IGLESIA NI CRISTO
HAPPY 98th ANNIVERSARY to Saludo kami sa tibay at tatag ng inyong pamunuan! Nawa’y lumawig pa ang inyong samahan.. Dalangin namin ang inyong sa pag-unlad nang Iglesia Ni Cristo. July 27, 2012 tagumpay sa pananampalataya..Sa July 27,2012 kaisa ninyo kaming mananalangin tungo Lubos na gumagalang, CENTRAL LUZON
July 26-Aug.1, 2012
Volume 2, No.28
ENGR. PEPE RIGOR ANG NINONG NG TARLAC P.2
KASONG ISINAMPA SA 2 STAFF NG BANAT AT 5 IBA PA DINISMIS NA NG KORTE ...P.3 KAP MANALANG NG SAN PABLO (JEPROKS) AT LAGING LASING?...P.2
ININDORSO NG TARLAC HIGH SCHOOL BATCH 65 SI ENGR. PEPE RIGOR SA PAGKA-CONGRESSMAN NG 2ND DISTRICT PARA SA 2013 ELECTION “Ayon sa mga ito, “full support kami kay Don Pepe dahil ito na ang tamang panahon para sa tunay na pagbabago.”
ENGR. PEPE RIGOR & KGD. KRIS RIGOR
“USAPAN” SA DZTC 828 KHZ AM tuwing Linggo at Lunes 8:30-10:00 ng umaga Hosted by: Jess Malvar &
KRIS RIGOR EDITORYAL RA 9003 MAIPAPATUPAD KUNG KAKASUHAN ANG LGU
Alvin Manalang Cupcupin’s right-hand man arrested, swallows shabu .. P.3
DR. JEROME LAPEñA PATULOY NA UMAANI NANG SUPORTA SA MGA TAGA-TARLAC CITY ...P.3
EDITORYAL RA 9003 MAIPAPATUPAD KUNG KAKASUHAN ANG LGU Walang naisumiteng plano ang Tarlac para sa pagpapatupad ng Republic Act 9003 o mas kilala bilang Solid Waste Management Act of 2000. Ito ang nabatid mula kay Ms. Belly Cabezo, Secretariat ng National Solid Waste Management Commission sa ginanap na isang araw na seminar para sa Media Practitioner sa gitnang Luzon na ginanap sa Tarlac City. Ang nasabing seminar na may titulong, “Capacity Building Seminar for the Effective Enforcement of RA 9003.” Sa presentasyon mula sa Environment Management Especialist, ipinakita nito na halos ang kabuuan ng rehiyon 3 ay hindi nakakatupad sa implementasyon ng RA 9003 kabilang na ang Tarlac na wala man lamang naisumiteng plano sa pangangasiwa ng basura sa kanilang lugar. Ipinagbabawal na rin ang open dumpsite na sinimulang ipatupad sa pamamagitan ng RA 9003, subalit sa tala ng Solid Waste Management Commission ay nananatili pa rin ito sa ilang lugar sa Tarlac, una ang Barangay Dapdap, Acocolao, Paniqui, Tarlac; Barangay Tangcarang sa Mayantoc; Barangay Naya, Pura; at ang Barangay Lanat, San Manuel, Tarlac. Hindi pa kasama sa talaang ito ang pinakahuli sa Tarlac City ang Dungca Landfill sa Barangay Maliwalo, Tarlac City na isa ring open dumpsite. Umaabot na ngayon sa halos 12 taon ang delay ng rehiyon 3 kasama ang Tarlac sa pagpapatupad ng nasabing batas ukol sa pagmamantine ng basura. Sa pinakahuling ulat, umalma na ang isang Obispo sa Bulacan, matapos niyang tukuyin sa homily (sermon) na kailangan na umanong idemanda ang mga local official sa rehiyon 3 dahil sa hindi nito pagsunod sa naturang batas. Sumagot naman dito ang DENR Region 3 na hindi umano nila maaaring idemanda ang mga local government units dahil ito ang kanilang partners sa implementasyon ng nasabing batas. Sa isang Administrative Order ng Supreme Court na may petsang January 21, 2008 na nilagdaan ni dating Supreme Court Chief Justice Reynato S. Puno; Associate Justice Leonardo Quisumbing Chairperson ng SC Second Division at Justice Consuelo Ynares- Santiago, SC Third Division ay nagtalaga na nang special court na siyang dirinig sa kaso ng environmental laws. Sa Tarlac City ay nakatalaga ito sa Branch 65, ayon sa AO ng Korte Suprema. Sa ngayon ay nananatiling nasa limbo ang implementasyon ng RA 9003 sa gitnang Luzon, maging sa lalawigan at siyudad ng Tarlac. May mga pulitiko at nais pumasok sa gobyerno na umanoy nagmamahal sa kalikasan, totoo kaya kayo? Kung totoo, sampolan nga ninyo ang mga LGU!
