ISSN 2243-8912
Taon 2018 ● Bilang 9 ● Negosyo ● Pamilya ● Kalusugan
MAGASIN Ang Magasin na panalo sa kabuhayan tips!
Super Nanay Page 4
Winner Sa Health Page 21
Mga Panalong Recipe
Kabalikat para sa Maunlad na Buhay, Inc. (A Microfinance NGO) |Page 1 22
Taon 2018 • Bilang 9
NILALAMAN
06
Pie-nalo Ito!
Buhay ENTREP 04 Super Nanay 08 D.I.S.C.over your personality 10 Panalong Mamamayan 12 Kwentuhan with Kuya Ed
ENTREP Tips 14 18 20 21
SPA-nalong Pangarap
22
Wagi Si Mother Earth! Mag-Accounting Tayo D.I.Y. Alkansiya Winner Sa Health
15
Kusina Ni Ina
•banana bread •banana heart burger •pastimallows
23 ENTREP Ads •Cherry Gordiones •Asuncion Asis 2 | ENTREP Magasin 2018 • Panalo Issue Disclaimer: Ang cover photo ay hinango mula kay Vectorpocket - Freepik.com
16
PWD: Panalo With Determination
Mensahe Pinagpalang araw mga EntrePinays! Kami sa KMBI ay lubos na nalulugod na ibahagi sa inyo ang pinakabagong edisyon ng ENTREP Magasin! Inilathala namin ang espesyal na issue na ito para ibantog ang mga panalong tips at kwento ng KMBI Program Members. Naniniwala kami na ang bawa’t isa sa inyo ay may taglay na galing, talino, at diskarte. Kaya patuloy kaming lumilikha ng mga paraan para maibahagi sa inyo ang marami pang inspirasyon at kaalaman sa pamamagitan ng magasin na ito. Kami ay lubos na umaasang ito’y mapapakinabangan ninyo para ipanalo ang inyong sarili, pamilya, at komunidad. Maraming salamat at kasiyahan kayo nawa ng Panginoon!
EDUARDO C. JIMENEZ President
MGA PATNUGOT Princes O. Dacca Tagapayong Patnugot
Kenneth S. David Editor
Margaret Rose N. Rodriguez Punong Patnugot
Blesilda H. Visaya Photographer
Rianne Aybil U. Peñaredondo Tagasulat
Marvin E. Barrieta Samantha Elaine S. Castillo Christopher U. Santiago Nag-ambag ng artikulo
Ang ENTREP Magasin ay inilathala ng Kabalikat para sa Maunlad na Buhay, Inc. (A Microfinance NGO) o KMBI upang tulungan ang mga kababaihang maliliit na negosyante sa maraming aspeto ng pamumuhay, gaya ng espiritwal, pangkalikasan, edukasyon, politika, pakikipagkapwa, kalusugan, kabuhayan, antas ng pamumuhay, at usaping moral. Ang ibang nailathala dito ay hango sa totoong karanasan ng mga miyembro ng KMBI at ayon sa mga opinyon at pananaliksik ng mga empleyado ng organisasyon. fb.me/KMBIMFNGO
Hector H. Celajes, Jr. Tagapamahagi
MAYROON KA BANG MUNGKAHI, PUNA, O KATANUNGAN? Sumulat lamang at ipadala sa pamamagitan ng e-mail sa ksdavid@kmbi.org.ph Kabalikat para sa Maunlad na Buhay, Inc. (A Microfinance NGO) Address: 130 Panay Avenue, Brgy. South Triangle, Diliman, Quezon City, 1103 Philippines Tel. No. (02) 373-1297 / (02) 373-1339 www.kmbi.org.ph
@kmbi_org
@kmbi_org
Kabalikat para sa Maunlad na Buhay, Inc. (A Microfinance NGO) | 3
Buhay ENTREP
SUPER
nanay S
iya ang una nating matatakbuhan sa maraming bagay. Mula sa pagiging negosyante, asawa, ina, homemaker, di natin maitatangging sila ay mga winner sa maraming bagay.
Nakakatuwang isipin na kayang-kaya niyang gampanan ang maraming tungkulin. Kung tutuusin, sa sobrang dami nga ay pwede mo na siyang bansagang Super Nanay. Bilang ilaw ng tahanan, siya ang katuwang ni mister sa mga gawaing bahay. Alam niya ang sagot sa lahat ng iyong katanungan. Sa katunayan, daig pa niya ang Google sa pagiging maalam sa lahat ng bagay, mula sa pagluluto, paglalaba, at isama pa ang mga detalye sa pagiging isang epektibong negosyante. Kaya naman nangalap kami ng mga tips kung paano nga ba tayo magkakaroon ng positibong pananaw at matagumpay na pamumuhay.
Ipinaalala ni Gng. Natividad Singcol ng Davao, isang negosyante at winner sa pagbebenta ng bigas, na mahalaga ang sipag at diskarte sa ating pagnenegosyo. Dagdag niya, “ano man ang ginagawa, mahalaga ang pagtutulungan at disiplina.” Katunayan, ang magasawa ay naka-focus sa pag-aaral ng kanilang mga anak at negosyo. Napalaki nila ang kanilang business sa pagdisiplina sa gastos at diskarte sa pag-prioritize ng mga iba’t ibang mga bagay.
4 | ENTREP Magasin 2018 • Panalo Issue
Sa furniture making naman namuhunan si Gng. Kerya Medrano mula sa Tandang Sora. Ayon sa kanya, “kumuha tayo ng mga tao na mapagkakatiwalaan. Hindi kailangang malaki ang puhunan, mas maganda magsimula sa maliit, kahit kasi malaki ang puhunan, balewala rin kung hindi magsisipag.”
Panalo naman ang punto ni Gng. Simeona Tayao na isang single parent. Aniya, “bilang isang negosyante, dapat hiwalay ang budget ng bahay at gastos sa negosyo.’’ Mahalaga raw na makompyut ang expenses sa negosyo para hindi magalaw ang puhunan at alam kung ano lang ang gagastusin sa bahay.
Aakalain mo bang ang PhP 4,000 na nakuha ni Gng. Elizabeth Florido ng Cotabato ang magsisilbing tulay para umangat siya sa buhay? Tanda niya ang hirap na dinanas niya noon, kaya bukas ang kaniyang palad na tumulong sa iba dahil alam niya ang pakiramdam ng kapos sa buhay. “Manalig lang sa Panginoon. Magpatuloy lang sa pagkayod para makatulong sa kapwa,” wika niya.
