ISSN 2243-8912
Taon 2019 ● Bilang 10
●
Negosyo ● Pamilya ● Kalusugan
MAGASIN
Tatak ng responsableng mamamayang Pilipino Silipin ang mundo ng isang barangay kagawad Tignan sa pahina 4
Iponaryo: ang ultimate saving challenge Tignan sa pahina 6
Desperately looking for the best
#T a Pr tak om AP o P m sa EN ag l D as iko R in d n aff ! g le
Tignan sa pahina 16
Kabalikat para sa Maunlad na Buhay, Inc. (A Microfinance NGO)
TAMPOK: Beaded accessories na gawa sa papel!
Tignan sa pahina 18
1
Mensahe ni Kuya Ed
P
anahon na naman ng halalan! Alam mo na ba kung sino ang dapat mong iboto? Gaano nga ba kahalaga ang karapatan nating bumoto? Para sa inyong kaalaman, higit sa 95% ng mga industriya sa Pilipinas ay binubuo ng mga micro, small at medium enterprise (msme) na siya ninyong kinabibilangan. Ano ang ibig sabihin nito? Napakalaki ng ginagampanan ninyo sa pagtataguyod ng ating bansa. Malakas ang inyong boses para magluklok ng mga mamumuno sa ating bayan sa mga susunod na taon. Kumbaga, mayroon kayong “say” sa kahihinatnan ng Pilipinas sa darating pang mga taon. Pero, kung gaano kalakas ang boses natin bilang botante, ay siya namang kinahina ng ating boses bilang maliliit na negosyante. Kung inyo lamang mapapansin, ang sektor natin ay nangangailangan ng higit na suporta para mas madagdagan pa ang mga kailangan nating serbisyo. Marami sa atin ang nagnanais na maitaguyod ang edukasyon ng ating mga anak. Marami sa atin ang may negosyo ngunit nahihirapang makahanap ng pagkakataon para ipasok ang mga produkto sa mas malaking merkado. Marami sa atin ang nangangailangan ng mas malaking kapital para palaguin ang negosyo. Ito’y ilan lamang sa mga oportunidad na dapat pang mabuksan sa atin. Nang maisabatas ang Republic Act 10693 na inakdaan ng APPEND, nawala na ang 12% VAT sa ating hinihiram na kapital mula sa Microfinance NGOs kagaya ng KMBI. Kung magkakaroon lang tayo ng sapat na boses bilang negosyante, mas marami pang mabubuksang oportunidad at benepisyo sa atin. Ang amin lamang ipinamamanhik sa inyo, mga mahal naming nanay, ay gamitin natin sa tama ang karapatan nating bumoto. Iukol natin ito sa mga tao o grupo na nararapat at may totoong malasakit sa inyong kapakanan. At bilang mamamayang Pilipino, huwag natin itong ituring na karapatan lamang, bagkus tignan natin ito bilang isang tungkuling dapat gampanan. Ang magasin na ito ay espesyal na nilaan para sa mga botante nating Program Members. Hiling namin na ang babasahing ito ay makatulong na mapaalalahanan ang bawat isa na gumawa ng matalinong desisyon, dahil dito nakasalalay ang kinabukasan ng bansa natin. Sa pagboto natin nang tama at tapat, naipapakita natin ang ating malasakit sa ating pamilya, sa ating kapwa Pilipino at sa ating bayan.
Lubos na nagmamahal, Eduardo “Kuya Ed” C. Jimenez KMBI President
MGA PATNUGOT Princes O. Dacca Punong Patnugot
Rico B. Antion Ronald Z. Fajardo Rose Ann D. Julianas Kenneth S. David Nikki John C. Nabat Tagapayong Patnugot Blesilda H. Visaya 2 ENTREP Magasin 2019 • Election Edition Nag-ambag ng artikulo
Mary Christelle V. Castro Katuwang na Layout Artist Jefferson T. Ng Tagapamahagi
Kabalikat para sa Maunlad na Buhay, Inc. (A Microfinance NGO) 130 Panay Avenue, Brgy. South Triangle, Diliman, Quezon City Tel. No. (02) 291-1484 / (02) 373-1339 fb.me/KMBIMFNGO
@KMBI_org
Nilalaman Taon 2019 • Bilang 10
Tapat na Lingkod
Tara na at Maging Iponaryo!
06
Ang Best Friend Mo
10
04
Chikahan With Ate Jeng
08
Kwentuhan with Kuya Ed
12
Kumi-KILOS para sa Diyos, Pamilya at Bansa
Desperately Looking for the Best
16
Komiks
20
14
Paper Bead Making
18
Gaano kahalaga ang Iyong Boto?
22
ENTREP Ads
23
Kabalikat para sa Maunlad na Buhay, Inc. (A Microfinance NGO)
3
Tapat na Lingkod Kwento ni Madam Levielyn Camasis, isang barangay Kagawad
Kung ano ako noon, ganoon pa rin ako ngayon. Kung ano ang nagawa ko noon, kung kaya ko, pwede ko pang doblehin. Ni Kenneth S. David
I
yan ang mga katagang pangako ng isang barangay kagawad na si Ms. Levielyn Camasis ng Brgy. 93, Grace Park, Caloocan City. Hindi pera, hindi matatamis na salita, kundi subok na paggawa at pakikisama ang siyang naging susi sa kanyang pagkaluklok sa posisyon sa kanilang barangay. Ano ba ang meron sa mundo ng pulitika? Ibinahagi ni Madam Levielyn ang kanyang tungkulin sa kanilang barangay. Parte siya ng isang committee na nakikipagugnayan sa lokal na pamunuan para magbahagi ng tulong sa oras ng sakuna at aksidente. Bilang kagawad, ramdam niya ang responsibilidad na tulungan ang mga taong kanyang nasasakupan. Bagama’t walang gaanong kalaking salapi, sa ibang pamamaraan niya
4
nagagawang makatulong. “Pag may nangangailangan ng tulong sa pag-asikaso ng papel sa city hall, ire-refer at sasamahan ko sila. Hindi man sa pinansiyal, nagagawa ko namang makatulong sa abot ng aking makakaya,” wika niya. Awa ang isang malaking bagay na nag-udyok sa kanya para magsilbi sa kanyang barangay, dahil nakikita niya ang sitwasyon ng kanyang mga kabarangay. Napagtanto niyang maraming mahihirap ang nangangailangan ng tulong. “Nandoon talaga ‘yung puso ko sa kanila na handang tumulong, kaya ako pumasok sa pulitika. Para naman hindi lang ‘yung ilan ang makinabang. Marami ring programa ‘yung local government na dapat makarating sa ordinaryong tao.”
ENTREP Magasin 2019 • Election Edition
Dagdag niya, “Gusto kong makatulong sa barangayan. ‘Yung iba kasi, hindi alam na maraming pwedeng itulong ang local government sa mga barangay. Gusto kong iabot sa kanila ‘yun.” Kailanman ay hindi niya nakita ang pagiging isang kagawad bilang oportunidad para gumawa ng hindi tama. “Never pumasok sa isip ko ang mang-corrupt. Sa totoo lang, madali lang gawin ‘yan eh. Pero ‘pag pinasok mo ‘yun, hindi ikakaganda ng buhay mo. Maaaring ikagaan ng iyong sarili, pero hindi magiging maganda ang dulot sa mga taong nakapaligid sa’yo.” Pero ‘di pa rin maiiwasang may mga taong iba ang tingin sa mga pamunuan ng barangay kung saan siya kabilang; maging siya ay nasasama sa salitang “corrupt” kahit
na saksi ang karamihan sa malinis niyang paninilbihan. “Nandoon ‘yung takot ko sa Panginoon. Pangalawa, may pamilya ako. Ayaw kong kumakain sila ng galing sa hindi maganda.” Ang totoo, mas pinili pa nga niyang mamuhay nang marangal bilang isang beautician. Taong 1998 siya nagsimulang mag-train sa isang programa na pinamunuan ng dating alkalde ng kanilang lungsod. Isa siya sa mga inimbita para sa libreng training. Sa 36 na lumahok, 7 lang silang nakapasok sa programa. Doon niya natutunan ang pagmamanicure, paggupit ng buhok at pag-rebond na siyang nakatulong para makapagsimula siya sa kanyang hanapbuhay.
