Kalbaryo ni Hesus 2013

Page 1



Diocese of Imus PARISH OF SAN ROQUE San Roque, Cavite City

Ika-40 taong Pagtatanghal ng...

LIVE VIA CRUCIS 2013 March 26, 2013 Holy Tuesday 4:00 PM Montano Stadium Cavite City


“Isang bagong utos ang ibinibigay Ko sa inyo: mag-ibigan kayo! Kung paanong inibig Ko kayo, gayon din naman, mag-ibigan kayo. Kung kayo’y mag-ibigan, makikilala ng lahat na kayo’y mga alagad Ko.”

Juan 13:34-35


Diyosesis ng Imus

Parokya ng San Roque Lungsod ng Cavite

MENSAHE Ang kapayapaan ng Panginoon ay sumainyong lahat! Ang Live Via Crucis ay taun-taong paggunita sa pagpapakasakit ng ating Panginoong Hesus. Naging bahagi na ito ng tradisyon ng ating parokya at ng buong lungsod ng Cavite, na sinisundan ng mga mananampalataya habang binabaybay nito ang daan ng “Kalbaryo ni Hesus.� Isa itong napakagandang paraan ng pakikibahagi sa pagpapakasakit ng ating Panginoon, kasabay ng pananalangin, pagsisisi at pagbabalik-loob na may kasamang pagaayuno, pagpipinitensya, ay paglalaan ng sarili ngayong panahon ng Kuwaresma. At dahil ipinagdiriwang pa rin natin ang Taon ng Pananampalataya (Year of Faith), nararapat lamang na ipagpatuloy natin ang mga programang katulad ng Kalbaryo ni Hesus, na bahagi na ng kasaysayan ng ating parokya at diyosesis. Ipinaaabot ko ang aking taos-pusong pasasalamat sa mga bumubuo ng Live Via Crucis Committee 2013 at sa lahat ng nagbigay ng kanilang tulong sa anumang paraan. Nawa ay pagpalain kayong lahat ng Panginoon, sampu ng inyong mga pamilya. Sumainyo nawa ang Kanyang kapayapaan at katiwasayan sa lahat ng oras. Isang maligayang Pasko ng Pagkabuhay pos a inyong lahat!

REB. PADRE CESAR R. REYES JR. Kura Paroko


Diocese of Imus

San Roque Parish Cavite City

MESSAGE Congratulations and all the best to everyone involved in the production of Live Via Crusis 2013! May this tradition of Live Via Crusis which has been shown in Cavite City for so many years help all of us for a true spiritual renewal as we focus on prayer, fasting and almsgiving which are the long-established discipline of Lent. It truly is a time of “emptying” of one’s self so that we can be more available to God, self and others. Well done!

Bro. JOSE B. LLACUNA Lay Coordinator


Parokya ng San Roque

KALBARYO NI HESUS

(Live Via Crucis Committee 2013) Lungsod ng Cavite

MENSAHE Muli, ang tradisyonal na “Kalbaryo ni Hesus” ay isasagawa sa Martes Santo, Marso 26 ng taong ito. Bahagi ng Gawaing pang-espirituwal ng Parokya ng San Roque tuwing Mahal na Araw sa nakalipas na 40 taon, ang “Kalbaryo ni Hesus” ay pinangungunahan ng Parish Pastoral Council at ng Knights of Columbus Porta Vaga Council #4072. Ang taunang pagsasadula ng hirap at sakit ng ating Panginoong Hesukristo, ay isang matibay na halimbawa ng ating pagiging relihiyoso at naging bahagi na ng buhay ng mga tagalungsod sa mga nakalipas na taon. Sa kasalukuyan, ang pang-espirituwal na aktibidad na ito ay lubusan pang lumago upang maging isang bahaging pangkultural na dinarayo pa ng mga tagakaratig-bayan ng Cavite upang matunghayan tuwing Mahal na Araw. Kaya’t sa bawat pagpapalabas na ito taun-taon, sinisiguro ng Live Via Crucis Committee ang isang makatotohanan, mapayapa at matagumpay na pagsasadula nito. Sa ngalan ng Live Via Crucis Committee 2013, taospuso akong nagpapasalamat sa lahat ng nagbigay ng kanilang tulong, oras at suporta; ganun din sa lahat ng nakibahagi at nagsipagganap upang maging matagumpay ang pagsasadula ng “Kalbaryo ni Hesus” sa taong ito. Isang mapagpalang Mahal na Araw at bumabati sa inyong lahat ng isang Maligayang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Kristo!

NARCISO LAMBERTE JR. Punong Tagapangasiwa


Maikling Kasaysayan ng Maikling Kasaysayan ng Kalbaryo nini Hesus” “Ang “Ang Kalbaryo Hesus” ni Antonio V. Galura

Ang unang pagtatanghal ng Kalbaryo ni Hesus ay naganap noong Martes Santo ng taong 1974. Ang mga nagsipagganap ay dalawampu’t limang mga kasapi ng Pastoral Council sa simbahan ng San Roque. Kabilang sa mga ito ay sina Carlos (Caloy) Sanares bilang kaunaunahang gumanap na Kristo; Nene Cabuco bilang Maria; Romy Ramirez bilang Poncio Pilato; Pilar Arce bilang Claudia; Domeng Dipasupil bilang Narcissus at June Herradura bilang Longinus. Ang may akda, kasama ng iba pang mga kapatiran sa simbahan tulad nina Fr. Vir Mendoza, na nuo’y seminarista pa lamang; Bert Pinto at Dr. Robert Kalugdan, ay nagsipagganap bilang mga Hudyo ng pagtatanghal na iyon. Enero ng taong 1974, ang pumanaw na Kura Paroko, Msgr. Barraquiel Mojica ay naghain ng isang balakin kung papaanong higit na maipapaliwanag sa mga mananampalatayang katoliko sa lungsod ng Cavite ang tunay na kahulugan ng mga gawaing napapaloob sa Semana Santa. Sa hamong ito ng kura paroko sa mga namumuno nuon sa parokya ay di sila nag-atubili at bagkus ay nagsimulang magplano kung papaano maisasakatuparan ang balaking ito ni Msgr. Mojica. Sa pangunguna ni Bro. Angel Silverio, ang pangulo ng Pastoral Council nuong panahong iyon, kasama ng mga pamunuan ng iba’t-ibang mandated


