NIZ Balitaan Tomo 2 Blg. 5

Page 1

NIZ Balitaan

Mayo 2014

‘Super Napier grass’

na Pakchong 1, umakit

sa mga magsasaka Ni Chrissalyn L.Marcelo

“Kumpara sa ordinaryong damong napier na aming itinatanim, ang Pakchong 1 o yaong Super Napier grass ay talaga namang mas malaking pakinabang ang maibibigay sa aming mga kalabaw.” Ito ang sabi ng mga magsasakangmaggagatas sa Nueva Ecija na dumalo sa ginanap na technical seminar sa Philippine Carabao Center (PCC) nitong Mayo 6. Sila ay kabilang sa iba pang mga naging panauhin sa seminar na kinabilangan ng mga siyentista at mananaliksik ng PCC, mga eksperto sa animal nutrition, pribadong entrepreneur at iba pang kasapi ng lumalaking populasyon ng mga taong ginawang pangkabuhayan na ang pag-aalaga at pagbebenta ng gatas ng kalabaw. Naging tagapagsalita sa seminar sina Dr. Krailas Kiyothong ng Thailand’s Department of Livestock Development (DLD) at Dr. Sarakit Thawinprawat, direktor ng Thailand’s Dairy Cattle Production, National Science and Technology Development Agency. Naging tagapagsalita ang una sa topic na “Super Hybrid Napier: Production and Utilization” at ang pangalawa sa paksang “Buffalo Extension in Thailand”. Kanilang tinalakay sa seminar (Sundan sa p.2)

1

Negosyo sa pagbuburo ng pakaing mais,

kapaki-pakinabang, may hatid pang kita Ni Ma. Cecilia C. Irang

Si Isagani Cajucom (kaliwa), kasama ang isa pang kasamahan sa pagbuburo, habang inilalagay sa plastik na silo bag ang mga inaning na mais na buburuhin.

Karaniwan nang nagiging alinlangan ng isang negosyante bago siya magsimula sa isang negosyo ay kung magiging maganda ba ang kita niya o kaya’y kung tatangkilikin ba ito ng mga mamimili. Nguni’t iba ang naging pananaw

ni Isagani Cajucom, farm leader ng corn silage project sa Barangay Parista sa Lupao, nang maipakilala sa kanya ang proyektong “Commercialization of Grass/Forage Corn Silage for Dairy Buffaloes in Lupao through Technomart” ng Philippine Carabao Center (PCC)

at Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (PCAARRD). Agad niya itong tinangkilik nang hikayatin siya ng isang staff ng PCC na magburo ng damo o silage. (Sundan sa p.3)

Mga magsasakang-maggagatas ng N.E. dumalo sa DairyConEx Ni Wilma T. Del Rosario

Anim na magsasakang maggagatas na kasapi at opisyales ng mga kabalikat na kooperatiba ng Philippine Carabao Center (PCC) sa Nueva Ecija ang dumalo sa ginanap na ika-17 Dairy Confederation Congress and Exposition (DairyConEx) na kasama ang ilang kawani ng PCC. Ang DairyConEx ay ginanap sa Family Country Hotel and Convention Center sa General Santos City nitong nakaraang Mayo 7-9. Ito ay isang pambansang pagsasama

ng mga kabalikat (stakeholders) na mga tao at organisasyon na nagkaisa para maisulong ang industriya ng paggagatas o “dairying” sa Pilipinas. Kabilang sa mga ahensiya na dumalo ay ang Deparment of Agriculture (DA), National Dairy Authority (NDA), PCC, mga kasaping kooperatiba sa Luzon, Visayas at Mindanao at ilang mga tao na may mataas na katungkulan sa pamahalaan katulad ni Senator Cynthia Villar. Sa mga ito, nabigyang pagkakataon na dumalo rin sa pagtitipon ang

