NIZ Balitaan Tomo 2 Blg. 7

Page 1

Hulyo 2014

NIZ Balitaan

1

2 beses na paggagatas sa isang araw, doble ang hatid na kita sa magsasaka Ni Arjoy A. Rombaoa

Ni Chrissalyn L. Marcelo

Si Aling Elenita, 60, habang ginagatasan ang kanyang alagang kalabaw.

“Dumoble ang aming kita nang gawin naming dalawang beses sa isang araw ang aming paggatas.” Ito ang pagmamalaking saad ni Aling Elenita, 60, isang miyembro ng Nag-iisang Masikap Primary Dairy Cooperative (NMPDC) sa Balangkare Norte, General Natividad. “Talagang nadaragdagan ng husto ang

aking kita” sabi ni Quinacman na kilala sa tawag na “Ate Leni” sa kanilang lugar. Walo hanggang siyam na litro ng gatas lang kada araw ang nakukuha niya sa dalawang ginagatasang kalabaw noon sabi niya. Pero ngayon, umaabot na ito sa 18 hanggang 20 litro. “Naibebenta ko sa halagang P40 kada litro ang gatas na aking naaani,” masayang

sabi ni Ate Leni. Lumilitaw na umaabot hanggang P800 ang kinikita niya bawa’t araw sa dalawang gatasang kalabaw. Si Ate Leni ay maituturing na pambihira sa kanilang lugar dahil sa bukod na siya’y babae at may edad na ay nagsasagawa pa ng makalawang paggagatas sa kalabaw. (Sundan sa p.2)

Sa wastong pag-aalaga, pagpapakain ng gatasang kalabaw, ang aning gatas ay lubhang lumalakas Ni Almira P. Bentadan

Kung dati-rati’y nasa walong litro lamang ng gatas mula sa isang gatasang kalabaw ang pinakamataas na naaani ni Mang Melchor Correa sa isang araw , ngayo’y halos doble na ito. Mula sa 8.5 litro ng gatas na pinakamataas na niyang nakukuha noon, ngayon ay kayang-kaya na niyang maabot ang 14 litro ng gatas mula lamang sa isang kalabaw sa isang araw. Ang kanyang sekreto? “Wastong pag-aalaga at

Limang kooperatiba, nagsipanguna sa talaan ng may pinakamaraming buntis na kalabaw sa NIZ

pagpapakain ng tamang dami ng dairy concentrates bago manganak at tuwing ginagatasan ang inahing kalabaw ang aking sinusunod na gawain” pahayag ni Mang Melchor, kasalukuyang chairman ng Eastern Primary Multi-purpose Cooperative (EPMPC) sa Sibut, San Jose City, Nueva Ecija. Isiniwalat ni Mang Melchor na nagsimulang tumaas ang kanyang aning gatas nang subukan niya ang tamang pagpapakain ng dairy concentrates sa

mga kalabaw na kanyang natutunan sa isang seminar na isinagawa ng Philippine Carabao Center (PCC). Ang dairy concentrates ay iprinosesong feeds o pakain sa mga ginagatasang kalabaw sa pormang pellet na pandagdag sa regular na pakain sa mga kalabaw. Mayroon itong mataas na enerhiya at protina na tumutulong upang mapalakas ang produksiyon ng gatas ng kalabaw at mamintina rin ang ganda ng katawan nito (Sundan sa p. 3)

Limang kooperatiba ang nagsipanguna sa talaan ng Dairy Herd Improvement and Enterprise Development (DHI-ED) unit ng Philippine Carabao Center (PCC) sa National Impact Zone (NIZ) na may pinakamaraming buntis na kalabaw sa Nueva Ecija nitong buwan ng Hulyo. Ang mga ito, ayon sa datos ng DHI-ED, ay ang Eastern Primary Multi-Purpose Cooperative (EPMPC) sa San Jose City na may 71 buntis na kalabaw; Simula ng Panibagong Bukas Cooperative (SIPBU), sa San Jose City rin, 47; Bagong Pag-asa sa Bagong Talavera, 34; Catalanacan MultiPurpose Cooperative (CAMPCI) sa Science City of Muñoz, 33; at Pulong Buli Multi-Purpose Cooperative (Pulong Buli MPC) sa Science City of Muñoz rin, 29. Ang mga kooperatibang ito, ayon sa DHI-ED ay mga nangunang kooperatiba na iniranggo base sa aktwal na bilang ng kanilang buntis na kalabaw. Subali’t, kung ikokonsidera ang dami ng mga nabuntis na kalabaw ng isang kooperatiba ayon sa dami ng kanilang breedable carabaos o ‘yong kalabaw na may kakayahan ng magbuntis, sinabi ng DHI-ED na ang mga sumusunod na kooperatiba ang mangunguna sa listahan: Una ay ang Ayos Lomboy sa Guimba, Nueva Ecija na may 19 buntis na kalabaw mula sa 32 breedable (Sundan sa p.3)

