dangerous heart

Page 1

Dangerous Heart

-lady morgana-


“I have a proposal to make.” Wika ni Chris pagkatapos ng mahabang katahimikan. Hindi alam ni Faith kung bakit kinakabahan siya ng sabihin iyon ng lalaki pero hinintay niyang ipagpatuloy nito ang pagsasalita. “Marry me, kapalit ng mga dokumentong kailangan mo.” walang pakundangang wika nito. Bigla siyang napatayo sa kinauupuan. Pero maagap ito at hinawakan siya sa magkabilang braso. “No, this is ridiculous.You are ridiculous.” kinakabahan man dahil sa posisyon nila ay pinatatag pa rin niya ang sarili. Ano ang akala ng lalaking ito, mapapasunod siya sa lahat ng gustuhin nito? “We will get married after two months, so get ready. Marami din tayong dapat ayusin kaya tapusin mo na ang mga commitments mo.” aniya. “And how can you be so sure na papayag akng magpakasal sa’yo? Kahit mga magulang ko ay hindi pa ako minanduhan, ikaw pa kaya?” sarkastikong turan niya dito. “Yes you will my dear, unless hindi mo na kailangan ang mga dokumentong hawak ko.” Nakakaloko ang mga ngiti nito. Kung iniisip ng lalaking ito na ganoon lang siya kadaling lansihin ay nagkakamali ito. Hindi pa siya nito kilala. At ipapakilala niya rito kung sino ba talaga si Faith Hernandez. At sisiguraduhin niyang pagbabayaran nito ang pakikialam nito sa buhay niya!

Chapter 1


Tulad ng napag-usap, maagang nagpunta si Faith sa tagpuan nila ng pinsan niyang si Maggie. Ngunit mag-iisang oras na siyang naghihintay ay wala pa rin ito. Kahit kailan talaga ay palagi itong huli sa mga lakad nila. Para na siyang tanga sa pwesto niya. Pinagtitinginan na rin siya ng mga tao. Sino ba naman ang hindi pagtitinginan ng mga tao sa suot niya. Naka sleeveless blouse siya matching mini-skirt. At nasa isang lugar siya na ewan ba niya kung eskwater o ano dahil sa dikit dikit na mga bahay sa gilid ng tulay. Akala pa naman niya ay kung anong lugar ang pupuntahan nila. Napabuntong-hininga siya. Ipinangako niya sa sarili na kapag wala pa rin ito sa loob ng kalahating oras ay aalis na siya. Aba, hindi porke’t siya ang humihingi ng pabor dito ay Iti-take for granted na lang siya nito. Sumusobra naman ata ito. Naglakad lakad siya sa pagbabaka sakaling makita niya ito ngunit nanlulumong napailing na lang siya. Sinubukan niyang tawagan ito sa mobile nito ngunit out of reach naman ito. Kahit papaano ay kinakabahan siya sa pinsan dahil hindi ito ang tipo ng taong magpapatay ng celpon dahil marami itong mga kausap na tao dahil sa trabaho nito. Isa itong manager ng isang kilalang fast food chain sa Alabang. Kaya nakapagtatakang magpatay ito ng celpon. Nagpalinga-linga siya. Wala pa rin ito. Naghihinang napasandal siya sa gilid ng waiting shed. Halos mag-aala singko na ng hapon at mangilan ngilan na lang ang mga taong nagpaparoo’t parito. Kinakabahan na rin siya sa lugar na iyon. Bihira na lang ang mga sasakyang nakikita niya sa lugar. Napapamura na siya sa inis sa pinsan niya. Kailangan na niyang lisanin ang lugar na iyon bago pa siya mapahamak. Kahit ba sabihing marunong siyang magtanggol ng sarili ay iba pa rin ang kutob niya. Maraming nagtatangka sa buhay niya. Naiwan pa naman niya ang kanyang baril. Kapag nagkagipitan ay wala siyang panangga. May nakita siyang taxi na


paparating. Agad niya itong pinara ngunit sa inis niya ay nilagpasan lang siya nito. At nadoble pa ang inis niya ng maramdaman niyang umuulan na pala. Dali-dali siyang sumilong sa waiting shed. Buti na lang at hindi siya gaanong nabasa. Patingin-tingin siya sa kalsada at nagbabaka sakaling may dumaan uling taxi ngunit sa malas ay parating may laman ang mga iyon. Hindi siya pwedeng magtagal sa lugar na iyon dahil delikado sa isang katulad niya. Naalala niya ang pinsan kaya sinubukan niya ulit itong tawagan. Nakapatay pa rin ang celpon nito. Sinulyapan niya ang pangbisig na relo. Pasado alas otso na. Hindi niya akalain na kanina pa pala siya nagaabang sa waiting shed na iyon. Malakas pa rin ang ulan. Nakita niyang may isang lalaking nakatingin sa kanya at akmang lalapitan siya. Mukhang may balak itong masama. Kinilabutan siya ng maisip na baka kung anong gawin nito sa kanya. Naglakas loob na siyang pumagitna sa kalsada ng makita niyang may paparating na sasakyan. Sumagitsit ang mga gulong nito dahil sa biglang preno. Napatili siya sa sobrang takot. Maya-maya ay narinig niyang nagmura ang may-ari ng sasakyan at napatingin sa kanya at bumaba. “Are you out of your mind? Magpapakamatay ka ba?” galit na tanong nito sa kanya. Hindi na nito inalintana ang malakas na buhos ng ulan at hinarap siya. Tahimik naman siyang nakatingin dito. Hindi niya alam kung dahil sa takot na muntik na siya nitong masagasaan o dahil sa itsura nito kung kaya’t hindi niya nagawang magsalita. Napakatangkad nito. Siguro ay nasa anim na talampakan ito. “Now what? Magtititigan na lang ba tayo dito.” Nakataas ang kilay na wika nito sa kanya.


Hindi pa rin niya nagawang magsalita. Nakita niyang napabuntong hininga ito dahil sa tinitimping galit. “Basa na tayo ng ulan. Kung wala kang balak magsalita ay iiwanan na kita dito.” Aniya at tumalikod na sa kanya. Nang makita niyang sasakay na ulit ito ng sasakyan ay bigla siyang natauhan. Nakita niya rin ang lalaking nakatingin sa kanya kanina kaya dahil sa takot ay bigla siyang lumapit sa kotse nito. “P-pwede ba kong makisakay?” tanong niya rito. Nakita niyang tumaas na naman ang kilay nito at tinitigan siya. Pormal na pormal ang mukha nito kaya hindi niya mabasa kung ano ang iniisip nito. Balak niyang makisabay na lang dito hanggang Edsa o kung papalarin ay kapag may nakita silang taxi. “Hop in.” tipid na saad nito. Hindi man lang ito nag-abalang pagbuksan siya ng pinto pero hindi na lang siya umimik. At ng maalalang basang-basa siya dahil sa ulan ay napapahiyang tumingin siya dito. “So-sorry.” Hinging paumanhin niya rito na ang tinutukoy ay ang pagkakabasa ng upuan ng sasakyan nito. “Don’t worry, parehas lang tayong nabasa ng ulan” sarkastikong turan nito. Aba’t! talaga pa lang masama ang ugali ng lalaking to! Aniya sa isip. Napansin niyang nabakat na pala ang dibdib niya dahil sa suot niyang blouse na ngayon ay basangbasa na. Nang makita niya ang lalaking napasulyap sa kanya ay humalukipkip siya. Nakaramdam rin siya ng lamig dahil sa lakas ng aircon ng sasakyan. Mukhang napansin rin yun ng lalaki kung kaya’t hininaan nito ang aircon. Patayin mo na lang kaya!. Ngunit sa isip niya lang ito nasabi. “Hindi ako sanay na walang aircon.” Aniya na nabasa yata ang nasa isip niya.


Antipatiko! Hindi ba nito alam na pwede siyang magkasakit dahil nababad na masyado ang katawan niya dahil basa? Wala ba itong pakiramdam? O tanga lang talaga ito? Kailangan niyang magtimpi kung gusto niyang makauwi. Baka kapag inaway niya ito ay pababain pa siya ng sasakyan. Para mabawasan ang pagkainis ay minabuti na lang niyang tumingin sa labas. Napansin niyang lalong lumakas ang ulan. Hindi niya alam kung ano ang iisipin sa ginawang pang iindyan sa kanya ng pinsan. Makukurot niya ito sa singit pag nagkita sila. Napakalaki ng perwisyong nangyari sa kanya. At wala man lang itong ginawa para tawagan at tulungan siya. Napansin niyang lalong lumakas ang ulan. Bahagya na lang nilang naaaninag ang kalsada. Narinig niyang napamura na naman ito. Ilang minuto pa silang naglakbay bago nito iniliko ang sasakyan. Nagtataka siyang lumingon dito. “We can’t go on with this. Masyado ng malakas ang ulan. Baka ilang sandali lang ay bumaha na ang kalsada. I can’t take a risk with this damn weather.” Wika nito at nagulat siya ng huminto ito sa isang motel. Oh no! aniya sa isip. Hindi pwede. Kahit kailan ay hindi pa niya naranasang pumasok and much more matulog sa isang motel. Napatingin na naman siya sa lalaki. “Don’t tell me ayaw mo?” bakit ba lagi na lang nitong nababasa ang nasa isip niya? Manghuhula ba ito? Naiinis siya sa pagiging presko nito. Pero hindi niya ito bibigyan ng kasiyahan. Now she knew what he was playing at. Nagkamali ito ng hinala sa kanya. Kung iniisip nitong babaeng pakawala siya’y hindi niya ito sasantuhin. “I don’t really care kung sumama ka man o hindi. Just get out of my car para makaalis na rin ako. You’re wasting my time. Basang basa na ang damit ko and I want to get some rest.” Aniya at binuksan na ang pinto ng sasakyan. Napilitan na rin siyang


umibis doon dahil halatang iiwanan siya nito. Pagkatapos mailock ang sasakyan ay hinarap nito ang isang lalaki at ibinigay ang susi ng sasakyan para iparada sa tamang lugar. Bawat kilos ng lalaki ay tinitingnan niya. Gwapo sana ito ngunit napakapresko at mayabang. At hindi man lang ngumingiti. Napabaling siya sa ibang direksyon ng lumingon ito sa kanya. “Don’t tell me na tutunganga ka lang dyan? Alam kong giniginaw ka na din dahil sa suot mo. Tara na.”yaya nito sa kanya. “No thanks. I can handle myself. And thank you for the ride anyway” sarkastikong sabi niya dito. Sabi na nga ba anang isip niya. “Well if you say so.” Aniya at tuluyan ng umalis at iniwan siya. Pumasok ito sa loob ng motel at nakita niyang lumapit ito sa desk at kinausap ang isang babae. Gigil na gigil siya dito. Tumingin siya sa labas ng gusali. Konti na lang ang mga motoristang nagsisidaan sa lugar na iyon. Kailangan na niyang kumilos dahil kung hindi baka dito pa siya abutan ng umaga. Lumingon ulit siya sa loob at nakita niyang tumingin muna sa kanya ang lalaki bago ito pumasok ng elevator. Madapa ka sana panget! Pero hindi naman ito panget. Hmp! Ungas! Pinilit niyang kontakin ang pinsan ngunit nakapatay pa rin ang celpon nito. Sunud-sunod siyang nagmura sa hangin. Kung minamalas nga naman. Balak niya na sanang kontakin ang kuya niya ngunit nagbago naman ang isip niya. Tiyak na sermon ang aabutin niya kapag nagkataon. Number one alaskador pa naman ito. Tiyak na isusumbong siya nito sa mama nila. Nakaramdam na rin siya ng pangangatog ng tuhod. Nang makitang may bench sa gilid ng gusali ay naupo siya at isinandal ang hapong katawan. Tiyak na siya sa sariling lalagnatin siya. Mahina ang resistensiya niya pagdating


sa ulan. Wala siyang kalaban-laban. Actually, noong bata pa siya ay gusting-gusto niya ang umuulan. Tuwang-tuwa siya kapag nakikita niyang masayang nagtatampisaw ang mga kaibigan niya sa labas ng bakuran nila. At dahil naiinggit siya ay nagpaalam siya sa mama niya na gusto rin niyang magtampisaw kasama ang mga kaibigan. Ngunit hindi ito pumayag dahil ang katwiran nito ay baka magkasakit siya. Dahil matigas ang ulo niya at sa inggit sa mga kaibigan ay walang paalam siyang lumabas ng bahay nila at nakipaglaro sa mga ito. Huli na ng makita siya ng mama niya kaya wala na itong nagawa kundi ang hayaan siya. Masayang-masaya siya dahil first time niyang nagpaulan noon. Ngunit hindi niya akalaing magkakasakit siya pagkatapos ng araw na iyon. Halos tumira na siya sa ospital dahil doon. At halos lahat ng sermon ay inabot niya sa mga magulang. Hindi rin nagpahuli ang kanyang kuya Miguel. Kaya naipangako niya sa sarili na hinding-hindi na niya nanaising magpaulan at maulanan. Napabuntong-hininga siya. Ginaw na ginaw na siya. Hindi na siya halos makatayo dahil sa pangangatog ng tuhod. “Kung ako sa’yo’y papasok na ko sa loob. Walang mangyayari sa’yo kung maghihintay ka diyan sa wala.” Nagulat pa siya ng may nagsalita sa likuran niya. Ang antipatikong lalaki. Aba’t nakonsensiya ata at binalikan siya. “Sumunod ka na sa’kin.” Wika pa rin nito. At ng hindi pa rin siya tuminag sa kinauupuan ay napakunot-noo ito. “Look kung wala kang balak gawin pati ang magsalita maybe I’m just wasting my time para tulungan ka.” Nauubusan ng pasensiyang nahilamos nito ang mukha. “I said I can handle myself.” Pinilit niyang maging matatag kahit na sa pagsasalita ngunit kulang yata iyon ng lakas para mapaniwala niya ito.


“Don’t play innocent here lady. This is the last time I will offer my help. Take it or leave it.” Aniya at iniwan na siya. Nagdadalawang-isip man ay sumunod na lang siya dito. Wala siyang ibang choice kundi ang sumama. “Sir, wala na pong ibang bakanteng silid” narinig niyang sinabi ng receptionist sa lalaki. No! Napatingin naman ito sa kanya. “I see.” Sagot nito sa babae at lumapit na sa kanya. “Wala ng ibang bakante.” Tipid na wika nito sa kanya. “Narinig ko ang sinabi niya.” Mataray na sabi niya dito. “Well?” namaywang pa ito sa harap niya habang hinihintay ang desisyon niya. At ng hindi nakatiis dahil wala siyang maapuhap na sasabihin ay tumaas na naman ang kilay nito. Naiinis siya sa ginagawa nito. Ito lang ang kauna-unahang tao na nagpakita sa kanya ng kagaspangan ng ugali. “We can share the room.” wika nito. “No.” tanggi niya. “It’s your choice not mine. But I want to remind you na hindi kita pag-iinteresan.” Nakakaloko ang ngisi nito. Inis na inis siya. Kulang na lang ay hambalusin niya ito ng dala niyang bag ngunit nagtimpi pa rin siya. Parang sinabi na nitong hindi ito pumapatol sa mababang uri ng babae. Dahil iyon ang tingin nito sa kanya. “Really?” saad niya rito at siya naman ang nagtaas ng kilay. “Yes. Kung balak mong sumunod, nasa room 105 ang kwarto, second floor.” Aniya at tuluyan na siyang iniwan. Damn you mister who-ever-you-are! Aniya sa isip. Kanina pa niya ito minumura sa isip niya kaya kahit papa’no ay nakaganti na rin siya dito. Bago pumanhik ay bumili


muna siya ng gamit sa katabing gusali para makapagpalit siya ng damit. Habang nasa elevator ay nag-iisip pa rin siya kung tutuloy sa silid nito. Kinakabahan siya. Pa’no kapag may ginawa ito sa kanya? Tiyak wala siyang kawala dito. Hanggat makarating siya ng second floor ay hindi pa rin siya makapagdesisyon. Bumuntong-hininga siya. “I have to do this. After this night ay magkakanya-kanya na sila. At hindi na sila magkikita uli. At hindi rin malalaman ng mga kakilala niya na tulog siya sa isang motel kasama ang lalaking yun.” Aniya sa sarili. At bago pa magbago ang isip niya ay kumatok na siya sa pinto ngunit nakailang katok na siya ay hindi pa rin binubuksan nito ang pinto. Pinihit niya ang seradura at napasimangot ng mabuksan niya ang pinto. Inaasahan na pala nito na susunod siya dito. Ang kapal talaga ng mukha! Iniikot niya ang paningin sa loob ng silid. Maayos naman ito. May malaking kama sa gitna at isang maliit na sopa bed. Saan siya matutulog? Dapat siya ang matulog sa kama pero papayag ba naman itong mamaluktot sa napakaliit na sopa? Naisip pa lang niya ang antipatikong lalaki ay napasimangot na siya. “Nagpaorder na ako ng pagkain kaya any moment ay parating na yun.” Muntik na siyang mapatili dahil sa gulat. “Ano ba?” sita niya rito. Nakita niyang bagong paligo ito. Kaya pala hindi niya ito nakita dahil nasa banyo ito. Tinalikuran niya ito para hindi siya mapahiya sa pagmamasid sa katawan nito. Tanging towel lang na nakatapis sa bewang ang suot nito. Minabuti niyang maligo na lang dahil nagsisimula na siyang kabahan. Nagmamadaling pinuntahan niya ang banyo. Bahagya na lang niyang narinig ang pagtawa nito. Inis siyang ibinagsak ang pinto nito. At ang loko, marunong din palang tumawa. Halos ubusin niya ang oras sa banyo. Kung pwede nga lang na doon na lang siya hanggang mag-umaga ay gagawin


niya. Pero nakakaramdam na siya ng gutom. Kaya kahit ayaw niyang makita ang lalaki ay napilitan na siyang lumabas. Nakita niyang abala na ito sa pagkain. Nilapitan niya ang bag niya para ayusin ang hinubad niyang damit. “Kung nagugutom ka na ay sumabay ka na sa’kin. Marami ang inorder ko.” Bahagya pa siyang napaigtad sa pagsasalita nito. “Talaga bang nananadya ka?” galit na wika niya dito. “Ako?” painosenting tanong nito. “Oo, at sino pa ba ang ibang tao sa silid na ito? Ba’t ka ba nanggugulat?” pagtataray niya. “Hindi ko na kasalanan kung magugulatin ka. Napakaayos ng pagkasasabi ko sa’yo pero ikinagugulat mo pa rin. Unless…”bitin nito sa iba pang sasabihin. “Unless ano?” hindi na niya tinapos ang pakikipag-usap dito dahil tumunog ang celpon niya. Agad na dinampot niya ang gadget. “Hello? Asan ka ba? Bakit hindi mo ako sinipot?” bungad niya ng malamang si Maggie ang nasa kabilang linya. Iba ang gamit nitong number kaya hindi niya ito agad nakilala. Bahagya siyang huminto sa pagsasalita dahil sa sinabi nito. “Damn that man. Anong sinabi sa’yo?” tanong niya. “Okay, magkita na lang tayo bukas.” Wika niya at tumingin sa lalaki. Nakita niyang nakatingin din pala ito sa kanya. “Yes, nakauwi na ko.” Tumaas ang kilay ng lalaki dahil sa sinabi niya. Inirapan naman niya ito sabay talikod. Marami pa siyang ibinilin dito bago niya pinutol ang usapan. Maya-maya ay lumapit na siya sa lalaki dahil hindi na niya napigilan ang pagkalam ng sikmura. Tahimik naman itong nakamasid sa kanya. Wala siyang pakialam kong mawalan man siya ng poise sa harap ng lalaki. Basta kailangan na niyang makakain.


