thanks to you

Page 1

Thanks to You -Ladymorgana-


Cedric Avarez is a very hardworking bachelor in town. Pero kahit ganun maraming babae pa rin ang nagkakagusto sa kanya. And one of them is Tiffany Franchesca Isabelle Mondragon . Happy-go-lucky girl. Lahat daw ng bagay na gustuhin ng dalaga ay nakukuha nito. But Cedric promise himself na hindi siya masasama sa mga nakukuha nito. Kaya ginawa niya ang lahat para i-reject ito dahil sa harap-harapan nitong panliligaw sa kanya. Pero hindi tumigil si Tiffany sa hangarin. Until one day they compromise. At hindi inaasahan ni Cedric ang mga rebelasyong matutuklasan niya sa relasyon nila. Is there really a story without a happy ending?


Chapter One “Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sa dinami-dami ng lalaking nagkakagusto sa’yo eh dun ka pa tinamaan sa taong wala man lang ka-appeal appeal sa’yo. Nababaliw ka na ba talaga? Ilang beses ka na niyang binasted. Mind you, ikaw ang binasted niya. Girl don’t you think its time to let go?” maarteng pahayag ng bestfriend ni Tiff. Short for her very long name Tiffany Franchesca Isabelle Mondragon. Ewan ba niya sa mama niya kung saan kinuha ang pagkahaba-habang pangalan niya. And her bestfriend Andrea was right. Kailan ba siya matatauhan na kahit kailan ay hindi siya magugustuhan ng isang Cedric Alvarez. Ang kanyang kinakapatid. Anak ito ng kaibigan ng mother niya. At the age of twenty seven ay stable na ang pagtatrabaho nito sa kompanya ng mga magulang. Very hardworking, strict, serious in his life, pero hindi naman lingid sa kanya ang pagkadami-dami ng mga babaeng nagsusulputan sa buhay nito. At siya at the age of twenty four ay wala pa ring balak magseryoso sa buhay. Siguro kapag “sinagot” siya ni Cedric ay saka pa lang siya magseseryoso. Ewan ba niya sa sarili, napakaraming lalaki ang nagkakandarapa para pansinin niya pero talagang kay Cedric siya tinamaan. Anong magagawa niya? Para sa kanya isa itong pagsubok na dapat niyang malampasan para maging isang tunay na babae. Bata pa lang siya ay may gusto na siya dito. Masyado itong seryoso noon sa pag-aaral kaya no pansin siya nito. At hanggang ngayon hindi pa rin siya mapansin-pansin nito. Mas lalo itong naging seryoso sa pagtatrabaho kaya bihira na niya itong makita. Pero kahit ganun mas lalong lumaki ang paghanga niya dito.


“Andrea, masyado ka namang OA. I already told you, bata pa lang ako ay malaki ang pagka crush ko sa kanya kaya hindi ako papayag na balewalain niya lang ako. I’m pretty much sure na kaya ayaw niya kung patulan ay dahil sa magkaibigan ang mga magulang naming.. Syempre our parents are best of friends. Pero mas magiging masaya kung kami ang magkakatuluyan, hindi ba bongga?” pagmamayabang niya dito. Ewan ko sa’yo. If I know, ego mo na lang yan kaya ayaw mong i-give up si Cedric dahil sa motto mong “what I want, I get”, hindi ba tama ako?” pangungulit nito. “Bahala ka, basta hindi pa din ako titigil hanggat hindi ko siya nakukuha. Kung iniisip niya na ganun lang ako kadaling sumuko, nagkakamali siya.” malakas ang loob na sabi niya dito. “For all I know, mag iisang taon ka ng nanliligaw sa kanya. At limang beses ka na rin niyang binasted. Hindi ka pa ba napapagod?”eksaheradang wika nito. Mukhang napapansin niya na wala na talaga siyang mapapala kahit anong paliwanag niya dito. Idini-discourage na talaga siya nito. Pero hindi siya ganun kadaling sumuko. Siya si Tiff MOndragon, lahat ng bagay na gusto niya ay nakukuha niya. “Bestfriend, please naman wag mo kong idiscourage, I know what I’m doing. I can handle this, I promise.” Paliwanag niya dito. “Ikaw lang ang iniisip ko, alam mong concern lang ako sa’yo. Marami ng mga kakilala natin ang nakakakita sa paglapit-lapit mo kay Cedric, nakakahiya.” paliwanag na naman nito. “ Okay, last na ‘to, promise. Kung ayaw niya pa rin sa’kin titigilan ko na talaga siya.” Aniya at itinaas ang kaliwang kamay. At bigla ding ibinaba ng maisip na dapat ay kanan ang itinaas niya.


“Sira, sa ginawa mo alam kong hindi pa ito ang huli.” Aniya at pinaikot ang eyeballs nito. “Tara na nga, magshopping na lang tayo then nood tayo ng sine, maganda daw ang movie na “My Destiny” sabi ni Terrice.” yaya nito sa kanya. Kapag shopping ang pag-uusapan ay hindi na ito nagdadalawang salita. Lagi silang on the go. “Let’s go!”saad niya at lumundag pa sa kama. That was her life before. She’s a happy-go lucky-girl, full of energy, carefree, walang inatupag kundi magshopping at manood ng sine, concert, mag barhopping, vacation anywhere she wants with her barkada. Na kung tutuusin ay negosyo dapat ang inaatupag niya. Ang reason niya, ngayon lang siya magiging malaya so why not enjoy it to the fullest? Well, hindi naman siya pinagbabawalan ng mga magulang, they were always busy with their business. Naalala pa niya na kahit ang espesyal na araw para sa kanya ay wala ang mga ito para suportahan siya. Tanging ang yaya niyang si Minerva ang nag-akyat sa kanya sa entablado. But she doesn’t care. Hindi niya masisisi ang mga ito dahil sabi nga ng mga ito, para din sa kanya ang mga pagpupursige ng mga ito kaya hinayaan na lang niya. Hanggang magsawa ang mga ito at hanapin siya. Matapos manood ng sine at kumain, nagyaya pa siyang mag bar hopping, hindi naman tumutol ang kaibigan niya. Parehas lang sila ng kalagayan nito. Wala din ang mga magulang nito. Nasa ibang bansa at inaasikaso ang pagpapayaman. Nilunod niya ang sarili sa alak. Nakakailang salin na siya ng tequila sa baso niya pero wala siyang balak tumigil. Ilang beses na rin siyang pinigilan ni Andrea pero ayaw niyang paawat. Nang maramdaman niyang medyo nahihilo na siya ay nagpaalam siya ditong pupunta sa restroom. Mabuway


na siyang maglakad pero pinilit pa rin niyang makarating sa restroom. Muntik pa siyang mapaupo sa sahig ngunit may tumulong sa kanya para hindi tuluyang bumagsak. “Sa-lamat.” Tanging nasabi niya at tuluyan ng tumalikod dito. Halos madaling araw na silang umuwi, mahilo-hilo na siya sa dami ng nainom niya. Siya lang ang mahilig uminom sa kanilang dalawa. Actually hindi naman talaga, nitong mga nakaraang limang buwan lang siya natutong maglasing. Halos ubusin niya ang isang tequila sa isang upuan lang kung hindi pa siya inawat ni Andrea. Her bestfriend for almost a decade now. Kasa-kasama sa lahat ng kalokohan, tawanan, bad moments, and everything under the sun. Hindi siya iniiwan kahit saan. Kahit saang lupalop siya magpunta lagi itong kasama. Wala silang inuurangan. Kaya kahit maraming tao ang may disgusto sa kalakaran nila sa mundo, wala siyang pakialam. Basta nag e-enjoy sila sa buhay nila. Tapos siya ng Business Management pero mas ginusto niyang maging silent partner na lang ng isa pa niyang kaibigang si James na nakabase sa Palawan. Nagpatayo ito ng resort doon ngunit kulang ang capital nito kaya nakipagsosyo siya. Sa kanya ang thirty-five percent share doon. Naging kilala ang resort na iyon hindi lamang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa. Napakaganda ng lugar. Dalawang beses pa lamang siyang nakatungtong ng Palawan at pinahanga na talaga siya ng mga tanawin doon. Ngunit dahil wala siyang hilig manirahan sa probinsiya ay ipinamahala na niya kay James ang pagpapatakbo niyon. Walang nakakaalam ng pakikipagsosyo niya dito kahit na si Andrea. Nitong huli ay nawalan na siya ng panahong bumisita sa Palawan dahil sa isang problemang hindi niya masulusyunan at hindi niya pwedeng ipagpawalang bahala. Marami din naman silang raket ni Andrea May mga share of stocks sila sa ibat-ibang kompanya. Maliit lang pero kumikita sila. Kaya kahit hindi sila magtrabaho ay may


pumapasok silang pera sa bangko. Ika nga mga tamad silang humawak ng mga papeles at magpakapagod sa pagpapatakbo ng isang negosyo kaya iyon na lang ang ginawa nila para pagkakitaan. Business-minded din si Andrea ngunit iba sa gusto nitong course ang kinuha nitong Nursing. May gusto ito sa kababata niyang si Wilson na ngayon ay isa ng kilalang doktor.


Chapter Two Kung hindi pa siya ginising ng kanyang yaya Minerva ay wala pa dapat siyang balak gumising. Its just eleven in the morning! Tinatamad na humiga ulit siya sa kama. Masakit ang ulo niya dahil sa hangover. Pero hindi na rin siya nakatulog ulit. Bumangon siya at nagtuloy sa bango. Naghilamos siya at pinakatitigan ang expresyon ng mukha sa salamin. Wala pa namang kakaiba sa itsura niya. Maganda pa din siya. Napapangiting sabi sa isip. Pagkatapos magsuklay ay dali-dali na siyang bumaba para kumain. Nakita niya si Minerva na abala sa kusina. “Good morning” masiglang bati niya dito. “Anong good morning ka dyan! Tanghali na kaya. Kung hindi pa kita ginising ay wala ka pa atang balak tumayo.” Sita nito sa kanya. Sanay na siya dito. Hindi naman ito galit. Parang ginagampanan nito ang papel ng kanyang mga magulang. Mas tamang sabihing mas kilala siya nito kaysa ang mga magulang. Halos simula ng isilang siya sa mundo ay ito na ang nag-alaga sa kanya. “Akala ko ba may importanteng lakad ka ngayon? Kaya nga kita ginising eh. Baka kako nakalimutan mo na.” aniya habang patuloy sa pag-aasikaso ng almusal niya. “Yup, pero mamaya na siguro kahit mga banding alas tres. Tinatamad akong umalis ng bahay eh. Kailangan ko pa sigurong matulog. Masakit ang ulo ko.” Paliwanag niya dito. “Uminom ka na ba ng gamot? Baka kung ano na yan.” Pag-aalala nito. “Minerva okay lang ako. Don’t worry, naparami lang ang inom ko kagabi.”aniya dito.


“Ewan ko ba sa’yong bata ka. Dati naman hindi ka basta basta naglalasing. Ano bang nangyayari sa’yo? Halos hindi ka na makalakad ng maayos kagabi ah. Buti at naihatid ka pa ni Andrea dito.” Nasa anyo pa din nito ang pag-aalala. “C’mon Minerva, don’t act like a mother to me. You know me better than anyone. Kaya ko ang sarili ko. Ikaw, hindi ka ba napapagod? Look at you, hindi ka na nakapagasawa dahil sa pag-aalaga mo sa’kin, you have to enjoy yourself before its too late. Malay mo naghihintay lang pala sa’yo ang soulmate mo.” Natatawang pahayag niya dito. She wants her to be happy too. Buong buhay nito inilaan lang sa pag-aalaga sa kanya. Gusto naman niyang maranasan nito kung pa’no ang pahalagahan. Nang hihinayang siya sa mga oras na sinayang nito para sa sarili. “Huwag ako ang alalahanin mo. Masaya ako sa ginagawa ko at hindi ko kailangan ang pag-aalaga ng ibang tao. Ang hinihiling ko lang sana wag mong sayangin ang buhay mo sa ganito lang. Matalino ka Tiff pero hindi mo ginagamit bagkus hinahayaan mo lang mabulok sa isang tabi ng utak mo. Ano bang gagawin ko sa’yong bata ka.”sumusukong turan nito sa kanya. “Look Minerva, sabi mo basta masaya ako sa ginagawa ko magiging masaya ka rin para sa’kin. Im enjoying with my life right now. Ayokong mahuli ang lahat bago ko magawa ang mga gusto ko.”pahayag niya dito. “Bahala ka na ngang bata ka. Ang sa’kin lang naman ay paalala lang. Nag-aalala lang ako sa’yo. Hindi ka naman dating ganyan eh. Sige na kumain ka na para makainom ka ng gamot at makapagpahinga ka na rin.” Bahagya pa nitong hinawakan ang ulo niya at ginulo ang buhok niya. “Minerva, hindi na ko bata.” maktol niya dito.