Nagbahagi naman ng kanyang sikreto si Gng. Eldy Tutor ng Sarangani kung paano siya naging panalo sa puso ng mga tao sa kanyang komunidad, partikular na sa mga magsasaka ng luya. “Ang sikreto ko? ‘Yung ugali ko, tapos ‘yung malasakit ko sa kapwa.”
Ito ay mga simple at maaring pauli-ulit na suhestiyon na ating naririnig na. Ano man ang iyong trabaho, negosyo o pinagkakaabalahan, mahalaga ang mga alituntuning ito para magkaroon ng isang matagumpay na buhay. Kabalikat para sa Maunlad na Buhay, Inc. (A Microfinance NGO) | 5
Kuwento ni Ivy Millare, isang buko pie maker na itinanghal bilang CMA 2017 Regional Awardee for Mindanao. Pwede ka ring maging kagaya niya! Ni Kenneth S. David
P
ositibong hinarap ni Ivy Millare ang mga unos ng buhay kasama ang kaniyang mister sa Koronadal. Gamit ang halos Php 2,500 na capital na hiniram mula sa kapitbahay, naisipan ni Ivy na gumawa at maglako ng Buko Pie sa kanilang barangay. Kahit na nakapagtapos ng kursong Hotel and Restaurant Management, hindi naging madali ang pasimula ng negosyo para sa kanilang mag-asawa .Tumutubo lamang siya ng higit Php 1,000.00 kada linggo dahil isa hanggang dalawang boxes lang ng buko pie ang kanilang naibebenta sa isang araw. Sa kabila nito, natutunan niya ang kahalagahan ng pagiging masinop sa pagba-budget. Naging una niyang suki ang kanyang mga kapitbahay. Kalaunan ay nagkaroon din siya ng mga suki galing sa opisina hanggang sa dumami ang kanyang mga customers. Naging tutok si Ivy sa kanyang negosyo habang pilit na binabalanse ang kanyang oras para dito at sa kanyang pamilya. Dumating sa punto na kinailangan nilang iwan ang kanilang supling sa kapitbahay upang maglako ng mga produkto. Bagama’t may ilang negatibong komento siyang natanggap patungkol sa kanyang produkto,
6 | ENTREP Magasin 2018 • Panalo Issue
“
Mas lalong naging importante ang comments ng mga suki ko. Dahil sa kanila, nagagawa kong pagbutihin pa yung produkto ko.
”
naging tulay naman ito para mas mapagbuti ni Ivy and kalidad nito. Naging inspirasyon niya ang mga suhestiyon ng mga suki at nagpatuloy sa kanyang sipag at tiyaga. Ayon kay Ivy, “Simula noon, mas lalong naging importante ang comments ng mga suki ko. Dahil sa kanila, nagagawa kong pagbutihin pa yung produkto ko.’’ Nagbago ang lahat nang sumali si Ivy sa KMBI. Bukod sa kanyang dagdag kapital, malaking tulong aniya ang benepisyong microisurance na dito niya lamang makukuha. Simula noon, hindi na kinailangan pang muling manghiram si Ivy sa ibang tao. Bukod dito, nagkaroon din ng pagkakataon na madagdagan ang kanyang produkto kagaya ng egg pie, durian pie, ube jam, butterscotch at brownies. Lumawak din ang kanyang nasasakupan na mga suki na ang iba pa nga ay galing pa sa gobyerno at banko. Noong 2011, kinilala si nanay Ivy bilang KMBI Entrepreneur of the Year (KEY), kasama ang Php 500,000 na pautang mula sa Department of
Science and Technology. Ito ang naging pasimula upang makabili siya ng mga karagdagang kagamitan at makapagtayo ng isang Pasalubong Center at kainan sa isang kilalang gusali sa Koronadal kamakailan. Itinanghal din si Ivy bilang Regional Awardee for Mindanao sa ginanap na 15th Citi Microentrepreneurship Awards (CMA) noong Disyembre 2017. Isa itong prestihiyosong award-giving body para sa mga natatanging negosyante. Bukod sa pagiging isang ina at negosyante, tumutulong din si Ivy na mapalago ang kakayanan ng iba pang entrepreneurs sa pamamagitan ng mga training na kaniyang isinasagawa sa tulong ng Department of Trade and Industry. Naniniwala siyang ang talento sa pagnenegosyo ay regalo ng Panginoon at ito ay bukas loob din niyang binabahagi sa iba. Dahil sa pagnenegosyo, natuto si Ivy na hatiin ang kaniyang oras. Gamit ang kanyang diskarte, sipag at pananampalataya, nakamit niya ang tunay na tagumpay at kinilala bilang isa sa mga pinakamahusay na buko pie house sa Koronadal.
Kabalikat para sa Maunlad na Buhay, Inc. (A Microfinance NGO) | 7
Buhay ENTREP
do
ni Rianne Aybil U. Peñaredon
r e v o . C . S . I D.
YOUR Y T I L A N O S R PE
Mga larawan mula sa YOUnique “Understanding Others by Understanding YOU” ni Jayson Lo
A
ng isang winner ay dapat marunong makisama sa lahat ng uri ng tao. Pero, pagod ka na bang makisama? Di malaman kung paano makihalubilo nang maayos sa iyong mga kliyente o katrabaho? Alamin ang iba’t ibang personality types na pwedeng maging susi sa inyong mas maayos na samahan. Ayon sa manunulat na si Jason Lo, may iba’t ibang katangian ang tao na maaring maging dahilan ng kaniyang mga pagkilos at desisyon. Kung malaman natin ang mga ito, mas magiging madaling mapagtagumpayan ang pakikisama dahil mas naiintidihan natin ang ating sarili at ang ugali ng mga taong nakapaligid sa atin.
8 | ENTREP Magasin 2018 • Panalo Issue
THE DOMINANT EAGLE Ikaw ba ay matapang, maaasahan at tutok sa iyong negosyo? Malamang ikaw ay kabilang sa mga Dominant Eagle na tapat sa kanilang kaibigan at may sariling diskarte. “Paborito niyang awitin ang kantang “I did it My Way” ni Frank Sinatra. Siya ang kadalasang tumatayong lider ng sentro. Kung hindi man presidente, paborito niya ang manguna sa opening prayer o closing prayer at sa pagbabahagi ng mga saloobin niya tuwing may mga devotions. Kagaya ng isang Agila, mahilig ang mga Dominant Eagle sa mga hamon. Sa kabilang banda, kadalasan silang mainipin dahil labis ang pagpapahalaga nila sa oras. Sila ang kadalasang maaga at una tuwing center meetings, pero mauuna rin sa pag-uwi dahil marami pang aasikasuhin sa negosyo o gawaing bahay.