ilang opisyales na kasapi ng Nueva Ecija Federation of Dairy Carabao Cooperatives (NEFEDCCO). Ito ay kinabilangan nina Gerardo Delos Santos, kasalukuyang pangulo; Direktor Ferdinand Urbano at manager Eduardo Mangahas. Bukod sa kanila ay nakadalo rin ang mga kinatawang magsasaka at kasalukuyang kabalikat ng PCC sa pagpaparami ng burong damo sa Bayan ng Lupao na si Isagani Cajucom. Kasama rin dito ang mga itinanghal

na “Outstanding Dairy Farmers and Cooperatives” ng PCC ngayong taon. Ilan dito ay sina Romeo Araña, ang nanalong “Outstanding Dairy Farmer for Small hold Category”; Carlito Alfonso na pinarangalang “Oustanding Dairy Farmer for Semi-Commercial category” na kasama ang kanyang may-bahay na si Gng. Julieta Alfonso at si Melchor Correa na tagapangulo ng kooperatibang Eastern Primary MultiPurpose Cooperative (EPMPC) (Sundan sa p.2)


NIZ Balitaan

2

Mga bagong pagsasanay isasagawa ng PCC para sa 2014

Ni Wilma T. Del Rosario Para sa patuloy na pagpapaunlad magkaroon ng matibay na ugnayan ang ng kaalaman at kasanayan ng mga bawa’t kasaping PMET para sa agarang kabalikat na kooperatiba, ang pagresolba ng mga makikitang suliranin sa PCC, sa pamamagitan ng Dairy bawa’t kooperatiba at mabilis na pagdaloy Herd Improvement and Enterprise ng mga pagsusumite ng mga datos mula sa Development sa National Impact Zone kooperatiba papunta sa PCC. Unit (DHI-ED at NIZ), ay muling bumuo Magsasagawa din ang PCC ng ng mga programa sa pagsasanay para sa pagsasanay para sa mga nakahiram ng taong 2014. bulugan at tuluy-tuloy na konsultasyon Kabilang sa mga nakatakdang ng mga nag-aalaga ng mga bulugan para pagsasanay ay may kinalaman sa “Estrus sa masinop na pagpapabuntis ng mga Detection and Pregnancy Diagnosis” kalabaw sa pamamagitan ng bulugan. upang malaman ng mga magsasakang Kasama na din sa konsultasyon ang maggagatas kung kalian dapat mabuntis at agarang pagsusumite ng mga datos ukol sa ganap nang buntis ang kanilang kalabaw mga nalahian at nagbuntis na kalabaw. pagkatapos ng dalawa o tatlong buwan ng Ang pagsasanay para sa mga pagkabulog o pagsailalim sa artipisyal na kooperatibang mayroong naipatayong inseminasyon (AI). Ang pagsasanay na ito ay isasagawa para sa mga may kakayahang Village-based Milk Collection Centers (VBMCC) sa bayan ng Llanera, Gen. maggagatas sa loob ng limang araw. Sasanayin din ang ilang magsasaka Natividad, Guimba, at Sto. Domingo ay na maging “Animal Health Assistants” na magsasanay din para sa pagmantini ng may kasanayan at kaalaman sa masusing kanilang “collection centers”. Kasama sa kasanayang pag-aaralan ay pag-aalaga at dapat gawin para sa mga may ang maayos at may kalidad na pagkolekta, sakit na kalabaw, kaalaman para sa mga pagpreserba at pagproseso ng gatas ng sintomas at senyales ng iba’t-ibang sakit ng kalabaw at pagkuha at preserbasyon ng buffalo. Magkakaroon din ng pagsasanay para mga “blood and fecal samples” at iba pang kailangang dalhin at suriin sa laboratoryo. sa patuloy na pagpapaunlad ng kaalaman Ang pagsasanay na ito ay isasagawa para sa ng mga opisyales ng kooperatiba para mga may kakayahang maggagatas. sa patuloy na pagpapatatag ng kanilang Kasama rin sa inihandang pagsasanay samahan. ay ang mas lalong pagpapatatag ng mga Kalakip nito, ang iba pang pagsasanay Participatory Monitoring and Evaluation na maaring ipagkaloob ng PCC sa taong Team (PMET) members upang lalong 2014 ay gaya ng mga sumusunod:

DHI-ED AT NIZ TRAINING PROGRAM FOR 2014 TITLE 1. Participation of Farmer representatives in the 17th Dairy Congress and Expo 2.Consultative Meeting for Bull loan Recipients 3.Social Preparation Training 4.Basic Buffalo Management Training 5.Estrus Detection and Pregnancy Diagnosis 6. Development of Animal Health Assistants 7.Gatas ng Kalabaw Festival in General Natividad 8.Strengthening and capacity enhancement of PMET members 9. Proper Milk collection, storage and quality control for the newly constructed Villagebased Milk Collection Centers in Llanera, Gen. Natividad, Guimba and Sto. Domingo 10.Institutionalization of data collection, management and maintenance of records among cooperatives 11.Training for bull handlers 12. Training for the Strengthening of Cooperatives

Tentative dates

Number of Participants

May 6-10

6 Officers

May 21

54 Bull handlers

May-June May-June Four Batches June

40 40 50 cooperatives

June

40

July to August

120 PMET members

JulyNovember

27 cooperatives

JulyDecember

50 cooperatives

October OctoberDecember

20 Bull Handlers Representatives from 50 cooperatives

Mayo 2014

‘Super Napier’ grass...

(mula sa p.1)

ang pagbabalik-tanaw sa historya ng native na kalabaw sa Thailand at ang pag-e-endorso ng Pakchong 1 bilang magandang pakain sa mga alagang kalabaw, baka at kambing. Ang Pakchong 1, ayon kay Dr. Kiyothong, ay isang hybrid na damo na cross ng ordinaryong damong napier (Pennisetum purpureum) at pearl millet (Pennisetum glaucum) na kanyang dineveloped sa loob ng anim na taon. Ang damong napier, na kilala bilang elephant grass o damong Ugandan, ay siyang karaniwang inirerekomenda bilang pakain sa mga gatasang hayop na katulad ng kalabaw, baka at kambing. Sa Nueva Ecija, kadalasang ito ang itinatanim na damo ng mga magsasakang maggagatas o di kaya’y kinukuha o inaani sa tabing-ilog bilang pakain sa kanilang mga alagang kalabaw. Ang Pakchong 1, di katulad ng karaniwang damong napier ay nakapagbibigay ng mula 16 hanggang 18 posryento ng crude protein (CP). Ang karaniwang napier grass ay mayroon lamang na mula walo hanggang 12 porsyento ng crude protein kung aanihin ito sa ika-45 hanggang 55 na araw. Idinagdag ni Dr. Kiyothong na kayang umani ng 500 tonelada ng damong Pakchong 1 sa isang ektarya kada taon. Ang ani sa karaniwang damong napier ay mula 360 hanggang 400 tonelada lamang. “Mas malaki rin ito kumpara sa ordinaryong napier,” sabi ni Dr. Kiyothong sa wikang Ingles. Idinagdag niya na ang Pakchong 1 ay maaaring anihin kada 45 hanggang 48 araw. Nguni’t kung ninanais ng isang magsasaka na mas marami ang anihin,

