La Consolites' Newsette SY 2018-2019 Issue No. 1

Page 1

PASULONG! Mga ngiting nagniningning ng ating mga representante sa muling paglahok sa BRMPC 2018 na ginanap sa Plaza Quezon, Naga City, Camarines Sur. Kuha ni: Antonette T. Gan

Vol. XXIII Issue No. 1 S.Y. 2018-2019 ANG OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGAN NG LA CONSOLACION COLLEGE OF DAET, INC. BASIC EDUCATION DEPARTMENT

LCC-D CAT, DBC, at Twirlers, wagi LCC-D, naglunsad ng RFID System; una sa CamNorte sa Military Parade Competition ni: Antonette T. Gan

ni: Antonette T. Gan

Matapos ang dalawang taon ng pagpapahinga ay muling nakipagtagisan ang Citizenship Advancement Training (CAT) Unit, Drum and Bugle Corps (DBC), at Twirlers sa 10th Bicol Regional Military Parade Competition noong Setyembre 14, 2018 sa Naga City. Nagkamit ang yunit ng tatlong parangal na sumusunod: Most Disciplined Unit, 1st Place; Best Marching Majorettes, 7th Place; at Best Marching CAT Girls, 7th Place para sa Kategorya I- CAT Mixed Company.

Nilahukan ang nasabing kategorya ng 88 paaralan mula

sa iba’t-ibang dako ng Rehiyong Bikol. Pinangunahan ang CAT ni Corps Commander John Lester M. Cosido (10– Interiority), DBC ni Band Conductor/ Leader Moses Abner R. Bertillo (10– Obedience), at Twirlers ni Band Majorette Precious Joy Paycana (10- Obedience). Hindi naging madali ang kompetisyong ito para sa mga lumahok dahil sila ay sumailalim sa matinding training at pag-eensayo mula pa noong Hulyo. Noong mismong araw ng laban ay alas tres pa lamang ng umaga ay nagsipaghanda na ang lahat bago sila tuluyang

lumabas sa kalsada nang pasado alas syete ng umaga. Mahigit isang oras silang nakatayo sa ilalim ng buhos ng ulan dulot ng Bagyong Ompong subalit hindi sila nagpatinag at pinatunayang sila ay mahuhusay sa larangang ito. Matatandaan na huling lumahok sa BRMPC ang paaralan noong taong 2015 kung saan nagtapos bilang 1st Runner -Up ang buong yunit. Sa kabilang dako ay pinarangalan naman na Over-all Champion ang La Consolacion College of Rinconada, Iriga City na isa sa mga sister schools ng LCC-D.

LCC-D naghahanda na sa 2019 PAASCU Visit Panloob na Pahina...

2 BALITA LCC-D, humakot ng parangal sa DRR-CCA Olympics

Ni: Chrisjel Mae Franchette M. Obusan

Biglang paghahanda sa muling pagbisita ng Philippine Accrediting Associations of Schools, Colleges and Universities (PAASCU) ay sinimulan na ng La Consolacion College of Daet (LCC-D) ang unang hanay ng mga preparasyon.

5 EDITORYAL

Ang PAASCU ay isang samahan ng serbisyong nagaakredit sa mga pribadong paaralan, kolehiyo, at unibersidad LATHALAIN upang matamo ang pamantayan TUGSAWITING sa mga tuntunin ng mga PINOY 2018: pangunahing layunin ng paarIsang Gabi ng alan. Sa Dalawa’t Apat Pa

8

Musika, Saya, at Pagkakaisa

Layunin rin nito na magsilbing gabay sa mga insti11 SCIENCE & tusyon habang sila ay nagTECHNOLOGY susumikap upang matamo ang Mga Dulot ng kahusayan sa mga tuntunin ng Paboritong kalidad ng edukasyon at mga Inumin ng Kabataan: serbisyo. MILKTEA

16 SPORTS Pilipinas, ika-19 na puwesto sa 18th Asian Games

Sa kasalukuyan ay nasa PAASCU Level II pa rin ang paaralan. Ayon kay G. Manuel Dime, Research and Develop-

ment Officer ng nasabing paaralan, inaasahang bibisita ang PAASCU Accreditors sa Oktubre 2019. Samantala ang huling pagbisitang isinagawa ay noon pang Pebrero 16, 2017.

Kasabay ng pagbubukas ng panibagong school year ay ang paglunsad ng isang makabagong teknolohiya sa paaralan ng La Consolacion College of Daet (LCC-D). Ito ang tinatawag na RFID o Radio Frequency Identification. Opisyal na nagsimula ang serbisyo noong Hulyo 2, 2018. Sa sistemang ito ay madaling masusubaybayan ng mga magulang o guardian ang kanilang mga anak sapagkat nagkakaroon ng automatic text alerts sa tuwing papasok o lalabas ang mga ito sa premiso ng paaralan kapag sila ay nag-tap ng kanilang ID sa biometrics machine. Ayon kay Sr. Aquilina D. de Rueda, OSA, punongguropangulo ng LCC-D, ginawa ang sistemang ito upang maiwasan

Inaasahan rin na magkaroon pa ng mga pagbabago at higit na pagpapabuti sa iba’tibang sangay ng eskwelahan sa mga susunod na buwan.

Ang RFID System ng LCC-D ay isang mahalagang kagamitan para sa pagpapahatid ng impormasyon at pakikipagkomunikasyon ng paaralan sapagkat hindi na magpapadala ng mga liham depapel bagkus ay sa pamamagitan na lamang ng text ipapaalam ang mga anunsyo tulad ng notice of meetings, cancellation of classes, atbp. dahil naka-encode na sa database ang mga pangalan ng estudyante at ang permanent cellphone number ng mga magulang. Samantala, ang LCC-D naman ang kauna-unahang paaralan sa lalawigan ng Camarines Norte na gumagamit ng ganitong sistema.

Populasyon ng mga mag-aaral ng LCC-D, S.Y. 2018-2019 ni: Chrisjel Mae Franchette M. Obusan

Nagpasya ang PAASCU na bumalik sa LCC-D upang magsiyasat at magsuri gayundin linawin ang ratings ng mga stakeholders at alamin kung napanatili ba o nahigitan ang resultang nakamit noong nakaraang pagsusuri. Sinabi rin ni G. Dime na nagsasagawa na ng pagseselfsurvey at pagreresurvey sa iba’t ibang lugar sa loob ng paaralan maging mga pagsusuri ng mga kinakailangan ng paaralan bilang paghahanda.

ang pag-cucutting classes at ang pagiging late ng mga estudyante sa paaralan.

(262)

(340)

(245)

(538)

● Elementary ● Junior High School ● Senior High School ● College Kabuuang Populasyon: 1385


2

BALITA

Husay ng Consolites sa Campus Journalism, Mga mag-aaral ng LCC-D, pinatibay sa SCRIVEN ni: Paolo Antonio B. Cootauco & Janalie Baluca hinikayat maglinis ni: Erica Justin M. Marcelo

"Cleanliness is next to Godliness." Upang mapanatili ang kalinisan ng bawat silid-aralan, inilunsad ang "Cleanest Classroom Contest" kung saan lahat ng antas mula elementarya hanggang Senior High School ay kalahok. Ang markahan ay gaganapin kada buwan at kung anong baitang ang may pinakamaraming puntos na makuha sa buong school year ang siyang tatanghaling panalo.

POKUS AT DETERMINASYON. Grupo ng mga journalists, naghahandang makipagtagisan ng galing sa Radio Broadcasting noong ika-23 ng Agosto 2018 na ginanap sa Institutional AVR. Kuha ni: Emille Lyna A. Panotes

Idinaos ng La Consolites’ Newsette at Campus Journalism Club ang SCRIVEN: Two-Day SeminarWorkshop on Campus Journalism noong ika-22 at 23 ng Agosto sa Institutional AudioVisual Room at BED Library ng La Consolacion CollegeDaet (LCC-D). Layunin ng nasabing aktibidad na mas mapaunlad ang kasanayan ng mga magaaral sa journalism, makakuha ng mga panibagong manunulat para sa pampaaralang publikasyon, at makapili ng mga ipambabato sa nalalapit na Di-

vision Schools Press Conference (DSPC). Temang naman ng nasabing programa ang “Campus Journalists: Seekers and Heralds of Truth.” Umabot sa mahigit 60 ang mga mag-aaral na lumahok at nakipagtagisan sa pagsusulat ng iba’t-ibang anyo o uri ng pamamahayag. Nag-imbita rin ang mga bihasang guro upang gumabay at magbigay ng panayam. Kabilang dito sina: Teresa R. Visitacion para sa News Writing, Tomasa Fe P. Manago para sa

Feature Writing, Cecile F. Bustamante para sa Editorial Writing, Venus V. Lamadrid para sa Copy Reading and Headline Writing, at Eva Day B. Valentino para sa Radio Brodcasting. Ayon naman kay Antonette Gan, punong patnugot ng La Consolites’ Newsette ay naging matagumpay at makabuluhan ang naganap na seminar kung kaya’t inaasahan na marami pang mag-aaral ang mahihikayat na maging campus journalist.

LCC-D humakot ng parangal sa DRR-CCA Olympics ni: Bea Bianca D. Dando at Timothy Job Albert F. Calimlim

Ang mananalong baitang ay may premyong educational tour at mayroon din silang pagkakataong mamili kung saang lugar nila nais pumunta. Magmula noong sinimulan ang paligsahan ay nangunguna ang Grade 6– St.

Jhudiel para sa elementarya habang nagtatalo naman sa una at pangalawang puwesto ang Grade 8– Courage at Grade 9-Unity na kapuwa nagkamit ng unang puwesto sa buwan ng Hulyo at Agosto. Samantala nagkakaroon rin ng tarpaulin sa pintuan ng classroom para sa Cleanest at Dirtiest classroom. “Sana’y madala ng mga mag-aaral ang ugaling ito mapahanggang sa labas ng paaralan,” wika ni Bb. Ma. Angelica Ella, guro at isa sa mga naging hurado sa paligsahan Inaasahan rin ng pamantasan na sa mga susunod na buwan ay maging mas mainit pa ang labanan ng mga klase gayundin ang mas malinis na mga silid-aralan.

TAGUMPAY SA KALINISAN. Simbolo ang tarpaulin sa pinto ng 9– Unity ng kanilang tagumpay bilang pinakamalinis na silid-aralan sa buwan ng Agosto. Kuha ni: Paolo Antonio B. Cootauco

Kapistahan ni San Agustin, idinaos sa LCC-D ni: Chrisjel Mae Franchette M. Obusan NGITING AGOSTINO. Mga inosenteng mukha ng mga kalahok ng Parada ng Kasuotan noong ika-25 ng Agosto 2018. Kuha ni: Emille Lyna A. Panotes

TAAS KAMAY, SAGIP BUHAY. Masaya at naging aktibo ang pagrepresenta ng LCC-D Super Batang Kalasag Team sa 7th DRR-CCA Skills Olympics sa Vinzons, Camarines Norte noong ika-28 ng Hulyo 2018.

Muling nakipagtagisan ng husay at galling ang halos 30 magaaral ng La Consolacion College of Daet (LCC-D) mula Junior High School (JHS) at Senior High School (SHS) sa 7th Provincial Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptatiom (DRR-CCA) Skills Olympics noong Hulyo 26-28, 2018 sa Sitio Mat-I, Vinzons, Camarines Norte. Pinangunahan ni Alessandrei E. Salen (9- Hope) ang JHS Team samantalang si Jessi-

ca Azaña (12-Love) naman ang namuno sa SHS Team. Matapos ang pagbibilad, pagreresponde, pagiging basa, pagiging putikan, hindi tugmang oras sa pagkain, masungit na panahon, ay naisagawa ng maayos at walang gulo ang nasabing laro at naipakita nang maayos ang paghahanda at pagsasagawa ng mga Paunang Lunas o First Aid. Humakot ng parangal ang SHS Team matapos nilang masungkit ang sumusunod:

Cardio-Pulmonary Resuscitation (CPR), 3rd Place; Cleanest Area, 1st Place; at Hazard Mapping and Prevention, 1st Place. Samantala nakamit naman ng JHS Team ang unang puwesto para sa Cleanest Area. Sa kabilang dako ay itinanghal naman ang Vinzons Pilot High School na kampeon para sa JHS Category at Labo Science High School para sa SHS category.

Muling ipinagdiwang ang taunang kapistahan ni San Agustin noong ika-25 ng Agosto, 2018 sa La Consolacion College of Daet (LCC-D). Unang isinagawa ang misa na idinaos sa Parokya ng San Juan Bautista at sumunod naman ang pagparada ng mga santong Agostino katulad nina St. Monica, St. Augustine, Our Mother of Consolacion, St. Claire, Ven. Mo. Consuelo, at iba pa. Itinanghal naman sa entablado ng nasabing paaralan ang pagmomodelo ng mga magaaral mula Kinder hanggang Grade 3 para sa "Little St. Augustine".

Nagkaroon rin ng iba't ibang patimpalak na may kaugnay kay San Agustin kagaya ng song and dance animation at pagsusulit tungkol sa buhay ni San Agustin na nilahukan ng mag-aaral sa ika-4 hanggang ika -12 baitang. Nagwagi naman ang grupo ng mga mag-aaral mula sa ika-8 baitang sa St. Augustine Quiz Bee Layon ng pagdiriwang na ito ang paggunita at pagbigay karangalan sa makabuluhang buhay at mga nagawa ni San Agustin, isa sa mga patron ng LCC-D.


3

BALITA

Nutrition Month, ipinagdiwang sa LCC-D ni: Eimiel Simone S. Escueta

LCC-D lumahok sa Eagle Quiz Bee; Gan, pumang-apat ni: Sherdel Louwin O. Octa

Ipinagdiwang ng La Consolacion College of Daet (LCC-D) ang taunang Buwan ng Nutrisyon na may temang “Ugaliing Magtanim, Sapat na Nutrisyon Aanihin” noong ika-27 ng Hulyo 2018 upang muling bigyan ng halaga ang kalusugan at nutrisyonal na pangangailangan ng mga tao. Nagsimula ang paglulunsad ng Buwan ng Nutrisyon noong ika-2 ng Hulyo 2018, kung saan ang mga presidente ng bawat klase ay nagtanim ng iba’t-ibang binhi na nirerepresenta ng bawat seksyon. Inanyayahan rin ang lahat ng estudyante na gumawa ng sulat o dasal para kay Inang Kalikasan. Iba’t-ibang aktibidad ang sinalihan ng mga estudyante ng LCC-D tulad ng Cooking of Local Delicacies, Nutri- Balitaktakan, Nutri- Jingle, Nutri-quiz, at Amazing Race na ginanap simula 9 a.m. hanggang 11 a.m.

