag-aaral ay natigil. Sa halos 4 na buwan, nasolusyonan at nagawan

ng paraan ng pamahalaan kung paano mapapatuloy ang edukasyon sa gitna ng pandemya, isa dito ay ang modular learning. Lahat ay mahirap sa una. Mahirap ngang mag-aral sa paaralan, sa bahay pa ba? Swerte ang may mga WiFi o internet connection dahil matutulungan sila ng Youtube na maintindihan ang mga aralin. Ngunit sa mas nakararaming mag-aaral na walang WiFi, naging isang malaking hamon ang pag-aaral sa pandemya. Malapit nang matapos ang isang school year mula nang mag pandemya. Maraming nagpakamatay, maraming tumigil, at mas marami ang nagpatuloy. Talagang sobrang hirap sa simula ngunit sa paglipas ng panahon, natutunan ng lahat na makisama. Hindi maipagkakait na nagustuhan na rin ng

karamihan ang modular learning. Walang responsibilidad sa paaralan, wala masyadong perang magagasta para sa pagpunta sa paaralan, at hawak mo ang oras mo. Hindi kailangang gumising nang maaga, kahit sa madaling araw ay pwede mong gawin ang mga gawain. Ang ilang mga estudyante pa nga ay naisingit ang pagnenegosyo online habang nag-aaral. Sa una lang mahirap, ngunit sa pagtakbo ng panahon ay nakasanayan. Siguro, kung biglang ibabalik ang face to face classes, maninibago ang lahat. Lahat ay nanibago sa pagbabagong idinulot ng pandemya. Ngunit lahat rin ay nakasanayan at sa katagala’y nagustuhan na rin ang mga pamamaraan sa pagsugpo ng pandemya. Mahirap man

pakisamahan ang modular learning, minsan ma’y gusto mo nang gutaygutayin ang module, subalit sana’y tandaan nating sa pagsunod ng batas, maisasalba natin ang bansa o kahit ang daigdig mula sa pandemyang nakapatigil ng buhay ng lahat. Sulong lang ng sulong, pwedeng magpahinga ngunit walang uurong.

lahat rin ay nakasanayan at sa katagala’y nagustuhan na rin ang mga pamamaraan sa pagsugpo ng pandemya

TINIG NG PUBLIKO Bakit ka lumalabas ng bahay kahit nasa kalagitnaan pa tayo ng pandemya? Lumalabas ako dahil kinakailangan. Isa akong guro kaya dapat akong magtrabaho para matulungan ang mga estudyante ko. Pumupunta ako sa paaralan para pagreport sa aking trabaho. Orgenia Ganzan, isang guro ng JNHS

Lumalabas ako sa bahay kahit alam ko na may problema pa sa virus na ito dahil kinakailangan ko na tustusan ang pangangailangan namin sa araw-araw. Nagiingat naman din ako at tsaka hindi naman magkapareha ang sitwasyon dito sa Jasaan at doon sa Maynila Evangeline Cortez, isang magulang ng estudyante sa JNHS

osibleng umabot ng 110.8 milyon ang populasyom ng Pilipinas sa panahon ngayong pandemya ayon sa pagtataya ng Commission on Population and Development (POPCOM). Inaasahang tataas ang population growth rate ng bansa na noong nakarang taon ay nasa 1.31 porsyento at madadagdagan na naman ang problema ng bansa dahil sa patuloy na paglobo ng populasyon. Tataas nga naman talaga lalo na at kaliwa’t kanan ang pagpapatupad ng lockdowns kung saan magkakaroon ng mas maraming oras na magkasama ang mga may asawa o kaya naman ay ang mga magka-live-in partner. Sa datos GOVPH noong 2020, lumalabas na sa kabuuang populasyon ng Misamis Oriental na 889,452, anim na porsyento nito o 54,478 ay ang populasyon ng lungsod ng Jasaan. Sa iba pang pag-aaral, lumalabas na unti-unting tumataas ang populasyong ng bawat lungsod sa bansa at ang kadalasang dahilan nito ay ang patuloy na pagtaas ng kaso ng Teenage Pregnancy. Nakapanlulumong isipin na sa murang edad na 10, nagdadalang-tao na ang isang babae kahit hindi pa lubusang mulat sa reyalidad ng buhay. Ayon sa RHU ng Jasaan, sa kaso ng batang ito ay hindi pwede na sa Center at hospital ng lungsod magpapre-natal kundi diretso sa Northern Mindanao Medical Center sapagkat malaking ang posibilidad na ang mga ganito kabatang nagdadalang-tao ay makaranas ng pagdurugo. Hindi pa kasi umano handa ang kanilang uterus sa pagdadala ng bata. Bukod pa rito, mas pinahirap ng kinakaharap nating pandemya ang sitwasyon ng mga nagdadalangtao sa kasalukuyan dahil maging sa pagpapa-check up sa doktor o pagpapa-prenatal sa barangay o hospital ay kinakailangan ng ibayong pag-iingat upang hindi mahawaan ng corona virus na maaring maglagay sa peligro ng mga buntis at ng sanggol sa kanilang sinapupunan.

Umabot ng 196,000 taon-taon ang kaso ng teenage pregnancy at 500 teenage girls ang nanganganak araw-araw batay sa Commission on Population (POPCOM). Ayon naman sa UN Population Fund na mahigit P33B ang nawawalang kita sa bansa sa paglobo ng kaso ng teenage pregnancy. Ang pagtaas ng populasyon ng ating bansa ay nakasasama. Nagreresulta ito ng pagbagal ng takbo ng ating ekonomiya kung kaya’t mahina ang pagpapasigla nito. Importante ang pagtaas ng ating ekonomiya sa panahong ito kung saan marami ng naghihirap dahil sa pandemya at tumataas na rin ang utang ng bansa natin. Kung sino pa ang naghihirap ay siya pang anak ng anak. Dapat isipin natin kung tama ba ang ginagawa natin at dapat tignan natin ang epekto nito sa ating buhay at lalong-lalo na sa ating lipunan. Malaki na ang problemang kinakaharap ng ating bansa dahil sa COVID-19 Pandemic ngunit mas lalaki pa ito kapag ang epekto ng paglobo ng populasyon ay magpapakita na. Huwag na nating hayaan na lumaganap pa ang problemang tulad nito at kumilos tayo ayon sa kaya nating gawin upang masolusyonan ito. Tayong lahat ay may responsibilidad sa pagpapabuti ng ating bansa at hindi lang ang gobyerno ang haharap nito. Tayong kabataan ay dapat umiwas sa maagang pagbubuntis at ang mga may pamilya na ay dapat lamang magkaroon ng family planning, sa ganitong paraan pa lamang ay makatutulong na tayo. Maging responsableng tao para sa sarili, sa pamilya at sa lipunan. Bukod dito, paigtingin pa sana ng Department of Health ang mga counselling, mga info drive at ang pagpapaunawa sa family planning katuwang ang iba pang sangay ng gobyerno upang mas magabayan ang mga magulang at kabataan. Sa ganitong paraan, maaaring maibsan ang lumulobong problema ng ating pamahalaan sa patuloy na pagtaas ng populasyon ng ating bansa.

liham sa patnugot Minamahal kong Siklab, Magandang Araw. Gusto ko lamang ipaabot ang aking hinanaing tungkol sa pagkuha ng aming mga modules sa panahon ngayon kung bakit hindi kami pwedeng kumuha at tanging magulang lang namin ang pwede. Ngunit may mga panahong may mas importanteng lakad ang aking magulang kaya hindi nakukuha ang aking modules. Bakit nga ba hindi kami pwedeng kumuha kahit maliit lang naman ang kaso ng COVID-19 dito sa atin?

Mahal naming mag-aaral, Maraming Salamat sa paglahad ng iyong saloobin tungkol dito. Sa Jasaan National High School, iniiwasan natin na kumuha ang mga batang 15 yrs. old pababa kasi mas malaki ang tyansa na sila ay mahawaan. Sumusunod lang tayo sa kautusan ng IATF upang hindi na mas rumami ang kaso ng COVID-19 sa ating lungsod. Ngunit kung hindi man makakakuha ang nanay mo ng modules sa araw ng kuhaan ay pinapayagan naman kahit ang kapitbahay na ang magpasa o kahit pagkabukas na lamang kunin. Sana ito’y nakatulong sa iyo at stay at home Lang palagi dahil nasa gitna pa tayo ng pandemya.