ENGINEER PEPE RIGOR ANG NINONG NG TARLAC Si Engineer Pepe Rigor, kilala sa tawag na Don Pepe o Director Rigor ng mga kaibigan at mga nakakakilala sa kanya. Matunog din ang kanyang Pangalan, hindi lamang sa buong lalawigan ng Tarlac kundi maging sa ibang mga probinsiya at rehiyon sa iba’t-ibang panig ng bansa. Dahil nadestino siya sa ilang mga rehiyon bilang Regional Director ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Hindi lamang siya kilala dahil napagyaman niya ang kanyang kabuhayan mula sa
isang simpleng empleyado ng DPWH, unti-unti niyang sininop ang mga bagay na may kaugnayan sa kanyang trabaho bilang isang inhinyero. Hanggang sa magtayo siya ng sariling construction company sa tulong na rin ng kanyang mga magulang at kapatid. Sa kanyang pag-angat sa buhay hindi pa rin niya nakakalimutan ang mga taong nakakasalamuha at nakakatulong sa kanya. Kahit saang lugar siya madestino, at may mga kababayan siyang nangangailangan ng tulong ay Sundan sa p.10
PITIK BULAG KAP MANALANG NG SAN PABLO (JEPROKS) AT LAGING LASING? Marami na ang naiinis sa pamamahala ni Kapitan Greg Manalang, dahil ayon sa ilang kagawad na aming nakausap, naubos na umano ang kanilang pondo, dahil lahat ng puwedeng masilip na hindi natitinag na pondo sa barangay ay pilit umanong ipinapalabas. Kaya sa ngayon, ayon sa source, wala na silang pondong natira, dasal nila, sana’y walang kalamidad na darating sa kanilang barangay. Noong panahon ni Kap Andy Ocampo, meron silang
ipinasang ordinansa na bawal ang uminom sa tabi ng kalsada, lalong bawal ang maglasing na pakalat-kalat sa tabi ng daan. Dismayado ang mga residente sa Barangay San Pablo dahil madalas umanong lasing si Kapitan Manalang at laging nakahubad habang naglalakad sa daan. Kung totoo man ang balitang ito, tunay na nakakawalang ganang pagmasdan ang ganitong uri ng mga pulitiko, dahil nagsilbi pa silang ehemplo Sundan sa p.11
CENTRAL LUZON
Jess P. Malvar Publisher Malou P. Malvar Marketing Manager Charito Valencia Mark Jessel Malvar Office Staff Layout Artist Atty. Edward Robea Ruby Bautista Marcelo Candelaria Atty. Christopher Basilio Legal Counsels Ad Consultants
2C
ENTRAL LUZON BANAT NEWSMAG JULY 26-AUGUST 1, 2012
BANAT Newsmag is a Community NewsMagazine, Published in Taglish, circulated in Central Luzon with Editorial Business Office @ Tarlac City. For Subscription, Advertisement, Extra-Judicial Publication, etc. call or text 09302451167 or email @ diyaryobanat@yahoo.com / jessmalvar@gmail.com. website http://clbanat.webs.com
KASONG ISINAMPA SA 2 STAFF NG BANAT AT 5 IBA PA DINISMIS NA NG KORTE Tarlac City – Idinismis na ng korte ang mga kasong isinampa ni Esteban Manalang, kasalukuyang nakaupong Barangay Captain ng Brgy. San Pablo at kapatid ng alkalde na si Gelacio Manalang laban sa mga opisyal ng barangay, media practitioners at mga observers matapos na ipatupad ang Temporary Restraining Order (TRO) Mula sa Komisyon ng Halalan sa Metro, Manila. Ang pitong (7) kinasuhan ni Manalang Kapitan na si Andy Ocampo, upang Manalang sa City Court ay nabaligtad ang ay sina Angelito “Andy” Ocampo, Rodolfo ipatupad ang iniatas ng Comelec Manila na resulta at lumamang na ito ng mahigit sa 70 Pangilinan, Marlin Pangilinan, Lito Peraliza, muling bumalik sa puwesto bilang Kapitan boto laban kay Ocampo. Paul Rigor, SPS, Jesus Malvar and Marilou sa bisa nang pinalabas na TRO. Naghain ng apela si Ocampo sa Comelec Malvar, kapwa staff ng Banat News Matatandaan na nanalo si Ocampo sa Manila para rebisahin ang resulta ng desisyon Magazine at Kagawad Elmer Lambanisio halalang pambarangay kung saan lumamang ng lower court sa pamamagitan ng pag-file ng mga kasong Grave Coercion at Malicious siya ng 80 boto laban kay Manalang subalit ng Motion For Reconsideration (MR). Mischief. Ito ay matapos samahan ang noo’y nang magprotesta itong si Esteban “Greg” Sundan sa p.10
DR. JEROME LAPEñA PATULOY NA UMAANI Cupcupin’s right-hand NANG SUPORTA SA MGA TAGA-TARLAC CITY man arrested, Sa kabila nang kaliwa’t kanang batikos na ginagawa ng kanyang mga kalaban, lalu pang lumalakas si Dr. Jerome Lapeña dahil dumadami na ang tumugon sa kanyang panawagan na magkaroon nang pagbabago sa ating pamahalaan. Ang ilan ay boluntaryo nang pumunta sa kanyang tahanan upang ipabatid sa pamilya ni Lapeña na susuporta sila sa kampanya nito sa 2013, dahil hangad na rin nila ng malawakang pagbabago. Dismayado kasi ang mga residente sa Tarlac City sa kasalukuyang pamahalaan, dahil sa talamak na nakawan at katiwalian sa gobyerno ang kanilang nasasaksihan . Ang tanging pakiusap ng mga tao kay Lapeña na sana’y baguhin nito ang sistema sa pamahalaan sakaling mabigyan siya ng pagkakataong maupo sa tungkulin. Ipinangako naman ni Dr. Lapeña na ibibigay n’ya ang kanyang buong lakas at kakayahan sa taong bayan at sa pamahalaan upang hindi madismaya ang mga taong nananalig at naniniwala sa kanyang liderato. Ayon kay Lapeña, “HINDI KO BIBIGUIN ANG TAONG BAYAN NA SUMUSUPORTA SA AKIN. PAKAIINGATAN KO NA HINDI AKO MAGKAMALI SA AKING PANUNUNGKULAN, HILING KO LANG NA BIGYAN NINYO AKO NG PAGKAKATAON NA MAIPAKITA AT MAIPADAMA KO ANG AKING TAOS PUSONG PAGLILINGKOD! “ Si Dr. Jerome Lapeña ay nanungkulan na bilang City Health Officer kung saan naipakita na nito ang kanyang marubdob na hangaring
