CENTRAL LUZON
Volume 2, No.30
August 9-15, 2012
ENGR. PEPE RIGOR B’DAY CELEBRATION DINAGSA KAHIT BUMABAHA ...P.6
COA FINDINGS
TARLAC CITY MAY P163.3M CASH OVERDRAFT basahin sa p.3
"HINDI AKO BAYAD"- ANDY OCAMPO.. P.5
DR. JEROME LAPEñA HANDA NA SA KANYANG LABAN.. to P.5
Alvin
EDITORYAL PROGRAMA SA EDUKASYON NG P-NOY ADMINISTRATION NAPAPANAHON Napapanahon at dapat na maisulong ang bagong programa ng edukasyon sa bansa, ang K plus 12. Ito ang nakikita nating posibleng magtagumpay sa lahat ng mga programa ng administrasyong Aquino tungo sa pagsulong nang antas ng edukasyon kasama na ang kabuhayan ng mamamayan nito. Ito’y mabigat na dalahin sa panig ng mga magulang at magaaral, ang dalawang taong dagdag sa basic education ay pahirap sa tingin ng marami, subalit ito ang nararapat dahil napapanahon na ngayon ang globalization. Maraming nais magtapos ng pag-aaral upang maging trabahador sa ibang bansa. Ano ang dahilan at hindi kuwalipikado ang mga graduate natin sa kolehiyo sa ibang bansa? Ito’y dahil na rin sa kakulangan sa basic education. Ang isang dentista na nagtapos dito sa atin ay dental technician lamang ang kategoriya pagdating sa ibayong dagat, dahil hindi pa nila kinokonsiderang college graduate ang mga nagtapos ng apat na taong kurso sa kolehiyo dito sa ating bansa, kailangan mo pa ng dalawang dagdag na taon para mag-masters saka pa lamang ito magiging college graduate sa ibang bansa. Maagang nakakapagtapos ng kolehiyo ang isang batang magaaral sa Pilipinas. Kung tinanggap ka ng anim na taong gulang sa grade one at tuloy-tuloy na nag-aral, ang bata ay makakapagtapos sa college sa edad na 20. Subalit pag-nag-apply ka sa ibayong dagat ay hindi ka pa kuwalipikado dahil ang tinatanggap doon ay 23 taong gulang at nagtapos ng kolehiyo na may international standard. Kung magiging matagumpay lamang ang implementasyon ng bagong programa sa edukasyon ng P-Noy Administration ay aani ito ng papuri pagkalipas ng ilang maraming taon. Kung tama sa edad at taon ng pag-aaral ang ating mga produkto, maihahanay na tayo sa pandaigdigang standard ng edukasyon. Kahit anong galit natin at sasabihin nating lalo tayong pinahihirapan ng gobyerno dahil sa pagdaragdag ng taon sa paaralan ay dapat natin itong tanggapin ng may pagmamalaki dahil sa bandang huli tayo rin ang aani nito. Ilang taon man tayong mahihirapan sa pagpapaaral, subalit magiging sulit ito pagdating ng araw dahil ang iyong pinagtapos ng apat na taon ay puwede nang maihanay sa mga propesyonal na kompetisyon sa ibang bansa. Sa ngayon kung nagtapos ka sa kolehiyo, simpleng manggagawa lamang ang aabutin mo pag nag-apply ka ng trabaho sa abroad.
PULITIKA SA TARLAC CITY BATAY SA KASAYSAYAN Ating Balikan ang kasaysayan ng pulitika sa Tarlac City matapos ang 1986 EDSA Revolution. Noong mga panahong 'yon si Mayor Gelacio Manalang ang popular na icon ng Tarlac City, kaya mula sa barangay naging konsehal hanggang sa gawin siyang alkalde nang tatlong termino ng mga mamamayan sa siyudad ng Tarlac. Matapos ang termino ni Manalang ay napili ng mga naghaharing uri ang mga kandidatong sina Baby Lugay, na siyang manok nang noo'y Kongresista ng Second District, ngayon ay pangulo na ng bansa na si P’Noy. Si Noel Soliman naman ang bet ng NPC ni former Ambassador Danding Cojuangco, si Joji David ay bet ni Mayor Manalang na tumakbong Governor laban kay dating Governor Aping Yap. Nasaan noon si Aro Mendoza, initsapuwera siya ni P’Noy dahil sa paniwalang tapos na ang political carreer nito. Doon nanindigan si Aro at sinuway ang mga Aquino sa Luisita. Ano ang naging resulta landslide ang boto ni Aro laban sa kanyang mga kalaban na umabot ng pito. Kahit pagsamasamahin mo ang boto ng lahat ng kalaban ni Aro noong 2001 ay malaki pa ang lamang niya sa kabila ng pagiging independent candidate nito. Nanindigan si Aro ng maraming taon, kasama niya ang GMA Administration, kaya lagi siyang panalo sa halalan. Subalit noong pabagsak na ang administrasyon ni GMA, umalis na si ARO sa poder ni President
PITIK BULAG
Sundan sa p.9
KASAYSAYAN NANG DIAPER PINALAWAK LANG NG MGA MAY MAPAGLARONG IMAHINASYON
Naging malaking isyu ang diaper na hindi ko na ikukuwento ang kasaysayan. Narinig na kasi ito ng halos 30 porsiyento nang mga mamamayan sa Tarlac City mula sa mga barangays, pondohan, paaralan, terminal at nagiging katuwaan na lamang na pinag-uusapan ang isyung ito. Bagamat walang tinukoy na mga pangalan dito sa programa ni Jess Malvar sa radyo, meron yatang tinamaan na umaaray. Ito ay parang kuwentong “Bato-bato sa Langit.” Isang parabula na mula sa facebook ay naikuwento sa radyo subalit maraming sumakay at ginawang katatawanan ng mga taong nakakaintindi sa kahulugan nito. Nakakatuwa dahil ang mga ganitong kuwento ay naririnig ko lamang sa mga inuman ng mga lasing. Pinatulan nang ilang pulitiko ang kuwentong ito, akala nila sila ang pinatamaan sa patutsada. Bahala na nga kayo sa inyo-inyong interpretasyon sa k’wentong diaper. Kung kayo ang tatanungin ko, ano ang gusto ninyo para sa baby ninyo ngayong tag-ulan, DIAPER O LAMPIN? Sagot.. O! di ba kayo rin, gusto n’yo diaper?
