Blossom -lady morgana-
Dahil sa trahedyang nangyari sa buhay ni Katrina ay natuto siyang tumayo sa sariling paa. Naging mahirap para sa kanya ang tanggapin ang lahat ngunit unti-unting nagbago ito ng dumating sa buhay niya si Jonas. Ano ang mangyayari kung ang pinakatatagong lihim ay mabunyang at isampal sa harap nila? Makayanan kaya ang magpatawad? O isakripisyo ang pagmamahalan?
Chapter One “Ate Katrina bilis baka ma-late ka na naman!”malakas na sigaw ni Ara kay Katrina. “Oo saglit na lang.” Sa totoo lang sanay na siyang laging na li-late sa pagpasok. Lagi kasi siyang maraming ginagawa. Sa edad na labing anim ay malaking bulas na siya. Marami ngang nagsasabing kamukha niya raw ang kangyang ina. May pagkakulay asul ang kanyang mga mata at mahahaba ang pilik-mata. Katamtaman lang ang kulay ng kanyang balat. Sa taas na 5’5” ay masasabing pangbato din siya bilang Mutya ng bayan ng San Carlos. Ngunit dahil sa isang trahedyang nangyari sa buhay niya ay nawalan na siya ng panahon para isipin pa ang mga bagay na iyon. Sampung taong gulang pa lang siya ng mamatay ang mga magulang niya pati ang kanyang bunsong kapatid sa isang vehicular accident. Hindi niya inaasahang makakasurvive siya sa insidenteng iyon. Galing sila sa isang kamag-anak sa Maynila dahil sa isang pagtitipon. Gabi na sila nakauwi. Medyo madilim ang daanan pauwi at madulas ang kalsada dahil sa malakas na buhos ng ulan. Isang rumaragasang sasakyan ang nagpagimbal sa kanila. Dahil sa pag-iwas ng kanyang ama sa sasakyan ay sumalpok ang sinasakyan nila sa gilid ng burol. Kitang-kita niya kung pano iniharang ng kanyang ina ang katawan nito sa kanila ni Luis, ang kanyang bunsong kapatid. Nakita niyang may tumutulong sa kanila. Isang babae. Nakita niya pa ang mukha nito bago siya nawalan ng malay. Nang magkamalay siya ay nakita niyang nasa ospital siya. Nalaman niyang isang linggo pala siyang walang malay. Ibinalita sa kanya ni Aling Sol ang kagimbalgimbal na nangyari sa pamilya niya. Halos madurog ang puso niya sa nalaman. Iniwan na siya ng mga magulang sa mundo. At si Luis binawian ito ng buhay habang inooperahan.. Hindi nito kinaya ang operasyon nito sa mata dahil sa mga bubog na nakamit nito sa aksidente. At siya,
napinsala ang kanyang mga paa ngunit sinabi ng Doktor na makakalakad din siya pagkalipas ng ilang buwan. Galit na galit siya sa taong naging dahilan ng nangyari sa kanila. Nagpatulong siya kay Aling Sol para hanapin ang taong naging dahilan ng pagkasira ng buhay niya. Balak niya itong siningin sa paraang alam niya. Ngunit nabigo siya. Walang makapgsabi kung saan makikita ang may-ari ng sasakyan. Dahil siguro sa takot na makulong ay nagtago na ito. Wala siyang nagawa kaya sa murang edad ay natuto syang tumayo sa sariling paa. Mahirap sa isang katulad niya ang mamuhay ng mag-isa at walang kaalam-alam sa negosyo. Kaya pumayag siya sa suhestiyon ng kanyang Uncle Fred, kapatid ng Daddy niya na pamahalaan muna nito ang negosyong naiwan ng mga mgulang. Nagtiwala naman sya agad dito ngunit nagkamali siya. Niloko lang pala siya nito. Dahil bata pa ay wla syang nagawa kundi ang umiyak. Tanging ang dating katiwala nila ang naiwang sumaklolo sa kanya. Si Aling Sol, at ang anak nitong Ara. Ngayon ay nasa ikatlong taon na siya ng Hayskul. Isa siya sa mga mapalad na nagkaroon ng iskolarship ng kanilang bayan. Hindi lingid sa mga tao ang nangyari sa buhay niya. Alam niyang kinaiinggitan siya noong bata pa siya dahil sa pagiging spoiled niya sa mga magulang. Ngunit ngayon dahil sa nangyari sa kanya puro awa ang natatanggap niya sa mga ito. Ayaw niya ng kinakaawaan. Kaya pinilit niya ang magpakatatag. Kung noon lahat ng bagay na gusto niya, nakukuha niya ngayon ay bihira na siyang makabili ng gamit niya. Kailangan niyang mag-ipon para sa kinabukasan niya. Ayaw niyang umasa sa iba. Kaya hindi siya makapaniwala na iiwan siya agad ng mga ito. Ang tanging alaalang iniwan ng mga ito sa kanya ay ang malaking bahay at wala siyang balak umalis dun. Dali dali syang bumaba ng hagdan. “Kumain ka muna bago ka pumasok Katrina”. Wika ni aling Sol. “Opo.”aniya. Mabait sa kanya si Aling Sol, kahit alam nitong wala siyang maipapasweldo dito ay hindi pa rin siya iniwan. Ang sabi nito ay malaki daw ang utang na loob
nito sa mga magulang niya kaya ang tanging maitutulong nito ay huwag siyang iwanang magisa. “Nga pala nabalitaan mo na bang dumating daw ang apo ng mga Alcantara?”tanong nito “Hindi pa po eh.” Pabaliwalang sagot niya dito. Wala siyang interes kilalanin ang apo ng mga Alcantara. Sa dami ng ginagawa niya ayaw na niyang magdagdag pa. Hindi pa niya nakita ang kaisa-isang apo ng mga ito. Basta ang alam niya sa Maynila nakabase ang naging pamilya ng nag-iisang tagapagmana ng mga Alcantara. “Mauuna na po ako Aling Sol, late na po akong masyado.”paalam niya dito. “Sige, mag-iingat ka.” “Opo” aniya at nagmamadali na siyang umalis ng bahay.
Chapter Two “Miss Legarda!, late ka na naman!” inis na wika ni Mrs. Sarmiento. Sa lahat yata ng naging teacher niya ito lang ang masungit sa kanya. Alam niyang lagi siyang huli sa klase nito pero lagi naman siyang active sa recitation at nangunguna pa sa mga test nila. Dahil sa pagkapahiya, napayuko na lang siya. Pinagtawanan pa siya ng mga kaklase niya. “ I’m sorry po ma’am.” Hinging paumanhin niya. “ Hindi na po mauulit”. Nakita niyang may kasama itong isang lalaki. Nagblush pa siya ng makitang nginitian siya nito. Hindi siya pamilyar sa mukha nito. Ngayon niya lang ito nakita. “Ok sit down. Siya nga pala class this is Jonas Santillan, your new classmate.” Pakilala ng teacher nila dito. “Okay Jonas, you can sit now. Hope you enjoy being in my class.”
“Yes ma’am.” wika nito. At nagmamadaling pumunta sasa tabi niya. Dahil wala ng ibang upuang bakante ay tumabi ito sa kanya. Nailang naman siya dito. Kaya itinuon na lang ang pansin sa hawak na libro. May pagsusulit sila bago matapos ang subject nila kay Ma’am Sarmiento kaya dapat siyang magreview. Halatang kilig na kilig ang mga kaklase niyang babae dahil kay Jonas. Maputi ito at mukhang mayaman. May dimple din ito sa magkabilang pisngi. Paminsan minsan ay sinusulyapan niya ito. Masyadong friendly at carefree ito na para bang walang problema. Active din ito lalo na sa recitation. Gwapo din ito at matangkad, na sa tingin niya ay aabot sa 5’6” at higit sa lahat malakas ang sex appeal nito. Mabilis lumipas ang oras. Hindi niya namalayang tapos na ang huling subject nila. Mabilis niyang iniligpit ang mga gamit at lumabas ng classroom. “Hindi n’yo ba siya kasabay umuwi?” tanong ni Jonas sa bagong kaibigang si Mae. Ang tinutukoy niya ay ang kaklase nilang napagalitan ng teacher nila kanina. Napag-alaman niya na Katrina Legarda ang pangalan nito. Hindi ito palangiti. Kahit na katabi niya ito ng upuan ay hindi man lang siya nito sinusulyapan. Hindi naman siya pangit. Halos lahat ng mga kaklase niya ay kinakausap siya. Ito lang ang bukod tanging umisnob sa kanya. Nagtaka tuloy siya. “Sino si Katrina?” gulat na tanong nito sabay tawa. “Bakit type mo?” Nagkibit balikat lang siya. Magaling at matalino ito. Amused siya dito. Kanina nahuli niya itong naghikab at napayukyok sa mesa nito pero maya-maya ay tinapik nito ang pisngi. Napangiti siya ng mapagmasdan ito. Maganda ito. Kahit simple lang kung manamit. Hindi niya masabing mahinhin ito dahil maliksi itong kumilos. Parang kahit isang segudo dito ay mahalaga.