makatulong sa kapwa, lalu na sa mga mahihirap nating kababayan sa pamamagitan ng mga medical at dental misyon nito sa mga liblib na barangay sa siyudad ng Tarlac. Dahil sa kanyang pagmamalasakit sa mga kababayan, minsan pa’y isinugal nito ang kanyang profession nang ipadala nito ang buong Medical at Dental Team sa Barangay Barasbaras upang tulungan ang BANAT sa kanilang misyon. Alam ni Dr. Lapeña na magagalit si Mayor Manalang dahil kalaban nito ang pamunuan ng BANAT, pero sa ngalan ng paglilingkod bayan, hindi na nito ininda kung ano man ang sasabihin ni Mayor Manalang sa kanya, basta’t ang alam lang ni Dr. Jerome ay ginagampanan lamang niya ang kanyang tungkulin sa pamahalaan at sa bayan. Matapos ang nasabing misyon, kinabukasan ay pinadalhan agad si Lapeña ng Memorandum at pinagpaliwanag ito sa ginawa niyang hakbang. Simpleng sagot lang ang kanyang sinabi, “MERON AKONG TUNGKULIN SA BAYAN NA DAPAT KONG GAMPANAN, AT MAY MATINDING PANGANGAILANGAN ANG TAONG BAYAN SA ATENSIYONG MEDICAL DAHIL MARAMI ANG MAY SAKIT SA NGAYON. KUNG ‘YAON MA’Y MINAMASAMA NINYO, WALA NA AKONG MAGAGAWA! KUNG ITO MAY KASALANAN SA TINGIN NINYO, HANDA PO AKONG SUUNGIN AT HARAPIN KUNG ANO MAN ANG KAHIHINATNAN NITO! Ito ang matapang na pahayag ni Dr. Jerome Lapeña sa pagharap nito kay Mayor Ace
Sundan sa p.11
swallows shabu By Nelson Bolos
Gerona, Tarlac - - The trusted man of the recently arrested Number 1 Shabu pusher of this town was finally put behind bars. The newly installed Chief of Police PSupt. Ponciano Zafra identified the arrested drug peddler as Aries Guarin, alias Hapon, of Poblacion 2, who swallowed an undermined amount of suspected Shabu during the buybust operation. Guarin is the known trusted right-hand man of Alvin Manalang Cupcupin, who was himself arrested recently in Tarlac City in an entrapment operation led by PSupt Bayani Razallan. Apparently, the arrest of Guarin near his residence came as a result of a “total crack down against illegal drugs” ordered by Mayor Dennis Norman Go to COP Zafra. Guarin was apprehended in a buy bust operation led by SPO4 Joel Gamboa who tasked PO1 Johannes Niegos to act as Poseur Buyer. Niegos was able to purchase from Guarin 2 sachets of suspected shabu with a total amount of 0.050 grams. The two pieces 500-peso bill used as marked money were also recovered from Guarin. In an exclusive interview, Zafra disclosed that Guarin was able to dispose of the Shabu in his possession by quickly putting into his mouth an undetermined amount of the illegal drug which he took from his pocket during the buy-bust. “Marami pa sanang nakuhang ebidensiya Cupcupin on page p.11
CENTRAL LUZON BANAT NEWSMAG JULY 26-AUGUST 1, 2012
3
ENGR. PEPE RIGOR SUPORTADO NG MGA BRGY. LEADERS Tarlac City – Maraming barangay leaders na sa Ikalawang Distrito ng Tarlac ang nagpahayag nang pagsuporta kay Engineer Pepe Rigor matapos itong magdeklarang tatakbo sa pagkaKongresita. Ito ang nabatid matapos makausap ang mga ito sa mismong tahanan ni Engr. Rigor sa kanyang patuloy na pagkonsulta kung siya ba’y hinog na upang lumaban sa pagka- congressman sa Segundo Distrito. Masaya itong sinangayunan ng mga leader na naroon dahil ayon sa kanila, “kay Don Pepe ramdam namin ang kaunlaran at tapat na pagkalinga sa mga residente ng Tarlac”. Hindi pa man ito pumasok sa pulitika, marami na ang natutulungan sa mga residente ng
Tarlac na hindi humihingi ng kapalit. Ayon pa sa mga ito, ngayon lamang umano sila makakaganti sa kabutihan ni Engr. Pepe, kaya’t nangako ang mga ito na sa darating na halalan full support sila sa kandidatura nito. Makikita na nagkanyakanya na sila sa pagdikit ng mga posters ni Engr. Rigor upang ipabatid sa mga taga-Tarlac na siya’y handa na para sa laban sa 2013. Si Engr. Rigor ay kilala sa bansag na “Don Pepe,” isang mapagkalinga at matulungin sa kapwa.. Si Rigor ay nanungkulan bilang Director ng DPWH sa mahabang panahon. Marami na ring proyekto ang kanyang naipagawa, kung saan si Kgd Kris Rigor ang siyang nag-En-
gineer dito sa Tarlac City tulad ng Renovation ng San Sebastian Village Chapel, 2 storey Building na library sa Tarlac State University Lucinda Campus, 2 storey classroom sa Tarlac National High School, Construction of Multi Purpose Bldg. sa Brgy San Francisco, Tibag, SepungCalzada, Laoang, Binauganan at Buenavista. Marami na ang nakikinabang sa mga nabanggit na proyekto na pinagawa nina Engr. Pepe Rigor at Kgd. Kris Rigor. Ilan lamang ito sa mga proyekto na naitulong nang mag-ama sa mga taga- Tarlac sa kanilang personal na kapasidad. Hindi pa man sila tumatakbo ay marami na silang nagawa para sa bayan..
ENGR. PEPE RIGOR NAGULAT SA IPINAKITANG SUPORTA NG TAONG BAYAN SA KANYANG KANDIDATURA Namangha si Engr. Pepe Rigor sa ipinakitang suporta ng mga taga-Segundo Distrito sa kanyang kandidatura gayong hindi pa nagsisimula ang campaign period. Sa tuwing pupunta siya sa mga barangay, kapag nalaman nang mga residente ay agad silang nagpupuntahan upang ipabatid kay Engr. Rigor na susuportahan nila ang kanyang kandidatura sakaling matuloy ito sa pagtakbo sa 2013 bilang kongresista sa 2nd District. Marami ang sumasalubong sa kanya sa tuwing ito’y lumalakad at nakikipagkamay sa mga tao. Ang ilan ay naluluha pa dahil ngayon lamang nila nakikita nang personal si Engr. Pepe Rigor, pero marami na itong natulungan na hindi nito batid na kaharap na niya ang mga taong minsan ay kanyang natulungan. Abot-abot ang kanilang pasasalamat habang nagpapakilala ang mga residente at nagkukwento kay Engr. Rigor kung paano siya
4C
ENTRAL
nakatulong sa mga nakapalibot sa kanyang mga residente. Masayang masaya si Rigor habang pinagmamasdan ang mga taong kanyang natulungan na hindi man lamang nito nakikilala at ngayon lamang niya nakikita. Ayon pa kay Rigor “ANG SARAP PALA TALAGA NANG PAKIRAMDAM KAPAG NAKATULONG KA, MASARAP NAMNAMIN ANG BUNGA NG IYONG PAGTULONG.” Dahil sa mga katagang narinig
nito sa mga residente ng Tarlac City, muling nabuhayan nang pagasa si Rigor na kakayanin nito ang laban sa pulitika dahil taong bayan na ang kasangga nito. Marami ang nangako na susuporta kahit na walang bayad kapag nag-umpisa na ang kampanya, upang ipadama din kay Engr. Pepe Rigor na sila man ay marunong din tumanaw nang utang na loob sa mga taong minsan ay nagsagip sa kanilang buhay.