Sino si Mar ites?

K

amakailan lang ay naging tanyag si Justine Luzares, isang social media influencer na siyang nagbigay mukha kay Marites ng makabagong panahon. Si Marites ang representasyon ng lahat ng taong may matalas na pandinig, malikot ang mata at makati ang dila. Si Marites na may malubhang kapansanan dahil pinanggagalingan ng mga pekeng balita at ilan na ring tinaguriang salot at sakit sa lipunan. Dala ng modernisasyon, abot ang bawat sulok ng mga balitang napapanahon. Lahat inuusisa. Lahat nakakaalam. Lahat ibinabahagi. Pero lahat ba ng ito ay tama? Madali na para sa lahat ang magpakalat ng impormasyon. Itanggi man ng bawat isa sa atin, may minsang maaari mong tawagin ang iyong sarili bilang own version mo ng Marites. Gamit ang mga social media accounts, nakapagbahagi na ang lahat ng mga impormasyong peke o hindi totoo at nakapagdala ng hindi magandang epekto sa mga taong nakabasa o nakalaam nito. Sa puntong ito ay bobong Marites ang pinaiiral natin dahil sa aksyon

nating ito. Ilang segundo pa ay nabasa na uli ito ng ilan. Ipinagkalat ng matabil na dila ni Marites ang balitang nahagilap. Ngunit mas pinairal ng version ni Marites ang kanyang pagka pipi at hindi man lang ipinagsabi na ang balitang kanyang ibinahagi ay parang kabulaanan lamang at walang katotohanan. Minsan si Marites ay isang bulag. Dilat man ang mata’y hindi binibigyang-pansin ang katotohanan. Hindi ba kayang mawari ni Marites na sa kanyang pagkabulag ay may iba rin siyang natatamaan at nagiging bulag na rin sa pawang katotohanan? At ang isa pang pagkakakilanlan ay ang binging si Marites na may tainga man ay hindi ginagamit upang makarinig ng tama at wastong impormasyong dapat ibahagi. Patay-malisyang wari mo’y hindi alintana ang dalang alingawngaw sa mga maling balitang kanilang dinadala sa kapit-bahay at lipunang ginagalawan. Kinamumuhian ngunit minamahal ng lahat. Si Marites ang bagong mukha ng tsismis.

Kamand ag na D a l a ni Mar it es

H

indi maikakailang minsan sa buhay natin, tayo ay naging tampulan na rin ng usapan ng mgaMarites sa komunidad na ating kinabibilangan. Gaya na lamang ng ilang nag-positibo sa Corona Virus 2019 (SarsCoV19). Nakaligtas man sa nakamamatay na virus pero hindi sa mga matatabil na dila ng mga dakilang-Marites na nagpakalat ng ilang mga maling impormasyon. “Hindi naging madali para sa ilan ang malamang kami ay nagpositibo sa virus. Yung time na iyon, parang lahat ay takot sa amin. Lalong natatakot ang mga tao dahil sa mga maling impormasyon at kakulangan ng kaalaman ng mga tao sa aming komunidad.” salaysay ni J-Local Case #2 ng siya ay makumpirmang nagpositibo sa CoVid 19. Ayon pa sa kanya, hindi maipaliwanag ang kaniyang naramadaman. Bukod sa pisikal na karamdamang iniinda ng epekto ng sakit, dumagdag pa ang emotional distress na dulot ng mga maling impormasyon. “There was an instance na dahil sa sobrang takot ng mga tao, hindi man lamang nila pinagbibilhan ng isda ang ilan sa aking mga kapamilya, ang ilan sa aming kapitbahay ay na-bully sa pamilihan dahil sa pekeng impormasyon na dala ng mga Marites na walang muwang. ”. dagdag pa niya.

08

Isang malaking hamon para sa kanyang pamilya ang gibain ang mga maling paniniwala ng mga-Marites sa kanilang komunidad. “When I was tested positive with the virus, na-realized ko na kahit anong pag-iingat natin lahat tayo ay vulnerable na mahawa at vulnerable na pag-usapan ng komunidad kahit ang ilan sa kanilang mga sinasabi ay walang katotohanan. Walang pinipiling tao at oras.” kwento naman ni J-Local case #4. Hindi man nagpositibo sa virus si Ginang Irene, pero nabiktima naman sila ng kamandag ni Marites na naging dahilan upang maging tampulan sila ng mali-maling balita sa kanilang barangay na nagdulot ng hindi kanais-nais na karanasan para sa kanya at ng kanyang pamilya. “Grabe na gyud ang estorya sa mga tao sa amung palibot, nga mao kini, mao kana.”, salaysay pa niya. Isang balitang wala namang katotohanan at maling impormasyong kumalat na nagdulot sa kanila ng matinding pag-aalala. Ayon sa pagsisiyasat ng Tinig ng Publiko, apat sa walong katao ang nakaranas na mabiktima ng mga makamandag na dila ni Marites. At ilan lamang ang mga kwentong ito ang nagpapatibay na ang mga malubhang sakit ni Marites, ang pagiging bulag, bingi at pipi ay isang kamandag na nakatanim na sa lipunan.

Marites version 2.0

M

edukadong Marites. Dapat maging mas conscious sa lahat ng mga impormasyong ibinabahagi either sa social media o sa personal man. Words can either destroy or build people”. Dagdag pa niya, “Huwag maging bobong Marites. Si Marites ay hindi dapat pinapa-iral lalong-lalo na kung CoVid 19 ang pag-uusapan. Hindi lamang impormasyon o balita ang iyong pinaglalaruan, bagkus buhay at kaligtasan ng tao ang nakasalalay.” Hindi kinakailangang ang bagong bihis na Marites ay mga taong makapangyarihan sa lipunan. Lahat ay may kakayahang maging bagong bihis na Marites. Iyong si Marites na magdadala ng pag-asa sa bawat balitang dala. Naglalaman ng katotohanang walang labis, walang kulang.

MARITES Bagong mukha ng paglaganap ng maling balita GUENDELEN ENTICE & GUENDOLEN ENTICE

I

ka-nga ng Siakol sa kanta nilang pinamagatang Tsismis, "Ba't bibili pa ng d'yaryo o makikinig sa radyo, tumambay lang sa bawat kanto sari-sari pang sikreto, buksan maigi ang 'yong tenga at 'wag kang tatanga-tanga, baka ang topic sa intriga ikaw pala ang bida".

lathalain

adungis man, kung iyong bibihisan ay kikintab pa rin. Kayang-kaya bihisan at gawing bagong version si Marites na kilala bilang may kapansanang nagdudulot at nagpapabulok sa lipunan. Gamit ang makabagong teknolohiya at pamamaraan, kayang tulungan ang mga walang muwang na Marites at gamutin ang kanyang malubhang karamdaman. Kapag ang lahat ay magtutulungan at magbibigay ng bagong perspektibo kung paano gamitin ng tama ang social media, hindi man madalian pero magdudulot ito ng pagbabago. Naging primary source na ang social media ng mga pambansa at lokal na balita. Palaging naririnig ang paalala sa lahat na platforms ang “ Think before you post”, linyang paboritong bigkasin bilang personal na pagpapa-alala kay Bb. Zoe. “In this modern but trying times, kailangan ng lipunan ang mas

siklab ang

Ang Opisyal na Paaralang Pamahayagan ng Jasaan National High School, Sangay ng Misamis Oriental, Rehiyon X DISENYO NI JUSTINE E. LORETO


08 lathalain

Ang Opisyal na Paaralang Pamahayagan ng Jasaan National High School, Sangay ng Misamis Oriental, Rehiyon X