“Pa’no ba yan Roger hindi lang pala ikaw ang may crush kay Katrina?” buska ni Mae dito. Nakita niyang mapasimangot si Roger. Nalaman niyang nanliligaw ito sa dalaga. Pero hindi naman daw ito pinapansin ng huli. Wala daw itong panahon sa pakikipagmabutihan. “Pwede ba Mae wag mo kong inisin.”nakasimangot pa ring sabi nito. Ewan niya pero parang nadisappoint siya sa nalaman. Masyado raw itong aloof at tahimik. Bihira lang daw itong mamansin at ngumiti. “Ganun ba?” tipid na sabi niya sa mga ito. Nanghihinayang siya dahil mukhang mabait naman ito kahit medyo tahimik at ilag ito sa lahat ng nakakasalamuha nito. Sayang at maganda pa naman ito. First time in his life na nakakita siya ng tao na parang anghel ang mukha. Mukhang napakamisteryoso ng pagkatao nito. At yun ang tutuklasin niya. Hindi siya titigil hanggat hindi siya nito pinapansin. May nabuo na siyang plano sa isip habang naglalakad papunta sa nakaparadang motorsiklo. Regalo sa kanya ng daddy niya ang motorsiklo noong kaarawan niya. Mahalaga sa kanya ang motorsiklong iyon kaya wala pa siyang ibang pinapasakay doon kahit mga barkada niya sa Maynila. Si Katrina naman pagdating na pagdating pa lang sa bahay ay inatupag na agad ang paglilinis ng hardin. Ilang araw na niyang hindi nalilinis iyon. Ayaw naman niyang si Aling Sol pa ang maglinis duon dahil marami na itong inaasikaso. Hilig nito ang pagtatahi. Marami na rin itong mga customer na nagpapatahi dito lalo na ang kurtina at mga punda ng unan. Kaya hindi na niya ito inuobliga pa sa ibang bahay. Nahihiya na rin siya dito. Nakita niyang namumulaklak na naman ang mga pananim niya. Tuwang tuwa siya kapag nangyayari yun. Ang ibig sabihin ay malaki na naman ang kikitain nya sa pagbibinta ng mga bulaklak. Ang kinikita niya ay itinatabi niya para sa pagkokolehiyo niya. Kung tutuusin ay may pera naman siya. Ang trust fund na iniwan sa kanya ng mga magulang. Pero ayaw niyang gastusin ito. Saka na lang kapag
nagkaroon ng emergency at kailangan niya ng pera. Iniisip nya rin na kakailanginin niya ang malaking pera para mabawi ang kompanya ng mga magulang. Hindi siya papayag na tuluyan itong mawala sa kanya.
Chapter Three “Hi!” bati ni Jonas kay Katrina isang araw na wala silang teacher sa isang subject. Simula ng unang araw nito sa school nila ay ngayon lang ito lumapit sa kanya. Abot hanggang tainga ang ngiti nito. “Huh?” gulat na saad niya. “Mind if I join you?. Wala kasi akong magawa eh.” Aniya sabay ngiti. “Bakit?” mataray na sabi niya dito. Pero sa totoo lang ay parang tinatambol ang dibdib niya sa kaba. Ayaw niyang magkaroon ng ugnayan kahit kanino lalo na dito. Natatakot siya. Mukha namang napahiya ito kaya nakonsensiya siya. “May kailangan ka ba?” “Makikipagkaibigan lang sana ako sa’yo eh.” Nahihiyang sambit nito. “Bakit gusto mong makipagkaibigan sakin?”tanong ulit niya ditto. “Bakit? Masama bang makipagkaibigan sa’yo?” ganting tanong nito. “Ayokong isipin na totoo lahat ng sinasabi nila tungkol sa’yo. Aloof, snobbish, at may sarili kang mundo. So I want to get to know you better.” Mahabang paliwanag nito na hindi inaalis ang paningin sa kanya. Napabuntong-hininga siya sabay ngiti.
“So pinagtsitsismisan nyo na pala ko?” amused na tanong nya dito. Naiinis siya kapag masyado ng nauungkat ang pagkatao niya. Pero hindi niya alam kung bakit di niya magawang mainis dito. “Kaya nga gusto kitang makilala. For a change, why not prove to them that you’re not what they think you are?”mahinahon pa ring sabi nito. “Well kung gusto mo kung maging kaibigan ok lang. Pero don’t ask anything about myself. I’m a private person.” Nakangiti ng sabi niya dito. “Hmm, fair enough. Nga pala pahiram naman ako ng notebook mo sa English, about the assignment.” nakakamot sa ulong wika nito. “Now I know kung bakit gusto mo akong maging kaibigan. Galing mong pumili.”sabay pa silang natawa sa sinabi niya. Doon na nagsimula ang pagiging magkaibigan nila. Mabait ito at maasikaso. Kaya hindi niya napigilan ang sariling humanga dito. Pero alam niyang imposibleng magkagusto ito sa kanya. Bukod sa maraming nagkakagusto dito ay wala siyang pamana sa nail-link dito na si Angelica Jimenes. Ang muse ng kanilang school. May mga bulung-bulungan na nagdi-date daw ang dalawa. Kung gugustuhin niya ay agad niyang malalaman kung totoo ang mga tsismis na iyon, kay Jonas mismo kaso natatakot siyang malaman ang sagot nito. Lalo na at sa simula pa lang sinabi niya ditong ayaw niyang inuungkat ang mga personal nilang buhay. Ngayon nga ay late na naman siya sa subject ulit ni Gng. Sarmiento, buti na lang at hindi ito nagkomento. Nakita niyang may hawak itong mga papel, o mas tamang sabihin na ang mga test paper nilang sinagutan noong nakaraang araw. “Buti na lang kahit lagi kang nali-late ay palagi ka pa din nakakakuha ng mataas na score Katrina.” Sabi ng teacher nila, nakangiti ito particular sa kanya. “Keep up the good work”
sabi pa nito habang inaabot sa kanya ang papel. Nakita niyang kinindatan siya ni Jonas. At inagaw ang papel niya ng nakatalikod na si Gng. Sarmiento. “Hmm. Not bad.” Yun lang at inabot na sa kanya ang papel. Napasimangot siya ng makita ang score niya. Perpect score! Sunod not bad lang ang sinabi nito. Hinablot niya rin ang papel nito. Nakita niyang may lima itong mali. Napangiwi siya. “Not bad either.” komento niya sabay abot ditto ng papel. Nakita niya itong nakangisi kaya pinandilatan niya ito. Maya maya ay itinuon na nila parehas ang paningin sa black board. Pero kahit ganun ay nakikita niya sa sulok ng mga mata niya ang kapilyuhan nito. May inabot itong sulat sa kanya. Sabay tayong maglunch sa labas. Hindi ako kumain ng almusal sa bahay. (+_+) Mr. Pogi Ayon sa sulat nito. Napasulyap siya dito. “San ba tayo kakain?” tanong niya dito habang nakaangkas sa motorsiklo nito. Napayakap siya dito ng binilisan nito ang pagpapatakbo. Hindi niya napansin ang pagngisi nito. Mukhang enjoy na enjoy ito samantalang siya ay nakakaramdam ng pagkailang. Dinala siya nito sa kabilang bayan. Maganang-magana ito sa pagkain. Halatang gutom talaga ito.Napasulyap siya sa kabilang mesa. Nakita niyang masayang kumakain ang isang buong pamilya. Nakikipagbiruan pa ang tatay sa anak nitong nakakalong dito. Habang kumakain si Jonas ay napansin niyang nakatingin sa kanya si Kate. Nakangiti siyang nag-angat ng mukha dito ngunit biglang nawala dahil napansin niyang lagpas sa kanya ang tingin nito. Hindi niya mabasa ang tinging ipinukol nito sa likod niya. Lumingon siya at nakita niya ang isang mag-anak na masayang nagbibiruan. At bigla siyang napalingon ulit kay Kate. Malungkot na ang mukha nito. Nalaman na niya ang nangyaring aksidente dito at ang
pagkawala ng mga magulang nito at bunsong kapatid. Ngunit hindi naman niya masabi dito ang nalalaman niya. Alam niyang hindi nito gugustuhin mag-usapan ang bagay na yun. “Tapos ka na bang kumain?” untag niya dito. Halatang nagulat ito ng magsalita siya. “Oo, tapos na. I- ikaw?” balik-tanong nito. At tiningnan ang plato niya. Halos kalahati pa ang laman nito. “Tapos na. Tara?” yaya niya dito. Hindi niya gugustuhing masira ang araw ito dahil sa nakita. Dinala niya ito doon para i-treat dahil sa mataas na score na nakuha nito sa pagsusulit. “Sige.” tipid na sagot nito at nauna ng lumabas ng restaurant.