Hanggang sa maubos niya ang inorder nitong soup ay hindi pa rin ito umimik. Pag-angat niya ng mukha ay nakita niyang nakangisi na ito. “Gutom ka pala pero mas pinili mong mag-inarte at magbabad sa banyo.” Prankang wika nito. “Mind your own business.” Tanging nasabi niya dito dahil sa pagkapahiya. “But you are my business now, my dear. You are interferring with my life already.” Sarkastikong saad nito. “Oh don’t worry, pagkatapos ng gabing ito wala na tayong pakialam sa isa’t-isa. Kung sinipot lang ako ng kausap ko hindi sana ako nandito at nagtityaga sa’yo.” Naniningkit ang mga matang pahayag niya dito. “Really? Just like what I’ve thought.” May malisyang wika nito. “What?” naiiritang tanong niya dito. Ginagalit talaga siya ng ungas na ito. Kung hindi lang siya edukadang tao kanina pa niya ito tinalakan. At kahit kailan ay hindi siya nawala sa katwiran. “Nothing.” Alam niyang inililihis na lang nito ang gustong tumbukin sa kanya. Kaya naiinis siya. At para makaiwas na lang sa pang-uuyam nito ay minabuti niyang mahiga na lang sa kama. Kailangan niya ng magpahinga dahil bente-kwatro oras na siyang walang tulog dahil sa trabahong kailangan niyang tapusin. Naiidlid na siya ng biglang lumundo ang kama. Bigla siyang mapamulagat ng humiga rin ito doon. At ang walang hiya balak pa atang tumabi sa kanya. Hindi pwede aniya sa isip.


Chapter Two “Ano? Don’t tell me tatabihan mo ako dito sa kama. You can use the sopa, be a gentleman for once.” Naghuhuramentado ang puso niya dahil sa isiping balak talaga nitong tumabi sa kanya sa kama. At hindi siya papayag. Hindi siya makakapayag na maisahan siya ng lalaking ito. She doesn’t know even his name. Ano ang karapatan ng lalaking ito para tabihan siya? “Don’t give me that innocent look woman. Wala akong panahong makipagtalo sa’yo. Pagod ako and I really need to sleep. Kung hindi ka makatulog na katabi ako feel free to use the sopa. Hindi ko ugaling mamaluktot sa maliit na higaan.” aniya. Nasa boses nito ang pinalidad. Nakita niyang humiga na ito sa kamay at pumikit. Nagkukutkot naman ang dibdib niya dahil sa pagkadismaya. Paano siya makakatulog nito? Baka gapangin siya ng lalaki. Tatarayan niya sana ito ulit ng pagtingin niya ay tulog na tulog na ito. Bahagya pa nga itong naghihilik. Siguro ay tama ang sinabi nitong wala pa itong pahinga. Nagdadalawang isip man ay humiga na rin siya sa dulo ng kama. Hindi naman siguro siya pag-iinteresan ng estrangherong ito. Lalo na at sinabi nito iyon. Pero paano kung nagsisinungaling lamang ito ng sinabi iyon. Ipinangako niya sa sariling madaling araw pa lang ay lilisanin na niya ang lugar na iyon at iiwanan ang antipatikong lalaki. Ipinanatag niya ang kalooban at pinilit matulog. Hindi niya alam kung ilang oras siyang nakatulog. Bumangon siya at tinungo ang bag para kunin ang celpon niya. Nakita niyang mag-aala singko na ng umaga. Nilingon niya ang lalaki. Nakatihaya ito kaya kitang-kita niya ang kabuuan nito. Tulog na tulog pa


rin. Bahagya siyang napangiti. She never thought na magagawa niyang matulog na may katabi especially when she doesn’t even know this man. Nababaliw na talaga siya. Pero ang kabaliwan niyang iyon ay dapat ng putulin. Kailangan na niyang lisanin ang lugar na iyon. Hindi na siya makakatagal ng isa pang minuto kasama ang lalaki. Bahagya niya pang sinalat ang leeg niya. Mainit siya. Kaya pala kanina ng maalimpungatan siya ay bahagya pang nangangatog ang katawan niya. Kailangan na niyang umuwi para makapagpahinga ng maayos at makainom na rin ng gamot. Bago nilisan ang silid ay tinapunan niya muna ng tingin ang natutulog. Saka niya lang napansin na para bang pamilyar sa kanya ang mukha nito pero hindi naman niya maapuhap kung saan niya ito nakita. Nagmamadali na siyang lumabas ng kwarto at tinungo ang elevator. Pagbaba niya ng ground floor at tuloy-tuloy na siyang lumabas ng gusali. May nakita siyang paparating na taxi kaya agad niya itong pinara. Nagpahatid siya sa Ortegas kung saan naroon ang condo niya. Mukhang tatrangkasuhin siya ng araw na iyon. Napamura siya sa sarili. Marami siyang dapat asikasuhin at wala sa mga plano niya ang pagkakasakit. Bakit pinaplano ba ang pagkakasakit. Wika ng isip niya. Napabuntong hininga siya. Nang makarating sa condo ay dali-dali siyang pumasok ng kwarto at nagbihis ng pambahay. Aayusin pa niya ang mga papeles na hawak. Tinungo niya ang telepono at tinawagan ang pinsan. Tiyak siya na magsusungit ito dahil alas siyete pa lang ng umaga. Alam niyang tanghali na ito kung magising dahil ginagabi na ito ng husto sa trabaho nito. Pero kailangan niya ang tulong nito sa mga oras na iyon. “Bakit ba?” bulyaw nito. “Come here, dito mo na ituloy ang pagtulog mo. Kailangan kita ngayon. And I don’t need ifs and buts. Mukhang lalagnatin ako ngayon. Naulanan ako dahil sa


paghihintay sa’yo kahapon.” Wika niya dito habang tinitingnan ang mga papeles na hawak niya. Pumayag naman ito. Mukha naawa ito dahil sa sinabi niya. Agad na itong nagpaalam at pupuntahan na daw siya. Pumunta siya sa kusina para tingnan kung ano ang pwede niyang lutuin. Masyadong metikulosa ang pinsan niya pagdating sa pagkain kaya pinilit niyang pag-aralan ang pagluluto. At sa awa ng Diyos ay marami na siyang alam na mga putahe. Kailangan niya iyon dahil lagi niyang hinihingi ang tulong nito pagdating sa propesyon niya. Isa siyang abogado. And at the age of twenty seven ay ay isa na siya sa mga tinitingalang abogado ng Pilipinas. Marami na siyang naipanalong kaso dahil sa didikasyon niya at pagpupursiging matulungan ang mga tao. Mas gusto niyang tulungan ang mga mahihirap na naghahangad ng hustisya kaysa mga mayayaman. Ang katwiran niya kunti na lang na mga katulad niya ang gustong tulungan ang mga mahihirap dahil sa kakulangan ng mga ito sa pinansyal na aspeto kaya ipinangako niya sa sarili na hindi niya ipagkakait ang tulong sa mga ito. At ngayon nga ay puspusan ang ginagawa niyang paghahanap ng mga dokumento para manalo sa kaso ng isang construction worker ng isang pinatatayong gusali sa Marikina. Nasampahan ito ng kasong pagnanakaw ng pera at mga kagamitan sa nasabing gusaling itinatayo kaya kulang na ang pundo nito at nakatiwang-wang na lang dahil sa kasong kinakaharap. Sa pagkakaalam niya ay mayaman ang nasabing may-ari nito kaya nagtataka siya kung bakit ipinahinto nito ang pagpapatayo. Isa ito sa mga tinitingala sa lipunan dahil sa kabi-kabila ang mga kompanyang pinapalakad nito. Hindi pa niya nakikita ito kahit sa mga magazine man lamang. Masyado daw itong aloof sa mga reporters kaya kahit picture ay hindi ito makuhanan. Kaya iyon rin ang pinoproblema niya. Kailangan niya itong makausap sa lalong madaling panahon dahil kung hindi ay makukulong sa bilangguan ang kliyente


niya at hindi niya hahayaang mangyari iyon. Kaya humingi siya ng tulong sa pinsan niya. Napag-alaman niyang kapatid nito ang nobyo ng pinsan niya. Kaya pinilit niya itong makipagkita sa kanya kahapon para sabihin at itanong dito kung paano niya nakokontak o makakausap ang kapatid nito. Pero sa malas ay naindyan siya ng mga ito. Maya-maya ay nakarinig siya ng mga katok. Inisip niya na baka ang pinsan na niya ang dumating pero nagtataka naman siya kung bakit kailangan pa nitong kumatok eh may duplicate key naman ito ng condo niya. Naiiling na binuksan niya ang pinto. Wala naman siyang nakitang tao roon maliban sa isang kahon na nasa harapan niya. Nagtataka man ay kinuha niya iyon at isinara ulit ang pinto. Naiiling na pumunta siya sa sala at binuksan ang laman niyon. Halos magtitili siya ng mabungaran ang laman nito. Isang patay na itim na pusa. Kung hindi pa dumating si Maggie ay hindi pa siya makakalma. Putlang-putla ang mukha niya. “Sino namang walang magawa sa buhay ang magpapadala sa’yo nito.” Nagtatakang tanong nito. “Wait, may sulat na nakalagay.” Aniya at dinampot ang sulat na katabi ng patay na pusa. Halos mamutla rin ito ng mabasa ang sulat. Inagaw niya rito ang papel at binasa. Sa susunod, ikaw na ang nakalagay sa karton na ito kung hindi mo titigilan ang kasong hawak mo. Matapos basahin ang sulat ay nilamukos niya ito at itinapon sa trash can pero nagbago ang isip niya at pinulot uli iyon. Pwede niyang gawing ebidensiya ito baling araw. Kailangan na talaga niyang matapos ang kasong hawak dahil pinagbabantaan na ang buhay niya.


“My God Faith, hindi ka ba natatakot na pinagbabantaan na ang buhay mo? Sinabi ko na sa’yo na delikado ang propesyong pinili mo. Pero napakatigas ng ulo mo. Hihintayin mo pa bang manganib ang buhay mo bago ka matauhan?” Galit na wika nito sa kanya. “Napaka OA mo naman Maggie. Maraming na akong natatanggap na death threat sa buong buhay ko. Ngayon pa ba ako matatakot? Kailangan niyang tapusin ang nasimulan dahil kung hindi ay kawawa naman ang kliyente niyang si Fred Garcia, baka makulong ito. “You you have to help me. Kailangan kong makausap ang kapatid ng nobyo mo dahil nasa kanya ang kailangan kong mga dokumento. Alam kong malaki ang posibilidad na isa sa mga associate members nito ang may pakana ng lahat. I just need names Maggie.” Paliwanag niya dito. “Pero imposibleng makausap mo ang kapatid niya. Nalaman ko mismo kay Gwen na wala ang kuya niya. Nasa Pampanga. Marami daw itong inaayos doon at wala daw balak magpaistorbo.” Paliwanag nito na ang tinutukoy ay ang nobyo nito. Habang tumatagal ay kinaiinisan niya ang kung sino mang nagmamay-ari nggusali. Akala pa naman niya ay minamadali na nito ang kaso dahil marami ng oras ang nasasayang nito. Paano masasayang ang oras eh hindi naman ito ang personal na nagaasikaso ng nasabing kaso. Tanging ang kanang kamay nitong si Mr. David ang nakakausap niya. Masyadong paimportante ang taong iyon. Alam nitong kailangan niya itong personal na makausap upang agad niyang masolusyunan ang kasong hawak niya. “Hindi ba pwedeng isingit niya ang pakikipagkita sa’kin?” nakita niyang umiling ito. Napabuntong-hininga siya. Narinig nila na tumunog ang celpon nito. Agad naman nitong sinagot ang tawag. Hindi niya masyadong naintindihan ang sinasabi ng pinsan


niya dahil pumunta siya saglit sa kusina para magtimpla ng juice. Pagbalik niya ay nakaupo na ito sa sofa. “Tumawag si Gwen, narito na raw sa Maynila ang hinahanap mo. Kadarating lang daw kanina.” Pagbibigay nito ng impormasyon. Napangiti siya dito. “I need the address, kailangang magkausap na kami ngayon bago ulit niya maisipang maglaho na naman.” Masiglang sabi niya rito. “Mahirap makakuha ng appointment niya. Saka magagalit yun kapag nalamang ibinigay sa’tin ni Gwen ang location niya.” Nag-aalalang turan nito. “Well, hindi naman niya malalaman na si Gwen ang nagbigay sa’kin ng impormasyon. I just need to talk to him and get those damn documents. At pagkatapos kung malutas ang kasong ito, maybe I will find a place para ma-refresh ulit ako. Or magbabakasyon ako sa’tin.” Nakangiting pahayag niya sa pinsan. Tumaas naman ang kilay nito at hindi yata naniniwala sa sinabi niya. Hindi naman niya masisisi ito. Ilang beses na niyang sinabi dito ang tungkol sa pagbabakasyon ngunit lagi na lang itong hindi natutuloy. Simula ng maghiwalay sila ni Marlon ay wala na siyang inatupag kundi ang pagtatrabaho. Masyado niyang dinibdib ang pakikipaghiwalay nito sa kanya. Pero hindi naman niya ito masisi dahil nasa kanya ang problema. Masyadong buhos ang atensiyon niya sa trabaho dahil nagsisimula pa lang siya. Halos mahigit dalawang taon din nagtagal ang relasyon nila. College pa lang ay magkakilala na sila. Akala niya ay ito na ang lalaking nakalaan para sa kanya at magiging asawa niya ngunit hindi pala. Naghanap ito ng babaeng tutugon sa mga pangangailangan nito at iniwan siya. Pero naging maayos naman ang paghihiwalay nila. Alam niyang naging seryoso ito sa kanya ngunit dahil sa kapabayaan niya ay nagsawa ito. Ang huling


balita niya ay nasa London ito at inaayos ang family business ng mga ito. Masaya siya para dito. Pero hindi pa rin niya mapigilang manghinayang sa relasyong nabuo nila. “Hay naku Faith, kung hindi pa kita kilala ay matutuwa sana ako sa balitang iyan. Ano pa ba ang kailangan mo para makatulog na ako. Madaling araw na rin akong nakauwi kanina dahil ang daming tao sa restaurant.” Aniya at naghikab pa sa harap niya. “I just need the address. Pupuntahan ko siya ngayon din para makuha na ang mga kailangan ko.” Sabi niya dito sabay ubo. “I think you have to take medicine first. Hindi ba’t sabi mo ay naulanan ka? Magpahinga ka na muna kaya?” nag-aalalang wika nito at sinalat ang noo niya. “Mainitinit ka ah.” “Okay lang ako. Uminom na ako ng gamot kanina. Maggie, I need the address.” Pangungulit niya rito. Ibinigay naman nito ang address ng kapatid ni Gwen. Pagkatapos mailagay sa isang papel ay itinaboy na niya ito para matulog sa guest room niya. Nang maayos ang mga papeles na hawak niya ay nagmamadali na siyang lumabas ng condo. Siniguro niyang nakalock ang condo bago siya tuloy-tuloy sa kotse niya. Hindi niya lubos maisip na nagawa niyang magcommute kahapon para makipagkita kay Maggie. Sinabi kasi nito na doon sila magkikita ni Gwen at sabay sabay na silang pupunta sa lugar kung saan naroon ang kapatid nito. Masyado na siyang naaatraso dahil sa kapatid ni Gwen. Kapag hindi nito nagawang makipag cooperate sa kanya ay sisguraduhin niyang pagbabayaran nito iyon. Inihinto niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada malapit sa bahay ni Christopher Barrios. Wala siyang ideya kung naroon ang lalaki pero kailangan niyang magbaka


sakali. Tiningnan muna niya ang magkabilang kalsada bago tinungo ang security guard na nagbabantay sa entrance gate. Ngumiti siya dito at nagbigay galang. “Hi, nandyan ba si Christopher?” nakangiti pa ring tanong niya dito. “Sino po sila?” tanong naman nito. “Ahm, ako si Faith Hernandez. Hinihintay ako ng bos mo ngayon. May mahalaga kaming pag-uusapan.” Pormal niyang wika dito. Nakita niyang may kinausap ito sa kabilang linya. Sigurado siyang inalam nito kung meron nga siyang appointment sa bos nito. Alam na niyang nasa loob ang lalaki kaya kailangan niyang makaisip ng paraan para makapasok. “Sorry po maam pero wala daw po kayong appointment sa kanya. Busy po kasi si sir kaya hindi po siya nagpapaistorbo.” Aniya. Nagpanting naman ang mga tenga niya sa narinig. “Sabihin mo sa bos mo kailangan ko siyang makausap ngayon din. Hindi ako aalis dito hanggat hindi niya kamo ako kinakausap.” Mataray niyang banta rito. “Pero maam, hindi po talaga pwede ngayon si sir. Kabilin-bilinan po niyang huwag magpapapasok ng bisita sa loob. Baka po mawalan ako ng trabaho.” Takot na sabi nito. Kulang na lang ay murahin niya ito ngunit nagtimpi siya. “I’ll talk to him to the phone.” Malumanay na sabi niya dito. “Pero….” Mukhang tatanggi pa ito ngunit inagaw na niya ang walkie talkie nito. Pinindot niya ang redial at hinintay na sumagot ang nasa kabilang linya. Nang maramdaman niyang may nag-angat ng receiver ay hindi niya ito binigyan ng pagkakataong magsalita.