Makikita sa kanyang pamumuhay ang malinis na paglilingkod. Para sa kanya, hindi lang pera ang nagpapakilos sa kanyang buhay. “Hindi kasi kaya ng konsensya ko na ‘yung taong lolokohin ko ay kabarangay ko mismo na sila ngang dapat na tinutulungan ko.”
simple ka lang basta maraming nagtitiwala sa’yo. Kung magkaroon ka ng impluwensya sa iyong constituents, gamitin mo ‘yun sa tama.” Hinihikayat niya ang kanyang mga kababayan na pahalagahan ang kanilang karapatang bumoto.
Marahil malaking parte ng kanyang pagiging kagawad ay ang tiwala sa kanya ng mga tao. “Kung nasubukan na ako ng mga tao at gusto nila akong iboto ulit, nasa kanila ang kalayaang bumoto. Hindi ko na kailangang maglabas ng pera para tumakbo. Kahit naman noong ‘di ako kagawad, nandoon na talaga ‘yung nasa kong tumulong.” Ang kanyang mga nagawa ang mismong nagpapatunay sa mga tao kung bakit siya ang pinili nilang kagawad.
“Karapatan nating bumoto. ‘Wag mong ibenta ‘yung karapatan mo. ‘Wag masilaw sa pera, kasi ‘yung pera, nandyan lang ‘yan basta masikap kang magtrabaho. Kahit anong trabaho basta marangal, kaya mong kitain. Maging aral na sa atin na ‘yung mga nakaraang pangyayari.”
Nandoon ’yung takot ko sa Panginoon. Pangalawa, may pamilya ako. Ayaw kong kumakain sila ng galing sa hindi maganda. Sumali siya sa KMBI noong 2017. Naging malaking tulong ang KMBI para mahiram ang kapital na kailangan para makabili ng mga gamit sa pagma-manicure at pedicure, paggugupit at pagrerebond. Nagkaroon din siya ng oportunidad para makalahok sa isang hands-on livelihood training na hatid ng KMBI at Ang-Hortaleza Foundation, Inc. noon ding 2017. “Sobrang dami kong natutunan, gusto kong ma-share ‘yung mga nalalaman ko sa mga kabarangay ko, para mabigyan ko naman sila ng hanapbuhay kahit sa maliit na paraan,” ibinahagi ni Madam Levielyn.
Ngayong nalalapit na naman ang eleksyon, mayroong ipinamumungkahi si Madam Levielyn para sa mga kapwa niya microentrepreneurs. “Kung may mga gustong tumulong, dapat hindi natin i-encourage ‘yung vote buying. Pipiliin natin ‘yung taong talagang makakatulong sa atin. Hindi ‘yung niluklok mo lang para lang mang-corrupt. Ang piliin natin ay ‘yung may malinis na hangarin para sa Pilipinas.” Para naman sa mga naghahangad tumakbo at magsilbi sa kanilang komunidad, “Ok na ‘yung maging
Nakikita rin ni Madam Levielyn ang kahalagahan ng pwersa ng taumbayan para pumili ng tao o organisasyon na magsusulong ng kapakanan ng marginalized sectors. “Tao kasi ang magluluklok ng isang pulitiko. Alamin natin kung ang tao ba o ang partylist na ating iluluklok ay may maitutulong na maisabatas ang anumang ikabubuti ng sektor na kanilang isinusulong.” Makikita kay Madam Levielyn ang kahulugan ng pagiging lingkodbayan—paninilbihang hindi ukol sa pansariling kapakanan, kundi pangkalahatan. Malinis, tapat, marangal at may pagmamahal sa kapwa at sa bayan. ‘Yan lang naman ang hanap natin sa isang pulitiko. Kung may mga tao o pulitikong nagsisikap para mapabuti ang bansa, hindi ba dapat na mas tayo bilang ordinaryong mamamayan ang magsumikap sa paghahanap ng mga taong karapatdapat na mamuno sa atin?
Kabalikat para sa Maunlad na Buhay, Inc. (A Microfinance NGO)
5
Tara na at maging
I ONARYO! Narinig mo na ba ang salitang IPONARYO? Unang basa man o rinig sa salitang ito tiyak mapapaisip ka kaagad na ito ay konektado sa salitang IPON na ang ibig sabihin ay magtabi o mag-impok. Sa tingin mo, ano ang ibig sabihin ng salitang NARYO? Simple lamang: MILYONARYO. Ang ibig sabihin ng salitang IPONARYO ay magipon upang maging milyonaryo! Siyempre dapat may disiplina at iba’t ibang pamamaraan na dapat kang sundin para unti-unti mong maabot ang iyong inaasam-asam na ipon. Upang matulungan ka sa iyong pagiipon, narito ang mga pamamaraan na hatid ng APPEND para ikaw ay maging tunay na IPONARYO:
1. Magbadyet ng kabuuang kita ng inyong buong Pamilya a. Sundin ang formula na
b. Sundin ang 80% - 20% na uri ng pagbabadyet:
KITA - IPON = GASTOS Hindi dapat ang gastos ang nagdidikta ng iyong magiging ipon, kundi ikaw. Pagdating pa lang ng kita ay itabi na ang gustong maging ipon at pagkasiyahin ang matitira para sa mga gastusin.
80%
para sa expenses o gastusin para sa
20% savings o ipon
c. Umiwas sa mga SALE at PROMO kung hindi naman kailangan ang produkto. Oo, maganda ang makabili ng mga bagay na mayroong discount at galing sa SALE ngunit kung hindi naman kailangan ng pamilya ang mga produktong mayroong discount, mas mabuting itabi na lang muna ang pera at ibili ng mga pangangailangan ng pamilya.
d. Bilhin lamang ang sakto at tamang pangangailangan ng pamilya. Ugaliing isama at tanungin ang bawat miyembro ng pamilya sa paggawa ng badyet.
2. Iwasan ang mga produktong hindi nakakabuti sa kalusugan Huwag hayaang masanay ang inyong mga anak o ang buong pamilya sa pagkain ng mga hindi masustansiyang pagkain.
PHP 7,200.00 Matitipid sa isang taon kung iiwasan ang paggastos sa junk food, kung palagay mong Php 20.00 ang ginagastos ng pamilya mo sa isang araw.
6
PHP 9,000.00 Matitipid sa isang taon kung iiwasan ang paggastos sa softdrinks, kung palagay mong Php 25.00 ang ginagastos ng pamilya mo sa isang araw.
ENTREP Magasin 2019 • Election Edition
Ika nga ni Ms. Universe 2018 Catriona Gray, “everything is good, but in moderation,” kaya dapat kontrolado natin ang gastos sa mga bagay na hindi naman kasama sa ating buwanang pangangailangan.
