KALasag Human Rights Issue (Bilang 29, Tomo 1)

Page 1

Kalasag

OPISYAL NA PAPEL PAMPAHAYAGAN NG MGA MAG-AARAL NG KOLEHIYO NG ARTE AT LITERATURA

Bibig sa labi ng baril

SI DOC GERRY AT ANG HUMAHABANG TALA NG PAMAMASLANG SA MGA MAMAMAHAYAG Bagama’t lampas isang taon na noong Enero, walang babang luksa o anomang sapat na pagdiriwang upang kalimutan ang pagpaslang sa broadcaster na si Dr. Gerry Ortega isang karaniwang umaga sa Puerto Prinsesa.

>

sundan sa pahina 2

What walls won’t contain >> 3 Panitikan >> 4-5 Demolisyon sa Maynila >> 8


2 Kalasag

MAYO 2012

Bibig sa labi ng baril Doc Gerry ang taguri sa kaniya. Isang matapang at kritikal na broadcaster sa radyo. Kilalang mainit na kritiko ng pamahalaang lokal ng Palawan lalo sa mga usaping pangkalikasan at korapsyon. Ngunit noong umaga ng Enero 24, 2011, pinatumba ng isang tama ng baril sa batok ang mamamahayag habang namimili sa San Pedro, Puerto Prinsesa. Bago ang pagpaslang, mainit nang binabatikos ni Doc Gerry ang usapin tungkol umano sa korapsyon ng pondo para sa Malampaya Natural Gas Project. At sa panahon ng kaniyang pamamahayag, isa si dating Gobernador Joel T. Reyes sa kaniyang nakabangga. Agad na nakapagsampa ng kaso ang asawa ni Doc Gerry matapos mahuli ang mismong gunman na si Marlon Recamata. Ngunit anim na buwan matapos ang pagpatay, inabswelto ng Department of Justice ang anim na suspek sa kaso kasama na ang itinuturing na utak ng pagpaslang, walang iba kung hindi si dating Gob. Reyes. Agad na binuksan ang kaso

Ortega

KAWALANG KATARUNGAN SA HANAY NG MGA MAMAMAHAYAG AT MAMAMAYAN

pag-upo sa pwesto ni DOJ Sec. Leila de Lima. Umapela noong Oktubre si dating Gob. Reyes na itigil na ang imbestigasyon matapos silang maabswelto ngunit tinanggihan ito ng kagawaran. Malakas ang kaso laban sa ngayo’y nagtatagong dating Gob. Reyes. Mula sa pahayag ng mga nahuling suspek, isa dito si Rodolfo Edrad Jr., sinasabing na lider ng pagpatay, na si Reyes mismo ang nagbayad sa kanila. Sa tala ng National Union of Journalist of the Philippines, ika-142 kaso na si Doc Gerry ng pagpatay sa mga mamamahayag sa bansa. Mula sa bilang na ito, 95 porsyento lamang ang naresolba na sa buong bansa ayon sa tala ng Asia Foundations. Sa ulat ng Karapatan,may 76 na kaso ng pagpaslang at 9 na nawawala. Hindi lamang mamamahayag, isang environmentalist din si Doc Gerry na aktibong tumututol sa malalakihang corporate minign sa lalawigan ng Palawan. Ayon sa Kalikasan People’s Network for the Environment, dapat nang bilisan ng DOJ ang pagresolba sa kaso. Sa tala ng grupo, may 37 nang mga environmental worker ang napaslang, 10 sa ilalim ng administrasyong Noynoy Aquino. Kasama dito ang kaso ng nabaril na UP Botanist na si Leonard Co noong Nobyembre 2010. Wala ni isa man ang naparusahan na. Sa kasalukuyan, ikalawa ang Pilipinas sa pinakadelikadong lugar para sa mga mamamahayag kasunod ng Iraq ayon sa Commity to Protect Journalist. Sanggunian: NUJP, CPJ.org, Karapatan, Bulatlat.com

3 Kalasag Like breath that seeks way even in the narrowest crack, walls and steel bars will never let a passionate art surrender. A poet, cultural worker, songwriter, thespian, and editor of Philippine Collegian in the 90s, Ericson Acosta, will be turning 40 on May 27. He is a political prisoner for a year and two months now at the sub-provincial jail in Calbayog, Samar. It could be his natural pale skin, his Tagalog tongue or his laptop distinguishing him from Samar locals. But the elements of the 34th IBPA under 2nd Lt. Jacob Madarang thinks otherwise. He was arrested warrantless as a suspected high ranking New People’s Army official and cherry-picked from human rights workers of Kapunungan han Gudti nga Parag-uma ha Weste han Samar (KAPAWA – Small Peasants Association of Western Samar) and the Alliance of Concerned Samarenos (ACOS). After much publicity about his capture, his case trumped to illegal possession of explosives. The University Council of UP Diliman issued a resolution for his immediate release. In it’s 50th year, the UP National Writer’s Workshop called for Ericson’s unconditionalI freedom as an artist regardless of one’s position in the political spectrum. Yet vigilance still requires aggresive efforts. Even Amnesty International, where Ericson himself worked, PEN and the UKbased Campaign for Human Rights in the Philippines, and even the state-runned