Sa hapon naman ay nagkaroon ng Nutri-Pageant na pinangunahan ng Performing and Visual Arts Club (PVAC) kung saan kalahok ang mga kinakatawan ng bawat klase simula Grade 7 hanggang Grade 12. Sa NutriDance ay kasali ang mga estudyante simula Nursery hanggang Grade 3. Ang Cooking of Local Delicacies ay hinati sa Kategorya B1, na ang mga kalahok ay Grade 7 at 8. Sa kategorya B2 kung saan ang mga kasali ay Grade 9 at 10. Samantala. sa kategorya C naman ang kalahok ay mula sa Grade 11 at 12. Category

Grade/Level

Section

Name of Participants

Rank/Place

Leo Cedrick Verzo, Collen 1st Lopez, Ken Denzel Blas Hans Lazo, Ali Kleeb, B1-B Grade 8 Faith Sebasti delos Santos, Bea 1st Dando Jamie Raymundo, B2-A Grade 9 Hope Claudene Gan, Hannah 1st Yazon, Colleen Nones Jheo Dialogo, Althea RicaB2-B Grade 10 Sincerity sio, Kristelle Jamito, Ni1st cole Resurreccion Franchesca Juntura, OryC-A Grade 11 Generosity hens Pineda, Wenlyn Abi1st era, Janna Izar Angela Calayo, Shivanii C-B Grade 12 Benevolence 1st Alim, Trisha lladoc Ginanap sa St. Ambrose Hall ang Nutri-Jingle na pinamunuan ni Bb. Geraldine Reyes at iba pang choir members. Hinati ito sa tatlong kategorya, ang A2: Grade 4 to 6, B: Grade 7 to 10, C: Grade 11 at 12. Sa kategorya A2, nanalo ang Grade 6. Nakamit naman ng Grade 9 ang unang pwesto, at Grade 12 para sa kanilang kategorya. B1-A

Category A2 B C

Grade 7

Compassion

Participants Grade 4 to 6 Grade 7 to 10 Grade 11 to 12

Level Grade 6 Grade 9 Grade 12

Rank/Place 1st 1st 1st

Sa Nutri-Quiz na ginanap sa library ng naturang paaralan, nakamit ng Grade 6- St. Jhudiel ang unang pwesto sa kategorya A, ang Grade 8- Courage naman ay nanalo sa kategorya B, at ang Grade 12- Peace sa kategorya C. Category

Category A

Grade/Section 6- St. Jhudiel 6- St. Jhudiel

6- St. Jhudiel 8- Courage Category B

9- Charity 10- Sincerity 12 - Peace

Category C

12- Benevolence 12- Justice

Name of Participants Alec Abaquita, Sean Zabala, Brent Ty Sabina Yet, Dale Penales, Daniella Magana Angela Cereno, Marielle Verdeflor, Savina Asutilla

Rank/Place 1st

Franchette Obusan, Piolo Delos Santos, Julius Salcedo Antoniette Felipe, Vance Ong, Eimiel Escueta Julia De Guzman, Mitchelle Frias, Nica Ella Pimentel Megan Moreno, Armeda Basco, Meg Ferrer Kyle Villacruel, Jecko de Leon, Raymond Levantino Pamela Abrera, Pamela Calajate, Jade Maverick

1st

2nd

3rd

Ang kanilang tagapagsanay ay si G. L.A. Lloyd Arvin E. Montes, guro sa agham sa sekundarya.

Pagkakaibigan at pagkakaisa, tampok sa BFF Day 2018 ni: Mikylla Kim M. Marcelo Ginanap ang Best Friends Forever o BFF Day na may temang "Beshie Mo, Find Mo" ganap na alas-tres ng hapon noong Hulyo 9, 2018 sa La Consolacion College of Daet (LCC-D) Pinangunahan ito nina Student Coordinating Body (SCB) President na si Bb. Alyssa Mae Verdejo at SCB Treasurer na si Bb. Janelle Ilagan at ng iba pang miyembro ng SCB. Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng isang dasal at pag-awit ng 'Lupang Hinirang' at sinundan ito ng pambungad na salita galing kay

Sr. Aquilina De Rueda, OSA, ang presidente ng LCCD. Sa programang ito, nabigyan ng pagkakataon ang mga opisyales ng bawat klase na makilala at manumpa ng kanilang katapatan at gampanan ng mabuti ang kanilang mga responsibilidad. Maraming aktibidad ang ginanap dito katulad ng 'Mr. and Ms. Friendship' na nilahukan ng 12 estudyante mula ika-7 hanggang ika-12 baitang at sa paligsahang ito ay itinanghal na panalo sina Kyoko Tachihara at Jomyr Gabriel De Lima ng ika -7 baitang.

1st 2nd 3rd

Name of Participants

Rank/Place

Grade 10- Interiority

Janelle Ilagan, Jarett Lasam

4th

Grade 10- Integrity

Russel Tuazon, Joachim Agnite

3rd

Grade 11- Simplicity Grade 12- Benevolence

John Benedick Redondo, Mariah Jamby Vivas Evan Ria Pancho, Risha Tolosa

1st 2nd

Pinakatampok na kaganapan noong Buwan ng Nutrisyon ang Nutri-Pageant kasama ang mga estudyante simula Grade 7-12, kung saan ang kanilang mga kasuotan ay gawa sa recycled na mga materyales. Nakamit nina Jossiah Nathaniel Parena at Yssa Janea Trinidad ng Grade 9 ang kanilang titulo bilang Nutri-King at Queen 2018. Ang aktibidad ay ang nagwakas ng pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon.

Female

Lumahok si Mikaela Angela A. Cereno (6- St. Jhudiel) sa Elementarya habang

si Antonette T. Gan (10- Integrity) ang kinatawan ng paaralan para sa Sekundarya kung saan siya nagtapos sa ikaapat na puwesto.

3rd

Grade & Section

Male

Bilang pagdiriwang sa Environment Month isinagawa ang EMB V Eagle Quiz Bee sa Provincial Environmental and Natural Resources Office noong Hunyo 21, 2018.

2nd

Sa Nutri-Balitaktakan kalahok ang mga estudyante simula Grade 9 hanggang Grade 12.

Category

NGITING TAGUMPAY. Ginhawa’t saya ang naramdaman ng mga kalahok nang natapos ang patimpalak noong ika-21 ng Hulyo 2018

Grade/Section

Name of Participant

Rank/Place

9- Unity

Jossiah Nathaniel Parena

1st

10- Interiority

Paul Jay Castro

4th

10- Obedience

Czar Joaquin Juntura

2nd

12- Benevolence

Cire Hermogenes

3rd

9- Unity

Yssa Janea Trinidad

1st

10- Interiority

Erica Justin Marcelo

4th

12- Benelovence

Anna Sophia Dizon

2nd

12- Justice

Angelica De Vera

3rd

MASAYA’T MAGKAKASAMA. Grupo ng estudyanteng Grade 12 ay nasisiyahan at nag-eenjoy sa quadrangle noong ika– 9 ng Hulyo 2018.

Pasuweldo sa mga empleyado, gagawing sistematiko ni: Paolo Antonio B. Cootauco

Upang mas mapabilis at maging sistematiko ang pagpapasuweldo sa mga empleyado ng La Consolacion College of Daet (LCC-D) ay gagamit na rin ng sistemang ATM card system o BPI (Bank of Phillipine Islands) ExpressLink. Ang BPI ExpressLink ay isang Cash Management System para sa mga corporate na kliyente sa pag-deposito at balanse ng pera, at paglipat ng pondo.

Kaugnay nito ay nagkarron ng pa-seminar noong ika– ng Setyembre upang mailahad ng bangko nang maayos sa mga empleyado ng paaralan ang mga patakaran ng sistemang ito. “Mas na-momonitor ang sweldo namin, at nagkakaroon ng transparency,” pahayag naman ni G. Hector Alegre, SHS Coordinator. Ang sistemang ito sa pagpapasusweldo ay inaasahang magamit ngayong Oktubre 2018.


4

BALITA

Wika at Kultura ng Pilipinas, ibinandera sa taunang Buwan ng Wika ni: Sherdel Louwin O. Octa

Alkansya ni Mo. Consuelo, nakalikom ng higit P89K ni: Eimiel Simone S. Escueta Umabot sa P89,655.25 ang nalikom na pera mula sa “Alkansya ni Mo. Consuelo”, isang mission box fundraising project-contest na inilunsad ng La Consolacion College of Daet (LCC-D) mula Agosto 6 na nagtapos naman nitong Setyembre. Ang mga nalikom na pera ay ipinaabot sa Tahanan Mapagkalinga ni Madre Rita sa Guiginto, Bulacan, isang bahay-ampunan at tahanan para sa mga batang ulila.

ISA…DALAWA...BASA! Seryoso’t praktisado ang koponan ng Grade 11 sa Sabayang Pagbasa na ginanap sa Mother Theresa de Jesus Andrada Amphitheater noong Agosto 1, 2018. Bilang pagdiriwang sa Buwan ng Wika ay pinasinayaan ng La Consolacion College of Daet (LCC-D) ang panimulang pagdiriwang noong Agosto 1, 2018. Tema ng taunang Buwan ng Wika ay ang “Filipino: Wika ng Saliksik”. Sa panimulang pagdiriwang ay nagkaroon ng maikling programa kung saan may iba’t-ibang mag-aaral ang kumanta, nagdula ng tableau, at nagkaroon ng maikling balagtasan. Kaugnay ng pagdiriwang ay nagsagawa rin ng ilang patimpalak. Isa sa mga patimpalak ay ang masining na pagkukuwento ay nilahukan ng mga mag-aaral na nagmula sa baitang 1-3. Category A1 A2

A3

Grade Level

Name of Participant

Rank/Place

Grade 1– St. Gabriel

Nathalia Claire Mesa

1st

Grade 2– St. Raphael

Shane Anthonette Zabala

1st

Grade 2– St. Raphael

Mark Floresca

2nd

Grade 2– St. Raphael

Aira Almadya

3rd

Grade 3– St. Uriel

Princess Meristein Ramos

1st

Grade 3– St. Uriel

Margaret Yoshitomi

2nd

Grade 3– St. Uriel

Charles Mesa

2nd

Grade 3– St. Uriel

Ella Ello

3rd

Ang pagbigkas ng tula naman ay nahati sa apat na kategorya. Mga mag-aaral mula sa Grades 1-3 ang para sa Kategorya A. Sa Kategorya B naman ay Grade 4-6. Habang sa Kategorya C naman ay Grades 7-9 at sa Kategorya D ay grades 10-12. Category A

B

C

D

A B C

A B

Sa kabilang dako ay sumunod naman dito ang Grade 9Hope na nakalikom ng halagang P 17,510.10 habang ikatlo ang Grade 9- Unity sa halagang P 13,394.90. “Sabi nga ni Mother Teresa, walang magiging mahirap sa taong mapagbigay,” wika ni Gng. Menchie Pacao, adviser ng nanalong pangkat.

Kasanayan ng mga Consolites sa pakikipagdebate, pinaghusay ni: Chrisjel Mae Franchette M. Obusan

Upang patuloy na mahasa ang kasanayan ng mga magaaral ng La Consolacion College of Daet (LCC-D) sa pakikipagdebate, nag-organisa ang Language Arts Club (LAC) ng kaunaunahang Debate SeminarWorkshop noong ika-21 at 28 ng Hulyo 2018 sa LCC-D Audio Visual Room. Pinangunahan ang kaganapang ito ni Bb. Kathy O. De Monteverde, club moderator ng LAC at ng mga opisyales ng nasabing organisasyon.

Potentials: Speak and be Heard.” Pumatungkol rin ito sa argumenting, debating, at adjudicating at bukod dito ay nagkaroon pa ng mga mock debate.

Kabilang naman sa mga naging tagapagsalita sina: Gng. Nicole Panotes, guro sa Camarines Norte State College (CNSC) Labo Campus; G. Efren Tagala Jr., Dating Pangulo ng CNSC Debate Society at si Bb. Elshaina Espinosa, kasalukuyang pangulo ng CNSC Debate Society na isa ring finalist sa isang pandaigdigang kompetisyon sa pakikipagdebate.

Name of Participant

Rank/Place

Grade 3– St. Uriel

Emmielle Talento

1st

Grade 2– St. Raphael

Yoshi Ahren Ortega

2nd

Grade 3– St. Uriel

Ellysa Navajas

3rd

Grade 6- St. Jhudiel

Alec Austin Abaquita

1st

Grade 5– St. Michael

Precious Anne Despi

2nd

Grade 4– St. Barachiel

Isabel Jharline Dela Peña

3rd

Nilahukan ang unang bahagi ng mga kasapi ng samahan samantalang mga mag-aaral naman sa ika-11 baitang ang dumalo sa ikalawang bahagi.

Grade 8- Fortitude Grade 8- Courage

Joselle Gomez Julius Uriel Paris Salcedo

1st 2nd

Tema naman ng nasabing kumperensiya ang “Unleash Your

Grade 7- Endurance

Dhanna Paula Casungcad

3rd

Grade 12- Peace

Diane Lontac

1st

Grade 12- Benevolence

Jess Richardson Gonzales

2nd

Mga mag-aaral ng LCC-D at SFPS, nakibahagi sa Depression Seminar

Grade 12- Benevolence

Kyle Sendrick Villacruel

3rd

Grade/Level Grade 6

Rank/Place 1st

Grade 8 Grade 12

1st 1st

Mayroon namang dalawang kategorya para sa Balagtasan. Ang Kategorya A ay nilahukan ng mga estudyante mula sa Grade 9 at Grade 10 habang ang Kategorya B ay Grade 11 at Grade 12. Category

Samantala, ang seksyon na mayroong pinakamataas na kabuuang halaga na naibigay sa mis-

Buong galak namang ipinahayag ni Sr. Aquilina De Rueda, pangulo ng institusyon ang resulta ng bahagyang kabuuang resulta ng proyekto noong ika-14 ng Setyembre kung saan hinirang na nagwagi ang Grade 8- Fortitude sa nalikom na halagang P22,619.20.

Grade Level

Nahahati naman sa tatlong kategorya ang Awit Maramihan. Grades 4-6 ang mga kalahok para sa Kategorya A. Sa Kategorya B naman ay Grades 7-9. Para sa Kategorya C naman ay Grades 10-12. Category

Kalahok sa nasabing kompetisyon ang mga estudyante ng bawat klase simula sa baitang 1 hanggang 12 sa LCC-D na inanyayahang magbigay ng donasyon na kahit magkanong halaga ng pera kada-linggo.

sion box ay mananalo ng Two-day trip sa Batangas kasama ang kanilang guro.

Grade/Level Grade 9 Grade 10 Grade 11 Grade 12

Rank/Place 1st 2nd 1st 2nd

Ginanap naman ang pampinid na palatuntunin noong Agosto 25, 2018 kung saan nagkaroon ng Parada ng mga Kasuotan ng mga Manggagawang Pilipino, mga pagtatanghal, gayundin ay pinarangalan ang mga nagsipagwagi sa mga naganap na kompetisyon.