“Listen to me carefully Mr. Barrios, I need to talk to you now. Its very urgent and I don’t have much time left. Hindi ako nagpunta rito para umuwi lang sa wala.” Mataray niyang sabi dito at hindi na niya hinintay na sumagot ito iniabot na niya sa guard ang telepono. Nag-usap pa ang dalawa bago siya nagawang harapin nito. “Pumasok na daw po kayo ma’am” aniya na kakamot kamot pa ng ulo. Papapasukin din pala siya ay kailangan pa siyang galitin. Humanda sa kanya ang Barrios na iyon at makikta nito ang hinahanap nito. Pumasok ulit siya sa kotse niya at pinaandar iyon papasok sa malaking bahay. Maganda ang istilo niyon. Napapaligiran ng maraming puno sa gilid hanggang sa makarating sa mismong bahay. Kahanga-hanga ang gumawa ng istilong iyon. Gusto niya kapag naisipan niyang gumawa ng bahay ay ganito din ang ipagagawa niya. Maayos niyang ipinark ang kotse niya at nagmamadaling umibis doon. Nakita niya na may isang katandaang babae ang naghihintay sa kanya. Lumapit ito sa kanya. “Magandang tanghali po.” Bati niya rito. “Magandang tanghali naman. Ako si Manang Salud, ang mayordoma dito.” Pakilala nito. “Halika at ihahatid na kita kay Chris. Pasensiya ka na sa amo ko, masungit lang talaga ang batang iyon, pero mabait naman.” Hinging paumanhin nito. “Okay lang po, kailangan ko lang po talaga siyang makausap ng personal.” Magalang na wika niya dito. Dinala siya nito sa isang silid na napag-alaman niyang study room dahil sa napakaraming mga libro na nakadisplay doon. Malaki ito at maaliwalas, hindi tulad ng mga nakikita niyang ordinaryong silid aklatan. May nakalagay na iba’t ibang klaseng larawan sa mga pader na nahihinuha niyang magagaling na pintor ang may likha.


Chapter Three “Anong kailangan mo at nanggugulo ka sa pamamahay ko?” dumadagundong na boses ng isang lalaki na muntik na niyang ikasubsob sa pader. Sa galit niya dahil sa ginawa nito ay matatalim ang mga matang lumingon siya rito. Parehas pa silang nagulat ng makilala ang isa’t-isa. Ang antipatikong lalaki na nakasama niya sa motel. Ito ang unang nakabawi sa pagkagulat. Nakita niyang umupo ito sa desk na naroon at tinitigan siya. “Look whose here, mukhang naligaw ka yata o baka naman talagang sinusundan mo ako.” Naroon na naman ang pagiging sarkastiko nito. At talagang makapal ang mukha nito para sabihin sa kanyang sinusundan niya ito. “So hindi pala ako nagkamali ng impresyon sa’yo Mr. Barrios” sabi niya sabay halukipkip ng mga braso niya. Naiilang siya sa uri ng pagtitig nito sa kanya. Para siyang hinuhubaran kung makatitig ito. “And what is that?” tanong nito. “The arrogant bastard.” Prangkang sagot niya dito at tinitigan niya rin ito. Bahagya naman itong natawa sa sinabi niya. Pero maya-maya lang ay pumormal ang mukha nito. “Who are you and what do you need? Siguraduhin mo lang na importante ang ipinunta mo dito dahil marami akong tinatapos na trabaho.” Wika nito at umayos ng upo sa chivel chair nito. Itinuro din nito sa kanya ang pang-isahan upuan. Akala niya ay


hahayaan na lang siya nitong nakatayo sa harap nito. Pormal ang mukhang tumingin siya dito. “Im Attorney Faith Hernandez, I’m handling Mr. Garcia’s case.” Pakilala niya. “You’re an attorney?” aniya at hinimas himas pa ang baba nito. “Bakit? May nakapagtataka bang maging attorney ako?” sarkastikong saad niya rito. “I see, iba pala ang pagkakakilala mo sa’kin yesterday because of that incident.” Patuyang sabi niya rito. “Well, kahit naman sino ang makakakita sa’yo sa eksenang iyon ay ganun ang iisipin.” Natatawang wika nito na ikinainis niya. Ganun na ba talaga ang itsura niya kahapon. Nanlilisik ang mga matang tumingin siya rito. “I don’t really give a damn. Kaya ako nagpunta dito ay para personal na hingin sa’yo ang mga dokumento sa nasabing gusali. May mga taong kailangan kong kilalanin para maayos na ang kaso.” Diretsong sabi niya rito. “At sa tingin mo ba ay basta ko na lamang ibibigay sa’yo ang mga dokumentong kailangan mo. May mga pinahahalagahan akong tao sa nasabing korporasyon kaya hindi ko pwedeng ibigay sa’yo ang kailangan mo.” Pormal na wika nito. Alam niyang matinding pamimilit ang kakailanganin niya para makumbinse niya ito. Hindi nga ganun kadali para dito ang maglabas ng mga pribadong dokumento pero iyon na lamang na tanging paraan niya para makilala ang mga totoong salarin. “Ang pagkakaalam ko ay mahigit dalawang buwan ng nasa korte ang kaso pero bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nasusulusyunan ang tungkol sa bagay na iyan.” Matigas ang boses na sabi nito. “At hindi ka ba nag-iisip? Tinutulungan mong makalaya


ang taong siyang dahilan ng nakawan sa ipinapatayo kung gusali.” Galit na sita nito sa kanya. “Walang kasalanan ang kliyente ko Mr. Barrios.” Pormal pa rin sabi niya rito kahit nagagalit na siya sa harap-harapang pagkadisgusto nito sa pagkampi niya kay Garcia. “And how can you be so sure?” patuyang tanong nito at tumitig sa mga mamta niya. “Basta patutunayan ko sa’yo na tama ang hinala ko na frame up lang ang lahat. I just need names para mapagtangi-tangi ko ang mga ebidensyang hawak ko.” Seryosong pahayag niya rito. Medyo nakakaramdam na siya ng pagkahilo kaya tumingin siya sa sahig. Mainit na rin ang singaw ng katawan niya tanda ng pagkakaroon ng trangkaso. Kailangan na niyang tapusin ang pakikipag-usap dito. “Tell me, sigurado ka ba sa sinasabi mo? O hinala mo lang lahat ang mga naiisip mo?” patuyang saad na naman nito. “Hindi kita pinipilit maniwala. Pero kailangan ko talaga ang mga dokumentong hawak mo para mapag-aralan ko.” Paliwanag niya rito. “Hindi ko maibibigay sa’yo ang kailangan mo. Kung gusto mong patunayang inosente si Garcia sa nakawan, do it in your own way pero hindi kita matutulungan sa gusto mo.” May pinalidad na sabi nito. Naitikom niya ang bibig ng sobrang diin para pigilan ang tinitimping galit. Wala talaga siyang mapapala dito. Kailangan na niyang umalis bago tuluyang magdilim sa kanya ang lahat. Babalik na lang siya bukas at kukulitin ito.


“Hindi kita pinipilit sa ngayon Mr. Barrios, pero sana ay maisip mo rin na posibleng may mga taong nasa likod ng insidente ang gustong sapawan ka. Babalik na lang ako kapag pwede mo ng ibigay sa’kin ang kailangan ko.” Paalam niya dito at tumayo na para tunguhin ang pinto. “Hindi na magbabago ang isip ko. Hindi ko ipagkakatiwala sa’yo ang mga dokumento kahit anong mangyari.” Aniya. Tuluyan na niyang tinalikuran ito ngunit ng akmang bubuksan na niya ang pinto ay bigla na lang siyang bumagsak at nawalan ng malay.

“Shit!” mura ni Chris ng makitang bumagsak ang dalaga. Mabuti na lang at maagap niyang nasalo ito bago tuluyang bumagsak sa sahig. Nasalat niya ang leeg nito at nalamang nag-aapoy ito sa lagnat. Tinawag niya si Manang Salud para alalayan siya upang maipasok niya ang dalaga sa isang kwarto. Nang mailapag niya ito sa kama ay inutusan niya ang matanda para dalhan siya ng maligamgam na tubig at bimpong ipupunas dito. Tinitigan niya ang dalaga. Maganda ito at maamo ang mukha kung titingnan pero parang tigre ang personalidad nito. Talagang napagkamalan niya itong pakawala kahapon dahil sa itsura nito. Pero inaamin niya sa sarili na malakas ang appeal nito sa kanya dahil nagawa niyang pasakayin ito sa kotse niya kahit basang-basa ito. Hindi siya mahilig sa mga mabababang uri ng babae pero ikinonsidera niya ito dahil iba ito sa mga babaeng pakawalang kilala niya. Napabuntong-hininga siya. Kung totoo ang sinasabi nito na posibleng may mga malalaking tao ang nasa likod ng anumalya sa ipinatatayo niyang gusali ay malaking gulo ang kinakaharap niya. Tumayo siya at kinuha ang celpon at tinawagan si Francis, ang kanyang kanang kamay.


“I need the file of a certain Faith Hernandez, I need it very soon.” Utos niya kay Francis, kaibigan at kababata niya ito. “Whoa, at kailan ka pa nagkainteres sa abogadang iyon Chris? Natatawang wika nito sa kabilang linya. “C’mmon Francis, don’t ask me anything about her. Just do what I said. Call me if you have anything.” Aniya at nagpaalam na siya rito at saka pinindot ang end botton. Wala siyang oras para sumagot sa napakaraming tanong nito. Nakita niyang lumapit si Manang Salud sa dalaga at sinalat ang noo nito. “Mataas ang lagnat niya iho.” Wika nito ng makalapit siya. Siguradong kanina pa nito iniinda ang kalagayan nito pero pinilit pa ring puntahan siya upang personal na hingin ang mga dokumento. Nakatingin lamang siya habang pinupunasan ito sa mga braso ni Manang Salud. Sa totoo lang hindi niya inaasahang magkikita pa silang dalawa matapos na iwanan siya nitong natutulog sa motel na iyon. Alam ng Diyos kung gaano siya nagpipigil sa sariling hawakan man lamang ito. Abot-kamay niya lamang ito. Nasa iisang kama at isang dipa lang ang layo sa kanya. Pero hindi siya gumawa ng isang bagay na pagsisisihan niya sa banding huli. May panghihinayang siyang maramdaman ng magising at wala na ito doon. Kahit pangalan nito ay hindi man lamang niya nakuha. Kaya talagang sinuswerte siya sa mga panahon ngayon.

Nagising si Faith na nasa isang hindi pamilyar na silid. Nang maalala niya na nahilo siya at nawalan ng malay kanina ay mabilis siyang bumangon. Kailangan na niyang lisanin ang lugar na iyon. Nakakahiya at dito pa siya nagpakargo. Baka kung ano pa ang iniisip sa kanya ng Chris na iyon. Lumabas siya ng silid ngunit wala naman siyang


makitang tao roon. Bigla siyang napahinto ng maalalang hindi niya nadala ang bag niya. Dali-dali siyang bumalik sa kwarto at hinagilap iyon. “Mabuti naman at gising kana.” Tinig mula sa bungad ng pinto. Bigla na naman siyang ginulat nito. Wala ba talaga itong ibang gagawin kundi ang gelatin siya. Humarap siya dito. “Nananadya ka ba talaga? Bakit ba lagi ka na lang sumusulpot at lagi mo akong ginugulat? Pagtataray niya dito. Ikiniling nito ang ulo. “Handa na ang hapunan. Sumabay ka na sa’min at saka ulit tayo mag-uusap.” Mas utos iyon kaysa pakiusap. “Hindi na kailangan, sa bahay na lang ako kakain at wala na rin tayong dapat pagusapan.” Pormal na sabi niya dito. Parang hari ito kung manduhan siya. At iyon ang kinaiinisan niya sa lahat. Wala pang tao ang nagpasunod sa kanya kaya bakit niya ito susundin. “Really? So hindi mo na kailangan ang mga dokumento? Mabuti naman kung ganun.” Nakangising turan nito at anyang tatalikuran na siya. “Wait! You mean ipapahiram mo na sa’kin ang mga dokumento?” nagtatakang tanong niya rito. “Mamaya na tayo mag-usap. The food is ready, alam kong gutom ka na.” nakangiting saad nito. Hinintay pa siya nitong makalabas ng kwarto kaya magkasabay silang nakarating sa dining room. Marami ba silang kakain? Tanong niya sa sarili ng makitang maraming nakaserve na pagkain sa mesa. Nakapagkakataka ang ikinikilos nito. Ipinagserve siya nito ng pagkain at kulang na lang ay subuan siya. Naging sweet ata sa kanya ang ungas na ito. Pero binalewala na lang niya iyon at maganang kumain. Masarap


ang mga putaheng nakahain kaya marami siyang nakain. Nang matapos ay saka lang siya nag-angat ng paningin at nakitang nakatingin ito sa kanya. Inirapan naman niya ito. Pagkatapos nilang kumain at dumiretso sila sa lanai at nagkape. Maganda ang pagkakaayos niyon at napakasimoy ng hangin. Manaka-naka siyang sumusulyap sa kanyang pambisig na relo. Pasado alas otso na ng gabi, ibig sabihin walong oras na siyang nasa bahay ng lalaki. Tiyak na alalang alala na sa kanya si Maggie. Kung bakit naman kasi nakalimutan niyang tawagan ito para ipaalam ditto kung na saan siya. Napabuntong-hininga siya. Nagiging makalilimutin na ata siya ngayon idagdag pa ang pagiging magugulatin niya. At lahat ng iyon ay dahil sa lalaking kaharap niya ngayon. Napabuntong-hininga na naman siya. “Ang lalim naman ata ng iniisip mo. Nakailang buntong-hininga ka na. May problema ka ba?” tanong nito sa kanya. “Kung pag-uusapan natin ang tungkol sa mga dokumento mas mabuti sigurong ipagpabukas na lang natin. Masyado ng gabi para magtagal pa ako dito. Kailangan ko ng umuwi. “Akala ko ba ay napaka importante ng mga dokumentong hawak ko? Nagawa mo ngang lumusob dito kahit masama na ang pakiramdam mo. Kahit alam mong imposibleng ipahiram ko iyon sa’yo. Ngayon namang handa na akong ibigay sa’yo ang mga kailangan mo sinasabi mong bukas na lang?” mahabang litanya nito. “Dito ka na lang magpalipas ng gabi, dito siguradong may sarili kang silid. Ikaw na rin ang nagsabing gabi na.” maya-maya ay dagdag nito. “Pero…” tatanggi sana siya pero naramdaman niyang hinawakan nito ang kamay niya at iniupo siya sa swing. Gusto niyang magprotesta sa ginawa nito pero bahagyang


gumalaw ang swing. Napahawak siya sa mga braso nito. Inalalayan naman siya nitong makaupo ng maayos. Ngayon ay bahagya na silang magkaharap sa isa’t-isa. Naiilang man ay tumingin siya sa mga mata nito. Ano ba talaga ang pinaplano ng lalaking ito? Mukhang may hindi magandang mangyayari kapag nag-stay pa siya doon ng matagal. Kung kanina ay napakadaldal nito habang kumakain sila, ngayon naman at napakatahimik nito na para bang may gustong sabihin sa kanya pero hindi alam kung paano magsisimula. “I have a proposal to make.” Wika nito pagkatapos ng mahabang katahimikan. Hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya ng sabihin iyon ng lalaki pero hindi siya umimik. Hinintay niyang ipagpatuloy nito ang pagsasalita. Tumingin ito sa mga mata niya. “Marry me kapalit ng mga dokumentong kailangan mo.” Walang pakundangang wika nito. Bigla siyang napatayo sa kinauupuan. Pero maagap ito at nahawakan siya sa magkabilang braso. “No, this is ridiculous. You are ridiculous.” kinakabahan man dahil sa posisyon nila ay pinatatag pa rin niya ang sarili. Ano ang akala ng lalaking ito, mapapasunod siya sa lahat ng gustuhin nito? “We will get married after two months, so get ready. Marami din tayong dapat asikasuhin kaya tapusin mo na ang mga commitments mo.” aniya. “And how can you be so sure na papayag akong magpakasal sa’yo? Kahit mga magulang ko ay hindi pa ako minanduhan, ikaw pa kaya?” sarkastikong turan niya dito.


“Yes you will my dear, unless hindi mo na kailangan ang mga dokumentong hawak ko.” Nakakaloko ang mga ngiti nito. Damn this man. Wala na itong ibang ginawa kundi guluhin ang buhay niya. Siguro ay nasisiraan na talaga ito ng bait. Napailing siya. “Hindi mo pwedeng gawin sa’kin ‘to Mr. Barrios.” Mahinang sabi niya rito. “If that’s the case, hindi mo na nga kailangan pa ang mga papeles na hawak ko. Forget what I said. Magpahinga ka na.” aniya at bumaba ng swing at akmang tatalikuran na siya. “Why are you doing this?” nagawa niyang itanong dito ang kanina pa niya gustong itanog. “Simple lang, I want to get married and start a family life. Faith, this is a good offer. You will have everything you want. Pag-isipan mong mabuti ang sinabi ko.” Paliwanag nito. “I don’t want to get married just for convenience.” Saad niya pero natigilan siya. Parang sinabi na rin niya dito na dapat ay mahal nila ang isa’t-isa kapag nagpakasal sila. Totoo naman ang sinabi niya. Kung pera lang ang pag-uusapan ay mayroon naman siya. Kaya gusto niya kapag nagkapamilya siya ay katulad din siya ng mga ordinaryong nilalang na puno ng pagmamahal. “We will start to that. Kapag hindi nagclick saka tayo mag-uusap, another preposition perhaps.” pormal na wika nito na para bang nakikipag bargain lang sa kanya. “No, hindi ako papayag. You’re really out of your mind.” Galit na sabi niya at tinalikuran na niya ito. Uuwi na siya. Hindi siya papayag na maisahan ng lalaking iyon. Anong akala nito sa kanya, ganoon siya kadaling masisilo sa kayamanan nito? Manigas ka!


“Where are you going?” hindi niya napansing nakasunod pala ito sa kanya. Talagang may sa lahing aswang ang ungas na ito. Palagi na lang sumusulpot at gugulatin siya, aniya sa isip. “Hindi mo ba nakikita? Uuwi na ko.” Singhal niya rito. “Hindi ko ma-take na Makita ka kahit isang segundo. Kaya bago pa magdilim ang paningin ko ay aalis na ko.” “Okay, go on. Have a good trip.” Aniya at tinalikuran na siya. Inis na inis talaga siya dito. Napaka antipatiko at mapakahambog! Pagdating niya sa tapat ng kotse niya ay kinapa niya sa bag niya ang kanyang car keys pero hindi niya ito mahagilap. Binuksan na niya ito ng tuluyan at laging pagkadismaya niya ng wala doon ang hinahanap. Kung minamalas ka nga naman. Saan ba niya naiwan ang susi? Inis na bumalik siya sa loob ng bahay at tinungo ang kusina. Nadatnan niya roon si Manang Salud kaya tinanong niya ito. Pero hindi naman daw nito nakita ang hinahanap niya. Saka niya naalala si Christopher. Baka kinuha nito ang susi sa bag niya. Tinanong niya rito kung na saan ang lalaki at nalaman niyang nasa study room ito.