MAYO 2012

National Commission on Culture and the Arts awaits in administrations that bred impunity. Charges of several violations on due processes and human rights have been pressed against his captors by the National Union of People’s Lawyers after going through illegal search and mental and physical torture during interrogations inside a locked-up military camp. No legal counsel was provided, or even a call to inform his family that he still breaths. Of all that was taken away from him, FREEDOM, according to his recent blogpost, is the single non-object yet so dreadfully concrete item he misses. Yes, he is very much present, active in the virtual world, as his works can be accessed through JAILHOUSE BLOG: Ericson Acosta’s prison diary at acostaprisondiary.blogspot.com. Though he is away, his words, drawings, everything handwritten, are up on site. The Free Ericson Acosta team, a group of human rights workers with Ericson’s friends and family, maintains the site, giving regular updates, and even videos of him singing – his songs popular in every activist’s playlist back in his time and until now. He even answers letters and greets people regularly. Last December, Ericson held an 8-day hunger strike in protest for the heavily armed military camp set in Calbayog jail. in solidarity for the unconditonal release of 356 political detainees that NUPL recorded all over the country.

WHAT WALLS WON’T CONTAIN


Acid Rain MARLON GUETA

MAYO 2012

Paghahanap

Ang buhay na nasa sinapupunan ng lupa ay dagliang hinihigop ng langit, pagkaraa’y pinagduduraan nito ng bala ang lupa.

LEAN BORLONGAN

Sapagkat asido ma’y pandilig lamang, ang lupang marahas na tinarakan ng kamatayan ay unti-unti, masiglang magluluwal ng buhay: uhay, na magsisilbing kalasag ng lupa; at tubóng sisibat, susungkit, sasakop sa langit, hanggang sa ang tinatapakang lupa hanggang sa ang tinitingalang langit ay hindi na.

4-5 Kalasag hinahanap pa rin kita hanggang ngayon, tuwing bumibisita ako sa iyong silid, sa mga damit mong naghihintay ng iyong katawan, sa nakatiklop na medyas na inulila ng iyong talampakan at sa sapatos mong matagal nang nag-aabang na muli mong ihakbang. madalas, nililinis ko ang iyong mga gamit, inaalis ang mga alikabok na kumapit sa upuan at mesa at sa mga kumupas mong larawan. matapos ang maghapon, mamamahinga ako sa bagong palit na punda at kobre-kama. yayakapin kita sa unan katulad noong una, noong natatakot ka pa sa dilim at sabay tayong makakatulog.

nahanap kita, sa mga sabi-sabi ng iyong mga kaibigan sa aming mga kwentuhan. sa iyong mga nakilala sa kanilang mga alaala at sa sama-sama naming paggunita sa iyong pagkawala. hinahanap ka sa pagtatanong kung kani-kanino, sa mga barangay at munisipyo sa mga presinto at kampo. sa bawat pagbungkal ng pala at sa naiipong pag-asa ng pintig at kutob sa pinakamunting detalye ng inahon na labi ay kita’y makilala at makasamang muli, sa huling sandali.

Nasaan? ALIONA SILVA ‘Wag niyo akong hanapin hindi ako nawawala. Hindi na ako isang musmos para pagsabihan pa kung ano ang kanan sa kaliwa. Alam ko na ang kahabaan ng dadaanan ang bawat bato, lubak, putik, at ang dapat na bigat ng bawat hakban ng aking mga paa sa bawat tatahakin. Hindi na ako isang lampa na kailangan pang ipagdahan-dahan sa bawat pagkakataon na ako’y lalakad na.