Tumawa lang ito at iniwan na siya. Nangingiti naman siya habang ipinagpatuloy ang pagkain. Magana siyang kumain. Halos maubos niya ang isang bowl na sopas na inihain ni Minerva para sa kanya. Pakatapos niyang kumain ay dumiretso siya sa sala at hinagilap ang telepono. Nakita niya si Minerva na abalang-abala sa pag-uutos sa mga kasambay nila. Nililinis ng mga ito ang swimming pool. Napangiti siya. Alam na alam talaga ni Minerva na kapag hindi siya umaalis ng bahay ay nagbababad lang siya sa swimming pool kaya ipinalinis nito. “Hello” aniya sa kabilang linya. “Wilson, this is Tiff.”sagot niya dito. “Where are you? Kanina pa kita hinihintay.” Nababakas ang iritasyon sa boses nito. “Hey, save your breath. Hindi ako makakarating ngayon, bukas na lang siguro, medyo sumasakit kasi ang ulo ko kanina eh.” Paliwanag niya dito. “Uminom ka na ba ng gamot? Ilang beses ko na kasing sinabi sa’yong bawal kang uminom. Ang tigas ng ulo mo. Sinabi sa’kin ni Andrea na lasing na lasing ka daw kagabi.” Sita nito, pero nababakas pa rin ang pag-aalala sa boses nito. “Pati ba naman ikaw? Wilson, I know what I’m doing. Save your sermon next time. Wala ako sa mood. Gusto ko ng magpahinga.”paalam niya dito. “Okay, just make sure na uminom ka ng gamot. See you tomorrow.” Paalam na rin nito. Balak niya sanang magswimming pero kailangan niya na munang magpahinga. Dumeretso na siya sa kanyang silid at nahiga sa kama. Ang laki ng bahay nila pero napakatahimik at napakalungkot. Mas gusto pa niyang tumira sa condo ni Andrea. Atleast


kahit papa’no may kasama siyang maingay but she dismissed the idea. Hindi pwede. Ipinikit niya ang mga mata at mukha ni Cedric ang nakita niya. She missed him a lot. Isang linggo na niyang hindi nakikita ang lalaki. Huling beses niyang nakasama ang lalaki sa party ng mama nito. Pero napasimangot siya ng maalala kung sino ang kasama nito. Si Fatima Jimenes, isang news anchor ito sa Channel 5, maganda ito. Sa tingin niya ay mabait naman ito kaso ito ang bagong pinagkakaabalahan ni Cedric kaya inis siya dito. Pero pinakitunguhan naman niya ito ng maayos. She’s not that bad. Nagulat pa nga ito ng siya pa ang unang kumausap dito. Pero hindi nagtagal ay tinawag ito ni Cedric at nagsayaw ang dalawa. Inggit na inggit naman siya sa mga ito. Sobrang sweet ng dalawa pero wala naman siyang magawa kahit selos na selos na siya ay hindi na siya umimik. Napakagaling talaga ni Cedric na saktan siya. Alam nito kung anong nararamdaman niya para dito pero lagi pa rin siyang sinasaktan nito. At siya, hindi pa siya nadala. Ano ba ang dapat niyang gawin para pansinin din siya nito? Sa sobrang inis niya rito ay pinaunlakan niya ang bestfriend nitong si Michael na isayaw siya. Nagkatabi pa sila nito sa dance floor. Pero dahil sa paglalambingan ng magkapareha ay itinuon na lang niya ang pansin kay Michael. Masaya naman itong kasama. Palabiro ito at hindi mayabang. Kaya siguro naging kaibigan ito ni Cedric. Halos silang apat ang magkasama sa isang mesa. Inis na inis siya sa pagiging sweet na dalawa. Kaya para makaganti ay ibinuhos na lang niya ang atensyon kay Michael. Mukhang nahaluan na ng ibang kulay ang pakikipaglapit niya dito dahil hiningi pa nito sa kanya ang cellphone number niya. At niyaya pa siya nitong lumabas. Sumulyap siya kay Cedric nakita niya itong nakangiti kay Fatima. Kailan kaya siya mapapansin ni Cedric? Nakatulugan na niya ang pag-iisip dito.


Chapter Three “Hi.” bati niya kay Cedric na abala sa mga binabasang mga papeles kaya hindi na siya nito halata ng pumasok siya sa opisina nito. Nakita niyang nagulat ito ng makita siya. “What are you doing here?” nakakunot-noong tanong nito sa kanya na hindi man lang nag-abalang paupuin siya. “Bakit masama bang dalawin ka? Balik tanong niya dito. “Wala akong sakit para dalawin mo, And can’t you see? Im busy. Marami akong tinatapos na papeles kaya kung wala ka namang importanteng sasabihin ay umalis ka na lang.” naiiritang wika nito. Nagkibit-balikat naman siya at tinungo ang sofa na naroon sa gilid ng mesa nito. “Don’t mind me Cedric. Ituloy mo na lang ang ginagawa mo. Hindi kita iisturbuhin. Basta dito na lang ako.” Pagbibigay assurance niya dito. “Wala ba kayong lakad ni Michael kaya ako naman ang ginugulo mo ngayon? O baka naman nagsawa na rin siya sa ugali mo kaya ako na naman ang pinagdidiskitahan mo. Hanggang ngayon ba naman ay hindi ka pa rin nadadala? Wala kang mapapala sa’kin. Your not my type. And for all I know pride mo na lang yan kaya ka pabalik-balik dito. Hindi mo matanggap na tinanggihan kita.” Prangkang wika nito sa kanya habang matiim na nakatitig sa kanya. “Hindi mo matanggap na for the first time in your life, may nangahas na tumanggi sa’yo. Because anything you want, you get, hindi ba?” Dagdag pa nito.


“Ang dami mo namang sinabi. Talo mo pa ang mga babae sa pagtatalak.” Sarkastikong saad niya dito. “Maybe your right. Lahat nga ng gusto ko nakukuha ko. At may isa nga akong bagay na hindi ko makuha-kuha kahit kailan. Kahit nga ng perang pinaghihirapan ng magulang ko ay hindi sapat para makuha ko yun.” malungkot na sagot niya dito sabay buntong-hininga. “Pero okay lang, this is what I want, and this is me. Kahit na ipagtulakan mo ako palayo ay babalik at babalik pa rin ako sa buhay mo hanggang sa magustuhan mo ako.” Wala siyang pakialam kung ano ang isipin nito sa kanya pero hindi niya bibitawan ito. Kahit anong mangyari. “I thought nagkakamabutihan na kayo ni Michael. Last time I heared from him, you two are dating. Nakahinga ako ng maluwag. So tell me anong nangyari? Nag-away kayo?” napapailing na tanong nito. “Do I have to answer that?” balik-tanong niya dito. “Ikaw, ano bang gusto mong gawin ko para magustuhan mo rin ako?” tutal naman ay harap-harapan na siya nitong sinasaktan kaya kailangan niyang malaman ang totoo. “Wala kang dapat gawin kundi ang lubayan ako. You know where the door is, young lady.” Pagpapaalis nito sa kanya. Hindi naman siya natinag sa kinauupuan. Binuklat-buklat niya ang magazine na nasa harap niya at hindi na ito pinansin pa. Napapailing na lang si Cedric. Hindi niya alam kung pa’no niya mapapaalis ang dalaga. Sinisira nito ang konsentrasyon niya sa trabaho. Wala ata itong lakad kaya siya ang ginugulo. Nakita niya ito noong isang gabi sa isang bar. Nagkayayaan silang magbabarkada na uminom sa nasabing bar at nagulat siya ng makita ang dalaga kasama ang bestfriend nito. Mabuti na lamang at hindi nila kasama si Michael kung hindi na turnoff n asana ito sa dalaga. Sunud-sunod ang pag-inom nito ng tequila na para bang tubig


lang ang iniinom. Kung hindi niya kilala ang dalaga ay masasabi niya sanang malaki ang problema nito at idinadaan na lang sa pag-inom ang lahat pero dahil nga kilala niya ito ay napailing na lang siya. Wala itong pakialam sa mundo. Imbes na nagtatrabaho ito ay inuubos lang ang oras sa pakikipagbarkada, pagsa-shopping at kung anu-ano pa. At hinahayaan lang ito ng mga magulang sa kahit anong gusto nitong gawin sa buhay nito. At ng pumunta ito ng restroom ay nabangga pa ito sa kanya. Buti na lang at hindi siya nakilala nito. “Wala ka bang balak maglunch? Past twelve na. Tara, treat kita.” Yaya nito sa kanya. Wala yata talagang balak umalis nito sa opisina niya. “Hindi ako gutom, at marami akong tinatapos na mga papeles.” Wika niya dito. Nakita niyang napasimangot ito sa sinabi niya. “Alam kong ayaw mo lang akong kasamang maglunch pero you have to eat. Hindi maganda ang nalilipasan ng gutom.” Pahayag nito habang binubuklat ang hawak na magasine. Kahit naman pala papa’no ay concerned naman ito. “Sir, nandito po si Miss Fatima.” Bungad ng sekretarya niya. Napatingin naman siya kay Tiffany na nakatingin din pala sa kanya. “Let her in.” utos niya. “Yes sir.” Magalang na paalam nito. Ilang segundo lang ay masiglang pumasok ang babae at nakita niyang nagulat ito ng makita si Tiffany sa opisina niya. “Hi Fatima, it’s so nice seeing you here.” bati ni Tiffany dito. Hindi niya hahayaang magdiwang si Cedric dahil sa pagiging uneasy niya sa pagdating ng girlfriend nito.


“Me too.” Aniya at ngumiti sa kanya at bumaling sa binata. Nakita niyang humalik ito sa pisngi ni Cedric. Kung hindi siguro siya nandoon ay higit pa dito ang gagawin ng dalawa. “Yayayain sana kitang kumain, baka kasi makalimutan mo na naman kumain dahil sa dami ng trabaho mo.” Narinig niyang sinabi nito sa lalaki. “Geez, hindi pa naman ako nagugutom. Marami akong inaasikaso.” aniya at tumingin sa kanya. “Oh c’mmon Cedric, makapaghihintay ang mga yan, pa’no pagnagkasakit ka?” pamimilit nito. Tara na, nagpareserve na ako sa Shangri-La. Nakita niyang nag-aatubili itong pumayag at napasulyap sa kanya. Napatingin din sa kanya si Fatima. “Tiffany, you can join us.” Nakangiting wika nito. “No thanks. Sigurado naman ako na best for two people lang ang ipinareserved mo. Don’t worry about me. You can both have lunch.” saad niya at ngumiti pa ng ubodtamis sa mga ito. “You sure?” tanong sa kanya ni Cedric. Halata namang pinakikibagayan lang siya nito dahil nandoon si Fatima. “Yah, don’t worry magpapahinga lang ako dito saglit then aalis na rin ako.” Totoo ang sinabi niya. Medyo nanghihina nga ang katawan niya dahil nilakad niya lang ang pagpunta sa opisina nito. Galing siya sa opisina ni Wilson. Maraming ibinilin sa kanya ang lalaki. At dahil hindi siya nagdala ng sasakyan ay minabuti na lang niyang maglakad at libangin ang sarili. Wala naman talaga siyang balak puntahan si Cedric kaso nagulat siya ng paglingon niya ay malapit na siya sa kompanya nito. Kaya minabuti niyang pumasok na lang sa building nito.


“Okay, if you insist. Aalis na kami.” paalam nito sa kanya. Naiwan siya sa opisina nito. Iniikot niya ang paningin sa kabuuan ng silid. Maayos ang pagkakaayos nito. Masyado ring maluwang ang space nito duon. Pwede pa ngang lagyan ng isa pang mesa kung gugustuhin nito. Bigla siyang nalungkot, nag-iisa na naman siya. Lagi na lang siyang iniiwanan nito. Hindi niya namalayang basa na pala ang pisngi niya, umiiyak siya. Minabuti na niyang lisanin na lang ang lugar na iyon dahil baka abutan pa siya ng mga ito na umiiyak. Nginitian muna niya ang sekretarya nito bago umalis.

Hindi alam ni Cedric kung ano ang iisip niya kay Tiffany. Nagpaiwan pa ito sa opisina niya. Wala ba talaga itong pakiramdam? Harap-harapan na niya itong binabalewala pero hindi pa rin ito sumusuko. Ano ba ang nagustuhan nito sa kanya? Ang kwento sa kanya ni Michael ay masaya daw itong kasama. Kalog din daw ito. At halos parehas sila ng mga gusto. Kaya nagtataka siya kung bakit madalang na kung lumabas ang mga ito. Kaya pala noong nakaraang gabi ay nakita niya si Michael na iba na ang kadate. Hindi nga lang niya natanong ito dahil sa pagmamadali niya. “Hey, hindi ba masarap ang pagkain?” tanong ni Fatima na nagpabalik sa isip niya. “Of course, pasensya ka na may iniisip lang ako.” Sagot niya dito. “Si Tiffany ba? tanong ulit nito. “Sort of.” Tipid na sagot niya dito.. “Bakit hindi mo pa kasi sagutin?” tudyo nito. “Mabait naman siya eh. Siya nga lang ang nakita kong hindi nagdadalawang isip na ipakita ang pagkagusto sa isang lalaki to think na ilang beses mo na ring tinanggihan. Ikaw din, baka kung kailan nagpag-isip-


isip mong pwede rin pala kayo eh wala na siya sa tabi mo.” Bahagya pa itong natawa sa sinabi nito. “I think that’s impossible. I know the likes of her. Marami na rin siyang pinaikot na lalaki. Look at Michael, sinabi niya sa atin one time na kapag sinagot siya ni Tiffany ay magseseryoso na siya. Pero anong nangyari?” “Tinanong mo na ba si Michael? Tanong ulit nito. “Hindi na siguro kailangan.” Sagot niya. “Ano ka ba naman Cedric. Bakit pagtungkol kay Tiffany nawawala ka na sa katwiran. Kawawa naman yung tao. Alam kong pati ako eh pinagseselosan nun.” Gagad pa nito. Alam niyang totoo ang sinabi nito. Wala naman silang relasyon ni Fatima pero kapag may pagkakataon na nakakasama nila si Tiffany ay nagiging sweet siya dito. Hindi niya alam kung bakit. May narining siyang tumawag sa kanya kaya iniikot niya ang paningin. Nakita niyang kumaway sa kanya si Wilson. Paglapit nito ay nagkamay sila. Ipinakilala niya ditto si Fatima. “Musta ang negosyo Cid?” tanong nito sa kanya. “Okay naman. Wala pa ring ipinagbago.” Sagot niya rito. “Mukhang bihira kitang makita nitong mga nakaraang linggo ahh.. Masyado bang busy sa mga pasyente o sa mga babae?” biro niya dito. Natawa naman ito sa sinabi niya. “Kasama ko kanina si Tiff, sabay kaming kumain.” Seryosong wika nito sa kanya na ikinagulat niya. “Magkasama kayo kanina? Iniwanan mo siguro kaya sa opisina pumunta.” Natatawang pagbabalita niya dito. Ito naman ang nagulat sa sinabi niya.


“Pinuntahan ka niya?” tanong nito. “Oo” tipid na sagot niya. “Baka nasa office pa rin yun hanggang ngayon, tawagan mo na kaya Cedric para sumabay na sa’ting kumain”, singit naman ni Fatima. “What? Iniwanan mo sa opisina mo? Pareng Cid naman, kahit makulit yun hindi mo sana iniiwan ng ganun-ganoon lang.” halata sa boses nito ang disappointment sa nalaman. Hindi na lang siya umimik. Pero naging palaisipan sa kanya ang naging reaksyon nito para kay Tiffany. May gusto ba ito sa dalaga? Kilala niya si Wilson simula pagkabata at tulad niya matinik rin ito sa babae. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at tumawag siya sa sekretarya niya. Nalaman niyang umalis na rin ang dalaga mga ilang minuto pagkatapos nilang umalis. Sinabi niya kay Wilson ang nalaman. Nakita niyang kinuha rin nito ang cellphone at may kinontak. “Hello? Asan ka? Bat di mo sinabing ayaw mo pa palang umuwi sunod nagpaalam kana sa’kin? Nakita niyang huminto ito sa pagsasalita upang pakinggang ang sinasabi ni Tiffany. “Gusto mo bang puntahan kita?--- “No, hindi naman ako busy. Nasa labas ako ngayon.”--- “Sigurado ka?”--- “Sige, ingat. Wag ka ng magpagabi, umuwi kana agad. Okay.” Aniya at ibinalik na sa bulsa ang cellphone. “Masyado ka naman atang nag-aalala kay Tiffany. Nanliligaw ka ba sa kanya?” tanong niya rito. “How I wish, kaso ang sabi niya, kawawa naman daw ang mga babae ko kung papatulan niya ko.” Bahagya pa itong natawa sa sinabi. Hindi niya alam pero may


nahimigan siyang panghihinayang sa boses nito. Maya-maya ay nagpaalam na ito na babalik na sa ospital dahil may mga pasyente pa itong babalikan. “Akala ko ba hindi ka busy?” nakangising wika niya dito. Nagkamot naman ito ng ulo at tumalikod na. Tumayo na rin sila ni Fatima. Inihatid muna niya ito sa boutique nito bago tumuloy sa opisina.