THE INFLUENTIAL ROOSTER
THE STEADY CARABAO
THE CORRECTIVE TARSIER
Siya ang “Ms. Congeniality” saan man magpunta. Maituturing siyang kaibigan ng lahat at joker tuwing center meetings. Kilala niya ang lahat at kayang-kaya niyang makihalubilo sa lahat ng uri ng Program Members. Malapit siyang maituturing sa Program Officer dahil nakuha niya ang loob nito sa mga biro niyang swak sa taste ng lahat.
Tanungin mo sila kung saan niya gustong kumain at dalawa lang ang sagot nila: “ikaw na bahala” o kaya naman “kahit saan”.
May kilala ka bang tao na ang gusto eh laging pantay, plakado at maayos ang pagkakatupi ng pera tuwing disbursement? Sisiguraduhin niyang maayos na nakasalansan ang mga pera at nakaharap ang bawat ulo sa pagbibilang.
Ang mga Influential Rooster ay may positibong pananaw sa buhay at palaging puno ng enerhiya. Sa kabilang banda, sila ay kadalasang pabigla-bigla at makakalimutin.
Ayon sa pag-aaral, ang mga Steady Carabao ay karaniwang may mañana habit (laging “mamaya na” sa lahat ng ginagawa), pasaway, takot sa pagbabago at nahihirapang tumanggi sa maraming bagay. Di nila gusto ang mga alitan. Bagama’t walang pagkukusa, sila naman ay magagaling na tagapakinig sa iyo kung may problema ka at kadalasang makakalaliman mo ng loob.
Sa kabuuan, masarap silang kasama sa trabaho man o center meetings dahil makita mo pa lang sila, tiyak na mabubuhayan ka na ng loob.
Sila yung tipo ng mga kliyenteng masisipag, tahimik, pero loyal. Sa maraming pagkakataon, sila ang huli sa mga center meetings o sa pagdating sa opisina dahil di nila namalayan ang paglipas ng oras.
Sila ay partikular sa mga bagay-bagay. Pansin agad nila kung meron mang pagbabago sa isang detalye, maliit man o malaki. Sinisiguro nilang maganda at maayos ang kalidad ng kanilang mga produkto o gawain. Maituturing silang disiplinado at organisado sa lahat ng bagay. Sa isang banda, kadalasang sensitibo ang mga Corrective Tarsier sa kung ano ang tingin o iniisip ng mga tao sa kanila.
May naaalala ka bang kamag-anak, katrabaho, suki o kapitbahay na ganito? Iba-iba ang ating ugali, pero sino nga ba ang dapat mag-adjust? Ang sagot? Tayo. Dapat ay marunong tayong tanggapin ano man ang ating katangian at matutong respetuhin ang pagkakaiba-iba ng ating mga ugali. Iyon ang tunay na winner sa pakikisama! Ikaw, na-D.I.S.C.over mo na ba ang iyong personality? Kabalikat para sa Maunlad na Buhay, Inc. (A Microfinance NGO) | 9
Buhay ENTREP
Panalong Mamamayan Ni Samantha Castillo
P
ara maging panalo ka, dapat may kakampi ka. Pero sino nga ba ang kakampi natin para magtaguyod ng magandang komunidad kundi ang gobyerno?
Napakalaki ng ginagampanan natin bilang mamamayan para ihalal ang mga taong nararapat. Para maging winner tayong lahat, dapat ang leader natin ay maayos. Nasa kamay natin kung sino ang pipiliin natin. Kaya ang pagboto ay isang karapatan na dapat ginagamit. May pagkakataon kang makilahok sa mga diskusyon gaya ng kung magkano ang ipapataw na buwis, anong magandang mga programa para sa iyong lugar, magkano ang budget para sa paaralan ng iyong anak at iba pang mga mahalagang usapin. Isa rin itong tungkulin na dapat gampanan nang mabuti alang-alang na rin sa mga anak na hindi pa nakakaboto.
MAGING PANALONG MAMAMAYAN! 1. Ugaliing bumoto. Tandaan mong mayroon kang kapangyarihan. Ito ay ang kalayaang pumili kung sino ang gusto mong magpatakbo ng inyong barangay at bansa para sa susunod na mga taon. Isa pa, ilang beses lang itong nangyayari sa loob ng ilang taon, kaya ‘wag mo itong palampasin. 2. Makilahok. Hindi sa pagboto natatapos ito. Huwag mahiyang iparating sa mga opisyales ang inyong mga pangangailangan, dumalo sa mga pulong sa inyong barangay. Makibahagi rin sa mga
3. Mag-organisa. Minsan nakakapanghina ng loob na isiping walang pagbabagong nagagawa ang isang boto. Upang mas mapakinggan, bumuo ng grupo o bilang isang center ay maging mas aktibo sa pakikibahagi sa mga nangyayari sa inyong lugar. Mula sa inyong barangay, malayo ang mararating ng maayos na pakikipag-usap sa inyong kapitan o mga kagawad.
ANO NGA BA? Ang mga Party-Lists ay ang boses ng mga marginalized sectors o mga grupong kadalasang hindi nabibigyan ng boses sa kongreso. Ang pangunahing gawain ng mga Party-Lists ay gumawa ng mga batas para sa ikabubuti ng kanilang mga miyembro. Halimbawa: Ang APPEND Party-List ay kinatawan ng mga maliliit na negosyante at ng mga miyembro ng Microfinance NGOs gaya ng KMBI. Tumutulong ang APPEND hindi lamang sa pagiging mambabatas kundi pati sa mga programa gaya ng scholarships, seminars, pagtulong sa nasalanta ng sakuna, at iba pang mga gawain kung saan ito higit na kailangan. 10 | ENTREP Magasin 2018 • Panalo Issue
PAG-ISIPAN!
nangyayari sa iyong komunidad at siguruhing ginagawa ng mga opisyal ang kanilang trabaho.
Higit sa P500, grocery pack, at ilang libong piso ang halaga ng iyong boto. Hayaan ninyong matamo ng mga kandidato ang iyong boto sa pamamagitan ng maayos na pagtupad sa kanilang mga tungkulin gaya ng mabilis na serbisyo at pagkakaroon ng ligtas at progresibong komunidad. Ang araw-araw na ginhawang dala ng malinis at payapang lugar, maaasahang hospital at health centers, mababang presyo ng mga bilihin, o pagkakaroon ng maayos na hanapbuhay ay tiyak na mas mahalaga kaysa sa dalawang libong piso na isang beses mo lang matatanggap.
MAAARING GAWIN 1. Maglista ng mga nais mong proyekto at programa mula sa mga kandidato. 2. Gamiting basehan ang listahan kung sino ang pipiliin sa darating na eleksyon. 3. Ikumpara ang plataporma at mga nagawa na ng mga kandidato sa iyong listahan. 4. Kahit hindi panahon ng eleksyon, lumapit sa mga opisyal upang iparating sa kanila ang inyong mga hinaing at mga kagustuhan. Mainam na gawin ito bilang isang grupo.