‘Wag niyo akong hanapin, ‘wag niyo akong hanapain hindi ako nawawala hinding hindi ako mawawala. ako’y kabilang na sa mga naghahanap ng lupang tatapakan sa mga pumapadyak para sa bayan. Ako ma’y mapatid, mahulog, matumba ako ma’y hagkan ng lupang hinahanap gawing pataba para sa palay na ihahain sa aking bayan,


6 Kalasag

Sa lupalop ng gunita Pumatak ang mga sandali. Patuloy kong

tinitigan ang isang larawan sa internet. Kakaibang pakiramdam -- malapit sa lungkot, habag, o pakiramdam na nagtatanong kung bakit ganon ang nangyari sa babae. Duguan siya at wala nang buhay. Nakataas ang magkabilang kamay niya. Nagmamakaawang wag kunin ang buhay. Iyon ang nakita ko, ang retratong nagpatigil sa akin sandali, at buong araw akong pinag-isip, at pinatuklas. Sa mga unang araw ko sa UP – sanlaksa ang mga bagay-bagay na sumalubong sa akin. Luma na ang mga ‘yon, subalit bago ang dating sa akin. Marahil hindi lang napag-uusapan sa hayskul ko. Nang makauwi ako mula sa eskwela, marami-rami rin ang naipasok ko sa search engine ng internet. Nang mahanap ko ang kahulugan ng TBA, sunod ko namang hinanap ang tungkol sa “desap”. Narinig ko lang ang ito mula sa nakakwentuhan ko sa eskwela. Sumambulat sa’kin ang mga sulatin ukol kina Karen Empeño, Sherlyn Cadapan, at Jonas Burgos. Unti-unti, natanggal ang piring sa mata ko. Kapag matagal kang nakapikit, o matagal na napiringan, malabo ang halos lahat sa unang pagtingin. Marami pa siguro akong uunawain.

MAYO 2012

Mula sa kwento ng mga nawawala, at napatay, mas luminaw, at mariin sa akin ang kahulugan ng pang-aabuso, at paglabag sa karapatang pantao -- mga bagay na matagal na palang iniinda nitong lipunan pero sa unang linggo lang ng kolehiyo nalaman. Subalit sa lahat-lahat, mula sa samo’t saring kung ano-anong malabo sa unang linggo ko sa UP, hindi ko malilimutan ang karanasanng makita ko ang isang larawan, matapos kong i-enter ang pangalang Beng Hernandez. Kakaiba ang pakiramdam na idinulot nito sa’kin. Malapit sa lungkot, habag, o pakiramdam na nagtatanong kung bakit ganon ang nangyari sa babae. Duguan siya, at wala nang buhay. Nakataas ang magkabilang kamay niya, na tila ba nagmamakaawapara sa kaniyang buhay. Paulit-ulit na bumibisita sa lupalop ng aking gunita ang eksenang ‘yon. Bilang isang freshman noon na nangangarap maging mamamahayag, takot at pangamba ang naidulot nito sa akin. Makalipas ang ilang taon, naroon pa rin ang larawan sa aking alaala. Nang lumipas ang mga panahon, mas luminaw din ang lahat-lahat, o ang totoong mga nangyari. Nalampasan ng tapang ang takot, at nahigitan naman pagasa ang pangamba, dahil marami pa ring bagay-bagay ang malabo, gaya ng sulating ito, marami pa ring kung ano-anong mali ang dapat itama, marami paring nawawala ang hindi nakikita, at marami pa ring alaala na hindi nakahahanap ng katahimikan sa lupalop ng gunita.

7 Kalasag

MAYO 2012

Sa humigit 1M bayaring medikal

Panawagan, dagdag tulong para kay Hina Ligtas na ang fourth year Political Science student na si Lordei Hina matapos ang mahigit tatlong buwan nang kritikal na kalagayan sa ospital matapos ang brutal na pag-atakeng naganap sa loob mismo ng unibersidad noong Pebrero. Nagresulta sa muntikang pagkakauwi ni Hina sa pagkacoma ang insidente, matapos dumanas ng matinding tama sa ulo na nag-iwan ng trauma sa kaniyang utak. Si Hina ay isang lider estudyante at kasapi ng Center for Nationalist Studies - UP Diliman. Bago ang pag-atake sa kaniya, aktibo siyang kumikilos at nagoorganisa sa loob ng campus laban sa pagkaltas sa badyet sa mga State Universities and Colleges at serbisyong panlipunan. Kasama na ang papaliit na pondo para sa gastusin para sa maintenance at operating services ng unibersidad kung saan kabilang ang para sa seguridad.