PHP 8,320.00
PHP 18,000.00
Matitipid sa isang taon kung iiwasan ang paggastos sa alak, kung palagay mong Php 80.00 ang ginagastos dito kada linggo.
Matitipid mo sa isang taon kung iiwasan ang paggastos sa sigarilyo, kung palagay mong 10 sticks na Php 5.00 kada isa ang nauubos araw-araw.
3. huwag TN-PL; dapat in-tl travel now, pulubi later
ipon now, travel later
Magta-travel ka ngayon pero wala kang ipon, saan manggagaling ang iyong panggastos? Siyempre sa U-T-A-N-G. Nag-enjoy ka nga sa pag-travel mo, sandamakmak naman na bayarin ang kakaharapin mo pagkatapos mong magsaya.
Wala nang mas sasaya pa sa pakiramdam na ang lahat ng ginastos mo sa iyong pagbabakasyon ay galing sa sariling IPON at matagal-tagal mo ring pinaghirapan. Pag-uwi mo wala ka pang iisiping utang na dapat mong bayaran.
4. Huwag maging maluho at unahin ang mga pangangailangan Huwag magpadala sa mga uso. Malimit sa ating mga Pinoy, kapag may mga bagong labas na unit ng sikat na brand ng cellphone, dali-dali nating pinapalitan ang ating hindi gaano kaluma pero ayos pa naman na cellphone. Kadalasan pa ay bumibili tayo ng wala naman sa ating badyet at mula pa sa credit card o utang.
Iwasang bumili ng mga takaw nakaw na mga bagay. Delikado na ang maglakad ngayon sa mga kalsada na may suot-suot o dala-dalang mga mamahaling alahas, relo, cellphone o bag. Kung wala ka namang kotse at parating naglalakad sa mga pampublikong kalsada, mas mabuting ‘wag na lang bumili ng mga mamahaling bagay na makakakuha lamang ng atensyon ng mga may masasamang loob. Nakatipid ka na, nakaiwas ka pa sa disgrasya!
5. Magplano ng pag-iIPON. Kung ikaw ay nagtatrabaho at sumusweldo ng dalawang beses sa isang buwan, pwede kang magtabi ng Php 200.00 hanggang Php 500.00 (depende sa iyong kakayanan) kada suweldo at makakaipon ka sa loob ng isang taon ng Php 4,800.00 hanggang Php 12,000.00.
Kung ikaw ay nagnenegosyo at kumikita araw-araw, pwede kang magtabi ng Php 20.00 hanggang Php 100.00 (depende sa iyong kakayanan) at ikaw ay makakaipon sa loob ng isang taon ng Php 7,200.00 hanggang Php 36,000.00.
6. Ang bawat paggastos ay isang spiritwal na pagdedesisyon. Ugaliing tanungin ang sarili kapag may mga paggagastusan na wala sa badyet ng mga sumusunod sa tanong:
Kailangan ko ba ito?
Kaya ko ba itong bayaran?
Kung pasok ba sa pangangailangan mo o ng iyong pamilya ang iyong bibilhin.
Hangga’t maaari ay iwasang manggaling sa utang ang pambayad sa iyong bibilhin.
IkaLUlugod ba ng Panginoon kapag binili ko ito? Laging isaalang-alang kung ikalulugod ba ng Panginoon ang iyong bibilhin. Kung para ba ito sa ikabubuti mo o ng iyong pamilya.
Mukha mang simpleng pamamaraan lamang ang mga nabanggit, wag itong maliitin. Walang isang milyon kung walang isang libo, walang isang libo kung walang isang daan, walang isang daan kung walang PISO! Mahalagang tandaan na ang mga pamamaraang ito ay hindi maisasakatuparan kapag ikaw ay walang disiplina at walang kongkretong plano para maging isang tunay na APPEND IPONARYO.
Kabalikat para sa Maunlad na Buhay, Inc. (A Microfinance NGO)
7
Chikahan with
Ate Jeng
GAANO KAHALAGA ANG PAPEL NG MICROENTREPRENEURS SA BANSA? Ang micro, small at medium enterprise (msme) sector ay siyang bumubuo sa mahigit 95% ng lahat ng industriya sa Pilipinas. Malaki ang nagagawa nito pagdating sa pagbibigay ng hanapbuhay sa mga taong kabilang sa tinatawag na informal sector. Ibig sabihin, malaki ang nagagawa ng microentrepreneurs para tulungang magkatrabaho ang iba at may maipakain sa pamilya. Sa katunayan, ayon sa datos ng DTI, humigit-kumulang 60% ng kabuuang bilang ng mga trabahador sa Pilipinas ay employed dahil sa sektor na ito.
Ano ang KASALUKUYANG KALAGAYAN ng msme sector sa PILIPINAS? Ang sitwasyon ng microentrepreneurs sa bansa ay masasabi nating kulang sa proteksyon. Hindi sila nabibigyan ng tamang lugar sa palengke o kahit na mas mababang upa sa mga pwesto sa palengke. Kaya ang karamihan sa mga maliliit na negosyante ay nagtitinda sa mga kalsada at kadalasan ay hinuhuli at itinatapon ang kanilang paninda kapag may clean-up operations ang gobyerno. At dahil sa mataas na registration fees, karamihan sa ating microentrepreneurs ay hindi rehistrado, kung kaya’t hindi naitatala kung magkano ang kanilang kinikita at kung ilan ang mga taong nabibigyan nila ng trabaho. Mahalaga ang roles ng microenterprise sector hindi lamang sa pagtataguyod ng ekonomiya ng ating bansa kundi sa pagpapanatili ng peace and order sa bansa. Dahil pag matatag ang microenterprise sector, marami ang may marangal na pinagkakakitaan at mas umuunti ang naeengganyo sa masamang pagnenegosyo katulad ng panghoholdap, illegal drugs at human trafficking.
Ano na ang mga nagawa ng APPEND para sa sector? Maraming batas na ang naipasa sa Kongreso na co-authored ng APPEND, kabilang na rito ang RA 10644 o “Go Negosyo Act” na naglalayong maglagay ng negosyo centers sa mga probinsya at matulungan ang mga maliliit na negosyante na makilala ang kanilang mga produkto. Pero, isa sa pinakamahalagang batas na naipasa ng APPEND ay ang RA 10693 o “An Act Strengthening Nongovernment Organizations (NGOs) Engaged in Microfinance Operations for the Poor” or the Microfinance NGOs Act, na nagbigay ng 2% preferential tax treatment, in lieu of all national taxes, sa lahat ng microfinance NGOs. Natanggal ang 12% na Value Added Tax o buwis sa hinihiram na salapi ng mga kasapi sa programa ng MF NGOs. Bunga nito, nagkaroon ng malaking tax savings, na napupunta sa ipon o dagdag puhunan ng microentrepreneurs. 8
ENTREP Magasin 2019 • Election Edition
Ano ang kahalagahan ng may representasyon ang mga microentrepreneurs sa kongreso? Dahil majority ng mga negosyo sa bansa ay kabilang sa msme sector, marami ang makikinabang kung mayroong APPEND Party-list representatives sa Kongreso. Mayroon na kasing magsusulong at magpoprotekta sa inyong karapatan sa pamamagitan ng mga batas na papabor sa MSME sector. Ibig sabihin, ang kasalukuyang benepisyo ng Microfinance NGOs Act–ang mas mababang taxes, ang tax savings ng microfinance NGOs–ay naibibigay sa program members sa pamamagitan ng libreng leadership at marketing training, mas malawak at mas pinatatag na medical missions, health and sanitation, burial assistance at tulong pinansiyal sa pagpapaaral ng mga anak ng microfinance clients o program members. ‘Pag mas madaming serbisyong pinansiyal ang maibibigay sa mga mahihirap, mas mapapadali ang pag-angat ng kalidad ng kanilang buhay. Magkakaroon na rin ng sapat na regulasyon ang microfinance nongovernment organizations at sisiguraduhing tutulong sila na lalong mapaangat ang buhay ng program members at maiwasan ang pang-aabuso sa mga kliyente nito. Sa madaling sabi, mas mabibigyan na ng sapat na proteksiyon ang microenterprise na sektor.