Ang Republic Act 10693 "An Act Strengthening the Non-Government Organizations with Microfinance Operations for the Poor" ay isa sa mga waging batas na isinulong ng APPEND Party-list. Bakit nga ba "wagi" ang batas na ito? Maliban sa pagpapababa ng buwis na binabayaran ng mga malilit na negosyante sa kapital na kinukuha nila sa mga microfinance NGOs (MF NGOs) mas napalawig pa ng mga MF NGOs ang mga libreng training o pagsasanay at community services at iba pang tulong na ibinibigay sa mga program members at pamilya nila. Kasama sa mga community services na ito ay ang kasalang bayan, adopt a day-care, health and sanitation, agricultural development, at marami pang iba. At bukod sa community services, mahigit sampung milyong Pilipino na ang nabigyan ng microfinance loans, micro-insurance at micro-savings services.
Tree Planting Med Mission Simula pa noong 1991 hanggang ngayon, libo-libong nanay at tatay, magsasaka, manggagawa, OFWs, kabataan, indigenous peoples at mga PWDs ang natulungan ng citizens' advocacy, leadership training, values formation & character building, enterprise development, scholarships, medical mission, mass feeding, school supplies, hygiene kits distribution at tree-planting program ng APPEND. Holistic microfinance at micro-enterprise development ang gamit ng APPEND para ma-iangat ang buhay ng mas maraming Pilipino.
Training
Kabalikat para sa Maunlad na Buhay, Inc. (A Microfinance NGO) | 11 157A K-6th Street, Kamias, Quezon City, Philippines Tel: (02) 426-4587 https://www.append.com.ph
M
ga nanay, alam ba ninyong base sa pag-aaral, 86% ng mga kababaihan na nangungutang ng pera ay responsableng nagbabayad sa kanilang mga hinihiraman. At posibleng kabilang ka rito! Alam namin sa KMBI (hindi po ito Kamatis, Mangga, Bawang Incorporated) na bilang mga nanay ay alam ninyo ang inyong priorities. Nanghihiram kayo ng pera sa amin hindi para sa pangpersonal na pangangailangan. Laging laan ito para sa gastusin ng pamilya o dili kaya para mapabuti ang kalagayan nito. Ipinakikita po nito ang pagiging responsable po ninyong mga managers ng inyong tahanan. Isa pa, naniniwala po kami sa lawak ng impluwensiya ng mga nanay/ kababaihang gaya po ninyo sa loob at labas ng tahanan.
12 | ENTREP Magasin 2018 • Panalo Issue
KWENTUHA with Kuya Ed
Napaisip na ba kayo minsan kung bakit kami patuloy na naglilingkod sa inyo sa mahigit tatlumpung taon na? Ano ba ang napapala namin? O siguro ang dapat na tanong ay, ano nga ba ang mapapala ninyo?
Ang KMBI po ay hindi lamang isang microfinance NGO na nagbibigay ng pautang, nagsusumikap din kaming maipanalo ang inyong buhay sa pamamagitan ng aming non-financial services. Naniniwala po kami sa KMBI na ang pagkakaroon ng maunlad na kabuhayan ay hindi sapat na pamantayan para masabing maunlad at mataas ang kalidad ng pamumuhay ng isang tao.
K – Kasaysayan
Nais po namin na mabago po ang inyong kasaysayan o makasulat kayo ng inyong bagong kasaysayan kung saan hindi na po bahagi ang
salitang kahirapan. Dahil hindi po bahagi ng plano ng Panginoon na maghirap tayo. This is evident in the book of the prophet Jeremiah in chapter 29 verse 11 (NIV), “For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.” Naniniwala po ako at sana kayo rin na hindi kasama sa plano ng Panginoon na habambuhay tayong maghirap. Tanggalin natin sa isipan natin na mahirap tayo. Ang isaisip at isapuso po natin na kaya nating mabago ang ating buhay.
M – Maunlad
Yan po ang aming kahilingan para sa lahat naming program members at sa kanilang mga mahal sa buhay. Maunlad hindi lamang sa pinasyal na aspeto ng inyong buhay, kundi pati na rin sa maraming bagay tulad ng kaalaman.
AN Kaya marami kaming mga serbisyong ibinibigay sa inyo nang libre na pwede ninyong kapulutan ng tips patungkol sa negosyo, pamilya, pakikisama at marami pang iba.
Ang mailapit kayo sa Panginoon at magkaroon kayo ng maayos na ugnayan sa inyong kapwa ay pawang bahagi ng vision at mission ng KMBI.
B - Buhay
Ang KMBI po ay hindi lamang rehistrado bilang isang NGO sa Securities and Exchange Commission. Kami po ay isa ring faith-based organization kung saan ang aming trabaho ay tinitingnan namin bilang isang ministry. Yes, meron kaming ibinibigay na serbisyong pinansyal pero gaya nga ng sabi sa mga patalastas sa TV “but wait, there’s more!� Nagbibigay rin kami ng oportunidad para mabago ninyo ang inyong mga buhay. Hindi po dapat isa o dalawang bahagi lamang ng ating buhay ang ating pinagtutuunan ng pansin. Ang nararapat ay yung magkaroon ng kabuuang pagbabago sa ating mga buhay. Bahagi ng buhay natin ang ating relasyon sa Panginoon at sa ating kapwa. Ang mailapit kayo sa Panginoon at magkaroon kayo ng maayos na ugnayan sa inyong kapwa ay pawang bahagi ng vision at mission ng KMBI.
I - Inklusibo
Isinasabuhay namin sa KMBI ang konseptong ito sa pamamagitan ng mga ginagawa nating pagaaral ng mga Salita Niya tuwing center meetings at conferences. Ang salitang inklusibo sa KMBI ay nangangahulugang gumagawa kami ng pagkakataon para maging accessible sa inyo ang mga pamamaraan para umunlad sa maraming aspeto ng buhay. Dahil kabalikat po ninyo kami. At kasama natin ang APPEND sa pagsusulat ng bagong kasaysayan tungo sa maunlad na buhay para sa lahat. Ang APPEND, kasama ng mga partner-members nito gaya ng KMBI ay gumagawa ng mga hakbang para mas matulungan ang mga tulad po ninyo na maabot ang pag-unlad ng
inyong buhay. Isa sa mga naipasang panukala ng APPEND ay ang RA 10693, o Microfinance NGO Act. Tinanggal nito ang 12% VAT sa ating mga utang at naglalayong paigtingin pa ang industriya ng Microfinance. Mas naging madali rin po para sa mga MF NGOs na gumawa pa ng iba pang mga proyekto at serbisyo para sa kapakanan ng mga program members. Misyon ng APPEND na hindi lang protektahan, kundi isulong din ang interes ninyo bilang microentrepreneurs.