Chapter Four Mas gusto munang maglibang ni Tiffany kay minabuti niyang pumunta ng luneta. Hindi siya ang uri ng tao na nakakaappreciate ng lugar tulad nito. Basta gusto niya lang maglibang. Tulad ngayon, inilibot niya ang mga paningin sa paligid at nakita niya ang mga pares ng teenager na nagkakasiyahan. May nakita siyang nagtitinda ng ice cream kaya bigla siyang lumapit at bumili. Nagulat pa siya ng may kumalabit sa kanyang batang paslit at hinihingi ang kinakain niya. Naawa siya dito at ibinili na rin niya. “Anong pangalan mo?” tanong niya rito. “Tanya po.” Nahihiyang sagot nito habang dinidilaan ang hawak na ice cream. “Na saan ang mga magulang mo?” tanong niya ulit. “Wala na po akong mga magulang eh. Kinuha na po sila ni Papa Jesus.” “Ganun ba?” nalungkot siya sa sinabi nito. “Wala ka na bang mga kamag-anak na mag-aalaga sa’yo?” tanong ulit niya rito. Nalaman niya na pitong taong gulang na ito. Naisip niya na dapat ay nag-aaral na ito ngayon. “Wala na po eh. Masungit po yung kapatid ng Tatay ko. Ayoko pong tumira dun.” Nakasimangot na wika nito. “Gusto mo bang sumama sa’kin?” nakangiting tanong niya dito. Napatingin ito sa mukha niya. Tila binabasa kong totoo ang sinasabi niya. “Marami akong ice cream sa bahay namin. Marami din akong mga laruan, damit at mga sapatos nung bata pa ako. Nakatago lang lahat sa closet ko.” Pagkukumbinse niya dito. “Talaga po?” nakita niyang umaliwalas ang mukha nito.


“Oo, ano sama ka na sa’kin?” nakangiting tanong niya rito. Ngumiti ang bata sa kanya. She doesn’t care kung may mga taong maghahanap dito. Hindi dapat hinahayaan ang mga katulad nito na gumala sa kung saan-saan. Kung hindi ito maalagaan ng mga taong kumukopkop dito ay siya ang gagawa nuon. Hindi niya ito pababayaan tulad ng pagpapabayang ginagawa sa kanya ng mga magulang niya. Well, hindi naman talaga siya pinabayaan ng mga magulang niya. Siya lang ang umiiwas sa mga ito.

“Alam mo ba kung ano ang ginagawa mong bata ka? Pano kung hanapin siya sa kanina? Baka makasuhan ka pa ng kidnapping niyan.” Sermon sa kanya ni Minerva. Pagdating na pagdating niya ay kinuwestyon na agad siya nito sa ginawa niya. “Minerva please lang pagod ako. Gusto ko ng magpahinga. Buo ng pasya ko. Dito titira si Tanya.” Yun lang at iniwan na niya ito sa kusina. Tuwang tuwa ang bata ng dalhin niya ito sa kwarto niya. Sinabihan niya itong maligo sa banyo upang makapagpalit ng damit. Sumunod naman ito agad sa kanya. Pagkatapos maligo ay pinapili niya ito ng damit na gusto nito. Halos maiyak ang bata ng maisuot ang damit. Yumakap pa ito sa kanya at nagpasalamat. Habang nagkukwentuhan sila ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya at pumasok si Minerva. May dala itong isang tray ng pagkain. Nakita niyang tahimik ito pero hindi na rin nagkomento sa ginawa niya. Alam niyang tanggap na nito ang desisyon niya. Mauunawaan rin siya nito pagdating ng araw. “Ate Tiff, totoo bang dito na ko titira?” tanong ni Tanya pagkaalis ni Minerva. “Bakit, gusto mo na bang tumira dito?” ganting tanong niya dito. Tumango ito. “Gusto ko po na dito na lang ako tumira kung papayag kayo.” Aniya.


“Kung ganun, natutuwa akong makasama ka dito sa amin.” Nakangiting sangayon niya dito. “At gusto ko mag-aral ka sa pasukan. Sayang at bibo ka pa naman, mas maganda kong mag-aaral ka.” Suhestyon niya dito. Marami pa silang napag-usapan bago ito nakatulog na nakayakap sa kanya. Marami na agad siyang gustong gawin para dito. Gusto niyang papag-aralin ito sa isang private school for girls tulad niya. Marami itong matututunan. Alam niyang matalino itong bata at hindi siya nagsisisi na maging bahagi ito ng buhay niya. Sa totoo lang pwede naman niya itong dalhin sa bahay ampunan para may kumupkop dito pero mas ninais niyang makasama na lamang ito sa bahay niya. Tutal naman wala ang mga magulang niya. Parehas nasa ibang bansa ang mga ito at inaayos ang kanilang negosyo. Mas ginusto ng mga itong palawakin ang negosyo nila sa ibang bansa at ipagbili ang share nito sa kompanya ni Cedric. Balak din sana ng mga itong ipagbili na rin ang malaking bahay nila pero tumanggi siya. Pumayag naman ang mga ito. Wala siyang balak umalis ng Pilipinas. Ang katwiran niya dito siya ipinanganak dapat dito rin siya mamamatay. Ang balita niya may malaki na rin silang bahay sa Texas at lalong lumago ang mga negosyo nila doon. Masyado talagang mataas ang mga pangarap ng mga ito. Kahit siya ay hindi na niya maabot ang mga iyon.

“Ang aga mo atang nagising ngayon Tiffany” puna sa kanya ni Minerva. Nginitian niya ito. “Good morning.” Nakakapagtaka nga at alas otso pa lang ay gising na siya. Nalaman niyang mahilig lumangoy si Tanya kaya ng makita nito kanina ang malaking swimming pool ay nagyaya ito. “Magsi-swimming kami ni Tanya ngayon Minerva. Pakiayos na lang ang almusal namin sa pool.” Masiglang sabi niya dito at tuloy-tuloy na


siyang nagtungo sa pool. Nandun na si Tanya at masayang nagtatampisaw malapit lang sa railings. Nilapitan niya ito. “Gusto mo na bang maligo?” tanong niya. “Opo ate Tiff.” Agad na sagot nito. Nauna siyang bumaba ng pool at inalalayan ito. Medyo mataas ang tubig sa pool kaya natatakot siya na baka hindi nito kayanin. Ngunit nagulat siya ng bigla itong lumayo sa kanya. Lumangoy ito palayo. Nagulat man ay hindi siya kinabahan sa nakita niya. Magaling itong lumangoy. Siguro kapag nahasa pa ito ng husto ay makakasama ito sa mga kompetisyon. Halos hindi na nila namalayan ang oras. Kung hindi pa siya tinawag ni Minerva ay wala pa siyang balak umahon. “May bisita ka.” Aniya habang inaabot sa kanya ang roba. Pinaahon na rin muna niya si Tanya para makakain. “Sino? Tanong niya. Hindi pa man ito nakakasagot ay nasa harap na niya si Cedric. Pormal na pormal ang mukha nito. Napangiti siya. “Himala ata at dinalaw mo ako dito Cedric. You missed me? Pero kahapon pa lang tayo nagkita if I remember it, right?” malambing niyang bungad dito. “Cut the crap Tiffany.” Gigil na wika nito. “Ano ang naisipan mo at nag-ampon ka?” galit na tanong nito. “So, alam mo na pala.” Aniya at tumingin kay Tanya. “Let’s not talk in here.” Aniya rito at nagpauna ng pumunta sa sala. Wala siyang pakialam kung nakaroba lang siya. “So, sinabi na pala sa’yo ni Minerva ang nangyari.” Ano ba ang karapatan nitong sitahin siya.


“Alam mo bang pwede kang kasuhan ng kidnapping sa ginagawa mo. Buti sana kung nakausap mo ang mga taong nag-aalaga sa kanya. Hindi ka na ba talaga nag-iisip” nakita niyang pigil-pigil nito ang sarili sa galit. “At kailan ka pa nakialam sa buhay ko? Nakataas kilay na saad niya dito. Tumalim naman ang tingin nito sa kanya. Ang maharas na hinawakan ang mga braso niya. “Wag mo akong inisin Tiffany. Sa ayaw at sa gusto mo ay ibabalik mo ang bata kung saan mo siya kinuha or else..” pagbabanta nito. “Or else what?” nakipagsukatan siya dito ng tingin. “Or else malalaman ng parents mo ang mga pinaggagagawa mo at wala kang magagawa kundi ang sumunod sa Texas.” Nakakaloko ang mga ngiti nito na para bang wala talaga siyang kawala dito. At para inisin ito ay kinawit niya ang dalawang braso sa batok nito habang nakikipagtitigan dito. And suddenly she tiptoe to reach for his kiss. Nagulat naman ito sa ginawa niya. Pero dahil nga alam na niya ang mga kahinaan ng mga lalaki she knows what

to do next. Diniinan niya ang halik dito. Putting all her emotion into it. Na para

bang gusto niyang iparamdam dito lahat ng pananakit nito sa damdamin niya. At nagtagumpay siya. He was kissing her back. Napangiti siya pero maya-maya rin ay itinigil ang paghalik at hinayaan itong magsawa sa mga labi niya. Ilang sandali ay itinulak siya nito. Matalim ang mga matang tiningnan siya. “ You’re seducing me, right? Kung iniisip mo na dahil dito ay magbabago ang isip ko, nagkakamali ka. Ibalik mo na ang bata kung ayaw mong ako mismo magbalik sa kanya.” pormal na wika nito.


“Bakit hanggang ngayon sinasaktan mo pa rin ako Cedric? If you want me out of your life, fine so be it. Pero wag mo naman ipagkait sa’kin ang mahalin ng ibang tao.” Pinilit niyang magpakatagtag. Hinding hindi siya papayag na umiyak sa harap nito. Pero parang hindi niya kaya. Tinalikuran niya ito at tumakbo paakyat. Pagdating niya sa kwarto ay dirediretso siya sa kama at pinalaya ang kanina pa gustong umalpas na mga luha. Masamang-masama ang loob niya. Nararamdaman niyang sumasakit ang ulo niya. Bumangon siya at tumawag sa intercom. “Paakyat ako ng tubig” pormal na wika niya at hindi na hinintay na sumagot ang nasa kabilang linya. Bumalik siya sa kama at humiga. Idinagan niya ang unan sa ulo niya. Kumikirot talaga ang ulo niya na parang mabibiyak kapag ilang secondo pa ay hindi pa siya makainom ng gamot. Narinig niyang bumukas ang pinto. Hindi na siya nag-abalang tumingin doon. “Pakikuha ang gamot ko Minerva, nasa drawer.” Utos niya dito. Maya-maya ay bumangon siya para lang magulat na si Cedric ang nasa kwarto niya. “What are you doing here?” gulat na tanong niya dito at inagaw ang gamot niya. “Kumain ka muna bago ka uminom ng gamot.” Aniya. Saka lang niya nakita ang tray ng pagkain sa mesa niya. “Fine, pwede ka ng umalis.” Mataray na pagtataboy niya dito. Ngumisi ito. “Dati-rati nagkakandarapa ka para lang mapansin kita. Ngayon namang nandito na ako sa harap mo, dito mismo sa kwarto mo, ipinagtatabuyan mo naman ako. What’s wrong with you?” paglalambing nito sa kanya at umupo pa sa gilid ng kama niya.


“I said get out of here. Hindi kita kailangan ngayon dito. Baka bukas pwede pa. Masama ang pakiramdam ko.” Nakasimangot na sabi niya dito. “Then you have to eat.” Aniya at tumayo para iayos ang pagkain niya. Come, para makainom ka na rin ng gamot.” Aya nito sa kanya. Sumunod naman siya dito. Hindi niya kailangan mag-inarte dahil masama na talaga ang pakiramdam niya. Kailangan niya ng gamot. Asikasong-asikaso siya nito. Pagkatapos niyang kumain ay dali-dali niyang ininom ang gamot. Nakamasid lang sa kanya si Cedric. Humiga na siya sa kama. Mayamaya lang ay nakakaramdam na siya ng antok. Nakita niyang nakatitig pa rin sa kanya si Cedric. “Wala ka pa bang balak umalis?” nakakunot-noong tanong niya dito. “Later sweetheart.” Nakangiting sagot nito at tumabi pa sa kanya sa kama. Pinipilit pa rin niyang ibukas ang mga mata. Gusto niya ang pakiramdam na sasamahan siya nito hanggang sa makatulog siya. “Can you kiss me?” she asked. Not knowing what she was asking for. “Why?” tanong nito. Parang hirap na hirap ito sa sitwasyon nila. Pero hindi naman siya makag-isip ng maayos dahil sa antok. Ngunit bago siya tuluyang makatulog ay naramdaman pa niya ang labi nito sa kanya.