Chapter Four “O Katrina maaga ka atang aalis ngayon?” Tanong ni Aling Sol sa kanya. Tuwing araw ng sabado ay nakagawian na niya ang pumunta sa Mansion ng mga Alcantara. Ngunit nitong mga nakaraang linggo ay marami siyang inasikasong project kaya ngayon lang ulit siya makakadalaw sa mansion. Tinapos niya rin ang paglilinis ng hardin. Magsisimula na naming tumubo ang mga bagong tanim niyang mga halaman. Dati ay linggo-linggo siyang pumupunta sa malaking bahay para personal na ayusin ang mga bulaklak na idinidisplay sa iba’t-ibang bahagi ng mansion. Mabait sa kanya ang mag-asawa. Ang mga ito ang sumusuporta sa pagaaral niya.. Sina Don Carlos at Donya Agatha. Palibhasa’y malayo sa kanila ang nag iisang anak ng mga ito. Dahil nakapag-asawa ito ng taga Maynila kaya minabuti ng manirahan sa siyudad. Hindi pa niya nakikita ng personal ang anak ng mga ito pero nabalitaan niya na kasing edad lamang ito ng
kanyang mama. Tulad ng nakagawian, isang maong na short na lamang at blouse ang isinuot niya. Mas kumportable siya lalo na’t gagamit siya ng bisikleta. “Opo, mauuna na po muna ako sa inyo.” Paalam niya pagkatapos ay nagmamadaling lumabas ng bahay. May pagtitipon mamayang gabi sa mansion kaya kailangan niyang mamitas ng mga bulaklak sa farm ng mga ito at ayusin na rin para sa gaganaping pagtitipon. Pagdating sa mansion ay nagtuloy na siya sa kusina tulad ng nakagawian na niya. Nakita niya ang mga tao na masyadong abala sa paghahanda ng mga pagkain kaya dumiretso na siya sa likod kung saan makikita ang malawak na farm. Ito ang pinakapaborito niyang lugar sa lahat. Presko ang hangin at punung puno ng iba’t ibang bulaklak, pumitas siya ng isa upang inilagay niya sa kanang tainga at nagpatuloy na sa pamimitas. Tuwang-tuwa siya sa ginagawa. Siya ang nagpalago ng mga bulaklak na naroon. Mga bulaklak na galing sa bahay nila. Talagang mahilig siya sa mga bulaklak. Inihahalintulad niya ito sa buhay niya. Na habang lumalaki at namumukadkad ay nagiging maganda at matatag. Tinanggal na rin niya ang mga tuyong dahon na nakakalat sa paligid ng mga ito. “Hey, beautiful!” tinig mula sa likod na muntik na niyang ikasubsob sa mga orchids na pinipitas dahil sa pagkagulat. “Whoa! Take it easy” maagap na alalay ni Jonas sa kanya. “Ano ba? Bat ka ba nanggugulat.” Inis na saad niya dito. Muntik na siyang masubsob. Nakakahiya. “Ba’t ka ba nandito?” pagtataray niya ulit. Nakita niyang nakangisi ito kaya pinandilatan niya ito at akmang magwa-walk out. Pinigilan naman siya nito. “Kala ko kung sinong kapreng naligaw dito sa farm. Ba’t nandito ka? Ang layo ng lugar na ‘to sa inyo ah. Naliligaw ka ba?” pang-aasar pa nito.
Napasimangot naman siya sa sinabi nito. “Kapre pala ah! Ba’t nakikipag-usap ka sa kapre?” nakaingos na wika niya dito. Napansin niyang pumitas ito ng isang rose at iniabot sa kanya. “Ano ‘to?” takang tanong niya. “Bulaklak, ano ba sa tingin mo?. Pamimilosopo nito. Pinakatitigan niya itong mabuti. Maya-maya ay tinanggap niya rin ang bulaklak. Napansin niyang basa ang buhok nito. Parang bagong paligo at may dala itong isang bag na nakasabit sa likod nito. Mas gumwapo ito sa paningin niya. Preskong presko at namumula ang mga labi. Nang magtama ang paningin nila ay bigla siyang umiwas ng tingin at inabala ang sarili sa mga napitas na mga bulaklak. “Hindi ata kita napansing dumating dito?” tanong niya dito. Nagkibit-balikat naman ito. “Pupunta ka sa mansion?” takang tanong nito. “Oo. May pagtitipon mamaya sa mansion kaya kailangan ayusin ko ang arrangement ng bulaklak. Sige aalis na ko kailangan ko pang ayusin ang mga ‘to.” Aniya akmang tatalikod na dito. “Wait!” sabi at kinuha sa kanya ang basket na puno ng mga bulaklak. “Let’s go!” yaya nito sabay hawak sa kamay niya. Ang lagay para silang magkasintahan kung pagmamasdan. Kinikilig siya sa ginawa nito. “San ka ba galing?” tanong niya dito. “Sa batis, malapit lang dito sa farm.” Sagot nito. “Buti nakakapasok ka dito. Private ang lugar na ‘to.”nagtatakang saad niya dito.
Tiningnan naman siya nito na para bang may binabasa sa mga mata niya. Napangiti ito. Pinisil nito ang ilong niya. Napangiwi ito ng makitang namula ang ilong niya. “Itong poging ‘to, mapapagkamalan nilang magnanakaw?” pagmamayabang nito. “Hindi ka rin mayabang no!” nakangiti niyang tudyo dito. Pero alam niyang totoo naman ang sinasabi nito.
Chapter Five “Saglit, bawal kang pumunta sa loob. Baka may makakita sa’yo marami pa namang tao ngayon dyan.” Nagaalalang sabi niya dito ng makarating sila ng mansion at kinuha na niya ang basket. Pero hindi naman ibinigay sa kanya. Nagtatakang tiningnan niya ito. “Ok lang, dadalhin ko lang ‘to sa kusina at lalabas na lang ulit ako.” Aniya at nauna ng pumasok sa loob. “Maraming aso sa loob. Baka mapahamak ka pa.” nag-aalalang wika niya dito. “Bakit? Hahayaan mo ba naman akong mapahamak?” nakangiting saad nito. Napailing na lang siya. Hindi niyang nanaising mapahamak ito sa mga aso ni Mang Robert. Direderitso itong pumasok hanggang sa kusina. Parang kabisado rin nito ang pasikutsikot ng mansion. Nakita niyang may ibinubulong ito kay Aling Marta, ang mayordoma ng mansion at ng makita siya ay dumistansya na ito doon. Maya maya ay binalingan siya nito at hinawakan na naman siya nito sa kamay. “Tara, ipinagpaalam na kita.” yakag nito sa kanya Mukhang napapadalas ata sa paghawak ng kamay niya ang kumag.