GUH ng

KUWADRADO

M

aingay pero masaya. Masikip pero nagkakasya. Makalat pero nalilinis. May guro at mag-aaral. Ganito ang senaryong inilarawan ni Ma'am Renia sa loob ng kanyang klasrum bago pa man sumapit ang makasaysayang araw, ika-5 ng Marso 2019. Isang senaryo na tauntaon niyang napagmamasdan at nakasanayan sa klasrum sa loob ng 25 taon na niyang pagtuturo. Isang klasrum na siyang bumubuo sa ala-ala ng mga mag-aaral na hindi nila sana makakalimutan. Ngunit ang lahat ay parang nagbago sa isang iglap. Tuwing pumapasok si Ma'am Renia at ang libo-libong guro sa Pilipinas hindi na nila napagmamasdan muli ang mga araw na sabay-sabay na gumagawa ng mga proyekto ang mga mag-aaral. Mga araw na tatango at ngingiti dahil nakuha nila ang konseptong gustong ituro ng guro sa agham. Mga araw na itataas ang kamay sa gitna ng talakayan sapagkat di maintindihan ang formula sa matematika. Mga araw sa loob ng klasrum na aalingawngaw ang bawat indak sa saliw ng musika sa kanilang asignatura sa MAPEH. At ang pagtipa ng mga daliri sa gitara ng mga magaaral na kakanta tuwing tanghalian at pagsasaluhan na parang panghimagas ng bawat isa. Mga araw na babalikan na lamang ng mga mag-aaral at guro na magsisilbing ala-ala. "Ibang iba na ang awra ng paaralan nang magbukas ang taong ito. Walang mga mag-aaral na tumatakbo sa mga pasilyo. Nakakapanibago." Dagdag pa ni Ma'am Renia. Ang dating klasrum na puno ng mga mag-aaral ay napalitan ng modyuls. And dating mga yapak ng mga kabataan ay napalitan ng ingay ng mga printers at riso machines na wari mo'y nagsisigawan sa sobrang paggamit para maimprenta lamang ang mga sagutang papel ng mga mag-aaral.

Ang dating maingay pero masayang klasrum ay napalitan ng isang nakabibinging katahimikan. "Sino ba naman ang mag-aakalang darating ang panahon na ako ay magtuturo at tatawaging guro sa mga mag-aaral na hindi ko man lang nakikita? Mga magaaral na hindi ko man lang personal na kilala?", wika uli ni Ma'am Renia. "Mahirap bigyan ng buhay at masiglang ambiance ang paaralan at klasrum basta walang mga magaaral. Pero magkagayon man ay kinakailangang ipagpatuloy ang pagpasok at pagtuturo kahit na hindi namin nakikita ang mga mag-aaral. Hindi man namin sila nakikita arawaraw pero alam naming naghihintay sila sa bawat hakbang na aming ginagawa makarating lamang sa kanila ang aming mga inihanda upang maipagpatuloy ang kanilang pagkatuto sa mga competencies sa taong ito". Wika naman ni Sir Burato, guro sa Matematika. Sa gitna ng modernisasyon na kung saan ay gumagamit na ng cellphone, mayroon pa ring ilang mga magulang ang hindi kayang bigyan ng gadget ang kanilang mga anak, na lalong nagpahirap sa mga guro upang kumunekta sa mga estuddyante.

I felt like I am not giving my hundred percent potential kase feeling ko hindi nakikita ng aking guro ang hundred percent effort ko sa aking mga submitted outputs. Mary Therese Ridao Grade 12 Student, JSHS


lathalain 09

Ang Opisyal na Paaralang Pamahayagan ng Jasaan National High School, Sangay ng Misamis Oriental, Rehiyon X

HIT

Klasrum Makabagong mukha ng silid-aralan sa New Normal

S

RIZZA QUIZON & RYAN QUIZON

a klasrum may batas, bawal lumabas. Paano kung ang bagong klasrum ay sa labas?

BILOG

"

REKTANGGULO

A

ng dating rektanggulong hapag-kainan ng pamilya nila Aling Grace na tuwing kainan lamang ginagamit ay napalitan ng mga nagkalat na modyuls. Hindi paman oras ng kainan ay abala na siya upang turuan ang kanyang dalawang anak na nasa elementarya at dalawang anak sa hayskul. "Kung sa una, ma-busy ra ko sa pagpanglaba, pagluto sa pagkaon ug panglimpyo karon nabusy nako pag-ayo nga dili naman gani ko makapanudlay kay daghan pa ang itudlo nako sa akong mga anak arun naa sila makat-unan ayha ipasa ang modyuls sa eskwelahan". daing pa ni Aling Grace. Pinagkakasya niya ang kanyang mga anak sa lamesang hapag-kainan upang maturuan sa mga activities na kailangang sagutan. Idagdag pa ang minsang hindi lang ang kanyang anak ang hindi nakakaintindi sa mga paksa, maging siya mismo bilang isang ina sapagkat hindi rin naman siya nakapagtapos ng pag-aaral. "Naa gyud panahon nga makahinuklog ko ug maghuna-huna unsaon pagtabang akong mga anak nga dili man nako ma-answeran tanan kay wala man pud nako masabtan. Maluoy ko sa akong mga anak" wika pa ni Aling Grace. Si Aling Grace ay isa lamang sa mga milyon-milyong mga magulang na nagkakasya na lamang sa kung ano ang kanilang kayang gawin para maitawid lamang ang new normal na set-up ng sistema ng edukasyon sa taong ito. Sila na mga magulang na gumagawa ng paraan upang maging klasrum ang kanilang tahanan kahit na salat man sila sa kakayahan. Hindi maikakailang hindi lahat ng mga tahanan ay "conducive" para matuto ang mga mag-aaral tulad na lamang ng mga anak ni Aling Grace. Ang mga mag-aaral ay hindi magawang makapag-pokus lalo na kung sila ay nasa elementarya at hayskul pa. Kinakailangan nila ang tamang kapaligiran upang matuto. "Napakahirap turuan ng aking mga anak lalo na kung naka-switch on na ang aming telebisyon at internet. Pahirapan sa pagpapatapos na sagutin ang mga activities sa modules dahil madali silang ma-distract", ani naman ni Mang Brian, ama ng dalawang hayskul na mag-aaral. "Tinuturuan naming mag-asawa ang aming mga anak sa lamesa na aming ginagamit na hapag-kainan kase wala naman kaning extra na space sa aming bahay. Mas madali rin sa mga anak ko na magsulat sa lamesa" dagdag pa ni Mang Brian. May ilang mga magulang ang nagbabahagi naa napagtanto nila kung gaano kahirap ang magturo, lalo na ng kanilang sariling mga anak. Bukod sa limitadong kasanayan sa estratehiya kung paano mapapataas ang attention span ng kanilang mga anak ay ang kanila mismong kapasidad bilang magulang para maging guro. "Talagsa magduha-duha ko kung insakto na ba ang gitudlo nako sa akong anak. Wala koy lain masaligan kay di man sab ko makakuha ug tutor kay wala naman gani ko trabaho. Lisod kaayo ang kahimtang sa pag-eskwela karon", daing naman ni Ginang Gina naa may anak na pinapa-aral sa Senior High School. Nahihirapan man ang mga magulang na turuan at maging guro para sa kanilang anak, masasabi pa ring hindi sila sumusuko na ibigay ang lahat ng kanilang makakaya para maging posible ang pagkatuto ng kanilang mga anak kahit ang klasrum ay sa loob ng kanilang tahanan. Makikita na may isang daang porseyento pa rin na attendance ang mga magulang sa oras ng bigayan at pagsasauli ng modyuls. Patunay lamang ito na ang pagkatuto ay hindi lamang mahihinto sa loob ng klasrum sa paaralan, makikita rin ito sa rektanggulong hapag-kainan ng bawat tahanan.