CENTRAL LUZON
Jess P. Malvar Publisher Malou P. Malvar Marketing Manager Charito Valencia Mark Jessel Malvar Office Staff Layout Artist Atty. Edward Robea Ruby Bautista Atty. Christopher Basilio Marcelo Candelaria Legal Counsels Ad Consultants
2C
ENTRAL
LUZON BANAT NEWSMAG AUGUST 9-15, 2012
BANAT Newsmag is a Community NewsMagazine, Published in Taglish, circulated in Central Luzon with Editorial Business Office @ Tarlac City. For Subscription, Advertisement, Extra-Judicial Publication, etc. call or text 09302451167 or email @ diyaryobanat@yahoo.com / jessmalvar@gmail.com. website http://clbanat.webs.com
COA FINDINGS
TARLAC CITY MAY P163.3M CASH OVERDRAFT Umaabot sa P163,322,965.62 (P163.3M) milyong piso ang cash overdraft ng siyudad ng Tarlac, batay sa Audit Report ng Commission on Audit (COA) sa mga taong 2010 hanggang 2011 sa pinakahuling ulat hanggang Disyembre 31, 2011. Ito ay batay sa unang findings ng COA report na nilagdaan generating lease-contract subalit ang implementasyon nito ay dapat ni Ma. Rowena R. Bucu, State Auditor IV, Audit Team leader sa na sumunod sa probisyon ng batas na sinasaad sa Section 198 at kanyang report kay COA Region 3 Director Winnie Rose H. 533 sa GAAM Volume 1. Sinabi pa sa rekomendasyon ng COA Encallado na may petsang Pebrero 23, 2012 ang overdraft ay na ang Negotiated Contract ay maaari lamang umano matapos batay sa indikasyon na ang trust collection at mga obligasyon ng ang dalawang (2 failed) nabigong biddings. city government sa mga bayarin at pagkakautang nito ay di Ika-apat na findings, hindi umano ipinatupad ng pamahalaang nababayaran sa tamang oras na paglabag sa Section 305 (e) at lungsod ang pagbibigay ng limang (5) porsiyentong pondo sa 337 ng RA 7160 (Local Government Code) at Section 4 (3) ng kabuuang budget na P48,700.000.00 para sa mga kababaihan sa Presidential Decree (PD) 1445 na nakaapekto umano sa cash flow programang Gender and Development (GAD) program, na ng susunod na taon. paglabag sa Joint Circular No. 2004-01 ng Department of BVudget Ito marahil ang naging dahilan kung bakit walang cash o and Management (DBM), National Economic and Development simot ang kaban ng siyudad sa taong 2012 at na mismanage pa Authority (NEDA) at National Commission on Filipino Women nang kasalukuyang administrasyon ang pagpapatakbo ng at Section 31 ng 2011 General Appropriation Act (GAA). pamahalaang lungsod. Ika-limang findings, ang remittance o pagbabalik ng 30 percent Inirekomenda ng COA na ang Local Finance Committee at share ng mga barangay mula sa mga Real property (RPT) iba pang opisyal ay kumilos at gamitin ang Cash Flow Analysis collection ay hindi ipinatupad nang kasalukuyang upang mabantayan ang pagpasok at paglabas ng pera ng siyudad, administrasyon na may kabuuang P10,373,100.88 na nakaupang masiguro na ang trust liabilities ay magagamit lamang sa apekto nang malaki sa pagbibigay ng basic services at pagbabayad ng utang ng siyudad sa tamang oras na naaayon sa pagpapatupad ng mga programa sa mga barangay. pag-aatas ng Section 305(e) at 337 ng RA 7160 at Section 4 (3) Inirekomenda ng COA sa Accounting Division na ng PD 1445. magsagawa agad ng computation para sa mga shares ng Sa ikalawang findings ng COA, sumobra umano ang gastos barangay mula sa RPT collections at i-remit agad sa mga ng city government na umabot sa P17, 169,629.00 taong 2009 na barangay and share nito sa tamang panahon na itinakda ng naka charge sa current year 2010 na kulang ang appropriation, na Section 271 (d) ng RA 7160, upang sa tamang panahon din ay paglabag sa Section 305, 321 (e) and 337 of RA 7160 at Section maibigay ang mga basic services sa mga barangay at hindi 4 (3) of PD 1445. maapektuhan ang mga proyekto ng mga ito. Inirekomenda ng COA na ang City Budget at City Ika-anim na findings, Dahil sa hindi pagsasagawa ng Annual Accountant ay manatili sa probisyon ng Section 305 at 350 ng procurement Plan (AAP) at Project Procurement Management RA 7160 "That all lawful expenditures and obligations incurred Plan (PPMP) na siyang giya sa procurement ng siyudad, ito umano during the fiscal year shall taken up in the accounts of that year ay nagresulta sa paghahati-hati ng purchase request at purchase and to the requirement of the accrual basis of accounting and the orders para sa pagbili ng pamahalaang lungsod ng gamit at matching principle of expenses to reflect the correct balance of mga serbisyo upang iwasan at paikutin ang requirements on net income for the particular period." public bidding na paglabag sa probisyon ng Revised Implementing Ikatlong findings, nakipag-transaksiyon umano ang Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act 9184. pamahalaang lungsod sa pamamagitan nang Mayor na pumasok Inirekomenda nang COA sa pamunuan ng siyudad na sa Lease Contract/ Memorandum of Agreement sa pribadong mahigpit na pagpapatupad sa General Services Office (GSO) na indibidwal at korporasyon na siyang mag-maintain, manage, sumunod sa probisyon ng RA 9184. operate, maintain and develop sa iba’t-ibang pag-aari ng Ika-pitong findings, ang pamahalaang lungsod ay hindi pamahalaan na hindi sumasailalim sa Public Bidding na mariing sumunod sa ipinag-uutos ng Department of Interior and Local paglabag sa Section 198 ng COA Circular No. 92-386 na kilala Govenrment (DILG) Circular No. 2010-83 na may petsang Agosto bilang Rules and Regulations on Supply and Property 31, 2010 "full disclosure (paghahayag) of local budget and finances Management in Local Governments at Section 531 at 553 ng and bids and public offerings upang ma-promote ang good GAAM Volume 1. governance, transparency, at accountability. Inirekomenda ng COA na ang pamahalaang lungsod ay Inirekomenda ng COA na sumunod ang City Mayor at mga sumunod sa probisyon ng RA 9184 on public bidding para kinauukulang opisyal ng pamahalaan sa nasabing sirkular ng DILG. masiguro umano ang transparency at accountability. Ang At ika-walang findings, Binalikat umalo o sinalo nang Sangguniang Panlungsod ay otorisado lamang umano na bigyan pamahalaang lungsod ang repair at maintenance na mula ng kapangyarihan ang Alkalde na pumasok sa mga revenueCOA FINDINGS sa p.4 CENTRAL LUZON BANAT NEWSMAG AUGUST 9-15, 2012