Chapter Five Hindi alam ni Cedric kung pinaglalaruan lang siya ni Tiffany. When she asked for a kiss he immediately obliged. Napakalambot ng labi nito at alam niyang hinding-hindi siya magsasawang halikan ito. But she’s different from his ideal woman. Walang-wala ito sa mga babaeng nagustuhan niya. He prefer hardworking woman. Samantalang ito, wala yatang inatupag kundi ang magshopping buong araw at magdamag sa bar. Gusto niya ng simpleng babae lang, yung igi-give up ung career just for having a family. Gusto niya na kapag pinakasalan niya ay sa bahay na lang din at aalagaan ang mga magiging anak nila at hihintayin siya galing sa trabaho. At wala sa babae ang mga katangiang ito. Napatingin siya sa mukha nito. She’s beautiful alright, pero wala sa katangian nito ang magseryoso sa buhay. Pero ano ang naisipan nito at nag-ampon ito? Naguguluhang bumangon siya sa kama nito. Kailangan na niyang umalis baka kung ano pa ang maisipan niya at pagsisihan banding huli. Pagbaba niya ng hagdan ay nakita niyang masayang nakikipag-usap si Minerva sa bata. Napag-alaman niyang Tanya ang pangalan nito. Alam niyang hindi tama ang ginawa ni Tiffany pero kahit papa’no ay may punto naman ito. Pinaembestigahan niya ang tungkol sa bata. Nalaman niyang pagala-gala lang ito sa luneta. Halos hindi na umuuwi dahil sa pagmamalupit ng tiyahin nito. Pero sa sitwasyon ni Tiffany na pabagobago ng ugali possibleng magsawa ito sa bata at pabayaan na lang. Nagpaalam na siya kay Minerva. Ipinagbilin niya dito na wag ng hahayaang lumabas ng bahay ang alaga nito at nginitian ang bata bago umalis. Pagdating niya sa bahay ay tinawagan niya si Michael. Nalaman niyang hindi naman pala umabot ito ng first base sa panliligaw kay Tiffany.


Sinabi dawn g dalaga na may iba na daw itong mahal kaya makabubuting maging magkaibigan na lang ang mga ito. Sino ang mahal nito? Siya kaya ang tinutukoy nito?

“O Cedric, ginulat mo ko pare, anong atin?” tanong sa kanya ni Wilson isang umaga. Tinitigan siya ito. “It’s about Tiffany.” Tipid na sagot niya dito. “What about Tiff?” kaagad na tanong nito. “May nangyari ba sa kanya? Asan siya?” sunud-sunod na tanong nito sa kanya. Napabuntong-hininga siya. “May gusto ka pa rin ba sa kanya? “What?”gulat na reaksyon nito. “Yun lang ba ang ipinunta mo dito? Aniya ngunit nahalata niya ang relief sa boses nito. “C’mmon Wilson. Tell me, hanggang ngayon ba ay nanliligaw ka pa rin sa kanya?” naiinis na siya sa nagiging reaksyon nito. “Why all of a sudden nagkaroon ka ng guts na magtanong ng ganyan. At siTiffany pa. Ang pagkakaalam ko wala kang pakialam sa kanya. Ilang beses mo na rin siyang nireject. Mukhang naiba na ata ang ihip ng hangin ngayon.” Patuyang hayag nito. “Wala akong ibang kahulugan sa ginagawa ko. Im just asking, ang sa’kin lang wag mo siyang isama sa mga naging babae mo. Kababata natin siya. Kinakapatid ko. Kaya responsibilidad ko kung anuman ang nangyayari sa kanya.” paliwanag niya dito. “Talaga? Pero sa nangyayari sa kanya ngayon, you don’t know anything about her.. You know pare, kung nadevelop ka na sa kanya better show it to her, you’ll never know what will happened tomorrow.” Patalinghagang pahayag nito. He knew his hiding something from him.


“I had to go. May mga pasyente pa ko” paalam nito sa kanya. Tumayo na rin siya at nagpaalam dito. Hindi na niya nakita ang pag-iling ni Wilson. Hanggang lumulan ng sasakyan ay naguguluhan pa rin si Cedric. Ilang beses na niyang natiyempuhan si Tiffany na kasama si Wilson. Noong isang beses na may meeting siya sa Five Star Hotel ay nakita niya ang dalawa. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito. At kahapon nakita niya si Tiffany na pumasok sa ospital. Sigurado siyang dadalawin nito si Wilson. Ano ba talaga ang balak ni Tiffany. Ang alam niya sa kanya ito may gusto pero bakit palaging si Wilson ang pinupuntahan nito? Hindi na rin ito nagpupunta sa opisina niya. Nasisiraan na siya ng ulo sa kakaisip dito. Napagpasyahan niyang puntahan na lang si Tiffany sa bahay nito baka sakaling hindi ito umalis. Ngunit laking panlulumo niya ng malaman niya kay Minerva na wala ito. Nagtungo daw ito sa bahay ng tiyahin ni Tanya kasama si Andrea upang tuluyang ampunin ang bata sa mga ito. Napagpasyahan niyang hintayin na lang ang mga ito. Ngunit hanggang maggabi na ay wala pa din ang mga ito. Sinubukan niyang kontakin ito ngunit nakapatay naman ang cellphone nito. Nauubusan na siya ng pasensiya at balak na sanang hanapin ang mga ito ng may humintong kotse sa harap ng bahay. At laking dismaya niya sa nakita. Halos lumupaypay na ito sa lupa habang pinagtutulungan nila Andrea at ng isang di kilalang lalaki na maipasok ito. Dali-dali siyang lumapit sa mga ito. “What happened?” tanong niya at walang kaabog-abog na binuhat ang dalaga. Mabilis namang sumunod sa kanya si Andrea para buksan ang pintuan. Naiwan namang nakatanga lang sa gate ang kasama nitong lalaki. “Pasensiya ka na Cedric, pinigilan ko siyang uminom pero ayaw talagang paawat eh.” Paliwanag ni Andrea. “Hindi pumayag ang tiyahin ni Tanya na ipaampon ang bata.


Kaya wala kaming nagawa kundi iwanan ito. Umiiyak nga ang bata eh. Awang-awa si Tiffany.” Paliwanag nito. Hindi na siya umimik hanggang sa nagpaalam na rin ito. “Ano ba talagang balak mong gawin sa buhay mo? Look at you?” galit na sita niya dito. Alam niyang gising pa naman ito base sa ikinikilos nito. “A-anong ginagawa mo di-to?” aniya at tuluyan na itong napahagulhol. “Sshh.. tahan na. I’m here.” Alo niya dito. Pinainom niya ito ng mainit na kape para mahimasmasan ito. “Siguro pinagtatawanan mo ko ngayon no. Kung nakinig ako sa’yo agad na ibalik na lang si Tanya, hindi sana ako nasasaktan ngayon. Lagi na lang akong naiiwan. Ang malas ko talaga. Ang sabi mo lahat ng bagay na gusto ko nakukuha ko, pero ang hindi mo alam lahat ng gusto ko hindi ko man lang makuha.”umiiyak na pahayag nito. “You don’t have to say that. Maraming nagmamahal sa’yo. Hindi mo lang napapansin.” Paliwanag nito. “Hindi mo na ba ko iiwan Cedric? Please stay with me just for a couple of months. And after that hindi na kita guguluhin kahit kailan. Ikaw lang ang kailangan ko para maging matatag ako. Please say yes Cedric.” Pagsusumamo nito.

Alam ni Tiff na napakaimposible ng hinihingi niya kay Cedric, pero ito lang ang alam niyang tanging paraan para makasama niya ito kahit sa maikling panahon. Kahit alam niyang may nobya na ito makikiamot pa rin siya ng konting pagmamahal nito. Nakita niyang natigilan ito.


“You know its impossible.” Another rejection coming from him. Nasasaktan siya sa maraming beses na panrereject nito sa kanya. At hindi na niya makayanan. Humagulhol na siya. “Hey, let me finish first. Are you sure you just need me for a couple of months?” nakangiting tanong nito. Napatingin siya dito. “A couple of months will do. And after that maglalaho akong parang bula sa buhay mo.” Wika niya. “Promise you won’t regret it” assurance pa niya dito. “Okay, but promise me you’ll behave huh?” biro nito sa kanya. “Yes, I promise” sabay pa silang natawa sa sinabi niya. “Thank you for letting me in, in your life Cedric” madamdaming saad niya dito sabay yakap ng mahigpit. Marami pa silang pinag-usapan bago sila sabay na nakatulog na magkayakap.

Maagang nagising si Tiff balak niyang siya ang magluto ng almusal nila ni Cedric. Ngayong binigyan siya nito ng pagkakataon para ipakita ang pagmamahal niya hindi siya mag-aaksaya ng oras. “O Tiff, ang aga mo atang gumising. Ano yang ginagawa mo? Ba’t ikaw ang nagluluto? Ako na nyan.” Bungad sa kanya ni Minerva. “Good morning Minerva.” Masiglang bati niya dito. “Ako ang magluluto ng almusal ngayon. Kung may iba kang gagawin yun na muna ang unahin mo.” Wika niya dito habang hinahalo ang niluluto. “Mukhang ipinagluluto mo si Cedric ah. Ay, ang alaga ko. Mukhang dininig ng Diyos ang hiling mo.” Tuwang tuwa nitong pahayag sa kanya.


“Yes Minerva, at lahat gagawin ko para sa kanya. Mahal na mahal ko siya.” Tahasang pag-aamin niya dito. Ngumiti ito sa kanya at iniwan na muna siya. Masiglang ipinagpatuloy niya ang ginagawa. “Hmm. Smell’s good.” Bungad ni Cedric sa kanya. Mukhang bago itong paligo. Lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa labi. “Malapit ng maluto ang soup. Umupo ka muna. You want coffee?” nakangiting tanong niya dito. “Don’t bother, ako na lang ang magtitimpla.” Aniya. “Hindi ko alam na marunong ka pa lang magluto.” Amused na wika nito habang gumagawa ng kape. “Brace yourself, marami ka pang malalaman tungkol sa’kin.” Pagyayabang niya. Gusto niyang ipaalam dito na kahit pinalaki siyang laging si Minerva ang gumagawa ng mga bagay para sa kanya ay marami din siyang natutunan. Marunong siyang magluto, hindi lang yun kundi masarap siyang magluto. Marunong din siyang maglinis, katunayan siya na ang naglilinis ng kwarto niya kapag sinisipag siya. “Talaga? Ano kaya ang mga yun?” nakakaloko ang mga ngiti nito. Mukhang iba ang ipinakahulugan nito sa sinabi niya. Inirapan naman niya ito. Nang matapos ang niluluto niya ay tinulungan na siya nitong maghain. Naging extra sweet siya dito. Naroon na subuan niya ito ng soup at sinusubuan rin siya nito. Maya-maya ay nagpaalam na ito sa kanya. Kailangan daw nitong pumasok sa opisina dahil marami itong naiwan na trabaho. Inihatid niya ito sa kotse nito. “”Hindi ka ba pupunta sa office ko mamaya?” tanong nito sa kanya bago binuksan ang pinto ng kotse.


“Hindi na siguro. Baka magkita lang kami ni Fatima dun.” Nakangiwing sagot niya dito. “Silly girl.” Aniya at pinisil pa ang ilong niya. “See you later.” paalam nito at hinalikan siya sa labi. Kumaway pa siya dito at hinintay na makalabas muna ito ng subdivision bago siya pumasok sa loob.


Chapter Six “Akala ko kailangan na kitang puntahan sa bahay mo dahil wala ka ng balak magpakita sa’kin” nakasimangot na wika ni Wilson. “Hey, relax ka lang. Don’t take everything seriously.” Natatawang wika niya dito. Isa na iyon sa dahilan kung bakit tinatamad na siyang magpakita dito. Pinapaalala nito sa kanya kung ano ang meron sa kanya. “C’mmon Tiff, alam kong nagpapakatatag ka lang but I know deep in your heart sumusuko ka na. Ayokong baling araw ay pagsisihan kong hindi ko nagawang tulungan ka.” Pahayag nito sa kanya. Ngumiti siya dito. “Okay na kami ni Cedric. He gave ourself a chance at hindi ko sasayangin ang pagkakataon.” Paliwanag niya dito. “For Christ’s sake Tiffany, mas uunahin mo pa ba ang bagay na yan. Don’t make this difficult for me. You’re my friend at ikaw ang iniisip ko.” Galit na sabi nito. Kulang na lang ay suntukin nito ang mesang nasa harapan nila. “Ano pa bang gusto mong gawin ko?” napataas na rin ang boses niya. Ganito palagi ang nangyayari pagmagkasama sila. Laging nauuwi sa away. “I’m dying and there’s nothing we can stop it from happening. Tanggap ko na yun. Please Wilson gusto kong gawin ang lahat ng bagay bago man lang ako mawala.” Madamdaming pahayag niya dito. “You’re not dying. Hindi ako papayag. So please try to cooperate Tiff, we have to do any possible solution para gumaling ka. Please you have to be patient.” Pangungumbinse nito.


“We’re doing it for almost five months now. Wala pa ring pagbabago. Hayaan na lang natin Wil, ginawa mo na lahat para madugtungan pa ang buhay ko pero hanggang doon na lang talaga ako. Walang lunas ang sakit ko. You have to face it. We have to face it.” Umiiyak na wika niya dito. Napakasakit tanggapin na mamatay siya ng walang kalaban-laban pero kailangan niyang tanggapin ang kapalaran niya. “I’m doing this not because you’re my friend. I’m doing this because this is my responsibility. Kahit ibang tao ang nakakaranas ng nararanasan mo ngayon, lahat gagawin ko para mailigtas sila.” Paliwanag nito. “Listen to me carefully Tiff, kung gusto mong makasama si Cedric ng matagal itutuloy natin ang treatment. Tatanggapin kong siya ang mahal mo but you have to live for the sake of everyone. Yun lang ang hinihiling ko sa’yo.” Dagdag pa nito. Napabuntong-hininga siya. Tama ito pero natatakot siya na baka mauwi na naman sa wala ang pagpupursige nila. “Natatakot ako Wil, masakit umasa.” Malungkot na wika nito. “I know pero kailangan nating gawin ‘to.” Aniya. “Okay Wil, I’ll do it.” “Thank God” aniya at niyakap siya nito ng mahigpit. Sinabi nito sa kanya na the day after tomorrow isasagawa ang treatment at marami pa itong ibinilin sa kanya. Pagkataos nilang mag-usap ay pumunta siya sa opisina ni Cedric. Nakita siya nitong pumasok sa opisina nito. At tulad ng dati subsob na naman ito sa trabaho. Tumayo at nilapitan siya nito. “Hi” bati niya rito.