28th B’day of Atty. Edward Robea with his family, love one & friends
LUZON BANAT NEWSMAG JULY 26-AUGUST 1, 2012
PRC conducts mobile processing for Tarlac professionals TO BETTER serve Tarlac professionals, the Professional Regulation Commission [PRC] Baguio Regional Office, conducted a one-day mobile processing at the activity center of the mall giant SM City-Tarlac The processing, which was able to assist around 1,500 Tarlaqueno professionals in the renewal of their PRC ID, release of ID and Board Certificates, issuance of certification of good standing, initial registration of new board examination passers and processing of applications for board examinations. Led by Regional Director Teofilo Gaius Sison Jr., the 10man team was able to serve Tarlaquenos as early as 8 in the morning and the processing lasted until 8 in the evening. “This is an important piece in our effort to bring the government closer to our people. This should be done in a regular basis to spare our people from much effort in renewing their PRC IDs and other dealings with us,” Sison said in a radio interview adding that without the support of Governor Victor Yap and the provincial government of Tarlac, the processing will not be a success. Mariel Taliman, SM’s PR officer said that their mall is very much willing to be of assistance and part in a noble program such as the PRC mobile processing. The processing likewise collected P760,619.00 as payment for various services that was rendered by the PRC To P..8
POL RIGOR’s B’DAY CELEBRATION Sinaksihan nina Kgd. Kris Rigor, Kapitana Navarro at iba pa, ang pag-blow ng birthday candle ni Paul Rigor. Nasa baba naman ang ilang barangay officials na dumalo sa birthday party ng kanilang kaibigang si Paul Rigor.
Kasama ni Engr. Pepe Rigor sina Board Member Tonyboy Cervantes, BM Henry De Leon, Ex- Kapitan Zaldy Navarro ng Brgy. Bantog at iba pa.
Naroon din sa Birthday ni Paul Rigor sina Eryo Mendoza, Andrew Mendoza, Kapitan Edgar Aguas, Tarlac Joggers at iba pang barangay officials. CENTRAL LUZON BANAT NEWSMAG JULY 26- AUGUST 1, 2012
5
ATE KRIS RIGOR IN ACTION
KRIS RIGOR NAMAHAGI NG WATER PUMP SA BARANGAY BUHILIT Personal na dinala ni Kgd. Kris Rigor ang water pump o bomba na hiniling ng mga residente ng barangay Buhilit kay Ate Kris na agad ikinabit at sinubukang gamitin ng mga bata. Masaya na ang mga residente rito dahil sa wakas ay may tubig na silang dumadaloy at hindi na sila iigib pa sa malayo upang magkaroon ng tubig. Malaking pasalamat naman ang tugon nila kay Ate Kris bago nito nilisan ang nasabing barangay.
Medical, Dental Mission at Libreng Gupit sa Barangay Bantog, Tarlac City. Nagpasalamat si Kapitana Navarro kina Kong Pepe at Ate Kris Rigor sa proyektong dinala nito sa kanilang barangay dahil malaking bagay umano ito para sa kanilang mga kabarangay. Ang MEDCAP at Libreng Gupit ay pinangasiwaan ng BANAT.
6C
ENTRAL
LUZON BANAT NEWSMAG JULY 26-AUGUST 1, 2012
KONG PEPE, ATE KRIS RIGOR CHIKITING GUPIT IN SCHOOLS
Sa Barangay Salapungan Elementary School pumunta ang team ng mga barbers ng Chikiting Gupit ni Kgd. Kris Rigor at ng Banat upang gupitan ang mga kabataan doon, mula Prep hanggang Grade Six. kasama si kapitan Alimurong. Nagpasalamat sina Kris at Kong Pepe Rigor sa mga Teachers sa bawat School na napuntahan na ng grupo dahil sa magandang pagtanggap ng mga ito. Ang nasabing proyekto ay handog nina Kong Pepe at Ate Kris sa mga kabataan upang maging malinis ang mga ito sa kanilang pagpasok sa paaralan. Tuwang-tuwa naman ang mga Principal at Teachers dahil karamihan umano sa mga batang mag-aaral sa public schools ay hindi na napapagupitan.
Nakatapos na ang Chikiting Gupit Group sa ilang Schools tulad ng Laoang Elementary School, Sto Domingo, San Juan De Mata, Barasbaras, Mapalad, Dolores, Sto Ni単o, Sinait, Sta. Maria, San Isidro, Tibag, Binauganan, San Sebastian, Paradise, San Pascual, Batang-batang, Villa Bacolor,, Salapungan, Banaba, Buhilit, Culipat, Trinidad, Armenia, Sitio Dam at San Luis Elementary School. Kasama ng Banat ang mga teachers at sina Col. Eduardo & Mrs. Zeny Robea sa barangay San Pascual Elem School. CENTRAL LUZON BANAT NEWSMAG JULY 26-AUGUST 1, 2012
7
CITY SK FEDERATION PRESIDENT NAKATANGGAP NG MGA PAGBABANTA Tarlac City – Nakakatangap na umano ng mga pagbabanta sa text si Sk Federation President John Paolo Lapeña na hindi mabatid kung saan nagmumula. Ito ang mensaheng ipinaabot ng mga magulang nito sa Banat. Ayon kay Dr. Jerome Lapeña at Mrs. Dolor Lapeña, sunod-sunod na pagbabanta ang natanggap ng kanyang anak. Hinala ng mga ito na ang ugat ng mga pagbabanta kay SK “JP” Lapeña ay dahil umano sa mga ipinadalang text message ng batang Lapeña kay Mayor Gelacio “Ace “ Manalang na naglalaman ng mabibigat na paratang. Sa isang text message sa programang “USAPAN” sa radio ni Jess Malvar, inilahad ni SK John Paolo Lapeña ang kanyang mga sinabi sa text kontra kay Mayor Manalang. Sinasaad sa text message ng batang Lapeña ang ganito, “ Jp lapeña po ito, wag mo akong siraan sa mga sk. Hindi po ako natatakot sa inyo. Mas gusto ko pa nga kung gusto mo akong ipatanggal eh. Pero tandaan po ninyo hindi po habang buhay ang posisyon at mga perang (xxxxxx) n’yo. Gusto ko lang harapan! Wag kang bakla! O kaya harapan tayo, sabihin mo yan sa harap ko. Yun lang po. Wag kang maninira. Pumapatol ka pa sa mga bata. Wala ka ng panalo.” ito umano ang mga nilalaman ng mga text message ni Lapeña kay Mayor Manalang. Nagawa umano ito ni John Paolo kay Mayor Manalang dahil sa sama ng loob sa mga action at paninira ni Manalang sa kanyang mga kasamang Sk Chairman. Hindi umano ito inaasahan ng batang Lapeña dahil mga bata lang sila, na hindi dapat pakialaman, dahil wala naman umano silang ginawang kasalanan.