3
COA FINDINGS... mula p.3 P23,000.00 hanggang P117,000.00 para sa mga sasakyan ng anim (6) na barangays kahit na ang mga barangay na ito ay may sariling pondo para sa repair at maintenance ng kanilang mga barangay vehicles. Inirekomenda ng COA sa pamunuan ng pamahalaang lungsod na ipaliwanag kung bakit kinakailangan nilang bumili ng mga gulong ng barangay vehicles kahit may sariling pondo ang mga barangay na ito, ito umano ay duplicate lamang sa gastos na puwedeng gamitin para sa ibang bagay. FINANCIAL HIGHLIGHTS Narito ang comparative data na nagpapakita nang kabuuang financial condition at resulta sa operasyon ng City Government sa taong 2010 at 2011. Sa Assets ng city government sa taong 2010 umaabot sa P1,891,240,721.16 at P2,095,225,414.14 sa taong 2011; may pagtaas ito ng P203,984,692.98. Ang Liabilities sa 2010 ay P563,545,420.01 at P650,196,871.36 sa taong 2011 na may pagtaas ng P86,651,451.35, samantala ang Equity sa taong 2011 P1,445,028,542.78 at P1,327,695,301.15 sa taong 2010 na may pagtaas nang P117,333,241.63. Sa resulta ng operasyon ng Tarlac City sa taong 2010 at 2011; kumita ang siyudad sa taong 2010 ng P781,463,532.15 at P873,308,017.24 sa taong 2011 na may pagtaas sa halagang P91,844,485.09. Ang sobra sa kinita ng pamahalaang lungsod kumpara sa gastos nito sa taong 2010 ay 126,515,204.63 at P126,515,204.63 sa 2011 may pagtaas ng gastos sa magkahiwalay na taon sa halagang P17,428.232.24. FINANCIAL STATEMENTS Nakakita ng maraming
4C
ENTRAL
deficiency o kakulangan at mga maling pag-uulat sa financial statement ng siyudad. Ang halagang P1,945,934,559.74 ay hindi umano na establisa dahil sa kakulangan ng mga financial at accounting records, nonmaintenance ng property cards at ang patuloy na pagkabigo ng mga ito na magsagawa ng physical inventory ng mga pagaari ng pamahalaang lungsod. Nakita pa ng COA na may unreconciled difference na may kabuuang P8.57 milliong pesos sa pagitan ng mga loans receivable per books at per records ng Land Bank of the Philippines. Inirekomenda ng COA sa mga nakitang deficiencies at mga errors ay ang mga sumusunod: a) Ang pamunuan ng pamahalaan ay dapat i-monitor ang mga grant utilization ng mga cash advances. Inutusan din ng COA ang City Accountant na magpadala ng liham sa mga opisyal ng pamahalaan na may mga cash advances, na magsagawa na ng liquidation sa kanilang cash advances sa tamang oras. b) Inirekomenda pa ng COA na huwag nang magbigay ng dagdag na cash advance sa mga opisyal ng city government kung hindi pa nila naaayos ang naunang cash advances, dapag umanong ayusin muna ang accounting records sa nauna nilang cash advances bago muling magsagawa ng kasunod na cash advance. c) Sinabi pa sa rekomendasyon ng COA na dapat ipatupad ang sinasaad sa Section 37 ng PD 1445 "which provides for the retention by the government of any money due to accountable officers to be applied in settlement of their cash advances." UNRECONCILED DIFFERENCES Inirekomenda rin ng COA na magsagawa ng pagbabago o
LUZON BANAT NEWSMAG AUGUST 9-15, 2012
revision nang kasalukuyang proseso sa pagpapatupad ng MAGSIKAP Program na magreresulta ng tama at epektibong financial records na magiging basehan ng ebalwasyon ng programa sa pamamagitan ng mga sumusunod na hakbang; 1) Obligahin ang City Cooperative Development Office na magsumite ng records sa Accounting at Treasury Office ng kanilang monthly report sa pagreleased ng loans, borrower deposit amortizations at outstanding balances of loans. 2) Atasan ang Accounting Office na i-update ang ledgers ng MAGSIKAP Tarlak Program kasama pa ang ibang binigyan ng pautang ng siyudad ng Tarlak upang mai-handa ang loan receivables at iba pang receivable accounts na mareconcile and schedule sa Land Bank Record. Ang monthly Bank Reconciliation Statements ay kailangan din ihanda para mamonitor ang cash position ng programa. 3) Ihanda ang monthly Bank Reconciliation Statement para i-monitor ang cash position ng programa at hanapin agad ang kamalian. 4) Atasan ang treasury office na makipag-ugnayan sa Land Bank para sa debit at credit memos sa pag-rekord nang transaksiyon sa libro ng pamahalaan. COA ADVERSE OPINION Nagbigay ng kanyang (adverse) di paborableng opinyon ang COA sa pamamagitan ng Officer InCharge nito na si Natividad Caoile na may punong tanggapan sa Commonwealth Avenue, Quezon City. Sinabi ni Caoile sa kanyang adverse opinion na ang financial statements ng Tarlac City ay hindi ipinapakita ang parehas na presentasyon, "In our opinion, because of the effects of the matters discussed in the preceding paragraph, the
financial statements do not present fairly in all material respects the financial position of the City Government of Tarlac as of December 31, 2011, and of its financial performance and its cash flow for the year then ended in accordance with State accounting principles." Sinabi pa ng COA OIC sa kanyang adverse opinion na ang pinagbasehan nito ay ang kabuuang iniulat na pag-aari o asset ng pamahalaang lungsod na P2.095 billion as of December 31, 2011 ay hindi tama, "Total reported assets of P2.09 billion as of December 31, 2011 were incorrect because as discussed in Part II of this report. (a) prior years cash advances for time bound activities of P20.255 million which were already expended remained unliquidated, (b)cost of demolished market and slaughterhouse building totaling P68 million were not dropped from the books (c) uncollected Real Property Tax (RPT) Receivables amounting to P247 million remained unbooked and (d) market stall fees delinquencies totaling P29.8 million were not recorded. Moreover, the net book value of property, plant and equipment totaling P1.9 billion as of December 31. 2011 representing 95% of total assets was not reliable due to the absence of a physical inventory count and the inadequacy of property records which did not permit us to apply alternative auditing procedures." Dahil umano sa mali at kulang na deklarasyong ito ay naapektuhan ang stated asset accounts at ang kabuuang government equity ng halagang P183.844.