Samantala ang LAC ay isa lamang bagong klab na naglalayong paghusayin ang mga estudyante sa pakikipagtalastasan sa iba’t-ibang larangan.

ni: Erica Justin M. Marcelo

"Depression is not a joke." Ang wika ni G. Emmanuel Estabillo, guest speaker sa ginanap na Mental Health seminar na pinamagatang "Depression: It's okay not to be okay" noong Agosto 29, 2018 sa St. Ambrose Hall, La Consolacion College- Daet (LCC-D). Ang nasabing seminar ay aktibong nilahukan ng mga magaaral ng LCC-D at St. Francis Parochial School na pawang nasa ika-10 baitang.

Layunin nitong ipaalam

ang mga senyales, epekto at lunas ng depression sapagkat ayon kay G. Estabillo, ito ay isang uri ng sakit na walang pinipiling edad. Dagdag pa niya, ito ay nangangailangan ng medikal at propesyonal na paraan ng panggagamot sapagkat ito'y di nagagamot ng madaliang proseso. Sa huli ay umuwi ang mga mag-aaral ng may galak sa kanilang mukha dahil sa mga kaalamang siguradong makakatulong sa kanila lalo na't ang depression ay isang napapanahong karamdaman.

STUDENT COORDI NATING BODY ( SCB) OFFI CERS SCHOOL YEAR 2018 - 2019 PRESIDENT

AUDITOR

GRADE 11 REPRESENTATIVES

GRADE 8 REPRESENTATIVES

GRADE 5 REPRESENTATIVES

GRADE 10 REPRESENTATIVES

GRADE 7 REPRESENTATIVES

GRADE 4 REPRESENATATIVES

GRADE LEVEL REPRESENTATIVES

John Basil S. De Alva Timothy John B. Dailo

GRADE 12 REPRESENTATIVES

GRADE 9 REPRESENTATIVES

GRADE 6 REPRESENTATIVES

Alyssa Mae Verdejo

Evan Ria Pancho

VICE PRESIDENT

P.I.O.

Jessica P. Azaña SECRETARY

Julia Nicole C. De Guzman TREASURER

Janelle B. Ilagan

Rafaela Louelle R. Aquino

Karl Alexander Listana Dana Orogo

Jessa Mae Cornito Louise Maezel Largo

Von Joseph Campita Maita Ruby M. Cecilio

Mikylla Kim M. Marcelo Elias Miguel Rufino

Shanelle Gonzales Third Christian N. Pineda Sam Delos Santos Sabina Yet

Sheanne Belarma Shiloh Delos Santos Abigail Padilla James Titus Sarion

Ms. Michelle C. Villa SCB ADVISER


5

EDITORYAL

E D I TO RYA L SA DALAWA’T APAT PA “Saan nga ba patungo? Nakayapak wagaan….” (Up Dharma Down– Tadhana)

at

nahihi-

Matapos ang dalawang taon ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte ay saan na nga ba patungo ang Pilipinas? Sa nakaraang dalawang taon ay iba’t-ibang isyu ang naging maingay katulad ng War on Drugs, ang Pederalismo, ang TRAIN Law, ang patuloy na implasyon, at iba pa. Sa katatapos na sarbey ng Pulse Asia nitong Setyembre ay napag-alaman na sa mga kasalukuyang isyu ng administrasyong Duterte, ang pinaka-ikinababahala ng mga Pilipino ay ang patuloy na implasyon. 63 bahagdan ng 1,800 na mamamayang tumugon mula sa iba’t-ibang antas ng pamumuhay at iba’t-ibang dako ng bansa. Nitong Enero naman ay sinimulan na ang pagpapatupad sa TRAIN Law na nagpataas sa tax ng mga produktong petrolyo, sasakyan, at mga maasukal na inumin. Sa kaso ng implasyon, halos lahat ng mga manufactured goods ay kinakailangan ng petrolyo sa paggawa gamit ang mga makina. Inamin ng Pangulong Duterte na ito nga ay sanhi ng patuloy na implasyon sa bansa ngunit kanya namang iginiit na kailangan niya ng pera upang maisakatuparan ang Build, Build, Build Program na naglalayong makapagtayo ng napakaraming imprastruktura na makatutulong sa bansa. Hindi maikukubling napakaambisyoso ng hangaring ito ng Pangulo kung kaya’t gumagawa siya ng mga panukala na hindi patas sa lahat. Ang gobyerno ay ginawa ng Pilipino at para sa mga Pilipino ngunit ang pinakapangangailangan ng tao ay hindi na madaling makamtan dahil sa nagmamahalang presyo dulot ng ambisyon. Dapat ay inuuna ng presidente na masolusyonan ang mga pangangailangan ng tao bago ito tumungo sa malalaking proyektong para sa ikauunlad ng bansa. Lahat ng malalaking bagay ay nagmula sa maliit kaya dapat ay gawing prayoridad o asikasuhin man lang ng administrasyon ang mga maliliit na sektor, ang taumbayan. Kung hindi nasisiyahan ang taumbayan ay wala rin ang lahat ng ito. Ang patuloy na pagmamahal ng presyo ng mga bilihin ay dapat na masolusyunan agad. Sa nalalabing apat na taon ay sana maging maliwanag ang daang tatahakin ng Pilipinas.

ni: Jerome D. Sapusao

BIRO NGA LANG BA? Sa pinakatugatog ng paglaganap ng ating kalayaan halos lahat na ng kuwento, balita o tsismis ay madaling kumalat sa iba’t ibang panig ng bansa at ng mundo. Sa dami nga ng naganap ay hindi naman masisi kung maghahanap ang tao ng kahit kapirapirasong butil na magpapagaan sa mga usaping ito. Natural na sa ating mga Pilipino na tawanan ang problema o isyu ngunit minsan ang ating aksyon ay nawawala na sa lugar. Isang halimbawa ay ang video ng isang tatlong taong gulang na batang binugbog ng kanyang madrasta. Ang video na nakilala sa katagang “Abugbog Berna” ay isa sa mga libo-libong kaso ng child abuse ngunit sa halip na mabigyan lang ito ng solusyon ay sumabay ang mga naglipanang mga internet meme ukol dito. Ang internet

memes ay maaring maging isang video, larawan, hashtag, salita o parirala tulad ng sadyang maling pag-abay sa salitang ginagamit sa komedya. Isa pang halimbawa ay ang mga kaso ng rape na ginagawan ng rape jokes. Sa halip na masugpo ang baluktot na mentalidad na tungkol sa rape, mas lalong lumaganap ang mentalidad na umiimpluwensiya sa kaisipan ng tao lalo na nang manggaling pa ito mismo sa kung sino pang may posisyon sa gobyerno at sino pang prominente. Nakakadismaya isipin na sa halip na mabigyang impormasyon at mapalawak ang kamalayan ng mga mamamayan ukol sa mga isyung ito ay ginagawa lamang itong isang biro. Tila isinasawalang bahala na ang mga isyung ito ay may biktima, may

taong may sala, at ang nangyari ay hindi kung anu-ano lang kundi isang krimen. Hindi masama na ang isang paksa ay hanapan ng anggulong magpapagaan dito ngunit may mga isyung hindi angkop na gawing paksa ng katatawanan para sa simpleng katuwaan ng mga Juan, Juana at kanilang barkada. Ang mga pagtrato at pagtawa sa mga kasong tulad nito ang kukuwestiyon sa kawastuhan ng moral ng bansa. Hindi kailangang maapektuhan muna ang pisikal na anyo upang matawag na biktima dahil kadalasan maantig lang ang mental at emosyonal na aspeto ay sapat na itong tawaging karahasan. Maaaring dahil wala tayo sa posisyon kaya madaling gumawa ng biro tungkol dito ngunit nasa posisyon man o hindi, sigurado naman ang pagkakaiba ng nararapat, hindi nararapat at ang linya sa pagitan nito.

ni: Antonette T. Gan

MGA MAIIKLI’T BUTAS NA KUMOT Sabi nila kung maikli ang kumot, matutong mamaluktot. Ngunit pano kung butas butas na ang kumot? Puro baluktot nalang ba?

mangyari sa ating buhay. Sa isa ngang year-end survey noong 2017, sinasabi na ang Pilipinas ay pangatlo sa mga pinakamasiyahing bansa sa mundo.

Kamakailan ay naging usap-usapan sa social media ang larawan ng isang lalaking nakangiti habang sumusuong sa baha upang makalikas. Hindi maipagkakaila na isang magandang ugali nating mga Pilipino ang pagiging resilient o ang pagiging masiyahin at puno ng pag-asa sa kahit anumang sakuna na

Subalit kung patuloy lang tayong magiging ganito ay maaaring hindi na ito bigyan ng karampatang aksyon ng pamahalaan. Maaaring manatili tayong nagtitiis sa mga kapalpakan na hindi nila magawang masolusyonan dahil hindi naman sila apektado sa sitwasyong ito. Kung ang kumot ay maaaring habaan,

hindi ba’t mas maganda itong gawin kaysa magtiis sa maikli o butas-butas na sapin? Kung tutuusin, prayoridad ng Administrasyong Duterte ang Build, Build, Build Program kung saan binigyan ito ng P1.1 Trillion budget para ngayong taong 2018. Ang Pilipinas ay isang bansang madalas daanan ng bagyo kung kaya’t natural na sa ating Pilipino ang mga ginagawa tuwing, habang, at pagkatapos ng bagyo. Sanay na rin tayo sa baha subalit ito ay masosolusyunan

nalang sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga drainage system na ilang dekada na ang tanda. Hindi natin mapipigilan ang bagyo ngunit maari nating maiwasan ang pagbaha. Hindi sapat ang disiplina ng mga ordinaryong mamamayan. Kinakailangan rin nito ng kooperasyon ng mga nasa posisyon. Kahit anong gawing paglilinis sa mga estero, kanal, at iba pang daluyan ng tubig ay kung hindi ito hindi sapat ay hindi talaga nito kakayanin ang lakas ng ulan na maaaring dumating. Paminsan-minsan

kailangan rin nating maglakas loob at huwag ipagkibit-balikat na lamang ang mga nangyayari. Ang suliranin ay mananatiling suliranin kung hindi tayo kikilos at gagawa ng aksyon. Hindi pa naman huli ang lahat dahil may apat na nalalabi pang taon ang kasalukuyang administrasyon. Ipagdasal natin na mapunta ang mga inilaan kung saan ito nakalaan. Gayundin, nawa’y maraming suliranin ang masolusyonan at huwag nilang ibaling ang atensyon sa mga bagay na walang katuturan.

ay

LA CONSOLITES’ NEWSETTE EDITORIAL STAFF SY 2018 -2019 Section Editors NEWS EDITOR Chrisjel Mae Franchette Obusan

LITERARY EDITORS Russell Thomas Tuazon Frances Kristen B. Dating

LAY-OUT ARTISTS Julienne Mae L. Hernandez Kristel Joyce T. Morena

Erica Justin M. Marcelo Eimiel Simone S. Escueta

FEATURE EDITORS Jerome D. Sapusao Julia Nicole C. De Guzman

Photographers Team HEAD PHOTOJOURNALIST Emille Lyna A. Panotes

STAFF WRITERS Iman Hilary B. Flores, Mikylla Kim M. Marcelo, Sherdel Louwin Octa, Kianna Patrice R. Quilestino, Julius Uriel P. Salcedo

MANAGING EDITORS

SPORTS EDITORS Neil Johnson C. De Guzman Timothy Job Albert F. Calimlim

PHOTOGRAPHERS

EDITOR-IN-CHIEF

Antonette T. Gan ASSOCIATE EDITORS

Paolo Antonio B. Cootauco Bea Bianca D. Dando

Thirdy Felipe, Sherdel Louwin Octa, John Arvic Evano

CONTRIBUTORS Elias Miguel Rufino, John Francis Torralba, Richie Starkie, Jessa Marie Cornito

Mr. Franz Bencent A. Bilo School Paper Adviser Mr. Elmer N. Milan Editorial Consultant Sr. Aquilina De Rueda, OSA President


6

EDITORYAL Nang marinig ang balita tungkol kay Kelsey ay tila ba nabagabag ang ilang mga netizens sa social-networking site na Twitter, na nagsaad na hindi raw siya ang ‘mukha’ ng totoong Pinay. Marami rin naman ang nagtanggol sa pangalan ni Merritt at sinabi na maging masaya na lang sila para sa nakamit ng modelo. Ngunit gano’n na lang ba ang magiging solusyon natin dito? Ipilit ang saya na hindi ramdam?

APIR, DISAPIR, WANHAP, WAMPORT ni: Tommy Tuazon Kamakailan lang ay naging prominente ang pagkakamit ng mga Pilipino ng mga prestihiyosong parangal pagdating sa ganda at moda. Hindi natin maipagkakaila ang natural na ganda ng mga Pilipino at ang likas na kulay ng balat natin. Napapansin din ito ng mga taga-ibang bansa kung kaya't ginusto nilang ipakita ito sa buong mundo. Pero hindi kaya'y iba ang bersiyon ng Pinay nila sa bersiyon ng Pinay natin? Si Pia Wurtzbach, halimbawa, na may kalahating Aleman sa kanyang dugo ay ang

nagpapanalo sa Pilipinas at ang tumapos ng 42 taong pagkabigo ng bansa na masungkit ang titulong Miss Universe. Si Liza Soberano naman, na may dugong Amerikano ay itinanghal na may pinakamagandang mukha noong 2017 ng isang website ng independienteng kritikong TC Candler. Si Maureen Wroblewitz, na may dugo ring Aleman, ay ang kauna-unahang Pinay na nanalo bilang Asia's Next Top Model. At kailan lang ay nabalitaan natin na si Kelsey Merritt, na may lahing Amerikano rin, ay inaasahang

rumampa sa tanyag na parada ng kasuotan ng Victoria’s Secret sa Amerika. Kutis porselana, matangos na ilong, at apilyedong nakakapilipit ng dila ang ilan lamang sa mga katangian kung saan sila'y nagkakapareho. Sa bansang kilala sa kanilang kayumangging kutis at pagkapango ng ilong, hindi na mahirap mapansin na iba sila. Ibang-iba sila sa atin.

Paano kung sabihin sa atin na walang totoong mukha ang Pilipino? Na ang totoo nating kultural na pagkakakilanlan ay nabura na mula pa sa unang pananakop sa atin? Paano kung sabihin sa atin na hindi tayo totoong Pilipino? Na ang ating apilyedo ay hindi nakakapilipit dahil nasanay na ang ating mga dila sa mga pantig nito.

Wala

Mayroong iba’t-ibang patakaran ang bawat paaralan. Ito ay obligasyong sundin ng mga mag-aaral at pati na rin ang mga namamalakad dito. Bilang isa sa mga mag-aaral, kailangan nating sumunod sa mga polisiyang ito. Subalit sa mga pagkakataong hindi pagsunod dito, paano kung ang karampatang parusa ay hindi na makatao? Ang insidente ng pagsunog sa gamit ng ilang mag-aaral sa isang pribadong paaralan sa Libmanan, Camarines Sur, ay isa sa mga naging kontrobersyal na balita noong Buwan ng Agosto, 2018.