Paggising sa umaga sermon ang almusal, bago pumasok sa eskwela" ito ang ilan sa mga lyrics ng kantang paboritong kantahin ni Ryan Quizon, isang Grade 10 student. Pero noon iyon, hindi na ngayon. Kase ang sermon ng kanyang magulang ay hindi lamang pang almusal bagkos hanggang hapunan na. Sapagkat hindi na naman siya pumapasok sa eskwela kase ang bago bilang klasrum ay umiikot na parang bolang bilog sa social media. Sa pagbukas ng pasukan sa bagong taon ay ang pagbabago rin ng pamamaraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Hindi nila nakikita ang kanilang guro at personal na nakakasalamuha ang kanilang mga kaklase. Mabuti na lamang dahil sa tulong ng mga makabagong kagamitan, naging posible ang pagpapalitan ng impormasyon ng mga magaaral at guro gamit ang social media groups at chats. Ang dating maingay na klasrum ay mga pop messages na lamang. Ang dating tawanan ay napalitan ng mga emoticons na gumagalaw. Ang dating balitaktakang palitan ng ideya sa loob ng klasrum ay binago ng tagging at hashtags sa posts. Lahat ay umiikot na gamit ang social media. Pinapadali. Iyon ang akala natin. Pero minsan mali. "Dahil sa CoVid hindi posible ang face-to-face kaya mahirap maintindihan ang lesson kahit na may modyuls na ibigay." wika ni Joyce Bernat, isang mag-aaral sa Grade 9. Isa lamang si Joyce sa napakaraming mag-aaral na hindi sanay sa self-directed learning. Hindi sila ang mga uri ng mga magaaral na matututo kung magbabasa lamang. Mas ninanais nila na makaharap at makita ang kanilang guro habang nagtuturo. Sabihin mang karamihan sa mga mag-aaral ay may kakayahan ng maka-access sa social media at sa internet ay hindi pa rin nangangahulugang mataas ang lebel ng kanilang pagkatuto at performance. Gaya na lamang sa karanasan ni Mary Therese Ridao, isang mag-aaral sa Grade 12. " I felt like I am not giving my hundred percent potential kase feeling ko hindi nakikita ng aking guro ang hundred percent effort ko sa aking mga submitted outputs. Iba pa rin kase iyong nagkikita kayo ng teachers mo face-to-face kase may paraan ang mga guro kung paano mag-evaluate ng learning ng mga mag-aaral", wika pa niya. Bukod pa rito, dahil ginagamit na ng mga mag-aaral ang social media at gadgets sa pagsagot ng kanilang modules, naging daan din ito upang mas lalo silang malulong sa mga mobile games. "Pag nagse-search ako, napapadpad nalang ako sa Mobile Legends hanggang sa nakalimutan ko nalang na may modules pa pala akong kailangan sagutin." kwento ni Chester Kent Labastida, isang Grade 7 student. Pahirapan ng pagkontrol at disiplina sa loob ng bilog na klasrum. Waring walang limitasyon ang hangganan ng klasrum na ito dahil sa internet. Ang klasrum na kung mapapabayaan at hindi mabibigyang-gabay ay maaaring mauwi sa maling paggamit. Isang matinding hamon ang kinakaharap ng mga mag-aaral at guro,hindi lamang sa Pilipinas pati na rin sa buong mundo. Subalit sa gitna ng hamong ito, hindi pa rin natitinag ang paniniwala ng bawat isa na darating ang araw na masisilayan muli ng mga guro ang ngiti ng mga mag-aaral sa loob ng klasrum. Isang ngiting hindi tinatabunan ng facemask at takot sa kalabang hindi nakikita. Bagkus,isang ngiti ng pangakong hindi napako at pag-asang muling magbibigay sigla at guguhit sa bagong mukha ng klasrum sa bawat mag-aaral sa buong mundo.


10

Agri-TAE DITO!

Paggamit ng dumi ng oud (vermicast) sa pag papatubo ng halaman JUSTINE FERRER

B

agham at teknolohiya

ukod sa pangingisda, pagsasaka ang isa sa mga pangu¬nahing pangkabuhayan ng mga Pilipino. Sa katunayan, marami sa ating mga produkto ang ine-export sa iba’t ibang bansa dahil sa kalidad nito. Pero sa kabila nito marami pa ring problemang bumabagabag sa mga magsasaka sa kanilang sakahan. Isa na dito ang hindi sapat na ibinibigay na pundo ng pamahalaan sa Department of Agriculture. Isa sa mga mag-aaral ng Jasaan National High School ay nagsagawa ng pag-aaral tungkol sa pagpapatubo ng mais gamit ang vermicast na ginamitan ng tatlong magkakaibang kulay ng water cellophane (blue, green at red). Ang vermicast ay ang pinakamabisang organikong pataba galing sa dumi bulate o maari ring mga tira-tira na pagkain. Mayroong 2 set ng tigsi-siyam na paso na nilagyan ng corn seed. Ang isang set ay hinati sa tatlo na hinaloan ng vermicast at ibinalot sa tatlong kulay na water cellophane ang blue, red at green. Habang ang isa pang set ng paso naman ay purong lupa na hindi tinakpan ng water cellophane. Ayon sa mga eksperto, ang sikat ng araw ay isang halo ng lahat ng wavelengths at kung ito ay tumama sa mga halaman, ang mga pigment ng halaman ay maaaring ma-absorb o ma-reflect sa napiling wavelength. Gustong malaman ng mananaliksik kapag paghiwalayin sa bawat kulay ng cellophane at gawin itong tanging ilaw, magkaroon ba ng epekto sa paglaki ng halaman na naging matagumpay rin naman. Sa paggamit ng vermicast ay naiiwasan ang pagkalason na maaaring idulot ng mga kemikal na pataba at nababawasan din ang mga pesteng lumalapit sa mga pananim. Higit sa lahat ay makatitiyak na ligtas para sa mga tao na kainin ang gulay na pinatubo sa lupang ginamitan ng vermicast hindi kagaya ng paggamit ng inorganic fertilizer mahal at nakakapinsala. Natuklasan ng mag-aaral na mas tumutubo ang halaman sa vermicast na tinakpan ng tubig.

siklab ang

Ang Opisyal na Paaralang Pamahayagan ng Jasaan National High School, Sangay ng Misamis Oriental, Rehiyon X

S

hihigit sa limang boltahe. Napakalaking tulong ubukan ipikit nito lalong lalo na sa ang mga mata at tuwing may kalamidad pagmasdan kung gaano na kung saan ay walang ka dilim ang paligid. kuryente at sa oras na rin ng Ganyan kadilim kung walang kuryenteng nagbibigay liwanag emergency. Tayo ay nabiyayaan ng sa ating buhay. maraming panahon ng tagaraw. Ilan sa mga mag-aaral ng Sagana sa sikat ng araw na Jasaan National High School ay kung saan ay lubos nating gumawa ng imbensyon na maaaring mapapakinabangan at tiyak itoy makatulong masolusyonan ang problema sa kuryente lalong-lalo na sa magreresulta sa malaking tipid sa kuryente. tuwing may kalamidad. Sa paggamit nito ay nagbibigay Ang ating bansa ay may malaking ng isang pagkakataon ang isang pangangailangan sa kuryente lalongindibidwal na maaaring makabuo ng lalo na sa ilang bahagi ng bansa sariling enerhiyang pankonsumo. partikular na sa mga kanayunan. Libre din ito dahil kino-conserve Gumawa ang mga mag-aaral lang ang enerhiyang mula sa sikat ng alternatibong power bank ng araw. Higit sa lahat, walang gamit ang sinag ng araw na istorbo sa kalikasan o antala sa makakapagcharge lamang ng kapaligiran. bateryang may kaukulang 5 Maging mausisa at boltahe. palawakin at paglakbayin Mga bateryang ang imahinasyon karaniwang ginagamit tungo sa magandang gaya ng flashlight, solusyon. baterya ng radyo, baterya ng cellphone at iba pang hindi

KAPAG ‘May Knowledge ‘May Power’ Solar power bank bilang Power Source ALONA ANON

2

1/2 oras higit kumulang, nakakapagpuno ng baterya ng cellphone ang solar power bank ayon sa mga pagsisiyasat.