organizations ay bumalangkas ng mga dapat gawin upang maging makahulugan kung ano ang mga isasagawang palatuntunan para sa Semana Santa. Ilan sa mga tumulong at nakibahala sa pagbalangkas ay sina Bro. Armando Bernal, Bro. Max de Guzman, Bro. Nanding Butawan, Bro. (Judge) Didong Villanueva, Bro. Domeng Olaes, Bro. Mario Sanchez, Bro. Peping Giron, Bro. Domeng Dipasupil, Bro. Carding Kalugdan, Bro. Romy Ramirez, Bro June Herradura, Bro. Delfin Faculdo, Bro. Bengbeng Gabuco, Bro. Loy Santiago, Bro. (Atty.) Eliseo Co, Bro. (Atty.) Domeng Zapanta at iba pang mga kapatiran sa simbahan. Matapos ang ilang pagpupulong ng Pastoral Council lumabas at napagkasunduan na gumawa ng isang pagsasadula ng hirap at sakit ng ating Panginoong Hesukristo sa lansangan ng Lungsod ng Cavite. At dito isinilang ang “Ang Kalbaryo ni Hesus” o ang live Via Crucis. Sa loob ng 40 taon ng pagkakatatag ng Ang Kalbaryo ni Hesus ay nagkaroon na ng higit kumulang na limampung pagtatanghal. Hindi lamang sa Lungsod ng Cavite kundi pati na rin sa iba’t-ibang parokya o munisipalidad sa probinsiya tulad ng Dasmariñas, Tanza, Imus, Bacoor at Tagaytay. Masusi ang ginagawang preparasyon sa pagtatanghal na ito sa ibang lugar maliban pa sa malaki rin ang gastusing kinakailangan. Kung kaya’t hindi lahat ng parokya na nagnanais na maipalabas ito sa kanilang lugar ay napagbibigyan. Kabilang na rito ang paanyaya noong 1993 na ang live Via Crucis ay maipalabas sa Makati, Metro Manila. Ngunit, ang mga paanyayang ito ay nangangahulugan lamang na ang itinatag na ito ni Msgr. Mojica at ng Pastoral


Council ng Parokya ng San Roque ay naging matagumpay, naging makabuluhan upang nakatulong ng malaki upang higit na maunawaan ng mga mananampalataya kay Hesukristo, na dahil sa Kanyang hirap at sakit ay nailigtas tayo at ang sanlibutan ay nagkaroon muli ng karapatan sa kaharian ng Ama sa langit. Ang mga pagpupunyaging ito ay nagpapatuloy hanggang sa ngayon. Sa paglipas ng panahon at sa pagyaon ni Msgr. Baraquiel Mojica at ng ibang mga nagpasimula nito, ang live Via Crucis ay patuloy namang itinaguyod ni Msgr. Hernando Godoy, Rev. Fr. Avelino Sapida at ng kasalukuyang kura paroko na si Rev. Fr. Cesar Reyeskasama ng mga bagong pamunuan ng simbahan ng San Roque. Sa ngayon, mayroong mahigit na 200 kasapi sa iba’t-ibang samahan ng simbahan ang nakikibahagi at gumaganap sa pagtatanghal ng Ang Kalbaryo ni Hesus, na sa loob ng 40 taon ay higit na nagiging makulay at makabuluhan sa mga nakakasaksi nito. Marami na rin ang sumubok na parisan ito subalit higit pa ring dinarayo at sinusubaybayan ng mga taong-bayan ang pagtatanghal na ito ng Parokya ng San Roque. Sapagkat tauntaon, ito ay pinagbubuti upang higit pang maging angkop sa pagdiriwang ng Semana Santa. Sa pangunguna ng Live Via Crucis Executive Committee, hinahangad nito na naway maipagpatuloy ang banal na gawaing ito at maipagdiwang sa pamamagitan ng pagpapalabas ng Ang Kalbaryo ni Hesus sa Parokya ng San Roque ang “Buhay na Katesismo� ng hirap at sakit ng ating Panginoong Hesukristo.


Kalbaryo ni Hesus LIVE VIA CRUCIS 2013 San Roque Parish Cavite City

EXECUTIVE COMMITTEE OFFICERS Narciso Lamberte Jr. Chairman Larry O. Sta. Elena Vice Chairman Louie A. Chin Secretary Teresa A. Gonzales Treasurer Florencio T. Galan Manuel P. Gonzales Jr. Reynaldo Delos Santos Advisers


PRODUCTION COMMITTEE Larry Sta. Elena Charlemagne Gopez Directors Ramon Garcia Musical Director Larry Sta. Elena Production Manager Charlemagne Gopez Cast Manager

Cast Coordinators

Apostles - Roman Soldiers - Jews - Palace of Pontius Pilate - Temple of Caifas - Ladies of Jerusalem -

Willie Oczon Arnel Mariano Bitoy Reyes Rene Lizada Jefferson Fernandez Roman de Jesus Emmanuel Arcallana Ellen Jose

Scene / Station Coordinators

Last Supper Garden of Gethsemane Temple of Caifas Palace of Pontius Pilate Hanging of Judas Crucifixion Resurrection

-

Rafael Santiago

- -

Bong Doneza Roland Santiago

- - - -

Charlemagne Gopez Julius Fernando Jojo Bianang Arjay Alejo


TECHNICAL COMMITTEE Edgar Delos Reyes Technical Manager Props & Costume Lights & Sound Equipment Property Custodian Fireworks

- Bitoy Reyes - Glenn Gabuco Gen. Svcs Office - Benjamin Gonzales Ajie Sta. Elena - Jojo Bianang

STEERING COMMITTEE Food & Refreshment - Security & Marshall - Marketing - & Promotion Souvenir Booklet - Documentation - Logistics - Solicitations -

Marieta Lallana Legion of Mary Citizen’s Crime Watch (Cavite City Chapter) Larry Sta. Elena Louie Chin Sid Samaniego Louie Chin Jet Abad Pete Andan Bong Doneza Jet Abad Willie Oczon Benjie Gonzales Ajie Sta. Ana Millet Guiao Elisa Monreal


