KALasag (23 Peb. 2016)

Page 1

3 23

1 editoryal

TUNGO SA MALAYANG PAMAMAHAYAG SA LOOB LAMANG ng isang linggo, nakaranas ng dalawang pagatake sa kalayaan sa pamamahayag ang aming mga kapwa mamamahayag sa Unibersidad ng Pilipinas – Diliman. Una, nitong ika-17 ng Pebrero. Nakaranas ng pandarahas mula sa mga tagasuporta ng Liberal Party at mga pulis ang mga kapwa namin mamamahayag mula sa Tinig ng Plaridel (TNP) at Union of Journalists of the Philippines – Diliman (UJP-UPD). Hindi sila pinayagang makakuha ng mga litrato sa National Anti-Poverty Commission (NAPC) Forum at inakusahan pa na magrarali lamang sila sa loob at manggugulo sa nasabing partido. Agad naman itong sinundan ng isang pahayag ng isang lider-estudyante mula sa Kolehiyo ng Komunikasyong Pangmadla na bahagi rin ng Konseho ng mga Mag-aaral sa UP Diliman. Aniya, dapat nang tanggalan ng publication fee ang Philippine Collegian o Kule sapagkat ginagamit lamang itong labasan ng propaganda ng isang partido sa ating pamantasan. Nilalabag ng dalawang pangyayaring ito ang karapatan ng mga mamahayag pangkampus upang panghawakan ang mandato nilang magsiwalat ng katotohanan. Sa kaso ng mga kapwa mamamahayag mula sa TNP at UJP-UPD, karapatan nilang magsagawa ng coverage sa nasabing forum. Bilang bukas naman ito para sa lahat, hindi dapat sila pinaalis ng mga pulis. Ang pagpapaalis ng mga pulis kahit na

sila ay may karapatang makakuha ng pahayag ay isang porma ng pandarahas sa kanilang karapatan. Dagdag pa rito, paglabag din sa karapatan ng mga mamamahayag pangkampus ang pag-aakusang ginawa ng mga tagasuporta ng nasabing partido. Tanging intensiyon lang naman ng mga mamamahayag na iyon ay ipakita sa kanilang mga mambabasa kung ano ang tunay na nangyayari sa loob ng kanilang pamantasan. Naging porma din ng pandarahas ang panghaharang nila at paninigaw sa mga kapwa namin mamamahayag. Isa ring akusasyon ang ginawa ng lider-estudyante sa Kule. Sa loob ng higit 90 taon ng pag-iimprenta ng Kule ng kanilang mga isyu, bakas sa kanilang mga panulat ang patuloy na pagsandig sa mga batayang sektor. Ginagawang kritikal ng Kule ang mga mambabasa nito at pinapakilos upang ipaglaban ang kanilang mga karapatan. Bukod pa rito, tinatanggalan din ng lider-estudyante ng karapatan sa pamamahayag ang Kule sa kanyang pag-aakusa. Buhay ng mga mamamahayag pangkampus ang publication fee at kanilang napapanindigan ang kanilang mandato dahil rito. Kung kanilang tatanggalin ang publication fee, maaaring umasa na lamang sila sa mga ads at masakripisyo ang kanilang mandato. Magiging malabnaw ang kanilang mga suri sa isyu ng lipunan, kung gayon. Sa mga babalang sinabi ng liderestudyanteng pati na rin ng tagasuporta ng Liberal Party, para na rin nilang tinanggalan ng karapatan ang

iba pa pang mga lokal na pahayagan sa pamantasan. Patuloy na nakikipagsapalaran ang buong kasapian ng mamamahayag pangkampus upang maisiwalat ang katotohanan sa kanilang mga mambabasa. Hindi dapat sila inaakusahan na mga raliyista sa kanilang paglaban sa karapatan ng mga batayang sektor ng lipunan. Bilang alternatibong midya, inaangat nila ang diskurso sa mga mamamayan nang walang bahid ng politika o ekonomikong impluwensiya kaya naman kinakailangan na matalas at malalim ang kanilang suri sa lipunan. Kanila ring pinagkakasya ang perang natatanggap mula sa publication fee upang makakakuha ng datos, magpuyat sa kani-kanilang opi-

sina at mailimbag ang kanilang isyu. Minsan pa nga ay nasasakripisyo pa ang kanilang sariling pera para makapag lathala. Hinihingi mula sa mga tagasuporta ng Liberal Party at sa liderestudyante ng UPD na humingi ng tawad sa kanilang ginawa. Kanilang niyurakan ang karapatan ng mga mamamahayag pangkampus. Lagi’t laging iniisip ng mga mamamahayag pangkampus ang paglaban sa karapatan ng batayang sektor ng lipunan. Katulad nila ay tinatapakan din ang kanilang mga karapatan kaya naman patuloy rin ang aming panawagan sa malayang pamamahayag at pagtigil sa represyon sa aming mga kapwa mamamahayag.*


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.