GAANO KA-IMPORTANTE ANG APPEND PARTY-LIST SA MGA STAFF NG MICROFINANCE INSTITUTIONS? Ang APPEND Party-list ang magbibigay proteksiyon sa lahat ng microfinance NGOs sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga tamang batas na pabor para sa lahat ng mahihirap na tinutulungan ng MF NGOs. Ang APPEND party-list ay hindi pag-aari ng political dynasties o mayayamang negosyante. Ito ay pag-aari ng program members, staff at board ng APPEND, microfinance NGOs at iba pang organisasyon na ang layon ay mapaunlad ang buhay ng masang Pilipino. Layon ng APPEND Partylist na magkaroon ng mga tamang batas para matupad ang mga pangarap ng mas nakakarami na magandang buhay. Ang Microfinance NGOs Act o ang batas na RA 10693 na itinaguyod na maipasa ng APPEND Party-list noong 2015 ay nagbigay ng napakalaking tax savings para sa microfinance NGOs. Ang tax savings na ito ay ginagamit sa pagpapasahod sa mga karagdagang empleyado. Nang dahil sa batas, lumaki ang training fund na ginagamit para patuloy na lumakas ang leadership quality ng staff at program members. ‘Pag mas mataas ang tax savings ng microfinance NGOs, mas marami ang mabibigyan ng trabaho at mas maraming microfinance staff ang makakatulong sa mga mahihirap. Sa madaling sabi, pag laging may APPEND Party-list sa Kongreso, siguradong matutupad ang dakilang misyon ng APPEND at ng microfinance NGOs nito na sugpuin ang gutom at kahirapan sa buong Pilipinas.
Kuya Ed kasama ng KMBI Program Members mula sa General Santos City. Kaisa sila sa mga layunin ng APPEND Party-list.
Si Dr. Virginia P. Juan, o Ate Jeng, ang Presidente at CEO ng Alliance of Philippine Partners in Enterprise Development (APPEND) Inc. Kabilang din siya sa Board of Trustees ng KMBI at kasalukuyang Corporate Secretary ng organisasyon. Kasama niya ang microfinance NGOs sa pagsugpo sa gutom at kahirapan at pagsulong sa mga adhikaing ikabubuti ng microenterprise sector sa bansa.
Kabalikat para sa Maunlad na Buhay, Inc. (A Microfinance NGO)
9
Ang
Best Friend Mo by Rose Ann D. Julianas Hango sa orihinal na kwento ni G. Rhany P. Barrera
A
ko si May. Lumaki ako sa probinsya kung saan sariwa ang hangin at malayo sa polusyon. Pitong taong gulang pa lamang ako nang makilala ko si Joel. Habang ako’y naglalakad pauwi sa bahay, nararamdaman kong unti-unti nang pumapatak ang ulan, kaya nagmadali ako. Maya-maya, may boses na tumawag sa’kin. “Ate! Ate!” sigaw niya. Napalingon naman ako bigla. “Ate? Parang magka-edad lang naman tayo,” sagot ko.
Mabait si Joel. Bata pa lang kami, “Ako nga pala si Joel, ikaw?” tanong niya habang sabay kaming lagi na niya akong pinagtatanggol sa mga batang nang-aaway sa’kin. naglalakad. Sa aming dalawa, ako ang lapitin sa disgrasya. May pagkalampa “Ako si May, kakalipat lang namin kasi ako. Kaya naman si Joel, to dito kaya wala pa ako masyadong the rescue lagi. Siya ang aking hero kakilala,” sagot ko. and partner in crime kumbaga. “Ako nga rin eh. Laro tayo minsan, Hanggang sa tumuntong kami ha? Tutal magkalapit lang naman ng high school. Sabay kaming tayo.” pumapasok at umuuwi. Kahit sa mga homework lagi niya kong “Oo sige, para may kalaro na rin tinutulungang mag-review. ako dito,” pangiti kong sagot. Hindi nagtagal ay tumila na rin ang ulan at saktong nakarating na rin ako sa kanto namin.
“Hindi kasi kita kilala eh, kaya ate na lang tinawag ko sa’yo. Lumalakas na kasi yung ulan, tapos nakita ko wala kang dalang payong.”
“Salamat sa payong ah.”
Bumuhos na nga ang malakas na ulan. Tumakbo siya para payungan ako. “Uwi ka na. Saan ka ba nakatira?” tanong niya.
“Sige,” sagot ko.
“Diyan lang sa pangalawang kanto,” sagot ko.
Mula noon, madalas nang magpunta si Joel sa bahay namin at lagi kaming naglalaro sa aming bakuran. Sabay kaming namimitas ng mga prutas, nanghuhuli ng mga tutubi at tipaklong sa bukid.
“Magkalapit lang pala tayo ng bahay. Diyan lang din ako sa pangatlong kanto. Tara sabay na tayo.” 10
“Walang anuman. Bukas ah? Laro tayo.“
At doon nagsimula ang aming malalim na pagkakaibigan.
ENTREP Magasin 2019 • Election Edition
Lalo na pag may pa-activity si teacher. Automatic na kami ang mag-partner. Lagi kaming share sa lahat lalo na sa baon niya. Hindi kasi madamot si Joel. Kung pwede nga lang niyang i-share lahat ng meron siya, gagawin niya. Kinalaunan, sabay rin kaming nagtapos at tumuntong ng kolehiyo. Madalas kaming kumain nang sabay kasama ang iba pa naming kaklase. Pero pagdating sa bayaran lagi niya akong nililibre kahit sobrang nakakahiya at pilit ang tanggi ko. Mas mapilit talaga siya.
Mabilis na lumipas ang mga araw. Nakapagtapos kami ng kolehiyo at parehong nakahanap ng maayos na trabaho. Doon na dumating ‘yung time na minsan na lang kami magkita at magkausap. Hindi rin maiiwasan na magkaroon kami ng mga bagong kakilala sa trabaho. At isa na rito si Kiel, ang isa sa mga officemate ko na gwapo. Mabait din sya at maginoo. Kaya hindi maiiwasan na marami ang nagkakagusto sa kanya. Minsan, isang kaibigan ko sa trabaho ang nagsabi na may pagtingin daw sa akin si Kiel, pero hindi ko na lang pinansin dahil alam ko namang imposibleng mangyari iyon.
kong mabasa ang text mula kay Joel na nasa lobby daw siya ng office namin at naghihintay. Nagulat naman ako, dahil hindi ko inakala na pupunta pala si Joel sa office. Napaisip tuloy ako. Bakit kaya? At agad akong nag-reply. “Sorry Joel, pauwi na ako, hinatid ako ni Kiel.” “Ah sige, magkita na lang tayo sa dating tagpuan,” ika nya. Kinabukasan, tuwang-tuwa ako nang makita ko si Joel dahil naeexcite akong ikwento sa kanya ‘yung manliligaw kong si Kiel. “Kumusta ka, tagal nating hindi nagkita ah,” bungad niya.