~HOLY WEEK 2013~ SCHEDULE OF ACTIVITIES ~PALM SUNDAY~ MARCH 24 5:00 AM - 6:00 AM - 7:15 AM - 8:30 AM - 5:00 PM - 6:00 PM -

BLESSING OF PALMS PROCESSION (CHURCH PATIO) HOLY MASS BLESSING OF PALMS HOLY MASS BLESSING OF PALMS HOLY MASS BLESSING OF PALMS HOLY MASS BLESSING OF PALMS HOLY MASS BLESSING OF PALMS ~HOLY MONDAY~ MARCH 25

6:00 AM 7:00 PM

- -

HOLY MASS RECOLLECTION & CONFESSIONS ~HOLY TUESDAY~ MARCH 26

6:00 AM - 2:00 PM - 4:00 PM -

HOLY MASS HOLY MASS (For Live Via Crucis cast) KALBARYO NI HESUS Live Via Crucis presentation ~HOLY WEDNESDAY~ MARCH 27

6:00 AM - 3:00 PM -

HOLY MASS NOVENA MASS to OUR MOTHER OF PERPETUAL HELP


4:00 PM - 6:00 PM -

PUBLIC WAY OF THE CROSS NOVENA MASS to OUR MOTHER OF PERPETUAL HELP ~MAUNDY THURSDAY~ MARCH 28

6:00 PM - 7:30 PM - to 6:00 AM

HOLY MASS of the LAST SUPPER WASHING OF THE FEET ADORATION OF THE BLESSED SACRAMENT (See schedule of Vigil) ~GOOD FRIDAY~ MARCH 29

3:00 PM - 5:30 PM - 7:00 PM -

CEREMONY OF THE LORD’S PASSION ADORATION OF THE CROSS COMMUNION PROCESSION of the STO. INTIERRO PROCECION DE SILENCIO ~BLACK SATURDAY~ MARCH 30

8:00 PM -

EASTER VIGIL MASS BLESSING of the NEW FIRE & WATER RENEWAL OF BAPTISM ~EASTER SUNDAY~ MARCH 31

4:00 AM 6:00 AM 7:15 AM 8:30 AM 9:45 AM 5:00 PM 6:00 PM

- - - - - - -

SALUBONG (CHURCH PATIO) HOLY MASS HOLY MASS HOLY MASS HOLY MASS HOLY MASS HOLY MASS


CAST OF CHARACTERS Jesus Christ Rommel Del Rosario Arjay Alejo

Virgin Mary Aira Paoline Lallana

Twelve Apostles

Simon Peter John James I Matthew Thomas Andrew James II Bartholomew Philip Simon Judas Thaddeus Judas Iscariot

Bong Doneza Julius Lallana Willie Oczon Jefferson Fernandez Alfrederick Sta. Ana Ronnie Gonzales Christian Bleza Reynaldo Rellosa Alfredo Sese Gererdo Rodrigo Joseph Colmenar Julius Fernando

(Alternates) Michael Cristobal Benjie Gonzales Edwin Monton Aldous Guiao


CAST OF CHARACTERS Pontius Pilate Mary Magdalene Mary Cleofe Claudia Simon Cyrene Joseph of Arimathea Dimas Hestas Barabas Narcisus Longinus Malco Caifas Sacerdote

Roman de Jesus Valerie Jose Norwin Palomado Leah Rivera Dan Allan Guiao Edwin Nikko Monton George Ricamata Leonides Enriquez Charlemagne Gopez Arnel Mariano Federico Cruz Alberto Reyes Rolando Mariano Emmanuel Arcallana

Palace Helper

Charles Timothy Gopez

Damas

Jonalyn May del Rosario Charmelagne Xylene Gopez Lizel Redillas Aryol Aragon

Angel Lee Ann Mei Enriquez (Gethsemane) Angel John Jerald Villavicencio (Resurrection)


CAST OF CHARACTERS Ladies of Jerusalem Ellen Jose Beth Monreal Fely Narral Fely Blanco Yollie Vadez Mine Palomado Matilde Samartino

Millet Guiao Liza Miranda Lucy Nacional Josie Blaser Mely de Guzman Maricel Bongat Teresita Fernandez

other members of the Daughters of Our Lady of Solitude & Collectors Group

Roman Soldiers Edgardo Salinas Michael Goodfellow Ramon Vicedo Edwin Alex Abinal Dennis Dizon Jobhy Bautista Jeremy Coronel Craig Jeck Tinio Lordgene Navarro

Ronald Paraies Joseph Jopay Joseph dela Cruz Roberto Cacha Raniel Dimaisip Willie Alabastro John Paul Escarla Ronnel Sanchez Ricky Hernandez


CAST OF CHARACTERS Jews John Mykel Olaguet Clyde Gracia Danilo Aguilar Sebastian Aguilar Ron-ron Madrigal Michael Lachica Sheriff Quijano Jerico Lapan Rommel del Rosario Jr. Raven Lacson Aldrin del Carmen Adrian del Carmen Irish Tirona Luigi Tirona Nicole Don Mendoza Agustine Christian Vale Cruz Nikka Vince Cruz Michael Ray Agudo Joseph Japay Joselito Estellioso Jesscor Aguirre Gerick Mendoza Vince Pili Rommel Verdejo Jhune Hernandez Lloyd Sabater Bucoy Mamro Carlo Mae Lat


Diocese of Imus SAN ROQUE PARISH Cavite City Rev. Fr. Cesar R. Reyes Jr. Parish Priest Rev. Fr. Roa Assistant Parish Priest

PARISH PASTORAL COUNCIL AR Sisters Lay Ministers of the Eucharist Lay Ministers of the Word Adoracion Nocturna Filipino Catholic Women’s League Apostleship of Prayer Confraternity of Our Lady of Lourdes El Shaddai Couples for Christ Third Order of St. Dominic Cofradia del Nuestro Padre Jesus Nazareno Cofradia de la Virgen de la Soledad Music Ministry Parish Youth Ministry Holy Name Society Knights of the Altar Children of Mary Legion of Mary Columbian Squires Daughters of Our Lady of Solitude Knights of Columbus Cagayan Palace

Barangay Clusters Gangley PN High School San Jose


OFFICERS & DIRECTORS CY 2012-2013 REV. FR. CESAR REYES Chaplain SK LOUIE CHIN Grand Knight

SIR RESTITUTO DONEZA Treasurer

SIR ARNEL MARIANO Deputy Grand Knight

SK FLORENCIO GALAN, PGK Lecturer

SK GERALDO RODRIGO Chancellor

SIR BENJAMIN GONZALES Advocate

SIR LARRY STA. ELENA Financial Secretary

SIR MICHAEL CRISTOBAL Inside Guard

SIR WILLIE OCZON Warden

SK ARMANDO CAMUA SIR RENE LIZADA Outside Guards

BRO. ARJAY ALEJO Recorder

“KNIGHTS ACTING SELFLESSLY, IN SERVICE TO ONE. IN SERVICE TO ALL.”