Sa loob... Milk collection center... p. 3 Tanong at Sagot sa sakit na bloat... p. 2 Mga paunawa, paalala ukol sa pagpapapurga at pagpapabakuna... p2


2 Tanong at Sagot

NIZ Balitaan

Mga dapat malaman ukol sa kabag o bloat sa kalabaw Tanong: Ano po ang kabag o bloat sa kalabaw? Sagot: Ang kabag o bloat sa kalabaw ay isang uri ng kundisyong nararanasan ng alagang hayop kapag sumobra ang pagkain nito ng legumbre na tulad ng ipil-ipil at sitaw na karaniwan ay umaalsa sa tiyan ng alagang hayop matapos itong makain. Sa pagkakaroon ng kabag, ang kalabaw ay kalimitang nagkakaroon ng maraming hangin sa loob ng kanyang “rumen” kaya ito ay nahihirapang huminga at biglaan ding lumolobo ang palabusugan o hunger hallow. Ang rumen ay ang unang kompartimento sa tiyan ng kalabaw na pinaglalagyan nito ng pagkain. T: Ano po ba ang palantandaan na ang kalabaw ay mayroong kabag? S: Sa pagkakaroon ng kabag, ang kalabaw ay kalimitang nagpapakita ng mga sintomas o mga palatandaang tulad ng mga sumusunod: (1) bahagyang paglawit ng dila (2) mabilis na paghinga (3) pamamaga ng kaliwang bahagi ng katawan sa pagitan ng hulihan ng tadyang at ng buto sa balakang (palabusugan) (4) palagiang pag-ihi at pagdumi ng kakaunti lamang; at (5) madalas na pagpadyak ng mga paa T: Ano po ba ang dapat gawin sakali’t makitaan ng sintomas o palatandaan ng pagkakaroon ng kabag ang alagang kalabaw? S: Mahalagang isagawa ang mga sumusunod: (1) maglagay ng karaniwang sabong panlaba sa bibig ng alagang hayop o 500 ml ng mineral oil (halimbawa: peanut o linseed oil), o kaya ay 100 ml ng turpentine, kapag may edad na ang hayop, bilang drench o pansupak (2) kapag hindi makalunok ang hayop, maaaring gumamit ng plastic na tubo o stomach tube, at (3) kung malala naman ang pagkakaroon ng kabag at delikado na ang lagay ng hayop, sumangguni sa beterinaryo na siyang magsasagawa ng pagbutas o pagpilas ng rumen ng kalabaw gamit ang trocar at cannula o matalas at matulis na kutsilyo upang maiwasan ang pagkamatay nito T: Kung sakali po bang malunasan na ang kabag ng alagang kalabaw, ano po ang mga dapat gawin para hindi na ito maulit pa? S: Nararapat na isagawa ng mga sumusunod: (1) pagpapalakad sa hayop (2) pagpapanatili na mataas ang harapang bahagi ng hayop kaysa hulihang bahagi nito sa loob ng anim na oras o higit pa kung ang kalabaw ay may iniinda pang sakit, at paglalagay ng patpat na pahalang sa bibig upang makalabas ang sobrang hangin. T: Bukod sa mga nabanggit na dapat isagawa, mayroon pa po ba kaming dapat tandaan upang maiwasan o maagapan ang pagkakaroon ng kabag sa kalabaw? S: Sa sandaling kakitaan ng mga palantandaan na mayroong kabag ang alagang kalabaw, mahalaga ang agarang pagkilos at pagbibigay ng agarang lunas upang maiwasang ito’y mamatay.

2 beses....