Laking gulat ko na lang nang pagpasok sa opisina at may bulaklak at tsokolate sa table ko. May nakasulat na “From Kiel.”
“Oo nga eh, dami na nating naipong kwento, pero buti na lang lagi tayong naglalaan ng oras para sa isa’t isa,” sagot ko.
Nabigla ako na may halong kilig. Syempre, gwapo at mayaman na ‘yung lumalapit, ‘di ba? Papalampasin ko pa ba ito?
“Sya nga pala, ‘yung sinabi ko sa’yong si Kiel, ‘yung ka-work ko na nanliligaw sa’kin, grabe super bait niya at gentleman.”
Mula noon, napadalas na ang paglabas namin ni Kiel. Lagi niya rin akong sinusundo at hinahatid sa bahay.
Sinabi ko rin sa kanya ‘yung kilig na nararamdaman ko every time na kasama ko si Kiel. At naiisip ko na ring sagutin na ito.
Minsan, hinatid ako ni Kiel papunta sa bahay, nang bigla
Noong mga oras na ‘yun, nakatingin lang siya sa’kin at tila may lungkot sa mga mata niya. “May problema ka ba?” tanong ko. “Wala naman, May,” sagot niya. “Pero bakit mukhang hindi maipinta yang mukha mo?” tanong ko. Huminga siya nang malalim. “May, matagal ko rin pinag-isipan ito. Sa totoo lang, bukod pa sa
kaibigan ang turing ko sa’yo. Hindi ko lang masabi noon dahil ayaw kong masira ang matagal na nating pagkakaibigan, lalo na ngayon na mayroon ka nang kaligayahan. Kung sakali bang manliligaw ako sa’yo, bibigyan mo ba ako ng pagkakataon?” Nabigla ako sa aking narinig, pero sa kabilang banda, may halong lungkot at tuwa. Lungkot dahil matagal na palang may pagtingin sa akin si Joel, pero kaibigan lang ang turing ko sa kanya. At masaya dahil ‘yung taong may gusto sa’kin ay matagal ko nang kakilala. Natahimik ako sa mga oras na iyon at napaisip. Best friend ko si Joel mula pagkabata. Saksi na rin siya sa mga problemang pinagdaanan ko. Maraming beses na rin niya akong tinulungan at naging magkahati kami sa maraming bagay. Si Kiel naman ay isang katrabaho at ngayon ay nanliligaw sa akin. Sino ang pipiliin ko? At ‘yan ang unang yugto ng aking kwento tungkol sa aking best friend. Kung ikaw ang tatanungin, sino ang pipiliin mo? Ang matagal mo nang nakasama at marami nang nagawa para sa’yo, o ang taong may paghanga ka pero ngayon mo lang nakilala? Tulungan mong magdesisyon si May. Isulat ang inyong sagot sa raffle strip na matatagpuan sa likod ng magasin at ipadala sa pinakamalapit na KMBI branch. May chance kang manalo ng mga papremyo!
Kabalikat para sa Maunlad na Buhay, Inc. (A Microfinance NGO)
11
Siya si Ed C. Jimenez, 1st nominee ng APPEND.
KWENTUHAN with
A
ng Alliance of Philippine Partners in Enterprise Development, o mas kilala sa tawag na APPEND, ay nagsimula bilang network ng microfinance NGOs na naglalayong maiabot ang serbisyong microfinance sa mga taong walang sapat na kakayanang pinansyal upang maserbisyuhan ng commercial banks. Sa mahigit 20 taon ng pagiral ng network na ito, ano-ano nga ba ang focus nito? Isa-isahin natin sila gamit ang terminong sobrang pamilyar na sa atin: APPEND.
12
A - Ako
Kuya Ed
“Ako bilang microentrepreneur ang focus nito.” Ang mga programa at serbisyo ng APPEND ay nakatuon sa pagpapalago ng kaalamang ukol sa iba’t ibang aspeto ng pamumuhay. Nililinang ng APPEND hindi lamang ang inyong kaisipan, kundi maging ang inyong values, dahil naniniwala kaming wala nang ibang tutulong sa atin kundi ang ating mga sarili. Bukod sa pag-iisip, naniniwala rin kami sa APPEND na ang inyong kalusugan ay isang yamang dapat ingatan, dahil ito ang siya ninyong ginagamit sa araw-araw na gawain sa pagnenegosyo.
ENTREP Magasin 2019 • Election Edition
Kasama sa ating mga programa ang wellness activities. Handog din natin ang medical missions at mga programang patungkol sa health and sanitation para masigurong protektado kayo sa sakit.
P - Pamilya
Of course, hindi mawawala sa aming layunin ang inyong mga pamilya. Naniniwala kami na ang pamilya ang siyang nagsisilbing haligi ng lipunan. Kapag napaghusay ninyo ang inyong sarili, ang pinakaunang makikinabang dito ay ang inyong pamilya. Bukod dito,
Ginagawang marurunong ng APPEND ang microentrepreneurs, dahil naniniwala kami na ang isang matagumpay na negosyante ay matalino sa negosyo, pamilya, kapwa, at buhay.
pinoproteksyunan din ng APPEND ang inyong mga mahal sa buhay sa tulong ng microinsurance. Kasama rin sa ating programa ang libreng mass weddings para makatulong sa pagtataguyod ng maayos at matatag na pamilya.
P - Pilipino
Kasama sa mga layunin ng APPEND ay ang paghuhubog sa mga miyembro nito na maging kasangkapan sa pagpapaunlad ng bansang Pilipinas. Tinutulungan ng APPEND ang mga miyembro nito na maging responsableng mamamayan na aktibong lumalahok sa mga usapin at gawain na maaaring mapakinabangan ng lipunan, kagaya ng tree planting, feeding program, brigada eskwela, at iba pang community outreach programs.
E - Edukasyon
Batid namin na ang nangingibabaw na dahilan ng inyong pagsusumikap ay para sa inyong mga anak. Hangad nating may maayos silang
edukasyon at makatapos sila ng pag-aaral. Kaya naman kaisa ninyo kami sa hangaring ito. Patuloy na sumusuporta ang APPEND sa pagpapaaral ng libolibong mga kabataang Pilipino. Sa kasalukuyan, higit sa 27,000 ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral na pinopondohan ng mga institusyong miyembro ng APPEND.
N - Negosyo
Ito ang pangunahing layunin ng APPEND sa mga kasapi sa programa. Dahil sa mga serbisyong hatid ng APPEND, nagkakaroon kayo ng dagdag puhunan na siyang nakakatulong upang mapalago ang inyong negosyo. May mga libreng livelihood training tayong isinasagawa para magpakilala ng bagong business ideas at tips na pwedeng pagkakitaan ng Program Members.
D - Dunong
Kagaya ng nabanggit ko, nakatuon ang APPEND sa pagpapalago ng kaalaman.