15-18v 3Amps

ng solar panel ay makakapuno ng 12V 3amps storage battery sapat na tatagal sa walong oras


ag-tek 11

Ang Opisyal na Paaralang Pamahayagan ng Jasaan National High School, Sangay ng Misamis Oriental, Rehiyon X

TEKNOLOHIYA SA PANDEMYA JUSTINE FERRER

A

ng pandemyang dulot ng COVID-19 ay ang pinakamalaking suliraning hinaharap ngayon ng ating lipunan. Samot-saring opinyon ang minumungkahi ng mga tao kung paano nga ba mapipigilan ang pagkalat ng sakit na ito. At isa sa mga instrumentong maaring makatulong ay ang Social Media gamit ang Teknolohiya. Isa ang Jasaan National High School (JNHS) sa mga paaralang lubos na naapektuhan dahil sa kasadsaran ng Covid-19. Dahil sa hindi mapipigilang pangyayaring ito, minabuti ng ating pamahalaan na ipagpaliban muna ang pagpasok sa paaralan at opisina upang maiwasan at mabawasan ang mabilis na pagkalat ng sakit na Covid-19 sa ating bansa. Nakakalungkot mang isipin pero para lang ito sa kaligtasan ng lahat. Ang sakit na na ito ay walang pinipili, bata man o matanda, babae man o lalaki, mayaman man o mahirap, lahat tinatablan. Ngunit dahil nandito na tayo sa makabagong henerasyon, may mga makabagong diskarte na rin sa pagtugon sa pandemya. Ang Teknolohiya. Ang teknolohiya ay ang pinaka-mabisang solusyon upang magpatuloy ang pag-aaral ng mga estudyante at ang paghahanap buhay ng mga tao. Sa henerasyong ito, may mga mobile phones na na nagkokonekta at nagbibigay komunikasyon sa lahat ng tao sa mundo. May mga high-speed internet, radio, telibisyon, at marami pang iba na tumutulong sa ating makibalita at makalikom ng impormasyon tungkol sa mga kaganapan sa ating komunidad. Gamit rin ang mga Social Media accounts gaya ng Facebook at Messenger mas napapadali ang pagdulog ng mga guro sa mga hinaing ng mga mag-aaral. Base sa ginawang sarbey ng mga guro sa Jasaan National High School bago ang pagsisimula ng klase sa taong ito, lumabas na 87% ng mga kabataang mag-aaral sa nasabing paaralan ay gumagamit ng Facebook at Messenger.. Kung kaya’t malaking bagay ito sa guro sa pagpapatupad ng mga panibagong estratehiya sa pagtuturo gaya ng online learning at blended learning na kung saan ang guro at mag-aaral ay malayang magpalitan ng aralin gamit

#deNUMERO

8 sa

ang kanilang social media account na ligtas COVID-19. Ika-nga ng ibang kabataan “Teknology is life but Internet is Lifer” at “Facebook pa more!” Bukod sa pagpapalaganap ng kamalayan ng mga tao gamit ang social media at ang mabuting solusyong dulot nito sa mga guro at mag-aaral ay nakakatulong rin ito bilang libangan ng mga aburado na sa kakapanatili sa bahay. Nariyan ang mga samo’t-saring facebook memes, ang mga nakakat’wang tiktok vidos at ang nagkakabilaang online selling na kung saan nagkakapanahon tayong kalimutan ang mga problemang dulot ng pandemyang COVID-19. Subalit, ikanga ay “Lahat ng sobra ay nakakasama”. Kahit man na malaki ang naitutulong ng teknolohiya sa atin ay lagi rin nating papakatandaan na ang labis na paggamit ng gadgets o anumang teknolohiya ay maaaring magdulot ng komplikasyon sa mata o pangangatawan. Ang radiation ng cellphone ay magkakaresulta ng pagkahilo kapag sobra ang paggamit nito. Kaya tayo ay maging wais sa paggamit upang ito ay makapagdulot sa atin ng mabuti at magawa natin ng tama ang ating tungkulin sa tulong ng teknolohiya. Sinasabing sa bawa’t unos ang kapalit ay bahaghari. Kahit man na naghihirap na ang mundo ngayon ay may isang instrumenting nilikha upang magbibigay pag-asa sa atin para bumangon at gawin ang ating tungkulin sa mas mabilis at mabisang paraan, at ito ay ang teknolohiya. Hindi man napipigilan ng teknolohiya ang pagsimula ng pandemya ngunit nakakatulong naman ito sa pagbigay ng babala at pagturo sa mamamayan na magkaroon ng kamalayan sa sitwasyong ating kinakaharap. Naiibsan ang ating mga nararamdaman sa kawili-wiling hating ng teknolohiya. Kung kaya ipapagpatuloy natin ang laban sa simpleng pagpapalaganap ng mga wastong kamalayan at kaalaman. Nawa’y ipanalo natin ang laban gamit ang “Teknolohiya kontra Pandemiya”!

DISENYO NI JUSTINE E. LORETO

Kalimutan ang Kalungkutan ALONA ANON

10 K

mag-aaral sumasang-ayon na epektibo ang ginawang panlaban sa Giant African snail

#TINIGNGPUBLIKO

24% CLAY BLUSH

84% LIP TINT

34% CREAM

73% EYEBROW Sa ginawang pagsisiyasat ng Tinig ng Publiko, tampok ang 61 estudyante ng bawat koloreteng ginagamit ng mga mag-aaral ng JNHS

abaliktaran ng kasiyahan ay ang kalungkutan. Kalungkutan na minsa’y nagtatago at minsan naman ay nagpapakita. Kung gaano kasarap ang masayang buhay ay ganoon din kapait ang kalungkutang namumuo. Normal lamang ito dahil hindi naman sa lahat ng panahon ay masaya tayo. Ngunit alam mo ba kung ano ang hindi normal, iyan ay kung ang kalungkutang nararamdaman mo ay hindi mo naipapalabas at nahahayaang lumamon sa aspetong emosyonal ng iyong buhay. Lumabas sa isang pag-aaral ng World Health Organization na sa panahong ito na kung saan ay nakararanas tayo ng pandemya, hindi lamang ang kaso ng COVID-19 ang tumataas, kundi pati narin ang kaso ng mga taong nakakaranas ng Mental Health Illnesses. Mga kabataang 15-29 years old o partikular ang mga estudyante ang kadalasang nakararanas nito, ngunit bakit nga ba? Ayon sa isang Grade 9 student ng Jasaan National High School, nararanasan niya ang anxiety dahil sa mga kadahilanang hindi niya

nakakayanan ang stress na nakukuha niya sa pagsagot ng mga module na nahahalo rin sa problema niya sa pamilya nila dahil nga broken family sila. “Gusto man nako pangitaon ang solution sa problema nako pero usahay di nako masabot ang feeling nako. Kapoy kaayo mulihok permi kay feeling nako gabalikbalik ra akong problema.” (Gustuhin ko mang hanapin ang solusyon ng aking problema pero nahihirapan at napapagod narin ako dahil nararamdaman kong pabalik-balik lang ang problema ko), ayon pa sa kanya. Sa panayam kay WHO Philippines Representative, Dr. Rabindra Abeyasinghe, sinabi niya na mahirap ang nararanasan ng mga pilipino ngayon lalo na sa mga taong nawalan ng trabaho, hindi makauwi sa mga probinsiya nila, o namatayan ng kamag-anak dahil sa virus na nagreresulta ng Anxiety o Depression ngunit ang kailangan lang ay tulong. Hindi mareresulba ang matinding kalungkutan kung walang tutulong sayo kaya kinakailangan na alam ng lahat ang tungkol sa anxiety at depression. Inaanyayahan ng Department of Health at

WHO Philippines na mas alamin ng mga pilipino ang mga importanteng bagay sa anxiety at depression at tulungan ang kapwa- pilipinong nararanasan ito. Mahalaga ang aspetong emosyonal at mental ng bawat isa sa atin. Mahirap man ang sitwasyong kinakaharap natin ngayon ay hindi ito dahilan upang ipagpatuloy ang kalungkutang ating nararamdaman. Hindi solusyon ang pagtapos ng ating buhay, ang solusyon ay harapin ang problema at sa paglipas ng panahon malilimutan rin natin ito. Maraming problema na ibinigay ang pandemyang ito ngunit hindi lamang puro kasakitan ang dala nito kundi tinuturuan tayo ng virus na maging matatag sa buhay. Ang pandemyang ito ay matatapos rin, ang estudyanteng may problema ay makakahanap ng solusyon dahil ang buhay ay hindi humihinto at patuloy ang pagikot nito. Wag kalimutang umiikot ang mundo, kung sa tingin mo sa nasa ibaba ka laging tandaan na pataas ang iyong patutunguhan.

LIPTINT NA PULA! ALONA ANON

K

adalasan sa mga estudyante ngayon ay gumagamit ng liptint tuwing umaatend ng onlie classes o di kaya’y pagkuha ng modules. Pero bakit nga ba sila gumagamit nito? Narito ang mga hinuha at saloobin ng iilang mag-aaral ng Jasaan National High School sa paggamit ng liptint.