“Teka may gagawin pa ko dito. Aayusin ko pa ‘tong mga bulaklak para mamaya.” Tanggi niya dito. “Ipinagpaalam na nga kita eh. Sila ng bahala sa mga yan. Malakas ako kay Aling Marta kaya tara na.”naiinip na sabi nito sabay hila sa kanya. Naguguluhan ma’y sumunod na lang siya dito. Bakit kilala nito si Aling Marta? Mukhang naliligaw din si Jonas sa mansion. Napangiti siya sa naisip. Iniangkas siya nito sa motor nito na ngayon lang niya napansin na nakaparada sa ilalim ng puno sa gilid ng mansion. “Hey, kumapit kang mabuti baka mahulog ka” aniya at binilisan pa nito ang pagpapatakbo ng motorsiklo. Nahihiya man ay humawak siya ng mahigpit sa bewang nito. Masarap sa pakiramdam ang hanging humahaplos sa pisngi niya. Para siya idinuduyan sa alapaap ng mga oras na yun. Amoy na amoy niya ang pabango nito na lalong nagpapabaliw sa kanya. Kung pwede nga lang niyang bigyang laya ang nararamdaman. Pero natatakot siya. Marami pa siyang gustong gawin sa buhay niya at hindi kasama dun ang umuusbong na pagtatangi niya para sa lalaki. Magiging komplikado lamang ang lahat at ayaw niya magulo pati isip at puso niya. Pero ano bang pinagsasasabi niya? Matagal na nitong ginulo ang buhay niya. Simula ng dumating ito sa bayan nila. At hanggang ngaun umaasa siyang puputulin ang anumang nararamdaman para dito. Paano? Kung ganitong ito na mismo ang sumusulpot sa buhay niya. Naramdaman niyang huminto ang sinasakyan nilang motorsiklo at namangha siya sa nakita. Nasa pinakatuktok sila ng burol. Hindi niya alam kung pa’no nito naiakyat ang sinasakyan nila. Tatanungin niya sana ito ng di sinasadyang napatingin siya sa dinaan nila. May sementadong daanan doon! Ngayon niya lang nakita ang bahaging iyon ng burol. Iniikot niya ang paningin sa paligid. Kitang kita niya ang kabuuan ng kanilang lugar. “Like it?” nakangiting tanong nito.
“Yup. This is the first time na nakita ko ang kabuuan ng San Carlos.”wika niya. Masyadong mahangin sa lugar na yun kaya halos liparin ang mahabang buhok niya. Nagulat pa siya ng haplusin nito ang buhok niya. Titig na titig ito sa kanya sabay napangiti. Nasa tainga pa rin pala niya ang bulaklak na inilagay niya kanina. Nakalimutan na niyang alisin. Pulang pula ang pisnging umiwas siya dito. Hinawakan nito ang baba niya at tumingin sa mga mata niya. “Know what? Kaw lang ang babaeng nakikita kung namumula agad ang pisngi sa lahat ng bagay. You’re so beautiful Kate. I can’t get my eyes off you. But you’re too mysterious. Ayaw mong makapasok ang kahit na sino sa buhay mo.Why Kate?”madamdaming saad nito. Hindi niya alam kung guni-guni lang niya ang nakikitang kalungkutan sa mga mata nito. Nasanay na siyang tinatawag nitong Kate. Para daw unique. Alam nitong ito lang ang tumatawag sa kanya ng ganung palayaw. Nginitian niya ito ng mapait sabay tingin sa paligid. “Ayoko ng komplikasyon. Marami akong gustong gawin at gusto kong malaya akong gawin ang kahit ano. Hindi ako ordinaryong tao lang Jonas. Marami akong responsibilidad sa sarili ko.”malungkot sa sabi niya dito. “Wala naman akong sinabing mawawala yun sa’yo. All im asking is for you to trust someone…”. Paliwanag nito. “Someone like you, ganun ba?” sarkastikong wika niya dito. “I don’t think so. Bakit ba nagtityaga kang makipagkaibigan sa’kin. Ang daming taong gustong kunin ang pansin mo pero ipinagpipilitan mo ang sarili mo sa’kin.” Pahayag niya dito. Hindi niya magawang salubungin ang mga titig nito. Nakikita niya ang pagtatampo sa mga titig nito. Ayaw niyang ibigay ang isang bagay na gusto nito sa kanya hanggat may isang bahagi ng buhay niya ay nag-uudyok ng pagkasuklam. Hindi pa siya handang kalimutan ang nakaraan. Hanggat hindi nagbabayad ang taong maysala.
Chapter Six “That’s impossible! Why Kate? Bakit ayaw mong makapasok ako sa buhay mo?” nakita niya ang hinanakit sa mukha nito. “Ang daming babae Jonas. Nandyan si Angelika, siya na lang ang pagtuunan mo ng pansin. Bagay kayong dalawa. Napakaganda niya. You’ll be proud of her, mabait, matalino, mayaman saka head over heals inlove sa’yo.”paliwanag niya kahit alam niyang deep inside her heart nasasaktan siya. “What are you talking about?” Nagtatakang tanong nito sabay napangiti. “Are you jealous?” Tudyo nito sa kanya. “Of course not!” tanggi niya. “Why should I?” “I don’t know. Sa tingin ko lang.”aniya sabay upo sa damuhan at dahan dahang humiga. Tumabi siya paupo dito. Tinitigan niyang mabuti ang mukha nito. Mukhang nakatulog na ito. Payapang payapa ang aura. This man is really something. Maybe she really love this man kaso ayaw niya lang aminin sa sarili niya dahil natatakot siyang masaktan. Dumako sa labi nito ang paningin niya. Ang sarap siguro nitong humalik. Manipis lang ang labi nito at mamula mula. How she wish maramdaman niya ang labi nito sa mga labi niya. Napangiti siya sa naisip. Labing anim na taong gulang pa lang siya pero kung anu-ano na ang naiisip niya. Dahil na rin siguro sa pagod ay humiga na rin siya paharap dito. Hinding hindi niya pagsasawaang titigan ang mukha nito. Ito ang pinakagwapong lalaking nakilala niya. Parehas lang sila ng edad pero matangkad ito at maganda ang pangangatawan. Hinaplos niya ang mukha nito. Nagulat pa siya ng biglang hawakan nito ang kamay niyang humahaplos sa pisngi nito. Pinilit niyang bawiin ito ngunit mahigpit ang pagkakahawak nito doon. Nagtama ang paningin nila. Biglang umangat ang
katawan nito para matitigan siyang mabuti then the next time she knew he was kissing her passionately. Napapikit siya habang ninamnam ang kakaibang kiliting bumabalot sa kanyang pagkatao. Ayaw niya pang matapos ang halik naramdaman na lang niyang tinutugon na niya rin ang mga halik nito habang unti-unting nailagay niya ang dalawang braso sa batok nito. Kung kanina iniisip pa lang niya kung ano ang pakiramdam ng hinahalikan nito ngayon ay alam na niya. It was the sweetest thing that ever happens to her. After the longest kiss they’d shared niyakap siya nito. Mahigpit na parang bang sa pamamagitan nito ay maipakita sa kanya ang nararamdaman nito. Hindi pa ito nakuntento hinalikan siya ulit nito. “I love you so much Kate. God knows how much I waited this thing to happen. Please give me a chance para makapasok sa puso mo. I… I tried to fight this feelings for you by dating other girl pero ikaw pa rin ang hinahanap ko. Ikaw ang mahal ko”. Pakiusap nito sa kanya. “I…I don’t know Jonas. Naguguluhan ako.” Wika niya at umiwas sa nakikiusap na mga mata nito. “Trust me sweety. I’ll take care of you. I promise” pangako nito. “Natatakot ako Jonas. Hindi ko kayang masaktan”umiiyak na pahayag niya dito. “Ssshh… Hinding-hindi kita sasaktan pangako.”alo nito at nagyakap sila tanda ng kanilang pagmamahalan. Marami pa silang pinag-usapan bago nila naisipang lisanin ang lugar na iyon. It was their secret place. Punung-puno sila ng mga pangako sa lugar na iyon. Na kahit anong mangyari ay magiging matatag silang pareho. At hindi bibitawan ang isa’t isa. Isinantabi muna niya ang problemang gumugulo sa isip niya. Hindi niya hahayaang masira ang araw niya dahil dun. Ito ang pinakamasayang araw para sa kanila dahil magkasintahan na sila ni Jonas. Hanggang sa
pagtulog ay dala niya ang alaala ng nangyari sa burol. Mahal siya ni Jonas at kahit anong mangyari ay hindi siya pababayaan nito. Panghahawakan niya ang mga pangakong ibinigay nito sa kanya.