Board of Trustees SIR DENNIS MARIANO, PGK Trustee for Three (3) Years SK LITO DELOS SANTOS, PGK Trustee for Two (2) Years SK FLORENCIO GALAN, PGK Trustee for One (1) Year SIR RESTITUTO DONEZA Program Director Activity Directors SIR CHARLEMAGNE GOPEZ Church SIR LEONIDES ENRIQUEZ Community SIR EDGAR DELOS REYES Council BRO. MICHAELANGELO CAMILO Family SIR NARCISO LAMBERTE Pro-Life BRO. IVAN VICTOR AMAGAN Youth SK LITO DELOS SANTOS, PGK Membership Director


Ang Daan ng Krus


Pambungad na Panalangin Ang Tanda ng Krus Panginoong Hesukristo, habang kami’y nagtitipon dito ngayon upang pagnilayan ang Iyong Misteryong Pampaskuwa, pagkalooban Mo kaming lahat ng biyaya na kasuklaman ang kasalanan tulad ng Iyong ginawa, at gugulin ang aming buhay para sa aming kapwa ayon sa Iyong halimbawa. Sa gayon, kami ay maaaring makibahagi hindi lamang sa Iyong paghihirap, kundi maging sa Iyo ring muling Pagkabuhay. Ikaw na nabubuhay at naghahari magpakailanman. Amen.


UNANG ISTASYON

~ Ang ~ Huling Hapunan Bong & Tere Gonzales & Family Sir Adan Alvarez & Family GK Noel & Mrs. Liza Pabilona & Family Nestor Alejo & Family


Unang Istasyon: Ang Huling Hapunan Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan. Pagbasa (1 Cor 11: 23-26): Ang Panginoong Hesus, noong gabing siya’y ipagkanulo ay dumampot ng tinapay, nagpasalamat, at pinagpira-piraso ito, at sinabi, “Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo.” Gayon din naman, matapos maghapunan ay hinawakan niya ang kalis at sinabi, “Ang kalis na ito ang bagong tipan na pinagtitibay ng aking dugo. Tuwing iinumin ninyo ito, gawin ninyo bilang pagaalaala sa akin. Sapagkat tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom sa kalis na ito ay ipinahahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon, hanggang sa muling pagparito niya. Panalangin: Panginoong Hesus, minahal mo kami nang lubus-lubusan. Minahal mo kami hanggang sa katapusan. Ikaw ay nananatili sa Eukaristiya upang maging pagkain at inuming nagbibigay buhay na walang hanggan. Nananatili ka sa aming piling upang maging patuloy na palatandaan ng nagliligtas na pananatili ng Diyos sa lahat ng sandali ng aming buhay. Patawarin mo kami, Panginoon sa lahat ng sandali na kami ay hindi nagpapahalaga sa iyong paghahandog sa amin ng iyong sarili at sa iyong mapagmahal na pananahan sa Banal na Eukaristiya. Ama Namin… Aba Ginoong Maria… Luwalhati…


IKALAWANG ISTASYON

~ Ang Pagdurusa ni ~ Hesus sa Halamanan Mrs. Luz Pimentel & Family Benjie & Charito Orilla & Family Sol & Joe Bautista Mrs. Zenaida Lagac & Family


Ikalawang Istasyon: Ang Pagdurusa ni Hesus sa Halamanan Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan. Pagbasa (Lu 22: 39-45): Gaya ng kanyang kinaugalian, umalis si Hesus at nagtungo sa Bundok ng mga Olibo; at sumama ang mga alagad. Pagdating doo’ys sinabi niya sa kanila, “Manalangin kayo, nang hindi kayo madaig ng tukso.” Lumayo siya sa kanila nang may isang pukol ng bato, saka lumuhod at nanalangin. “Ama,” wika niya, “kung maaari’y ilayo mo sa akin ang kalis na ito. Gayunma’y hindi ang kalooban ko ang masunod, kundi ang kalooban mo.” Tigib ng hapis, siya’y nanalangin nang lalong taimtim; tumulo sa lupa ang kanyang pawis na animo’y malalaking patak ng dugo. Tumindig siya pagkapanalangin at lumapit sa kanyang mga alagad. Naratnan niyang natutulog ang mga ito dahil sa tindi ng dalamhati. Panalangin: Mahaba at kakila-kilabot ang gabing iyon, Panginoon. Ni isa sa iyong mga alagad ay nagkaroon ng lakas na samahana ka sa iyong pagdurusa. Ang tanging lakas mo ay ang iyong matibay na hangaring tuparin ang kalooban ng Ama, maging anuman ang halaga. Patuloy kang mag-isang nagdurusa, maging hanggang sa kasalukuyan, sa kalungkutan ng mga walang kaibigan, ng mga walang tahanan, ng mga walang kinabukasan. Puno ang aming lipunan ng katulad nila, ngunit patuloy kaming nagkukunwaring walang malay at natutulog habang sila ay namamatay na biktima ng kapabayaan. Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Luwalhati…


IKATATLONG ISTASYON

~ Si Hesus sa ~ Harapan ng Sanedrin Jojo Belen & Family Sis. Loreta Abrajano & Family Ariel Pitagan & Family Dra. Shaula Pulido