ay pwede naman itong anihin sa ika-60 na araw. “Kaya rin nitong mabuhay nang mula walo hanggang siyam na taon mula sa araw ng pagkakatanim,” sabi ni Dr. Kiyothong. Idinagdag niya na kumpara sa ordinaryong napier grass, ang tinamnan ng Pakchong 1 ay hindi masyadong tinutubuan ng weeds o ibang uri ng damo na dahilan para ito ay makapagbigay ng mas maraming ani. Namangha ang mga nagsipagdalo sa technical seminar sa pagpapaliwanag ng Thai expert, kabilang na si PCC officerin-charge Dr. Felomino Mamuad. Ayon kay Dr. Mamuad, dahil sa kagandahan na kayang ibigay ng Pakchong 1, kanyang pinaplano ngayon ang pagbili o pag-i-import ng Super napier sa darating na Hunyo upang itanim dito sa Pilipinas. Kanyang binigyang-diin na kaakibat ng pagbili sa hybrid na damong ito, “Ang PCC ay magsasagawa ng karagdagang pag-aaral sa Pakchong 1 para malaman kung mai-a-adapt ba ang damong ito sa kundisyon ng lupa sa Pilipinas at kung matutukoy ba kung tama nga ang mga benepisyong kaya nitong maibigay sa mga gatasang buffalo na inaalagaan ng ating ahensya at ng ating mga benepisyaryong magsasaka na napahiraman ng gatasang buffalo.” Ang seminar na ginanap ay kasudlong ng pagbisita nina Dr. Felomino Mamuad, OIC at Dr. Daniel Aquino, animal nutritionist at Gene Pool coordinator ng PCC, sa Thailand para lalo pang maunawaan ang mga teknolohiyang pwedeng pakinabangan sa Pilipinas.

Mga magsasakang-maggagatas...

(mula sa p.1)

na naparangalan bilang “Outstanding Dairy Cooperative” ng PCC. Maliban sa kanila ay naroon rin si Direktor Brigida Pili ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Nueva Ecija na nagsabing siya ay dumalo sa kongreso dahil ninais niyang malaman ang kasalukuyang kalagayan ng pambansang industriya ng mga magggatas sa Pilipinas upang lalo pang makatulong ang DTI sa pagsusulong ng “dairying” sa lalawigan ng N.E. Ayon sa mga nagsidalo, ang tatlong araw na kongreso ay nagbigay ng dagdag na kaalaman sa mga bagong innovations and breakthroughs sa larangan ng milk production, processing, marketing at pati na rin sa pagpapaunlad ng kooperatiba. Nagkaroon din sila ng pagkakataon para sa palitan ng impormasyon at karanasan, marinig ang ibang dairy entrepreneurs, ranchero, mga taong may

mataas na tungkulin sa pamahalaan, kapwa mga kooperatibanag maggagatas, at higit sa lahat, mga manufacturers ng mga makabagong kagamitan para sa pagkolekta at pagproseso ng gatas at mga sangkap at pagkain ng gatasang kalabaw at baka. Naragdagan ang kanilang kaalaman sa ibat-ibang aralin para sa wastong pag-aalaga, paggagatas at pagtitinda ng gatas ng kalabaw at baka mula sa mga mahuhusay na tagapagsalita anila. Bukod dito, naragdagan din ang kanilang mga kaibigan at kakilala at contacts, partikular na ang mga manufacturers na maaring pagbilhan ng mga gamit sa paggagatas, pagkain, gamot, at bitamina para sa kalabaw. Lubos silang nagpasalamat kay Dr. Felomino V. Mamuad, OIC ng PCC, at mga kawani sa pagkakataong naibigay sa kanila na makadalo sa DairyConEx.