Ginagawang marurunong ng APPEND ang microentrepreneurs, dahil naniniwala kami na ang isang matagumpay na negosyante ay matalino sa negosyo, pamilya, kapwa, at buhay. Kabilang sa mga nililinang naming aspeto ang kalusugan, edukasyon, negosyo, pakikipagkapwa-tao, politikal, at marami pang iba. Sa pamamagitan ng karunungan at tamang diskarte, mabubuksan sa atin ang pagkakataon na makaahon sa kahirapan. Marami nang nagawa at ginagawa ang APPEND hindi lang para sa ikabubuti ng mga miyembro nito, kundi pati na rin sa pag-unlad ng sambayanang Pilipino. Ang APPEND ay hindi lamang network ng microfinance institutions. Ito ay kapisanan ng mga maliliit na negosyanteng may pagmamahal sa pamilya, kapwa at bansa. Sa darating na halalan, maging matalino sa pagpili. Isaalang-alang natin ang matagal na nating kilala, ‘yung subok at may nagawa na para sa atin.
Kabalikat para sa Maunlad na Buhay, Inc. (A Microfinance NGO)
13
Tatak APPEND Scholar: Kumi-KILOS para sa Diyos, pamilya at bansa
Namulat ako sa buhay kung saan naiintindihan ko ang hirap at mga pagsubok na pinagdadaanan ng isang ordinaryong mamamayang Pilipino. Isa sa pagsubok na ito ay ang pagtatapos ng kanilang mga anak sa pag-aaral. — JAMES VENTURA, APPEND KILOS SCHOLAR
S
a murang edad pa lang, nakita na ni James Ceasar Ventura ang kahalagahan ng edukasyon bilang susi sa pag-ahon sa kahirapan. Batid niya ang pagsisikap ng kanyang ama’t ina na maitawid sila sa araw-araw. Magsasaka ang kanyang ama; nakadepende ang kita nito sa pagbaba at pagtaas ng mga presyo sa merkado at mga pagbabago ng klima. Samantalang ang kanyang ina naman ay nagtuturo bilang guro sa isang maliit na pampublikong paaralan sa Ilocos Norte, kung saan magkahalo sa isang silid ang Grade 5 at Grade 6 students. “Namulat ako sa buhay kung saan naiintindihan ko ang hirap at mga pagsubok na pinagdadaanan ng isang ordinaryong mamamayang Pilipino. Isa sa pagsubok na ito ay ang pagtatapos ng kanilang mga anak sa pag-aaral,” wika ni James.
Dagdag niya, “Pangarap ng bawat Ilokano ang makapagsabit sa dingding ng diploma ng kanilang mga anak.” Isang sulyap sa kalagayan ng kanyang magulang at ng mga lugar na kanilang pinagtatrabahuhan, lalong ninais ni James na magpursige para kahit sa simpleng pamamaraan ay makatulong siyang maiahon ang kanyang pamilya sa kahirapan. Nagtapos siyang magna cum laude sa kursong edukasyon at isa nang lisensyadong guro. Para sa karamihan, katuparan na ng kanilang pangarap ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng maayos na trabaho. Pero para kay James, simula pa lang ito ng kanyang mas malaking pangarap— pangarap na palayain ang mga Pilipino sa kahirapan gamit ang pwersa ng mga kabataan. Dahil sa mas magandang hangaring ito, minabuti niyang iwan ang pagtuturo at manilbihan sa gobyerno. Ngayon, si James ay isa nang Commissioner-AtLarge sa National Youth Commission at naging bahagi ng katawang bumoto sa pagsulong ng libreng college education para sa mga kabataang Pilipino.
Imahe mula sa https://riknakem.files.wordpress.com/ 2018/07/james-ventura.jpg?w=1019
14
ENTREP Magasin 2019 • Election Edition
Pagmamahal naman sa pamilya ang nag-udyok kay Lorelie Lim para magsikap sa pag-aaral. Alam niya kasing ito ang dahilan kung bakit araw-araw na bumabangon ang kanyang mga magulang. Gusto niyang makatulong kahit sa maliit na paraan sa mga ito. Sumapit sa kanyang inang si Lilia ang pagkalugi sa negosyo at pagkakabaon sa utang bago nila nakilala ang KMBI. Noong siya’y patungong kolehiyo, naranasan niyang umakyat sa bakod ng kanilang paaralan kasama ang kanyang adviser para kunin lang ang school card dahil holiday break noon at sarado ang kanilang eskwelahan. Sinuong niya ang ulan kasama ang kanyang ama sa motorsiklo habang maingat na nakatago sa ilalim ng kanyang jacket ang mga papeles na kailangan sa application para sa APPEND KILOS scholarship. Nang pinalad na matanggap sa scholarship, kinailangan niyang lumuwas sa Maynila para ipagpatuloy ang pag-aaral at malayo sa pamilya. “Maraming pagsubok at panghihina ng loob, pero ‘pag naiisip ko sina Mama at Papa at mga kapatid ko, mas lalong lumalakas ang loob ko. Alam kong para sa kanila ang lahat ng sakripisyo ko,” wika ni Lorelie. Nagtapos siyang cum laude sa kursong Nursing. Pero hindi pa rin natapos ang kanyang pagtitiis. Sa pakikipagsapalarang makahanap ng maayos na trabaho,
maraming araw na naglalakad lang siya imbis na sumakay para makatipid sa pamasahe, natutulog sa dorm na walang kumot, unan, bedsheet, at maraming gabing tagaktak ang pawis habang natutulog dahil walang electric fan doon. Pero matapos ang lahat ng hirap na pinagdaanan ni Lorelie dala ng pagnanais na makatulong sa pamilya, isa na siya ngayong Registered Nurse sa isang kilalang ospital sa London, England. Ano nga ba ang meron sa kwento nila? Sina James at Lorelie ay dalawa lamang sa mga estudyanteng biniyayaan ng scholarship mula sa APPEND at Gordon and Helen Smith Foundation. Ang Knowledge for Inspiring Leadership, Opportunities, and Spirituality, o mas kilala sa tawag na KILOS, ay isa sa mga naging programa ng APPEND na naglalayong tumulong sa mga anak ng maliliit na negosyante na makapagtapos ng kolehiyo. Saksi sa kahirapan sina James at Lorelie. Pero hindi nila hinayaang ito ang pumigil sa kanila na makapagtapos ng pag-aaral. Marahil ang pinakamahalagang bagay na kanilang natutunan sa pag-aaral ay ang pagmamahal sa bayan at sa Maykapal, na siya ngayong nag-uudyok sa kanilang magsilbi sa bansa gamit ang karunungan at abilidad na kanilang nakuha sa paaralan. Ito ang tatak APPEND KILOS Scholar.
Sa maliit na bagay, simula sa pagtulong sa magulang at sa mga taong tumulong sa’yo, mas lalo kang ibi-bless ng Panginoon. — LORELIE LIM, APPEND KILOS SCHOLAR
Kabalikat para sa Maunlad na Buhay, Inc. (A Microfinance NGO)
15
L
aging nasa puso at isipan nila ang kapakanan ng pamilya even to the simplest detail of what food to prepare pag may mga salo-salo o kahit sa pang-araw-araw lamang. Mga tunay na metikulosa ‘yan sila at maaaring kayo rin na makakabasa nito.