Hulyo 2014

Mga paunawa, paalala ukol sa pagpapapurga at pagpapabakuna ng mga alagang kalabaw Ni Mario M. Delizo

1. Nagsasagawa ng pagpupurga ng mga kalabaw ang Philippine Carabao Center (PCC) tuwing ika-apat na buwan o tatlong beses sa isang taon. Ang pagbabakuna naman ay dalawang beses sa isang taon o anim na buwan pagkatapos ng huling pagbabakuna. 2. Kapag hindi napapurgahan sa tamang panahon ang mga kalabaw, lalo na yaong mga lugar na matubig, nanganganib ang pagdami ng liverfluke sa mga kalabaw. Ang liverfluke ay isang parasitikong namamahay sa atay ng mga kalabaw na nagdudulot ng sakit na “fasciolasis”. Kapag malala na ang sakit na dulot ng liverfluke, mahirap na itong pagalingin at maaaring ikamatay na ito ng hayop. 3. Sa regular na pagpapabakuna naman, naiiwasan ang pagdapo ng mga sakit na hemorrhagic septicemia (dulot ng baktirya) at surra (dulot ng parasitiko) na maaaring humantong sa pagkamatay ng hayop. 4. Ipinapaalala na ang pagkakasakit at pagkamatay ng mga alagang hayop dahil sa kapabayaan ng magsasakang-katiwala, halimbawa’y ang hindi pagsunod sa tamang panahon ng pagpapabakuna at pagpupurga ay isang paglabag sa pinirmahang kasunduan sa pagpapahiram ng gatasang kalabaw at maaaring kasuhan ang nagkasala.

Milking machine nagpapagaan... (mula sa p.4) ang kanilang kooperatiba. Nguni’t ngayo’y 15 na lamang sa kanila ang aktibo bilang miyembro at nag-aalaga ng gatasang kalabaw. Ang karamihan kasi sa kanila ay nainip sa paghihintay na mabuntis ang kanilang kalabaw. Nguni’t si Muralla ay isa sa nagsikap at nagtiyagang maghintay kung kaya’t sa kasalukuyan ay mayroon na siyang 15 inaalagaang kalabaw. Pito sa kanyang mga kalabaw ay inahing Brazilian, pito ang bulo, at ang isa ay bulugan. Mula naman sa tatlong kalabaw na ginagatasan niya ay karaniwang nakakukuha siya ng kabuuang 15 litro araw-araw. Sa tulong ng kanyang gatasang kalabaw, aniya, ay napag-aral at napagtapos

niya ang kanyang dalawang anak sa kursong Hotel and Restaurant Management (HRM) at nursing samantalang magtatapos naman na ang kanyang bunso sa kursong tourism. Sa pagpapalahi ng kanyang mga kalabaw, artificial insemination o AI ang pamamaraang ginagamit niya. Nguni’t kung apat na beses nang nabigyan ng -AI at hindi pa rin nabubuntis ang kanyang mga alaga, ipinabubulog na niya ito sa nahiram na bulugan mula sa PCC. “Ako ngayon ang may pinakamaraming kalabaw sa’min. Hindi naman mahirap magalaga ng kalabaw. Sabi nga, basta gusto mo ‘yong ginagawa mo, masaya ka na ay malaki pa ang pakinabang mo,” ani Muralla.

muna ang alagang kalabaw, lilinisin ang lugar na paggagatasan at marami pang iba na kailangang ihanda bago, habang at matapos gumatas,” sabi ni Ate Leni. “Kaya hayun, tumagal ang praktis ko na paggagatas lamang ng isang beses sa isang araw.” sabi niya. Pero ng dakong huli, napag-isip-isip din niya na mainam nga sigurong subukan ang sinabi sa kanila ng PCC na dalawang beses na paggagatas. Nitong nakaraang Mayo, sinimulan

niya ang dalawang beses na paggatas sa alagang dalawang kalabaw sa isang araw. Agad niyang napatunayan na sadyang malaki nga ang pakinabang sa gawaing ito. “Lubos akong natutuwa dahil sumunod ako sa PCC na isagawa ang dalawang beses na paggagatas sa aking mga alagang kalabaw. Kaya naman para sa mga katulad kong magsasakangmaggagatas, bakit ‘di ninyo subukin ‘ding gawin ito? Makikita ninyo, doble ang inyong magiging pakinabang,” sabi ni Ate Leni.