Ang liptint kay nagahatag sa ako og more confidence tungod dili ko luya tan-awon Nicole Jean Alad-ad Jasaan National High School

Pero nakakabahala dahil marami ang nagsasabing may mga negatibong epekto ang nangyari sa kanila sa paggamit ng liptint.

Sa paggamit nakog liptint mas ni dry akong lips og nagkapanit-panit tungod kay dili ko gagamit og liptint which is maka moisturize

Niana Mae Guttierez Jasaan National High School

Batay rin sa iilang mga estudyante, sa sobrang paggamit rin nila nito nag reresulta na maging mas dry at nagkapunit-punit ang kanilang mga labi.

Sa paggamit nakog liptint sa aping murag na-iritate nuon akong pimples Marie Mercado Jasaan National High School

Marami ring nagsasabi na nagkakaroon sila ng allergy sa mukha dahil sa paglagay nila ng liptint sa bandang pisnge bilang pamalit sa cheektint. Sa katunayan nga, ang mga liptint na kanilang ginamit ay nagkakaroon ng mga sangkap o preservatives at dye solvents na maaring naging dahilan ng reaksyon sa kanilang mga pisnge at mga labi. Napagalaman ring ang mga liptint na kanilang mga ginamit ay hindi dumaan sa mga ekspertong establisyemento at masusing pagaaral dahil ito ay nabibili lamang nila sa mga online at mga hindi trusted stores. Lahat ng bagay ay kinakailangang pag-isipan bago gamitin. Hindi rin maiwawaglit na sa kagandahang dulot ng isang bagay ay may kaakibat ring masamamang epekto ayon sa pagkagamit nito. Subalit sa paggamit ng liptint na pula, ang tanging hangad lang naman ng karamihang gumagamit nito ay gumanda at makadagdag ng kompyansa sa kanilang sarili.


12 53.4

53.2

FIELD GOAL %

FIELD GOAL %

#INTERNASYONAL

DISENYO NI JUSTINE E. LORETO Mga larawan kuha sa NBA.COM

GITGITAN SA NBA

Spurs, tinapos ang 8-game winning streak ng Wizards sa OT HYCER BAGAYNA

WASHINGTON--Itinakas ni DeMar DeRozan ang 37 puntos para sa San Antonio Spurs matapos niligwak ang eight-game winning streak ng Washington Wizards sa dikitang, 146-143 overtime nitong Lunes ng gabi. Kalakip sa siyam na puntos ni DeMar DeRozan sa ikaapat na bahagi ng laro, ay ang peligrosong three-points para tapyasin ang manipis na bentahe, 118-115 sa nalalabing 5:13 minuto ng laro. Kumamada naman ng 45 puntos si Bradley Beal ng Washington Wizards kasunod ang sablay na three-points-attempt upang sana’y hatakin pa sa second overtime ang bakbakan. “It just shows you how talented the league is,” wika ni Murray ng San Antonio Spurs.

Kumarga naman ng 21 puntos si Keldon Johnson para sa San Antonio Spurs matapos makipag girian sa maliit na kartada ng Wizards tampok ang two-point shot kasama ang assist ni DeMar DeRozan sa ikalawang bahagi ng laro. Nangibabaw man sa unang Segundo ng ikatlong sagupaan si Bradley Beal, tumarak naman si Dejounte Murray ng 25 puntos at career-high na 17 rebounds tampok ang walang humpay nap ag iskor sa 95-95 deadlock. Naiposte naman si Davis Bertans ng 13 puntos tampok ang three-points upang tapyasin ang deadlock sa ikatlong bahagi ng laro. Sinubukang palawakin ang manipis na bentahe ni Bradley Beal sa ilang ulit na deadlocks sa OT ngunit bigo siyang ipagpatuloy sa

ikalawang overtime matapos sumablay ang threepoint attempt. “There are games played throughout the year where nobody deserves to lose and this was one of them,” wika ni coach Scott Brooks ng Wizards. Kumana naman ng 17 puntos at 10 rebounds si Alex Len habang naglatag naman si Anthony Gill ng Career-high 13 puntos para sa Washington Wizrads. Samantala, sa kkalagitnaan ng third quarter, nagkainjury si Derrick White matapos lumapag sap aa ni Jakob Poetl habang sinusubukang magrebound. Aabangan sa Miyerkules ng gabi ang sagupaan ng Spurs kontra sa Miami.

#TRENDINGLOKAL

siklab ang

Ang Opisyal na Paaralang Pamahayagan ng Jasaan National High School, Sangay ng Misamis Oriental, Rehiyon X

POWERFUL TOSS. Rumisponde si Palaro Qualifier Artoniel Mahino upang pagtulungan na maihirit ang pamatay na toss sa nalalabing sandali ng laro nitong ika 2 ng Agosto 2019. KIM ANGELO DAEL

Alumni Palaro Qualifier, todo-ensayo habang lockdown; dumiskarte sa pagiging construction worker JUSTINE LORETO

M

ahigpit ang pagpapakondisyon ni 2-time Palaro Qualifier, Artoniel Mahino sa ilalim ng Community Quarantine upang maipanatili ang liksi at lakas habang pinagsasabay ang pagiging construction laborer nitong Marso 2021. Nagsasanay si Artoniel Mahino mula tatlo hanggang apat na oras sa kada araw simula nagsimula ang community quarantine ayon sa online na interbyu. Sa kabila nito, mahigpit ring sinusunod ang mga quarantine protocols habang naggeensayo si Artoniel Mahino kada araw. “Oo, ‘di ko talaga ‘yan nakakalimutan kase, nagttraining ka nga pero di mo rin inintindi ang sarili mon a baka’y mahawa at makahawa ka.” “Malaki ang pagbabago simula nung dumating ang COVID-19 isa na dito ang pagsugal mo sa iyong buhay at sa ibang tao,” wika ni Artoniel

Mahino, 4-time MVP. Naapektuhan din ang isa sa mga pinagkukunan ng pang tustos ng miscellaneous fee ni Mahino matapos walang mga liga sa mga barangay bunsod ng ppagbabawal ng contact sports. Samantala, upang masolusyonan ang problema sa miscellaneous fee at pangangailangan sa pamilya, kumayod sa pagiging construction laborer si Artoniel Mahino nitong quarantine. Mula sa minimum wage na 350 pesos kada araw, umariba si Mahino hindi sa court kundi pati na sa kaniyang online classes at pangangailangan sa araw-araw. Aminado naman si Artoniel na naghirap talaga siya hindi lang sa mahigpit na trainings kundi pati narin sa kaniyang financial status. “ Marami akong pangarap at gusting gawin nung hindi pa nagsimula ang COVID-19, ngunit parang naglaho na lang bigla. Malaki pa rin ang pasasalamant ko kase hindi pa

ako nakhilata sa ospital,” tugon ni Artoniel Mahine sa online na interbyu. Matatandaang nag-uwi ng mga gintong medalya si Artoniel Mahino mula District hanggang Regional Meet sa larangan ng Volleyball at naging Most Valuable Player nang ilang beses.

Doble ang pagbabago simula nung dumating ang COVID-19 at isa na dito ang pagsugal mo sa iyong buhay at sa ibang tao

isports

KAYODMAHINO

ARTONIEL MAHINO ALUMNI VOLLEYBALL PLAYER


isports 13

Ang Opisyal na Paaralang Pamahayagan ng Jasaan National High School, Sangay ng Misamis Oriental, Rehiyon X

#BALIKTANAW

DISENYO NI JUSTINE E. LORETO

Napitan, Sentasas bumukod sa Tamaraws, kapwa bigo sa Singles JUSTINE LORETO

M

ula sa paghihiwalay ng District Meet champion Badminton Doubles, Team Tamaraws, bigong masungkit nina Allan Joseph Sentasas at Maverick Napitan ang top 2 seeded liderato para selyuhan tiket papuntang Provincial Meet. Dinungisan ng Christian Martino ang 10-0 winning streak ni Maverick Napitan para sa Singles 1 makaraang naglatag sa finals ng balanseng atake matapos itakas ang gitgitang, 21-19, 10-21, 16-21 sa Opol Technical Science School nitong nakaraang ika 20 ng Enero 2020. “Amoa nga choice nga magseparate mi kay lage daw dako ang chance nga maka Provincial mi,” wika ni Maverick Napitan. Nagpakawal ng solidong opensa si Maverick Napitan matapos kumubra ng matutulin na atake upang kalusin ang malawak na bentahe mula sa dikitang 12-12 hanggang sa 19-12 agwat.