Mayo 2014

NIZ Balitaan

3

EPMPC nakikilahok sa mga exhibit para ipakita ang mga produktong gawa sa gatas ng kalabaw Ni Ma. Cecilia C. Irang Para maipatikim sa mga mamamayan sa San Jose at maipakita ang mga produktong gawa sa gatas ng kalabaw, aktibong nakilahok ang Eastern Primary Multi-Purpose Cooperative (EPMPC) sa iba’t-ibang exhibit ng mga produkto sa San Jose. Kamakailan lamang nang kasi nagkakaroon kami ng free makilahok ito sa Pagibang Damara tasting. Kapag nagustuhan nila Agro-industrial Trade Fair sa City Social ang produkto, bumibili sila,” Circle sa lungsod ng San Jose mula Abril masayang wika ni Richard Rivera, treasurer ng EPMPC. 24-27. Maliban sa EPMPC ay Ang trade fair ay inorganisa ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng San marami ring ibang grupo ang Jose sa pangunguna ni Mayor Marivic nakilahok para ipakita at ibahagi ang kani-kanilang mga produkto Belena. Ang Pagibang Damara Festival tulad ng mga produktong gawa sa ng San Jose ay simbolo ng pagsasaya water lily at kabute pero natatangi at pasasalamat ng mga mamamayan ang EPMPC na nagpakita ng para sa naging masaganang ani ng mga produkto mula sa gatas ng kalabaw. Ang mga produkto ng EPMPC sa magsasaka at magsasakang maggagatas exhibit ay chocomilk, lactojuice, pastillas, kung saan buong-pagmamalaki nilang lechetin, fresh milk at kesong puti. ipinakikita ang iba’t-ibang produktong Ayon kay Rivera, karamihan sa mga ani nila. bumibili ng produkto ay mga bata at “Nakatutuwa dahil naipakita namin partikular sa kanilang binibili ay ang ang mga produkto naming gawa sa fl avored milk. Madalas namang bumibili gatas ng kalabaw at nagustuhan ito ng ng sariwang gatas ang mga taong maingat mga bumisita. Isang paraan ito para sa kalusugan at iyong mga Bombay. mas tangkilikin nila ang produkto

Ang mga produktong itinanghal ng EPMPC sa dinaluhang exhibit sa San Jose.

Maraming beses ng aktibong nakilahok ang EPMPC sa iba’t-ibang mga exhibit sa San Jose. Nagsimula silang lumahok sa ganitong mga aktibidades nang nailunsad ang Gatas ng Kalabaw Festival. “Mahalaga na sumali sa ganitong klase ng aktibidades upang maipakita sa mga tao ang produkto ng gatas para tangkilikin nila at nang makilala sa ibang lugar ang mga produkto namin hindi lamang sa

Sibut,” ani Rivera. May mensahe rin si Rivera sa mga mamimili kung bakit dapat nilang tangkilikin ang produktong gawa sa gatas ng kalabaw. “Dapat nilang tangkilikin ang gatas ng kalabaw dahil ang sustansiyang taglay nito ay nakabubuti sa kalusugan at pangangatawan. Wala itong side effects, sariwa, puro, at masarap,” ani Rivera.

Negosyo sa pagbuburo...

(mula sa p.1)

“Noong 2010 pa lang ay nagtatanim na ako ng napier grass. Nakita iyon ng staff ng PCC at hinikayat niya ‘ko na mag-silage. Sabi ko maganda ‘yon dahil noong 2006 pa lang ay nakikilahok na ko sa pagsasanay tungkol sa silage production,” paliwanag ni Cajucom. Isa si Cajucom sa 14 na magsasaka na dumalo sa ilang pagsasanay sa PCC tungkol sa pagbuburo ng damo bago simulan ang unang cycle. Aniya, noong Mayo 2013 ay nagtanim na sila ng mais kasama ang 9 hanggang 11 magsasaka ng Parista. Sa unang cycle, noong Agosto ng taon ding iyon ay binili ng PCC ang kanilang binurong mais para ipakain sa mga alagang kalabaw ng ahensiyang ito. Mayroon na ring ilang kausap na pribadong grupo ang PCC na bibili ng mga susunod pang mabuburong mais. Noong unang cycle ay kumita ng P13,000 si Isagani sa kanyang burong napier at mahigit P20,000 naman ang kinita niya sa kanyang burong mais. “Malaki ang pananalig ko na kikita ako at alam kong tatangkilikin ito ng tao lalo na ‘yong may mga inaalagaang kalabaw,” ani Cajucom. “Bakit ka naman kasi susuong sa isang negosyong alam mong hindi ka kikita? Dapat lagi tayong positibo,” dagdag pa niya. Sa 11 magsasaka na nagtanim sa unang cycle ay lima na lamang ang