(mula sa p.1)

“Noon ay umaabot lang sa P320 hanggang P360 ang aking kita sa bawa’t araw,” sabi ni Ate Leni. Masaya niyang ibinahagi kung paano siya nakumbinsi sa bihira pang isagawang paggagatas ng dalawang beses sa kanyang mga alagang kalabaw sa isang araw. “Noon pa mang bago kami mapahiraman ng mga gatasang kalabaw ng Philippine Carabao Center (PCC) ay sinabi na sa amin na pwedeng gatasan ng dalawang beses sa isang araw ang gatasang

kalabaw. Kaya lang ‘di namin ito isinagawa dahil di naman isinasagawa ng iba” sabi niya. Kanyang idinagdag na karaniwang umaabot sa isang oras o mahigit pa ang kanyang paggagatas sa kanyang kalabaw kaya, siya aniya, ay lubos na nangangalay at napapagod noon. Naisip niya na kung dalawang beses pa niya itong isasagawa sa isang araw, lalo pa siyang mapapagod sa gawaing ito. “Sa paggagatas, siyempre paliliguan


Hulyo 2014 Limang kooperatiba... (mula sa p.1) animals nito o may katumbas na pregnancy rating na 59.3%. Pangalawa ay ang CAMPCI na may 33 buntis na kalabaw mula sa 63 breedable animals nito o may katumbas na pregnancy rating na 52.4%. Pangatlo ay ang Bagong Pag-asa sa Bagong Talavera na may 34 buntis na kalabaw mula sa 65 breedable female carabaos nito o may katumbas na pregnancy rating na 52%. Pang-apat ay ang EPMPC na may 71 buntis na kalabaw mula sa 137 breedable female carabaos nito o may katumbas ng pregnancy rating na 51%; at Panglima ay ang Agpapa Irrigators Credit Cooperative na may 18 buntis na kalabaw mula sa 36 na breedable female carabaos nito o katumbas na pregnancy rating na 50%. Ang mga datos na ito, samantala, ay ang siyang bumubuo sa 408 na bilang ng mga kasalukuyang buntis na kalabaw ngayon sa 50 kooperatiba ng maggagatas sa Nueva Ecija. Sa datos na ito, lumalabas na ito ay may pregnancy rating lamang na 19% sapagkat, 2,147 ang kabuuang bilang ng mga kalabaw ngayon sa NIZ na may kakayahan nang magbuntis. Ito ay layong pagbutihin pa ng DHIED kasama ang mga kinauukulang magsasaka-maggagatas.

NIZ Balitaan

3 Milk collection center sa Gen. Natividad, nagsimula na ng kanyang operasyon Ni Joremy Jane R. Sayco

Nagsimula na ang operasyon ng Village-Based Milk Collection and Consolidation Center (VBMCCC) sa General Natividad, Nueva Ecija matapos makumpleto ang mga kagamitang kailangan sa pangongolekta at pagiimbak ng gatas ng kalabaw. Ang VBMCCC-Gen. Natividad ay isa sa mga milk collection centers na itinayo sa apat na bayan ng Nueva Ecija. Layunin ng pagkakaroon ng milk collection center na ganap na maging maayos ang sistema ng pangongolekta at pag-iimbak ng gatas sa ilang bahagi ng probinsiya. Itinaguyod ito sa pagtutulungan ng Philippine Carabao Center (PCC), Department of Trade and Industry (DTI), at ng lokal na gobyerno ng apat na bayan. Kabilang sa mga kooperatibang makikinabang sa VBMCCC sa Gen. Natividad ay ang Masikap Producers Cooperative, Buklod Producers Cooperative, Kabulihan Producers Cooperative, at KAPAGENA Producers Cooperative. Dinadala tuwing umaga ng mga magsasakang maggagatas ang kanilang aning gatas sa collection center. Ang natipong gatas naman ay kinukuha na may-kaukulang bayad ng Nueva Ecija Federation of Dairy Carabao Cooperatives (NEFEDCCO), ang marketing arm ng mga kooperatibang maggagatas sa Nueva Ecija. Tinatayang nasa 50 litro ang karaniwang dami ng gatas na nakokolekta ng sentrong ito sa Gen. Natividad sa araw-

Sa wastong pag-aalaga...

(mula sa p.1)

Si Chairman Melchor Correa, habang pinapakain ng dairy concentrate ang kanyang alagang kalabaw.

sa panahong ito ay ginagatasan. Upang maabot ang pinakamagandang epekto nito sa kalusugan ng mga hayop,

iminumungkahi ng PCC ang paggamit nito bilang bahagi ng pamamaraang “flushing” bago manganak ang kalabaw at

Ang mga magsasakang-maggagatas ng Nag-iisang Masikap Producers Cooperative sa Gen. Natividad, habang isinasalin ang nakolektang gatas ng kanilang miyembro sa kanilang mga alagaang kalabaw.