Ngunit pinausad ni Christian Martino ang kaniyang balanseng atake na siyang nagiwan kay Maverick Napitan ng isang 8-15 kahihiyan sa ikalawang set ng bakbakan upang selyuhan ang 11-0 win-loss record. Upang maselyuhan ang liderato naglatag si Christian Martino ng solidong depensa upang hilahin sa manipis na bentahe ang 8-point deficit lead na naitala ni Maverick Napitan hanggang sa 1212 deadlock. “Wala mi nagregret nga mag single kay worth it among experience,” pahayag ni Allan Joseph Sentasas. Nanantiling mailap para kay Allan Sentasas ang liderato sa Singles 1 matapos ginitgit ni Martin Dela Santos sa kaniyang pamatay na atake sa nalalabing sandali ng laro upang itakas ang 21-19, 19-21, 18-21.

mula sa pahina 14

#TRENDINGLOKAL

#TRENDINGLOKAL

Pandaraya umano sa Raceyaya

Avancena, umatras sa 1000km inclined; sinungkit ang ika-12 puwesto JUSTINE LORETO

LABAN SA DAYAAN. Matulin ang tinakbo ni Mark Avancena matapos umurong sa Day 4 ng Run the Philippine Mountains; Raceyaya nitong July 25 2020. KIM ANGELO DAEL

N

apaurong si Alumni Athlete Mark Avancena sa ikaapat na araw ng Run the Philippine Mountains: Raceyaya matapos umapela na nagkaroon ng dayaan sa paggamit ng virtual app nitong nakaraang July 25-August 1, 2020. Matapos sinungkit ang ikatlong tiket para sa Day 4 ng torneo, bumigay si Mark Avancena sa 1000km inlicned nang napagalamang hindi Strava app ang ginamit ng halos dalawang libong manlalaro. Sumampa naman sa unang araw sa ika-56 na puwesto sa unang araw si Mark, sapat upang magtiis sa ikasiyam na puwesto sa Day 2 at ika-12 sa Day 3. “Nabigla na lamang ako na merong tao na kinaya ang consecutive limang araw na 1000km sa isang oras pa’no nangyari ‘yon?,” pahayag ni Alumni Athlete Mark Avancena. Nadismaya rin si Mark matapos hindi malinaw ang pagpapatakbo ng torneo dahil maaring gamitin ang ilang transportasyon upang umabot sa hinihinging status. Dagdag pa niya, ilan sa mga manlalaro ay hindi Strava app ang ginamit at hindi raw ito direkta sa naturang torneo.

REBOUNDS

32 1

BLOCKS

Tampok sa Run the Philippine Mountains ng Raceyaya ang 7 Mountains, 7 days kung saan sa Day 1 ay kinakailangang umabot sa 500m hanggang sa Day 7. Pinabulaanan din ni Mark Avancena na walang katiyakan ang ilan sa mga Virtual Run bunsod ng pandemya dahil sa ilang pandadaya na nagaganap sa labas ng virtual app. Samantala, upang maipanatili ang liksi sa gitna ng pandemya, isa si Mark Avancena sa mga tumapos sa ginanap na 1st Ag-Hasaan Fesival Virtual Run nitong ika-anim ng Disyembre 2020. Bago man nagka pandemya, pinlano ng Jasaaan Runners Club na mag-organisa ng torneo ngunit nitong pumutok ang COVID-19, napilitan silang kanselahin at itulak na mag Virtual Run na lamang. “Kumakain lang kami ng balut at bigla lang nasagi sa aming pinaguusapan kung bakit kaya maglikha tayo ng isang grupo na miyembro ay mga athlete specifically mga runners dito sa Jasaan,” wika ni Mark Avancena. Hinamon din ng ilang grupo ng manlalaro ang Jasaan Runners Club pagkatapos nitong pandemya sa susunod na mga buwan.

Doble-dobleng kills sa dulo, Lower Jasaan, winalis ang Kimaya; aariba sa MESO 2021 ‘Medjo tough gyud among kalaban pero saalig lang gyud sa kauban,’ wika ni Darell Kim Ganzan na kumana ng 12 kills para sa Lower Jasaan. Pinagtulungan ng marksman ng Kimaya at team’s tank ang jungler ng Lower Jasaan sa unang minuto ng bakbakan, dahilan upang mag marka ng masamang panimula. Ngunit di pinatawad ng Team Lower Jasaan ang Kimaya mula sa agresibong triple kill ni John Lloyd Macapagal gamit gamit ang secondary tank-Uranus. Upang makabalik sa karera, sinandalan ng Kimaya ang kanilang core hero-budd1ng Harith na gumamit ng Ling sa unang laro, ngunit bigong

#TRENDINGLOKAL

JNHS Chessers, tutok sa weekend training HYCER BAGAYNA

Noon napakarami at halos puno nga mga chess player ngunit dahil sa pandemya, iilan na lamang MARY JOY TAN Alumni Chess Player

U

pang mapunan ang halos isang taong walang training ng JNHS Chessers bunsod ng COVID-19, hinigpitan ng husto ang pag ensayo mula sa pagkakaroon ng face-to-face training ng mga manlalaro nitong ika 25 ng Abril. Ayon kay Jennelyn Mauna, Grade 7, mahigpit daw ang mga weekend training niya lalong lalo na sa mga pabaong mga puzzles mula kay Jasaan Chess Club President, Brandly Tan. Nilinaw din niya na minsan lamang sila nag face-to-face training dahil sa pandemya. Kasabay ng pag-eensayo ni Jennelyn Mauna ay ang striktong pagpapatupad ng mga quarantine protocols upang tiyak na ligtas ang bawat pagsasanay. Ayon naman kay Mary Joy Tan, isa sa Alumni ng Jasaan Chessers,

REBOUNDS

ASSISTS

13 JASAAN 3 ROOKIES

STEALS

maka awra mula sa high-sustain at burst frontline ng Uranus at Jawhead ng Team Lower Jasaan sa ikalawang bahagi ng laro. Sinimulang ginisa ni Derf Junel (Selena) ang Kimaya matapos kumamada ng apat na kills sa unang tatlong minuto sa huling bakbakan, dahilan upang bangungutin matapos pinisak ang tatlong karibal sa nalalabing sandali ng laro. Samantala, biyaheng Misamis Oriental E-sports Organization Grand Launching ang Team Lower J kasabay ang ibang online game tulad ng Tekken, Nba2k20 at Call of Duty nitong March 27-28, 2021 sa Ayala Centrio Mall.

ALUBIJID

SHOOTERS

24 3

BLOCKS

naging mas napakapanghamon umano ang pandemya lalong-lalo na sa larangan ng chess, dahil noon, marami umano ang mga manlalaro na nageensayo kumpara ngayon. “Noon napakarami at halos puno nga mga chess player ngunit dahil sa pandemya, iilan na lamang,” wika ni Mary Joy Tan. Nagsimula ang pag eensayo ng ilang Jasaan Chessers sa bahay ng Chess Club President, Brandly Tan at iilan na lamang ang pumupunta na mag ensayo dahil sa pandemya. “Nageensayo kami mga weekends tapos face-to-face kasama si sir Brandly doon sa bahay nila, tapos pinapabaonan lang kami ng mga puzzles para narin sa self-study habang nasa bahay kami,” giit ni Jennelyn Mauna, Grade 7.