>

Tuloy-tuloy ang mga panawagan ng pagkalap ng pondo upang makatulong sa pambayad sa bayarin na tinatayang higithigit sa isang milyong piso. Ayon kay Connie Hina, Ina ni Lordei, may mga tulong na silang natanggap ngunit hindi pa umano ito sapat. Sinabi naman ng mga doktor ni Lordei na mas mabuti kung ipagpapatuloy ang mga therapy at pagpapagamot, kasama na ang occupational, physical therapies, at speech pathology, hanggang sa tuluyan siyang gumaling. Nasa ilalim si Hina ngayon ng tuloy-tuloy na therapy para sa rehabilitasyon ng kaniyang pagkilos at pagsasalita. Samantala, naghihintay pa rin ang pamilya ni Hina ng malinaw na tulong mula sa unibersidad, na sa kasalukuyan ay wala pa umanong badyet para sa nasabing kaso.

mula sa Demolisyon... pahina 8 kakarampot na kita, ano pa raw ‘yung magbayad sa di libreng relokasyon ng gobyerno. Matagal din umano bago pa magkakaroon ng kuryente sa lugar, maging ng linya ng tubig. Bukod pa dito, nasa dangerzone ang buong relocation area sapagkat nakatirik sa isang fault line na karugtong ng nasa Marikina. Ilang residente rin na nilipat sa relokasyon mula sa Brgy. Corazon De Jesus, San Juan ang may parehong kalagayan. Biktima rin ng demolisyon nitong nakaraang Enero lamang ang mga residente ng San Juan sa kabila ng dalawang beses nang paggawad ng karapatan sa lupa sa kanila. Una noong 1987 ayon sa Proclamation 164 ni Pang. Corazon Aquino at ikalawa noong 2001 batay sa Executive Order 54 ni Pang. Gloria Arroyo. Tinatayang 40 katao ang nasaktan matapos ang palitan ng mga bato at teargas. Sa kasalukuyan ay wala pa ring malinaw na kasong nakasampa at napanagot sa kalagayan ng mga nasaktan maging ng sa mga paglabag sa karapatang pantao. Hunyo ng 2010 pa ng umingay ang banta ng demolisyon sa lugar para sa itatayong City Hall at government centers ng San Juan, na malapit nang makumpleto ngayong taon.


8 Kalasag

MAYO 2012

Demolisyon sa Maynila, talamak sa mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao Nauwi sa karahasan ang naganap na demolisyon sa Silverio Compound Parañaque City kamakailan lang matapos mapatay ang isa at masugatan ang 39 sa insidente. Ayon sa mga awtoridad, maximum tolerance umano ang kanilang ipinatupad bagaman sa isang video footage ay isang miyembro ng Parañaque SWAT ang nagpapaputok ng baril direkta sa kinaroroonan ng mga residente, gayundin ang pananakit ng ilang pulis sa mga nahuling sibilyan. Agad na ipinaimbestigahan ang insidente para sa mga paglabag sa karapatang pantao ng mga residente. Sa kabila nito, napaulat ding 14 ang nasaktan mula sa mga pulis at 25 naman sa mga sibilyan kasama ang isang residenteng napatay sa tama ng baril. Isa lang ang insidente ng Silverio Compound, Parañaque City sa sunod-sunod na kaso ng demolisyon na nauuwi sa kaso ng paglabag sa karapatang pantao. Ganito rin ang eksena sa demolis-yon sa Sitio San Roque North Triangle sa Quezon City noong Setyembre 2010. Humigit kumulang 14-katao ang sugatan matapos magpang-abot ang mga pulis at mga residente, kasabay ng pagwasak sa daandaang kabahayan sa lugar, na nag-iwan naman ng higit isandaang residenteng walang tahanan. Ang proyektong Quezon City Central

Business District ang papalit sa maaalis na mga kabahayan. Durugtong ito sa Trinoma Mall na nauna nang naitayo bilang bahagi ng proyektong public-private partnership ng gobyerno. Nakaamba rin ang demolisyon sa iba pang mga kalapit na maralitang komunidad sa lugar para sa nasabing proyekto. Karamihan sa mga residenteng nawalan ng tahana’y ililipat sa Montalban, Rizal. Gayumpaman, marami ang nagsibalikan sa mga informal settlers area dahil sa layo ng lugar ng hanapbuhay ng mga residente at ng paaralan para sa kanilang mga anak. Tinatayang nasa 100-120 piso ang dagdag gastos sa pamasahe ng maraming namamasukan sa Maynila at Quezon City. Ayon sa isang residente, kung hindi nila nagagawang mamasahe dahil sa

>

sundan sa pahina 7

Kalasag OPISYAL NA PAPEL PAMPAHAYAGAN NG MAG-AARAL NG KOLEHIYO NG ARTE AT LITERATURA PATNUGUTAN Ramidette Bernal, Jian Carlo Gomez, Lee Jacob Fabonan, Pol Corpuz Belisario, Raissa Azarcon, Periwinkle Cajiuat EMAIL kalasag_cal@yahoo.comWEBSITE kalasagcalupd.wordpress.com KASAPI Solidaridad: UP Systemwide Alliance of Publications and Writer’s Organizations, College Editors Guild of the Philippines


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.