Tanda ko noong ako’y bata pa, tuwing Sabado ng umaga, kasa-kasama ako ng aking lola sa pamamalengke. Bitbit ko ang kanyang bayong habang siya nama’y dala ang kanyang listahan ng mga pamimilhin. Yeah, she’s that type. Sabi niya noon sa akin, buti na ‘yung alam mo na kung ano ang bibilhin mo para ‘pag nasa palengke ka na ’di ka na matutuksong tumingin pa sa iba at mapagastos sa mga hindi naman kinakailangan. Kilala na siya sa palengke. Marami na siyang suki na lagi niyang binibilhan. Sa kanila kami dumiretso. Sabi niya, mabuti ‘yung sa kilala mo ikaw bumili, makakasiguro kang ‘di ka lolokohin at bibigyan ka ng magandang deal. Siyempre panglan nila ang nakataya roon, sabi pa niya. Sa bahagi ng palengke kung saan naroon ang mga isda, doon kami nagtatagal. Bagaman may suki na siya doon, kikilatisin muna niya ang mga isdang naroon bago bumili. Titingnan niya ang mga mata ng isda kung malinaw ba ito o nanlalabo na. Aamuyin niya rin ang mga ito, she’s looking for that amoy dagat scent. Basta sabi niya dapat hindi ‘yung 16 ENTREP Magasin 2019 • Election Edition 2 ENTREP Magasin 2019 • Election Edition sobrang lansang amoy. Titignan niya rin ang hasang ng isda.
DAPAT daw ay mamula-mula This is what I have to say, kung ito ang hasang. Dapat firm o matigas ay para sa atin at sa mga taong din ‘yung laman ng isda pero hindi to mahalaga sa atin, we shouldn t the point na parang galing na ito sa freezer. She takes all the things she or the freshest could buy in the market on that early Saturday morning. I relish those mornings with her. Mostly the lessons I learned from her and the other women in our family. Minsan sumasagi sa isip ko na ‘yung mga aral o praktikal na bagay na natutunan ko sa kanila gaya ng how I chose the people who would be my friends or people who would be part of my life or even people I would look up to as leaders. Sa panahon ngayon, kung saan para tayong nasa loob ng isang pagkalaki-laking palengke, exposed sa lahat ng ingay ng mga kampanya, makukulay na mga poster at tarpaulin ng bawat kandidatong abot-tenga ang mga ngiti at mga pangakong sobra sa tamis na pwede kang magka-diabetes mapakinggan mo pa lamang, kaya pa ba nating mag-stick sa ating listahan at mga pamantayan para piliin at bilhin ang sa tingin natin ay makakabuti sa atin at sa ating pamilya?
Magkaroon ka ng iyong listahan. Pumunta sa iyong suki, magtanong at magkaroon ka ng pakialam. People you know and have a close relationship with won’t tell you lies and won’t sugarcoat things for you. Kilatisin ang bawat kandidato. Tignan kung malinaw ang kanilang mga plataporma o mga bagay na kanilang gagawin at mga bagay na
o i-photoshop pero ang paguugali o pagkatao ninuman ay
HINDI. Aalingasaw o lalabas
ang malansang amoy ng mga tao o kandidatong mapagkunwari. Mapula ba ang hasang ng mga kandidato o party-list na inyong napipisil na iboto? Sila ba iyong may mga napatunayan na at masidhi ang pagnanasang matulungan umunlad ang buhay mo at ng buong bayan? Firm o matigas ba ang kanilang paninindigan? Sila ba ‘yung tipong iyong masasandalan at ‘di ka iiwanan? Kung yes ang sagot sa mga tanong na ito, malamang nahanap mo na, kaibigan, ang today. Help me make my lola proud.
kanilang pinaniniwalaan: Kasing linaw ba ito ng mata ng isda sa palengke? Amuyin ang bawat kandidato. Hindi porke’t anak siya ni ano, apelyido niya ay ganito, pangclose-up smile pa ang kanyang mga ngiti at sobrang kinis ng kanyang kutis na tipong only Belo touches my skin ang kanyang peg, ay siya na ang iyong iboboto. Lahat ata ngayon ay pwedeng retokihin
Don t let other people make your choice for you this coming election.
Let your voice be heard. Don’t settle for anything less than the best for yourself and your family. Dahil hindi mo gugustuhing ihanda sa iyong pamilya ang isdang mukhang masarap pero ‘pag kinain na ay kasuka-suka pala.
Kabalikat para sa Maunlad na Buhay, Inc. (A Microfinance NGO)
17
3
In na In sa Paper Accessories!
F
ashionistang accessories na gawa sa papel? Bakit hindi? Pwede mong ipangregalo kay kumare, o kaya naman pwede mo ring gawing pandagdag kita. Tara na’t alamin kung paano gumawa ng iba’t ibang accessories gamit ang papel at kaunting imahinasyon!
Mga Kailangan • Gunting • Magasin, wrapper o papel na may disenyo 18
• Nylon string • Glue • Ruler
ENTREP Magasin 2019 • Election Edition
• Nail polish • Skewer o toothpick • Lapis
1
Gumupit ng may 5 pulgada mula sa magasin o papel na may disenyo. Ito ang magiging kapal ng papel ng iyong paper beads.
4
Gamit ang toothpick o skewer, i-rolyo ang papel mula sa malapad na dulo. Para panatilihin ang pagkakadikit, maiging lagyan ng glue ang papel hanggang sa dulo. Hayaan itong matuyo.
2
3
Gamit ang ruler at lapis, gumuhit sa likod ng papel ng outlines na hugis triangle. Siguraduhing ang pinaka-base ay ‘di hahaba sa kalahating pulgada, dahil ito ang magiging haba ng iyong paper beads.
5
Gupitin ang ginawang trianggulong outlines.
6
Pakintabin ang paper beads gamit ang nail polish. Hayaan itong matuyo.
Ikabit ang natapos na paper beads sa nylon string. Pagkatapos ay buhulin ang magkabilang dulo ng string.
Pro tip: Para sa mas makulay at bongga na accessory, pwede kang magdagdag ng disenyo kagaya ng glitters at abaca strings. Oh, ‘di ba? Kahit sa simpleng mga materyales na mahahanap mo sa bahay, mayroon ka nang fashion statement na pwede mong suotin o gawing business!
Kabalikat para sa Maunlad na Buhay, Inc. (A Microfinance NGO)
19
a m a s a k Kasa MO Anak, ginawan kita ng
Bata pa lang ako, madalas na akong pinagbabantay ni nanay sa tindahan.
alkansiya oh. Mag-ipon ka para mabili mo kung ano’ng gusto mo.
Nay, sa’n po kayo pupunta?
Lagi ko na lang nakikita ‘yung pangalang APPEND sa tindahan namin. Ano kayang ibig sabihin no’n?
Diyan lang anak, sa meeting. Babalik din ako agad. Ikaw muna bahala sa tindahan, ha?
Maalsa
45
Opo, ‘nay.
KMBI
SAV
INGS
Wow, salamat po ‘nay!
Tinuturuan rin niya akong maging masinop. Anak, tuwing may bumibili, dito mo ililista ‘yung produkto, pati ‘yung presyo at kung ilan ‘yung binili.
Nak, pakibalik mo na lang muna ‘to. ’Di na kasi natin mababayaran ‘yung ibang paninda ‘pag binili pa natin ‘yan. Pagbalik na lang natin ‘pag may extra budget na si nanay. Sige po ‘nay.
Okey po ‘nay.
Tinuruan rin niya akong kumita para sa sarili ko sa pagluluto at paglalako ng pagkain sa mga kapitbahay, kaya nabawasan sa mga intindihin niya ang pabaon sa amin.
Minsan, nakakapagdamdam kasi habang todo-kayod ako, nakikita ko si kuya, nakikipaglaro lang sa mga kapitbahay.
Bili po kayo ng graham ball. Sige, iha. Nakakatuwa ka
10
23
naman. Magkano ba ang isa?
Isang araw, binisita kami ng isang lalaki. Personal na inimbita si nanay sa isang livelihood training. Naku, Kuya Ed, salamat po at nag-abala pa kayong bumisita sa amin. Isa pong pribilehiyo na maimbita sa training. Pupuntahan ko po iyan.