Chapter Seven Lumipas ang mga araw mas lalong nagiging matibay ang relasyon nila. Halos kalat na sa kanilang paaralan ang kanilang relasyon dahil na rin kay Jonas. Masyadong malambing ito sa kanya kahit saang lugar nito magustuhan. Kung anu-ano ring regalo ang ibinibigay nito sa kanya. Kung minsan nga ay nadadatnan pa niya ito sa kanyang bahay at may dalang mga grocery para sa kanila nila Aling Sol. Tuwang tuwa dito ang mag-ina. Sana raw ay hindi ito magsawa sa mga ginagawa at sa pag-aalaga nito sa kanya. Maraming pagbabago siyang nagawa simula ng maging magkasintahan silang dalawa. Kung dati ay bihira lang siyang ngumiti, ngaun ay lagi nitong sinisiguro sa kanya na magiging masaya ang araw nila. Palabiro ito at mahilig magpakwela.
“Hi Mom, kailan ka dumating? Si daddy?” masiglang bati ni Jonas sa mommy niya sabay halik dito. First time siya nitong dinalaw sa mansion. Bigla niyang naalala si Kate. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nasasabi dito na apo siya ng mga Alcantara. Ang mga taong nagpapaaral dito. “Wala, naiwan sa Maynila. Alam mo naman yun masyadong workaholic. How was your stay here? Nage-enjoy ka ba dito?” Malambing na tanong nito sa kanya. “I’m fine mom. Good boy ako dito.”pagmamalaki niya.
“O nagkita na pala kayong mag-ina. Miss ka na daw ng mommy mo kaya kaysa hintayin kung kalian mo sila balak dalawin ay pinuntahan ka na lang dito.” singit ng Lola Agatha niya. Kung titingnan ang mommy niya at ang lola niya ay parang magkapatid lang ang mga ito. Naikwento sa kanya ng lola niya na labing walong taong gulang lamang ito ng ipagbuntis ang mommy niya kaya hindi nalalayo ang mga edad nito. He had a very happy family. And he was contented at all. Wala na siyang hahanapin pa sa mundo. A loving parent, grandparent and also a loving girlfriend. Napangiti siya sa huling naisip. Ano kaya ang ginagawa ni Kate sa mga oras na ‘to? I miss her already kahit kahapon lang sila naghiwalay. Pumunta sila sa burol at nagpicnic. “Apo, kanina ka pa tinatanong ng mommy mo.” putol ng lolo Carlos niya sa pagmumunimuni niya. Napapahiyang sumulyap siya sa mga ito sabay kamot ng ulo. “I’m sorry” hinging paumanhin niya sa mga ito. “What is it mom?” “I’m just asking kung may girlfriend ka na. Kaso sa nakikita ko sa’yo ngayon na parang nawawala ka sa sarili mo, I think meron nga.”aniya sabay tawa. “So, who’s the lucky girl?”nakangiting tanong nito sa kanya. Napangiti na rin siya. “Kate ang pangalan niya mom. Actually hindi ko pa siya naipapakilala kina lolo’t lola but I’ll do it one of this day. Six months na kami.”may pagmamalaki sa boses niya sa huling sinabi niya. “Really a lucky girl huh, pero son, don’t you think it is too early para magseryoso ka? You’re only sixteen.” Paliwanag nito. “I know mom, pero we know are limitations. She’s different. You’ll like her.”nakangiti pa ring wika niya sa mga ito. “Basta ang masasabi lang namin sa’yo apo, finish your studies first. We’re always here for you.”paalala ng lola niya.
“Yes lola, and thanks.” “And by the way iho, dalhin mo siya dito tomorrow before lunch para makilala naman namin siya.” Sabi naman ng lolo niya. “Yes lolo.” nakangiting sang-ayon niya.
“Sa’n ba tayo pupunta?” nagtatakang tanong ni Kate kay Jonas. Nang dumating ito sa bahay ay mukhang excited ito na hindi niya maintindihan. Sinabi lang nito na magbihis siya dahil may pupuntahan sila. “Ipakikilala kita sa’min.” nakangiting wika nito. Nakikita pa rin sa mga mata nito ang excitement. “Dumating si mommy kahapon then I told them about you. So gusto ka nilang makilala”saad nito habang matamang nakatitig sa kanya. Naconcious tuloy siya. “Hmm…beautiful!.. ang ganda talaga ng sweety ko.” buong paghangang sabi nito sa kanya then give her a smack on her lips. “I love you sweety.” “I love you too.”madamdamin ding pahayag niya dito. Ewan niya pero parang kinakabahan siya. Parang may mangyayaring hindi maganda. Nakita ni Jonas ang pag-aalala niya kaya hinawakan nito ang kamay niya. “Hey, relax. They will like you”aniya at hinalikan ang palad niya. “Wait, papunta ‘to sa mansion ng mga Alcantara ah.” nagtatakang napatingin siya dito. “Yup, apo ako ng mga Alcantara sweety, im sorry kung di ko agad sinabi sa’yo. I know you’ll be upset but please forgive me.”mahabang paliwanag nito. “Pa’no ba naman ako magagalit sa’yo nyan, kung ganyan ang lagi mong ginagawa sakin?”pabirong wika niya dito. Ang tinutukoy niya ay ang paghalik-halik nito sa palad niya.
He’s way of assurance. Totoong nagulat siya sa natuklasan pero wala siyang magagawa. Mahal niya si Jonas at hindi naman siguro masamang mahalin niya at maging nobyo ang nag-iisang apo ng mga Alcantara.
Chapter Eight Pagtapat nila sa gate ay sinulyapan niya agad ang mansion. Napakaganda talaga nito. Maituturing na pinakamayamang pamilya ang mga Alcantara sa buong probinsya nila. Alam niya rin na punung-puno ng pagmamahal ang pamilyang ito. Sayang kung nabubuhay lang sana ang mga magulang niya pati na ang bunsong kapatid niyang si Luis ay isa rin sana sila sa masasabing pinakamasayang pamilya sa balat ng lupa. Naalala pa niya noong na kapag magkakaroon ng party sa bahay nila ay napakaganda at napakaliwanag doon. At lahat ng mga tao ng San Carlos ay imbitado sa mga pagtitipon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nag-iisa na lang siya sa mundo na lumalaban. Nami-miss na niya ang lahat. Kung hindi nangyari ang aksidente, buhay pa sana sila hanggang ngayon. Hindi niya alam kung ano ang plano ng Diyos para sa kanya. Kung bakit binuhay pa siya nito samantalang magkakasama silang nasa sasakyan ng araw na maganap ang aksidente. Naalala niyang sinabi ni Aling Sol na nag-aagaw buhay siya ng mga sandaling nakaburol ang pamilya niya. Hanggang inilibing ang mga ito. Masakit sa kanya ang nangyari na sa kahuli-hulihang sandali nila sa mundo ay hindi niya nakasama ang mga ito.Hinding hindi niya mapapatawad ang taong naging dahilan ng pagkamatay ng pinakamahalagang tao sa buhay niya na nagging dahilan ng pag-iisa niya. “Hey, are you ok?” nag-aalalang wika ni Jonas.