“Bakit hindi ka man lang tumawag na pupunta ka?” aniya at hinapit siya para halikan. Hindi agad siya nito binitawan. “Gusto kitang sorpresahin eh. Marami ka bang ginagawa?” aniya at tiningnan niya ang mesa niya. Napangiwi siya. “Bakit?” tanong nito at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. “Gusto ko sanang mamasyal.” Sagot niya. Ikiniling nito ang ulo at napangiti. “Wait.” Aniya at inabot ang intercom. Kinausap nito ang sekretarya nito. Maya-maya ay humarap ito sa kanya. “Let’s go?” Napangiti siya. “Thanks.” Kumain muna sila sa isang restaurant bago namasyal sa mall. Magkahawakkamay sila habang nag-iikot. Kung dati ay bihira niya itong makitang ngumiti ngayon na man ay panay ngiti nito at marami din palang alam na pakwela. Halos lahat ng taong nadadaanan nila ay napapatingin sa kanila. Napagkasunduan nilang manood ng sine. Halos hindi na niya maintindihan ang pinapanood nila dahil sa pagpapapansin nito. Naroong sikuhin siya nito pero hindi naman masakit dahil masyado daw siyang nadadala sa palabas at nakalimutan na niya ito. Natawa siya sa inaakto nito. Kaya imbes na mapaiyak dahil sa palabas ay tawa sila ng tawa. Pagkatapos manood ay naisipan nilang pumunta ng Baywalk. At tulad ng dati magkahawak na naman sila ng kamay habang kumakain ng ice cream. Hindi pwedeng mawalan ng ice cream because its her favorite. Masayang-masaya siya ng araw na iyon. Parang ayaw pa niyang matapos ang pamamasyal nila. Gabi na ng hinatid siya nito sa bahay.


Sinimulan na nila ang treatment. Halos mahilo siya sa mga gamot na itinurok sa kanya pero nagtiis siya. Iniisip niya si Cedric. Ngayong nagiging maganda na ang relasyon nila hindi siya papayag na iwanan ito. Kailangan niyang mabuhay at makasama ito ng matagal. Binigyan siya ulit ni Wilson ng mga bagong reseta ng gamot. Kailangan niya iyon para mabawasan ang sakit na nararamdaman niya sa tuwing sinusumpong siya ng sakit ng ulo. She has a brain cancer. Nalaman niya ito minsang sumuka siya ng dugo sa kwarto niya at nakakaranas na siya ng pagkahilo. Pinuntahan niya si Wlson sa ospital at nagpacheck-up. After a couple of days she was shock with the result. Nalaman niyang nasa dugo nila ang sakit na iyon. Simula sa mga ninuno nila. Namatay ang lola niya, ina ng kanyang papa at the age of forty three. Ganun din ang great grand mother niya. At hindi siya nakaligtas sa sakit na iyon. Ang kakaiba nga lang masyado pa siyang bata ng makuha niya ang sakit. She is just twenty four. At ilang buwan na lang ang ibinigay na taning sa kanya. Kailangang magkaroon ng improvement ang session niya ngayon dahil iyon na ang huling baraha niya. Hindi pumayag si Wilson na hindi siya ihatid nito sa bahay kaya pinaunlakan naman niya ito. Pagdating nila ay nagpaalam na rin agad ito na babalik ng ospital. Tumuloy na siya sa kwarto niya. Nahiga siya sa kama. Maya-maya ay bumukas ang pinto ng kanyang silid. “Okay ka lang ba Tiffany?” tanong agad sa kanya ni Minerva. “Kanina pa kita tinatawag pero parang napakalalim ng iniisip mo dahil hindi mo man lang ako narinig.” Dagdag pa nito. “Ganun ba?” tipid na sagot niya.


“Katatawag lang ni Andrea, hindi ka daw niya makontak. Si Cedric naman nakailang beses na ring tumawag at tinatanong kung tumawag ka na. Magreturn call ka daw sa kanya. San ka ba nagpunta?” napapailing na sabi nito. “May kinausap lang akong importanteng tao.” Sagot niya. “Gusto mo na bang kumain?” tanong nito. “Busog ako. Kumain na ko sa labas. Gusto ko na munang magpahinga Minerva.” Pagtataboy niya dito. Mukha namang napahiya ito sa sinabi niya akmang bubuksan na nito ang pinto ng magsalita siya. “Minerva..ahm.. pasensiya ka na. Masama lang kasi ang pakiramdam ko.”saad niya at pinilit niyang ngumiti. “Okay lang yun. Uminom ka kaya ng gamot. Palagi na lang masama ang pakiramdam mo, baka kung ano na yan.” Nasa tono nito ang pag-aalala. “Okay lang ako. Kailangan ko lang sigurong magpahinga.” Paliwanag niya dito. “Sige, ikaw ang bahala” aniya at tinalikuran na siya. Gusto niyang sabihin dito ang tungkol sa sakit niya ngunit nagdadalawang isip siya. Kilala niya ito. Hindi pwedeng hindi nito sabihin sa mga magulang niya ang tungkol sa kanya. And much worst kay Cedric. Hindi siya papayag na kaawaan ninuman. Untiunti na niyang nararamdaman ang side effect ng mga gamot na itinurok sa kanya. Pinagpapawisan na siya ng malagkit. Ang hapdi na nararamdaman niya sa mga balat ay mas nadadagdagan. Pinilit niyang abutin ang gamot na nasa drawer at sinubukang lunukin. Hindi na siya nag-abalang manghingi ng tubig kay Minerva dahil makikita nito ang kalagayan niya. Mahigit isang oras niyang ininda ang sakit bago nakatulog.


Kanina pa mainit ang ulo ni Cedric. Hindi niya makontak ang cellphone ni Tiffany. Ilang ulit na siyang tumatawag sa bahay nito ngunit wala pa daw ang dalaga. Hindi niya alam na may balak pala itong umalis ng araw na yun at hindi man lang sinabi sa kanya. Pero mas naiinis siya sa sarili. Hindi niya maintindihan na maaapektuhan siya ng ganito dahil lang sa ginawa nito. Masaya siya kapag kasama ito. Halos compatible sila sa lahat ng bagay. Hindi niya maiwasang isipin ito nitong mga nakaraang araw. Ayaw tanggapin ng utak niya ang posibilidad na nahuhulog na ang loob niya sa dalaga. Marami siyang nababalitaan tungkol sa mga nagiging karelasyon nito. Puro negative lahat kesyo madali daw itong magsawa, at marami na daw itong napaiyak na lalaki. Pero kahit ganun may nagsasabi naman na hindi ito mahirap mahalin. Para hindi na mag-isip ng kung anuano minabuti na niyang umalis ng maaga sa opisina. Pupuntahan niya dalaga. Pero bago tuluyang umalis ay tumawag muna siya sa bahay nito para alamin kung dumating na ito. Nalaman niyang kanina pa pala ito nakauwi ngunit hindi man lang siya tinawagan. Ibinilin niya kay Minerva kanina na sabihin sa dalagang magreturn call ito ngunit hindi naman ginawa. Sinabi sa kanya ni Minerva na mukhang masama ang pakiramdam ng alaga niya kaya siguro hindi siya natawagan. Pinutol na niya ang tawag at nagmamadaling umalis ng opisina. “Bakit naman nagla-lock pa ng pinto si Tiff yaya Minerva?” nakakunot-noong tanong niya. “Ewan ko nga ba sa batang yan. Nitong mga nakaraang linggo ay lagi ko na lang napapansin na mas gusto na lang magkulong sa kwarto. Iniisip ko naman baka masyado niyang dinamdam ang pagkawala ni Tanya.” Paliwanag nito at iniabot sa kanya ang susi ng kwarto niTiff.


Nabagbag siya sa nakita. Halos mamaluktok ito sa kama. Nang lapitan niya ito ay nagtaka siya dahil tagaktak ito ng pawis. Pero napakalamig naman sa kwarto nito. Hinaplos niya ang pisngi nito. Nakita niyang namumula ang ilong nito. Umiyak si Tiffany? Bakit? Naawa siya sa kalagayan nito. Kumuha siya ng bimpo sa closet at pinunasan niya ang mukha nito. Maya-maya ay nakita niya ang balat ng gamot nito. Kinuha niya ito at tinitigan. Kakaiba ito sa mga gamot para sa sakit ng ulo. Nakita niyang gumalaw ang dalaga at iminulat ang mga mata. Nagulat ito ngunit saglit lang at ngumiti sa kanya. “Hi sleepyhead.” Nakangiting bati niya dito at hinalikan ito. “Anong oras na?” tanong nito. “Five thirty” aniya dito at inalalayan itong sumandig sa headrest. “Napahaba ata ang tulog ko. Pasensiya kana kung di kita natawagan. Medyo sumama kasi ang pakiramdam ko.” Paliwanag nito. “It’s okay.” Tipid na sagot niya dito. “Gusto mo na bang kumain?” tanong niya. Umiling ito at niyakap siya. “Later na lang. Hindi pa ako nagugutom. Please stay with me for a while.” And he did. Humiga na rin siya sa kama at hinayaan itong nakasandig sa dibdib niya. Hindi siguro siya magsasawang gawin iyon kung ito ang kasama niya. Marami silang pinagkwentuhan pero hindi nito binanggit kung saan ito nagpunta kanina. Hindi na rin niya nagawang itanong, baka si Andrea lang ang kasama nito at nagkayayaang lumabas. “Hmp. Mukhang ang lalim ng iniisip mo. Kanina pa ko nagsasalita hindi ka naman pala nakikinig” reklamo nito sa kanya. Natawa naman siya sa inakto nito.


“Bakit ano bang itinatanong mo?”natatawang tanong niya ditto at hinigpitan pa ang pagkakayakap dito. “Tinatanong ko po kung bakit ang aga mong dumating dito. Di ba seven pa ang labas mo sa opisina?” hindi agad siya nakasagot. Pa’no ba niya sasabihin dito na hindi siya makapagconcentrate sa trabaho dahil iniisip niya ito. Tiyak siyang tukso ang aabutin niya dito. “Wala naman akong masyadong ginagawa kanina sa opisina kaya naisipan ko na lang pumunta dito.” Palusot niya. Nakita niyang ngumiti ito. “Gusto mo lang ata akong makita eh. Na-miss mo agad ako no?” tudyo nito. “Ikaw talaga kung anu-ano ng iniisip mo.” Aniya at dinaganan ito. Tinitigan niya ang mukha nito. Mapula ang mga labi nito at hindi niya napigilan ang sariling halikan ito. Alam niyang hindi niya pagsasawaan ang mga labing iyon. Those were the sweetest lips he had ever tasted. Nakakabaliw ang pabango nito. Hindi rin ito nagpapahuli sa pagpaparamdam sa kanya ng pagmamahal nito. Ipinatong pa nito ang mga braso sa batok niya. Maya-maya ay ito naman ang umibabaw sa kanya. Pinaliguan siya nito ng halik sa lahat ng parte ng mukha niya. At hindi pa ito nakuntento inilipat nito ang mga labi sa kanyang punong-tainga. Napaigtad siya. Naroon ang kiliti niya. Mukhang napansin nito ang naging reaksyon niya kaya hindi na nito tinantanan ang tainga niya. Para silang sirang nagpagulong-gulong sa kama. For Tiffany this is a dream come true. Ito ang mga pinangarap niya noon kasama si Cedric. Gusto niyang ipakita dito ang labis na pagmamahal niya. At natutuwa siyang naganap na nga ang pinakaaasam niya. At unti-unti niyang nararamdaman na malapit na niyang mabihag ang puso nito. Pero bigla siyang natigilan. Hindi niya naisip ang mga


konsikwensiya ng mga ginawa niya. Paano kapag iniwan na niya ito? Paano kapag wala ng lunas ang sakit niya? Makakaya kaya nito? Mas naguguluhan siya ngayon sa nangyayari. “May sakit ka ba?” tanong nito na nagpabalik sa kanya sa reyalidad. “Huh?”gulat na nasambit niya. “Bakit?” “Namumutla ka? Nagpatingin ka na ba sa doctor? Mukhang hindi simpleng sakit lang ng ulo ang nararamdaman mo. Gusto mo bang samahan kita?” sunud-sunod na tanong nito. “A-ano naman ang magiging sakit ko?” tanong niya dito at iniiwas ang paningin. “Tara na nga, bigla akong nagutom.” Yaya niya dito at hinila niya itong patayo sa kama para makaiwas sa iba pa nitong tanong. Sumunod naman ito sa kanya. Pero bago sila lumabas ng kwarto ay binigyan pa siya nito ng makapugtong-hiningang halik.

Chapter Seven “Buti naman at inabutan kita ngayon.” Nakasimangot na sabi sa kanya ni Andrea. At tumabi ito sa kama niya. Hindi niya masisisi ang kaibigan kung magtampo man ito. Hindi na siya sumasama sa mga lakaran nila. Hindi na niya kaya ang gumala kung saan-saan. Mabilis na siyang mahilo at palagi na’y sinusumpong siya ng sakit niya. Ayaw niyang mag-alala pa ito sa kanya. “Pasensiya na medyo busy lang nitong mga nakaraan.” palusot niya dito. Hindi niya gustong magsinungaling dito pero kailangan. Mas hindi nito kakayanin kapag


nalaman nito ang sakit niya. Maghehisterikal ito. Mas gugustuhin niyang mamatay ng hindi nila alam ang totoong sakit niya para hindi na niya makita ang mga taong iiyak sa kanya. Hindi niya nanaising kaawaan siya ninuman. “Hmp. Naging kayo lang ni Cedric kinalimutan mo na ko.” Nakaingos na wika nito. Natawa naman siya sa sinabi nito. Maya-maya ay niyakap niya ito. Mahigpit na mahigpit. Isa ito sa mga taong mahalaga sa kanya. And leaving her breaks her heart. Pinigil niyang umiyak. Tiyak tatanungin siya nito kung bakit. Napakunot ang noo nito. “May sakit ka ba?” tanong nito habang titig na titig sa kanya. “Ha? Bakit mo naman natanong?” balik tanong niya dito. “Namumutla ka kasi eh. Saka napakatamlay mo. Nagda-diet ka ba?” nagtatakang tanong nito. “Hindi. Siguro dahil bihira na kong lumabas ng bahay ngayon. Alam mo naming nagbe-behave na ako ngayon dahil kay Cedric. Ayokong may masabi siya. Alam mo namang mahal na mahal ko yun. “Iniisip mo bang kaya mong magtago ng sekreto ng mahabang panahon? I know you Tiff, your hiding something. Ano ba talaga ang sakit mo? Kahit noon kapuna-puna na ang mga ikinikilos mo. Hindi lang kita matanong dahil sabi mo sumasakit lang ang ulo mo.” Inis na wika nito. Nakita niyang pilit lang nitong tinatatagan ang sarili. Natahimik siya. Bigla niyang nasapo ang ulo niya. Kumikirot na naman ito. “Ahhh..” impit niya. “Tiff what’s wrong?” aniya habang tinutulungan siyang maiupo sa kama. “Noooo!” halos mamilipit siya sa sakit.