Abangan sa susunod na isyu ang detalyadong ulat ng 2010-2011, Tarlac City COA REPORT Anumang pagtatakip ay lilitaw at lilitaw upang mahayag ang katotohanan
DR JEROME LAPEñA HANDA NA SA KANYANG LABAN Masaya si Dr. Jerome Lapeña sa kanyang laban ngayon sa pulitika dahil ipinakita nang kanyang mga supporters ang "ALL OUT SUPPORT" sa pangangampanya. Hangad ng mga ito ang tunay na pagbabago sa ating pamahalaang lungsod, na matagal na umanong pinagsamantalahan ng mga nanungkulan. Ang pakiusap ng mga may pangarap sa pulitika ang JEROME LAPEñA supporters, SANA'Y BIGYAN anak ni Dr. Jerome na si PJ na SUPORTADO ANG ngayo’y SK Federation NATIN NG PAGKAKATAON KANYANG LABAN SA President, at nang magpahiwatig ANG MGA BAGUHANG PULITIKA TULAD NI DR. JEROME si doc na papasok din siya sa Ayon sa pamilya ni Dr. pulitika, LAPEñA." Subukan naman natin hindi umano Jerome Lapeña, "handa kaming nagustuhan ni Manalang ang ang kanilang kakayahan sa sumuporta sa kanyang laban kanyang tinuran kaya kaliwat panunungkulan, baka sakaling dahil sobra na ang pang-aapi ni kanang pahirap at pang-alipusta magkaroon ng direction ang Manalang kay Dr. J, na ang ang ginawa, dinamay pa umano ating pamahalaang lungsod! Ito tanging naging kasalanan nito ay ang kanyang pamilya. “Pero ang madamdaming pakiusap ng ang hindi pagsunod sa utos ni hindi na namin pinagsisihan ang maraming taga-Tarlac City. Dr. Jerome Lapeña Mayor Manalang na palusutin mga nangyayari, maari kasing Sigaw nila'y "TUNAY NA Lapeña sa kanyang laban dahil ang mga kontrata na alam naman 'yon ang paraan ng panginoon PAGBABAGO!" Nagsawa na nakikita nito ang kahandaan din niyang hindi dapat dahil sasabit upang magdisisyon si Dr. Jerome ang mga residente sa mga ng kanyang mga supporters sa silang pareho ng alkalde kapag na lumaban sa pulitika." Naging datihan, na wala naman labang ito sa pulitika. Nakatakda hindi niya poprotektahan, subalit Masaya naman umano sila dahil umanong ginagawa kundi ang siyang mag-file ng kanyang dahil sa kanyang pag-malasakit nakikita nila ang patuloy na pagpagsamantalahan ang kaban ng kandidatura sa pagka-MAYOR kay Manalang ay napasama siya, lakas ng kampanya ni Dr. J sa 76 ating siyudad, na ang ng Tarlac City sa huling araw naging maramot din umano si na barangays.” ito ang pahayag pinapayaman ay ang kanilang ng filing ng Candidacy. Manalang kay Dr. J nang ng pamilya Lapeña. mga pamilya at mga kabit. PAMILYA NI DR. maramdaman nang alkalde na Handang-handa na si Dr. Sundan sa P.10
"HINDI AKO BAYAD"ANDY OCAMPO Noong umatras si Kapitan Andy Ocampo sa kanyang laban sa pulitika sa Barangay San Pablo at lumagda ito sa kasunduan nina Esteban "Greg" Manalang na sinaksihan pa ng isang City Councilor ay umugong na ang balita na nabayaran umano siya (Ocampo) ng mga Manalang kaya siya umatras sa laban. Subalit mariin itong pinabulaanan ni Ocampo, wala umanong katotohanan ang ibinalitang ito ng mga Manalang. Katunayan ay sinampahan pa umano siya ng kaso kasama ang 2 STAFF NG BANAT ng mga kasong GRAVE COERCION at MALICIOUS MISCHIEF pagkatapos nitong lagdaan ang kasunduan. Ayon kay Kapitan Ocampo, kaya umano niya isinuko ang laban noong mga panahong yaon alang-alang sa katahimikan at kapakanan ng kanyang mga nasasakupan,
maliban sa marami na silang dinamay na wala namang kinalaman sa usapin namin sa pulitika. Dagdag pa ni Ocampo, nalinlang umano siya ni Greg Manalang matapos siyang papirmahin sa kasunduan na hindi na siya maghahabol at wala nang magsasampa sa kanila ng kaso pagkatapos na malagdaan ang nasabing kasunduan, subalit sinampahan din siya ng mga kaso nitong si Manalang. Kung totoo umanong binayaran ako ng mga Manalang, di sana'y di na humantong sa ganito na naglalaban pa kami sa korte hanggang ngayon. "Ang tanging dahilan ng aking pagsuko sa laban ay upang mabigyan na ng tuldok ang tunggalian at sigalot sa pulitika sa aming barangay. Mahal ko ang aking mga kabarangay kaya sinikap kong makilala at
Sundan sa P.10
ED AGANON Sa mga minamahal kong kababayan dito sa Tarlac City, ako po si Ed Aganon ng barangay San Vicente, Tarlac City. Isa po akong Certified Public Accountant o CPA, naging leader ng union sa PLDT, kilala po ang aking angkan dito sa ating siyudad dahil ang ilan sa kanila'y pulitiko ding tulad ko. Ako po ay tatakbong City Councilor sa darating na halalang lokal, hinihingi ko po ang inyong suporta sa aking kandidatura. Sana po ay maibigay ninyo ang tiwala upang ako po ay maupong City Councilor sa 2013. Hindi ko po sasayangin ang tiwalang ipagkakaloob ninyo sa akin. Gagawin ko po ang lahat ng paraan upang maipaglaban ko ang inyong mga karapatan sa
ED AGANON City Council, hindi po ako magiging "YES MAYOR" dahil sa inyo po ako may utang na loob kaya kayo ang aking paglilingkuran. Hindi ko po kayo bibiguin dahil ang laban ninyo'y, laban ko rin! Magkaisa po tayo upang maipaglaban ang ating mga karapatan na dapat ay pinapangalagaan ng ating pamahalaan, at hindi dapat binabalewala ang tinig ng mga Tarlakenyo sa konseho.