Si Mr. Eduardo C. Jimenez ang magiging opisyal na kinatawan sa kongreso ng APPEND at magiging kampeon ng mga microentrepeneurs o maliliit na negosyante. Siya ang magsusulong sa kapakanan ng mga taong kabilang sa micro, small, and medium enterprise (msme) sector.
Kabalikat para sa Maunlad na Buhay, Inc. (A Microfinance NGO) | 13
wagi si
mother earth! Ni Christopher U. Santiago
?
ANO ANG CLIMATE CHANGE
Ito ay ang pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng greenhouse gases na nagpapainit sa mundo. Indirekta itong nagdudulot ng mga sakuna kagaya ng heatwave, baha at tagtuyot na maaaring magdulot ng pagkasira ng ari-arian, sakit o pagkamatay. Kapag tumaas ang temperatura ng mundo, sinasabi ng mga eksperto na malaki ang posibilidad na dumami ang mga sakit kagaya ng dengue, diarrhea, malnutrisyon at iba pa.
Ano ba ang ating responsibilidad dito? Dapat ba tayong makialam o ipagwalang-bahala na lang ito? Para maging mabuting mamamayan ng Pilipinas, kailangan natin magtulong-tulong para mabawasan ang pagbabago ng ating klima, sa kadahilanan na ito'y direktang nakakaapekto sa ating pang araw araw na pamumuhay. May epekto ito sa ating kalusugan, kabuhayan, agrikultura, pangingisda at sa inyong mga nasa microenterprise (ME) sector.
PAANO ITO MAIIWASAN?
1.
Gawin gabay ang apat na R's; -Reduce (bawasan ang pagkonsumo) -Reuse (gamitin uli) -Recycle (pakinabangan uli sa bagong anyo) -Resource Conservation (magtipid sa paggamit ng pinagkukunan ng yaman)
3.
Makiisa sa mga gawain ng barangay na nakatuon sa pananatili ng kalinisan ng kapaligiran (tree planting, clean up drive, atbp)
5.
Wag magsunog ng basura
7.
Tangkilikin ang mga kagamitang mababa ang ecological footprint (tulad ng LED light, r410A refrigerant, etc)
2.
Tamang pagtatapon at pamamahala ng basura. Sundin ang patakaran na ayon sa Solid Waste Management
NABUBULOK
4. 6.
DI NABUBULOK
Magtanim ng halaman at puno upang makatulong maibsan ang Greenhouse gases
Maging praktikal sa paggamit ng sasakyan. Piliin ang Public Transportation sa lahat ng pagkakataon. Maglakad kung kinakailangan
8.
Magtipid sa paggamit ng tubig at kuryente
Ating tandaan na ang pagiging mabuting mamamayan ay may kaakibat na responsibilidad at pananagutan sa ating Diyos na siyang nagtiwala sa atin para protektahan at pangalagaan ang kapaligiran. Gawin natin itong misyon para sa magandang kinabukasan ng susunod pang mga henerasyon. Mga imahe ay hango sa freepik.com
Paalala mula sa
SPA-nalong
Pangarap Kuwento ni Marisa Ganding, 2017 KMBI Story Caravan winner
P
ag sinabing “panalo”, madalas nating marinig ang salitang “proud”. Pero kay Madam Marisa Ganding ng General Santos, ang pagiging panalo ay kasingkahulugan ng salitang “humble”.
makapagtayo ng isang massage center na may tatlong kama. Dahil sa patuloy na pagdami ng customer, kinailangan niyang magdagdag ng branches. Dito niya nadiskubre ang KMBI mula sa kaniyang ina na isa ring kliyente. Nang madagdagan ang nakuha niyang loan, nakapagtayo siya ng dalawa pang branches. Nais pa niyang palaganapin sa buong Mindanao ang kaniyang serbisyo.
Sa Zamboanga nakatira si Marisa noon. Sa kagustuhang magkaroon ng sariling kita, nagtayo siya ng maliit na sari-sari store pero hindi ito nagtagal. Ang naipon niya dito ang ginastos niya para makipagsapalaran sa ibang lugar hanggang makarating siya sa General Santos City kung saan ginamit niya ang natitirang pera para mag-aral ng pagmamasahe sa pagnanais na mangibang bansa. Pero nang makahanap siya ng trabaho sa isang hotel, naisipan niyang manatili na lang sa Pilipinas.
“Huwag ipagyabang ano man ang narating mo. Pero sa ngayon, kontento na si Manatiling humble at Marisa sa biyayang kaniyang Para sa kaniya, ang higit sa lahat, wag na wag nalalasap. mahalaga ay nakakapaglaan siya ng kalimutan ang Panginoon.” sapat oras sa kaniyang
Mahirap para kay Marisa na magtrabaho ng commission basis. Php 50.00 lang kasi ang kinikita niya kada masahe at malakas na ang limang customer sa isang araw. Nanatili siyang ganito sa loob ng isang dekada. Bagamat maliit ang sahod, nagawang makapag-ipon ni Marisa kahit papaano. Lumipat siya sa isang medical spa at doon niya napagtantong mas mabuting magtayo na lang ng sariling negosyo. “Kumpara sa nagtatrabaho ka, mas marami kang nabibigyan ng serbisyo kapag meron kang negosyo,” sabi niya. Nagsimula siyang magmasahe sa mga bahay-bahay. Sa kabutihang palad, nadagdagan nang nadagdagan ang nagpapamasahe sa kanya hanggang sa nakaipon siya ng sapat na puhunan para
pamilya. “Dati nga hindi ko man lang nalalabas yung pamilya ko para kumain, pero ngayon lagi na kaming nakakakain sa labas,” wika niya. Masasabing humble o mapagkumbaba si Marisa dahil hindi niya gustong maranasan ng ibang tao ang mga kabiguang naranasan niya noon. Sinisiguro niya rin na ang kanyang mga tauhan ay nabibigyan ng sapat na sahod sa kanilang trabaho. Dagdag niya, “mahalaga ang sakripisyo at sipag para magtagumpay ang negosyo. Huwag ipagyabang ano man ang narating mo. Manatiling humble at higit sa lahat, wag na wag kalimutan ang Panginoon.” Isang ina at negosyanteng namumuhay nang sapat kasama ang pamilya at Panginoon. Wala nang hahanapin pa si Marisa.