“What do you want me to do Tiff? Sandali tatawagin ko si Minerva” aniya akmang tatayo sa kama. “No… please huwag mong tata-wagin si Minerva. She doesn’t know.” Pakiusap niya at tuluyan na siyang napahagulhol. Umiyak na rin ito at niyakap siya. “Andrea, pwede mo bang ku-kunin ang gamot ko sa drawer.” Mabilis na tinungo nito ang drawer at hinagilap ang gamot na sinabi niya. Mabilis na inabot ito sa kanya. Maya-maya ay nakalma na niya ang sarili. Pero nanatili silang tahimik. Nagtitigan. Nakikita sa mukha ni Andrea ang hindi makapaniwalang rebelasyon sa buhay niya. Tahimik na niyakap siya nito. “Magpahinga ka na Tiff, nandito lang ako. Babantayan kita.” wika nito.

Nakita ni Andrea na payapa ng nakatulog si Tiff. She was shocked. Hindi siya makapaniwala sa nakita. Kailan pa nito nararanasan ang ganoong sakit? Kilala niya ito pero sa nangyari ngayon, marami pa pala siyang hindi nalalaman sa kaibigan. Hindi siya tanga para hindi mahulaan ang sakit nito base sa ininom nitong gamot. Kaya pala lagi nitong pinupuntahan si Wilson. Nagawa pa niyang pagselosan ang kaibigan niya. Alam nito kung gaano ang pagkagusto niya kay Wilson kaya kahit napakabait at napakaganda ng pakikitungo nito sa kanila ay hindi ito magawang sagutin ng kaibigan. She’s so unfair. Her bestfriend is dying at wala siyang kaalam-alam. Napakabait nito. Nagkaroon ng direksyon ang buhay niya dahil dito. Hindi totoong puro kalokohan lang ang alam nilang dalawa. Marami silang raket na tanging silang dalawa lang ang nakakaalam. Parehas silang may secret share sa tatlong naglalakihang kompanya dito sa Pilipinas. Hindi nga lang sila active sa mga ito. Pero halos milyon na rin ang perang nakapangalan sa kanila


dahil doon. At noong huling taon ay naging miyembro sila ng mga charittable institute na naglalayon na matulungan ang mga batang may sakit at inabanduna ng mga magulang. At utang niya lahat yun kay Tiff. Totoong napakamasayahin nitong tao. Walang inuurungan at lahat ng mga lalaki ay nabibihag nito ayun sa mga taong walang magawa kundi ang siraan ito. Ang hindi alam ng lahat, mapakalambing nito, at napakaswerte ng taong mamahalin nito. Kinaiinggitan niya ito dahil doon. At ngayon nanliliit siya sa sarili. Sana mapatawag siya ng kaibigan niya. Bigla siyang pumunta sa banyo para maghilamos. Hindi gugustuhin ni Tiff na makita siyang umiiyak dahil dito. Alam niya kung bakit mas ginusto nitong ilihim sa kanya ang lahat. Mahina siya pagdating sa mga ganitong bagay. Lahat idinadaan niya sa pag-iyak. Kailangan niyang magpakatatag alang-alang dito. Kailangan siya nito at hinding-hindi niya ito iiwan.

“Nandito ka pa rin?” nagtatakang tanong ni Tiff sa kaibigan. Hindi pa rin siya iniwan nito. “Syempre binantayan kitang matulog eh.” Nakangiting sagot nito sa kanya. Tinitigan niya ito sa mukha. “Gutom ka na ba?” tanong nito. Tumango siya. “Tamang-tama tapos ng magluto si yaya Minerva. Saglit lang at ipaghahanda kita. Dito na lang tayo kumain.” Magpoprotesta sana siya ngunit naisip niyang tama ito. Baka makahalata si Minerva kapag nakita siya. Pinilit niyang bumangon at pumunta ng banyo. Kailangan niyang ayusin ang sarili. Kinakabahan siya. Alam niyang pupuntahan siya ni Cedric ngayon at magpapang-abot ang dalawa. Pa’no kapag nadulas si Andrea? Hindi


niya hahayaang mangyari yun. Mabilis siyang nagtungo sa kama at hinagilap ang cellphone niya. “H-hi.” Bati niya kay Cedric. “Hmm. Miss me?” narinig niyang natawa ito. “Of course. Hmm.. pupunta ka ba dito?”pagtatanong niya. “Yep. Mayang five darating ako.” Aniya. “Ah wag ka na muna kayang pumunta. Nandito kasi si Andrea eh. Mukhang naglalambing. Dito daw siya matutulog ngayon pa’no kasi bihira na lang kaming magkita.” Paliwanag niya. “Ganun ba?” biglang tumamlay ang boses nito. “Sige, ikaw ang bahala.” “Thanks. See you tomorrow.”saad niya dito. Alam niyang nagtampo ito pero hindi niya pwedeng ipagsawalang-bahala ang nalaman ni Andrea. “Okay bye.” “Umh Cedric…” habol niya. “Yes?” “I… I love you so much.” Iyon lang at pinindot na niya ang end botton. Hindi na niya hinintay ang magiging sagot nito sa sinabi niya. Ayaw niyang pilitin nito ang sarili na mahalin siya agad. Natatakot pa rin siya sa kahihinatnan ng sakit niya. Napakuyom ang palad niya. Pagtingin niya sa pinto ay nakita niyang nakatingin sa kanya si Andrea. Nakita niya ang kalungkutan sa mga mata nito pero bahagya lang ay umaliwalas na rin ulit. “The food is ready. Lets eat.” Aniya habang inaayos sa maliit na mesa ang pagkain.


“Hmm. Mukhang masarap ang niluto ni Minerva ahh. Ngayon lang siya nagluto ng sinigang sa miso.” Wika niya habang humihigop ng sabaw. “Ni-request ko talaga kay yaya Minerva yang ulam para makahigop ka ng sabaw. Kailangan mo yan para lumakas ka. Kailangan mo ring kumain ng mga prutas. Bukas ibibili kita, pupunta ako ng supermarket.” Paliwanag nito. “You don’t have to do that.” Pormal na wika niya dito. “I’m supposed to do that.” Naging pormal na din ang anyo nito. “Of course not. Wala namang nagbago Andrea. Ako pa rin ‘to. Kaya wag mo ng ipaalala kung ano ang sakit ko. Ako ang may katawan kaya ako ang nakakaalam ng makabubuti sa’kin.” Katwiran niya dito. Ayaw niyang gawin nitong obligasyon ang pagaalaga sa kanya. Hindi niya matatanggap. May sarili din itong buhay na dapat intindihin. Magiging pabigat lamang siya dito. “Don’t argue with me this time. May kasalanan ka na sa’kin. Inilihim mo ang tungkol sa sakit mo. Ano ba akong klaseng kaibigan? Mas maaalagaan kita. Ano pa’t naging nurse ako kung hindi kita matutulungan.” Wika nito at nilapitan siya. Hinawakan nito ang magkabilang braso niya. “You’re my bestfriend at hindi ako makakapayag na mawala ka. Ikaw ang kalahati ng buhay ko Tiff at hindi ko makakaya kapag nawala ka. Kaya I will do everything in my power to save you.” Madamdaming pahayag nito. Naging maganda rin ang bunga ng pagsunud-sunod nito kay Wilson. Malaki ang pagkagusto nito sa kababata niya. Simula ng ipakilala niya ito kay Wilson ay lihim na nitong sinusundan ang lalaki. Simula sa pagkuha ng kursong Nursing. Pero dahil babaero ang lalaki ay hindi nito mapansin ang kaibigan niya. At noong nakaraang taon ay niligawan siya ng lalaki. Pero pinatigil niya ito dahil tanging kaibigan lang ang turing


niya dito. At bukod doon si Cedric lang talaga ang gusto niya. Hindi na lang siya umimik sa sinabi nito. Ipinagpatuloy na nila ang pagkain. Pagkakain nila napagkasunduan nilang maglakad-lakad sa tabi ng pool. Masaya silang nagkukwentuhan na para bang wala ng bukas. Hindi na nila napansin ang paglipas ng oras. Kung hindi pa nila nasulyapan si Minerva na papalapit sa kanila ay hindi pa sila mananahimik. “Mukhang napasarap ang kwentuhan ninyo.” Aniya at iniabot sa kanya ang cordless phone. “Si Wilson, tinetxt ka daw niya pero hindi ka daw nagrereply.” Aniya at bahagya pang natawa. Napatingin siya kay Andrea. Tumango naman ito.Nag-excuse muna siya para makausap si Wilson. “Hello” “Kumusta ka na?” tanong nito. “Okay naman.” Tipid na sagot niya dito. “I… I got the result. I think I have to see you to tell you personally. I’m here outside your house.” Mahinang wika nito. Kinakabahan siya. Parang alam na niya kung ano ang resulta ng test. Pero hindi siya nagpahalata. “Sira, nandyan ka lang pala sa labas bakit hindi ka pa pumasok dito. Andrea is here. She misses you.” Tudyo niya dito. “Did you tell here?” tanong ulit nito sa kanya. “I don’t have a choice. Nandito siya kanina habang sinusumpong ako.”malungkot na sabi niya dito. “Pumasok ka na. Dito na tayo mag-usap.” Natatawang saad niya. At binalikan si Andrea. Sinabi niya dito ang pagdating ni Wilson.


Maya-maya ay nakita na niya ito. Kita sa mukha nito ang pagiging miserable. Nakalimutan na ata nitong mag-ahit. Siniko niya si Andrea. Ngunit parang hindi man lang nito pinansin ang ginawa niya. Pormal ang mukha nito. “Mukhang nagkakasiyahan ata kayo.” Bungad nito sabay yakap sa kanya. Tumango lang it okay Andrea. “Matagal mo na pa lang alam ang tungkol kay Tiff hindi mo man lang sinabi sa’kin.” Mahina ngunit madiing sita nito kay Wilson. Kumunot naman ang noo nito. “Kahit gusto kong sabihin sa’yo hindi ko pa rin ginawa.” Pormal na sabi naman ni Wilson. “Hmm… about the result Wil,” singit niya sa mga ito. Napatingin naman ito sa direksyon niya. Magkahalong pagkalito at pangamba ang nakikita niya sa mukha nito. “Tiff listen to me.” Simula nito. “Kailangan mong magpaopera sa ibang bansa. Yun na lang ang natitirang solusyon. Mga moderno na ang mga kasangkapan doon, hindi tulad dito sa atin. Maraming dalubhasang mga doctor sa Amerika ang makakatulong sa atin para gumaling ka.” Paliwanag nito. “I… I need the result Wil,” mahinang sabi niya dito. “Tiff, it’s… its malignant. Nasa stage four na ang kaso mo. So we better hurry.” Aniya. Kahit sa simula pa lang ay alam na niya ang magiging resulta ng test hindi pa rin niya napigilang ang manikip ang dibdib. Nararamdaman niya sa sarili na wala na talagang pag-asang gumaling siya. Nakakalungkot nga lang dahil nagsisimula na siyang pahalagahan ni Cedric. Ngayon siya nagsisisi kung bakit ipinagpilitan niya ang sarili dito.


Naging bulag siya sa katotohanan. Ngayon, hindi niya alam kung pa’no siya makikipaghiwalay dito. Naiisip pa lang niya ang pakikipaghiwalay ay nasasaktan na siya. Tuluyan na siyang napahagulhol. “Tiff, kailangan mong magdesisiyon. Kailangan nating magawa ang operasyon. Hindi pwede na basta na lang nating tanggapin ang ganito.” Alo sa kanya ni Andrea. “Pagod na ko. Ayoko na. Itigil na natin ‘to. Please ayoko na. Hindi ko na kaya.” Napakasakit tanggapin pero kailangang imulat na nila ang mga isip sa posibilidad. Siya ang may katawan kaya alam niya kung saan na lang ang kayang tanggapin ng katawan niya. “Tiff, wag kang mawalan ng pag-asa. Marami pang posibilidad na malunasan ang sakit mo. Kailangan mo lang magtiwala sa Diyos.” Pangungumbinse sa kanya ni Wilson. “Gusto ko ng magpahinga.” Putol niya sa iba pang sasabihin ng mga ito at tumalikod na siya. Pagod na siyang umasa. Pagod na siyang pilitin ang sarili sa posibilidad na malunasan pa ang sakit niya. Dirediretso siyang pumasok sa kwarto niya.

“Hindi pwedeng wala tayong gawin sa bagay na ito Wilson. Hindi ako papayag na hanggang dito na lang ang kaya nating gawin.”basag ni Andrea sa katahimikan. Kahit anong paraan gagawin niya mapapayag lang nila itong magpaopera sa ibang bansa. Wala ng iba pang paraan. “Hindi na mahalaga kung saan siya paooperahan. Nangalap na ko ng impormasyon at may nakapagsabi sakin sa may isang ospital sa Amerika ang dalubhasa pagdating sa ganoong kaso. Kailangan na lang natin siyang pilitin.” Aniya habang may isang bagay na nagsusumiksik sa isip niya. Wala ng ibang paraan. Cedric !.


Tahimik silang nagsalo-salo sa hapunan. Bawat isa ay walang balak magsalita. Kahit mas gusto niyang magkulong na lang sa kwarto ay hindi pwede. Makakahalata ang mga katulong lalo na si Minerva. Ayaw niyang mag-alala ito sa kanya. Pagkatapos nilang kumain ay nagtuloy na sila sa terasa. “Alam ko ang iniisip ninyong dalawa.” Basag niya sa katahimikan. Napatingin sa kanya ang dalawa. “Huwag na huwag kayong magkakamaling ibalita sa mga magulang ko ang tungkol sa sakit ko. Lalung-lalo na kay Cedric. Kung pinapahalagahan ninyo ang pagkakaibigan natin igagalang ninyo ang desisyon ko.” Pormal na sabi niya sa mga ito. Napatiim-bagang naman si Wilson sa narinig. Iyon na lang ang naisip niyang solusyon para makumbinse siyang magpagamot. Si Andrea naman ay kitang-kita ang pagtutol sa mukha nito. “At ang tungkol sa suhestyon mong pagpapaopera, pag-iisipan ko muna. Pero sa ngayon gusto ko munang magpahinga.” Wika niya kay Wilson. “Ayokong makahalata sila lalo na si Minerva sa nangyayari sa’kin. Mas hindi ako matatahimik kung lahat kayo pakikitunguhan ko ng ganito. Ayoko ng kinakaawaan ako. Ang hinihiling ko lang sa inyo, kung mamatay man ako ayokong makitang iniiyakan ako ninuman. Gusto kong mamatay ng masaya.” Hinayaan niyang tumulo ang luha niya. Pagkatapos nilang mag-usap ng masinsinan ay nagpaalam na siya sa mga itong magpapahinga na. Ngunit sinabi niya sa mga ito na doon na lamang ang mga ito magpalipas ng gabi. Nahahapong napasandig siya sa dingding pagpasok niya sa kwarto. Alam niyang hindi pabor ang mga ito sa desisyon niya ngunit kailangan na rin ng mga itong paghandaan ang kapalarang ibinigay sa kanya ng Diyos.