nagpatuloy para sa pangalawang cycle. Isa si Cajucom sa naghintay at hindi nainip na kumita kung kaya’t ipinagpatuloy niya ang nasimulan at ngayo’y kumikita na ng maganda sa kanyang bagong negosyo. Si Cajucom, maliban sa pagiging farm leader, ay isa ring chemist sa isang pribadong ahensiya sa Clark, Pampanga. Hindi siya nag-alinlangan na pasukin ang negosyo sa pagbuburo ng pakaing mais dahil sa pagiging positibo, at praktikal nito. Nagsisimula siyang magtanim ng mais sa kanyang isang ektaryang bukid mula Disyembre hanggang Pebrero. Ayon sa kanya, 75-80 araw ang dapat na edad ng mais bago ito anihin at ilagay sa plastik na silo-bag samantalang tumatagal naman ng 21 araw ang pagbuburo nito. Noong nakaraang Pebrero, umani na siya at nagsimulang magburo para sa ikalawang cycle. Nasa 34,000 kilos ng mais ang naani niya sa isang ektarya. Anya, hindi pare-pareho ang nagiging ani niya dahil nakadepende sa lagay ng panahon. Kung masyadong mainit at hindi siya nakapagpatubig ay umaabot lamang sa 23,000 kilos ang naaani niya. Umaabot naman ito sa 38,000 kilogramo kapag naalagaan ng husto. “Talagang kikita ako. Sa umpisa, medyo mahirap pero basta may tyaga ka, madali lang,” ani Cajucom.

Si Isagani Cajucom habang tinitingnan ang mga tanim niyang mais na pangunahing sangkap niya sa pagbuburo at pinagkakakitaan sa Lupao, Nueva Ecija.

Sa isang ektarya ay kumita na siya ng P28,000 sa kanyang binurong mais. Tatlong piso kada kilo (pick-up price) ang benta niya sa kanyang silage, na may mahusay na packaging sa plastik at sako. Mayroon na rin siyang regular na buyer sa Lipa, Batangas na tuwing ika 1520 araw ay bumibili sa kanya ng 20,000 kilos ng silage. Bumibili rin sa kanya ang ilang mga magsasakang-maggagatas ng NEFEDCCO at miyembro ng Pulong Buli Primary Multi-Purpose Cooperative. “In demand ang silage dahil kahit anong panahon ay tiyak na itong pakain sa mga alagang kalabaw dahil nakaimbak na,” ani Cajucom. Aniya, ang magandang panahon ng pagbuburo o pagsasilage ay iyong panahon ng tag-ulan kapag maraming damo.

Nagbigay-patotoo ang regular na buyer ni Cajucom sa Lipa, Batangas na isang buwan ng nagpapakain ng burong mais sa kanyang mga alagang baka. Ayon sa kanya, mas nakatitipid siya sa burong mais kaysa feeds gayong parehas lang din naman na maganda ang epekto nito sa ibinibigay na gatas ng alagang baka. Ayon sa mga eksperto, malaki ang maitutulong ng silage para makapagbigay ng mas maraming gatas ang mga alagang kalabaw o baka. Hindi na ngayon dumedepende si Cajucom sa buwanan niyang suweldo bilang chemist. May hatid sa kanyang kita ang silage production na kanyang ipinantutustos sa kaniyang pamilya. “Salamat sa negosyong pagbuburo ng damo,” sabi ni Cajucom.


NIZ Balitaan

4

Mayo 2014

Kontribusyon ni Ka Jaime Ramos sa larangan ng paggagatasan, inalala Ni Khrizie Evert M. Padre