Kabalikat para sa Maunlad na Buhay, Inc. (A Microfinance NGO) | 15
PWD:
Panalo
with
Determination
Ni Margaret Rose Rodriguez
A
nong pakiramdam ng walang angking talento o kakayahan? Siguro, noong umulan ng talento, natutulog tayo. Nakikita mo si kumare, may kakaibang kakayahan sa isang larangan. Parang nakakapanlumo at nakakawala ng pag-asa, di ba?
Lalong lalo na siguro kung mayroon tayong kapansanan. Madalas tayong nababansagang kakaiba sa normal na tao. Madalas, nahihiya tayo o napapaisip na nagiging pabigat lang tayo dahil sa ating kapansanan. May mga taong di na tayo pagaaksayahan ng oras dahil sa tingin nila, wala na tayong pakinabang.
sa mga nag-aalaga ng orchids, bulaklak, at iba pang gulay. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng paghulma ng net sa mga metal backbone na wine-welding ng kanyang asawa. Noon, kaunti pa lang ang kumukuha sa kanya. Pero dahil sa sipag at tiyaga, napalago niya ang kanyang business at dumayo na sa karatig na bayan ang kanyang benta at hanggang nakarating na ang kanyang produkto sa Manila, Leyte at Cebu. Ang galing di ba?
Saksi si Madam Maxima Calud ng Kabacan, North Cotabato sa ganitong klaseng pagtrato at panghuhusga palibhasa’y bulag. Pero imbis na panghinaan ng loob, mas nakita niya ang positibo sa maraming bagay, nanatiling madasalin at handang magtrabaho.
Isang patunay si Madam Calud na ang isang PWD o “Person with Disability” ay pwede ring magnegosyo, maging mapagmahal na asawa, responsableng magulang, at inspirasyon sa kanyang komunidad. Para kay Madam Calud, ang kahulugan ng PWD ay “Panalo With Determination”.
Di hadlang ang kaniyang kapansanan para mapatunayan ang kanyang galing sa pagnenegosyo sa pamamagitan ng pag-ayos ng kanyang kahera sa sari-sari store. Natuto siyang ihiwalay ang mga barya at perang papel para makapag sukli siya nang tama sa kanyang mga suki. Nagtayo rin ang pamilya niya ng carinderia at isawan na pinatatakbo naman ng kanyang mister na si Mang Joaquin Calud. Nagtayo rin siya ng isa pang business – ang hanging net na binebenta
Kaya mga kabalikat, huwag tayong panghinaan ng loob kung sa tingin natin ay hindi tayo nabigyan ng sapat na kakayahan! Pwede tayong matuto at gumawa ng mga paraan para malampasan ang ating mga problema at kahinaan! Marami tayong pwedeng magawa at pagkakakitaan!
Tulong-tulong sa paggawa ng nets ang pamilya ni Madam Maxima.
Personal na tagumpay ni Maxima ang mapagtapos niya sa pagaaral ang kaniyang mga anak.
Kabalikat para sa Maunlad na Buhay, Inc. (A Microfinance NGO) | 17
ENTREP
Tips
Mag P
ACCOUNTING
P P
Tayo! Ni Marvin E. Barrieta
M
ga Ka-Entrep, kumusta ang iyong negosyo? Naitatala mo ba ang paglabas at pagpasok ng iyong pera? Alam mo ba kung magkano ang benta at kita mo sa isang araw, isang linggo, buwan o taon? Nagtataka ka ba kung bakit sa kabila ng malalaking benta mo araw-araw ay lugi ka pa rin? Ang simpleng pagtatala ay malaking tulong sa pag-monitor at paglago ng isang negosyo. Ito ang magsisilbing gabay natin para sa mga susunod nating hakbangin gaya ng kung anong produkto ang mabenta, pagtaas ng presyo, pagdadagdag ng puhunan at marami pang iba. Ang pagpepresyo ng produkto Gawin nating halimbawa na negosyo dito ay syempre ‘yong patok at sikat na sikat na Sari-Sari store. Madali lang itong i-manage at kaunting puhunan lang ay pwede na ngunit kung napabayaan ay mabilis din itong maglaho. Mahalagang tandaan at dapat malinaw sa bawat miyembro ng pamilya na ito ay negosyo at hindi kusina ng bahay o maging ng kapitbahay na kahit anong oras ay pwede silang kumuha o umutang. Dapat nakahiwalay ang personal na pera at mga gastusin sa iyong negosyo. Mahigpit na ipatupad ang Cash Basis o No Credit Policy, at maglagay ng karatula sa harap ng tindahan hinggil dito.
ay dapat nagsisimula lamang sa 10 hanggang 20 porsyento depende sa laki ng puhunan, dalas ng pagbenta at konsumo ng kuryente. Huwag manlamang ng kapwa. Mas bibiyayaan ng Panginoon ang tapat sa anumang kanyang ginagawa.
May tatlong pangunahing uri at paraan ng pagtatala na magagamit sa iyong Sari-sari store. Tayo ay gagamit ng Cash Basis of Accounting o ang pagtatala lamang tuwing may lumabas o pumasok na pera. 1. Talaan ng mga pinamili at nagastos o Cash Disbursement Book - Dito nakatala lahat ng mga pinamiling imbentaryo o grocery product, bayad sa tubig, kuryente, pamasahe at iba pang gastos na may kaugnayan sa iyong Sari-sari Store. Nakasulat dito ang detalye ng transaksyon gaya ng petsa, uri ng transaksyon, buong halaga at halaga ng mga produktong pambenta, gamit o supplies at iba pang mga nagastos. Petsa
Uri ng Transaksyon
Halaga ng nagastos
Produkto Supplies Expense
Iba pang gastusin
9/12/18
Bayad sa pinamili ng paninda
30,200
9/13/18
Bayad sa pinamiling tray, timba, display glass, atbp.
3,000
9/17/18
Bayad sa Kuryente
2,220
2,220
Bayad sa Tubig
750
750
9/17/18
Bayad sa KMBI Loan
1,000
1,000
9/30/18
Bayad sa Upa
2,000
2,000
9/30/18
Bayad sa pinamiling paninda
3,020
3,000
Total
42,190
33,000
Halimbawa ng Cash Disbursement Book
18 | ENTREP Magasin 2018 • Panalo Issue
30,000
Pamasahe 200
3,000
20 3,000
220
5,970
2. Talaan ng pang-araw-araw na benta o Daily Sales Journal Dito nakatala lahat ng benta sa buong araw. Nakasulat dito ang item o pangalan ng produkto, dami, halaga ng nabenta, puhunan, at kita. Dahil sa bilis ng paggalaw ng presyo sa merkado at paiba-ibang porsyento ng kita, mainam sa isang sari-sari store na isa-isang nakalista ang lahat ng nabenta. Item no. 1 2 3 4...