Ang mga mag-aaral na ito ay nasa tamang edad na at dapat na sila ay tratuhin ng tama at maayos na pagdidisiplina kung sila ay hindi sumunod sa polisiya ng paaralan. Ang pagsunog sa mga gamit ng ilang mga estudyante ay nagpakita ng hindi makatarangungang pagpaparusa. Hindi lang sumunod ang mga estudyante sa ‘formal attire’ na dress code nila sa isang event ay nagbuhos ng galit ang kanilang school administrator. Nag-utos ito na sunugin ang mga bag at ibang gamit tulad ng laptop, cellphone, mga damit at pera ng mga estudyanteng lumabag. Hindi dapat hinahayaang disiplinahin ng ganitong paraan

Hindi nasusukat sa taas o baba ng ilong o sa ikli o haba ng apilyedo ang pagiging Pilipino kundi sa pagiging mapagkumbaba imbis na maging mapagmataas. Kung hindi natin maituturing na kapwa-Pilipino sina Kelsey, Pia, Liza at Maureen ay irespeto nalang natin sila bilang kapwa-tao. Tayo ay nakatira sa bansang hati-hati ang mga pulo, huwag na nating hatiin pa sa iba'tibang panig ang mga taong naninirahan dito.

totoong

LIHAM SA PATNUGOT

ni: Eimiel Simone S. Escueta

TAMA NGA BA?

nang

mukha ang Pilipino. Wala nang totoong Pilipino. Lahat tayo ay isangkapat ng iba't-ibang nasyonalidad na nanggamit at nanakop sa atin. Lahat tayo ay may dugong Espanyol, pwede ring Hapon, o 'di kaya'y Amerikano, at minsan ay dugong katutubo na dumadaloy sa ating ugat.

ang mga mag-aaral sapagkat ito ay maaaring makaapekto sa kanilang pag-iisip.

Mahal na Patnugot,

May sapat na kaparusahan sa iba’t-ibang patakaran, ngunit hindi ito maaaring lumabag sa karapatan ng isang tao. Ang isang tao naman ay mayroong kalayaan, ngunit sa mga panahong mali ang paggamit nito, ay nagpapakita ng paglabag ng batas.

Magandang araw sa inyo at sa mga kasama ninyong manunulat ng pahayagan ng ating paaralan na La Consolites' Newsette.

Marami nang naging biktima sa violation of children’s rights. Sa kadahilanang nangyari ang nasabing insidente sa paaralan, hindi ito edukasyon. Hindi ito sakop sa pagtuturo ng dapat na gawin o hindi dapat gawin sa paaralan. Ito ay pumapaloob sa paglabag ng karapatan ng kabataan na isang malaking isyu sa ating lipunan.

Nais ko lamang magbigay ng aking sariling opinyon tungkol sa ating RFID system sa tuwing labasan ng mga estudyante ng ating paaralan. Ito po ay nakakasagabal sa kanila dahil sila po ay nakikipagsiksikan sa isa't-isa.

Gusto ko rin pong magbigay ng opinion tungkol sa lunch pass. Kagaya rin po ng nasabi sa na unang talata ito po ay nagiging sagabal sa paglabas. Pati na rin ang sagabal sa trapiko sa labas sa tuwing pauwi na ang mga estudyante at kinakailangan nang sumakay ng traysikel kaya mas lalong bumimibigat ang lagay ng trapiko sa kalsada tuwing tanghalian at kapag uwian nang 4:00 ng hapon.

Maraming salamat po sa pagbibigay ng panahon sa liham kong ito.

Julius Uriel Salcedo Grade 8– Courage

ni: Paolo Antonio B. Cootauco

KUNG PWEDE LANG Ngayong panahon ng pag -unlad ng teknolohiya, ay umusbong ang panibagong pananalita sa wikang Filipino o pinaghalong Filipino at wikang Ingles (Taglish), kagaya ng share ko lang, kung pinaikli ay skl. Kamakailan ay naging tanyag ang isang video na patungkol sa isang estudyanteng tila napapagod na sa lahat ng mga gawaing pang-eskwelahan at isang video na kung saan sinagot ng guro ang mga sinabi ng estudyante. Ang nasabing video ay pinamagatang KPL o Kung Pwede Lang na direksyon ni Darryl Yap. Ito ay isa sa mga “short films” na galing sa produksyon ng VinCentiments na pinamunuan ni Vincent L. Asis kasama ang iba’tibang content creators ng

produksyon. Unang isinapubliko ang KPL 1 at dahil sa katanyagan ng video na iyon ay umabot ito ng mahigit 443,000 na views sa YouTube. Dahil sa kasikatan ng KPL, nagkaroon ng ikalawang videong pinamagatang KPL 2 o ang Resbak Kakak ni Maam. Ang KPL ay sobrang relatable na kung saan isinalarawan ang totoong buhay ng mga estudyante at ng mga guro. “Hindi ako machine” sa buhay estudyante masasabing tunay na nakakapagod. Madaming assignments, performance tasks, exams at iba pa. Tayo’y napapasuko at tila ba pinapasan na ang daigdig dahil sa madaming pinapagawa ng ating mga guro. Ang mga guro ay nagsisilbing taga-hubog ng ating kai-

sipan kaya bilang estudyante ay dapat maging responsable tayo sa ating pag-aaral. Kahit ilan pa man ang ipagawang gawain ng ating mga guro ay hindi dapat mawala ang respeto natin sa kanila. May mga oras na pinapagalitan nila tayo dahil nais lamang nila na itama ang mga pagkakamali natin. Nais lamang nila tayo matuto.

Ang ating mga guro ang mga tunay na lingkod bayan. Nagtatrabaho sila hindi lang dahil kailangan kundi dahil bokasyon nilang magturo nang walang pasubali kahit oras, pagod at kakulangan sa tulog ang kapalit nito. Ngunit sa panahong ito nakakalungkot lang isipin na nababalewala na ang kakayahan ng isang guro. Ang ina ko ay isang guro

at 17 na taon nang nasa serbisyo sa isang pampublikong paaralan. Tunay na nakakapagod maging guro sa isang pampublikong paaralan, parang silang Spartan na kung saan humigit kumulang na isandaang estudyante ang kanilang hinahawakan. Ganun din ang sitwasyon ng mga nasa pribadong paaralan. Iniisip ng karamihan na basta-basta lang ang pagtuturo. Sa dami-daming papeles na ipinapasa katulad ng DLL (Daily Lesson Log), IPCRF (Individual Performance Commitment and Review Form), at iba pa. Unti-unting napapagod ang mga guro at nawawalang panahon sa kanilang mga pamilya o sarili dahil parati nilang kailangang unahin ang kanilang mga eskwela. Hindi rin sapat ang sinasahod nila dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Minsan nga pinang-aabuno pa nila ang sariling pera para sa mga pangangailangan ng klase.

Sa gobyerno at pribadong paaralan, nawa’y bigyan naman sila ng umento. At para naman sa ating mga estudyante, sikapin nating wag sayangin lahat ng itinuturo sa atin ng ating mga guro. Sa ganitong pamamaraan, nabibigyang sukli ang lahat ng paghihirap at pagsasakripisyo nila. Ang KPL ay isang serye ng umaatikabong talakan ng magkaibang mundo. Ang pagiging estudyante o guro ay isang memorableng pangyayari. Mamamalayan mo nalang nakapagtapos kana at iiwanan mo na ang minamahal mong paaralan at ang mga tao na humubog ng pagkatao mo. Ang KPL ay isang eye-opener sa lahat ng mga estudyante na maging responsable at pahalagahan ang ating mga guro. “Kung puwede lang.” – Student Talak.


7

LATHALAIN

Ang Dakilang Ina sa Taon ng Kaparian at ng mga Nag-konsagra ng Buhay sa Diyos ni: Emille Lyna Panotes Hindi madali ang pagiging ina. Noon pa man, nakatatak na ang pagiging ina bilang isang responsibilidad at kaakibat nito ang sakripisyo at paghihirap. Ngunit, ang pagiging ina ay isang biyaya mula sa Diyos dahil siya ay nagdadalang tao at nagsisilang ng bagong alagad ng Panginoon. Kung kaya't ang pagiging ina ay hindi dapat itago, ikahiya o tanggihan. Sa pagkakataong ito, makikilala ang isang birheng bukod na pinagpala at nagdalang tao upang isilang ang nagiisang anak ng Diyos.

Diyos. Ang elementong ito ay nagpapaalala sa bawat isa na hindi kailangan na laging may pagkilala, premyo o parangal.

Noong malaman ni Maria na nagdadalang tao rin ang kanyang pinsan na si Elizabeth, agad niya itong pinuntahan at tinulungan. Isa rin ito sa elemento ng mapagkumbabang pagseserbisyo, "Going out of one's way, outside of one's comfort zone to help someone in need”. Ipinakita ni Maria ang pagtulong sa kanyang kapamilya na walang pagiimbot. Isang okasyon din ang nagpatunay sa pag-aabot ni Maria ng pagiging mapagkumbaba. Sa isang kasalan sa Cana, napansin ni Maria na ubos na ang alak at nilapiSi Maria, ang ina ng ating Panginoon Hesukristo na tinuturing bilang dakilang ina tan niya ang kanyang anak. Pinayuhan niya ang mga katulong na sundin ang payo ni Hesus. dahil sa kanyang pagtitiwala, paniniwala at pagmamahal sa Diyos. Tunay siyang dakila Nais niyang iparating na dapat nakasentro ang buhay ng isang tao kay Hesukristo, ang nagsapagkat siya ay isang birhen na nagdalang tao at buong puso niyang tinanggap ang hangaiisang anak ng Diyos. rin ng Diyos sa kanya. Hindi lamang siya naging dakila dahil sa pagsilang niya kay Hesukristo, kundi siya rin ay naging simbolo ng mapagkumbabang pagseserbisyo (humble service). Sa lahat ng elemento ng mapagkumbabang pagseserbisyo, ang pinakamahalaga sa lahat ay ang pagiging masaya. Sa lahat ng ginawa ni Maria ay wala siyang pinagsisihan lalo Sa taon ng Kaparian at ng mga Nag-konsagra ng Buhay sa Diyos isang motibasyon na sa pagtanggap sa Diyos at pagtulong sa ibang tao. Para sa kaparian at nag-konsagra ng ang mapagkumbabang pagserbisyo ni Maria. Masasalamin ito sa pagtanggap ni Maria na buhay sa Diyos, ang mapagkumbabang pagseserbisyo ay dapat nilang gawing inspirasyon siya ang maglalalang sa anak ng Diyos kahit hindi pa niya alam ang mga maaaring kapalit at patnubay. Tulad ni Maria, sila rin ay mga alagad ng Diyos na pinagpala, at nakatalaga nito. "I am the maidservant of the Lord. Let it be done unto me according to thy will." Ito upang ihandog at pagyabungin ang naisin ng Diyos para sa sanlibutan. ang sinabi ni Maria sa anghel na si Gabriel. Isa sa mga elemento ng mapagkumbabang pagseserbisyo ay ang "availability through willingness to offer oneself". At ito ang ginawa Bilang isang Katolikong Kristiyano, ito rin ang hamon sa atin, na magbigay ng ni Maria bilang paglilingkod sa Diyos, nang inialay niya ang kanyang sarili sa naisin ng mapagkumbabang pagseserbisyo sa ating kapwa lalo na sa ating pamilya, mga nanganPoong Maykapal. gailangan at para sa Diyos. Sa pagtanggap ni Maria sa hangarin ng Diyos, humarap din siya sa pagbabatikos ng madla dahil hindi sila naniniwala na ang isang birhen ay magsisilang ng isang sanggol. Isa rin sa elemento ng mapagkumbabang pagseserbisyo ay ang pagkaranas ng "humiliation". Ayon kay Pope Francis, "One cannot be humble without experiencing humiliations". Kahit dumanas ng kahihiyan sa mata ng madla si Maria, pinagpatuloy niyang dalhin si Hesus sa tulong ng kanyang asawang si Joseph, at ang paggabay sa kanya ng

Hindi man ganoon kadali ang pinagdaanan ng ating Inang Maria, ngunit kanyang isinabuhay ang pagiging mapagkumbaba sa pagbibigay serbisyo sa bawat isa na nangangailangan sa kanya. Dahil sa pagtanggap niya sa Diyos at kay Hesukristo, at mapagkumbabang pagseserbisyo sa bawat isa atin, marapat na siya ay kilalanin, ang Dakilang Ina ng pagmamahal.

ANGHANG MAHAL NAMAN! Anghang at init. Ito ang karaniwang estereotipo ng bansa sa mga Bicolano, kung saan sagana tayo sa mga putaheng pumapaso ng dila tulad ng Bicol Express, Laing o Pinangat, at maging sa mga pook na pumapaso ng balat katulad ng Tiwi Hot Springs at Panicuason. Sa ating rehiyon rin masisilayan ang ginintuang imahen ng Naga na si Nuestra Señora de Peñafrancia, na lagi-laging nakabaro ng matitinong pagkaburda ng makikintab na sequin at nakasuot ng ginintuang korona.

Anghang at ginintuan. Ito naman ang maiisip mong mga pang-uri pagkatapos mong makalap ang kaalaman tungkol sa Bicol. Pero paano kung pagsamahin natin ang anghang at ginto? Nitong mga nakaraang araw ay kumalat sa social media ang balita ng pagtaas-presyo ng mga gulay sa Pilipinas. Kapansin-pansin dito ang pagtalon ng presyo ng sili mula 200 pesos kada kilo hanggang umabot ito sa mahigit 1000 pesos. Pinagpiyestahan ito ng mga Pinoy sa Facebook at 'di nagtagal ay ginawan ito ng mga memes o mga larawan na ginagamit sa pabirong paraan upang ipakita sa iba ang isang konseptong lumalaganap sa internet. Ngunit sa ating pagkaaliw sa mga birong ito ay nakakalimutan na natin ang epekto nito sa araw-araw nating pa-

mumuhay. Gugustuhin mo bang kumain ng fishball at kwekkwek na wala man lang sipang ibinibigay sa iyong dila? Magugustuhan mo ba ang lasa ng Laing na kulang sa anghang, o Pinangat na walang kagat, o Bicol Express na mabagal maghatid ng init sa isang subo? Maaari naman tayong mamuhay nang walang anghang o nang walang init na nararamdaman sa ating lalamunan. Ngunit hindi lang ito ang suliranin na dinaranas ng ating bansa. Sa kabila ng mga biro ay ang mapanganib na estado ng ating ekonomiya kung saan nahihirapan mamuhay ang mga pangkaraniwang-tao dahil sa mahal na bilihin. Hindi mo magugustuhan kumain ng fishball at kwekkwek na wala man lang sipang ibinibigay sa iyong dila, pero sa kabila ng pagkain mo nito ay mayroong daan-daang pamilyang ni hindi man lang makakain ng matino dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Walang may gusto sa lasa ng Laing na kulang sa anghang, o Pinangat na walang kagat, o Bicol Express na mabagal maghatid ng init sa isang subo. Ngunit isipin natin ang mga batang kulang sa nutrisyon at pagkain, o ang mabagal na pagtaas ng sweldo ng mga magsasaka o mangingisda na siyang umaani at nanghuhuli ng ating isusubo.