“Tunay na hindi matatawaran ang mga naging kontribusyon ni Ka Jaime sa industriya ng pagkakalabaw at paggagatasan. Siya’y mananatili sa puso at isipan ng nakararami bilang isang mahusay na ehemplo ng mga magsasakamaggagatas.” Ito ang pahayag ng ilang magsasakamaggagatas na humahanga sa galing ni Engr. Jaime Ramos ng San Ricardo, Talavera, Nueva Ecija sa pag-aalaga ng kalabaw. Kilala bilang Ka Jaime, siya’y lumikha ng pangalan bilang magsasaka-siyentista, magaling na tagapanguna, at magaling sa pag-aalaga ng gatasang kalabaw. May panahong umabot na rin sa 100 ang kanyang inaalagaang gatasang kalabaw. Isang electronics engineer na nagtrabaho ng ilang buwan sa isang tanggapan sa Makati City. Nguni’t hindi nagtagal, siya ay umuwi upang pumalaot sa larangan ng pag-aalaga ng gatasang kalabaw, si Ka jaime ay isa ring pastor sa kanilang simbahan. Isa sa mga naging instrumento at kaagapay niya sa kanyang pag-angat ay ang Philippine Carabao Center (PCC). Taong 1999 nang magsimulang magalaga siya ng dalawang purebred Murrah Buffalo bilang recipient ng programang 25-dairy buffalo module ng PCC. Siya ay miyembro pa noon ng Premium Dairy Buffalo Producers Cooperative. Noong 2008 ay kinilala siya ng PCC bilang “Best Dairy Farmer (SemiCommercial Category)”. Sa mahabang panahon, maraming

Si Ka Jaime kasama ang mga inaalagaan niyang kalabaw noong siya’y nabubuhay pa. Larawan siya ng isang tunay na magsasakangmaggagatas na modelo ng iba pang mga katulad niyang nag-aalaga ng kalabaw sa Nueva Ecija.

naisulat na istorya ng kaniyang tagumpay patungkol sa inhinyerong naging magsasakang maggagatas. At ang mga istoryang ito, ayon sa mga maggagatas na katulad niya, ang siyang nagbigay ng inspirasyon sa kanila upang lalong pagibayuhin ang kanilang pag-aalaga at pagpapayaman sa mga ito. Ayon kay Ka Jaime noong siya’y nabubuhay pa, “sipag, tiyaga, at teknolohiya ang naging susi” niya sa pagtatagumpay. Para sa kanya, ang pag-aalaga ng kalabaw ay ma-trabaho. Upang mapabuti ang kalagayan ng kanyang mga alaga,

higit niyang tinututukan ang pagbibigay sa mga ito ng magandang kalusugan at nutrisyon. Siya’y hinirang ng PCC bilang isang “Magsasaka-Siyentista”. Kalimitan siyang naiimbitahan sa mga isinasagawang Farmers’ Field Day ng PCC upang magbahagi ng kayang karanasan at kaalaman sa kanyang mga kapwa magsasaka-maggagatas. Isa rin si Ka Jaime sa naging haligi sa pagkakatatag ng Nueva Ecija Federation of Dairy Carabao Cooperatives (NEFEDCCO) na kung saan ay may ilang termino niya itong pinamunuan bilang tagapangulo. At dahil sa kanyang husay,

marami na ring parangal ang iginawad sa kanya maliban pa sa mga nabanggit na. Noong 2006, siya’y ginawaran ng parangal na katangi-tanging kasapi ng NEFEDCCO. Ginawaran din siya ng parangal bilang “North Nueva Ecija Most Outstanding ARB in Region 3” noong 2004 at “Most Outstanding Agrarian Reform Beneficiary of 2003”. Bagama’t siya’y pumanaw na, ang kanyang pangalan ay mananatiling nakaukit sa kasaysayan ng lokal na paggagatasan.

Opisyal na Tagapamansag ng Philippine Carabao Center para sa National Impact Zone

Eric P. Palacpac Patnugot/Hepe, Knowledge Resource Management Division Anselmo S. Roque Kasangguni

Felomino V. Mamuad Pinunong Tagapagpaganap/ OIC, PCC

Ma. Cecilia C. Irang Tagapamahalang patnugot Ma. Cecilia C. Irang Chrissalyn L. Marcelo Khrizie Evert M. Padre Mga manunulat Wilma T.Del Rosario Nag-ambag ng artikulo

Chrissalyn L. Marcelo Layout at Disenyo Ma. Cecilia C. Irang Marilou A. Vallarta Tagapamahala sa Sirkulasyon

www.pcc.gov.ph


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.