Daily Sales Journal Product/Brand Name Yelo Detergent Soap Softdrinks 12oz
Date: _______________ Dami ng nabenta Halaga ng benta o sales 5 15.00 1 7.00 5 25.00
Total Halimbawa ng Daily Sales Journal
Puhunan o cost of sale 0 5.50 20.00
Kita o income 15.00 1.50 5.00
25.50
21.50
47.00
3. Talaan ng buwanang kita o Monthly Income Report - Dito napapaloob ang kabuuang benta sa isang buwan kasama ng mga gastusin sa pagtitinda. Mula sa pinagsama-samang Daily Sales Journal ay makukuha natin ang Total Sales, Cost of Sales at Income o kita sa buong buwan. Mula sa kabuuang halaga ng benta, ibawas dito ang puhunan o cost of sales para makuha ang kinita ng iyong tindahan, pagkatapos ay ibawas mo na rin ang lahat ng “expenses� sa buwan na iyon at tumpak! `Yon na ang totoo mong kita o tinatawag na Net Income. Revenue + Gains
Expenses + Losses
Net Income
Monthly Income Statement For the Month ended September 30, 2018 Sales (Benta) Less: Cost of Sales (Puhunan) Gross Income (Kinita) Expenses (Gastusin): Transportation Expenses Light and Water Upa sa Pwesto Utang sa KMBI – 4 weeks @ 1k/wk Total Expenses Net Income for the month (Malinis na kita)
Pagba-budget para sa Pamilya Ngayon na alam mo na ang kita ng iyong negosyo, mahalaga na maplano mo rin ang mga gastusin ng pamilya o ang tinatawag na budgeting. Mahalaga na ang pagba-budget ng pamilya para maiwasan ang pagkalugi ng negosyo at pagkabaon sa utang. Tumutulong din ito para madisiplina tayo kung ano lang muna ang dapat nating bilhin (needs) at ano yung mga pwedeng ipagpaliban (wants). Tandaan! Ang determinasyon at disiplina sa sarili ay kailangan para maging matagumpay ang pagba-budget. Bantayan ng regular ang budget para mabago ito kung kinakailangan. Maging handa para bawasan ang mga luho para matustusan ang mga hindi inaasahang pangyayari.
120,000 101,585 18,415.00 2,640.00 2,970.00 2,000.00 4,000.00 11,610.00 6,805.00
Monthly Home Budgeting Plan Mga Pinagmumulan ng Kita: Take Home Pay ni Mister: Kita ng Tindahan Kabuuang Kita sa isang Buwan: Mga Gastusin: Pagkain at bigas Groceries Tubig at Kuryente Upa sa Bahay Tuition Fee Transportation Mga Bayaring Utang Medical/Emergency Fund Total Estimated Expenses Total Savings (Deficit)
8,700.00 6,000.00 14,700.00
4,600.00 2,000.00 600.00 2,000.00 1,500.00 800.00 1,000.00 12,500.00 2,200.00
Kabalikat para sa Maunlad na Buhay, Inc. (A Microfinance NGO) | 19
D.I.Y. ALKANSYA
ENTREP
Tips
ni Rianne Aybil U. Peñaredondo
A
ng isang winner ay organisado, artistic at resourceful. Palagi bang nagkalat ang mga barya o mga sukli mula sa iyong sariling sari-sari store o suking tindahan? Pwede kang gumawa ng instant alkansya!
Madali lang ang steps at pwedeng gawin kasama ang iyong mga bulilit!
PAANO GAWIN
1
MGA KAILANGAN
Ipunin ang mga kagamitang bote o lalagyanang hindi na gagamitin
2 Butasan nang bahagya ang bote ng sukat na kakasya ang isang barya
• Mga bote, karton, garapon o kahit anong lalagyanang gamit na • Pandikit • Makukulay
3 Gamitin ang mga materyales tulad ng colored papers upang lagyan ito ng dekorasyon. Maaari ding dagdagan ng laso para mas maging kaakit-akit.
Mga sanggunian: https://brightnest.com/posts/for-kids-make-a-unique-piggy-bank-out-of-a-plastic-bottle www.elekit.co.jp
20 | ENTREP Magasin 2018 • Panalo Issue
na papel, laso o pandekorasyon • Lapis o pangmarka • Determinasyon upang mapuno ang iyong D.I.Y Alkansya
Ayan, nakagawa ka na ng iyong DIY Alkansya! Madali lang, di ba? Ngayon, ang challenge naman ay ang pagpuno nito. Pwede mong itala sa isang pirasong papel ang hinuhulog mo sa isang araw para ma-monitor mo kung magkano na ang iyong naiipong pera. Pwede ka ring gumawa ng maramihan at ibenta sa iyong mga kapitbahay!
ENTREP
Tips
Winner sa
H ealth ni Rianne Aybil U. Peñaredondo
ahil sa mga katunayang nadidiskubre ng mga siyentipiko halos araw-araw, parami nang parami ang mga tao na naghahanap ng natural na lunas sa kanilang mga karamdaman. Ang natural na mga pamamaraan ng pag-gamot ay hindi na bago sa mga pinoy. May mga halamang-gamot nang ginagamit ang ating mga ninuno bago pa man dumating ang mga kastila.
D
Dahil sa mabilis na pagtaas ng presyo ng mga gamot sa botika at pag unlad ng kaalaman ng mga tao sa mga side effects na maaaring idulot ng pag-inom ng mga sintetikong gamot, ang mga pinoy sa ngayon ay unti-unti nang bumabalik sa natural na mga pamamaraan ng paggamot, ang paggamit ng mga herbal o halamang gamot. Subalit dahil ang larangan ng halamang gamot ay nababalot ng napakaraming maling paniniwala dulot ng mga pamahiin, ang mga tagapaglathala ay nakaisip ng magandang paraan para makatulong: ang pagbibigay ng libre ngunit tumpak na kaalaman ukol sa mga halamang gamot, kaalaman na nakabase sa makabagong mga pagaaral sa mundo ng agham.
• Bayabas – Ang bayabas ay isang prutas na kilalang mayaman sa bitamina A at C. Ito ay ginagamit din bilang halamang gamot dahil sa taglay nitong antiseptic properties na nakakatulong sa pagpapagaling ng sugat, ulcer at impeksyon na sanhi ng bacteria at pagdudumi. • Bawang – Ito ay may mahusay na anti-inflammatory properties na tunay na mabisang gamot sa rayuma at nakakapagpababa ng altapresyon.