CENTRAL LUZON BANAT NEWSMAG AUGUST 9-15, 2012
5
ENGR. PEPE RIGOR B-DAY CELEBRA
Dinagsa nang maraming supporters ang birthday party ni Engr. Pepe Rigor noong August 7,2012 sa kabila nang matinding pag-ulan at baha na nararanasan dito sa siyudad ng Tarlac. Ipinapakita lamang nang mga supporters ni Rigor ang matinding pagnanasang mabago na ang liderato sa kongreso sa darating na 2013 dito sa 2nd District ng Tarlac. Matatandaan na minsan nang nagpahayag ng kahandaan sa pagtakbo si Rigor sa pagka- Congressman upang maipakita niya ang pagmamahal at pagkalinga na abot kamay ng mga tagaSegundo Distrito dahil nariyan lamang siya sa kanyang tahanan sa San Sebastian Village, Tarlac City, madali siyang hanapin Dumating sa nasabing pagtitipon si former City at kausapin na siyang nais ng Councilor Andredw Mendoza upang batiin si Engr. Rigor. mga residente rito. Umaabot sa mahigit isang libo ka tao ang dumating at nakiisa sa pagdiriwang, kaya naman masaya si Engr. Pepe Ang Birthday celebrant na si Engr. Pepe Rigor sa regalong ipinakita ng na nagpapasalamat sa lahat ng mga d mga tao sa kanyang kaarawan. at bumati sa kanyang kaarawan. Ayon pa kay Don Pepe, "Taos puso po akong nagpapasalamat sa lahat ng mga dumalo at nagpaabot ng pagbati sa aking kaarawan, hindi ko ito makakalimutan dahil ipinadama ninyo sa akin ang maalab na pagtanggap sa aking hangarin na makapaglingkod sa mga mamamayan sa SEGUNDO DISTRITO." Dumating ang 48 incumbent barangay captains, halos present ang mga Ex-kapitan, at mga konsehal ng bawat barangay mula sa Tarlac City na isa-isang nagsasalita at nagpahayag ng suporta para sa kanyang kandidatura sa darating na 2013. Naroon din Kasama ni Engr. Pepe Rigor ang ilang media dito sa Tarlac City ang ilang kapitan mula Gerona, na sina Leandro Alborote ng Balita, Jess Malvar ng Banat, Aida Victoria at San Jose upang Isa rin sa Birthday Celebrant si E Dulay ng Medium, George Hubierna ng Journal, Jing Dizon ng batiin ang kanilang kaibigan na Kris Rigor habang nagtatalumpa DZRH at iba pa. si Don Pepe sa kanyang nagpapasalamat. kaarawan. Dito makikita kung gaano Rigor, na kahit umulan ng malakas ay hindi naging hadlang para di nila nila kamahal ang isang Pepe marating ang tahanan nito, na ipinagpasalamat ng pamilya ni Don Pepe.
6C
ENTRAL
LUZON BANAT NEWSMAG AUGUST 9-15, 2012
ATION DINAGSA KAHIT BUMABAHA
Nagkaroon ng mini-presscon si Engr. Pepe Rigor sa kanyang kaarawan. Dito, hinayag na niya ang kahandaan sa laban sa pulitika sa 2013 bilang congressman ng 2nd District.
e Rigor dumalo
Engr. ati at Naroon din ang mga kapitan at mga kagawad ng barangay upang ipadama kay Engr. Rigor ang kanilang suporta sa pagtakbo nito sa pagka-Congressman ng 2nd District.