8C
ENTRAL
Batid nang lahat na matalik na magkaibigan ang mga Lapeña at Manalang mula pa noon, katunayan umano, noong mga panahon na wala na sa pulitika si Manalang, halos si Dr. Jerome Lapeña na ang pumupuno kasama ang ilang kaibigan sa mga problema ni Manalang sa financial, maging ang pag-aaral umano ng mga anak ni Mayor Ace kay Lorna Bautista at sa iba pang babae ay tinutulungan umano nito, dahil itinuring itong tunay na kaibigan. Halos maiyak si Dr. Jerome sa tuwing naalala nito ang matinding paghihirap ni Manalang noong wala na ito sa puwesto. Ayon pa kay Dr. Lapeña, pati baon ng mga anak ni Manlang ay sinasagot na nito, hatid sundo pa nga ang mga anak nito ni Mrs. Dolor Lapeña dahil naawa sila sa mga bata. kaya’t hindi umano nito lubos na maisip kung bakit sila ginaganito ngayon ni Mayor Manalang. Ayon kay Dr. Lapeña, “masakit sa akin na isinama pa ni Mayor Manalang sa kanyang galit ang aking anak, na wala namang kinalaman sa aming sigalot” . Nag-ugat ang iringan ng mga ito nang muling maupong Mayor Ace nitong 2010. Ginawang City Administrator si Dr. Lapeña at concurrent position pa as City Health Officer. Sa hindi malamang kadahilanan, inalis ng alkalde si Lapeña bilang administrador at ipinalit si Ruben Santos. Hindi pa nagkasya doon, sa tindi ng galit ni Manalang ay tinanggal pa si Dr. Lapeña bilang City Health Officer nang tumulong ito sa Medical at Dental Mission ng Banat sa Barangay Barasbaras, Tarlac City. Kasabay nito ay sinampahan pa ng reklamong ILLEGAL DISCHARGE OF DUTY nang ipadala ni Lapeña ang mga City Health Personnel sa naturang
LUZON BANAT NEWSMAG JULY 26-AUGUST 1, 2012
misyon na wala umanong pahintulot o permiso mula sa alkalde. Agad itong binigyan ng MEMORANDUM at pinagpapaliwanag sa harap ng binuong Committee kasama ang buong Medical at Dental Doctors na sumama sa naturang misyon. Ayaw na sanang pansinin ni Dr. Jerome ang mga ginawa ni Manalang, subalit halos lahat ng kanyang mga tauhan ay itinatapon na kung saan-saan matapos siyang alisin sa tungkulin bilang City Health Officer. Sa ngayon ay pinagbabawalan na rin itong si Dr. Lapeña na pumunta sa tanggapan ng kanyang anak na si SK Federation President John Paolo Lapeña base sa memoramdum na ipinalabas ni Admin Ruben Santos. Ikinagulat nang Doctor ang nasabing kautusan dahil sa kanyang palagay ay sinikil na pati ang kanyang karapatan na dalawin at kumustahin ang kanyang anak sa kanyang tanggapan. Dahil sa mga pangyayari ay napilitan nang magsampa ng kaso sa Ombudsman si Dr. Jerome upang ipagtanggol ang kanyang mga karapatan na niyurakan na umano ni Mayor Manalang, na ayon pa kay Lapeña, maaring nahilo at nalasing ng husto sa kapangyarihan nang ito’y maupong muli bilang alkalde, na sa matagal na panahon ay nawala sa kanya. Dahil na rin sa mga panggigipit ni Mayor Ace Manalang sa pamilya ni Dr. Jerome Lapeña, natuto itong lumaban hanggang sa magdeklarang hahabol sa pagkaalkalde nang siyudad. Lantaran na niyang sinasabi na lalabanan niya si Manalang sa 2013 election. Marami ang nakisimpatiya kay Lapeña, kaya’t
PRC ...from p.4 which in turn, were turnedover to the national coffers. Yap, for his part, thanked the PRC for bringing its services to Tarlac. “My heartfelt appreciation to Dir. Sison and his team for their services to our professionals and I hope that this very successful processing be repeated in the nearest future,” the governor said. Project coordinator and Tarlac Press and Radio Club president Ruben Pascual Jr. said that the PRC project was a huge success and likewise thanked the management of SM, Tarlac Police Provincial Director S/ Supt. Alfred Corpuz and the Masonic lodges Cosmo P. Antonio, Anchor and Victory for their assistance. The PRC processing was part of the celebration of Tarlac province’ celebration of its 139th foundation anniversary. halos kalahati nang kanyang mga supporters ay galing sa kampo ni Manalang at Mendoza. Ang hiniling lang ni Dr. Lapeña kay Manalang na lumaban ng parehas at huwag nang idamay pa ang mga bata sa labanan nilang matatanda, dahil wala namang kinalaman ang mga ito sa tunay na dahilan ng kanilang pinag-aawayan. Lumalala pa ang gulo ng mga ito dahil sa iba’t-ibang black propaganda na ipinapakalat laban sa mag-asawang Lapeña na tila ba nais pang paghiwalayin ang mga ito. Ayon naman sa kanyang misis na si Dolor, “sa ginawang ito ni Manalang sa asawa ko, lalu ko lang minahal si doctor, dahil higit kung kilala ang aking asawa kaysa kanila, hindi namin papatulan ang mga ganyang kababawan!”. Ang mga sulat umano ay ipinadala sa iba’t-ibang leader sa mga barangay sa Tarlac City na ang tanging hangad ay sirain at pagCity SK next page
Office of the Vice Governor holds STEP to PEARL Tree Planting Program Vice Governor Pearl Erguiza-Pacada leads the treeplanting activity held at Santa Ignacia, Tarlac on May 25, 2012 in line with her STEP to PEARL program. Members of the Sangguniang Bayan and Barangay Councils of Sta. Ignacia, headed by Mayor Enrado Saklulu, officers and personnel from the PNP, media practitioners, young students, and several other organizations participated, where 300 different kinds of fruit-bearing trees were planted around the town plazuela and at the Sta. Ignacia North Central elementary school quadrangle. The main purpose of the event is to promote environmental awareness and protection
which is in line with the STEP to PEARL (Social Transformation through Environmental Protection) to PEARL (Protect Earth Always Remember Life) program of Vice Governor Pearl. Aside from planting the seedlings, the group also committed to the “Pledge to Mother Earth”, where all that are present in the area promised and marked their signatures to show their sincerity that they will do to their best to dedicate their time, efforts and talent to combat climate change and protect Mother Earth. After the program, free breakfast was served at the Fatima Parish Church, where Father Ning-Ning Ortiz lead the prayer before eating the food given by Vice Governor Pearl. Vice Governor Pearl calls on
VG PACADA WITH MAYOR ENRADO SAKLULU OF STA. IGNACIA
everyone to join her in more treeplanting programs that will be scheduled for the next months. She stresses out, “We should take
good care of earth and plant more trees for the preservation and protection of the environment for the future generation.”