Ikatatlong Istasyon: Si Hesus sa Harapan ng Sanedrin Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan. Pagbasa (Lu 22: 39-45): Tumindig ang pinakapunong saserdote sa harap ng kapulungan, at tinanong si Hesus, “Ikaw ba ang Mesisyas, ang Anak ng Kataastaasan? “Ako nga,” sagot ni Hesus. “At makikita ninyo ang Anak ng Tao, na nakaupo sa kanan ng Makapangayarihan sa lahat. At makikita ninyong siya’y dumarating, nasa alapaap ng langit.” Winasak ng pinakapunong saserdote ang sariling kasuutan, at sinabi, “Hindi na natin kailangan ang mga saksi! Kayo na ang nakarinig ng kanyang kalapastanganan sa Dios! Ano ang pasya ninyo?” Ang hatol nilang lahat at kamatayan. Kinaumagahan, nagpulong agad ang mga punong saserdote, ang matatanda ng bayan, ang mga eskriba, at ang iba pang bumubuo ng Sanedrin. Ipinagapos nila si Hesus, at dinala kay Pilato. Panalangin: Panginoong Hesukristo, ikaw ang hukom ng sangkatauhan, ngunit tinanggap mong litisin ng mga hukom na di makatarungan. Ikaw ang pinakabanal, tanging walang sala sa daigdig, ngunit tiniis mo ang pagpaparatang ng mga sutil na makasalanan. Patuloy pa rin ang walang katarungang paglilitis na inuulit sa bawat di-makatarungnang paghatol kung saan pinarurusahan ang mga walang sala at pinalalaya ang may sala. Ikaw pa rin ang biktima ng ganitong kawalan-katarungan laban sa mga mahihina, mga walang lakas na ipagtanggol ang sarili at ang mga walang tinig sa lipunan. Sa kanila, patuloy kang nabubuhay at nagdurusa. Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Luwalhati…


IKAAPAT NA ISTASYON

~ Ang Paghampas ~ at Pagpuputong ng Koronang Tinik Alberto & Cory Bellaflor & Family Bro. Emil Mariano & Family Lhoy & Lenie Lamberte Bro. Armando & Sis. Agnes Camua


Ikaapat na Istasyon: Ang Paghampas at Pagpuputong ng Koronang Tinik Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan. Pagbasa (Mt 27:22-30): Sinabi sa kanila ni Pilato, “Kung gayon, ano ang gagawin ko kay Hesus na tinatawag na Kristo?” Suamgot ang lahat, “Ipako sa krus!” “Bakit, anong masama ang ginawa niya?” tanong ni Pilato. Ngunit lalo pa nilang isinigaw, “Ipako sa krus!” At ipinahagupit si Hesus at ibinigay sa kanila upang ipako sa krus. Si Hesus ay dinala ng mga kawal ng gobernador sa pretoryo, at nagkatipon ang buong batalyon sa paligid niya. Naglikaw sila ng halamang matinik at ipinutong sa kanya, saka pinaghawak ng isang tambo sa kanyang kanang kamay. At palibak siyang niluhud-luhuran at binati: “Mabuhay ang Hari ng mga Hudio!” Panalangin: Natangay sa sulsol ng iyong mga kaaway ang malaking pulutong kaya’t ninais nilang ikaw’y ipapatay, mahal na Hesus. At hindi rin naisip ni Pilato na mahalagang panindigan ang katarungan at ipagtanggol ang iyong pagiging walang sala. Kaya’t nagtagumpay ang mga hibang. Gayundin naman ang mga kawal na Romano, habang binatbat nila ng sugat ang iyong katawan at pinutungan ang iyong ulo ng koronang tinik at pagaalipusta. Ngunit hindi ka man lamang dumaing. Tiniis mong lahat iyon, tulad ng isang maamong tupang kakatayin; walang imik tulad ng milyun-milyong mga simpleng taong pinagsasamantalahan, inaapi ng mga halang ang kalooban, habang marami sa amin ang nagbubulag-bulagan sa harap ng walang pakundangang paglapastangan sa katarungan. Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Luwalhati…


IKALIMANG ISTASYON

~ Tinanggap ni Hesus ~ ang Kanyang Krus Alyn Sabater PGK Toy & Sis. Susan Galan & Family Dra. Donna Lagac


Ikalimang Istasyon: Tinanggap ni Hesus ang Kanyang Krus Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan. Pagbasa (Mt 27:31): At matapos kutyain, kanilang inalisan siya ng balabal, sinuutan ng sariling damit, at inilabas upang ipako sa krus. Panalangin: Minamahal kong Panginoon, ang krus ay siyang parusa para sa mga kriminal at mga manghihimagsik. Sino ang maniniwala na ipinatong ito sa balikat ng Anak ng Diyos, ang puno ng lahat ng kabanalan at kabutihan? Sa kabila ng lahat, tinanggap mo ito nang buong kababaang-loob sapagkat alam mo na ito lamang ang paraan upang kami ay mailigtas sa walang hanggang kaparusahan. Krus namin ang krus na tinanggap mong pasanin — ang krus ng aming mga kasalanan, ang krus ng aming mga kahinaan, ng aming mga pagkasira ng loob, ng aming mga pagkabigo at ng aming kasamaan. Hanggang sa mga araw na ito, pasan ng mga walang-malay na kalalakihan, kakababaihan, at kabataan ang krus ng mga pagkakamali, kasakiman, pagmamataas, kahalayan. Ipagkaloob mo sa amin, mahal na Panginoon, ang biyayang di kailanman magbigay ng mga pasanin sa aming kapwa dahil sa aming mga pagkukulang. Magiting nawa namin pasanin kasama mo ang krus ng aming mga pang-araw-araw na tungkulin. Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Luwalhati…


IKAANIM NA ISTASYON

~ Si Hesus ay Nadapa ~ sa Bigat ng Krus Thick Ebarle Eddie & Marie de Lima & Family Grace Viray & Family