‘Di kaya'y sa sobrang pagkain mo ng matatamis na tsokolate ay nakalimutan mo na ang libo-libong batang nangangasim ang tiyan sa gutom? ‘Di kaya'y sa sobrang pagreklamo mo sa mawawalang anghang sa toyo-mansi ay nakalimutan mo na ang mga pamilyang araw-araw umuulam ng asin sa kanin? ‘Di kaya'y sa sobrang pagkatuwa mo sa malinamnam na manok na handa sa Pasko ay nakalimutan mo na ang mapait na realidad ng mga pangkaraniwang mamamayan na wala man lang ni pansit sa araw ng kapaskuhan? Kung nahihirapan tayo ay mas marami pang mga Pilipino ang nahihirapan hindi lang dahil sa anghang kundi sa pait at hirap at pagkawalang seguridad para sa kinabukasan. Imbis na magreklamo ay magtulungan tayo upang marinig ng gobyerno ang hinaing ng bayan. Tulungan nating umangat ang mahihirap. Magkapit-bisig tayo sa panahon ng krisis, sa panahon na kung saan hindi na makatarungan ang presyo para sa produkto, sa panahon na tila ba isang malaking meme ang administrasyong Pilipino.

Sa pagtutulungan ay hindi natin masisigurado na rarami ang pulang sili sa ating kusina. Ngunit sa pagbabagong maidudulot nito ay rarami ang pulang labi na nakangiti sa ating bansa.

Ang Tanda ng Aking Kaligayahan Hindi ko na mabilang kung ilang taon na ang nagdaan simula ng tumapak ako sa paaralaang ito. Ang paaralaan na nagmulat sa akin na lahat ng bagay ay nakalaan na mangyari at naging dahilan upang maging masaya ang napakaraming taon na ako’y nagpapakadalubhasang mag aral.

ang tinatawag nilang takot sa Diyos, na mistulang naging gabay sa aking buhay upang ako’y magtagumpay. Maraming pagsubok ang dumating,pero dahil sa aking mga paghihirap, kasama ang aking mga kaibigan nalampasan ko ang lahat ng ito.

Ang lahat ng taon ay hindi naging madali. Maraming pagbabago, gaya na lang ng mga ekstruktura na ngayon ay nagsisitaasan. Ang entablado kung saan kami noon ay nagtatanghal ng balagtasan, na ngayon ay halos kasing laki na ng isang museo. Pati na rin ang mga bagong mukha ng mga estudyante, maging ang mga guro. Pero ni minsan hindi naging iba ang aking pakiramdam sa tuwing nasisilayan ko ang paaralang ito.

Dito nakilala ko ang aking sarili. Kaya ko palang maging dahilan upang lumigaya ang iba, kaya ko pa lang tumulong sa mga nangangailangan, at higit sa lahat kaya ko palang mas mapalapit pa sa Diyos. Ang paaralang ito ay may malaking parte sa aking puso. Dahil dito nakilala niyo ako kung sino ako ngayon. Di lang ako natuto sa ibat ibang sektor ng agham, kundi natuto din akong magpatawad, magpakumbaba at higit sa lahat ang magmahal.

Sa tinagal tagal ng panahon, dito ko lang nasilayan

Marami ang naituro sa akin ng paaralang ito.

ni: Tommy Tuazon

ni: Julia Nicole C. De Guzman

Nagbago man ito dala ng napakaraming taon hindi kailan man mawawala ang simbolo ng pagiging isang bahagi ng institusyong ito. At bago ko tapusin ito isa lang ang masasabi ko kailan man hindi ako umuwi ng aming bahay na walang natutunan maging sa pang araw araw man na gawain sa buhay, maging sa kung ano ang dapat kong matutunan at higit sa lahat maging sa kung paano ko tatahakin ang tamang landas. Ngayon habang pinagmamasdan ko ito mula sa napakataas nitong bakod, naaalala ko man ang mga kalokohan ngunit ito ang naging dahilan kung bakit marami ang nagtagumpay at naabot ang kanilang mga pangarap. At nawa’y itanim niyo sa inyong mga puso ang aral na hatid ng paaralang ito at huwag kakalimutang ngumiti sa likod ng mga pagsubok at mag aral ng mabuti.


8

FEATURE

USIKA. Ito ay isang bagay na nakapagbubuklod sa ating mga Pilipin

pang-Araneta o pang-banyo man.

Sa pagbubukas ng buwan ng Setyembre ay naganap ang isa sa mala ng isang konsiyertong tampok ang mga lokal at mga sikat na banda sa buong Pilipinas

Dapithapon hanggang sa paglalim ng gabi ay nakita ang ngiti at saya sa mga mukh nito ang pagkagalak ng mga taong tila hindi nawawalan ng lakas. Bagamat umulan n kataon.

Ang Banghay

Wala pang ikatlo ng hapon (na siyang oras upang magbukas ang mga gate) ay marami nang taong nakapila sa labas ng paaralan. Nang mag-aalas kuwatro na ay nagsimula nang magpapasok ng mga tao. Magulo. Sa dinami rami ng mga taong nais na mauna at makahanap ng magandang puwesto ay hindi na nakapagtataka kung magiging magulo ito. Nang humupa na ang alon ng mga tao ay naging kalmado na rin ang sitwasyon. Nakapuwesto na ang karamihan upang makita at dinggin nang maayos ang mga musikang kanilang inaasam na marinig. Bago pa naman magsimula ang okasyon, marami na ang nagutom at hindi mapakali dahil mga alas siyete nagsimula ang programa. Ang init na dinanas nila sa paghihintay ay katumbas ng lamig ng ulan sa simula ng konsiyerto.

Ilang oras matapos ang pagkagat ng dilim ay nagbabadya na ang simula. Ang buong atensyon ng mga tao ay nakatutok sa entablado kung saan nanggaling ang boses sa mikropono. Ito ang naging simula ng magandang gabi na puno ng musika. Ang mga sigawan at pagsabay sa mga kanta ng mga tao dahil sa tuwa ay ang narinig sa buong gabing ito. Ang ulan ay hindi naging hadlang sa kanilang kasiyahan na nadama. Ang mga musikang kanilang pinakinggan galing sa mga banda ay isang magandang ingay sa gabing iyon. Kahit madilim man ang langit, ang mga iba’t-ibang ilaw ang naging liwanag sa gabing puno ng kasiyahan. Mag-aalas onse ng gabi natapos ang konsiyerto at ang mga pangyayari ay mga alaala sa kasalukuyan na hindi madaling makalimutan.

Ang OPM Hindi natin maipagkakaila ang natural na talento ng mga Pilipino pagdating sa pagkanta at paggawa ng kanta. Ngunit sa kasulukuyang henerasyon na mas tinatangkilik ang mga kantang internasyonal kaysa lokal ay mahirap para sa mga lokal na banda ang maging matagumpay sa kanilang mga karera. Ang event na ito ay isa lamang sa maraming mga ganap na nais tangkilikin ang sariling atin. Sa

Sa huli ay mas marami pan LARO hanggang SA DULO N


9

FEATURE

nina: Antonette T. Gan, Tommy Tuazon, Jerome D. Sapusao at Frances Kristen B. Dating

no. Sabi nga nila, ang mga Pilipino raw ay magagaling na musikero’t mang-aawit, mapa

alaking okasyon sa ating paaralan. Sa unang beses sa kasaysayan ng LaCo ay nagkaroon s.

ha ng samut-saring tao. Habang patuloy na nagpapaalam si Haring Araw ay kabaliktaran nang gabing iyon ay hindi nagpatinag ang mga taong nag-aasam na masulit ang pagkakooperasyon ng mahigit-kumulang 800 na dumalo ay hindi na magtatagal bago tuluyang tangkilikin ng bansa ang mga bunga sa sariling lupa.

Iba’t-ibang banda ang nagtanghal nang gabing iyon. Ang mga lokal na banda ay bunga ng ating butihing paaralan. Kabilang dito ang bandang FALLZONE na binubuo ng mga mag-aaral mula sa ika-siyam na baitang, RUSMOSERCALE mula sa ika-sampung baitang, KAWAYAN mula sa ika-labing isang baitang, at ang BASH na mula sa ika-labing isa at labindalawang baitang. Tampok sa pagdiriwang na ito ang dalawa sa mga sikat na banda ng henerasyon. Ang bandang AUTOTELIC na siyang pinagmulan ng mga kantang Laro, Languyin, Gising, at Takipsilim. Ang bandang DECEMBER AVENUE ang isa pang nagtanghal. Sila ang nagpasikat sa mga kantang Eroplanong Papel, Kahit Di Mo Alam, Sa Ngalan ng Pag-ibig, at Kung ‘Di Rin Lang Ikaw.

Ang Layuning Makatulong Kaakibat ng mga indak at tinig ng pagtatanghal ang butihing layunin na dahilan at ugat ng okasyong ito. Ang naipong pera mula sa inorganisang konsiyerto ay ilalaan bilang donasyon para sa Tahanan Mapagkalinga ni Madre Rita (TMMR). Ang TMMR ay nagsisilbing tahanan para sa mga batang kalye na naghahandog ng mga pangunahing pangangailangan at sapat na gabay sa pagbangon muli sa kanilang mga paa kasama ang kanilang bagong pamilya at komunidad. Ang donasyon ay magsisilbing tugon sa panustos at ambag upang maisakatuparan ng TMMR ay kanilang mga layunin at misyon para sa mga kabataan. Ang naganap na konsiyerto ay hindi lang isang kawili-wiling pagbubuklod na dulot ng pagmamahal sa musika kundi isang proyekto rin na nagdadala ng isang mabuting misyon. Kung anong dami ng ngiti na nasaksihan sa gabing iyon ay doble ito para sa mga batang matutulungan nito.

ng mga bata ang makararanas makipagNG ATING WALANG HANGGAN……..


10

LATHALAIN

TUNGUHIN AT MAGLIWALI W At tumigil ang mundo... Maniwala kang dadalhin ka ng matatarik na daan sa isang napakagandang destinasyon. Hindi ko alam kung saan ako patungo, hindi ko rin alam kung saan ako papunta. Sakay ng isang multicab, kasama ko ang iba pang matatag ang bisig. Sila ay lubhang nasasabik habang ako ay hindi mapakali, nababagabag at natatakot sa isang bagay na hindi ko makita. Kami ay dumating na sa lugar kung saan magsisimula ang bagong paglalakbay. Hindi ko inaasahan na ganito ang aking makikita: malawak na palayan, matataas na bundok sa kabilang panig, ang linya ng zipline at tram line. Malalanghap ang sariwa at malamig na hangin, at maririnig ang hampas ng tubig sa mga bato sa ilog. Mainit ang pagtanggap sa amin ng mga tour guide at barangay officials ng Barangay, Maisog, San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte. "Para makarating po sa starting point, mamimili po kayo kung ma-zipline, tram line or walking lang. Sunod po, masimula na po ng dalawang oras na trekking at hiking para makapunta naman sa falls. " ang sabi ng tour guide. Bigla akong natulala at tinanong ko ang aking sarili, "kaya ko ba 'yon?". At dito na nagsimula ang aming paglalakbay. Pinili naming sumakay sa zipline upang marating ang starting point. Ito ang pinakaunang sasakay ako sa zipline at hindi ko maitanggi na sobra akong kinakabahan pero sobrang nasasabik din. At narito na ako, ako na ang sunod, nararamdaman ko na ang bilis at tibok ng aking puso, tumatayo na ang aking mga balahibo at dahan dahang humihinga ng malalim. "Kaya ko 'to, woooh" habang sumisigaw, hindi ko na napansin ang kaba. Nasilayan ko ang ganda ng kalupaan, at nakita ko ang dagap ng kapaligiran ng

360•. Kahit hindi ko makita ang sarili ko sa salamin, aking nasasalamin sa aking isip ang labis na tuwa, at ngiti sa aking labi na dumadaloy sa aking katawan. Pagkatapos ng dalawang minutong pagsakay sa zip line, narating na namin ang starting point ng trekking. Sa simula ng trekking, halos patag pa ang kalupaan at madali lamang itong lakarin. Sa aming paglalakad, nakita namin ang iba't-ibang mga pananim tulad ng pinya, niyog, at mga prutas at gulay. Napakalaki ng taniman, at maaninag ng mga mata ang tayog ng kabundukan. Isang oras na ang nakalipas, at dito na namin hinarap ang mga pataas at pababa na mga daanan, at kung minsan pa ay may dalawa o tatlong direksyon, na maari kang maligaw. Akin ng pinapasan ang pagod, at ang mga tulo ng pawis na gumuguhit sa aking mukha na pumapatak sa lupa. Tatlumpung minuto pa ang lumipas, nakatingin na ako sa baba, winawari kung tutuloy pa ako o hindi. Hindi ko na mabilang ang mga hakbang, putikan na ang saplot ko sa paa, at tila ang sinag ng araw sa aking mukha ang aking nararamdaman. "Papunta na po tayo sa falls" sabi ng tour guide. Muli akong nasabik, makikita ko na ang aking inaabangan. Isang bagong yugto pa pala ang aming kakaharapin papunta sa falls. Hindi ko makakalimutan ang mga hagdang pababa papunta sa starting point papunta ng falls. "Ang dami namang hagdan dito, pero sana malapit na, naririnig ko na ang sigaw ng ilog at aking nakikita ang hamog na bumabalot sa sa gubat." Ramdam na ramdam ko ang pintig ng aking puso. At narito na kami, sa ilog papunta ng falls. Aking tinanong ang tour guide "Malayo pa po ba Kuya?". "Malapit na po, dadaan lang po tayo sa ilog, at mag-iingat po ang lahat dahil medyo madulas po ang mga bato." ang sagot ng tour guide. Hinubad ko na ang aking sapatos, tinaas ng kaunti ang aking

ni: Emille Lyna A. Panotes pantalon, at inihakbang ko ang aking mga paa sa malamig na tubig ng ilog. Dito ko naranasang madulas, gumulong, kumapit ng mahigpit, at magdahan dahan sa paglalakad. "Narito na po tayo!" ang patuwang sigaw ng tour guide.

Hindi lang tumigil ang aking mundo, tumingala rin ako sa ganda na aking nakikita; simula sa tubig na mula sa taas at bumabagsak ng malakas sa ibaba ng ilog. Mararamdaman ang malamig na tubig na nakakanginig na dumadagdag sa hamog ng buong paligid. Napakalinaw din ng tubig, at tunay na nakakaginhawa ang pagyakap ng tubig sa aming katawan. "Salamat Panginoon" ito lamang ang aking nasabi, at nagpatuloy na kami sa pag-swimming, pagkwekwentuhan at pagsalo-salo sa pagkain. Nawala ang aking pagod ng nakita ko na ang ganda ng Nacali Falls, at tunay itong nakakaliwaliw, at dapat tunguhin. Sa aking paglalakbay, marami akong natutunan at mas marami akong napatunayan sa aking sarili. Ngunit ang pinakamagandang aral na naisapuso ko sa eksplorasyon na ito, ay huwag agad susuko dahil sa kabila ng lahat ng hirap ay may sasaludong kasiyahan, magandang bunga, at hindi makalilimutang alaala. Higit sa lahat, naniwala akong may magandang destinasyon pagkatapos ng lahat na hirap na pinagdaanan. At akin ding tinanggap na maglalakad muli ng dalawang oras pabalik ng starting point, at pabalik na sa aming tahanan na may baong "self-fulfillment". Sa aking pagdating sa Nacali Falls, ito ay tunay na magandang destinasyon na maipagmamalaki ng kahit sino man. At muling umikot ang aking mundo.