Chapter Four “Where’s my car keys?” galit na tanong niya rito. Ni hindi na nga niya nagawang kumatok bago pumasok. Nakita niyang may binabasa itong papeles ngunit isira nito iyon ng makita siya. “O may nakalimutan ka ba?” painosenteng tanong nito. “Nasaan ang susi ng kotse ko?” mataray na tanong niya rito. Gigil na gigil talaga siya dito. Nagawa pa nitong magmaang-maangan sa kanya. “Sinabi ko na sa’yong dito ka na lang matulog. Ba’t ba ang tigas ng ulo mo?” pangbabalewala nito sa tanong niya. “You have no right to do this to me!” sigaw niya rito. “Pwede ba tumigil ka sa kakasigaw mo. Baka anong isipin ni Manang Salud.” Sita nito sa kanya. “Why didn’t you told me na may nagtatangka na pala sa buhay mo?” naniningkit ang mga matang tanong nito. “What is it to you?” pang-iinis niya rito. And before she knew it nasa harapan na niya pala ito at padaskol siyang isinandig sa dingding. Nagtatagis ang bagang nitong nakatingin sa kanya. “You’re hurting me.” Reklamo niya. Mukha namang natauhan ito sa ginawa dahil niluwagan nito ang pagkakahawak sa kanya ngunit hindi pa rin siya binitawan nito. Titig na titig ito sa mukha niya, particular sa mga labi niya. Dahan-dahan nitong ibinaba ang mukha sa kanya at sinakop ang mga labi niya. Marubdob iyon na para bang nagpaparusa sa kanya dahil sa pagiging


matigas ng ulo niya. Nanlaban siya pero matigas ito kaya walang siyang nagawa ng hapitin siya ng mahigpit at ikulong sa mga bisig nito habang sakop pa nito ang mga labi niya. Matapos ang mahabang pananamantala nito sa mga labi niya ay pinakawalan siya nito. Naramdaman niya ang pangangapal ng mga labi dahil sa kapahangasan ito. “The next time you provoke me, mas higit pa dyan ang gagawin ko sa’yo so you better listen to me carefully.” Aniya at pinadaanan pa ng daliri nito ang namumulang labi niya. “Unless…” bitin nito sa sasabihin. “Unless what?” nakataas ang kilay na tanong niya. Ito ang paraan niya para mapagtakpan ang kahihiyan. “Unless you’re enjoying my kiss.” Tahasang saad nito. “Damn you!” mura niya dito pero kulang naman sa konbiksiyon ang boses niya. “Yes, damn me sweetheart.” Aniya at sinakop ulit ang mga labi niya. “I’m going crazy because of you.” Sabi nito pagkatapos pakawalan ang mga labi niya. “Let go of me.” Tanging nasabi niya rito dahil sa kakaibang sensasyong lumulukod sa pagkatao niya. Nakakabaliw din ito. Hindi niya maitatangging malakas din ang atraksyon nito sa kanya. Pero mamamatay muna siya bago niya masabi iyon dito. Bahagyang tumawa ito sa sinabi niya sabay pisil sa ilong niya. “Go to your room now and lock the door.” Pagtataboy nito sa kanya. Dali-dali naman siyang lumabas ng silid na iyon at tinungo ang kaninang gamit niyang kwarto. Pagkalock niya ng pinto ay napasandal siya sa likod niyon at napabuntong-hininga. Malakas ang tibok ng puso niya. Para itong tinatambol sa sobrang lakas ng pagkabog. Lumapit siya sa kama. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit sa loob lamang ng


maikling panahon ay kakaiba ang ikinikilos niya at hindi niya ito nagugustuhan. Bakit pagdating sa lalaki ay nag-iiba ang ugali niya. Hindi siya agad-agad ng kakagusto sa isang lalaki at lalong lalo na ang nagpapahalik. Nawala na ba ang respeto niya sa sarili? At hangang ngayon ay nagtataka pa rin siya kung bakit niyaya siya nitong magpakasal. Ang pagkakaalam niya ay maraming babae nakapalibot dito kaya bakit naman siya ang yayayain nito? O baka naman amused lang ito sa kanya dahil kakaiba siya sa mga babaeng nagdaan sa buhay nito? At totoo kaya ang sinabi nitong ibibgay lang sa kanya ang kailangan niyang dokumento kapalit ng pagpapakasal niya dito? Nahihibang na talaga ito. Kung balak siyang paglaruan at ibilang sa mga babae nito ay hindi siya makakapayag. Siguro ay kailangan na niyang magdesisyon para matapos na ang kasong hawak niya. Pero magpapakasal ba talaga siya dito? At ano? Iiwan siya nito kapag nagsawa ito sa kanya? Bah! Hindi siya papayag na basta na lang gamitin ng herudes na iyon. Nagkakamali siya ng binangga. Papayag siyang magpakasal dito pero sisiguruhin niyang mahihirapan itong pakisamahan siya. Kung gusto nito ng laro ay ibibigay niya ditto at titiyakin niyang ikatatalo nito iyon. Wala pang siyang inurungan kahit na ang mga nagbabanta sa buhay niya. Napangiti siyang ng may nakapa sa bulsa ng suot niyang pantalon. Ang susi ng kotse niya. Palilipasin niya ang ilang minuto bago niya lilisanin ang bahay na iyon. Nakuha niya iyon sa bulsa ng pantalon nito habang abala ito sa paghalik sa kanya.

Samantalang hindi naman mapakali si Chris sa kwarto. Paroot-parito siya at hindi alam ang gagawin. Gusto niyang puntahan si Faith sa kwarto nito. Sa totoo lang ay


kakaiba ang dalaga sa mga babaeng nagdaan sa buhay niya ngunit hindi niya iyon binigyan ng ibang kahulugan sa isip niya. Para sa kanya ay pare-parehas lamang ito. Kapag nagawa na niyang angkinin ito ay sigurado siyang mawawala na rin ang kakaibang nararamdaman niya para dito. Pero alam niyang hindi ito papayag na gusto niyang mangyari. Pero malakas ang loob niyang mapapapayag niya ito sa proposal niya ngayon pa na alam na niya ang kahinaan nito. Alam niyang mahal na mahal nito ang propesyon at hindi nito nanaising matalo sa kauna-unahang pagkakataon. Kaya kailangan niyang magtiis ng kaunting panahon para magawa ang gusto niya. Para sa kanya ay tamang ito ang pinili niyang pakasalan. Hindi na masama. Isa itong kilalang magaling na abogado ng bansa. Maganda ang personalidad at walang kinatatakutan. Palaban at may prinsipyo sa buhay. Isa itong challenge para sa kanya. Nagsalin siya ng alak sa baso at mabilis na ininom iyon pagkatapos ay pumunta siya ng banyo. Kailangan niyang maligo para mabawasan ang init ng katawang niya. Mahigit isang oras siyang nagbabad sa bath tub bago niya naisipang umahon. Pinulot niya ang pantalong ginamit niya na nasa sahig at akmang ilalagay sa marumihan ng maalala niya ang susi ng kotse ng dalaga. Nagulat siya ng wala ito doon. Bigla siyang kinabahan. Mabilis niyang tinungo ang pinto at pinuntahan ang silid nito. Nakita niyang nakaawang iyon kaya agad siyang pumasok. Wala na doon ang dalaga. Agad siyang nagpatrol sa guard na nagbabantay sa gate. Laking dismaya niya ng malamang nakalabas na ang babae. Natakasan siya nito. “Damn!” mura niya. Kulang na lang ay tadyakan niya ang mesang nasa harap niya. Kanina ay nalaman niya kay Francis na ilang beses ng nakakatanggap ng death threat ang dalaga. Napakatapang nito para balewalain ang mga pananakot ng mga nakabangga nito. Talagang napakatigas ng ulo nito at hindi ito tumatanggap ng katwiran.


Pinasya niyang puntahan na lang ito sa tinitirhan nito. Nalaman niya kay Francis kung saan ito nakatira. Hindi siya masyadong mahihirapang hanapin ang condo nito sa Ortegas dahil ilang beses na rin siyang napadpad doon. Halos paliparin niya ang sinasakyan para makarating lang sa lugar.

Inis na inis si Faith sa kung sinumang taong halos gibain na ang pinto ng unit niya. Nasa kalagitnaan na siya ng tulog ay nagising pa siya kaya inis na nagdadabog siyang bumaba at tinungo ang pinto. “What the hell….” Nabitin sa ere ang kung ano pang salitang gusto niyang ibato sa panauhin. “Anong ginagawa mo rito?” galit na sita niya rito. “Bakit ang tagal mong buksan ang pinto?” galit na sita nito sa kanya habang naglalakbay ang paningin sa kabuuan niya. Saka niya lang naalala kung anong ayos niya. Tanging isang maluwang na t-shirt na hanggang kalahati ng hita niya ang suot niya. Dahil sa pagkapahiya ay tumalikod siya dito. Pumasok naman ito at inilock ang pinto. “I’m asking you again Mr. Barrios, what are you doing here?” tanong niya habang nakahalukipkip ang mga braso upang takpan ang dibdib. Wala siyang suot na bra kaya alam niyang mahahalata nito iyon sa suot niya. “Why did you leave?” balik tanong nito sa kanya. “Sa tingin ko hindi ko kailangang magpaliwanag sa’yo.” Sarkastikong sagot niya rito. Agad naman siya nitong nahawakan sa braso. Mahigpit na para bang doon nito idinaan ang tinitimping galit sa kanya.


“Mararanasan mo kung ano ang parusa ko sa ginawa mo. Wala pang babae ang gumago sa’kin.” Tiim ang bagang na wika nito sabay sakop sa kanyang mga labi. Nagpumiglas siya dahil sa pangalawang pagkakataon ay nangahas itong halikan siya. Pinagbabayo niya ang dibdib nito ngunit balewala dito ang ginagawa niya. Hanggat naramdaman niya ang panghihina at hinayaan na lamang itong palalimin pa ang halik. Maya-maya ay kusa na siyang tumutugon sa mga halik nito. Nakakabaliw ang bawat sensasyong dulot nito. Para siyang nawawala sa sarili. Napaigtad siya ng maramdaman ang mga kamay nitong malayang nakapasok sa suot niyang t-shirt. Pataas sa kanyang dibdib. Napasinghap siya ng malaya na nitong pinipisil ang mga iyon. Nangunyapit na siya dito dahil parang pinanghihinaan na siya ng tuhod. Mukhang naramdaman naman nito ang paghihirap niya dahil binuhat siya nito at inihiga sa sopang naroon. Hindi pa rin nito pinapakawalan ang kanyang mga labi. Naramdaman niya ang bigat nito ng dumagan ito sa kanya. Itinaas nito ang kanyang damit at tuluyang tumamabad dito ang kanyang malarosas na dibdib. Napasinghap siya dahil sa pinipigilang ungol. Tuluyan na silang nawala sa sarili. Hindi niya alam na kaya nitong buhayin ang isang bagay sa kanyang pagkatao. At hindi na rin siya papayag na hindi nila tapusin ang nasimulan. Naramdaman niya ang isang kamay nitong humahaplos sa kanyang hita hanggang ipasok nito iyon sa kanyang panloob. Napasinghap na naman siya at biglang napatingin sa kusina. Naramdaman niyang may nagmamasid sa kanila. Pinigilan niya si Chris sa ano pang gagawin nito at bahagya niyang inangat ang katawan palapit dito. May tao nga! “What’s wrong?” nagtatakang tanong nito sa kanya. “Sshh… may tao.” Pabulong niyang sagot dito at gumulong siya palapit sa may lalagyan ng television set at dahan-dahang binuksan ang drawer na nandoon.


Inilabas niya ang kanyang baril. Sininyasan naman siya ni Chris na ibigay niya ditto ang baril pero hindi niya ito pinansin. Dahan-dahan siyang pumunta doon habang mahigpit ang pagkakahawak sa sandata. Kung sinuman ang taong nandun ay hindi sasantuhin ng hawak niya. “Ibaba mo ang baril mo Hernandez kung ayaw mong pasabugin ko ang bungo ng nobyo mo.” utumatikong napalingon siya sa pwesto ni Chris. May isang lalaki ang nasa likuran nito at nakatutok dito ang isang baril. Dahil sa paglingon niya ay hindi niya nakita ang isa pang lalaking lumapit sa kinaroroonan niya at tinutukan din siya ng baril at inagaw sa kanya ang hawak niya. “Anong kailangan ninyo?” galit na tanong niya sa mga ito. Kung magpapakita siya ng takot ay siguradong hindi sila makakaligtas ni Chris. Kailangan niyang mag-isip ng paraan para magapi ang dalawang lalaki. Pero dapat niyang isa alang-alang ang binata dahil sa nakatutok dito. Isang maling hakbang niya ay siguradong babarilin nila ito. “Alam mo kung ano ang kailangan namin Hernanadez. Matapang kang babae pero hindi mo isinasaalang-alang na maaari kang burahin ng mga taong sinasagasaan mo dahil sa pakikialam mo.” Matapang na wika nito at bahagya pang tumawa ng pagak. “So kayo pala ang nagbabanta sa buhay ko sa loob ng dalawang buwang paghawak ko sa kaso ni Garcia.” Patuyang sabi niya sa mga ito. Pamilyar sa kanya ang mukha ng lalaking may hawak kay Chris pero hindi niya maalala kung saan niya ito nakita. “Matalino ka, pero sayang ka dahil gusto ka ng ipabura sa’min sa mundo. Masyado ka ng maraming alam kaya dapat lang na patayin ka na naming bago mo pa kami mabuwag.” Paliwanag nito.


“Sa tingin mo nyo ba ay ganun na lang kadali ang lahat? Kapag nalaman ng mga tao ang pagkamatay ko siguradong mag-iimbestiga sila at hindi sila tanga para malaman ang totoo.” Tumitig siya sa mga mata ni Chris. Ipinahiwatig niya rito ang balak niya para makaligtas sila. Mukhang nakaintindi naman ito. Maya-maya lang ay binangga nito ang katawan ng lalaking nasa likuran nito hanggang sa mauntog ito sa dingding. Hindi siya nag-aksaya ng oras at hinarap naman niya ang nasa likuran niya. Sinuntok niya ang leeg nito sabay tadyak upang mapaluhod ito sa harap niya at naagaw niya rito ang hawak nitong baril at biglang lumingon siya sa gawi ni Chris at pinaputukan ang kalaban. Napuruhan niya ito at bumagsak. Hinarap niya ulit ang namimilipit na lalaki sa likod niya at pinatamaan niya ito sa tuhod. Kung tutuusin ay maaari niya rin itong patayin na lamang ngunit kailangan niya ng ibidensya galling ditto. Kailangan nila itong mapaamin kung sino ang nag-utos sa mga ito. Nilapitan agad siya ni Chris at niyakap. “Are you okay?” nag-aalalang tanong nito. Tumango siya. “We need to call the police.” Suhestiyon nito pero umiling siya. “No, I need evidence Chris. I want to interrogate this person para malaman ko kung sino ang nasa likod ng mga pagbabanta sa buhay ko. Kung saka-sakaling sila rin ang nasa likod ng nangyaring anumalya sa pagkakaframe up kay Garcia madali ko ng malulutas ang problema.” Seryosong pahayag niya at nilapitan na niya ang nahihirapang lalaki. Tinulungan siya ni Chris para maiupo ito sa pang-isahang upuan at itinali ang mga kamay sa likod nito. Pinakatitigan niya itong mabuti.


Chapter Five “Sino ang nag-utos sa’yo para ipapatay ako?” tanong niya rito. Hindi ito umimik at tinitigan lang din siya ng may malisya. Mukhang mahihirapan siyang paaminin ang lalaki pero hindi siya susuko. Bahagya siyang lumapit dito. “Mas makabubuting magsalita ka na ngayon pa lang dahil sinisiguro ko sa’yo sa loob ng limang minuto at hindi ka pa nagsalita ay pagsisisihan mo ang lahat.” Banta niya rito. “Kahit na patayin mo ako ay wala kang makukuhang impormasyon sa’kin Hernandez.” Wika nito at nagpakawala ng isang nakakalokong tawa. Nainis siya sa ginawa nito kaya hinawakan niya ang sugat nito. Napasigaw naman ito sa sakit. Kung hindi pa siya inawat ni Chris ay hindi pa sana niya iyon bibitawan. Galit na hinarap niya ito. “What?” “You don’t have to do that.” Galit na turan nito. “I know what I’m doing Chris, kung hindi mo matagalan na nakikita ang ginagawa ko lumabas ka muna.” Inis na sabi niya rito. Natahimik naman ito at hinayaan na siya sa ginagawa niya. Hinarap uli niya ang lalaki. “Pu---ina mo Hernandez! Kung iniisip mo na makakaligtas ka sa kanila nagkakamali ka!” madiin ang bawat salitang binitawan nito tanda ng paghihirap nito dahil sa sugat.