Ikaanim na Istasyon: Si Hesus ay Nadapa sa Bigat ng Krus Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan. Pagbasa: Habang sumusuray ang hakbang ni Hesus patungo sa Kalbaryo halos madurog si Hesus sa bigat ng Krus na kanyang pasan-pasan. Higit pa marahil, napuspos si Hesus sa panunuya at panlilibak ng mga tao na para bagang siya ay isang kriminal. Halos igupo ng pagod dahil sa kawalan ng tulog sa magdamag at pagpapahirap na kanyang dinanas, si Hesus ay nalugmok sa bigat ng Krus at pagaalipusta na kanyang dinanas. Panalangin: Di malayo ang Kalbaryo mula sa pretoryo, iilang daang metro lamang. Ngunit, natagalan ka, Panginoon, na tahakin ang daang iyon, hirap na hirap at bigung-bigong umaasang may tutulong. Matagal nang naglaho ang iyong lakas. Lubak-lubak ang daan. Malupit ang mga tao. Pabigat nang pabigat ang krus hanggang di mo na ito makayanan, at ikaw’y nalugmok na sa lupa! Tulad mo, Panginoon, napakarami sa amin ang nadarapa at napapasubasob dito sa mahirap na daan ng krus ng buhay dahil sa mga pagsubok at kabiguang dumadagok sa amin. Kapag kami ay nadarapa at nalulugmok, Panginoon, tulungan mo kami! At kapag hindi na kayang pasanin ng aming mga kapatidang maraming pagsubok na dumarating, Panginoon, pagkalooban mo kami ng pusong mahabagin upang kami’y di na makabigat pa sa kanilang pasanin. Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Luwalhati…


IKAPITONG ISTASYON

~ Tinulungan ni ~ Simon si Hesus sa Pagpasan ng Krus Juan & Agnes Poblete Bro. Jo Llacuna & family Bro. Alendri Galan & Family


Ikapitong Istasyon: Tinulungan ni Simon si Hesus sa Pagpasan ng Krus Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan. Pagbasa (Mc 15:21): Nakasalubong nila ang isang lalaking galing sa bukid, si Simon na taga-Cirene, ama nina Alejandro at Rufo. Pilit nilang ipinapasan sa kanya ang krus ni Hesus. Panalangin: Napadaan lamang si Simon habang pauwi na siya mula sa bukid. Napilitan siyang mag-iba ng landas isang paglihis na nagbago ng takbo ng kanyang buhay. Napilitang pasanin ang iyong krus, siya man ay biktima ng pang-aapi at kawalan ng katarungan. Naranasan niya ang iyong sakit, Panginoon, kung kaya’t natuklasan niya ang ibig sabihin ng buhay, kapag nagnanais na tumulong sa kapwa. Magsugo ka pa ng maraming tulad ni Simon ng Cirene, Panginoon. Padalhan mo kami ng mga taong may lakas ng loob upang pasanin ang krus ng iba nang may pakikiisa at pagtitiyaga tulad ng magkakapatid. Gawin mo kaming tulad ni Simon, Panginoon. Bigyan mo kami ng lakas at kagandahang-loob na magdamayan, sapagkat ang aming lipunan ay puno ng nagdurusang Kristo na hindi na makaagapay sa bigat ng kanilang pasang krus na may iba’t ibang hugis at bigat. Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Luwalhati…


IKAWALONG ISTASYON

~ Nasalubong ni ~ Hesus ang Kababaihan ng Herusalem Cely Pe単alosa & Family PGK Giner Vasquez & Family Bro. Norman Villena & Family


Ikawalong Istasyon: Nasalubong ni Hesus ang Kababaihan ng Herusalem Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan. Pagbasa (Lu 23: 27-31): Sinusundan si Hesus ng maraming tao, kabilang ang mga babain nananaghoy at nananambitan dahil sa kanya. Nilingon sila ni Hesus at sinasabi sa kanila, “Mga kakabaihan ng Jerusalem, hiwag ninyo akong tangisan. Ang tangisan ninyo’y ang inyong sarili at ang inyong mga anak. Tandaan ninyo: darating ang mga araw na sasabihin nila, ‘Mapapalad ang mga baog, ang mga sinapupunang hindi nagdalantao, at ang mga dibdib na hindi nagpasuso.’ Sa mga araw na iyo’y sasabihin ng mga tao sa mga bundok, ‘Gumuho kayo sa amin!’ at sa mga burol, ‘Tabunan ninyo kami!’ Sapagkat kung ganito ang ginagawa sa kahoy na sariwa, ano naman kaya ang gagawin sa tuyo? Panalangin: Panginoong Hesus, tunay ang pagdadalamhati ng mga babae ng Jerusalem para sa iyo. Buong tapang silang sumunod sa iyo sa daan patungong Kalbaryo. Subalit tinawag mo ang kanilang pansin sa dahilan ng kanilang pagdurusa — ang KASALANAN at ang kaparusahan na dulot sa lahat ng hindi pagsisisi. Sana’y naging tapat din kaming tulad nila sa pagdadalamanhati sa hindi makatarungang pagpapahirap sa iyo. At sana’y kaawaan din ang aming puso sa mga pagdurusa ng aming kapwa — lalo na ng mga iskwater, walang hanapbuhay, walang tahanan, at ng lahat ng mga biktima ng kawalan ng katarungan at pagsasamantala. Ang lahat ng uri ng mga kasalanng ito ang nagdadala ng mga karapat-dapat na pagpaparusa ng Diyos sa ating lipunan. Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Luwalhati…


IKASIYAM NA ISTASYON

~ Si Hesus ~ ay Ipinako sa Krus Mr. & Mrs. Grace & Tito Dabuy Ruel Tiston & Family Merlie Bautista & Family


Ikasiyam na Istasyon: Si Hesus ay Ipinako sa Krus Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan. Pagbasa (Lu 23: 33-35): Nang dumating sila sa dakong tinatawag na Bungo, ipinako nila sa krus si Hesus. Ipinako rin ang dalawang salarin, isa sa gawing kanan at isa sa gawing kaliwa. sinabi ni Hsus, “Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.” At nagsapalaran sila upang malaman kung alin sa kanyang kasuutan ang mapupunta sa isa’t isa. Ang mga tao’y nakatayo roon at nanonood; nililibak naman siya ng mga pinuno ng bayan. Anila, “Iniligtas niya ang iba; iligtas naman niya ngayon ang kanyang sarili, kung siya nga ang Mesiyas, ang hinirang ng Diyos!” Panalangin: Panginoon, ang mga kamay mong dati’y humahaplos sa mga bata, nagbabasbas sa mga maysakit, at nagpapalayas sa mga demonyo, ngayo’y nakapako na sa krus. Ang iyong mga paa na nagdala sa iyo sa maraming bayan upang ihatid ang Magandang Balita ng Kaharian sa lahat, ngayo’y di na maaaring makagalaw pa magpakailanman. Hinahamon ka ng iyong mga kaaway na bumaba sa krus. Subalit di mo pinansin ang kanilang panunukso. Hindi dahil sa ikaw ay nakapako, kundi dahil sa pag-ibig mo sa mga makasalanan. Pag-ibig ang naghatid sa iyo roon. Pag-ibig ang pumipigil sa iyo roon. Panginoong Hesus, pagkalooban mo kami ng biyaya na makatupad sa maing tungkulin nang buong pagmamahal, kahit na ang mga ito ay magdulot pa sa amin ng pait tulad ng pagkapako sa krus. Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Luwalhati…