Gerona Lakas mayoral candidate arrested for multiple estafa Gerona, Tarlac - - A LakasNUCD-CMD partymate of former President Gloria Macapagal-Arroyo who run for mayor of this town in 2010 was arrested for multi-cases of Estafa. The arrested politician was identified by P/Supt. Ponciano
Zafra, this town’s Chief of Police, as Ariel Baking Laxa of Barangay Matapitap. According to police report submitted to the Tarlac Provincial Police Office, the first arrest of Laxa was by “virtue of a very recent Order of Arrest” issued by the Tarlac Regional
CITY SK ...from p.8 awayin silang mag-asawa. Hinala nang mga supporters ni Lapeña na ang naturang black propaganda ay galing sa kampo ni Manalang, dahil gusto umano nitong makaganti sa pamilya ni Dr.
Jerome. Habang sinusulat ang balitang ito, hindi pa makunan nang pahayag si Manalang ukol sa nasabing usapin dahil busy ito at madalas na wala sa Tarlac City.
FB inbox Ernesto Galang 21 June 11:46 Jess gud am. pakitanong naman sa brgy council ng maliwalo kung nasaan yong barangay service na blue, mukhang iba ang gumagamit eh. at yongWelcome sign sa tapat ng NIA. Yong Welcome sign sa Sitio Maligaya sa San Jose naroon pero yong sa tapat ng NIA nawawala eh. Salamat. Mabuhay ka!!
Trial Court Branch 64. Barangay (Matapitap)”. The arrest of Laxa was a However, a resident of result of a more than month-long Matapitap who requested his name surveillance conducted by the withheld said “si Laxa naging Tarlac Criminal Investigation and permanenteng residente na ng Detection Group (CIDG3) under aming barangay mula pa noong the then supervision of P/CInsp 2010 elections at halos araw-araw Richard Caballero who was dito siya tumutuloy, nakapagtataka recently assigned at the CIDG nga kung bakit ngayon lang siya Bulacan. hinuli”. COP Zafra personally led The other Warrants of Arrest the arresting police team who issued against Laxa are: Criminal immediately acted on the Case Nos. 12-8429 and 12-8430 intelligence report of the CIS- by RTC Branch 56 of Angeles City, CIDG. Criminal Case Nos. 10-5556, 12Apparently, upon his arrest, 7054 and 12-7055 issued by City the CIDG3 and the Mabalacat Trial Court of Angeles City, all Police Office also served to Laxa entitled People of the Philippines 6 other pending Warrants of Arrest VS Ariel Baking Laxa for Estafa. which were issued by the courts Laxa is reportedly a former in Angeles City and City of San resident of Madapdap Fernando, Pampanga. Resettlement, Mabalacat, Police files on the case show Pampanga, who became a that Laxa was able to elude arrest resident of this town since he for several months due to the married Atty. Regina Balmores of certification issued by Matapitap Barangay Matapitap. Atty. Barangay Chairman Renato Balmores is a presiding judge in Labasan who certified that Laxa a Municipal Trial Court in “is nowhere to be found in this Laguna. CENTRAL LUZON BANAT NEWSMAG JULY 26-AUGUST 1, 2012
9
2 BANAT Staff.... mula p.3 Matapos maglabas ng TRO ang Comelec na nagsasabing si Ocampo pa rin ang naka-upo habang dinidinig pa ang kaso. Subalit nang ipatupad na ang TRO ay katakot-takot na pulis ang pinadala nang alkaldeng kapatid ni Esteban “Greg” Manalang upang pigilan si Ocampo na muling maupo bilang kapitan ng nasabing barangay. Bukod sa mga pulis ay naghikayat pa si Manalang ng mga supporters na magbabantay sa barangay upang hindi na muling maipatupad ang TRO mula sa Comelec. Nakapasok nang mapayapa ang grupo ni Ocampo sa Barangay Hall matapos na ibigay nang isang tanod ang susi, at muling naupong kapitan ng ilang saglil si Andy. Doon na nagkaroon ng
kaguluhan, matapos na ang pamilya ni Manalang ay magsisigaw sa harapan ng barangay hall. Maraming pulis ang nakabantay, at mismong si Mayor Manalang ay nagtungo doon at nagsalita, na gumamit pa ng sound system at pilit na pinababa si Ocampo sa puwesto at iniupo ang kanyang kapatid kahit na may atas pa ang Comelec Manila. Dahil sa matinding tensyon sa lugar, ay napilitan si ocampo na bumaba sa puwesto para sa kapakanan ng kanyang mga kabarangay at ng kanya pamilya na noo’y nahihirapan na sa pagintindi sa kalagayan ni Kap Andy. Matapos ang ilang araw na balitaktakan, isang City Councilor ang humikayat kay Kapitan Ocampo na ibigay na