“Kaya nga uunahan ko na sila!” galit na sabi niya rito. “Kung gusto mong magamot ang tama ng baril sa katawan mo, simulan mo ng magsalita dahil kong hindi higit pa riyan ang kaya kong ibigay sa’yo.” Pananakot niya rito. “Hayup ka!” Hinawakan niya ulit ang sugat nito kaya napasigaw na naman ito. Hindi niya ito binitawan hanggat wala siyang nakukuhang impormasyon galing dito. “Tama na! tama na, magsasalita na ko.” Pagmamakaawa nito sa kanya. Inalis niya ang kamay na nasa sugat nito at tumingin dito. “Si Francis David ang nag-utos sa’min.” pag-aamin nito. Nagulat siya sa sinabi nito pero hindi inaasahan ang gagawin ni Chris. Sinugod nito ang lalaki at kinuwelyuhan ito. “Hayup ka! Kaibigan ko ang tinutukoy mo gago!” galit na sabi nito. “Hindi ako nagsisinungaling. Siya ang nag-utos sa’min na patayin si Hernandez at kapag nakialam ka ay isunod ka na rin.” Paliwanag ng lalaki. Inawat na niya si Chris matapos malaman ang totoo. Nagawa na rin niyang tumawag ng mga pulis para dakpin ito at ang bangkay ng kasama nito. Nahahapong napaupo siya sa sopa. Hindi siya makapaniwala sa natuklasan. Hindi niya alam kung ano ang iniisip ni Chris pagkatapos nilang matuklasan kung sino ang may kagagawan ng nangyari sa kanya. Simula ng dumating ang mga pulis ay tahimik lamang ito habang nagtatanong at nag-iimbestiga ang mga pulis. Hindi niya ito masisisi. Kaibigan nitong matalik si Francis David. Ilang beses na niyang nakita ang lalaki. Masayahin ito at laging may nakahandang ngiti sa bawat taong madaraanan nito. Ilang beses na rin niya itong nakausap tungkol sa kasong hinahawakan niya. At palagi


nitong sinasabing handa itong makipagtulungan para masolusyunan nila ang kaso. Hindi niya alam na kaya pala hindi niya maresolbahan ang kaso ay dahil may ahas sa tabi niya. Hinayaan na lang niya si Chris na tahimik pa rin sa gilid. Pumasok muna siya ng silid para kumuha kunin ang mga mahahalagang papeles na itinago niya. Kailangan niya iyon para matapos na niya ang kasong hawak niya. Sigurado na siyang isa sa mga araw naito sa maaabswelto na si Garcia sa pagkakakulong. Kawawa naman ang lalaki, naghirap ito ng lubos sa piitan. Kaya dapat lang na mailabas niya ito doon bago pa mahuli ang lahat. Nakita niyang nakaawang ang pinto ng closet niya. Nilapitan niya iyon at tiningnan. Paano nabuksan ang closet niya? Imposibleng buksan niya iyon kanina dahil may mga bagong dating siyang damit galing sa laundry. Hindi na kasi niya masyadong napagtutuunan ng pansin ang paglalaba kaya nagpalaba na lang siya sa malapit na laundry parlor. Pero imposible naman na hindi niya nakita iyon kanina. Wala ring siyang narinig na kaluskos mula doon. At ang siradura ng pinto sa kusina. Nakapagtatakang maraming dinaanan ang dalawang lalaki bago nakapasok sa condo niya. Pumasok siya sa loob ng closet. Tanging siya lamang ang nakakaalam ng lugar na iyon. Isa iyong secret passage pababa sa may labasan. Wala namang palatandaang may pumasok doon at hindi rin naman sira ang door knob. Mabilis siyang bumalik sa kwarto at isinara ang closet. Babalik na lamang siya doon kapag nakaalis na ang mga pulis na nag iimbestiga. Nakita niyang wala na si Chris sa pwesto nito. Iniikot niya ang paningin para hanapin ito pero wala ito sa loob ng condo niya. Minabuti na lang niyang magtanong sa isang pulis. “Nasaan na po si Mr. Barrios Sarhento?” tanong niya. “Umalis na siya Ms. Hernandez. Hindi na yata nagawang magpaalam sa inyo dahil may biglaang tawag na natanggap.” Paliwanag nito.


“Ganoon po ba?” dismayado man ay hindi na siya nagpahalata sa pulis. Bakit biglaan naman yata ang pag-alis nito? Tanong niya sa sarili. Nang araw ding iyon ay naisipan niyang pag-aralan ang kasong hawak niya ngunit mag-iisang oras na siyang nakatutok sa hawak na mga papeles ay hindi naman niya maintindihan. Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit ba ganun na lang ang nagiging epekto sa kanya ni Chris. Katulad din ito ng mga lalaking nagbibigay sa kanya ng motibo. Mayayaman at mga gwapo rin. Pero kakaiba ang nararamdaman niya kapag ito ang kasama niya. Kahit lagi siyang naiinis dito ay hinahanap-hanap niya ito. Siguro naman kapag natapos na ang kaso ay magkakaroon din sila ng pagkakataong makapagusap ng maayos. Parang namula ang pisngi niya ng maalala ang nangyari ng nagdaang gabi. Muntik na silang makalimot. Siguro kung hindi nangyari ang insidente ay tiyak niyang may mangyayari sa kanila. Mukhang hindi talaga siya makakapag concentrate kaya minabuti na lang niyang ligpitin ang mga ito. Iniikot niya ang paningin sa loob ng condo niya. Wala na ang mga palatandaan ng nangyari pero malinaw pa rin sa kanya ang lahat. Hindi na siya bago sa mga taong nagbabanta sa buhay niya. Sa tuwing hahawak siya ng isang kaso palagi na’y inaasahan na niya na may mga taong salungat sa kanyang prinsipyo. Kaya naman ng mag-aral siya ng Law sa Harvard ay nag-aral na rin siya ng mga self-defense. At hindi lang iyon, nang maging miyembro siya ng isang tactical force sa isang field ay naging pursigido siyang ipagpatuloy ang nasimulan. Nag-aral siya ng Criminoly sa UCLA at naging kaibigan niya ang pinsan ni Marlon. Ipinakilala siya nito dito at naging maganda naman ang kinalabasan. Niligawan siya nito at sa loob lamang ng dalawang buwang panliligaw ay sinagot niya ito. Naging maganda ang naging relasyon


nila. Napakaresponsable at napakabait nito. Halos lahat ng pangangailangan niya ay ibinigay nito sa kanya ng nasa Amerika pa sila. Sabay din silang umuwi nito ng Pilipinas. Sabi nga ng karamihan ay perfect combination sila. Pero dahil priority niya ang trabaho ay nawalan siya ng time rito na siya namang hinahanap nito sa kanya. Halos gumuho ang mundo niya ng makipaghiwalay ito pero dahil gusto niyang mai-save man lamang ang kanyang pride ay pumayag siya. Hindi siya humingi ng pangalawang pagkakataon dito na alam niyang hinihintay nitong sabihin niya. Pero nasilaw siya ng kanyang ambisyon. At ngayon isang panibagong pag-ibig ang lumalapit sa kanya. Handa ba siyang talikuran ang propesyon? Hindi! Sigaw ng utak niya. Hindi niya kailangan ang isang lalaki sa buhay niya para manduhin at hawakan ang siya sa leeg. Masaya siya sa buhay niya at gusto niyang Malaya siyang gawin ang kahit na anong gusto niya. At hindi rin sila bagay ni Chris. May mga prinsipyo itong hindi niya gusto at mga ugaling ayaw niya sa lalaki. Ang gusto niya ay katulad ni Marlon. Kahit kailan ay hindi siya nito diniktahan ng tungkol sa pagpapalakad niya sa buhay niya. Ang gusto raw nito ay isang babaeng may sariling paninindigan at prinsipyo. Na kayang magdesisyon at hindi natatakot harapin ang anumang problemang dumaan sa buhay. Samantalang si Chris, wala itong ginawa kundi ang utusan siya at pasunurin siya sa kahit anong gusto nito. Ibinababa siya sa kanyang pedestal. Ito lang ang kauna-unahang lalaking nagpapalimot sa kanya kung sino siya at kung ano siya sa kanyang sarili. Pero kahit naman ganun ang lalaki, they are physically attractive to each other. Hindi niya maitatanggi iyon. At patunay niyon ay ang muntik ng mangyari sa kanila kagabi.


Napailing siya. Masyado na nitong inuukupa ang utak niya. Kailan ba niya ito matatanggal sa isip niya? Para itong linta na nakadikit sa utak niya at ang hirap tanggalin. At para mabaling ang isip niya sa iba ay tinawagan niya si Maggie. Hindi pa nito alam ang tungkol sa nangyari sa kanya. Nakalimutan niya dahil sa dami ng iniisip niya. “Hi Maggie.” Bungad na bati niya rito. “Oh hi!” ganting bati nito. “Okay ka lang ba?” tanong nito. “Oo naman.” “Akala ko kung anong nangyari sa’yo.” Nag-aalalang wika nito. “Bakit? Ano naman ang mangyayari sa’kin?” nagtatakang tanong niya. “Ahm, kasi nabalitaan ko ang nangyari sa condo mo kanina. Tatawagan na sana kita para makibalita pero naunahan mo ako.” Paliwanag nito. “Kanino mo naman nalaman? Pormal na tanong niya rito. May nase-sense siyang kakaiba sa mga sinasabi nito. Ha? Ano kasi—kay Gwen kanina. Nasabi daw sa kanya ng kuya Chris niya ang tungkol sa nagyari.” Aniya. “Ganun ba?” saad niya. “Oo, sinabi ko na kasi sa’yong bitawan mo na lang ang kasong hawak mo dahil baka mapahamak ka lang.” panunumbat nito. “Buti natapos na rin ang tungkol doon. Makukulong na rin ang may kasalanan.” “That’s it! Wala siyang pinagsabihan ng tungkol sa mga bagay na iyon. Tanging sila lang ni Chris ang nakakaalam. Imposible naming nakarating agad dito ang balita. Paano nito nalaman ang bagay na iyon?


“I need to go Maggie. Saka na lang tayo mag-usap ulit. Marami pa kasi akong aasikasuhin.” Paalam niya. “Okay, basta mag-iingat ka palagi.” Paalala nito at naputol na ang linya. Damn! Hindi ito maaari. God help her kung sakaling may kinalaman ang pinsan niya sa mga nangyayari ngayon. Pero bakit? Paano? Si Gwen? Francis? Totoo kayang may kinalaman si Francis sa mga nangyayari ngayon? Kailangan niyang makausap si Chris tungkol sa bagay na ito. Pupuntahan niya ito. Pero bago pa man siya makarating sa bahay nito ay tumawag sa kanya ang bos niya. Kaya imbes na dumiretso pa sa bahay ni Chris ay lumiko na siya para pumunta sa kompanya. Nakapagtataka naman kung bakit bigla na lang siya nitong tinawagan. Hindi pa tapos ang kasong hawak niya. At sa isang araw pa ang susunod na hearing. Dahil sa trapik ay hindi siya makausad. May nakita siyang mga nakakumpol na sasakyan sa kabilang lane pero ipinagsawalang bahala na lamang niya. May mga tao talagang walang pakialam sa mundo. Mga makasarili. Ni hindi man lang ipinark ng maayos ang sasakyan bago umalis, tuloy hirap dumaloy ang trapiko. Mabuti na lamang at may dumating na trapik inforcer kaya naman umusad na rin ang sasakyan niya. Bakit ba sunud-sunod ang naging kamalasan niya sa buhay. Napapailing ang pinasibad na niya ang sasakyan.


Chapter Six “What? Pero Sir, hindi pa tapos ang kasong hawak ko. May mga bago akong dokumento na makakapagpatunay na may improvement at totoong isa sa mga miyembro ng associates ay may pakana ng lahat.” Paliwanag niya kay Attorney Segundo. Ito ang naging mentor niya simula ng mapabilang siya sa Law agency nito. “I know iha, at sa maniwala ka man o hindi nakikita ko ang improvement, kaso galing sa itaas ang utos. Kailangan nating sumunod. Kung ang kay Garcia ang inaalala mo baka nga makalaya na siya pero hanggang doon na lang ang pwede mong itulong. I’m telling you this personally because I want to congratulate you to a job well done.” Pagpapalubag loob nito sa kanya. “Whose behindi this Sir?” malamog ang tonong tanong niya dito. Imposibleng hindi nito alam kung sino ang nagpatanggal sa kanya sa kaso. “Pardon?” painosenteng tanong nito. “Sino ang nasa likod ng pagkakatanggal ko sa kaso? Tahasang tanong niya dito. “Iha, tapos na ang tungkol sa kaso ni Garcia. Ibang kaso naman ang haharapin ng CB Interprise. Ang ibig sabihin labas na tayo doon.” Paliwanag nito. “Pwede ko po bang malaman kung anong kaso ang hinaharap ngayon ng kompanya?” tanong niya. “Hindi ko rin alam iha. Hindi sa’tin pinahawakan ni Mr. Barrios ang kaso.” Wika nito. Napansin niya ang lungkot sa sinabi nito. Minabuti na lang niyang magpaalam dito. Damn you Chris! How could you do this to me!


Pagkatapos niyang paghirapan ang lahat para malutas ang kaso, heto pa ang igaganti sa kanya ng lalaki. Damn him! Nanganib na at lahat ang buhay niya pero wala man lang itong konsiderasyon? Kailangang pagbayaran nito ang ginawa nitong pagmamaliit sa kanya. Hindi siya makakapayag na basta na lang siyang isantabi nito. Isinusumpa niya. Tinabig niya ang manibela papunta sa bahay nito. Magtutuos sila ng lalaki.

“Why are you here?” tanong nito ng makita siya sa nito sa garahe. Mukhang paalis ito dahil sa suot nito. “How dare you do this to me. Bakit kailangang sa iba mo ipahawak ang panibagong kaso?” galit na sigaw niya rito. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan na sila ng mga tauhan nito. “Hey, calm down. Lets not talk here.” Aniya at ipinasok siya nito sa kabahayan, sa study room. Iniupo siya nito sa sofang naroon samantalang lumapit naman ito sa mesa nito. “I want you out of the case Faith. Don’t ask too much about it.” Pormal na paliwanang nito. “No, atleast tell me what’s going on?” pinigil niya ang maiyak sa harap nito. Masyado na siyang pinapababa ng lalaking ito. Hindi siya papayag na kontrolin ng kahit na sino. “Karapatan kong pumili kung sino ang gusto kong humawak ng kaso. Nagkataon lang na hindi ikaw yon.” Galit na sabi nito.


“I hope you know what you’re talking about. You disappoint me.” Disgust was written on her face. She really hates this man. How could he do this to her. After what had happened to them last night, ito lang ang mapapala niya? “Pagsisisihan mo ang ginawa mong pagmamaliit sa kakayanan ko Mr. Barrios. I swear, hinding-hindi mo magugustuhan ang kapalit nito.” pagbabanta niya at tuluyan ng tumalikod dito.

“Damn!.” Mura ni Chris. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman ng makita ang itsura ni Faith. Nasaktan niya ang dalaga. Pero hindi niya pwedeng ipakipagsapalaran na naman ang buhay nito. Kahit nalaman na niya kung anong klaseng tao ito pagdating sa propesyon hindi pa rin niya maiwasang mag-alala para dito. Kaya kahit alam niyang kaya nitong hawakan ang kaso ay sa iba pa rin niya ito pinahawakan. Kailangan niya paghandaan ang kasong isinampa niya kay Francis. Napailing siya ng maalala ang matalik na kaibigan. Pinagkatiwalaan niya ito ng higit pa sa buhay niya pero trinaydor pa rin siya nito. Hindi man nito aminin ang ginawa ay malakas ang hawak niyang ibidensya laban dito. Hindi niya gusting was akin ang pagkakaibigan nila pero sinira nito ang pagtitiwala niya. “O pare, ang aga mo naman atang napadpad dito? Ano---“ hindi na nito natapos ang sasabihin dahil inundayan na niya ito ng suntok sa mukha. “Hayup ka! Bakit nagawa mo akong traydorin? Pinagkatiwalaan kita. Pero ito pang igaganti mo sa’kin?” galit na sigaw niya rito. “A-ano bang pinagsasasabi mo Chris? Hindi kita trinaydor! Kahit kailangan ay hindi ko magagawang traydorin ka! Hindi ko alam na kaya mo akong pagbintangan ng ganyan.” Wika nito habang sapilitang itinatayo ang sarili.


“Kung totoong wala kang kinalaman sa mga nangyayari ngayon, patunayan mo. I see you on court Francis. At huwag na huwag mong tatangkaing tumakas dahil kahit saang lupalop ka pumunta ay hahanapin kita.” sabi niya at tuluyan na itong tinalikuran. Napabuntong-hininga siya. Siya rin ay hindi makapaniwalang magagawa nito ang ganoong bagay pero wala siyang magagawa. May mga patunay na totoong may kinalaman ito sa mga nakawang nangyari sa pinapatayo niyang gusali.

“Anong kailangan mo?” malamig ang tonong tanong ni Francis kay Faith. “I think, mas tamang ikaw ang tanungin ko ng bagay na ‘yan Francis.” Sabi niya at tuluyan ng pumasok sa loob ng unit nito. Nagtatakang napatingin ito sa kanya. “What do you mean?” tanong nito. “Ikaw ang pinagbibintangang nasa likod ng anulmayang nangyari sa bagong pinapatayong building, hindi ba?” tahasang turan niya. “So anong kailangan mo?” balik-tanong nito sa mahinang boses. Hindi man lamang niya ito kinakitaan ng interes tungkol sa kaso nakasampa ditto. “I can help you.” Prangkang sabi niya rito habang nakatingin sa mga mata nito. Halatang wala pa itong tulog dahil siguro sa problemang hinakaharap nito ngayon. “Malakas ang ibidensyang hawak ni Chris laban sa’kin. Kaya sigurado akong wala akong kalaban-laban.” Pormal na wika nito. “Kaya hahayaan mo na lang na mabulok ka sa bilangguan?” napataas ang boses niya dahil sa sinabi nito.


“Ang pagkakaalam ko, sa’yo umamin ang salarin na ako ang nasa likod ng mga nangyayari. Kaya bakit ikaw ang tutulong sa’kin? Nagtatakang tanong nito. “Dahil alam kong wala kang kasalanan.” prangkang sagot niya. “May ibidensya ka ba?” tanong ulit nito. “Sa condo ko nangyari ang krimen Francis at alam mong kilala mo ako. At hindi ako basta basta naniniwala sa sabi-sabi. Iyon lang ang hawak ni Barrios. At doon ko sila tatalunin. Kahit ilang beses kang ituro ng lalaking iyon hindi pa rin iyon sapat para madiin ka.” Paliwanag niya rito. “Why are you doing this?” tanong nito habang pinagmamasdan siya. “I thought Chris help you. Pero bakit kailangan mo siyang kalabanin?” “You want a true answer?” Tumango ito. “I want him down. Kung saan niya ako ibinagsak. Gusto kong iparamdam sa kanya kung anong nararamdaman ko ng itinapon niya ako sa isang sulok pagkatapos kong paghirapang malutas ang kaso.” May pait siyang naramdaman ng maalala ang mga pangyayari sa pag-uusap nila ni Chris. “Hindi mo rin siya kilala Faith. He’s a good man. Baka gusto ka lang niyang protektahan.” Paliwanag nito. “Eh bakit ikaw pinagtatanggol mo pa rin siya kahit na nagawa niya ‘to sa’yo?” matiim na tinitigan niya ito. “He doesn’t have a choice. Kailangan niyang solusyunan ang lumalaking problema dahil kung hindi ay ipupull-out ng mga associates ang kanilang partnership.