araw. Pero may araw na umabot na rin sa 90.15 litro ng gatas ang pinakamataas na nakolekta ng center. Sa kabuuang dami ng gatas na dinadala sa VBMCCC sa Gen. Natividad 75 porsyento nito ay nagmumula sa Masikap Producers Cooperative. Bilang karagdagang gamit, nagbigay pa ang PCC at DTI ng freezer, milk pail at milking bucket sa VBMCCC. Ilan sa mga gamit na ito ay ipinahiram naman sa ilang mga maggagatas sa nasabing bayan. Ayon kay Nieves Capan, tagapangasiwa ng VBMCCC sa Gen.Natividad, malaking

kapakinabangan ang pagkakaroon ng collection center sa kanilang lugar dahil nagkaroon sila ng iisang dalahan ng aning gatas. Bukod dito, nagkaroon din ng pagkakakilanlan ang mga magsasakang maggagatas at lalo silang nahikayat na mas pataasin pa ang kanilang produksyon ng gatas. Tinitignan ng mga magsasaka na ang collection center nila ay uunlad pa at magiging pangmatagalan at makatutulong pa ng malaki sa kanila sa mahabang panahon.

sa “feeding challenge” naman habang ito’y ginagatasan na. Ang “flushing” ay ang pagpapakain ng dairy concentrates sa buntis na kalabaw dalawa hanggang isang buwan bago ito manganak upang ikondisyon ang katawan sa nalalapit nitong pagbibigay ng gatas.. Sa “feeding challenge” naman, pinapakain ng dairy concentrates ang ginagatasan nang kalabaw ng katumbas ng kalahati ng gatas na nakukuha rito upang mamintina ang kalusugan nito. “Noong 2011 ko pa ito natutunan subali’t nitong 2013 ko lang sinimulang gawin ng tuluy-tuloy. Noo’y naisip kong dagdag-gastos lang ito para sa akin,” ani Mang Melchor. “Kalaunan, naisip kong walang mawawala kung susubukan ko kaya’t nag-experiment ako upang makita ko ang resulta,” dagdag niya. Bumili siya ng dairy concentrates sa kanilang co-op na nagkakahalaga ng PhP945 kada 50kg na sako at tuluy-tuloy itong ipinakakain sa mga alagang kalabaw. “Nakita ko na malaki pala ang benefits ng ganitong pagpapakain sa kalabaw

at maging sa magsasaka,” ani Mang Melchor. Lumaki ang kinikita niya kada buwan kumpara noong hindi pa niya ito ginagawa. Bagama’t may kamahalan ang concentrates, nababawi naman niya ito ng doble pa dahil sa dami ng gatas na naaani niya. Maliban sa pagtaas ng gatas na naibibigay ng kanyang mga kalabaw, napansin din niya na gumanda ang pangangatawan ng mga ito at madali na rin silang mabuntis kaya’t napaikli ang kanilang calving interval. Upang maranasan din ng kanyang mga kapwa magsasakang maggagatas ang kapakinabangang kanyang tinatamasa ngayon, isang hamon ang iniwan ni Mang Melchor: “Bakit hindi ninyo subukan ang arawaraw na pagpapakain ng concentrates sa inyong mga alagang kalabaw? Kayo na ang makapagpapatunay kung mali ang sinsabi ko.”


NIZ Balitaan

4

Hulyo 2014

Milking machine nagpapagaan, nagpapabilis sa gawain ng mga magsasakang maggagatas

Karaniwan nang gumigising ng madaling- araw ang mga magsasakangmaggagatas para paliguan at gatasan ang kanilang mga alagang kalabaw. Manu-mano palibhasa ang paggagatas, tumatagal ng mahigit isang oras ang kanilang gawain. Ganito ang paglalarawan ni Antonio Muralla, 48, miyembro ng Participatory Monitoring and Evaluation Team (PMET) ng Nag-iisang Masikap Cooperative sa Barangay Balangkare Norte, Gen. Natividad, sa kanyang araw-araw na gawain. Kabilang si Muralla na nakabahagi sa naipahiram na 25 Brazilian buffaloes ng Philippine Carabao Center (PCC) sa kanilang kooperatiba nang taong 2009. Pagkaraan ng ilang taon, nanganak ang kanyang alagang kalabaw at siya’y nagsimulang gumatas. Manu-mano ang kanyang paggatas at sapagka’t manu-mano nga, kinailangan niyang maging matibay ang pulso sa gawaing ito upang malabanan ang pangangalay at pagkahapo. “Kapag manu-mano kasi ang paggagatas, bukod sa nakangangawit ang pagpiga sa dede ng kalabaw, kinakailangan mo pang magpahinga para gumawa ng ibang gawain,” paliwanag ni Muralla. Noong nakaraang Hunyo, napagkalooban ng milking machine sa pamamagitan ng programang shared service facility ng Department of Trade