20
ENTREP Magasin 2019 • Election Edition
Ah, siya ‘yung natatandaan kong nag-donate sa amin ng maraming gamit pang-eskwela noong preschool ako.
ADOPT A DAYCARE PROGRAM May tatak ding APPEND ‘yung damit niya...
Siya pala si Kuya Ed!
Salamat po sa lahat ng tumulong sa akin na maabot ang matagal ko nang pangarap, pati na rin ng mga magulang ko, ang makapagtapos ako ng pag-aaral.
Lahat ng tinuro niya sa akin na pag-iipon at paghahanapbuhay sa murang edad ko...
bigla ko na lang naalala si nanay, na nagkautang-utang para sa amin.
Sa APPEND niya pala natutunan lahat ‘yun. At ang scholarship na tumulong sa aking makapagtapos...
Ang tagumpay kong ito, alay ko po sa aking pamilya...
at sa append.
Ngayong naging bahagi ang APPEND ng pagbabago sa buhay siguro oras na Kabalikat para sa Maunlad na Buhay, Inc.namin, (A Microfinance NGO) para ako naman ang magtawid nito sa iba.
21
Mushiron Name: Branch: Address:#: Contact
furniture cover
Mariselle Martinez Tanay Branch 0995 160 2672
Name: Branch: Address:#: Contact
A
Contact #: ng mushiron ay mula sa pinagsamang mushroom at chicharon. Sa unang kagat pa lang, mae-enjoy mo na ang lutong at lasa nito. May iba’t iba itong flavors, mula sa plain garlic, barbecue, atbp.
Gabon Talisay Daet Branch 0930 694 1785
K
Contact #: ailangan mo ba ng cover para sa inyong refrigerator, telebisyon o sofa? Meron niyan si Madam Gabon Talisay. Maraming disenyo ang available at mabibili sa murang halaga.
nais mo bang makita ang iyong produkto dito? Inaanyayahan po namin kayong mag-advertise ng inyong produkto sa babasahing ito. Ito po ay LIBRE. Ginagawa po namin ito upang matulungan kayong makahanap ng supplier o partner sa inyong rito. negosyo. Mga lehitimong miyembro lamang po ng KMBI ang maaaring mag-anunsyo dito. Markahan ang uri ng inyong negosyo: Pangalan: Branch: Center Code: Contact Number: Tirahan: 22 ENTREP Magasin 2019 • Election Edition Lagda: __________________________
Manufacturing/ Productions
Service
Agriculture/ Agribusiness
Ang form na ito ay maaaring ibigay lamang upang ito ay mapadala sa tanggapan ng Triangle, Diliman, Quezon City, 1103 Philippines. Tel No. (+632) 373-1339 / (+632) 373-1297 | 23
GAANO KAHALAGA ANG IYONG BOTO? Ni Ronald Z. Fajardo, KDFI
N
alalapit na naman ang eleksyon! Ito pa rin ang tanong ng marami sa atin: “Sino nga ba ang dapat iboto?” Maririnig na naman natin sa telebisyon at radyo ang paulit-ulit na paalala na bumoto nang tama at pumili ng karapatdapat. Sa isang demokratikong bansa tulad ng Pilipinas, ang eleksyon ay isang paraan kung saan ang mga mamamayan ay nabibigyan ng direktang pagkakataon na mabago ang pamamalakad ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagboto. Bilang isang ordinaryong Pilipino, ginagamit mo ba ang karapatan at pribilehiyong ito? Pinipili mo ba ang inyong mga napupusuan na kandidato? Inaalam mo ba ang kanyang kapasidad at kaalaman sa kanyang tinatakbuhang pwesto? O sinasayang mo lang ang iyong boto sa hindi paggamit ng iyong karapatang bumoto? Mahalagang maging responsableng mamamayan tayo. Makilahok tuwing eleksyon dahil sa atin nakasalalay ang kinabukasan ng ating mga anak at ng ating sintang bayan. Ang kailangan natin ay maging mulat sa katotohanan, suriing maigi ang mga tao at grupong gustong iboto. Dapat ay malinis din ang konsensya at bumoto ng tapat at tama. Madalas ang kahirapan ang nagiging ugat upang mapilitan tayong ibenta ang ating mga boto. Ang mga mahihirap ang madalas puntahan ng mga oportunistang pulitiko. Lagi natin tatandaan na huwag na huwag ipagbili ang ating boto kapalit ng limang libo, tatlong libo, limang daan o isang pack na grocery. Panatilihin nating sagrado ang ating boto at huwag ipagpalit sa anumang halaga. Tayo rin mismo ang makakaramdam ng epekto nito kung ang mauupo sa pwesto ay ang mga tiwaling opisyal. Mahirap maatim na walang laman ang sikmura ng ating mga anak, pero ‘pag dumating na ang araw na
iiwan na natin sila rito sa lupa, mas maaatim ba natin silang maging biktima ng mga hindi makatarungang sistema at kawalan ng hustisya na dulot ng pagkakaluklok sa mga taong hindi nararapat? Isipin nating ang kahirapan ang nagiging oportunidad ng mga pulitiko para makakuha ng boto. Sa pagtanggi sa vote buying, nagiging bahagi ka na sa pag-alis sa mga corrupt na pulitiko. Pag-isipan: Halos bukambibig na ng maraming politiko sa kanilang plataporma ang pag-alis sa salitang “kahirapan.” Pero sa kabilang banda, sinasamantala nila ang kahirapan ng maraming Pilipino para kumuha ng boto. Kung wala nang mahirap, makuha pa kaya nilang bumili ng mga boto? Sa darating na Mayo, tayo ay mag-isip at maging mulat upang hindi tayo magsisi sa bandang huli. Sana sa pagkakataong ito ay matuto tayong alamin ang kapasidad ng ating mga napupusuang kandidato. Kung tayo ay magkakamali sa pagboto ay hindi na ito maiwawasto dahil anumang kamalian ay magbubunga ng masamang epekto sa ating ekonomiya at reputasyon ng ating bansa. Habang maaga ay simulan na natin ang pag-iisip at pagtimbang sa mga kandidato upang sa pagdating ng araw ng eleksyon ay maging tama at wasto ang ating desisyon. Kung mahal mo ang pamilya mo, dapat ay mag-invest ka sa kinabukasan nila. At ang pinakamagandang kinabukasang pwede mong maibigay sa kanila ay hindi lang edukasyon, kundi maging ang isang bansang progresibo kung saan hindi na bahagi ang salitang “kahirapan” at “korapsyon.” Ito ang katumbas ng iyong boto— ang kinabukasan ng pamilya mo at ng buong sambayanang Pilipino.
Kabalikat para sa Maunlad na Buhay, Inc. (A Microfinance NGO)
23
#TATAKAPPEND RAFFLE ENTRY Center Code:
Contact Details of Representative:
Branch:
S E I P O C E N I L
1. Kung ikaw si May (pp. 10-11), sino ang pipiliin mo at bakit?
N O R ID FO
2. Bilang isang sentro, paano ninyo maipapakita ang inyong pagiging tatak APPEND sa inyong komunidad?
L A V T NO
Ipadala ang inyong entry sa inyong branch o Program Officer. Ang bawat sentro ay maaaring magsumite ng hanggang apat (4) na entries. mapipiling sentro ay may tsansang manalo ng mga papremyo! 24 Ang ENTREP Magasin 2019 • Election Edition