Hindi pwedeng hindi matuloy ang pinapatayong gusali. Malaking pera ang nakasalalay doon.” Aniya. “Kaya kahit ikaw ay magagawa niyang ipakulong para magawa niya ang mga yun. He’s crazy. Ang sabihin mo sarili lang niya ang iniisip niya.” Galit na saad niya. “So you want to help me? How?” “Just trust me. I know what to do.” Nakangiting wika niya. Magsisimula na ang laban nila ni Chris. Bibigyan niya ito ng isang leksyong hindi nito makakalimutan sa buong buhay nito. At kailangan na niyang simulan ang lahat. Nagpaalam na siya kay Francis at sinabing bukas na nila pag-aaralan ang kaso. Sinabi niya ritong may kakausapin siyang isang mahalagang tao para makatulong sa kanila. Pumayag naman ito ngunit kinulit siya kung sino ang taong iyon. Pero hindi niya sinabi. Kailangan na muna niyang makasiguro bago maglabas ng ibidensiya. Lumulan na siya sa sariling kotse at pinaandar na iyon. Ang destinasyon… kay Magnolia San Gabriel. Ang pinsan niya. Wala pa ito sa bahay nito pero minabuti niyang pumasok doon para mangalap ng ibidensiya. Ngayon lang niya naisip, paano kung totoong may kinalaman ang pinsan niya sa mga nangyayari? Makakaya kaya niyang ipakulong ito? Hindi niya naisip na madadawit din ang pangalan nila kapag lumabas ang pangalan nito sa kaso. Tiyak siyang hindi siya mapapatawad ng angkan nila. Itatakwil siya ng mga ito. Anong gagawin niya? Ngayon niya naisip na posibleng maging personal ang labang ito sa kanila ni Maggie. Pumasok siya sa kwarto nito at tiningnan ang bawat sulok. Katulad ng kwarto niya ay malaki rin iyon at malinis. Puno ng mga kagamitan at dekorasyon. Inisa-isa niya ang mga damit nito sa closet. Parehas din sila ng gusto pagdating sa pananamit. Pero mas liberated


ito sa kanya. Palibhasa marami itong nakakasalamuha sa restaurant pinagtatrabahuan kay naman napakarami nitong damit. Nang wala siyang makitang kakaiba sa mga iyon ay pinagtuunan naman niya ang mga photo album na nakalagay sa isang drawer. Tiningnan niya isa-isa ang mga iyon. Halos hindi niya mga kilala ang mga nasa larawan. Pero halata sa mga suot ng mga ito na may mga sinabi sa buhay. Nahagip ng paningin niya ang isang particular na larawan. Larawan ito ni Chris kasama ang isang babae. Hindi niya kilala ang babae pero parang may punyal na tumurok sa dibdib niya. Hindi niya alam kung nagseselos siya sa kaalamanang may mga babaeng umaali-aligid dito. Hindi niya matagalan ang tingnan ang larawan nito kaya inilipat niya sa ibang album ang paningin. May larawan din si Gwen doon. Ang kapatid nito at kasintahan ng pinsan niya. Matangkad din ito ang gwapo. Pero walang indikasyon ng pagkakahawig kay Chris kahit sa anong angulo tingnan. Hindi nga mahahalatang magkapatid ang mga ito. Posible kayang may kinalaman ito sa krimen? At kasabwat nito si Maggie? Napabaling ang paningin niya sa isang box na nasa ilalim ng mga album. Kinuha niya iyon at tiningnan. May security lock iyon. Sinubukan niyang gamitin ang pangalan ng pinsan ngunit hindi iyon nabuksan. Ilan pang mga maaaring ipassword nito ang ginamit niya ngunit wala pa ring nangyari. Nahahapong binitawan niya iyon at nagtungo sa kusina. Bigla siyang nagutom. Susubukan niyang buksan ito ulit pagkatapos niyang makapag meryenda. Habang ng memeryenda ay napasulyap siya sa larawan ng pinsan niyang nakalagay sa sala. Nilapitan niya iyon at pinakatitigan. Kuha nito iyon ng manalo ito noong nasa college ito. Nanalo ito bilang Muse ng varsity sa school nito noon. Tuwang tuwa ito noon dahil ang crush nitong varsity player ang pumili sa kanya. Nakalagay pa sa larawan kung kailan ito nakuhanan. 01/18/99.


Bigla niyang naalala ang box. Dali-dali siyang bumalik sa kwarto nito at kinuha an box. Sinubukan niya ang numero galing sa larawan nito. Nabuksan iyon. Dali-dali niyang inilabas ang laman niyon. Oh God!


Chapter Seven “What do you mean Attorney?” galit na tanong ni Chris kay Attorney Marasigan. Ito ang pinili niyang humawak sa kaso laban kay Francis. “You heared it right Chris, si Attorney Faith Hernandez ang humahawak ng kaso ni Francis against us. Nagsampa din siya ng assault case laban sa’yo.” Paliwanag nito. Ang tinutukoy nito ay ang minsang puntahan niya si Francis at bugbugin. At alam niyang ni hindi man lang ito lumaban. Sigurado siyang si Faith mismo ang nag adviced dito para kasuhan siya. “Damn! Ano bang gusto niyang palabasin?” galit na nasuntok niya ang mesa. Sinusubukan talaga siya ni Faith. Bakit hindi na lang siya lubayan nito. Nagmamadali siyang nagpaalam sa attorney. Pupuntahan niya ang dalaga. Hindi siya papayag na hawakan nito ang kaso. Kung balak nitong gantihan siya ay nagtagumpay na ito. Pero hindi siya papayag na gamitin nito ang kaso para pahirapan siya. Kahit gusting-gusto na niyang puntahan ang dalaga ng mga nakaraang araw ay pinigilan niya ang sarili dahil kailangan niyang asikasuhin ang lahat bago muling harapin ito. Pero hindi pala ganoon kadaling pasunurin ang dalaga. Napakatigas ng ulo nito at hindi ito basta basta magpapasapaw kahit kanino. Tama bang ito ang piliin niyang maging bahagi ng buhay niya? Siguro nga dahil hindi sila matatahimik parehas dahil may kanya-kanya silang prinsipyo sa buhay. Pero hindi niya iyon matanggap. Dito lang niya naramdaman ang kakaibang pintig ng puso at gusto niyang bigyan iyon ng pagkakataong


umusbong. Pero sa nangyayari ngayon ay imposible na iyon. Galit sa kanya ang dalaga at hindi niya alam kung paano niya ito susuyuin. Nang makarating sa condo nito ay dali-dali siya umibis ng sasakyan at nagmamadaling sumakay ng elevator. Hindi niya alam kung ano ang kaya niyang gawin sa dalaga oras na magkaharap sila. Alam niyang may gusto itong patunayan sa kanya. At sa maniwala ito at sa hindi humahanga siya sa katapangan nito. Pero ang tulungan si Francis ay ibang usapan na. Nakailang katok na siya ay wala pa ring nagbubukas ng pinto. Kakalampagin na niya sana iyon ng bigla itong bumukas at tumambad sa kanya ang galit na mukha nito. “Ano bang problema mo?” sita nito. Napansin niyang kagigising lamang nito at parang mugto ang mga mata. May awa siyang naramdaman para dito. Tumalikod ito sa kanya para itago ang pamamaga ng mga iyon. Minabuti niyang pumasok na lamang at ilock ang pinto. “What happened to you?” he asked. “Mind your own business Mr. Barrios.” Malamig na tugon nito. “Damn!” mura niya. “Faith, don’t make this hard for me. Kung balak mong gumanti sa’kin, you win. Pero huwag mong idamay ang kaso para pahirapan ako ng ganito.” Galit na sabi niya rito. “Excuse me?” pagmamaang maangan nito. Sinaklit niya ito sa magkabilang braso. “You’re hurting me Mr. Barrios, maybe this is another assault against you.” Matapang na wika nito. Hindi man lang niya ito kinakitaan ng kahinaan. Niluwagan niya ang pagkakahawak nito ngunit hindi niya ito pinakawalan.


“I don’t really care about those staff Faith.” Malumanay na wika niya rito. “Oh really?” patuyang saad nito. “Yes, ikaw lang ang inaalala ko.You had enough so I want you to leave the case. It’s an order coming from your fiancé.” Pormal na sabi niya rito. “You’re not my fiancé.” Galit na turan nito. “Yes you are my dear. At gusto kung ipaalala sa’yo ang bagay na yan.” Aniya at mabilis na sinakop ang mga labi nito. Nagpaparusa at naghahanap. Naramdaman niyang nagpupumiglas ito ngunit hindi niya ito bibigyan ng pagkakataong kumawala sa kanya kaya mas lalo niyang nilaliman ang halik. Tumigil ito sa pagpupumiglas at naramdaman niyang tinutugon na nito ang mga halik niya. Ikinawit pa nito ang dalawang braso nito sa batok niya.

Naiinis naman si Faith sa sarili dahil hindi niya napigilang tugunin ang mga halik ng binata. Na-misss niya ang lalaki dahil ilang araw na rin silang hindi nagkikita pagkatapos ng insidenteng nangyari mismo sa condo niya. Siguro napagod na siyang pigilan ang nararadaman kaya kusang kumilos ang katawan niya para iparamdam ditto ang pangungulila niya. Naramdaman niyang nasa loob na ng damit niya ang kamay nito. Kusa na pala iyong naglakbay para haplusin ang kanyang katawan hanggang marating niyon ang kanyang dibdib. Napaigtad siya ng may maramdamang boltaheng nagmumula sa kamay nito. Halos sabay silang napaungol. Binuhat siya nito at dinala sa kwarto. Hindi pa rin nito binitawan ang mga labi niya. Hindi niya namalayang malaya nap ala nitong nahubad ang pang-itaas na damit niya. Pinaliguan siya nito ng halik sa buong mukha bago dahan-


dahang nakarating ang labi nito sa kanyang dibdib. Napasabunot siya sa buhok nito. And there and then ay nangyari ang isang bagay na kapwa nila ginusto at pinangarap na mangyari sa kanila hanggang sa nakatulog itong nakayakap sa kanya. Hindi naman siya dalawin ng antok. Pinigilan na ni Faith na mag-isip ng kung anu-ano. Basta masaya siya at nasa tabi niya ang lalaking hindi niya akalaing mamahalin niya sa maikling panahon. Pero natatakot naman siya. Ngayong alam na niya ang totoo, imposibleng magkaroon pa ng katuparan ang lahat. Hindi sila nababagay ng lalaki. Talagang balak na niyang umurong sa kasong hawak ngunit kailangan muna niyang makausap ang pinsan niya para liwanagin ang lahat. Hindi niya kayang makulong ito dahil sa kanya. Hahayaan niyang ang batas ang kusang makahanap ng paraan para maresulbahan ang kaso. Sa kauna-unahang pagkakataon ay bigla siyang naduwag na harapin ang katotohanan. Pero wala siyang ibang pagpipilian. Nagkasala sa batas ang pinsan niya pati ang kapatid ng binata na si Gwen. Malaking pera ang nanakaw nito sa gaban ng bagong ipinatatayong gusali ng walang kahirap-hirap dahil sa tulong ni Maggie. Kinaibigan ng huli ang isang associate at nagustuhan naman ito niyon at niligawan. Ginawa nila iyong tulay para makapasok at makakuha ng perang ginagamit na pondo para doon. At nakakuha rin ang mga ito ng mga papeles na nagpapatunay ng pagkakabenta ng ilang mga kagamitan sa iba’t-ibang lugar sa Maynila. At ngayon ay alam na niya kung bakit hindi siya sinipot nito noon ng araw na makilala niya si Chris. Sinadya siya ng mga itong papuntahin sa lugar na iyon para ipapatay. At ang lalaking nasa gilid malapit sa waiting shed na kinaroroonan niya ay ang posibleng taong papatay sa kanya. Hindi siya makapaniwalang kaya siyang ipapatay ng pinsan.


Siguro ay dahil sa pera kung kaya nagawa nito iyon. Bakit ba may mga taong sakim sa mundo? Pinilit niyang kumawala sa pagkakayakap ng binata. Pero mukhang naramdaman nito ang paggalaw niya dahil hinigpitan pa nito lalo ang pagkakayakap sa kanya. “Just stay beside me.” Aniya at hinalikan siya sa labi. Hindi niya tinugon ang halik nito. Nagtataka naman itong napatingin sa kanya. “What’s wrong?” tanong nito. “Kanina pagdating ko, mugto ang mga mata mo. Bakit ka umiyak? Umiling siya. Siya na mismo ang humalik dito para hindi na siya usisain pang muli. Pumaibabaw pa siya dito at hinalikan niya ito sa mukha, sa punog-tenga, sa leeg. Hindi naman ito nangulit pa dahil abala na rin ito sa pagdama sa katawan niya. Hindi ata nakayanan ang magtotorture niya kaya ito naman ay umibabaw at halikan din siya sa labi at sa iba’t-ibang parte ng katawan habang dinadama pa rin ng kamay nito ang dibdib niya. Ngunit hindi yata nakontento at pinaghiwalay na ang kanyang mga hita at narating nila ang dako paroon.

Nagising si Faith na wala na sa tabi niya si Chris. Mukhang umalis na ito habang natutulog pa siya. Bigla siyang nalungkot sa isiping iniwan na siya nito at posibleng iyon na ang huli nilang pagkikita. Dahil wala na siyang balak pang magpakita dito. Tinatamad na bumangon siya sa kama at nagsuot ng sando at short shorts bago bumaba. Nagulat pa siya ng may marinig na kaluskos sa kusina. Agad na nagtungo siya roon para lang magulat ulit.


Naroon si Chris at mukhang abala sa pagluluto dahil hindi man lang nito napansin ang presensiya niya. Hindi man lang nabawasan ang kagwapuha nito dahil sa suot na apron. Hindi niya alam na marunong pala itong magluto. Marami pa nga pala silang hindi alam sa isa’t isa ng binata. Tumikhim siya para makuha ang atensiyon nito. Lumingon naman ito at napangiti ng makita siya. “Hi, good morning” bati nito. “Morning” ganting bati niya rito. “Upo ka muna. Malapit ko ng matapos itong niluluto ko. Pasensya ka na kung pinakialaman ko na itong kusina. Are you hungry?” sunud-sunod na wika nito. Umiling siya at umupo sa katabing upuan. Tahimik lamang siyang nakatingin dito. Manaka-naka naman siya nitong sinusulyapan at ng hindi nakatiis ay nilapitan siya at binigyan siya ng isang matunog na halik. Natawa naman siya sa inakto nito. Mukhang napakasaya nito na para bang wala ng bukas. Para mapadali ang pag-aasikaso ng kanilang almusal, kung almusal pa bang matatawag dahil alas diyes na ng umaga ay tinulungan na niya itong mag-ayos ng mesa. “Kumain kang marami para magkalaman ka naman.” Biro nito sa kanya. “Hindi ako sanay ng maraming kinakain lalo na sa umaga.” Paliwanag niya. “Paano yan, sayang lang pala ang pagluluto ko dahil hindi natin mauubos ang mga ito.” Maktol nito. “Eh di ubusin.” Saad niya at sumandok pa ng kaldereta sa mangkok. Masarap itong magluto. Masasabi niyang talo pa nito ang kusinera nila sa probinsya. “I want to ask you a favor.” Maya-maya ay wika nito. Tumingin siya dito.


“No matter what happen I want you to stay with me.” Aniya at inayos ang nakahiwalay na buhok niya. Tumitig lang siya rito. Hindi niya iyon natagalan kaya umiwas siya ng tingin. Paano ba niya sasabihin dito na imposible ang gusto nitong mangyari. “Let’s stop this nonsense Chris.” Malamig ang tonong sabi niya. “What? You call this nonsense?” gulat na wika nito. “We can’t be with each other. Maraming bagay tayong hindi alam sa isa’t-isa. Magkaiba tayo ng mundo Chris.” Paliwanag niya. Dumilim naman ang mukha nito. Halatang pinipigilan nito ang galit dahil sa nakakuyom na mga palad. “So lahat pala ng nangyari sa’tin ay nonsense sa’yo. Na kapag nagsawa kana ay basta mo na lang iiwan. Ganyan ka ba talaga? Well ano pa nga bang magagawa ko, you’re not a virgin when I get you.” Patuyang sabi nito na ikinagulat niya. Sinampal niya ito. Hindi siya makapaniwalang mismong sa bibig nito manggagaling ang mga salitang iyon. Mukha namang nagulat ito dahil sa ginawa niya. “Wala ka na bang ibang sasabihin? Kung wala na, maaari ka ng umalis.” Malamig na turan niya dito. Mukhang may gusto itong sabihin pero tinalikuran na niya ito at pumasok sa kwarto. Narinig na lang niyang pabagsak nitong isinara ang pinto bago nilisan ang condo niya. Umiyak siya ng umiyak. Ipinaalala nito ang isang bagay na matagal na niyang kinalimutan sa buong-buhay niya. Mukhang kahit anong pagtakas ang gawin niya ay hindi pa rin mawawala ang pait ng nakaraan. At mismong si Chris pa ang nagpaalala sa kanya ng bagay na iyon.


She was raped when she was twelve years old. Tanging ang pamilya niya ang nakakaalam ng bagay na iyon. Hindi na rin nila idinaan pa sa husgado dahil sa malaking kahihiyan ang aabutin nila. Siya na mismo ang tumangging magfile ng assault laban sa taong nan-rape sa kanya. It happened in Lost Angeles. Napagkasunduan nilang magbakasyon sa kapatid ng Daddy niya doon because it was Christmas season. Pero imbes na magkasayahan sila ay isang trahedya ang dumating sa kanya.

Halos murahin naman ni Chris ang sarili dahil sa sinabi niya sa dalaga. Alam niyang nasaktan ito pero huli na ng marealize niya. He didn’t mean to say those words. Kahit anuman ang nakaraan nito ay tatanggapin niya ngunit hindi niya inaasahan ang pangre-reject nito sa kanya. Mahal niya ito at handa niyang pakasalan pero binalewala nito iyon. Gusto niyang humingi ng sorry dito ngunit mas minabuti niyang iwanan na muna ito. Gusto niyang mag-isip. Isipin kung ano ba ang kulang sa kanya kung bakit hindi siya nito kayang mahalin. Pinaharurot niya ang sasakyan. Galit na galit siya. He never expected this. He never expected to be dumped by the woman he loves. Hindi siya papayag na hanggang dito na lang sila ni Faith. Nararamdaman niyang iba ang nararamdaman nito kaysa sa sinasabi. He can feel it. Aayusin na muna niya ang kinakaharap na problema at saka sila mag-uusap ng dalaga. And by hook and by crook ay magpapakasal sila.


Chapter Eight “Where are we going Maggie?” Tanong niya sa pinsan niya ng yayain siya nitong lumabas. It was Christmas eve. Halos lahat ng kamag-anak nila ay masayang naghahanda ng pagkain ng mga oras na iyon. “Just wait. Malapit na tayo.” Masiglang sagot nito. Nakarating sila sa isang disco bar malapit lang sa lugar nila sa Texas. Pumasok sila sa loob at bumulaga sa kanila ang napakaraming tao na nagsasayawan. Hinila siya ng pinsan para makalapit sila sa isang grupo. Sinalubong sila ng isang lalaki na sa tantiya niya ay boyfriend ng pinsan niya dahil hinalikan pa nito ang pinsan sa labi nito. Nailang man ay hindi na lang niya pinansin ang mga ito. One week pa lang sila nito sa Los Angeles ay may boyfriend na agad ito doon. Ibang klase talaga ang pinsan niya pagdating sa pakikipagrelasyon. Liberated ito. Ipinakilala siya nito sa mga kasamang naroon. Mukhang game na game ang mga ito. Maya-maya ay nagyaya na ang mga itong sumayaw. Ngunit nahihilo siya dahil sa ingay at napakaraming tao kaya tumanggi siya at nagstay na lang sa mesa. Hindi na rin siya pinilit ni Maggie. Habang pasulyap-sulyap sa stage kung saan naroon si Maggie ay may isang lalaking tumabi sa kanya. “Hi” bati nito at inilahad sa kanya ay kamay. Dahil hindi siya ang tipo ng taong nakikipag0usap sa hindi niya kilala ay tiningnan lang niya ang kamay nito at tumango siya. Mukhang hindi naman ito na-offend dahil tumabi pa ito sa kanya. “Where are you from young lady?” he asked putting his hand on her shoulder.