Ni Ma. Cecilia C. Irang

Si Antonio Muralla, habang ginagatasan ang kaniyang kalabaw gamit ang milking machine.

and Industry (DTI) at dalawang cooling tank ang kanilang kooperatiba. Kapakinabangan ng milking machine Ang milking machine, ayon sa eksperto, ay mas mabilis at madaling paraan ng pagkuha ng gatas ng kalabaw kaysa manu-manong paraan. Ang mga bahagi nito ay binubuo ng vacuum tube, apat na teat cups, receiver, milk hose at cooling tank. Nakatutulong ang paggamit ng milking machine para maiwasan ang

Inilalathala ng Philippine Carabao Center, isang ahensiyang nasa ilalim ng Kagawaran ng Agrikultura Eric P. Palacpac Patnugot

Chrissalyn L. Marcelo Ma. Cecilia C. Irang Tagapamahalang patnugot

Layout at Disenyo

Almira P. Bentadan Ma. Cecilia C. Irang Ma. Cecilia C. Irang Marilou A. Vallarta Chrissalyn L. Marcelo Tagapamahala sa Sirkulasyon Arjoy A. Rombaoa Joremy R. Sayco Anselmo S. Roque Mga manunulat

Kasangguni

Mario M. Delizo Eric P. Palacpac

Nag-ambag ng artikulo

pagkakontamina ng gatas dahil na rin sa cooling tank nito na mabilis na pinalalamig ang gatas hanggang 4°C sa loob ng tatlong oras matapos ang paggagatas. “Malaking tulong talaga ang milking machine, unang –una’y dahil mabilis ang paggagatas at makagagawa ka pa ng ibang trabaho habang hinihintay mong matapos ang paggatas. Ilagay mo lang ‘yong teat cups, maaari ka nang gumawa ng ibang gawain at balikan mo lang ito pagkaraan ng walong minuto, para tignan kung may gatas pang lumalabas,” sabi ni Muralla. Sa paggamit ng milking machine, aniya, mas malinis ang gatas na nakukuha kaysa kung manu-mano ang paggagatas. Hindi na kailangan pang salain ang gatas at mas mabilis ding nalilinis ang mga kagamitang ginamit. Ang ibinahaging milking machine sa kooperatiba ay nasa pamamahala ngayon ni Muralla. “Ang naging usapan namin ay ako ang mamamahala sa milking machine at seserbisyohan ko na lang sila kapag may nanganak na silang kalabaw at kailangan nang gatasan. Dinadala ko sa lugar nila

ang milking machine sa takdang oras ng paggatas,” wika ni Muralla. Nakatulong din kay Muralla ang pagkakaroon nila ng milking machine sa pagliban niya sa paggatas kung kinakailangang siya’y umalis. Sa pagdalo niya, halimbawa sa isang seminar o pagsasanay, ang kaniyang asawa at panganay na anak ang nagpapaligo at gumagatas ngayon sa kanyang mga kalabaw na gamit ang milking machine. “Natutulungan na nila ako sa paggagatas. Noon kasi, mag-isa lang ako sa paggagatas dahil manu-mano ang paraan ko sa paggagatas. Madali lang gamitin ito, madaling i-operate, kaya kahit wala ako sa bahay ay may nakapaggagatas ng iba sa aming mga kalabaw,” wika ni Muralla. Sa ngayon ay tatlo ang ginagatasang kalabaw ni Muralla. Dahil sa milking machine, mahigit lang sa isang oras ay natatapos niya ang paggagatas at nakagagawa pa ng ibang gawain. Bunga ng pagsisikap Dati-rati ay mayroong 100 miyembro (Sundan sa p.2)

Ang PCC ay may punong tanggapan (National Headquarters and Gene Pool) sa Science City of Muñoz, Nueva Ecija. Ito ay may telepono bilang (044) 4560-731 hanggang 34; fax no.: (044) 4560-730; at e-mail: pcc-oed@mozcom.com

Hepe, Knowledge Management Division

Arnel N. Del Barrio Pinunong Tagapagpaganap

www.pcc.gov.ph


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.