“Yeah I’m fine. May naalala lang ako” palusot niya dito. Sa totoo lang parang nawalan na siya ng ganang makiharap sa mga ito. “Are you sure?” hindi pa rin naniniwalang saad nito. “Yup” aniya sa pinasiglang boses. “let’s go?” at nagpauna na siyang bumaba ng kotse. Naabutan niyang nagkakasiyahan ang mga tao sa sala ng pumasok sila sa loob. Nahinto lamang ang mga ito ng tumikhim si Jonas para makuha ang mga atensiyon ng lahat. “Hmm… Everyone I’d like you to meet my beautiful girlfriend here, Kate.” Nakangiting pakilala nito sa kanya. “Kate, meet my lolo Carlos and lola Agatha.”aniya at iniikot ang paningin sa paligid. “Where’s Mom?” “I’m here son, I got a call from your dad.”aniya at tumingin sa kanya. Parehas pa silang nagulat ng makita ang isa’t isa. Of all people bakit kailangan niyang makita ang taong ito. “This can’t be….” Namumutlang sambit niya. “No..” “What’s wrong?” naguguluhan man ay nagawa pa ring magtanong ni Jonas. Nakita niyang namumutla ng husto si Kate at para bang nauupos na kandila. Hinawakan niya ito sa balikat upang kalmahin pero nagpumiglas ito at umatras palayo sa kanya. “Kate, what’s wrong? Are you ok?” kinakabahang tanong niya dito. Lalapitan niya ulit sana ito ngunit nagpumiglas ito na para bang nandidiri sa kanya. Matalim ang mga matang tumingin ito sa kanila. Umiiyak ito. “So, after all those years dito din pala kita makikita.” garagal ang boses na sabi niya na nakatingin sa ina ni Jonas. “Ikaw ang dahilan kung bakit nasira ang buhay ko. Ikaw ang dahilan kung bakit nag-iisa ako sa mundo! Kung iniisip mo na nakalimutan ko na ang mukhang ‘yan nagkakamali ka. You killed my family! Ikaw ang may kasalanan kung bakit kami
naaksidente!”sigaw niya dito. Hilam na sa luha ang mga mata niya.Hindi niya matanggap ang lahat. Naguguluhan namang tumingin si Jonas sa mommy niya, nagtatanong ang mga mata. Nakita niyang parang tinakasan ng kulay ang mukha nito at pinipigilan ang luhang kumawala sa mga mata. “I’m sorry Katrina, hindi ko sinasadya ang nangyari. Maniwala ka. Ginawa ko ang lahat para iligtas kayo pero huli na. I was drunk that time. Nawalan ako ng control sa manibela. Im so sorry.” Umiiyak na paliwanag nito. Lumapit ito at lumuhod sa harap niya. Hinawakan siya sa mga kamay ngunit nagpumiglas siya. Nandidiri siya dito. Dahil sa pagiging careless nito sa pagmamaneho kaya sila naaksidente. Kaya namatay ang mga magulang niya. Poor Luis, he was just two years old. Ang kapatid niya na wala pang muwang sa mundo ay ipinagkait ang mabuhay sa mundo. At siya ipinagkait sa kanya ang pag-aaruga na kailangan niya sa mga magulang. “Hinding hindi kita mapapatawad. Kung hindi mo man nabayaran sa batas ang kasalanang nagawa mo, habang buhay mong dadalhin sa konsensiya mo ang nangyari.” Bawat kagatang binitawan niya ay punong puno ng pagkasuklam dito. “Iha, maniwala ka, hindi sinasadya ng anak namin ang nangyari.” Naluluha na ring paliwanag ni Donya Agatha. Napatingin siya dito. Nagtatanong. “Alam nyo ang nangyari?” nagtatakang tanong niya sa mga ito. “Kaya pala ganun na lang ang tulong na ibinibigay ninyo sa’kin.” Umiiling na wika niya sa mga ito sabay atras at nagtatakbo na palabas ng masion. Tigmak na siya ng luha ng makalabas. Gusto niyang makaalis sa lugar na iyon na para sa kanya ay tirahan ng mga halimaw. Bakit kailangan mangyari pa ito sa buhay niya. Life is so unfair. At silang dalawa ni Jonas, pa’no na sila? Dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ay napaupo na lang siya sa lupa. Maya-
maya pa’y parang sumabay sa pakikidalamhati sa kanya ang panahon. Umulan ng malakas. Umiyak siya ng umiyak Hindi niya matanggap ang kamalasang nangyari sa buhay niya.
“Kate I’m so sorry. I didn’t know.” Madamdaming pahayag ni Jonas. Parehas na silang basa sa ulan. Umiiyak na rin ito at kitang kita niya ang paghihirap nito dahil sa kanya. Kung kaya lang niyang kalimutan ang nangyari para hindi na sila mahirapan. Pero hindi, hinding hindi niya mapapatawad ang mommy nito. “I’m sorry Jonas pero hindi na natin pwede pang ibalik ang dati. Masasaktan lang tayo parehas.” wika niya. “No! Please Kate. No! Di ba mahal mo ko? Please don’t do this to me. Hindi ko kaya.” Parang mababaliw ito anumang oras dahil sa desisyon niya, pero nakapagpasya na siya. “Maghiwalay na tayo Jonas. Dahil kahit ipilit natin, hindi na rin ako magiging masaya. At habang nakikita kita maaalala ko lang kung ano ang ginawa sa’kin ng mommy mo. Kinasusuklaman ko siya at dahil anak ka niya at nananalaytay sa’yo ang dugong pumatay sa pamilya ko, hindi rin kita pwedeng mahalin. Nasusuklam ako sa inyo Jonas, dahil habang nagsasaya kayo, heto ako at nagdurusa.” puno ng hinanakit na sabi niya dito. “Kalimutan na natin ang isa’t isa.” Yun lang at pinara ang paparating na tricycle.
Chapter Nine -!♥12 years later♥!-
“So how do you feel?” tanong ni Ara kay Katrina. “What?” nagtatakang balik tanong niya dito. “Talaga bang magpapakasal ka kay Paul?”tanong ulit nito na ang tinutukoy ay ang on and off boyfriend niyang si Paul Guzon sa loob ng mahigit dalawang taon. Wala naman masama kung sila ang magkakatuluyan. He has a stable job. Nagmamay-ari ito ng isang advertising company at nakikipagsabayan na rin ito sa malalaking kompanya sa Pilipinas. He’s handsome and hardworking. Yun nga lang sa pagiging hardworking nito sila nagkakaproblema. Laging out of the country ito. Kaya minsan nawawalan na ito ng time sa kanya. Ok lang naman sa kanya yun, kaso masyado itong possisive sa kanya to the extent na nakakasakal na. “Ano naman ang masama kung magpakasal ako sa kanya? We’re not getting any younger. Saka may trabaho naman siya, you know that.” Aniya. Nakita niyang prente itong nakaupo sa sopa ng kanyang opisina. Dahil sa pagpupursige niya ay nabawi rin niya sa wakas ang kompanyang pinaghirapan ng mga magulang. Sa ngayon ay stable na rin ang buhay niya. One week after na nangyari ang insidente sa bahay ng mga Alcantata ay lumuwas siya ng Maynila at nagpatulong sa abogado nila sa naiwang trust fund niya. Kinontak niya ang nagiisang kapatid ng mommy niya si Tita Brigit na noon ay naninirahan sa London. Nagpatulong siya dito para buuin ulit ang buhay niya. And after a couple of weeks ay lumipad siya patungong London. Napilitan na siyang ipagbili ang malaking bahay para makapagsimula ulit. Binigyan niya ng karampatang halaga ang mag-inang Aling Sol at Ara para magamit na pang negosyo at
pag-aaral ng huli. Sa una ay nahirapan siyang mag-adjust sa buhay sa London. Pero hindi naman siya pinabayaan ng Tita Brigit niya. Naging kasundo niya rin ang mga pinsan niya na halos kasing edad niya rin. Sina Marlon at Tamara. Halos siyam na taon siyang namalagi dun nang magpasya siyang umuwi ng Pilipinas para harapin ang Uncle Fred niya. Hindi naman siya nahirapang bawiin ang kompanya dahil sa pabagsak na ito ng panahon na iyon. Hindi na rin niya nagawang magalit dito dahil sa panglolokong ginawa nito sa kanya. At sa loob ng isang taong pamamahala sa kompanya ay bumalik ulit sa dati ang lahat. Halos kasundo niya lahat ang mga staff niya kapag trabaho ang pag-uusapan. Kahit alam niya na hindi siya gaanong nakikihalubilo sa mga ito, nandoon pa rin ang respeto nila sa kanya. They call her “Miss Prim and Proper” CEO of the Company. Hindi rin nawala ang komunikasyon niya sa mag-ina kaya ngayon sa bagong bahay niya na rin nakatira ang mga ito. Isang computer analyst si Ara at ngayong araw na ito ay wala itong pasok kaya ginugulo siya sa opisina niya. “Hindi mo naman siya mahal. Ba’t magpapakasal ka sa kanya?”prankang wika nito na ikinagulat niya. “Ano ba ang nakakagulat? Iniisip mo ba na hindi ko alam? C’mmon Kate, I know you better than anyone else. You don’t love him!” diretsong pahayag nito na tinitigan pa siya sa mga mata. She’s right. Hindi nga niya mahal si Paul pero masaya naman siya kapag kasama ito. Kahit na ba sabihing on and off ang relasyon nila. She still can manage. A marriage for convenience ika nga. “Ara, magsisimula na naman ba tayo?”naiinis niyang saad dito. Nagkibit-balikat naman ito. Sanay na ito sa ugali niya. Kilalang kilala nga siya nito. At hindi ito natatakot sa “paggagalitgalitan” niya. “Still Jonas right?” pangungulit nito. “Kung ako sa’yo makikipag-kita muna ko sa kanya bago magpakasal. Para magkaroon ng closure ang unending love story ninyo. Malay mo kayo
pa rin pala sa huli.” Aniya sabay tayo at dumungaw sa glass window. Kitang kita doon ang mga naglalakihang gusali sa parting iyon ng Makati. “You know I can’t. There’s no us anymore. Tinapos ko na, matagal na dahil sa kasalanan ng mommy niya. And please how many times do I have to tell you, ayoko ng marinig ang kahit na ano tungkol sa kanila.”galit na sabi niya dito. “Kasi naman, kaw na rin ang nagsabi, kasalanan ng mommy niya so meaning to say walang kinalaman si Jonas dun. Fine bahala ka kung yan ang gusto mo. Ang sa’kin lang naman, I want you to be happy. Karapatan mong maging maligaya. You had enough pain in the past so for once sundin mo naman kung ano ang magpapasaya sa’yo.” Yun lang at nagpaalam na ito sa kanya. Napabuntong-hininga siya.