Super Guards

Matamis at mapait na kape o tsokolate ang karaniwang sumasalubong sa ating bagong dilat na katawan. Sa iba ay isang baso ng malinis na tubig at ang iba nama’y isang tasa ng mainit o malamig na gatas. Ano pa man ay atin itong iinumin bago, habang o pagkatapos ng umagahan at kasunod na ang hanay ng numero ng paghahanda para sa muling pagpasok sa eskwelahan. Maaga man nagising o hindi, asahan na pagpatak ng orasan ng ika-7:10 ng umaga ay mamumuo na ang isang hanay ng mga nagmamadaling mga estudyante papasok sa gate. Dali-dali at mga nagbabakasakali na wakas ay hindi mabilad sa walang awa na sikat ng araw ngunit kasabay ng pagusbong ng pag-asa sa bawat hakbang ay ang pagsunod ng tingin ng nakaabang sa gate. “Nandiyan na naman siya” “isang minute lang naman nalate” ano man dahilan siguradong susungit-sungitan ka kaya ihanda na ang inyong mga ID. Sila ang mga nakasuot ng puti’t itim na uniporme at metal badge. Sila ay ang “Super guards.” Sila ay may reputasyon na sa ating mga estudyante. Sila ay ang ika nga raw,

ang pangalawang principal at iba’t iba pang alyas na tanging mga mag-aaral lang ang nakakaalam. Sila ang nakaabang diyan o doon o kahit saan pa man na dahilan kung bakit hindi natutuloy ang mga estudyanteng nagbabalak na mag-cutting. Sila rin ang nakaabang sa gate na susungitan ka lalo na kapag hindi ka nag-swipe ng ID sa pagpasok at paglabas ng school.

Napaisip na siguro ang mga estudyante “Sino at nga ba’t sisigasiga ang dalawang ito?” Sila ay sina alyas Maria at Mario. Pagkat dulot na rin na maraming estudyante ang may malalabo na mata kaya nalilimutan na sina ate at kuya ang naatasan ng ating seguridad. Ito ang kanilang trabaho at responsibilidad.

ni: Jerome D. Sapusao

Ngunit pagkagat ng dilim kanilang ilalagay ang kanilang unipormeng suot buong araw sa tambakan ng labahan at simula nito'y hindi na ate o kuya guard ang tanging panawag sa kanila. May tatawag sa kanilang nay, tay, mare, pare. Ilan nga nakakakilala sa kanila bilang lolo at lola. Ngunit itong impormasyong ito ay tila hangin sa madilim na gabi. Siguro dahil na rin sa kaisipan ng mga magaaral na ang kanilang pinapambayad na matrikula o tuition ang pangsuweldo kaya ibinabalewale ang posisyon at edad ng mga manggagawang ito. Tila nga ito ang dahilan kung bakit sinasara natin ang ating isip mula sa katotohanang hindi isang-kapat lang kundi ay isang buo, komplikado, at malawak na dimensyon. Sa sunod na araw gigising na naman muli mula sa pagkatulog mahimbing man o hindi. Dumilat ulit kahit dinaganan na ng mga gawain mula asignatura A to asignatura B. Iinom uli ng matamis, matabang o mapait na mga inumin at pagsapit ulit sa asul na gate makikita na naman sila. Sila na gumising rin. Sila na gumising muli mula at para sa kanilang responsibilidad sa trabaho at pamayanan. Sila na mga mangagawa tulad ng ating mga yaya, doctor, pulis at guro na nagagawa nating respetuhin.


SCIENCE & TECHNOLOGY

11

ni: Mikylla Kim Marcelo "Hay nako! Anong oras na nakapasok na kaya sa paaralan ang aking anak?" "Nasaan na kaya siya? Baka naman dumeretso nanaman yun sa kompyuteran." Si Annie ay isang mag-aaral sa paaralan ng La Consolacion College -Daet. Palagi na lang nagaalala sa kaniya ang kaniyang nanay dahil siya 'yong tipo ng bata na masyadong pasaway at walang pakialam sa kanyang mga marka. Isang araw, nagulat na lamang si Annie dahil habang naglalakad siya papasok sa paaralan ay nakita niyang mahaba ang pila ng mga estudyante sa labas nito. "Bakit kaya ang haba ng pila dito?" tanong niya sa kaniyang sarili. Habang papalapit siya nang papalapit sa unahan ng pila ay napansin niya na ang mga estudyante ay nag scan ng kanilang mga ID at otomatikong lumalabas dito ang kanilang larawan at ang oras ng kanilang pagdating. Nang siya na

ang nag scan ng kanyang ID ay nalaman niyang ang tawag pala dito ay Radio Frequency Identification (RFID). Ang RFID o Radio Frequency Identification ay naimbento noong taong 1980. Gumagana ito sa pamamagitan ng puwang pagkabit (alternating magnetic field o electromagnetic field) upang maipadala ang impormasyon sa ibang tao. Ito ay isang simpleng wireless system na mayroon lamang dalawang pangunahing bahagi. Ang sistema ay binubuo ng isang interrogator at ng maraming mga transponder components. Ito ay ginagamit upang kontrolin, tuklasin at subaybayan ang mga bagaybagay . Sa kasalukuyan, ang teknolohiyang ito ay masyadong malawak. Ginagamit na ito sa mga paaralan, aklatan at kung saan-saan pa. Maraming mga magulang ang ‘di makampante sa kalagayan ng kanilang mga anak.

ni: Kianna Patrice R. Quilestino

Kung kaya't naisip ng paaralan ng La Consolacion College - Daet na magkaroon ng RFID system. Isa ang nanay ni Annie sa madaming magulang na napanatag ang loob dahil malalaman na nila na talaga namang pumapasok sa paaralan ang kanilang mga anak.


12

SCIENCE AND TECHNOLOGY

ni: Iman Hilary B. Flores

NAWAWALA, BUMABALIK Ang Department of Education (DepEd) Order No. 13 s. 2017 ay naglalahad sa atin ng isang istorya: ang paghikayat sa pagkain ng masusustansiya at pag-iwas naman sa junkfoods at softdrinks na kapwa mataas sa calorie content, sodium, o di kaya nama’y sugar. Sa kabila ng kautusang ito, tila nakalimot ang ating paaralan sa pagsunod rito.

Tunay nga namang masaya ang kabataan. Sobrang habang oras ang nilaan para sa panahong ito at nararapat lamang na gamitin ito nang wasto. Ngunit, iba’t-iba ang uri ng ating pamumuhay. Karamihan ay nalulungkot, nawawala sa sarili at nahihirapan. Ikaw? Ako? Oo, tayo. Tayo nga ang biktima. Marahil ika’y nagtataka. Ano ba ito? Gulong gulo na ako. Sa bawat pagmulat ng iyong mata sa umaga, naisip mo bang ipikit nalang itong muli at ‘wag nalang magising? Habang kumakain, naliligo o kahit habang ikaw ay nag-aaral, napagtanto mo na bang itigil nalang ang lahat? Kung oo ang sagot mo, hindi ka nagiisa. Isa ka lamang sa mahigit 300 milyong tao sa buong mundo na nakakaranas ng depresyon. Ang depresyon o ang Major Depressive Disorder (MDD) ay isang kondisyon kung saan naaapektuhan ang ating pag-iisip ng labis na kalungkutan na ang epekto sa atin ay hindi tayo makapag-isip nang maayos na puwedeng humantong sa kamatayan kung ito man ay naisin ng isang taong nakararanas ng depresyon. Sinasabing ang pinakanaapektuhan na mga edad ay maitatala sa mga mata-

tanda na umaabot sa halos 350 milyon at sa kabataan naman ay nasa 33 porsiyento noong 2009 batay sa isang blog spot. Sa kasalukuyan ay walang kasiguraduhang bilang ngunit hindi maipagkakaila na marami ang biktima nito.

Kapansin-pansin na kung hindi man nawala ay nabawasan ang ipinagbebentang junkfoods at tuluyang ipinagbawal softdrinks sa ating school canteen. Gayunpaman, ito ay mabilis na napalitan ng street foods tulad ng kwek kwek, fishball, kikiam, at ice scramble, gayundin ng pizza at shakes ha hatid ng mga food providers. Ang mga ito ay walang ipinagkaiba sa junkfoods at softdrinks sapagkat ang mga pagkaing ito ay pareparehong mayroong mababang nutritional value. Hindi tamang hinahayaang basta-basta makapagbenta ng ganitong mga pagkain sa loob ng ating paaralan. Ayon sa mga pag-aaral, ang palagiang pagkonsumo ng hindi masusustansiyang pagkain tulad ng mga nabanggit ay maaaring magdulot ng obesity o ang pagkakaroon ng labis na timbang kumpara sa normal na dapat sa edad at naaayon rin sa kung gaano ito katangkad. Ang obesity kapag hindi naagapan ay maaaring maging sanhi ng iba’t-ibang karamdaman tulad na lamang ng diabetes, sakit sa puso, altapresyon, at stroke. Hindi rin nakatutulong ang kawalang ehersisyo ng mga kabataan ngayon. Ang pagkakaroon ng street foods, pizza, at shakes na pawing tambak sa artipisyal na pampalasa at pampatamis sa school canteen ay hindi dapat ipagsawalang-bahala ng oangasiwaan ng paaraalan. Maaari rin naman itong palitan ng mga pagkaing mas masusustansiya na paborito ring meryenda ng maraming Pilipino tulad na lamang ng mga kakanin, turon, banana cue, at pati na rin ang paminsan-minsang halo-halo sa tuwing mainit ang panahon. Maaaring nasa kamay ng mga estudyante ang desisyon kung ano ang kanilang pipiliing kainin ngunit responsibilidad pa rin ng paaralan na hanggat maaari ay iiwas sila sa mga pagkaing hindi makabubuti sa kanilang kalusugan at gabayan naman sila tungo sa mas malusog na pamumuhay.

Ang mga munting sintomas nito ay ang biglaang pagiging iritable, pagkainis, pagdadabog at ang halos pagkagalit na sa mundong kaniyang ginagalawan. Dala rin nito ay ang labis na lungkot, kawalan ng tiwala sa sarili at hirap sa konsentrasyon na madalas ay humahantong sa kamatayan. Dahil sa kawalan ng kontrol sa sarili ay nailalagay ng halos karamihan ang kanilang buhay sa kapahamakan. Ano nga ba ang mga pupuwedeng gawin? Maraming paraan kung pano ito pagalingin. Nasa iyong pasya na lamang kung ano ang pipiliin mong paraan. Isa na rito ay ang paglaan ng oras sa mga makabuluhang bagay tulad ng pageehersisyo. Sinasabing ito ay isa sa pinakamainam na paraan upang mailabas ng ating katawan ang tinatawag natin na endorphins na nailalabas lamang ng ating katawan kapag tayo ay nagiging masaya. Pangalawa, kumonsulta sa doktor o humingi ng tulong sa propesyonal upang malaman kung ano ang mainam na gawin para sa iyong kondisyon, kung ito ba ay nangangailangan na ng kagamutan. Pangatlo ay tumanggap ng mga therapy sessions kung saan ito ay makatutulong sa pag-relax ng ating isipan upang manatili ang ating sigla araw-araw. Para naman sa mga

nakakasaksi sa mga nangyayari sa taong nakararanas ng depresyon, mainam na bigyang atensyon ang taong ito. Dapat tayong maging mahinahon sa pag-iintindi sa kanila at ibalanse ang bagay-bagay nang sa gayon ay makatulong ka sa kapwa o sa iyong sarili. Hindi natin alam kung sino at ano ang dahilan at kung kailan ka magiging isa sa mga biktima. “Kung malala ang nakikitang sintomas, huwag balewalain! It's a must to seek professional help,” isang paalala ni Dr. Canoy. Kaya ating pangalagaan ang sarili at maging mahinahon at tanggapin ang bawat pagsubok sa positibong paraan.


LITERARY 12

LITERARY 13

ARTIKULO 71: Bakit Minamahal Pa Rin Kita? ni: Tonyo

“When I first met you” – Justin. Ito ang pangunahing katagang hindi mawawala pagdating sa pag-ibig. Ito ang isa sa mga pangunahing rason kung bakit humantong sa pag-iibigan ang dating magkaibigan. Karamihan, isasagot nila ay dahil sa pisikal na katangian, may mabuting kalooban, may angking kakaiba, o sadyang minamahal mo siya dahil kapag kasama mo siya ay masaya ka at ayaw mo siyang mawala sa buhay mo. Sa kasalukuyan, may mga taong tinatawag na “marupok.” Hindi ‘yong mga taong madaling masaktan o sakitin ngunit ito ang mga taong mabilis kiligin dahil sa kanilang sinisinta. Nakita mo siyang lumakad sa

pasilyo at kinawayan ka, kinawayan mo din siya pero ang sigaw ng puso ay matinding kilig at tila hindi mo makakalimutan ang pangyayaring iyon hanggang sa iyong pag-tulog. Ngunit, sa paglipas ng panahon ay tila bumunga at nagkaroon na ng malalalim na koneksyon. Ang dating tila “puppy love” ay katotohanan na mahal na kita. “Kapag tinamaan ka ng pagibig, tinamaan ka na nga” – Julia. Artikulo 71, Seksyon 1. “Yayain mo kahit saan para masulit mo ang panahon na magkasama kayo.” Dahil sa sobrang kaabalahan sa pag-aaral nawawalan na kayo ng panahon sa isa’t-isa. Solusyon? Kahit yayain mo

na magpunta sa kantina kahit wala kang bibilhin. Seksyon 2, “Palaging itinatanong kung nasaaan siya.” Ito na yung panahong unti-unting ginagamit mo ang tila siyentipikong method na kung saan tinatanong mo ang mga kaibigan niya na kung nasaan siya. Pero, kinalaunan ay nalaman mo na siya pala ay nag-banyo lang. Seksyon 3, “Wag kang magpahalata”. Minsan hindi mawawala na madulas sa pananalita o biglang kiligin sa mga matatamis na salitang sinabi niya sayo. Gawing natural, parang panahon lang ng pag-kakaibigan niyo. “At tumigil ang mundo” – Moira. Sabi nga nila, maghintay ka nalang, kasi darating din ang taong

ni: Tommy Tuazon Ako ang ulap, ikaw ang buwan sa dahan-dahang pagsagwan ng mabagal mong mga kamay sa pisngi kong pula't namumuhay