“I’m sorry but I don’t talked to stranger.” She said with a hard voice. “Oh c’mmon, I just wanted to chat with you.” Sa tingin niya ay medyo nakainom na ito kaya nakaramdam siya ng takot. Kaya naman para makaiwas dito ay nagpaalam na lang siyang pupuntahan ang pinsan na nasa floor at nagsasayawan. Ngunit nakailang kalabit na siya sa pinsan ay hindi pa rin siya pinapansin nito. Busy ito sa pakikipagsayaw kay minabuti na lang niyang lumihis at pumuntang banyo. Nagtagal siya doon ng ilang minuto bago naisipang balikan ang pinsan. Baka nag-aalala na sa kanila ang mga magulang nila dahil hindi sila nakapagpaalam sa mga ito. Nagulat siya ng makita ang makulit na lalaki sa tabi ng comfort room. Bigla siyang napaatras pabalik ngunit huli na. Nahawakan na siya nito sa braso at pinilit halikan. Nagpumiglas siya ngunit hindi niya kaya ang lalaki. Masyadong malaki ang katawan nito. Dahil naghehesterikal na siya ay sinuntok siya nito sa sikmura upang mawalan siya ng malay. Nagising siyang masakit ang ulo. Iginala niya ang paningin at nagulat siya ng Makita ang kahubdan. Nanlaki ang mata niya ng makita ang lalaking sa bar na nasa kama at kitang-kita niya ang kahubaran nito. May nangyari sa kanila! It was the worst day of her life. Nalaman ng mga magulang niya ang nangyari sa kanya at handing magsampa ng kaso ngunit nalaman nilang anak ng isang Commander officer ang lalaki kaya dahil sa takot niyang gawan sila ng masama ay hiniling niya sa mga magulang na huwag na lang magsampa. Halos hindi na rin niya kinausap si Maggie dahil sa nagyari. Naging tahimik siya hanggang magpasya ang lahat na umuwi na lamang ng Pilipinas. Pero nagulat ang mga ito ng sabihin niyang hindi siya sasama sa mga itong uuwi. Pinilit niya ang mga


magulang na sa Valencia na lamang tumira, isang lugar sa Los Angeles kung saan nakabase rin ang isa nilang kamag-anak. Pumayag naman ang mga ito. Balak sanang magpaiwan na rin ng Kuya Miguel niya ngunit tumanggi siya dahil wala ng ibang makakasama ang mga magulang. Nagpakatatag siya at binuo ulit ang sarili. Iyon ang dahilan kung bakit Law ang kinuha niyang kurso. Ipinangako niya sa sarili na hindi niya hahayaang matulad sa kanya ang mga babaeng naaagrabyado. Sinisiguro niya na nagbabayad ang sinumang gumawa ng kalapastanganan sa mga katulad niya para kahit papaano ay natutugunan niya ang nawala sa kanya noon. Ang hustisya. Napabuntong-hininga siya. Bakit ba sunud-sunod ang kamalasang dumating sa kanya ngayon. Ang bilis dumating ni Chris sa buhay niya ganun din ba kabilis ang pagkawala nito? Mahal niya ang lalaki. Buong buhay niya ang ngayon lang talaga siya totong nagmahal. Hindi niya naramdaman kay Marlon ang kakaibang pintig ng puso kapag kasama niya si Chris. Ito lang ang taong nagpababa sa kanya sa pedestal. Ito lang ang nagpakawala sa kanya sa katinuan. Pero hanggang dito na lang ba sila? Oo! ang sabi ng utak niya dahil hindi siya nararapat sa isang katulad nito. Pero iba ang sinasabi ng puso niya. Gusto niya itong puntahan pero kapag naaalala niya ang sinabi nito sa kanya ay pinanghihinaan siya ng loob. Kailangan na niyang tanggapin ang katotohanan na hindi talaga sila para sa isa’tisa. Bumangon siya sa kama at tinungo ang drawer. Inilabas niya ang kahong nakuha niya sa condo ni Maggie. Inilabas niya ang laman niyon isa-isa. Ito ang mga ibidensiyang magpapatunay kung sino ang mga totoong salarin sa mga pangyayari.


Kailangan niyang maipadala ito sa autoridad para sila na mismo ang umaksyon sa pagpapabilis ng kaso. At para linawin na rin ang pangalan ni Francis. Pero bago ang lahat ay kailangan muna nilang magtuos ni Maggie. Hindi niya ito mapapatawad sa ginawa nitong partisipasyon para maipapatay siya. Naputol ang pag-iisip niya ng tumunog ang telepono. Tinatamad na iniangat niya iyon. “Hello?” “Sis, musta na?” ang kuya Miguel niya ang tumatawag. “Okay naman. Ikaw? Sila mama at papa?” tanong niya. Ngayon lang niya naalala na mahigit isang buwan na rin siyang hindi man lang nakakatawag at nakakabalita sa pamilya niya. “Okay naman sila. Mukhang wala ka na atang balak kumustahin ang mga tao ditto.” Pagtatampo nito. Natawa siya sa inakto nito. “I’m sorry brod, medyo naging busy lang ako nitong mga nakaraan.” “Halata nga. Siya nga pala sis, baka makalimutan mo ang birthday ni Mama. Next week na iyon. Sana naman ay makauwi ka.” Aniya. “Don’t worry, uuwi ako. Kailangan ko na rin sigurong magbakasyon dahil sa dami ng trabahong inasikaso ko. I’ll be there in a couple of days.” Pagbabalita niya. “Talaga? Sigurado na ba yan?” hindi pa rin naniniwalang tanong nito. Natawa na naman siya. “Oo naman. Just wait and see brod.” Natatawang wika niya rito.


“Mabuti naman kung ganoon. Tiyak matutuwa ang nito ang dalawang matanda.” Aniya na ang tinutukoy ay ang mga magulang nila. Marami pa silang pinag-usapan bago nagpaalam sa isa’t-isa. Nahahapong naupo siya sa gilid ng kama. Bakit hindi siya makaramdam ng tuwa dahil makikita na niya ang mga magulang pati na ang kuya niya? Bakit nakakaramdam siya ng kahungkagan? Minabuti niyang maligo at magbabad sa bath tub. Nang sa ganoon ay marelax niya ang sarili. Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya.

“I said I want to quit.” Matapang na wika ni Maggie kay Gwen. “You what?” gulat na gulat naman ito sa sinabi niya. “I said I want out. Ayoko na. Let’s just stop right here Gwen. Hindi ko na kaya ang mga pinaggagagawa mo. Hindi ko akalaing tututuhanin mo ang banta mo kay Faith. Hindi siya pwedeng madamay.” Paliwanag niya rito. “No Maggie. We can’t stop. Nasimulan na natin ang plano kaya dapat nating tapusin.” Galit na sabi nito. “You can do it your own. Basta ako ayoko na.” naiiyak na wika niya. Sinaklit siya nito sa braso. Nagpumiglas naman siya pero hindi siya binitawan nito. “Ano ba nasasaktan ako.” Pagpupumiglas niya. “Higit pa riyan ang aabutin mo oras na trinaydor mo ako Maggie. Hindi ako papayag na mabulilyaso pa ang plano ko dahil malaking halaga ang nakataya rito. Papatayin kita, kayo ng pinsang mong pakialamero oras na talikuran mo ako. Naiintindihan mo?” banta nito.


“Wala kang kasing sama Gwen. Hindi ko alam kung bakit minahal ko ang isang katulad mo. Na siyang magpapahamak sa’kin at magdadala sa sarili kong hukay.” Mahina ngunit may diin ang bawat salitang binitawan niya rito. Ngumisi naman ito ng nakakaloko at ibinalya siya sa isang upuan. Nasaktan siya ngunit hindi na niya ininda pa ang sakit. Alam niyang nalalapit na ang katapusan nila. Sigurado siya dahil wala na sa pinagtataguan ang kahong hawak niya. Pero inilihim niya iyon sa nobyo. Sigurado din siyang ang pinsan niya ang may hawak ng mga iyon. Tanging ito lamang ang mayroong duplicate key ng condo niya. Sigurado siyang oras na malaman ni Gwen ang nangyari ay ito na mismo ang papatay sa pinsan niya. Ngunit hindi niya papayagang mangyari ang bagay na iyon. Alam niyang marami na siyang kasalanan kay Faith at wala na siyang balak dagdagan pa iyon. Kaya ang nararapat niyang gawin ay protektahan ito sa abot ng kanyang makakaya. “Gusto ko lamang ipaalala sa’yo na oras na magkagipitan ay isasama kita kahit hanggang impiyerno.” Maya-maya ay sabi nito. “Hayup ka!” galit na saad niya rito. “Hayup na kung hayup pero hindi ako papayag na hindi ako makinabang sa kayamanan ng mga Barrios. Pinaghirapan kung makaangat kahit bastardo lamang ako. Naging parte ako ng tagumpay ng Mother Company kaya hindi ako makakapayag na kakarampot lang ang maging parte ko. Dapat ay sa akin napunta ang Barrios Company at hindi kay Christopher. Kaya hindi ako papayag na magtagumpay siya.” Mapait na paliwanag nito. Kitang-kita ni Maggie ang galit sa mukha nito. At natatakot siya sa maaari nitong gawin. Alam niyang handa itong pumatay at mamatay maipaglaban lang ang alam nitong para dito. Handa ba niyang tanggapin ang ganitong kapalaran?


Minabuti ni Maggie na magpaalam na muna dito. Kailangan niyang mag-isip. Naguguluhan na siya sa mga nangyayari. Hindi ganito ang buhay na pinangarap niya. Masyado lang mataas ang pangarap niya kaya pumayag siya sa gusto ni Gwen. Pero akala niya ay simpleng pagkuha lang ng pera ang gagawin nila sa pondo ng ipinapatayong gusali. Hindi niya alam na mas higit pa roon ang gusto nito. Hawak siya nito sa leeg kaya wala siyang magawa para sabihin sa pinsan ang mga nalalaman niya. Nagbanta itong papatayin silang magpinsan oras na magsalita siya at idadamay nito ang pamilya niya. Gusto na niyang kumawala dito pero hindi niya alam kung paano gagawin. Ngayong nanganganib naman ang buhay ni Francis mas lalo siyang nawawalan ng pag-asa. Hindi niya akalaing aabot sa ganito ang lahat. Hindi niya kakayanin kapag may iba pang mangyari kay Francis at lalo na kay Faith. Hanggang makauwi siya ay naliligalig pa rin ang isip niya tungkol sa mga nangyayari. Sana ay matapos na ang gulong kinasangkutan niya dahil natatakot na siya. Kailangan niya sigurong magpakalayo-layo muna para makaiwas. Pupunta siya sa maluyong-malayong lugar at doon siya magbabagong-buhay. Pero paano si Faith? Baka ito ang pag-ukulan ng galit ni Gwen. Mas lalong hindi siya mapapanatag pag nangyari man iyon. Kailangan niyang mamili. Paakyat na siya ng kwarto ng may mahagip siyang isang anino sa sala.. Nagulat siya ng makitang naroon ang pinsan niyang si Faith. Nakaupo ito doon at matamang nakatitig sa kanya. Parang hindi maganda ang kutob niya.


Chapter Nine “Kumusta kana Maggie?” malamig ang tonong tanong ni Faith. Alam ng Diyos kung gaanong pagpipigil ang ginagawa niya ng mga sandaling iyon. Kanina pa siya naroon at hinihintay ito. “A-anong ginagawa mo dito Faith?” kinakabahang tanong niya rito. “Ginulat ba kita?” pormal na tanong niya sabay tayo. “Hi—hindi naman. Kanina ka pa ba nandito?” tanong ulit nito. “Siguro ay magtatatlong oras na akong nandito.” Prankang sagot niya. “Ga-ganun ba? Sana ay tinawagan mo na lang ako para nakauwi ako ng maaga.” Paliwanag nito. Hindi alam kung tatayo na lang ba o uupo dahil parang pinanghihinaan ito ng tuhod. “Let’s eat. Nagluto ako habang hinihintay ka.” Pormal na yaya niya rito at nagpatiuna ng pumunta sa kusina. Sumunod naman agad ito at tinulungan siyang maghain. Parang normal na araw lamang iyon pero puno ng tensiyon. Pinapatatag lamang ni Faith ang sarili sa harap nito. Parehas silang tahimik habang kumakain. At parehas rin nagpapakiramdaman. “Saan ka galing Maggie?” maya-maya ay basag niya sa katahimikan. “Ha? Sa—galing ako sa restaurant. Marami kasi akong tinapos.” Nagkandautal na sagot nito. “Ganoon ba?” pabalewalang turan niya. Nagsisinungaling ito. Kailan pa ito nagsimulang magsinungaling sa kanya? Pinilit niyang manahimik na lang uli.


“Faith…” aniya pagkatapos nilang kumain at magstay sa sala. Tumingin naman siya dito. Hahayaan niyang ito mismo ang magsabi sa kanya ng totoo. “Don’t treat me like this. I – I know na alam mo na ang totoo.” Naiiyak na wika nito. Hindi pa rin niya nagawang magsalita. “I am so sorry Faith. I didn’t mean to hurt you like this. Hindi ko alam na hahantong ang lahat sa ganito.” Isinubsob nito ang mukha sa mga palad. Hindi na rin niya napigilan ang mga luha. Tuluyan na itong umagos. “Makikipagtulungan ako sa’yo Faith, para mapadali ang hawak mong kaso.” Paliwanag nito. “No, I think I can’t make it, so I quit. Binitawan ko na ang kaso.” Paliwanag niya. “Pero Faith, pangalan mo ang nakataya rito.” Aniya. “Kailangan mo ng sumuko Maggie, before it’s too late. Para maproteksiyunan ka. Just tell them everything you know. Para mapababa ang kaso laban sa’yo.” Paliwanag niya. “You don’t understand Faith, papatayin niya tayo. Lalo ka na.” tanggi nito. “Hindi ako natatakot sa kanya. Ikaw ang inaalala ko. Chris know what to do kapag nalaman niya ang tungkol sa bagay na ito. Just do what I say Maggie, for your sake.” Pagmamakaawa niya. “A-anong plano mo Faith?” tanong nito. “Ibibigay ko sa kanila ang mga ibidensiyang hawak ko. Kailangan nilang maaksiyunan agad ang bagay na ito.” Paliwanag niya.


“That’s not what I mean Faith.” Aniya. “Ha? What do you mean?” painosenteng tanong niya pero alam niya kung ano ang tinutukoy nito. “I mean about your profession Faith.” Mataman itong nakatitig sa kanya. Iniiwas niya ang paningin dito. “I already filed a resignation letter to Attorney Marasigan. Siguro hindi talaga para sa’kin ang propesyong ito. Marami na rin naman akong natulungan. Siguro tama na iyon para harapin ko na rin ang sarili naming negosyo. Alam kong hinihintay lang nilang magsawa ako sa trabaho ko at tulungan na lang sila sa pagpapatakbo ng sariling kompanya.” Paliwanag niya. “Faith, I am sorry.” Napahaguhol na naman ito. “If you are, then do what I said Maggie.” Pormal na saad niya. Iniwan na niya ito para makapag-isip ng mabuti. Pero bago umalis ay nagbilin siyang mag-iingat ito. Pasakay na siya ng kotse ng makatanggap ng tawag mula sa sekretarya niya. “Anong balita?” tanong niya rito. “Naipadala ko na po yung ibinigay ninyo para kay Mr. Barrios Ms. Hernandez.” Sagot nito. “Good.” “Maam, totoo po bang nagresign na kayo?” tanong nito. Napabuntong hininga siya. “Yes Karen. I really appreciate everything you’ve done to me. Keep up the good work.”


“Maam, it’s so nice working with you. Sana maging matagumpay din kayo sa path na pinili ninyo. Im so proud of you.” Masiglang bati nito sa kanya. “Thank you.” Saad niya at nagpaalam na dito. Sigurado siyang mamimiss niya ang opisina at ang mga taong naging parte ng buhay niya bilang isang abogado. Naayos na niya ang lahat ng dapat ayusin, pati na ang pagbebenta ng condo niya. Nasa kotse na rin niya ang mga maleta na naglalaman lahat ng mga damit niya. She’s not coming back to Manila for good. Nasa Laguna ang totoong buhay niya. At doon na rin niya tutulungan ang sariling kalimutan si Chris. Sigurado siyang sa mga oras na iyon ay natanggap na nito ang mga ibidensiyang ipinadala niya.

“Damn!” galit na galit na mura ni Chris. Panibagong rebelasyon na naman ang natuklasan niya. Hindi siya makapaniwala sa natuklasan. Maliwanag pa sa sikat ng araw na ang kapatid niya sa labas ang nasa likod ng lahat. Hindi niya alam na may lihim pala itong galit sa kanya. After all his family did to him. Pinag-aral at bihisan ito at pinamanahan ay ito pa ang igaganti sa kanya? Damn him! Kinuha niya ang telepono at nag-dial. “General, this is Mr. Barrios. I want you to arrest my brother as soon as possible. I want him alive.” Pormal na sabi niya sa kabilang linya. “We don’t have a warrant of arrest Mr. Barrios.” Paliwanag naman nito. “I got all the evidence against him General. Call me kapag may link na kayo kung nasaan siya.” Sagot niya at pinutol na ang usapin.