Narito ang mga abot-kayang halaman na maaring nasa ating mga bakuran lamang ngunit mabisa sa maraming paraan:
• Pansit-pansitan – Ito ay mainam na halamang gamot sa rayuma. Ang sanga at dahon nito ay inilalaga. Pagkatapos, iniinom ang pinaglagaan. Pwede ring ihalo sa salad ang nasabing halaman.
• Luyang dilaw o turmeric – Ito ay may taglay na curcumin, isang aktibong sangkap na may antiinflammatory properties at mataas ang bilang ng antioxidants na pinatitibay ang resistensya ng katawan.
• Sabila (Aloe Vera) – Ang paggamit nito bilang gamot sa sugat ay matagal nang kaugalian hindi lamang ng ating mga ninuno kundi pati na sa ibang mga kultura at sibilisasyon sa buong mundo.
Bakit? Dahil napag-alaman na ang aloe vera ay nagtataglay ng mga sangkap na nakapagpapakalma ng sakit at pamamaga. Ito ay may healing properties na napakabilis magpagaling ng sumasakit na kasukasuan. • Tomato o kamatis – Ang kamatis ay kilalang mayaman sa bitamina na kailangan ng ating katawan. Ang pagkain ng isang kamatis kada araw ay pinakasimpleng pamamaraan para mapabilis ang paggaling mula sa tuberculosis habang naggagamot. • Langis ng niyog – Ang langis ng niyog ay epektibong nakapagpapagaling ng sugat dahil sa taglay nitong anti-bacterial properties. Ang pagpahid nito sa sugat ay makakatulong makaiwas sa mga peklat. Ginagamit din ito para mapangalagaan ang buhok. BONUS TIP: Malaki ang epekto sa katawan ng pagtulog na nasa tamang oras (7-8 hours para sa edad 30-40 at 6 hours sa edad 60 pataas). Ang pagtulog mula 11pm hanggang 3am ay napakahalaga sa cell regeneration ng buong katawan at paghilom ng atay. Huwag kalimutang kumonsulta sa doktor ‘pag may karamdaman!
Kabalikat para sa Maunlad na Buhay, Inc. (A Microfinance NGO) | 21
KU S INA ni Ina
Mga panalong recipe na pwedeng pagkakitaan!
Banana Bread
Banana heart burger
Mga Sangkap: 2 o 3 hinog na saging na binalatan 1/3 tasa ng melted butter 1 teaspoon ng baking soda 1/8 o 1/16 teaspoon ng asin ž tasa ng asukal 1 itlog na binate 1 teaspoon ng vanilla extract 1 ½ tasa ng harina Paano gawin: 1. I-preheat ang oven sa 175 degrees Celsius at lapatan ng butter ang loaf pan 2. Sa isang malaking mangkok, masahin ang mga saging gamit ang tinidor 3. Ihalo ang melted butter sa minasang saging 4. Paghaluin ang baking soda at asin. Idagdag ang asukal, binateng itlog at vanilla extract. Huling ihalo ang harina. 5. Ilagay ang mga pinaghalong sangkap sa loaf pan at i-bake ng 50 minuto hanggang 1 oras. 6. Alisin sa oven ang loaf pan at bayaan itong lumamig. Pagkatapos nito, pwede mo nang i-serve ang iyong banana bread!
Mga Sangkap: Puso ng saging (katamtamang laki) 3 piraso bawang 2 katamtamang laking sibuyas 1 tasa ng harina 2 itlog Asin Pamintang durog Paano gawin: 1. Hugasan at pinuhin ang puso ng saging 2. Hiwain sa maliliit na piraso ang bawang at sibuyas 3. Sa isang malaking mangkok, paghaluin ang puso ng saging at mga hiniwang bawang at sibuyas 4. Idagdag ang harina, itlog, kaunting asin at pamintang durog. 5. Haluing maigi ang mga sangkap 6. Pag nahalo na ito, prituhin ang patty hanggang maging golden brown ang kulay
Sanggunian: simplyrecipes.com/recipes/banana_bread
pastillas marshmallow (pastimallows) Mga Sangkap: 20 pirasong marshmallow 2 1/4 tasang powdered milk 1 14oz na lata ng condensada 2 tbsp melted butter 3/4 tasang asukal Sanggunian: PanlasangPinoy.com
22 | ENTREP Magasin 2018 • Panalo Issue
Paano gawin: 1. Pagsama-samahin ang powdered milk, condensada, at butter sa isang mangkok. Haluing maigi hanggang maging buo ang texture. 2. Mag-scoop sa mixture gamit ang kutsara at bilugin ito. I-flatten ito at balutin ang marshmallow. Ihulma sa hugis ng marshmallow kung kinakailangan. 3. Pagkatapos ihulma ay igulong ito sa asukal. Pwede rin sa sprinkles. TIP: Pwede mo ring lagyan ng food coloring para iba-iba ang kulay!
sinamak
copra at niyog
Name: Cherry Gordiones Branch: Koronadal Address: Purok Maunlad, Brgy. Saravia, Koronadal City Contact #: 0910-204-9361
Name: Asuncion Asis Branch: Daet Address: P-1 Brgy. San Antonio, Labo, Camarines Norte Contact #: 0907-604-8257
A
N
ng paggawa ng sinamak o spiced vinegar ay natutunan ni Cherry mula sa kooperatibang kanyang kinabibilangan. Pinagkakakitaan niya ito kasabay ng pagtitinda ng prutas at root crops.
aisip nilang mag-asawa na huwag nang lumayo pa sa pagnenegosyo kung sa lugar pa lang nila ay nandoon na ang kita. Likas kasi ang copra at niyog sa kanilang lugar na siyang ginagawang cooking oil ng mga nag-aangkat nito.
nais mo bang makita ang iyong produkto dito? Inaanyayahan po namin kayong mag-advertise ng inyong produkto sa babasahing ito. Ito po ay LIBRE. Ginagawa po namin ito upang matulungan kayong makahanap ng supplier o partner sa inyong negosyo. Mga lehitimong miyembro lamang po ng KMBI ang maaaring mag-anunsyo dito. Markahan ang uri ng inyong negosyo: Manufacturing/ Service Agriculture/ Productions Agribusiness Pangalan: Branch: Center Code: Contact Number: Tirahan: Lagda: __________________________
Ang form na ito ay maaaring ibigay lamang sa inyong Program Officer o sa inyong branch upang ito ay mapadala sa tanggapan ng ENTREP Magasin sa KMBI Head Office, Corporate Affairs Office, 130 Panay Avenue, Brgy. South Triangle, Diliman, Quezon City, 1103 Philippines. Kabalikat para saTel Maunlad na Buhay, Inc. (A /Microfinance NGO) | 23 No. (+632) 373-1339 (+632) 373-1297