Sa kilig, sa tuwa, sa makisig na pagtawa sa hindi mo pagsawa sa katulad kong paasa Mahal ko, gumising ka, hindi ko kakayanin ang gusto mo, na maging tayo, at ito'y ating totohanin

hangin Mahal ko, mas maigi pa, kung ako'y titigil na sa pagpapanggap na ginugusto, na minamahal pa kita Hindi na kita mahal, siguro, dati'y oo pero nawala na ang kinang, nawala na ang kutitap, ang pag -ibig ko'y di na totoo

Mahal ko, itigil mo na, ang pagibig mo sa akin sa isang bituin na hindi maningning, na hindi na muling naHindi ako ang ulap, ako ang nalangin mga bituin na magmamahal siya ulit, na sa pag-iisa, masaya ako, at ang sayo, siya ay uulit oras ko ay saakin Ngunit, mahal, pasensya kung Hindi ikaw ang buwan, ikaw ay di ko na kayang isugal ang puang buhangin song napunit na mabilis mahila ng alon sa dagat at madaling maihip ng Hindi ako ang ulap, hindi ikaw

magiging kabiyak o ang taong bubuo sa buhay mo sa hirap at ginhawa ngunit nalaman mo na may iba na siyang mahal. Kahit hindi na pwedeng maging kayo, suportahan mo at maging masaya ka para sa kanya. Pero matindi ang puot at hinagpis sa pagkabigong iyong nadama. Kung siya ang una mong mahal, talagang mahirap limutin ang masakit na pangyayari. Maaaring may mga pagkakataong ayaw mong umaklas. Kahit hindi man maging tayo, kahit may kapiling ka nang iba, mahal pa rin kita hanggang sa huli.

ni: John Francis Torralba ang buwan at sa bawat paglipas ng bawat araw, at paglipas ng bawat buwan nalaman ko na kung ‘san papunta, kung asan ang ating hantungan Hindi sa saya, hindi sa tuwa, kundi sa sakit at iyakan Mahal, ang tanging dasal, pagmahal ay wag mong itigil Huwag mong itigil ang sarap ng ‘yong yakap na puno ng lambing at panggigil Dahil ang magmahal ay masarap, ikaw ang buwan, ako ang ulap at sa iyong bawat pagkutitap, sa luhang susulyap andito ako, iba ang kayakap.

Bakit pinagpipilitan ko pa ang isang bagay na matagal nang nawala, at hindi na maibabalik pa?

Dapat na nga sigurong pakawalan na kita dito sa pusong sugatan na,

Bakit pagkatapos ng lahat ng nangyari, mahal pa din kita?

Para 'di na rin ako masaktan nang higit pa

Bakit kahit alam kong dulot lang Oo alam kong masaya ka na kahit nito sakin ay sakit, pilit akong wala na ako sa piling mo, kumakapit? Pero makita lang kitang masaya, Nagbabakasakali na baka pwesiguro masaya na rin ako deng ibalik ang nakaraan, yung naudlot nating pagmamahalan? Ngunit di ko maipagkakaila, na nasasaktan pa rin akong makita Ngunit hindi naman talaga tayo kang masaya dahil alam ko, na hahantong sa ganto, kung nung hindi na ako ang dahilan nito. una palang, hindi ako naging loko Ito nalang ang masasabi ko sayo Kaya ngayong wala na talagang aking sinta, pag asang bumalik ka sakin, paliMasaya akong dumating ka him nalang kitang mamahalin hanggang sa tangayin nalang Ngunit ngayong wala ka na, papalayo ng hangin. Panahon na siguro para bitiwan Mahal na mahal pa rin kita, na kita. Ngunit para san pa nga ba kung itutuloy ko pang mahalin ka?

ni: Jessa Marie B. Cornito Sa panahong tila'y wala ng kasiguraduhan ang lahat Hayaan mo kong hagkan ka sa'king bisig, damhing ikaw ay sapat Sa walong sinag ng araw anino mo'y aking mga tula Pangalan mong inihahandog matatamis na tugma Ikaw ang pinakamakasaysayang aking nadama Na sa mga pahina ng libro'y nais kong maitala Nang sa gayo'y dumating man ang kamatayan nating dalawa Pagiibigan nati'y mananatiling buhay sa mga mambabasa Sapagkat ikaw, ikaw ang siyang tinta sa aking mga pluma Dahilan, upang makalikha ng napakaraming pahina At sa buhay kong daig pang digmaan sa pagkagulo Isang tulad mo ang nagbigay ng ritmo Sa damdamin ko'y ikaw ang nagpabuhay ng

himagsikan Himagsikang, hanggang dulo'y taas noo kong ipaglalaban Dahil hindi ako nakibakang lumusob dito sa silangan Upang sa kinabukasa'y wala ka sa'king kanlungan Mahal ko, hindi ako sumulat ng mga tula para ikaw ay mapalitan bilang paksa Hindi ako umawit at humarana para makahanap ng bagong melodiyang ikakanta Sapagkat ikaw ang rason kung bakit bukang liwayway ay aking inaabangan At sa gabi'y nawala aking takot bagkus mata mo'y tila alitaptap na nagsisiliwanagan Iniaalay ko, ang bawat musikang malilikha ng aking mga labi Imahe mo, ang siyang laman ng aking panaginip sa pagsapit ng gabi Sapagkat ikaw, ang kaisa isang nakapagpaibig sa tulad kong makata Na sa milyong milyon tema,ikaw ang pipiliing paksa

Anonymous Ako si papel na blanko Minsan pinapahalagahan, minsan pinaglalaruan Mapapatanong na lang ako Bakit kaya ako ganito? Araw araw tila ba laging may kulang Nakasanayan ko na kaya binalewala ko na lang Araw, buwan, taon na ang dumaan Halos buong buhay ko ganoon pa din ang aking nararamdaman Ngunit nagulat na lang ako isang araw nagbago ang tibok ng puso ko May sakit na kaya ako? Hindi ako makapaniwala Sadyang nakakamangha Simula ng kakaibang pagtibok ng puso ko Nagbago ang bawat araw ko lalo na

ako Ang blankong papel ay nagkaroon ng kulay Ang tibok ng puso’y sobrang ingay Ito ba yung sinasabi nilang pag-ibig? Mas masaya pa pala ito kesa malibot ang buong daigdig Sa simpleng pag ngiti Mga paruparo sa tiyan ay nagkakagulo Buhay kong payak at walang kulay Dinikorasyonan mo at ginawa mong makulay Nagpapasalamat ako dahil dumating ka sa buhay ko Maraming salamat Ginoo


14

LITERARY

Ang Pagkalampa ng Dalampasigan Sinasakop ng karagatan ang halos pitumpu't-limang porsiyento ng ating mundo. Sa bawat hampas ng alon, bawat pagsabay ng buhangin sa agos ng dagat, nakikita ko ang iba'tibang uri ng tao sa dalampasigan. Nakita ko ang matandang mag -asawa na dahan-dahang lumalakad malapit sa tubig. Hindi masyadong malapit at hindi rin gaanong kalayo, tama lang para mahawakan ng kumukulubot nilang paa ang tubig. Natanaw ko rin ang tatlong tinedyer na nagwiwisikan ng tubigdagat, na kung humalakhak ay tila wala nang bukas, na kung hampasin ang isa't-isa'y walang nararamdamang sakit. At sa 'di kalayuan ay nasulyap ko ang isang lalaking nasa bangka na matuling kumakalap ng basurang lumulutang-lutang sa tubig kahit na hirap na hirap siya sa pagtulak ng dagat sa kanyang bangka.

Napakatahimik. Napakaganda ng panahon para magtampisaw at paliguan ang sarili sa napakapreskong

temperatura ng dagat. Nang mula sa walang pinanggalingan ay bigla nalang lumakas ang alon at bumagyo ng matatalim ng patak ng ulan. Dali-dali akong tumakbo papalayo, papunta sa kung saan man ako makakaligtas. Kung saan ako mabubuhay. Nakita ko ang paglubog ng bangka na sinasakyan ng bangkero at ang kanyang paglaho na para bang basurang lumubog pailalim sa dagat. Hindi ko rin mabura sa aking isipan ang takot na takot na mukha ng mga tinedyer. Hindi maihambing sa kahit ano ang kawalan ng pagasang ipinapakita ng kanilang mukha habang sila'y akbay-akbay na hinihila papalayo ng alon. Malilimot ko rin ba ang matandang magkasintahan? Malilimot ko ba ang kanilang mahigpit na yakapan sa buhangin ilang sandali lang bago sila lamunin ng tubig at ulan? Malilimot ko ba ang taimtim na mga ngiti sa mukha nila na para bang sinasabi sa isa't-isang "naging masaya ako, at hanggang sa kamatayan ay magiging masaya ako

basta't

kasama

ka."

Hindi ko alam kung bakit, pero sa mga oras na iyon ay hindi ko maiwasang maisip kung ganito ba talagang kalampa ang dalampasigan? Ganito ba siyang kalampa para hayaang lunurin ng karagatan ang saya na siyang idinulot niya sa mga taong ito? Ganito ba siyang kalampa para hayaan ang dagat na kumitil ng buhay ng tao na nais lang tamasahin ito? Ganito ba talaga kalampa ang dalampasigan? Kasing bilis ng alon na rumaragasa papunta sa direksyon ko ang mga tanong na bumabaha sa isip ko. At sa unti-unti kong pagkalunod sa tubig na bumabalot sakin ay bigla akong nakarinig ng pagkatok. "Kuya! Gumising ka na daw sabi ni Mama! Mahuhuli ka nanaman daw sa klase pag di ka pa bumangon!" Nagising ako. At sa biglaan 'kong pagbangon sa kama ay napagtanto ko na kung ano ang ibig sabihin ng panaginip ko.

ni: Tommy Tuazon

kapatid na sinisigurado ang aking estado kahit hindi niya pinapahalata ngunit aking tinutulak palayo nang wala man lang pakundangan o maayos na dahilan. Ang tatlong tinedyer ay ang aking mga kaibigan na buong araw ay walang ginawa kundi tumawa at magsaya ngunit akbay-akbay na lumalayo sa akin tuwing gusto kong mapag-isa. At ang matandang mag-asawa ay ang aking mga magulang na pilit akong gustong kilalanin. Hindi masyadong malapit at hindi rin gaanong malayo. Tama lang para makausap at makasama ako ngunit aking hindi ibinibigay, sa takot na baka hindi nila magustuhan ang ugali ng sarili nilang anak. At sa mga oras na iyon, apatnapu't-tatlong minuto makalipas ang ika-anim ng umaga ay napagtanto ko na ako ang dalampasigan, at lampa talaga ang dalampasigan dahil hindi man lamang nito natutunang pahalagahan ang mga taong nabibighani sa kanya.

Ang bangkero ay ang aking

ni: Netty Anonymous

ni: Richie Starkie

Ika'y tala sa gabing mapanglaw,

Alay sa iyo ang buong pagkatao,

Naalala mo pa ba ang ating pagkakaibigan?

Ika'y araw sa aking daigdig,

Alay sa iyo ang lahat sa akin,

Ika'y liwanag na sumisilaw,

Alay sa iyo ang aking puso,

Naalala mo pa ba yung mga araw na wala pa tayong alinlangan?

Ika'y aking tunay na pag-ibig.

Alay sa iyo sana'y tanggapin.

Paano kung ika'y lumisan,

Tandaan mo, aking sasabihin,

Paano na ang aking buhay,

Tandaan mo ito, aking giliw,

Paano kung di na masilayan, Tandaan mo, ika'y mamahalin, Paano kung pag-ibig mamatay. Tandaan mo, ito'y di magmamaliw.

Dumilim ang langit nang dumating ikaw Hinintay ko na umulan ng malakas Ako’y lumapit sa iyo at naligaw Sa kamalasan di ako nakatakas Sa kabila nito ay hinanap kita Kahit ako ay nahulog at natumba N gunit hindi na nahanap at nakita Kaya ang puso ko ay puno ng kaba Nararamdaman ko ang iyong presensya Kahit wala ka man sa aking harapan Inaasam na ika’y makonsensiya

Gagawan kita ng kanta Bigyan moko ng sampu Sisimulan ko na po Bigyan mo ako ng piso

Yung mga araw na tayo’y masaya habang may pinaguusapan

Nagsusulat ng mga liriko

Hindi ko inakala na matatapos ‘yon ng walang pansinan

Pakasal tayo sa huwes

Bigyan mo akong tres

Began moko ng dos Biro lang, wala pang bente años

Lumipas ang mga araw hindi ko inakala na tayo’y nag-usap muli Ngunit panandalian lang pala Nagkamali ako ng inakala

ni: Frances Kristen B. Dating

Bigyan mo ako ng lima

Bumalik din tayo agad sa walang pansinan.