OFF D’AIR.... mula p.2 hindi ito nagdadalawang salita. Hindi nito nakakalimutan ang mga mahihirap niyang kababayan sa Tarlac. Kung may pagkakataon lang naman at narito siya sa Tarlac ay dumadalaw ito sa kanyang mga kaibigan at mga barangay leaders upang alamin ang kanilang mga suliranin. Tila isang Robin Hood ang naging papel noon pa man ni Pepe Rigor sa mga Taga-Tarlac. Hindi pa man nagsasalita ang mga lumalapit sa kanya ay alam na nito kung ano ang pakay. Hindi ito nagmaramot sa mga biyayang naipagkaloob sa kanya nang may kapal, dahil ayon kay Don Pepe, hindi naman niya madadala ang kayamanan sa hukay. Noong unang makilala ko si Engineer Rigor, ang akala ko’y matapobreng tao, subalit nagkamali ako sa aking akala, dahil kung makikilala mo lang siya nang personal, isa siyang simple, mababaw at mabait na tao. Mahilig lamang ito sa mamahaling sasakyan, makikita mo ang nag-gagandahang
10 C
ENTRAL
sasakyan sa garahe sa barangay San Sebastian, Tarlac City. Nakikita ko rin na maraming nagtutungong mga barangay officials na humihingi ng tulong kay Don Pepe na hindi naman niya mapapahindian. Kahit huling pera niya na sa bulsa ay dudukutin pa niya upang itulong sa mga lumalapit sa kanya. Ganyan si Engineer Rigor. Noong mga nakalipas na panahon na nasa DPWH pa siya, bilang director ay maraming nakapalibot sa kanyang tao, subalit nang napag-initan na siya nang kasalukuyang administrasyon ay napilitan siyang mag-retire, at ang mga taong nasa paligid niya ay untiunting naglaho. Subalit noong magdeklara siyang tatakbong Congressman, marami ang nagpunta sa kanya at nagpahayag ng pagsuporta. Dito mo makikita ang kagandahan nang buhay kapag may itinanim kang kabutihan sa kapwa. Hindi mo makakitaan ng pagsisisi si Engr. Rigor sa mga taong minsa’y tumalikod sa kanya na nagbalik-loob, natuwa pa nga siya sa mga pangyayari,
LUZON BANAT NEWSMAG JULY 26-AUGUST 1, 2012
lamang ang kanyang posisyon upang hindi na lumala ang sigalot. Dahil sa kaliwa’t kanang pakiusap, pinagbigyan na ni Ocampo ang mga ito. Naglagdaan sina Ocampo at Manalang sa isang kasunduan na pinagtibay ng isang notaryo, na nagsasabing hindi na maghahabol si Ocampo para sa kapakanan at kaayusan sa barangay, at wala umanong magsasampa ng kaso mula sa magkabilang panig. Subalit matapos na malagdaan ni Kapitan Ocampo ang nasabing kasunduan, sa pagtalikod nito ay agad na isinampa ang kaso laban kina Kapitan Andy Ocampo, Jess Malvar at anim na iba pa. Hindi pa man uminit ang usapan ay nilabag na ni Esteban “Greg” Manalang ang kanilang kasunduan. Naghinala tuloy ang ilang residente ng San Pablo na hindi umano naintindihan ni Greg Manalang ang pinasok na kasunduan. Isang taon din ang binuno ng nasabing kaso sa korte sa pamamagitan ng isang summary proceedings. Ang kasong Grave Coercion ay dinismis ng City Prosecutors Office sa dalawang pahinang resolusyon nito na may petsang March 21, 2012 na nilagdaan ni Assistant Provincial Prosecutor Mila Mae G. Montefalco at inaprobahan naman ni City Prosecutor Hermo A. Manglicmot. Ang Malicious Mischief ay agad na dinala sa City Court para sa summary proceeding, subalit ito ay dinismis din ni Presiding Judge Marvin B.
Mangino sa pinalabas nitong Order na may petsang June 8, 2012. Sa desisyon ni Mangino sinasaad ang ganito, “ After a careful consideration of the pieces of evidence attached in the records of this case , the court is convinced that the accused should not be held for trial considering that the obstruction in the performance of public functions as advanced by the private complainant was really cause by the service of a Temporary Restraining Order (TRO). The damage done as alleged by the private complainant, being merely civil in nature, is recoverable by civil action, WHEREFOR, premises considered, let this case be DISMISSED. Sa nasabing kaso bukod kay Manalang ay may tatlo pang tumestigo laban sa pito, na sila ( Ocmpo, Rigor, Malvar, Lambanicio at iba pa.) umano ang nanira ng padlock sa gate ng barangay hall at ng ibang gamit sa loob nito. Subalit may inilabas na affidavit mula sa local na pulisya na may sakop ng nasabing barangay na nagsasabing tahimik ang pagpapatupad ng TRO at walang nasirang gamit. Dahil dito babalikan ng kontra demanda ng mga kinasuhan si Manalang at ang tatlong testigo ng pagsisinungaling o perjury. Bukod dito maaari pa umanong kasuhan si Manalang ng Breach of Contract sa di pagtupad sa naging kasunduan nila ni Ocampo matapos nila itong panumpaan.
makikita mo ang isang mababang loob at simpleng tao sa puso ng isang Don Pepe. Kung ikaw ay tao nito o kasama niya sa trabaho, istrikto siya pagdating sa trabaho, ngunit sa personal na pangangailangan mo ay laging naka-alalay ang isang Don Pepe. Dati ay sumusuporta lamang siya sa mga pulitiko sa pamamagitan ng pera. Subalit
ngayong siya na ang pumaibabaw sa ring, dahil nais niyang ang mga nalalabing buhay niya sa mundo ay makatulong siya sa kanyang mga kababayan sa Tarlac at magiwan ng isang legacy na hindi malilimutan ng mga taga-Tarlac. Don Pepe, isang kilalang mayaman subalit hindi nito nalilimutan ang mga mahihirap na kababayan. Isa siyang NINONG ng Tarlac.