#deNUMERO

ASSISTS

11 1

STEALS


siklab ang

Pandaraya umano sa Raceyaya

DETERMINADONG MAIBUSLO. Buonglakas na kinupo ni point guard, Cristopher Jalalon ang 20 puntos upang mapanatili ang kampeonato sa ginanap na WeMOAA, Opol, Misamis Oriental nitong Setyembre 20, 2019 Kim Angelo Dael

Avancena, umatras sa 1000km inclined; sinungkit ang ika-12 puwesto

Ang Opisyal na Paaralang Pamahayagan ng Jasaan National High School, Sangay ng Misamis Oriental, Rehiyon X

ISPORTS JIVE

45

CHA-CHA

PAHINA 13

RUMBA

9.5 8.1 8.9

RICO BARRAL

9.3 8.6 9.3

NATHANIEL PAGAPULAR

RAVEN CABELTES

59

iskor sa ikaapat na laro ROOKIE X SHOOTERS

LUJILLE YLANAN

porsiyento ng mag-aaral na atleta ay bumibili ng 2-3 pares ng sapatos kada taon

57

#BALIKTANAW

KINADENANG GINTO

Tope, kumana ng 30 puntos para kargahin ang Rookies sa Finals

M

HYCER BAGAY

inanduhan ni Point guard, Christopher “Tope” Jalalon ang kaniyang game career-high record na 30 puntos upang ilaan ang Jasaan Rookie para sa kanilang tiket papuntang Finals laban sa Alubijid Shooters ngayong ika 20 ng Enero 2020. Nag-alsa si Christopher Jalalon ng mabigat na buzzerbeater layup matapos ihirit sa nalalabing apat na segundo ng laro upang tapyasin ang manipis na bentahe at makipagigitan sa 59-57. Tampok sa game career-high record na 30 puntos na nailatag ni Topher ang matutulin na 14 rebounds, apat na boards, limang steals at apat na assists upang humataw sa halos buong bakbakan sa 19-of-22 shooting sa field goal. #deNUMERO minuto at limang segundong ginitgit ni Mary Joy Tan ang huling bakbakan upang iuwi ang ikatlong puwesto sa National Age Group Chess Championship (Mindanao Leg)- U2O Girls mula online.

5

44

KARERA SA BOKSING

WINS KO

61

LOSS

4

0

Mas nilalarong Online Game ng mga mag-aaral ng JNHS nitong lockdown

54% 20% 2% 2%

sunod sunod na tres mula kay Olarte na umukit ng 12 puntos sa halos magiisang quarter ng laro. Naging mainit ang tension sa huling sandali ng laro matapos tumarak ng limang deadlocks. Sa di inaasahang pangyayari, nagbanggaan si Kyle Maglangit at Joshua Talisay at nagresulta sa pagkainjured ni Kyle at maipatigil ang laro ng ilang minute. Labis na nanghihinayang si Kyle dahil sa tingin niya hindi na siya makakalakad. Naging isa ring sandalan sa Jasaan si Kyle sa unang sandali ng laro na kumalos ng kabuuang limang puntos.

Tan, nautakan sa huling board; ibinulsa ang kampeonato sa Nat’l Online Chess Championship JUSTINE LORETO WORLD RANK

84847 NATIONAL RANK

na finsihers ang lumahok sa kauna-unahang Ag-hasaa Festival Virtual Run na inilunsad nitong Disyembre 9, 2020. MARK AVANCENA

“Matinding pagsasanay lang ang ginawa naming upang mamayani sa larong ito at makapunta sa Finals,” wika ni Point guard Christopher Jalalon. Malinis na ratsada ang pinakawalan nina Topher kasama ang one-punch man na si Kyle Maglangit ang kanilang tig sasampong puntos upang hatakin ang Jasaan sa 4-win column. Nagawa namang hatakin sa malawak na bentahe ni Kyle Maglangit ang dikdikang 13-15 hanggang sa 25-14 upang lasapin ang seryosong asam sa kampeonato. “Okay sa amo nga napildi mi, it’s part of our journey as varsitysa among eskwelahan,” wika ni Roniel Olarte. Naging matamlay ang unang sabak ng Jasaan mula sa malawak na bentaheng 5-16 matapos inalsa ng Tagoloan ang

383

PHI

CONTINENT RANK

ASIA

7556

FIDE STATS

TOTAL GAMES WHITE

TOTAL GAMES BLACK

WIN DRAW LOSS

WIN DRAW LOSS

51

16

H

26

inablot ni Alumni Chess player Mary Joy Tan ang imakuladang 10-11 tudla matapos maisahan ng bagitong si Franiel Angela Magpily sa ESMI National Age Group Online Chess Championship- Under 17 Girls nitong Oktubre 2020. Dinumihan ng Tarlac Chess Player Franiel Magpily ang malinis na ratsada ni Mary Joy Tan mula sa pagsamantala at pagsalakay sa kampo nito matapos ginitgit sa huling bakbakan. Hinatak mula sa ten victories out of the possible eleven ni Mary Joy Tan kasama ang pagkabigo sa huling round ng labanan, sapat upang magreyna sa halos 50 manlalaro mula sa 32 moves Sicilian opening. “Nadismaya kayo ko sa last round na akong dinulaan kay imbes straight no lose na unta ko, napildi pajud, pero oks lang japun,” wika ni Mary Joy Tan mula sa chat.

47

22

SERYOSONG ASAM. Pinatunayan ni Mary Joy Tan ang pagiging beterano pagdating sa Barosso Chess Cup noong ika 4 ng Oktubre 2019. KIM ANGELO DAEL

26

Naging kahinaan ni Mary Joy ang pagsisiwalang bahala sa kaniyang mga bantay sa kaniyang kampo na sinamantala naman ng kaniyang kabakbakan ayon sa kaniyang mga mensahe sa pamamagitan ng Messenger. Dominante naman ang kaniyang pasabog sa una hanggang sa ikatlong round dahilan upang kalusin ang 3 puntos at itaguyod ang karisma sa huling round. Mula sa pagbida ng Scotch Opening sa ikaanim na round, ginitgit naman ni Mary Joy Tan si Mariel Sadey mula sa 20 moves na kumarga ng 6 puntos, paraan upang maitawid ang kampanya. Malinis mang tinapik ni Mary Joy Tan ang swerte, nasikwat naman ni Franiel Magpily ang kaahuli-hulihang banat ng Alumni Chess Player sa titulo na nag alsa ng 10-11 sa dikitang 15 moves.

“Di ko alam pero ang solid ng depensa niya kahit sa ibang laro,” wika ng ama ni Mary Joy Tan na nagsisilbing coach. Humugot rin ng 4-straight puntos si Franiel Magpily mula sa Sicilian Opening at 21 moves mula kay Me Ann Joy Baclayon sa ikaapat na kampanya. Patuloy naman ang kampanya ni Mariel Sadey na nagtarak ng 4.5 puntos sa ikalimang round matapos nalaglag sa 1-1 draw kay Ma. Elayza Villa na umarkila ng 3.5 panalo. Humanay naman sa ikatlong puwesto sa National Age Group Chess Championships (Mindanao Leg)- U20 at ika-anim na puwesto sa PSC-NCFP Selection Visayas Leg na ginanap lang kamakailan.

Doble-dobleng kills sa dulo,

Lower Jasaan, winalis ang Kimaya sa MLBB Tournament; aariba sa MESO 2021

146 143 San Antonio Spurs

DeMar DeRozan

Washington Wizards

Bradley Beal

HYCER BAGAYNA

M

ula sa solidong rotation at maraming kills sa ikatlong sagupaan, inangkin ng Team Lower Jasaan ang kampeonato sa Mobile Legends: Bang Bang Tournament matapos tinambakan ang Barangay Kimaya sa malinis na 3-0 kartada nitong ika 26 ng Agosto 2021. Nakabalik sa porma ang Lower Jasaan matapos pinagkaitan ang Kimaya na

mangibabaw sa ikalawang yugto ng laro mula sa paggitgit ng Level 2 Lord ni Darrel Kim Ganzan, sapat para mapatumba ang turrets at base. Kasunod nito, kinaldag sa huling laro ang core hero ng Jasaan matapos tinuluyan ang Barangay Kimaya mula sa easy double kill at dinominahan ang nalalabing tatlong minuto ng laro, husto upang masolo ang kampeonato at mag uwi ng Demon Hunter Sword. IPAGPATULOY SA PAHINA 13

Mga larawan kuha sa NBA.COM

LLOYD MACAPAGAL

JAMES BARBOSA

ALDEN MERCADO

DERF ADIS

DARREL GANZAN NINO NAZARENO


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.