Chapter Ten “Kate, open this door. Let’s talk!” sigaw ni Jonas. Ilang beses na itong pabalik-balik sa bahay niya pero nagmatigas pa rin siya. Naaawa na rin siya dito pero masakit pa rin sa kanya ang kaalamang ang mommy nito ang dahilan ng pagkamatay ng pamilya niya. Hindi na rin siya pumapasok sa paaralan. Ilang buwan na lang ay gagraduate na sana siya sa hayskul. Kalat na sa buong San Carlos ang nangyari. Noong una ay nagawa pa niyang pumasok ng paaralan ngunit kinukulit lang siya ni Jonas. Hanggang kumalat na rin sa paaralan ang paghihiwalay nila. Isang araw na naglagi siya sa hardin, kung saan paborito nilang tambayan ni Jonas ay ginulat siya nito. “Akala mo ba matatakasan mo ko ng ganun ganun lang?”puno ng hinanakit na sabi nito. Malaki din ang inihulog ng katawan nito. Nangingitim ang gilid ng mga mata at walang
kaayusan ang buhok. “I thought you love me that much na kaya mong tanggapin lahat lahat sa’kin?” “Akala ko din ganun kadali pero hindi pala. Maybe because I don’t love you that much para patawarin kayo.”pormal na sabi niya dito. “Now I know you’re lying. You love me Kate, and I can feel it. Please don’t deny it for Christ sake!”hinawakan siya nito ng marahas sa dalawang braso. “Wag mo kong pahirapan ng ganito!”pigil nito ang tinitimping galit. “Now you’re hurting me!” “Im so sorry. Hindi ko sinasadya.” Aniya at niyakap siya ng mahigpit. Kumalas siya sa pagkakayakap nito at tinitigan niya ang mga mata nito na hilam na pala ng luha. “Im sorry, but my love for you is not enough para kalimutan ang nangyari. Hindi pa ko handing magpatawad Jonas.” Yun lang at iniwan na niya ito sa hardin. Nakapagdesisyon na siyang lumuwas ng Maynila para maiwasan ito. Nahihirapan na din siya sa sitwasyon nila. Biglang naputol ang pagbabalik tanaw niya sa nakaraan ng tumunog ang celphone niya. Nang makitang si Paul ang tumawag ay sinagot niya agad ito. “Just wanted to remind you about the party tonight babe.” bungad agad nito. “Hindi pwedeng hindi ka sumama. Puro batchmates ko ang mga nandun. Nakakahiya naman kung pupunta akong mag-isa.”dirediretsong wika nito. Iniikot niya ang eyeballs niya. Kung kaharap siguro niya ito sa mga oras na yun ay napasimangot na siya. Ilang beses na niyang sinabi dito na hindi siya pwede. Hindi siya mahilig sa party at pakikipagsosyalan. Pero para matapos na ang gulo ay pumayag na lang siya.
“Ok. Kahit naman ilang beses pa kung tumanggi, mamimilit ka pa rin.”sarkastikong sabi niya. “Babe, I told you this is a very important party. Mga kaibigan ko nung college days ang pupunta.”paliwanag naman nito. “Whatever. Bahala ka na.” “Thanks. Susunduin kita by seven. I love you” nagmamadaling paalam nito. “Ok, bye.”
Marami ng bisita ang nagkakasiyahan ng dumating sila. Halos lahat ng mga mata ay sa kanila natuon. Sino ba naman ang hindi mapapatingin, she’s wearing the sexiest and elegant gown na ipinagawa pa ni Paul para sa okasyong iyon. Hanggang tuhod lang ang haba nito at hapit na hapit sa kanyang bewang. Hobby na ni Paul ang ipagawa at pasukatan siya ng mga wardrobe. Masyadong galante ito pagdating sa kanya. Ipinakilala siya nito isa isa sa mga bisitang nandun. Na ewan niya kung matatandaan pa niya ang mga pangalan in a couple of minutes. Masyado ng abala si Paul sa pakikipagkwentuhan at hindi na siya masyadong pinapansin kaya napilitan muna siyang magpaalam dito at nagpunta siya sa comfort room. Masyado na siyang nalulula sa ingay ng party. Sinusumpong na agad siya ng migraine.
Chapter Eleven “Akala ko namamalikmata lang ako ng makita ka.” tinig mula sa likuran niya. Nagulat pa siya ng makita niya si Jonas na halatang naghihintay sa labas ng comfort room. Pormal ang mukha nitong nakatingin sa kanya. Napasinghap siya ng lapitan siya nito. This man never changed to surprise her. Napakakisig na nito ngayon. Almost perfect, sa tingin niya ay umabot na ito sa taas 5”11 o higit pa. Nagulat pa siya ng magsalita ulit ito. “Kumusta ka na? Its been 12 years, right?” “Yeah, maybe. Hindi ko matandaan.” Palusot niya. “Liar.” aniya at tumawa ito ng pagak. “You’ve change. Mukhang alagang alaga ka ni Paul. Kung alam ko lang na ikaw ang ikinikwento niya sa’min dati baka matagal na tayong nagkita.” sabi nito habang pinapasadahan siya ng tingin. Naconcious tuloy siya sa itsura niya. “Well, kung alam ko lang na magkakilala kayo hindi na sana ako nagpakita pa dito.” Mataray niya saad dito. Tumawa naman ito sa sinabi niya. “Bakit? Hanggang ngayon ba nasusuklam ka pa rin sa’min? Well, sorry to disappoint you, mukhang wala ka ng pagbubuntunan ng galit mo. She suffering already.” Nagtatakang napasulyap siya dito. “Na-detect ng mga doctor na mayroon siyang cancer sa utak two years ago. Nasa stage 3 na siya ng sakit and… and any moment pwede na siyang kunin sa’min. Wala naman magawa ang mga doktor. Ipinatigil na kasi ni mommy ang treatment. Masyado na daw siyang nahihirapan.” kitang kita niya ang paghihirap ng kalooban nito.
