2 12
1 balita Mga pahayagang pangkampus, naglunsad ng kampanya laban sa pandaraya Josiah Antonio INIREHISTRO NG MGA mamamahayag pangkampus mula sa iba’t ibang panig ng Metro Manila ang kanilang kampanya upang tutulan ang pandaraya sa darating na halalan noong ika6 ng Pebrero sa College of Mass Communication Auditorium. Sa pamumuno ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP), inilunsad ng mga mamamahayag pangkampus ang Task Force Bantay Boto bilang opisyal na grupo na magmamatyag sa mga susunod na buwan ng hanggang matapos ang panahon ng halalan. Naniniwala ang CEGP na malaki ang tungkulin ng mga mamamahayag pangkampus upang banta-yan ang mga kaganapan sa dara-ting na halalan, ayon kay CEGP Deputy Secretary General Jose Mari Callueng. “Our campus publications play a much significant role in the 2016 elections due to the higher number of youth in the list of voters. This youth voters are those age are ranging from 18-35. The student press, therefore should maximize its power to influence the youth on how to choose a rightful leader and be vigilant in watching over the nation’s vote”, ani Callueng.
Ang nasabing kampanya ay inisiyatiba ng Kabataan Tayo ang Pag-asa (KTAP), isang kilusan upang isulong ang bagong pulitika sa darating na halalan at pagbuklurin ang mga kabataan upang isulong ang kanilang ipinapanawagang agenda kung saan pangunahing bumuo ng KTAP ay ang CEGP. Walong pangunahing kampanya ng KTAP sa darating na eleksyon ay ang karapatan sa edukasyon, nakakabuhay na sahod at benepisyo, tunay na reporma sa lupa, pagtutol sa korapsyon, batayang serbisyo para sa lahat, kapayapaan, soberanya at karapatan ng mga naaaping-uri. “The guild strongly believes that the people’s and youth agenda articulates the just demands of the Filipinos in the field of political economy, culture, military and even foreign relations, therefore we seek to renew campus journalism’s commitment to raise political awareness, provide space for critical dialogue about issues that affect us all beyond the four walls of the classroom and encourage young people to become critical agents of social change.”, dagdag ni Callueng.*
MAMAHALING UKAY Josiah Antonio
Isinampay ng mga progresibong grupo ang mga uniporme ng kanilang mga paaralan bilang tanda ng kanilang protesta sa pagtutol sa mga nakaambang mga pagtataas ng matrikula at iba pang mga bayarin noong ika-5 ng Pebrero sa Commision on Higher Education. Ang buwan ng Pebrero ang sinasabing buwan ng pagtataas ng mga bayarin sa mga paaralan at mariin nila itong tinututulan.*
2 panitikan
AMAZONA Ang Nagretirong Bayani Jenea-Ghem Santos
BAKASYON NANG PUMUNTA kami ni mama sa bahay ni Tita sa Binangonan, Rizal. Masukal ang lugar ngunit hindi puno o nakakalat na baging ang makikita, kundi sala-salabat na kurdon ng kuryete, magkakaakbay na barong-barong na gawa sa tagpi-tagping kahoy, karton, sako at tela. Saglit akong naglibot sa labas ng bahay ni Tita. Planong bumili ng softdrinks. Sa labas, nahirapan ako makaabante papuntang tindahan dahil sa mga taong nakaharang. Sa kanan ng makipot na kalsada, nakahilera ang matatandang may tangang alak, sigarilyo at baraha. Sa kaliwa, may grupo ng kabataang nakapabilog. Maririnig ang kalansing ng baryang nag-uunahang mahulog sa lupa. Sa gitna, sunod-sunod na nakapila ang mga batang nakasalampak ang puwet sa maruming semento. Nakakunot ang noo ng mga ito, kagat-labi habang ang atensyon ay sa pogs na nilalaro. Palakasan ng pulso ang laba-nan. Ang mahina ay siya ngang talunan sa lahat. “Tiyaya!” sigaw ng mga bata nang tumihaya ang pogs. ‘Di nito pansin ang akala mo’y naguunahang uod sa magkabilang butas ng ilong. Lumakas nang lumakas ang murahan. Sunod-sunod ang sigawan. Nakabibingi ang pinagsamang murahan ng matanda, binata, dalaga hanggang sa bata. “Puta!” May nagbasag ng bote. Ang