IKASAMPUNG ISTASYON

~ Ang Nagtitikang ~ Magnanakaw Doc Dante & Cristy Famy & family Ruel Madlangsakay & Family Benedict Santolorin & Family


Ikasampung Istasyon: Ang Nagtitikang Magnanakaw Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan. Pagbasa – (Lu 23: 39-43): Tinuya siya ng isa sa mga salaring nakabitin, at ang sabi, “Hindi ba ikaw na gMesiyas? Iligtas mo ang iyong sarili, pati na kami!” Ngunit pinagsabihan siya ng kanyang kasama, “Hindi ka ba natatakot sa Diyos? Ikaw ma’y pinarusahang tulad niya! Matuwid lamang na tayo’y parusahan nang ganito dahil sa ating mga ginawa; ngunit ang taong ito’y walang ginawang masama.” At sinabi niya, “Hesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka na.” Sumagot si Hesus, “Sinasabi ko sa iyo: ngayon di’y isasama kita sa Paraiso.” Panalangin: Panginoong Hesus, puspos ng katapatan sa pagsisisi ang nagtitikang makasalanan sa harap ng marami, punung-puno ng panananampalataya at pagtitiwala ang kanyang mga sinabi sa iyo. Naniniwala siya sa iyong Kaharian, at hindi mo siya binigo. Madalas na kami ay makatagpo ng mga taong nagkamali at nagnanais na magbagong-buhay, Panginoon. Ipahintulot mong kami ay maging bukas sa kanila, katulad mo sa nagtitikang magnanakaw. Sa ganitong paraan, kami rin ay papanaw sa mundong ito nang may pananampalataya at pagtitiwala tulad ng mabuting magnananakaw, at nakikinig sa pngako ng buhay na walang hanggan. Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Luwalhati…


IKALABING-ISANG ISTASYON

~ Si Maria at Juan ~ sa Paanan ng Krus Roland Ganacias & Family Jhune & Jean Lamberte & Family Mrs. Norma Pe単a & Family


Ikalabing-isang Istasyon: Si Maria at Juan sa Paanan ng Krus Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan. Pagbasa (Jn 19: 25-27): Nakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae nitong si Maria, na asawa ni Cleopas. Naroon din si Maria Magdalena. Nang makita ni Hesus ang kanyang ina, at ang minamahal niyang alagad sa tabi nito, kanyang sinabi, “Ginang, narito ang iyong anak!” At sinabi sa alagad, “Narito ang iyong ina!” Mula noon, siya’y pinatira ng alagad na ito sa kanyang buhay. Panalangin: “Tulad ng isang sibat, ang paghihirap ay tatarak sa iyong puso.” Ito ang hila ng matandang Simeon. Sa Kalbaryo, naranasan ni Maria ang katuparan ng huland ito. At muli niyang binigkas sa kanyang puso: “Maganap nawa sa aking ang iyong salita.” Walang sinuman sa balat ng lupa ang umibig sa iyo nang higit pa sa iyong Ina, Panginoon. Gayundin naman, wala kang inibig sa balat ng lupa nang higit pa sa kanya. Naroroon siya, saksi at kabahagi ng iyong pagdurusang naghatid ng kaligtasan. Sa paghahabilin mo sa kanya kay Juan, binigyan mo ng katiwasayan ang mga nalalabi pa niyang araw dito sa lupa; sa paghahabilin mo naman kay Juan sa kanya, binigyan mo kami ng katiwasayan habang-buhay, sapagkat ibinigay mosa amin ang lahat, ang iyong ina at amin ding Ina. Maging mapagmahal nawa kami sa kanya tulad mo. Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Luwalhati…


IKALABINDALAWANG ISTASYON

~ Si Hesus ay ~ Namatay sa Krus Nitz Manalac & Family Soledad R. Barrera & Family Mr. & Mrs. Gui Lallana & Family


Ikalabindalawang Istasyon: Si Hesus ay Namatay sa Krus Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan. Pagbasa (Jn 19: 28-30; Lu 23: 44-46): Nang mag-iikalabindalawa ng tanghali, nagdilim sa buong lupain at nawalan ng liwanag ang araw hanggang sa ikatlo ng hapon. Sinabi ni Hesus, “Nauuhaw ako!” May isang mangkok doon na puno ng maasim na alak. Itinubog nila rito ang isang espongha, ikinabit sa sanga ng isopo at idiniit sa kanyang bibig Nang masipsip ni Hesus ang alak ay kanyang sinabi, “Naganap na!” Sumigaw nang malakas si Hesus, “Ama, sa mga kamay mo’y ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu!” At pagkasabi nito, nalagot ang kanyang hininga. Panalangin: Kaming lahat ay hinatulang mamatay dahil sa aming mga kasalanan, at inako mo ang parusang ito, ikaw na hindi karapatdapat na tumanggap nito. Iisa lamang ang iyong buhay, Panginoon, tulad naming lahat, ngunit malaya mo itong inialay upang kami’y magkaroon ng buhay na walang hanggan. Pinatay ka ng mga kasalanan namin, dahil sa labis mong pagmamahal sa amin, pinakamamahal na Hesus. Bago ka nalagutan ng hininga, sinabi mong ikaw’y nauuhaw — uhaw sa pagibig. Tanggapin mo ngayon ang aming nagtitikang pag-ibig sa iyo, Panginoon. Nais ka namin mahalin alang-alang sa mga ayaw magmahal sa iyo. Nawa, sa katapusan ng aming pagkikibaka sa buhay, kami ay mamatay na nagtitiwala habang inuulit namin ang iyong winika, “Ama, inihahabilin ko sa iyo ang aking kaluluwa!” Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Luwalhati…