Halos kompleto ang mga Ex-Kapitan sa araw na ‘yon upang batiin si Engr. Rigor sa kanyang kaarawan, kabilang sa bumati sina Col. Eduardo at Zeny Robea. CENTRAL LUZON BANAT NEWSMAG AUGUST 9-15, 2012
7
BAKIT ANG KABATAAN? 1. Una ang edukasyon, karapatan ng bawat bata ang mabigyan ng magandang edukasyon bilang paghahanda sa kanilang kinabukasan. Di lingid sa atin ang winika ni Gat. Jose Rizal na "ang kabataan ang pag-asa ng bayan!" yan din ang bukambibig ng karamihan, lalo na ng mga matatanda. Ngunit nakalulungkot isipin na sa panahon ngayon, ang pangungusap na iyan ay wari’y wala nang katotohanan. Naglipana ang mga kabataang animo'y wala nang iniisip na bukas. Kung ganyan ang kalagayan ng bansa, masasabi pa ba natin na ang kabataan ang siyang pag-asa ng bayan? Kaya nais ng mag-amang Engr. Pepe Rigor at Kgd. Kris Rigor na mahubog ang mga kabataan sa magandang asal at maayos na nakagawian upang maisakatuparan nila ang kanilang mga mithiin sa darating na panahon. May mga isyung dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno. Isa na rito ang kalidad ng edukasyon na ibinibigay ng bawat paaralan, pambuliko man o pribado. Dito mababase natin ang kakayahan na meron ang bawat estudyante at ng kabuuang populasyon. Mahalaga ang edukasyon para sa ikauunlad ng Pilipinas. Paano? Ito ay sa pamamagitan ng mga grumadweyt at siyang susunod na magpapatakbo ng ating bansa. Sila ang pag-asa na hindi dapat balewalain. Kailangan nila ang paggabay, kaya ang edukasyon ang nararapat nating ibigay at ipalawak. Remedyuhan ang problema sa edukasyon, dapat magsimula ngayon bago mahuli ang lahat. 2. Layunin ng mag-ama ang iiwas ang kabataan sa paggawa o pagkasangkot sa anumang krimen. Marami sa kabataan ngayon ang nalululong na sa masamang bisyo, dahil sa panghihikayat ng mga maling kaibigan o bungsod na rin ng kahirapan, dagdag pa ang pagpapabaya ng mga magulang. Ano na lamang ang kinabukasan ng mga batang ito sa susunod na mga panahon, sa kabila na sila ay mga biktima ng kahirapan, ng pagdami ng tao, at ng pagiging salat sa edukasyon, pagkain, at tirahan? Ang magkaroon ng magandang buhay at maaayos na komunidad ang siyang hangad ng mag-amang Engr. Pepe Rigor at Kgd. Kris Rigor para sa kanilang kinabukasan. Panahon na upang baguhin ang masamang gawi ng mga kabataan. Kailangan ng pagbabago, hindi lamang sa panlabas na kaanyuan, higit na rin sa panloob at kaugalian. Sa paraang ito, tunay na ngang masasabi na ang kabataan ang pag-asa ng bayan! 3. Pagmulat sa mga kabataan ng wastong pangangalaga sa sarili upang maiwas sila sa maagang pagpapamilya. Ang bansa natin ngayon ay lugmok sa kahirapan, dahil sa iba't ibang krisis na ating nararanasan o nadarama sa ngayon. Kabataan, munti man ay may malaking magagawa o maiaambag upang maisulong ang ating bansa. Ang mga kabataan ay may mga karapatan gaya ng karapatang makapag-aral. Karapatan nilang mabuhay sa tahanang maayos, ligtas sa sakit at sakuna. Karapatan nilang mabuhay nang masagana hindi man sa materyal na bagay kundi sa kaalaman. Karapatan nilang mabuhay na may malusog na katawan at mga nag-aarugang magulang. Ang mga karapatan na ito'y makakatulong sa kanila upang magkaroon ng magandang kinabukasan. Makakatulong din ito upang magkaroon sila ng sapat na kaalaman sa paglilingkod sa ating bayan. Ngunit papaano na lamang kung may mga kabataang nagSundan sa p.11
8C
ENTRAL
LUZON BANAT NEWSMAG AUGUST 9-15, 2012
AKO ANG MAGIGING TINIG NINYO - KAPITANA
MARCIANA "SWISS" MARTI Handang handa na si Kapitana Marciana Marti na lumaban sa pagka-City Councilor sa 2013 kaya sa ngayon ay nag-iikot na ito sa mga barangay sa siyudad ng Tarlac. Marami ang natuwa kay kapitana Marti dahil hindi ito mahirap kausap, marami na ang natulungan kahit ito'y kapitana lamang ng maliit na barangay na walang sariling IRA, ito ay ang barangay Care. Ayon kay Marti "bentahe na naging kapitana muna ako bago ko naisipang lumaban sa pagkakonsehal ng siyudad dahil sa ngayon ay alam ko na kung ano ang problema ng mga barangay. Ipinapangako ko naman na kapag ako ay mabigyan ng pagkakataong maupo sa tungkulin, tulad ng aking barangay sa CARE ay hindi ko rin pababayaan ang ibang barangay, upang maging modelo ang ating siyudad sa lahat ng bayan. Gusto kong Makita ang ating siyudad na progresibo at malinis tulad ng ibang bayan." “Maraming bansa na ang aking narating at pinanggalingan kaya ang ilang magagandang idea na puwede kong i apply dito ay gagawin ko upang hindi
Kapitana MARTI mapag-iwanan ang ating siyudad kung kaunlaran rin lang ang paguusapan.” "Masaya ako sa ipinakitang suporta ng aking mga kabarangay at kapwa mga kapitan sa aking kandidatura. Sa kanila ako humuhugot ng lakas ng loob, kaya sa bawat datnan kong barangay sa aking pag-iikot sa siyudad ay malugod nila akong sinasalubong upang samahan sa aking kampanya. Sa inyo na mga kababayan ko sa siyudad ng Tarlac.. Maraming salamat sa ipinakita ninyong suporta… makakaasa kayo ng tapat na panunungkulan.” Ito ang madamdaming pahayag ni Kapitana Marti sa panayam ng Banat.
Si President Pricilla C. Viuya habang kinakapanayam ng mga media sa bulwagan ng TSU.
CONCEPCION HOLDAP SYNDICATE- Natimbog ng mga elemento ng Maliwalo Police Station at Barangay Officials ang mga miyembro ng sindikato sa Villa Aguila Subdivision kung saan sila umuupa ng bahay, ayon sa Maliwalo PNP ang mga ito ang nagsasagawa ng series of holdap sa siyudad ng Tarlac, binibiktima ng nasabing sindikato ang mga kababaihang estudyante nakuha sa mga ito ang isang kalibre 38 baril, mga bala, shabu at paraphernalias, ibat-ibang ID’s at bags ng mga biktima, naunang nahuli sa akto ng holdap sa isang gasolinahan ang lider ng sindikato na si Concepcion na residente ng Balincanaway at mga dalawa pang kasamahan nito na mula sa Marikina.Kasalukuyan nang naghihimas ng rehas ang mga ito subalit mayroon pang kasamahan ang grupo na at large may kasama pa umano itong babae sa kanilang grupo sa panahon ng pagsasagawa ng holdap.