matatandang kanina’y masayang nag-uusap, ngayo’y nag-rarambulan, nagbabangayan. Kumapal ang tao sa lugar. “Hayop!” Kinalibumbungan ng tatlong matanda ang lalaki. Humandusay ito sa sahig. Walang tumulong. ‘Yong nakiki-usyoso, walang pakialam. Ang iba’y masaya pa sa nasasaksihan, nakikipalakpak ang tenga sa saya. “Hinayupak! Magsitigil kayo!” Parang may dumaang anghel. O baka diyablo. Saglit na natigil ang hiyawan. Maliban sa lalaking tuloy ang sugapaan. “Annie Amazona!” Napatingin ako sa ‘di kalakihang babaeng niluwa ng masikip na eskinita. Ang paa nito’y puno ng sulat ng pentel pen. Tangan nito sa kaliwang kamay ang ‘di ka-lakihang dos por dos. Karga nito sa kanang kamay ang batang babaeng walang saplot. Sunod-sunod na ang hiyawan, murahan. Nandyan na raw si Annie Amazona, ang pambato kay Darna, tinuturing, tagapagligtas sa rambulang nagaganap. Mayroon ding nagsabing nandyan na ang kontrabida, ang magtitigil sa pinakaaasam-asam nilang eksena. ‘Pag nandyan si Amazona tumitiklop ang lahat. Pumagitna si Annie Amazona, nagsimulang maglintanya. Lahat natahimik. Maging ako napanganga. Natigil ang rambulan. Kakamot-kamot sa ulo ang
dibuho ni Bea Velasco mga nag-aaway at unang umalis sa umpukan. Ang mga taong nanonood kanina, unti-unting nagpulasan, iba’y nagsibalik sa kinapupuwestuhan. “Tang-ina, galing ni Amazona.” Sambit ng lalaki. Sang-ayon ako. Galing! ‘Di ko akalaing dito sa lugar na ‘to, may pinanganak na bayani. **** Akala ko ‘yon ang huling pagkakataong makikita ko si Annie Amazona, ‘di pala. Pagbalik ko sa bahay, naroon siya. Bitbitbitbit pa rin ang batang ngayo’y may suot nang salawal at damit. Gano’n pa rin ang kanyang ayos. Tumatawa pa habang nakikipagusap kay mama. Lumingon sa gawi ko si Mama. Sinenyasan niya ‘kong lumapit sa kanila. “‘Nak, ito si Annie.” Napag-alaman kong siya pala ang susunduin naming katulong na nirereto ng Tita ko. Siya ‘yong panganay na anak sa siyam na magkakapatid at bread winner ng pamilya. Siya ‘yong nilait ng
tita ko na ‘di raw marunong magbasa dahil Grade 2 pa lang, tumigil na sa pag-aaral. Siya ‘yong binabanggit ng Tita ko na sa edad na 16, nagkaanak na. Siya ‘yong may dalawang anak na sumakabilang bahay ang asawa. Siya ‘yong nangangailangan ng pera na magpapakatulong kapalit ng mababang halaga. Ang babaeng iiwan ang anak para mag-alaga ng ibang anak. Maraming nabigla sa pagkawala ni Amazona. Ang iba’y naninibago. Ang iba’y kinakabahan dahil sa bawat gulo, wala nang aasahang lalabas sa makitid na eskinita at magpapatigil ng rambulan. Wala ng bayani. Magpapatuloy na ang mga away at dahas. Ang iba’y nagdiwang dahil mapapahaba na ang dwelong nagaganap. Sa wakas, mapapanood na nilang matatapos ang madugong labanan. Malalaman, kung sino ang tunay na panalo at talunan. Ang iba’y napamura na lamang nang napamura. Nandito siya sa aming ‘di kalakihang bahay. Tagaluto, tagalaba, tagawalis, taga-alaga ng bata, tagaplantsa. Nangatulong.*