IKALABINTATLONG ISTASYON

~ Si Hesus ay ~ Inilibing PGK Jun Gonzales & Family Socorro Lamberte & Family Bro. Julius & Mayeth Lallana


Ikalabintatlong Istasyon: Si Hesus ay Inilibing Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan. Pagbasa (Mt 27: 57-60): Bago magtakipsilim, dumating ang isang mayamang tagaArimatea, na ang ngala’y Hose. Siya’y alagad din ni Hesus. Lumapit siya kay Pilato at hiningi ang bangkay ni Hesus. Iniutos naman ni Pilato na ibigay ito sa kanya. Kaya’t kinuha ni Jose ang bangkay at binalot ng bagong kayong lino. Inilagay niyo ito sa sariling libingan na di pa nalalaunang ipinauka niya sa bato. Pagkatapos, iginulong niya sa pintuan nito ang isang malaking bato, saka umalis. Panalangin: Panginoong Hesus, binalot ka ng kadiliman ng kamatayan. Ang tangi mong maliwanag na tanglaw ay ang malambing na pagmamahal ng iyong Ina, ang katapatan ni Juan, ang pakikipagkaibigan ni Jose ng Arimatea, at ng ilan pa. Inihimlay ka sa libingan tulad ng isang napagkahalagang kayamanang itinago sa baul, tulad ng isang butil na ibinaon sa lupa. Binigyan ng kahulugan at pag-asa ng iyong libing ang aming libing. Salamat sa iyo, naging isang mapayapang pamamahinga ito sa kandungan ng inang lupa, na naghihintay ng isang masayang paggising sa pagdating ng bukang-liwayway na muling pagkabuhay na wawasak sa mga tanikala ng kamatayan magpakailanman. Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Luwalhati…


IKALABING-APAT NA ISTASYON

~ Ang Muling ~ Pagkabuhay ni Hesus Joseph De Jesus & Family Commo Anselmo & Sis. Beng Legaspi Raul Doneza & Family


Ikalabing-apat na Istasyon: Ang Muling Pagkabuhay ni Hesus Sinasamba ka namin at pinasasalamatan, Panginoong Hesukristo. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na Krus at Muling Pagkabuhay, iniligtas mo ang sandaigdigan. Pagbasa (Mt 28: 1-6): Makaraan ang Araw ng Pamamahinga, pagbubukang-liwayway ng unang araw ng sanlinggo, pumunta sa libingan ni Hesus si Maria Magdalena at ang isa pang Maria. Biglang lumindol nang malakas Bumaba mula sa langit ang isang anghel ng Panginoon, iginulong ang batong nakatakip sa libingan, at naupo sa ibabaw niyon. Ang kanyang mukha ay nakasisilaw na parang kidlat at kasimputi ng busilak ang kanyang damit. Nanginig sa takot ang mga bantay at nabulagtang animo’y patay nang makita ang anghel. Ngunit sinabi nito sa mga babae, “Huwag kayong matakot; alam kong hinahanap ninyo si Hesus na ipinako sa krus. Wala na siya rito, sapagkat siya’y muling nabuhay tulad ng kanyang sinabi. Halikayo, tingnan ninyo ang pinaglagyan sa kanya.” Panalangin: Hesus, hindi maaring mabulok ang iyong banal nabangkay sa libingan. Hindi ka maaaring pigilan ang higit pa sa kinakailangan sa loob ng iyong libingan. Ngayon, pinatutunayan ng naigulong na malaking bato na nagpinid sa iyong libingan at ng pagpapatunay ng anghel na ang iyong muling pagkabuhay ay totoo. Pinagtitibay rin nila ang katotohanang kami man sa darating na panhon ay babangong muli sa kamatayan. Ang iyong muling pagkabuhay, Panginoon, ang ang huwaran ng aming muling pagkabuhay, maging ngayon pa man. Isang hamon ito para sa aming lahat na bumangon mula sa kamatayang dulot ng kasalanan para sa pinagpalang buhay. Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Luwalhati…


Pangwakas na Panalangin Panalangin para sa Intensiyon ng Santo Papa Ama Namin‌ Aba, Ginoong Maria‌ Luwalhati‌

Pangwakas na Panalangin Makapangyarihan at walang hanggang Diyos, namatay at matagumpay na muling nabuhay ang Iyong Bugtong na Anak para iligtas kami sa aming mga kasalanan. Sa Iyong kabutihan, muli mong buhayin ang Iyong mga tapat na nananampalataya upang makiisa sa kanya sa buhay na walang hanggang sa langit, kung saan nabubuhay siya at naghahari kasama Mo at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.





~*~ ACKNOWLEDGMENT Rev. Fr. Cezar Reyes Mayor Romeo G. Ramos & Family Sis. Teresa Gonzales Bro. Joe Llacuna Sis. Loreta Abrajano GK Louie Chin Sis. Millet Guiao Sis. Ellen Jose Sis. Auring Concepcion PGK Rey De Los Santos PGK Dennis Mariano Sis. Elisa Monreal Sis. Mahalia Ochoco PGK Toy Galan Bro. Mheng Gopez Bro. Larry Sta Elena Mrs. Rosita Ramos Del Rosario Mr. Edwin Guinto Mrs. Orquijo Former Mayor Totie Paredes & Councilors Legion of Mary

~*~


“Kaya, humayo kayo at gawin ninyong alagad ko ang lahat ng bansa. bautismuhan ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, at turuang sumunod sa lahat ng ipinag-utos Ko sa inyo. Tandaan ninyo: Ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng sanlibutan.�

Mateo 28:19-20


The Parish Pastoral Council San Roque Parish Cavite City and the Live Via Crucis 2013 Executive Committee would like to express their gratitude and appreciation to all the sponsors & donors of this year’s Kalbaryo ni Hesus presentation. And to each & everyone who in one way or another helped and extended time and effort to make this event a resounding success. TO GOD BE THE GLORY!




Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.