OFF D’AIR ...mula p.3 Gloria Arroyo dahil natakot siyang makasabay sa paglubog nito, kaya sumama siya sa Liberal Party ni P’Noy na biglang tumakbong presidente noong mga panahong iyon. Ito ang panahon na bumalik si Aro sa kalinga ng mga Cojuangco/ Aquino, subalit nang tumakbo itong Congressman sa ikalawang distrito ay tinalo siya ng malaking lamang mula sa baguhang pumalit sa namayapang si Congressman Aping Yap. Noon nga may usap-usapan na buburahin na ng mga naghaharing uri ang mga Yap sa Tarlac sa larangan ng pulitika. Naging Gobernador si Vic Yap at ang kanyang kapatid ay naging Congresswoman. Natalo si Mendoza nang ipag-wagaywayan nito na siya ang kandidato ni P’Noy at SIYA ang kailangan ni P’Noy sa Kongreso. Ang punto rito, at aral ng kasaysayan, ang Tarlac City ay mulat na at matured na sa pulitika. Hindi komo ikaw ay dadalhin ng mga bigwigs sa pulitika ay sigurado na ang panalo mo. Ilang beses nang
pinatunayan 'yan sa kasaysayan ng pulitika sa siyudad. Ang mga panahon noon ni Aro Mendoza na nagnanais maging alkalde ay pinagbigyan ng mga tagaTarlac City, nang siya ay ibinasura sa pulitika ng mga bigwigs, subalit nang bumalik siya sa kalinga ng mga ito, di na siya tinangkilik ng mga mamamayan ng Tarlac City. Ang kasaysayan ni Aro ay nakikita ko ngayon sa baguhang pumapasok sa pulitika na si Dr. Jerome Lapeña. Kasama niya noon si Ace Manalang, katunayan si Dr. Jerome pa ang may malaking papel na ginagampanan sa muling pagbalik ni Mayor Ace sa pulitika dahil si Dr. Jerome ang siyang tanging nagtiyaga at naniwalang mananalo pa si Ace, si Jerome din ang nag-kumbinsi sa mga kaibigan na sumama sa kanilang kampanya upang manalo si Mayor Manalang, subalit nang magka-interes ang anak ni Dr. Jerome Lapeña sa pulitika, at lumaban sa pagka-SK Federation President ay ibinasura na siya nito. Sinimulan na ang matinding benggansa hanggang sa ito’y
tanggaling City Health Officer at inilipat sa POPCom Office dahil kalaban na ang tingin ni Manalang kay Lapeña. Makikita natin sa kasaysayan na tinatangkilik at ibinoboto ng mga mulat nang Tarlakenyo ang mga naninindigang pulitiko. Hindi 'yung tatakbo lamang sila dahil may malaking sponsors na nasa likod nila. Sa totoo lang, inapi ni Manalang si Lapeña nang magkainteres ang kanyang anak na pumasok sa pulitika, at nang magpahiwatig itong lalaban din sa susunod na election, bagama’t wala pang linaw noon kung ano ang kanyang tinatarget na posisyon. Nag-karoon ng insecurities ang mga Manalang SONS sa naging gawi ni Lapeña nang manalo ang anak nito sa halalan ng SK dahil hindi nakasingit ang anak ni Mayor Manalang na si Winwin sa kanyang common law wife na si Lorna Bautista, na noo’y nag-ambisyon din na maging SK Federation President. Dito na umano pinagisipan nang mabuti ni Manalang kung papaano gibain si Dr. Jerome
Lapeña sa mga tao, sinampahan ng mga kaso upang magipit si Lapeña, sa pag-aakalang hihingi ito ng tawad kay Manalang kahit na walang kasalanan. Dahil sa pang-aaping ito ni Mayor Manalang kay Dr. Jerome, naawa ang mga kaibigan nito kaya’t hinikayat nila si Lapeña na tumakbo na sa pagka-alkalde ng siyudad. Noong una ay konsultasyon hanggang sa dumami na ang sumuporta sa isang taong nanindigan para sa kapakanan ng siyudad ng Tarlac. Ang Aro Mendoza noon na nanindigan laban sa isang Noynoy Aquino ay nakikita ko ngayon kay Dr. Jerome na nanindigan laban kay Mayor Manalang. "Yan ang gusto ng Tarlac City na mamuno sa kanila. Ang mga taong may paninindigan at tumatayo sa oras ng laban. At hindi 'yung taong lumalaban dahil hawak sila sa leeg ng isang malaking political kingpin o kilalang pulitiko. Abangan natin ang resulta, dahil alam kong mulat at matured na sa pulitika at ayaw nang maging laruang puppet nang mga tarlakenyo.
CENTRAL LUZON BANAT NEWSMAG AUGUST 9-15, 2012
9
HINDI AKO BAYAD.. Mula P.5
TARLAC CITY WATER DISTRICT SCHEDULE OF APPROVED WATER RATES Effective June 01, 2011 (consumption) / July 2011 billing new rates will be implemented as approved by the Local Water Utilities Administration (LWUA) Board of Trustees as per LWUA Board of Trustees Resolution No. 103, Series of 2010, dated 23 February 2010.
Classification
Size
Min. Charge 0-10 cu.m.
Residential / Government
Commercial / Industrial
Commercial A
Commercial B
Bulk / Wholesale
COMMODITY CHARGES 11-20 cu.m.
21-30 cu.m.
31-40 cu.m.
41-50 cu.m.
51-up cu.m.