Chapter Eight Hindi naman mapakali si Cedric. Kanina ng tawagan siya ni Tiffany ay halata sa boses nito ang katamlayan. At nagulat siya sa sinabi nito. “Nandito kasi si Andrea eh. Mukhang naglalambing. Dito daw siya matutulog ngayon pa’no kasi bihira na lang kaming magkita.” Ang sabi nito. Ibig sabihin hindi si Andrea ang kasama nito kapag wala ito sa bahay. May inililihim sa kanya ang dalaga. Pero ano? At bakit? Hindi niya maitindihan ang sarili. Parang kinakabahan siya. Something is wrong. Hindi niya lang mawari kung ano.

“What? Hindi ninyo alam kung saan siya nagpunta?” gulat na tanong ni Cedric kay Andrea. Pinuntahan niya pa ito sa condo nito ng malaman niya kay Yaya Minerva na wala daw ang alaga nito at halatang magtagal bago ito bumalik dahil marami daw nabawas sa mga damit nito sa closet. “I told you Cedric, hindi ko alam. Kanina ko pa nga siya kinokontak pero nakapatay ang cellphone niya.” Nababahalang sagot nito sa kanya. “Tinawagan ko na rin si Wilson, nagbabakasakali akong pinuntahan siya ni Tiff pero hindi daw nagpunta sa kanya. Parating na siya dito.” Dagdag pa nito. “Damn! Ano bang nangyayari sa kaibigan mo Andrea?” galit na baling niya dito. “Talaga bang wala siyang pakialam sa mga taong nag-aalala sa kanya?” “Don’t say that. Nagkataon lang na malaki ang problema niya kaya nangyayari ito” aniya at natutop ang bibig. Napayuko ito ng tinitigan niya. “What do you mean?” tanong niya dito.


“Wa-wala, don’t mind me.” Nauutal sa wika nito. “Spell it out Andrea. Anong malaking problema?” pangungulit niya rito. Sabi na nga ba at may problema ito at masakit para sa kanya at isipin na hindi nito masabi sa kanya ang tungkol doon. “Im not supposed to talk to you about it.” tanggi pa rin nito. “Damn. Believe it or not hindi mo magugustuhan kung ano ang gagawin ko kapag hindi ka nagsalita.” Banta niya rito. Kita sa mukha nito ang pagkatakot. Napahagulhol na ito. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang itsura niya. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Nakailang beses siyang napailing. Nanlulumong napaupo siya sahig. Hindi niya kinaya ang bombing isiniwalat nito. Nakita niyang umibis ng sasakyan si Wilson. Nagmamadali itong lumapit sa kanila. Sinalubong niya ito at sinuntok. “Damn you son of a bicth! Itinuring kitang higit pa sa kaibigan pero ito pa ang igaganti mo. Why didn’t you tell me you bastard!” galit na galit siya. Kung hindi pa siya naawat ni Andrea ay nagpambuno na sila nito. Tumayo ito at pinunasan ang dugo sa labi. “Why do I have to tell you? Wala ka namang pakialam sa kanya di ba? “P—ina mo gago! Girlfriend ko siya kaya may pakialam ako sa kanya.” nanggagalaiti na siya sa galit. Maya-maya ay napasandal siya sa pasimano. Sinapo niya ang kanyang ulo at hindi na napigilan ang iyak. “This can’t be happening. Oh God. No!” nilapitan siya ni Andrea. “Kailangan na’tin magpakatatag Cedric. Hindi gugustuhin ni Tiffany na maapektuhan tayo ng ganito. Kaya ayaw niyang sabihin sa’yo dahil ayaw ka niyang mag-


alala. Ayaw niyang kaawaan mo siya.” Paliwanag nito. “Kailangan natin siyang mahanap before its too late.” Dagdag pa nito. “Naghire na ako ng private detectives para maghanap sa kanya. Pinapatingnan ko na rin ang NAIA baka nakalabas na siya ng bansa.” Sabi naman ni Wilson. Tahimik lang siya habang nakikinig sa mga ito. Hindi siya makapag-isip. Hanggang ngayon ay shocked pa rin siya. “Isa lang ang hinihiling ko sa’yo Cedric. Be strong. Kailangan mapapayag natin siyang magpagamot sa ibang bansa sa lalong madaling panahon.” Pormal na wika nito at saka may kinausap sa cellphone. Nakalma na rin niya ang sarili at sinimulan na rin niyang kontakin ang mga posibling makatulong sa kanila para mahanap ang dalaga. Maya-maya ay nagpaalam na siya sa mga ito. Mas gusto niyang kumilos ng mag-isa. Hindi niya magagawang tumunganga na lang at maghintay. Nag-ikot-ikot siya sa mga lugar na pinupuntahan nilang dalawa. Pinuntahan na rin niya ang lugar ng batang si Tanya ngunit nagulat siya ng malaman na lumipat na pala ang mga ito ng tirahan noong nakaraang buwan pa. Minabuti na lang niyang umuwi na muna. Pero ipinangako niya sa sarili na hindi siya titigil hanggat hindi nakikta ang dalaga. He was so unfair to her. Nagawa niya itong tikisin sa mahabang panahon ngunit hindi pa rin siya nito binitawan. Kahit harap-harapan na niya itong sinasaktan ay minahal pa rin siya nito. Alam niya at nararamdaman niya kung gaanong hirap ang dinanas nito. Pero manhid siya. Hindi niya ito pinahalagahan noon. Hindi niya alam sa loob pala ng masayahin at punung-puno ng kulay na buhay nito ay may isang bagay itong itinatago. Naalala pa niya ang sinabi nito noon.


“Maybe your right. Lahat nga ng gusto ko nakukuha ko. At may isa nga akong bagay na hindi ko makuha-kuha kahit kailan. Kahit nga ng perang pinaghihirapan ng magulang ko ay hindi sapat para makuha ko yun.”

Tinungga niya ang laman ng baso niya. Hindi niya alam kung ilang beses na siyang nagsalin ng alak. Hindi pa nakuntento tinungga na niya ito. Napayukyok na siya sa mesa. He really have to find her kung hindi ay mababaliw na siya. Dahi sa kalasingan ay hindi na niya nagawa pang pumasok sa kwarto niya. Sa sopa na siya nakatulog.

“Wala pa ring balita kung nasaan siya.” Bungad sa kanya ni Andrea. Napagusapan nilang sa bahay na lang ni Tiff magkita-kita. Nakita niya si Yaya Minerva na mukhang ng papakapormal sa pakikiharap sa kanila ngunit alam niyang naghihintay lamang ito na may maglakas ng loob na magsabi dito kung ano ang talagang nangyayari. Nagulat pa si Andrea ng makita ang itsura niya. “Ano bang balak mong gawin sa buhay mo? Akala mo ba ikatutuwa niya kapag nakita ka niyang ganyan.” Halos nangingitim ang gilid ng mga mata niya dahil sa puyat. Hindi na rin niya magawang mag-ahit man lang. Nangangayayat na rin siya dahil sa pag-iisip kung paano niya makikita si Tiffany. Halos haluglugin na niya ang buong kamaynilaan pero hindi talaga niya ito Makita. Matinik itong magtago. “Don’t tell me what to do Andrea. Kung sinabi ninyo ito sa’kin ng mas maaga hindi tayo aabot sa ganito.” Paninisi niya sa mga ito. Naroon na rin si Wilson at may kausap sa telepono.


“Wag na tayong magsisihan pa Cedric. Hindi namin ginustong maglihim sa’yo.” Katwiran naman nito. Damn! Napapamura siya sa sarili. “Siguro dapat na nating ipaalam kay yaya Minerva ang totoong nangyayari. She has the right to know. Higit kanino man siya ang dapat makaalam ng bagay nito.” Pahayag nito. “At kailangan na rin nating ipaalam kanila Tita Azon at Tito Rupert ang bagay na ito.” Aniya na ang tinutukoy ay ang mga magulang ni Tiffany. Tulad ng inaasahan gulat na gulat si Minerva ng sabihin nila ang tungkol sa sakit ng alaga nito. Hindi ito makapagsalita kaya dinaluhan ito ni Andrea at pinainom ng gamot. Maya-maya naman ay nakalma ito. “Napakabata pa niya para maranasan ang ganitong uri ng sakit. Diyos ko, tulungan niyo ang alaga ko. Tibayin ninyo po ang loob niya.” Dasal nito. “Kailangan na nating ipaalam sa mga magulang niya ang nangyari. Hindi pwedeng ilihim sa kanila ang nangyayari sa kaisa-isa nilang anak.” Baling nito sa kanila. “Opo, kailangan na nilang malaman bago mahuli ang lahat.” Tanging nasambit ni Andrea. “May nakuha ng link ang mga private detective na kausap ko.” Pagbibigay impormasyon ni Wilson sa kanila. “Tiff maybe somewhere in Palawan now.” Dagdag pa nito. Tumayo na siya para maasikaso na niya ang nalalapit na pagpunta sa Palawan. Ngunit pinigilan siya nito. “May doktor ng tumingin sa kanya galing sa ibang bansa. Isa sa mga turista ng resort. I think pumayag na siyang magpaopera.” Pormal na wika nito. “Mabuti naman.” Tipid na sagot niya at tumalikod na sa mga ito. “Aayusin ko lang ang private chopper para makabyahe na ngayon. Kung gusto ninyong sumama sumunod na kayo sa’kin.” Dagdag niya pa.


“Cedric” tawag sa kanya ni Wilson. “What?” nakakunot-noong tanong niya dito. “Gusto ko lang ipaalam na may tendency na hindi na siya makasurvive sa operasyon. Hindi na kaya ng katawan niya.” Malungkot na pagbabalita nito. “Hindi ka Diyos para malaman ang totoong mangyayari. She’ll survive whatever happen. Hindi ako mawawalan ng pag-asa.” Sabi niya ditto at tuluyan ng lumabas ng bahay. Tulad ng napagkasunduan ay naglong-distance sila para ipaalam sa mga magulang ni Tiffany ang tungkol sa kalagayan ng anak ng mga ito. Iyak ng iyak ang mama nito at hindi kinaya ang hinagpis na nararamdaman kung kaya nawalan daw ng malay. Ang ama nito na halatang na-shocked din ay tinibayan na lang ang loob para maunawaan ang mga sinabi nila. Kukuha daw ang mga ito ng pinakamaagang flight ng araw na iyon.


Chapter Nine “Okay ka lang ba?” tanong ni James kay Tiffany. Simula ng dumating ang dalaga sa resort mas gusto nitong gamitin ang pinakadulong cottage. Naguguluhan man ay pumayag na siya. Inisip niya na baka gusto lamang nitong mapag-isa at malayo sa ingay. Ngunit nagulat siya ng masaksihan ang pamimilipit nito dahil sa sakit ng ulo. At hindi pangkaraniwang sakit ang nararanasan nito. Umiling ito. Nilapitan niya ito at niyakap. “Gusto ko ng magpahinga James. Salamat sa pag-aalala.” Wika nito at tumalikod na sa kanya. Habang tumatagal ay kinakikitaan na ito ng pagbabago sa pisikal na anyo nito. Marami na itong pasa sa iba’t-ibang parteng katawan nito. Hindi niya mapigilan ang mapaiyak. Tiffany is a very good friend of him. Ito ang tumulong sa kanyang makabangon. Naitayo niya ang Paradise Resort dahil dito. At kung hindi dahil dito ay hindi niya makakatuluyan si Leila, ang asawa niya. Ito lahat ang gumawa ng paraan para maging maayos ang pagsasama nilang mag-asawa. Utang niya lahat kay Tiffany. Pero ngayong ito naman ang nangangailangan ng tulong ay hindi niya ito matulungan. Mayamaya ay narinig niyang tumunog ang cellphone niya. Kailangan siya sa resort. May mga taong naghahanap sa kanya.

Halos madurog ang puso ni Cedric sa nakitang paghihirap ni Tiffany. Matapos nilang makausap ang may-ari ng resort na si James Cristobal na kaibigan pala ni Tiffany ay dali-dali na siyang nagpunta sa pinakadulong cottage. Nakita inya si Tiffany na nasa


loob ng banyo at namimilipit sa sakit at pagsusuka. Dinaluhan niya agad ito at hinimas – himas ang likod nito. “Ce- cedric?” gulat na sambit nito sa pangalan niya. “Anong ginagawa mo dito? Pa’no mo nalaman ang lugar na ito?” sunud-sunod na tanong nito. Napaiyak na ito. “Sshh…” alo niya. “I’m so sorry for not being with you but im here now. I will not let you go anymore.” madamdaming pahayag niya dito. Ngumiti ito at yumakap sa kanya. Binuhat niya ito at dinala sa kama. Kumuha siya ng bimpo para mapunasan ang mukha nito. Awang-awa siya sa dalaga. Nangingitim na ang gilid ng mga mata nito. Marami na rin itong pasa sa katawan. Medyo numipis na rin ang dating makapal na buhok nito. Hindi na niya napigilan ang umiyak. “Don’t cry. Hindi ko kayang makita kang umiiyak. Pasensiya ka na kung hindi ko nasabi sa’yo ang tungkol sa sakit ko. Natatakot ako na baka kaawaan mo lang ako. Mahal na mahal kita at gusto ko makasama ka man lang bago ako mawala.” Malungkot na sabi nito. “Mahal na mahal din kita sweetheart. At hindi ka ako papayag na mawala ka sa’kin. Magpapagamot ka sa ibang bansa. Sasamahan kita. Please, hindi ko kayang mawala ka sa’kin.” Gagawin niya ang lahat para malunasan ang sakit nito. Kahit maubos ang kayamanan niya ay wala siyang pakialam. “Salamat.” Tipid na sagot nito at ipinikit na ang mga mata. Hinalikan niya ito sa noo at mahigpit na niyakap. Maya-maya at bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang mga magulang ng dalaga. “Ang anak ko.” Umiiyak na nilapitan ni Azon ang anak. Kasunod nito ang asawang ni Rupert at maging sina Andrea, Wilson, James at Minerva.