Kinuha niya ulit ang mga papeles na nasa mesa. At tiningnan niya ang likod ng lalagyan nitong envelop. Walang address na nakalagay doon. Pero base sa envelop na hawak niya ay posibleng galing ito sa opisina ni Faith. Dinampot niya ulit ang telepono at idinayal ang number nito. Nagtaka siya kung bakit nakapatay iyon. Minabuti niyang tumawag na lang sa firm nito. “Hello, good afternoon. Segundo Law office.” Aniya sa kabilang linya. “This is Mr. Barrios, can I speak to Attorney Faith Hernandez? Tanong niya. “Ay, sorry po sir pero wala nap o si Maam ditto.” Sagot nito. “What do you mean?” nakakunot-noong tanong niya. “Nagresign na po siya dito.” Paliwanag nito. “What? Kailan pa?” gulat na gulat siya sa sinabi nito. “Kanina lang po Sir. Biglaan nga po ehh.” Sagot nito. Ganun ba? Sige salamat.” Aniya at nagpaalam na siya dito. Sigurado siyang galing kay Faith ang mga dokumento. Hindi niya alam kung ano ang iisipin para sa dalaga. Alam niyang mahirap para dito ang magdesisyon ayon sa batas dahil involve ang pinsan nito. Kaya siguro pinaubaya na lang nito sa kanya ang lahat. Napabuntong-hininga siya. Maraming bagay siyang dapat ayusin. At kalangan niyang matapos iyon bago siya makikipagkita kay Faith. He misses her so much. Pero titikisin muna niya ang nararamdaman, after all sigurado siyang kukuha siya ng bakasyon para makasama at maipakita sa dalaga kung gaano niya ito kamahal. He will propose to her again, and this time he’ll make sure na hindi na siya nito matatanggihan pa. Napangiti siya sa ideya. Naalala niya si Francis. Kailangan niya ring makipagkita dito ng personal


at humingi ng tawad. Hindi niya lubos maisip na pinagbintangan niya ito ng pagtatraydor sa kanya. Naputol ang pag-iisip niya ng marinig ang pagtunog ng telepono. Dinampot niya iyon agad. “Sir, alam na namin kung nasaan ang kapatid ninyo. We just need your order para pasukin ang hide-out na pinagtataguan niya.” Bungad sa kanya ni General Jacinto sa kabilang linya. “Do whatever it takes General. Papunta na rin ako dyan ” wika niya pagkatapos nitong ibigay ang location. Kailangang pagbayaran ni Gwen ang mga ginawa nito.

Dahil natiktikan ng mga tauhan ni Gwen ang mga pulis na nakapaligid sa kanila ay naghanda sila para lumaban. Halos putok ng mga baril na lamang ang naririnig sa lugar. May mga pulis na sinawing palad pero mas maraming mga tauhan ni Gwen ang namatay. Nahuli naman ng mga pulis si Gwen na nagkaroon ng tama ng baril sa sikmura. Mukhang malubha iyon at anumang oras ay baka hindi na nito kayanin. Saka naman dumating si Chris at agad itong pinuntahan. Hawak ito ng dalawang pulis. “Hindi ko akalaing magagawa mo sa akin ang bagay na ito Gwen.” Akusa niya rito. Hindi man lang siya nakaramdam ng konting awa para dito. “Hayup ka Chris! Ka--hit kailan isa kang-- malaking tinik sa la--lamunan ko.” Pinilit pa rin nitong magsalita. “Ikaw ang gumawa ng sarili mong hukay Gwen. Dahil itinatak mo sa utak mo na isa akong kaaway na dapat talunin.” Malamig at madiin ang bawat salitang binitawan niya rito. Tinalikuran na niya ito.


“Mr. Barrios, may nakita kaming isang babae na nakakulong sa isang bodega. Baka kilala ninyo siya.” Paliwanag sa kanya ng isang pulis. Agad naman niyang pinuntahan ang tinutukoy nito. Nakita niya si Maggie. “C-chris…” sambit nito sa pangalan niya. “What are you doing here Maggie?” stupid of him. Bakit kailangan pa niyang itanong ang bagay na iyon dito. Siyempre kasabwat ito ng kapatid niya sa labas. Hindi ito umimik. Nakita niyang may mga pasa ito sa mga braso at saka lang niya napansin ang black eye nito. Putok din ang labi nito na namamaga pa. Nakaramdam siya ng awa rito. Kahit paano ay pinsan pa rin ito ng babaeng mahal niya. “Anong nangyari sa’yo?” nagawa pa rin niyang itanong dito. “Wala ito. Paalis na sana ako ng condo pa-ra umuwi ng province tulad ng napagusapan namin ni Faith ka-kaso natiktikan ako ni Gwen at sa-pilitang tinangay dito.” Paliwanag nito. “Hindi ko alam kung ano pa ang paniniwalaan ko sa’yo Maggie. I trusted you. Pero hindi ko alam na may hidden agenda ka pala kaya ka nakipaglapit sa’kin.” Pormal na sabi niya rito. Napayuko naman ito dahil sa sobrang kahihiyan. Naalala niya ang sinabi nito tungkol kay Faith. “Where’s Faith?” he asked. “Ang pagkakaalam ko ay umuwi na siya ng Laguna. I ruined her life. I always did.” Tuluyan na itong napaiyak sa sinabi.


He was shocked by another rebelation. And this time it was more painful. He never thought Faith would be this miserable in her life. Damn him for hurting her.

She was raped when she was twelve and it’s because of me. Pero hindi niya sinabi sa mga magulang namin ang totoo. She always saved me from everything I did. Pero ito pa rin ang iginanti ko. Sinira ko ang ambisyon niya.” Umiiyak na paliwanag nito. Susuko ako sa mga pulis Chris but I want you to do me a favor. Take care of Faith. I know she loves you. Natatakot lang siyang baka mauwi na naman sa wala ang pagmamahal niya.” Pakiusap nito. Kahit hindi nito sabihin ay gagawin niya. He loves her so much at handa siyang turuan itong makalimot sa nakaraan.


Chapter Ten Napanood ni Faith ang live coverage na pangyayari kung paano nadakip si Gwen Barrios kasama ang ilang tauhan nitong nakaligtas sa labanan. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa mga oras na iyon. Napabuntong-hininga siya. Nakita rin niya si Maggie na hawak ng mga pulis. Nalaman niyang kusa itong sumuko para pagbayaran ang mga nagawang kasalanan. Ngayong tapos na ang problema ay dapat na rin siyang magsimula ulit. Naalala niya si Chris. Gusto niya itong makita at damayan sa mga oras na iyon ngunit pinigilan niya ang sarili. Masyado na siyang nasasaktan dahil dito. Gusto na niya itong kalimutan at harapin ang bagong buhay kasama ang pamilya niya. Simula ng dumating siya ng Laguna ay wala siyang ibang ginawa kundi ang magkulong na lamang sa kwarto na hindi naman nakaligtas sa mga kasamahan niya sa bahay lalo na sa mama niya. Naalala pa niya ang sinabi nito.

“Iha, may problema ka ba?” nag-aalalang tanong nito “Wala po, ano naman ang nakita ninyo at nasabi ninyong may problema ako?” biro niya rito. Pinilit niyang ngumiti para ipaalam dito na wala siyang iniindang problema at masaya siyang kasama ang mga ito. “Napapansin kasi namin na kahit lagi kang nakangiti at nakatawa ay hindi iyon ang totoong nararamdaman mo. Ngayon na lang uli kita nakitang ganyan. Ang huli ay noong maghiwalay kayo ni Marlon pero mas higit ngayon.” Paliwanag nito.


“Wala ito Ma, siguro ay naninibago lang ako. I used to live in the city. Samantalang nasa probinsiya na ako ngayon.” Sabi niya rito para maipanatag nito ang kalooban. “Sana nga Iha ay ganoon lang. Nalulungkot ako kapag nakikita kitang malungkot at parang may problema. If you want to talk about it, im just here anak. Hindi ka iiwan ni Mama.” Malambing na turan nito at niyakap siya. Gumanti naman siya ng yakap dito. “Alam kong isa sa mga pinoproblema mo ay ang tungkol kay Maggie. But we have to face the reality anak. Desisyon niya iyon at tinanggap na rin ng mga magulang niya. Panahon na lang ang makakapagsabi kung kalian siya makakalaya. And I know she learhed her lesson.” Paliwanag nito at tiningnan siya sa mukha. “Yes Ma, alam kong masaya si Maggie sa naging desisyon niya and im proud of her dahil sumuko siya sa batas.” Nakangiting turan niya dito.

Tanggap na niya kung ano ang nagging kapalaran ng pinsan niya. Naisip niya na baka nagkulang siya ng paalala ditto kaya nagging ganoon ang buhay na tinahak nito. Ipinangako niya rin sa sarili na gagawin niya ang lahat para maging magaan ang hatol para dito. Sinubukan niyang tawagan ang Firm na humahawak ng kaso ng pinsan niya. Kailangan niyang malaman kung ano ang isinampang kaso ni Chris laban dito. “Good afternoon, Marasigan Law Firm.” Sagot sa kabilang linya. “I’m Ms. Hernandez, I just want to know kung ano ang kasong naisampa kay Ms. Magnolia San Gabriel. I’m her cousin.” Tanong niya.


‘Sandali lang po Maam at titingnan kop o sa files.” Aniya. “Okay.” Sabi niya at nawala ito sa linya. Pero maya-maya lang ay nagsalita ito. “Maam, hindi naman po mabigat ang kaso laban sa kanya. Ang pagkakaalam kop o ay pwede po siyang piyansahan.” Nagulat siya sa sinabi nito. “Ahm… How—how about Mr. Christopher Barrios, hindi ba siya nagsampa ng kaso laban kay Ms. San Gabriel? Tanong ulit niya. “Hindi po Ma’am. Ang pagkakaalam kop o ay hindi na itinuloy ni Mr. Barrios ang pagsasampa ng kaso laban sa pinsan ninyo. Tanging si Mr. Gwen Barrios na lang po ang kumakaharap ng kaso ngayon.” Pagbibigay impormasyon nito. “Ganoon ba? Salamat.” Tanging nasabi niya rito bago ibinaba ang telepono. “Ano ba ang plano ni Chris? Bakit hindi siya nagsampa ng kaso laban sa pinsan niya? Ano ba ang gusto nitong palabasin.?” Mga tanong na hindi niya masagot sa sarili. Kailangan ba niyang personal na makipagkita dito? Siguro ay hindi na kailangan. Mas mabuti na rin ang nangyari. Marahas siyang napabuntong-hininga. Maya-maya ay naisipan niyang lumabas ng kwarto. Halos abala ang lahat sa nalalapit na kaarawan ng kanyang Mama. “Senyorita Faith.” Tawag sa kanya ni Melba, ang katiwala nila. “Bakit?” tanong niya. “May tawag po kayo sa telepono.” Aniya at iniabot sa kanya ang cordless phone. Nagtataka man kung sino ang tatawag sa kanya sa mismong residencial phone nila ay inabot na rin niya iyon. “Hello?” bungad niya.


“Goodness Faith, buti na lang ay nakita ko pa ang files mo.” Si Attorney Segundo ang tumawag sa kanya. “Bakit po Attorney?” nagtatakang tanong niya rito. “I think you have to go back to Manila as soon as possible.” Natatarantang wika nito. Hindi niya napigilang mapakunot-noo. “Nagsampa ng kaso laban sa’yo si Mr. Barrios.” Imporma nito. “What?” dumagundong ang boses niya sa apat na sulok ng bahay nila. Halos lahat ay napatingin sa kanila. Jesus! “Why? Anong kaso? Bakit niya ako sasampahan?” sunud-sunod na tanong niya sa abogado. “I really don’t know the exact details Iha. Mas mabuting bumalik ka na muna dito. I think he’s eager to file a case against you.” Paliwanag nito. Wala na ito sa kabilang linya ay hindi pa rin niya nagawang makakilos. Hawak pa rin niya ang phone. Damn him! Ngayon niya napagtanto ang lahat ng gumugulo sa kanya kanina. Mga tanong na hindi niya masagot sa sarili. So, siya ang balak panagutin nito sa nangyari. “I hate you Chris!” nasabi niya sa sarili. Nagtataka man ang mama niya ay wala itong nagawa ng pagpaalam siyang babalik muna ng Maynila. Pero nangako siya rito na sisiguruhin niyang makakarating siya sa kaarawan nito.


Nagmamadali siyang sumakay ng kotse at paglabas niya sa kanilang malawak na bakuran ay pinaharurot na niya ang sasakyan. Magtutuos sila ni Chris. Bakit ba lagi na lang siyang nasasaktan dahil dito? Habang daan ay iniisip niya kung ano ang posibleng isampa nitong kaso laban sa kanya. Wala siyang maisip na dahilan nito. Wala na dapat siyang balak magpakita dito. Pero hinihingi ng pagkakataon. Halos gabi na ng makarating siya ng Kamaynilaan pero hindi siya nag-aksaya pa ng panahon. Pumunta siya sa bahay nito. Nang Makita siya ng guard sa entrance ay pinapasok na siya nito agad. Bakit parang alam nito na darating siya? Nakita niyang wala pa ring pinagbago ang bahay nito. Pero nakapagtatakang napakatahimik naman ata doon. Halos wala siyang taong makita maliban sa guard na nasa entrance. Pumasok siya sa kabahayan. Walang ilaw sa loob. Tanging ang lugar papuntang pool ang maliwanag. Sigurado siyang may tao roon. Namangha siya sa nakita. Punung-puno ng mga petals ang pool at napapalibutan ito ng mga kandila. Nagtatakang napatingin siya sa dulo niyon. May isang maliit na mesa na pangdalawahan. Lumapit siya roon. “What take you so long?” nagulat siya ng may nagsalita sa likod niya. Lumingon siya roon at nakita ang nakangiting si Chris. “Hanggang ngayon ba naman ay magugulatin ka pa rin?” biro nito. Nang maalala ang tungkol sa kasong isinampa nito ay napasimangot siya. “Ano na namang pakulo ito Mr. Barrios? At bakit nagsampa ka ng kaso against me?” galit na tanong niya rito.


Ngumisi naman ito ng nakakaloko. Nainis naman siya at balak na sanang magwalk out. She smell something fishy. “Tinakasan mo kasi ako kay gumawa ako ng paraan para kusa mo akong puntahan.” Aniya at iniurong ang isang silya para makaupo siya. Umupo naman siya dahil iyon ang kailangan niya dahil sa kakaibang tensiyong nararamdaman niya. “God Chris, nagbyahe ako all along from Laguna dahil tinawagan ako ni Attorney Segundo.” Bulalas niya rito. “Hey easy.” Natatawang wika nito. “Hindi ko alam na nasa Laguna ka. Hindi ko naitanong kay Maggie.” Paliwanag nito. Saka naman niya naalala ang pinsan. “About Maggie, Chris, bakit hindi ka nagsampa ng kaso laban sa kanya?” tanong niya habang nakatitig dito. “Don’t look at me like that sweetheart.” Namumungay ang mga matang sabi nito. “What?” nagtatakang tanong niya. Pero kinikilig naman siya sa endearment na ginamit nito sa kanya. “Don’t look at me that way.” Natatawang biro nito. “Why?” amused na tanong niya dito. How she love this man. Mukhang nakita niya lang ito ay nawalang parang bula ang galit niya. “Because just looking at you makes me shiver and I can’t promise I can behave anymore.” Buong katapatang sagot nito. Ngumiti siya. Parehas sila ng nararamdaman. Hindi niya napigilan ang sarili at hinaplos niya ang pisngi nito. Hinawakan naman nito ang kamay niya at masuyong hinalikan. Nakita niya sa mga mata nito ang pagmamahal at paghanga sa kanya.


“God knows how I wish to hold you like this forever Faith. How I dream of being with you for the rest of my life.” Madamdaming pahayag nito. Is he proposing again? Hindi niya alam kung ano ang pwedeng sabihin. Mas pinili niya ang manahimik muna at hayaan itong magsalita. “How about dealing with another proposal?” seryosong tanong nito. Tumaas naman ang kilay niya. “What proposal?” she asked. She’s enjoying this. Nakita niyang parang bantulot pa itong ipahayag sa kanya ang proposal nito. Para itong batang nahuli ng teacher na may ginawang kalokohan. Napangiti siya at pinagsalikop ang mga daliri sa ilalim ng baba. Mas lalo niyang pinapungay ang mga mata. “How about marrying this handsome man in front of you kapalit ng isang villa sa Palawan?” nakakaloko ang mga ngiti nito pagkatapos magsalita. Kahit gustong-gusto na niyang tumawa ngunit pinigil niya at pormal na umayos ng pagkakaupo at tumingin dito. Mukhang tinakasan naman ng kulay ang mukha nito dahil sa nakitang reaksyon niya. “Villa lang ba ang kapalit ko?” nakataas ang kilay na tanong niya. “Of course not.” Mabilis namang sagot nito. “I just wanted to make it up to you. I know I hurt you badly and I want you to know that I didn’t mean everything I’ve done.” Mabilis na paliwanag nito. “You mean, everything?” nakakunot ang mga noong tanong niya. “N-no…I mean not everything. Can you forgive me?” tanong nito. “Pag-iisipan ko.” Tanging nasagot niya. “Can you forgive me?” ulit nito.


“Ang sabi ko pag-iisipan ko.” Ulit niya rin sa sagot niya. Bigla naman itong natahimik. “O-okay.” Aniya at may sinenyasan sa likod niya. Nakita niya si Manang Salud na dala ang pagkain nila. Ngumiti ito sa kanya ng makalapit at ilapag ang mga putahe. Kapuna-puna naman ang pananahimik ni Chris. Parang kinokonsensiya siya nito dahil sa sinabi niya. Napaingos siya. Natapos na silang kumain ay tahimik pa rin ito. Siya na ang hindi nakatiis. “Okay, I’ll forgive you.” Nakasimangot na sabi niya rito. “Talaga?” umaliwalas naman ang mukha nito ngunit saglit lang dahil nakita siyang nakasimangot. “Masama yata ang loob mo.” Hindi na niya napigilan ang tumawa. “Ang OA mo.” Natatawa pa ring wika niya rito. Ngumiti naman ito. Hindi niya napigilang mapasinghap ng lumuhod ito sa harap niya at may inilabas na kahita sa suot nitong polo. “Faith will you marry me?” kinakabahang tanong nito. Nagulat siya sa bilis ng pangyayari. Hindi niya nagawang sumagot. “Say yes Faith dahil kahit tumanggi ka pa paulit-ulit akong magpo-propose sa’yo whether you like it or not.” Pormal na sabi nito. “Okay then. I’ll marry you Mr. Barrios.” Nakangiting sagot niya. “Napipilitan ka talagang pakasalan ako. Too bad, I had a lifetime para iparamdam sa’yo kung gaano kita kamahal Faith. At sisiguraduhin ko sa’yong you’ll fall for me.” May kumpiyansa sa sariling sabi nito.


Hinayaan na lang niya itong isipin na ganoon nga ang nararamdaman niya. Pero ilang saglit lang ay hindi na rin niya napigilan ang sarili na yakapin ito at halikan sa mga labi. Gumanti naman ito ng yakap at halik. “Mahal na mahal kita Chris. And don’t ever dare to hurt me again.” Seryosong sabi niya rito. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya. “I will sweetheart. I will never hurt you again. I love you so much Faith.” Pangako nito bago sinakop ang mga labi niya.

--The End--



Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.