Bigyan moko ng kinse

Ako'y magbabalanse Bigyan moko ng bente Teka lang ako'y pobre Bigyan mo ako ng oo Paliligayahin kita buong buhay mo

Hindi nawawala sa aking isipan Bawat salitang lumabas sa bibig mo Ay mga kutsilyong sumaksak sa puso ko Sa larong ito ay ikaw ang panalo Pero walang kaligayahang natamo Patuloy na lumakas ang iyong bagyo Pilit lumikas pero matigas ulo Parang hinihila pabalik sa iyo Nakatatak sa puso hanggang sa dulo

ni: Elias Miguel Rufino

Sa isang gabing madilim

Kung ito ang kailangan

May liwanag na nananatili

Para ika'y muling masilayan

Ramdam ang hampas ng hangin

Ika'y makasama muli

Sa mukha kong tulala sa langit

Ito lang ang aking hinihingi

Laman ng aking isipan

Pero ngiti mo'y naglaho

Puno ng mga katanungan

Sa isang iglap lahat nagbago

‘Di matagpuan ang sagot

Ang iyong halaga sa aking mundo

Sa gitna ng kadiliman

Di mo nalaman kung ano o gaano

Aabutin hangga't kaya

Ikaw ang naging tahanan

Ng aking kamay ang mga tala

Salamat sa mga alaalang iyong iniwan


15

SPORTS

LACO SARO 2018: Consolites, nagtagisan Golden Sophomores, dinurog ang Green Freshmen sa VBall sa mga palarong pampalakasan ni: Chrisjel Mae Franchette M. Obusan at Antonette T. Gan

HANDA NA BA KAYO? Nagtipon ang mga mag-aaral ng La Consolacion College of Daet para sa Opening Parade noong Setyembre 3, 2018. Kuha ni: Paolo Antonio B. Cootauco

Panahon na naman para magtagisan ng husay at galing ang mga atletang Consolite! Makaraan ang tatlong buwan mula noong pasukan ay ipinagdiwang ng La Consolacion College of Daet (LCC-D) ang taunang Lacolympics at Intramurals na may temang “LACO SARO: Sports, Athletics and Rhythmic Olympics” noong ika-3 hanggang ika-6 ng Setyembre 2018 sa loob ng paaralan. Sa unang araw ng Intrams ay nagkaroon ng parada na binubuo ng mga miyembro ng Drums and Bugle Corps (DBC), twirlers at CAT Valiants at mga estudyante ng LCC-D mula sa iba’t ibang baitang. Sinimulan din ang programa sa pamamagitan ng lighting of the torch na pinangunahan ni Roscille Malenne Abilay, Bise-Presidente ng Sports and Athletics Club (SAAC) at sumunod naman ang pagtatanghal ng mga DBC at CAT Valiants at ang Zumba para sa lahat ng personnel. Kasabay sa ikalawang araw ng okasyon ay ang pagdiriwang sa kapistahan ng Our Lady of Consolation, kung kaya’t nagkaroon ng misa na pinangunahan ni Fr. Mandi Orido na dinaluhan ng mga mag-aaral at mga guro sa paaralan ng LCC-D. Samantala, nagkaroon din ng mga samu’t-saring palaro katulad ng Basketball, Volleyball, Badminton, Table Tennis, Chess, at Zumba competition kung saan nahati ang kompetisyon sa tatlong kategorya: Kategorya A (Grades 4-6), Kategorya B (Grades 7-9), at Kategorya C (Grades 1012). Ginanap ang mga palarong basketbol sa LCC-D Quadrangle kung saan nagwagi ang ika-6 na baitang sa Category A, ika-8 baitang para sa Men’s Category B at ika-12 baitang sa Men’s Category C habang nasungkit ng ika-9 na baitang ang kampeonato sa Women’s Category B at ika-10 baitang sa Women’s Category C. Nagkaroon din ng kompetisyon sa balibol kung saan naman nanalo ang ika-8 baitang sa Men’s category B at ika-8 baitang sa parehong Men’s at Women’s Volleyball Category B gayundin ang ika-12 baitang para sa Men’s and Women’s Volleyball Category C. Sa larong pang-utakan na chess ay nakamit ni Andrei Suyat ng ika-7 baitang ang unang parangal para sa Men’s Chess Category B, Renzcel Jan Noora ng ika-12 baitang sa Men’s Chess Category C at habang sina Elyssa Maurine Pronda ng ika-9 na baitang ang nanalo sa Women’s Chess Category B at Nica Ella Pimentel ng ika-10 baitang naman para sa Women’s Chess Category C. Sa laro namang Table Tennis ay nasungkit ng Grade 9 ang unang parangal sa Men’s Category B habang napunta sa grupo ng magpinsang Mickel at Jethro Alvarez ng Grade 10 ang kampeonato para sa Men’s Category C. Samantala nakuha naman ng ika-8 baitang ang panalo sa Women’s Category B at Grade 10 para sa Women’s Category C. Sa kabilang dako ay idinaos ang Badminton sa St. Ambrose Hall kung saan nagwagi ang Grade 9 sa Men’s Category B at Grade 12 sa Men’s Category C habang nanalo naman ang Grade 8 sa Women’s Category B at Grade 12 sa Women’s Category C. Samantala, sa kompetisyong pansayawang Zumba ay nasungkit ng ika-8 baitang ang panalo sa Category B at pumangalawa ang ika-9 na baitang habang nakamit ng ika-12 baitang ang unang parangal sa Category C na sinundan ng ika-11 baitang at ikatlo naman ang ika-10 baitang. Sa ikahuling araw nito, isinagawa ang pampinid na palatuntunin kung saan pinarangalan ang mga nagsipagwagi sa mga naging kompetisyon. Itinanghal na Over-all Champion ang ika-12 baitang na sinundan ng ika–8 baitang, pumangatlo ang ika-11 na baitang, pang-apat ang ika-9 na baitang habang pumanlima ang ika-10 baitang at ika-6 na puwesto ang ika-7 baitang.

ni: Timothy Job Albert F. Calimlim

Pinulbos ng Golden Sophomores ang Green Freshmen, 15-3, 15-3 sa championship game ng volleyball kategorya B para sa Lacolympics at Intramurals 2018 noong Setyembre 6 sa La Consolacion College of Daet (LCC-D), Daet, Camarines Norte Ang Golden Sophomore na si Timothy Calimlim ay nagbigay ng mahusay na overhead service ngunit natanggap naman ng Freshmen na si Jomyr Gabriel De Lima ang bola. Samantala ipinakita ni Golden Sophomore Marc Dimaculangan ang kanyang deep digs at si Sophomore Clarence Sta. Clara naman ay nagbigay ng mahusay na drop ball sa Freshmen, 2-0. “Okay lang sila maglaro, di naman masama, bawi na lang next year may potential sila,” ani Timothy Calimlim na nagkamit ng kabuuang 21 puntos sa nasabing laro at pinarangalan bilang Most Valuable Player (MVP).

sunod na service ace na dumagdag ng limang puntos sa kanilang pangkat, 12-2. Si Sophomore Marc Dimaculangan ay ibinigay ang kanyang cracking jump float serves na dumagdag ng pizzazz sa laro, tinapos ni Dimaculangan ang laro sa pamamagitan ng service ace, 15-3. “Laban lang kaya yan,” sabi ni G. Edgar Custodio, ang coach at guro ng mga Freshmen.

Nakaupo ang mga Sophomores sa sahig nang si Calimlim ay patuloy na tumira ng net cord spikes na nagpaangat sa kanyang pangkat, 11-2. Si Freshmen Cedric Verzo ay gumawa ng serve ace na tumapat sa linya at dumagdag ng isang puntos, sa kanilang iskor, 11-3. Si Golden Sophomore Nyxson Lara ay nagbigay ng final show sa masa nang tinapos nya ang laban sakanyang apat na service aces at napunta sa pagkapanalo ng Golden Sophomores, 15-3.

Malalakas na sigaw ang narinig nang magbigay si Calimlim ng heavy opening salvo gamit ang kanyang powerful service aces kung saan iniangat nya ang kanyang pangkat kasama ang tulong ng kagila-gilalas na drop balls ni Sta. Clara, 7-1. Ang Freshmen na si Jojit Rendon ay nagkaroon ng service error nang gumawa sya ng underhand serve, si Symund Cortez naman ng Golden Sophomores ay nagbigay ng sunod-

PALUIN MO! Buong galing na naglalaro si MVP Timothy Calimlim ng Golden Sophomores. Kuha ni: Paolo Antonio B. Cootauco

Piling Consolites, lumahok sa Basketball 3x3 ni: Paolo Antonio B. Cootauco

Nakilahok sa unang pagkakataon ang ilang magaaral ng La Consolacion College of Daet (LCC-D) sa taunang 3x3 Basketball na ginanap sa Sorsogon Sports Complex noong ika-22 hanggang ika-23 ng Setyembre. Ang 3x3 ay isang patimpalak ng paglalaro ng basketbol kung saan may tatlong kalahok sa isang kukunan sa isang laro Kabilang sa mga manlalarong Consolite na sumali ay sina Thomas Jefferson Fabricante (Grade 8- Courage), Joshua Dela Paz (Grade 8-

Fortitude), Harry Aquino (Grade 9- Charity), James Maderazo (Grade 9- Charity), Dan Kenji Salas (Grade 9Charity), Catric Josh Avellana (Grade 9– Truth), at Mark Belleza (Grade 9-Truth) bilang kalahok sa Mens Category Samantala, tanging si Althea Bajaro Mitra (Grade 9Charity), isa sa mga lumahok sa Girls Division, ang umabot sa semi-finals round ng nasabing kompetisyon.


Vol. XXIII Issue. 1

ANG OPISYAL NA PAMPAARALANG PAHAYAGAN NG LA CONSOLACION COLLEGE OF DAET, INC.

MAGBUHAT AY DI BIRO. Nasungkit ni Hidilyn Diaz ang unang Gold Medal ng Pilipinas para sa Weightlifting (Women’s) sa 18th Asian Games.

Nagtapos ang Pilipinas sa ika-19 na puwesto sa katatapos 18th Asian Games na ginanap sa mga siyudad ng Jakarta at Palembang sa Indonesia noong Agosto 18 hanggang Setyembre 2.

sa Golf (Women’s individual).

Sumunod naman si Margielyn Didal na nagkamit rin ng gold medal sa Roller Sports (Women’s Street Skateboard) noong Agosto 29.

Nagkamit ang Pilipinas ng 21 medalya: 4 Gold, 2 Silver, at 15 Bronze.

Nagtamo naman si Kiyome Watanabe ng silver medal sa Judo (Women’s) noong Agosto 29.

Naunang nasungkit ni Hidilyn Diaz ang gold medal matapos na lumahok sa Weightlifting (Women) noong Agosto 21.

Nagkamit rin si Rogen Ladon ng silver medal sa Boxing (Men’s Flyweight) noong Setyembre 1.

Nakuha naman nina Yuka Saso, Bianca Pagdanganan, at Lois Kaye Go ang gold medal sa Golf (Women’s team) noong Agosto 26 at si Saso ay nakakuha muli ng gold

Nasungkit naman ng grupo nina Dustin Mella, Jeordan Dominguez at Rodolfo Reyes ang bronze medal sa Taekwondo (Men’s Team Poomsae) at ng pangkat nina Janna Oliva, Juvenile Crisosto-

Grade 12, pinaluhod ang Grade 11 sa Basketball Championships ni: Neil Johnson C. De Guzman

Matagumpay ngang napaluhod ng Grade 12 ang Grade 11 matapos nilang talunin sa championship game ng basketbol noong Setyembre 5, 2018 sa LCC-D quadrangle. Itinanghal bilang Most valuable Player (MVP) si Rex Tabornal na nagpakita ng mabibilis na opensa at malalakas na rebounds. Sa unang yugto palang ng laro ay ipinamalas na ng Grade 12 ang kanilang liksi sa court at nagpakita ng sunodsunod na basket. 10-0 Sa hindi pu-

kabilang banda, mayag ang Grade 11 at pilit

nilang bumangon sa katambakan, 11-19 Matagumpay naman nakuha ng Grade 11 ang kalamangan sa ikalawang yugto sa pagpapamalas ng mga 3-point shots ni John Robert San Juan, 36-35. Mahigpit na depensa at mahihirap na salaksak ang pinamalas ng bawat koponan subalit matagumpay pa rin nakuha ng Grade 12 ang kalamangan. 51-50 Sa huling yugto ng laro ay dito na tuluyang nilampaso ng Grade 12 ang Grade 11 sa kanilang mga mabibilis ng fastbreaks points at steals, nagtapos ang laro sa iskor na 74-67.

S.Y. 2018– 2019

ni: Timothy Job Albert F. Calimlim

mo, at Rina Babanto ay nagkamit rin ng bronze sa Taekwondo (Women’s Team Poomsae) noong Agosto 19.

Nagkamit naman si Daniel Caluag ng bronze medal sa Cycling (Men’s BMX race) noong Agosto 25.

Nakakuha naman ng bronze medal si Almohaidib Abad sa Pencak silat (Men’s individual) noong Agosto 29.

Nakuha rin ni Agatha Chrystenzen Wong ang bronze medal sa Wushu (Women’s Tajiquan) noong Agosto 20.

Kapwa bronze medal naman ang nakuha nina Jefferson Rhey Loon para sa Men’s class D at Dines Dumaan para sa Men’s class B sa isports na Pencak silat habang si Bianca Pagdanganan ay nagkamit ng bronze sa Golf (Women’s individual) noong Agosto 26.

Samantala nasungkit nina Carlo Paalam para sa Men’s light flyweight at Eumir Felix para sa Men’s middleweight sa boxing noong Agosto 31.

Nagtamo naman si Pauline Louise Lopez ng bronze medal sa Taekwondo (Women’s 57 kg) noong Agosto 21. Nakamit naman ni Divine Wally ang bronze medal sa Wushu (Women’s sanda) noong Agosto 22. Nakuha rin ni Margarita Gomez ang bronze medal sa Jiu Jitsu (Women’s newaza) noong Agosto 24.

Nasungkit naman ni Cherry May Regalado ang bronze medal sa Pencak silat sa (Women’s individual) habang si Junna Tsuki ay nagkamit ng bronze medal sa Karate (Women’s kumite 50kg) noong Agosto 27.

Sa kabilang banda ay nauwi ng China ang kampeonato na may 289 na medalya na sinundan ng Japan na nagtala ng 205 na medalya habang pumangatlo ang South Korea na may 177 na medalya. Opisyal na nagtapos ang Asian Games noong Setyembre 2 sa Gelora Bung Karno Main Stadium sa Jakarta, Indonesia.

Gilas Pilipinas at Australia Boomers, nagkarambulan sa FIBA Asian World Cup ni: Timothy Job Albert F. Calimlim

Nagkaroon ng alitan ang mga koponan ng Gilas Pilipinas at Australian Boomers habang naglalaro para sa 2019 International Basketball Federation (FIBA) Basketball World Cup Asian qualifiers sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan noong Lunes, Hunyo 25, 2018. Nagmula ang kaguluhan sa bungguan sa pagitan ng guard ng Gilas Pilipinas na si Roger Pogoy at Australian na si Chris Goulding. Unang natumba Goulding sa sahig dahil sa isang foul mula kay Pogoy kung kaya’t siniko naman ito ng Australyanong si Daniel Kickert. Kaagad namang tinulungan si Pogoy ng kanyang teammates na sina Andray Blatche at Jayson Castro.

si

Lalong uminit ang labanan at naubos ang mga manlalaro sa parehong panig matapos sumali ang mga ito sa kaguluhan. Samantala ang South Sudan- Australian player na si Thon Maker ay Nakita rinh sinisipa si Blatche habang sinuntok naman ni Terence Romeo ang ulo ni Maker kaya sinubukan nitong sipain si Romeo ngunit agad naman itong naiwasan. Matapos suriin ang bidyo ng away ng dalawang kampo ay napagdesisyunan ng mga opis-

yales na tanggalin at idiskwalipika ang 13 manlalaro. Kabilang dito ang sumusunod mula Australia: Thon Maker, Chris Goulding, Nathan Sobey at Daniel Kickert at siyam na manlalaro mula sa Pilipinas: Terrence Romeo, Jayson Castro, Carl Bryan Cruz, Calvin Abueva, Andaray Blatche, Roger Pogoy, Troy Rosario, Japeth Aguilar at Matthew Wright. Nang ipinagpatuloy ang laro ay tatlong manlalaro na lamang na natira sa Gilas na sina June Mar Fajardo, Gabe Norwood at Baser Amer ngunit di nagtagal ay na-foul din sina Norwood at Fajardo kung kaya’t si Amer na lamang ang natira para sa Pilipinas. Kontra Australia, napilitang tapusin ng mga opisyal ang laro sa dahilang ito, 89-53.

LABAN LANG! Mga mag-aaral ng ika—11 at ika-12 baitang para sa PIKON, TALO. Nagkarambulan ang mga basketbolistang mula Gilas Pilipinas at Australia Boomers sa FIBA Championship Game ng Basketball. Kuha ni: Emille Lyna A. Panotes Asian World Cup noong ika-25 ng 2018 sa Philippine Arena, Bocaue, Bulacan.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.