1/2 ”
210.00
24.00
26.00
28.00
31.00
34.00
3/4 ” 1” 1 1/2” 2” 3” 4”
336.00 672.00 1,680.00 4,200.00 7,560.00 15,120.00
24.00 24.00 24.00 24.00
26.00 26.00 26.00 26.00
28.00 28.00 28.00 28.00
31.00 31.00 31.00 31.00
34.00 34.00 34.00 34.00
1/2 ”
420.00
48.00
52.00
56.00
62.00
68.00
3/4 ” 1” 1 1/2” 2” 3” 4”
672.00 1,344.00 3,360.00 8,400.00 15,120.00 30,240.00
48.00 48.00 48.00 48.00
52.00 52.00 52.00 52.00
56.00 56.00 56.00 56.00
62.00 62.00 62.00 62.00
68.00 68.00 68.00 68.00
48.00
52.00
56.00
62.00
68.00
48.00
52.00
56.00
62.00
68.00
1/2 ”
367.50
42.00
45.00
49.00
54.25
59.50
3/4 ” 1” 1 1/2” 2” 3” 4”
588.00 1,176.00 2,940.00 7,350.00 13,230.00 26,460.00
42.00 42.00 42.00 42.00
45.00 45.00 45.00 45.00
49.00 49.00 49.00 49.00
54.25 54.25 54.25 54.25
59.50 59.50 59.50 59.50
42.00
45.00
49.00
54.25
59.50
42.00
45.00
49.00
54.25
59.50
1/2 ”
315.00
36.00
39.00
42.00
46.50
51.00
3/4 ” 1” 1 1/2” 2” 3” 4”
504.00 1,008.00 2,520.00
36.00 36.00 36.00 36.00
39.00 39.00 39.00 39.00
42.00 42.00 42.00 42.00
46.50 46.50 46.50 46.50
51.00 51.00 51.00 51.00
6,300.00 11,340.00 22,680.00
24.00
26.00
28.00
31.00
34.00
24.00
26.00
28.00
31.00
34.00
36.00
39.00
42.00
46.50
51.00
36.00
39.00
42.00
46.50
51.00
1/2 ”
630.00
72.00
78.00
84.00
93.00
102.00
3/4 ” 1” 1 1/2” 2” 3” 4”
1.008.00 2,016.00 5,040.00
72.00 72.00 72.00 72.00
78.00 78.00 78.00 78.00
84.00 84.00 84.00 84.00
93.00 93.00 93.00 93.00
102.00 102.00 102.00 102.00
12,600.00 22,680.00 45,360.00
72.00
78.00
84.00
93.00
102.00
72.00
78.00
84.00
93.00
102.00
ORGANIZE A BLOOD LETTING PROJECT TODAY 10 C
ENTRAL
LUZON BANAT NEWSMAG AUGUST 9-15, 2012
mapaunlad ang aming barangay sa panahon ng aking panunungkulan, na ngayo'y napabayaan na. Nalulungkot ako sa tuwing nakikita ko ang sinapit nang aming barangay sa ngayon, ito ang mariing pahayag ni Kapitan Andy Ocampo sa panayam ng Banat. Sa ngayon ay tuloy pa rin ang labanan ng dalawang kampo sa korte kung saan nagsampa na ng kaso si kapitan Andy Ocampo laban kay Manalang at 3 iba pa sa salang pagsisinungaling. Tinatayang mahaba pang labanan ang mangyayari pagkatapos nito.
DR. JEROME LAPEñA HANDA NA... Mula P..5 Ang maganda kay Lapeña, hindi galing sa kaban ng City Hall ang gagamitin sa kanyang kampanya, kundi galing ang pera sa kanyang pamilya, hindi tulad ni Mayor Manalang na maging ang facilities ng City Hall ay ginagamit umano nito. Hinala pa ng marami na pati ang pondo ay mula sa kaban ng lungsod. Subalit naniniwala ang taong bayan na TAPOS NA ANG KANYANG (Mayor Manalang)PANAHON, ang tiwalang ipinagkaloob ng taong bayan sa kanya ay siya na rin mismo ang tumapos, inabuso umano ni Mayor Manalang ang kapangyarihan na ipinagkaloob sa kanya ng taong bayan.
BAKIT KABATAAN ...mula p.8 aasawa ng maaga? Talamak na ito sa ngayon, kaya't huwag nang magbulag-bulagan, bigyan na ng agarang solusyon. Napakaraming dahilan kung bakit nag-aasawa ng maaga ang ilang kabataan, isa na dito ang kapabayaan ng kanilang mga magulang. Napakaraming iniisip at responsibilidad ng isang magulang, lalo na kung may bisyo pa ito, kaya't minsan di maiwasang mapabayaan ang kanilang mga anak. Minsan hindi na nabibigyang gabay ang kanilang mga anak, nagdedesisyon na lamang sila batay sa kanilang sariling pananaw lalo na ang mga kabataang may mura pang isipan kaya't di maiwasang mapunta sila sa masamang landas. Isa pa sa tingin kong sanhi
ng maagang pag-aasawa ng ilang kabataan ay ang panonood ng mga palabas na may temang sekswal. Dahil sa murang kaisipan ng mga ito, di maiwasang maging interesado sila at gayahin ang napapanood sa mga telebisyon. Kaya't sa mga kalagayang ito hindi talaga maiwasan ng ilang kabataan na mag asawa ng maaga. Sa pag-aasawa ng maaga, maaari itong magbunga ng madalas na pag-aaway o pagtatalo dahil na rin sa kanilang ugaling bata pa, kahirapan dahil hindi nila maibigay ang mga pangangailangan ng kanilang anak dahil wala pang mga trabaho, kahirapan sa panganganak ng babae dahil hindi pa kaya ng kanyang kalusugan.
4. Batid nating taglay ng mga kabataan ang mga likas na kakayahang kailangan upang maging mabubuti't produktibong mamamayan ng bansa. Subalit sa kasalukuyan ay di sila masyadong nabibigyan ng pansin dahil di pa sila kasali sa obligasyong dapat nating gampanan, ito ang pagboto. Madalas nakakaligtaan natin silang isali sa mga isyung panlipunan, bakit? Ito'y marahil tingin natin sa kanila ay musmos na wala pang kayang gampanan sa malaking mundong ating ginagalawan. Karamihan sa atin ay patuloy na nakikisangkot sa pagpapaunlad ng ating bansa. Ang iba naman ay walang ginagawa kundi buwagin ang kasalukuyanng demokratikong kaayusan. Ang iba naman ay halos abusuhin ang demokratikong kaluwagang
tinatamasa natin at ang iba naman ay patuloy na yumayakap sa ibang idelohiyang salungat sa kinikilala nating idelohiya. Hangarin ng mag-amang Rigor na mapanatili nang kabataan ang katangiang matibay, patuloy sa pagtaas at pagyabong, hindi nasisindak sa sigwa, may makapit na ugat at nagtitiwala sa sariling lakas. Nais simulan ng mag-ama ang paghubog sa mapayapa at masaganang buhay ng mga kabataan at simulan ang pagbabago. Ipapamana ba natin sa kanila ang kahirapan na dinadanas natin ngayon? Sa darating na mga taon ang mga batang ito ang maging magulang. Dapat ngayon pa lang sikapin na nating punuin ng magandang alaala ang kanilang buhay bilang isang bata. by: autoritĂŠ compĂŠtente
CENTRAL LUZON BANAT NEWSMAG AUGUST 9-15, 2012
11