“I’m sorry to hear that.” tipid na sabi niya dito. Kung hindi sana nakakalungkot ang kwento nito ay matatawa siya sa posisyon nila. They were talking in the corridor. Mabuti na lang at walang naliligaw na tao dun. “Are you?”sarkastikong tanong nito. “And what do you mean by that?”naiinis siya sa inaakto nito. Ano ba ang ini-expect nito sa kanya? matuwa? malungkot? . Damn this man. “Bakit hindi mo siya piliting magpagamot? Baka pwede pang maagapan. Maraming magagaling na doctor sa ibang bansa.” Wika niya. Bukal sa loob ang sinabi niya dito. Wala na rin naman siyang magagawa. Siguro pinagdusahan na nito ang kasalanang ginawa. Nakita niyang matiim itong nakatingin sa kanya. Siguro ay hinahanap nito ang katapatan sa mga sinabi niya. Pinandilatan niya ito. Natawa naman ito. “Maybe you can encourage her. She wants to see you, matagal na.”mahinang sambit nito. “I don’t know. Im busy lalo na ngayon I’m getting married. Marami pang kailangang asikasuhin..” Nagulat siya sa sinabi niya. Ano raw? “Ganun ba?” ewan niya pero parang may nahimigan siyang lungkot sa boses nito. Napatango naman siya. Maya maya ay nagpasya na siyang magpaalam dito. Sigurado siya na hinahanap na siya ni Paulo. Nakita niyang umaliwalas ang mukha nito ng makita siya. Akala daw nito ay naisipan na niyang umuwi at iniwanan ito. Halos dalawang oras pa silang nagtagal sa party bago nito naisipang magpaalam na. Parehas silang may trabaho kinabukasan. Ipinakilala siya nito kay Jonas na napag alaman niyang naging matalik na kaibigan nito noong college at nakasama sa sorority. Napag-alaman niya rin na umalis ito patungong Canada para pangasiwaan ang negosyo ng pamilya at tumagal ito ng mahigit limang taon.
Chapter Twelve Hindi niya alam kung tama ang desisyon niyang dalawin ang ina ni Jonas. Siguro udyok ng damdamin ang nagtulak sa kanya para balikan ang lugar ng San Carlos. Marami ng pagbabago ang nangyari sa lugar. Kung dati ay kunti lang ang nakikitang mga gusali ngayon ay halos mga sunud-sunod ng gusali ang makikita doon. Mukhang umaasenso na ang dating lugar kung saan nagging bahagi ng buhay niya. Nakwento sa kanya ni Jonas na sa Mansion na lamang naglalagi ang mama nito. Mas gusto daw nitong magstay na lang sa mansion. Pagbaba niya ng kotse ay may lumapit agad sa kanya. Si Aling Marta ang mayordoma ng mansion. Hindi yata’t nasa labas ito ng mansion ngayon.? “Ikaw na ba yan Katrina, ineng?” tanong nito. “Aba’y dalagang –dalaga ka na ah. Kumusta ka na?” tuwang tuwa ito ng makita siya. Mukhang umaliwalas ang mukha nito. “Ok naman po.” Nakangiting sagot niya dito. “Kayo po kumusta na?” balik-tanong niya ditto.Kita sa anyo nito ang katandaan ngunit hindi iyon naging hadlang para sa pagkilos nito. Maliksi pa rin ito tulad ng dati. “Heto, medyo tumatanda na. Halika sa loob. Marami ng nagbago dito sa mansion. Pero yung farm ganun pa din. Namumulaklak na naman ang mga halaman. Dalawang tao ang natukang magmantini ng farm. Hindi talaga pinababayaan. Yun ang bilin ni Jonas.” paliwanag nito. Sinamahan siya nito sa terasa kung saan nandoon ang babae. Nakawheelchair ito. Dahil sa posisyon nito ay sigurading alam nito ang pagdating niya. Nilapitan niya ito at nagkatitigan sila. Walang gustong magsalita sa kanila. Lumipas ang ilang minuto ito ang bumasag ng katahimikan.
“Hanggang ngayon dala pa din ng konsensiya ko ang nangyari sa pamilya mo. Nagsisisi ako dahil hindi ako naging matapang na harapin ka noon. Natatakot ako na kasuklaman mo at ng mga tao. Hindi ko alam na mas matindi pa pala ang mangyayari dahil sa ginawa ko. I took my son’s happiness. Mahal na mahal ka ng anak ko. Halos mabaliw siya ng malaman niyang umalis ka. Gusto ka niyang sundan noon pero pinigilan siya ng lola niya. Alam nilang buo na ang desisyon mong kalimutan ang lahat. Pero hinintay ka niya. Hanggang ngayon naghihintay pa rin siya sa’yo. Hindi ko na hinihingi na mapatawad mo ako pero sana para sa anak ko, I know im asking too much from you, gusto ko lang na makitang maligaya siya habang nabubuhay pa ako.” Madamdaming pahayag nito. Hindi niya napansin sa hilam na pala sila parehas ng luha. She never expected this. “I want you to fight for your life. Kung gusto mo pang makitang masaya ang anak mo, magpagaling ka. Hindi pa huli ang lahat. Hindi nyo pa nakikita ang mga apo ninyo” nakangiting wika nya dito. Masarap pala sa pakiramdam kapag nawala ang kinikimkim na galit sa dibdib. Yun ang nararamdaman niya ng mga oras na yun. Kung ang Diyos nga nagpapatawad siya pa kaya. Hindi nga lang niya naisip yun agad noon. Pero handa na siya ngayon at sana hindi pa huli ang lahat. Pagtingin niya sa likod nila ay nakita niya ang dalawang matanda na halatang galing din sa pag-iyak. Katabi ng mga ito si Jonas na titig na titig sa kanya. Mukha namang nakahalata ang mga nasa paligid nila na kailangan nilang magkasarilinan kaya nagpaalam na muna ang mga ito.
“Come, I’ll show you something.” Aniya at hila-hila siyang lumabas ng mansion. Isinakay siya nito sa kotse at tahimik na nagmaneho. Hindi na lang siya nagkomento pero nagulat siya ng huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay niya. Napatingin siya dito. “Alam kong mahalaga sa’yo ang bahay na yan kaya ng malaman kong ipinagbibili yan ay ginawa ko ang lahat para sa’kin mapunta. Alam kong babalik ka. Di ba sabi ko sa’yo dito tayo bubuo ng pamilya? Hinihintay kita palagi. Nagbabakasakali ako na babalikan mo ko dito.” madamdaming pahayag nito habang hawak hawak ang kanyang kamay. Dinala siya nito sa hardin kung saan naging saksi ng kanilang pagmamahalan. Hindi siya makapaniwala sa nakita. Maraming namumulaklak na halaman doon, at punung puno ng mga iba’t ibang uri ng paro-paro. Napatingin siya dito. Parehas na silang umiiyak habang inaalala ang mga pangako sa isa’t isa. “I’m sorry... sorry dahil pinaghintay kita ng matagal. Sorry dahil naging mahina ako.”gumagaragal na wika niya. Niyakap siya nito ng mahigpit. “Just promise me na hindi ka na aalis, hindi mo na ko iiwan. And that you’ll marry me.” Pagsusumamo nito. Tumango siya. “Yes, and I’ll marry you.”saad niya sabay yakap dito. “I love you so much sweety. And thank you for coming back into my life again.”dahan dahan siya nitong hinalikan sa mga labi. Buong suyo at pagmamahal. “I love you too Jonas. I will talk to Paul, he’ll understand.” “He knew. Alam niya na isang babae lang ang minahal ko. Pero sa party niya lang nalaman na ikaw ang babaeng yun. He’ll survive sweety.” Yun lang at naglapat na uli ang kanilang uhaw na mga labi. Alam niya magiging masaya na silang lahat. Pagpapatawad lang pala ang kailangan para maging maligaya na siya ulit. Tama
si Ara, si Jonas pa rin ang kailangan niya para mabuong muli. At ngayong magkasama na ulit sila hinding hindi na siya nakakapayag na paghiwalayin sila ulit ng panahon.