PITIK BULAG.... mula p.2 ng mga kabataang lasenggo. Paano mo pagbabawalan ang mga kabataan na huwag maglasing o uminom sa tabi ng daan, kung ikaw mismo na nagpapatupad ay nakikitang laging lasing at pasuray-suray kang naglalakad sa kalsada na naka-hubad. Ayon sa ilang kilalang personalidad sa nasabing barangay, “huwag naman sanang sayangin ang tiwala na ibinigay ng taong bayan kay kapitan Manalang, kasi kung lagi siyang ganyan, hindi na ‘yan makakaulit pa sa susunod na election, tandaan n’ya ‘yan! Magpaka-disente naman sana siya, para igalang siya ng mga residente dito,”dagdag pa ng mga ito.
Dr Jerome.. mula p.3 Manalang at sa komiteng binuo ng konseho upang imbestigahan ang naturang kaso. Si Dr. Jerome Lapeña ay ang tipo nang taong may paninindigan at may isang salita na puwede mong panghawakan, kaya naman, hindi kataka-takang marami na ang sa kanya’y sumasama at handang tumulong kahit na walang pera.
TARLAC CITY WATER DISTRICT SCHEDULE OF APPROVED WATER RATES Effective June 01, 2011 (consumption) / July 2011 billing new rates will be implemented as approved by the Local Water Utilities Administration (LWUA) Board of Trustees as per
Classification
Min. 0-10
Residential / Government
Commercial / Industrial
Commercial A
Commercial B
Cupcupin...from p.3 laban kay Guarin kung hindi niya na-isubo at nilulon ‘yung shabung hawak niya” said COP Zafra. “Nagsisimula pa lang kami at hindi kami titigil hanggat hindi nawawala ang illegal na droga dito sa Gerona” also said Zafra. Guarin is the second drug pusher arrested by Zafra in his first two weeks as chief of police. Zafra is known to have “completely wiped-out” all known drug dealers in the town of Victoria.
Size
Bulk / Wholesale
COMMODITY CHARGES 11-20
21-30
31-40
41-50
51-up
1/2 ”
210.00
24.00
26.00
28.00
31.00
34.00
3/4 ” 1” 1 1/2” 2” 3” 4”
336.00 672.00 1,680.00 4,200.00 7,560.00 15,120.00
24.00 24.00 24.00 24.00
26.00 26.00 26.00 26.00
28.00 28.00 28.00 28.00
31.00 31.00 31.00 31.00
34.00 34.00 34.00 34.00
1/2 ”
420.00
48.00
52.00
56.00
62.00
68.00
3/4 ” 1” 1 1/2” 2” 3” 4”
672.00 1,344.00 3,360.00 8,400.00 15,120.00 30,240.00
48.00 48.00 48.00 48.00
52.00 52.00 52.00 52.00
56.00 56.00 56.00 56.00
62.00 62.00 62.00 62.00
68.00 68.00 68.00 68.00
48.00
52.00
56.00
62.00
68.00
48.00
52.00
56.00
62.00
68.00
1/2 ”
367.50
42.00
45.00
49.00
54.25
59.50
3/4 ” 1” 1 1/2” 2” 3” 4”
588.00 1,176.00 2,940.00 7,350.00 13,230.00 26,460.00
42.00 42.00 42.00 42.00
45.00 45.00 45.00 45.00
49.00 49.00 49.00 49.00
54.25 54.25 54.25 54.25
59.50 59.50 59.50 59.50
1/2 ”
315.00
36.00
39.00
42.00
46.50
51.00
3/4 ” 1” 1 1/2” 2” 3” 4”
504.00 1,008.00 2,520.00
36.00 36.00 36.00 36.00
39.00 39.00 39.00 39.00
42.00 42.00 42.00 42.00
46.50 46.50 46.50 46.50
51.00 51.00 51.00 51.00
6,300.00 11,340.00 22,680.00
24.00
26.00
28.00
31.00
34.00
24.00
26.00
28.00
31.00
34.00
42.00
45.00
49.00
54.25
59.50
42.00
45.00
49.00
54.25
59.50
36.00
39.00
42.00
46.50
51.00
36.00
39.00
42.00
46.50
51.00
1/2 ”
630.00
72.00
78.00
84.00
93.00
102.00
3/4 ” 1” 1 1/2” 2” 3” 4”
1.008.00 2,016.00 5,040.00
72.00 72.00 72.00 72.00
78.00 78.00 78.00 78.00
84.00 84.00 84.00 84.00
93.00 93.00 93.00 93.00
102.00 102.00 102.00 102.00
12,600.00 22,680.00 45,360.00
72.00
78.00
84.00
93.00
102.00
72.00
78.00
84.00
93.00
102.00
DONATE BLOOD TODAY CENTRAL LUZON BANAT NEWSMAG JULY 26-AUGUST 1, 2012
11
HAPPY 98th ANNIVERSARY to
IGLESIA NI CRISTO July 27, 2012
greetings from
Happy 98th Anniversary sa mga kapatid natin sa Iglesia ni Cristo. Hangad ko ang inyong tagumpay sa pagdiriwang ng ika-98 anibersaryo sa July 27,2012. Lubos na Gumagalang,
Joji David Tarlac City Councilor
Isang maalab na pagbati para sa ating mga kapatid sa Iglesia Ni Cristo sa kanilang ika-98 Anibersaryo ngayon July 27,2012. Kaisa ninyo ako sa inyong pagdiriwang! Happy Anniversary to all the members of the Iglesia ni Cristo!
Dr. Jerome Lapeña
Happy 98th Anniversary sa pamunuan at mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo. Dalangin ko po ang inyong tagumpay.
Nagmamahal at Gumagalang,
Ed Aganon Maligayang ika-98 Anibersaryo ng Iglesia Ni Cristo sa July 27,2012. Ako’y nagagalak na bumabati sa inyo ng maligaya at mapayapang pagdiriwang. Nagmamahal at gumagalang,
Ricky Diolazo Tarlac City Councilor
Maligayang pagbati sa pamunuan ng Iglesia Ni Cristo sa kanilang ika-98 Anibersaryo sa July 27,2012. Hangad ko ang inyong tagumpay sa pananampalataya! Happy 98th Anniversary… Gumagalang at nagpapasalamat,
Roel “Weng” Quiroz Tarlac City Councilor