“Hindi ko alam na ganito na ang dinadanas ng anak ko. Mas inintindi namin ang negosyo sa ibang bansa kesa ang makasama ang nag-iisa naming anak. Malaki ang pagkukulang namin sa kanya pero ni minsan ay hindi siya nagtampo at naghinanakit sa’min.” sabi ng ama nito na pilit nagpapakatatag. “Hindi ko matanggap na hanggang dito na lang ang anak ko. Napakamasayahin niya.” Hindi na rin nito napigilan ang pagagos ng luha. “Napakatapang niya para solohin ang ganitong klaseng problema. Hindi ko siya naringgan ng galit sa Diyos dahil ganito ang nagging kapalaran niya.” Sabi naman ni Andrea. Tahimik lamang na tumatangis si Minerva. Pero sa kalooban niya ay hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyayari. Kung isang panaginip lamang ang lahat gusto na niyang magising sa bangungot na dinadanas. Napakabata pa ng alaga niya para mawala sa mundo. Hindi na makayanan ni Cedric ang nakikita sa loob ng silid kaya minabuti na lang niyang lumabas. Lumanghap siya ng hangin para mapigilan ang muling pag-alpas ng mga luha. Ayaw tanggapin ng utak at puso niya ang posibilidad na iwanan na sila nito. Nakausap na niya ang doktor na tumitingin dito at sinabing anumang oras ay bibigay na ang katawan ng dalaga. Hindi pa siya handa, marami pa siyang gustong gawin para dito. “Alam mo bang thirty-five percent ng resort na ito ay pag-aari niya?” tanong ni James na kanina pa pala nakamasid sa kanya. Nagulat siya sa sinabi nito. Hindi siya umimik kaya nagpatuloy ito. “Hindi magiging matagumpay ang resort na ito kung hindi dahil sa tulong at suporta ni Tiffany, kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya. Higit kaninuman siya ang


may higit na karapatan sa resort na ito. Hindi man niya personal na inaasikaso pero utak niya ang dahilan ng pag-unlad nito.” Natawa ito ng bahagya. “Naalala ko pa ang laging inirereklamo niya sa’kin. Ayaw niya daw ang humahawak ng papeles at nakasubsob ang ulo sa opisina. Gusto niya ‘yong malaya siyang gawin ang kahit na anong gusto niya.” Pagkukwento nito. Marami pa itong sinabi sa kanya tungkol sa dalaga. Dati ay pinagdudahan niya ang pagkatao nito dahil sa mga ipinapakita nitong ugali sa lipunan pero nagkamali siya. At ngayon kinakapos na siya sa oras para itama ang maling impresyon niya dito. Napakatanga niya para hindi makita ang totoong Tiffany at napakamanhid niya para hindi mapansin ang pagmamahal nito sa kanya. At ngayong umiibig siya sa dalaga hindi niya alam kung ano ang dapat gawin. Pagpasok niya sa cottage ay nakita niyang gising na ang dalaga at kausap na nito ang mga magulang. Umiiyak pa rin ang mama nito samantalang tahimik lang na nakamasid ang papa nito. Nasa gilid naman si Minerva at tahimik lang na nanonood. Sinulyapan siya ng dalaga at ngumiti ito. Nginitian niya rin ito at dahan-dahang lumapit sa mga ito. Mukhang nakahalata naman ang mga ito at iniwan na muna sila. Halos walang gustong magsalita sa kanilang dalawa. Parehas silang nagpapakiramdaman. Maya-maya ay hinawakan niya ang kaliwang kamay nito at pinisil. “Gusto mo bang mamasyal tayo mamaya?” malambing na tanong niya sa dalaga. Ngumiti naman ito at tumango. “Good. Nakita kong maganda ang resort lalung-lalo na ang dalampasigan. Kung alam ko lang na ganito kaganda dito ay matagal na sana akong nagbakasyon dito. Hmp. Alam mo pala ang tungkol sa lugar na ito pero hindi mo man lang sinabi sa’kin.”


Pagtatampo niya dito. Bahagya naman itong natawa sa inakto niya. Bumangon ito at tinulungan niyang isandal sa headrest. Alam ni Tiffany na pinipilit lamang ni Cedric na maging masaya sa harap niya pero alam niyang nahihirapan ito. Hindi niya mapigilang magalit sa sarili dahil ipinagpilitan niya pa ang sarili sa lalaki. Ang gusto niya lang ay maging masaya kasama ang lalaking pinakamamahal niya pero hindi niya naisip na may damdamin din ito na maaaring masaktan. Alam niya na anumang oras ay iiwanan na niya ito. Nararamdaman na niya ang panghihina ng kanyang katawan. Ang tanging hinihiling lang niya sa Panginoon ay makatagpo ito ng panibagong pagmamahal sa ibang babae.

“Napakaganda mo bestfriend.” Humahangang wika ni Andrea kay Tiffany. She was wearing a very seductive above the knee dress. Kulay pink iyon na may ribbon pa sa likod. Sabi nga ng kanyang mama ay para daw siyang teenager. Alam niyang pinasasaya lamang siya ng mga ito pero ng tingnan niya ang itsura sa salaman ay napangiti siya. Hindi naman pala halata sa itsura niya ang pamumutla. Dahil siguro sa make-up na inilagay ni Andrea sa mukha niya. Nakita niya si Minerva na tahimik pa rin simula ng dumating ang mga ito. Nilapitan niya it o at niyakap. Gumanti rin ito ng yakap sa kanya. “Masaya na ako sa buhay na ipinagkaloob sa’kin ng Diyos Minerva, dahil nakasama ko kayong lahat. Nagpapasalamat ako dahil naging bahagi ka ng buhay ko at hindi mo ako iniwan. Salamat sa pag-aalaga mo sakin.” Masayang wika niya dito. Naroon na ang kapayaan sa dibdib niya. “Anak, nandiyan na si Cedric.” Tawag sa kanya ng mama niya.


“Opo lalabas na po ako.” Sagot niya. Inalalayan siya ni Minerva na lumabas ng cottage. Nakita niyang nakangiti sa kanya ang lahat. Naroon si Wilson na hindi rin siya iniwan kahit anong mangyari. Ngumiti ito sa kanya. Nakita niyangkatabi nito ang bestfriend niya. Mukhang dininig rin ng Diyos ang hiling nito. Gusto niyang magkatuluyan ang dalawa. Pagbaling niya sa may pinto ay nakita niya si Cedric na nakatayo. Napakagwapo nito sa suot. Lumapit siya ditto at hinalikan siya sa noo.Iniabot nito sa kanya ang palad nito. Nagpaalam na sila sa mga ito.


Chapter Ten Dahil ala-sais pa lang ng hapon, naisipan muna nilang maglakad-lakad sa dalampasigan. Masarap ang hanging dumadampi sa mukha ni Tiffany. Lumingon siya kay Cedric. Tahimik lamang ito at nakatingin sa unahan nila. Napabuntong-hininga siya. Siguro kung bibigyan lamang siya ng Diyos ng pagkakataon makahiling, hihilingin niya n asana ay maging maligaya ito kahit wala na siya. Hihilingin niya na sana ay makatagpo ito ng panibagong pag-ibig. She wants the best for him. Kahit sa maikling panahon lamang niya nakasama ito bilang nobyo masaya siya na naging parte siya ng buhay nito. Kung maibabalik lang sana ang panahon, sisiguruhin niyang bawat araw, oras at segundo ng buhay niya ay ilalaan niya dito para maipakita niya ang pagmamahal niya. If only she has given a chance to be with him forever. But she has to face the reality that not every story has a happy ending, definitely not for her. Magkahawak kamay silang pumasok sa restaurant. Isa rin ito sa dinadayo sa resort nila. Napakaganda ng ambience doon dahil sa glass window nito at nasa gilid ng karagatan. Kita doon ang papalubog na araw. Nakita niyang may tumutugtog sa entablado. Mga banda ito na galing pa sa Maynila. Iginiya siya ni Cedric sa ipinareserve nitong mesa. Nasa dulo iyon ng restaurant ngunit kitang kita doon ang naggagandahan at naglalakihang mga ilaw sa labas. Ang resort ay nasa pinakagitna ng isla kung kaya namumukod-tangi ito sa lahat. Habang hinihintay nila ang inorder na pagkain iniikot niya ang mga paningin sa mga tao sa loob ng restaurant at biglang napadako ang paningin niya sa stage. They acknowledged her presence. Dumako naman ang paningin ng lahat sa


kanya. Ngumiti siya at nagpasalamat. Tumingin siya kay Cedric at nginitian niya rin ito. Hindi niya maintindihan kung bakit napakatahimik nito. Na para bang napakalalim ng iniisip nito. Hanggat maibigay ang order nila ay hindi pa rin ito nagsasalita. “Stay here sweetheart. I’ll be back.” Maya-maya ay nakangiting wika nito. Naglakad ito papunta sa gitna. Nagulat pa siya ng pumanhik ito ng stage. “Ladies and gentlemen, may I have your attention please.” Bungad nito at iniikot ang mga paningin sa mga tao. Lahat naman ng mga paningin ay natuon dito. “I want every one of you to know that for the first time in my life I feel so blessed being with the person who teaches me how to love. She shows me what life is full of. I never taught that for a short period of time I felt that I’m complete. I think im a different person now because of her. She’s everything to me. Thank you so much for loving me in times of my difficulties and being unpleasant to you. I love you so much. I want to dedicate this song for you sweetheart.” Aniya at tumingin sa kanya. Punung-puno ito ng emosyon. Lahat ng tao ay napatingin sa gawi niya. Nagsimula naman itong kumanta. Thank you for teaching me how to love Showing me what the world means What I've been dreamin' of And now I know, there is nothing that I could not do Thanks to You

Pumalakpak agad ang mga ito sa pagsisimula nito. Maganda ang boses nito. Boses na naghahatid sa kanya ng ibang pakiramdam. Mahal siya niCedric, iyon ang nagsusumiksik sa utak niya. Napaiyak agad siya. At sa isip niya sinasabayan niya ito sa pag-awit.


For teaching me how to feel Showing me my emotions Letting me know what's real From what is not What I've got is more that I'd ever hoped for And a lot of what I hope for is Thanks to you No mountain, no valley No time, no space No heartache, no heartbreak No fall from grace Can't stop me from believing That my love will pull me through Thanks to You There's no mountain, no valley No time, no space No heartache, no heartbreak No fall from grace Can't stop me from believing That my love will see me through Thanks to You Thanks to You For teaching me how to live Putting things in perspective Teaching me how to give And how to take No mistake We were put here together And if I breakdown Forgive me but it's true That I'm aching with the love I feel inside Thanks to You Thanks to you

Halos maghiyawan ang lahat pagkatapos nitong kumanta. Samo’t saring emosyon ang pumaloob sa kanya. Hindi siya makapaniwala na ang isang Cedric Alvarez ay naglakas ng loob na kumanta sa harap ng publiko para sa kanya. Itinaas nito ang kanang kamay, tumahimik naman ang mga tao at hinintay itong magsalita. Tumingin ito sa kanya at ngumiti.


“I just want to take this opportunity to ask this very important question Tiffany, will you marry me?” tanong nito. Halos lahat ng taong naroon ay hindi humihinga sa paghihintay ng sagot niya. Hindi na niya naiwasan pa ang mga luha na kanina pa niya pinipigilan. Tumango siya dito sabay tayo para puntahan ito. Lumapit na rin ito sa kanya. At lahat ng taong nasa paligid nila ay naging saksi ng kanilang pagmamahalan.

Epilogue Nakaramdam ng kahungkagan si Cedric habang naglalakad sa dalampasigan. It has been three years ng huli siyang pumunta ng Palawan. Sa Paradise Resort. Sa lugar kung saan naging isang malaking bahagi ng buhay niya. Dito kung saan nagpakasal sila ni Tiffany. After a couple of days ay naganap ang isang simpleng kasalan sa dalampasigan. Lahat ng tao sa resort ay naging saksi ng kanilang pagpapakasal ngunit dalawang araw pagkatapos niyon ay binawian na ito ng buhay. Pinaghandaan na niya ang araw na iyon ngunit hindi pa rin iyon naging sapat upang palayain ang sarili. Mananatili iyon sa puso at isip niya. At ngayon hindi niya maintindihan kung bakit nagawa pa niyang pumunta sa lugar na iyon. Naroon lahat ang alaala ng kanyang yumaong asawa. Ang mga magulang nito ay minabuti na lang magstay sa Pilipinas dahil sa natuklasang mga negosyo at ariarian ng anak at hindi pwedeng baliwalain. Pinilit din siya ng mga itong ipagpatuloy niya ang nasimulan ni Tiffany. Ang pagkakaroon nito ng partnership ng resort at sa mga kompanyang kinabibilangan nito. Nagulat din si Minerva ng basahin ang testamento ng


alaga nito. Pinamanahan ito ng mahigit limang milyon kapalit ng pag-aalaga nito simula pagkasilang hanggang sa mamatay ito. Nalaman din niya na maganda ang nagging buhay ni Tanya sa piling ng tiyahin nito na pinagkalooban pala ng karampatang halaga para makapagsimula ulit. Pinaghandaan ng kanyang asawa ang lahat bago ito tuluyang namahinga. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa kanya ang lahat. At kahit wala na ito sa piling niya ay nagpapasalamat pa rin siya dahil naging bahagi ito ng kanyang buhay. “Aray no ba?” galit na turan ng isang babae. Hindi niya napansin na nagkabungguan na pala sila. Halatang nagmamadali ang babae. “I’m sorry.” hinging paumanhin niya dito. At akmang aalalayan niya ito ng bigla nitong tinabig ang kamay niya. “Pwede ba, kung balak mong maglakad sa ilalim ng buwan make sure na gabi mo yun gawin.” Mataray na sabi nito. “Look Miss, hindi ko kasalan kung nagkabungguan tayo. It’s your fault.” Galit na sabi niya dito. “My fault? Pwede ba kung wala ka sa sarili mo, magstay ka na lang sa isang lugar or much better pumunta ka sa ospital. Baka nawalan ka na ng isang turnilyo ay hindi mo pa alam. Hindi yung para kang tangang naglalakad at hindi alam ang pupuntahan mo. “Young lady, you’re talking too much. I don’t have time to argue with you so get lost.” Umiigting na ang pasensiya niya sa babaeng kaharap. “Same to you. Tumabi tabi ka nga riyan. Don’t tell me papasok ka sa comfort room ng mga babae. Mahiya ka naman.” Nakangising sabi nito. At saka lang niya napansin na pinagtitinginan na sila ng mga babae roon. Mukhang nagkamali nga siya ng destinasyon. Dahil sa maraming iniisip ay hindi niya namalayang dinala siya ng mga paa


sa lugar na iyon. Akmang magsasalita siya sa babaeng mataray ngunit pumasok na ito sa comfort room. Naiiling na umalis na lang siya. Something from his mind saying na gaganti siya sa mataray na babae dahil sa pagpapahiya nito sa kanya.

----WAKAS----


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.